Issue Number 2
FilJap The Filipino-Japanese Community Magazine
May - June 2012
Free
M A G A Z I N E
Tokyo
Sky Tree
Towering Over the Rest
ADVERTISE WITH US
To learn more about advertising with FilJap Magazine, please contact us!
Call 03-6903-2100
Contents FEATURES
4 6 8 10 11 12 17
May - June 2012
In Focus
The Unfolding of the Corona Impeachment Trial Philippine Adventures
Summer in Boracay Cover Story
Tokyo Sky Tree Embassy News
Filcom Watch Travel Japan
Kamakura: The Kyoto of Eastern Japan Food & Cravings
Top 10 Pinoy Street Food
ENTERTAINMENT
14 15 18
TIPS
16
Showbiz Bits Spotlight
Laugh Trips with Eugene Domingo Zodiacs & Trivia
Health & Beauty
Running: A Healthy Habit
Editor’s Note
K
ami po sa FilJap Magazine ay lubos na nagagalak sa inyong mainit na pagtanggap sa aming maiden issue na lumabas noong unang linggo ng Marso. At ngayon, para sa aming ikalawang issue, handog namin ay mga artikulong tiyak na kagigiliwan at kapupulutan ninyo ng impormasyon, aming mahal na mambabasa. Para sa aming Cover Story (p. 8), tunghayan ang nakakamanghang istruktura ng Tokyo Sky Tree na magbubukas na sa publiko sa darating na Mayo 22. Pasyalan ang makasaysayang lugar ng Kamakura sa aming Travel Japan (p. 12) na mainam na puntahan ngayong Golden Week. Siyempre pa, it’s more fun in the Philippines lalo na’t kung sa Boracay ang iyong destinasyon na itinuturing na panganim sa pinakamagandang beach sa buong mundo (p. 6). Hindi rin dapat palampasin ang aming Top 10 Pinoy street food feature na paborito ng lahat (p. 17). Ma-inspire sa success story ng komedyanteng si Eugene Domingo na kamakailan lamang ay itinanghal na People’s Choice Best Actress sa 6th Asian Film Awards, tunay na Pinoy pride (p.15). Alamin din ang puno’t dulo ng impeachment case na inihain laban kay Chief Justice Renato Corona sa aming In Focus (p. 4). Nariyan din siyempre ang aming health at beauty tips, horoscope, trivia at showbiz balita. Muli po ay hangad namin na kayo’y magalak sa edisyon na ito ng FilJap Magazine.
Happy reading!
FilJap M A G A Z I N E
Publisher: Yonei Toshikazu Editor-in-Chief: Florenda Corpuz Associate Editor: Nel Salvador Contributors / Photographers: Din Eugenio (Tokyo) Oliver Corpuz (Manila) Advertising Executive: Masashi Kan Judith Takahashi Distribution Executive: Genie Omata Layout Artist: VerJube Photographics 3-35-21-409 Shinden Adachi-ku 123-0865 Tokyo, Japan Telephone: 03-6903-2100 Fax: 03-6903-2101 E-mail: filjapmagazine@yahoo.com FilJap Magazine is published by FilJap Consulting. All rights reserved. No part of this magazine may be reproduced in any manner without the permission of the publisher. FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
3
IN FOCUS
The Unfolding of the Corona Impeachment Trial Sinusubaybayan na parang isang teleserye ang nagaganap na impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona simula nitong Enero. Disyembre 2011 nang makakalap ng 188 lagda mula sa kamara para maihain ang impeachment case laban sa punong mahistrado ng Korte Suprema dahil sa bintang na graft and corruption at betrayal of public trust. committee; • granting a temporary restraining order in favor of former President Arroyo; and • failure and refusal to account for the Judicial Development Fund and special allowance for the judiciary collections. Sa impeachment proceedings, nabunyag ang milyunmilyong ari-arian ni Corona at ng kanyang asawang si Cristina. Isa sa pinag-usapan ay ang pagbili umano ng mag-asawang Corona ng P14.5 million na condominium unit sa Bellagio I sa Fort Bonifacio, Taguig City. Bukod dito, inaakusahan ng 11man prosecution panel na pinapangunahan ni Rep. Niel Tupas si Corona na mayroon itong 45 properties na nakakapagtaka umano dahil hindi naman ganoon kalaki ang sweldo ng mahistrado. Depensa naman ng panig ni Corona na pinapangunahan naman ni Serafin Cuevas (dating chief justice) na kaya nilang patunayang walang kasalanan ang punong mahistrado sa mga bintang ng prosekusyon. Sa katunayan umano ay sa 45 ari-arian na binanggit ay lima lamang dito ang kay Corona.
K
inakailangan kasi ng 1/3 na lagda ng mga kongresista, 95 na pirma mula sa kabuuang bilang na 284, para maiakyat sa senado ang kaso laban kay Corona. Kinakaharap ni Corona, isang midnight appointee ng dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo, ang eight articles of impeachment: • partiality and subservience in cases involving the Arroyo administration; • failure to disclose to the public his statement of assets, liabilities and net worth (SALN); • issuance of flip-flopping decisions in final and executory cases, the appointment of his wife to a public office, and discussing pending cases in the SC with litigants; • issuance of the “status quo ante” order against the House of Representatives in the case concerning the impeachment of Ombudsman Merceditas Gutierrez; • his vote in the decision in favor of gerrymandering in the cases involving 16 newly-created cities, and the promotion of Dinagat Island into a province; • improper creation of the SC ethics
4
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
Sa ngayon, patuloy ang pagdinig sa kaso sa senado kung saan ang 24 senador ang tumatayong presiding judges. Ilang saksi na ang humarap para sa dalawang panig at sa huli ay tanging mga senador ang maghuhusga sa kalalabasan ng impeachment trial na ito na buong-buong napapanood ng publiko sa telebisyon. Katulad ng isang teleserye, may lumalabas na bida, kontrabida, may tensiyon at drama sa impeachment trial na ito ngunit hangad ng mga Pilipino na matapos ito na ang nangingibabaw ay katotohanan.
Want a copy of FilJap Magazine? Visit these stores and grab one now!
We are inviting store and restaurant owners to be our partners in distributing FilJap Magazine.
Call us at 03-6903-2100 for details.
1.
CM Bio Care Tokyo-to, Edogawa-ku, Higashi Kasai 1-chome 43-1-403 Tel: 03-5605-5279 Mobile: 090-5498-8856
2. Little Divisoria Sari-Sari Store Gunma-ken, Isesaki-shi, Chuo-cho 11-4 Tel: 0270-23-2771 Mobile: 080-3517-9058 3. Pinoy Store Aichi-ken, Konan-shi, Maehibo-cho, Teramachi 232 Tel: 0587-81-5341 4. Libis ng Nayon Ibaraki-ken, Chiuse-shi, Fujigaya 2716-1 Tel: 0296-37-1016 Mobile: 090-5784-0556 5. Siete-Siete Aichi-ken, Kita-Nagoya-shi, Kujino Kitaura 22 Tel: 0568-24-3708
6.
Donna Tokyo-to, Nakano-ku, Nakano 5-52-15, Nakano Broadway B1 Tel: 03-5380-9377
7. CY Fashion Yamanashi-ken, Kofu-shi, Satoyoshi 1-6-8 Joyfull Apex A-8 Tel: 055-267-6081 Mobile: 080-4144-2616 / 090-9000-2616 8. E-Mart Sari-Sari Store Tokyo-to, Kita-ku, Higashi-Jujo 4-4-9 Tel: 03-3914-7679 9.
Karitela Chiba-ken, Matsudo-shi, Minoridai 127-1-203 Tel. 047-308-6535 Mobile: 090-3145-8313
10. Global General Merchandising Kyoto-fu, Maizuru-shi, Enmanji 162-1 Tel. 0773-75-8186 / 0773-76-0712
11.
Prego Restaurant Gifu-ken, Gifu-shi, Yanagase-doori 5-15 Fuwa Bldg. 1F Tel: 0582-63-2660 Mobile: 090-2778-4558
12.
Kabayan Sari-Sari Store Tokyo-to, Adachi-ku, Nishi Takenotsuka 2-1-29 Tel. 03-3890-0068
13.
Kuya Ed Gifu-ken, Kani-shi, Dota 5047-3 Tel. 0574-26-9989 Mobile: 080-5028-0431
14. Money Food Store Tokyo-to, Adachi-ku, Takenotsuka 1-30-7 Tel. 03-3858-4220 / 03-3850-0380 15. Palooza International Market Aichi-ken, Nagoya-shi, Atsuta-ku, Hataya 2-8-13 Tel. 052-682-5770
n i r e m m Su
S
y a c a Bor
a katunayan, itinanghal ito na ika-anim sa pinakamagandang beach sa buong mundo at pinakamaganda sa buong Asya sa inilabas na 2012 Traveler's Choice of Award Winning Beach Destinations na ginawa ng TripAdvisor.com. Ayon sa naturang website, kahit na maliit lamang ang isla ay hindi matatawaran ang magagandang beaches na matatagpuan dito tulad ng White Beach, Yapak Beach at Balingahi Beach. “At only 4.5 miles long, Boracay is small enough to navigate by rented bicycle or motorbike. But don't let its small size fool you—you'll have several excellent beaches to choose from. Yapak Beach is known for beautiful white shells; White Beach has picture-perfect sunsets; and Balinghai Beach is a secluded spot, perfect for honeymooners. As long as you visit during dry season, you'll agree this is one of the best beach destinations in the world,” pahayag ng TripAdvisor. Things to Do: Bukod sa pagbababad sa magandang beach ay marami rin pwedeng gawin sa isla. Isa na rito ay ang island-hopping
Photos by Ritz Pearl Armea
PHILIPPINE ADVENTURES
para makita ang iba pang magagandang beaches sa isla. Nagkalat din ang water sports na maaaring pagkaabalahan tulad ng windsurfing, kite surfing, jet skiing, kayaking, diving, parasailing, at banana boat riding. Buhay na buhay pa rin ang Boracay kahit gabi dahil sa mga bukas na bars at kung saan pwede kang magrelax, mag-unwind o maki-party at makihalubilo sa iba’t ibang tao. Pwede rin gumawa ng sariling bonfire o kaya ay manood ng pagtatanghal ng fire dancers. Kadalasan ay marami rin events na ginaganap sa lugar tulad ng fashion shows, beach volleyball tournament, beauty contests at iba pang sports competitions. Hindi rin mawawalan ng mga lugar na pwedeng kainan dahil sa dami ng restaurants na pwedeng pagpilian at nag-o-offer ng iba’t ibang cuisines. Dahil sa tag-init na panahon, paborito sa lugar ang iba’t ibang klase ng fruit shakes at samalamig. Marami rin tindahan sa paligid ng isla kung saan pwedeng mamili ng accessories, pampasalubong sa pamilya at mga kaibigan, mga pagkain, magpa-tattoo, magpa-braid ng buhok at iba pa. Mayroon din ditong tinatawag na “D’Mall” kung saan pwedeng mamili ng ilang mga pangangailangan at mga produktong gawa sa lugar.
Summer na summer na sa Pilipinas at kapag ito na ang panahon sa bansa ay walang bukambibig ang mga Pilipino kundi ang Boracay na kinikilalang isa sa pinakamagandang beach sa buong mundo. Hindi lamang ang mga Pilipino ang nabibighani ng Boracay kundi ang maraming dayuhan na talagang sinasadya ang paraisong ito na matatagpuan sa probinsiya ng Aklan. 6
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
Where to Stay: Maraming pwedeng tuluyan sa Boracay dahil humigit-kumulang sa 200 hotels ang naririto. Depende sa inyong budget kung saan kayo maaaring tumuloy. Para sa malalaki ang budget, paboritong tuluyan ang Discovery Shores, Boracay Regency at Shangri-La Boracay Resort and Spa. Nariyan din ang iba pang hotels tulad ng La Carmela de Boracay, Friday’s Boracay, Astoria Boracay, The Palms Boracay at marami pang iba.
Bago pumunta sa lugar ay maraming Internet sites ang pwedeng puntahan para malaman kung saan magandang tumuloy habang nagbabakasyon sa Boracay. Getting There: Pinakamadaling paraan ng transportasyon ay sa pamamagitan ng eroplano. Mga biyaheng papunta sa Kalibo o Caticlan ang maaaring sakyan. Paglapag sa Caticlan Airport o Kalibo International Airport ay kailangang
sumakay sa tricycle, taxi, bus o van patungo sa Caticlan Jetty Port kung saan kailangan sumakay ng bangka patungo sa Boracay. Ang isa pang paraan ay ang pagsakay sa RoRo (roll-on, roll-off) vessel sa Batangas port papunta sa Calapan, Mindoro at pagkatapos ay bumiyahe papuntang Roxas Port. Pagdating sa Roxas Port ay sumakay ulit ng RoRo vessel papuntang Caticlan, pagkatapos ay isang ferry papuntang Jetty Port at isa pang ferry papuntang Boracay.
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
7
Tokyo Sky Tree:
Towering Over the Rest Towering high in the Narihirabashi/Oshiage area of Sumida Ward in Tokyo, the much awaited debut of the Tokyo Sky Tree is finally set on May 22, two months late due to the earthquake and tsunami that struck Japan last year.
C
ompleted on February 29 by the Tobu Railway, in partnership with NHK and five other commercial stations, the Tokyo Sky Tree is now officially considered as the tallest free-standing tower in the world with a height of 634 meters; and the second tallest structure in the world, after the Burj Khalifa in Dubai. Its construction costs ¥65 billion. Dubbed as the “White Tower”, the entire body of the Tokyo Sky Tree is coated with white paint and the lightest shade of indigo dye, which symbolizes the pride of the locality. The tower will be lit up by a new style of lighting called “iki” and “miyabi” designed to enhance the beauty of the tower by integrating together the parts that are illuminated and the parts that are not. It also has television antennae on its top. The Tokyo Sky Tree will provide digital radio and television transmission services since the analog broadcasting in Japan has already ended in July 2011. Apart from becoming the digital broadcast transmitter of most stations in the country, Tokyo Sky Tree’s very own town is also expected to draw local and foreign tourists, whose numbers have decreased in the aftermath of the twin disasters and the nuclear crisis it sparked. The Tokyo Sky Tree Town houses several attractions including two observatories – one at 350 meters above the ground and another at 450 meters above the ground. These observation decks provide a breathtaking view of the whole Kanto area. Furthermore, there are shops, restaurants, cafes, theaters, museums and aquariums for the enjoyment of the visitors. The Tokyo Sky Tree is also equipped with disaster prevention features. Simulations have shown that it is able to withstand an 8.0 magnitude earthquake.
8
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
Photos by Din Eugenio
COVER STORY
5 Ways to Purchase Tickets to Tokyo Sky Tree Observation Deck: 1. Online advance reservation of Tokyo Sky Tree web ticket starts from March 22 (by lottery). A credit card issued in Japan is required for online reservation. 2. Advance purchase may be made at Tobu Travel Box Office from March 22 (by lottery). 3. Tickets from May 22 to July 10 are by advance reservation only. No day tickets will be sold during this period. Day tickets will go on sale starting July 11. 4. The Tokyo Sky Tree Group Reservation Center takes reservations for groups of 25 or more. 5. Use travel plans of various travel agencies or accommodation plans offered by Tokyo Sky Tree official hotels/Tokyo Sky Tree friendship hotels. Intended Visit
Application Period
Announcement of Lottery Results
May 22-31 June 1-15 June 16-30 July 1-10
March 22-29 April 1-10 April 16-25 May 1-7
March 30 April 12 April 27 May 9
Getting There:
The Tokyo Sky Tree spans the area between Tokyo Sky Tree Station (formerly known as Narihirabashi Station) on the Tobu Isesaki Line, and Oshiage Station on the Asakusa Subway Line, Hanzomon Subway Line and Keisei Oshiage Line. Alternatively, it is a 20-minute walk across the Sumida River from Asakusa.
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
9
Embassy NEWS
Dinner with Her Imperial
Highness Princess Takamado Ambassador and Mrs. Manuel M. Lopez hosted a dinner in honor of Her Imperial Highness Princess Takamado at the Official Residence of the Philippine Ambassador on February 20. The guests to the dinner included Ambassador and Mrs. Stuart Harold Comberbach of Zimbabwe, Ambassador and Mrs. Seiko Ishikawa of Venezuela,
Magparehistro bilang Overseas Absentee Voter MGA DAPAT TANDAAN KAILAN ANG REGISTRATION PERIOD? Simula 02 November 2011 hanggang 31 October 2012 (Lunes hanggang Biyernes, maliban kung opisyal na holiday) SAAN MAGPAPAREHISTRO? Sa Philippine Embassy sa Tokyo, o kaya ay sa Philippine Consulate General sa Osaka (depende kung saan kayo nakatira sa Japan) ***. Wala pong “Registration by Mail”. Kailangan pong pumunta sa Embassy (personal appearance).
• 10
ANO ANG DAPAT DALHIN? Valid Passport
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
Ambassador Patricia Cardenas of Colombia, Ambassador Saul Arana of Nicaragua, Ambassador and Mrs. Samir Arrour of Morocco, Ambassador and Mrs. Arne Walther of Norway, Ambassador and Mrs. Virasakdi Futrakul of Thailand, Ambassador and Mrs. Luc Liebaut of Belgium and Apostolic Nuncio to Japan Joseph Chennoth.
Mga karagdagang dokumento / papeles: • Kung kayo ay Dual Citizen, dalhin po ang Oath of Allegiance or Order of Approval • Kung kayo ay Seafarer, dalhin po ang Seaman’s Book PARA SA MAY MGA KATANUNGAN Mag-email lamang po sa: oav@philembassy.net Philippine Embassy in Tokyo Akita, Aomori, Chiba, Fukushima, Gunma, Hokkaido, Ibaraki, Iwate, Kanagawa, Miyagi, Nagano, Niigata, Okinawa, Saitama, Shizuoka, Tochigi, Tokyo, Yamagata, and Yamanashi
Philippine Consulate General in Osaka-Kobe Aichi, Ehime, Fukui, Fukuoka, Gifu, Hiroshima, Hyogo, Ishikawa, Kagawa, Kagoshima, Kochi, Kumamoto, Kyoto, Mie, Miyazaki, Nagasaki, Nara, Oita, Okayama, Osaka, Saga, Shiga, Shimane, Tokushima, Tottori, Toyama, Wakayama, and Yamaguchi
Paalala sa lahat ng Aplikante Ang mga hindi nakuhang pasaporte makalipas ang anim (6) na buwan mula sa araw ng pagkakaloob nito ay ipapawalang bisa (cancelled) alinsunod sa utos ng Kagawaran Bilang 37-03.
Filcom watch
Miss Philippines-Japan 2012
Music
Barrage
of 2012
J
oin the “Music Barrage of 2012” (Battle of the Bands), a project of CASTLE YOUTH (Christian Association Serving Traditional Laymen’s Evangelization) for the benefit of Tahanan ni Nanay, a center formed to provide empowerment programs for the Filipino and Japanese-Filipino youth. WHEN: May 13; 1 p.m. WHERE: Muzik Hall Livehouse (Tokyo-to, Sumida-ku, Kotobashi 2-6-12 Barbizon Bldg. B1) WHO CAN JOIN: Open to youth of any nationality For details, please call: Anita Sasaki 0803457-1640
D
Do you have what it takes to be the first Miss Philippines-Japan? If you believe that your beauty is enough to be crowned as the first Miss Philippines-Japan, then take the first BIG step to realizing your DREAM and GRAB this rare chance NOW! A) Qualifications: >> Single (17-25 years old) >> Has Filipino roots, either both parents are Filipino or Filipino-foreigner >> At least 5 feet 6 inches in height, with pleasing personality >> A resident of Japan for at least one (1) year with proper visa and valid documents >> Can speak Tagalog, or any local dialect, but fluency is not necessary >> At least a high school graduate or a senior high school student with good moral character B) Requirements: 1. Original copy of birth certificate authenticated by the NSO, if applicant was born in the Philippines; or original copy of report of birth from the Philippine Embassy, if applicant was born abroad 2. Certified true copy of high school diploma, if applicant graduated high school in the Philippines; or a school certification, if applicant is enrolled in senior high school in Japan 3. Philippine/Japanese passport 4. Close-up and full body photos 5. Written consent from parents, if applicant is 17 years old Applicant must submit the abovementioned requirements together with the filled-up application form during the screening on June 3 at El Dorado Restaurant in Roponggi.
Be Published!
o you have the knack for writing? Do you have something in mind that you want to share? This is your chance to be heard! FilJap Magazine is inviting you, our valued readers, to submit informative, entertaining and interesting articles (must be written in 300-500 words, MS Word format) and photos (should be in high resolution, 100 dpi at the minimum), which are original and never been published in other newspapers or magazines. Announcements of events are also welcome. You can send them to filjapmagazine@yahoo.com.
For more information, please call: Joseph Q. Banal 090-1778-3759; Roy Tan 090-1559-4107; Rose Cadelina 080-33937480; Angie Obara 080-3464-7361 Moreover, the regional competition for Shizuoka area will be held on June 10 at Aicel 21 in Shizuoka City, to be hosted by Philippine NAKAMA Organization. For more details, please call: Ana Teodoro 080-16108818 or Mel Yamashita 090-1786-9624. This event is a project of the Dabawenyos’ Organized Society-Japan, in cooperation with Inter-Produce Co. Ltd. and ABS-CBN Global Japan, supported by the Philippine Embassy Tokyo, Philippine Tourism-Tokyo and Philippine Overseas Labor Office Tokyo, as part of the “Kadayawan sa Tokyo 2012” celebration.
Tokyo-Manila Jazz & Arts Festival 2012 Catch the firstever Tokyo-Manila Jazz & Arts Festival at the Sakura Hall, Shibuya Cultural Center Owada on May 18, 6 p.m. For ticket inquiries, please call: TMJAF 033589-3353
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
11
TRAVEL JAPAN
Kamakura The Kyoto of Eastern Japan
Photos by Din Eugenio
Isa sa pinagmamalaking pasyalan ng Japan ang Kamakura na matatagpuan sa baybayin ng Pacific Ocean sa Kanagawa-ken. Ito ay tinaguriang “The Kyoto of Eastern Japan” dahil sa mga historical shrines, temples at monuments na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista rito.
FAST FACTS: • • • •
12
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
Taong 1192 nang maging political center ng Japan ang Kamakura. Ang Kamakura ay naging kapital ng bansa hanggang 1333. May 65 temples at 19 shrines dito. Mayaman sa kwento ang marine resort ng Kamakura dahil sa mahigit sa isandaan taon nitong kasaysayan.
ATTRACTIONS:
Daibutsu (Tel 0467-22-0703) – May taas na 37 feet (11 meters), ito ang pangalawa sa pinakamataas na pre-modern bronze Buddha sa Japan. Ito ay itinayo noong 1252 sa loob ng Kotoku-in Temple na nasira naman ng malakas na bagyo at tidal waves noong 1495. Hase-dera Temple (Tel 046722-6300) – Ito ay isang Jodo temple na muling isinaayos ni Ashikaga Yoshimasa, ang shogun na siya rin nagtayo ng Ginkaku-ji sa Kyoto. Dito nakalagak ang estatwa ng Kannon na may labing-isang mukha at may taas na 30 feet (9 meters) na siyang pinakamataas na wooden statue sa Japan. Tsurugaoka Hachimangu Shrine (Tel 0467-22-0315) – Ito ang pinakamahalagang shrine sa Kamakura na itinayo ni Minamoto Yoriyoshi noong 1063. Ang shrine na ito ay handog kay Hachiman, ang god of war. Dito’y may museo kung saan makikita ang mga pinakaiingatang espada, maskara at dokumento ng shrine. Higit sa dalawang milyong tao ang bumibisita rito tuwing sasapit ang bagong taon. Kencho-ji Temple (Tel 046722-0981) – Ito ang pinakamatanda at pinakamahalagang Zen temple sa Kamakura na itinayo ni Hojo Tokiyori noong 1253. Zeniarai Benten Shrine – Dito isinasagawa ang coin washing dahil may paniniwala na dodoble ang perang hinuhugasan dito. Beaches – Tuwing sasapit ang panahon ng tag-init ay karaniwan nang puntahan ng mga tao ang Kamakura dahil sa naggagandahang resorts dito. Ilan sa popular na beaches dito ay ang Yuigahama na may habang 3.2 kilometro; ang Inamuragasaki na dinarayo dahil sa napakagandang sunset dito; ang Shichirigahama na popular dahil sa mga dumarayong surfers; ang Zaimokuza dahil sa nakakahalinang tubig nito; at ang Koshigoe kung saan matatanaw ang kaakit-akit na isla ng Enoshima. Isa rin sa pinagmamalaki ng Kamakura ay ang hiking trails nito na maaaring magdala sa’yo sa iba’t ibang travel spots ng lugar. Hindi rin makukumpleto ang pamamasyal dito kung hindi matitikman ang senbei o rice crackers na mabibili sa shopping streets ng ancient capital. Getting There: By JR train, it takes about one hour from Tokyo Station or about 30 minutes from Yokohama Station to Kamakura Station. FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
13
SHOWBIZ BITS Derek Ramsay, Kapatid na!
Sharon Cuneta Excited sa Bagong TV Show
Erich at Mario Maurer Magtatambal sa Pelikula
Kumpirmadong Kapatid star na ang “Universal Leading Man” na si Derek Ramsay matapos itong pumirma ng kontrata sa TV5. “I’m very, very happy and excited. Sabi ko nga kanina, [this is] a new chapter in my life,” pahayag ng dating Kapamilya actor. Isa sa mga programang nakatakdang gawin ni Derek ay ang Amazing Race Philippines. Itinalaga rin siya bilang sports ambassador ng istasyon kung saan siya ang magiging kinatawan ng AKTV sa 2012 London Olympics.
Masayang-masaya ang Megastar na si Sharon Cuneta sa bagong show niya sa TV 5 na may pamagat na “Sharon, Kasama Mo Kapatid”. Ayon sa Megastar, ito ang unang pagkakataon na gumawa siya ng ganitong uri ng programa na kaiba sa nakasanayan niyang musical-variety show na kanyang ginawa sa nakalipas na 30 taon. “I’m proud to say na masaya ako sa Kapatid network,” dagdag pa ng Megastar.
Gumigiling na ang kamera para sa shooting ng pelikulang pagsasamahan nina Erich Gonzales at Thai teen superstar Mario Maurer na kukunan sa Thailand at Ilocos region. Excited si Erich sa proyektong ito at masaya rin siya sa mga biyayang natatanggap lalo na’t kakatapos pa lamang ipalabas ng kanyang pelikulang “Corazon, ang Unang Aswang” na hit sa takilya. Samantala, nakilala sa pelikulang “Crazy Little Thing Called Love”, excited na rin si Mario na maipalabas ang pelikulang pagbibidahan nila ng drama princess.
Gerald Inaming Nanliligaw kay Sarah
‘The Kitchen Musical’ Wagi sa New York Festivals
Inamin na nga ni Gerald Anderson ang kanyang panliligaw sa Pop princess na si Sarah Geronimo sa nakaraang interview sa kanya ni Charlene Gonzales-Muhlach sa programang “The Buzz”. Nagsimula Maituturing na mga bagong raw ang espesyal na damdamin ng FilPinoy pride sina Christian Bautista, Am actor para sa singer-actress noong Karylle, Art Acuna, Thou Reyes at Ikey huling shooting day ng kanilang Canoy matapos maiuwi ng Pan-Asian pelikulang “I Won’t Last a Day Without musical TV series na “The Kitchen You”. Nang tanungin kung ano ang Musical” ang dalawang medalya partikular na nagustuhan niya sa sa nakaraang New York Festivals dalaga, ang naisagot ni Gerald ay International TV and Film Awards. “her being herself”. Matatandaang Tinanggap ng programa ang gold nauna nang nagkasama ang dalawa world medal para sa best writing sa pelikulang “Catch Me… I’m in category at bronze medal naman Love” ng Star Cinema. para sa best performance category. 14 FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
Orihinal na Anchors ng TV Patrol, Nag-reunion
Muling nagkasama-sama sa isang pambihirang pagkakataon ang mga orihinal na anchors ng TV Patrol na sina Noli de Castro, Mel Tiangco at Angelique Lazo kasama ang mga producers ng nasabing news program. Ito ay kasabay ng selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng panggabing newscast. Samantala, patuloy na mapapanood ang TV Patrol gabi-gabi kasama sina Noli de Castro, Ted Failon at Korina Sanchez.
SPOTLIGHT
Mahal na mahal ng publiko si Eugene Domingo. Bakit naman hindi? Bawat pelikula o proyekto na kanyang gawin ay siguradong maghahatid ng labis na kasiyahan at katatawanan sa mga manonood.
LAUGH TRIPS
with Eugene Domingo
D
ahil sa sobrang galing sa pagpapatawa, ilang beses na siyang nakatanggap ng iba’t ibang parangal: Movie Actress of the Year (Kimmy Dora) sa 26th PMPC Star Awards for Movies, Best Actress (Kimmy Dora) in a Comedy or Musical sa 7th Golden Screen Awards, Best Supporting Actress (My House Husband: Ikaw Na!) sa 37th Metro Manila Film Festival. Nito lamang ay naging laman siya ng balita nang tanghalin siyang People’s Choice for Favorite Actress para sa pelikulang “Ang Babae sa Septic Tank” sa 6th Asian Film Awards na katumbas ng “The Oscars” sa Hollywood. Dahil natural na ang pagiging komedyante, napatawa ni Uge, tawag sa kanya ng marami, ang audience sa naturang event na ginanap sa Hong Kong Convention and Exhibition Center kamakailan. Bago kasi magbigay ng acceptance speech ay inilabas nito ang kanyang cell phone para magpakuha kay Andy Lau, sikat na Cantopop singer at aktor sa Hong Kong na nanalo naman ng People’s Choice for Favorite Actor, na ikinatuwa ng audience. “Of course you can wait, okay? I’ve waited for this for 25 years!” Sabi ni Uge at pagkatapos ay pabirong nagpahalik kay Andy na agad namang pinaunlakan ng huli. Biro pa niya sa singer-actor na gumawa sila ng pelikula na nakakuha naman ng positibong reaksyon sa Hong Kong superstar. Higit sa lahat, naging sentro ng acceptance speech ni Eugene ang pagmamalaki nito sa galing ng mga Pilipino sa larangan ng paggawa ng pelikula. Pinakiusapan din niya ang audience na palakpakan ang mga kapwa Pilipino na kinabibilangan ni Shamaine Centenera na nag-uwi ng Best
Supporting Actress para sa pelikulang “Nino” at si Chris Martinez na screenwriter ng “Ang Babae sa Septic Tank”. “This is not for me alone because before becoming an actor, of course, I am first a Filipino. This is for my country, the Philippines. Mabuhay! Salamat!” Pahayag pa ni Uge. Kaliwa’t kanan ang mga papuri, parangal at palakpak na natatanggap ni Uge ngunit gaya ng maraming artista ay hindi naging madali para sa kanya na abutin ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon. Sa katunayan, simula pa noong 90s ay gumaganap na si Uge sa ilang pelikula at teleserye ngunit hindi siya nabibigyan ng atensiyon ng publiko. Nagsimula siyang mapansin nang gumanap siya bilang si Simang sa teleseryeng “Sa Dulo ng Walang Hanggan” na pinagbibidahan ni Claudine Baretto at bilang si Rowena sa pelikulang “Tanging Ina” series kung saan si AiAi delas Alas ang bida. Ngunit, sa pelikulang “Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme” siya nabigyan ng malaking break nang gampanan niya ang title role noong 2009. Box office hit ang comedy film na ito na tumabo ng humigit-kumulang sa P80 milyon kung saan isa sa naging producer ay ang sikat na Kapamilya star na si Piolo Pascual. Simula noon, kinilala na si Uge bilang magaling na comedy actress. Sa patuloy na pagpupunyagi at kababaan ng loob ay nakuha niya ang respeto hindi lamang ng buong industriya ng showbiz kundi pati na rin ng publiko. Tanging hangarin lamang ni Uge ang magpatawa ng tao at ang simpleng pangarap na ito ang nagdala sa kanya sa tugatog ng tagumpay. FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
15
CwitA
Health and beauty
olor ith
Lipstick
Isa sa hilig ng mga kababaihan ay ang paglalagay ng lipstick. Mayroon itong iba’t ibang kulay na pwedeng pagpilian ngunit may mga lipstick shades na angkop tuwing springtime. Ngayong taon, ang classic red, coral, pink at orange ang ilan sa patok na kulay para sa inyong mga labi.
Iba na ang panahon ngayon dahil lalong nagiging conscious ang marami sa kanilang pangangatawan. At dahil dito, marami ang nahuhumaling sa iba’t ibang ehersisyo at dieting tulad na lamang ng pagtakbo.
I
sa sa pinakamabisang gawin para mabawasan ang timbang ay ang regular na pagtakbo kung saan maaaring makapag-burn ng 100 calories kada milya. Lalo na ngayon na springtime sa Japan, mas nakakaganang tumakbo dahil sa ganda ng panahon. Para sa mga magsisimula pa lamang, mainam na alamin kung ano ang layunin mo kung bakit mo ito gagawin. Para ba magkaroon ng healthy lifestyle? Para pumayat? Para may ibang magawa? Sa ganitong paraan ay mas magiging determinado ka na tuparin ang iyong layunin. Narito ang ilang tips para maging epektibo ang iyong pagtakbo: 1. Running Gear. Importante na mayroon kayong gagamiting running shoes at dapat ito’y akma sa inyong paa para maiwasan ang injuries. Mayroon kasing iba’t ibang klase ng paa – flat foot, high arched at neutral – kaya’t mayroon din akmang sapatos para rito. Sa damit naman, iwasan ang damit na yari sa cotton at sa halip ay
16
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
Classic Red. Hindi nawawala sa uso ang red lipstick. Kung classic look ang gustong gawing peg, classic red ang ilagay na lipstick sa labi. Kahit ang mga sikat na celebrities ay mahilig sa ganitong klase ng hitsura – light makeup na may classic red na lipstick. Pink. Madaling bagayan ang kahit na anong springtime outfit ang paglalagay ng pink lipstick. Marami itong shades kaya mamili o mag-eksperimento ng babagay sa iyo. Ilan na pwedeng pagpilian ay ang Nyx Paris, Victoria Secret Adored, at Mac Chatterbox. Orange. Kung gustong maiba ang look, piliin ang bright colors tulad ng orange. Bibihira ang mga kababaihan na sumusugal sa ganitong klase ng kulay kaya’t bakit hindi ito subukan. Coral. Pinaka-safe na kulay ang coral dahil bagay ito sa halos lahat ng skin tone at sa kahit na anong damit na nais isuot. Mas maganda na piliin ang glossy coral lipstick kaysa sa matte para mas buong-buo tingnan ang labi. Source: www.ourvanity.com
Running A Healthy Habit gumamit ng synthetic tulad ng CoolMax at Dri-Fit. 2. Make Time. Gumawa ng schedule kung kailan ito gagawin, araw-araw ba tuwing umaga, pagkatapos ng trabaho, o tuwing weekend. Ideal ang 3-4 beses kada linggo. 3. Healthy Food. Kaakibat ng pag-eehersisyo ay ang pagkain ng mga masusustansiya. Bawasan o iwasan ang high-calorie foods at sa halip ay kumain ng gulay at prutas. 4. Pacing. Huwag biglain ang pagtakbo. Unti-untiin ang layo ng tinatakbo para hindi magkaroon ng injuries. Magsimula muna sa 200m, 400m, 800m, 3km, 5km at pataas. 5. Proper form. Siguraduhin na tama ang postura ng pagtakbo. Nakatingin sa malayo, diretso ang likod, nasa 90o ang anggulo ng mga bisig at dapat ay relax lang ang mga kamay at balikat. Source: www.runningfuture.com
FOOD & CRAVINGS
y o n i P 0 1 p To
d o o F t Stree
n iyan o menudo ma re a -k re ka rami ay dobo, iliwan ng ma Pinoy. Mapa-a ig g g a in in k ka g a sa p a sa aaring lit, is Walang tatalo akailang ma kakain. Suba ik a a g m m i d sa in k h to a a pap ahit n lang dahil ay talagang ili sa kalye. K umain hindi ib k b t a a n ili a n um in b ka i na ika nga! ang mga pag ito. The best, m ang maram a la g ia m k g a n p a g a n ala asarap talag marumi ito, w kundi dahil m sa ul b sa n a a sa mag
Photos by VerJube
1. Taho – Isa sa mga hinihintay ng mga tao ay ang boses na sumisigaw ng “tahoooo, tahooo” sa umaga at sa buong araw. Gawa sa soya bean custard, arnibal at sago, maraming mga Pilipino ang nahuhumaling sa tamis at sarap ng pinaghalong mga sangkap. 2. Binatog – Paboritong meryenda ang binatog na nilalako gamit ang bisikleta. Ito ang nilagang puting mais na niluto sa asukal at gatas at binubudburan ng niyog at konting asin.
ang isa sa mga hilig na meryenda ng mga Pinoy kasama ang turon na saging na saba na binalot naman sa lumpia wrapper at may kasama pang langka at ang isa pa ay camote cue. 5. Barbecue, Isaw at iba pa – Ito ang maliliit na hiwa ng baboy at mga laman-loob nito at ng manok – bituka, tenga, atay, dugo, etc. – na nakatuhog sa stick at iniihaw. Limang piso pataas ang halaga ng mga ito na isinasawsaw sa suka.
3. Fishballs, Squid Balls at Kikiam - Ito na yata ang paboritong tusukin ng mga Pilipino. Gawa sa karne ng isda, pusit at baboy na kinorteng pabilog at pahaba, piniprito ito at sinasawsaw sa sauce na pwedeng matamis, maanghang at maasim.
6. Dirty Ice Cream – Ito ang pangmasang ice cream na nasa cart at tulak-tulak ni Mamang Sorbetero. Iba’t iba rin ang flavors nito tulad ng ube, chocolate, macapuno, keso, mangga at iba pa. Pwede itong naka-apa o kaya naman ay sa plastic cup.
4. Banana Cue – Kilalang pantawid gutom ang banana cue. Ito ang saging na saba na pinagulong sa asukal at pagkatapos ay ipiprito. Ito
7. Penoy at Balut – Hindi kumpleto ang gabi kapag walang naririnig na sumisigaw ng penoy at balut. Exotic food ito kung ituring ng
mga dayuhang nakakatikim nito sa bansa lalo na ang sisiw. Pampalakas ng tuhod ang turing ng marami sa balut. 8. Kwek-kwek at Tokneneng – Nilagang itlog ng manok na binalot sa kulay orange na flour mix at ipinirito habang ang tokneneng naman ang itlog ng pugo na binalot rin sa kulay orange na flour mix. 9. Mani – Marami rin ang nagbebenta ng nilaga o pritong mani hindi lang sa bawat kanto kundi inilalako rin ito sa bus. Pwede itong may balat o wala, at mayroon din luto sa bawang at sili. 10. Mangga at Singkamas – Pisngi ng mangga na nasa stick at maninipis na hiwa ng singkamas ang isa rin sa gustong-gusto na street food lalo na ng mga kababaihan. Siyempre, hindi mawawala ang bagoong sa pagbili nito o kaya asin na hinaluan ng dinikdik na sili.
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
17
ZODIACS & TRIVIA
Cancer Taurus
Gemini
(April 21-May 21) Masusubok ang katatagan ng aspetong pinansiyal. Maaaring magipit kung hindi aayusin ang pagbu-budget. Isang magandang balita sa trabaho ang magpapasaya sa’yo sa buwang ito.
(May 22-June 21) Lalapit sa mga mahal sa buhay upang hingin ang kanilang payo sa hinahangad na pagbabago sa sarili at pag-uugali. Hindi magiging madali ang pagtanggap sa sasabihin nila subalit mapapagtanto na ang mga ito ay makakatulong.
(June 22-July 23) Magiging maganda at masaya ang buwang ito para sa’yo lalo na sa usaping may kinalaman sa trabaho. Mawawala ang mga pagaalinlangan dahil sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay at pananalig sa Diyos.
Leo (July 24 -August 22) Ang pagninilay sa sarili ay magagawa nang maayos kung magkakaroon ng pagkakataon na makabiyahe sa isang tahimik na lugar. Isang dating pag-ibig ang muling magbabalik ngunit pag-iisipang mabuti kung bibigyan pa ito ng pagkakataon.
Scorpio (October 24 -November 22) Problemang pinansiyal ang haharapin sa buwan na ito. Pag-aralan ang mga bagay na pinagkakagastusan nang malaki. Mangangailangan din ng pagbabalanse ang oras na inilalaan sa pamilya at trabaho.
(November 23 -December 21) Usaping pag-ibig ang mabigat na kakaharapin sa buwang ito. Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa minamahal. Isang dating karelasyon ang gugulo sa isipan at susubok sa tatag ng pagmamahal sa kasalukuyang pag-ibig.
(December 22 -January 20) Makakaramdam ng pagkahapo at pagkapagod sa trabaho na maaaring magdulot ng problemang pangkalusugan. Maghinay-hinay. Kung ikaw ay single, isang pagibig ang maaaring kumatok sa iyong puso.
Aquarius (January 21 -February 19) Ang pagiging malikhain ay magkakaroon ng pansamantalang kahadlangan dahil sa suliraning pampamilya na gugulo sa isipan. Kinakailangan na magkaroon ng maturity upang ito ay masolusyunan.
Knowing the
Japanese Flag
I
sa ang bandila ng Japan sa pinakamadaling makilala sa buong mundo. Simple lamang ito – na tinatawag na Hinomaru na ang ibig sabihin ay “Sun Disc” o Nisshoki na ang kahulugan naman ay “Rising Sun” – ngunit hitik sa kasaysayan.
18
Araw ang sinisimbolo ng pulang bilog sa bandila nito na nangangahulugan din ng katapangan at katatagan. Lutang na lutang ang pulang bilog na ito dahil puti ang background na ang ibig ipakahulugan naman ay kapayapaan at katapatan. Walang kunkretong impormasyon kung sino ang nagdisenyo ng Hinomaru ngunit sinimulan itong gamitin noong 1854 nang magsimula na makipagkalakalan at makipagkaibigan sa ibang bansa ang Japan. Madalas makita ang mga ito sa mga barko na naglalayag. Noong 1870, ginawa na itong pambansang bandila sa ilalim ng Meiji Era. Tugma rin ang Hinomaru sa pinagmulan ng pangalan ng Japan na
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
Virgo
(September 24 -October 23) (August 23 -SepMatatapos ang tember 23) isang malaking Hindi magiging proyekto dahil sa madali ang gaga- galing, tatag ng wing pagbalanse loob at abilidad sa oras. Ngunit na ipapamalas. ito ay magagawa Magiging masigla nang maayos kung ang buwang ito aalamin ang mga dahil sa pamilya, prayoridad sa mahal sa buhay buhay. Ilang plano at mga bagong ang mangangaila- kaibigan na ngan ng masusing makikilala. pagdedesisyon.
Aries
Capricorn Sagittarius
Libra
(March 21-April 20) Pisces Piliin ang mga (February 20 salitang lalabas -March 20) sa bibig nang Magiging maayos sa gayon ay ang oras na ilahindi makasakit laan para sa trang kapwa. May baho at pamilya. mga pagbabaNgunit huwag gong magagahayaan na manap sa buhay na ging sagabal ang matagal nang pagiging workainaasam. Ilang holic sa pag-ibig pagsubok ang na nagbabadyang darating ngunit sa umusbong. Bigyan tulong ng dasal ito ng pagay malalampasan kakataon. din ito.
“Sun Origin” kaya’t tinatawag din ito na “Land of the Rising Sun”. Kahit na ginagamit na ng mga Hapon ang Hinomaru bilang pambansang bandila simula pa noong 1870 ay naging opisyal lamang ito noong Agosto 13, 1999. Ito ay matapos na maipasa ang National Flag and Anthem Law ng Japanese Diet na kumikilala sa Hinomaru at Kimigayo bilang pambansang simbolo. Sari-sari ang naging opinyon hinggil sa Hinomaru. Para sa ilang Japanese partikular na ang mga taga-Okinawa, ang bandilang ito ay sumisimbolo sa mga naganap noong World War II at ang patuloy na pagkakaroon ng base militar ng Estados Unidos sa Okinawa. Para naman sa mga bansang nasakop ng Japan noon, ito ay simbolo ng imperyalismo. Subalit para sa maraming Japanese, ito ay isang matibay na simbolo ng pagkakakilanlan ng Japan na mayroon isang makulay at mayamang kasaysayan.
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012
19
20
FILJAP MAGAZINE | MAY- JUNE 2012