Group 1 Project

Page 1

MAGANDANG UMAGA ITO ANG REPORT NG GROUP 1


1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kaniyang talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at sa isang bansa?


Ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kanyang talumpati ay ang kalayan ng kanilang bansa. Kalayaan sa pansariling pamamahala o demokrasya. Maituturing na isang malaking tagumpay para sa mga mamamayan ng isang bansa ang mapagkalooban ng kalayaang political, kalayaang pumili ng lider kalayaang hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay. Bahagi rin ng kalayaang pinupunto ng kanyang talumpati ay ang pagiging malaya sa tinatawag na diskriminasyon, ibig sabihin may pantay- pantay na kalayaan ang bawat isang mamamayan ng Timog Africa, itim man o puti ang kulay ng balat.


2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa.


-Inilarawan ang mga tao doon na uhaw sa kalayaan, karapatan at katarungan na naging bahagi na ng kanilang buhay at kultura na siyang nais baguhin ni Nelson Mandela, nais niyang wakasan ang diskriminasyon, gender inequality sa kababaihan at iba pa.


3. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kaniyang talumpati? Ganito rin ba ang katangiang taglay ng namumuno sa ating bansa? Maglahad ng mga pangyayaring nagpapatunay nito.


-Isa siyang pangulo na may mabuting kalooban na naghahangad lamang ng mabuti para sa kanyang mga nasasakupan o mamamayan. May lakas siya ng loob, determinasyon at pagmamahal sa sarilang bansa na siyang dapat lahat ng pangulo meron.


4. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging damdamin sa talumpati ni Mandela?


-Matutuwa at magkakaroon ako ng lakas ng loob na ipaglaban din ang pagkakaroon ng kalayaan sa lahat ng bagay dahil doon sa kanyang talumpati. Makikita o madadama natin na talagang determinado at may paninindigan siya sa kanyang mga sinabi.


5. Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang isang tao, lahi o bansa?


1. Walang kalayaang makapagdesisyon para sa sarili. 2. Walang kalayaan at pinagbabawalan gawin ang mga nais o gusto. 3. Walang kakayahang mamahala o kaya ay may kakayanang mamahala ngunit hindi direktang kontrolado ng isang entidad. 4. Dinudurog ang kalayaang magpahayag ng saloobin sa pamamagitan ng panlilibak o kaya ay sa dahas.


Salamat sa Pakikinig!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.