HEIGHTS
Tomo lv Bilang 3 karapatang ari Š 2008
Reserbado ang karapatang-ari sa mga indibidwal na awtor ng mga akda sa isyung ito. Hindi maaaring ilathala, ipakopya o ipamudmod sa anumang anyo ang mga akda nang walang pahintulot ng mga awtor. Hindi maaaring ibenta sa kahit anong paraan at pagkakataon ang kopyang ito. Maaaring makipag-ugnayan sa: Heights, Publications Room, Room 206, Gonzaga Hall Ateneo de Manila University, p.o. Box 154, Manila Telepono 426-6001 lokal 5448 thinking_chair@Heights-Ateneo.org www.Heights-Ateneo.org Heights ang Opisyal na Publikasyon at Organisasyong Pampanitikan at Pansining ng Pamantasang Ateneo de Manila. Pabalat Disenyo at Paglalapat
JPaul Marasigan, Maurice Wong at Stef Macam JPaul Marasigan
Inilimbag ng Perfect Color Prints sa Pilipinas
HEIGHTS Tomo lv Bilang 3 Ateneo de Manila University 2008
MULA SA PATNUGOT
mahigit limang dekada na ang nakararaan nang isilang ang opisyal na pampinitikang publikasyon ng Pamantasang Ateneo de Manila: ang Heights. Sa loob ng limampu’t limang taon, naging pugad ito ng mga manunulat, mambabasa, dibuho at mga alagad ng sining biswal upang ipakita sa buong pamantasan ang kanilang mga likha, talento at inspirasyon. Wala pa ang mga kursong nakatutok sa malikhang pagsusulat at sining biswal noon subalit marami na ang mga mag-aaral na nag-uumapaw ang basbas ng kanilang mga musa at naghahanap ng mapagbubuhusan ng mga biyayang ito. Sa Heights nila natagpuan ang tahanang kanilang hinahanap. Sa Heights nila natuklasan ang isang daan upang makapagbahagi sila ng kanilang mga sarili at ng kanilang mga akda sa iba pang mga mag-aaral. Higit pa sa pagpapakitang-gilas sa buong Ateneo, sumali rin marahil ang mga naunang kasapi ng Heights sa organisasyon sa paglalayong makahanap ng pamilyang tutulong sa kanila sa pagpapatubo ng kanilang mga angking kakayanan. Nakita nila marahil na malaki ang maitutulong sa kanilang pagpapahusay ang mapabilang sa isang pangkat na nakauunawa ng kanilang pag-ibig sa mga salita, at kalaunan sa mga linya, kulay, espasyo at iba pang mga sangkap ng isang likhang sining. Nagmistulang isang buhay na workshop ang Heights para sa mga taong ito. Patuloy nilang pinababasa ang kanilang mga akda, patuloy na tumatanggap ng mga matatamis na papuri at mapapait na puna, at patuloy na aayusin,
babaguhin, at lalong gagawing pulido hanggang sa mailimbag sa mga pahina ng Heights ang bunga ng kanilang mga pagpupuyat at paghihirap.   Subalit tumataya akong mas malalim pa sa kagustuhang mailimbag at mapahusay ang kanilang mga sining ang dahilan ng kanilang pagsali at pagtangkilik sa Heights. May kutob akong ang panggigigil na ito ay nagmumula sa isang bukal na likas sa mga taong masasabi nating tunay na alagad ng panitikan at sining biswal. Maaaring itinaguyod at patuloy nilang pinagtibay ang pangalaan ng Heights para sa pag-unlad ng Sining mismo. Naniniwala kasi akong hindi lamang sa panloob ang talab ng biyaya ng Sining, ngunit lumalapas ito sa indibidwal at ubaabot sa iba sa di mabilang na malikhaing pamamaraan. Nais ibahagi ng mga manunulat at dibuhong ito sa iba ang hiwaga ng Sining upang tulad nila’y mamulat rin ang iba sa karanasang kakaiba at mas malalim sa pang-araw-araw na buhay, nang sa gayon ay mahikayat silang lumikha at mangilatis rin ng likhang sining.   Heto marahil ang kahalagahan at kahulugan ng Heights. Bilang isang publikasyon, naglalaan kami ng puwang para sa mga Atenistang nais ibahagi ang kanilang mga sarili sa anyong malikhain. Bilang isang organisasyon, layunin naming paunlarin ang kakayahan hindi lamang ng aming mga kasapi, subalit pati na rin ng kung sinumang nangangailangan ng aming paglilingkod. At bilang mga alagad ng Sining, nagsisilbing sandigan at tagapagtaguyod nito ang Heights. sa loob ng mahigit kalahating siglo tumindig nang matayog ang Heights para sa pagpapalalim ng pagpapakatao. Nag-alay ang Heights ng kakaibang uri ng pagpapalago ng isipan, ibang anyo ng paghuhukay sa ating mga diwa, at isalin ito sa kanya-kanya nating anyo ng malikhaing pagpapahayag. Kaya sa isyung ito ng Heights, layunin naming alalahanin at pasalamatan ang mga naging kasapi ng Heights, ang mga librong kanilang nailimbag at ang iba’t ibang kaganapang kanilang idinaos upang maglingkod sa tao at sa pagpapakatao. At higit pa naming pinauunlakan
vi
55 taon ng heights
ang mga taong nagbasa ng aming mga likha at dumalo sa aming mga kaganapan. Sa isyung ito nais naming ipagdiwang ang walang humpay at patuloy na pakikilahok ng Heights sa kasaysayan sa pamamagitan ng panitikan at sining. At panghuli, ang isyung ito ay nanawagan sa lahat ng kilala at kikilalanin pa lamang ang Heights bilang organisasyon at publikasyon na ipagpatuloy ang pagtatatag sa mga ipinaglalaban ng Heights sa nagdaang limampu’t limang taon.
JPaul Marasigan Putong Patnugot Pebrero 2008
    vii
My Teacher, Eric Torres Danton Remoto
i was a Legal Management major who shifted to Interdisciplinary Studies in my third year at the Ateneo. I could not balance the accounting books even if my whole life depended on it. The only thing I wanted to do was to go to the Rizal Library every afternoon, stand in front of the books in the ps 9991 category, and read the books of the best Philippine writers. One day, I told myself, I will also publish my own book. One book would be enough. That semester, I enrolled in a class on Modern Poetry. Our room was on the third floor of Bellarmine Building, 4:30-7:30. The teacher arrived in a brown jacket, his hair tousled by the wind. He was Professor Emmanuel Torres. Before this class, I had read books of essays and fiction, but rarely poetry. I found poems impenetrable. But Professor Torres simply made me see. He had that quality that many English teachers lacked – passion. He was brilliant, of course, but he also had passion for the subject that he was teaching. It was the kind of passion that – if it were tapped by the authorities – could generate enough megawatts of electricity for the whole country. He reminded me of the words of Joseph Conrad, one of my favorite novelists, in his introduction to The Nigger of the Narcissus: “My task which I am trying to achieve is, by the power of the written word, to make you hear, to make you feel—it is, before all, to make you see.” Professor Torres introduced me to a universe of words. It is a luminous
ingles
world inhabited by Baudelaire and Rimbaud, Verlaine and Rilke, Eliot and Hopkins, Cummings and Lorca, Pound and Moore. And do not forget The Beatles. I was the class beadle, and I collected the coins for the stenciled copies of the poems and pooled them together in a beautiful blue bowl. We had by then transferred to the Ateneo Art Gallery. When I learned that the bowl must be a Ming, I just put all the coins in a rainbow-colored purse I bought in Baguio. That bowl must be more expensive than my parent’s house in the suburbs. In my fourth year, moderator Joey Ocampo of the Filipino Department appointed me as the Editor-in-Chief of Heights. To further hone my sense of craft, I enrolled in the Creative Writing Class of Professor Torres. It was the first class offered by the Ateneo in many, many years. Professor Torres was in his element, tearing our juvenilia apart with singular wit and irony. His eyes would widen, his nostrils would flare, and the words of criticism would blaze from his mouth like fire. But I was not daunted. People were afraid of him, but I was not. I knew that he only wanted us to learn. And since my father was a military officer and I grew up in a military base, I knew that the steel of discipline was good for one’s soul. And so every Monday morning, I would step into his office at the Ateneo Art Gallery to show him my latest poems. He would welcome me with a smile, get his red ballpoint pen, and then proceed to make his corrections. In the deadly silence of that beautiful room, his ballpoint pen slashed into my poems. I would just look at him, and the painting behind him – an Amorsolo dazzling with light. And then, he would hand me back my poems with his corrections. He called my poems “effusions,” and I would just laugh But I think I was – and still am—stubborn. Persistence is my middle name. I went on and wrote poems and stories and essays for his Creative Writing class. One of the essays I wrote for his class was “A Quick Visit to Basa,” a narrative essay on one of my rare visits to Basa Air Base,
55 taon ng heights
Floridablanca, Pampanga, where I was born and where I stayed until I was 12 years old. In my mind’s eye I still remember that day I dropped by the Art Gallery one hour before class so I could consult with him on a one-on-one basis. He read it – and oh yes, he reads so fast! – said he liked my essay. But in the next breath, he picked up his red ballpoint pen and pointed out certain holes in the text. We went through my essay sentence by sentence, punctuation mark by punctuation mark, the way he does it with our poems. He always told us to avoid stereotyped situations and words, to throw away “all those rusty razors.” The point, he said, quoting Ezra Pound, was “to make it new.” During the class discussion, Professor Torres said: “This essay is written by somebody already on his way to becoming a writer!” For an apprentice who was supposed to finish a degree in Legal Management and take up Law after college, this was high praise – and I went home in such a daze that I almost stubbed my toe on a rock on the way out of the gallery.
Danton R emoto ab Interdisciplinary Studies ’83 Kagawaran ng Ingles ’82 - ’83 Punong Patnugot Emmanuel Torres ab Education ’54 ’52 - ’53 Patnugot ’53 - ’54 Chairman of Senior Board of Editors ’66 - ’67 Tagapamagitan Words from “The Creative Process in Skin Voices Faces,” a graduate thesis presented to the Ateneo de Manila University, 1988. ingles
Pan de Sal   Emman Torres
No hoarder’s feast plumps the breakfast table But dolor of coffee and the usual Pan de sal, the bread of modest expectations, Will serve to keep the body going Though not the spirit in a slow crumble Beneath a roof of slowly leaking rust, Taking such embarrassment of morning as A sameness without savor or crust of fibrance. It is no comfort knowing neighbors share The same fare and the sore of being here Among ramshackle walls that barely hide These morsel from the sudden glare of mercy. Blessings we do not count, only short changes. We lust for grace that happens elsewhere, not Mesiahs who tell us how blessed it is to suffer This slump where the dying, the uncounted, hunker.
55 taon ng heights
Views of the Rainbow over Araneta Coliseum 1 Rainbow over the raingray dome coliseum: The cop blows his whistle To let traffic through. 2 Rising against a pale gray sky: One complete rainbow Above this young couple Bickering over money. 3 Rainbow arches Against a birdless sky Above a sightless beggar Humped On roller skaters Thrumming his loss To crowds Heedless, sightless.
ingles
4 Rainbow over the Big Dome Cannot be seen in the peak hours Where Miss Roque is chained To the cash register. 5 The way Memeng, local idiot, Points a rancid finger at it, You would think He had turned it on. 6 Between the pastel hues Streaming through mist rain And the shrill spill Of billboard colors and sour neon lights No contest
7 It is heaven’s sign Of God’s covenant with Noah: No more, I say, no more Apocalypse by water, the Lord said. But what Can haul us out Of the deluge of plastic junk That whelms our spendthrift lives?
55 taon ng heights
8 Let us bet A businessman’s lunch to find out How long the rainbow lasts Now there goes some broad with a well-turned ass To plump your wet dreams 9 One string is playing five airs at once. 10 It comes as comfort to the ingenious masses That there springs forth a gift of nature Fat supermarket barons of suburbia Despair of cashing on 11 With such dream-vision Mountains become lighter than a Feather, the Chairman said. And then wrote prose About revolution. 12 The child would rather see the sky-show Doubly reflected on the father’s smoke glasses.
ingles
13 Memeng is never bored Gazing at The crooked phosphorescence Of gasoline leaking into the gutter. The crooked phosphorescence Of gasoline leaking into the gutter. 14 I cannot bury you, says the concrete highway. I cannot grind you down, says the cement mixer. I can but darken you, says so many silent Exhaust pipes in the parking lot. 15 No applause, if you please, at the end of the sky-show. Let all behold it in silence And afterward disperse in silence. Donations will not be solicited. 16 What is truly exquisite Is beyond reach And having Suffice to behold it In standstill silence: A curve of dream
10
55 taon ng heights
An arch Lingering in the mind: Soul made sensible Such evanescence Moves like shiver Of windbells A fragrance That arouses As it passes Reminds me Of my own transcience And of hers as she dozes beside me
Reminds me to be Aware of each breath at sunrise And stir of flesh on the mat Light dapples with promise Of new appetite For our daily sensualities Spirituals I sing But I also Want
Mula sa Heights Tomo xxv Bilang (1981) ingles
11
Song of the New Politico Danton Remoto
“Make it new.” —Ezra Pound
We have turned our backs on offers of jute sacks filled with millions of pesos in denominations of twenties, fifties, and hundreds so, as the imperial messenger of the donation would say, “You, Sir, could buy the votes of the squatters down there.” We have turned our backs on offers of Fortuners which, at first blush, we thought meant “fortune tellers,” and why would we need one to read our futures when we know deep in our bones that in the end we will get the thrones?
12
55 taon ng heights
We have turned our backs on offers of lawyers glittering with their golden tongues, working in the shiniest skyscrapers, whose motions of consideration and non-consideration could always swing decisions in favor of our petitions. We have turned our backs on offers of agents and operators who would spy for us, wiretap for us, even dig the deepest, darkest secrets of our enemies— from non-payment of taxes to housing of several mistresses. We have turned our backs on offers to massage the results of the elections, as if the body politic is full of knots and bunched-up muscles, mined with points of stress, wired with meridians that have clogged.
ingles
13
We have turned our backs on them who said that we are young and, therefore, hopeless, that we do not have millions of money to burn, and, therefore, our plans will just be ashes in the urns. We have turned our backs on those who said that this is a hopeless country, and the best country is the one across the sea. Because now we would face them all, our arms linked each to each. We will stun them with words like grains of gold, we will give to the people loaves of hope warm with love for those who have been sold down the drain, fooled beyond belief, made much of and in the end left like so many pieces of rags on the streets.
14
55 taon ng heights
We are one, and we are many. Our hands are clean, and our hearts bursting with dreams. Our eyes are like arrows on the bull’s eye of our aims: a beautiful Philippines, a progressive Philippines, O Philippines, our beloved Philippines.
ingles
15
Awit ng Bagong Politiko “Gawin itong bago.” —Ezra Pound
Tinalikuran natin Ang alok na mga sako Na puno ng milyun-milyong piso Na tig-bebeinte, singkuwenta, at isandaan Para, ang sabi nga ng mensahero ng imperyo Na nagpadala ng donasyon sa atin, “Kayo, Ginoo, ay makabibili ng boto mula sa mga iskwater na nakatira doon sa ibayo.” Tinalikuran natin Ang mga alok ng Fortuner na, Sa unang tingin, akala nati’y “fortune teller” ang ibig sabihin, at bakit naman natin kailangan pang basahin ang ating hinaharap gayong alam natin, sagad sa ating mga buto, na sa bandang dulo, ang korona’y ipuputong sa ating mga ulo?
16
55 taon ng heights
Tinaluran natin Ang alok ng mga abogado Kumikintab sa kanilang mga dilang ginto, Nagtratrabaho sa gusaling matataas at makikinang, Ang kanilang mosyon para sa rekonsiderasyon At walang-konsiderasyon Ay laging magpapaling ng desisyon sa direksyon ng ating mga petisyon. Tinalikuran natin Ang alok ng mga ahente at opereytor Na mag-espiya para sa atin, Magtiktik sa telepono ng kalaban, maghukay Ng kanilang pinakamalalim, pinakamadilim Na mga sekreto – Mula sa di pagbabayad ng buwis Hanggang pagbabahay ng ilang chicks. Tinalikuran natin Ang mga alok na masahihin ang resulta Ng eleksyon, Na para bang ang katawan ng politika Ay puno ng mga bukol, At namuo-muong mga masel, Mga minang puno ng kunsumi, Kinuryenteng mga linyang nagkabara-bara.
ingles
17
Tinalikuran natin Silang lahat na nagsabing Ay, kayo ay mga bata, At dahil dito, ay wala kayong pag-asa, Dahil wala kayong mga milyun-milyon Na perang maaaring sunugin At, dahil dito, ang inyong mga plano Ay magiging abo lamang sa mga urno. Tinalikuran natin Ang mga nagsabing wala nang patutunguhan Ang ating bayan, at ang pinakamagaling na bayan Ay iyong nasa kabilang dulo ng karagatan. Dahil ngayon, haharapin natin silang Lahat, kabit-bisig ang ating mga braso. Gugulantangin natin sila sa mga salitang Tila butil ng ginto, Ihahandog natin sa mga tao Ang tinapay ng pag-asang mainit pa sa pagmamahal Para sa kanilang matagal nang ibinenta At ibinuhos pababa sa tubo, Walang habas na niloko, Pinangakuan, at sa dulo Ay iniwan na parang maraming mga basahan Na nagkalat sa mga daan.
18
55 taon ng heights
Tayo ay nagkaisa, at marami na tayo. Malinis ang ating mga kamay, Bumubulwak ang pangarap sa ating mga puso. Ang ating mga mata’y tila mga pana Nakakatutok sa gitna ng ating siyang nais: Pilipinas na maganda, Pilipinas na maunlad, O Pilipinas, Minamahal naming Pilipinas.
ingles
19
Cubao-Ibabaw, Cubao-Ilalim
Ang Daigdig ng Dilim sa mga Katha ni Tony Perez Edgar Calabia Samar
“Lilisanin ko ang lunsod ng dapit-hapon At daratnan ang daigdig ng dilim.” — Tony Perez
sa bayan natin, hindi basta dumarating ang dilim na gaya ng magnanakaw sa gitna ng ating pag-idlip. O hindi ito basta sumasapit na gaya ng mga pagdiriwang na inaabang-abangan at minamarkahan pa sa kalendaryo kung minsan, na para bang may pangamba na makalampas ito nang hindi man lang natin namamalayan. Hindi rin ito basta pumapatak na gaya ng bulalakaw mula sa kalawakan ng sanlibo’t isang pangarap at hiling na kailangang bitiwan kasimblis ng pagbulusok nito sa lupa—hindi basta “parang poling star,” tulad ng ibubulalas ng isa sa di-malilimutang tauhan ng ating makabagong panitikan, patungkol sa isang nowtbuk na nagliliyab at ihinagis sa malayo, tanda ng pagtatangkang limutin ang anumang mga alaala at ugnayan na nakatala roon. Sa bayan natin, nangangagat ang dilim, at pagkagat ng dilim, nababalot ang daigdig natin ng iba’t ibang kirot, hapdi, sakit, na hinahanapan natin ng lunas sa iba’t ibang paraan o dahilan, o hinahayaang kitlin nito ang lahat ng ating mga panaginip at pagnanasa. Mga pasya itong hinarap at binuno niyong mga hindi inabutan ng bukang-liwayway, gaya ni Elias sa katapusan ng nobela ni Rizal o ni Julio Madiaga sa katapusan ng no-
filipino
23
bela ni Reyes. Kung saka-sakaling hindi sasapat ang pag-aalay ng dugo sa bawat pagkagat ng dilim, alinman sa magdilim ang ating paningin—o lamunin tayo ng dilim. Totoo: pagkagat ng dilim, maaaring-maaari na tayong malamon ng dilim. Ito ang Thanatos, ang ganap na paglamon ng dilim. At isang buhay din ito—isang paraan upang mabuhay—gaya ng mga nabulag, o isinilang nang bulag, subalit kay talas ng ibang pandama—kaya’t hindi ligtas sa ibang pagdaramdam. Sa kakaibang mga pandama. Mahaba-haba ang kasaysayan ng dilim sa ating panitikan. Mula sa mga katutubong bugtong sa buwan at magdamag hanggang sa mga mito at alamat sa naghahabulang Araw at Buwan. Nariyan ang “May Bagyo Ma’t May Rilim” na itinuturing na unang limbag na tula ng isang Tagalog na hindi napangalanan. Ang serye ng sanaysay sa “Liwanag at Dilim” ni Emilio Jacinto. Ang “Dilim, Mutyang Dilim” ni Alejandro G. Abadilla. Ang Prosang Itim na koleksiyon ng tulang tuluyan ni Mike L. Bigornia. Ang aklat na Dili’t Dilim ni Michael M. Coroza. Sa hanay ng mga ito, nariyan ang limang aklat sa serye ng Cubao ni Tony Perez na nasulat simula 1971 hanggang 1994 at nalathala noong unang hati ng dekada 90: Cubao 1980, Cubao Pagkagat ng Dilim, Eros-Thanatos Cubao, Cubao Midnight Express at Cubao-Kalaw Kalaw-Cubao. Simula pa lamang ang pagkagat ng dilim. Mahaba pa ang gabi. Para sa mga gising sa kahabaan ng dilim sa lunsod, maaari siyang abutan ng tatlong trip ng Cubao Midnight Express, ang mahiwagang tren ni Perez, na para sa mga manlalakbay na ibig tumakas sa lungsod kung hatinggabi. Sa ngayon, tatanggihan natin ang tukso ng pagtakas upang galugarin ang daigdig ng dilim sa mga katha ni Perez.
24
55 taon ng heights
Mga Mukha ng Dilim: Sa Liwanag ng Buwan, Sa Landas ng Panaginip, Sa Loob ng Baul sa pagkagat lamang ng dilim natin makikita ang mukha ng buwan. Ang paglitaw ng buwan kung gayon, ang isa sa mga hudyat ng pagkagat ng dilim. May natatanging ugnayan ang dalawa—dilim at buwan—na nagpapatotoo sa isa’t isa sa hubad nating paningin. Subalit hindi tulad ng mga katutubong talinghaga sa buwan kung saan nakikita ito bilang pagkain (“Kinain na’t naubos,/ Nabubuo pang lubos”) o bunga ng niyog (“Kakabaak na niyog,/ Magdamag inilibot”), inilalarawan ni Tom, ang disisais anyos na kolboy at tagapagsalaysay sa nobelang “Cubao 1980” ang madilim na langit na may kaunting buwan na “parang Sepakol na kalahati nang tunaw.” Gamot din nga ang buwan, badya ng patuloy na paglipas ng panahon na pinaniniwalaan nating maghihilom ng anumang sugat at gutom. Kay Espie Real, ang guro ng Department of English ng Ateneo sa kuwentong “Ang Manggagayuma” na nabatubalani sa ningning ng talino ng isang kapwa-guro na hinalikan niya ang talampakan, “ang buwan ay parang tapyas na bloodstone at nangakasambulat na brilyantitos ang mga bituin.” Kakaiba naman itong gutom ng isipan. At may iba pang gutom maliban sa nagmumula tiyan at isipan: Narito ang pagsakop ng kakaibang kilabot sa kalamnan, gaya ng taong lobong “tuminag ang bawat kalamnan ng … katawan sa tagkil ng dilim—dilim ng mga aninong paali-aligid sa bawat sulok ng silid, dilim na limas ng gabi sa dagat ng malawak na Dilim, sa kabila ng mga dinding.” Nakaamba ang pangil ng dilim na baguhin tayo, gaya ng kagat ng isang bampira, upang gawing gaya niya, na lumalamon sa sarili, nawawala sa sarili dagat ng sariling dilim. At marinig: “Ang bulong ng mga anino. Ang awit ng dilim.” Samantala, sa mag-inang Merle at Dodong sa kuwentong “Paskil,” ito ang tanging espasyo ng daigdig kung kailan sila nagkakasama dahil sa trabaho ng lalaki sa araw bilang xerox operator. Kaya nang gabing
filipino
25
ibunyag ng ina na hindi basta rayuma ang matagal na nitong iniinda, “May kalatog na wari’y nagmula pa sa sinaunang panahon, noong unang nagkaroon ng ina sa daigdig, noong unang nagkaroon ng anak, noong unang may namagitang sakit at kamatayan.” Hindi nakatulog si Dodong nang gabing iyon at nasaksihan ng dilim ang paghihinagpis niya. Kung pagkakatiwalaan natin ang matatandang kuwento, nauna ang dilim sa lahat-lahat, at kung gayon, saksi ito sa unti-unting pagdating, pagkakahugis ng lahat ng takot at damdamin, simula nang tawagin ang liwanag. Maaaring may takot tayo, hindi dahil sa dilim, kundi dahil dumating tayo, ang tao, nang huli sa lahat ng bagay, kaya’t tayo ang pinakawalangmuwang, kung tutuusin. Kaya naman, sa harap ng takot sa dilim at sa liwanag ng buwan, isinaayos natin ang buhay ng tao upang daanin ito sa pagtulog. Tinutulugan natin ang mga gabi. Pinapalipas ang magdamag nang wala tayong malay, hangga’t maaari. Subalit may bangis din itong dilim na hindi tayo paligtasin at tuntunin ang landas ng ating mga panaginip, ang mga kinikimkim nating dilim. Sa paglisan ng liwanag ng kamalayan, kumakagat ang dilim kahit sa panaginip. Naroon ang hindi matanggap, ang hindi maamin. Ang pinakananasa, ang pinakakinatatakutan. Sa isang “Pagtatapat,” sinabi ni Perez na sadyang kailangang kumatha mula sa silong ng diwa sapagkat sa pamamagitan lamang nito “nakasisilip sa silid ng mga panaginip, sa tabing ng mga anino at sa kaban ng mga pambihirang kakayahan.” Ganito halimbawa ang malikhaing bisa ng panaginip ng manunulat sa “Ang Babaeng Nakaputi.” Sabi niya, sa gitna ng pakikipagkuwentuhan sa kaniyang mga kabarkada: “’Pag me project kasi ’ko, an’ titindi ng panaginip ko. Laging gabi sa panaginip ko, pare, parang kakakagat lang ng dilim.” At ilalarawan niya kung paano nagbabago ang isang pamilyar na mapa ng Aurora at Katipunan samantalang nagdadrayb siya—magkakaroon ng bundok, valley, waterfall at doon, makikita niya ang babaeng nakaputi. Naniniwala siyang iyon ang inspiration niya kaya siya naka-
26
55 taon ng heights
kasulat. Ito naman ang alaala ng nagdaang gabi, bago harapin, halimbawa ni Jose Crisaldo ang isa na namang araw ng kamalasan. Basta’t sigurado siyang “siya’y nanaginip: [subalit] panaginip na di niya mabigyangbuod sa isip pagkat di niya lubusang natatandaan. Sa panaginip na iyon ay madilim din, naglalakbay siya sa dilim, kasalamuha’y mga aninong pinagsamut-samot sa kaniyang pagkabata, at sa kaniyang pagbabaguntao, at sa kaniyang pagbibinata, at sa kaniyang kasalukuyang balot na balot din sa dilim.” Ganitong-ganito rin ang panaginip ni Diego Silangcruz, na gaya ni Crisaldo’y natanggal din sa trabaho matapos nga silang magwelga. Binubuod ng panaginip ang mga dilim ng isang buong buhay. Gaya nina Ike, Benny at Cez sa nobelang “Bata, Sinaksak, Sinilid sa Baul” na nagsasalita sa mga wika ng kanilang kabataan sa kanilang panaginip—Kapampangan, Tagalog, Cebuano. Nalilimutan din nila ito sa paggising. Kataliwas naman sila ni Cary sa “Ang Mambabalang” na binubuyo sa panaginip ng larawan ng kaniyang Uncle Blue, at kahit nagigising na siya, “ang panaginip ay matingkad pa rin.” Dahil siguro sa tingkad na ito kaya’t hindi nakaya ng kaniyang gising na diwa at pinatay niya ang lahat ng tao sa kaniyang paligid, bago siya nagpatiwakal. At walang pinaliligtas itong dilim ng panaginip, kahit sa aso, si Kiss sa kuwentong “Kirot,” namatayan ng Original Amo at inampon ni Bagong Amo na wala namang pakialam sa kaniya at tinatadyakan pa siya sa tadyang kapag mainit ang ulo. “Pumikit siya at nanaginip ng electric trains,” ang madalas nilang paglaruan ni Original Amo. Walang katapusan niyang hinabol at tinahul-tahulan ang tren na ikinasabog ng puso niya, sa labis na tuwa, kaya’t wala na siyang buhay nang datnan ng katulong ni Bagong Amo kinaumagahan. Tren din ang napapanaginipan ni Vir o Virgilio Basilio, isang playwright, sa kuwentong “Relasyon,” matapos siyang basta iwan ng kinasamang si Clarissa: tren na nayuyugyog sa alon, natitilamsikan ng mga alon sa aserong daan. Tren din ang
filipino
27
nasa panaginip ni Ike, kung saan sila sumasakay na mag-ama at pumupunta sa malayong-malayo, hanggang sa bumaba sila sa isang lumanglumang istasyon kung saan sila lang ang tao. Siya at ang Tata niya na nagpasagasa sa tren. Ito ba ang kanilang bersiyon ng midnight express? Mga hindi nila maharap sa paggising subalit ipinamumukha ng pag-idlip? At paano pa nga kapag nagkapatong-patong ito, gaya ng sasabihin niya sa isang tula ng “Pagkamulat”: “Sa isang panaginip,/ napanaginipan kong/ ang pinananaginipan ko’y/ panaginip lamang sa isa pang panaginip”—kaya ang konklusyon niya’y “Di na ako makakatulog kailanman sa Kadiliman.” Kaya’t iyong mga nananatiling mulat sa dilim, gising ang diwa, kinikimkim sa puso ang dilim, kaya kahit ang puso, gaya ng sa isang manghuhula sa “Ang Manghuhula,” kapag sinilip ay makikitang “tahimik at madilim, waring saglit lamang nailawan ng basang bumbilyang matapos magdikit ay biglang pumutok at namatay.” At si Gail, ang babaeng kayang ihiwalay ang ispiritu sa katawan kapag gabi’y nag-isip ukol sa “lahat ng kalungkutang binunga ng kaniyang espesyal na kapangyarihan, di lamang ang pagiging iba sa karamihan kundi ang pagbabalatkayo ng mga taong lagi niyang nahuhubdan tuwing gabi.” Noon niya natiyak, walang iisa. Lahat, tumbalik. Iba kapag araw, iba kapag gabi. Kaya nagtatago ng baul ang mga tao. May baul kahit ang inibig ni Gail na si Steven Manalastas, na pinaslang at natagpuan niya sa kaniyang pagilanlang sa paanan ng isang bundok: “Hubo’t hubad siya’t nakagapos sa kaniyang likod ang mga braso at kamay. Tinalukbungan siya ng kamiseta sa ulo, at ang bunganga niya’y sinalpakan ng trapo.” At nakita niya itong kayliwanag, kasingliwanang ng bituin at pumailanlang sa kadiliman. Pinakamatingkad naman ang baul na lata ni Ike, ang baul na playwud ni Benny at ang baul na rattan ni Cez. “Kaban ng Tipan. Sa Psychology ay sagisag ng mga nakapanghihilakbot na lihim.” “Kamalig. Bigasan. Sisidlan ng Pangarap.” “Kahon ni Pandora. Kahon ng mga kamalasan. Mga pagkakasala. Masasamang espiritu.” Ito ang bitbit ng tatlo, ang kani-ka-
28
55 taon ng heights
nilang dilim na sila lamang ang makapagkikimkim at makapagpapalaya. Si Ike, ipinasok ng ama sa loob ng baul sa kaniyang panaginip, kung saan madilim, at maginaw na maginaw. Makikita naman ni Benny sa kaniyang panaginip na may bata sa loob ng baul at mapapaiyak siya sapagkat di niya kayang buksan ang baul. Samantala’y hindi matagpu-tagpuan ni Cez ang baul na hinahanap niya sa kaniyang panaginip.
Sa Cubao-Ibabaw: Mga Gusaling Mailaw, Abandonadong Bahay, Apartment, Oberpas sa mga katha ni Perez, nagkakahugis ang Cubao bilang alternatibong sentro ng ating kamalayan at kubling-malay kasabay ng pagkatha rito bilang bagong mukha ng urbanisadong espasyo sa harap ng pag-uulyanin ng Maynila. Kagaya ng laberinto ni Borges at sa pasikot-sikot ng Nalandangan nina Agyu, maraming “tagong lugar, sa mga sulok tsaka libliban, sa makikitid na kalyeng dinadaanan lang nung mga taong-Cubao.” Iba ang tanaw mula sa loob, kaysa mula sa labas. Inaanyayahan tayo ni Perez sa loob, subalit pakaiingat sapagkat walang pangako ng matiwasay na paglabas, o na makalalabas pa nga. Kahit pa wari walang ibig manatili sa Cubao sa mga espasyong iminamapa niya rito. Nakikita ni Tom ang Cubao bilang pusa, at hindi basta pusa, kundi isang pusang lokal na “walang kiyeme,” at “kung gabi, libog na libog. … Kumikisap iyong mata sa dilim…” Ito para sa kaniya ang Cubao na nagpalaki sa kaniya, ang Cubao na kinalakihan niya. Wala ngang ganap na dilim sa gitna ng urbanisasyon, “ang daming ilaw, ang lahat gumagalaw. Punta kang Ali, Superstor, Piesta Carnaval, Parmers.” Kahit sa bahay nina Tom, pag-uwi niya sa hatinggabi, “hindi madilim, kahit patay na iyong ilaw sa kisame. Me bumbilyang merkyuri kasi, do’n sa labas, iyong nasa ’taas nong poste.” Pinapalis natin ang takot na maibubunga ng ganap na dilim, wala nang ganap na dilim kahit magtago pa ang buwan,
filipino
29
sapagkat iyon ang isa sa mga unang nilutas ng ating agham. Ibig nating makakita anumang oras. Sinabi ni Perez na isa sa hindi niya malilimuta’y ang silid niya sa P. Tuazon kung saan 13 taon siyang nagsulat. At mula roon, “kung gabi, sa halip na mga bituin, ang nagniningning ay pira-pirasong neon lights sa crossing, ang mala-parolang penthouse ng Medalla Building, ang tuktok ng yerong bulkan ng Araneta Coliseum at ang mataas niyang marquee.” Kaya naman, pakiramdam ng mga tauhan, gaya ni Ike, ay katapusan na ng mundo tuwing magkakaroon ng brownout. Damang-dama nila ang panganib, at gaya ng mungkahi ni Reyes, “Di nga ba’t ang holdapan, nakawan, pangahasan at patayan ay karaniwang nagaganap sa lambong ng dilim?” At sapagkat hindi sila mapapanatag sa dilim, kailangang magsindi ng kandila, at “pinagmasdan ni Ike ang mga kasama niya. Para silang mga taong-kuweba, noong sinaunang panahon, nangakapaligid sa apoy at namamangha sa init at lamig, sa liwanag at dilim, sa buhay at kamatayan.” At gaano katagal nga ba bago nakilala ng tao ang apoy, na magliligtas sa atin sa mga gabi, lalo na sa mga gabi ng bagyo, kung kailan nagtatago ang buwan? (Naaalala n’yo pa ba noong Milenyo at walang ilaw sa kahabaan ng Katipunan?) Subalit gaya rin ng isang pusa, ang bilis mabuntis at manganak ng Cubao: iba’t ibang mukha, iba’t ibang kulay, may nagtatagal, may basta na lang nawawala. “Maramihan kung magkaro’n ng mga konstraksiyon. Lima-lima kung tumayo iyong mga haybol, anim-anim kung magbukas iyong mga tindahan, o kaya iyong matataas na bilding. … Ang bilis malugi nung mga bisnes, magbentahan ng ari-arian, magpalitan ng pagkakakitaan.” Ito rin ang ubod ng pagkatuliro ng manghuhula sa kuwento ni Perez, na isang hindi taga-Cubao, sa “maya’t maya’y pangingibangpuwesto ng mga tindahan.” Nasa sentro ng maiilaw na gusaling ito ang Farmers kung saan nanghahanting ng sward sina Tom at Butch. Ito ang sentro ng komersiyo, ng kalakal, at ng laman, pagkagat ng dilim. Subalit sa hatinggabi sa gitna ng
30
55 taon ng heights
paghahatakan ng dilim at liwanag, pumupunta roon ang Manayon sisters, ang magkapatid na donselya, sina Ye at Estela, ang mga manananggal na handang gawin ang lahat ng kalibugan, basta huwag lamang silang bubutasan, kundi’y papatayin nila ang lalaking magtatangka. Doon sa bagsakan ng mga karne at gulay, kung saan ang naiiwan ay ang mga boy at kargador, ang mga gwardya at dyanitor. Subalit ang tunay na Cubao, hindi iyong commercial center, sabi ni Vir. Iyong totoong Cubao ay iyong naroon na nang halos kalahating dantaon, at sa paglitaw ng mga ilaw nga’y unti-unting napunta sa mga sulok, singit, kanto, sa mga eskinita at pasilyo sa mga looban, sa mga pook na tago at halos hindi naiilawan. Siyempre pa, sa mga gusaling ito lamang naglilibang, nagpapalipas ng oras, o nagtatrabaho ang mga tao. Hindi sila tumitira rito. Subalit kataka-takang napupuno ang lugar ng mga abandonadong bahay. Ito ang binantayan ni Tandang Ando, sa kuwentong “Ang Mga Asuwang,” na sa edad na sitenta’y kwarto ay wala nang kasama sa buhay kundi ang kaniyang mga alagang hayop na itinuring na niyang anak. O ang lumang bahay sa Natib na dati umanong pagmamay-ari ng mga Claravall sa “Ang Taong Pugot,” pinananahanan daw ng taong pugot, iyon pala’y pugad ng dalawang taong may matinding pagnanasa na manakit at pumaslang ng tao. Kaya naman, tadtad ng apartment at mga paupahang-silid ang Cubao—mga pansamantalang espasyo, nirerentahan, hinihiram lamang, hindi maaari ng mga naninirahan doon. Pansamantalang estasyon ng mga nilalang na naghahanap, tumatakas sa palagian, pangmatagalan, panghabambuhay. Yumayakap sa tentatibo, gaya ng buhay. Nag-aapartment ang mga babaeng nag-iisa o piniling mag-isa. Gaya ng matandang dalaga na si Purita Cordero sa “Katalo,” o ni Clair, ang babaeng pinapapaniwala ang sarili na kaya niya nang mabuhay nang mag-isa at maging matagumpay sa “Ang Maligno.” Samantala’y halos gabi-gabi siyang dinadalaw ng isang lalaki sa ilalim ng matandang kalat-
filipino
31
sutsi na nasa unahang bakuran ng inuupahan niya, na natatanaw lamang niya mula sa bintana ng kaniyang silid. Isa pang dalaga, ang 303 lbs na si Helen Ganito sa “Ang Pasko ay Sumapit,” ang bumukod dahil nagsasawa na siya sa pagpuna ng mga kapamilya niya sa katawan niya. Tinadtad niya ang apartment ng motif mula sa Sweet Dreams, Little Girl motif ng bedrum, Betty Boop na banyo, Hello Kitty na kusina at Barbie Doll na salas. Samantala, ang apartment sa Mahiyain Street na tinutuluyan ni Adonis Casas na nasa Tuesday Group ng That’s ay “na pinaliligiran ng mga apartment din,” at hindi gaya sa probinsiyang pinagmulan niya, “walang mga daang buhangin.” Gaya ni Adonis, nagmula rin sina Ike, Benny at Cez sa iba’t ibang probinsiya at nagsalo-salo sa iisang silid na pinauupahan ni Gng. Aragon sa kanto ng P. Tuazon at Planas Site. Galing Pampanga at nagmahal na ang upa sa dating tinutuluyan ni Ike at si Benny naman na nanggaling pa sa Samar, ibig nang iwan ang dating tinutuluyan dahil ginagamit siyang pananggalang ng mag-asawang may-ari kapag nagkakaaway ang dalawa. Si Cez na nagmula sa Cebu, dahil manunulat sa telebisyon ay inisip na bumukod sa ate niya’t bayaw sa paniniwalang, “makapagpapalawak siya ng karanasan, makatitikim ng buhay sa ibang klaseng lugar, makatatagpo ng iba’t ibang tauhan.” Tadtad naman ng detector, alarm, security chain at lock ang apartment na tinitirhan ni David, dahil lumaki siyang “isang batang takot sa dilim” mula nang inabuso siya ng tatlong haragan noong pitong taong gulang siya at naiwang mag-isa sa kaniyang bahay. Ganito rin ang apartment ni Amor na sa takot sa balita ukol sa gumagalang serial rapist ay nagsadya sa sm upang maghanap ng panibagong lock sa pintuan—tatlong barrel bolt at isang door chain fastener. Si Amor na hindi na umibig matapos ang dalawang relasyon kung saan siya iniwan, at nang-iwan din siya. Subalit sa pagkainip ay binuksan din niya sa dulo ang mga lock, ang pinto, at lumabas siya upang makita lamang na “walang naroroon—ang kayhabang gabi lamang.”
32
55 taon ng heights
Samantala, para sa mga hindi pa nakakauwi, o papunta pa lang sa trabaho, sentral na lokasyon ang oberpas sa Cubao kung saan itinatawid ang tao sa mga lansangang hindi basta-basta malalakaran. Doon makikita ni Tom ang isang batang pulubi, ang dalawang pulis na nagtuturo sa mga tao ng kaliwa’t kanan. Dumadaluyong ang mga tao kaya “nanginginig iyong simento, iyong rehas, iyong alambreng sagang.” Samantalang nasa kisame ng Araneta Coliseum sina Tom, naisip niya pa rin ang oberpas na ito sa “Parmers’, iyong lakas nung dagundong, iyong simentong lumilindol sa ‘apak nung tao, iyong atip na yero, iyong alambreng sagang, iyong mga bakal na hawakan, ang lahat, babagsak, isang araw, ’pag luma na, ’pag matandang-matanda na, ’pag mahirap nang palitan.” Ang Cubao ba at ang oberpas ay iisa na? Dinadaanan lamang ito ng mga tao, subalit hindi hindi upang panatilian. Sa oberpas na ito ang huling tagpuan ng pakikipagsapalaran ni Tom: at naroon si Hermie, ang bakla na kinasama ng kaibigan niyang si Butch, at saka iniwan pa rin sa huli kahit pa sinabi ni Hermie okey lang na kuwartahan siya basta’t huwag iiwan. Mula sa ibaba ng oberpas, binaril ng iniwan ang batang kolboy. Isa pang krimen: Ito rin ang oberpas na pinagpatayan ng switch ng fuse box ng isang baliw na mangingibig na tumugaygay sa isang weytres, kay Queenie at pinagtapatan ng pag-ibig nang oras ding iyon, sa gitna ng dilim at “salit-salit na ilaw ng billboard sa kaliwa’t kanan,” at saka hinalay matapos itong magtangkang tumakas. Napatay ng baliw na mangingibig ang babae sa ibabaw ng oberpas, at nang matiyak na patay na nga, puno ng pagsisising pinagsasaksak pa niya ito sa biyak ng ari ng babae, sa suso nito, sa lalamunan, sa mata, sa tenga, kaliwa’t kanan. Ang oberpas ding ito ang naging lokasyon ng madalas na pagsasalubong ng isang lalaki at ng kinaiinggitan at unti-unti niyang ginagayang mama. Isang lalaking minsan nang nahibang dahil sa pag-ibig. Sabi niya, “Kadalasan ay sa oberpas ako tumitigil upang magmuni-muni. Doon ay tanaw ko ang timog at hilaga, doon ay higit ko ang mga bubungan
filipino
33
at punongkahoy, doon ay sakop ko ang lawak ng aking buhay, sapul pa sa pagkabata. Iyon ang aking barko ng palagiang paglalakbay ng isip, mistulang istasyon ng mahiwagang panahon, pasilyong-himpapawid na palagos dito at palagos din doon, tulay na bato na ang sukat ay isang unang hakbang mula sa hindi ko alam at tungo sa kung saan, mula sa ngayon tungo sa mamaya, mula sa kasalukuyan tungo sa walang hanggan. Doon ako nagpasiyang muling mabuhay, at magpatuloy ng buhay. At malamang ay noon ko unang nasalubong ang lalaking iyon.” Natuklasan niya sa huli na siya rin ang lalaking iyon, “at sabay silang nagaganap nang dahil sa sanga-sangang pinagdaanan.” Mula sa Cubao-Ibabaw, matatanaw ang mga espasyong ito ng lunsod na kumakatha rito bilang pansamantala at kalauna’y nililisan: ang maiilaw na gusali, ang abandonadong bahay, ang mga apartment, ang oberpas. Anong mga nilalang ang ikinukubli’t kinakanlong nila?
Cubao-Ilalim: Ang Bakla, Ang Lalaking Malibog, Ang Bata sa unang aklat pa lamang ng serye, matatagpuan ang kuwentong “Taong-Lobo” na waring silip sa lalamanin ng ikalawang aklat na Cubao Pagkagat ng Dilim—isang pagpaksa at pagkilala sa mga nilalang ng dilim sa atin mismong pagkatao, kung paanong sa bawat indibidwal, may nananahang taong-lobo, o aswang, multo, maligno, manghuhula, mambabalang, diwata, tikbalang, manananggal, taong pugot, nuno sa punso, kapre, manggagayuma, bampira, babaeng nakaputi, lamanlupa, tiyanak. At higit nga silang makapangyarihan sa pagkagat ng dilim. Kaya naman, ang mga tauhang ganito ang ubod ng palaisipan sa mga katha ni Perez. Tila isang bugtong: hindi tao, hindi hayop… At sisigaw ang isipan natin: Halimaw! Subalit kasimbilis niyon ang paglitaw ng mga anghel sa ating harapan, sina Kepharel, Michael at Sammael na nagda-
34
55 taon ng heights
dama ukol sa ating kapalaran, at matitigatig ang ating mga paninindigan. Agad tayong tatalikod sa kabiguan, at hindi makikita ang posibileng ngisi sa labi ng mga anghel. Bago sila tumalon pabalik sa balon ng kublingmalay. Bakit kay-tindi pa rin ng pananalig natin sa kung ano lamang ang nakikita gayong alam na alam na nating kaydaming hindi pa nga maipaliwanag? Paanong ang pinaglibingan ng mga alagang pusa at aso subalit itinuring na anak ng isang matanda ay kinatagpuan ng kalansay ng tatlong bata na yakap ang mga manika at basketbol. Ang bulong na nagmumula sa mga silyang ipinamana pa ng mga ninuno, nananaghoy sa Ilokano, ang wika ng matatandang bathala sa Hilaga, at pinupuna ang anyo ng bahay na unti-unting nawawasak. Ang mga nota ng musikang pumaimbulog sa hangin, naging insekto at pinaslang ang lahat ng mga nakikinig, kabilang ang Pangulo at Unang Ginang, at pinaguho lahat ng mga gusali sa paligid, sa daigdig ng isang binatang nalula sa tayog ng akala niya’y kinalalagyan ng kaniyang musika, bago siya tumalon mula sa itaas ng isang gusali. Ang batang babae na nakikita ang sariling humihiwalay sa kaniyang katawang-lupa at pumapailanlang at nakapaglalagalag sa iba’t ibang lugar kapag gabi, subalit may takot, kutya at taka sa mata ng iba kapag ikinukuwento niya ito. Ang paniniwalang may kaharian ng mga lamanlupa sa ilalim ng Cubao na nabulabog sa paghuhukay para sa anderpas kaya’t hindi matapos-tapos ang mga konstruksiyon, at nagkalat ang mga basura sa kalsada, nagputukan ang mga tubo ng tubig sa kalsada, sumabog ang mga bumbilyang merkyuri sa mga poste, sa hindi malamang dahilan. At nang magpadasal sila sa anderpas, sino itong matandang lalaking nagmula sa loob ng mga dingding ng anderpas at nagpakilalang kabilang sa espiritu ng mga ninuno ng mga nangaroroon at may hawak-hawak na kandila’t panalangin. Ano-anong mukha ang nililikha ng pinakamatitindi nating takot, na balintunang ayaw humarap sa liwanag kaya’t nanahan nang pagkatagal-tagal sa bahaging madilim ng ating isipan, kaya’t pagsapit ng dilim,
filipino
35
nagkakamaling nakapaglalagos palabas, at kapag nakaharap nati’y kapwa tayo natitigatig? Subalit hindi mga kakaibang nilalang ang kakaiba sa kaniyang mga tauhan. Si Tony Perez na mismo ang nagmungkahi kung paano haharapin ang kaniyang mga katha: mula sa antas na sensuwal, patungong sikolohikal hanggang metapisikal sapagkat, aniya’y ito “ang karaniwang pagkakasunod-sunod ng antas ng pagkakakilala ng isang tao sa kapuwa.” Sa bisyon ng isang tauhan ni Perez na nagagawang pumailanlang kapag gabi, sa pagkatagpo sa bangkay ng kaniyang iniibig, “saka niya nakita ang iba pang mga kaluluwang nasa kaniyang kapaligiran. Mula sa iba’t ibang sulok ng lupa. Bawat isa’y may hinahanap. Bawat isa’y may sadya. Bawat isa’y may pinupuntahan. Tulad niya. Ngayon ko lamang sila nakita, ang sabi niya sa kaniyang sarili. Ngayon ko lamang sila napansin, gayong gabi-gabi’y naririyan pala sila, wala ring nakikita’t walang pumapansin, pagkat tulad ko’y pansarili lamang ang layon ng bawat isa. Kayrami. Daan-daan. Lubu-libo. Milyun-milyun. Angaw-angaw.” Narito ang ilan lamang sa mga iyon, iyong mga mas mahirap kaligtaan, iyong higit na matitingkad ang hugis pagkagat ng dilim, iyong sa wakas, maaari na nating makita kapag nilampasan natin ang sarili, isang gawaing hindi madali, subalit maaari. Ang Bakla. Nagpapakilala ang bagong dekada mula sa lagim ng sitenta at kinikilala ni Perez sa kaniyang unang aklat ang unang sigaw ng gay liberation movement sa Pilipinas, bagaman sa isa sa mga liham sa aklat, inamin ng may-akda na hindi pa magaganap ang “tunay, makabuluhan at mabisang gay liberation movement sa Pilipinas.” Ang bakla, kung gayon, ang isa sa mga unang mahalagang tauhan sa kaniyang daigdig ng dilim. Sa pamamagitan ng paghawak ni Tom sa salita bilang kolokyal o balbal o anupamang ibig nating itawag sa wikang nasa-panahon at nasa-lunan, nakikita natin kung paano sinisipat ang karanasan ng bakla bilang tauhan ng kaniyang dilim. Mga sward, ayon kay Tom, na naglalabasan bandang alas-siyete sa Cubao. Mga sward, sapagkat iyon ang ibig ng mismong mga
36
55 taon ng heights
bakla na ayaw patawag na bakla sapagkat masakit umano sa teynga. Sa Kabanata 25 ng dalawampu’t walong kabanata ng “Cubao 1980,” mangyayanig ang anim na salita bilang kabuuan ng kabanata: “Puking ina n’yo—mga bakla kayo.” Ito, pagkatapos ng lahat ng dinanas niya mula sa una niyang karanasan sa parloristang si Sonny sa halagang beinte pesos hanggang sa limang nakadurog na kets, tipong mga pabling, na miyembro ng kombo na yumari sa kaniya sa itaas ng isang beykeri sa halagang dos siyentos singkuwenta. Masalimuot ang larawan ng bakla sa mga akda ni Perez, kaya’t may pakiramdam tayong totoo. Naroon ang dalawang binatilyong nag-iibigan at nagpakamatay sa isang motel na tinulaan niya, o ang mananahing pinaslang na kinakausap at pinasalamatan ng kaniyang boy sna naka-tagpo sa kaniyang bangkay, sa isa pang tula. Narito rin ang kakaibang relasyon ni Senen sa pinsang lalaki, si Lando, at sa kapatid na si Allan na nagpakamatay, sa dulang “k-31,” at ang sadya niyang pagbunggo ng sinasakyan isang hatinggabi na naghatid sa kaniya sa ospital. Ang tatlong liham ni Tony kina X, Y, Z mula sa iba’t ibang dekada: ang isa’y pinapayuhan tungkol sa paglaladlad, na nauwi sa pagpapayo sa maaaring maging layunin ng gay liberation movement sa bansa sakaling ilunsad ito samantalang ginigitgit ng mga institusyon sa lipunan at ng mismong mga bakla; ang isa’y sa dating mag-aaral na nasa Australia na’t katatapos lamang makipaghiwalay sa nakarelasyong kapwa-lalaki at nagtangkang magpatiwakal, na nagmungkahing isang mabuting pakikipagkaibigan lamang ang isang relasyong-bakla at kung paanong marami ang Paraiso at mga ito’y nililikha, nililisan, at pinapasok muli’t muli; ang huli’y tugon sa liham ng kaibigang nasa us na namamatay sa aids, subalit pinaghahandaan nang mabuti ang gagawing paglisan lalo na para sa mga maiiwan. Nasa ibang bansa rin ng Coya ni Ike, na nagtatrabaho sa Kansas, biktima ng pagmomolestiya ng sariling ama, at namamahay nang kasama ang isang lalaki. Lihim nilang magkapatid iyon sa kanilang Ima. Tinatawag ng Coya ni Ike na liberation iyon, na siyang “susi ng lahat ng problema ng lahat ng tao.”
filipino
37
Sa “Katalo,” nariyan ang mga pa-mhin na sina Tex Recio, Vino Garcia, Nilo Virtucio at Mon Apostol na, sa pagkukubli ng musikang klasikal na nakatodo ang volume, dinadaan sa kakaiba, maharot, puno ng okrayang laro at balitaktakan sa bahay ni Tex ang pustahan kung kanino mapupunta ang naghihintay na kolboy sa kuwarto kapag nakumpleto ang set ng mga alahas mula sa Jewelry Box na siyang itatanghal na Pretty Pretty Princess of the Day. Naiiba ba sila kay Finesse o Ronquillo Fineza, ang diwatang pangit, at “maitim at magaspang ang kutis at hiwa-hiwalay ang mga ngipin… ngunit kapag naka-set ang buhok at nakameyk-ap at nakabihis-babae’y napagkakamalan siyang mapormang negra, kung di man maganda ay marikit, kung di man marikit ay nakatatawag-pansin,” na itinanghal bilang Binibining Barang-Gay De Porres matapos ang katakot-takot niyang paghahanda’t pagsasanla ng mga gamit, “datapuwat nang koronahan siya ng asawa ng alkalde’y muling gumuhit sa kaniyang kaisipan ang kahibangan ng sandaling iyon, ng buong paligsahan, ng lahat-lahat sa buong lipunan” bago niya natanggap na siya nga’y nagwagi sapagkat sa mga manonood na nagpapalakpakan sa kaniya, “walang nagtatawanan. Walang nagkakantiyawan. Walang nanlalait.” Kaya naman, inisa-isa ni Perez ang lahat ng mga kailangang IBAGSAK sa kaniyang “Manipesto” para sa mga bakla. At kuwentong “Nuno sa Punso,” itinanghal niya ang kapangyarihan ng wika ng bakla na lumikha ng sarili niyang naratibo na magsasagilid at paglalahuin sa dilim ang mga isipang hindi masasakyan kung saan patutungo ang simulang, “Ganitrils nils, titils, fiyara joanna knowing ang mga wing kiyachyichyils”—kung saan ang tinutukoy ng mga salita ay hindi na ang ipinangalandakang kahulugan ng heteronormalidad (naka-cd para sa nakakita, see), at kahit ang mismong signipikasyon ay pinahahaba o pinaiikli ng kanilang pangangailangan (anils para sa ano, halimbawa). Ang Lalaking Malibog. Sa Cubao pagkagat ng dilim ni Perez, namamayani ang libido at id sa mga lalaki, sa pakikipagbuno at pagtatanghal sa
38
55 taon ng heights
kanilang pagkalalaki. Narito ang Atenistang tagapagsalaysay sa “Valentin,” na nagkukuwento ukol sa kaniyang mga pakikipagsapalaran kasama si Valentin, na simula pa lang sa eskuwela’y tinatawag na nang kung ano-ano: “Kabuti. Talong. Upo. Patola. Hot dog. Chorizo de Bilbao. Vienna Sausage. Lunggansa. Turon. Banana-Q. Lollipop. Tiratira. Putobumbong. Lawit. Bandila. Tako. Baston. Kambiyo. Handbrake. Batuta. Hard hat. Tarugo. Barena. German helmet. Espada. Riple. Machine gun. Silencer. Secret agent. 007. Kanyon. Tore ni David. Monumento. Pito. Black-light bulb. Antenna. Remote control. Zoom lens. Flashlight. Pedro. Manoy.” Naging tagasunod siya nito, simula nang mamulat ito noong 12 taong gulang siya, paano ba nama’y ito ang lumalabas na champion sa anumang hambingan at sukatan: “Apat na pulgada siya kapag tulog, lima’t kalahati kapag half-mast, anim at tres-medya’t lampas-pusod kapag tayo at kapit-linta sa balat ng puson.” At ang babala niya sa dulo: “Magtago na kayong lahat—si Valentin ang maghahari sa mundo!” Na mukha ngang magkakatotoo. Kung pagbabatayan ang iba pang mga tauhan na inalipin ng kani-kanilang Valentin. Nariyan ang mga pedopilya. Si Mang Romy, Romulo Atienza, ang dyanitor sa Paaralang Elementarya ng Cubao, na minsang nag-init ang katawan sa isang batang babae na niyayaya niya sa kaniyang tulugan at pinaghihimas ng kaniyang ari sa halagang dalawang piso, at pagkatapos ay saka niya pupugin sa halik at hihimurin ang dibdib at taynga ng bata bago tirahin sa ari, kaya siya nakulong nang dalawampung taon bago naging dyanitor. Ganito rin si Mang Natong na ipinatikim ang kaniyang saging sa siyam na taong gulang na si Helen, anak ng kaniyang amo. O ang ama ni Ike na pedopilya at nanghahanting ng bata, matapos magsawa sa sarili niyang anak, ang Coya ni Ike. At kahit ang limang piyon na pinagparausan si Adonis sa ibabaw ng elfin truck samantalang pinagtatalunan kung babae ito o lalaki. Pinakatampok siyempre si Humbertong Magdamag, ang tikbalang sa kuwento ni Perez, na hindi manghinawa sa seks (“pito hanggang sam-
filipino
39
pung ulit na pagtatalik sa isang tagpuan”), mas madalas utugan kaysa sa karaniwan, kaya’t pinag-eksperimentuhan niya ang mga babaeng magagaslaw at pumapayag pagalaw, hanggang sa mga babaeng wala pang karanasan, hanggang sa ibigin siya ng isang babae sa kabila ng lahat subalit hindi niya matugunan iyon ng pagmamahal, hindi niya kilala ang pagmamahal. Sa dulo, ni hindi na niya makita ang sarili sa salamin, wala na siyang mukha, at nang mapagod ay “lumatag siya sa isang sulok, kasama ng mga anino.” Narito ang pagtataka ni Dale, ang lalaking kapitbahay ng Manayon sisters na tumutugaygay at alam ang ginagawa ng dalawa, matapos siyang imbitahan nang makahulugan ng dalawa sa bahay nito, “kung bakit ang libog ay isang lubos at kamangha-manghang karanasan. Para sa akin. … Para sa ibang lalaking tulad ko. Marahil, para sa lahat ng lalaki sa buong mundo. Lubha ko ring pinagtatakhan kung bakit ang pagnanasa’y parang kakambal ng takot.” O si David na sa kabila ng pag-aakala ng kaniyang katiwalang si Poldo na lahat ng iniisip niya kapag nagsasalsal ay donselya, sa totoo, “ang kaniyang pantasya’y puro kalaswaan, pulos tungkol sa babaeng niluluray niya sa putikan, o kaya’y sa basurahan, o kaya’y sa kung saang tambakan,” at isang gabi’y binuksan ang tahanan sa tatlong tin-edyer na lalaking nangangaroling para sa basketbol tournament ng barangay. Kaya nga ang mga babaeng nakaputi, nagpapakita lamang sa mga lalaki, hinala ng mga nag-iinuman sa isa pang kuwento ni Perez, dahil, “kets ang me atraso, kets ang gumahasa, kets ang pumatay.” At nang mabasa nila ang balita sa diyaryo tungkol sa babaeng nireyp ng apat na sundalo, naisip ng isa kung bakit iyon ang nakatawag sa pansin niya, at naghinalang, “siguro kasi, lalaki rin ako, kasi, mahilig din ako sa umpugan, gusto ko rin’ man-reyp, ganyan. Kaso, pare, siyempre, ayoko’ pahuli, ayoko’ mabilanggo, tsaka pare, ayoko rin iyong me nasasaktan. Ganyan. Gusto ko, pare, ’pag nan-reyp ako, lahat nasasarapan—ako tsaka iyong babaeng nire-reyp ko, ganyan.” Kaya nang ipinalabas pa sa Pulis Report ng tv
40
55 taon ng heights
Patrol ang tungkol sa serial rapist na gumagala sa Cubao, lalong tumindi ang takot ni Amor sa lalaki, kahit sinong lalaki na kahit anong bait ang hitsura’t pakita’y “maaaring may katok sa ulo, may sira, may taling sa kaluluwa.” Gaya ng obsessed na mangingibig sa “Pamamanhikan” na tumutugaygay sa kaniyang mga iniibig, sinusundan-sundan ng ilang gabi at kapag nakahanap ng tiyempo’y tututukan ng balisong at saka pagsasamantalahan at papatayin pagkatapos. Ang Batang Biktima. Tila isang pasinaya ang tulang “Sa Libingan ng Isang Bata” sa huling mahalagang tauhan sa daigdig ni Perez, ang batang biktima. At sa isang pagtatapat, sinabi niyang pinsan niya at itinuturing na kapatid ang totoong Tony Perez, at sinabing noong 12 taong gulang sila, “Pinatay ko siya pagkat ang tangi niyang pangarap ay maging tanyag na pintor, at ang pangarap ko naman ay maging isang manunulat. Sa murang edad na iyon ay batid kong isa lamang sa amin ang maaaring manaig. Kung hindi ko siya papatayin, siya ang papatay sa akin. Kayat isang gabi’y pinatay ko siya, at mula noon ay dala-dala ko ang pangalan niya.” Samantalang binubuo ang aklat na Cubao-Kalaw Kalaw-Cubao na ikalima at huli sa serye niya ng Cubao, na “kung ang animus ng Ermita ay ermitanyong matanda na at may mahaba’t maputing balbas, ang animus naman ng Cubao ay isang batang lalaki.” At sa nobelang “Bata, Sinaksak, Sinilid sa Baul,” naroon si Charlie bilang batang biktima ng panghahalay at pagpaslang, na nag-uwi sa pagkapatay sa isang pulis ng kriminal, na nagpatiwakal din pagkatapos. Ang mga kamatayan na ito ay nag-uwi sa kamatayan din ng pagkabata ng tatlong pangunahing tauhan sa nobela: sina Ike, Benny at Cez—ang una’y ang anak ng kriminal, ang ikalawa’y ang inampon ng pulis, at ang bunso’y ang kapatid ni Charlie, na makalipas ang labingwalong taon pagkatapos ng krimen ay nagkasama-sama sa isang apartment na hindi nalaman o inaming may kaugnayan sila sa isa’t isa nang higit pa sa pagsasalo sa iisang silid. Kaya naman, ang buhay nila’y napaliligiran ng mga bata—ang mga bata sa mga religious activities ng parokyang pinaglilingkuran ni Ike, ang batang si Dading na nagtitinda
filipino
41
ng dyaryo’t halos kapatid nang ituring ni Benny, at ang mga bata sa lansangan na madalas na naglalaro kapag napapasilip si Cez sa bintana, ang mga batang nakikinig sa mga kuwento niya. Sa pagitan nila, umaalingawngaw ang kuwento tungkol sa batang sinaksak sa Planas, isang gabing brownout, nagtitinda ng balut. At ang panghihinayang, gaya ng panghihinayang sa isang Crispin sa nobela ni Rizal, at sa isang Charlie, sapagkat ang bata’y “mautak daw. Kaya lang naghahanapbuhay, kailangan ng panggastos sa eskuwela. Mahirap lang kasi sila.” Kahirapan din ang bumuo sa pagkatao ni Bototoy (“Pork Empanada,”) 6 na taon, at ang bunsong kapatid niyang si Nining. Nagwa-watchyourcar siya at pinag-ipunan ang pork empanada, sa halagang beinte uno pesos para sa kanilang magkapatid pero papanis na ang ibinigay sa kanila, at dahil noon lamang nakatikim noon, sinabi pa rin nilang masarap ang binili. May mga batang biktima sa daigdig na ito hindi dahil namatay sila kundi dahil patuloy silang nabubuhay.
sa huli, kailangang alalahanin na hindi negatibo lamang ang pagkagat ng dilim na ito. Madalas, hinahanap natin ito, hinahangad natin ito, upang sukatin ang ating mga hanggahan, upang makaharap ang mga sariling hindi natin nakikita sa araw-araw na pagtingin sa salamin. Isang paanyaya sa pagkawasak bilang bahagi ng karanasan, bago pa man ito sumalakay sa panahon at anyong pinangangambahan natin. Gaya ng babae sa sanlibo’t isang gabi’t salaysay ng mga Arabo na nakasalalay ang buhay sa haba ng gabi na nagbibigay sa kaniya ng pagkakataong mahawakan ang kaligtasan at pangako ng darating na panibagong araw sa pamamagitan ng pagkatha ng mga kuwento. Sa daigdig ng Cubao sa unang limang aklat ni Perez, wala pang mrt sa edsa, wala pang lrt sa Aurora na nagtatagpo sa wala pa ring Gateway noon. Ang naroon lamang noon, ang Farmer’s. Ang oberpas, ang anderpas. At ang mga nagbibiyaheng dyip at bus. Ilan sa atin ang nagbubus at
42
55 taon ng heights
dumadaan sa Cubao? Sa biyaheng Cubao-Ibabaw, maaaring mapasilip ka sa bintana, at makikita mo ang mga gusali sa labas, ang mga ilaw, ang mga bahay na abandonado, ang mga apartment, ang oberpas. Maaari ka ring bumaba at makibahagi sa mga iyon nang pansamantala. Sa Cubao-Ilalim, wala kang makikita kundi ang anderpas, ang ilaw sa gilid ng dingding. Doon, maaaring mapilitan kang tumingin sa loob, sa mga kasakay mo sa bus, sa mga taong naroon at naglalakbay din, pauwi, papunta sa kung saan, mga karaniwang tao na gaya mo, maaaring may bakla sa iba’t iba nitong anyo ng pagkukubli at paglalantad, mga lalaking may kani-kanilang inaalagaang Valentin, mga bata, at maaaring maisip mo kung anong ibig sabihin ng karaniwan. At pagbaba, iiwan mo rin silang lahat, kung hindi ka nila naunang iwan. O kung hindi mo pa rin naaamin sa sarili na maaari, maaaring-maaari na bahagi ka sa daigdig na ito ng dilim.
Edgar Calabia Samar ab Psychology ’02 ma Literature-Filipino ’04 Kagawaran ng Filipino ’01 - ’02 Katuwang na Patnugot sa Filipino ’05 - ’08 Tagapamagitan Emmanuel Torres ab Education ’54 ’52 - ’53 First Editor ’53 - ’54 Chairman of Senior Board of Editors ’66 - ’67 Tagapamagitan
filipino
43
44
55 taon ng heights
filipino
45
46
55 taon ng heights
ingles
47
48
55 taon ng heights
ingles
49
50
55 taon ng heights
ingles
51
52
55 taon ng heights
ingles
53
for the special 55th anniversary issue of Heights, this particular Art Editorial will focus on one Frances Alcaraz, an exceptionally talented artist better known to her friends and acquaintances as Panch. In her second year in Ateneo, she decided to join Heights and apply as a member of the Art Staff; a year later she was nominated for the position of Associate Art Editor. Her artworks have been published alongside numerous literary works as poetry illustrations, and in 1995 she contributed a self-made comic entitled Alamat ng Unang Babae for the historic Heights comics issue. Her contributions for Heights and for the Ateneo art scene later earned her the privilege to receive the Dean’s Awards for Achievement in the Graphic Arts. After graduation, she studied Painting in the University of the Philippines and later on took up illustrating as a profession. She has then illustrated several children’s books, which have been translated into different languages, and even collaborated with a fellow Heights alumni, Mr. Edgar Samar for the cover illustration of his book Pag-aabang sa Kundiman Isang Talambuhay. Even after college, she continued to gain recognition for her books, some of which include Best Children’s Book in the National Book Awards (finalist for two years in a row) and the 1996 Noma Concours for Picture Book Illustrations (runner-up) given by the Asian Cultural Center for unesco. She is currently a member of the Inter Disciplinary Studies faculty of the Ateneo.
sining
57
Why Heights? like most students, Ms. Alcaraz came to know about their student organizations of choice through the orsem. She has afterwards joined a lot of student organizations, but it was only in her second year that she decided to apply as a member of the Art Staff of Heights. Though the answer may sound blatant, it’s still worth asking her why she made this decision to join. Why Heights? Aside from keeping busy and being active with non-academic related work, Ms. Alcaraz attributed the atmosphere of the publication, as well as the presence of people who shared the same interest as she, as the factors that attracted her to join. For her, the spirit of freedom and creativity prevalent in not just the physical form of the pubroom, but also with her fellow Heightsers motivated her to aspire for improvement in her chosen craft. Simple and obvious as it may sound, this decision to join has in the long run, contributed to her growth as an artist.
State of Heights nothing goes smoothly as far as working with other people goes. When asked about what she remembers of Heights, the publication and organization, were during her time, the “nothing goes smoothly etc.” part mentioned came about. While this type of concern isn’t an old one, or solely a problem of her time in Heights, Ms. Alcaraz nonetheless stressed upon it. Being with a lot of creative people, she says, can in fact lead to tension particularly the kind that happens between writers and artists. A concrete and critical example is that of the friction caused by the task of poetry illustration. With different ways of creating works (words for writers & pictures for artists), it is inevitable for conflicts not to take place. Ms. Alcaraz points to the fact that with poetry illustration, the author entrusts the artist with the visual interpretation of the said author’s precious literary work. Often times, the image created or rather the artist, will encounter
58
55 taon ng heights
some sort of criticism from the writer (like if the latter thinks that the illustration is too literal). A notable result of this conflict, as Ms. Alcaraz remembers it, was the release of a certain artworks void Heights issue. This boycott issue became a physical manifestation of the clash between the writers and the artists. Still, this was a temporary concern and soon enough, a special comics issue was released in order to amend for the previous one’s lack of images (here, Ms. Alcaraz displayed her illustrative & narrative prowess by coming up with one of the comic entitled Alamat ng Unang Babae). Aside from the conflicts, Ms. Alcaraz also touched on the subject of the publication’s logo, the Heights Chair, and the apparent lack of an Art Gallery section. On the first matter, Heights apparently didn’t have the Chair logo (or much less a logo) yet when she first joined. For her, having no logo gave a “sense of not being defined”. It was not until Joseph Salazar came out with the chair concept that this concern on definition or identity came to a close; a chair is to an artist and a writer, an important if not essential instrument for drawing and writing, as is a stage is essential for an actor to perform. As for the latter, she emphasized on the role of Art staffers as narrative illustrators (sans the poetry illustrations), thus there was little need to have a gallery. Here she comments on the “isolating” effect of allowing artists to just create on their own. While it is by no means wrong to express individualism, the main point of foregoing a gallery was to allow the artists to venture into different grounds and exercise not just his/her artistic capabilities but to also foster narrative understanding. Inspiration and ideas after all, don’t always have to come whenever an artist is in his/her “own world”; it’s also good to have outside sources for one time or another.
Influence aside form juggling academic responsibilities (Ms. Alcaraz was an
sining
59
Economics major), being a member of Heights, and eventually becoming a part of the editorial board as Associate Art Editor (for school year 19951996), also took up most of her time as a college student. Still, she shows joy and gratitude for having chosen Heights as not just an extra curricular obligation but also an important creative outlet. Being with writers and other artists, she shares, had motivated her to aspire for improvement. This interaction challenged her to try and experiment with different art styles. From watercolor to scanning different fabrics and applying them to digital illustrations, Ms. Alcaraz continues to nurture her creativity by immersing herself in as much art as possible. Now that she is professionally illustrating, she attributes her training on poetry illustration for her success in coming up with her own stories. Proof of this can be seen in her two published children’s books The Lost Necklace and The Broken Egg, which she both wrote and illustrated. Through Heights, particularly through illustrating poetry, she gained the chance to learn visual narrative, which she admits, has helped her become both artist and writer.
Wise words for the present and future Heights and Art Staff as a Heightser and, in particular, an art staff alumni, Ms. Alcaraz is more than permitted to have some say for the present generation of writers and artists. First, for the present day Heights, both the publication and the organization entity, smooth sailing is never to be expected. When asked what she had to say about the present day Heights’ concern over the death of art and literature in the Ateneo, she doesn’t provide any clear answer, but instead posed a challenge; if you don’t want something to die, then you must do something about it. Obviously, issues of one form or another will always be present, but the key to solving these will all fall on how innovative one will be. In order to save something, in this case art and literature,
60
55 taon ng heights
from dying, she advises the current generation of Heightsers to experiment, let loose and come up with something fresh. College, she adds, is a golden opportunity for artists and writers to pursue their passions whole-heartedly. If everyone were to constantly strive for innovation and inspiration, then there’s no need for worry. Secondly, for the present and future Art Staff, she encourages them to just continue to work hard and create their art freely. As what she has done before, being experimental with your style will be beneficial for an artist’s growth. Learning to work effectively with not just artists, but also with writers is a beneficial attitude an Art Staff member should also develop. The reason for its importance is that it helps develop the artist’s visual narrative skill. According to her, the Art Staff’s primary task is to provide visual interpretations of a literary work, whether it be a poem, prose, etc. This is what she thinks is the main difference between being just a painter and an illustrator: since the Art Staff members of today are more drawn to submit for the gallery section, it unfortunately fosters isolation from the rest of the staff because, like a painter, they become too pre-occupied with their own little world, whereas an illustrator is given text by which he/she must give meaning to. For the latter, collaborating with writers will help in the development of their visual narrative skill and ultimately, by working with each other unity within the different branches of the publication (and organization) can be established. Finally, for the individual artist and writer, she imparts the virtue of humbleness. It is one thing to be proud of ones achievements and another to be smug and overly conceited. Through all her years as an artist, specifically as an illustrator, learning how to receive compliments and praises with humility kept her from becoming too complacent about herself. Indeed much of her achievement now is a result of this humbleness and constant aspiration to be better and be able “top” herself. In this competitive day and age, having a big head will not make you last. According to her, artists, or anybody else in general, who do last in their chosen crafts are
sining
61
those who earn their way to the top with a level head. Clearly, she’s not one of those bigheaded ones.
Eliana Laurice Javier ab Economics ’09 ’05 - ’07 Kasapi ng Bagwisang Sining ’07 - ’08 Katuwang na Patnugot ng Sining
Frances A lcaraz ab Economics ’97 Kagawaran ng Fine Arts ’94 - ’95 Kasapi ng Bagwisan ng Sining ’95 - ’96 Katuwang na Patnugot ng Sining
62
55 taon ng heights
sining
63
Panch Alcaraz
Princess
Acrylic 53.18 x 94 cm
64
55 taon ng heights
Panch Alcaraz
Time
Acrylic 53.18 x 94 cm
sining
65
opposite
Eliana Laurice Javier
Not Just for Decoraton Colored Pencils
66
55 taon ng heights
sining
67
68
55 taon ng heights
PASASALAMAT
Fr. Bienvenido Nebres, s.j. at ang Office of the President Dr. Ma. Assunta Cuyegkeng at ang Office of the Vice President for the Loyola Schools Bb. Pia Sandra Acevedo at ang Office of Student Activities Bb. Karen Cardenas at ang Office of Research and Publications G. Rene San Andres at ang Office of the Associate Dean for Student Affairs Bb. Lourdes Sumpaico at ang Office of Administrative Services Bb. Leonora Wijangco at ang Central Accounting Office Bb. Christina Barzabal at ang Purchasing Office Bb. Consolacion Conception at ang Ateneo Placement Office G. Leovino Ma. Garcia, Dr. Benilda Santos at ang Office of the Dean, School of Humanities Bb. Corazon Lalu Santos at ang Kagawaran ng Filipino Dr. Margarita Orendain at ang English Department Fr. Rene Javellana, s.j., G. Xander Soriano at ang Fine Arts Program
    69
G. Marco A.V. Lopez at ang Ateneo Institute of Literary Arts and Practices G. Rodolfo Allayban at ang University Archives G. Dean Alfar, Dr. Wilford Almoro, G. Aris Atienza, G. Oca Campones, at G. Edgar Samar sa pagiging bahagi ng mga nakaraang Heights Formalist, Creative at Art Talks   
at Perfect Color Prints
Mark Benedict Lim at ang Matanglawin Ana Corina Arceo at ang The Guidon Clark Que at ang Council of Organizations of the Ateneo Entablado at Tanghalang Ateneo para sa mga paanyayang manood ang Heights sa kanikanilang mga pagtatanghal actm, atsca, gabay,
at speed sa mga paanyayang maging bahagi ang Heights sa kani-kanilang mga proyekto High Chair, up Writers Club, dlsu Malate Literary Folio at ust Dapitan Literary Folio Ang Gonzaga Hall Maintenance Personnel At sa lahat ng mga walang sawang tumatangkilik sa mga proyekto ng Heights at sa mga nagpapasa ng kanilang mga gawa
70
55 taon ng heights
mga may-akda
71
PATNUGUTAN 2007 - 2008
John Paul F. Marasigan Audrey Phylicia N. Trinidad Katrina Paola B. Alvarez Kevin Bryan E. Marin Therese Anne C. Calma Fidelis Angela C. Tan Maurice Y. Wong Eliana Laurice C. Javier Stefanie D. Macam
Punong Patnugot Katuwang na Patnugot Tagapangasiwang Patnugot Patnugot sa Filipino Katuwang na Patnugot sa Filipino Patnugot sa Ingles Patnugot ng Sining Katuwang na Patnugot ng Sining Patnugot ng Disenyo
Patricia Angela F. Magno
Tagapangasiwa ng mga Natatanging Proyekto
Francis Joseph L. de Guzman
Tagapangasiwa ng mga Natatanging Proyekto
Joanna Victoria D. Ruaro Justine Joyce L. Alim Pancho D. Alvarez
Edgar Calabia Samar
Panlabas na Pangkalahatang Kalihim Panloob na Pangkalahatang Kalihim Tagapangasiwa ng Kalakal
Tagapamagitan
MGA KASAPI
INGLES
MGA NATATANGING PROYEKTO
Catherine Alpay, Kyra Ballesteros, Jerik Cruz, Paula Elise Doroteo, Dominique Du,Martin Gonzales, Marie La Vi単a, Gian Lao, Petra Magno, Wyatt Ong, Karla Patricia Placido, April Sescon, Tim Villarica, Martin Villanueva
Paul Ablan, Angelica Candano, Bea Celdran, Jose Fernandez, Jaclyn Ledonio, Monica Tiosejo, Selene Uy
Filipino
DISENYO
Lester Abuel, Victor Anastacio, Kat Bulaong, Brandz Dollente, Walther Hontiveros, Julio Julongbayan, Geriandre Piquero, Ayon Sanchez, Ali Sangalang, Eugene Soyosa, Jason Tabinas
Garet Garcia, Carina Samantha Santos
SINING Dave Oliver Anastacio, Jessica Amanda Bauza, Erika Bacani, Tasie Cabrera, Bea Celdran, Miguel Mercado, Isabelle Danielle Ocier, Gracy Otocan, Ria Rigoroso, Danielle San Pedro, Alyza Taguilaso