LV 2: 55th Anniversary Folio

Page 1

Tomo lv Bilang 2 Ateneo de Manila University 2008


HEIGHTS

Tomo lv Bilang 2 karapatang ari Š 2008

Reserbado ang karapatang-ari sa mga indibidwal na awtor ng mga akda sa isyung ito. Hindi maaaring ilathala, ipakopya o ipamudmod sa anumang anyo ang mga akda nang walang pahintulot ng mga awtor. Hindi maaaring ibenta sa kahit anong paraan at pagkakataon ang kopyang ito. Maaaring makipag-ugnayan sa: Heights, Publications Room, Room 206, Gonzaga Hall Ateneo de Manila University, p.o. Box 154, Manila Telepono 426-6001 lokal 5448 thinking_chair@Heights-Ateneo.org www.Heights-Ateneo.org Heights ang Opisyal na Publikasyon at Organisasyong Pampanitikan at Pansining ng Pamantasang Ateneo de Manila. Pabalat Disenyo at Paglalapat

JPaul Marasigan, Maurice Wong at Stef Macam JPaul Marasigan at Stefanie Macam

Inilimbag ng PerfectColor Prints sa Pilipinas




MULA SA PATNUGOT

Mahigit limang dekada na ang nakararaan mula noong isilang ang opisyal na pampinitikang publikasyon ng Pamantasang Ateneo de Manila: ang Heights. Sa loob ng limampu’t limang taon, naging pugad ito ng mga manunulat, mambabasa, dibuhista at mga alagad ng sining biswal. Naging pamamaraan din ang Heights upang ipakita sa pamantasan ang kanilang mga nilikha. Wala pang mga kursong nakatutok sa malikhaing pagsusulat at sining biswal noon, subalit marami na ang mga mag-aaral ang nag-uumapaw sa basbas ng kanilang mga musa at naghahanap ng mapagbubuhusan ng mga biyayang ito. Sa Heights nila natagpuan ang tahanang kanilang hinahanap. Sa Heights nila natuklasan ang isang daan upang makapagbahagi sila ng kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang mga nilikha.   Maaaring naudyok ang mga naunang kasapi ng Heights na sumali sa paglalayong makahanap ng pamilyang kukupkop at tutulong sa kanila sa paglilinang ng kanilang mga angking kakayahan. Naging saligang sangkap din sa kanilang pagpapahusay ang mapabilang sa isang pangkat na nakauunawa ng kanilang natatanging pagkiling sa mga salita at linya, tono, kulay, espasyo at iba pang mga sangkap ng isang likhang sining. Isang masaya at buhay na workshop ang Heights para sa mga taong nagpapasa ng kanilang mga akda. Patuloy nilang ipinababasa ang kanilang mga nilikha, tinatanggap ng mga matatamis na papuri at mapapait na puna, at dumadaan sa madugong proseso ng ilang pagwawasto at pagba-


bago ng kanilang mg isinulat at iginuhit upang mapaunlad ang kanilang sarili bilang mga alagad ng sining. Malaki rin ang naitutulong ng pagkakalimbag sa mga pahina ng Heights upang iangat ang tiwala ng isang manunulat o dibuhista sa kanyang sarili, ngunit mas nangingibabaw pa rin ang kanilang pagkiling sa mismong proseso ng paglikha ng akda o likhang sining.   Sa unang tingin, maaaring ipagpalagay na ang mailimbag lamang ang hangarin ng mga manunulat at dibuhista. Subalit tumataya akong mas malalim pang dahilan dito ang kanilang pag-ibig sa sining. Ito marahil ang nagtutulak sa kanilang sumali at tumangkilik sa Heights. Ito ay isang kagustuhan nagbubukal sa katauhan ng isang tunay na alagad ng panitikan at sining biswal. Sa pamamagitan ng kanilang pagsusumikap, naitataguyod nila hindi lamang ang Heights kung hindi ang Sining sa pangkalahatan nito.   Naniniwala kaming hindi lamang sa loob ang talab ng biyaya ng Sining. Nag-uumapaw ito mula sa indibidwal at umaabot sa kapwa sa pamamagitan ng kilos ng pagbabahagi. May magkahalong hiwaga at disiplinang kaakibat ng pagbabahagi sa paraang Sining. Masasabing nagsisilbi itong daan upang mamulat din ang mga mambabasa at mahikayat silang tumuklas at lumikha para sa kanilang mga sarili.   Bilang isang publikasyon, naglalaan kami ng puwang para sa mga Atenistang nais magpakilala sa paraang malikhain. Bilang isang organisasyon, layunin naming paunlarin ang kakayahan hindi lamang ng aming mga kasapi, kung hindi pati na rin ng sinumang may interes na linangin ang kanilang mga kakayahan. Sa ganitong paraan, tumatayong mga alagad ng Sining—mga tagapagtaguyod at sandigan—ang Heights. Sa loob ng mahigit kalahating siglo, masasabing pagpapahiwatig ng katapatan sa mga pagpapahalaga sa liberal na edukasyon ang Heights. Nagsilbing instrumento ang Heights upang palalimim ang pagpapakatao ng mga tumatangkilik dito. Nagbigay ang Heights ng kakaibang uri ng

vi

55 taon ng heights


pagpapalago ng isipan, ibang anyo ng pagsisid sa diwa, at pagpapakita sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag. Sa isang hindi sinasadyang paraan, naglatag ang organisasyon ng pamamaraan para sa panibagong uri ng pagtanaw at pagpapakilala sa mundo para sa mga mag-aaral ng pamantasan.   Sa isyung ito ng Heights, layunin naming gunitain at pasalamatan ang mga naging kasapi ng Heights, ang mga librong kanilang nailimbag at ang iba’t ibang kaganapang kanilang idinaos upang mapatibay ang tradisyon ng kahusayan sa panitikan at sining ng publikasyon. Pinasasalamatan namin sila sa kanilang mga naimbag na naghihimok sa aming ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulan at patuloy na itinataguyod. Nais din naming ipagdiwang ang patuloy na pakikilahok ng Heights sa kasaysayan ng panitikan at sining. Kawangis nawa ng aming pananabik sa paglilingkod sa inyo, aming mga manunulat, dibuhista, mambababasa at tagapangilatis, ang inyong pananabik sa paghaharap ng Heights sa susunod na limampung taon.

JPaul Marasigan Putong Patnugot Pebrero 2008

    vii










MGA NAUNANG PUBLIKASYON 1922 Hulyo taong 1922 naglabas ang mga mag-aaral at alumni ng Ateneo de Manila ng isang pampanitikan at pambalitang magasing itinawag na The Ateneo. Dinisenyo ito upang payamanin ang pampanitikang kahusayan at upang tipunin ang mga interesanteng bagay na may kinalaman sa mga gawain ng mga estudyante at alumni. Si Edilberto OsmeĂąa ang unang patnugot ng magasing ito.   Pagkatapos ng dalawang buwan at dalawang isyu, naging The Ateneo Monthly ang The Ateneo at patuloy na naging pangunahing pahayagan sa kampus ng pitong taon. 1929 Lumabas ang huling isyu ng The Ateneo Monthly na pinalitan ng dalawang pahayagan sa kampus: The Guidon na nangasiwa sa pagpapakalat ng balita sa kampus, at The Ateneo Aegis na naging pampanitikang magasin at school annual, at nagsimula bilang isyung inililimbag ng apat na beses sa isang taon.   Unang pumasok sina Horacio de la Costa at Leon Ma. Guerrero sa The Ateneo Aegis bilang mga katuwang na patnugot sa mataas na paraalan. 1930 Natigil maging pampanitikang lumalabas ng apat na beses sa isang taon ang The Ateneo Aegis. Bagaman patuloy na naging campus manual, minsan na lamang ang paglabas ng isyu nito; sa dulo ng bawat taong pangakademiko. Nagpatuloy ang The Guidon sa paglimbag ng mga akdang pampanitikan.

55 taon ng heights


1931 Naglabas ng isang kalipunan ng mga tula at mapanuring sanaysay na tinawag na Wings, ang mga mag-aaral ng tula ni Fr. Hugh McLaughlin. Nakapaglabas sila ng dalawang isyu sa loob ng isang taon. 1949 Unang naging kumpletong pampanitikang magasin ang The Ateneo Quarterly sa taong ito. Tatlong taon itong lumabas sa ilalim ng sunud-sunod na patnugutan nina Sixto Roxas, Maximo Soliven at Gregorio Brillantes.

ANG HEIGHTS NGAYON 1952 Naging Heights ang The Ateneo Quarterly kasabay ng paglipat ng Ateneo sa Loyola Heights mula sa Padre Faura. Pinagluksaan nina Guillermo Soliven at Emmanuel Torres, kasama ng iba pang mga patnugot ng Heights ang pagkamatay ng panitikan sa pamantasan. Iminungkahi ng mga patnugot sa malumbay na tono na isang disenteng libing ang kinakailangan ng panitikan. 1953 Binigyang parangal ng Columbia Scholastic Press Association sa siyudad ng New York ang ikalawang tomo ng Heights sa taong ito. Binigyang papuri ng mga hurado ng Columbia ang Heights para sa karakter nito’t personalidad. Iginawad sa Heights ang nasabing parangal ng walong beses.

kasaysayan


1955 Inilaan ang unang isyu sa agham upang ipaalala sa mga mambabasa na hindi lamang nalilimitahan sa pilosopiya at panitikan ang sakop ng malayang sining, ngunit kinikilala rin nito ang buong saklaw ng agham at sining. Sinimulan ng isyung ito ang pagpapaksang paglapit sa mga susunod na isyu ng Heights.   Tungkol sa rural na buhay at kultura ng mga Pilipino ang pangalawang isyu. Ipinagdiwang ng pangatlong isyu ang ikalimampung taon ng acil. Natataning isyu ng Humanidades tungkol sa mga pag-aaral sa panitikan at mga klasiko naman ang huling isyu. 1955 Sinimulan ng Heights ang taon sa paglalabas ng isyung Ignatian na naglalaman ng lathalain tungkol sa mga “Queer Jesuits.� Ito rin ang taon kung kailan unang sinubok ng mga manunulat sa Ateneo na magkaisa at bumuo ng pangkat na tinawag na Heights Unlimited. 1959 Napagdesisyunan ng patnugot na si Teodoro Katigbak na direktang harapin ang isyu ng nasyonalismo. Sinalamin ng isyu ang lagay ng kalooban ng mga panahong iyon sa pagsusulat ni Herminio Ordonez tungkol sa mga Huks sa Majayjay at sa pagpapakilala ni Francisco Trinidad ng cartoon o comic strip bilang pagpapahayag ng panitikan habang nagsusulat at gumuguhit siya tungkol sa Kilusang Beatnik. 1960 Pagpapakita ng kagustuhang bumitiw sa kumbensiyon ng Heights ang

10

55 taon ng heights


pag-angkop ng pabalat, lapatan, at dibuho sa mga isyu. Patuloy rin ang pagpasok ng mga tula habang abala ang mga sanaysay sa usapang Komunismo. 1961 Tungkol kay Jose Rizal ang unang isyu ng taong 1961, isang pagpapakita ng pagyakap sa nasyonalismo at pagpapatindi ng takot at pagkabighani sa Komunismo.   Napatindi ang papel ng sining biswal sa Heights sa pagkakaroon nito ng unang direktor para sa sining, si Pio de Castro. 1963 Pinamunuan nina Antonio Samson, Alfred Yuson at Salvador Bernal ang pag-usbong at paglaganap ng tula.   Nabuo ang isang bagong imaheng mapangahas, moderno, at eksperimental para sa anyo ng panitikan. At para sa nilalaman, tumitipon at kumakatawan ito sa pinakamagagaling na pagsisikap ng mga estudyante ng malikhaing pagsulat. Iba-iba ang paksa ng mga akdang iyon ayon sa kurso at interes ng mga manunulat. 1965 Inilimbag ng Heights ang kauna-unahan nitong mga akda sa Filipino sa pamamagitan ng Kilusang Bagay. Sa pamamagitan ng mga akdang isinalin tulad ng Mary at the Piano ni Emmanuel Torres na naging Mary sa Piano ni Rolando Tinio, umusbong ang isang Heights na mas bukas sa panitikang Filipino.   Isinakatuparan ang ilang pagtatangkang palawakin ang sakop ng Heights sa pagtatampok nito ng symposia, mga papel-panunuri, at ilang

kasaysayan

11


likhang sining. 1966 Pawang mga Atenista ang lima sa walong napiling kalahok sa 1966 Summer Writer’s Workshop sa Pamantasan ng Siliman; kabilang sina Salvador Bernal, Carmelo Chionglo, Norman Quimpo, Antonio Samson, lahat ay mga kasapi ng Heights, at si Alfredo Pucay na isang alumnus ng Ateneo.   Sa muling pagbalik ng Mulry Award for Literary Excellence, pinagkalooban ng naturang timpalak sina Salvador Bernal at Antonio Samson. 1967 Inihandog ang Heights sa madla sa isang kahon ng Tide, upang ipamukha sa madla ang kalidad ng mga kontribusyong kanilang natatanggap o upang mapalapit ang loob ng mga ito sa Heights. Sa loob ng naturang kahon matatagpuan ang ilang booklets na nagtatampok ng mga comic strip, tula, maikling kuwento, dula, maging mga sanaysay ukol sa usaping sex sa sekular na lipunan at Playboy Philosophy. 1968 Itinalaga bilang “Ang Ginintuang Panahon ng Panulaan ng Heights” ni Jacques Schnabel ang mga taong 1962-1966 matapos suriin ang mga tula ng Heights mula noong taong 1953 hanggang sa matapos ang dekada sisenta. 1969 Sa huling isyu ng taong ito, idiniin ni Basilidez Bautista, ang patnugot ng

12

55 taon ng heights


Heights noon, ang kanyang paninindigan sa Filipinisasyon sa kauna-unahang editoryal na isinulat sa Filipino. Si Perfecto Martin ang tinaguriang kauna-unahang patnugot ng bagwisang Filipino. 1970 Lumabas ang pinakunang isyu ng Tomo xix tampok ang larawan ni Nilo Tayag, ang inarestong pinuno ng Kabataang Makabayan noong rehimeng Marcos, bilang disenyo ng namumulang pabalat nito. Ito ang kauna-unahang isyu ng Heights na isulat nang buo sa Filipino. Sa ikatlong isyu ng Tomo xix, kinilala bilang Pugadlawin ang Heights, isang Heights kung saan walang kinikilalang pag-aantas sa pagitan ng mga patnugot. Naging panauhing patnugot sa mga panahong ito si Jose Ma. Sison. 1971 Kinilala pa rin ang Heights bilang Pugadlawin subalit dalawang isyu lamang bawat taon ang naililimbag. Sa pagbugso ng Batas Militar, pinatigil ang paglimbag ng Heights. 1974 Muling nagbalik sa paglilimbag ang Heights noong Oktubre taong 1974. Nagsimula muli ang Heights sa pagtatala ng kanilang kasaysayan at pagsasa-ayos ng kanilang mga patakaran.   Ang pag-usbong ng pagsusulat at pagkakaroon ng dalawang wika (Filipino at Ingles) ang pinagkaabalahan ng Heights. Hinikayat ang pagsasalin ng mga akda tungo sa Filipino. Iniangat din ang mga pamantayan sa pagtanggap ng mga kontribusyon. Iginiit na bagaman naaayon ang mga

kasaysayan

13


akda sa panahon nito, kinakailangang mahusay muna ang pagkakasulat ng mga ito. 1976 Mula sa Kagawaran ng Ingles, itinalaga bilang home department ng Heights ang Kagawaran ng Filipino sa pamumno ni Jose Ocampo bilang tagapamagitan nito.   Isinulat nang buo sa Filipino ang unang isyu ng taong ito. Lantad ang pag-usbong ng mga mas makabuluhang akda–mga panitikang pinapaksa ang kahirapan ng masa, mga kaugaliang Pilipino, at mga isyung panlipunan. 1981 Ilang maimpluwensyang manunulat ang umusbong at nagbigay ng bagong pag-asa para sa Heights. Ilan dito sina Benilda Santos, Rofel Brion, Bind Polo, Fr. Alberto Alejo, s.j., Fatima Lim, Danton Remoto at Dennis Sto. Domingo. 1982 Ayon sa editoryal ni Danton Remoto, nagsisimula nang umusbong ang mahuhusay na manunulat sa Heights. Patuloy pa rin ang mga guro ng Ateneo sa pagtangkilik sa publikasyon sa patuloy na pagpasa ng mga akda at paggabay sa mga kasapi ng organisasyon. 1983 Sa unang isyu ng Tomo xxxi, nagkaroon muli ng pulitikal na kulay ang Heights. Sa likod na pabalat nakasulat ang mga katagang, “How shall

14

55 taon ng heights


freedom be defended? …always in the final act, by determination and faith.” May larawan ni Ninoy Aquino sa katabing pahina nito.   Nagkaroon ng mga panayam sa Tomo xxxi Bilang 2 sa dalawang panlipunang manunulat. Ukol kay Jose “Pete” Lacaba ang unang panaayam na pinamagatang Galing Kanto ang mga Tula ko at kay Sionil Jose ang ikalawa na pinamagatang I Envy My Characters. 1985 Sinimulan sa Tomo xxxiii Bilang 1 ang una sa tatlong bahagi ng isang pag-aaral ukol sa at para iangat ang pamapanitikang kamalayan at tradisyon sa Ateneo. Lumabas ang mga sumunod na bahagi sa mga sumunod na isyu ng Heights. Sa unang bahagi, nagpahayag ng 10 panukala ang akda upang magsilbing gabay sa kanilang paghahanap at muling pagtuklas sa tradisyon ng panitikan. Experiment: From Hypothesis to Thesis naman ang naging pamagat at tema ng ikalawang bahagi. At sa ikatlo at huling bahagi ipinahayag ang mga tesis ukol sa tradisyon ng panitikan sa Ateneo. Kasama nito ang buod at konklusyon ng pag-aaral, gayundin ang mga maaaring mangyari at gawin sa hinaharap. 1986 Naglaan ng ilang pahina sa Tomo xxxiii Bilang 2 upang gunitain ang mga yumaong sina Evelio Javier at Emmanel Lacaba, mga bayani kung ituring noong panahon ng Batas Militar. 1987 - 1988 Nagkaroon ng maikling pag-aaral sa kasaysayan ng Heights sa Tomo xxxiv Bilang 1. Ipinagpatuloy sa mga sumunod na isyu sa pamamagitan ng mga panayam kina NVM Gonzales (Tomo xxxv Bilang 1), Em-

kasaysayan

15


manuel Torres (Tomo xxxv Bilang 2) at kay Benilda Santos (Tomo xxxvi Bilang 1). 1990 Sa paglaganap ng teknolohiya, nilapat ang halos lahat ng bahagi ng Tomo xxxvii Bilang 2 sa Wordstar, isang programa sa kompyuter.   Sa taong ito nabuo ang Bagwisan ng Pangangalakal at Sirkulasyon na pinamunaan ni Luli Arroyo. Naging tagapamagitan ng Heights sa taong ito si Benilda Santos. 1991 Inalay ang ika-apatnapung anibersaryo ng Heights sa mga dati at panibagong mga manunulat na nagkaroon ng papel sa paghuhubog sa Heights. Gumawa ng pananaliksik ang organisasyon sa kasaysayan ng nito. 1993 Unti-unting magkaroon ng kaayusan sa istruktura at balangkas ang Heights sa pagbubuo ng ilang bagwisang nakatuon sa mga teknikal na aspeto ng organisasyon tulad ng pagpapalimbag at pangangalakal. Sa taong ito ibinalik ang bagwisan ng Kalakal at itinitatag naman ang Pangkalahatang Bagwisan.   Nagsimula ang Heights sa paglilimbag ng mga Special Issues kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga manunulat na linangin ang kanilang mga kakayahan sa pagtuklas iba’t ibang mga paksang hindi karaniwang nakikita sa mga isyu ng Heights.

16

55 taon ng heights


1995 Naganap ang unang Ateneo-Heights Writers Workshop sa pamumuno ni Danilo M. Reyes, ang tagapamigan ng Heights.   Sinubukang saguting ng editoryal ng Comic Issue ang tanong kung bakit komiks ang napiling pamamaran ng pagpapahayag. Sabi nito, “our generation has experienced a resurgence in comics…This issue is a salute to the avant garde of an era where the ‘funnybook’ author and artist are finally being taken seriously and a recognition of an opportunity for Filipino talent to explore…” Nagkaroon ng patalastas sa likod ng isyung ito at nagsasabing, “devoted to the Art of Comics.” Isang kalipunan ng mga piling kuwentong komiks at comic strips ang isyung ito. Binigyang-pansin nito ang kakayahan ng mga Atenistang alagad ng sining biswal.   Bukod sa Bagwaisan ng Kalakal at Pangkalahatang Bagwisan, nagkaroon na rin ng katuwang na pangkalahatang kalihim at tagapangasiwa ng kalakal at sirkulasyon. 1996 Naglimbag ang Heights ng Rizal 1896-1996, An Anthology in Commemoration of the Death Centennial of Our National Hero Issue. Naglalaman ito ng mga akda mula sa timpalak pampanitikang (tula, dula, kuwento at sanaysay) ukol kay Rizal at ang kanyang tugon sa iba’t ibang aspeto ng kanyang buhay. Binigyang-diin sa isyung ito ang kahalagahan ng kasaysayan ng Heights at ng komunidad ng mga manunulat sa Ateneo.   Sa mga panahong ito nagsimulang gamitin ng Heights ang Upuan ng Pag-iisip bilang logo ng organisasyon. Kumakatawan ito sa kung paanong bunga ng mataimtim na pag-iisip ang proseso ng pagsulat at paglikha ng sining. Bilang ang natatanging pampanitikang organisasyon at publikasyon ng pamantasan, sumasagisag din ang mataas na upuang ito sa matayog na pamantayan, kalidad at kagalingan ang pinahahalagahan.

kasaysayan

17


1997 Sa pag-unlad ng Heights, nagsimula na itong magkaroon ng mga kaganapan tulad ng Patimpalak-Panitikan, pampanitkang mga panayam at seminar, pagbabasa ng mga tula, writers’ clinic, at Araw ng mga Manunulat. 1998 Sa huling bahagi ng 1998, ginugol ng Heights ang panahon nito para sa mga kaganapan imbes na sa mga libro nito. Ilan sa mga ito ang mabusising paglulunsad ng libro, panayam kasama ang mga Tiempo, mga seminar sa pagsulat ng maiikling kuwento kasama sina Cecilia Manguerra Brainard at Tony Perez, isang seminar sa sining biswal kasama si Ouie Badelles, taunang workshop sa malikhaing pagsulat kasama sa unang pagkakataon ang ilang mga manunulat at kritiko ng panitikan galing sa Unibersidad ng Pilipinas, at timpalak sa pagsulat ng maikling kuwento.   Nagkaroon ng malaking pagbabago ng mga bagwisan ang Heights upang tumugon sa hamon ng pagpapaunlad ng panitikan. Nabuo ang Bagwisan ng Paglilimbag kung saan pinagsama ang mga Bagwisan ng Paglalapat at Bagwisan ng Produksyon. Nabuo rin ang Bagwisan ng mga Natatanging Proyekto na siyang nag-asikaso sa mga panayam at iba pang mga kaganapan para sa mga baguhang manunulat at may interes sa panitikan.   Babae Issue ang naging anyo ng Tomo xlvi Bilang 2. Isa itong antolohiya ng mga kababaihan upang gunitain ang pagtanggap ng mga babaeng mag-aaral sa Ateneo noong 1973, 25 taon na ang nakalilipias. 1999 Muling nagsaayos ng mga bagwisan ang Heights. Binuo ang Bagwisan ng Produksyon sa pagtanggal ng Bagwisan ng Paglilimbag.

18

55 taon ng heights


Sa taong ito inilabas ang Fiction Issue, isang isyung pinuno ng mga maiikling kuwento.   Dito rin nagsimula ang tradisyon ng pagdadaos ng taunang AteneoHeights Writers Workshop sa Sacred Heart Novitiate sa Novaliches, Quezon City. 2000 Modernong teknolohiya at pamumuhay sa urbanidad ang naging paksa ng Heights Special Issue. 2001 Nagsimula rito ang Timpalak Tula ng Heights. 2002 Ipinagdiwang sa taong ito ang ikalimampung anibersaryo ng Heights. Pinarangalan ng Gawad Ernesto Ernesto Rordiguez, Jr ang Heights mula sa College Editors’ Guild of the Philippines (cegp).   Upang paunlarin ang panitikan sa labas, nagpondo ang Heights ng isang Library Scholarship Program at outreach program.   Marka rin ng taong ito ang kapanganakan ng Bagwisan ng Disenyo. 2004 Sekswalidad ang naging tema ng Heights Special Issue. Kasama ang Tomo li Bilang 3, Ito rin ang kauna-unahang back-to-back double issue ng Heights.   Nanumbalik matapos ng pitong taon ang Editoryal sa Sining sa Travel Issue ng Heights. Kalakip ng ng isyung ito ang pitong postcard na batay sa pitong likhang sining sa Galera ng Sining.

kasaysayan

19


2005 Lumabas noong 2005 ang mga pinakaunang likhang ekprasis kung saan naging inspirasyon ang mga tanyag na likhang sining biswal sa mga mga akdang panitikan. 2006 Nilayon ng Heights na palawakin ang ugnayan nito sa iba pang mga organisasyon sa Pamantasan ng Ateneo. Bunga nito ang Serenata, isang konsiyerto kasama ang amp at The Ateneo Association for Communication Technology Management (actm). Heights ang naglaan ng mga tulang ginawang awitin ng amp, at kaabikat ang actm sa pangangalakal ng nasabing konsiyerto. 2007 Sa marahang pagsibol at paglaki ng papel na ginagampanan ng sining biswal sa Heights, minabuti ng patnugutan ng nito sa pamumuno ni John Paul Marasigan, na pormal nang gawing bahagi ng organisasyon ang sining biswal. Sa ikalimampu’t limang anibersaryo ng Heights, tinagurian itong Ang Opisyal na Publikasyon at Organisasyong Pampanitikan at Pansining ng Pamantasang Ateneo de Manila.

20

55 taon ng heights


bagwisan ng pananaliksik Erika Bacani, Jessica Amanda Bauza, Julio Julongbayan, Marie La Vi単a, Wyatt Ong, Stefanie Macam, Ali Sangalang, Selene Uy

sa pamumuno nina Justine Joyce Alim, JPaul Marasigan at Joanna Victoria Ruaro

pagsasalin sa filipino nina Therese Anne Calma, Walther Hontiveros JPaul Marasigan, Audrey Phylicia Trinidad

kasaysayan

21





My Teacher, Eric Torres   Danton Remoto

i was a legal management major who shifted to Interdisciplinary Studies in my third year at the Ateneo. I could not balance the accounting books even if my whole life depended on it. The only thing I wanted to do was to go to the Rizal Library every afternoon, stand in front of the books in the ps 9991 category, and read the books of the best Philippine writers. One day, I told myself, I will also publish my own book. One book would be enough.   That semester, I enrolled in a class on Modern Poetry. Our room was on the third floor of Bellarmine Building, 4:30-7:30. The teacher arrived in a brown jacket, his hair tousled by the wind. He was Professor Emmanuel Torres. Before this class, I had read books of essays and fiction, but rarely poetry. I found poems impenetrable.   But Professor Torres simply made me see. He had that quality that many English teachers lacked – passion. He was brilliant, of course, but he also had passion for the subject that he was teaching. It was the kind of passion that – if it were tapped by the authorities – could generate enough megawatts of electricity for the whole country. He reminded me of the words of Joseph Conrad, one of my favorite novelists, in his introduction to The Nigger of the Narcissus: “My task which I am trying to achieve is, by the power of the written word, to make you hear, to make you feel—it is, before all, to make you see.”   Professor Torres introduced me to a universe of words. It is a luminous

ingles

21


world inhabited by Baudelaire and Rimbaud, Verlaine and Rilke, Eliot and Hopkins, Cummings and Lorca, Pound and Moore. And do not forget The Beatles. I was the class beadle, and I collected the coins for the stenciled copies of the poems and pooled them together in a beautiful blue bowl. We had by then transferred to the Ateneo Art Gallery. When I learned that the bowl must be a Ming, I just put all the coins in a rainbow-colored purse I bought in Baguio. That bowl must be more expensive than my parent’s house in the suburbs.   In my fourth year, moderator Joey Ocampo of the Filipino Department appointed me as the Editor-in-Chief of Heights. To further hone my sense of craft, I enrolled in the Creative Writing Class of Professor Torres. It was the first class offered by the Ateneo in many, many years. Professor Torres was in his element, tearing our juvenilia apart with singular wit and irony. His eyes would widen, his nostrils would flare, and the words of criticism would blaze from his mouth like fire.   But I was not daunted. People were afraid of him, but I was not. I knew that he only wanted us to learn. And since my father was a military officer and I grew up in a military base, I knew that the steel of discipline was good for one’s soul.   And so every Monday morning, I would step into his office at the Ateneo Art Gallery to show him my latest poems. He would welcome me with a smile, get his red ballpoint pen, and then proceed to make his corrections. In the deadly silence of that beautiful room, his ballpoint pen slashed into my poems. I would just look at him, and the painting behind him – an Amorsolo dazzling with light. And then, he would hand me back my poems with his corrections. He called my poems “effusions,” and I would just laugh.   But I think I was – and still am—stubborn. Persistence is my middle name. I went on and wrote poems and stories and essays for his Creative Writing class. One of the essays I wrote for his class was “A Quick Visit to Basa,” a narrative essay on one of my rare visits to Basa Air Base,

22

55 taon ng heights


Floridablanca, Pampanga, where I was born and where I stayed until I was 12 years old.   In my mind’s eye I still remember that day I dropped by the Art Gallery one hour before class so I could consult with him on a one-on-one basis. He read it – and oh yes, he reads so fast! – said he liked my essay. But in the next breath, he picked up his red ballpoint pen and pointed out certain holes in the text.   We went through my essay sentence by sentence, punctuation mark by punctuation mark, the way he does it with our poems. He always told us to avoid stereotyped situations and words, to throw away “all those rusty razors.” The point, he said, quoting Ezra Pound, was “to make it new.”   During the class discussion, Professor Torres said: “This essay is written by somebody already on his way to becoming a writer!” For an apprentice who was supposed to finish a degree in Legal Management and take up Law after college, this was high praise – and I went home in such a daze that I almost stubbed my toe on a rock on the way out of the gallery.

Words from “The Creative Process in Skin Voices Faces,” a graduate thesis presented to the Ateneo de Manila University, 1988.

Danton R emoto ab Interdisciplinary Studies ’83 Kagawaran ng Ingles 1982 - 1983  Patnugot Emmanuel Torres ab Education ’54 1952 - 1953  Patnugot 1953 - 1954  Chairman of Senior Board of Editors 1966 - 1967  Tagapamagitan

ingles

23


Pan de Sal

  Emman Torres

No hoarder’s feast plumps the breakfast table But dolor of coffee and the usual Pan de sal, the bread of modest expectations, Will serve to keep the body going Though not the spirit in a slow crumble Beneath a roof of slowly leaking rust, Taking such embarrassment of morning as A sameness without savor or crust of fibrance. It is no comfort knowing neighbors share The same fare and the sore of being here Among ramshackle walls that barely hide These morsel from the sudden glare of mercy. Blessings we do not count, only short changes. We lust for grace that happens elsewhere, not Mesiahs who tell us how blessed it is to suffer This slump where the dying, the uncounted, hunker.

24

55 taon ng heights


Views of the Rainbow over Araneta Coliseum    1 Rainbow over the raingray dome coliseum: The cop blows his whistle To let traffic through.    2 Rising against a pale gray sky: One complete rainbow Above this young couple Bickering over money.    3 Rainbow arches Against a birdless sky Above a sightless beggar Humped On roller skaters Thrumming his loss To crowds Heedless, sightless.

ingles

25


4 Rainbow over the Big Dome Cannot be seen in the peak hours Where Miss Roque is chained To the cash register.    5 The way Memeng, local idiot, Points a rancid finger at it, You would think He had turned it on.    6 Between the pastel hues Streaming through mist rain And the shrill spill Of billboard colors and sour neon lights No contest    7 It is heaven’s sign Of God’s covenant with Noah: No more, I say, no more Apocalypse by water, the Lord said. But what Can haul us out Of the deluge of plastic junk That whelms our spendthrift lives?

26

55 taon ng heights


8 Let us bet A businessman’s lunch to find out How long the rainbow lasts Now there goes some broad with a well-turned ass To plump your wet dreams    9 One string is playing five airs at once.    10 It comes as comfort to the ingenious masses That there springs forth a gift of nature Fat supermarket barons of suburbia Despair of cashing on    11 With such dream-vision Mountains become lighter than a Feather, the Chairman said. And then wrote prose About revolution.    12 The child would rather see the sky-show Doubly reflected on the father’s smoke glasses.

ingles

27


13 Memeng is never bored Gazing at The crooked phosphorescence Of gasoline leaking into the gutter. The crooked phosphorescence Of gasoline leaking into the gutter.    14 I cannot bury you, says the concrete highway. I cannot grind you down, says the cement mixer. I can but darken you, says so many silent Exhaust pipes in the parking lot.    15 No applause, if you please, at the end of the sky-show. Let all behold it in silence And afterward disperse in silence. Donations will not be solicited.    16 What is truly exquisite Is beyond reach And having Suffice to behold it In standstill silence: A curve of dream

28

55 taon ng heights


An arch Lingering in the mind: Soul made sensible Such evanescence Moves like shiver Of windbells A fragrance That arouses As it passes Reminds me Of my own transcience And of hers as she dozes beside me Reminds me to be Aware of each breath at sunrise And stir of flesh on the mat Light dapples with promise Of new appetite For our daily sensualities Spirituals I sing But I also Want

Mula sa Heights Tomo xxv Bilang 2 (1981)

ingles

29


Song of the New Politico   Danton Remoto

“Make it new.”    —Ezra Pound

We have turned our backs on offers of jute sacks filled with millions of pesos in denominations of twenties, fifties, and hundreds so, as the imperial messenger of the donation would say, “You, Sir, could buy the votes of the squatters down there.” We have turned our backs on offers of Fortuners which, at first blush, we thought meant “fortune tellers,” and why would we need one to read our futures when we know deep in our bones that in the end we will get the thrones?

30

55 taon ng heights


We have turned our backs on offers of lawyers glittering with their golden tongues, working in the shiniest skyscrapers, whose motions of consideration and non-consideration could always swing decisions in favor of our petitions. We have turned our backs on offers of agents and operators who would spy for us, wiretap for us, even dig the deepest, darkest secrets of our enemies— from non-payment of taxes to housing of several mistresses. We have turned our backs on offers to massage the results of the elections, as if the body politic is full of knots and bunched-up muscles, mined with points of stress, wired with meridians that have clogged.

ingles

31


We have turned our backs on them who said that we are young and, therefore, hopeless, that we do not have millions of money to burn, and, therefore, our plans will just be ashes in the urns. We have turned our backs on those who said that this is a hopeless country, and the best country is the one across the sea. Because now we would face them all, our arms linked each to each. We will stun them with words like grains of gold, we will give to the people loaves of hope warm with love for those who have been sold down the drain, fooled beyond belief, made much of and in the end left like so many pieces of rags on the streets.

32

55 taon ng heights


We are one, and we are many. Our hands are clean, and our hearts bursting with dreams. Our eyes are like arrows on the bull’s eye of our aims: a beautiful Philippines, a progressive Philippines, O Philippines, our beloved Philippines.

ingles

33


Awit ng Bagong Politiko “Gawin itong bago.”    —Ezra Pound

Tinalikuran natin Ang alok na mga sako Na puno ng milyun-milyong piso Na tig-bebeinte, singkuwenta, at isandaan Para, ang sabi nga ng mensahero ng imperyo Na nagpadala ng donasyon sa atin, “Kayo, Ginoo, ay makabibili ng boto mula sa mga iskwater na nakatira doon sa ibayo.” Tinalikuran natin Ang mga alok ng Fortuner na, Sa unang tingin, akala nati’y “fortune teller” ang ibig sabihin, at bakit naman natin kailangan pang basahin ang ating hinaharap gayong alam natin, sagad sa ating mga buto, na sa bandang dulo, ang korona’y ipuputong sa ating mga ulo?

34

55 taon ng heights


Tinaluran natin Ang alok ng mga abogado Kumikintab sa kanilang mga dilang ginto, Nagtratrabaho sa gusaling matataas at makikinang, Ang kanilang mosyon para sa rekonsiderasyon At walang-konsiderasyon Ay laging magpapaling ng desisyon sa direksyon ng ating mga petisyon. Tinalikuran natin Ang alok ng mga ahente at opereytor Na mag-espiya para sa atin, Magtiktik sa telepono ng kalaban, maghukay Ng kanilang pinakamalalim, pinakamadilim Na mga sekreto – Mula sa di pagbabayad ng buwis Hanggang pagbabahay ng ilang chicks. Tinalikuran natin Ang mga alok na masahihin ang resulta Ng eleksyon, Na para bang ang katawan ng politika Ay puno ng mga bukol, At namuo-muong mga masel, Mga minang puno ng kunsumi, Kinuryenteng mga linyang nagkabara-bara.

ingles

35


Tinalikuran natin Silang lahat na nagsabing Ay, kayo ay mga bata, At dahil dito, ay wala kayong pag-asa, Dahil wala kayong mga milyun-milyon Na perang maaaring sunugin At, dahil dito, ang inyong mga plano Ay magiging abo lamang sa mga urno. Tinalikuran natin Ang mga nagsabing wala nang patutunguhan Ang ating bayan, at ang pinakamagaling na bayan Ay iyong nasa kabilang dulo ng karagatan. Dahil ngayon, haharapin natin silang Lahat, kabit-bisig ang ating mga braso. Gugulantangin natin sila sa mga salitang Tila butil ng ginto, Ihahandog natin sa mga tao Ang tinapay ng pag-asang mainit pa sa pagmamahal Para sa kanilang matagal nang ibinenta At ibinuhos pababa sa tubo, Walang habas na niloko, Pinangakuan, at sa dulo Ay iniwan na parang maraming mga basahan Na nagkalat sa mga daan.

36

55 taon ng heights


Tayo ay nagkaisa, at marami na tayo. Malinis ang ating mga kamay, Bumubulwak ang pangarap sa ating mga puso. Ang ating mga mata’y tila mga pana Nakakatutok sa gitna ng ating siyang nais: Pilipinas na maganda, Pilipinas na maunlad, O Pilipinas, Minamahal naming Pilipinas.

ingles

37





Cubao-Ibabaw, Cubao-Ilalim

Ang Daigdig ng Dilim sa mga Katha ni Tony Perez   Edgar Calabia Samar

“Lilisanin ko ang lunsod ng dapit-hapon At daratnan ang daigdig ng dilim.”    — Tony Perez

sa bayan natin, hindi basta dumarating ang dilim na gaya ng magnanakaw sa gitna ng ating pag-idlip. O hindi ito basta sumasapit na gaya ng mga pagdiriwang na inaabang-abangan at minamarkahan pa sa kalendaryo kung minsan, na para bang may pangamba na makalampas ito nang hindi man lang natin namamalayan. Hindi rin ito basta pumapatak na gaya ng bulalakaw mula sa kalawakan ng sanlibo’t isang pangarap at hiling na kailangang bitiwan kasimblis ng pagbulusok nito sa lupa—hindi basta “parang poling star,” tulad ng ibubulalas ng isa sa di-malilimutang tauhan ng ating makabagong panitikan, patungkol sa isang nowtbuk na nagliliyab at ihinagis sa malayo, tanda ng pagtatangkang limutin ang anumang mga alaala at ugnayan na nakatala roon.   Sa bayan natin, nangangagat ang dilim, at pagkagat ng dilim, nababalot ang daigdig natin ng iba’t ibang kirot, hapdi, sakit, na hinahanapan natin ng lunas sa iba’t ibang paraan o dahilan, o hinahayaang kitlin nito ang lahat ng ating mga panaginip at pagnanasa. Mga pasya itong hinarap at binuno niyong mga hindi inabutan ng bukang-liwayway, gaya ni Elias sa katapusan ng nobela ni Rizal o ni Julio Madiaga sa katapusan ng no-

filipino

41


bela ni Reyes. Kung saka-sakaling hindi sasapat ang pag-aalay ng dugo sa bawat pagkagat ng dilim, alinman sa magdilim ang ating paningin—o lamunin tayo ng dilim. Totoo: pagkagat ng dilim, maaaring-maaari na tayong malamon ng dilim.   Ito ang Thanatos, ang ganap na paglamon ng dilim. At isang buhay din ito—isang paraan upang mabuhay—gaya ng mga nabulag, o isinilang nang bulag, subalit kay talas ng ibang pandama—kaya’t hindi ligtas sa ibang pagdaramdam. Sa kakaibang mga pandama.   Mahaba-haba ang kasaysayan ng dilim sa ating panitikan. Mula sa mga katutubong bugtong sa buwan at magdamag hanggang sa mga mito at alamat sa naghahabulang Araw at Buwan. Nariyan ang “May Bagyo Ma’t May Rilim” na itinuturing na unang limbag na tula ng isang Tagalog na hindi napangalanan. Ang serye ng sanaysay sa “Liwanag at Dilim” ni Emilio Jacinto. Ang “Dilim, Mutyang Dilim” ni Alejandro G. Abadilla. Ang Prosang Itim na koleksiyon ng tulang tuluyan ni Mike L. Bigornia. Ang aklat na Dili’t Dilim ni Michael M. Coroza. Sa hanay ng mga ito, nariyan ang limang aklat sa serye ng Cubao ni Tony Perez na nasulat simula 1971 hanggang 1994 at nalathala noong unang hati ng dekada 90: Cubao 1980, Cubao Pagkagat ng Dilim, Eros-Thanatos Cubao, Cubao Midnight Express at Cubao-Kalaw Kalaw-Cubao.   Simula pa lamang ang pagkagat ng dilim. Mahaba pa ang gabi. Para sa mga gising sa kahabaan ng dilim sa lunsod, maaari siyang abutan ng tatlong trip ng Cubao Midnight Express, ang mahiwagang tren ni Perez, na para sa mga manlalakbay na ibig tumakas sa lungsod kung hatinggabi. Sa ngayon, tatanggihan natin ang tukso ng pagtakas upang galugarin ang daigdig ng dilim sa mga katha ni Perez.

42

55 taon ng heights


Mga Mukha ng Dilim: Sa Liwanag ng Buwan, Sa Landas ng Panaginip, Sa Loob ng Baul sa pagkagat lamang ng dilim natin makikita ang mukha ng buwan. Ang paglitaw ng buwan kung gayon, ang isa sa mga hudyat ng pagkagat ng dilim. May natatanging ugnayan ang dalawa—dilim at buwan—na nagpapatotoo sa isa’t isa sa hubad nating paningin. Subalit hindi tulad ng mga katutubong talinghaga sa buwan kung saan nakikita ito bilang pagkain (“Kinain na’t naubos,/ Nabubuo pang lubos”) o bunga ng niyog (“Kakabaak na niyog,/ Magdamag inilibot”), inilalarawan ni Tom, ang disisais anyos na kolboy at tagapagsalaysay sa nobelang “Cubao 1980” ang madilim na langit na may kaunting buwan na “parang Sepakol na kalahati nang tunaw.” Gamot din nga ang buwan, badya ng patuloy na paglipas ng panahon na pinaniniwalaan nating maghihilom ng anumang sugat at gutom. Kay Espie Real, ang guro ng Department of English ng Ateneo sa kuwentong “Ang Manggagayuma” na nabatubalani sa ningning ng talino ng isang kapwa-guro na hinalikan niya ang talampakan, “ang buwan ay parang tapyas na bloodstone at nangakasambulat na brilyantitos ang mga bituin.” Kakaiba naman itong gutom ng isipan.   At may iba pang gutom maliban sa nagmumula tiyan at isipan: Narito ang pagsakop ng kakaibang kilabot sa kalamnan, gaya ng taong lobong “tuminag ang bawat kalamnan ng … katawan sa tagkil ng dilim—dilim ng mga aninong paali-aligid sa bawat sulok ng silid, dilim na limas ng gabi sa dagat ng malawak na Dilim, sa kabila ng mga dinding.” Nakaamba ang pangil ng dilim na baguhin tayo, gaya ng kagat ng isang bampira, upang gawing gaya niya, na lumalamon sa sarili, nawawala sa sarili dagat ng sariling dilim. At marinig: “Ang bulong ng mga anino. Ang awit ng dilim.”   Samantala, sa mag-inang Merle at Dodong sa kuwentong “Paskil,” ito ang tanging espasyo ng daigdig kung kailan sila nagkakasama dahil sa trabaho ng lalaki sa araw bilang xerox operator. Kaya nang gabing

filipino

43


ibunyag ng ina na hindi basta rayuma ang matagal na nitong iniinda, “May kalatog na wari’y nagmula pa sa sinaunang panahon, noong unang nagkaroon ng ina sa daigdig, noong unang nagkaroon ng anak, noong unang may namagitang sakit at kamatayan.” Hindi nakatulog si Dodong nang gabing iyon at nasaksihan ng dilim ang paghihinagpis niya. Kung pagkakatiwalaan natin ang matatandang kuwento, nauna ang dilim sa lahat-lahat, at kung gayon, saksi ito sa unti-unting pagdating, pagkakahugis ng lahat ng takot at damdamin, simula nang tawagin ang liwanag. Maaaring may takot tayo, hindi dahil sa dilim, kundi dahil dumating tayo, ang tao, nang huli sa lahat ng bagay, kaya’t tayo ang pinakawalangmuwang, kung tutuusin.   Kaya naman, sa harap ng takot sa dilim at sa liwanag ng buwan, isinaayos natin ang buhay ng tao upang daanin ito sa pagtulog. Tinutulugan natin ang mga gabi. Pinapalipas ang magdamag nang wala tayong malay, hangga’t maaari. Subalit may bangis din itong dilim na hindi tayo paligtasin at tuntunin ang landas ng ating mga panaginip, ang mga kinikimkim nating dilim. Sa paglisan ng liwanag ng kamalayan, kumakagat ang dilim kahit sa panaginip. Naroon ang hindi matanggap, ang hindi maamin. Ang pinakananasa, ang pinakakinatatakutan. Sa isang “Pagtatapat,” sinabi ni Perez na sadyang kailangang kumatha mula sa silong ng diwa sapagkat sa pamamagitan lamang nito “nakasisilip sa silid ng mga panaginip, sa tabing ng mga anino at sa kaban ng mga pambihirang kakayahan.”   Ganito halimbawa ang malikhaing bisa ng panaginip ng manunulat sa “Ang Babaeng Nakaputi.” Sabi niya, sa gitna ng pakikipagkuwentuhan sa kaniyang mga kabarkada: “’Pag me project kasi ’ko, an’ titindi ng panaginip ko. Laging gabi sa panaginip ko, pare, parang kakakagat lang ng dilim.” At ilalarawan niya kung paano nagbabago ang isang pamilyar na mapa ng Aurora at Katipunan samantalang nagdadrayb siya—magkakaroon ng bundok, valley, waterfall at doon, makikita niya ang babaeng nakaputi. Naniniwala siyang iyon ang inspiration niya kaya siya naka-

44

55 taon ng heights


kasulat.   Ito naman ang alaala ng nagdaang gabi, bago harapin, halimbawa ni Jose Crisaldo ang isa na namang araw ng kamalasan. Basta’t sigurado siyang “siya’y nanaginip: [subalit] panaginip na di niya mabigyangbuod sa isip pagkat di niya lubusang natatandaan. Sa panaginip na iyon ay madilim din, naglalakbay siya sa dilim, kasalamuha’y mga aninong pinagsamut-samot sa kaniyang pagkabata, at sa kaniyang pagbabaguntao, at sa kaniyang pagbibinata, at sa kaniyang kasalukuyang balot na balot din sa dilim.” Ganitong-ganito rin ang panaginip ni Diego Silangcruz, na gaya ni Crisaldo’y natanggal din sa trabaho matapos nga silang magwelga. Binubuod ng panaginip ang mga dilim ng isang buong buhay. Gaya nina Ike, Benny at Cez sa nobelang “Bata, Sinaksak, Sinilid sa Baul” na nagsasalita sa mga wika ng kanilang kabataan sa kanilang panaginip—Kapampangan, Tagalog, Cebuano. Nalilimutan din nila ito sa paggising.   Kataliwas naman sila ni Cary sa “Ang Mambabalang” na binubuyo sa panaginip ng larawan ng kaniyang Uncle Blue, at kahit nagigising na siya, “ang panaginip ay matingkad pa rin.” Dahil siguro sa tingkad na ito kaya’t hindi nakaya ng kaniyang gising na diwa at pinatay niya ang lahat ng tao sa kaniyang paligid, bago siya nagpatiwakal.   At walang pinaliligtas itong dilim ng panaginip, kahit sa aso, si Kiss sa kuwentong “Kirot,” namatayan ng Original Amo at inampon ni Bagong Amo na wala namang pakialam sa kaniya at tinatadyakan pa siya sa tadyang kapag mainit ang ulo. “Pumikit siya at nanaginip ng electric trains,” ang madalas nilang paglaruan ni Original Amo. Walang katapusan niyang hinabol at tinahul-tahulan ang tren na ikinasabog ng puso niya, sa labis na tuwa, kaya’t wala na siyang buhay nang datnan ng katulong ni Bagong Amo kinaumagahan. Tren din ang napapanaginipan ni Vir o Virgilio Basilio, isang playwright, sa kuwentong “Relasyon,” matapos siyang basta iwan ng kinasamang si Clarissa: tren na nayuyugyog sa alon, natitilamsikan ng mga alon sa aserong daan. Tren din ang

filipino

45


nasa panaginip ni Ike, kung saan sila sumasakay na mag-ama at pumupunta sa malayong-malayo, hanggang sa bumaba sila sa isang lumanglumang istasyon kung saan sila lang ang tao. Siya at ang Tata niya na nagpasagasa sa tren. Ito ba ang kanilang bersiyon ng midnight express? Mga hindi nila maharap sa paggising subalit ipinamumukha ng pag-idlip?   At paano pa nga kapag nagkapatong-patong ito, gaya ng sasabihin niya sa isang tula ng “Pagkamulat”: “Sa isang panaginip,/ napanaginipan kong/ ang pinananaginipan ko’y/ panaginip lamang sa isa pang panaginip”—kaya ang konklusyon niya’y “Di na ako makakatulog kailanman sa Kadiliman.”   Kaya’t iyong mga nananatiling mulat sa dilim, gising ang diwa, kinikimkim sa puso ang dilim, kaya kahit ang puso, gaya ng sa isang manghuhula sa “Ang Manghuhula,” kapag sinilip ay makikitang “tahimik at madilim, waring saglit lamang nailawan ng basang bumbilyang matapos magdikit ay biglang pumutok at namatay.” At si Gail, ang babaeng kayang ihiwalay ang ispiritu sa katawan kapag gabi’y nag-isip ukol sa “lahat ng kalungkutang binunga ng kaniyang espesyal na kapangyarihan, di lamang ang pagiging iba sa karamihan kundi ang pagbabalatkayo ng mga taong lagi niyang nahuhubdan tuwing gabi.” Noon niya natiyak, walang iisa. Lahat, tumbalik. Iba kapag araw, iba kapag gabi.   Kaya nagtatago ng baul ang mga tao. May baul kahit ang inibig ni Gail na si Steven Manalastas, na pinaslang at natagpuan niya sa kaniyang pagilanlang sa paanan ng isang bundok: “Hubo’t hubad siya’t nakagapos sa kaniyang likod ang mga braso at kamay. Tinalukbungan siya ng kamiseta sa ulo, at ang bunganga niya’y sinalpakan ng trapo.” At nakita niya itong kayliwanag, kasingliwanang ng bituin at pumailanlang sa kadiliman.   Pinakamatingkad naman ang baul na lata ni Ike, ang baul na playwud ni Benny at ang baul na rattan ni Cez. “Kaban ng Tipan. Sa Psychology ay sagisag ng mga nakapanghihilakbot na lihim.” “Kamalig. Bigasan. Sisidlan ng Pangarap.” “Kahon ni Pandora. Kahon ng mga kamalasan. Mga pagkakasala. Masasamang espiritu.” Ito ang bitbit ng tatlo, ang kani-ka-

46

55 taon ng heights


nilang dilim na sila lamang ang makapagkikimkim at makapagpapalaya. Si Ike, ipinasok ng ama sa loob ng baul sa kaniyang panaginip, kung saan madilim, at maginaw na maginaw. Makikita naman ni Benny sa kaniyang panaginip na may bata sa loob ng baul at mapapaiyak siya sapagkat di niya kayang buksan ang baul. Samantala’y hindi matagpu-tagpuan ni Cez ang baul na hinahanap niya sa kaniyang panaginip.

Sa Cubao-Ibabaw: Mga Gusaling Mailaw, Abandonadong Bahay, Apartment, Oberpas sa mga katha ni perez, nagkakahugis ang Cubao bilang alternatibong sentro ng ating kamalayan at kubling-malay kasabay ng pagkatha rito bilang bagong mukha ng urbanisadong espasyo sa harap ng pag-uulyanin ng Maynila. Kagaya ng laberinto ni Borges at sa pasikot-sikot ng Nalandangan nina Agyu, maraming “tagong lugar, sa mga sulok tsaka libliban, sa makikitid na kalyeng dinadaanan lang nung mga taong-Cubao.” Iba ang tanaw mula sa loob, kaysa mula sa labas. Inaanyayahan tayo ni Perez sa loob, subalit pakaiingat sapagkat walang pangako ng matiwasay na paglabas, o na makalalabas pa nga. Kahit pa wari walang ibig manatili sa Cubao sa mga espasyong iminamapa niya rito.   Nakikita ni Tom ang Cubao bilang pusa, at hindi basta pusa, kundi isang pusang lokal na “walang kiyeme,” at “kung gabi, libog na libog. … Kumikisap iyong mata sa dilim…” Ito para sa kaniya ang Cubao na nagpalaki sa kaniya, ang Cubao na kinalakihan niya. Wala ngang ganap na dilim sa gitna ng urbanisasyon, “ang daming ilaw, ang lahat gumagalaw. Punta kang Ali, Superstor, Piesta Carnaval, Parmers.” Kahit sa bahay nina Tom, pag-uwi niya sa hatinggabi, “hindi madilim, kahit patay na iyong ilaw sa kisame. Me bumbilyang merkyuri kasi, do’n sa labas, iyong nasa ’taas nong poste.” Pinapalis natin ang takot na maibubunga ng ganap na dilim, wala nang ganap na dilim kahit magtago pa ang buwan,

filipino

47


sapagkat iyon ang isa sa mga unang nilutas ng ating agham. Ibig nating makakita anumang oras.   Sinabi ni Perez na isa sa hindi niya malilimuta’y ang silid niya sa P. Tuazon kung saan 13 taon siyang nagsulat. At mula roon, “kung gabi, sa halip na mga bituin, ang nagniningning ay pira-pirasong neon lights sa crossing, ang mala-parolang penthouse ng Medalla Building, ang tuktok ng yerong bulkan ng Araneta Coliseum at ang mataas niyang marquee.”   Kaya naman, pakiramdam ng mga tauhan, gaya ni Ike, ay katapusan na ng mundo tuwing magkakaroon ng brownout. Damang-dama nila ang panganib, at gaya ng mungkahi ni Reyes, “Di nga ba’t ang holdapan, nakawan, pangahasan at patayan ay karaniwang nagaganap sa lambong ng dilim?” At sapagkat hindi sila mapapanatag sa dilim, kailangang magsindi ng kandila, at “pinagmasdan ni Ike ang mga kasama niya. Para silang mga taong-kuweba, noong sinaunang panahon, nangakapaligid sa apoy at namamangha sa init at lamig, sa liwanag at dilim, sa buhay at kamatayan.” At gaano katagal nga ba bago nakilala ng tao ang apoy, na magliligtas sa atin sa mga gabi, lalo na sa mga gabi ng bagyo, kung kailan nagtatago ang buwan? (Naaalala n’yo pa ba noong Milenyo at walang ilaw sa kahabaan ng Katipunan?)   Subalit gaya rin ng isang pusa, ang bilis mabuntis at manganak ng Cubao: iba’t ibang mukha, iba’t ibang kulay, may nagtatagal, may basta na lang nawawala. “Maramihan kung magkaro’n ng mga konstraksiyon. Lima-lima kung tumayo iyong mga haybol, anim-anim kung magbukas iyong mga tindahan, o kaya iyong matataas na bilding. … Ang bilis malugi nung mga bisnes, magbentahan ng ari-arian, magpalitan ng pagkakakitaan.” Ito rin ang ubod ng pagkatuliro ng manghuhula sa kuwento ni Perez, na isang hindi taga-Cubao, sa “maya’t maya’y pangingibangpuwesto ng mga tindahan.”   Nasa sentro ng maiilaw na gusaling ito ang Farmers kung saan nanghahanting ng sward sina Tom at Butch. Ito ang sentro ng komersiyo, ng kalakal, at ng laman, pagkagat ng dilim. Subalit sa hatinggabi sa gitna ng

48

55 taon ng heights


paghahatakan ng dilim at liwanag, pumupunta roon ang Manayon sisters, ang magkapatid na donselya, sina Ye at Estela, ang mga manananggal na handang gawin ang lahat ng kalibugan, basta huwag lamang silang bubutasan, kundi’y papatayin nila ang lalaking magtatangka. Doon sa bagsakan ng mga karne at gulay, kung saan ang naiiwan ay ang mga boy at kargador, ang mga gwardya at dyanitor.   Subalit ang tunay na Cubao, hindi iyong commercial center, sabi ni Vir. Iyong totoong Cubao ay iyong naroon na nang halos kalahating dantaon, at sa paglitaw ng mga ilaw nga’y unti-unting napunta sa mga sulok, singit, kanto, sa mga eskinita at pasilyo sa mga looban, sa mga pook na tago at halos hindi naiilawan.   Siyempre pa, sa mga gusaling ito lamang naglilibang, nagpapalipas ng oras, o nagtatrabaho ang mga tao. Hindi sila tumitira rito. Subalit kataka-takang napupuno ang lugar ng mga abandonadong bahay. Ito ang binantayan ni Tandang Ando, sa kuwentong “Ang Mga Asuwang,” na sa edad na sitenta’y kwarto ay wala nang kasama sa buhay kundi ang kaniyang mga alagang hayop na itinuring na niyang anak. O ang lumang bahay sa Natib na dati umanong pagmamay-ari ng mga Claravall sa “Ang Taong Pugot,” pinananahanan daw ng taong pugot, iyon pala’y pugad ng dalawang taong may matinding pagnanasa na manakit at pumaslang ng tao.   Kaya naman, tadtad ng apartment at mga paupahang-silid ang Cubao—mga pansamantalang espasyo, nirerentahan, hinihiram lamang, hindi maaari ng mga naninirahan doon. Pansamantalang estasyon ng mga nilalang na naghahanap, tumatakas sa palagian, pangmatagalan, panghabambuhay. Yumayakap sa tentatibo, gaya ng buhay.   Nag-aapartment ang mga babaeng nag-iisa o piniling mag-isa. Gaya ng matandang dalaga na si Purita Cordero sa “Katalo,” o ni Clair, ang babaeng pinapapaniwala ang sarili na kaya niya nang mabuhay nang mag-isa at maging matagumpay sa “Ang Maligno.” Samantala’y halos gabi-gabi siyang dinadalaw ng isang lalaki sa ilalim ng matandang kala-

filipino

49


tsutsi na nasa unahang bakuran ng inuupahan niya, na natatanaw lamang niya mula sa bintana ng kaniyang silid. Isa pang dalaga, ang 303 lbs na si Helen Ganito sa “Ang Pasko ay Sumapit,” ang bumukod dahil nagsasawa na siya sa pagpuna ng mga kapamilya niya sa katawan niya. Tinadtad niya ang apartment ng motif mula sa Sweet Dreams, Little Girl motif ng bedrum, Betty Boop na banyo, Hello Kitty na kusina at Barbie Doll na salas.   Samantala, ang apartment sa Mahiyain Street na tinutuluyan ni Adonis Casas na nasa Tuesday Group ng That’s ay “na pinaliligiran ng mga apartment din,” at hindi gaya sa probinsiyang pinagmulan niya, “walang mga daang buhangin.” Gaya ni Adonis, nagmula rin sina Ike, Benny at Cez sa iba’t ibang probinsiya at nagsalo-salo sa iisang silid na pinauupahan ni Gng. Aragon sa kanto ng P. Tuazon at Planas Site. Galing Pampanga at nagmahal na ang upa sa dating tinutuluyan ni Ike at si Benny naman na nanggaling pa sa Samar, ibig nang iwan ang dating tinutuluyan dahil ginagamit siyang pananggalang ng mag-asawang may-ari kapag nagkakaaway ang dalawa. Si Cez na nagmula sa Cebu, dahil manunulat sa telebisyon ay inisip na bumukod sa ate niya’t bayaw sa paniniwalang, “makapagpapalawak siya ng karanasan, makatitikim ng buhay sa ibang klaseng lugar, makatatagpo ng iba’t ibang tauhan.”   Tadtad naman ng detector, alarm, security chain at lock ang apartment na tinitirhan ni David, dahil lumaki siyang “isang batang takot sa dilim” mula nang inabuso siya ng tatlong haragan noong pitong taong gulang siya at naiwang mag-isa sa kaniyang bahay. Ganito rin ang apartment ni Amor na sa takot sa balita ukol sa gumagalang serial rapist ay nagsadya sa sm upang maghanap ng panibagong lock sa pintuan—tatlong barrel bolt at isang door chain fastener. Si Amor na hindi na umibig matapos ang dalawang relasyon kung saan siya iniwan, at nang-iwan din siya. Subalit sa pagkainip ay binuksan din niya sa dulo ang mga lock, ang pinto, at lumabas siya upang makita lamang na “walang naroroon—ang kayhabang gabi lamang.”

50

55 taon ng heights


Samantala, para sa mga hindi pa nakakauwi, o papunta pa lang sa trabaho, sentral na lokasyon ang oberpas sa Cubao kung saan itinatawid ang tao sa mga lansangang hindi basta-basta malalakaran.   Doon makikita ni Tom ang isang batang pulubi, ang dalawang pulis na nagtuturo sa mga tao ng kaliwa’t kanan. Dumadaluyong ang mga tao kaya “nanginginig iyong simento, iyong rehas, iyong alambreng sagang.” Samantalang nasa kisame ng Araneta Coliseum sina Tom, naisip niya pa rin ang oberpas na ito sa “Parmers’, iyong lakas nung dagundong, iyong simentong lumilindol sa ‘apak nung tao, iyong atip na yero, iyong alambreng sagang, iyong mga bakal na hawakan, ang lahat, babagsak, isang araw, ’pag luma na, ’pag matandang-matanda na, ’pag mahirap nang palitan.” Ang Cubao ba at ang oberpas ay iisa na? Dinadaanan lamang ito ng mga tao, subalit hindi hindi upang panatilian.   Sa oberpas na ito ang huling tagpuan ng pakikipagsapalaran ni Tom: at naroon si Hermie, ang bakla na kinasama ng kaibigan niyang si Butch, at saka iniwan pa rin sa huli kahit pa sinabi ni Hermie okey lang na kuwartahan siya basta’t huwag iiwan. Mula sa ibaba ng oberpas, binaril ng iniwan ang batang kolboy.   Isa pang krimen: Ito rin ang oberpas na pinagpatayan ng switch ng fuse box ng isang baliw na mangingibig na tumugaygay sa isang weytres, kay Queenie at pinagtapatan ng pag-ibig nang oras ding iyon, sa gitna ng dilim at “salit-salit na ilaw ng billboard sa kaliwa’t kanan,” at saka hinalay matapos itong magtangkang tumakas. Napatay ng baliw na mangingibig ang babae sa ibabaw ng oberpas, at nang matiyak na patay na nga, puno ng pagsisising pinagsasaksak pa niya ito sa biyak ng ari ng babae, sa suso nito, sa lalamunan, sa mata, sa tenga, kaliwa’t kanan.   Ang oberpas ding ito ang naging lokasyon ng madalas na pagsasalubong ng isang lalaki at ng kinaiinggitan at unti-unti niyang ginagayang mama. Isang lalaking minsan nang nahibang dahil sa pag-ibig. Sabi niya, “Kadalasan ay sa oberpas ako tumitigil upang magmuni-muni. Doon ay tanaw ko ang timog at hilaga, doon ay higit ko ang mga bubungan

filipino

51


at punongkahoy, doon ay sakop ko ang lawak ng aking buhay, sapul pa sa pagkabata. Iyon ang aking barko ng palagiang paglalakbay ng isip, mistulang istasyon ng mahiwagang panahon, pasilyong-himpapawid na palagos dito at palagos din doon, tulay na bato na ang sukat ay isang unang hakbang mula sa hindi ko alam at tungo sa kung saan, mula sa ngayon tungo sa mamaya, mula sa kasalukuyan tungo sa walang hanggan. Doon ako nagpasiyang muling mabuhay, at magpatuloy ng buhay. At malamang ay noon ko unang nasalubong ang lalaking iyon.” Natuklasan niya sa huli na siya rin ang lalaking iyon, “at sabay silang nagaganap nang dahil sa sanga-sangang pinagdaanan.”   Mula sa Cubao-Ibabaw, matatanaw ang mga espasyong ito ng lunsod na kumakatha rito bilang pansamantala at kalauna’y nililisan: ang maiilaw na gusali, ang abandonadong bahay, ang mga apartment, ang oberpas. Anong mga nilalang ang ikinukubli’t kinakanlong nila?

Cubao-Ilalim: Ang Bakla, Ang Lalaking Malibog, Ang Bata sa unang aklat pa lamang ng serye, matatagpuan ang kuwentong “Taong-Lobo” na waring silip sa lalamanin ng ikalawang aklat na Cubao Pagkagat ng Dilim—isang pagpaksa at pagkilala sa mga nilalang ng dilim sa atin mismong pagkatao, kung paanong sa bawat indibidwal, may nananahang taong-lobo, o aswang, multo, maligno, manghuhula, mambabalang, diwata, tikbalang, manananggal, taong pugot, nuno sa punso, kapre, manggagayuma, bampira, babaeng nakaputi, lamanlupa, tiyanak. At higit nga silang makapangyarihan sa pagkagat ng dilim.   Kaya naman, ang mga tauhang ganito ang ubod ng palaisipan sa mga katha ni Perez. Tila isang bugtong: hindi tao, hindi hayop… At sisigaw ang isipan natin: Halimaw! Subalit kasimbilis niyon ang paglitaw ng mga anghel sa ating harapan, sina Kepharel, Michael at Sammael na nagda-

52

55 taon ng heights


dama ukol sa ating kapalaran, at matitigatig ang ating mga paninindigan. Agad tayong tatalikod sa kabiguan, at hindi makikita ang posibileng ngisi sa labi ng mga anghel. Bago sila tumalon pabalik sa balon ng kublingmalay.   Bakit kay-tindi pa rin ng pananalig natin sa kung ano lamang ang nakikita gayong alam na alam na nating kaydaming hindi pa nga maipaliwanag? Paanong ang pinaglibingan ng mga alagang pusa at aso subalit itinuring na anak ng isang matanda ay kinatagpuan ng kalansay ng tatlong bata na yakap ang mga manika at basketbol. Ang bulong na nagmumula sa mga silyang ipinamana pa ng mga ninuno, nananaghoy sa Ilokano, ang wika ng matatandang bathala sa Hilaga, at pinupuna ang anyo ng bahay na unti-unting nawawasak. Ang mga nota ng musikang pumaimbulog sa hangin, naging insekto at pinaslang ang lahat ng mga nakikinig, kabilang ang Pangulo at Unang Ginang, at pinaguho lahat ng mga gusali sa paligid, sa daigdig ng isang binatang nalula sa tayog ng akala niya’y kinalalagyan ng kaniyang musika, bago siya tumalon mula sa itaas ng isang gusali. Ang batang babae na nakikita ang sariling humihiwalay sa kaniyang katawang-lupa at pumapailanlang at nakapaglalagalag sa iba’t ibang lugar kapag gabi, subalit may takot, kutya at taka sa mata ng iba kapag ikinukuwento niya ito. Ang paniniwalang may kaharian ng mga lamanlupa sa ilalim ng Cubao na nabulabog sa paghuhukay para sa anderpas kaya’t hindi matapos-tapos ang mga konstruksiyon, at nagkalat ang mga basura sa kalsada, nagputukan ang mga tubo ng tubig sa kalsada, sumabog ang mga bumbilyang merkyuri sa mga poste, sa hindi malamang dahilan. At nang magpadasal sila sa anderpas, sino itong matandang lalaking nagmula sa loob ng mga dingding ng anderpas at nagpakilalang kabilang sa espiritu ng mga ninuno ng mga nangaroroon at may hawak-hawak na kandila’t panalangin.   Ano-anong mukha ang nililikha ng pinakamatitindi nating takot, na balintunang ayaw humarap sa liwanag kaya’t nanahan nang pagkatagal-tagal sa bahaging madilim ng ating isipan, kaya’t pagsapit ng dilim,

filipino

53


nagkakamaling nakapaglalagos palabas, at kapag nakaharap nati’y kapwa tayo natitigatig? Subalit hindi mga kakaibang nilalang ang kakaiba sa kaniyang mga tauhan.   Si Tony Perez na mismo ang nagmungkahi kung paano haharapin ang kaniyang mga katha: mula sa antas na sensuwal, patungong sikolohikal hanggang metapisikal sapagkat, aniya’y ito “ang karaniwang pagkakasunod-sunod ng antas ng pagkakakilala ng isang tao sa kapuwa.”   Sa bisyon ng isang tauhan ni Perez na nagagawang pumailanlang kapag gabi, sa pagkatagpo sa bangkay ng kaniyang iniibig, “saka niya nakita ang iba pang mga kaluluwang nasa kaniyang kapaligiran. Mula sa iba’t ibang sulok ng lupa. Bawat isa’y may hinahanap. Bawat isa’y may sadya. Bawat isa’y may pinupuntahan. Tulad niya. Ngayon ko lamang sila nakita, ang sabi niya sa kaniyang sarili. Ngayon ko lamang sila napansin, gayong gabi-gabi’y naririyan pala sila, wala ring nakikita’t walang pumapansin, pagkat tulad ko’y pansarili lamang ang layon ng bawat isa. Kayrami. Daan-daan. Lubu-libo. Milyun-milyun. Angaw-angaw.” Narito ang ilan lamang sa mga iyon, iyong mga mas mahirap kaligtaan, iyong higit na matitingkad ang hugis pagkagat ng dilim, iyong sa wakas, maaari na nating makita kapag nilampasan natin ang sarili, isang gawaing hindi madali, subalit maaari.   Ang Bakla. Nagpapakilala ang bagong dekada mula sa lagim ng sitenta at kinikilala ni Perez sa kaniyang unang aklat ang unang sigaw ng gay liberation movement sa Pilipinas, bagaman sa isa sa mga liham sa aklat, inamin ng may-akda na hindi pa magaganap ang “tunay, makabuluhan at mabisang gay liberation movement sa Pilipinas.” Ang bakla, kung gayon, ang isa sa mga unang mahalagang tauhan sa kaniyang daigdig ng dilim.   Sa pamamagitan ng paghawak ni Tom sa salita bilang kolokyal o balbal o anupamang ibig nating itawag sa wikang nasa-panahon at nasa-lunan, nakikita natin kung paano sinisipat ang karanasan ng bakla bilang tauhan ng kaniyang dilim. Mga sward, ayon kay Tom, na naglalabasan bandang alas-siyete sa Cubao. Mga sward, sapagkat iyon ang ibig ng mismong mga

54

55 taon ng heights


bakla na ayaw patawag na bakla sapagkat masakit umano sa teynga.   Sa Kabanata 25 ng dalawampu’t walong kabanata ng “Cubao 1980,” mangyayanig ang anim na salita bilang kabuuan ng kabanata: “Puking ina n’yo—mga bakla kayo.” Ito, pagkatapos ng lahat ng dinanas niya mula sa una niyang karanasan sa parloristang si Sonny sa halagang beinte pesos hanggang sa limang nakadurog na kets, tipong mga pabling, na miyembro ng kombo na yumari sa kaniya sa itaas ng isang beykeri sa halagang dos siyentos singkuwenta.   Masalimuot ang larawan ng bakla sa mga akda ni Perez, kaya’t may pakiramdam tayong totoo. Naroon ang dalawang binatilyong nag-iibigan at nagpakamatay sa isang motel na tinulaan niya, o ang mananahing pinaslang na kinakausap at pinasalamatan ng kaniyang boy sna naka-tagpo sa kaniyang bangkay, sa isa pang tula. Narito rin ang kakaibang relasyon ni Senen sa pinsang lalaki, si Lando, at sa kapatid na si Allan na nagpakamatay, sa dulang “k-31,” at ang sadya niyang pagbunggo ng sinasakyan isang hatinggabi na naghatid sa kaniya sa ospital. Ang tatlong liham ni Tony kina X, Y, Z mula sa iba’t ibang dekada: ang isa’y pinapayuhan tungkol sa paglaladlad, na nauwi sa pagpapayo sa maaaring maging layunin ng gay liberation movement sa bansa sakaling ilunsad ito samantalang ginigitgit ng mga institusyon sa lipunan at ng mismong mga bakla; ang isa’y sa dating mag-aaral na nasa Australia na’t katatapos lamang makipaghiwalay sa nakarelasyong kapwa-lalaki at nagtangkang magpatiwakal, na nagmungkahing isang mabuting pakikipagkaibigan lamang ang isang relasyong-bakla at kung paanong marami ang Paraiso at mga ito’y nililikha, nililisan, at pinapasok muli’t muli; ang huli’y tugon sa liham ng kaibigang nasa us na namamatay sa aids, subalit pinaghahandaan nang mabuti ang gagawing paglisan lalo na para sa mga maiiwan. Nasa ibang bansa rin ng Coya ni Ike, na nagtatrabaho sa Kansas, biktima ng pagmomolestiya ng sariling ama, at namamahay nang kasama ang isang lalaki. Lihim nilang magkapatid iyon sa kanilang Ima. Tinatawag ng Coya ni Ike na liberation iyon, na siyang “susi ng lahat ng problema ng lahat ng tao.”

filipino

55


Sa “Katalo,” nariyan ang mga pa-mhin na sina Tex Recio, Vino Garcia, Nilo Virtucio at Mon Apostol na, sa pagkukubli ng musikang klasikal na nakatodo ang volume, dinadaan sa kakaiba, maharot, puno ng okrayang laro at balitaktakan sa bahay ni Tex ang pustahan kung kanino mapupunta ang naghihintay na kolboy sa kuwarto kapag nakumpleto ang set ng mga alahas mula sa Jewelry Box na siyang itatanghal na Pretty Pretty Princess of the Day.   Naiiba ba sila kay Finesse o Ronquillo Fineza, ang diwatang pangit, at “maitim at magaspang ang kutis at hiwa-hiwalay ang mga ngipin… ngunit kapag naka-set ang buhok at nakameyk-ap at nakabihis-babae’y napagkakamalan siyang mapormang negra, kung di man maganda ay marikit, kung di man marikit ay nakatatawag-pansin,” na itinanghal bilang Binibining Barang-Gay De Porres matapos ang katakot-takot niyang paghahanda’t pagsasanla ng mga gamit, “datapuwat nang koronahan siya ng asawa ng alkalde’y muling gumuhit sa kaniyang kaisipan ang kahibangan ng sandaling iyon, ng buong paligsahan, ng lahat-lahat sa buong lipunan” bago niya natanggap na siya nga’y nagwagi sapagkat sa mga manonood na nagpapalakpakan sa kaniya, “walang nagtatawanan. Walang nagkakantiyawan. Walang nanlalait.”   Kaya naman, inisa-isa ni Perez ang lahat ng mga kailangang IBAGSAK sa kaniyang “Manipesto” para sa mga bakla. At kuwentong “Nuno sa Punso,” itinanghal niya ang kapangyarihan ng wika ng bakla na lumikha ng sarili niyang naratibo na magsasagilid at paglalahuin sa dilim ang mga isipang hindi masasakyan kung saan patutungo ang simulang, “Ganitrils nils, titils, fiyara joanna knowing ang mga wing kiyachyichyils”—kung saan ang tinutukoy ng mga salita ay hindi na ang ipinangalandakang kahulugan ng heteronormalidad (naka-cd para sa nakakita, see), at kahit ang mismong signipikasyon ay pinahahaba o pinaiikli ng kanilang pangangailangan (anils para sa ano, halimbawa).   Ang Lalaking Malibog. Sa Cubao pagkagat ng dilim ni Perez, namamayani ang libido at id sa mga lalaki, sa pakikipagbuno at pagtatanghal sa

56

55 taon ng heights


kanilang pagkalalaki. Narito ang Atenistang tagapagsalaysay sa “Valentin,” na nagkukuwento ukol sa kaniyang mga pakikipagsapalaran kasama si Valentin, na simula pa lang sa eskuwela’y tinatawag na nang kung ano-ano: “Kabuti. Talong. Upo. Patola. Hot dog. Chorizo de Bilbao. Vienna Sausage. Lunggansa. Turon. Banana-Q. Lollipop. Tiratira. Putobumbong. Lawit. Bandila. Tako. Baston. Kambiyo. Handbrake. Batuta. Hard hat. Tarugo. Barena. German helmet. Espada. Riple. Machine gun. Silencer. Secret agent. 007. Kanyon. Tore ni David. Monumento. Pito. Black-light bulb. Antenna. Remote control. Zoom lens. Flashlight. Pedro. Manoy.” Naging tagasunod siya nito, simula nang mamulat ito noong 12 taong gulang siya, paano ba nama’y ito ang lumalabas na champion sa anumang hambingan at sukatan: “Apat na pulgada siya kapag tulog, lima’t kalahati kapag half-mast, anim at tres-medya’t lampas-pusod kapag tayo at kapit-linta sa balat ng puson.” At ang babala niya sa dulo: “Magtago na kayong lahat—si Valentin ang maghahari sa mundo!”   Na mukha ngang magkakatotoo. Kung pagbabatayan ang iba pang mga tauhan na inalipin ng kani-kanilang Valentin.   Nariyan ang mga pedopilya. Si Mang Romy, Romulo Atienza, ang dyanitor sa Paaralang Elementarya ng Cubao, na minsang nag-init ang katawan sa isang batang babae na niyayaya niya sa kaniyang tulugan at pinaghihimas ng kaniyang ari sa halagang dalawang piso, at pagkatapos ay saka niya pupugin sa halik at hihimurin ang dibdib at taynga ng bata bago tirahin sa ari, kaya siya nakulong nang dalawampung taon bago naging dyanitor. Ganito rin si Mang Natong na ipinatikim ang kaniyang saging sa siyam na taong gulang na si Helen, anak ng kaniyang amo. O ang ama ni Ike na pedopilya at nanghahanting ng bata, matapos magsawa sa sarili niyang anak, ang Coya ni Ike. At kahit ang limang piyon na pinagparausan si Adonis sa ibabaw ng elfin truck samantalang pinagtatalunan kung babae ito o lalaki.   Pinakatampok siyempre si Humbertong Magdamag, ang tikbalang sa kuwento ni Perez, na hindi manghinawa sa seks (“pito hanggang sam-

filipino

57


pung ulit na pagtatalik sa isang tagpuan”), mas madalas utugan kaysa sa karaniwan, kaya’t pinag-eksperimentuhan niya ang mga babaeng magagaslaw at pumapayag pagalaw, hanggang sa mga babaeng wala pang karanasan, hanggang sa ibigin siya ng isang babae sa kabila ng lahat subalit hindi niya matugunan iyon ng pagmamahal, hindi niya kilala ang pagmamahal. Sa dulo, ni hindi na niya makita ang sarili sa salamin, wala na siyang mukha, at nang mapagod ay “lumatag siya sa isang sulok, kasama ng mga anino.”   Narito ang pagtataka ni Dale, ang lalaking kapitbahay ng Manayon sisters na tumutugaygay at alam ang ginagawa ng dalawa, matapos siyang imbitahan nang makahulugan ng dalawa sa bahay nito, “kung bakit ang libog ay isang lubos at kamangha-manghang karanasan. Para sa akin. … Para sa ibang lalaking tulad ko. Marahil, para sa lahat ng lalaki sa buong mundo. Lubha ko ring pinagtatakhan kung bakit ang pagnanasa’y parang kakambal ng takot.” O si David na sa kabila ng pag-aakala ng kaniyang katiwalang si Poldo na lahat ng iniisip niya kapag nagsasalsal ay donselya, sa totoo, “ang kaniyang pantasya’y puro kalaswaan, pulos tungkol sa babaeng niluluray niya sa putikan, o kaya’y sa basurahan, o kaya’y sa kung saang tambakan,” at isang gabi’y binuksan ang tahanan sa tatlong tin-edyer na lalaking nangangaroling para sa basketbol tournament ng barangay.   Kaya nga ang mga babaeng nakaputi, nagpapakita lamang sa mga lalaki, hinala ng mga nag-iinuman sa isa pang kuwento ni Perez, dahil, “kets ang me atraso, kets ang gumahasa, kets ang pumatay.” At nang mabasa nila ang balita sa diyaryo tungkol sa babaeng nireyp ng apat na sundalo, naisip ng isa kung bakit iyon ang nakatawag sa pansin niya, at naghinalang, “siguro kasi, lalaki rin ako, kasi, mahilig din ako sa umpugan, gusto ko rin’ man-reyp, ganyan. Kaso, pare, siyempre, ayoko’ pahuli, ayoko’ mabilanggo, tsaka pare, ayoko rin iyong me nasasaktan. Ganyan. Gusto ko, pare, ’pag nan-reyp ako, lahat nasasarapan—ako tsaka iyong babaeng nire-reyp ko, ganyan.” Kaya nang ipinalabas pa sa Pulis Report ng tv

58

55 taon ng heights


Patrol ang tungkol sa serial rapist na gumagala sa Cubao, lalong tumindi ang takot ni Amor sa lalaki, kahit sinong lalaki na kahit anong bait ang hitsura’t pakita’y “maaaring may katok sa ulo, may sira, may taling sa kaluluwa.” Gaya ng obsessed na mangingibig sa “Pamamanhikan” na tumutugaygay sa kaniyang mga iniibig, sinusundan-sundan ng ilang gabi at kapag nakahanap ng tiyempo’y tututukan ng balisong at saka pagsasamantalahan at papatayin pagkatapos.   Ang Batang Biktima. Tila isang pasinaya ang tulang “Sa Libingan ng Isang Bata” sa huling mahalagang tauhan sa daigdig ni Perez, ang batang biktima. At sa isang pagtatapat, sinabi niyang pinsan niya at itinuturing na kapatid ang totoong Tony Perez, at sinabing noong 12 taong gulang sila, “Pinatay ko siya pagkat ang tangi niyang pangarap ay maging tanyag na pintor, at ang pangarap ko naman ay maging isang manunulat. Sa murang edad na iyon ay batid kong isa lamang sa amin ang maaaring manaig. Kung hindi ko siya papatayin, siya ang papatay sa akin. Kayat isang gabi’y pinatay ko siya, at mula noon ay dala-dala ko ang pangalan niya.”   Samantalang binubuo ang aklat na Cubao-Kalaw Kalaw-Cubao na ikalima at huli sa serye niya ng Cubao, na “kung ang animus ng Ermita ay ermitanyong matanda na at may mahaba’t maputing balbas, ang animus naman ng Cubao ay isang batang lalaki.” At sa nobelang “Bata, Sinaksak, Sinilid sa Baul,” naroon si Charlie bilang batang biktima ng panghahalay at pagpaslang, na nag-uwi sa pagkapatay sa isang pulis ng kriminal, na nagpatiwakal din pagkatapos. Ang mga kamatayan na ito ay nag-uwi sa kamatayan din ng pagkabata ng tatlong pangunahing tauhan sa nobela: sina Ike, Benny at Cez—ang una’y ang anak ng kriminal, ang ikalawa’y ang inampon ng pulis, at ang bunso’y ang kapatid ni Charlie, na makalipas ang labingwalong taon pagkatapos ng krimen ay nagkasama-sama sa isang apartment na hindi nalaman o inaming may kaugnayan sila sa isa’t isa nang higit pa sa pagsasalo sa iisang silid. Kaya naman, ang buhay nila’y napaliligiran ng mga bata—ang mga bata sa mga religious activities ng parokyang pinaglilingkuran ni Ike, ang batang si Dading na nagtitinda

filipino

59


ng dyaryo’t halos kapatid nang ituring ni Benny, at ang mga bata sa lansangan na madalas na naglalaro kapag napapasilip si Cez sa bintana, ang mga batang nakikinig sa mga kuwento niya. Sa pagitan nila, umaalingawngaw ang kuwento tungkol sa batang sinaksak sa Planas, isang gabing brownout, nagtitinda ng balut. At ang panghihinayang, gaya ng panghihinayang sa isang Crispin sa nobela ni Rizal, at sa isang Charlie, sapagkat ang bata’y “mautak daw. Kaya lang naghahanapbuhay, kailangan ng panggastos sa eskuwela. Mahirap lang kasi sila.”   Kahirapan din ang bumuo sa pagkatao ni Bototoy (“Pork Empanada,”) 6 na taon, at ang bunsong kapatid niyang si Nining. Nagwa-watchyourcar siya at pinag-ipunan ang pork empanada, sa halagang beinte uno pesos para sa kanilang magkapatid pero papanis na ang ibinigay sa kanila, at dahil noon lamang nakatikim noon, sinabi pa rin nilang masarap ang binili. May mga batang biktima sa daigdig na ito hindi dahil namatay sila kundi dahil patuloy silang nabubuhay.

sa huli, kailangang alalahanin na hindi negatibo lamang ang pagkagat ng dilim na ito. Madalas, hinahanap natin ito, hinahangad natin ito, upang sukatin ang ating mga hanggahan, upang makaharap ang mga sariling hindi natin nakikita sa araw-araw na pagtingin sa salamin. Isang paanyaya sa pagkawasak bilang bahagi ng karanasan, bago pa man ito sumalakay sa panahon at anyong pinangangambahan natin. Gaya ng babae sa sanlibo’t isang gabi’t salaysay ng mga Arabo na nakasalalay ang buhay sa haba ng gabi na nagbibigay sa kaniya ng pagkakataong mahawakan ang kaligtasan at pangako ng darating na panibagong araw sa pamamagitan ng pagkatha ng mga kuwento.   Sa daigdig ng Cubao sa unang limang aklat ni Perez, wala pang mrt sa edsa, wala pang lrt sa Aurora na nagtatagpo sa wala pa ring Gateway noon. Ang naroon lamang noon, ang Farmer’s. Ang oberpas, ang anderpas. At ang mga nagbibiyaheng dyip at bus. Ilan sa atin ang nagbubus at

60

55 taon ng heights


dumadaan sa Cubao? Sa biyaheng Cubao-Ibabaw, maaaring mapasilip ka sa bintana, at makikita mo ang mga gusali sa labas, ang mga ilaw, ang mga bahay na abandonado, ang mga apartment, ang oberpas. Maaari ka ring bumaba at makibahagi sa mga iyon nang pansamantala. Sa Cubao-Ilalim, wala kang makikita kundi ang anderpas, ang ilaw sa gilid ng dingding. Doon, maaaring mapilitan kang tumingin sa loob, sa mga kasakay mo sa bus, sa mga taong naroon at naglalakbay din, pauwi, papunta sa kung saan, mga karaniwang tao na gaya mo, maaaring may bakla sa iba’t iba nitong anyo ng pagkukubli at paglalantad, mga lalaking may kani-kanilang inaalagaang Valentin, mga bata, at maaaring maisip mo kung anong ibig sabihin ng karaniwan. At pagbaba, iiwan mo rin silang lahat, kung hindi ka nila naunang iwan. O kung hindi mo pa rin naaamin sa sarili na maaari, maaaring-maaari na bahagi ka sa daigdig na ito ng dilim.

Edgar Calabia Samar ab Psychology ’02 ma Literature-Filipino ’04 Kagawaran ng Filipino 1998 - 2001  Kasapi ng Bagwisang Filipino 2001 - 2002  Katuwang na Patnugot sa Filipino 2005 - 2008  Tagapamagitan Tony Perez ab Communications ’72 1968 - 1970, 1971 - 1972  Kasapi 1970 - 1971  Patnugot

filipino

61


Si Malakas

(Isang bagong tinatapos na dulamg may isang yugto para sa Tanghalang Ateneo)   Tony Perez

mga tauhan   Jude, 48   Nitoy, 70   Irwin, 19 ang panahon   Isang hapon, sa kasalukuyan ang pook   Sa palibot ng bunganga ng bulkang Pinatubo ang entablado   Isang malaking palanggana o lawa-lawaan na puno ng tubig, may lalim na 4 piye, na inilubog sa gitna ng malaking plataporma. Sa gawing harapan, mga batuhang padalisdis tungo sa kinaroroonan ng mga manonood. Sa pamamagitan ng rear projector, ilalarawan sa cyclorama ang likuran at karugtong na tanawin ng lawa sa bunganga ng bulkan. Sa kisame ng entablado, may nakatagong mga tubo ng tubig na pagmumulan ng ambon at ulan sa ilang bahagi ng dula. Kadiliman. Maririnig ang pambungad ng “If Ever You’re In My Arms Again” ni Peabo Bryson sa isang plawta.

62

55 taon ng heights


Unti-unting magliliwanag ang tanghalan. Nakaupo si Nitoy sa ibabaw ng kaniyang backpack, sa gawing kaliwa ng malayong panig ng lawa-lawaan. Nakatanaw siya sa kalayuan. Nasa gawing kanan ng malapit na panig ng lawa-lawaan sina Jude at Irwin. Nakaluhod si Irwin sa gilid ng lawa-lawaan at sumisipat sa tubig. irwin (Nakatuntong sa gilid ng lawa-lawaan. Sa mga manonood) It’s July, in the American summer. My Papa died in a car crash a month ago. I came with Grandpa, and my Mama, and my brothers and sisters for a short visit with Tito Jude, Papa’s only brother, and my cousins. They live here, not in Chico, where we do. We left the West Coast, flew in on Northwest 19 from Narita. Arrived 11:00 pm. We knew it would be rainy here. But, Grandpa wanted to come up to Mount Pinatubo, and so we did. jude (Nakatalungko sa dalisdis. Sa mga manonood) Sinundo sila ng shuttle ng Heritage Hotel. Doon namin sila hinintay, ako at ang asawa ko, si Rhonda, at ang mga anak namin. Kinabukasan, hinatid naming lahat ang urnong kinalalagyan ng mga abo ng kapatid ko sa Sanctuarium. Nagpa-Misa kami. ’Tapos, ’nilibot namin sila sa mga bagong lugar na ’di pa nila nakikita. Sa Gateway. Sa Trinoma. Sa Serendra. Sa MOA. At saka namin ’tinuloy ang hiling ni Papa. nitoy (Nakatayo sa paanan ng dalisdis. Sa mga manonood) I used to be a

filipino

63


mountaineer. I wanted to make a last pilgrimage to a place that isn’t so far away—and I’d never been here. When the volcano erupted, I was already in Chico. Now, it’s like a paradise. We hired two vans to take us to Angeles. Then, two jeepneys to take us to the trekking site. Mag-iiba ang pagkakailaw sa entablado. jude (Kay Irwin) Taun-taon, noon, gan’to kami ng Papa n’yo. Banahaw, Cristobal, Makiling—minsan, umabot sa Halcon. Nung magkani-kaniyang pamilya, ginawa namin’ family outing. ’Gaya ngayon. Pero, paminsan-minsan—lalo na kung summer—humihiwalay kami, sumasama sa mga grupo, mga trekking club, mga nagma-mountaineering. Pinupuntahan namin iyong mahihirap puntahan. ’Gaya ng Kitanglad. Kanlaon. nitoy (Tatawag sa may-kalayuan, sa direksiyon nina Jude at Irwin) Rhonda! (Sandaling titigil) Rhonda! jude (Bahagyang pasigaw, kay Nitoy) Nagse-set-up na, Papa! (Kay Irwin) Si Papa’ nagpahilig sa ’min sa ganyan. Tumigil lang nung mag-migrate kayo. Ang huli niyang pinuntahan, Mount Makulot, sa Batangas. Matagal na iyon. Na’kuwento niya ba iyon? irwin Nope.

64

55 taon ng heights


jude Minsan, ’pakuwento mo. Magtatanggal ng hiking shoes si Irwin at saka siya magtatampisaw sa tubig. Magsisimulang maglakad si Nitoy sa hating-palibot ng gilid ng lawa-lawaan, tungo sa gawing harapan. jude (Kay Irwin) Sumabog ’to, nung ’91. Nasa Tarlac kami, kitang-kita’ usok, parang higanteng mushroom. Nasa Chico na kayo no’n, trese anyos ka pa lang. Nag-e-mail ng mga litrato si Rhonda kay—kay Mely. Sa Mama mo. irwin Yes, Tito. Nasa computer ko’ng pictures. jude O—kahit ba minsan, inakala mo, isang araw, tatayo ka rito? irwin No, Tito. (Sandaling titigil) Puputok uli ’to, ’di ba, centuries from now? jude Baka. (Sandaling titigil) Pero, sigurado, wala na tayo. Mga apo na lang

filipino

65


natin sa talampakan. Lalapit si Nitoy kay Jude. nitoy Ang ganda rito. Dapat, dito ’ko nag-retiro. jude Hintayin n’yo muna’ magtayo ng mga cottage. nitoy ’Pag nangyari iyan, dadagsain’to ng tao. (Parang sa sarili) Mabubuhay ako rito, kahit walang cottage. (Tatanaw sa gawing harapan) Nagpipitch-tent pala sila ro’n? Ba’t ’di natin tulungan? jude Kaya na iyan nina Manuel, tsaka nung tatlong guide. nitoy Sina Rhonda? Ba’t ’di natin paparituhin? jude Maya-maya na, ’Pa. Pagod ang mga iyon. Nung lumakad tayo papunta rito, nakita ko, naglalatag sila ng banig sa ilalim ng puno.

66

55 taon ng heights


irwin (Kay Nitoy) Magsa-snack daw, Grandpa. nitoy (Kay Irwin) Gutom ka ba? irwin No. nitoy Jude? jude No, Papa. Nauuhaw lang. Mauupo si Jude. nitoy (Mauupo sa tabi ni Irwin) Sulit ba? irwin (Magkikibitbalikat) I guess.

filipino

67


nitoy Alam ko, ikaw sa lahat ang hindi mahilig mag-hiking. Maraming lake resort sa West Coast. Pero, dito—maganda rito. Mabuti, nakita mo. (Sandaling titigil) Ibang klase rito. There’s something about nature, Puppy Dog. It can take you to the beginning of time—to a garden, or to a wilderness. Alinman sa dalawa, anuman ang pinili mong dala, haharap ka sa loneliness. Insecurity. Fear of the unknown. (Sandaling titigil) But then, you also have solitude. (Sandaling titigil) Nung active ang bulkan, alam mo ba—noong unang panahon, naghagis sila ng mga virgin sa crater para huwag pumutok. irwin No way. jude Nung araw iyon—hindi nung ’91. (Maghuhubad ng pantaas at hiking shoes. Kay Irwin) O, Irwin, papasok na ’ko! Maghahanap ako ng virgin sa ilalim. Irwin Kalansay na iyon, Tito. Lulusong si Jude sa tubig at lalangoy hanggang gitna ng lawa-lawaan. Sasabuyan niya ng tubig sina Nitoy at Irwin. Tutungo siya sa malayong panig ng lawalawaan. Sandaling katahimikan.

68

55 taon ng heights


Walang maririnig kundi ang tilamsik ng tubig sa kinaroroonan ni Jude. irwin (Kay Nitoy) Grandpa—can I ask you something? nitoy (Titingin kay Irwin) irwin S’abi ni Tita Rhonda, ’di na kayo babalik ng States kasama namin. Is that true? nitoy (Sandaling matitigilan) Oo. (Sandaling titigil) It’s true. irwin Why? nitoy Hindi biglaan iyon, Irwin. Matagal ko na’ pinag-isipan. Matagal ko’ pinaghandaan. Mula nung mamatay ang Grandma mo, mula nung maaksidente’ Papa mo. ’Di ko lang sinasabi.

filipino

69


irwin But, why? Nitoy Gusto ko lang, tumanda na rito. Gusto ko, ditto ’ko mamamatay. (Sandaling titigil) Dito ’ko ’pinanganak, Irwin. Ito’ bayan ko. Ang dami ko’ nami-miss dito. Kaya lang kami nag-migrate ng Grandma mo, para guminhawa’ng buhay ng Papa’t Mama mo. Buhay mo. Ng mga kapatid mo. (Sandaling titigil) Nung una, gusto ko ro’n. Gusto rin ng Grandma mo. Pero, nung namatay ang Grandma mo, ’tapos, naaksidente’ Papa mo, unti-unti, naging ayaw ko na. Inisip ko, dito’ko lumaki, ’di katulad n’yo—ikaw, lalo na’ mga kapatid mo. Ikaw, onse anyos ka nung lumipat sa Chico. Sila, ’pinanganak lahat sa Chico. Ikaw, alam ko, pagtanda mo, ’di mo iisipin’ tumanda at mamatay rito. irwin Right. I don’t like it here. Ang dumi-dumi. Ang mga building, ang dusing-dusing. Mabaho’ mga kalsada. Ang daming basura. Ku’ mi’san, walang kuryente. Ku’ mi’san, walang tubig. Pati’ mga tao, iba. ’Pag naglalakad ka sa mall, bubungguin ka. Iba sila mag-isip. Iba sila tumingin sa kapwa. Pati expression ng mukha nila, iba. Sinabi ko iyan kay Haggai Sena, iyong best friend ko rito nung grade school. Nagkita kami sa Cubao nung isang linggo. Nagalit siya. Wala raw ako’ karapatan’ magsabi ng ganyan tungkol sa bayan, lalo na kung di ’ko taga-rito. Pero, ’di ba, Grandpa, totoo lahat ng sinabi ko? Ba’t siya nagalit, ’di ba niya alam lahat iyon?

70

55 taon ng heights


nitoy Ang Pilipino, ayaw pinipintasan nang deretsahan. Siguro, dahil sa dugo nating Malay. Maninipis ang mukha ng mga Malay. irwin Maninipis, wala namang ginagawa sa pagpapaasenso. (Sandaling titigil) Sorry, Grandpa. Alam ko, you love this place. Ayoko’ masaktan ka. Mahal kita. Mahal ko si Papa. nitoy Alam ko, Irwin. Mahal na mahal ka rin namin. irwin Some parts are okay. The really nice hotels. This crater. It’s cool. Pero, masyado lang tahimik. (Sandaling titigil) Para sa ’kin. nitoy Dito, parang nakakausap ko ang Diyos. Parang ’tinatanong niya sa ’kin, “Saan ka nagtatago?” “Ba’t ka nagtatago?” Yayakap si Irwin nang mahigpit kay Nitoy. nitoy (Yayakap din kay Irwin) —Oh, my Puppy Dog, my Little Puppy Dog, My Little Puppy Doggy—

filipino

71


irwin (Mangiyak-mangiyak) Grandpa, please tell me— nitoy Okay—okay. (Sandaling titigil) Natatandaan mo ba, may anim na buwan na, nagpa-check-up ang Grandpas sa Smith Bradley tsaka sa Enloe? Tatango si Irwin, nakapikit, nakayakap pa rin kay Nitoy. nitoy It’s my liver. And, it looks really bad. S’abi ng mga specialist, baka, may one year na lang. I want to spend it here. Tahimik na luluha si Irwin. irwin (Nakapikit pa rin) That’s not true—! That can’t be true—! nitoy Iyon iyon, Puppy Dog. Sinabi ko lang kay Tito Jude mo, kay Rhonda, at sa Mama mo. Ayoko pa’ malaman ng mga bata. Pero, nagtanong ka, ikaw ang nagtanong sa ’kin, kaya ko lang sinabi ko. Huwag mo muna’ ’sabihin sa mga kapatid mo—at sa mga pinsan mo

72

55 taon ng heights


irwin Yes, Grandpa. Sandaling katahimikan. Lalangoy si Jude mula gawing kaliwa hanggang gawing kanan ng lawa-lawaan. irwin (Kay Nitoy) Gusto mo ba, dito muna ’ko sa Philippines, kasama mo? nitoy No, Irwin, ayoko ng ganyan. Gusto ko, parang normal ang ’lahat. Magtapos ka ng university, gum-raduate ka, magtatrabaho ka. Gano’n din sa mga kapatid at pinsan mo. (Sandaling titigil) Irwin, lahat ng tao, namamatay. Si Grandma mo, ang Papa mo, ako, si Tito Jude, si Tita Rhonda, ang Mama mo—ikaw rin, pagdating ng araw. Maririnig ang mahinang dagundong ng kulog sa kalayuan. nitoy (Parang sa sarili) Kulog ba iyon? (Bahagyang manlulumo) Sayang, kung umulan—masisira’ picnic natin. irwin No, Grandpa. Everything will be all right. I promise. Lalangoy si Jude pabalik sa gawing harapan, at saka siya aahon.

filipino

73


jude Kumulog. (Hahagikgik) Ang sarap ng tubig! Dali-daling magpupunas ng luha si Irwin. Magbababa siya ng salbabida sa tubig at saka niya ito sasakyan. Tutulak siyang palayo at paroroon sa gitna ng lawalawaan. Mauupo si Jude sa tabi ni Nitoy. Maglalabas si Jude ng tuwalya mula sa loob ng kaniyang knapsack. Ipambabalabal niya ito sa balikat. Maglalabas din siya ng paketeng sigarilyo at lighter. Magsisindi ng sigarilyo. jude (Kay Nitoy) Sinabi n’yo? Sandaling katahimikan. nitoy (Kay Jude) Ba’t ’di mo sunduin sina Rhonda? Baka hinahanap nila tayo. jude Nakita ni Manuel kung sa’n tayo dumaan. Susunod ang mga iyon, kung gusto nila. (Sandaling titigil) ’Di sila susunod kung ayaw nila. Sandaling katahimikan.

74

55 taon ng heights


nitoy (Nakatanaw sa tubig) Itutuloy n’yo ba? jude (Bubuga ng usok) Yes, Papa. (Sandaling titigil. Papatayin ang sigarilyo) nitoy Mahiya ka naman. jude (Magugulat at magtataka) ’Pa? nitoy Wala ka ba’ portable ashtray? Nagdala ’ko sana, kung sinabi mo lang, wala ka. Huwag tayo’ magkakalat dito. jude (Maghahalungkat sa isang bulsa ng knapsack at maglalabas ng portable ashtray. Isisilid ang upos ng sigarilyo sa loob niyon) Sorry, ’Pa. (Sandaling titigil) Wala na kasi, ’Pa. Wala na’ pag-asa. nitoy Sigurado ka ba?

filipino

75


jude Sigurado. nitoy Sayang. (Sandaling katahimikan) Bakit? (Parang sa sarili) jude (Maglalabas ng isang serbesang de-lata at isang botelya ng tubig mula sa isang cooler. Iaabot ang botelya ng tubig kay Nitoy) I loved her once. But that was just too long ago. She loved me too. ’Tapos, nung ’pinanganak si Irwin, things began to—change. I didn’t love her anymore. Nahalata niya iyon. Siguro, hindi niya nasikmura. She couldn’t live with it. I think, kaya hihiwalayan niya ’ko—gusto na niya’ takasan ang lahat. Not that she’s in love with someone else. nitoy Kung sumama lang kayo sa’min no’n—kung sabay-sabay tayo’ nag-migrate—sana, naiwasan iyan. jude No, Papa. On the contrary. It would have gotten worse. I would have seen Mely too often. And what would Cons say about it? What would her husband do about it?

76

55 taon ng heights


nitoy Mahal ka ni Cons. Ikaw ang kuya niya—alam mo iyan. jude Mahal ko rin siya. Ang problema—minahal ko rin ang asawa niya. nitoy And you’re saying now, it’s all my fault? jude Hindi ko sinabi iyan. nitoy Hindi nga ikaw. (Sandaling titigil) But Cons did. Sandaling katahimikan. nitoy He wrote me a letter. Before the accident. That’s why I thought that, maybe—it wasn’t an accident. jude Did he mention me?

filipino

77


nitoy Yes. He didn’t accuse you of anything. S’abi lang niya, nagdurusa siya, kasi, na-in-love ka sa asawa niya. jude At, si Mely? nitoy You know, she fell in love with you too. Sandaling katahimikan. nitoy So, maybe it’s your fault. jude How can it be? nitoy All they wanted was a baby. jude Madali’ sabihin iyan. After making a baby—what? (Sandaling titigil) One thing led to another.

78

55 taon ng heights


nitoy I understand. It broke up their family. But do you have to break up yours? jude ’Di ’ko’ iiwan kay Rhonda. Si Rhonda’ iiwan sa ’kin. nitoy Papa’no’ anak n’yo? Papa’no’ mga bata? jude ’Di na sila mga bata, ’Pa. (Sandaling titigil) Wala pa sila’ alam. ’Alam lang nila, ’sasama sila ni Rhonda kina Mely pag-uwi sa Chico. Ako, maiiwan, kasi, me trabaho rito. Tsaka, para, may kasama kayo. (Sandaling titigil) Nakahanap ako ng caregiver na magbabantay sa inyo. Don’t worry, Papa. Ako’ bahala. nitoy Ayoko ng inaalaagan ako. Mas kumportable ’ko ’pag ’binabayaan lang. jude Puwede bang gano’n? Pa’no, pagdating ng araw—

filipino

79


nitoy —Pagdating ng araw, kung ’di ’ko mamamatay sa bahay, itatakbo’ko sa ospital. Sa ospital ako mamamatay. jude ’Pa. nitoy Gano’n kasimple lang, Jude. Sa lahat ng nabubuhay. Sa lahat ng namamatay. Ewan ba, kung bakit, ’pag may mamamatay, kailangan pa’ pahabain ang istorya. jude (May hinanakit) Nung nasa States kayo, ’di ba, inalagaan ni Cons kayong dalawa ni Mama? nitoy ’Di kami nagpaalaga. Hiningi lang namin sa kanila iyong basement nila. Do’n kami tumira ng Mama n’yo. Uma-umaga, halinhinan kami sa pagdrive: ako, si Mama, si Cons, papuntang trabaho. Si Irwin, papuntang Red Bluff. jude Malusog pa kayo no’n.

80

55 taon ng heights


nitoy ’Di ’ko tumatanda sa isip, kahit tumatanda ako sa katawan. (Sandaling titigil. Parang sa sarili) Ang importante sa ’kin ngayon, hindi ako. Ang importante, ikaw. Ang mga bata. Ang mga anak mo. May anak akong patay. May anak akong buhay. Ikaw ang anak na buhay kong iyon. Kung may isa ’kong kahilingang gusto ko’ masunod, magkabalikan kayo ni Rhonda. Kahit sa’n, dito man o sa ibang bayan. irwin (Aawit mula sa gitna ng lawa-lawaan) It all came so easy All the loving you gave me The feelings we shared… …And I still can remember How your touch was so tender It told me you cared… jude (Parang sa sarili) Ito’ ayoko sa trekking. Nakakademonyo. Para ka’ me ikalawang utak na tumutubo sa utak mo. Madalas, naka-hold iyong totoong utak mo. Ang dami-dami ko’ gusto’ puntahan. Ang dami-dami kong gusto’ gawin. ’Tapos, naaaburido’ko. Gusto ko’ sirain lahat ng halaman. Gusto ko’ punitin lahat ng dahon. Gusto ko’ baliin lahat ng sanga. Gusto ko’ ’paghagis-hagis lahat ng bato. Gusto ko’—gusto ko’ itakin iyon—iyong mga kawayang iyon.

filipino

81


nitoy Sa trekking, puwede kang ganyan. Hindi sa pag-aasawa. jude Ba’t ba parang ang laking kasalanan ’pag maghihiwalay ang mag-asawa? ’Pag nanghimasok ang iba, parang nagiging kabastusan. Panay usisa, lahat, gusto’ malaman. Papayuhan ka kahit ’di ka nagpapapayo. Huhusgahan ka. Ang tingin sa ’yo, iba. Para pa tayo’ nasa panahon ni Kalantiyaw. nitoy Muslim iyon, hindi Katoliko. jude Pareho rin iyon. Kaya nga, iyon ang problema, ’di ba? Kung ’di tayo masyado’ Muslim, masyado tayo’ Katoliko. Imposible’ mag-balanse. Kaya iyong iba, iyong mga ’di makatiis, iyong mga ’di makasikmura, iyong mga wala nang maisip na solusyon, lumilikas. (Iinom ng serbesa) irwin (Aawit) …We had a once in a lifetime But I just didn’t know it ’Til my life fell apart…

82

55 taon ng heights


jude Tingnan n’yo iyong kawayan. May relihiyon ba iyan? S’abi sa kuwento, ang lalaki, ang babae, iyan ang pinagmulan. Bumiyak ang malaking kawayan. Lumabas si Malakas, lumabas si Maganda. Mag-asawa sila. Pero, pa’no, pagdating ng araw, ayaw na nila? Pa’no kung nagsawa na sila? Ang kawayan, ’pag nabiyak, ’di na puwede’ ipag-isa. (Sandaling titigil.) Ang totoo niyan... (Titigil. Magpapanimula) Ang totoo niyan…ako dapat ang naaksidente, ’di ba? Ako dapat ang namatay—hindi si Cons—hindi ba, Papa? (Haharap kay Nitoy) Buong buhay ko, sunod ako nang sunod sa inyo. Ako lagi’ng kuya. Ako’ng lagi’ng pilit naging konserbatibo, ako lagi’ng pilit naging uliran, kasi, matanda ’ko kay Cons. Kasi, kung hindi, baka gumaya sa ’kin si Cons. Pero, ’tong paghihiwalay namin ni Rhonda, Papa, sa ’kin ’to—sa ’kin lang. Tutal, patay na si Mama. Patay na rin si Cons. Huwag n’yo na’ paiibahin. Huwag n’yo na’ aagawin. (Iinom ng serbesa) nitoy But your children—ang mga apo ko. jude I’m sorry, Papa. irwin (Aawit) …A second once in a lifetime Isn’t too much to ask ’Cause I swear from the heart

filipino

83


If ever you’re in my arms again This time I’ll love you much better If ever you’re in my arms again This time I’ll hold you forever… Sandaling katahimikan. nitoy I have one, last request. (Sandaling titigil) I made a living will. When the time comes—when I go into a coma—don’t bother to put me on a respirator. If they do, I want you to pull the plug. Siguraduhin mo lang na patay na ’ko. Huwag n’yo na ’ko ’pa-embalsamo. ’Deretso n’yo na lang ako sa crematorium. Gano’n ang burol ko—sa loob na ng urno. Parang burol ni Cons. jude (Parang sa sarili) I see. That’s how come in. Taga-punla ng buhay. Tagadulot ng kamatayan. Kukuha si Nitoy ng serbesang de-lata mula sa cooler. jude ’Pa—’di puwede iyan sa inyo, ’di ba?— nitoy Isa lang. (Tatalikod) Isa lang.

84

55 taon ng heights


Maglalakad si Nitoy sa palibot ng gilid ng lawa-lawaan tungo sa pinakamalayong gilid, kung saan siya mauupo nang patalikod at iinom ng serbesa. Maririnig ang dagundong ng kulog sa kalayuan at bahagyang kikislap ang kalangitan. Ilalapit ni Irwin ang salbabida sa pinakamalapit na gilid ng lawa-lawaan. Aahon siya at kukuha sa cooler ng Sprite na de-lata. jude (Kay Irwin) Hi there! (Sandaling titigil) Kumusta sa Destiny? (Sandaling katahimikan) You like it? irwin (Bahagyang magkikibit-balikat) It’s cool. (Sandaling titigil) Dream nina Papa at Grandpa, sa Cal Northern ako, pero ’di ’ko pumasa. jude ’Di iyon ’importante, Irwin—kung sa’n ka nag-aral, kung ano’ tinapos mo. ’Importante, kung ano’ trabaho mo. Kasi, iyon ang buhay mo. irwin ’Di ko pa nai’sip iyon. jude ’Di pa naman dapat. Darating din iyon.

filipino

85


Sandaling katahimikan. irwin Sa Chico ka ba magpa-Pasko, Tito? jude ’Di ko pa alam. irwin Kasi, alam ko, kami, hindi dito. jude Alam ko. irwin Ba’t ayaw mo sa States, Tito? jude Hindi ko ayaw. Sinabi ko ba iyan? irwin S’abi ni Papa. Minsan. Nung lasing siya.

86

55 taon ng heights


jude Pa’no’ pagkasabi niya? irwin Ayaw mo raw makita siya. jude Hindi totoo iyan. Kalokohan iyan. irwin Kaya, matagal ko na gusto’ itanong. jude ’Buti ’tinanong mo. Ngayon, alam mo na. irwin S’abi niya, ayaw d mag-migrate nina Tita. Kung sama-sama daw tayo’ lahat, magulo. Hindi magkakaintindihan. jude ’Di rin totoo iyan.

filipino

87


irwin Ano’ totoo? jude Mahal mo ba’ Papa mo? irwin Oo. jude Good. Mahal ko rin siya. Siya lang ang kapatid ko. Ang baby brother ko. Masakit na masakit sa ’kin—masakit na masakit sa ’kin—nung namatay siya. (Sandaling titigil) Kung puwede nga lang, ’tapos ng libign, iuuwi kita para ako na’ maging tatay mo. Pero, ayaw mo naman dito. Ngayon, malaki ka na. (Sandaling titigil) Girlfriend? irwin I’m seeing someone. A Cherokee. Mukhang Pinay. Kaklase ko sa Destiny. jude Mabuti iyon. Huwag mo’ ’patayin ang lahi natin.

88

55 taon ng heights


irwin Girlfriend ko, pero, wala kami’ balak mag-asawa. jude Why not? irwin Wala lang. ’Di namin nakikita’ng point kung ba’t kailangan’ pa’ magasawa, eh. Okay naman ang arrangement namin. jude Arrangement? irwin Nagkikita lang. Nagtitiwalaan. Kung ’di gano’n, para kasi’ walang freedom. jude Mahalaga ba iyon sa ’yo? Freedom? irwin Of course. Kasi, kung ’di, ’di ko magagawa lahat ng gusto ko.

filipino

89


jude ’Gaya ng—? irwin Marami. jude ’Ayan, you see—ikaw ngayon ang ayaw magsabi ng totoo. irwin (Titingin kay Jude) Sige. Sasabihin ko. Kasi, ’tinanong mo. (Sandaling titigil) ’Gaya ng—umalis ng bahay nang walang paalam. Hindi umuuwi, paminsan-minsan. Kahit pinapagalitan nina Papa’t Mama. Kasi raw, ako’ panganay. Baka gayahin ako ng mga kapatid ko. ’Gaya ng—magwala. Makipag-inuman, kasama ng barkada. Pumunta sa Brick Works, sa Second Avenue. Sa Centerfolds, sa Highway 99. jude ’Di ka ba umiiwas magkasakit, natatakot mahawahan— irwin —Tumitikim lang. Marijuana. Peyote. Mescal—

90

55 taon ng heights


jude (Bahagyang nababahala) —Tama na, Irwin. irwin Okay. (Sandaling titigil) Bakit, Tito, nasa-shock ka ba? jude Hindi. Oo. Medyo lang. (Sandaling titigil) Mahalaga rin sa ’kin ang freedom, pero,’di ganyan. (Parang sa sarili) Ang sarap gapasin ng mga kawayan, o. Ipagtali-tali. Gawing sagwan. irwin Nagtanong ka. ’Tapos, magagalit ka. Pagagalitan mo ’ko, ’no—’gaya nina Papa at Mama. jude ’Di kita pagagalitan. Siguro bigla lang nangibabaw ang pagiging matanda ko. Siguro nakalimutan ko—gumawa rin ako ng ganyan, nung kasing-edad kita. irwin Pampalakas lang ng loob, ’di ba, Tito? Magpapalakas ka. Kasi, ’pag malakas ka, panalo ka.

filipino

91


jude Sino ba’ talagang malakas? Sandaling katahimikan. irwin Tito—’dinig ko kina Theo, maghihiwalay na kayo ni Tita. Is that true? Maririnig ang dagundong ng kulog sa di-kalayuan, at higit na kikislap ang kalangitan. Magbubukas ng ikalawang serbesang de-lata si Jude. jude Yes. It is. irwin After all those years? What happened? jude It’s never “after all those years,” Irwin. It’s always something that was always there, something ugly, something you can never deny, something you can never hide or run away from. Until, one day, you can’t stand having it in the back of your mind anymore. Hindi ka na makatulog. Hindi ka na maligaya. (Sandaling titigil) Nakakita ka na ba ng sperm cells sa microscope, Irwin? Nung nasa high school ka, nung nasa Biology

92

55 taon ng heights


ka? Parang mga buteteng makikislot. Walang tigil ang galaw, hanap nang hanap ng itlog. Iyon lang ang dahilan kung ba’t sila nilikha, kung ba’t sila nabubuhay. Katawa-tawa, kasi wala silang mga isip, wala silang mga damdamin, wala silang mga diwa. Mga lalaki sila. Nando’n ang lakas ni Malakas, ang lakas natin, ang lakas nila. Ang magbinhi, ang magpunla. Parang palaisipan. Pagsilip mo sa microscope, parang, ang laki-laki mo, pero ’ayun lang sa kapirasong plastik ang lahat-lahat mo, ang lalaking kalahati ng buhay mo. Kakatwa iyong sperm cells. Sandali lang ang buhay. ’Pag iniwanan, namamatay. ’Pag mataas ang lagnat mo, namamatay. ’Pag stressed out ka, ’pag depressed ka, ’pag pagod ka, ’pag marami ka’ problema. Namamatay. (Iinom ng serbesa) Ilang taon nang mag-asawa’ Papa’t Mama mo. Si Cons, tsaka si Mely. ’Di sila magkaanak. Akala ng mga duktor, si Cons ang me deperensiya. Ayaw nilang mag-ampon. Kaya, minsan… (Iinom ng serbesa) Papa suggested something. Something I could do for them. He asked permission first. Cons and Mely thought it would be so simple. Just once. I thought it would be so simple, too. And so—your mother and I— (Titigil) Kaya’ng laki ng agwat mo sa mga kapatid mo. Hindi mo ba napuna? Noon kasi, tatlu-tatlo’ trabaho ni Cons, laging pagod, laging bugnutin, laging hirap na hirap… (Sandaling titigil) Alam naman ni Rhonda. Ang Tita Rhonda mo. I guess, also, she thought, it really would be simple. Ang hindi niya alam, ’tapos mo’ ’pinanganak —hindi ko na inibig siya. Kasi—kasi, napaibig ako sa Mama mo. Dinamdam niya iyon ni Rhonda. Nag-aral siya ng musika, tumugtog siya ng plawta. Do’n niya ’binuhos lahat ng panahon niya. Lalayo si Irwin. Magtutungo siya sa pinakadulo ng gawing kaliwa sa gawing harapan ng entablado. Ihahagis niya ang basyong lata ng Sprite sa gawing kaliwa. irwin Alam mo kung ba’t ayoko’ nagte-trekking? Kasi, pagdating sa pinupun-

filipino

93


tahan, hintay ka lang nang hintay, wala nang ibang magawa. Maghahanap ka ng cheesburger. Maghahanap ka ng pickles. Maghahanap ka ng french fries. Pizza. Lasagna. Spaghetti. Strawberry sundae. Chocolate cobbler. Blueberry parfait… jude Kaya nag-desisyon kaming magkalayu-layo. Kayo sa States. Kami sa Pilipinas. Noon. Hanggang ngayon. irwin Patay na si Papa. Nung huli ko siya’ nakita, hinatid niya ’ko sa Destiny. ’Tapos, naaksidente siya. Sana, nakapag-usap kami bago siya namatay. (Sandaling titigil) Patay si Papa. Patay na’ Papa ko. (Kay Jude) Hindi ikaw ang Papa ko—hindi ikaw, kahit kelan! At hindi ka minahal ni Mama! Hindi ka niya minahal! Bubuhos ang ambon sa entablado. Hahagulgol si Irwin sa gawing kaliwa ng gilid ng lawa-lawaan. lamang siya ni Jude.

Panonoorin

Magtatanggal ng hiking shoes si Nitoy. Lulubog siya sa tubig at mawawala. Titigil ang ambon. Sandaling katahimikan.

94

55 taon ng heights


irwin (Babangon at sisipat sa tubig. Mababalisa) Grandpa—! jude (Tatawag) Papa—! Tatalon sina Jude at Irwin sa tubig. Lalangoy sila hanggang sa pinakamalayong gilid. Aahon silang muli sa pinakamalapit na gilid. Nasa pagitan nila si Nitoy. Iaahon nina Jude at Irwin si Nitoy sa gilid ng lawa-lawaan. Maglalabas si Irwin ng tuwalya mula sa kaniyang backpack at saka niya pupunasan ang ulo at mukha ni Nitoy. jude (May galit) Ano ba, ’Pa? irwin Grandpa, huwag ka’ bababa do’n, iba-iba’ lalim ng tubig do’n! nitoy (Bahagyang tuliro) Alam ko. Alam ko. Sumisid lang ako. Tiningnan ko kung ga’no katagal ko’ mapipigilan ang hininga ko. Madalas ko’ gawin iyon, ’pag nasa ilog. Iyon ang ginagawa ko. Ano ba kayo? Mauupo si Irwin sa maypaanan ni Nitoy at isasandal niya ang kaniyang ulo sa

filipino

95


kandungan ni Nitoy. Hahaplusin ni Nitoy ang buhok ni Irwin. Pupulutin ni Jude ang naiwan niyang serbesa. nitoy (Nakatitig sa kawalan. Kay Irwin) Bago ka ’pinanganak, umakyat ako sa Makulot. Sa Batangas iyon. Matagal na. Magdadalawampung taon. Malakas pa si Grandpa. Sumama siya sa barkada. Pinili namin ang Makulot kasi, iba raw iyon sa lahat ng bundok. Lahat daw ng umaakyat do’n, minamalas. Ang bundok daw, parang may sumpa. Ang daming nagsabi sa ’min, huwag namin’ ituloy. Pero, ’di kami natakot. Mas lalo kami’ nasabik magpunta. Tatlong araw kami sa Makulot. Nung unang gabi, ang sasama ng panaginip namin. Nagkuwentuhan kami banda’ madaling-araw. Lahat ng panaginip namin, tungkol sa mga kasalanang nagawa namin. Nagtaka kami kung pa’no iyon nagawa sa ’min ng bundok. Siguro, may maligno ro’n. Nung tanghali, nawala iyong isa sa ’min. Si Leovic, iyon ang pangalan niya. Hinanap namin. Ang tagal namin’ hinanap pero, ’di namin nakita. S’abi ng mga tao, siguro kinuha siya ng mga engkanto pero, ’di kami maniwala. Suspetsa namin, pinatay siya nung isang guide. ’Tanda’ kasi namin, minsan, naglabas siya ng wallet. Maraming pera sa loob. Nakita iyon ng mga guide. Pagbaba namin, ’nireport namin sa pulis. Hinanap uli si Leovic pero, hindi pa rin siya nakita. Bago kami umalis, naligo kami sa ilog. Do’n kasi sa Makulot, may ilog sa ilalim ng bundok. Nagpatagalan kami ng pagpigil ng hininga sa ilalim ng tubig. Do’n ko una’ natuklasan, sa loob ng tubig, marami kang boses na maririnig. Marami kang makikita, kahit madilim, kahit nakapikit ka. Ang dami-dami ko’ nakita ro’n, ang dami-dami ko’ narinig, mga multo, mga lalaking matagal nang patay, nakabaluktot, parang mga sanggol sa loob ng malaking bahay-bata. Sabay-sabay nagsasalita. Sabaysabay ’kinukuwento’ mga buhay nila, mga naging kabiguan nila, mga

96

55 taon ng heights


pangarap nila, mga hinangad nila bago sila mamatay, mga nagawa nila’ mga kasalanan. Nung hindi ko na matiis, umahon ako sa tubig. (Sandaling titigil) Nakakapagtaka’ bundok, lalo na ’pag walang tao. Naririnig mo’ bumubulong ang hangin. Bumubuka’ mga dahon, nagkikiskisan ang damo. Humihinga’ mga bato. Parang, kinakausap ka. (Marahang magbabalabal ng tuwalya sa katawan) Kanina, sa tubig, nakakita uli ako ng mga lalaking nakabaluktot. Nakita ko si Leovic. Tinawag niya ’ko. S’abi niya, “Nitoy, puwede mo na’ buksan ang mga mata mo.” ’Tapos…’tapos, nakita ko—si Cons. (Sandaling titigil.) Sabi niya, hindi aksidente’ pagkamatay niya. S’abi niya, ginusto niya. S’abi niya, binalak niya. Siguro, minsan, sa ilalim ng tubig, nagpigil din siya ng hininga. Marami siya’ narinig. Marami siya’ nakita. Mga multo. Kahit natatakot ka, kahit ayaw mo na, sinusundan ka. Kahit sa’n ka magpunta. Kahit sa pinakamataas na bundok—kahit salat-salat mo na’ mga ulap. (Marahang babangon. Parang sa sarili) Ang dami ko’ kasalanan. Patawarin ako ng Diyos. Mag-iiba ang pagkakailaw sa entablado. nitoy (Tutuntong sa gilid ng lawa-lawaan. Sa mga manonood) I came back to the Philippines to die. (Sandaling titigil) My wife and I migrated to the States eleven years ago with my younger son and his family. We left behind my elder son, his wife, his children. We thought it was the best solution. It was like climbing mountains. Once you’ve conquered a high one, you challenge yourself to conquer something higher. And, it never ends. (Sandaling titigil.) I thought that the States was the highest mountain. In the States, I thought I could be a new man. I thought I could escape from past and forget it. I thought that I could start from scratch, be reborn as someone else and make myself whole. (Sandaling titigil) I could not. I was haunted. I couldn’t live having one son in the States

filipino

97


and the other back here. I knew all along that my younger son, whom I loved, would never forgive me. It was impossible for me to be whole. And so, my sins opened wounds inside my body. They never healed. Oh yes, we made dollars. We worked ourselves to the bone. We became successful. We became rich. We often got news from home—about chaos, about calamities, about poverty. Once a year some of us would come back for a holiday, and we were always aware that we were something more. We had our wealth. You have your poverty. We were different at the same time that we were the same. But still, we were haunted. My younger son chose to end it all for himself the fastest way. As for myself, it will be slow and painful. I wonder now if you’re glad I’m back, if you welcome me with open arms or sit back gloating over my fate. I suppose we all get what we deserve. But—whether you like it or not, I’m back. (Marahang maglalakad sa pinakamalayong gilid) jude (Bahagyang papanaog at tatalungko sa dalisdis. Sa mga manonood) My parents left for the States eleven years ago. They took my younger brother and his family. They asked me once if I wanted to go and take my wife and children but I said, no. I knew that was the answer they needed to hear from me. I knew they didn’t want me with them. They wanted a new life without me, one that they could live as far away from me as possible. (Sandaling titigil.) I fell in love with my sister-in-law—they had to take her away from me. They also took our son—my son—away. I’ve just told him the truth this afternoon. I hope, some day, he’ll accept it. If he can learn to, then, he can truly be free. It was hard, living with my own family here while my parents and younger brother were in the States— with the woman I truly loved. It broke up my own marriage. My wife knew I no longer loved her, and she, too, has decided to move on and live a life of her own. All of my dreams were here, at home, but trying to

98

55 taon ng heights


fulfill them was like climbing the highest mountain. An endless climb. Sometimes I have to stop and rest. Sometimes I despair because it all feels hopeless. I wonder whether our country is depressed because of our collective, personal depressions, or whether it’s the other way around. I do realize that, first, I have to set myself right before I can be righteous to others. I have to help myself become whole, before I can help you. Before I am able to help others. We have to be functional despite the fact that, once upon a time, we became dysfunctional. I wish you all the same best of luck. (Mauupo sa gilid ng lawa-lawaan at tititig sa tubig) irwin (Papanaog sa paanan ng dalisdis. Sa mga manonood) Forgive me, but after Grandpa dies, I’m not coming back to the Philippines again. I can’t stand my uncle, who lives here, and I can’t stand you. My father is dead. He died in a car crash, but Grandpa has suggested that he killed himself. Whichever way it was, it was his life. I have my own. My own dreams, my own life, my own mountains to climb. I can’t imagine myself vacationing here, much less living the rest of my life here. I like living in a country where everything works, not where most things are in states of disrepair and people don’t care. They make do and improvise, and rationalize by calling themselves creative. When I walk into a store, no one attends to me—I have to search for what I need, and seldom do I find it . When I have to cross the street, the cars don’t stop for me—I have to be doubly sure I won’t get run over before I make a move. I know it’s hot here a lot, but that’s no excuse for most people to walk around half-naked, and some of them in their undershorts. People piss like dogs on telephone poles, and I even saw someone once, hanging over a bridge and shitting into the river. It doesn’t bother me that I’m not a white American in the States—after all, it doesn’t bother them I’m not a white American. It bothers me that I’m from the Philippines and have friends

filipino

99


and relatives here, and sometimes I’m not sure where I really belong, especially after what my uncle told me. One thing is clear to me now, though: the sins of the father are not visited on their children. The sins of the father are the sins of the father, and the sins of the children are the sins of the the children. And, don’t tell me that you don’t want me back anyway, because that will never be important to me. If you do want me back, you have to make this place a proper place to live in. You have to convince me. Your case must be strong. The ball is in your court. Bubuhos ang ulan. Maiiwan si Jude sa gilid ng lawa-lawaan, nakaupo at nakatitig sa tubig. Marahang hahandusay si Irwin sa lupa. Yayakap siya nang mahigpit sa kaniyang mga braso. Ipipinid niya ang kaniyang mukha sa lupa. Marahang maghuhubo si Nitoy. Tatalikod siya at iaabot niya ang kaniyang mga kamay sa ulan. Maririnig ang kabuuan ng “If Ever You’re In My Arms Again” sa plawta, na magtatapos bilang normal na tugtugin. Kadiliman.

100

55 taon ng heights


filipino

101





Of Art, Heights and an Artist Named Panch   Eliana Laurice Javier

for the special 55th anniversary issue of heights, this particular Art Editorial will focus on one Frances Alcaraz, an exceptionally talented artist better known to her friends and acquaintances as Panch. In her second year in Ateneo, she decided to join Heights and apply as a member of the Art Staff; a year later she was nominated for the position of Associate Art Editor. Her artworks have been published alongside numerous literary works as poetry illustrations, and in 1995 she contributed a self-made comic entitled Alamat ng Unang Babae for the historic Heights comics issue. Her contributions for Heights and for the Ateneo art scene later earned her the privilege to receive the Dean’s Awards for Achievement in the Graphic Arts.   After graduation, she studied Painting in the University of the Philippines and later on took up illustrating as a profession. She has then illustrated several children’s books, which have been translated into different languages, and even collaborated with a fellow Heights alumni, Mr. Edgar Samar for the cover illustration of his book Pag-aabang sa Kundiman Isang Talambuhay. Even after college, she continued to gain recognition for her books, some of which include Best Children’s Book in the National Book Awards (finalist for two years in a row) and the 1996 Noma Concours for Picture Book Illustrations (runner-up) given by the Asian Cultural Center for unesco. She is currently a member of the Inter Disciplinary Studies faculty of the Ateneo.

sining

105


Why Heights? like most students, Ms. Alcaraz came to know about their student organizations of choice through the orsem. Afterwards, she joined a lot of student organizations, but it was only in her second year that she decided to apply to the Heights Art Staff. Though the answer may sound obvious, it’s still worth asking her why she made this decision to join. Why Heights?   Aside from wanting to stay busy and active with non-academic related work, Ms. Alcaraz said that the atmosphere of the publication, as well as the presence of people who shared the same interest, were the factors that attracted her to join. For her, the spirit of freedom and creativity apparent in not just the physical form of the pubroom, but also within her fellow Heightsers motivated her to aspire for improvement in her chosen craft. Simple and obvious as it may sound, this decision to join has, in the long run, contributed to her growth as an artist.

State of Heights nothing goes smoothly as far as working with other people goes. Being with a lot of creative people can in fact lead to tension, particularly the kind that happens between writers and artists, says Ms. Alcaraz. In particular, the task of poetry illustration created friction between the groups. With different ways of creating works (words for writers & pictures for artists), it is inevitable for conflicts to take place. Ms. Alcaraz points to the fact that with poetry illustration, the author entrusts the artist with the visual interpretation of the said author’s precious literary work. Often times, the image created or rather the artist, will encounter some sort of criticism from the writer (e.g. the latter thinks that the illustration is too literal). A notable result of this conflict, Ms. Alcaraz remembers, was the release of a certain artworks void Heights issue. This boycott issue became a physical manifestation of the clash between the writers and the artists.

106

55 taon ng heights


Still, this was a temporary concern and soon enough, a special comics issue was released in order to amend for the previous one’s lack of images (here, Ms. Alcaraz displayed her illustrative & narrative prowess by coming up with one of the comic entitled Alamat ng Unang Babae).   Aside from the conflicts, Ms. Alcaraz also touched on the subject of the publication’s logo, the Heights Chair, and the apparent lack of an Art Gallery section. With regard to the first matter, when she joined the publication, Heights did not have a logo at all. For her, having no logo gave a “sense of not being defined.” It was not until Joseph Salazar came out with the chair concept that this concern on definition or identity came to a close. A chair is to an artist and a writer; it is an important if not essential instrument for drawing and writing, as a stage is essential for an actor to perform.   As for the lack of an art gallery, there seemed to be little need for one as the role of the Art Staff was to illustrate the written works. Here she comments on the “isolating” effect of allowing artists to just create on their own. While it is by no means wrong to express individualism, the main point of foregoing a gallery was to allow the artists to venture into different grounds and exercise not just his/her artistic capabilities but to also foster narrative understanding. Inspiration and ideas after all, don’t always have to come whenever an artist is in his/her “own world;” it’s also good to have outside sources for one time or another.

Influence aside from juggling academic responsibilities (Ms. Alcaraz was an Economics major), being a member of Heights, and eventually becoming a part of the editorial board as Associate Art Editor (for school year 19951996), also took up most of her time as a college student. Still, she shows joy and gratitude for having chosen Heights as not just an extra curricular obligation but also an important creative outlet.

sining

107


Being with writers and other artists, she shares, had motivated her to aspire for improvement. This interaction challenged her to try and experiment with different art styles. From the use of traditional watercolor to scanning different fabrics and applying them to digital illustrations, Ms. Alcaraz continues to nurture her creativity by immersing herself in as much art as possible. Now that she illustrates professionally, she attributes her success in coming up with her own stories to her training in poetry illustration. Through Heights, particularly through illustrating poetry, she gained the chance to learn visual narrative, which has helped her become both artist and writer. Proof of this can be seen in her two published children’s books, The Lost Necklace and The Broken Eggs, which she both wrote and illustrated. The former won a Runner-up prize at the 9th international Noma Concours Picture Book Illustrations contest in 1996. Wise words for the present and future Heights and Art Staff as a heightser and, in particular, an art staff alumna, Ms. Alcaraz is more than permitted to have something to say for the present generation of writers and artists.   First, for the present day Heights, both the publication and the organization, smooth sailing is never to be expected. When asked what she had to say about the present day Heights’ concern over the death of art and literature in the Ateneo, she did not provide any clear answer, but instead posed a challenge; if you do not want something to die, then you must do something about it. Obviously, issues of one form or another will always be present, but the key to solving these will all fall on how innovative one will be. In order to save something, in this case art and literature in the Ateneo, from dying, she advises the current generation of Heightsers to experiment, let loose and come up with something fresh. College, she adds, is a golden opportunity for artists and writers to pursue their passions whole-heartedly. If everyone were to constantly strive for innovation and inspiration, then there’s no need for worry.

108

55 taon ng heights


Secondly, for both the present and the future Art Staffs, she encourages them to just continue to work hard and create their art freely. As what she has done before, being experimental with your style will be beneficial for an artist’s growth. Learning to work effectively not just with artists, but also with writers is a beneficial attitude that an Art Staff member should also develop. The reason for its importance is that it helps develop the artist’s visual narrative skill. According to her, the Art Staff’s primary task is to provide visual interpretations of a literary work, whether it be a poem, prose, etc. This is what she thinks is the main difference between being just a painter and an illustrator: since the Art Staff members of today are more drawn to submit for the gallery section, it unfortunately fosters isolation from the rest of the staff because, like a painter, they become too pre-occupied with their own little world, whereas an illustrator is given text by which he/she must give meaning to. For the latter, collaborating with writers will help in the development of their visual narrative skill and ultimately, by working with each other unity within the different branches of the publication (and organization) can be established.   Finally, for the individual artist and writer, she imparts the virtue of humility. It is one thing to be proud of one’s achievements and another to be smug and overly conceited. Through all her years as an artist, specifically as an illustrator, learning how to receive compliments and praises with humility kept her from becoming too complacent about herself. Indeed, much of her achievement now is a result of this humbleness and constant aspiration to be better and be able top herself. In this competitive day and age, having a big head will not make you last. According to her, artists, or anybody else in general, who do last in their chosen crafts are those who climb their way to the top with a level head. All modesty aside, she has climbed quite a way.

sining

109


Eliana Laurice Javier ab Economics ’09 2005 - 2007  Kasapi ng Bagwisang Sining 2007 - 2008  Katuwang na Patnugot ng Sining

Frances A lcaraz ab Economics ’97 Kagawaran ng Fine Arts Kagawaran ng Interdisciplinary Studies 1994 - 1995  Kasapi ng Bagwisan ng Sining 1995 - 1996  Katuwang na Patnugot ng Sining

110

55 taon ng heights


sining

111


Panch Alcaraz

Princess

Acrylic 53.18 x 94 cm 112

55 taon ng heights


Time

Acrylic 53.18 x 94 cm sining

113


Eliana Laurice Javier

kabilang pahina

Elie

Not Just for Decoraton

Mga Lapis at Digital 15.24 x 22.86 cm 114

55 taon ng heights

Tinta at Makukulay na Lapis 15.24 x 22.86 cm


sining

115


PASASALAMAT

Fr. Bienvenido Nebres, s.j. at ang Office of the President Dr. Ma. Assunta Cuyegkeng at ang Office of the Vice President for the Loyola Schools Bb. Pia Sandra Acevedo at ang Office of Student Activities Bb. Karen Cardenas at ang Office of Research and Publications G. Rene San Andres at ang Office of the Associate Dean for Student Affairs Bb. Lourdes Sumpaico at ang Office of Administrative Services Bb. Leonora Wijangco at ang Central Accounting Office Bb. Christina Barzabal at ang Purchasing Office Bb. Consolacion Conception at ang Ateneo Placement Office G. Leovino Ma. Garcia, Dr. Benilda Santos at ang Office of the Dean, School of Humanities Bb. Corazon Lalu Santos at ang Kagawaran ng Filipino Dr. Margarita Orendain at ang English Department Fr. Rene Javellana, s.j., G. Xander Soriano at ang Fine Arts Program

116

55 taon ng heights


G. Marco A.V. Lopez at ang Ateneo Institute of Literary Arts and Practices G. Rodolfo Allayban at ang University Archives G. Dean Alfar, Dr. Wilford Almoro, G. Aris Atienza, G. Oca Campomanes, at G. Edgar Samar sa pagiging bahagi ng mga nakaraang Heights Formalist, Creative at Art Talks G. Amado Bengua at ang PerfectColor Prints Mark Benedict Lim at ang Matanglawin Ana Corina Arceo at ang The Guidon Clark Que at ang Council of Organizations of the Ateneo Entablado at Tanghalang Ateneo para sa mga paanyayang manood ang Heights sa kanikanilang mga pagtatanghal actm, atsca,

Gabay, Loyola Film Center, at speed sa mga paanyayang maging bahagi ang Heights sa kani-kanilang mga proyekto High Chair, up Writers Club, dlsu Malate Literary Folio at ust Dapitan Literary Folio Ang Gonzaga Hall Maintenance Personnel At sa lahat ng mga walang sawang tumatangkilik sa mga proyekto ng Heights at sa mga nagpapasa ng kanilang mga gawa

mga may-akda

117


PATNUGUTAN 2007 - 2008

John Paul F. Marasigan Audrey Phylicia N. Trinidad Katrina Paola B. Alvarez Kevin Bryan E. Marin Therese Anne C. Calma Fidelis Angela C. Tan Maurice Y. Wong Eliana Laurice C. Javier Stefanie D. Macam

Punong Patnugot Katuwang na Patnugot Tagapangasiwang Patnugot Patnugot sa Filipino Katuwang na Patnugot sa Filipino Patnugot sa Ingles Patnugot ng Sining Katuwang na Patnugot ng Sining Patnugot ng Disenyo

Patricia Angela F. Magno

Tagapangasiwa ng mga Natatanging Proyekto

Francis Joseph L. de Guzman

Tagapangasiwa ng mga Natatanging Proyekto

Joanna Victoria D. Ruaro Justine Joyce L. Alim Pancho D. Alvarez

Edgar Calabia Samar

Panlabas na Pangkalahatang Kalihim Panloob na Pangkalahatang Kalihim Tagapangasiwa ng Kalakal

Tagapamagitan


MGA KASAPI

INGLES

MGA NATATANGING PROYEKTO

Catherine Alpay, Kyra Ballesteros, Jerik Cruz, Paula Elise Doroteo, Dominique Du,Martin Gonzales, Marie La Vi単a, Gian Lao, Petra Magno, Wyatt Ong, Karla Patricia Placido, April Sescon, Tim Villarica, Martin Villanueva

Paul Ablan, Angelica Candano, Bea Celdran, Jose Fernandez, Jaclyn Ledonio, Monica Tiosejo, Selene Uy

Filipino

DISENYO

Lester Abuel, Victor Anastacio, Kat Bulaong, Brandz Dollente, Walther Hontiveros, Julio Julongbayan, Geriandre Piquero, Ayon Sanchez, Ali Sangalang, Eugene Soyosa, Jason Tabinas

Garet Garcia, Carina Samantha Santos

SINING Dave Oliver Anastacio, Jessica Amanda Bauza, Erika Bacani, Tasie Cabrera, Bea Celdran, Miguel Mercado, Isabelle Danielle Ocier, Gracy Otocan, Ria Rigoroso, Danielle San Pedro, Alyza Taguilaso


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.