FOREVER’S NOT ENOUGH 1 – ENZO MENDEZ
By: Honeybunch
Teaser: Elaine Jaine Aguirre is a very seductive new young lady in the campus of UP Diliman. Sa unang araw sa eskuwelahan ay na-encounter niya ang lalaking maangas, mayabang at higit sa lahat masyadong bilib sa sarili. Enzo Mendez makes her life so miserable. He had all the popularity in the school campus. His a basketball star player in the varsity team of UP Diliman. And also his a guy who wants something, he will get it. He wanted Elaine Jaine Aguirre to be in his hand. In Royale Club that night Elaine got drunk and gaved herself to Enzo. Umalis siya sa Pilipinas upang makalimot sa kahihiyan at sa masasamang nangyari sa kanila ng lalake. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa ibang bansa. Lumipas ang anim na taon ay muli siyang nagbalik sa Pilipinas. Ano kaya ang kahihinatnan ng muli nilang pagkikita ni Enzo? Did she learned to forget him?
Chapter 1
MALAKAS na tumunog ang alarm clock sa tabi ni Elaine Jaine Aguirre. Inis na pinatay niya ang nag-iingay na alarm clock. Gusto niyang ihagis iyon dahil naabala ang kanyang payapang pagtulog. Puwede lang sana ay ayaw niyang gumising! Inaantok pa talaga siya. Ibinalik niya ang alarm clock sa lamesang katabi ng kanyang kama. Muli siyang nakatulog. Makalipas ang ilang minutos ay bigla na lamang siyang nagising ng maalalang may pasok pala siya ngayong araw. Tinignan niya ang oras. Halos iluwa ang mata niya ng makitang seven-thirty na ng umaga. “Oh noh! Seven thirty na malalate na ako.” Eight o’clock ang oras ng unang subject niya at kailangan niyang hanapin ang classroom na iyon. Nagmadali siyang bumangon sa kama. Bagong estudyante siya sa UP Diliman kaya hindi niya alam ang pasikot-sikot sa Unibersidad na iyon. Mabilis na lamang ang ginawa niyang pagligo at pagbihis. Hindi na niya masyadong inayos ang kanyang sarili dahil mahuhuli na siya sa klase. Dinampot niya ang mga gamit at mabilis na lumabas sa kanyang kuwarto. Nakita niya ang kanyang lolo at lola na abalang kumakain ng amusal sa lamesa. "Good morning po!” nagmamadaling pagbati ni Elaine. “Good morning din sayo apo.” Tungon ng dalawang matanda. “Lola bakit hindi man lang ninyo ako ginising?" Tanong niya. Natutop ng matanda ang ulo. “Ay oo nga pala! Ngayon pala ang araw ng pasok mo sa UP Diliman. Nakalimutan ko. Tumatanda na talaga ang lola mo kaya ito at masyado na akong makakalimutin." Sagot ng kanyang lola Letty "Elaine kumain ka muna bago ka pumasok sa eskuwelahan." Sabi naman ng kanyang lolo Densio. "Ay nako huwag na po lolo. Mahuhuli na po kasi ako. Siguro sa school na lang po ako kakain. Sige po mauuna na ako." Paalam niya sabay halik sa pisngi ng dalawang matanda. "Elaine mag-iingat ka ha!" Sabi ng dalawang matanda. "Opo" sigaw ni Elaine habang palabas ng bahay. Nasa sasakyan na siya ngunit hindi parin siya mapakali sa kinauupuan. Natatakot siyang mahuli sa unang klase niya. Palagi niyang tinitignan ang oras sa kanyang kaliwang kamay.
“Mang Isko pakibilisan po ang pagmamaneho. Mahuhuli na po ako sa klase ko.� Utos niya sa driver. “Oo hija malapit na tayo.� Sagot nito. Tumingin siya sa labas habang tinatahak ang daanan patungo sa UP Diliman. Hindi niya maiwasan maglakbay ang isipan. Ulilang lubos na siya. Namatay ang kanyang mga magulang noong apat na taong gulang pa lamang siya. Lumaki siya sa pag-aalaga ng kanyang lolo at lola. Naikuwento ng dalawang matanda ang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Isang tradheyang naganap sa Baguio. Car accident ang ikinamatay ng mga ito. Ayon daw sa balita sa tv pauwi ang kanyang mga magulang ng biglang gumuho ang lupa sa daan. Natabunan ng malaking bato ang kotseng sinasakyan ng mga ito kaya sila namatay. Hindi sila nakaligtas sa tradheyang nangyari. Ang lola at lolo na niya ang nakagisnan niyang mga magulang. Ipinamana sa kanya ang lahat ng pag-aari ng kanyang mga magulang. Ang lolo na niya ang kasalukuyang namamahala sa malawak na lupain nila sa baguio. Tinamnan iyon ng mga ibat-ibang klase ng mga gulay at prutas. Magaling din sa pagmamanage ng negosyo ang kanyang lolo Densio. Isa itong magaling na negosyante. May malawak din itong hacienda sa Pangasinan. Naging maayos ang pamumhay nila kahit wala na ang kanyang mga magulang. Hindi naman nagkulang ang kanyang lolo at lola na punan ang pangangailangan niya. Bumaba si Elaine sa tabi ng daanan malapit sa Unibersidad na papasukan niya. Nagmadali siyang naglakad papasok sa main gate ng eskuwelahan. Ten more minutes ay siguradong mahuhuli na talaga siya sa unang klase niya. Medyo malayo pa naman ang lalakarin niya. "Nakakainis naman! Bakit ngayon pa ako nalate ng gising. Unang araw ko pa naman sa school!" Pabulong-bulong niyang sisi sa kanyang sarili. Tumawid siya sa pedestrian cross walk ng eskuwelahan. Nagulat siya ng marinig ang malakas na busina at pagpreno ng isang sasakyan. Sa sobrang ingay ng busina ng driver ay napatili siya. Nahulog tuloy ang mga dala niyang libro at binder. Akala niya ay mamamatay na siya. Malakas na malakas ang tibok ng kanyang puso dala ng pagkatakot at pagkagulat. Huminto naman ang sasakyan.
"O shit! Ang mga gamit ko!" Malakas ang boses na sabi niya. Mabilis niyang dinampot ang mga gamit na nagkalat sa daan bago mailipad ng hangin. Nakita niya ang plate number ng magarang itim na sasakyan na may tatak na volvo. “Mamahaling sasakyan.” Naisip niya. Bumaba ang driver at naglakad palapit sa kanya. Guwapo ang lalaki. Hindi niya pinansin ang kaguwapuhan nito. Umiral ang init ng ulo niya. Sa pagkainis ay tinignan niya ito ng matalim. “Miss kung gusto mong magpakamatay puwede huwag mo akong idamay. Ayokong makapatay ng tao." Mapaklang sabi ng lalake. Napamaang si Elaine sa tinuran nito. Buwesit! Guwapo na sana ito kaso ang pangit ng ugali. Buong akala pa man din niya ay hihingi ito ng paumanhin sa nangyari pero hindi pala. Nakakainis! "Hindi ako nagpapakamatay! Ikaw itong papatay sakin eh! Antipatiko ka! Pangit mo!" Gigil na sabi niya sa lalake. Kumunot ang noo nito. "Miss itong mukhang ito sasabihin mong pangit. Ang guwapo ko para sabihin mo iyan. Bulag ka yata.” Nakangising sabi nito. “Pakalat-kalat ka sa daanan ko. I almost hit you! Alam mo ba iyon!?" Itinaas nito ang mamahalin nitong shaded glass. "Anong sabi mo? Hoy pangit! Una sa lahat hindi ako bulag at pangalawa hindi ako pakalat kalat sa daan. At pangatlo, hindi sayo ang kalsada para sabihin mo iyan sakin.” Itinuro niya ang kalsada. “Ikaw na nga itong may kasalanan sa nangyaring ito tapos ako ang sisihin mo. Ang kapal din ng pagmumukha mo!” Bulyaw niya sa lalake. "Miss I'm not blaming you. Hindi ka kasi nakatingin sa daan bago ka tumawid.” Sabi nito. “And please lang wag mo akong tawaging pangit!" Medyo naiinis na rin ang boses nito. Ginagalit talaga siya ng lalaking ito. Tadyakan nalang kaya niya ito. "For your information nakatingin ako sa dinaraanan ko. Baka ikaw itong hindi tumitingin sa daan." Iritadong sabi niya. "May pashade shade ka pa kasi!" Pabulong niyang sabi habang inaayos ang kanyang mga gamit. “Anong sabi mo miss?” Tanong nito. “Wala! Ang laki mong bulag para hindi ako makita.” Inis na sagot niya.
“Miss masungit! Dapat kasi tumitingin ka sa paligid mo bago ka tumawid sa kalsada. Nakakaperwiso ka eh!" Sabi nito. Taas ang mga kilay na tinignan niya ito ng matalim. “Hoy pangit! Pedestrian cross walk po ito. Nakikita mo ang sign doon!” Itinuro niya ang karatulang nakapaskil sa poste. “You must stop and let the pedestrian cross the street. At saka school ito hindi karerahan ng sasakyan. Sana slow down ka sa pagmamaneho. Nakakainis.” Nangagalaiting sabi ni Elaine sa lalake sabay tingin ng oras sa kanyang relo. “I’m late in my class! Sisisihin ko talaga ang lalaking ito sa pagkahuli ko sa klase. Sira na nga ang araw ko mas lalo pang sinira ng lalaking ito.” Nagngingitngit niyang sabi sa isipan. “M-miss--!” Naputol ang sasabihin ng lalake ng agad siyang umapila. “Puwede ba huwag kang miss ng miss sa akin! May pangalan ako. Maghanap ka ng kausap mo! Istorbo ka! Late na nga ako tapos sisirain mo pa ang araw ko.” Sabi niya at mabilis na tinalikuran ang lalaking napapakamot na lamang sa ulo nito. Nagmadaling naglakad si Elaine papasok sa malaking building ng UP Diliman. Umagang-umaga ay bad mood agad ang araw niya. Nalate na nga siya tapos may umistorbo pang lalaking maangas at mayabang. “What a great day!”Anas niya. Lakad takbo ang ginawa niya upang makahabol sa oras ng klase. Narinig niya ang unang tunog ng bell sa eskuwelahan, Hudyat iyon na kailangan ng magsipasukan ang mga estudyante sa kanikanilang classroom. Nagmadali si Elaine sa paghahanap ng classroom ng bigla na naman tumunog ang ikalawang bell. Nanlumo na siya dahil alam na niyang late na talaga siya sa klase. Napabungtong hininga siya para mawala ang tensyon nararamdaman. Nasa harapan na siya ng classroom ng marinig ang pangalan niya. "Elaine Jaine Aguirre" Ulit na tanong ng guro. "Present po ako. Sorry po ma’am nalate ako." Hinihingal na sabi ni Elaine halatang napagod sa paghahanap ng classroom. Napatingin si Elaine sa buong klase halos occupied na lahat ng upuan.
"It's okay Miss Aguirre. Nangyayari talaga iyan sa unang klase. Please sitdown." Utos ng guro. Agad siyang tumalima upang maghanap ng upuan. Nakahanap siya ng bakanteng upuan sa bandang likuran. Mabilis siyang nagtungo doon at umupo. Wala siyang kakilala sa buong klase dahil baguhan lang siya sa UP Diliman sa Manila. Napatingin siya sa guro habang nagdidiscuss ng mga syllables at grading skills sa klase nito. Habang nakikinig ay nagawi ang tingin niya sa lalaking nakaupo sa kaliwang bahagi ng upuan sa harapan ng classroom. Napataas kilay siya ng mapagtantong ito ang buwesit na lalake kanina sa main gate ng eskuwelahan. Ang lalaking mayabang na maangas pa. "Ang gagong lalaking yan kaklase ko pa pala. Ang daming classroom dito. Bakit kaklase ko pa siya?" Pabulong-bulong na sabi ni Elaine. Tumingin ang lalake sa kanya at bahagyang ngumiti na hindi niya mawari kung ngiting nakikipagkaibigan o nang-iinsulto. Tinaasan niya ito ng kilay. "Antipatiko talaga ang lalaking yan! Ang yabang pa!" Naaasar niyang sabi. Napatingin ang sexy at magandang babae na nasa kaliwang upuan niya. Makinis ang kutis nito. Malinis itong manamit. "May sinasabi ka ba sa akin?" Mabait nitong bulong sa kanya. “Huh? Nako wala.” Sagot niya. Ngumiti ito. “Akala ko kasi may sinasabi ka. Anyway I'm Ermelyn Mendoza." Sabi nito na nakikipagkaibigan. Napangiti din siya. “Pasensiya na. May nakakainis kasing lalake dito sa klase natin.” Sabi niya. “I’m Elaine Jaine Aguirre pala.” Dagdag na sabi niya. Nagtatakang napatitig ito sa kanya. “Sinong lalake ang kinaiinisan mo?” Tanong ni Ermelyn. Tumingin siya sa lalaking nakaupo sa harapan. Ang totoo ay hindi ito pangit! Kunwari lang ang sinabi niya kanina. Naasar kasi siya sa lalaking ubod ng yabang kaya niya sinabihan na pangit. Ang totoo ay sobrang guwapo nito.
“Iyong nakadilaw na lalake sa harapan.” Sabi niya. Sinundan ni Ermelyn ng tingin ang lalaking tinitignan niya na nakaupo sa unahan. “Anong ginawa ni Enzo sayo na ikinainis mo?” Gulat na tanong ni Ermelyn. Enzo pala ang pangalan ng lalake. Hmm... Bagay sa kanya! Guwapo. Nagulat si Elaine sa naisip. Erase. Erase. Erase. Tinignan niya si Ermelyn. “Muntik na akong masagasahan ng lalaking yan kanina sa main gate tapos imbes na humingi ng tawad sa nangyari mas lalo pa akong sinisi.” Sumbong niya. Bahagyang natawa si Ermelyn. “Baka naman may gusto si Prince charming Enzo Mendez sa isang pretty girl na tulad mo.” Napapangiting sabi ni Ermelyn. “Asa pa siya.” Sabi niya. Natawa ito sa sinabi niya. “Anyway puwede ko bang matignan ang class schedules mo?” Pag-iiba nito ng usapan. Prince charming ang lalaking iyon? Sabagay may sinasabi naman ang lalake. Guwapo. Matangkad. Maganda ang build ng katawan. Mayaman. Ano pa ba ang hahanapin ng isang babae sa tulad ni Enzo Mendez. Hinanap ni Elaine ang class schedule sa bag niya. Ibinigay iyon kay Ermelyn. BioChemistry and Molecular Biology ang kinukuha niyang kurso. Paborito niya ang subject na science. Nakakuha siya ng full scholarship sa university of the Philippines. "Biology and chemistry ang kinukuha mong course. Matalino ka siguro sa science? Alam kung mahirap ang class na yan." Sabi ni Ermelyn. Napangiti siya. “Hindi naman masyado, slight lang. Science is my favorite subject.” Sabi niya. "I hate science.” Sabi nito. Tinignan ulit nito ang class schedules niya. “Magkaklase pala tayo sa literature. Sabay nalang tayong pumunta sa classroom mamaya pagkatapos ng subject natin dito." Sabi pa ni Ermelyn. Ibinalik nito ang class schedule niya.
"Ay sige salamat. Mas mabuti iyon para hindi na ako mahirapan sa paghahanap ng mga susunod kung subject." Natutuwang sabi ni Elaine. Bahagyang kumunot ang noo ni Ermelyn. "Bago ka lang ba dito sa UP Diliman? Ngayon lang kita nakita." Nagtatakang tanong nito. Nasa second year na sila sa kolehiyo at ito ang unang araw niya sa UP Diliman sa Manila. Transfer student kasi siya. Nag-aral siya ng first year college sa University of the Philippines sa Baguio. Hindi kasi sanay ang lola niya sa lamig na klima sa Baguio kaya lumipat sila sa malaking bahay ng yumao niyang magulang sa manila. “Yeah hindi ko nga alam ang pasikot-sikot dito sa school. Nag-aral ako sa UP Baguio." Sabi ni Elaine sabay tingin sa teacher na kasalukuyan naman nagsusulat sa blackboard. Isinulat niya sa notebook ang sinusulat ng kanilang guro. “Ah kaya pala ngayon lang kita nakita. Sige sama ka na lang sakin mamaya after our class tapos ituturo ko sayo ang mga susunod na classes mo. Ipapakilala din kita sa mga kaibigan ko." Nakangiting sabi ni Ermelyn. Ngumiti siya."Thank you Ermelyn! Ang bait mo naman." Natutuwang sabi ni Elaine. Lumabas ang nakakaakit at napakacute niyang dimples sa magkabilang pisngi na nagpadagdag ng kanyang kagandahan. "Ikaw naman, okay lang noh. At saka wala naman akong gagawin mamaya." Sabi naman ni Ermelyn at napangiti din ito sa kanya. Pinagmasdan niya ang bagong kaibigan. Napakalinis nitong tignan sa mga ayos at pananamit nito. Siguro maraming nagkakacrush dito. Bukod kasi sa kagandahang taglay nito may maganda pa itong katawan. Natapos ang unang klase nila sa araw na iyon. Lumabas sila sa classroom at naglakad sa buong campus. Si Ermelyn na rin ang nagturo sa kanya ng mga sunud-sunod niyang klases. Naging magaan ang loob niya sa bagong kaibigan. Masaya siyang nakilala ito. Napakafriendly nito at palangiti. Habang naghihintay na mabuksan ang classroom ng second subject nila ay nagawi ang tingin niya sa lalaking nadaan sa gitna ng hallway na akala mo ay may-ari ng daan. Napasimangot siya ng makita si Enzo na nakatingin sa kanya. Habang ang mga ibang babae naman ay nagtitilian makita ito, Ang lalandi naman ng mga babaeng ito. Marami rin ang
nagpapapansin kay Enzo. Sikat kasi ito sa eskuwelahan nila. Prince charming daw sabi ng kaibigan niya. Huminto naman si Enzo sa harapan nilang magkaibigan. Napasimangot na lamang siya. “Hi miss mataray.” Sabi nito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay. “Kilala ba kita? Puwede umalis ka sa harapan ko.” Mataray niyang sabi kay Enzo. Napasinghab ang mga babaeng nakarinig sa sinabi niya. Nagulat naman ang kaibigan niyang si Ermelyn. Bahagya itong natawa at napatingin kay Enzo. “Of course you don’t know me kaya magpapakilala ako sayo miss mataray! Ako si Enzo Mendez ang prince charming ng UP Diliman.” Panimulang sabi nito. “At hindi ikaw ang ipinunta ko dito. Akala mo ba type kita. You’re not my type. Hindi ko type ang babaeng tatanga tanga habang naglalakad.” Sabi nito. Para siyang napahiya sa harapan ng mga taong nasa paligid niya. Kapal ng mukha ng lalaking ito para ipahiya siya. Nagtagis ang bagang niya sa sinabi nito. Hindi siya tanga para sabihin nito iyon sa kanya. “Hoy pangit! Hindi ako tanga kaya huwag mo akong masabisabihan tanga. Bakla ka ba! Pumapatol ka sa babae...” Inilapit ni Enzo ang mukha nito sa mukha niya. Nasamid tuloy siya at nawala ang iba pang sasabihin niya. “Sige sabihin mo pa na bakla ako miss mataray baka gusto mong halikan kita!” Nanghahamon sabi ni Enzo. Napa-usog naman si Elaine sa kinauupuan ng kanyang kaibigan upang makalayo kay Enzo. Hindi naman inaasahan ni Ermelyn na sasabihin iyon ni Enzo. “Hay nako Enzo! Ano ka ba naman tinatakot mo ang kaibigan ko.” Malakas ang boses na sabi ni Ermelyn. Lumayo si Enzo sa kanya at tumingin sa kaibigan. “Sorry Ermelyn ang suplada kasi ng kaibigan mo. Biruin mong sasabihan akong pangit sa guwapo kung ito.” Sumbong nito sa kaibigan.
Natawa naman si Ermelyn. “Ikaw naman kasi Enzo nakita mo lang na bagong saltak sa university natin ang kaibigan ko ay dinidiskartehan mo na agad. Iyon nga lang wala yatang gusto sayo ang kaibigan ko.” Sabi ni Ermelyn sabay tingin kay Elaine. Kumindat ito sa kanya. Napangiti naman siya sa isinagot ng kaibigan. Napait na napalunok si Enzo na parang hindi nito matanggap ang sinabi ni Ermelyn. “Oo nga pala Ermelyn hinahanap ka ni Dave kanina.” Pag-iiba nito sa usapan. Naglaho ang ngiti sa mga labi ni Ermelyn pagkarinig sa pangalan ng boyfriend nitong si David Anderson. “Naalala rin pala ako ng lalaking iyon. Wala akong pakialam sa kanya. Sabihin mo sa lalaking iyon na ayoko siyang makita at pakisabi na rin na magsama sila ng Victoria Regpala niys.” Inis na sabi ni Ermelyn. “Galit ka ba kay David, Ermelyn? Nagseselos ka kay Chii-choi!” Natatawang sabi ni Enzo. Napasimangot si Ermelyn. “Ano sa tingin mo maglulundang ako tuwa dahil ang boyfriend ko may bagong girlfriend. Magsama sila ng babaeng iyon.” Galit na sabi nito. “Wala ka naman dapat ipagselos kay Victoria. Alam mo naman na matalik na kaibigan iyon ni David. Sa tagal na panahon hindi sila nagkita simpre natural lang na ipasyal niya ito. Intindihin mo na lang ang boyfriend mo. Huwag kang mag-alala mahal na mahal ka ni Dave.” Dagdag pang sabi ni Enzo. Tahimik lang si Elain na nakikinig sa paliwanag ni Enzo. Tumingin ito sa kanya. Kinindatan siya. Taas kilay niya itong inismiran. She hate him. Ewan kung bakit ganito ang nararamdam niya sa lalaking ito. Siguro dahil sa kayabangan at makapal nitong mukha kaya siya galit pero infairness guwapo ito. Kung sa magandang paraan lamang sila nagkausap malamang na magkaroon siya ng malaking paghanga kay Enzo Mendez.
Chapter 2
NANG mga sumunod na araw. Nakilala ni Elaine ang mga kaibigan ni Ermelyn. Hindi rin nailalayo ang personality niya sa mga bagong kaibigan. Mga sophistikada, glamorousa, maganda, sexy at fashionista din ang mga ito. Magaling sila sa pananamit palibhasa mga anak mayaman. Sikat ang mga ito sa UP Diliman. Sila ang mga babaeng tinatawag na campus girls. Masaya siya dahil nakilala niya ang mga ito. Apat silang magkakaibigan nasali siya sa grupo ng mga kaibigan ni Ermelyn. Naging panatag ang loob niyang kasama ang mga ito. Kahit bago siya sa Unibersidad ay naging magaan naman ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Sa mga nagdaang maraming araw ay nakilala niya ng lubusan ang mga bagong kaibigan. Binansagan silang popular pretty girls sa UP Diliman. Marunong siyang makisama sa mga kaibigan kaya siguro nagustuhan din siya. Kung si Enzo ang campus crush sa UP Diliman siya naman ay campus crush ng UP Baguio noon. Maganda siya at marami ang mga kalalakihang nagpapalipad hangin sa kanya sa campus. "Hi Girls." Bati ni Elaine sa mga kaibigan ng makita niya ang mga ito sa kanilang paboritong tambayan. Napatingin ang mga ito sa kanya. Inalis ni Ermelyn ang mga gamit nito sa upuan upang makaupo siya sa tabi nito. "Bakit ngayon ka lang EJ?" Tanong ni Marey Eithel Bermudez sa kanya habang abala ito sa paglalagay ng lipstik sa bibig nito gamit ang maliit na facepower na may salamin. EJ ang ipinangalan nito sa kanya. Ayaw sana niya dahil parang pangalan ng lalaki pero makulit ito at palagi siyang tinatawag sa pangalan iyon kaya nasanay na rin siya. “Oo nga naman Elaine. Bakit ang tagal mo?" Sigunda manong tanong naman ni Eve short for Evelyn Oviedo na kasalukuyan naman nakatitig sa grupo ng mga kalalakihang nakaupo sa tabi ng bench sa malaking puno. Sinundan niya ang tinitignan nito. Of course those guys are the popular varsity team ng basketball sa UP Diliman. May crush yata si Eve sa isang lalake sa grupong iyon kaya kanina pa ito nakatitig doon. Halos anim ang mga lalaki sa grupong iyon. At kasali ang nag-iisang lalaking kinaiinisan niya sa grupong iyon. Si Enzo Mendez the heart rub and prince charming sa UP Diliman. Ang lalaking laging sumisira sa maganda niyang araw. Nakatitig din lamang ito sa gawi nila. Agad niyang binalingan ng atensiyon ang kanyang mga kaibigan. “Sorry mga friendship.” Sabi niya. "Hindi na kayo nasanay kay Elaine. You know her already palagi siyang late." Dagdag na sabi ni Ermelyn habang kumakain ng dorritos chips. Hindi ito tumitingin sa grupo ng mga kalalakihan sa varsity team. Ayaw siguro nitong makitang magkatabi si David at ang bestfriend nitong si Victoria Regpala. "Si Mr Olivas kasi may ipinagawa sakin. Kailangan ko kasing mag-stay sa klase na iyon para tapusin ang Lab Report ko for next week monday kaya ako na late." Paliwanag niya. “Hay nako puros ka alibi EJ." Tugon ni Marey na kasalukuyan ng inilalagay sa bag nito ang mga ginamit nitong accessories.
“I’m not making some alibi, Marey. Kailangan ko kasi ang Lab Report na iyon para scholarship ko.” Sabi niya. “Oo nga pala running for valedictorian ka pala.” Tungon nito. “Sorry!” Nagmake sign pa ito ng peace sa daliri nito. At saka ngumiti. Natawa naman siya dito. “Woahhhhhhh...!” Tili ni Evelyn. Nagulat sila at sabaysabay na tumingin kay Evelyn. Kung makapagsigaw naman ito ay parang nanalo ng isang milyon.“Tinignan ako ng crush ko. Grabe sobrang saya ko. Ang guwapo talaga niya." Tuwang-tuwang sabi ni Evelyn na halos himatayin ito sa saya dahil tinignan ito ng lalaking crush nito sa grupong iyon. "Evelyn sino ba ang crush mo sa grupong iyon?" Nagtatakang tanong ni Elaine na hanggang ngayon ay hindi parin niya kilala ang crush nito. Kay Marey ito nagsasabi ng mga crush nito sa school nila. “Si Enzo ang crush niyan.” Sagot naman ni Marey sa tanong niya. Ngumiti si Evelyn kay Marey. "Ang guwapo talaga ni Enzo." Kinikilig na sabi ni Evelyn. Nagulat siya sa sinabi nito. “Crush mo ang mayabang na lalaking iyon?” Gulat na gulat niyang tanong. “Oo crush ko siya. Matagal na kaya. Since freshmen palang kami ay crush ko na siya. For your information Elaine hindi mayabang si Enzo ko. Mabait siya!” Sabi nito. Ipinagtanggol pa talaga nito ang lalaking iyon. Eerrr gusto niyang batukan ito. Tumingin sila sa grupo ng mga varsity team. Agree naman siyang guwapo nga sila at halos lahat ng kababaihan sa school campus ay nagkakagusto sa grupong iyon. Except her! She hates Enzo Mendez. Ang lalaking palagi na lang sumisira sa araw niya satuwing makikita niya ito. She hate his guts for real! His presence! Ito ang lalaking ubod ng kayabangan at insecurites sa katawan. Kaklase pa man din niya ito sa isang subject. Hindi niya ito pinapansin kapag dumarating siya sa klase. Deadma lang siya kahit sikat ito sa campus. Ang lahat ay gustonggustong kausapin ito but not her. Never niyang kakausapin ito. Napaka-yabang kasi nito akala mo kung sinong makaastang piling guwapo. "You like him!? Evelyn naman ano ba ang nakita mo sa pagmumukha ng pangit na Enzo Mendez na iyon?" Inis na tanong ni Elaine. "For your information Elaine, his not pangit! Ang guwapo kaya ni Enzo. Hindi mo ba siya crush? Halos lahat nang kababaehan sa school natin ay may gusto sa kanya. Ikaw pa kaya?" Amused na tanong ni Evelyn. "Hindi ako katulad ninyong nabubulag sa lalaking iyon. At isa pa hindi ko siya type. Kahit tumalon pa lahat ng bato sa mundo hinding-hindi ko siya magugustuhan." Sure na sure niyang hayag sa mga kaibigan.
"Owwsss?" Sabay-sabay namang sabi ng mga ito sa kanya. "Hay nako tigilan ninyo ako ha!... I hate him so much. Muntik na niya akong masagasahan sa labas ng gate noong unang pasok ko dito sa UP Diliman." Gigil na sabi niya. Kumukulo talaga ang dugo niya sa Enzo Mendez na iyon satuwing maaalala niya ang insidenteng nangyari sa kanila sa labas ng UP. "That thing can be forgiven.” Sabi ni Marey. “May kasabihan nga ang mga matatanda na, ‘The more you hate is the more you love’.” Magkasabay na munkahi ng dalawa niyang kaibigan sina Marey at Evelyn. “Baka naman crush mo si Enzo? EJ aminin mo na kasi na may gusto ka rin sa kanya.” Sabi ni Marey. Kunot noong napabaling siya kay marey. “Tama!” Sangayon naman ni Ermelyn. Nag-apir pa ang dalawa sa ere. “Nakakainis kayo. Pinagkakaisahan ninyo ako.” Naiiritang sabi niya. “At saka Elaine masama ang nagsasabi ng patapos baka kainin mo ang sinasabi mo. Next thing we know kayo na pala ni Enzo.” Sabi naman ni Evelyn. Natawa siya ng bonggang-bonggang halakhak. “Over my dead beautiful body. Hindi ko siya papatulan. Baka magselos ka pa diyan.” Sabi niya. “Promise hindi ako magseselos. Matutuwa pa ako. Alam ko naman na magkakagusto ka rin sa kanya.” Hamon ni Evelyn. Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Parang sure na sure ito na magugustuhan niya ang lalake. “You know mga friendship to tell you the truth. I have a little crush on him too." Pagamin ni Ermelyn. Gulat na napatingin siya sa kaibigan. “Uy Ermelyn marinig ka ni fafa David magselos pa iyon.” Sabi ni Marey. Napaismid si Ermelyn sa sinabi ni Marey. “And so what! I hate him. Break na kami ni Dave.” Sabi nito. Gulat na napatingin silang apat kay Ermelyn. “Huh? Break na kayo ni David? Since when?” Tanong ni Marey. “Wala. Desisyon ko lang naman.” Natatawang sabi ni Ermelyn. “Nakakainis kasi eh! Nagseselos na ako dahil palagi niyang kasama ang Chii-choi niya. Parang wala na siyang oras sakin.” Sabi nito.
“Ikaw talaga umiral na naman ang pagkaselosa mo. Mag-bestfriend naman sila ni Chiichoi. Try to understand your boyfriend na lang Ermelyn. Huwag kang magpadala ng selos na iyan. Basta ako crush ko si Enzo.” Sabi naman ni Evelyn. “Kahit naman ako may crush sa kanya.” Pag-amin din ni Marey. Natameme na lang si Elaine sa mga kaibigan. Hindi niya lubos akalain na ang mga kaibigan niya ay may simpleng crush sa isang mayabang na Enzo Mendez. “Hay nako bahala na nga kayo sa gusto ninyo. Basta ako I don't like him and I hate him so much." Hayag niya. “Tignan na lang namin EJ! Baka kainin mo ang mga sinabi mo.” Sabi ni Marey. Kinuha nito ang mga gamit sa upuan. “Mauuna na ako sa inyo ha.” Sabi nito. “Sabay na tayo Marey.” Sabi naman ni Evelyn. “Sige na mga frienship mauuna na kami sa inyong dalawa.” Paalam naman ni Eve sa kanila ni Ermelyn. Tumango sila at nakipagbeso beso sa mga kaibigan. “Elaine punta pala tayo mamaya sa gym ha. Ilalagay ko lang sa locker ko itong damit na gagamitin ko sa PE bukas." Sabi ni Ermelyn. “Okay. Sige may ilalagay din ako sa locker ko.” Sabi din niya. Maganda na sana ang lahat ng nangyayari sa kanya sa UP Diliman kung hindi dahil sa Enzo Mendez na iyon na laging tumitingin, ngumingiti at ginugulo ang kanyang magandang araw. Papansin ito sa kanya. SAMANTALA sa grupo ng kalalakihan sa punong mangga ay mataman tinititigan ni Enzo ang magandang babae na nakaupo sa grupo ng apat na kababaihan sa may bench. Katabi nito ang girlfriend ni David na si Ermelyn. Buti pa ang kaibigan niya ay makulay ang love life nito kay Ermelyn na kilala bilang the perfect sexy girl in the school campus. Eh siya ang boring ng love life niya. Nang dumating si Elaine Jaine Aguirre sa UP Diliman ay biglang nabuhay ang inaamag niyang puso. Kanina pa niya ito hinihintay na dumating sa paboritong tambayan ng mga kaibigan nito. Unang kita pa lang niya sa babae ay nagandahan na siya. Lalo na kapag ngumingiti ito natutunaw siya sa kagandahan nito. Lumiliit ang mapupungay nitong mga mata kapag ngumingiti o tumatawa ito. Yes, he was observing her all the time. Siguro bawat galaw nito ay inoobserbahan niya. Lumalabas rin ang napakacute nitong dimples sa pisngi. She was so beautiful and so sexy. Iyon nga lang ubod ito ng suplada. At para dito deadma ang kaguwapuhan niya. Tinawag nga siyang pangit! Hindi niya matanggap iyon. Siya kaya ang Prince Charming crush ng UP Diliman. Parang nasaktan ang ego niya sa sinabi ni Elaine. "Enzo baka matunaw na si Elaine sa kakatitig mo sa kanya." Biglang sabi ni Ace Delos Reyes sa kanya. Nabaling ang tingin niya sa kaibigan na kasalukuyang hawak ang bola at pinapaikot sa daliri nito.
"Bakit kasi hindi mo pa ligawan Enzo?" Tanong naman ni David Anderson sa kanya. Katabi nito si Victoria Regpala ang bestfriend nito na nagtransfer din sa UP Diliman. “Sino ba si Elaine?” Nagtatakang tanong ni Victoria. Tinuro ni Breinzon ang kinauupuan ni Elaine. “Iyong isa sa apat na babae na nakaupo doon sa bench sa may puno ng acacia. Kulay green ang damit niya.” Sabi naman ni Breinzon Guerrero. Napataas ang kilay ni Victoria. “Ikaw ba ang tinatanong ko!? Sumasagot ka di naman ikaw ang tinatanong ko. ” Masungit na sabi nito kay Breinzon. Galit ito kay Breinz. “Eh, nagtatanong ka. Sinagot ko lang ang tanong mo! Kala mo naman type kita!” Inis ding sabi ni Breinzon. Kinutusan ni Victoria ang noo ni Breinzon. “Akala mo din ba type kita! Yuckz! Sa ganda kong ito papatol sa isang tulad mo. Huwag na!” Sabi nito. Akma naman gagantihan ni Breinzon si Victoria ng biglang lumapit ito kay David at umabrisete sa braso ng kaibigan. “Bez, si Breinzon susuntukin ako.” Sumbong nito sa kaibigan. Lumaki naman ang mata ni Breinzon. Na parang nagbabanta ang mga titig at gustong tirisin si Victoria ng mga oras na iyon. “Hay nako Chii tama na nga iyang love quarrel ninyong dalawa ni Breinzon. Para kayong aso’t pusa. Ikaw naman tol tigilan mo na din itong si Victoria.” Sabi naman ni David. Binelatan ni Chii-choi si Breinzon. “Eh bakit ako ba ang naunang nakipag-away? Iyang si Chii ang pagalitan mo tol. Nananahimik ako dito eh.” Sabi nito. “Hay ewan ko sa inyong dalawa.” Sabi ni David. Tumayo ito at lumapit kay Enzo. “Papaano ko siya liligawan? Sagad-sagad sa buto ang galit ni Elaine sakin." Nanlulumong sabi ni Enzo. "Teka nga muna naguguluhan ako. Bakit ba galit na galit si Elaine sayo tol? Ano ba’ng ginawa mo sa kanya." Untag naman ni Eriex Jules Napier. Lumapit na din ito sa tabi niya upang makisawsaw sa usapan. "Muntik na kasing masagasahan ni Enzo si Elaine no’ong unang araw nito sa UP." Sagot ni Ace.
Natawa naman si David. “Nako sayang ang kaguwapuhan ng mukha mo tol kung si Elaine ay hindi mo mapapaibig.” Sambit nito. "Bawas ang pogi points mo sa kanya. Nahihirapan ka tuloy dumiskarte." Dagdag pang sabi nito. “Hay nako David tingin mo masaya ang love life mo kay Ermelyn. Hindi mo ba alam na galit iyon sayo.” Ganti naman niya. Natahimik ito sa sinabi niya. Mukhang may pinagdadaanang problema sa relasyon nito kay Ermelyn. Biglang nalungkot ang mukha nito. Na-guilty naman siya sa sinabi niya. “Kahit naman sinong babae ay magagalit sayo sa ginawa mo tol Enzo. Halos muntik mo na palang mapatay ang tao. Sana man lang nagsorry ka sa kanya." Sabi naman ni Ace. Nabaling ang tingin niya kay Ace. "Iyon nga ang problema ko. Mas lalo ko pa yatang ginalit. Idiniin ko kasi sa kanya na ito ang may kasalanan sa nangyari imbes na humingi ako ng tawad." Paliwanag ni Enzo. "Hay ungas ka talaga! Mahihirapan ka nga talagang makuha si Elaine dahil sa ginawa mo. Mukhang wala ka ng panama sa kanya. Paano ba yan Enzo ako na ang manliligaw sa kanya." Sabi naman ni Frank Dale Yanuaria. Inis na napatingin siya kay Frank. Pinukulan niya ito ng masamang tingin. Itinaas naman ni Frank ang dalawang kamay sa ere. "Selos naman agad ito. Biro lang! Ikaw talaga hindi na mabiro. Takot naman kaya ako sa nakakamatay mong titig." Sabi nito. "Sabagay napakaganda ni Elaine Jaine Aguirre at napakasexy pa. Kahit na sinong lalaki ay magkakagusto dito. Infact I have a little crush on her.” Pag-amin ni Breinzon. Tumaas naman ang kilay ni Victoria. “Feel mo gusto ka niya. Yuckz!” Sabi nito. “Shut up! Feel mo naman ikaw ang gusto ko.” Baling naman ni Breinzon. “Shut up your face.” Ganti ni Chii aka Victoria. Muli ay nagkairitahan na naman ang dalawang magkaaway. “Nagseselos ka lang siguro dahil crush ko siya.” Sabi ni Breinzon. “Nagseselos!? Bakit naman ako mag-seselos?” Inis na sigaw ni Victoria. Natawa nalang ang buong grupo sa dalawang nag-aaway na parang aso’t pusa. Ibinaling na lamang ni Enzo ang paningin kay Elaine na kasalukuyan naman nakatitig sa kanya ng mga oras na iyon. Biglang sumikdo ang kanyang puso. Nagtama ang kanilang mga mata at halos huminto ang pag-ikot ng mundong ginagalawan niya. "Crap! Ang ganda-ganda niya." Sabi ng isip niya. Sana naging maganda na lang ang pagkakakilala nila para hindi na siya nahihirapang
diskartehan ito o kaya ay ligawan ito. Ubod ng taray at suplada nito. Sa klase palang nila ay dinedeadma na siya. Hindi na siya pinapansin nito o kinakausap man lang. Kahit anong palibad hangin ang gawin niya ay hindi siya pinapansin ng babaeng pinakamamahal niya. "If Enzo wants! Enzo gets!." Sabi ni Ace. Napangiti siya sa sinabi ng bestfriend niyang si Ace Delos Reyes. Sabay silang naghigh-five sa ere. Bigla naman nag-ring ang cellphone nito. Sinagot nito ang tawag. “Hello?” Sagot ni Ace sa tumatawag. Hindi nakalista ang numero ng caller nito. “Kuya Ace are you home?” Tanong ng babae sa kabilang linya ng telepono. “No! I’m in school right now. Why?” Tanong nito sa kausap. Bumuntong hininga ang babae sa kabilang linya. “Kuya can you pick me up at the airport tomorrow.” Sabi nito. Bahagyang nagulat si Ace sa sinabi ng kapatid niyang si Lovely Apple Roquero. Ang nag-iisang kapatid na nakatira sa America kasama ang magulang nila. “Bakit biglaan naman yata ang pag-uwi mo?” Tanong ulit ni Ace. “I just miss you kuya Ace. I want to spend my vacation in Pinas kaya uuwi ako diyan. At sabi ni mama you’ll take care of me diba. So please kuya pick me up tomorrow okay.” Sabi ni Lovely Apple. Natouch siya sa sinabi ng kanyang malambing na kapatid. “I miss you too. Don’t worry I will pick you up tomorrow love.” Mangiyak ngiyak na sabi ni Ace. Love ang tawag niya sa nakababatang kapatid. “I love you Kuya Ace. Thank you so much. Bye now!” Nag-muah pa ito sa kabilang linya ng telepono. “I love you too, love. Bye!” Reply ni Ace. Pinatay nito ang cellphone at iniligay sa bulsa ng pantalon nito. Nakatitig ang lahat kay Ace. Nagtataka ang tingin ng lahat dito. “What!?” Tanong nito ng mapansin nakatingin ang lahat. “Ace sino iyon? Girlfriend mo? May nagpatibok na pala sa puso ng babaero naming kaibigan. Ipakilala mo naman sa barkada ang girlfriend mo. Napakamalihim mo talaga.” Sabi ni Eriex Jules. Natawa naman si Ace sa tanong ng kaibigan. “Sira ulo kayo kapatid ko iyon. Love ang tawag ko sa kanya. Nagpapapick up sa airport bukas. She will spend her vacation dito sa Pilipinas.” Sagot nito.
“May kapatid ka pala Ace. Maganda ba siya? Puwede ko ba siyang maligawan?” Tanong ni Eriex. “Oo naman maganda ang kapatid ko mana sakin iyon eh. Nasa genes namin yan.” Sagot nito. “At hindi mo siya puwedeng ligawan dahil ako ang susuntok sayo Eriex kapag nasaktan ang kapatid ko.” Itinaas ni Ace ang kamao nito. Natatawang umurong si Eriex. “Opps... Relax lang.” Sabi nito. "Okay back to our topic.” Sabi ni David. “Guys tignan nga natin kung mapapasagot ni Enzo si Elaine. Pustahan tayo. Isang milyon ang taya para sa puso ni Elaine. Dito natin makikita ang galing Enzo sa babae. Ano payag kayo, Deal?” Dagdag pang sabi nito. “Deal.” Sabaysabay na sabi ng magkakaibigan. "Ano Enzo kaya mong napasagot si Miss Tiger kapalit ng isang milyon?" Tanong ni Breinz sa kanya. Sumabat si Frank. “Kapag napasagot mo si Elaine. Ikaw ang panalo bibigyan ka namin ng isang milyon. Kapag natalo ka naman bibigyan mo kami ng isang milyon. Maghahati hati na lang kami doon.” Sabi rin nito. "Isang milyon ang ibibigay ko sa inyo kapag natalo ako? Unfair iyon. Kayo hatihati kayo sa isang milyong ibibigay sa akin.” Reklamo niya. “Ei marami kami tapos ikaw mag-isa ka lang. Papayag ka bang matalo? Sayang naman ang kaguwapuhan mo kung hindi mo kayang mapasagot si Elaine. Kapag napasagot mo naman siya ay Jackpot naman ang mapanalunan mo plus isang milyon.” Sabi ni Ace. Napa-isip naman si Enzo sa sinabi ng kanyang mga kaibigan. “Sabagay tama kayo. Jackpot na nga kapag napasagot ko si Elaine. Double Jackpot! Bokya naman kapag hindi ko siya napasagot. Hindi ako papayag na hindi ko siya mapasagot. I’m Enzo! I get what I want. Sige payag na ako.” Pagpayag niya sa pakana ni David. Isang milyon para sa matamis na pagpayag ni Elaine na maging girlfriend niya. Ang sarap namang makamtan ang tagumpay sa pag-ibig ng babaeng pinakamamahal niya. Let the winner take all. Madali lang ibigay ang isang milyong hinihingi ng kanyang mga kaibigan kapag natalo siya. Mayaman naman sila at kaya niyang ibigay iyon. Kapag nanalo siya ibig sabihin naka-Jackpot siya. "Oo nga pala! Huwag ninyong kalilimutan ang ensayo natin mamayang hapon sa basketball court para sa tournament next month." Sabi niya sa mga kateammates ng varsity. “Yes Captain Enzo!" Sabaysabay na tungon ng kanyang mga kaibigan. Nag-ring ang bell sa eskuwelahan. Sunud-sunod silang nagsi-alisan at nagpunta sa mga klases nila. Samantala sa
likod ng punong kinauupuan ng magkakaibigan ay nakaupo ang isang lalaki at narinig ang pinagusapan ng anim na magkakaibigan.
Chapter 3 MATAPOS mailagay ni Elaine ang mga gamit sa locker ay lumabas na sila sa gymnasium kasama si Ermelyn. Nakasalubong nila si David Anderson ang boyfriend ng kaibigan niya. Pagkakita pa lang ni Ermelyn kay David ay napasimangot na ito. Mukhang may love quarrel ang dalawang magkasintahan. Nagpaalam na siya sa kaibigan. Nagtungo siya sa parkingan ng sasakyan kung saan naghihintay ang driver niyang susundo sa kanya. Habang lulan ng sasakyan ay hindi mawaglit sa isipan niya ang guwapong mukha ni Enzo Mendez. Mataman itong nakatitig sa kanya kanina. Parang nabibighani siya sa kaguwapuhan nito. Biglang kumabog ng mabilis ang kanyang puso. "Bakit ko ba iniisip ang mokong na iyon?" Tanong niya sa sarili. "Magtino ka Elaine. Huwag mo siyang pag-ukulan ng panahon. Remember muntik ka na niyang sagasahan noon. The nerve of that guy blaming you for his fault." Sigaw ng kanyang bahaging isipan. Nang makarating si Elaine sa kanilang bahay ay agad siyang nagtungo sa kanyang kuwarto. Inilapag ang mga gamit sa study table pagkatapos ay nahiga sa kama. Bumuntong hininga si Elaine at mariing ipinikit ang mga mata. Sumulpot sa balintataw niya ang mukha ni Enzo. Ang mukha nitong napakaguwapo na nakangiti sa kanya. Ang malapad nitong balikat na animo’y kay sarap yakapin. Ang magkaparis na mata nito’y nakatitig sa kanya palagi. Minsan nga ay naiilang na siya sa bawat titig nito. Hindi man niya tinitignan ito ngunit napapansin naman niyang tumitingin ito sa kanya. Napatayo siya sa kama. Naiinis siya sa kanyang sarili. Bakit ba may kakaiba siyang nararamdaman sa lalaking iyon? Binuksan niya ang tv. Kahit sa telebisyon ay mukha parin ni Enzo ang nakikita niya. Inis na pinatay niya ang telebisyon. Kinuha ang bag niya at hinanap ang mobile phone niya. Tatawagan na lamang niya ang kaibigang si Ermelyn. Subalit hindi niya mahagilap ang mobile phone sa bag niya.. Hinalungkat na niya ang lahat ng laman sa bag ngunit wala ang phone niya roon. Bigla niyang naalala na naiwan pala niya ang cellphone sa loob ng locker sa school. Mabilis siyang bumaba ng bahay hinahanap si mang Isko hiniram ang susi ng sasakyan.
"Mang Isko hihiramin ko po ang susi ng sasakyan. Naiwan ko po ang cellphone ko sa locker ko sa eskuwelahan." Paliwanag ni Elaine. "Gusto mo ipagdrive na kita Elaine?" Tanong nito. “Huwag na po Mang Isko kaya ko na po ito. Ako na lang po ang kukuha." Sabi niya. "O sige mag-iingat ka na lang sa pagmamaneho." Paalala nito. "Opo. Kayo na po ang magsabi kay lolo at lola na umalis ako." sabi ni Elaine. Mabilis ang ginawa niyang pagmamaneho upang marating agad ang gymnasium bago magsara iyon. Malaki ang value ng cellphone niya. Bigay iyon ng bestfriend niyang nasa ibang bansa at importante iyon sa kanya. Mabilis ang mga kilos na binuksan niya ang siradura ng gym. Ngunit hindi niya inaasahan ang pagsalpok sa malapad na katawan ng isang lalaki. Mahuhulog na sana siya sa sahig ngunit maagap namang hiniwakan ng lalaki ang maliit niyang beywang upang hindi siya mahulog. Napakabango ng amoy nito at napakalapad ng balikat nito. Mataas ang height nito kaya kailangan niyang tingalain ang mukha ng estrangherong lalaki. Unti-unting tinignan niya ang mukha ng lalaking umalalay sa kanya. Gulat na napagtanto niya ang lalaki. "Ikaw!?" Malakas na sigaw ni Elaine sa lalaki. Mabilis niya itong itinulak. Kumawala sa matipuno nitong bisig. "Ikaw din!" Sabi naman ni Enzo. Nagulat din ito ng mapagtantong siya pala ang nabanga nito. Ngumiti ito sa kanya. Geez! Kahit saan ay nakikita niya ito. Nilagpasan niya si Enzo ngunit bigla naman nitong hinawakan ang kaliwang braso niya. Tinignan niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Kakaibang kabog ang naramdaman niya ng sumayad ang kamay nito sa balat niya. Mainit ang palad nito at nakukuryente siya sa simpleng pagkakadikit nito. Ngunit hindi niya tinolerate ang damdamin biglang lumukob sa kanyang puso. Hinila niya ang kanyang braso upang makawala sa kamay nito. Pinukulan niya ito ng matalim na tingin. “Bakit ba huh?� Inis na turan niya sa lalaki.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong naman nito. Nakangiti parin ang mga mata nito sa kanya. “It’s none of your business.” Sabi niya. Akma na naman niyang tatalikuran ito ng bigla ulit itong magsalita. “Bakit ba ang suplada mo sakin? And why do you hate me?” Tanong nito. "I don’t know. Why don’t you ask yourself!? Honestly, I don’t like you.” Masungit niyang sabi kay Enzo. “Really! Well I’m asking you because I don’t see any reason para magalit ka sakin. Don’t worry I will make you fall in love with me. Siguro sinusundan mo ako? May gusto ka sakin noh?" Napapangiting tanong nito sa kanya. Napataas ang kilay niya sa mga ibinaling nitong salita. Sumalakay ang matinding pagkainis sa puso niya. "Bakit kita susundan!? Yuckz! For your information di kita gusto! At hindi ako maiinlab sayo. Feeling ka naman! Hindi ka rin mayabang! Makapal din ang face mo." Bulyaw niya. "Malay ko bang type mo ako. Baka kapag halikan kita ay hahanap-hanapin mo." Dugtong na sabi ni Enzo. Lalong nag-init ang ulo niya sa tinuran nitong salita. "Ikaw type ko!? Nananaginip ka ba Enzo Mendez!" Natawa siya ng malakas. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. "Eww! Tignan mo nga ang sarili mo. Hindi ako nagkakagusto sa taong katulad mong mayabang. Huwag kang mag-imagine na magugustuhan kita. Kapal mo! Puwede keep your distance away from me. Naaalibadbaran ako sayo. Yuckz! Bakit ko naman hahanap-hanapin ang halik mo! No way.” Mariing sabi niya. Akma na siyang tatalikod ulit ng magsalita ulit ito. Akala niya ay na taboy na niya ito. "Do you want to bet? I definitely knew you would fall in love with me if I kiss you right now. You would beg me to love you and soon you'll chase me." Lathalang sabi ni Enzo. Tumaas ang kilay niya. “Over my dead beautiful body. Yuckz! Mahiya ka naman sa sarili mo." Malakas na sabi niya.
“Oh really huh? Yuckz pala ako! Humanda ka...” Humakbang ito palapit sa kanya. Nataranta siya ng makita niya itong lumalapit. Napaatras siya hanggang sa na-trap siya sa pader sa likuran niya. Wala na siyang mapupuntahan pa. Kay lapit na ni Enzo sa kanya. Kumabog ng malakas ang puso niya. “Stay away from me Enzo Mendez! Don’t come near me or else...” Kinakabahang sabi niya. Ipinatong nito ang dalawang palad sa pader. Naikulong siya sa gitna niyon. Unti-unti namang lumalapit ang mukha nito sa kanya. “Or else what? I know you like me Elaine.” Paanas na bulong ni Enzo. Nakipagtitigan siya sa magagandang pares ng mata nito. Hindi parin nawawala ang mabilis na kabog sa kanyang puso. “Or else isusumbong kita sa Principal. Harassment ang ginagawa mo sakin.” Nakipagtitigan siya sa mukha ni Enzo. Mas lalo yatang guwapo ito sa malapitan. Nasamyo niya ang mabango nitong hininga. May mga ngiting nakaukit sa mga labi nito. Looking at him smiling makes her heart skip a bet. “You would change your mind if I kiss you.” He whispered. Walang babalang sumayad ang labi nito sa labi niya. First Kiss! First Kiss! First Kiss niya ito. Malambot ang labi nito. Natutukso siyang gantihan ang halik nito. Kaiba ang feelings na nararamdaman niya. Ngunit gaano man kasarap ang halik nito’y natauhan pa rin siya. Itinulak niya ito. Sinampal ng malakas at patakbong lumayo kay Enzo. Nagtungo siya sa restroom sa loob ng gym. Hinihingal na napatingin siya sa salamin sa loob ng banyo. Tumulo ang luhang kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata. Pinahid niya iyon. Naghilamos siya ng mukha para hindi siya magmukhang pangit. Gusto niyang magalit kay Enzo sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Muli niyang tinignan ang hitsura sa salamin hanggang sa mapatingin siya sa labi niya. She touch her lips. Huminga siya ng malalim. Naalala niya ang katatapos lang na halikan nila ni Enzo. Dama parin niya ang labi nito sa labi niya. Ang malambot nitong labi. “Damn you Enzo Mendez!” Sabi niya. Lalo tuloy siyang nalito sa damdaming lumukob sa kanyang puso. Lumabas na siya sa restroom at nagtungo sa locker room. Kinuha niya ang naiwang mobile phone sa locker at mabilis na umalis sa lugar na iyon. May apat na missed calls at dalawang text messages ang kaibigan niyang si Ermelyn. Tinawagan niya ang kaibigan.
Nag-ring ng dalawang beses bago sinagot ng kanyang kaibigan. "Ermelyn did you called me?" Malungkot na tanong niya sa kaibigan. "Oo bakit ngayon ka lang sumagot? But anyway tumawag ako para tanungin ka kung gusto mong sumama ngayong gabi sa gimmick ng barkada." Sabi nito sa kabilang linya ng telepono. Huminga siya ng malalim. "Naiwan ko kasi itong cellphone ko sa locker kaya bumalik ako sa school para kunin. Where you guys going?" Tanong niya. "Sa Royale Club nila Frank. Ano sasama ka ba?" Tanong nito. "Sige sasama ako. I need to unwind my mind too." Nanlulumong sabi niya. Nagtaka naman si Ermelyn sa kanya. “ May problema ka ba Elaine?” Tanong ng kaibigan. “Can you keep a secret?” Tanong niya. “Yes of course naman Elaine. You know I can keep a secret. What’s the secret that need to be locked up ba?” Tanong nito. Bumuntong hininga ulit siya. “Ermie ganun pala ang feelings ng mahalikan.” Anas niya. Muli ay hinawakan niya ang labing hinalikan ni Enzo. Lumihistro din sa balintataw niya ang mukha nito. And again her heart skip a beat remembering that guy. Gulat na natawa si Ermelyn. “Huh anong halik? Nagbibiro ka ba? Bakit nakipaghalikan ka? Kanino naman?” Sunud-sunod na tanong nito. Bumuntong hininga na naman siya. “Sandali lang ang dami mo namang tanong isa-isa lang naman.” Sabi niya. Namumula tuloy ang mukha niya. Siguro kung kaharap lang niya si Ermelyn ay lalo pa itong matatawa sa hitsura niya. “Eh ikaw naman kasi nakakagulat ka. Sinong lalake naman ang humalik sayo?” Tanong ng kaibigan. Napakagat labi siya. “Hmmm... S-si E-Enzo.” Nauutal niyang sabi sa kaibigan.
“WHAT!” Malakas ang boses na sigaw ng kaibigan. “Paki-ulit kanino ka nakipaghalikan?” Tanong nito. Inilayo niya ang cellphone sa tainga niya sa lakas ng boses nito. “You heard me Ermelyn. Kay Enzo nga! Ang ingay ng boses mo marinig ka diyan. Nakakahiya!” Sabi niya. Nasapo niya ang kanyang ulo. Kung bakit pa kasi niya sinabi sa kaibigan. Sana ay inilihim na lang niya ang namagitan sa kanila ni Enzo. Para kasing sasabog ang balunbalonan niya kapag kinikimkim ang problema niya. “Paano nangyari iyon?” Tanong nito. “I tell you about it kapag nagkita na tayo. Magdadrive muna ako. Sige bye!” Sabi niya. “Okay sure. I’ll see you tonight.” Sabi nito. Pinatay na niya ang cellphone matapos kausapin ang kanyang kaibigan. NAGTUNGO si Enzo sa condo unit ng matalik niyang kaibigan si Ace Delos Reyes matapos ang insayo nila ng basketball. Sambakol ang mukha niya dahil sa hindi magandang nangyari sa kanila ni Elaine. Well actually it’s good and bad. It’s good because he did finally kiss that sweet soft lips. And it’s bad because she slapped his handsome face. Ang sakit nun ha! Hindi niya akalain makikita niya ito sa gymnasium kanina. Ramdam parin niya ang malambot nitong katawan na kay sarap hawakan at yakapin. Naalala pa niya ang mabangong perfume nito. Her feminine perfume was making him desired her more. The thought of her lips while kissing her a while ago was still shivering his whole body. It was a spectacular feelings. A warm, comfortable, and yet so unexpectedly thrilling at the same time. Naalala niya ang pustahan nilang magkakaibigan. Having Elaine in his arms was full of satisfaction. He even wanted her to be his girl pero nahihirapan siyang lapitan ito. Ang suplada kasi nito. Hindi naman kasi siya papansinin ni Elaine kung hindi siya magyayabang o mag-aaktong maangas. Kahit ayaw niyang makipagaway ay ganun parin ang nangyayari sa kanila. Paano kaya niya mapapaamo ang tigreng babaeng iyon. "Tol bakit sambakol ang mukha mo?" Nagtatakang tanong ni Ace kay Enzo. Naupo si Enzo sa pang-isahang couch na upuan ni Ace. Ibinagsak ang kanyang katawan sa upuan. "Si Elaine nagkita kami sa gym kanina tol." Anas niya sabi sa kaibigan.
"And what happend? Nag-away nanaman ba kayo?" Tanong ulit ni Ace. Bumuntong hininga siya. "Oo." Sagot niya. Natawa si Ace. “What’s new about that! Palagi naman kayong nag-aaway eh. Daig pa ninyo ang magkasintahan.” Sabi nito. Natawa din siya. “Actually it’s a different fight this time. Sinampal niya ako tol!” Sabi niya. Nagulat naman si Ace sa sinabi niya. Kunot noong napatingin ito sa kanya. “What about this time again? Kaya pala namumula yang pisngi mo. Ano na naman ba ang ginawa mo? Gusto mo bang matalo ng isang milyon. Malaki din ang isang milyon kung natalo ka.” Sabi ni Ace. “I kissed her.” Dirediretsong sabi niya. And again nagulat ulit ang kaibigan niya. “What? You kissed Elaine?” Hindi makapaniwalang sabi ni Ace. Tumango siya. Natawa si Ace. “Good job tol! Kaya ka pala nasampal. Wow, tol naka-unang hirit ka na agad.” Sabi nito. “Gago hindi ako katulad mong babaero. At hindi unang hirit iyon kundi nabugaw ko na naman ang tigreng babaeng iyon.” Buntong hiningang sabi niya. “So how’s the kiss? Masarap ba?” Napapangiting tanong ni Ace. Tumingin siya sa kaibigan. Napangiti na din siya. Hinaplos niya ang kanyang mga labi na parang nadadama parin niya ang labi ng babaeng minamahal. Tumango siya. “It’s heaven tol sweet and soft lips.” Sabi niya. Natawa si Ace. “Ang corny mo tol!” Sabi nito. Natawa na din siya.
“Oo nga pala punta kami Royale Club mamaya. Gusto mong sumama? Para makalimutan mo ang problema mo.” Tanong ni Ace. “Titignan ko kung makakapunta ako mamaya. Baka dumating na si papa sa bahay eh. Sige tol alis na ako.” Paalam niya sa kaibigan.
Chapter 4 Iginarahe ni Enzo ang magarang volvo sport car sa malaking bahay nila sa fairview. Nagiisa siyang anak ng pamilya Mendez. Ang papa niya ay isang tanyag na business man sa buong Pilipinas. Marami itong mga pinagkakaabalahang businesses kaya halos lahat ng oras nito ay nasa trabaho. Madalas ay hindi niya nakakasama ito kahit no’ong bata pa siya. Never naman siyang naging unang priority ng papa niya. Always his business is the first priorities nito. Wala naman siyang paki-alam sa kayamanan nila. All he wants is to be his first priority sana. Gusto niyang maramdaman ang pagiging ama nito sa kanya. Hindi naman ito ganoon dati. Pero no’ong namatay ang kanyang ina ay nag-iba na ito. Masyado na itong babad sa trabaho. Wala na itong pakialam sa kanya. Akala ng papa niya ay sapat na ang binibigyan siya ng pera at mga luho. Pero hindi ang kayamanan nila ang gusto niya kundi ang oras at pagmamahal nito sa kanya. Sa totoo lang ay sobrang namimiss na niya ang kanyang dating papa. Namimiss niya iyong mga bonding nila no’ong nabubuhay pa ang kanyang mama. Umibis siya sa sasakyan at naglakad papasok sa maranyang bahay. "Enzo anak kumain ka na ba?" Tanong ni nanay Aida na nag-aalaga sa kanya. "I'm not hungry nanay Aida." Sagot niya. "Umuwi ba si papa?" Tanong niya sa katulong. Bumuntong hininga ang katulong. "Nasa palawan ang papa mo. May inaasikaso siyang business ipaalam ko na lang daw sayo." Sabi ng nanay Aida niya. Bumuntong hininga siya. "Lagi naman ang business niya ang importante sa kanya nanay eh. Hindi ako naging importante sa papa ko.” Napasimangot siya.
Lumapit ito sa kanya. Niyakap siya ng mahigpit. Gusto niyang maiyak. Parang totoong nanay na niya ito dahil ito ang nag-alaga sa kanya simula pa noong bata pa siya. “Huwag ka ng malungkot. Mahal ka ng papa mo. Gusto lang niyang magkaroon ka ng maayos na buhay." Sabi nito habang hinahaplos ang buhok niya. "I don't need all this wealthiness nanay Aida. All I want is sana bigyan naman niya ako ng importansya. Namimiss ko din naman si papa eh." Sabi ni Enzo. Tumulo ang luha niya. Pinahid iyon ni nanay Aida. "Pagpasensiyahan mo na lang ang papa mo, Enzo anak." Sabi nito. "Hindi ko siya maintindihan nanay Aida. No’ong namatay si mama nagkaganyan na siya. Parang wala na siyang anak. Parang hindi na ako naging importante sa kanya. Pakiramdam ko namatay din siya tulad ni mama. Masakit din naman sakin na namatay si mama eh. Miss na miss ko na nga siya.” Halos hindi na niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Namatay ang mama niya no’ong graduating na siya ng high school. Nagkaroon ito ng cancer of the blood. Inilihim nito ang sakit nito sa kanya. Nasa malalang kondisyon na ito ng malaman niyang may leukemia pala ito. Nasaktan siya ng labis ng mamatay ang mama niya. At tulad ng mama niya ay nag-iba na din ang papa niya. Parang sumama itong nawala sa kanya. "Siguro ay labis lang na nasaktan ang papa mo sa nangyari sa mama mo." Sabi ni nanay Aida. "Nanay Aida nasaktan din po ako sa pagkamatay ni mama pero hindi ibig sabihin na susuko na ako. Kailangan kung maging matatag. Sana naisip ni papa na meron pa siyang anak. At miss na miss na siya." Sabi niya. Mabilis siyang nagtungo sa kuwarto upang umiyak. Masamang masama ang loob niya sa kanyang papa. Naupo siya sa may dulo ng kanyang kama. Tumutulo na ang kanyang mga luha. Naalala niya ang sinabi ng kanyang kaibigan. Kailangan niyang maglibang upang mawala ang problema niya. Bigla niyang naalala ang babaeng pinakamamahal niya. Napangiti siya ng maalala ang halik na pinagsaluhan nila kanina sa gym. Si Elaine lang ang nagpapalis ng problema niya. Maalala lang niya ang maganda nitong mukha ay nawawala na ang problema niya. Naalala niya ang sinabi ni Ace kanina na pupunta sila sa Royale Club. Naisip niyang
sumama na lang sa bonding ng kanyang mga kaibigan kaysa magmukmok sa bahay nilang magisa. SAMANTALA sa loob ng Royale Club ay naroon si Elaine, Marey, Ermelyn at Evelyn kasama ang mga kaibigan ni Enzo. Hindi alam ni Elaine na kasama pala ang mga kaibigan ni Enzo. Sana lang hindi kasama ang lalake. Ayaw niyang ma-bad trip ang gabi niya. Panay naman ang sayaw ng kanyang mga kaibigan sa dance floor kasama si Ace, Breinzon, Frank Dale , Eriex Jules at David. Sumama din ang bestfriend ni David na si Victoria kahit asiwa si Emerlyn dito. Napakaselosa talaga ng kaibigan niya. Napapangiti na lamang siya habang pinapanood ang mga kaibigang nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Nang mapagod ang mga ito sa kakasayaw ay bumalik na rin sa upuan nila. "Elaine hindi ka ba sasayaw?" Tanong ni Evelyn sa kanya habang umiinom ito ng martini. Kinuha niya ang isang shot ng martini sa bartender at ininom iyon. Mapait iyon sa panlasa niya. "Mamaya na lang." Malakas ang boses na sagot niya sa tanong ni Evelyn. Maingay ang sounds sa loob ng club kaya nilakasan niya ang boses para marinig ng kaibigan. "Hindi yata ninyo kasama si Enzo?" Tanong ni Marey sa mga kalalakihan. "Ang sabi nito kanina sakin ay titignan daw nito kung makakapunta siya ngayon." Sagot naman ni Ace. Inakbayan nito si Marey. Siniko naman ni Marey ang tiyan ni Ace at inalis ang braso nitong nakapatong sa balikat nito. “Aray, bakit mo ginawa iyon?” Tanong ni Ace habang hawak ng isang kamay nito ang nasikong tiyan. “Huh! Close ba tayo at inaakbayan mo ako?” Sabi ni Marey. “I like you Marey.” Nangungusap ang mga mata ni Ace na nakatitig sa kaibigan niya. Naghiyawan naman ang mga kaibigan nila. “Hay nako Ace kilala na kita. Napakababaero mo! Tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo?” Sabi naman ni Marey sa lalake. Lumayo ito sa tabi ni Ace at umupo sa tabi niya. "Mabuti na lang pala hindi sumama si Enzo.” Sabi rin niya.
“Ang sabihin mo Elaine namimiss mo lang siya.” Sabi naman ni Ermelyn habang umiiwas ito kay David. Pinandilatan niya ang kanyang kaibigan. Kanina habang patungo sila sa Royale club ay naikuwento niya kay Ermelyn ang nangyari sa kanila ni Enzo. Nag-peace sign pa ito sa kanya. “Mag-tos nalang tayo.” Sabi naman ni Eriex Jules. Sumunod naman ang mga kaibigan at ganun na din ang ginawa niya. Ininom niya ang isang maliit na baso ng martini. Ang mainit na dulot ng alak ay gumuhit sa lalamunan niya. Hindi siya tumigil sa kakainom. Napapadami na ang inom niya. "Opss! Look who’s in the door. Guys hayan na pala si Enzo." Pahayag ni David ng makita ang lalaking papasok sa Royale Club. Awtomatikong naibaling ang paningin niya sa entrance ng club ng marinig ang sinabi ni David. Kumabog ang dibdib niya. Napakaguwapo ni Enzo sa suot nitong maong na pantalon matching with long sleeve. Habang papalapit ito ay titig na titig si Elaine sa lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit natulala siya sa kinauupuan. Hindi niya alam kung sanhi iyon ng alak na nainom o kaya ay naabsent minded lang siya. Naparami na yata ang inom niya kaya parang natotolero na ang utak niya. Naalarma siya ng makita ang malungkot na mga mata ni Enzo. Parang tinamaan ang buo niyang pagkatao sa lungkot na nakikita sa mata nito. "Hello guys." Sabi nito na sa kanila. Titig na titig din ito sa kanya. Napalitan ng excitement ang mata nito. Parang nawala ang lungkot sa mata nito ng makita siya. Hindi parin inaalis ni Elaine ang mga mata sa guwapong mukha ni Enzo. Nakatulala parin siyang nakatitig dito. Nahihilo na siya ng mga oras na iyon sanhi ng alak na nainom. "Hoy gising! Lasing na yata si Elaine." Sabi ni Ermelyn. "Para ngang lasing na ako. Nakakalasing pala ang martini.” Sabi niya sa kaibigan. "Duh! Simpre liqiour yan eh. Pati utak mo Elaine lumipad na." Saad ni Ermelyn. "Paupuin mo si Enzo sa tabi mo walang bakante sa tabi namin." Dagdag pang sabi nito. Napatingin ulit siya sa mukha ni Enzo. Ang guwapo talaga nito sa damit nito. Nagdedeliryo na ang utak niya. Feeling niya ay umiikot ang paligid.
"Sige na Elaine hayaan mo ng umupo si Enzo sa tabi mo." Sabi naman ni Evelyn na titig na titig kay Enzo. “Okay sige na nga.” Sabi niya. Tumayo siya upang bigyan ng upuan si Enzo ngunit bigla siyang nahilo at nawalan ng balanse. Mabilis naman ang mga kilos ni Enzo at inalalayan siyang makatayo ng maayos. Napahawak siya sa dibdib nito. Iratikong kumabog ang dibdib niya sa nangyari. Naasiwa tuloy siya sa pagkakadikit ng katawan nila. Muli naman siyang pinaupo ni Enzo sa upuan. Nginitian niya ito. "Salamat! E-Enzo I-inom tayo." Kandautal na sabi ni Elaine halatang lasing na lasing na. Feeling niya ay masayang masaya siya. Tawa pa siya ng tawa na para bang nababaliw. "Inuman na sigaw ni Frank." Sabay taas ng baso. Napatingin ito kay Evelyn. Simple gesture naman ang ginawa ng kaibigan. “Tama na Elaine. Lasing ka na eh.” Sabi naman ni Enzo. Kinuha nito ang maliit na basong hawak niya at ito na mismo ang uminom niyon. Magkatabi sila sa upuan. Nahihilo na siya sa sobrang kalasingan kaya napasandal siya sa katawan ni Enzo. Niyakap naman siya ng lalaki upang alalayan. Sa hitsura nilang dalawa ay para na silang magkasintahan. Halos magtilihan ang mga kaibigan nila dahil sa nakikitang sweetness nilang dalawa. “Uy bagay kayo.” Sabi pa ni Marey sa kanila. Napangiti naman si Enzo at tinignan si Elaine na halos pumipikit na ang mga mata dala sa kalasingan. Kahit nahihilo ay nagawa parin ni Elaine na sumama sa dance floor ng yayain siya ni Frank na sumayaw. Nagsimula siyang sumayaw sa dance floor kasama si Frank. Pakiramdam niya ay napakalakas ng loob niyang sumayaw sa gitna. Iginiling niya ang kanyang malambot na katawan lalo pa’t nakadamit siya ng napakasexying damit na bakat na bakat sa makurba niyang katawan. Hinawakan naman ni Frank ang katawan ni Elaine at sinabayan sa pagsayaw. Sa ibang bahagi ng club ay mataman naman nakatitig si Enzo kay Elaine. Ayaw niya sa paraan ng pagsasayaw nito. Hindi niya maiwasang makadama ng galit sa ginawang pag hawak ni frank sa katawan ni Elaine. Nakikita niya ang malaswang pagsayaw ng dalaga sa harapan ni Frank at ang pagiling nito. Hindi siya nakatiis. Nagtungo siya sa dance floor.
“May I dance with her?” Bulong niya kay Frank. Tumalima naman agad si Frank. Lingid sa kaalaman ni Elaine na siya na pala ang kasayaw nito. Hinawakan niya ang beywang nito at humawak din ito sa batok niya habang nakapikit parin ang mga mata nito. Sinundan niya sa bawat galaw at sayaw nito. Hindi niya napigilan ang sariling bumulong sa tainga nito. "You're so beautiful Elaine." Anas ni Enzo sa tainga ni Elaine. Nabigla si Elaine pagkarinig sa boses ng lalake. Kilala niya ang boses na iyon at pamiliar sa kanya ang baritonong boses na iyon. Awtomatikong naimulat niya ang kanyang mga mata at tinignan ang kaharap na lalake. Hindi nga siya nagkamali sa boses nito. Ang mukha ni Enzo ang namulatan niya. Napakalapit ng mukha nito sa mukha niya. Kulang na lang ay halikan siya. Naamoy niya ang mabango nitong hininga na nagdulot sa kanya ng kakaibang sensasyon sa buo niyang katawan. Magkadikit na magkadikit sila. Hindi niya magawang alisin ang mga titig niya sa guwapong mukha nito. “I think I’m in love with you.” Anas ng isipan niya. Malakas ang bawat pintig ng kanyang puso. Hinaplos niya ang mukha nito. Tinignan ang labi nito. At naalala niya ang halik na pinagsaluhan nila sa gym. “Damn you Enzo! Bakit ko nararamdaman ito?” Sabi ng isip niya. Mayamaya ay unti-unting bumababa ang labi ni Enzo. Parang slow motion pa ang pagbaba ng labi nito sa labi niya. Sa una ay pagdampi-dampi ang ginawa nitong paghalik ngunit kinalaunan ay naging mapusok ang pag-angkin nito sa labi niya. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata at hinayaan itong halikan siya. Ibinuka niya ang kanyang mga bibig. Sa ginawa niyang iyon ay para na rin niyang binigyan ito ng karapatan halikan siya. Mas lalong lumalim ang halikan nila sa gitna ng dance floor. Hindi na nila alintana kung sino man ang makakakita sa kanila. Walang ibang nagawa si Elaine kundi ang gantihan ito ng halik. Ang lambot ng mga labi nito at parang lumulutang siya sa alapaap. "Elaine I want you." Bulong na sabi ni Enzo sa gitna ng kanilang halikan. Pagkatapos ay ipinagpatuloy ulit nito ang halik. Sa narinig ay parang biglang nabuhusan ng malamig na tubig ang nag-aalab na pakiramdam ni Elaine. Itinulak niya si Enzo upang makawala sa yakap nito. Tinalikuran niya ito
at bumalik sa mga kaibigan. Natakot siya sa sinabi nito. Hindi lubos niya akalain na gusto nitong maka-score sa kanya. Baka paglaruan lang siya ng lalake. Sana ay I love you na lang ang sinabi nito mas magugustuhan pa niyang marinig kaysa ang I want you. Nakakabastos kasi kapag I want you! Parang walang pagmamahal, parang sex lang ang gusto nito. "Ano ba ang gusto mong marinig Elaine? Ang sabihin niyang mahal ka niya. Wala sa katangian ng lalaking iyan ang iibig sayo dahil sa una palang ay kinasuklaman mo na siya. Baka nga gumaganti lang iyon sayo sa pagiging mataray mo." Sigaw ng bahaging isipan ni Elaine. Nagbalik si Elaine sa lamesa ng kaniyang mga kaibigan. Nakita niya si Marey na kausap si Ace. Si Ermelyn at David naman ay nakita niyang nagsasayaw parin sa dance floor. Si Breinzon naman ay nakikipagtalo kay Victoria. Ang mga iba pa nilang kasamahan ay hindi na niya mahagilap. Kinuha niya ang isang buti ng margarita at ininom iyon ng diretso. Gusto niyang magsaya at makalimot sa mga nangyayari. Umiikot na ang buong paligid ni Elaine. Sumandal siya sa upuan at mariing ipinikit ang kanyang mga mata. Sumasakit ang kanyang ulo at parang gusto na niyang matulog. She was really drunk! Halos hindi na siya makatayo sa upuan. Hanggang sa nakatulog siya dala ng kalasingan.
Chapter 5 BINUHAT ni Enzo si Elaine papasok sa kanyang bahay. Nagpresenta siyang ihatid ito sa bahay nito pero nakalimutan niyang tanungin sa mga kaibigan ang address ng bahay nito. He tried to call them ngunit isa man sa mga kaibigan nito’y hindi sumasagot sa tawag niya. Nagpasya na lang siyang iuwi si Elaine sa bahay niya. Inilapag niya ito sa malambot na kama at inayos sa pagkakahiga. Umupo siya sa tabi nito. Hinaplos ang pisngi ng pinakamamahal niyang babae. Ang maamo nitong mukha ay himbing na himbing sa pagtulog. Mahahaba ang pilik mata nito. Matangos rin ang napakacute nitong ilong. Mapupula ang labi nitong nag-aanyayang mahalikan. Those lips are the sweetest soft lips he’d ever tasted. He was so amazed by her beauty. Maganda si Elaine. Nabighani nga siya no’ong unang araw niya itong makita sa UP Diliman. Gusto niya itong kaibiganin ngunit hindi naging maganda ang unang pagtatagpo nila.
Tinignan ulit niya ang mukha nito. Para itong anghel na natutulog. Hindi mataray. Hindi masungit! Bahagyang nakaawang ang mapupula nitong labi. “I love you my future wife.” Bulong niya tainga nito. Hindi niya napigilan ang sariling dampian ito ng halik sa mga labi. Gumalaw si Elaine ng maramdamang may humahalik sa kanya. Ang paraan ng paghalik ng labing iyon ay pamilyar. Bahagyang naimulat niya ang kanyang mga mata. "E-Enzo?" Nanghihina at inaantok na tanong ni Elaine. “Yes baby it’s me. Nandito ka sa bahay ko. Matulog ka na." Malambing na sabi ni Enzo. Hinaplos nito ang pisngi niya. Ikinawit naman niya ang isang kamay sa batok nito. Hinihila ang mukha nito palapit sa kanya. Ngumiti siya. “Enzo.” Anas ni Elaine. Hindi napigilan ni Enzo ang mabilis na pag-udyok ng pagkasabik na damhin ang labi nito. Kinuyumos niya ang mga labi ni Elaine. Nilukuban ito sa kama. And this time gusto niyang maangkin ang babaeng pinakamamahal niya. He continue on kissing her habang humahaplos ang mga kamay niya sa iba’t-ibang parte ng katawan nito. Hindi namalayan ni Elaine na kahit isang saplot ay wala na sa katawan niya. Damang dama niya ang bawat halik at haplos ni Enzo sa katawan niya. Hindi rin niya ito pinigilan kahit alam niyang mali ang ginagawa nila. Siguro ay alipin parin siya ng alak dahil pakiramdam niya ay napakatapang niya. Hindi siya natatakot sumubok sa mga mangyayari sa kanila ni Enzo. Humahalik ang labi ni Enzo leeg niya. "Elaine I want you baby." Anas nito. Nakiliti naman siya ginagawa nito. "I-I want you too Enzo." Sambit din niya. “I love you.” Muling sambit ni Enzo. “I love you too.” Agad na sagot niya. Nasaktan siya sa unang pagpasok nito. Parang napunit ang bahaging iyon. Totoo nga na masakit sa una pero nang tumagal ay nawala rin ang kirot na dulot ng pag-iisang katawan nila. Hanggang sa natapos ang karerang kasama si Enzo. Masidhing kasiyahan ang kanyang naramdaman sa piling ni Enzo. Nakatulog siya dala ng pagod at kalasingan.
NAGISING si Elaine sa sinag ng araw na sumisilaw sa kanyang mga mata. Bigla siyang nakaramdam ng masidhing hang-over. Ito ang pinakaayaw niya kapag nalalasing. Hinawakan niya ang kanyang ulo sa tindi ng pagkirot niyon. Masakit din ang ibang parte ng katawan niya. Particularly sa pagitan ng kanyang mga hita. Akma na sana siyang bababa sa kama ng mapansin iba ang ambiance ng kuwartong tinulugan niya. Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari kagabi ngunit hindi niya masyadong maalala. May paputol-putol na eksena ang pumapasok sa isip niya. Naalala niyang nasa Royale Club siya kasama ang mga kaibigan at si E-Enzo... Bigla niyang naalala ang mga nangyari sa kanila ni Enzo kagabi. Bumakas sa mukha niya ang pangamba. “Anong nangyari sa amin kagabi?” Takang tanong niya sa sarili. Sinuri niya ang buong katawan. “Oh my gosh! This is not happening. Wake up Elaine nanaginip ka lang.” Sabi niya sa sarili. Kinurot niya ang kanyang katawan upang siguraduhing gising siya. Tumingin siya sa buong paligid. Naramdaman niyang may katabi siyang lalaki sa kama. Tinignan niya ito. Ang guwapong mukha ni Enzo ang tumambad sa harapan niya! Ang nag-iisang lalaking nagpadama ng kaligayahan sa kanya kagabi. Ang lalaking mahal niya. Pinagsasampal niya ang braso nito na himbing na himbing parin natutulog sa kama. "Hayop ka Enzo! Anong ginawa mo sakin?" Sigaw niya. Nagising naman ito. "Aw! Stop it Elaine." Padaing na sabi ni Enzo sa ginawang pagsampal at pagsuntok sa katawan nito. Hinawakan nito ang kamay niya upang pigilan siya. "Anong ginawa mo sakin!?" Muling sigaw ni Elaine. Binawi ang kamay niyang hawak ni Enzo. “Paano na ako ngayon?” Nanlulumong tanong niya sa lalaki. Sumiksik siya sa dulo ng headboard sa kama covering her naked body with the blangket. "We just certainly make love last night Elaine. I’m sorry!" Sabi ni Enzo sa kanya. Sinampal ulit niya ang malapad nitong katawan. “We just certainly make love! And you’re sorry about it!?” Nagngitngit siya sa Galit. “Iyan lang ba ang sasabihin mo sakin. Ano ito laro? How could you do this to me Enzo. Napakasama mo.” Sabi niya. Tumulo ang mga luha ni Elaine knowing she had lose her virginity. Nalasing siya kagabi. Hindi niya masyadong matandaan ang mga nangyari sa kanila ni Enzo. Paano ako nakarating
sa bahay nito at sa kuwarto nito? Bigla ay nainis siya sa kanyang mga kaibigan. Iniwan siya sa kamay ni Enzo. Subalit hindi dapat niya sisihin ang mga kaibigan dahil kasalanan naman niya ang nangyari sa kanya. Kung hindi sana siya nagpakalasing kagabi ay di sana nangyayari ito. Hindi lubos akalain ni Elaine na sa isang iglap ay nawala ang pagkababae niya. Hindi na niya malaman kung ano ang gagawin ngayon. Hiyang-hiya siya sa mga nangyari sa kanila ni Enzo. Tumayo si Elaine sa kama. Paika-ikang pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig. Napatingin siya kay Enzo. Nakita niya ang hubo’t hubad nitong katawan. Most particularly sa ibabang bahagi niyon. Napalunok siya. It’s huge. Iniwasan niya ang sariling tignan ang bahaging iyon. “Where’s your bathroom?” Tanong ni Elaine sa lalaki. Umiiwas na makita ang hubad nitong katawan. Sinabi naman ni Enzo ang banyo sa loob ng kuwarto nito. Tinalikuran niya ito at mabilis na pumasok sa loob ng banyo. Inilocked ang pinto upang hindi makapasok si Enzo. "What did you do last night Elaine? Ano na ang mangyayari sayo ngayon?" Tanong niya sa kanyang sarili. Huminga siya ng malalim at nagsimulang maghilamos. Muli niyang isinuot ang damit na ginamit kagabi. Gusto na niyang makauwi dahil pakiramdam niya ay napakarumi niya. Matapos makapag-ayos ay lumabas na siya sa banyo. Napatingin siya kay Enzo na hubo’t hubad parin nakahiga sa kama. Sa inis ay inihagis niya ang kumot sa lalaki. Ayaw niyang makita ito sa gano’ong hitsura. “Magdamit ka nga! Tingin mo maganda kang tignan sa hitsura mo.” Naiinis na sabi ni Elaine. Hindi niya makakayang makita at makausap ito na nakahubad. Tinalikuran niya ito. Kinuha ang mga gamit at akmang lalabas sa pintuan ng kwarto ni Enzo. "Saan ka pupunta? Can we talk about what happen last night." Sabi ni Enzo. Nagtagis ang bagang niyang napatingin dito. "You know that I was drunk last night but what did you do Enzo! You took advantage with me. How can you possibly do this?" Napaiyak siya. “Enzo hindi ko alam ang ginagawa ko kagabi. Hindi ko nga matandaan ang mga nangyari sa atin. I don’t even know how the heck I got into your room. Please lang gusto ko ng makauwi samin. Masakit na ang ulo ko.” Nanghihinang umupo siya sa kama.
"I-i’m sorry Elaine hindi ko sinasadyang gawin ito sayo. Lasing din ako kagabi at hindi ko din alam ang ginagawa ko. I’m just a guy and I can't resist you were flirting with me last night. Hindi ko napigilan ang sarili kong angkinin ka. Nawala ang control ko. I’m sorry!" Paliwanag ni Enzo. Tinignan ulit niya ang mukha nito. "I’m flirting with you? My gosh! I don’t know Enzo.” Sapo ang ulo. Hiyang hiya sa mga nangyari. “Pinagsisisihan ko ang nangyari. Hindi pala maganda ang nalalasing. Promise hindi na ako maglalasing. I need to go home Enzo. Baka hinahanap na ako ng lolo at lola ko.” Sabi niya. Pinahid ang mga luhang lumandas sa kanyang mukha. "Hintayin mo ako magpapalit lang ako. Ihahatid na kita." Sabi naman ni Enzo . Pumayag na siyang ihatid nito dahil hindi naman niya alam kung paano lalabas sa bahay nito. Pumasok si Enzo sa banyo. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo marahil ay naligo muna ito. Naglakad lakad siya sa kuwarto nito. Tinignan ang kabuoan ng kuwarto ni Enzo. Maganda ang loob ng kuwarto. Masinop sa mga gamit ang lalaki. Malinis ang mga gamit. Nakita niya ang isang picture frame na nakapatong sa appliances nito. Tinignan niya iyon. Sa larawan ay nakita niya si Enzo kasama ang pamilya nito. They look very happy on the picture. Napakacute ni Enzo noong bata pa ito. “That’s my mama and papa.” Sabi ni Enzo. Hindi niya namalayan lumabas na ito mula sa banyo. Nakaligo at nakabihis na ito. Napatingin siya dito. “Nasaan sila?” Tanong niya. Nalungkot ang mukha nito. "Kumain ka muna bago kita ihatid sa bahay ninyo. Sorry nga pala kagabi. Dapat ay ihahatid kita sa bahay ninyo pero nakalimutan kong tanungin sa mga kaibigan mo ang address ng bahay mo. Sinubukan ko silang tawagan pero hindi na sila sumasagot kaya nagdesisyon na lang akong iuwi ka sa bahay ko." Sabi ni Enzo. Hindi nito sinagot ang tanong niya. Hindi na rin niya tinanong ang tungkol sa pamilya nito. Siguro ay confidential ang tanong niya. “Kasalanan ko naman ang lahat. Sorry naglasing ako. Gusto ko lang kasing makalimot at maging masaya kagabi! Hindi ko rin nakontrol ang sarili ko.” Sabi niya.
“Okay lang. Alipin tayo ng alak kaya natin nagawa iyon.” Sabi ni Enzo at bahagyang ngumiti sa kanya. “Oo nga eh. Next time ayoko ng magpakalasing hindi pala magandang nawawala ang control ko sa sarili ko.” Natatawang sabi niya. “Wow for the first time tumawa ang best enemy ko.” Natatawang sabi ni Enzo. Mahinang sinampal niya ang braso nito. “Hindi ba’t tumatawa din ako dati?” Tanong niya. “Oo pero hindi sakin.” Sabi nito. Napangiti ito sa kanya. “Tara sa ibaba ng bahay kumain muna tayo.” Sabi nito. Lumabas na sila sa kuwarto nito. Nagtungo sila sa kusina ng malaking bahay at nabungaran nila ang dalawang katulong at isang matandang babae. Nagulat ang mga ito ng makita sila. Ngumiti si Enzo sa mga ito. “Good morning po!” Sabi nito. “May kasama ka palang magandang babae Enzo.” Sabi ng matandang babae. Nginitian niya ito. “Magandang umaga po.” Bati niya. “Nanay Aida meet Elaine kaklase ko sa school.” Sabi ni Enzo. Hinila ni Enzo ang upuan para sa kanya. Umupo siya sa harap ng hapag kainan. Inihanda naman ng mga katulong ang mga pagkain sa lamesa. Nakangiti si Enzo sa kanya. Napangiti na rin siya at umiwas ng tingin dito. Nagsimula na silang kumain. Napapansin naman ni Nanay Aida ang mga ngiting nakaukit sa kanilang mga labi at ang mga titigan nilang dalawa. “Hmm... Ikaw ba ang girlfriend ni Enzo?” Tanong ng matandang babae sa kanya. Napatingin siya sa matanda. “Nako hindi po.” Sabi niya. “Magiging girlfriend pa lang po sana nanay kapag sinagot niya ako.” Sabi naman ni Enzo habang nakatingin sa kanya.
Nagulat naman siya sa sinabi ni Enzo. “Bakit nanliligaw ka ba sakin?” Tanong niya. “Oo kung puwede.” Sabi naman nito Hindi siya makaimik o makahagilap ng sasabihin dito. May nangyari na nga sa kanila. Kung tutuusin ay mas higit pa sila sa magkasintahan dahil sa nangyari kagabi. Nginitian na lamang niya si Enzo bilang sagot sa tanong nito. Matapos kumain ay nagpahatid na siya kay Enzo. ANG SUMUNOD na mga araw ay naging masaya ang pakikitungo ni Elaine kay Enzo. Hindi na rin niya ito sinusungitan. Palagi itong nakikisabay at nakikipag-usap sa kanya. Arawaraw din itong nagbibigay ng mga bulaklak. Minsan nga ay ito pa ang bumibili ng pagkain niya. At minsan ito rin ang nagbubuhat ng mga gamit niya sa school. Naging sentro sila ng usapusapan at mga mata ng estudyante sa UP Diliman. Maraming nagsabing bagay sila. Marami rin ang naiinis at nagseselos sa kanila. Isang araw habang naglalakad si Elaine patungo sa klase niya ay may lumapit sa kanyang lalaki. Kilala niya ito. Ang magaling at popular na football player sa school nila. Sa kaunaunahang pagkakataon ay sumabay ito sa kanya. Kahit kailan ay hindi pa niya ito nakakausap kahit kilala niya ito. Ngumiti ito sa kanya. “Hi Elaine. I’m Rafael Santiago. Puwede ba akong makipagkaibigan sayo?” Sabi nito. Nginitian din niya ito. “Hi Rafael. Sure why not!” Sabi niya. “Matagal ko ng balak makipag-usap sayo kaso nahihiya lang akong lapitan ka.” Nakayokong sabi nito. Natigilan siya. Tinignan niya ito. Hindi naman ito pangit. Sa katunayan nga ay may hitsura ito. “B-bakit ka naman nahihiya sakin Rafael? Actually nagulat nga ako sa paglapit mo sakin ngayon na alam kong hindi mo naman ginagawa noon.” Sabi niya. Napakamot ito sa ulo at tumingin sa kanya. “Hmm... eh kasi m-may gusto sana akong sabihin sayo.” Halos namumula na ang mukha nito dahil hindi nito masabi ang gusto nitong sabihin sa kanya.
Nginitian niya ito. “Ano naman ang gusto mong sabihin sakin?” Tanong niya. Lalo yatang namula ang mukha nito. “Lalakasan ko na ang loob ko Elaine. P-puwede ba akong manligaw sayo Elaine?” Nahihiyang tanong nito. Nagulat naman siya sa sinabi nito. Hindi siya makaimik o makahagilap ng isasagot dito. Guwapo naman ito. Matangkad, maganda ang katawan, magaling na football player, matalino at magaling sa electronics. “Ikaw ang bahaaa...” Naudlot ang sasabihin niya ng makita si Enzo na lumalapit sa kanila. “Elaine kanina pa kita hinahanap.” Sabi ni Enzo. Natigilan ito ng makitang kausap niya si Rafael. Nag-iba ang mood ng dalawang lalaki. Nakikita niya ang namumuong galit sa mata ng mga ito. “Ahmm. Kausap ko lang si Rafael.” Sabi niya. Tumingin si Enzo sa kanya. Ang nakakunot nitong noo ay umaliwalas at ngumiti sa kanya. “Akin na yang mga gamit mo at ako na mag mabubuhat niyan.” Sabi nito. Kinuha nito ang binder, libro at bag niya. Hinawakan din nito ang kamay niya at hinila siya palayo kay Rafael. “Sige Rafael mauuna na kami.” Paalam niya sa lalaki. Tumango naman ito sa kanya. “Enzo Mendez!” Sabi nito na may bahid ng pagbabanta. Tumingin si Enzo kay Rafael. “ Bakit Rafael Santiago?” Kunot noong tanong ni Enzo. “Huwag kang pakakasiguro sa ginagawa mo. Alam ko ang plano mo.” Sabi nito. Tumalikod na ito sa kanila. Kunot noong napatingin siya kay Enzo. “Anong sinasabi niya Enzo? ” Nagtatakang tanong niya. Kumibit balikat lang si Enzo. “Malay ko dun. Galit lang iyon sakin dahil mas guwapo ako sa kanya.” Sabi nito. “Nanliligaw ba si Rafael sayo?” May bahid na pagseselos ang tanong nito.
Nakatitig ito sa mukha niya. Sinalubong niya ang titig nito. “Hmm. Well umamin sakin kanina kung puwede ba siyang manligaw. Hindi ko na nasagot dahil dumating ka na eh.” Sabi niya. “Ako kailan mo ako sasagutin Elaine?” Biglang hirit ni Enzo sa kanya. “Hmm...Wala bang romantic place para diyan?” Nakangiting tanong niya. Itinaas niya ang kamay nilang kanina pa magkalapat. Kung titignan ng mga tao ang hitsura nila ngayon ay masasabing magkasintahan na sila. Napangiti na rin si Enzo. “Romantic place! Hmm... Come with me tonight. Ipapakita ko ang romantic place na gusto mo.” Sabi nito. “A date?” Nakangiting tanong niya. “Yes! A date with you my one and only love.” Sabi nito. Akma nitong hahalikan ang labi niya ng biglang tumunog ang bell. “Save by the bell.” Natatawang sabi niya.
Chapter 6 Dinala ni Enzo si Elaine sa Hidden Valley Spring that located in Alaminos City of Laguna. Dalawang oras ang biyahe from manila. Maganda ang lugar. Spending time with Elaine sa pribadong resort na iyon ay masasabing romantic. The resort was a natural beauty that is home to untouched forest, giant ferns, waterfalls, and numbers of botanical plants and century-old tress. Puwede din silang mag-overnight doon kung gugustuhin nila. Maganda ang cluster cottages na cozily designed. Naglalakad si Elaine kasama si Enzo sa magandang lugar sa Laguna. It’s so romantic! May dinner date sila ng gabing iyon. She was wearing a backless purple dress above the knees, a one inch high heels that match to her dress, and a white pearl earings that match to her necklace. Her long hair was tied up at bahagyang kinulot sa dulo niyon. That’s make her even more prettier.
“You look so beautiful Elaine.” Munkahi ni Enzo habang hinihila nito ang upuan para sa kanya. Nginitian niya ito. “Thank you.” She replied. Umupo ito sa harapan niyang mesa. “Sana nagustuhan mo itong date natin.” Sabi nito na titig na titig sa kanyang magandang mukha. Ngumiti ito. Kinuha nito ang kamay niya. “Of course Enzo this place is so romantic.” Anas ni Elaine na puno ng kasiyahan sa kanyang puso. Kung alam lang ni Enzo kung gaano ito kaguwapo sa suot nito. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid. The place was so perfect! Parang pinasadya talagang ayusin ang lugar na ito para sa date nila ni Enzo. May mga ilaw na nakasabit sa mga puno sa paligid. Red and white rose petals na nagkalat sa sahig. Maganda din ang view sa waterfalls. May mga candles din na nakaayos sa lamesang kinauupuan nila. Marami ang ginawang designed sa lugar na iyon upang magmukhang maganda para sa date nila ni Enzo. “Shall we eat?” Tanong nito. Tumango siya. Tinawag nito ang chef and waiters na maghahanda ng mga pagkaing kanilang kakainin ngayong gabi. Inilabas ang iba’t ibang klase ng pagkain. Napakarami niyon para sa kanila. Balak yata ni Enzo na patabain siya sa sobrang dami ng mga pagkain inihanda para sa kanila. Habang kumakain ay pumapailang-ilang ang tugtog ng mga violinista at pianista sa kantang Forever’s Not Enough ni Sarah Geronimo. If I would have to live my life again I'd stay in love with you the way, I've been. Your love is something no one ever can replace I can't imagine life with someone else. I promise I will share my life with you. Forever may not be enough it's true. My heart is filled with so much love I feel for you. No words can say how much I love you so… Tinititigan ni Elaine si Enzo. Deep inside her heart ay may umuusbong na matinding pagmamahal. Hindi niya mapigilan ang sariling makadama ng kakaiba sa lalaking nagpapatibok sa kanyang puso. Tumingin si Enzo sa kanya. Nginitian niya ito. Kasabay ng malakas na pagkabog sa kanyang puso. Bahagyang yumuko siya upang umiwas sa mga titig nito. “May I have this dance with you Elaine?” Malambing na tanong ni Enzo.
Muli niyang iniangat ang mukha upang tignan ito. “O-oo naman.” Sagot niya. Ngumiti ito. Kumapit siya sa kamay nitong nakalahad sa kanya. Dinala siya sa gitna. Marahang hinawakan ni Enzo ang baywang niya at dahan-dahang isinayaw sa saliw ng musika. Nakatitig lamang ito sa mukha niya habang ang mga mata nila ay nag-usap. Walang nagsasalita. Ang mga puso lamang nila ang nagpapahiwatig ng pagmamahal sa isa’t-isa. Ikinawit niya ang mga kamay sa batok nito. Ipinilig ang kanyang ulo sa dibdib nito. Dinig niya ang pintig sa puso ni Enzo habang humihigpit ang pagkakayakap nito sa baywang niya. They dance with so much compassion. Walang ibang iniisip kundi ang mundo nilang dalawa. For you, there’s nothing I can do and never will I ever go. Forever's not enough to love you so, but if forever ends one day. I'll promise you I'll stay to show you that my love for you will never end... And if forever's not enough for me to love you I'd spent another lifetime baby if you ask me to. There’s nothing I won't do Forever's not enough for me to love you so. “I love you Elaine. Can you be my girlfriend, Please?” Bulong ni Enzo habang kasayaw ang babaeng pinakamamahal. Bahagyang inangat ni Enzo ang mukha ni Elaine upang malaman ang kasagutan nito. Tumingin si Elaine sa nangungusap na titig ni Enzo. “Y-yes!” Sagot ni Elaine. Hinaplos ni Enzo ang mukha niya. “You mean yes! Tayo na? Pumapayag ka ng maging girlfriend ko?” Hindi makapaniwalang muling tanong ni Enzo. “Oo tayo na nga.” Nakangiting sambit niya. Sumigaw ito ng malakas. “Yes! Kami na ni Elaine. Yoohoo...” Sigaw nito. Natawa naman siya kay Enzo. Hinila niya ito. “Ano ka ba ang ingay mo. Nakakahiya.” Sita niya sa lalaking minamahal. Binuhat ni Enzo si Elaine at inikot sa ere. “Kung alam mo lang Elaine kung gaano mo ako pinasaya ngayong gabi. Ang sayasaya ko na girlfriend na kita. Walang nakakahiya Elaine kung isisigaw ko sa mundo na sinagot mo na ako!” Puno ng kasiyahan ang boses nito.
Ibinaba ni Enzo si Elaine. Sandaling nakalimutan ni Elaine ang huminga habang nakapikit ang mga matang pinapakiramdaman ang lalaking minamahal. Hinaplos ni Enzo ang mga labi niya. Unti-unting lumapat ang mga labi ni Enzo sa kanyang mga labi. At pakiramdam niya’y lumilipad siya habang inaangkin ng binata ang kanyang mga labi. Parang may sariling isip ang mga labi niya na bahagyang umawang para bigyan-daan ang mas maalab at mas malalim na halik na gustong ibigay ni Enzo. Halos isang minuto nang magkalapat ang kanilang mga labi. Para bang nahinang na iyon sa isa’t isa. Ayaw nang maghiwalay pa. “I love you, Elaine. Alam ko na may sparked sa atin no’ong una tayong magkita.” Bulong ni Enzo. Muli siyang hinalikan ni Enzo. Napapikit siya. Napasinghap. Lalo na nang ulit-ulitin ni Enzo ang paghalik sa kanya. Maiigsing mga halik. Padampi dampi. Ngunit mas masarap sa pandama ang ganoong uri ng halik na iginagawad nito. Nagpapasabik. Napayakap siya sa binata. Ikinawit ang dalawang kamay sa batok nito. Damang dama niya ang bawat mensaheng ipinapahiwatig ni Enzo. Ang bawat bulong ng pagmamahal nito. Pahigpit ng pahigpit ang pagkakayakap niya rito. “I love you, too.” Bulong din niya habang magkadikit ang tungki ng ilong nila. “Only you...” Ani Enzo. “Only you, too,” Tungon niya. Then he kissed her again. Again and again. Habang ang mga katawan nila’y magkayakap. “Promise me you’ll be faithful.” Tanong niya kay Enzo. “I promise.” “Forever?” “Yes forever baby.” Dumapo ulit ang mga labi ni Enzo sa labi niya. Ginantihan niya ang maalab nitong mga halik.
“Walang ibang lalaki sa puso mo kundi ako lang.” Tanong nito. “Walang ibang lalaki kundi ikaw lang Enzo.” Sagot ni Elaine. Hinalikan ulit ni Enzo ang mga labi niya. “Lahat sasabihin mo sakin? Walang lihiman?” Tanong naman ni Elaine sa lalaking minamahal. “Lahat ay sasabihin ko sayo, I promise baby.” Pangako ni Enzo. Nginitian niya ito at niyakap ng mahigpit. “Oh I love you Enzo.” Bulong niya. Ang buong gabing iyon ay iginugol nila sa pagkukuwentuhan, sa sumpaan ng katapatan at pagmamahalan. Bumuo sila ng pangarap sa isat isa. Ganito pala ang pag-ibig. Nakakasabik. Kapag dumating, parang isang bulalakaw na bumubulusok at walang sino man ang makakapigil. MONDAY MORNING pumasok si Elaine sa UP Diliman na masayang masaya. Parang lutang ang puso niya sa alapaap. Halos lahat ng mga bumabati sa kanya ay nginingitian niya. Napansin ng mga kaibigan niya ang masayang aurang nakapinta sa mukha niya. “Ang blooming mo ngayon Elaine.” Biglang agaw pansin ni Ermelyn sa kanya. “Share to tell us why?” Tanong nito. Natawa siya. “Kami na!” Sagot niya. Naguluhan ang tatlong kaibigan niya. “Sino?” Sabay na tanong ni Evelyn at Marey. Nahinto sa pagtetext si Ermelyn at tumingin sa kanya. Napangiti siya. “Kami na ni Enzo. Sinagot ko siya no’ong Friday sa date namin.” Masayang munkahi niya sa mga kaibigan. “See that’s why she’s blooming today.” Sabi ni Ermelyn. “I’m happy for you friend.” Dagdag na sabi nito. Muli niyang nginitian si Ermelyn. “Thanks friend.” Sabi niya. “Evelyn i’m sorry sinagot ko ang crush mo.” Paumanhin ni Elaine sa kaibigan na matagal ng may crush kay Enzo.
Bahagyang natawa naman si Evelyn. “I knew from the beginning na may gusto si Enzo sayo. Sinabi ni Frank sakin. Don’t be sorry Elaine. No hard feelings. See tama ako kakainin mo din ang mga sinabi mo noon. May sinasabi ka pa ngang...” “Over my dead beautiful body. Hindi ko siya papatulan.” Natatawang sinabayan ni Marey ang mga sinasabi Evelyn. Natawa na rin siya sa sinabi ng dalawang kaibigan. Tama ang mga ito. Sinabi nga niya iyon dati. Pero kinain din niya ang mga binitawang salita noon. Ano ba ang magagawa ko. Tinamaan ako ng pana ni kupido. “Yeah, I know sinabi ko iyan noon.” Pag-amin ni Elaine. Nagawi ang tingin niya sa mga kaibigan ni Enzo na nakatambay sa dating tambayan ng mga ito. Wala pa si Enzo roon. Nakita niyang may kasamang babae si Ace Delos Reyes. Maganda ang babae. Maputi. Mahaba ang itim na buhok. Sexy din ang babae. “May connection kayo ni Frank?” Tanong ni Ermelyn kay Evelyn. “Nako wala..” Mabilis na sagot ni Evelyn at umiiwas ng tingin sa mga kaibigan. Parang may itinatago ito sa kanila. Tumingin naman si Marey sa grupo ng mga kaibigan ni Enzo. Ang nakangiti nitong mukha ay napasimangot ng may makitang hindi kanais nais sa grupong iyon. May bahid na pagseselos ang nakalihistro sa mukha ng kaibigan. “Sino kaya ang babaeng kaakbay ni Ace?” Tanong niya. Tumingin naman si Evelyn at Ermelyn sa grupong iyon. “Kahit kailan talaga ay babaero ang Ace na iyan.” May galit ang tono ng boses ni Marey. Lumapit si Evelyn sa kaibigan. “Marey okay ka lang ba?” Tanong nito. “I-I guess so...” Tipid na sagot nito. Umiwas ito ng tingin sa grupong iyon. Nagkibit balikat na lamang si Ermelyn sa kanya. Tulad niya ay hindi rin alam ang nangyayari sa kaibigan nilang si Marey.
Nagawi ang tingin ni Elaine sa lalaking nabungarang naglalakad palapit sa kanya. Kumabog ng malakas ang kanyang puso recognizing Enzo ang nag-iisang lalaking minamahal niya. Sa puso niya ay sumalakay ang matinding kaba. Nakangiti si Enzo habang lumalapit sa kanya. Hindi niya ito nakita ng isang araw. Pakiramdam niya’y sobrang namiss niya ito. Nang makarating ito sa harapan niya’y hinawi nito ang kaunting hibla ng buhok niyang nakaharang sa kanyang mukha. “Hi baby. I miss you!” Sabi nito. Ginawaran siya ng munting halik sa mga labi. Nginitian niya ito. “I miss you too.” Anas niya. Niyakap siya ni Enzo ng mahigpit. Ang sarap ng pakiramdam na kayakap ang minamahal. Umupo si Enzo sa tabi niya at habang magkadikit na magkadikit ang katawan nila’y bumubulong ito sa kanya. “Kumusta ang baby ko?” Tanong nito. “I love you.” Bulong nito sa tainga niya. Tinignan ni Elaine si Enzo. Hinawakan ang pisngi nito. “I love you too. Okay lang ako. Maaga akong pumasok kasi namiss ko ang mukha mo.” Nakangiti niyang niyugyog ang mukha nito. Muli ay dinampian ni Enzo ng halik ang mga labi ni Elaine. “Ikaw baby kumusta ka naman?” Tanong niya. Nakangiti ito. “Masayang masaya baby. Alam mo kung bakit, Kasi girlfriend na kita.” Anas nito. Hinalikan nito ang pisngi niya. Nakaupo si Enzo sa may bench kayakap siya. “Ang sweet naman... Nakakaingit!” Kinikilig na sabi ni Ermelyn. Napangiti si Enzo sa kaibigan. “Sweet din naman kayo ni Dave, Ermelyn. Hindi mo kami kailangan kaingitan.” Sabi ni Enzo. “Yeah, I know.” Sagot ni Ermelyn.
Isa-isang lumalapit ang mga kaibigan ni Enzo sa tambayan nila. Unang lumapit si David. “Tol Enzo congrats sinagot ka na ni Elaine.” Sabi ni David tinapik nito ang balikat ni Enzo. Lumapit ito kay Ermelyn at niyakap ng mahigpit ang nobya. Ginawaran nito ng halik ang mga labi ni Ermelyn.“I love you, honey.” Bulong nito. “I love you too, hon.” Nakangiting tugon naman ni Ermelyn kay David. “Masyadong matamis dito Marey. Lalangamin tayo kung hindi tayo aalis.” Natatawang sabi ni Evelyn. Tumawa silang lahat sa sinabi ng kanilang kaibigan. Lumapit naman si Frank Dale Yanuaria at kinulit si Evelyn. “Anong meron sa inyo ni Evelyn, Frank?” Tanong ni Ermelyn. Pinandilatan ni Evelyn ang kaibigan. Natawa lang si Ermelyn sa ginawa nito. “Nililigawan ko siya. Matagal na.” Munkahi ni Frank. “I hope na sagutin na niya ako. Nakakaingit kasi kayo eh.” Sabi nito. Bahagyang kinurot ni Evelyn si Frank. Lumapit naman si Ace Delos Reyes sa kanila. Kasama nito ang magandang babaeng nakahawak sa braso nito. Nakasimangot parin si Marey. Mukhang nagseselos ito sa babaeng kasama ni Ace. “Elaine panalo na ba talaga si Enzo sa puso mo?” Tanong ni Ace. Ngumiti si Elaine. “Oo naman. Hindi ko naman ito sasagutin kong hindi ko ito mahal.” Sabi niya habang nakatuon ang paningin kay Enzo. Hinalikan ni Enzo ang leeg niya. Bahagyang nakiliti siya sa ginawa nito. “Guys mauuna na ako sa inyong lahat.” Sabi naman ni Marey halatang umiiwas kay Ace. Akmang aalis si Marey ng pigilan ito ni Ace. “Sandali lang Marey. Huwag ka munang umalis.” Pigil ni Ace sa braso ng kaibigan.
“Hmm.. Sorry Ace but I really need to go.” Hindi nagpapigil na sabi ni Marey. Mabilis itong naglakad paalis sa tambayan nila. Nanlumo si Ace. Lumapit naman ang kasama nitong babae sa tabi nito. “Kuya Ace are you okay? ” Tanong ng babae. Tumango si Ace. “I’m okay. Don’t worry about me, love.” Sabi ni Ace. “Do you like her?” Muling tanong ng babae. “Yeah!” Sagot nito. Sumingit si Evelyn sa usapan ng dalawa. “Love?” Naguguluhang tanong ni Evelyn. “Ace bakit love ang tawag mo sa kanya? Niluluko mo ba ang kaibigan ko?” Sunud-sunod na tanong ni Evelyn. Natawa naman ang babaeng kasama ni Ace. “Hi I’m Lovely Apple Roquero kapatid ako ni Kuya Ace. Love ang tawag ni kuya sakin eh.” Sabi nito. “Oh I’m sorry. Nakakagulat kasi ang tawag ni Ace sayo. Masyadong sweet pakingan. Nagselos tuloy ang kaibigan ko.” Sabi ni Evelyn. “Yeah, I know.” Sabi ni Apple. “Kuya Ace mauuna na ako. Fix your problem with Marey.” Dagdag pang sabi ni Apple. “Okay. Huwag kang masyadong magtatagal sa mall.” Sabi ni Ace. Ngumiti si Apple. “Opo kuya Ace.” Yumakap ito sa kapatid. “Ihahatid na kita Apple.” Sabi naman ni Eriex Jules. “Thanks. But no thank you. Kaya ko ng maglakad mag-isa patungo sa sasakyan namin.” Tangi ni Apple sa alok ni Eriex. Nanlumo naman si Eriex sa sagot ni Apple. Habang naglalakad ang babae ay isang matagal na tingin na lang ang ginawa ni Eriex upang ihatid ito sa sasakyan. “Nasaan pala si Breinzon?” Tanong ni Enzo.
“Hindi pumasok dahil may sakit daw.” Sagot naman ni Victoria. May bahid na lungkot sa mata nito. Napatingin ang lahat kay Victoria. “Kailan ka nagkaroon ng concern kay Breinzon, ChiiChoi?” Tanong ni David sa bestfriend nito. Sumimangot lang si Victoria. Deep inside her ay nag-aalala siya sa kalagayan ni Breinzon. Kumusta na kaya siya? Tanong ng isip nito. “Ayoko naman na nagkakasakit si Breinzon kahit best enemy ko iyong tao. Nakakamiss din siya kung alam mo lang bez.” Sagot nito. “Ang mabuting gawin mo para mabilis siyang gumaling Chii ay puntahan mo siya tapos bigyan mo siya ng mga prutas.” Nakangiting sabi ni Ermelyn. Ngumiti rin si Victoria. “Good Idea.” Sabi nito.
Chapter 7 EVERYTHING happened so fast. Ngayon nga ay magdadalawang buwan na silang magkasintahan ni Enzo. Walang ibang ginawa ito kundi pasayahin siya. Ang mahalin siya. Ang alagaan siya. Sinusublian naman ni Elaine ng buong pagmamahal ang pagmamahal ni Enzo. Mahal na mahal niya ito. Ngayon nga ang araw ng ikalawang monthsary nila bilang magkasintahan. Alas dose ng hating gabi ay tumawag si Enzo sa kanya. Sinagot niya ang tawag nito kahit inaantok na siya. “Hi baby. Today is our second monthsary. I want you to know that I love you very very much.” Sabi ni Enzo sa kabilang linya ng telepono. Ang malambing nitong boses ay nagpapakilig sa kanya. Malapad ang mga ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. Masayang-masaya siya sa piling ni Enzo. Hindi nito nakakalimutan ang monthsary nila hindi ito katulad ng mga ibang lalaki na nakakalimot. Kahit inaantok na si Elaine ay gustong gusto parin niyang marinig ang boses ni Enzo.
“Happy 2nd Monthsary sa atin babykoh. I love you so much too.” Tungon ni Elaine. “I have a surprise for you.” Sabi ni Enzo. “Me too.” Anas niya. “What’s your surprise baby?” Tanong nito. Natuwa siya sa excitement sa boses ng lalaking minamahal. “You’ll see tomorrow baby. Sa ngayon ay matulog na tayo okay.” Malambing na sabi ni Elaine. Kahit inaantok at namamaos na ang boses niya. “Sige baby matulog na tayo. Inaantok ka na eh. I’ll see you tomorrow then. Good night! I miss you and I love you so much.” Bulong ni Enzo. “I miss you and I love you too. Good night babyko.” Tungon niya. “I love you.” Ulit ni Enzo na ayaw pang ibaba ang telepono. Napapangiti siya sa pagiging makulit nito. Masarap sa pakiramdam ang kalambingan ipinapadama ni Enzo. Pakiramdam niya ay napaka-special niya sa puso nito. “I love you too.” Sagot ulit ni Elaine. Ayaw din niyang ibaba ang telepono. Marami pa’ng iloveyou at masasarap na salitang sinabi si Enzo bago nito tuluyang ibinaba ang telepono. Napapangiti ang mga labing ibinaba niya ang cellphone. Nahiga siya sa kama at tumingin sa kisame. Kinikilig siya. Inilulutang sa alapaap ang kanyang puso. Nakatulog siya ng may ngiti sa kanyang mga labi. KINABUKASAN tinanghali na ng gising si Elaine. Bumangon siya sa kama at dirediretsong nagtungo sa banyo. She took a cold shower. Today is weekends at walang pasok sa school. Nang matapos maligo ay nagbihis na siya. Hindi pa tumatawag si Enzo sa kanya. Marahil ay tinanghali din ito ng gising. Sa kakulitan nito kagabi ay nauwi rin sa madaling araw ang pagtulog nila. Kaya ngayon ay tinanghali siya ng gising. Nakaramdam siya ng pagkagutom kaya minabuti niyang bumaba ng bahay upang kumain. Pagtapat niya sa may sala ay nakarinig siya ng mga taong nag-uusap. Sumilip siya sa
pintuan upang alamin kung sino ang kausap ng lolo at lola niya. Tumambad sa mata niya ang guwapong mukha ni Enzo. Nakangiti itong nakikipag-usap sa grandparents niya. Hindi siya agad lumapit sa mga ito bagkos ay pinagmasdan ang tatlong nag-uusap. Minsan ay nagtatawanan ang mga ito. Napangiti siya. Parang nagugustuhan ng lolo at lola niya ang lalaking pinakamamahal. Tumingin si Enzo sa gawi niya. Ganun din ang ginawa ng lolo at lola niya. Ngumiti siya at lumapit sa tatlong nag-uusap. “Gising na pala si Elaine.” Sabi ng lola Letty niya. “Kanina ka pa hinihintay nitong si Enzo.” Dugtong nito. “Sorry tinanghali ako ng gising. Pinuyat mo kasi ako kagabi sa telepono.” Nakangiting sabi niya kay Enzo. Tumabi siya sa tabi nito sa may sofa. “May boyfriend ka na pala Elaine. Hindi mo pa sinasabi sa amin ng lola mo.” Nagtatampong sabi ni lolo Densio. “Lolo si Enzo Mendez po boyfriend ko. Sorry po hindi ko agad nasabi sa inyo.” Paumanhin niya sa dalawang matanda. “Mukha namang mabait si Enzo at galing sa magandang pamilya. Kaya gusto ko siya para sayo apo.” Sabi ng lola Letty niya. Napangiti siya. “Thank you lola.” Sabi ni Elaine. Tinignan niya si Enzo na nakayukong may ngiti sa mga labi. Hinawakan niya ang kamay nito. “Basta tatapusin muna ninyo ang pag-aaral bago kayo magpamilya. At ipangako mo sakin Enzo na hindi mo sasaktan ang apo ko.” Sabi ni lolo Densio. Tumango silang pareho. “Pangako po lolo hindi ko sasaktan si Elaine. Mahal na mahal ko po ang apo ninyo.” Nangangakong sabi ni Enzo habang nakatingin sa kanya. Hinalikan ni Enzo ang kamay niya. Nginitian niya ito ng ubod tamis niyang mga ngiti. Napaka-sweet talaga ng future hubby ko. Aniya sa isipan. Kaya mahal na mahal niya ito. Parang nasasanay na siya sa kalambingan ni Enzo. Paano kung magkakahiwalay sila makakaya ba
niyang magsimula ulit sa panibagong buhay na wala ito? Isipin pa lang niya ang bagay na iyon ay nasasaktan na siya. “Sige maiwan na namin kayong dalawa dito. It’s nice to meet you Enzo.” Sabi ng matandang lalaki. Tumayo na ito at naglakad sa may pintuan. “May sorpresa yata si Enzo sayo apo.” Sabi naman ng lola niya. Lumabas na rin itong kasama ni lolo Densio. Kunot noo’ng napatingin siya kay Enzo. “Remember what I told you last night baby. I have a surprise for you.” Bulong ni Enzo. Inilapit niya ang mukha dito. “What is your surprise then?” Malambing niyang tanong kay Enzo. Hinawakan ang tungki ng ilong nito at marahang pinisil ang matangos nitong ilong. Ngumiti ito at hinalikan siya sa mga labi. Matagal na naghinang ang kanilang mga labi. Nang matapos ang halikan ay tumayo si Enzo at hinila siya sa labas ng bahay. “Saan tayo pupunta babyko?” Nagtatakang tanong niya habang magkahawak kamay na sumunod kay Enzo. “Put on this handkerchief sa mata mo.” Sabi nito. “May patakip mata ka pang nalalaman. Ano ba talaga ang sorpresa mo.” Natatawang sabi niya. “You’ll see baby.” Malambing na sabi ni Enzo. Kinuha nito ang panyo sa kamay niya at ito na ang nagtali ng panyo sa ulo niya. Hinawakan nito ang kamay niya at inalalayan sa paglalakad. Natatawang sumunod naman siya kay Enzo. Pakiramdam niya ay nasa mabuti siyang mga kamay. “Stay here baby.” Bulong nito sa tainga niya. Pumuwesto ito sa likuran niya. Tinanggal ang panyong nakatakip sa mata niya. Tumambad sa paningin niya ang kulay rosas na sasakyan. Nalilitong napatingin siya kay Enzo. Ito ba ang sorpresa nito sa kanya. Wow! Napakaganda namang luxury car. Alam niyang napakamahal ng sasakyan ito. Nakangiting itinaas ni Enzo ang susie ng sasakyan. Umikot siya sa kabuan ng sasakyan.
Sa kaliwang bahagi ng BMW car ay may nakapintang pangalan. Binasa niya ang nakasulat doon. I love you Elaine. Sa kanan naman ay may nakasulat na Jaizone forever. Nagtatakang napatingin siya kay Enzo. “Jaizone forever?” Tanong niya. Lumapit ito. Niyakap ang baywang niya. “Yup. Jaizone ang ipapangalan natin sa magiging anak natin one day. Jaizone stand for Jaine at Enzo. Kinuha ko sa pangalan natin.” Nakangiting sabi nito. Ibinaon nito ang mukha nito sa leeg niya. Sinamyo ang buong bango niya. Kinilig siya sa ginawa nito. “I like it babyko. Ang ganda. Kaninong sasakyan ito?” Tanong niya. “This is your car baby. Ito ang monthsary gift ko sayo.” Malambing na sabi ni Enzo. Mahigpit nitong hinapit ang baywang niya at hinalikan ang kanyang mga labi. “I love you Enzo.” Anas niya sa pagitan ng halik nito. “I love you too baby.” Sagot nito. “Come take a look to the plate number of your car.” Bulong ni Enzo. Hinila nito ang kamay niya at iginaya sa harapan ng bagong modelong BMW car na binili nito. Namangha siya sa nabasang nakasulat sa plate number ng kotse. ILUV0214 monthsary date nila iyon. February fourteen niya sinagot si Enzo. At sakto namang araw ng mga puso. “E-enzo.” Anas niya. “This is too much. Why are you giving me this thing? Hindi ko na alam kung paano ko susublian ang mga ito.” Sabi niya. Hinaplos ni Enzo ang pisngi niya. “I’m not asking you something in return. Pagmamahal mo lang ang kailangan ko Elaine.” Puno ng pagmamahal na sabi ni Enzo. Na-touch naman siya sa sinabi nito.“I love you very very much babykoh.” Sagot niya. Dinama ang kamay nitong humahaplos sa pisngi niya. “And I love you more than you never know.” Muling humalik ito sa labi niya. Gumanti siya sa mga halik nito.
“I have a surprise for you too.” Nakangiting sabi niya. “Talaga?” Tanong nito. Tumango siya. “I’m so excited baby.” Sabi ni Enzo. “Well hindi ito kasing bongicious ng bigay mo. It’s just something you could keep to remember me. At gusto ko alagaan mo siyang mabuti.” Sabi niya. Nasosorpresang napatingin si Enzo sa mukha niya. Isang ngiti lang ang iginanti niya sa nalilito nitong mga titig. “Come with me in the back.” Hinila niya ang kamay nito. Naglakad sila sa likod ng bahay. NAGTATAKANG sinundan ni Enzo si Elaine sa likod ng bahay nito. Ano kaya ang sorpresa nito sa kanya? Whatever it is ay nasisiguro niyang magugustuhan niya iyon. May tinawag itong pangalan. And to his surprise ay lumabas ang napakacute na cuddle puppy dog sa kung saan ito nakatago. He really loves dog! Isa sa paborito niyang hayop. “I know you really love dog. Kaya naisip ko na ibilhan kita ng puppy.” Sabi ni Elaine. Hinahaplos nito ang ulo ng napakacute na puppy. “I called him Ejay. Kinuha ko sa pangalan ko. Para hindi mo ako makalimutan kapag nakikita mo si Ejay.” Napapangiting sabi nito. Gustonggusto niya ang mga ngiting gumuguhit sa mga labi ni Elaine. Ibinigay nito ang malambing at cute na aso sa kanya. Ngiting-ngiti siya sa puppy. Maamo si Ejay. Malambing ito. Dinilaan nito ang mukha niya. Natawa siya sa ginawa ng aso. Hinaplos niya ang ulo nito. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng responsibilidad sa asong ito. “His a sweet puppy. Alagaan mo si Ejay ha, baby. Isipin mo na parang ako iyan. Kapag namatay siya ibig sabihin binabayaan mo na rin ako at hindi mo na ako mahal.” Sabi ni Elaine. Seryoso ito. Hinaplos din nito ang aso. Mahilig ito sa mga aso lalo na sa mga cute puppies. “Pangako aalagaan ko siya baby. I will trained him the way you want me to do. Hindinghindi ko siya pababayaan. This dog symbolizes your love for me. And that car I gaved you symbolizes how much I love you.” Pangako ni Enzo.
Ibinaba niya ang aso at hinayaan itong maglaro. Naupo sila sa duyan sa likod ng bahay. Pinanood ang asong naglalaro ng bola. Inakbayan niya si Elaine. Sumandal ito sa katawan niya. He kiss her head. Naalala niya ang yumao niyang ina. Mahilig din ito sa mga aso, katulad ni Elaine. Nalungkot siya sa alala ng kanyang mahal na ina. He really missed her so much. TINIGNAN ni Elaine si Enzo na tahimik lang na nakaupo sa likuran niya. Nakaakbay ang kamay nito sa balikat niya. Seryoso at malungkot ang mukha nito. Nag-aalalang hinaplos niya ang mukha ng lalaking pinakamamahal. Gusto niyang malaman ang iniisip nito. Two months na silang magkasintahan pero hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikilala ang pamilya nito. Wala itong binabanggit sa kanya patungkol sa personal nitong buhay. Minsan nga ay gusto niyang mainis dahil wala itong sinasabi sa kanya. Napakatahimik nito katulad na lang ngayon. Parang ang lalim ng iniisip nito. “What’s wrong baby. Bakit bigla kang nalungkot?” Tanong ni Elaine sa lalaking minamahal. Tumingin ito sa kanya. “Wala baby.” Matipid nitong sagot. Hinaplos nito ang mukha niya. Napaismid si Elaine. “Imposible naman wala kang iniisip. I know there’s something bothering you?” Muli niyang tanong kay Enzo. Napangiti ito. “Don’t worry about me baby. I’m okay.” Pinisil nito ang baba niya. Dinampian ng munting halik ang kanyang mga labi. She never responded him. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Napasimangot siya. Ano ba naman ang magagawa niya kung ayaw nitong sabihin ang problema nito? Paano naman siya makakatulong kung hindi ito magsasabi sa kanya? Parang gusto niyang magalit kay Enzo. “Okay. I’m sorry.” Sabi nito. “It’s okay you don’t need to say sorry. Naintindihan naman kita na ayaw mo’ng sabihin ang personal mo’ng problema sakin. Nakakainis lang kasi Enzo. I’m your girlfriend pero hindi mo sinasabi sakin ang gumugulo sa isipan mo. Madalas ay napakatahimik mo. You promised
you’ll tell me everything. Ano ba talaga ang nangyayari sa’yo!?” Natatampong sabi ni Elaine. Tumayo siya at akmang iiwanan si Enzo. Agad naman na hinawakan ni Enzo ang kamay niya. Huminto siya at hinayaan itong magsalita. Hindi siya lumingon o pinukulan ito ng tingin. Hinintay lang niya ang sasabihin ni Enzo. Pakiramdam niya ay wala itong tiwala sa kanya. “Hindi naman sa ganun baby. Ayoko lang na isipin mo’ng malungkot ako. I don’t want you to worry about me.” Sabi ni Enzo. Nilingon niya ito. “Ano ba ako sayo? Hindi ba ako ang girlfriend mo! Ang dami mong nililihim sakin. I need to know you more Enzo.” Tinitigan niya ang mukha nito. Hindi agad nakasagot si Enzo. Buntong hiningang tinalikuran niya ito. Sumunod ito sa kanya. Hinila nito ang kamay niya. “Come with me. I want you to meet someone very important in my life.” Sabi ni Enzo. Walang imik na sinundan niya si Enzo. Sumakay sila sa magarang nitong sasakyan. Habang lulan ng sasakyan ay maraming bagay ang pumasok sa isipan ni Elaine. Sino ang napakaimportanting tao sa buhay nito? Parang gusto niyang magselos sa taong iyon. Bakit hindi ba siya ang important sa buhay nito. Tinignan niya ang mukha ni Enzo. Seryoso ito. “Saan tayo pupunta? Sino ang importanting tao sa buhay mo na gusto mong ipakilala sa akin?” Puno ng pagseselos ang tono ng boses niya. Hinawakan ni Enzo ang kamay niya upang ipahiwatig na wala siyang dapat na ipag-alala. Sinalubong nito ang mga titig niya. Bahagya itong ngumiti. Pinisil ang kamay niya. “Malalaman mo din kapag nakarating na tayo doon.” Sabi nito. Itinabi nito ang sasakyan sa daan. Naguguluhang napabaling siya kay Enzo. Bigla naman kinabig ni Enzo ang batok niya at ginawaran ng malalim na halik. Pumikit siya upang magpaubaya sa mga labi nito. Allowing him to kiss her. Gustong-gusto niya ang bawat paraan ng halik nito. Ginantihan niya ang maalab nitong mga halik. They continue kissing each other inside the car. Walang pumipigil. Walang tumatanggi. Pinakiramdaman lang nila ang kanilang sariling damdamin hanggang sa humupa ang halik. Kusa silang humiwalay sa isa’t isa.
Ngumiti si Enzo. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho. Napapangiti lang si Elaine na nakatanaw sa labas ng sasakyan. She love him. Walang ibang lalaking mamahalin niya kundi si Enzo lamang. Memorial Cemetery? Basa niya sa karatulang papasok sa sementeryo. Nalilitong napabaling ang tingin niya kay Enzo. “Anong gagawin natin dito sa sementeryo, Enzo?” Nagtatakang tanong ni Elaine. “You’ll see...” Sagot nito. Ipinarada nito ang sasakyan sa gilid ng daan. Bumaba ito at binuksan ang pinto ng sasakyan para makababa siya. Hinawakan ni Enzo ang kamay niya at iginaya sa gitna ng sementeryo. Mahigpit na kumapit siya sa kamay nito. Kinakabahan siya sa mga sinabi ni Enzo kanina. Sino kaya ang importanteng tao sa buhay nito? Huminto sila sa isang puntod. Binasa niya ang nakasulat sa lapida. “Emerald Mendez.” Bulaslas niya. “She’s my mother and I really missed her so much. She’s very important person in my life, Elaine.” Malungkot na sabi ni Enzo. Hinaplos niya ang kamay nito. “I’m sorry baby. I didn’t know na patay na pala ang mama mo.” Anas niya. “Namatay siya no’ong graduating ako ng high school. Alam mo simula no’ong mamatay si mama nagbago na din si papa. Parang wala na siyang paki-alam sakin. He’s always busy working at laging trabaho ang first priority nito. Pakiramdam ko tuloy ay nawala din siya katulad ni mama.” Laglag ang mga balikat na sabi ni Enzo. Nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman nito. “Baka nasaktan lang ang papa mo sa nangyari sa mama mo.” Sabi niya. “It’s okay baby nandito naman ako para sayo. Huwag ka ng malungkot.” Pagpapalakas loob niya sa lalaking minamahal.
“I’m okay now baby dahil dumating ka na sa buhay ko. Thank you for coming into my life and for making me happy all the time. Dinala kita dito para ipakilala sa mama ko.” Sabi ni Enzo. Nginitian niya ito. “Let me introduce you to my mother.” Sabi nito. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. “Mama I would like you to meet my future wife one day. Si Elaine Jaine Aguirre. Parang ikaw mama, mahilig din siyang mag-alaga ng mga aso. I really wish you would like her too for me. Kasi mahal na mahal ko siya mama.” Sabi ni Enzo. Ngumiti ito sa kanya. “I am please to meet you po. Mahal na mahal ko din po ang anak ninyo. Promise na mamahalin ko siya habang buhay. Pinapangako kung palagi ko siyang papasayahin.” Pangako din ni Elaine. Matapos mapalitan ang mga bulaklak sa puntod ng mama ni Enzo ay nagpasya na silang umalis sa sementeryo. MASAYA si Enzo na kasama si Elaine. Nag-dinner date sila ng gabing iyon. They spend the whole day together. Loving and showing how much they love each other. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang makasama ang babaeng pinakamamahal. Masungit man si Elaine no’ong una niya itong makilala ngunit napatunayan naman niyang napakabait nito. Napaka masayahin nito. Masarap kasama. Masarap kakuwentuhan. Matalino. May sense ang bawat sinasabi. Nasanay na rin siyang kasama ito. At hindi niya kakayanin mawala pa ito sa buhay niya. Pangako niyang pagka-graduate niya ng medicina ay papakasalan niya ito.
Chapter 8
FRIDAY araw ng tournament sa basketball team ni Enzo sa UP Diliman. Nasa loob siya ng locker room kasama ang mga varsity team ng basketball. Kasalukuyan silang nagbibiruan habang nagbibihis para sa laro mamaya. “Enzo we put the money in your account. Panalo ka na sa puso ni Elaine.” Sabi ni David.
Natawa lang siya sa sinabi ni David. “Isang milyon para sa puso ni Elaine. Wow tol napaibig mo na talaga ang puso ng tigreng babaeng iyon. Douple jackpot pa ang napanalunan mo. You are really the man!” Sabi ni Ace. Natawa siya. “Yeah! Of course hindi lang isang milyon ang nakuha ko kay Elaine Jaine Aguirre. Kundi ang puso at buong pag-ibig niya sakin. You know me already. I want her, I will get her. Magaling talaga ako Ace akala mo ikaw lang ang magaling sa babae.” Pagmamayabang ni Enzo. Oo nagpustahan silang magbabarkada para paibigin si Elaine. Subalit alam naman nilang magkakaibigan na sa una palang ay mahal na mahal niya si Elaine. With or without the bet ay liligawan pa rin niya ito to win her heart. Deep inside his heart ay natatakot siyang malaman ni Elaine ang pustahan nilang magkakaibigan. Nasisiguro niyang magbabago ang damdamin nito sa kanya oras na malaman nitong pinagpustahan ang puso nito. Wala siyang intensyon pagpustahan ang puso ng babaeng pinakamamahal. Napasubo lang siya sa mga kaibigan. Na-challenge lang siya sa pustahan. Gusto lang niyang patunayan sa mga kaibigan na magaling siya pagdating sa mga babae. Na kaya niyang paibigin si Elaine sa kabila ng pagiging mataray nito. Mahal na mahal niya si Elaine. Hindi niya makakayang mawala ito sa buhay niya. He would do everything para lang hindi ito masaktan. “Oo na! Magaling ka na talaga sa babae at pati si Elaine ay napaibig mo na. Mas magaling ka na sakin. Sige na sa’iyo na ang trono ko.” Natatawang sabi ni Ace na kilala bilang babaero sa school campus. Kabi-kabila ang mga girlfriends nito. Kilala ito bilang the handsome heartrub of UP Diliman. Habulin kasi ito ng mga babae. Natawa din si Enzo.“Oo akin lang si Elaine. I would do everything para sa kanya. Itong laro ngayong gabi ay para sa babaeng mahal ko. Let’s do the best we can do para manalo sa larong ito.” Sabi niya. “Yes captain.” Sigaw ng lahat. “Para din ito kay Ermelyn ko.” Sabi naman ni David. “Para din ito kay Marey ko.” Sabi rin ni Ace.
“Para din kay Evelyn ko.” Sigaw din ni Frank. “Para sa best enemy kung si Victoria.” Sigaw naman ni Breinzon. “Para kanino naman kaya sakin. Hmmm..” Sabi naman ni Eriex Jules. Bahagyang nagisip ito. “Ahhh... Alam ko na. Para ito kay Apple ko.” Malakas ang boses na sabi nito. Kunot noong napatingin naman si Ace kay Eriex. Nagbabanta ang mga titig nito sa kaibigan. “What?” Tanong ni Eriex Jules. “Ikaw nga para kay Marey ang larong ito. For I know masasaktan lang si Marey sa’yo Ace.” Sabi ni Eriex. “I’m serious with Marey Eithel. I don’t know pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.” Seryosong sabi ni Ace. Tinapik ni Eriex ang balikat ni Ace. “You’re in love, man.” Sabi nito. “You think so...” Ngumiti si Ace. Tumango ito. “Sige puwede mo ng ligawan si Apple. You have may permission already. But there’s one thing I want you to do.” Sabi ni Ace kay Eriex. “Anything for you bro.” “Don’t ever hurt my sister or else I’ll kill you.” Natawa silang lahat sa sinabi ni Ace. Sumusukong nagtaas naman ng kamay si Eriex Jules. “Yes sir. I will not hurt her.” Sabi nito. Nang makapagpalit ay lumabas na sila sa locker room at nagtungo sa loob ng gymnasium kung saan gaganapin ang tournament. Sa loob ng gym ay maraming taong nakaupo sa bleacher. Pagpasok nila sa loob ay nagsigawan ang mga estudyante ng UP Diliman. May mga narinig siyang sumigaw sa pangalan niya. Ngunit iisang tao lang ang gusto niyang makita. At walang iba
iyon kundi si Elaine. Hinanap niya ito sa mga taong nakaupo sa bleachers. Marami siyang nakitang kumaway sa kanya at isang maikling ngiti lang ang ibigay niya sa mga ito. Nang makita niya si Elaine at nagtama ang kanilang mga mata. Nginitian niya ito ng ubod tamis niyang mga ngiti. Nag-flying kiss naman si Elaine sa kanya. Kunwari ay sinalo ng kamay niya ang flying kiss nito at dinala sa mga labi ang halik nito. Nakita niyang natawa ito at ngumiti sa kanya. Nabasa niya ang munkahi sa labi nito. “I know you can do it. Good luck babyko. I love you.” Sabi nito. Tumango siya. Bumalik siya sa mga teammates. HABANG pinapanood ni Elaine si Enzo na naglalaro ay napapatili at napapasigaw siya kapag hawak nito ang bola. Kasama niya ang apat na kaibigan. “Go baby! Shot the ball.” Sigaw niya. Halos tumayo pa siya ng mag-slam dunk si Enzo. He jumps in the air and manually powers the ball downward through the basket with one hand over the rim. Naghiyawan ang mga estudyante ng UP Diliman. Nag-flying kiss pa ito sa kanya. “I love you baby ko.” Sigaw niya. “I love you too.” Sabi nito. Nagpatuloy ang laro ng basketball. Sa huli ay nanalo ang varsity team ng UP Diliman. Nanalo ang team nila Enzo. Binuhat si David na nagpanalo sa laro. Magaling itong basketball player. Balak nitong sumali sa Philippines Basketball Association (PBA). Nakangiti lang si Ermelyn sa lalaking buhat buhat ng mga ka-teammates sa basketball. Kanina ng sunduin niya si Ermelyn sa bahay nito ay mugto ang mata nito. May pinagdadaanan ito sa relasyon nito kay David. Sinabi ng papa nito na hiwalayan ang lalaking pinakamamahal nito. Ayaw ng pamilya ni Ermelyn kay David dahil wala itong maibibigay na magandang buhay para sa kanya na ayon sa sinabi ng daddy nito. Iyon na siguro ang pinakamasakit na pinagdadaanan ng kaibigan niya. Lumapit naman si Enzo sa kanya. Hinapit nito ang baywang niya. Hinalikan siya sa mga labi. Wala itong pakialam sa mga taong nakakakita sa kanila.
“Baby ang daming tao. Mamaya na lang tayo maglambingan.” Nakangiting sabi niya. “Bakit nahihiya ka ba sa kanila?” Tanong ni Enzo. Hinaplos niya ang mukha nito. “Hindi naman.” Sagot niya. “Pero may tamang lugar para sa lambingan natin.” Sabi niya. “Okay. Mamayang gabi may party kami sa bahay para ipagdiwang ang pagkapanalo namin. I’ll be expecting you to come.” Sabi ni Enzo. Hinaplos ng daliri nito ang bibig niya. Nginitian niya ito. “Oo pupunta ako baby. Congrats sa pagkapanalo ninyo. I want you to know na ang galing mong mag slam dunk kanina.” Sabi niya. Natawa ito. “Yeah. I did that for you.” Malambing na sabi ni Enzo. Akmang hahalikan ulit nito ang labi niya ngunit pinigilan niya ito. Itinulak niya ito pabalik sa mga teammates nito ng basketball. Hinihintay na kasi ito ng varsity team para sa picture taken ng trophy’ng napanalunan nila. MATAPOS ang party sa bahay ni Enzo ay nagyaya itong maglakad-lakad sa baywalk sa Manila. The night is so romantic dahil maraming bituwin sa langit. Maaliwalas ang kalangitan. The moon was so perfectly full. Ginamit nila ang kotseng bigay nito sa kanya. Walang masyadong tao sa gabing iyon. Tahimik ang buong paligid. Umupo sila sa malapit sa beach. “Ang ganda.” Sabi ni Enzo. “Oo nga baby ang ganda ng view.” Tungon niya sa sinabi nito. Tumingin siya sa mukha nito. Nahuli niya itong nakatingin sa kanya. “Ang ganda mo Elaine.” Malamyos ang boses na sabi ni Enzo. Hinaplos niya ang mukha nito. “Matagal ko nang alam iyan. Hindi mo na kailangan ulitulitin.” Natatawang sabi niya. Natawa din si Enzo. Hinawakan nito ang kamay niya at dinala sa mga labi. “Hindi ako magsasawang sabihin napakaganda mo dahil iyon ang totoo. At akin ka lang! Hindi ako papayag na may ibang kukuha ng puwesto ko sa puso mo. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sakin Elaine.” Seryosong sabi nito.
“Oo baby. Sayung-sayo ang puso ko wala ng iba. At ikaw! Akin ka lang din. Just promise me you’ll always be faithful to me.” Sabi niya. “Promise I will always be faithful to you forever.” Pangako ni Enzo. Hinalikan nito ang labi niya. Magkahawak kamay nilang pinagmasdan ang mga bituin sa langit na nagkikislapan sa pagkinang. Nangako silang magmamahalan habang buhay. May nakita siyang shooting star sa langit. “A shooting star.” Malakas na sabi ni Elaine. “Come on baby lets make a wish.” Pumikit siya at nagsimulang mag-wish na sana ay hindi na sila magkakahiwalay ni Enzo. Pumikit din si Enzo “Anong wish mo?” Tanong niya. “Secret.” Sabi nito “Ang daya naman.” Natawa ito. “Wish ko na sana ay hindi na tayo magkakahiwalay.” Nakangiting niyugyog nito ang baba niya. “Ako ang wish ko. Wish ko na sana hindi ka magbago.” Nangungusap ang mga mata niyang tinitingan si Enzo. “Na sana you’ll always be faithful to me.” Sabi niya. HINDI makahagilap ng sasabihin si Enzo. Habang nakatingin sa mga mata ni Elaine ay parang ipinapahiwatig nitong may itinatago siyang lihim. Gusto niyang sabihin kay Elaine ang pustahang ginawa nila para paibigin ito ngunit natatakot siyang magtapat dahil baka mawala ang pagmamahal nito. Natatakot siyang baka magalit ito sa kanya at itakwil siya. “Pangako baby hindi ako magbabago. I’ll always be faithful to you” Pagsisinungaling niya. Niyakap niya ito ng mahigpit. Ngumiti si Elaine. “I love you.” “I love you too.” Sabi niya.
Itinaas niya ang baba ni Elaine at masuyong hinalikan ang mga labi. Gumanti ito sa mga halik niya. Humigpit ng humigpit ang yakapan nila at halos ayaw ng maghiwalay ang mga labing kanina pa magkahinang. Nagpasya silang umuwi sa bahay niya at doon ipinagpatuloy ang pagpapadama ng pagmamahal sa isa’t - isa. SA MGA SUMUNOD NA ARAW ay naging abala si Elaine sa school. Kailangan niyang mag-aral ng mabuti para sa nalalapit na final exams ng forth quarter. Halos hindi na siya nagkaroon ng oras para kay Enzo. Marami siyang kailangan tapusing project in order for her to get the highest GPA she’d always wanted. Abala din si Enzo sa mga project nito sa school. Kumuha ito ng cursong medicina balak nitong maging doktor. Nasa library siya at abalang nag-aaral ng may lumapit sa kanyang isang lalaki. Tumayo ito sa harapan niya. Kunot no’ong tinignan niya ang lalaki. “Oh hi Rafael.” Mahinang sabi niya ng mapagtantong it was Rafael. Ayaw niyang makaistorbo sa mga estudyanteng kasulukuyan din nag-aaral sa library. “Hi Elaine. Can I talk to you for a minute?” Tanong nito. “Look Rafael I’m kinda busy right now para sa final exams natin next week. Puwedeng mamaya na lang after school? If you don’t mind.” Tanong niya. Huminga ito ng malalim. “I’m sorry to bother you but I have a very important things to tell you. Promise it will take a couple minutes.” Bulong ni Rafael. Tinitigan niya ito. “Okay, I’ll give you five minutes to talk. Ano ba ang kailangan mong sabihin sakin?” Umupo ito sa upan sa harapan niya. “Look Elaine. I care about you that’s why I want to tell you this.” Pag-uumpisa ni Rafael. Kunot noong tinitigan niya ito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Hindi ko na kayang tumahimik pa sa kabila ng kaalaman niluluko ka lang ni Enzo. I know you really love him pero kailangan mong malaman ang totoo. He’s not being faithful to you. Nakipagpustahan siya sa mga kaibigan niya ng isang milyon para paibigan ka. Now he won the game Elaine because you had falling in love with him!” Sabi ni Rafael.
Nagulat siya sa sinabi nito at halos hindi siya makapaniwala sa narinig. Umiling-iling siya. Sumiklab ang galit sa puso niya. Gusto lang ni Rafael na sirain ang relationship niya kay Enzo. “What are you talking about Rafael? Alam ko na mahal ako ni Enzo at hindi niya magagawa iyan mga sinasabi mo sakin. Hindi niya ako pagpupustahan ng isang milyon para lang paibigin. Nagsisinungaling ka lang. Naiinis ka lang sa kanya. You just want to ruined our relationship. Galit ka dahil mas pinili ko siya kaysa sayo. Sorry ka na lang pero hindi ako maniniwala sa mga sinasabi mo.” Mariing sabi niya.
Chapter 9 GUSTONG sigawan ni Elaine si Rafael. Magalit sa lalaki dahil sa mga sinasabi nito. Ngunit something is telling her na may katotohanan ang bawat sinasabi nito. Hindi niya namalayan ang mainit na likidong dumaloy sa kanyang mga pisngi. Umiiyak na pala siya. Gusto niyang malaman ang totoo mula kay Enzo. “I’m sorry Elaine pero totoo ang sinasabi ko. Open your eyes and look around you. Huwag kang magpaluko kay Enzo. Ayokong niluluko ka niya. Kaya ko ito sinasabi sayo hindi para siraan si Enzo kundi dahil may concerned ako sayo. Ayokong masaktan ka! You have to believe me kahit ngayon lang, Elaine.” Sabi nito. Hinawakan nito ang kamay niya. Pumiksi siya. “Shut up! Bakit ba Rafael? Ano bang problema mo? Look, hindi ko kailangan ang concern mo sakin. Alam ko na mahal ako ni Enzo. Hindi niya ako kayang lukuhin. Hindi niya magagawa yan sakin. I know, you hated him, sinisiraan mo siya dahil gusto mo magalit ako sa kanya So please tama na Rafael! Tigilan mo na kami ni Enzo.” Sigaw niya. Hindi na niya mapigilan ang galit niya. Gusto niyang sampalin si Rafael. Sumasakit na ang kanyang ulo. Narinig niya ang sinabi ng teacher na nagbabantay sa library. “Keep quiet!” Alam niyang nalakasan niya ang boses sa sobrang galit na lumukob sa kaibuturan ng kanyang puso. Nilikom niya ang mga gamit at nagmadaling lumabas sa library. Sumunod naman si Rafael sa kanya.
“No Elaine hindi ko siya sinisiraan.” Sabi nito. “You have to believe me.” Sigaw ni Rafael habang sumasabay sa mabilis niyang paglakad. “Believe you of what? Of letting you ruined my relationship with Enzo. Iyan ba ang gusto mong mangyari, huh!?” Mariing sabi niya. Huminto siya at hinarap ito. “May pruweba ka ba na pinagpustahan ako ni Enzo ng isang milyon?” Mariing tanong niya. “Oo meron Elaine. I’m telling you the truth. If you want! Tanungin mo ang magaling mong boyfriend. Consult him about this messed na nalaman mo.” Sabi nito. Naguguluhan napatingin siya sa kamay nito. She saw a CD on his hand. “Here in this CD makikita mo’ng nagsasabi ako ng totoo. Panoorin mo at makikita mo ang katotohanan sa mga sinasabi ko.” Sabi ni Rafael. “Where did you get this?” Tanong niya. “Alam mong magaling ako sa mga devices. Computer technology, hacking, making videos or even setting a video cameras everywhere, if I want too.” Sabi nito. Tumango siya at iniwan ito. Hindi narin sumunod si Rafael sa kanya. Pagkarating niya sa kanilang bahay ay diretsong pumasok siya sa kanyang kuwarto. Inilapag ang mga gamit at nagdadalawang isip na isalang ang cd sa dvd player. Naupo siya sa kama. Gusto niyang umiyak sa mga rebelasyon nalaman. Gusto niyang malaman ang totoo mula kay Enzo. Bago niya napagdesisyonang panoorin ang cd ay tumunog ang beep ng cellphone niya sa incoming message. It was Enzo who texted her. Binasa niya ang text nito. Some source of kalambingan na naman nito. Nanlulumong naupo siya sa kama at napahawak sa kanyang ulo. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang mga sinabi ni Rafael. Paano magagawa ni Enzo ang lukuhin ako? Kung lahat naman ng mga text nito ay puros nagpapahiwatig ng pagmamahal nito sa kanya. Napabuntong hininga siya. Hindi niya sinagot ang text nito. Natuon ang pansin niya sa cd na bigay ni Rafael. Nagdesisyon siyang panoorin iyon. Tumayo siya at isinalang ang cd sa dvd player. Lumabas sa screen ang locker room ng mga lalaki sa UP Diliman. Pumasok ang mga varsity team kasama si Enzo. Nakita niyang nagpapalit ang mga ito ng basketball uniform. It was taken on the day of the tournament ng basketball team ni
Enzo. Nilakasan niya ang volume ng flat screen tv upang marinig ang pinag-uusapan ng magkakaibigan. “Enzo we put the money in your account. Panalo ka na sa puso ni Elaine.” Sabi ni David. Nakita niyang tumawa si Enzo sa sinabi ng kaibigan. Habang pinapanood ang video ay lumalakas naman pagkabog ng dibdib ni Elaine. “Isang milyon para sa puso ni Elaine. Wow tol napaibig mo na talaga ang puso ng tigreng babaeng iyon. Douple jackpot pa ang napanalunan mo. You are really the man!” Sabi ni Ace. Natawa ulit si Enzo. Ikinadurog iyon ng kanyang puso. Unti-unti ay nagiging malinaw ang sinabi ni Rafael sa kanya habang pinapanood ang video. “Yeah! Of course hindi lang isang milyon ang nakuha ko kay Elaine Jaine Aguirre. Kundi ang puso at buong pag-ibig niya sakin. You know me already. I want her, I will get her. Magaling talaga ako Ace akala mo ikaw lang ang magaling sa babae.” Pagmamayabang ni Enzo. “Oo na! Magaling ka na talaga sa babae at pati si Elaine ay napaibig mo na. Mas magaling ka na sakin. Sige na sa’iyo na ang trono ko.” Natatawang sabi ni Ace. Lumandas ang mga luha sa kanyang mga mata. Manluluko si Enzo. Napahikbi siya sa katotohanang pinaglaruan lang siya ni Enzo. Totoo pala ang sinabi ni Rafael. Sinabihan pa niya ito ng masasamang salita pero ito pala ang may concern sa kanya. Pinatay niya ang tv at mabilis na kinuha ang cd mula sa dvd player. Walang babalang inihagis niya iyon sa basurahan. Napasigaw at napahikbi siya ng malakas. “Hayop ka Enzo! Sinungaling! Pinaglaruan mo lang ako.” Umiiyak na sigaw niya. Sa napanood sa video ay malinaw na pinagpustahan siya ni Enzo ng isang milyon. Napakasakit malaman ang katotohanan sa likod ng kalambingan nito. Muli na naman siyang napaiyak pakiramdam niya ay nagunaw ang mundo niya. Lahat ba ng ipinakita at sinabi ni Enzo ay pawang palabas lang. Minahal ba talaga siya ni Enzo? Napahikbi ulit siya sa naisip na kahit
kailan ay hindi siya minahal ni Enzo kundi pinaglaruan lang nito ang puso niya. Nagsimulang mapalitan ng galit ang pagmamahal na inilaan niya para kay Enzo. Ang mga pangarap na binuo nilang dalawa ay puros kasinungalingan lang. Ginawa lamang siyang tanga ng lalaking pinakamamahal niya na ngayon ay hindi niya alam kung dapat pa ba niyang mahalin. Tumunog ang cellphone niya. Si Enzo ang tumatawag. Hindi niya alam kung sasagutin pa ba ang tawag nito. Hindi niya alam kung kakausapin pa ba niya ito. Galit siya. Masakit ang ginawa nito at hindi niya alam kung ano ang magagawa niya kay Enzo. She just wanted to cry, umiyak hanggang sa mamatay . Lahat ng katotohanan ay parang kutsilyong sumaksak sa kanyang puso. Paulit-ulit na tumawag si Enzo. Subalit hindi niya sinasagot ang mga tawag nito. Pinatay niya ang cellphone upang hindi ito makatawag. Sumunod na tumunog ang telepono sa bahay nila. Mayamaya ay narinig niya ang mga katok mula sa pinto ng kanyang kuwarto. Huminga siya ng malalim. Pinunasan ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. Nanlulumong binuksan niya ang pinto. Nabungaran niya ang katulong. “Ma’am Elaine si sir E--” “If that’s Enzo please tell him na wala ako dito.” Mahina ang boses na sabi niya sa katulong. Nagtatakang napatitig ito sa kanya. “Sige na please pakisabi sa kanyang wala ako.” Untiunti na naman sumusungaw ang tubig sa kanyang mga mata. Tumango ito at sinabi kay Enzo na hindi pa siya nakakauwi sa bahay. Muli niyang isinara ang pinto sa kanyang kuwarto. Pagkasara niya sa pintuan ay kasabay din na bumagsak ang luhang tinitimpi niya. Wala siyang ibang gustong gawin kundi magmukmok sa kanyang kuwarto at umiyak ng umiyak. Isa lang ang napagdesisyonan niya aalis siya sa UP Diliman pagkatapos ng final exams. Ipagpapatuloy niya ang pag-aaral sa ibang bansa. Ayaw na niyang makita pa si Enzo. Maaalala lang niya kalambingan nito o mas magandang sabihin, ang kasinungalingan nito.
NAG-AALALA si Enzo dahil hindi sumasagot si Elaine sa kanyang mga tawag. Kanina pa niya ito tinatawagan pero hindi man lang ito sumasagot. Muli niyang tinawagan ito ngunit nakapatay na ang cellphone nito. Tumawag siya sa bahay nito at ang sumagot ay ang katulong. Narinig niyang nagtanong ang katulong kay Elaine ngunit kinalaunan ay sinabi nitong hindi pa ito umuuwi. May pakiramdam siya na pinagtataguan siya ni Elaine. Nagdesisyon siyang puntahan ito sa bahay nito. Nakita niya ang sasakyan ibinigay niya na nakapark sa bahay nito. Alam niyang nakauwi na ito ngunit bakit pinagtataguan siya ni Elaine. Sinubukan ulit niyang tawagan ang cellphone nito ngunit voicemail lamang ang sumasagot sa cellphone nito. Bumaba siya ng sasakyan at nagdoorbell sa bahay. Pinapasok siya ng katulong. “Si Elaine? Tumatawag ako sa kanya pero hindi niya sinasagot sa tawag ko. Alam ko nandito siya.” Nag-aalalang sabi ni Enzo. “Sir Enzo sandali lang po tatawagin ko.” Sabi ng katulong. “I knew she was here. Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?” Tanong niya. “Hindi ko po alam kung ano ang pinag-awayan ninyo ni ma’am pero alam kong umiiyak siya kanina.” Sabi nito. Kunot noong tinitigan niya ito. “Umiiyak? Bakit siya umiiyak?” “Hindi ko po alam Sir Enzo. Sandali lang po tatawagin ko lang si ma’am.” Sabi nito. Hindi siya nagpaiwan sa salas. Sinundan niya ito hanggang sa makarating sa kuwarto ni Elaine. Kumatok ito sa pintuan ng ilang beses. “Ma’am Elaine nandito po si Sir Enzo.” Sabi ng katulong mula sa nakasarang pintuan. “Pauwiin mo na siya, Melle. Sabihin mo tulog ako.” Sagot ni Elaine. Hindi nito binuksan ang pintuan. Bakit kaya pinagtataguan siya ni Elaine? Ano ba ang ginawa niyang masama? Wala naman siyang ginawang masama dito. Kaninang umaga ay napakalambing ng mga text nito tapos ngayon naman ay ayaw nitong makipag-usap sa kanya. “What is wrong with her” Tanong ng isipan niya.
“For I know you are not sleeping.” Sagot ni Enzo mula sa pintuan. “Pakikuha ang dublicate key ng kuwarto niya, Melle. I need to talk to her. Don’t worry ako ang bahala sayo.” Bulong niya sa katulong. Tumango naman ito at kinuha ang susi ng kuwarto ni Elaine. “Go away Enzo! I don’t want to see you or talk to you. I hate you. Sinungaling ka!” Sigaw ni Elaine sa loob ng kuwarto nito. “Open this door Elaine. Mag-usap tayo. Ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan.” Nakiki-usap na sabi ni Enzo. Dumating naman si Melle at ibinigay ang duplicate key sa kanya. “Thank you.” Sabi niya dito. Tumango ito at iniwan na siya. Binuksan niya ang pintuan ng kuwarto ni Elaine. Nagulat pa ito ng makita siya. She was all messed up. Ang mahabang buhok nito ay magulo. Mugto ang mga mata nito dala ng pag-iyak. Magulo ang kuwarto nito. Natanong niya ang sarili kung ano ba ang ginawa niyang masama para magkaganito ito? “What are you doing here? Did I tell you to go away!” Sigaw ni Elaine. “Umalis ka dito. Ayokong makita ka Enzo. I hate you!” Tumayo ito at itinulak siya palabas ng kuwarto nito. Ngunit mas malakas siya kaya hindi nito nagawang itulak siya. Pinagsasampal ni Elaine ang mukha niya. Galit na galit ito. Kahit nasasaktan siya sa mga ginagawa nitong pagsampal, pagsuntok at tadyak ay nanatili parin siyang tahimik. Gusto niyang mawala ang hinanakit nito sa kanya. Kung ano man ang rason ng galit nito ay hindi niya alam. “Sinungaling ka! You promised na magiging matapat ka sakin pero niluko mo lang ako. Manluluko ka Enzo!” Paulit-ulit na sigaw nito habang sinasampal at sinusuntok ang dibdib niya. She was crying so hard. Hinaplos niya ang mukha nito pero tinabig nito ang kamay niya at sinampal ng malakas ang pisngi niya. “What’s wrong with you baby? Ano ang ginawa kong kasalanan at bakit galit na galit ka sakin?” Napaiyak na din siya. Ayaw niyang nasasaktan ito. Hindi siya kailanman gagawa ng bagay na ikasasakit ng damdamin nito. Mahal na mahal niya Elaine.
Tumigil si Elaine sa pagsampal sa kanya. Napaatras ito ng makita ang mga luhang tumulo sa kanyang mga mata. Umupo ito sa kama. Napahikbi ito. Gusto niyang yakapin, halikan, haplusin ang mukha nito ngunit hindi niya magawa dahil ayaw nitong magpahawak sa kanya. Gusto niyang malaman kung ano ang ginawa niyang mali, bakit sinasabi nitong sinungaling siya at manluluko. Nagsimula siyang humakbang palapit dito ngunit pinigilan nito ang ginawa niyang paglapit. “D-don’t come near me Enzo.” Galit na sigaw nito. Hearing her mentioning his name and not baby anymore breaks his heart so bad. Where’s the indearment of her voice? “I don’t know what is happening to you. Please tell me what did I do wrong para magkaganyan ka sakin.” Tanong niya. “D-do you really want to know what is wrong with me Enzo!?” Mariing sabi ni Elaine. Tumayo ito at pinukulan siya ng isang napakasakit na tingin, kung kutsilyo lang ang mga titig nito ay kanina pa siya bumagsak sa sahig. “I don’t love you anymore. I hate you so much. Sana hindi na lang kita nakilala Enzo. Alam mo kung ano ang masakit? Iyong pinagpustahan ako ng lalaking mahal ko ng isang milyon para lang paibigin ako. Para makuha ang buong pag-ibig ko. At higit na mas masakit ay iyong malaman ko sa ibang tao ang mga ginawa mo. Sana sinabi mo na lang sakin ang totoo mas kaya ko pang tanggapin kaysa sa ibang tao ko pa malalaman ang ginawa mong panloloko sakin!” Pumiyok si Elaine. Pinahid niya ang luhang muling lumandas sa kanyang mga pisngi. “I don’t even know kung minahal mo ba talaga ako Enzo? Gusto mo lang ipakita sa mga kaibigan mo na magaling ka sa mga babae diba, na kaya mo akong mapaibig. Yeah! You did it! Congratulation napaibig mo ako. Sa katunayan nga ay sobrang minahal na kita at hindi ko alam kung dapat ba pa kitang mahalin. I don’t want to see you anymore. Umalis ka na” Mariing sabi ni Elaine. Paano nalaman ni Elaine ang mga bagay na ito? Heto na ang kinatatakutan niyang mangyari, ang malaman ni Elaine ang totoo. Lahat ng ipinakita at ipinadama niya dito ay totoong pagmamahal at hindi pagsisinungaling.
“Elaine please here me out. Mahal na mahal kita baby. Oo pinagpustahan ka namin ng mga kaibigan ko ng isang milyon para paibigin ka pero minahal kita noon pa man.” Umiiyak din sabi ni Enzo. “Mahal!? That’s bullshit! Hindi mo ako minahal Enzo dahil kung minahal mo ako hindi ka makikipagpustahan sa mga kaibigan mo. Hindi mo magagawang ipantaya ako sa pustahan ninyo. Sarili mo lang ang iniintindi mo.” Umiiyak na sabi ni Elaine. “Gusto mo lang na hindi ka mapahiya sa mga kaibigan mo. Alam mo kung ano ang gusto kung gawin mo ngayon? Gusto kung umalis ka na sa buhay ko. Like you never exist into my world. I hate you so much. I hate your friends. Magsama kayong lahat!” Puno ng hinanakit na sabi ni Elaine. Niyakap niya ito ng mahigpit ngunit pumiksi ito. “Bitawan mo ako Enzo.” Hindi niya pinakawalan ito. Puno ng mga luhang naki-usap siya.“Please Elaine I’m so sorry baby. Don’t do this to me. I love you so much.” Sabi niya. “Break na tayo Enzo.” Mahina ang boses na sabi ni Elaine. Itinaas niya ang baba nito ngunit hindi na ito tumitingin ng diretso sa kanya. “H-hindi, ayoko baby. Ayoko!” Umiling-iling na sabi niya. “Just get out in my room.” Matigas na sabi nito. Hindi siya umalis. Akma ulit niyang yayakapin ito. Ngunit itinulak siya ng malakas. “I said get out! Do you understand what I said. I want you out of my life.” Mabilis itong nagtungo sa loob ng banyo at inilocked ang pintuan. Nanlulumong napayuko si Enzo. Lumabas siya sa kuwarto ni Elaine at nagmadaling umalis sa bahay nito. Hahayaan muna niya ito ngayon. Galit lang ito ngayon. Napaiyak siya habang nagmamaneho. Nagtungo siya sa Royale club upang magpakalasing. Gusto niyang mawala ang sakit na dulot ng pakikipaghiwalay nito. MATAPOS ang final exams ni Elaine sa UP Diliman ay nagpasya siyang umalis sa Pilipinas. Ipagpapatuloy niya ang pag-aaral sa ibang bansa. Nakasakay siya sa eroplanong magdadala sa kanya sa California. Hindi niya mapigilan ang mapaiyak sa loob ng eroplano. Kung puwede lang ay ayaw niyang umalis. Kahit masakit na iwanan ang lolo at lola niya ay
ginawa pa rin niya upang makalimutan si Enzo. Iniwasan niya ito kahit napakasakit gawin iyon. She really love him. Sa totoo lang ay miss na miss na niya ito. Minsan nga ay naiisip niyang magsimula ulit kasama si Enzo. Kalimutan ang mga nangyari sa kanila. Ngunit natatakot siyang mahalin ulit ito. Natatakot na siyang paikutin ulit nito ang isip niya. Natatakot siyang paglaruan ulit nito ang puso niya like what he did to her. He doesn’t deserve another chance. Ayaw na niyang pairalin ang puso niya, baka mapahamak lang siya. Sa panahon ngayon ay hindi na ang puso ang pinapairal kundi utak. Iyon ang natutunan niya sa naging relationship nila ni Enzo. Lumapag ang eroplanong sinasakyan niya sa LAX airport sa California. Naghihintay sa labas ng airport ang susundo sa kanya. Mamamalagi siya sa bahay ng tita Zandra niya. Kapatid ito ng yumao niyang ina. Matagal na ito sa America at halos lahat ng pamilya ng mama niya ay nakatira na sa ibang bansa. Nag-aabang ito sa labasan ng airport. Pagkalabas niya sa airport ay niyakap siya ni tita Zandra. Kinuha nito ang luggage niya at ipinasok sa loob ng sasakyan. “Wow look at you Elaine. The last time I saw you, you are just a little girl but now look at you. You grown up to a very beautiful young lady.” Nakangiting sabi ni Tita Zandra. Napangiti din siya. “Thanks po tita Zandra. Nagmana po kasi ako kay mama.” Sabi niya. “Come on... get inside the car now. Ipapasyal kita dito sa California.” Sabi nito. Nahihiya siya dito. Ngayon lang niya ito nakasama. Noong huli niya itong makita ay noong namatay ang mama at papa niya sa car accident. Mabait ang tiyahin niya. Medyo bata pa ito sa edad nitong thirty-five, wala pa itong asawa at anak. Hindi siya nahirapan na mag-adjust sa California dahil tinutulungan siya ng tiyahin niya. Mabilis naman lumipas ang mga araw at nagawa niyang makapagmove-on. Minsan ay naiisip parin niya ang lalaking una niyang minahal. Ni minsan ay hindi niya ito nakalimutan. Araw at gabi ay naiisip niya ito at walang araw na pinanabikan niyang makita ito. Subalit, mahirap ng magtiwala kay Enzo. Mahirap masaktan. Ang sakit na dulot ng ginawa nito ang nagpapalakas at nagbibigay tatag sa kanya upang hindi na ito balikan. Matapos ang hiwalayan nila ni Enzo ay hindi na siya muling nagmahal ng iba. Sa pag-alis niya sa Pilipinas ay nagbunga ang pagmamahalan nila ni Enzo. Pagmamahalan ba nila o siya
lamang ang nagmahal dito? Isang buwan na siya sa California ng malaman niyang buntis pala siya kay Enzo. Napaiyak siya ng malaman nagdadalang tao pala siya. Hindi niya alam kung paano papalakihin ang anak nila. Sa sitwasyon ng isang nag-iisang magulang ay mahirap magpalaki ng bata na walang katuwang sa buhay, walang kasamang mag-aalaga. Pero kaya niya iyon. Some part of her ay natuwa ng malaman buntis pala siya. She will keep her baby. Hindi malalaman ni Enzo ang tungkol dito.
Chapter 10 SINUBUKAN ayusin ni Enzo ang lahat sa pagitan nila ni Elaine pero walang nangyari. Nagbago si Elaine, mahirap na itong abutin. Kahit abot-kamay niya ito ngunit tila kay hirap pa ring abutin. Para itong isang buwan na kapag tinitignan ay kay lapit lapit lang pero kung aabutin mo ay napakalayo. Masakit isipin na napalitan ng galit ang pagmamahal ni Elaine sa kanya. Hindi niya iyon matanggap. Hindi man ito magsalita ay alam niyang sukdulan ang galit nito sa kanya. Paano niya patutunayan minahal talaga niya ito. Alam ng lahat kung gaano niya kamahal si Elaine. Nahuli na siya. Huli na ang lahat. Umalis na ito... Sa paglayo ng babaeng pinakamamahal niya ay malaking kalungkutan ang dulot nito sa puso niya. Hindi niya alam kung kailan ito babalik. Galit si Elaine sa kanya at pati sa mga kaibigan niya. Pesteng pustahan kasi ang ginawa ng mga kaibigan niya. Kung alam lang niya na ganito pala ang kahihinatnan ng pesteng pustahan na iyon, sana ay hindi na siya sumali sa pustahan. Sana hindi na siya pumayag sa mga kalukuhan ng mga kaibigan niya. Ang tanga tanga niya. Tama si Elaine napakaselfish niya. Makasarili siya. Ayaw niyang mapahiya sa mga kaibigan kaya pumayag siya sa pustahan. “Ang tanga tanga mo kasi Enzo. Ngayon iiyak ka! Gago ka kasi!” Pininisi niya sa kanyang sarili. Everything is now messed up. Wala na si Elaine! Iniwan na siya ng babaeng pinakamamahal niya. “Bakit palagi na lang akong iniiwan ng mga mahal ko sa buhay?” Napapaiyak na tanong niya sa sarili.
Magmula noong umalis si Elaine ay palagi na siyang naglalasing sa Royale Club. Walang ganang ipagpatuloy ang buhay. Para kanya ay patay na ang puso niya. Wala ng kulay ang buhay niya. Hindi na siya pumapasok sa school. Isang gabi ay umuwi siyang lasing na lasing. Binuksan ni nanay Aida ang pintuan para sa kanya. “Enzo anak lasing ka na naman. Hindi ka na naman ba pumasok sa school. Ano bang nangyayari sayo?” Nag-aalalang sabi ng matandang babae. Hinaplos nito ang pisngi niya. “B-bakit ganun nanay p-palagi na lang akong iniiwan ng mga mahal kooo. I-I-iniwan na ako ng babaeng p-pin-na-kamam-mahal ko. A-ANG SAKIT-SAKIT NANAY.” Umiiyak na sabi ni Enzo. Napayakap siya ng mahigpit kay Nanay Aida. Niyakap naman siya ng matandang babae. “Enzo huwag mong sirain ang buhay mo dahil iniwan ka lang ng isang babae. Look around you marami pang opportunities na mangyayari. Kung kayo talaga ang para sa isat-isa ni Elaine babalik siya anak. Babalik siya. Magkikita ulit kayo. Huwag kang mawalan ng pag-asa, anak.” Sabi ni Nanay Aida. Hinaplos haplos nito ang likod niya. “H-hindi ko kayang mawala siya nanay. P-paano kung bumalik siya tapos may m-mahal na siyang iba? P-paano kung di na siya bumalik? P-paano na ako nanay?” Sabi niya. Tumutulo pa rin ang mga luha sa kanyang mga mata. “Kaya mo yan anak. Magtiwala ka sa puso mo. Babalik si Elaine. Hayaan mo muna siya ngayon. Palayain mo muna siya. Hayaan mo siyang makapag-isip. She need more time to think.” Sabi nito. Tumango-tango siya. “Siyanga pala Enzo umuwi na ang papa mo anak. Gusto ka niyang makausap sa library nandoon siya ngayon.” Dagdag na sabi ni Nanay Aida. “Hijo... It’s good to see you son.What’s happening to you? Hindi ko gustong nakikita kitang ganyan.” Sabi ng papa niya sa may hagdanan. Pagkadisgusto ang nakabahid sa mukha nito. “Sinisira mo ang buhay mo dahil lang sa isang babae. Come on my son! Their’s a lot of
girls out there hindi mo kailangan sirain ang buhay mo dahil lang sa babae. Kung iniwan ka niya. Pabayaan mo siya.” Malakas ang boses na sabi ng papa niya. Nagbabaga ang tingin ipinukol niya sa kanyang ama. “You don’t know anything about her, Papa. Hindi mo kilala si Elaine. Ako ang sumira sa buhay ko hindi siya. Mabuti naman at umuwi ka pa! Akala ko kasi wala ka ng pakialam sakin. Ano nga ba ang alam mo sa mga nangyayari sakin? Eh, palagi kang wala. Mas importante pa ang mga negosyo mo kaysa sakin. Wala kang karapatan pagsalitaan ng masama si Elaine. Dahil wala kang alam sa mga nangyayari sa buhay ko. Umalis siya dahil kasalanan ko. It’s all my fault.” Tinalikuran niya ito. “Lahat ng ginagawa ko ay para sayo Enzo. Para sa kabutihan mo. I want to give you the best. I want to provide everything that you need. Ginagawa ko ito para ibigay ang mga pangangailangan mo. You and your mother is the most important person in my life. Hanggang kaya kung ibigay ay ibibigay ko Enzo. Darating ang panahon na ikaw ang magmamana ng lahat ng ito. Hindi kita pinabayaan, Anak. Don’t say that I don’t care about you. Impotante ka sa buhay ko. I’m really sorry about the girl who hurt you. But don’t let yourself ruined because she hurt you. You have to prove her how much you love her by accomplishing your dreams. At kapag nagkita kayo may maipagmamalaki ka sa kanya. Makakaya mong bumuo ng sarili mong pamilya even without me.”Sabi ng papa niya. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa balikat. “Papa mahal na mahal ko si Elaine. Kasalanan ko ang lahat. Sinaktan ko siya. Pinagpustahan ko siya ng isang milyon para pa-ibigin. You see I’m so damn. She think na hindi ko siya minahal. Iniwan na niya ako. It’s so hurt papa.” Sabi niya. Niyakap siya ng papa niya. “Sometimes we learned for our own mistake. Doon tayo nagiging matatag at natututong itama ang mali. If she loves you. She will always remember you. She will treasured the memories of you. Hayaan mo muna siyang hanapin ang sarili niya anak. Hayaan mo muna siyang makapag-isip. Darating ang araw na magkikita ulit kayo at kapag dumating ang araw na iyon, don’t wast your time to correct your own mistake. Always remember that the right time will come. If the wound has been healed mas madali na lang niyang matatanggap ang pagkakamali mo. Sa ngayon hayaan mo muna siya. Ipagpatuloy mo ang pagaaral mo. Gawin mo ito para sa kanya. Used her as your inspiration.” Pagpapalakas loob na sabi ng papa niya.
Tumango siya. Hihintayin niya ang araw ng pagbabalik ni Elaine sa Pilipinas. Kapag nakita ulit niya ito ay hindi na niya ito papakawalan pa. Hihintayin niya ito kahit gaano pa iyon katagal. Kahit walang kasiguraduhan ang pagbabalik nito.
After six years... ELAINE recieved a long distance call came from the Philippines. Isang napakahalagang tawag mula sa Lola Letty niya. Na-confined daw ang lolo niya sa hospital kahapon. Nag-alala siya sa kalagayan ng kanyang lolo. Agad siyang nagpunta sa opisina ng boss niya sa kompanyang pinapasukan para magpaalam na magbabakasyon sa Pilipinas. Kailangan niyang umuwi sa Pilipinas dahil malala ang condisyon ng lolo niya. Ayaw niyang mawala ito ng hindi niya nakikita. Lumandas ang luha sa kanyang mga mata. Anim na taon na siyang hindi umuuwi sa Pilipinas. Namimiss na rin niya ang lolo at lola niya. Tinikis niya ang sariling hindi magbakasyon dahil ayaw niyang makita si Enzo. Hanggang ngayon ay hindi parin alam ni Enzo ang tungkol sa anak nila. Wala siyang balak ipaalam ang tungkol kay Jaizone Aguirre. Ang nagiisang importante at mahalaga sa buhay niya. Anim na taong gulang na ito. Matalinong bata. Guwapo. Makulit pero malambing. Lumaki ito na puno ng pagmamahal niya. Lahat ng pangangailangan nito ay pinupunan niya. Sinuportahan naman siya ni Tita Zandra sa mga desisyon pinili niya. Kasama niya itong nagpalaki at nag-alaga sa anak niya. Habang lumalaki naman si Jaizone ay dumadami naman ang katanungan nito sa kanya. Mga tanong na mahirap sagutin tulad ng nasaan ang ama nito? Minsan ay nagagalit na siya sa kakatanong nito ng mga bagay na ayaw niyang sagutin at ayaw na niyang maalala. Nagpunta siya sa opisina ng boss niya upang ibigay ang vacation leave niya for two months. Kumatok siya sa pintuan bago pumasok sa loob ng opisina. Nakita niyang ngiting-ngiti ang boss niya ng makita siya. Bahagyang nginitian niya ito, hindi umabot sa mga mata niya ang ngiting iginawad niya dito. Humalik ito sa kanya. Isang munting halik. Isang damping halik. Hindi niya magawang gantihan ang mga halik nito. Bahagya lamang niyang nginitian ito.
“I miss you so much honey.” Sabi ni Rafael Santiago. Niyakap ni Rafael ang beywang niya. Hinaplos pa ng isang kamay nito ang pisngi niya. “What’s wrong honey?” Tanong nito ng makita ang lungkot sa kanyang mga mata. “Magbabakasyon ako sa Pilipinas. Tumawag si lola kanina dinala daw si lolo sa hospital.” Halos mapaiyak na siya sa pagbabalita dito. “Nasa malalang condition daw ito. Kailangan kong umuwi sa Pilipinas Rafael baka hindi ko na siya maabutan buhay. Hindi ko kakayanin iyon.” Nag-aalalang sabi niya kay Rafael. Hinaplos nito ang likod niya. “It’s okay honey. Magiging okay din ang lolo mo manalig ka lang sa itaas.” Sabi nito. Si Rafael Santiago ang bagong boyfriend niya. Nakita niya ito sa isang Filipino Restaurant sa California four years ago. Nagulat pa nga siya ng makita ito. Malaki ang kasalanan niya dito dahil inaway niya ito noong sinabi nito ang panlulukong ginawa ni Enzo sa kanya. Humingi siya ng tawad sa ginawa niya dito. Naging magkaibigan naman silang dalawa. Pagkakaibigan na nauwi rin sa panliligaw nito. Mabait naman si Rafael. Tanggap nito si Jaizone ang anak nila ni Enzo. Ito ang tumayong ama-amahan ng anak niya at pumupuno sa pagkukulang ng isang ama. Naging malapit na rin ang loob ni Jaizone kay Rafael. Kahit paano ay napamahal na din siya kay Rafael, pagmamahal bilang isang kaibigan dahil alam ng puso niyang si Enzo parin ang mahal niya. Sinagot niya si Rafael dahil mabait ito sa kanya at sa anak niya. Oo, alam niyang mahal na mahal siya ni Rafael subalit parang may kulang. Hinahanap niya dito ang mga bagay na ginagawa ni Enzo sa kanya noong magkasintahan pa sila. Malambing si Rafael pero mas malambing si Enzo at isa na iyon sa mga hinahanap niya sa lalaki. Bakit ba ganito parin ang nararamdaman niya kay Enzo? Bakit palagi niyang pinagkokompara si Rafael sa dating nobyo? “K-kailangan ko talagang umuwi sa Pilipinas. Okay lang ba sayo?” Seryosong tanong niya. Napabuntong hininga ito. “Ofcourse it’s okay with me. I understand you honey. Matagal na panahon ka narin hindi nakakauwi sa Pilipinas. I think it’s about time na kailangan mo na rin umuwi sa Pilipinas. Hanggang kailan ka doon?” Tanong ni Rafael.
“Maybe one month. Two months. Honestly hindi ko talaga alam kung magtatagal ako doon.” Sabi niya. Seryosong umupo ito sa swivel chair nito. “Dadalhin mo ba ang anak mo doon?” Tanong nito. Tinignan niya ang expresyon ng mukha nito. Alam niyang may bahid na pag-aalala ang mukha ni Rafael. “Oo naman dadalhin ko si Jaizone. Hindi ko naman siya puwedeng iwanan na lang dito. I’m sure lolo and lola wants to meet him too.” Sagot niya sa tanong ni Rafael. Napatangu-tango ito. Malungkot ang mukha ni Rafael. “Paano kapag nagkita kayo ni Enzo sa Pilipinas? Would you tell him about Jaizone?” Tanong nito sa kanya. Hindi agad siya nakasagot sa tanong nito. Paano nga ba kung makita ni Enzo si Jaizone? Paano kung magtatanong ito about sa bata? Kaya ba niyang sagutin ang mga katanungan nito? Magagawa ba niyang ilihim si Jaizone habang buhay sa ama nito” Iyon ang mga tanong na mahirap sagutin. “Walang kailangan malaman si Enzo tungkol sa anak ko. Hindi niya makikita si Jaizone. Kung kinakailangan kong magsinungaling gagawin ko para lang mailayo ko ang anak ko sa lalaking iyon.” Puno ng galit ang bawat katagang binitawan niya. “That’s right walang kailangan malaman si Enzo tungkol kay Jaizone. He doesn’t deserve to know the truth.” Sabi ni Rafael. “Sige papayagan kitang magbakasyon Elaine kasi may tiwala ako sayo. Siguro susunod na lang ako sa Pilipinas pagkatapos ng mga trabaho ko dito. Maghanda ka rin dahil hihingin ko ang kamay mo sa lolo at lola mo.” Sabi nito. Gulat na napatingin siya sa mukha ni Rafael. Nagtatanong ang mga tingin ipinukol niya dito.“Are you proposing?” Tanong niya. Ngumiti ito.“Yes honey. Dapat mamayang gabi ko gagawin ito eh. Kaso bigla mo naman sinabi na uuwi ka sa Pilipinas. I know it’s a wrong time to propose a wedding dahil sa nangyari sa lolo mo pero ayoko ng ipagpaliban pa ito Elaine.” Sabi ni Rafael. Lumuhod ito sa harapan niya at binuksan ang maliit na kahita na may lamang singsing. Tumambad sa mga mata niya ang mamahaling diamond ring.“Please marry me Elaine?” Nagsusumamong tanong nito.
Hindi agad siya nakasagot. Nagulat siya sa biglaang pagproposed ni Rafael. Kung siguro sa ibang mga babae ay sobrang saya kung magproprosed ang boyfriend ng mga ito, pero siya ay hindi, dahil umaasa parin siyang si Enzo ang lalaking magdadala sa kanya sa harap ng altar. Tinignan ulit niya si Rafael. Naawa naman siya dito. Di bale na ang masaktan siya dahil matagal ng patay ang puso niya. Pinatay iyon ni Enzo. “Y-yes ofcourse I will marry you.” Napipilitang sagot niya. Ngiting-ngiti naman si Rafael at halos maiyak pa ito dala ng katuwaan. Kinuha nito ang singsing sa kahita at isinuot sa kaliwang daliri niya. Nginitian niya ito ngunit hindi umabot sa tainga niya. Sa ginawa niyang pagtanggap sa proposal ni Rafael ay tuluyan na niyang sinara ang puso niya para kay Enzo. Niyakap siya ni Rafael ng mahigpit at masuyong hinalikan sa mga labi. Hindi siya gumanti. Hinayaan lang niya ito sa paghalik sa kanya. Ang paraan ng paghalik nito ay kaiba sa paraan ng paghalik ni Enzo. Ang mga halik ni Enzo ay nakakawala sa sarili, Nakakalunod, nakakadala at nakakasabik. Naalala niya ang paraan ng paghalik ng dating nobyo at sobrang namiss niya iyon. Ngunit bakit ganito ang nararamdaman niya sa mga halik ni Rafael? Hindi siya nasasabik. Hindi niya magawang gantihan ang mga halik nito, pakiramdam niya ay may kulang. Kung baga sa isang orange juice ay kulang ang lasa. Huminto si Rafael ito sa paghalik sa kanya. “Nakabili ka na ba ng plane ticket ninyo ni Jaizone?” Tanong nito. Umiling-iling siya. “Bibili pa lang ako ng plane ticket mamaya.” Sagot niya. Tumango ito. Niyakap siya ng mahigpit. “Ako na ang bahala sa plane ticket okay. Alam mo honey, ngayon pa lang ay parang nalulungkot na akong hindi kita makikita sa araw-araw.” Malungkot ang mukha nito. Hinaplos niya ang pisngi nito. “Huwag ka ng malungkot hon, diba susunod ka naman doon.” Sabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya at dinala sa mga labi nito.“Yes honey. Susunod talaga ako sa inyo ni Jaizone. I love you.” Sabi ni Rafael.
Nginitian niya ito pagkatapos ay lumabas na siya sa opisina ni Rafael. Tinanggap niya ang marriage proposal nito dahil sa tingin niya ay magiging mabuti naman itong asawa. Kahit na hindi siya masaya sa relationship niya kay Rafael, basta ang mahalaga ay mapasaya niya ito. Kahit sa paraang ito lamang siya makakabawi sa kabaitan nito sa kanya. SAKAY ng eroplanong magdadala sa kanila sa Pilipinas ay napapabuntong hininga si Elaine. After six years ay muli siyang magbabalik sa Pilipinas kasama ang anak niya. Nagbalik ang alaala niya sa mga taon na lumipas. Naalala niya ang panahon kasama niya si Enzo. Oo aaminin niyang namimiss niya ang lalaking unang nagpatibok sa kanyang puso. “Kumusta na kaya siya?” Tanong niya. “Mommy what are you saying? What is comosta na keya seya?” Panggagaya nito sa sinabi niya. Natawa siya sa slang na panggagaya ng anak niya. Ginulo niya ang buhok nito. Nakaupo ito sa tabi niya sa loob ng eroplano. “Sweety, it’s not comosta na keya seya. It’s kumusta na kaya siya?” Pagtuturo niya sa anak. Huminto ito sa paglalaro ng PSP. “Yeah I know that mom, but what is that supposed to mean?” Nakangusong tanong ng anak niya. Hinalikan niya ito. “Kumusta na kaya siya means how is he/she doing.” Sagot niya sa makulit na anak. “S-sino I mean who is you referring too, mom?” Muling tanong nito. Hindi talaga titigil ito sa kakatanong sa kanya. “It’s just someone that you don’t know.” Sagot na lamang niya. “It could be daddy, right mom?” Tanong ulit nito. Sinulyapan niya ito. “No! And please stop asking me to much question. Just continue playing your PSP.” Utos niya sa anak. Nawawalan na siya ng isasagot dito. Kamukhang kamukha ito ni Enzo. Nakuha ni Jaizone ang mga mata ni Enzo. Pati narin ang ilong nito. Ang shape ng mukha nito. Nakuha rin nito ang mga labi niya at ang paraan ng
pagngiti niya pati narin ang cute dimples niya. Naalala ulit niya ang tatay ng anak niya. Siguro may asawa na ito ngayon. Biglang nasaktan ang puso niya sa naisip. Bakit ba niya iniisip ang lalaking iyon? Kahit naman siya ay may Rafael na rin. Iwinaglit niya sa isipan si Enzo. Hindi na niya ito kailangan. Si Rafael na ang ngayon niya at ito narin ang bubuo sa pamilyang pinapangarap niya. Si Rafael na lang wala ng iba. “No! Si Enzo ang mahal mo.” Sigaw ng puso niya. Bakit parang nagproprotest ang puso niya? Nang makalapag ang eroplanong sinakyan ni Elaine at ng anak niya ay hindi na siya nagaksaya ng oras na puntahan ang lolo niya sa hospital sa manila. Kahit pagod siya sa fifteen hours travel sa eroplano ay gusto parin niyang makita ang lolo niya. Sinundo siya ni mang Isko mula sa airport. Hinatid muna nila si Jaizone sa bahay ng lolo at lola niya para makapagpahinga na ito. Pagod ito sa biyahe. Iniwan niya ito sa mga kasambahay bago nagtungo sa hospital. Pagpasok niya sa private room sa hospital ay nakita niya himbing na natutulog ang kanyang lolo. Lumapit siya dito at hinaplos ang kamay nito. Naawa siya sa kalagayan nito. May nakakabit na tube sa ilong at bibig nito helping him to breath properly. Hinalikan niya ang kamay nito. Napapaiyak na kinausap niya ito. “Lolo nandito na ako. Please magpagaling ka na ha. Miss na miss na kita eh.” Bulong niya. Patuloy parin ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Lumapit naman ang Lola Letty sa tabi niya. Hinaplos nito ang balikat niya. Mahigpit niyang niyakap ito. “Lola kumusta na po si lolo. Anong sabi ng doktor? Magiging okay na ba siya?” Sunud-sunod na tanong niya sa matandang babae. Nag-aaalala siya sa kalagayan ng lolo niya. “Bumubuti na ang pakiramdam niya ngayon Elaine. Hindi pa nga lang siya nagigising.” Napapaiyak na sabi ng lola niya. Niyakap niya ito. “Magpakatatag lang tayo lola magiging okay din si lolo. I’m sorry kung ngayon lang ako nagbakasyon. Noong mga panahon na kailangan ninyo ako dito ay wala ako. I’m sorry lola. Miss na miss ko na po kayo.” Napapaiyak parin sabi ni Elaine.
Hinaplos nito ang mukha niya. “It’s okay Elaine. Nandito ka na ngayon. Miss na miss ka na namin ng lolo mo.” Sabi nito. “Hindi ka pa nagpapahinga. Umuwi ka muna sa bahay at magpahinga alam ko na pagod ka sa biyahe.” Nag-aalalang sabi nito. “Okay lang ako lola. I can manage kaya ko pa naman eh.” Sabi niya. “Si Jaizon ang apo ko sa tuhod kasama mo bang umuwi, Elaine?” Tanong nito. “Opo kasama ko po siya. Hinatid ko na sa bahay dahil napagod sa biyahe.” Sagot niya. “Nako eh pagod ka din sa biyahe umuwi ka muna at magpahinga. Bumalik ka na lang dito sa hospital bukas. Tignan mo ang hitsura mo parang pagod na pagod ka apo. Sige na uwi na. Ako na ang bahala dito.” Sabi ng matandang babae. “S-sige po lola. Bukas na lang po” Tumango ito. Humalik siya sa pisngi nito at sa lolo niya. “Lolo pagaling ka ha, dapat bukas gising ka na okay.” Sabi niya sa matandang lalaki na nakahiga sa kama. Pahagyang gumalaw ang kamay nito. Isang assurance na nakikinig ito sa sinabi niya. Iniwan niya ang lola niya sa hospital. Babalik na lang siya bukas ng maaga. Paglabas niya sa private room ng lolo niya ay nagawi ang tingin niya sa isang lalaking nakatayo sa may elevator. Hinihintay nito ang pagbubukas ng Elevator. He was wearing a doctors uniform. Isa siguro ito sa mga doktor sa hospital na ito. Matangkad ang lalaki. Malapad ang mga balikat. Pamiliar sa kanya ang tindig nito at likod nito. Maganda ang build ng katawan. Ang gupit ng buhok nito ay military haircut. He was holding a folder on his right hand at binabasa nito iyon. Siguro ay kagagaling lang nito sa isang patients sa hospital. Bumukas ang elevator at pumasok ang lalaki. Nagmadali din siyang pumasok sa elevator. Hindi niya tinignan ang mukha ng lalaki sa elevator. “Going downstairs miss? What floor?” Tanong ng baritonong boses ng lalaki. Hindi ito tumitingin sa kanya. Nakatingin lang ito sa pinipindot nitong number sa elevator. Pamilyar ang boses nito. “Yes please. On the ground floor.” She answered.
Sa repleksyon ng salamin sa loob ng elevator ay nakikita niya ang mukha ng lalaki. Biglang kumabog ang dibdib niya ng mapagtantong si Enzo Mendez ang lalaking kasama niya sa Elevator. Napalunok siya. Iniwasan niyang magtama ang kanilang mga mata. Probably he didn’t recognize her dahil hindi naman ito tumitingin sa kanya. Hindi rin narecognize ang boses niya. Talagang kinalimutan na siya ng lalaking ito. Nasaktan siya sa bagay na iyon. Guwapo parin ito tulad ng dati. May binabasa ito sa hawak nitong folder. Muli niyang tinignan ang repleksyon nito sa salamin. Nakita niyang may maliit na tumutubong bigote sa mukha nito. She found out that his more handsome with those little mustache. Tumingin ito sa salamin at sinalubong ang mga tingin niya. “Patay nahuli siya...” Kunot noong tumingin ito sa kanya. Kasunod naman ng pagbubukas ng elevator sa ground floor. Nakilala ba siya ni Enzo? Bigla siyang kinabahan. Agad siyang lumabas sa elevator at hindi ito muling tinignan. “Elaine Jaine Aguirre...” Narinig niyang sabi ni Enzo. Ngunit hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy lang siya sa mabilis na paglakad. Hindi naman sumunod si Enzo dahil tinatawag na ang pangalan nito sa emergency room. Bakit ganito parin ang epekto ng nararamdaman niya kay Enzo? Bakit kinakabahan parin siya at sabik na sabik makita ito? Kung puwede lang niyang yakapin ito kanina ay ginawa na niya. After so many years ay mahal pa rin niya ito? She need to avoid her feelings for him. “Manloloko siya Elaine. Sinungaling siya. Don’t ever love him again. Dapat magalit ka sa kanya. You don’t deserve him. Malapit na kayong ikasal ni Rafael.” Sabi ng isipan niya.
Chapter 11 BUMALIK si Elaine sa hospital ng sumunod na araw. Hindi na niya isinama si Jaizone dahil baka makita ito ni Enzo. Iniwan na lamang niya ito sa bahay ng lolo at lola niya. Pagbukas niya sa pintuan ng kuwarto ni lolo Densio ay nagulat siya ng makitang nagkamalay na ito. Kausap ito ni Lola Letty. Agad siyang lumapit sa matandang lalaki at niyakap ito ng mahigpit. Halos mangiyak-ngiyak siya ng makita itong gising na mula sa pagkastroke.
“Lolo!... Lolo Densio... I’m so glad gising ka na. Kumusta po ang pakiramdam mo, lo? Sobra ninyo kaming pinag-alala ni Lola.” Tumutulo ang mga luhang sabi niya. Magkahalong iyak at saya ang lumukob sa kanyang puso ng makita itong may malay na. “E-Elaine apo ko. S-salamat at umuwi ka dito sa Pilipinas. Miss na miss na kita apo. Medyo okay narin ang pakiramdam ko, hindi ko lang maigalaw itong isang parte ng katawan ko.” Tumutulo ang mga luhang sabi nito habang nahihirapan ito sa pagsasalita. Niyakap niya ito ng mahigpit. Naawa siya sa kanyang lolo. “Lolo miss na miss ko rin po kayo. Hayaan mo aalagaan kita hanggang sa gumaling ka. Hindi na po ako aalis.” Sabi niya. Yumakap din ito ng mahigpit sa kanya. “Paano ba naman kasi kumain ng maraming letchon ang lolo mo Elaine, masama iyon sa katawan niya. Alam na nga niyang bawal iyon sa kanya ay kumain pa rin. Ang tigas ng ulo.” Galit na sabi ng lola niya. Tinignan niya ang matandang lalaki. “Huwag po kasing kumain ng mga ganoong pagkain lolo dahil mataas iyon sa cholesterol.” Sabi niya. “I-Inimbitaan k-kasi ako ng k-kompare ko sa party niya k-kaya napakain ako ng marami.” Sabi ng matandang lalaki. “Tignan ninyo ang nangyari sa’inyo ngayon.” Sabi niya. Nasasaktan siya sa paghihirap nito. “Sino po ba ang tumitingin sa mga negosyo sa Baguio at sa Pangasinan lolo?” Tanong ni Elaine habang minamasahe ang kamay ng matandang lalaki. Nabuntong hininga ito. “I-iyon na nga ang i-isang p-problema ko. N-Nag-aalala ako sa hhacienda natin sa mga negosyo at iyong mga taniman sa Baguio. H-Hindi ko na kayang imanage ang mga iyon d-dahil h-hindi ko n-na kayang alagaan ang negosyo. I-ikaw na lang apo ang bahala sa lahat.” Napapaiyak at naglulungkot na sabi ng kanyang lolo. “Lolo huwag na po kayong mag-alala. Sige ako na po ang bahala doon. Basta magpagaling kayo. Hindi na ako babalik sa states. Dito muna ako para alagaan ka hanggang sa bumalik ang lakas mo.” Sabi niya.
May kaunti naman siyang nalalaman sa pagmamanage ng mga naiwang negosyo ng kanyang magulang. Noong nasa murang edad siya ay tumutulong siya sa pagmamanage ng kanilang sariling negosyo, kaya kahit papaano ay may nalalaman naman siya sa pagpapatakbo niyon. Lalo ngayon na mahina ang kanyang lolo. Bumukas naman ang pinto ng kuwarto ng kanyang lolo. Pumasok ang naka-unipormeng lalaki na nakasuot ng puting labcoat at may stethescope na nakasapit sa leeg nito. He was holding a clip pad on the right hand. Nakangiti itong pumasok. Hindi niya masyadong tinignan ang dumating na lalaki dahil nakatuon ang atensyon niya sa pagmamasahe sa kamay ng lolo niya. “Good morning po Lolo Densio. Kumusta na po ang pakiramdam ninyo.” Sabi ng lalaki. Lumapit ito sa tabi ni lolo. “It’s time for your check up. ” Nahinto ito sa pagsasalita ng makita siya. Titig na titig ito sa kanya. That voice is sounds familiar.... Awtomatikong napatingin siya sa lalaking nagsasalita. Gumuhit ang pait ng kahapon sa muli nilang pagkikita ni Enzo Mendez. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman sa muli nilang pagkikita. Pakiramdam niya ay nasasabik siya sa mga yakap nito pero gusto rin niyang sumbatan ito. Sabihin napakawalang kwenta nito. Mataman nakatingin si Enzo sa kanya. May lungkot na nakabahid sa mga mata nito. Gusto niyang haplosin ang mukha nito pero hindi puwede dahil natatakot siyang mahulog ulit ang loob niya. I hope you know that I still love you. Iyon ang gusto niyang sabihin dito. Mahal pa rin niya ito at kahit kailan ay hindi mawawala ang pagmamahal na iyon para kay Enzo. Ngunit mas mahirap naman ang masaktan at pagpustahan ng lalaking pinakamamahal niya. Sino ba ang unang magsasalita? Ako ba o siya? Wala siyang mahagilap na sasabihin kay Enzo. Ito ang unang bumasag sa katahimikan nila. “H-hi baby. It’s good to see again. I miss you so much” He said. Nagulat siya sa sinabi nito at hindi agad siya nakahuma sa kinauupuan. May bahagi sa kanyang puso ang nagsasabing namiss niya ang pagtawag nito ng baby sa kanya. Biglang
bumilis ang pagtibok sa puso niya ng marinig ang mga katagang binitawan ni Enzo. Kung pakikinggan lang sa stethescope ang pintig ng puso niya ay napakabilis niyon kompara sa regular heart beats niya. Seeing Enzo again makes her heart jumped. Hindi niya alam kung ngingitian niya ito o sisimangutan. Mas pinili niyang maging matigas at maging seryoso. Pormal niya itong hinarap. Ngumiti ito sa kanya ngunit hindi niya ito nginitian. Tumayo siya mula sa kinauupuan. “Mr. Mendez I mean Dr. Enzo Mendez, it’s good to see you too! Doktor ka na pala ngayon at ikaw pa ang tumitingin sa lolo ko. Siguro alam mo na uuwi ako at alam mo rin na hindi ko matitiis ang lolo ko.” Walang kangiti-ngiting sabi niya. Ang nakangiting mukha ni Enzo ay napalitan ng lungkot. Kung alam mo lang kung gaano mo ako sinaktan noon, Enzo. Hanggang ngayon ay ang sakit sakit parin ng ginawa mo sakin. Mas tama lang na masaktan ka sa malamig kung pakikitungo ko sayo. I’m not the same person na pinagmukha mong tanga sa pustahan ninyo ng mga kaibigan mo. Hindi ko alam kung paano kita patatawarin. Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang mahalin. Ang hirap-hirap mong kalimutan.hanggang ngayon ikaw parin ang lalaking gusto kong mahalin. Gusto niyang isampal ang mga salitang iyon sa mukha ni Enzo pero para saan pa, para magmukha ulit siyang tanga. There’s no way na sirain ulit nito ang buhay niya. Not now and not anymore...Okay na ako ngayon. Nakamove-on na ako kasama ang anak natin Enzo. “Elaine!...” Sita ng lola niya sa hindi magandang asal niya kay Enzo. Tinignan niya ang matandang babae. “S-sorry po lola. Sige po maiwan ko muna kayo. I need to go outside and take some fresh air. Masyadong masikip dito.” Napaismid siya sa lalaking nakatayo malapit sa kama ng lolo niya. Nagkatinginan ang lolo at lola niya. Hindi naman talaga masikip sa loob ng kuwarto ni Lolo Densio gusto lang niyang umiwas kay Enzo. Alam ng mga ito kung gaano niya kamahal si Enzo noon at kung gaano rin siya nasaktan. Nakiusap siya sa dalawang matanda na itago ang nalalaman tungkol sa anak nila ni Enzo. He doesn’t deserve to know about Jaizone. “E-Elaine g-galit ka parin ba kay E-Enzo, Apo?” Tanong ng lolo niya. Hindi agad niya sinagot ito. Pinakiramdaman niya ay natutop siya sa tanong ng lolo niya. Kinapa niya ang sariling damdamin. Nagtatalo ang isip at puso niya. Ang idinidikta ng puso niya
ay mahal parin niya Enzo pero ang sinasabi ng isip niya ay paano si Rafael. Ang fiance niya at lalaking nag-alay ng pagmamahal sa kanya sa kabila ng masakit na dulot ng pekeng pagmamahal ni Enzo. “Bakit naman po ako magagalit sa kanya lolo? Nagpapasalamat nga po ako dahil nalaman ko ang pagkatao niya. Nalaman ko na isa siyang sinungaling at manluluko.” Madiin ang bawat salitang binitawan niya. Puno parin sa galit ang puso niya habang tinititigan si Enzo na abala sa pag-check up sa kanyang lolo. “At saka po matagal na iyon lolo. Hindi na siya importante sakin. Sa katunayan nga po ay susunod po ang fiance ko dito sa Pilipinas.” Sagot niya na ikinagulat ng tatlong naroon. Kunot noong napatingin ng diretso si Enzo sa kanya, sinalubong naman niya ang mga tingin nito. Gusto niyang makita ang reaksyon ng mukha nito. Gusto niyang ipamukha na wala itong kuwentang lalaki. Na kaya niyang kalimutan ito. May matinding pait ang gumuhit sa mukha nito at ikanatuwa niya ang nakikitang expresyon ng mukha nito. Subalit sa kabila ng katuwaan ay kahungkagan naman ang dulot niyon sa kanyang puso. Ang totoo ay namimiss na niya si Enzo. Gusto niyang umiyak dahil bumabalik na naman ang kirot na naramdaman niya noon. Gusto niyang yakapin ito. At tanungin kung bakit niya ginawa iyon? Pero bakit pa siya maniniwala dito? Nasira na ang tiwalang ibinigay niya kay Enzo. “I hope you give me a chance to explain everything that had happened before.” Anas ni Enzo. “Ano pa ba ang kailangan mong ipaliwanag sakin, Enzo? Malinaw na ang lahat!... Let’s not talked about the past. Matagal na iyon. Nakalimutan ko na, sana ikaw rin. At magpapakasal na ako kaya wala na rin halaga ang mga paliwanag mo sakin. Please excuse me magpapahangin lang ako sa labas.” Sarkastikong sabi niya. Mabilis siyang lumabas sa kuwarto ng kanyang lolo. Pagkasara niya sa pintuan ay kusang dumaloy ang masaganang luha sa kanyang magandang mukha. Masakit isipin na sa kabila ng mahabang panahon ay mahal pa rin niya si Enzo. Ayaw niyang saktan ito, dahil para sa kanya ay dobleng sakit ang mararamdaman niya. Bumabalik din sa kanya ang sakit ng pagpipigil na muling mahalin ito.
NASAKTAN si Enzo sa mga binitawan salita ni Elaine. Buong akala niya ay napatawad na siya nito sa mga ginawa niyang kasalanan noon pero hindi pa pala. Kahit sinabi nitong hindi na ito galit sa kanya pero batid niyang naroon parin ang matinding galit nito. Gagawin niya ang lahat upang bumalik ito sa kanya. Subalit ng sabihin nitong susunod ang fiancee nito at magpapakasal na ang dalawa ay gumuho ang pag-asahang natitira sa puso niya. Naghintay siya sa muling pagbabalik ni Elaine. Pagbabalik na hindi niya alam kung matutupad. Anim na taon siyang naghintay sa pagbabalik nito. Wala siyang ibang minahal na babae kundi Elaine lang. Ngayong bumalik na ito ay malalaman niyang magpapakasal na ito sa ibang lalaki. Para siyang binagsagan ng langit at ikinadurog ng kanyang puso. Kung sino man ang lalaking napupusuan ni Elaine ay sisiguraduhin niyang aagawin niya ito sa lalaking iyon. He will win her back. Hindi siya papayag na may ibang mamahalin ito. Ako lang Elaine... You are mine! No one else but mine. “O-okay ka lang ba E-Enzo?” Tanong ni Lolo Densio. Tumango siya ngunit hindi nagsalita. Kasalukuyan niyang tinitignan ang heart beat at pulse rate nito. Alam ng mga ito ang pagpabalikbalik niya sa bahay ng mga Aguirre noon upang alaman kung nakabalik na si Elaine. Gusto niyang sundan sa Elaine sa ibang bansa pero pinigilan siya ng dalawang matanda. Kung mahal daw niya si Elaine ay maghihintay siya sa pagbabalik nito. Kung para sila sa isat-isa kahit harangin pa sila ng kanyon ay sila parin hanggang sa huli. “Pagpasensyahan mo na lang si Elaine ha, Enzo. Magkakaayos din kayo... Kung malalaman lang niya ang paliwanag mo nasisiguro kong maintindihan ka niya. Huwag kang mawalan ng pag-asa apo.” Sabi ni Lola Letty. Halos mangilid ang mga luha niya sa mga sinabing salita ng matanda. “Sana nga po lola. Pero huli na po ang lahat magpapakasal na si Elaine sa fiance nito.” Malungkot na sabi niya. Pinahid niya ang luhang dumaloy sa pisngi niya. “H-hindi pa naman h-hinihingi ng lalaking iyon ang pahintulot namin na pakasalan ang apo ko. K-kilatisin ko muna ang lalaking iyon. A-Alam mo na i-ikaw ang gusto ko p-para kay Elaine.” Sabi ni Lolo Densio.
Tumango naman si Lola Letty. “Tama ang lolo mo. Hindi pa namin nakikita at nakakausap ang lalaking iyon. Hindi pa huli ang lahat Enzo. Kailangan mong bawiin ang pamilya mo sa lalaking iyon. Hindi puwedeng siya ang maging ama ng anak mo.” Sabi ni Lola Letty. Natutop nito ang mga bibig. Nagkatinginan ang dalawang matanda. “Anong sabi mo lola? Bawiin ang pamilya ko? Ang anak ko?” Tanong ni Enzo. “Wala pala akong sinabi... Wala iyon.” Sagot nito. Napaisip siya sa sinabi ng matandang babae. Alam ninayng nagsisinungaling ito. Napansin niyang may tinatago ang mga ito. “Lola Letty alam ko may itinatago kayo sakin. Ano po iyon?” Tanong ulit niya. Hindi niya tinigilan ito hanggang sa hindi ito umaamin sa kanya. Napabuntong hininga ito. “Magagalit si Elaine kapag sinabi ko ito sayo. Ayokong pangunahan siya.” Sagot ng lola ni Elaine. “E-Enzo ayokong m-mapunta sa iba ang a-apo ko. Y-you need to know the t-truth. Aalam ko na m-mahal na m-mahal mo ang apo ko. A-at mas kilala ka namin k-kaysa sa lalaking iyon. W-win her back and your son.” Sabi ni Lolo Densio kahit nahihirapan ito sa pagsasalita. “May anak kami ni Elaine!” Gulat na tanong niya. Hindi siya makapaniwalang nagkaroon sila ng anak ni Elaine. Gusto niyang magalit dahil inilihim nito ang tungkol sa anak nila. Tumango naman ang dalawang matanda. “Bakit ngayon lang ninyo sinabi sakin ang bagay na ito.” Nagtatampong tanong niya. Walang naisagot ang dalawang matanda. Di na importante pa ang sasabihin nila. Basta ang mahalaga ngayon ay si Elaine at ang anak nila. Gusto niyang makausap si Elaine at tanungin ang tungkol sa anak nila at kung bakit nito itinago ang bata. Gusto na niyang makita ang anak nila, malaman kung anong pangalan nito. Kung kamukha ba niya ito. Guwapo ba ito. Gusto niyang mayakap ito ng mahigpit. Anim na taon siyang nagdusa na wala si Elaine. Alam niyang anim na taon na din ang anak nila. Nagkaroon siya ng pag-asang ipaglaban si Elaine ng sabayan sa lalaking fiance daw nito. Hindi siya papayag na agawin ng lalaking iyon ang pamilya niya. Kung sino ka man, hindi ako papayag na maagaw mo ang mag-ina ko.
SA MGA SUMUNOD na araw ay naging maayos na ang kondisyon ng lolo ni Elaine. Lalabas na ito sa hospital at doon na sa bahay ito magpapagaling. Nagpapasalamat siyang magaling na ito. Sa wakas ay hindi na niya makikita si Enzo. Todo iwas ang ginawa niya upang hindi ito makatagpo. Kapag nakikita niya itong nasa hallway ay agad siyang umiiwas o lumiliko sa ibang direksyon. Kapag naman nagpupunta ito sa silid ni lolo ay lumalabas naman siya upang hindi ito makausap. Hanggang sa dumating ang araw na ito. Iniwan niya ang dalawang matanda sa silid upang magbayad ng bills sa hospital. Nagpunta siya sa counter ng cashier upang magbayad. Matapos makapagbayad ay agad siyang bumalik sa silid ni Lolo Densio pero bago siya makarating doon ay nakasalubong niya si Enzo. Bigla ay kumabog ng malakas ang kaniyang puso. Iiwas sana siya ng ibang direksyon ngunit wala naman siyang ibang mapupuntahan dahil nasa mismong hallway sila. Huminga na lamang siya ng malalim at payukong naglakad ng hindi ito pinapansin. Nakikiramdam siya sa presensya ni Enzo. Lalagpasan na sana niya ito ng biglang hinawakan nito ang braso niya at idikit siya sa katawan nito. Sa ginawa nitong iyon ay bultaboltaheng kuryente ang dumaloy sa kabuoan niya. Bakit ganito parin ang epekto ni Enzo? Halos mabuway siya sa pagkakatayo sa harapan nito. Maagap naman siyang inaalalayan ni Enzo. Huminga siya ng malalim at tinignan ito. His eyes lingered on her face. Please stop staring at me like that Enzo. Mas lalo akong nabubuway sa kinatatayuan ko sa ginagawa mo. Gusto niyang isigaw sa lalaking minamahal. “Oh Elaine I miss you so much” Anas ni Enzo sa kanyang tainga. Napapikit siya. She realized that she missed him terribly. “I need to talk to you privately. May kailangan tayong pagusapan.” Pabulong na sabi ni Enzo habang titig na titig parin sa kanya. Nahigit niya ang hininga dahil sa sinabi nito. Did he also felt the same electricity that impowered them? Siguro hindi dahil manloloko ito. Bahagyang itinulak niya ito at lumayo sa katawan nito. “We have nothing to talked about Enzo. So please ayokong makipag-usap sayo.” Masungit na sabi niya na hindi tumitingin sa mga mata nito.
Napabuntong hininga ito. “We need to talk about the medication ni Lolo Densio. Pati na ang mga gamot na kailangan mong bilhin para sa kanya. Baka gusto mo dito na lang natin pagusapan ang lahat ng detalye.” Sabi ni Enzo habang mataman nakatingin sa mukha niya. She took a deep breath. “Saan ba tayo mag-uusap?” Tanong niya. Umiwas siya ng tingin dito dahil parang lumalambot ang mga buto niya sa katawan. Ngumiti ito, “Come and follow me in my office.” Sabi ni Enzo. Hinawakan nito ang kamay niya iginaya sa pribadong opisina nito. Habang kaharap si Enzo sa opisina nito ay samot-saring emosyon ang kanyang naramdaman. Ang guwapo parin nito. Mas lalo itong naging makisig at nag-matured. Bagay dito ang propesyon nito. Masaya siyang natupad nito ang pinapangarap nitong maging doktor. Naisip niya ang mga kaibigan nito. Kumusta na kaya sila? Si Ermelyn ang matalik niyang kaibigan ay hindi na niya nakausap simula noong umalis siya sa UP Diliman. “Kumusta na pala ang mga kaibigan mo?” Wala sa sariling naitanong niya kay Enzo. Napatigil ito sa ginagawang pagbuklat sa folder na hawak nito. Tumitig ito sa kanya. Napayuko siya upang iwasan ang mga titig nito. Hindi niya mapigilan ang damdamin muling umusbong sa kanyang puso. “Hayon may mga sariling pamilya na. Si David na lang ang walang asawa.” Nagtatakang napakunot noo siya. “Priority kasi nito ang maging isang sikat na PBA Basketball. Isang sikat na bachelor businessman narin ito ngayon. Si Ermelyn naman ay hindi ko na nakita simula noong naghiwalay sila ni David. Alam mo naman na ayaw ng pamilya ni Ermelyn si David. Si Ace naman may asawa na at dalawang anak kay Marey.” Nagulat siya sa sinabi ni Enzo. “Si Marey Eithel Bermudez ang nakatuluyan ni Ace. Wow! Paano nagbago ang isang babaerong tulad ni Ace.” Sabi niya. Napangiti tuloy siya sa nalaman. Sumilay ang magkabilang dimples niya na ikinatulala ni Enzo. “You are still beautiful Elaine.” Sabi ni Enzo. Napatigil siya sa pagngiti at sumeryoso. Iniwasan niya ito. “Anyway ito ang mga medication ni Lolo Densio. Kailangan niyang uminom ng gamot twice a day. Iyong check up niya ay once a week din. Kailangan ma-exercise ang
kaliwang bahagi ng katawan niya para mabilis gumaling. May nurse na titingin sa kanya kaya hindi mo na kailangan problemahin ang pag-inom niya ng gamot.” Habang nagsasalita ito ay mas lalo siyang napapamahal dito. “Twice a week ko din siya bibisitahin sa bahay ninyo.” Sabi ni Enzo. Sa sinabi nito ay bigla siyang nagtauhan. Natakot siya na baka makita ni Enzo ang anak nila at bakit kailangan nitong pumunta sa bahay nila? “Diba ipapacheck up naman siya ng twice a week so bakit ka pa pupunta sa bahay?” Tanong agad niya. “Bakit ayaw mo ba akong pumunta sa bahay ninyo?” Tanong nito. Nanonoot ang mga tingin ipinukol nito sa kanya. “May itinatago ka ba sakin Elaine?” Sunod na tanong ni Enzo. Kunot noong tinignan niya ito. “Tinatanong kita tapos ako naman ang tinatanong mo, Enzo.” Masungit na sabi niya. “Pupunta ako sa bahay ninyo para makita ang anak natin.” Diretsahang sabi ni Enzo. Napamulagat siya sa sinabi nito. Paano nito nalaman ang tungkol sa anak nila? Nagpa-imbestiga kaya ito sa kanya? Huminga siya ng malalim. “Paano mo nalaman ang tungkol sa anak ko?” Tanong niya. Tumayo si Enzo mula sa swivel chair at lumapit sa kanya. “Hindi mo kailanman maitatago ang anak natin Elaine. Would you think na hahayaan kitang magpakasal sa lalaking fiance mo? Hindi ako papayag Elaine ngayon pa na alam ko ng may anak tayo.” Mariing sabi nito. Tumayo siya mula sa kinauupuan at nakipagtitigan kay Enzo. “Wala kang karapatan sa kanya. Wala! Magpapakasal ako sa lalaking gusto ko at hindi mo ako mapipigilan gawin iyon.” Napupuyos sa galit na sabi niya. Hinawakan ni Enzo ang batok niya at ipinulupot ang isang kamay nito sa beywang niya. Hindi siya makakilos at makawala sa pagkakayapos nito sa katawan niya. “I know you still love me Elaine. Nakikita ko sa mga mata mo. Probably this thing will make you stop marrying that bastard.” Sabi ni Enzo at pinaglapat nito ang mga labi nila.
Chapter 12 NAPAPIKIT si Elaine ng sumayad ang mga labi ni Enzo sa kanyang uhaw na mga labi. Kinasasabikan niya ang halik nito na anim na taon ng hindi niya natitikman. Kumapit siya sa balikat ni Enzo. She want to colapse in his arms. Kakaiba ang halik na pinagsasaluhan nila. It was more enticing! Wanting! Kompara sa halik na Rafael. This is the kiss she been longing for... Enzo’s kisses! She love this man so damn much that she can’t stop responding with his kisses. She opened her lips allowing him to taste and explored inside her mouth. Mahal niya si Enzo! Mahal na mahal. Hindi niya kayang kalimutan ito. She want to spend the rest of her life being with him, not to Rafael. Pakiramdam niya ay masayang-masaya siya kapag si Enzo ang magiging asawa niya. Paano si Rafael? Bulong ng isipan niya. Sa alaalang iyon ay bigla siyang natauhan. Itinulak niya si Enzo. Pakiramdam niya ay nagtaksil siya kay Rafael. Naranasan na niyang masaktan at ayaw niyang iparamdam iyon kay Rafael. She made a promise to marry him. “I love you Elaine. I love you so damn much! Please come back to me baby.” Nangungusap ang tinig ni Enzo. I love you too Enzo kung alam mo lang din. Gusto kitang paniwalaan, gusto kitang tanggapin ulit sa puso ko pero natatakot ako. Ayoko ng masaktan! At ayoko rin makasakit ng ibang tao na nagmamahal sakin, katulad ni Rafael. Gusto niyang isatinig ang mga salitang iyon subalit mas pinili niya ang maging matigas. Namuo ang mga luha sa kanyang magagandang mga mata. Sobra siyang nasasaktan sa mga nangyayari. Kahit saan sa dalawa ay may masasaktan. “I’m sorry Enzo pero hindi na mababago ang isip ko. Magpapakasal ako kay Rafael,” Ani Elaine. Hindi siya tumitingin ng diretso sa mukha ni Enzo. Ayaw niyang makita ang kislap na mga mata nito baka maisipan niyang yakapin ito ng mahigpit. Kunot noong napatitig ito sa kanya. Nagtatanong ang mga tingin ipinukol nito.“Rafael Santiago!?” Naguguluhang tanong nito. “Yes! You heard it right,” wika niya.
Nagtagis ang bagang ni Enzo. “Bakit si Rafael pa ang ipinalit mo sakin, Elaine? Ang daming lalaki na puwede mong mahalin. Bakit ang lalaking iyon pa!?” Walang babalang hinawakan nito ang braso niya. “I don’t see any reason para hindi siya mahalin. Mabait naman siya sakin at sa anak ko.” Sabi ni Elaine. Ano ba ang ikinagagalit nito kay Rafael? Kahit noong college pa sila ay galit na ito sa lalaki. There’s something in them that she need to know. “Hindi ako papayag na magpapakasal ka sa lalaking iyon. Not till I took my son away from you.” Mariing wika ni Enzo. Napalunok siya sa matinding galit sa sinabi ni Enzo. She want to slap him for saying those words! Wala itong karapatan sa anak nila. “That’s not gonna happen! You can’t have him... Hindi rin ako papayag na makuha mo siya,” umiling-iling siya. “For pity sake Elaine you have to decide one, marry that bastard or I’ll take my son. I’m so sure na kapag asawa mo na si Rafael ay magkakaroon kayo ng mga anak. And you don’t have time to take care of my son anymore dahil ang bagong pamilya mo na ang magiging priority mo.” Makatutuhanang sabi ni Enzo. Nagtagis ang bagang niya at naikuyom ang kamay sa tindi ng galit at tensyon sa pagitan nila. “You can’t make me choose one! Mahal ko ang anak natin at kahit kailan hindi ko siya pinabayaan. He will always be my eldest son kahit magkaroon pa ako ng anak kay Rafael.” Mariing wika niya kay Enzo. “After all your lies to me and making me so damn! Would you think na ibibigay ko ang anak ko sayo. Mag-kamatayan na tayo Enzo pero hindi ako papayag sa gusto mong mangyari.” Humugot ito ng malalim na hininga. “Sana pinakingan mo ako noon, Elaine! Wala akong ibang minahal kundi ikaw lang. Alam yan ng mga kaibigan ko. Siguro nagkamali akong pinagpustahan ka sa halagang isang milyon. Alam ko nasaktan kita ng sobra-sobra!” Hinaplos nito ang pisngi niya.“Pero Elaine hindi ko sinasadyang saktan ka. Hindi ko intensyon saktan ka! Sana sinabi mo sakin ang tungkol sa anak natin. Papakasalan naman kita eh! I would be the happiest man if ever sinabi mo sa akin ang totoo. Pinagkait mo ang karapatan ko sa anak ko!” He said painfully.
“Tama na Enzo! Ayoko ng pag-usapan ang lahat ng nangyari sa atin. Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito.” Pagtatapos niya sa usapan. Tinalikuran niya ito at mabilis na iniwan. Narinig pa niya ang pagtawag ni Enzo sa pangalan niya. Hindi na niya ito pinansi. Mabilis siyang nagtungo sa silid ni Lolo Densio at inakay ang dalawang matanda na umalis nasa lugar na iyon. Habang nasa sasakyan ay tahimik lang siyang nakaupo sa likuran. Umuukit sa isipan niya ang bawat sinabi ni Enzo. Totoo kayang kukunin nito ang anak nila kung magpapakasal siya kay Rafael? Bigla ay sinakluban siya ng matinding takot. Napahaplos siya sa mga labing hinalikan ni Enzo kanina. Nauhaw siya sa mga halik nito. Pilit man niyang iwinawaglit sa isipan ang mga nangyari kanina ay patuloy parin bumabalik sa isipan niya. ‘Enzo ano ba ang dapat kung gawin para maibalik ko ang dating tiwala ko sayo? Ngayon na alam mo na ang tungkol sa anak natin, dapat ba akong matakot na kunin mo siya sakin?’ Inaasahan niyang isa sa mga araw na ito ay magkakakilalanan na ang mag-ama niya.
NAGPUNTA sa Baguio si Elaine kasama ang anak niya upang umiwas kay Enzo. Pero isa rin sa mga rason ng pagtungo niya sa Baguio ay upang tignan ang negosyong naiwan doon. Lingid din sa kaalaman niyang nakasunod pala si Enzo sa kanya. Ginamit niya ang sasakyang ibinigay nito noon. Nagana pa ang sasakyan kahit anim na taon ng nakatago sa garahe. Napagalaman din niyang nagpabalik-balik si Enzo sa bahay nila upang alamin kung nakabalik na siya. Inalagaan din nito ang sasakyang bigay nito. Naalala niya ang asong bigay niya kay Enzo? Kumusta na kaya si Ejay dog niya? “Mommy I’m so hungry. I want to eat now.” Basag ni Jaizon sa katahimikan sa buong sasakyan. Nagising na ito mula sa pagkakatulog. Tinignan niya ito sa rearview mirror sa loob ng sasakyan. Nakaupo ito sa backseat. “Okay sweetheart I’ll stop by the restaurant and lets eat over there okay.” Sabi niya sa bata. Tumango-tango naman ito. Nakita niyang inaalis nito ang seatbelt na nakakabit sa katawan nito. “Hey sweetheart don’t take it off! The police will take you if he sees you not wearing your seatbelt.” babala niya.
“Mommy I want make wee-wee na!” He said. Tumingin ito sa labas ng sasakyan. “Where are we going?” Tanong nito ng matanaw ang mga bundok at daang paliko-liko. “We’re here in Baguio sweetheart. We are almost there. Five minutes na lang! Can you still handle yourself?” Tanong niya. Tumango ito. “I want my angry bird mom. Where is my angry bird?” Sigaw nito. Hinahanap nito ang paboritong laruan nito. Inilagay niya iyon sa likod ng sasakyan kanina. “I put it in the trank, I’ll get it later okay.” Sabi niya. Nakita niya ang isang magandang restaurant sa gilid ng daan. Iniliko niya ang sasakyan at huminto sa parking lot. Mabilis niyang pinababa ang anak at dinala sa loob ng restaurant. Hinanap muna nila ang restroom bago umorder ng makakain. Matapos niyang paihiin si Jaizon ay umupo sila sa lamesang malapit sa bintana. Lumapit ang waitress at kinuha ang order nila. Habang hinihintay ang pagkain inorder nila ay nahagip naman ang tingin niya sa isang sasakyan kanina pa nakasunod sa kanila. Nakita niyang bumaba ang isang lalaki mula sa mercedez benz nitong sasakyan. Kunot noong napatitig siya kay Enzo na papasok na rin sa restaurant. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Sinusandan ba siya ng lalaking ito? Bigla na lang kamabog ng malakas ang dibdib niya. Napatingin siya sa anak na kasalukuyang nilalaro ang angry bird nito. Nabaling din ang tingin niya kay Enzo na kausap ang waitress na nag-aasist sa mga customers. Itinuro ng waitress ang kinauupuan nilang mesa. Nagtama ang mga mata nila ng bumaling si Enzo sa gawi niya. Naglakad ito patungo sa kinauupuang mesa. Buntong-hiningang napabuga siya ng hangin ng makaharap ito. “Puwede ba akong makisabay sa’inyo ng anak ko?” tanong ni Enzo habang nakatingin kay Jaizon. “How are you young man?” baling nito sa anak nila. Nahihiyang ngumiti ang bata. “I’m starving,” maikling sagot nito kay Enzo. Tumingin ito sa kanya. “Mommy can I talked to a strangers?” tanong nito. Wala sa sariling napangiti siya sa anak. Hinaplos niya ang ulo nito. Dumating naman ang pagkain nila. Umupo narin si Enzo kahit hindi pa siya pumapayag na makasama ito. Nag-order
din ito ng pagkaing kakainin nito sa waitress. Ano ba ang isasagot niya sa tanong ng anak nila? Enzo is not a strangers. Sasabihin kaya niya ang totoo sa bata? Hinayaan muna niya ang waitress na ilagay ang mga pagkain sa lamesa bago muling nagsalita. Mataman pinagmamasdan ni Enzo ang mukha ng anak nila. May kaunting ngiting naaaninag sa mga mata nito. “Sweetheart he’s not a stranger.” Sagot niya sa bata. Napatingin ito kay Enzo.“If he’s not a stranger, mommy? Then why I haven’t met him yet?” nagtatakang tanong nito. Karapatan ng dalawa ang magkakilala kaya sasabihin na niya ang totoo sa bata. “He’s your daddy. You haven’t meet him yet kasi nandito siya sa Pilipinas. Meet your real father Enzo Mendez.” Sagot niya. “My real daddy!” Tumango-tango siya. Nagsalita si Enzo,“It’s good to see you young man. Come give me a big big hug!” Wika nito. Lumapit naman si Jaizone sa ama at niyakap ito ng mahigpit. Para tuloy silang isang masayang pamilya. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang dalawang sabik na sabik sa isatisa. “Ooppss. Mamaya na yang kuwentuhan. Let’s eat first sweetheart.” Sabat niya sa usapan. Pinaupo niya si Jaizon sa tabi niya at inasikaso ito. Napangiti si Enzo sa batang lalaki. Naaaliw na pinagmamasdan niya ang anak at babaeng pinakamamahal habang inaasikaso ni Elaine ang bata. Maalaga naman talaga ito kahit noong pang magkasintahan sila. Inaalagaan siya palagi kapag kumakain sila. Sobrang lambing din nito at palaging nakayakap sa kanya. Miss na miss na niya ito. Maraming tao ang napapatingin sa kanila sa loob ng restaurant. Siguro iniisip ng mga tao na masayang pamilya sila. Kung alam lang ng mga itong malungkot siya dahil ang babaeng pinakamamahal niya ay magpapakasal sa ibang lalaki. Ang pinakamasama ay sa lalaking karibal
niya ito magpapakasal. Si Rafael Santiago ang lalaking mapag-angkin at pati anak niya ay kinukuha nito. Bata pa lang sila ay kaagaw na niya ito sa lahat ng bagay. Maging sa mga babaeng nililigawan. Highschool sila ng manligaw siya sa charming princess ng eskuwelahan nila at sinagot naman siya ng babae. She was his first girlfriend pero inagaw ni Rafael ang babaeng iyon. Gusto rin nitong sumali sa basketball team nila sa UP Diliman noon pero hindi natanggap dahil mahina ito sa basketball. Masyado kasi itong bilib sa sarili. Lahat ng meron siya ay gusto nitong angkinin. Alam nitong labis siyang nasaktan ng maki-paghiwalay ni Elaine sa kanya. May pakiramdam siyang may kinalaman ito sa paghihiwalay nila ni Elaine. Marahil isa sa paraan ni Rafael ang gantihan at ipamukhang lahat ng meron siya ay kaya nitong kunin. Puwes, ngayon palang ay hindi na ito magtatampay. Babawiin niya si Elaine at any cost, tulad ng pustahan nila ng mga kaibigan niya noon. Hindi siya papayag na mag-tagumpay si Rafael sa mga binabalak nitong masama sa mag-ina niya. “Anong ginagawa mo dito Enzo? Sinusundan mo ba kami?” biglang tanong ni Elaine. Pinakatitigan niya ito. Maganda ito. Magandang maganda kaya nga nabaliw ang puso niya kay Elaine dahil sa angkin nitong kagandahan na umalipin sa kanya. Hindi na siya nagkaroon pa ng ibang girlfriend dahil si Elaine lang ang babaeng gusto niyang maging asawa. “Tinatanong kita?” sinalubong ni Elaine ang mga mata niya. “You’re right babe! Sinusundan talaga kita baka ilayo mo na naman ang anak natin. Gusto ko rin siyang makilala.” Sagot niya “Hindi ko siya ilalayo sayo. Kailangan lang namin pumunta dito sa Baguio para asikasuhin ang negosyo ni lolo.” Sagot nito. Bilang may lumapit na isang lalaki sa kanilang mesa. “Enzo! Elaine!” Malakas ang boses na sabi ng guwapong lalaki. Matangkad ito at maganda ang build ng katawan. Maraming mga babae ang nakatingin dito. Nakikitaan ng pagkagusto sa lalaki. “David Anderson!” Natutuwang sabi ni Enzo ng makilala ang kaibigan. “What are you doing in Baguio, man?” tanong ni Enzo.
“Ikaw ang dapat kung tanongin niyan. What are you doing here?” tanong ni David na bakas na bakas sa mukha ang kasiyahang makita sila. “Hindi ko alam na nagkabalikan na pala kayong dalawa,” baling nito kay Elaine. Nagkatinginan sila ni Enzo. Nangungusap ang mga mata nito na para bang gustong magkabalikan sila. Sana nga Enzo puwede pa tayong magkabalikan ng walang nasasaktan. “Hi Elaine It’s good to see you again,” sabi ni David sa kanya. Nginitian niya ito. “It’s good to see you too, David. Kamusta ka na pala? Kamusta na kayo ni Ermelyn?” Tanong niya. Biglang lumihistro ang poot at galit sa mukha nito pagkabanggit sa pangalan ng matalik niyang kaibigan. May lungkot din siyang naaninag sa mga mata nito. Kung ano man ang nangyari sa dalawa ay hindi niya alam. Noong umalis siya sa UP Diliman ay hindi na niya nakausap pa si Ermelyn. Kumusta na kaya ito? Nag-asawa na kaya si Ermelyn? Bumuntong hininga si David. “Okay naman ako, still single pa. Si E-Ermelyn hindi ko na siya nakausap mula noong magkahiwalay kami,” malungkot nitong sagot sa kanya. Umupo ito sa tabi ni Enzo. “And who is this young man na kamukhang kamukha ni Enzo? Anak ninyo?” Tanong ni David habang nakatingin kay Jaizone na abalang kumakain. Nagkatitigan ulit sila ni Enzo. Hinihintay nito ang isasagot niya at nang hindi siya kumibo ay ito na ang sumagot sa tanong ni David,“Yeah anak namin.” Napangiti si David at tinapik ang balikat ni Enzo. “Wow. Ang bilis mo pare may anak ka na agad. Paano kayo nagkabalikan?” Tanong ni David. “After noong nagkahiwalay kayong dalawa ay nagpakalulong na itong si Enzo sa bisyo. Sinisisi kami sa mga nangyari. Alam mo Elaine wala namang kasalanan si Enzo sa mga nangyari noon. Ako ang may kasalanan. I force him to join our deal na mapasagot ka. Kasi naman napaka-duwag nitong kaibigan ko. Natakot sayo dahil napakasuplada mo kaya noong college.” Nakangiting sabi ni David. “Siguro nagkaroon siya ng lakas na loob na lapitan ka dahil sa pustahan naming isang milyon. Para manalo rin sa puso mo. Mahirap kayang matalo ng isang milyon. Mahal na mahal ka nitong kaibigan ko. Alam mo ba na noong bagong estudyante ka pa lang sa UP Diliman ay na-inlove na ito sayo. Ginulo mo na ang tahimik na mundo ni Enzo. Ikaw ang laging bukang bibig ng
kaibigan ko. Natuwa din ako noong malaman kung magkaibigan mo pala ng girlfriend ko. I mean ex-girlfriend ko na pala. Si E-Ermelyn.” Sabi ni David naudlot pa sa huling sinabi. Napatingin siya kay Enzo na tahimik lang na nakikinig sa mga sinasabi ng kaibigan. Sinalubong nito ang mga tingin niya. May nakikita siyang lungkot sa mga mata ni Enzo. She wanted to touch him. Hawakan ang pisngi nito. Sa mga sinabi ni David ay parang nabunot ang kutsilyong matagal ng nakatarak sa puso niya. “Hindi pa kami nagkakabalikan ni Enzo.” Tanging nasabi ni kay David. “Pero paanong nagkaroon kayo ng anak?” “Nabuntis ko siya noong college pa lang tayo. Inilayo niya sakin ang anak ko at magpapakasal kay Rafael Santiago.” Sagot ni Enzo habang nakatingin sa kanya. Napalunok si Elaine sa sinabi nito. “Yeah, that’s true,” bulaslas niya. “Bakit hindi na lang kayo ang magpakasal e may anak naman na kayo,” wika ni David. Nagpatuloy ito sa pagsasalita, “And speaking of Rafael Santiago napag-alaman kong siya ang naglagay ng camera device sa locker room ng mga lalaki noong tornament natin ng basketball.” Sabi nito kay Enzo. Napabaling ito sa kanya. “Teka Elaine. Paano mo nga ba nalaman ang tungkol sa pinag-usapan namin nila Enzo sa locker room noon? I mean sinabi ni Ermelyn sakin ang totoong nangyari. Nagalit nga siya sakin dahil pinaglaruan daw namin ang feelings mo. Sorry Elaine. Hindi namin sinasadyang saktan ka I mean kayong dalawa.” tanong nito. Noong nasaktan siya kay Enzo ay nasabi niya kay Ermelyn ang totoong nangyari. Ikinuwento niya sa kaibigan ang lahat ng nalaman niya. Ang mga pagsisinungaling ni Enzo. Ang pakikipagpustahan nito. “Nasa library ako noon at nag-aaral sa final exams natin ng lumapit si Rafael sakin at sinabi ang pustahan ninyong magkakaibigan. Ibinigay niya ang isang cd bilang patunay na nagsasabi siya ng totoo. Tama naman siya diba. Totoo naman ang mga sinabi niya sakin.” May pait na sabi niya.
“See I know he was behind this messed. He set you guys up! Ginawa niya iyon para magalit ka sa kaibigan ko. Gusto niyang magkahiwalay kayo para makuha ka niya kay Enzo. Kahit kailan talaga ay mang-aagaw ang lalaking iyon.” May galit sa tinig na sabi ni David. Napabuntong hininga siya sa mga nalaman. So ang lahat ng mga ginawa ni Rafael sa kanya ay setup lang para agawin siya kay Enzo at para magalit siya sa lalaking pinakamamahal niya? Parang gusto niyang malaman ang totoo mula kay Rafael. “Mommy I’m so full already.” Sabat ni Jaizon sa usapan. Tinignan niya ang bata at pinunasan ng tissue paper ang mga labi nito. “Where is my jacket? I’m so cold.” Tanong nito. Kinuha niya ang jacket nito na inilapag niya sa upan kanina at isinuot iyon dito. Nagpaalam na rin si David sa kanila. Nalaman niyang ito pala ang may-ari ng restaurant na ito. Ibang-iba na ito kompara noong college sila. Parang nagmatured ito at naging isang responsableng lalaki. Naalala niyang hadlang ang mga magulang ni Ermelyn sa pagmamahalan ng dalawa. Na walang patutunguhan ang pagsasama ng dalawa dahil puros basketbal lang ang inaatupag ni David noon. Subalit iba na ito ngayon. Ano kaya ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa? Dahil kaya sa mga magulang ni Ermelyn kaya sila naghiwalay? Matapos kumain at nilisan na nila ang restaurant ni David. Nakasunod parin si Enzo sa kanila. Nang makarating sa malaking bahay nila sa Baguio ay tinulungan siya ni Enzo sa pagbubuhat ng mga gamit. Nabungaran nila si Nana Rosa na tagapag-alaga ng bahay at asawa nitong si Tata Simon. Inilagay ng dalawang matanda ang mga gamit nila ni Enzo sa iisang kuwarto. Akala siguro ng dalawang matanda ay mag-asawa sila ni Enzo. Ang mga gamit naman ni Jaizon ay sa kabilang kuwarto inilagay. “Ma’am, Sir kumain na po ba kayo?” tanong ni Nana Rosa sa kanila. Magkatabi silang nakaupo ni Enzo sa hanging chair na nakasabit sa teresa habang tanaw na tanaw ang malawak na lupain nila. Ibat-iba ang mga gulay na nakatanim doon. Malamig ang hangin sa buong paligid. It was past six ng gabi ng sila ay makarating sa farm. Nakatulog na rin ang anak nila dala ng pagod sa biyahe. “Kumain na po kami Nana Rose kanina,” baling niya sa matandang babae.
Nilalamig siya sa malamig ng hangin dumadampi sa balat niya. Unti-unti namang lumapit si Enzo sa tabi niya. Hanggang sa wala ng distansya sa pagitan nila. Nahigit niya ang hininga ng maramdaman ang balat nito sa katawan niya. Hindi naman niya pinigilan ito. Mas lalo nga siyang nasabik na magpakulong sa mga bisig ni Enzo. Niyakap siya ni Enzo ng buong higpit habang nakaupo sa swing chair. Sa mga nalaman niya kanina ay nabuksan ang kaisipan niya. Naging malaya ang damdamin noon pa niya pinipigilan. Wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi ang makapiling si Enzo. Damhin ang pagmamahal nito. Anim na taon ang nasayang sa pag-iibigan nila. Now is the time na ibalik ang maraming taong nasayang. Inihilig niya ang ulo sa dibdib ni Enzo at ipinikit ang mga mata. She really love him! Hindi nawala iyon kahit na lumipas ang maraming taon. “Ang sweet ninyong dalawa. Bagay na bagay kayo. Hays naalala ko tuloy noong dalaga pa ako at nililigawan ako ni Simon.” Nakangiting sabi ni Nana Rosa. Napangiti rin siya sa matandang babae. “Ay sige maiwan ko na kayo. Kung may kailangan kayo tawagin lang ninyo ako sa likod ng bahay,” wika ng matandang babae. May bahay ang mga ito sa likod ng bahay nila. “Opo Nana Rose.” Sagot niya. Hinawakan pa niya ang kamay ni Enzo na nakayakap sa katawan niya. Nang makaalis ang matanda ay napalingon siya kay Enzo. Nakapikit ang mga mata nito. Tulog na ba ito? Hinaplos niya ang pisngi nito. She had been longing to do this ever since nagkahiwalay sila. Bumukas ang mga mata nito at sinalubong ang mga tingin niya habang mahigpit nitong niyayakap ang maliit niyang beywang. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa dibdib nito. “Elaine please come back to me.” Anas nito. Hinawi nito ang kaunting hibla ng buhok na nakatabing sa maganda niyang mukha. Hinaplos ng daliri nito ang pisngi niya. Napapikit naman siya sa ginawa nito. Bumaba ang daliri nito sa bibig niya.
Chapter 13
BINUHAT ni Enzo si Elaine papasok sa loob ng bahay. Kissing her wildly and thoroughly. Tinutugon nito ang bawat halik niya. Ibinabalik nito ang bawat haplos ng palad niya. Hindi sila nakontento sa halik at yakap lang. Bumaba ang labi niya sa leeg ni Elaine. She grasped at the first touch of his lips. He loves every sounds that she was making. His teeth were sinking into her sensitive skin, his tongue were licking and his lips were sucking. Hindi namalayan ni Elaine kung paano sila nakapasok sa loob ng pribadong kuwarto. Namalayan na lamang niyang nasa kama na sila at nagpapalitan ng maiinit na halik at haplos. Naramdaman niya ang isang kamay ni Enzo sa hita niya. Humahaplos paitaas sa katawan niya. Inalis ni Enzo ang pang-itaas na damit niya. He ran his tongue on each of her breasts and sucking the tips of it so hard na para bang batang gutom na gutom. Napuno ng mga daing ang sulok ng buong silid. Sa kanya pala nanggagaling ang mga tunog niyon. Heated passion was devouring them. They could no longer stop. They start to undress each other clothing and began to explore their naked body in the dark room. She bit his shoulder when he start moving in the top of her. Habang lumalalim ang gabi, he also went deeper and deeper, move faster and faster like dancing in the rhythm of the music. Tinanggap niya ng buong-buo si Enzo, not only her body but her heart as well. Magkayakap na nahiga sila sa kama. Kapwa kontento sa ligayang ipinalasap sa isat-isa. She really wished to stay in his arms forever, para sa kanya forever is not enough. She want eternity! Nakatulog silang magkayakap ni Enzo. Kinaumagahan ay nagising sila sa pagyugyog ng kama. “Mommy. Daddy. Wake up!” Malakas ang boses na sabi ni Jaizone. Inaantok na tumingin si Elaine sa anak na tumatalon sa kama nila. “Sweetheart stop jumping in the bed,” wika niya sa bata. Huminto naman ito at umupo sa tabi niya. Ipinangharang niya ang unan at kumot sa hubad niyang katawan. “Mommy, Daddy our breakfast is ready na. Come on let’s go eat na.” Sabi ni Jaizone habang hinihila ang kamay ni Enzo. Napangiti si Enzo at ginulo ang buhok ng bibong bata. “Okay, okay let’s go eat na.” Sabi nito. Tumayo ito mula sa kama. Nanlaki ang mga mata ni Elaine ng tumayo na lamang si Enzo
ng basta-basta at hindi man lang binalak na takpan ang hubad nitong katawan. Kinuha niya ang isang unan at ibinato dito. “What are you doing, Enzo? Look at you. Makita ka ng anak mo.” Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ito. “Daddy what’s that? It’s huge. Mine is so tiny,” na-aamazed na sabi ni Jaizone. Natawa lang si Enzo sa tinuran ng anak na lalaki. “It’s tiny because you still a small kid, but once you grow up it’s going to huge like mine.” Nakangiting sabi ni Enzo habang nakatingin sa kanya. Hinila niya ang anak at tinakpan ang mga mata nito. Pinandilatan niya ito ng masamang tingin. “Relax babe. Lalaki naman ang anak natin kaya okay lang yan.” Baling ni Enzo sa kanya. Napabuntong hininga na lamang si Elaine. Nahagip ng tingin niya ang alindog nito. Hindi sinasadyang napalunok siya. Nakangisi lang si Enzo na nakatingin sa kanya. Hindi man lang kasi ito nag-abalang takpan ang kahubdan nito. “Magdamit ka na nga diyan. Nakakaloka kang lalaki ka.” Mariing sabi niya. Tatawa-tawa lang si Enzo habang isinusuot ang malaking t-shirt at pantalon nito. Nakahinga siya ng maluwag ng nakapagdamit na ito. “Come on young man. Lets leave your mom alone. She need time to change.” Sabi ni Enzo sa anak pagkatapos ay binuhat ang bata at lumabas na sa kuwarto nila. Napapangiting tumayo si Elaine sa kama at nagtungo sa banyo upang maligo bago bumaba ng bahay. Masayang-masaya siya sa mga nangyayari sa kanila ni Enzo. Kahit wala pa silang masyadong napapag-usapan tungkol sa mga nangyari sa kanila noon ay napatawad na niya ito. Tinanggap na niya ito ng buong-buo. Hindi na importante ang nakaraan basta ang mahalaga ay ang ngayon kasama si Enzo na bubuo ng kanilang masayang pamilya. “Paano naman si Rafael na nag-alay din ng pagmamahal sayo? Ano ang gagawin mo sa kanya? Sasaktan mo na lamang ba siya? Paano ang promise ninyo sa isa’t-isa na magpapakasal pag-uwi niya dito sa Pilipinas?” Tanong ng munting tinig sa isipan niya. Ang kasiyahan sa puso niya ay biglang naglaho ng maalala si Rafael. “I’m so sorry Rafael pero si Enzo parin ang mahal ko. I’m very sorry for hurting you.” Anas niya na animoy
kausap ang lalaki. Nagdesisyon siyang kakausapin ito at sasabihin ang tungkol sa relasyon nila ni Enzo. Hihingi siya ng tawad kung kinakailangan. Magpapaliwanag siya kay Rafael. MASAYANG-MASAYA si Elaine na namimitas ng mga bunga ng strawberries na nakatanim sa malawak na farm ng mga Aguirre habang masayang kumakain naman ng strawberries sila Enzo at Jaizone. Natutuwa siyang makitang magkasundo ang dalawa. Pasulyapsulyap naman si Enzo sa kanya habang tinitignan ang anak nila. Nginitian niya ito. Isininyas nito ang isang strawbeerry inaanyayahang kumain din siya pero umiling lang siya. Mayamaya ay lumapit ito sa kanya na may dalang malinis na strawberries. “Say ahhh...” sabi ni Enzo sa kanya. Nag-atubili siyang gawin iyon. “Come on babe, masarap at matamis ito,” nakangiting sabi ni Enzo. Nahihiyang ibinuka niya ang mga labi. Isinubo naman ni Enzo ang strawberry. Kinagat niya iyon. “Hmmm... yummy, matamis nga.” Tumango-tango siya habang nakatingin kay Enzo. Napangiti ito. Titig na titig ito sa mukha niya. May dumi ba ako sa mukha? Kung makatitig ka para akong natutunaw, sabi niya sa isip. Gusto niyang matawa dahil napalunok pa si Enzo ng tumitig ito sa mga labi niya ngunit sumeryoso rin ng haplosin nito ang labi niya. His bare finger trace every curves of her lips na para bang takam na takam iyong tikman. Parang lalabas yata ang puso niya sa sobrang kilig. Hindi nakapagpigil si Enzo mabilis nitong kinabig ang batok niya at hinalikan ng nakakalunod na mga halik ang labi niya. Agad naman siyang gumanti sa mga halik nito. “I love you, Elaine.” Bulong ni Enzo habang padampi-damping binibigyan siya ng mga halik. “I- I....” Akmang sasagutin niya si Enzo ng I love you pero na-distract sila kay Jaizone. Sumigaw ito ng malakas na ikinabigla niya. Nahulog ito mula sa kinauupuang kahoy. Mabilis niyang pinuntahan si Jaizone ng makita itong umiiyak. Agad niyang niyakap ito. “Mommy, I think I broke my arms,” Umiiyak na sabi nito.
Binuhat niya ito at pinaupo sa kandungan niya. Sinuri ang kamay nito. Lumapit naman si Enzo sa kanila at sinuri rin ang kamay ng kanilang anak. Wala naman itong kahit anong galos sa katawan. Mapula lang ang braso nito. Bakit ba kasi hindi nila naalala ang bata na nakaupo pala ito sa upuang kahoy? Natutok masyado ang isip nila sa isat-isa at sa lambingin nila kaya nakalimutan nila ang bata. “I’m so sorry sweetheart.” Anas niya habang hinahaplos ang braso nito. “Don’t worry it’s just a red broses that cause of your fall. It’ll banish later on.” Sabi niya while kissing his forehead. Niyakap naman sila ni Enzo. “We better go back to the house now before something else will happen again.” Sabi nito habang nakatingin sa kanya. “Ikaw naman kasi hahalik-halik ka sakin, Eh may binabantayan kang bata.” Paninisi niya sa hindi naman galit na tono. Pinisil ni Enzo ang tungki ng ilong niya bago muling nagsalita, “Gustong-gusto mo namang magpahalik sakin.” Nakangiting sabi nito habang nakikipagtitigan sa mga mata niya. Kumindat pa ito sa kanya. Ngumisi lang siya dito, “Hay nako Enzo! Nang-aakit ka nanaman eh! Tara na nga sa bahay.” Anyaya niya. “Ako na ang magbubuhat kay Jaizone. Masyado na siyang mabigat para sayo.” Sabi nito habang kinukuha ang bata sa kamay niya. Hinayaan lamang niyang buhatin nito ang anak nila. Kinuha niya ang napitas na mga bunga ng strawberries pagkatapos ay sumunod sa dalawa. Hinintay naman siya ni Enzo at hinila ang kamay niya. Para na tuloy silang isang napakasayang pamilya. Magkaholding hands sila ni Enzo habang buhat-buhat nito ang anak nila. Ngingiti-ngiti pa itong napapatingin sa kanya. She feels so happy with him. Pakiramdam niya ay she belong with Enzo Forever. Nang makarating na sila sa bahay ay nagulat siya sa bisitang naroon. Pagkakita kay Rafael na nakaupo sa sofa ay biglang binitawan ni Elaine ang kamay ni Enzo. Tumingin naman ang lalaki sa gawi nila. Nakangiti itong tumayo.
“H-hon....honey!” Gulat na sabi ni Elaine. Napatingin siya sa mukha ni Enzo. Iba na ang pustura ng mukha nito kitang-kita niya ang nakabakas na galit sa guwapo nitong mukha. Naikuyom nito ang isang kamay. Mabilis naman na lumapit si Rafael kay Elaine at niyakap siya ng mahigpit bahagyang hinalikan din nito ang mga labi niya. Nagtagis naman ang bagang ni Enzo sa ginawa ng karibal sa babaeng pinapakamamahal niya. Gusto niyang kaladkarin ito palabas ng bahay at suntukin ng malakas. Wala itong karapatan sa babaeng mahal niya. Wala kahit kailan! “Daddy Raffy!” Sigaw naman ni Jaizone sa ama-amahan nito. “Hey kiddos... How are you?” tanong nito sa bata. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya na kasalukuyang buhat-buhat si Jaizone. “What’s up Enzo! It’s been a long time since we last see each other.” Sabi ni Rafael. Bago pa makasagot si Enzo ay agad na inakay ni Elaine si Rafael sa labas ng bahay upang doon sila mag-usap. Napabuga ng malakas na hininga si Enzo habang gigil na gigil sa galit na gustong jombagin ang pagmumukha ni Rafael. Ipinasa ni Enzo si Jaizone kay Nana Rosa upang sundan si Elaine sa labas ng bahay. Nakita niyang masinsinan nag-uusap ang dalawa. Nakita niyang hinaplos pa ni Rafael ang pisngi ni Elaine. Nakaramdam siya ng matinding pagseselos lalo ng halikan nito ang noo ng babaeng pinakamamahal. Hindi siya nakapagpigil agad niyang nilapitan ang dalawa at sinuntok ng malakas si Rafael. Natumba ito mula sa kinauupuan kahoy. “Hayop ka Rafael! Sinira mo ang pagsasama namin ni Elaine.” Sinugod ulit niya ito at malakas na sinuntok ang muhak nito. Gumanti naman si Rafael at binigyan din siya ng dalawang malalakas na suntok. “Bakit totoo naman ang mga sinabi ko kay Elaine!? Pinagpustahan mo siya ng isang milyon diba. Ikaw ang sumira sa pagsasama ninyo. Huwag mo akong sisihin!” Sigaw din ni Rafael. Lalo naman nagalit si Enzo at sinuntok ulit si Rafael. Halos pumutok na ang labi nito.
HINDI nakatiis si Elaine sa pagsusuntukan ng dalawang lalaki. Agad niyang hinila si Enzo pero hindi ito nagpapigil kaya ang ginawa niya ay pumagitna siya sa dalawang lalaki. Nag-tuturuan pa ang dalawa habang nagsisigawan. Nagkaroon ng galit ang puso niya dahil sa inasal ni Enzo. “Ano ba Enzo!? Puwede ba tama na! Magtigil ka na! Hindi na maganda iyang ginagawa mo! Ngayon ko lang nalaman na napakabayolente mo palang tao.” Galit na sigaw niya kay Enzo. Mariing tinitigan ni Enzo ang mga mata niya. Huminahon ito ng makita ang galit sa maganda niyang mukha. “So kinakampihan mo ang walang-hiyang lalaking yan kaysa sakin?” May bahid na pagtatampo ang tono ng boses nito. “Oo! Wala naman siyang ginagawang masama sayo Enzo. Bakit ka ba nagkakaganyan!? Hindi mo naman siya kailangan saktan o suntukin. My gosh!” Napabuntong hininga siya at agad na hinawakan ang kamay ni Rafael. “Tara sa loob ng bahay Raffy. Gagamutin ko ang sugat mo na kagagawan ng lalaking iyan.” Sabi ni Elaine habang nagtatagis ang mga tingin ipinukol kay Enzo. Talagang hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Enzo kay Rafael. Wala namang masamang ginagawa si Rafael sa kanya. Pinag-uusapan lang nila ang call off sa proposal nitong kasal noon. Naintindihan naman ni Rafael na si Enzo parin ang mahal niya at tanggap iyon ng lalaki. “Paano ako? Hindi mo ako gagamutin? Sinuntok din naman ako ng lalaking yan eh!” Nag-susumamong sabi ni Enzo. Tumingin siya sa nag-iisang lalaking pinakamamahal niya. “Bahala ka sa sarili mo! Gamutin mo ang sarili mong sugat ikaw ang may kagagawan niyan!” Sabi niya at mabilis itong tinalikuran palayo habang hawak ang isang braso ni Rafael. Pumasok sila sa loob ng bahay at ginamot ang sugat ni Rafael na dahilan ng malalakas na suntok ni Enzo. Gusto naman niya itong gamutin kaso nadala lang talaga siya sa galit dito. “He was just jealous sakin Elaine kaya ako sinuntok ni Enzo. Hindi ko naman siya masisisi dahil iniisip siguro niyang inagaw ulit kita.” Malumanay na sabi ni Rafael habang nakatingin sa kanyang magandang mukha.
“Alam ko pero hindi sapat na dahilan ang pagiging seloso niya upang saktan ka. At isa pa wala ka namang ginagawang masama sakin o ginagawang masama sa kanya. Mas nasaktan pa nga kita dahil mas pinili ko siya kaysa sayo. Alam mo napakabait mo sakin kasi tinanggap mo parin na si Enzo ang mahal ko kahit nasasaktan kita. I’m sorry Raffy for hurting you! Hindi ko naman iyon sinasadyang gawin.” Sabi niya habang ginagamot ang pumutok na labi at pasa sa mukha nito. “Elaine naintindihan ko ang lahat. Alam ko naman na si Enzo parin ang mahal mo kahit noong nasa states pa tayo. Hindi ako makapasok sa puso mo dahil wala akong lugar diyan. Enzo occupied everything in your heart. Mahal kita kaya ibabalik kita sa kanya. Sa una palang ay hindi na kita pag-aari, si Enzo lang ang nag-mamay-ari sayo. Ayokong agawin ka ulit sa kanya. Alam ko na kaya galit si Enzo sakin ay dahil iniisip niyang inaagaw kita, kayo ni Jaizone. You belong to him and I belong to someone else. I want you to be happy kaya ko gagawin ito.” Sabi ni Rafael. Hindi niya napigilan yakapin ito ng mahigpit. “Thank you Rafael! Napakabuti mong tao. I really wish na mahanap mo rin ang babaeng karapatdapat para sayo. I’m so sorry sa ginawa ni Enzo. Sana maging mag-kaibigan parin tayo sa kabila ng mga nangyari.” Sabi niya habang napapaiyak sa tuwang bumitiw siya sa mga yakap nito. Ngumiti si Rafael sa kanya. Pinahid ng mga daliri nito ang mga luhang lumandas sa maganda niyang mukha. “Of course kaibigan parin ang turing ko sayo Elaine.” Sabi nito at hinaplos ng daliri nito ang labi niya. “Can I kiss you goodbye?” tanong nito. Hindi siya nag-atubiling sumangayon. Tumango-tango siya at hinintay ang labi nitong dumampi sa labi niya. Isang mabilis na damping halik lang ang iginawad ni Rafael sa kanya. Isang halik ng kaibigan, walang malisya at walang dapat ipagselos. SUBALIT iba ang pinakahulugan ni Enzo sa mga yakap at halik ni Rafael sa babaeng mahal niya. Hindi man niya narinig ang bawat pinag-usapan ng dalawa ngunit nasisiguro niyang si Rafael ang pipiliin ni Elaine. Tumulo ang luha niya. Masakit pala ang ganito! Shit ang sakit! Wala sa sariling umalis siya sa pintuan at mabilis na pumasok sa loob ng kuwarto nila ni Elaine. Kinuha niya ang maleta at unti-unting inilagay ang mga gamit sa bagahe. Si Rafael ang pinili ni Elaine at malinaw na malinaw iyon sa nasaksihan niyang yakapan at halikan ng dalawa.
Matapos mailagay ang mga gamit sa maleta ay napaupo siya sa kama. Nangalumbaba siya sa kama at hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Bakit ka magpapatalo? Sigaw ng isipan niya. Kahit anong gawin niya ay talo na siya sa puso ni Elaine. Siguro hanggang dito na lang sila ni Elaine. Lalayuan na niya ito. Hindi na niya ipipilit ang sariling mahalin nito. Napatayo siya sa kama at akmang kukunin ang mga gamit ng bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Elaine sa loob. Napatingin ito sa maletang hawak niya. Hind ito nagsalita. Naupo ito sa kama at tumingin sa kanya. Hawak-hawak nito ang medicine kit. NAGULAT si Elaine ng makita ang maletang nasa sahig na akmang kukunin ni Enzo. So iiwan siya ng lalaking ito na hindi man lang siya kinakausap. Nakita niya ang mga pasa sa mukha nito. Nakadama siya ng awa sa lalaking mahal na mahal niya. Gagamutin naman talaga niya ito kanina kaso nadala lang talaga siya sa galit. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.“Halika sa tabi ko. Gagamutin ko ang mga pasa mo,” malamyos ang boses na sabi ni Elaine. Kanina ay galit na galit siya kay Enzo pero ngayon naman ay gusto niya itong sugurin ng mahigpit na yakap at halik. Alam niyang nag-seselos at nagtatampo ito sa kanya pero hindi naman talaga maganda ang ginawa nito kanina. “Huwag na! Hindi na kailangan! Ang Rafael na iyon na lang ang gamutin mo tutal mas mahal mo naman siya kaysa sakin eh.” Natatampong sabi ni Enzo. Tumalikod ito at tumingin sa bintana habang tanaw ang tanawin ng mga malalaking puno ng pine tree. Napangiti siya, “Nagseselos ka kay Rafael?” Tanong ni Elaine habang unti-unting lumalapit kay Enzo. Niyakap niya ito ng mahigpit mula sa likuran. Napapikit pa siya habang nakayakap dito. Sininghot niya ang bango ni Enzo. She really love him more than anything. She can never asked for more to God kasi ibinigay na nito si Enzo para sa kanya. Hindi kumibo si Enzo. Napilitan tuloy siyang harapin ito. Malikot ang mga mata nito at hindi tumitingin ng diretso sa mga mata niya. Ipinatong niya ang mga kamay sa balikat nito. Hindi parin ito tumitingin sa kanya. Pinagsalikop na lang niya ang mga kamay sa batok nito. “I love you Enzo! I love you so much.” Sabi niya habang titig na titig sa mukha ng lalaking pinakamamahal.
Ang malikot na mga mata ni Enzo ay huminto sa mga mata niya. May kislap na nagniningning ang mga mata nito. Pinagmasdan ni Enzo ang mukha niya. “Totoo?” Hindi makapaniwalang tanong nito. Napangiti siya. “Oo... Sobra kitang mahal!” Anas niya. “Paano si Rafael?” Muling tanong ni Enzo. “There’s no Rafael in my heart baby ko. Sa pagkakaalam ko Enzo lang ang pangalang alam ng puso ko. At si Rafael umalis na siya kanina lang.” Hinaplos niya ang pisngi nito. “Babe wala ka naman dapat ipagselos eh. Ikaw ang mahal ko kaysa kay Rafael. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa lalaking iyon. Nagalit ako sayo dahil sinuntok mo agad yung tao kawawa naman siya. Wala naman siyang ginagawang masama sayo o sakin. Iyong mga nangyari noon, tanggap ko na iyon Enzo. Pinagpustahan mo lang ako dahil iyon ang naisip mong paraan para mapalapit sakin. Puwede mo naman gawin iyon ng hindi nakikipagpustahan diba. But anyway everything is past so huwag na nating isipin ang mga iyon. Ang mahalaga ay mahal kita at mahal mo rin ako diba.” Tanong niya. Hinawi ni Enzo ang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. “I really love you Elaine. Sorry nagselos agad ako kay Rafael akala ko kasi aagawin ka na naman niya sakin. Nasaktan lang ako kanina ng makita kong hinalikan at niyakap ka niya. Nasuntok ko siya dala ng galit ko. I’m so sorry babe! Hindi na mauulit iyon.” Sabi nito habang dinadampian ng mga halik ang mga labi niya. Gumaganti naman siya sa mga halik nito. Binuhat siya ni Enzo at dinala sa kama. Nakangiting nilukuban siya sa kama at hinalikan sa mga labi. “Ano kaya kung magpakasal muna tayo bago nating ulit-ulitin gawin ito?” Tanong niya na ang tinutukoy ay ang making love. Huminto si Enzo sa paghalik sa leeg niya. “You’re right! Let’s get marriage first before doing it again.” Nakangiting sabi nito. Bumangon ito sa kama at lumabas ng kuwarto nila. Saan pupunta ang lalaking iyon? nagtatakang tanong niya sa isipan. Makalipas ang limang minuto ay nagbalik si Enzo. Umupo ito sa tabi niya at kinuha ang kaliwang kamay niya. May itong isang singsing na yari sa dahon ng majesty palm plant.
“I’m sorry ito lang ang singsing na maibibigay ko sa ngayon. Papalitan ko na lang kapag nakabili na ako ng engagement ring para sayo. For now itong ginawa ko palang ang magiging singsing mo para sa pag-ibig ko sayo baby. Will you marry me?” Puno ng pagmamahal na tanong ni Enzo. Napangiti siya sa lalaking pinakamamahal. Halos mangiyak-ngiyak ang mga mata niya dahil sa kalambingan nito. “Ohhh Enzo baby... Yes! I will definitely accept your marriage proposal. I will marry you baby!” Sagot niya na punong puno ng pagmamahal. She was amazed with the ring he made for her. She found it’s so sweet of him doing that. Most commonly na kasi sa mga tao ang bumibili ng mamahalin singsing sa mga jewelry store pero ang ginawa ni Enzo ay patunay na punong-puno iyon ng pagmamahal. Isinuot nito sa daliri niya ang singsing na yari sa dahon ng majesty palam. Napapangiting tinitigan niya ito. “I’m sorry for this ring baby.” Anas ni Enzo. Hinaplos niya ang pisngi nto. “It’s okay baby. Ang ganda nga eh! Tiyak ko kapag natuyo ito magiging ganito parin ang disenyo. Ididisplay ko ito sa bahay natin kapag kasal na tayo. I would be proud to tell everybody na bigay mo ito sakin sa araw na ito.” Natutuwang sabi niya. “Hmmm.... good idea for a interior designer! But still yet bibigyan parin kita ng totoong singsing.” Sabi ni Enzo. Masuyong hinalikan nito ang mga labi niya. Wala sa sariling ipinatong niya ang mga kamay sa balikat nito at tinugon ang maalab na halik ni Enzo.
The End!