YOU CHANGE ME

Page 1

YOU CHANGE ME BY: HONEYBUNCH

Teaser: Joyce Fontanilla is well known as a spoiled brat playgirl. Marami na siyang iniwan at pinaiyak na lalaki. Ang dahilan ay wala na siyang nararamdaman pag-ibig sa mga ito. Bakit nga ba siya mag-aaksaya ng oras sa isang relasyong wala naman patutunguhan? Kaiser Alcaide is also known as a gorgeous playboy. Wala rin itong sineseryosong babae dahil ang tingin nito sa mga babae ay isang laruang hindi dapat pag-ukulan ng kahit na anumang pagmamahal. Hanggang sa magtagpo ang landas ng dalawa. Magagawa kayang mahalin ni Joyce ang taong tulad ni Kaiser? Mapag-uukulan kaya ni Kaiser ng damdamin ang tulad ni Joyce? Can love really make them together?

Chapter 1 "KAISER!!!" Sigaw ng isang babae sa labas ng mansyon ng mga Alcaide. "Lumabas ka diyan! You're a stupid guy!!! Anong tingin mo sa akin? Isang laruan na basta mo na lang itatapon! Pinagtataguan mo pa ako. Lumabas ka diyan sa bahay mo Kaiser! Gago ka! Sisirain ko itong gate ng bahay ninyo kapag hindi ka lumabas." Kinalampag nito ang gate ng kanilang bahay. Si Kaiser! Maraming babae ang pinaglalaruan at pinapaiyak. Kapag nagsawa na sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay agad niyang iniiwan at pinagtataguan. Iyan ang palaging ginagawa niya sa araw-araw. Magtago sa mga babaeng naghahabol sa kanya. Katwiran niya’y hindi niya kasalanan kong madaling mahulog ang loob ng mga babae sa kanya. Palibhasa ay agaw pansin ang kaguwapuhan niya. Malakas ang charming sex appeal kaya madaming babae ang nahuhumaling sa kanya. Ano ang magagawa niya, sila itong lumalapit. May kasabihan nga ang matatanda na ulam na ay aayawan mo pa. Simpre bilang lalaki ay sige lang ng sige. Sa isang ngiti palang niya sa babae ay nalalaman niya kung may pagtingin ito sa kanya. Agad na nagpapansin kunwari’y nakikipagkaibigan. May matinding rason kung bakit ganoon na lamang


ang trato niya sa mga babae. Para sa kanya woman are only for bed. That's all it takes. Sa ngayon ay aasikasuhin muna niya ang gulong pinasukan. May babaeng umiistorbo sa labas ng kanilang bahay. Simpre hinahabol na naman siya ng babae. Kumakatok ang katulong sa pintuan ng kwarto niya. "Sir Kaiser may babae po sa labas." Sabi ng katulong. Binuksan niya ang pinto ng kanyang kuwarto. Sinabihan ang katulong na itaboy ang babaeng na sa labas ng bahay. "Dali na! Puntahan mo na? Sabihin mong wala ako. Baka magising si daddy masermunan pa ako." Taboy niya sa katulong ng kanilang bahay. Napapakamot ito sa ulo."Sir Kaiser naman eh. Kailan ba kayo magtitino? Halos palagi ko na lang itong ginagawa. Ang itaboy ang mga babae ninyo.� Sabi nito. Tinignan niya ito. "Gagawin mo ba o hindi? Kung ayaw mong gawin ang inuutos ko. Sige magbalot ka ng mga gamit mo dahil sisisantihin na kita sa trabaho." Pananakot ni Kaiser sa katulong. "Sir huwag naman po. Ito na nga po gagawin ko na nga eh. Ayaw ko naman mawalan ng trabaho." Sabi nito. Agad itong tumalima pababa ng bahay upang puntahan ang babaeng nagiingay sa labas. Napasilip siya sa bintana upang tignan ang babae. It was Nancy Russell the sexy model ng star magazine. Ang naging girlfriend niya three days ago. Nakuha na niya ang gusto dito kaya pinagtataguan na niya ang babae. Nakita niyang umiling-iling ang ulo nito habang nagpapaliwanag ang katulong. Mayamaya ay mabilis itong tumalikod. Pumasok sa sasakyan at pinaharurot ang mamahaling kotse nito. Nakahinga si Kaiser ng maluwag ng makaalis si Nancy. Pumasok ang katulong sa loob ng bahay ng matapos makipag-usap sa babae.


Lumapit ito sa kanya. "O yan Sir Kaiser umalis na ang babae mo. Baka bukas may mangugulo na naman sa labas ng bahay. Hay nako hindi na kayo nagbabago.” Sabi nito. "Salamat Inday. Maaasahan ka talaga!” Nakangiting sabi niya. "Kahit kailan talaga Sir Kaiser napakababaero mo. Kawawa naman ang mga babaeng iyon. Ako tuloy ang naaawa para sa kanila." Sabi ng katulong. Tumingin ito sa likuran niya. “Ay Sir Edward good morning po." Bati nito sa daddy niyang nakikinig sa usapan. Nakatayo ito sa likuran niya. Nakataas ang mga kilay nito at halatang galit sa kanya. Patay! Isang mahabang sermon na naman ito. “Good morning Dad.” "Ano na naman ba ito Kaiser? Umagang umaga ay nagbubulabog sa labas ng bahay. Ano na naman ba ang katarantaduhang ginawa mo ha?” Pagalit na tanong ng kanyang ama. “At isa ka pa Inday kinukonsente mo ang ginagawang kalukuhan nitong amo mo.” Baling nito sa katulong. Napapahiyang napayuko si Inday. “Sorry po Sir Edward. Hindi na po mauulit.” Sabi nito. “Sige po maghahanda na po ako ng almusal ninyo.” Dagdag na sabi nito at mabilis na nagtungo sa kusina. Napabuntong hininga ang daddy niya. Nakunsensya naman si Kaiser. Dahil sa kagagawan niya ay napagalitan tuloy si Inday. "Pasensya ka na dad kong nagising ka dahil sa ingay kanina." Sarkastikong sagot ni Kaiser. Kumunot ang noo nito. "Wala ka ng ibang ginawa kung hindi bigyan ako ng problema. Kailan ka ba magtitino ha? halos araw-araw mo na lang pinapasakit ang ulo ko dahil sa mga babaeng nambubulabog sa labas ng bahay. Nakakahiya sa mga kapit-bahay." Galit na sabi nito. Napapakamot sa ulo si Kaiser. "Dad umagang-umaga sinisermunan mo na naman ako."


Pambabaliwala niyang sagot sa kanyang ama. Kulang na lang ay suntukin siya ng kanyang ama. "Nagrereklamo ka sa paninermon ko sayo! Look at yourself Kaiser! Twenty-nine years old ka na. You're not getting any younger anymore. You're getting old! Hindi ka parin ba magbabago? Sumasakit na ang ulo ko sa mga kahihiyan ginagawa mo sa pamilyang ito. Magtinu-tino ka para hindi kita pinapagalitan sa arawaraw. Hindi ka na naawa sa mga babaeng pinapaiyak mo at iniiwanan sa ere." Mahabang sabi ng kanyang ama. Tumalikod ito at nagtungo sa kusina. Hindi siya nakapagsalita. Batid niyang tama ito. Napabuntong hininga na lamang si Kaiser. Halos palagi niyang naririnig ang sermon ng kanyang ama. Wala itong ginawa kundi sermunan siya sa araw-araw. Nabibingi na siya sa kakatalak nito. Masisisi ba siya nito kong ganoon ang trato niya sa mga babae. Hindi naman niya kasalanan kung bakit malaki ang galit niya sa mga babae. Kasalanan ito ng dati nitong asawa His mother! Ang punot dulo ng pagkasuklam niya sa mga babae. Ten years old si Kaiser ng iwanan siya ng kanyang ina. Isang araw ay nakita niyang nagtatalo ang kanyang mga magulang. Nakatago lamang siya sa likuran ng pintuan sa kanyang kwarto. Mataman nakikinig sa dalawang nagtatalo. Galit na galit ang kanyang ama. Hindi niya maiwasan ang mapaiyak sa nangyayari sa pamilya niya. Tandang tanda niya ang pinag-aawayan ng mga ito. Nahuli ng daddy niya na may ibang lalaki ang mommy niya. May hawak itong bagahe palabas ng bahay. Naalala niya ang katagang binitawan nito sa kanyang ama. "You know that I don't love you Edward! Alam mo kong sino ang mahal ko. Sa una pa lang ay hindi na kita minahal diba. I’m sorry pero si Joshua parin ang mahal ko. Walang patutunguhan ang relasyon natin palagi na lang tayong nag-aaway. I'm not happy being with you! Ginawa ko lang ang inuutos ng aking ama para pakasalan ka. Alam mong business lang ang dahilan ng pagpapakasal natin para magmerge ang kompanya ng daddy mo sa kompanya namin." Sigaw nito sa kanyang ama. “I did everything I can para magwork ang relationship natin Aileen. Masakit malaman na


hindi mo ako nagawang mahalin. Wala na akong magagawa upang pigilan ka sa mga desisyon mong iyan. Bahala ka sa gusto mong mangyari! You want to leave this family. Sige umalis ka! I don’t wanna see your face anymore. Huwag ka ng babalik sa pamamahay na ito.” Malakas ang boses na tugon ng kanyang ama. “Yes! I would never coming back here. Goodbye Edward.” Matapang na sabi ng mommy niya. Pagkatapos ay mabilis itong kumilos. Kinuha ang mga gamit at walang pakundangan lumabas sa malaking bahay ng mga Alcaide. Mabilis namang lumabas si Kaiser at hinabol ang kanyang ina. "Mommy! Please don’t live me. Huwag mo kaming iwan ni daddy." Tumutulo ang mga luhang pigil niya sa kanyang ina. "O dear please don’t cry. Balang araw maintindihan mo din ang mommy kung bakit ko ito ginawa." Lumuhod ito ay niyakap siya ng mahigpit. "Dito ka muna sa daddy mo. Pangako babalikan kita anak. Magpakabait ka palagi." Hinalikan nito ang kanyang noo. "Mommy hindi mo na ba ako mahal? Bakit mo kami iiwan ni Daddy?" Tanong niya. Hindi parin tumitigil ang kanyang mga luha. Pinunasan nito ang luhang lumandas sa kanyang mukha. “I love you Kaiser. Palagi mong tatandaan na mahal kita. Kailangan kong umalis anak. Kailangan ko ng lumayo para makapagisip. Balang araw maiintindihan mo din ako.” Nahuhulang sabi ni Aileen. Binuhat nito si Kaiser at ibinigay sa amang nakatayo sa likuran. Inalis ni Aileen ang kamay ni Kaiser na nakahawak sa braso nito. Mabilis itong tumalikod at naglakad palabas ng malaking bahay. Napalakas ang pag-iyak ni Kaiser. “MOMMY!” Sigaw niya.


Masakit para sa kanya ang pag-iwan ng kanyang ina dahil lamang sa ibang lalaki. Mahigpit siyang niyakap ng daddy niya. Ramdam niya ang hinagpis sa puso nito. Hinaplos nito ang buhok niya. "Kaiser tama na! Huwag ka ng umiyak. Nandito naman ang daddy! Forget your mom she's not worth it." Galit na sabi nito. Halos araw-araw niyang hinintay ang pagbabalik ng kanyang ina subalit hindi ito dumating. Halos araw araw din niyang nakikitang naglalasing ang kanyang ama. Nasaktan ito sa ginawa ng kanyang ina. Sa araw na iyon ay hindi na siya nagkaroon ng tiwala sa babae. Untiunting nagkaroon ng galit sa puso niya para sa mommy niya. Ang pakikitungo niya sa mga babae ay parang isang laruan na kapag napagsawaan ay basta na lang niya itatapon. Tulad ng pagtapon at pag-iwan ng kanyang ina sa kanya. Walang pakialam si Kaiser kong masaktan man niya ang damdamin ng mga babae nahuhumaling sa kanya. Katwiran niya ay tama lang iyon. Nararapat lang na kasuklaman niya sa mga babaeng malandi tulad ng mommy niya. Higit siyang nasaktan sa pag-iwan at pagsama nito sa ibang lalaki. Ipinangako niyang maghihigante sa mga babae. Hinding hindi niya bibigyan ng pagmamahal ang mga babaeng katulad ng kanyang ina. Lumipas ang mga taon. Nagbalik ang zealousness ng kanyang ama sa pagtatrabaho. Sobrang naging busy ito sa pagpapalago ng mga business nila. Hindi ito nagkulang sa pag-aalaga sa kanya. Kahit napakabata pa nitong tignan sa edad nito ay lumawak ng lumawak ang kanilang mga kompanya. Ang ama niya ay naging successful business man. Iniwan man sila ng kanyang ina ay hindi nagtanim ng galit ang daddy niya. Maluwag nitong tinangap ang pakikipaghiwalay ng mommy niya. TUMAWAG siya sa opisina upang ipaalam sa secretary niya na malalate siya sa pagpasok sa Alcaide Imperial Company. Sumakit ang ulo niya sa pagbabalik tanaw sa nakalipas na panahon. Nagtungo siya sa kusina upang kumain ng almusal. Kumakain parin ang daddy niya. Umupo siya sa dulo ng lamesa. Tahimik lamang si Kaiser na kumukuha ng pagkain sa lamesa.


Habang nakikiramdam sa kanyang ama. Tumikhim ito. "Kaiser listen. I have a important things to tell you." Tawag pansin ni Edward sa katahimikan namayani sa kanila. Tumingin siya."Yes dad i’m listening." Saad ni Kaiser. Magkasalikop ang mga kamay na tumingin ito sa kanya. Seryoso ito. "Hindi ko alam kong maintindihan mo ako." Paguumpisa nito sa sasabihin. But i'm hoping you’ll understand me." Sabi ni Edward. Nagsimula siyang sumubo ng pagkain. "It depends dad.” Sagot niya. Tumikhim ito. "Kaiser I married a beautiful woman in California last couple month." Diretsong hayag nito. Bigla siyang nabilaukan. Umubo siya. Agad namang lumapit ang katulong upang bigyan siya ng inumin. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Ano daw nagpakasal ito. Hindi makapaniwala si Kaiser sa tinuran ng kanyang ama. Matapos makainom ay naguguluhang napatingin siya ng diretso sa kanyang ama. "Dad what are you saying again?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kaiser. "Ang sabi ko nagpakasal ako sa isang filipina sa California couple month ago. Matagal ko ng kilala ang babaeng ito Kaiser. I think it’s about time to tell you about her. Wala namang masama kung nag-asawa ulit ako. Your mom and I had been divorce nine years ago.” Paliwanag ng daddy niya. "Dad you're joking right! What a big surprise... Nakakagulat ang revelation mo sakin. Totoo ba iyan?" Sarkastikong tanong niya.


"Yes! Kailan ba ako hindi naging seryoso Kaiser. Hindi ako katulad mong walang siniseryo when it comes to a woman. I am not yet old. Beside I deserved to be happy too. I’m serious about her. Expect her tonight She will arrived early this morning. May welcome party akong inihanda para sa kanila mamayang gabi." Sabi ng daddy niya. Bata pang tignan ang daddy niya sa edad nitong forty-five years old. Sa figure ni Edward Alcaide ay parang hindi ito nababagay sa edad nito. Mukha itong early thirtees. Kapag magkasama nga sila ng daddy niya ay naiisip ng mga tao na magkabarkada lang sila. Nagpakasal ang daddy at mommy niya sa kagustuhan ng mga magulang nila. Sa murang edad ng mga ito’y nagkasundo ang dalawang pamilyang ikasal sila. Dahil sa negosyo. Kahit labag sa kalooban ng mommy niya ang pagpapakasal sa daddy niya ay sumunod parin ito sa kagustuhan ng pamilya nito. Magaling sa business ang kanyang ama. It would be a profit for her mother’s family kung ang daddy niya ang magpapatakbo ng mga negosyo nila. Maraming kompanya ang naipatayo ni Edward dahil sa kasipagan nito. Meron din sa iba't ibang panig ng mundo. Nag-iisang anak si Kaiser. Taga pagmana ng lahat ng ari-arian ng mga Alcaide. Ngunit gusto niyang maging katulad ni Edward. Maging magaling na business man tulad ng kanyang ama. Sa katunayan ay may sarili na rin siyang kompanyang naipatayo. Marami na itong branches sa ibat ibang panig ng mundo. Kapag sa business ay magaling din siyang maghandle. Sa edad niyang twenty-nine ay marami na siyang na accomplished. Sa business ay seryoso si Kaiser ngunit sa mga babae ay hindi. He was a man with power na kayang bumili ng babae kung gugustuhin lang niya. “Para sa kanila? Bakit dad may kasama ba ang asawa mo?” Nagtatakang tanong ni Kaiser. “Oo kasama ng tita Giselle mo ang nag-iisang anak nito.” Sabi ni Edward. Tinignan niya ang kanyang ama. Magandang lalaki ito. Natural lamang na may magkagusto parin dito. Parang hindi ito tumatanda habang lumilipas ang mga taon. Of course


mana siya sa kanyang ama na habulin ng mga babae. “Okay! That’s good you found your happiness.” Sabi niya. Ipinagpatuloy niyang kumain. "Aren't you happy for me son?" Tanong nito. Bumuntong hininga siya."Dad, I have nothing against your happiness. If you're happy with that woman then I respect your decision. Though I can't promise you na makakasundo ko siya. You know how much I hate my mother. Sana lang hindi siya katulad ni mommy na iiwan ka lang." Sabi ni Kaiser. Ang nakangiting mukha nito’y nagbago. He felt guilty. Ayaw naman niyang sirain ang kaligayahan nito. "Nauunawaan ko ang mommy mo hijo. Huwag ka ng magalit sa kanya. You need to forgive her. Sa katunayan ay gusto kang makita ni Aileen. Gusto ka niyang makausap. I hope you give her a chance na kausapin ka anak. Masaya na ang mommy mo sa piling ng asawa nito." Sabi ni Edward. "I’m sorry dad I didn’t meant to offend you. Ayoko lang na sasaktan ka ng bago mong asawa katulad ng ginawa ni mommy. I don’t know how to forgive my mother. Lumaki ako na wala siya sa tabi ko. Iniwan niya ako. You can’t blame me kung bakit ayaw ko siyang kausapin.” Parang bumabalik ang hinanakit sa puso niya. "Kailangan mong magpatawad anak. Naiintindihan ko ang mommy mo. Hindi pa kami kasal ni Aileen subalit alam ko na may ibang mahal ito. Masunurin sa magulang ito kahit wala itong choice ay nagpakasal sakin sa kagustuhan ng ama nito. Your mom sacrifice her happiness para lang kalugdan ang lolo mo.” Sabi ng kanyang ama. "I don’t know dad. I don’t want to talk about her anymore.” Sabi ni Kaiser. "I better go now dad. Marami pa akong tatapusing trabaho sa opisina." Sabi niya.


Tumango si Edward. "I’m expecting you to come home early tonight. Meet my wife at ang anak nito.” Dagdag na sabi ng kanyang ama. "I’ll try to catch up early dad. Depende sa dami ng trabaho ko sa opisina." Sabi niya. “I don’t accept alibi Kaiser. I’ll be expecting you tonight. Please catch up! Kundi magtatampo ako sayo.” Sabi nito. Napangiti siya. “Okay dad... I promise.” Sumusukong sabi ni Kaiser. Kinuha na niya ang black american suit at suitcase na inaabot ng katulong. Lumabas siya sa kanilang bahay. Sumakay siya sa bagong modelong BMW car niya. Hindi na niya kailangan magdrive dahil may driver naman siya. Habang nasa loob ng sasakyan ay naiisip niya ang sinabi ng kanyang ama. Nag-asawa ito. May anak ang asawa nito. Nakalimutan niyang itanong sa daddy niya kong babae o lalaki ba ang anak nito. Sana babae. Kung babae ang anak ng tita Giselle niya’y malamang na diskartehan niya anak nito. Sana maganda! "Mag husdili ka Kaiser!" Sigaw ng bahaging isipan niya. Napakamot siya sa ulo. Ano ba ang iniisip niya? Bumaba si Kaiser sa sasakyan ng makarating sa harap ng Alcaide Imperial company. Lahat ng nakasalubong niya ay bumabati sa kanya. Pumasok siya sa sariling opisina. Sumunod ang secretary ni Kaiser. Naupo siya sa swivel chair binuksan ang apple laptop na nakapatong sa lamesa. Inilapag naman ng secretary ang mga papeles na kailangan niyang basahin at pirmahan. Binuklat niya ang folder na ibinigay ng secretary. Binasa iyon at pinirmahan ng masigurong tama ang lahat ng nakasulat. Ibinigay niya iyon sa secretary niya upang maipadala na agad sa mga kliyente ng AIC. "Sir Kai may tumawag pong babae kanina sa opisina. Hinahanap po kayo." Sabi ng secretary. Kumunot ang noo niya. "Who called?" Tanong niya. Habang binabasa ang mga emails sa


computer. "Si Ma’am Trixia Mendoza." Sabi nito. Tumingin siya. "How did she get my number?" Tanong ni Kaiser. Parang kinilig pa ito ng tumingin siya ng diretso dito. He knew na may gusto ang secretary niya sa kanya. Ngunit off limit ito. Ayaw niyang magkaroon ng appear sa mga employee ng AIC. Mas importante ang karangalan ng kompanya niya. “Hindi ko po alam Sir Kai.” Sagot ng secretary. "So what did you tell her?" Seryosong tanong Kaiser. "Sinabi ko po na busy kayo at marami po kayong ginagawa. Gaya po ng sinabi ninyo sa akin kapag may naghahanap sa inyo." Sabi ng babae. Sa opisina niya ay hindi siya nakikipag-usap kapag may mga tumatawag sa kanya na walang appointment. Lahat ay naka schedule sa pakikipag-usap sa kanya. Wala siyang balak makipag-usap sa mga babaeng hindi importante sa kanya. Tumango siya. "Good... Please get me some coffee?" Utos niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Yes Sir Kai." Tungon nito. Lumabas na ito sa opisina. Sir Kai ang tawag nito sa kanya. At sanay na siya sa pagtawag nito ng ganoon. Habang nakaupo si Kaiser sa swivel chair at binabasa ang mga papeles na kailangan niyang approbahan at pirmahan. Hindi niya maiwasang maglakbay ang isipan. “Paano kaya ang magmahal ng seryoso?” Tanong niya sa isipan. Hindi pa niya nararanasan ang magmahal ng totoo sa isang babae. Para sa kanya walang infact ang pagmamahal sa puso niya. Pero bakit


nasasabi ng kanyang ama na masarap ang magmahal. Hindi niya maintindihan ang tinatakbo ng mga kukuti ng mga tao sa mundo. For him love never existed! Pisikal attraction lang ang nararapat sa dalawang tao.

Chapter 2 NAKIKIPAGHIWALAY si Joyce Fontanilla sa boyfriend nito. "I'm breaking up with you,

Justin." Prangkahang sabi ni Joyce sa lalaki. Nagulat ang lalaki sa sinabi ni Joyce. Unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito. Alam niyang galit na galit ito sa walang pakundagan niyang pakikipaghiwalay. She's not happy with their relationship. Two weeks pa lang silang magkasintahan ni Justin Ortegas ngunit nakikipaghiwalay na siya. Halos palagi siyang nagpapalit ng boyfriend. Paaasahin lamang ang mga ito sa wala. Panay din ang pagpapakita niya ng interest sa ibat-ibang lalaki. She doesn't care what people might say to her. A playgirl, easy to get, or what so ever. This is her life. Katwiran niya alam naman niya ang limitasyon ng bawat ginagawa niya. Wala siyang pakialam kung huhusgahan siya ng mga tao. Iisa lang ang alam niya at katwirang pinaniniwalaan niya. "I know myself and I know my limitation so don’t judge me according to what you see in me." Nararapat lang na paglaruan din niya ang mga lalaki dahil pinaglalaruan din naman ng mga lalaki ang mga babae. "You what?" Nagtatagis ang bagang na tanong ni Justin Ortegas. Medyo nagkaroon siya ng takot sa nakikitang postura ng mukha ni Justin. Pero naging matapang parin siya. "I said, I'm breaking up with you!" Matigas ang boses na sabi ni Joyce. Pahablot nitong hinatak ang kanyang braso. "Why are you doing this to me Joyce? Tell me, why?" Galit na tanong nito.


Nagpumiglas siya. "Take off your hands on me!" Binawi niya ang kanyang braso palayo sa kamay nito. "Justin, you're not the right guy for me and I can't be with you anymore! I know you are not serious about me." Napangiwi siya sa sakit ng hilain ulit nito ang kanyang braso. Parang bumaon ang mga daliri nito sa malambot at makinis niyang balat. Tinignan niya ang brasong halos mamula-mula na dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak. "You are not going to do this to me Joyce!" Malakas na sabi nito. Para itong nababaliw sa sobrang galit. "Yes I can! And I will. So please stop your infatuation on me Justin. For I know, you only want my body." Hindi natatakot na sabi niya sa lalaki. Natakot siyang ituloy ang relasyon nila ni Justin dahil ilang gabi na siyang kinukulit nito na makipagtalik dito. Kaya bago pa man mangyari iyon ay mas gugustuhin na niyang mawala ito sa buhay niya. Kaysa maibigay ang sarili niyang virginity dito. Sa isip niya hindi kailangan ng babae ang lalaki para mabuhay. Ang totoo ay mas kailangan ng lalaki ang babae dahil sa pangangailangan physical ng mga ito. Pleasure lang ang gusto ng lalaki sa babae. Gusto niyang ipamukha sa mga lalaki na hindi importante ang mga ito. Kung binabalewala ng lalaki ang mga babae. Puwes! Ganoon din ang gagawin niya. Ipaghihigante niya ang pananakit ng mga lalaki sa kanilang mga babae. Kung laro ang gusto ng mga ito, then so be it. Maganda naman si Joyce. Sexy. Modelo. Matangkad. Maraming humahanga sa kanya. Malakas ang karisma. Malakas ang sex appeal na panhatak sa mga lalaki. Kaya nga maraming lalaking nahuhumaling sa kanya. She had been dating those celebrities. Puros mga sikat na modelo, actor, business man ang nakakadate at naboboyfriend niya. At si Justin Ortegas ay isang magaling at sikat na modelo ng isang magazine. Palaging nakalagay ang mga hunk pictures nito sa cover ng mga magazine sa buong mundo. Maganda ang katawan nito! Subalit hindi niya ito magawang mahalin. Sa relasyon nilang dalawa ay waste of time lang para sa kanya. "No! I love you Joyce. I’m serious about you babe. I'm not gonna allow you to break me up!" Sabi nito.


"You're so cruel! How can you say you love me? We only went out two weeks and it's not even a month and then you're telling me you love me. You’re so stupid!" Napapailing na sabi niya. "This is what I feel for you babe. I'm just following what’s my heart dictating me. Please don’t do this to me, Joyce. It’s hurt babe." Halos maiyak na ito sa harapan niya. Bumuntong hininga siya. "If you love me Justin then please let me go." Matigas niyang sabi kay Justin. Hinatak siya palapit sa katawan nito at tinangkang halikan siya sa mga labi. Nagpumiglas siya. May balak pa itong halikan siya. Kaya sa galit ay tinuhod na lamang niya ito. Napangiwi ito sa sakit na ginawa niya. Napasigaw ito. Agad siyang binitawan at hinawakan ang alindog nito. Halos mangiyak-ngiyak na ito sa sakit. “I hope hindi nabasag ang eggs niya.” Sabi na lamang niya sa isipan. "You jerk! Can you understand that I don't love you. I'm sure you can find better girl." Galit na galit niyang sabi dito. "Joyce! Would you think that I'm letting you go just like this! Put it in your head woman. I'm not gonna stop chasing you where ever you go. I would catch you in my hand. You're mine! Only mine." Pagbabanta nito. "Oh yeah! Well let me clear this things to you. I’m not yours and I will never be yours! Put that in your head too Justin." Tinalikuran niya ito at mabilis na nilisan ang lugar. Ang pinakaayaw niya sa mga lalaki ay ang gawin siyang pag-aari. “Abusado ang lalaking iyon.” Nanginginig na siya sa galit. Nagbalak pa talaga itong halikan siya. "How dare him trying to kiss me just like that? ano siya sinusuwerte. Kapal ng mukha niya para sabihin you are mine! kung tinatakot ako ng lalaking iyon puwes hindi ako natatakot


sa kanya." Pabulong-bulong niyang sabi habang bumaba sa kanyang kotse. Nagsalubong ang kanyang mga kilay ng mapagmasdan ang isang mercedez benz na sasakyang nakaparada sa labas ng kanilang bahay. Nakilala niya kung kanino ang sasakyan iyon. Sasakyan ni Mr. Edward Alcaide ang mayamang business man na nagmamay-ari ng Alcaide Emperial Hotel. Ang bagong asawa ng kanyang ina. Maganda naman kasi ang mommy niya kaya marami pa rin ang nagkakagusto dito. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Akma na sana siyang aakyat sa hagdanan ng mapansin siya ng ginang. Kasama nito ang bago nitong asawa. Tutol man siya sa pagpapakasal ng mommy niya kay Edward Alcaide ay wala naman siyang karapatan pigilan ang kaligayahan ng dalawang nagmamahalan. Hinayaan na lamang niyang lumigaya ang mommy niya sa piling ni Edward. Napansin ng mommy niya ang kanyang pagdating kaya tinawag siya nito. Lumayo siya sa hagdan at lumapit sa dalawang matanda na nakaupo sa may sala. Humalik siya sa pisngi ng kanyang ina. "Joyce nandito ka na pala. Ang tito Edward mo nandito kadarating lang niya kaninang umaga. Kumain ka na ba?" Tanong ng pinakamamahal niyang mommy. Umiling siya. "Hindi pa mommy pero hindi naman ako gutom." Nginitian niya si Edward. "Hi tito Edward. It's nice to see you again. How are you?" Tanong niya. Umupo siya sa isang upuan sa harap ng dalawa. "I'm all good hija. Kararating ko lang kahapon from the business trip in Europe. Napadaan na rin ako dito upang bisitahin kayo ng mommy mo. How are you hija?" Balik tanong naman ni Edward. Bumungtong hininga siya. "Not good. I broked up Justin Ortegas." Pahayag niya. Gulat na napatingin ang mommy niya sa kanya. "What? Nakipagbreak ka na naman Joyce. Anak naman hindi maganda iyang ginagawa mo. Paano kapag maghigante ang lalaking iyon sayo? Can you just stick in one guy. Ako ang natatakot sa ginagawa mo." Sabi ng mommy niya.


"Mom I don’t love him. Kahit pinagbantaan ako ni Justin na hindi niya ako titigilan. Hindi ako natatakot sa kanya.” Sabi ni Joyce. "Hija hindi ko yata gusto na pinagbabantaan ka ng lalaking iyon. Ang mabuti pa ay sumama ka na sa amin sa Pilipinas. I’m taking your mom to live with me in the Philippines. Ako man ay natatakot para sayo." Sabi ni Edward. Napatingin siya sa kanyang ina. "What? Mommy! You're leaving me here. Bakit hindi mo sinasabi sakin?" Tanong niya. "Joyce anak, I don’t want to leave you here alone. You’re my only precious daughter. Of course gusto kung sumama ka rin sakin." Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. “I thought you would be responsible to leave on your own. Ngunit sa nakikita ko ngayon sayo...” Bumuntong hininga ito. Nagtatapang-tapangan lang si Joyce pero ang totoo ay natatakot din siya sa pagbabanta ni Justin Ortegas. Baka tutuhanin nito ang banta sa kanya. Ayaw niyang maiwang mag-isa sa bahay nila. Natatakot siya. Si Justin ay katulad ng kanyang ama. Babaero. Palikero. Iyon ang ugaling ayaw niya sa mga lalaki. Mga lalaking walang kwenta at walang ibang ginawa sa mga babae kundi saktan. Saksi siya sa ginawa ng magaling niyang ama sa mommy niya. Bata palang siya ay iniwan na sila ng daddy niya. Walang ibang ginawa ito noon kundi mambabae at saktan ang mommy niya. May mga anak ito sa ibang mga babae. Hindi natanggap ng mommy niya ang mga kataksilan ng daddy kaya halos araw-araw ay nagtatalo ang dalawa. Isang araw ay nakita niya ito sa mall kasama ang pamilya nito. Sa oras din iyon ay puros pagkasuklam at sama ng loob ang naramdaman niya sa daddy. Doon nagsimula ang hatred niya sa mga lalaki. Ayaw niyang matulad sa mommy niya. Ayaw niyang masaktan. Ayaw niyang umibig o magpakasal o magkaroon ng minahal dahil natatakot siyang masaktan. “I don’t know. Hindi ko alam kung sasama ako sa inyo.” Sabi niya.


“Hindi naman kita pinipilit na sumama sakin anak. Pero natatakot ako na baka balikan ka ni Justin.” Sabi ni Giselle. Tumingin ito sa asawa nito, si edward. “Pag-isipan mo hija. Interior Designer ka naman diba. Puwede kang magtrabaho sa company ng anak ko kung gusto mo. You can use your skills sa company ni Kaiser.” Dagdag na sabi ni Edward. Napaisip tuloy siya sa sinasabi ni Edward. “I don’t know yet! Let me think about it. Sige po magpapahinga na po ako. You will have my answer first thing tomorrow morning. Good night mommy and tito.” Humalik siya sa pisngi ng kanyang ina. Iniwan niya ang mga ito at nagtungo sa kanyang kwarto. Habang nakahiga sa kama ay napaisip siya sa sinabi ni Edward. Mukhang hindi titigil si Justin hangat hindi siya nakukuha. Kailangan nga niyang makalayo sa lalaki bago pa siya mapahamak. Bumuntong hininga siya upang mawala ang gumugulo sa isipan niya. Hindi naman kasi niya mahal si Justin. “Paano ba kasi ang magmahal?” Tanong ng isip niya. Nakakatakot ang magmahal sa maling lalaki. Sabi ng mga kaibigan niya kapag dumating ang lalaking magpapaibig sa kanya ay wala na siyang kawala. Walang makakapigil. Kahit na sino ay tatamaan nito. Hindi pa nga siguro dumating ang lalaking magpapatibok sa magulo niyang puso.. THE NEXT DAY maagang nagising si Joyce upang kausapin ang mga magulang. Maaga din kasi siyang aalis para sa gagawin niyang fashion show sa universal studios. Isasabay na rin niya ang pagbibigay ng resignation letter sa manager niya. Nagtungo siya sa may garden ng kanilang bahay. It was six thirty in the morning. Malamig ang simon ng hangin na bumabalot sa buong paligid. Ganoon sa California sa buwan ng tag-lamig. Nagstretch siya. Mamayang eight pa naman ang pasok niya sa trabaho kaya minabuti niyang magjogging na muna. Lumabas siya ng bahay upang mag-jogging. Marami ang napapatingin sa kanya habang tumatakbo. Natungo siya sa park malapit sa subdivision nila. Nagulat siya ng biglang sumulpot ang isang lalaki at sinabayan siya sa pagjojogging. Kilala niya ito.


“Good morning Joyce. Can I join you?” Tanong ni Tyler. Nginitian niya ito. “Of course.” Sagot niya. Habang nakikipag-usap sa lalaki ay napansin ni Joyce na panay ang titig nito sa kanya. She knows that Tyler likes her. Hindi niya gusto ito. Kaibigan lang nag turing niya sa lalaki. Kilala niya si Tyler bilang isang magaling na car racer. Marami na itong napanalunan awards sa karera ng mga sport car na sasakyan. “Are you free tonight?” Tanong ni Tyler. Napatingin siya sa lalaki. “Yes! Why did you ask?” Tanong niya. "Well can I bring you to a dinner date tonight? If it's ok with you?” Tanong nito. Napahinto siya sa pagtakbo at ganun din ang ginawa ni Tyler. Pinag-papawisan na siya. Pinunasan niya ng maliit na towel ang leeg niya. Sinundan ni Tyler ang pawis na lumandas pababa sa dibdib niya. Napalunok ito. “Okay. I think it’s about time to accept your invitation after denying you many times.” Pagpayag niya. “Really?” Hindi makapaniwalang tanong ni Tyler. Tumango siya bilang sangayon. Napangiti ito. “Awesome thank you Joyce. I will petch you by six.” Puno ng kagalakan ang boses nito. Tumango ulit siya. Pinagbigyan na niya si Tyler dahil hindi na niya ito makikita sa mga


susunod na araw. Aalis na siya sa California. Sasama sa mommy niyang maninirahan sa Pilipinas. Nagpaalam na si Joyce sa lalaki. Pagkarating niya sa kanilang bahay ay naabutan niyang nag-aalmusal ang mommy at tito Edward niya. Nginitian niya ang mga ito nga makita siyang pumasok sa loob bahay. “Joyce halika kumain ka na.” Sabi ng mommy niya. “Good morning po.” Sabi niya. Naupo siya sa lamesa. Tahimik ang mga ito habang kumakain. “Tito Edward pumapayag na po pala akong sumama sa Pilipinas.” Pagbasag niya sa katahimikan. “Talaga! Mabuti naman at pumayag ka hija. Hindi na mag-aalala ang mommy mo.” Sabi nito. Nginitian niya ito. “Ayaw ko naman maiwan dito ng mag-isa.” Sabi ni Joyce. Nagsimula na siyang sumubo ng pagkain. Napangiti rin ang tito Edward niya.“Pangako kong hindi ka mabobored sa Pilipinas. Marami kang makakasama doon.” Sabi ni Edward. Tumango siya. “Kailan pala tayo uuwi?” Excited na tanong niya. Ngumiti ang mommy niya.“Next week tayo uuwi sa Pilipinas anak.” Sabi nito. “Ipakikilala kita kay Kaiser.” Sabi ni Edward. “Kaiser?” Natatakang tanong niya. Sino naman itong si Kaiser? “Nag-iisang anak ko.” Sabi ni Edward.


“Ahhh...” Napatango tango na lamang siya. May anak na pala ito. On the other side of her ay natuwa. Matagal na niyang inasam na magkaroon ng kapatid. Maybe makakasundo niya ang anak ni Edward. Parang nagkaroon ng excitement sa puso niya.

Chapter 3 NAKASAKAY sa Philippine Airline si Joyce kasama ang kanyang inang si Giselle Fontanilla.

“Ladies and gentleman please put on your seatbelt. We’re arriving Philippines in about thirty-five minutes.” Malakas na sabi na anunsyo ng piluto sa micropono ng eroplano sinasakyan nila. Nagising si Joyce sa boses ng kanyang ina. Nakatulog siya sa biyahe. Fourteen hours ang biyahe mula California hanggang Pilipinas. Hindi namalayan Joyce na malapit na palang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila. “Joyce nasa pilipinas na tayo.” Sabi ng mommy niya. “What time is it mom?” She asked. Tinignan nito ang relo sa kaliwang kamay nito. “It might be five in the afternoon na siguro. I’m not sure hija magkaiba kasi ang oras sa relo ko.” Sabi nito Lumapag ang eroplanong sinasakyan nila. “Welcome to Philippines. Thank you customers for choosing Philippine Airline as your service. I hope you enjoyed your flight with us.” Sabi ng piluto sa microphone. Kinuha ni Joyce ang mga gamit habang hinihintay na makalabas ang mga taong sakay ng eroplano. Daladala ang luggage na lumabas sila mula sa airport at hinanap si Edward na naghihintay sa labas ng airport. Mabilis nilang nakita ito. May hawak itong karatula ng kanilang


pangalan. Nasa sasakyan na sila at kasalukuyan tinatahak ang daanan patungo sa bahay ni Edward. Two hours drive ang nilaan nila sa daan bago nakarating sa maranyang bahay nito. Expect na niyang mansyon ang bahay ni Edward dahil mayaman ito. Namangha siya sa ganda ng bahay ng tito niya. Umibis sila mula sa sasakyan. Nakita niya ang magandang view sa paligid ng buong bahay. Maayos ang malawak na garden ng mga Alcaide. Mukhang may mangyayaring engranding handaan. May nakita din siyang mga bulaklak sa bawat lamesa at sa stage sa gitna ng hardin. Abala ang lahat sa paghahanda. Pumasok sila sa loob ng mansyon ng Alcaide. Nakita niyang magkakasunod na nakatayo ang mga katiwala at nakaabang sa kanilang pagdating. Nakangiti ang mga ito sa kanila. “Magandang umaga po sa inyo ma’am.” Sabi ng mga katulong sa kanila. “Magandang umaga din sa inyo.” Sagot ng mommy niya. Habang siya naman ay ngumiti lang sa lahat. “Ma’am kayo po pala ang asawa ni Sir Edward.” Sabi ng isang katulong sa mommy niya. “No wonder nag-asawa si Sir Edward dahil sa ganda ninyo.” Dagdag na sabi nito. Napangiti ang mommy niya. “Nako naman. Salamat! Binibida na pala ako ng asawa ko sa inyo. Kinagagalak ko din kayong makilalang lahat. Ano nga pala ang pangalan ninyo.” Tanong ng kanyang ina. Nagpakilala ang lahat sa kanila. “Ma’am anak po ba ninyo ?” Tanong ng isang katulong. “Yes si Joyce Fontanilla. Nag-iisang anak ko. Sana magustuhan niyang tumira dito.” Sabi


ng mommy niya. Nginitian niya ang babae. “Huwag po kayang mag-alala ma’am Joyce tiyak na magugustuhan mo dito.” Sabi ni Inday. “Ang ganda ganda po ninyo! Para akong nakakita ng sikat na celebrites actress sa Hollywood.” Nakangiting papuri nito. Natawa siya sa sinabi ng katulong. Madaldal ito at sobrang nakakaliw. Pakiramdam niya ay magiging buhay prinsesa siya sa bahay ng mga Alcaide. She really loved the place and the surrounding. She admit nakakarelax nga talaga ang Pilipinas. Feel at home naman ang pagtrato sa kanila ng mga tao sa loob ng bahay. "Thank you sa compliment mo." Sabi niya. Napangiti ito sa kanya. “Tiyak kung magpapalipad hangin na naman si Sir Kaiser.” Mahina ang mga boses na sabi ng katulong. Nagtatakang napatingin siya sa katulong. “H-huh what did you say?” Tanong niya. Hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito. Napakamot ito sa ulo. “Ang sabi ko po ma'am halina po kayo sa itaas ng bahay at ihahatid ko na po kayo sa kwarto ninyo.” Sabi nito. Binuhat nito ang dala niyang maleta. Nagpati-una na itong umakyat sa makintab na hagdanan ng bahay. “Kumusta naman po ang biyahe ninyo papunta dito sa Pilipinas? Hindi po ba kayo napagod?” Tanong nito. “Ok lang naman. All though I’m a little bit tired but I’ll be okay pretty soon kapag nakatulog na ako. Kailangan ko lang ng kaunting pahinga medyo may jetlag pa ako.” Sabi niya “You can call me Joyce na lang mas kumportable ako.” Sabi niya. “Ma’am Joyce na lang po bilang paggalang ko sa inyo.” Sabi nito.


Nakarating na sila sa magiging kwarto ni Joyce. Maaliwala ang malawak na kwartong ukupado niya. Nagtungo siya sa teresa ng kanyang kwarto. Nakita niya ang swimming pool sa likuran ng bahay. Namangha siya sa ganda ng lugar. Matapos pagmasdan ang paligid ay bumalik na siya sa loob ng kanyang kwarto. Nahiga siya sa kama. Mabilis siyang nakatulog dala ng pagod sa biyahe. Naalimpungatan siya sa sunod-sunod na katok sa kanyang kwarto. Madilim na pala ang paligid. Pakiramdam niya ay nasa California pa din siya. Lumapit siya sa may pinto at binuksan iyon. Tumambad sa harap niya ang mommy niyang bihis na bihis na parang may pupuntahang party. May hawak itong napakagandang damit. “Joyce get ready hija. Wear this dress one. Bigay ito ng tito Edward mo. May welcome party tayo sa labas. I know you’re tired but please hija bilisan mo ang pagkilos.” Pumasok ang mommy niya sa kanyang kuwarto. Kinuha niya ang damit na hawak nito pinagmasdan iyon. Nagustuhan niya ang disenyo ng damit. Tiyak niyang babagay siya sa bestidang iyon. Lulutang marahil ang kagandahan niya. “Bilisan mong magbihis. Aayusan kita.” Sabi ng mommy niya. Nginitian niya ito. “Thanks mom. Maliligo lang ako.” Sabi niya. Nagmadali siyang pumasok sa banyo. Iniwan niya ito sa kanyang kwarto. Nagmadali siyang nagtungo sa shower. Napakalawak niyon para sa isang tao lamang. Kompleto ang mga gamit sa banyo. Mabilis siyang naligo. Nang matapos ay isinuot niya ang magandang bestidang bigay ng tito Edward niya. Lumutang ang kagandahan niya sa damit na iyon. Ang makurba niyang katawan ay lumapat sa bestida. Mapusyaw na dilaw ang kulay ng damit. Inayusan ng kanyang ina ang mahahaba niyang buhok. Nilagyan nito ng kaunting makeup ang maganda niyang mukha. Magaling sa pag-aayos ang mommy niya. Ito palagi ang nagaayos sa kanya kapag may okasyon o fashion show siyang pinupuntahan sa California. Magaling


na stylish ang mommy niya. “Ang ganda naman talaga ng anak ko.” Sabi nito na ikinatuwa niya. Napangiti siya.“Mom mana ako sayo. Like mother and daughter.” Sabi niya. Napangiti ito. “Simpre hija! You’re the image of my beauty. Are you ready? Naghihintay na sa labas ang mga bisita.” Sabi nito. “Mommy madami bang tao sa labas?” Tanong niya. “Yes hija... Ipapakilala tayo ng tito Edward mo sa pamilya at nga kaibigan nito.” Sagot nito. Tumalima naman siya. Tinahak nila ang daanan patungo sa hardin ng maranyang bahay. Hindi inaakala ni Joyce na ganoon kadami ang bisitang inimbitaan ng tito Edward niya. Pormal na ipinakilala sa kanila ang mga kaibigan nito. At sa pamilya nito. Marami siyang nakilalang bachelors guys. Marami din ang nakagaanan niya ng loob. May nakilala siyang lalaki na mukhang nahumaling sa kanya. Hindi niya type ang lalaki kaya iniwasan niyang kausapin ito. Nagtungo siya sa loob ng bahay. Medyo sumasakit na din ang ulo dala marahil ng pagod. Lumiko siya sa kaliwang bahagi ng bahay upang mag restroom ng biglang sumalpok ang mukha niya sa katawan ng isang makisig na lalaki. Nahilo siya sa malakas ng pagbanga sa katawan nito. Matangkad ang lalaki. Hindi agad niya nakita ang mukha nito. Ang mabangong colon nito ang agad na nasagap niya.. “S-sino ang mabangong lalaking ito?” Tanong ng isipan niya. Napakakisig ng katawan ng lalaki. Napahawak siya sa maskuladong braso nito. Tiningala ni Joyce ang mukha ng lalaki and to her surprise. Tumambad ang super gwapong mukha ng isang lalaki. Natulala siya dito. Nakaawang ang kanyang mga labi. “Miss, are you okay?” Tanong ng lalaki.


Pati ang boses nito ay magandang pakingan. Malakas na tumibok ang puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. “My gosh what is happening to me?” Tanong ng isip niya. “Miss, are you okay?” Ulit na tanong ng lalaki. Nagising ang naglalakbay niyang isipan. “Y-yes, I’m okay.” Sagot ni Joyce. “H-hmm… I’m s-sorry kung nabanga kita.” Dagdag niya. Napangiti ang lalaki. His so cute. “No! No, don’t say sorry. It’s my fault hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko. Anyway I’m Kaiser. What’s your name?” Tanong ulit nito. Ang mga titig nito’y nangingislap habang nakatingin sa kanyang mukha. Inilahad nito ang kanang kamay upang pormal na makipagkamay sa kanya. Tinangap ni Joyce ang kamay ng lalaking nagngangalang Kaiser. Bagay sa kanya ang pangalan nito.Guwapo! “Kaiser?” Mukhang pamiliar ang pangalan nito. Some where ay narinig na niya iyon. Kaiba ang kilig na naramdaman niya ng maglapat ang palad niya sa palad ni Kaiser. Hindi niya mawari kung bakit nangyayari ito sa kanya. She had never felt this way before. Dati walang infact sa kanya ang pakikipagkamay ng isang lalaki pero ngayon ay parang kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan sa paglalapat ng kanilang palad. Bahagyang pinisil nito ang palad niya. “I-I’m Joyce Fontanilla.” She smiled back. Halos namula ang magkabilang pisngi niya. Mukhang tinamaan siya sa malakas na karisma ng lalaking ito. Gosh, his so gorgeous! Biglang lumukso sa pagtibok ang puso niya. "Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa lalaking ito?" Anang isip niya. Dumistansiya si Joyce sa lalaki ng mapansin nakahawak parin ito sa kamay niya. Bisita


kaya ito ni tito Edward? Nagtatakang tanong niya sa isipan. Sana mas makilala pa niya ito. Nakuha nito ang interest niya. Why not? His handsomely gorgeous. Hindi lang guwapo kundi napakakisig nito. Yummy. "Nice to meet you Ms. Fontanilla. Are you from around here? Anak ka ba ng isang business man dito? Mukhang ngayon lang kita nakita." Tanong nito sa kanya habang naglalakbay ang tingin nito sa kabuoan niya. May kakaiba sa mga titig nito. "My mom married my tito Ed--" Putol na sabi ni Joyce ng may biglang umagaw pansin sa atensyon ni Kaiser. "Babe!" Sabi ng isang babae sa kanyang likuran. Lumapit ito sa kanila. Ikinawit ng babae ang dalawang kamay nito sa batok ni Kaiser. Wala sa sariling napakunot noo siya sa ginawa ng babae. “Huh? May girlfriend na pala. Sayang!” Laking hinayang ni Joyce. "I've been calling you this morning baby. You're not even answering my call! How come?" Pagtatampo ng babae. "Trixia! Look I've been busy lately. So I never got any chance to answer you or call you." Sabi ni Kaiser. "I miss you so much." Sabi ng babae. Hinalikan nito ang mga labi ni Kaiser sa harapharapan niya. Napayuko tuloy siya at umiwas ng tingin sa dalawa. Ano ba ang hinihintay niyang mangyari at ano ba ang ginagawa niya dito? Manood sa dalawang naghahalikan. Napasimangot na lamang siya. Napaka disrespectful ng babae at sa mismong harapan pa niya naghalikan. “Can you two get a room.” Gusto niyang isigaw sa dalawa. Nainis si Joyce. Feeling niya ay nawalan siya ng lugar kay Kaiser. Tumikhim siya upang ipaalam sa dalawa ang presensya niya. "Please excuse me! I have to go Kaiser. Nice meeting you


again!" Paalam niya sa lalaki. Teka bakit ba siya nagpapaalam sa lalaking ito. Sino ba naman ito sa buhay niya? Ano ba naman ang paki-alam niya dito. Hindi naman niya ito kilala. "Do I know you?" Nakataas ang mga kilay na tanong ng babae sa kanya. "I-I believe not!" Sarkastikong sagot niya. "Look I don’t want to bother you two privacy. So I leave you guys alone.� Sabi niya. Hindi na niya hinintay na sumagot ang dalawa. Agad na siyang naglakad. Naiinis siya sa babaeng dumating na akala mo kong sinong maganda. Mas maganda pa siya doon. Nawala tuloy ang moment niya kay Kaiser. "Sayang naman may girlfriend na pala." Sabi niya sa isipan. Nakadama siya ng pagkadismaya sa kaalamang may girlfriend na ito. Sayang. Hindi ito nababagay sa engratang babaeng iyon. Napaka-unfriendly. Malabo ba ang mata ni Kaiser? Mas higit naman yata siyang maganda sa Trixia na iyon. Napabuntong hininga siya. "Ano bang pakialam mo sa lalaking iyon Joyce?" Anang isip niya. Actually wala naman siyang paki-alam sa handsomely gorgeous na si Kaiser. Sayang lang talaga siya. Nang matapos magrestroom ay bumalik agad siya sa tabi ng mommy niya. Gusto na niyang magpahinga. Gusto na niyang matulog. Parang masama ang pakiramdam niya. Medyo nahihilo pa siya dala ng jetlag. "Joyce are you okay my dear?" Tanong ng mommy Giselle niya. "No mom. I need to take a rest na. I can't manage to entertain people masakit na ang ulo ko." Sagot niya. "Okay dear magpahinga ka na. Take advil medicine kong masakit ang ulo mo. Sasabihin ko na lang sa tito Edward mo na nagpahinga ka na.� Sabi ng mabait niyang ina. "Okay mom. Good night! I Love you." Humalik siya sa pisngi nito.


"Okay I love you. Good night din!� Nakangiting sabi ng mommy Giselle niya. Napakalambing nito sa kanya. Napakasuwerte siya dahil nagkaroon siya ng mabait na mommy. Kahit na may kahati na siya sa puso nito dahil sa asawa nito si Edward. Pero okay lang mahal rin naman niya ito.

Chapter 4 SAMANTALA sa hindi kalayuang bahagi ng upuan sa garden. Nakatitig lamang si Kaiser sa isang magandang babae na kasalukuyang nakikipag-usap sa bagong asawa ng daddy niya. Ngayon lamang niya nakita ang babae. Masasabing ubod ito ng ganda. Mukhang pamiliar ang mukha ng babae. Parang nakita na niya ito sa isang magazine ng Hollywood Celebrities. Hindi lang siya sigurado kung ito ang babaeng nasa cover ng magazine Juicy Couture. Parang gusto niyang lapitan at pormal na makilala ang magandang babaeng iyon. Siguro ay anak ito ng kaibigan ng daddy niya. Maganda rin ang asawa ng kanyang ama. Kamukha ito ng babaeng kausap nito. Hindi kaya anak ito ni tita Giselle? Naisip niya. Humalik ang babae sa tita Giselle niya. Malamang na anak ito ng asawa ng daddy niya. Nahuli siya sa okasyon dahil tinapos na muna niya ang isang malaking proyektong gagawin nila sa darating na lunes. May kaunting problema sa pagkuha ng modelo sa bagong proyekto ng Alcaide Imperial Company - AIC. Kailangan niyang makahanap ng isang magaling na modelo upang maadvertised ang pag-labas ng panibagong pabangong ginawa nila. Maganda ang amo'y ng miracle perfume. Magugustuhan ng maraming tao. Kailangan lamang niyang maghanap ng isang sikat na modelong pipicturan upang ilalagay sa cover magazine ng bagong perfume product ng AIC. Habang tinitignan si Joyce ay napipicturan niyang ito ang bagay sa cover na gagawin nila sa bagong proyekto ng kompanya niya. Hindi akalain ni Kaiser na engrande pala ang okasyon madadatnan niya sa kanilang bahay. Pinakilala ng kanyang ama ang asawa nito. Madali niyang nakagaanan ng loob ang


ginang. Mabait ito. Malambing. Maganda. Kasing ganda ni Joyce. Ano kayang meron sa babaeng iyon at bakit nagwawala sa pagtibok ang kanyang puso? Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Bahagyang kumabog ng malakas ang puso niya ng mapansin tumingin si Joyce sa gawi niya. She's so beautiful. Mas maganda ito sa mga babaeng nadidate niya. Ang mga nagiging girlfriends niya puro magaganda at seksi pero iba ang dala ni Joyce Fontanilla sa kanya. Mas maganda. Mas sexy. Mas exciting. Bakit ganun na lang ang pagkahumaling niya sa babaeng ito? Tinignan niya ang wrist watch niya. It past ten o'clock ng gabi. Ininom niya ang natitirang laman ng alak sa hawak niyang baso. Nakipag-usap siya sa mga kaibigan nasa party. "Kaiser mukhang panay ang titig mo sa babaeng iyon ha! Don't tell me isasama mo na naman ang babaeng iyon sa collection mo sa mga babae.� Bulong ng isa sa mga kaibigan niya. Ito ang matalik niyang kaibigan. "Tumigil ka nga at baka marinig ka ni Trixia." Sagot niya. "You don't even love that woman." Turo nito kay Trixia. "I know Trixia is just one of your fling girlfriends." Totoong sabi ni Aljon. "Pampalipas oras ko lang si Trixia." Pag-amin ni Kaiser. "I know that... But you know what Kaiser. Hindi lahat ng babae ay pampalipas oras lang. They deserve to be treat respectfully. Hindi ka pa talaga totally naiinlove sa isang babae. Pero once na nainlove ka! Sinasabi ko sayo yang makulit mong puso at prinsipyo ay magbabago. Tignan mo ako masaya sa piling ng asawa ko." Sabi ni Aljon. Natawa siya ng malakas sa sinabi nito. "You think so? Dude. Wala sa listahan ko ang umibig sa babae. Woman are only for bed at masaya ako sa ganito." Sabi ni Kaiser.


"Nasasabi mo lang iyan dahil hindi pa dumating ang babaeng gugulo sa puso at isip mo. Wait and you will see." Natatawang sabi ni Aljon. "I don't know siguro hindi na darating ang babaeng magpapabago sakin!" Sabi niya. Mag-aalauna na ng matapos ang welcome party n bagong pamilya ng daddy niya. Pumasok si Kaiser sa loob ng bahay. Nakita niya ang daddy at tita Giselle na pumanhik sa hagdanan looking very happy. Nakikita niya ang kasiyahan sa mukha ng daddy niya. Ngumiti siya. Happy narin siyang makita itong masaya sa piling ni Giselle. Inilapag niya ang baso sa maliit na lamesa sa may sala. Naupo siya sa couch. Isinandal ang lasing na katawan sa upuan. Huminga siyang malalim bago muling nanariwa sa isip niya ang babaeng maganda. Si Joyce. Umukit sa utak niya ang imahe ng babae. Simula sa dearing nitong mga mata hanggang sa matangos nitong ilong. Pababa sa labi nitong nang-aanyayang hagkan. Ang malamyos nitong boses na animo'y nanlalambing lang sa pagsasalita Ang malambot nitong katawan na kay sarap yakapin. Napapangiting ipinilig niya ang kanyang ulo. Bigla naman ang pag-sulpot ng katulong sa kanyang Likuran. "Hoy sir Kaiser ngumingiti ka diyan. Lasing ka na ba? May babae na naman kayong natitipuan noh? Baka bukas may mambubulabog na naman sa labas." Sabi ni Inday. Natawa siya sa sinabi nito. Tinignan niya ito. "Nandiyan ka pala inday. Pasensia ka na sa mga kalokohan ko ha. Napagalitan ka tuloy ni daddy. Pero kung may mambubulabog ulit bukas sa labas ng bahay. Idispatsya mo na agad okay.” Nakangiting sabi niya. Napangiti ito. "Ai talagang ididispatsya ko na ang mga babaeng iyon Sir Kaiser. Alam mo kasi Sir may irereto akong magandang babae. Bagay na bagay kayo sa anak ni ma’am Giselle. Iyong asawa ng daddy mo. " Excited na balita ni Inday. Napakuwento ito ng di-oras sa kanya. Kunot noo’ng napatingin siya sa katulong. “Joyce Fontanilla?” Tanong niya. The beautiful girl na nakita niya kanina. Ang babaeng gumugulo sa utak niya.


Ngumiti ito. “Yes Sir Kai. Ang ganda po ni ma’am Joyce. Parang isang sikat na celebrities sa hollywood. Tiyak ko magugustuhan ninyo siya Sir. Pero huwag mo siyang paglalaruan dahil hindi kita tutulungan idispatsya si Ma’am." Dagdag ni sabi ni Inday Natawa siya sa kadaldalan nito. Masyadong makulit at makuwento ito. Ito ang paborito niyang katulong sa bahay nila. Mabait at magaan ang loob niyang kakuwentuhan. “Nameet ko na siya Inday.” Sagot niya. “Sir Kai. Di nga? Ano sa tingin ninyo? Maganda ba si ma’am Joyce.” Sabi nito. Napangiti siya. Kinindatan ito bilang pagsangayon sa mga sinabi nito. Tama ito. Hindi lang maganda si Joyce kundi magandang maganda. “Yes. Super ganda niya.” Tipid niyang sagot. Ngumiti ito. “Sabi ko na nga eh. Magagandahan ka talaga sa kanya. Hay nako matulog ka na Sir Kaiser para magkausap na kayo bukas.” Sabi ni Inday. Natawa siya dito. Mayamaya ay umalis na rin ito. Patuloy parin siyang nakaupo sa salas. Hindi niya maiwasan ang mag-isip sa sinabi nito. Bakit kaya hindi niya pormal na nakilala si Joyce kanina? Di bale bukas ay makikilala na niya ito ng personal. Sa kabilang silid naman ng mansyon ng mga Alcaide. Buhay na buhay parin ang diwa ni Joyce. Kanina pa siya nasa kuwarto ngunit hindi naman siya makatulog. Halos wala ng mga bisita sa labas ng bahay. Gumugulo sa isip niya ang imahe ni Kaiser. Kailan ko kaya ulit siya makikita? Tanong niya sa sarili. Bumangon siya sa kama at nagpahangin sa may teresa. Huminga siya ng malalim at sinampo ang malamig na simoy ng hangin. Napatingin siya sa ibaba ng bahay. Kitang kita niya ang malinaw na tubig sa may swimming pool. Parang gusto niyang maligo. Napangiti siya ng mabuo sa isip niya ang pasyang maliligo sa swimming pool bukas ng


umaga. Hindi siya makatulog dahil nag-aadjust ang oras niya sa pagtulog. Bumalik siya sa kuwarto at pinilit matulog. Umaga na ng magising si Joyce. Nag-inat siya sa may teresa. Unang araw niya sa Pilipinas. Tumanaw siya sa teresa upang makita ang sinag ng araw sa umaga. Nakita niya ang malinaw na tubig sa swimming pool. Napangiti siya at dalidaling pumasok sa loob ng kuwarto. Hinanap niya ang dalawang pieces na gagamitin niya sa swimming pool. Agad siyang nagbihis at bumaba ng bahay. It was seven o'clock in the morning. Nakasalubong niya ang katulong na si Inday. Manghang napatingin ito sa kanya. "Good morning ma'am Joyce maliligo po ba kayo sa swimming pool?" Masayang tanong nito sa kanya. Napangiti siya. "Oo. Good morning din.” Sagot niya. "Ma'am Joyce ang sexy mo naman.” Papuri nito. Bahagya tuloy siyang natawa sa sinabi nito. “T-thank you.” Sambit niya. Naglakad siya sa may swimming pool. “Your welcome po... Ma’am Joyce anong gusto ninyong breakfast?” Tanong ni Inday “Ilalagay ko na lang po sa patio table malapit sa pool." Nakangiting sabi nito. "Ikaw na lang ang bahala Inday. Kahit ano na lang basta masarap. Namiss ko din naman ang lutong pinoy." Sagot niya. “Si Sir Kaiser. Masarap!” Bahagyang bulong nito. Wala sa sariling napatingin siya sa babae. “Ano iyon?” Tanong niya. Napakamot ito sa ulo. “Wala po ma’am. Ang sabi ko po nalinisan na po ang swimming


pool.” Nakangiting sambit ni Inday. Napatango tango na lamang siya. Parang ang layo naman ng sinabi nito sa narinig niya. She heard her saying something about masarap. "The swimming pool looks great. Maliligo muna ako." Pabulong na sabi ni Joyce. Nag-tungo siya sa swimming pool. Inalis ang manipis na robang pinantakip sa kanyang kasexsihan. Naglakad siya patungo sa hagdanan ng swimming pool. Lumusong siya sa tubig. Hindi naman masyadong malamig ang tubig. Masarap maligo. Nagpalutang siya sa tubig at kitang kita ang mapuputi niyang balat sa malinaw na tubig. Makalipas ang isang oras ay bahagyang nakaramdam siya ng gutom. Agad siyang umahon upang tignan ang nakahandang pagkain sa patio table. NAGISING si Kaiser at nag-inat sa teresa. Maganda ang gising niya ngayong araw. Napansin niyang may naliligo sa swimming pool. Kunot noo’ng napatanaw siya sa ibaba ng bahay at tinignan ang taong naliligo. Walang ibang naliligo doon sa pool kundi siya lang. Hindi naman mahilig maligo sa pool ang daddy niya. Sinilip niya ang babaeng naliligo. That beautiful woman last night. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Na-enganyo siyang panoorin ito. Maputi ang balat ng babae. Makinis ang mga kutis. Napakaganda ng katawan nito. Maganda rin ang mukha nito. Mula sa mukha nito ay bumaba ang paningin niya sa kabuoan nito. “What a sexy beautiful girl!” Anas ng isip niya. Nag-init ang kalamnan niya. Napalunok siya. Nagdesisyon siyang kausapin si Joyce na kasalukuyan ng kumukuha ng pagkain sa may patio table. “Hi...” Sabi niya. NAGULAT si Joyce sa boses ng isang lalaki sa may teresa. Awtomatikong napatingin siya sa pinangalingan ng baritonong boses. Ang guwapong mukha ng lalaki ang kanyang nabungaran habang nakatunghay sa kanya. Nanonoot ang mga tingin nito sa kabuoan niya. Kilala niya ang mukhang iyon. The handsomely gorgeous guy last night. Natulala ulit sa mukha


ng lalaki. “Anong ginagawa niya dito.” Tanong ng isipan niya. Unti-unting bumilis ang pintig ng kanyang puso. “H-hi miss beautiful.” Nakangiting ulit ni Kaiser. Hindi agad nakapagsalita si Joyce. Wala siyang ibang gustong gawin kundi pagmasdan ito. Parang nakatingin lamang siya sa isa mga gods of heart cover ng magazines. Kaiser is wearing a white pajamas and white uper top na nakabukas ang mga butones kita ang mga abs nito sa katawan. Naglandas ang tingin niya sa mukha at sa katawan nito. Hindi niya maiwasan ang mapalunok dahil sa angkin nitong kakisigan at kaguwapuhan. Ngumiti ang lalaki. “Ikaw si Joyce Fontanilla. Anak ni tita Giselle na asawa ng daddy ko.” Sabi ni Kaiser. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Natauhan siya nangyayari sa kanya. Ano ba ito? Natutulala ako sa harapan ng lalaking ito. “Y-yeah! S-so ikaw pala si Kaiser Alcaide ang anak ni tito Edward. Nice to meet you step-brother.” Sambit niya. Nainis siya sa kanyang sarili. Para tuloy siyang tanga sa harapan nito. “Joyce bakit ka nagkakaganito?” Asar na tanong niya sa sarili. “Tama. It was nice to meet you too step-sister.” Anas nitong nakatingin sa kabuoan niya. Napangiti siya. “Sorry nakiligo na ako sa swimming pool ninyo.” Sabi ni Joyce. “Oh it’s okay. You can used it anytime you want too. Sige maiiwan na muna kita okay.” Nakangiti rin sabi ni Kaiser. “Hmmm... You want to joined me here...?” Tanong niya. Kumindat ito. “Nahhh... Maybe some other time na lang. Thanks anyway.” Sabi ni Kaiser.


Nakaramdam si Joyce ng kakaibang saya ng makitang muli si Kaiser. Hindi niya inaasahang makikita pa itong muli sa mansyon ng Alcaide. Buong akala niya ay wala ng paraan para makita ito. “Ano ba Joyce? Huwag kang magpantansya sa kanya. Papaiyakin ka lang ng lalaking yan. Nakita mo naman kagabi na may girlfriend na siya diba.” Anang isip niya. Nakaramdam tuloy siya ng kalungkotan ng maalalang may girlfriend na ito. Nanghinayang siya. Ang malas naman niya sa pag-ibig. Ngayong gusto na niya ang lalaki saka naman di puwede. Bigla tuloy siyang nilukuban ng matinding lungkot. “Bakit ka kasi nagiisip ng kong anu-ano? Dapat kasi ang isipin mo Joyce ay manloloko lang ang mga lalaki.” Bulong ng isip niya. So true! Lalaki lang si Kaiser. Naipangako niya sa sarili na kahit gaano ito kaguwapo ay hindi siya magpapaapekto sa angkin nitong karisma. Ilang minuto na siyang nakaupo sa upuan sa harap ng lamesa ng patio ng bigla siyang nakarinig ng ingay na mula sa labas ng malaking bahay. Kunot noong napatayo siya sa kinauupuan. Sinilip niya ang babaeng nag-iingay sa labas. "Sino kaya ang sumisigaw na iyon?" Tanong niya sa sarili. Naglakad siya papunta sa gate ng bahay. Nakita niya ang sumisigaw na babae sa harapan ng bahay ng mga Alcaide. Paano nakapasok ang lokaret na babaeng ito dito? Umagang umaga ay nambubulabog ito. Lumapit si Joyce sa main gate upang kausapin ang babae. Tumigil naman ito sa pagsigaw at mataman tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Nainis siya sa ginawa nito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Hey ano ba ang problema mo? Hindi mo naman siguro kailangan sumigaw ng pagkalakas lakas dahil may doorbell naman na puwede mong pindutin." Inis niyang sabi sa babae. "Hindi ikaw ang gusto kong kausapin. Nasaan ang magaling na lalaking iyon. Where's Kaiser?" Sigaw ng babae sa kanya.


Nagpanting ang mga tainga niya sa kagaspangan ng ugali ng babae ito. Oo nga sexy ito pero mas sexy naman siya. Maganda ito pero mas maganda naman siya. Mukhang wala itong modo at parang walang pinag-aralan. Hindi na ito nahiya sa mga kapitbahay nila. Kailangan niyang turuan ng tamang asal ang babaeng ito. Ano naman kaya ang kailangan nito kay Kaiser? Kung makasigaw sa labas ng bahay ay parang gustong sapakin si Kaiser. "Sino ka ba? Hindi ba puwedeng huminahon ka muna." Sarkastikong tanong ni Joyce. Kumunot ang noo nito. "Ikaw! Sino ka ba?" Balik tanong ng babae. "Si Kaiser ang kailangan kung makausap. Hindi ikaw!" Sigaw nito. “As if naman tinatago ko ang lalaking iyon. Paki-alam ko naman sa step-brother ko aber.� Gusto niyang isagot dito. Nagulat si Joyce ng may humawak sa beywang niya. Si Kaiser. Awtomakong napatingin siya sa kamay ni Kaiser. Bahagyang nagwala na naman ang katinuan ng kanyang puso. Nakuryente ang buo niyang katawan sa ginawa nito. Pinisil nito ang tagiliran niya. Nakahalata siyang tsina-tsangsingan siya nito. Inalis niya ang kamay nito sa tagiliran niya. Siniko niya ang tiyan nito. Napaubo tuloy ito sa ginawa niya. Nginitian niya ito na parang pinagbabantaang magtigil ito sa paghawak sa kanya. Bagong ligo ito at nanunuot sa ilong niya ang bango nito. Unti-unti na namang bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso. Ngumiti ito sa kanya at sinasabing sumabay siya sa laro nito.

Chapter 5 NAIILANG si Joyce sa pagkakadikit sa katawan ni Kaiser. Napasinghab siya ng mas lalo pa nitong hinapit ang katawan niya. Gusto niyang mainis sa ginagawa nito. Itulak ito ng malakas at sabihin close ba tayo? Ngunit some part of her, ay kinikilig na mapadikit dito sa katawan nito. Bakit nga ba hindi e ang hunk ng katawan nito. Kahit na sinong babae ay


gugustuhin magpakulong sa mga bisig nito. Naibaling ang atensiyon niya sa babaeng nasa labas ng bakuran. Ang mga titig nito ay parang isang apoy na lalamunin ka ng buhay, dahil sa tindi ng galit na nakaukit sa mata nito. Bakit ba galit ito sa kanya? Wala naman siyang ginagawang masama. Si Kaiser naman ang nakikipagflirt sa kanya. Kung makahawak ito sa kanya ay parang pag-aari nito ang katawan niya. Ano ba ang pakialam ba niya sa lalaking ito? You can have him anytime you want... Gusto niyang isigaw sa babae. “Kaiser p-please m-mag-usap tayo.!” sabi ng babae na halos mangiyak-ngiyak na ang mga mata nito. "W-what do you want Michelle? Will you please go home. Masyado mo ng inaabala ang oras ko." Mariing sabi ni Kaiser sa babae. "Hindi mo puwedeng gawin ito sakin Kaiser. Pinagtataguan mo ako! Matapos kong ibigay ang sarili ko sayo tapos ito pa ang igaganti mo sakin. Iiwan mo na lang ako sa ere pagkatapos ng mga nangyari sa atin." Tumutulo ang mga luhang sabi ng babae. Nakadama naman ng awa si Joyce sa babae. Babaero pala ang Kaiser na ito eh! Wala itong ipinagkaiba sa mga lalaking manloloko. Hindi siya papayag na tratuhin nito ng ganoon na lamang ang babaeng ito. Inalis niya ang kamay ni Kaiser na nakahawak sa beywang niya. "Please leave me alone Michelle. You offer your body to me. I never asked for it so huwag mong sabihin sa akin na pananagutan kita. Kung natatandaan mong ikaw ang lumapit sa akin," sabi ni Kaiser sa babaeng umiiyak sa labas ng bahay. "Look, I’m sorry kung pina-asa at nasaktan kita pero may asawa na ako at ayoko kung lukuhin ang asawa ko. Huwag mo naman sirain ang magandang relasyon namin ng asawa ko." Dagdag na sabi ni Kaiser. Kumindat ito sa kanya na para bang sinasabing sumabay lang ito sa mga alibi nito. Tinaasan niya ito ng kilay. “I’m so sorry sweetheart... Lahat ng sinasabi niya ay hindi totoo.”


Sabi ni Kaiser sa kanya. Nagulat siya sa sinabi nito. “You’re impossible Kaiser! You are such a womanizer. Tuturuan kita ng leksyon kung paano tratuhin ng tama ang mga babae. Makikita mo! Paiibigin kita.” Sabi niya sa isipan habang titig na titig sa mata nito. Pumiksi siya at inalis ang kamay nitong nakahawak sa tagiliran niya. Akma na sana siyang aalis sa tabi nito at hayaan ang dalawa na makapag-usap ngunit agad na naman siyang hinila ni Kaiser. Nagbabanta ang mga titig na tinitigan niya ito. Kagabi nga lang ay may kasama na naman itong ibang babae. Sa pagkakaalam niya ay Trixia ang pangalan ng girlfriend nito kagabi, tapos ngayon ay may Michelle na naman. Baka kung ano pa ang magawa niya sa lalaking ito. “What the heck you are doing Kaiser?” Bulong niya sa lalaki. Hindi nito pinansin ang tanong niya. Bagkus ay kinausap ulit nito ang babaeng nasa labas. "Umalis ka na Michelle.” Sabi nito. Hinila nito ang kamay niya at sinabi sa babaeng, “This woman right here is my wife." Gulat na napabaling ulit siya kay Kaiser. Gusto niyang tiriisin ang pagmumukha ng lalaking ito. Ano ito some sort of a game na siya ang panangga sa mga kagaguhan nito.“Ano bang pinagsasabi mo?” Inis na inis na tanong niya kay Kaiser. Balak yata nitong gawin siyang panakip butas sa gulong pinasukan nito. Lalong uminit ang ulo niya. Nagsisimula narin mamuo ang galit sa puso niya sa ginagawa ni Kaiser sa babae. Pinaasa lang nito ang babae tapos iiwanan din pala. Ang kapal ng mukha nito. Porket guwapo ito ay sasaktan na nito ang puso ng babae. Hindi siya papayag sa palabas nito. Bahala itong lumutas sa problema nito. “Look michelle... Hindi ko siya asaaaw...” Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng bigla ulit sumabat ang babae.


"You shut up! I’m not talking to you.” Sigaw nito sa kanya. Bumaling ito kay Kaiser. “Would you think na maniniwala ako sayo Kaiser? Prove to me na asawa mo ang babaeng iyan. Halikan mo siya sa harapan ko. Bago mo ako mapaniwalang asawa mo nga talaga ang malditang pangit na babaeng iyan. Prove it to me!” Sigaw ni Michelle. What the heck! Sinong maldita? Sinong pangit? Ako? May sinatupak pala ang babaeng ito. Ito na nga ang kinakampihan, ito pa ang may ganang sabihan siyang malditang pangit. No wonder ayaw ni Kaiser sa babae. Ang pangit din pala ng ugali nito. Hindi niya papayagan sabihin nito ang katagang iyon. Hindi naman siya maldita. Kung ganito lang naman kagaspang ang ugali ng babaeng ito aba ay di bale na lang na kakampihan niya ito. Bahala ka sa buhay mong babae ka! "You know what bitch! Go away! Hindi namin kailangan ang magpaliwanag sayo. Gusto mo yatang ipakaladlad pa kita palabas sa lugar na ito.” Asik niya kay Michelle. Nagtagis ang mga bagang nito. “I know that my husband is such a handsomely gorgeous. Alam ko na maraming babae ang naghahabol sa kanya pero sorry ka na lang. Taken na siya! Asawa ko na siya kaya puwede ba lumayas ka dito. You wasting our time!" Dagdag na taboy niya sa babae. Tumaas ang mga kilay nito. "Ito ba ang babaeng pinagpalit mo sa akin Kaiser? Hindi ko lubos akalain na ipagpapalit mo ako sa pangit na iyan. Come on babe! I know she's not your wife. Hindi mababa ang taste mo sa mga babae. Alam kong ginagawa mo lang ito para saktan ako." Mayabang na sabi ni Michelle. Umusok ang dalawang butas ng ilong niya sa sinabi ng babae. Akala mo naman maganda ito. Mas maganda pa siya. Ang kapal ng mukha nito. Sa sobrang galit niya ay hindi niya inaasahan ang katagang lumabas sa kanyang mga labi. "Excuse me! Mas maganda naman ako sayo. Hindi naman ako pipiliin ng asawa ko kung hindi ako maganda kaya puwede ba lumalis ka na dito.” Ganti niya kay Michelle. Hindi siya papayag na apak-apakan at yurak-yurakan nito ang kagandahan niya.


“Shut up! Just prove to me na asawa ka ng babe ko.” Sigaw nito. “You want us to prove you na mag-asawa kami ng SWEETHEART hubby ko. Halik lang ba ang gusto mong makita! O baka gusto mo rin makita kaming nagmamake love!" Galit na tugon niya sa babae. Tumingin naman si Kaiser sa mukha ni Joyce. Nagkatitigan sila. Bahagyang tumibok ng mabilis ang puso niya. Tinitigan niya ang mga labi ni Kaiser. “Bastos ang babae mo kaya dapat lang na turuan ng leksyon. Hindi ka nababagay sa tulad niya.” Nangungusap ang mga titig na sabi niya dito sa kaisipan. Hindi niya lubus maisip na makikipaghalikan siya sa mga labi ng step-brother niya. Napalunok siya ng pinagmasdan ang labi nito. Paano kaya ang pakiramdam na mahalikan ng mga labi ni Kaiser? Would it be good! Masarap kaya... "You don't have to do this Joyce. Hindi mo kailangan halikan ako upang patunayan sa kanya na asawa kita." Bulong ni Kaiser sa kanya. Tinitigan niya ito. “Magtigil ka. Kasalanan mo ito eh!” Sabi niya kay Kaiser. Tinignan niya ang babae. "You bitch, wait and see!" Sigaw niya kay Michelle. Binalingan niya si Kaiser na may bahid na excitement sa mga mata nito. Tumingin ito sa mga labi niya. Nakita niyang napalunok ito na para bang takam na takam. “You ask me to play with your game Kaiser. So be it! Now kiss me!” Nanlalabing na anas niya. Ikinawit niya ang dalawang kamay sa batok nito. Napangiti siya sa nakikitang uneasiness nito. “Are you sure Joyce?” Bulong ni Kaiser sa gilid ng tainga niya. May dalang kiliti ang mga labi nitong sumayad sa ear lobe niya. Halos lahat ng cells sa katawan niya ay tumalon dahil sa simpleng ginawa ni Kaiser. “Just shut up and kiss me.” Sabi niya.


Marahang inilapat niya ang mga labi sa labi nito. Napapikit siya at hinintay na tumugon ang labi ni Kaiser. Naramdaman naman niya ang pagtugon at pagkilos ng mga labi nito. Dahandahan hinaplos nito ng marahan ang magkabilang pisngi niya at pinalalim ang mga halik na iginagawad nito. Pakiramdam niya ay nasa alapaap siya. Sa lahat ng lalaking nakahalikan niya ay ibang-iba ang dulot ng halik ni Kaiser. Masarap. Maalab. Mapusok. Nakakauhaw. Parang ayaw na niyang tumigil sa pakikipaghalikan. Lumalim ng lumalim ang halik nito. Napapahaplos din ang kamay nito sa ibang parte ng kanyang katawan. Some part of her mind ang nagsasabing mali ang ginagawa nila. Ngunit masarap pala ang mga labi ni Kaiser. Napahinto siya pakikipaghalikan ng maalala ang babaeng nakatayo sa labas ng bahay. Bahagyang itinulak niya ang katawan ni Kaiser. Tinignan niya ang babae sa gate ng bahay pero wala na ito roon. Umalis na ito. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang wala na si Michelle. Nakapalibot parin ang dalawang kamay ni Kaiser sa beywang niya. Hinalikan ulit siya ni Kaiser. Bumaba ang labi nito sa leeg niya... Itinulak niya ito. "Kaiser stop it! Tapos na ang game." Sabi ni Joyce. "She's gone!" Mahina ang boses na sabi niya. Huminto ito at tumingin sa kanya. Pagnanasa ang nabasa niya sa mata nito. Gusto niyang tumakbo upang makalayo agad dito dahil sa nakikita niyang nag-aalab na pagnanasa nito. Kumawala siya sa mga bisig nito. Titig na titig parin ito sa kanya. Hindi niya maiwasan ang pamulaan ng mukha dahil sa mga tingin ni Kaiser. Naiinis siya sa nangyayari sa kanyang sarili. Dapat ay hindi niya hinayaan ang sariling makipaghalikan kay Kaiser. Bigla tuloy siyang nakadama ng kahihiyan sa nangyari sa kanila. Kung hindi dahil sa babaeng iyon hindi naman siya makikipaghalikan dito. She had never done kissing a guy infront of his girl. At mismong sa harapan pa ng bahay ni tito Edward sila naghalikan ni Kaiser. Nakakahiya. Nangako siyang hindi na makikipaghalikan dito. One kiss is enough. Hindi na mauulit ito. Nakakahiya kay tito Edward. Mismong sa harapan pa ng bahay nito sila naghalikan ni Kaiser. Paano na kung may nakakita sa kanila? Kabago-bago niya sa lugar


na ito tapos nakipaghalikan pa siya sa anak pa ng tito Edward niya. Sa step-brother niya. Parang kapatid na niya ito. Umatras siya ng bahagyang hahawakan ulit ni Kaiser ang kamay niya. Dirediretso ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng bahay. Halos takbuhin niya ang kanyang kuwarto upang iwasan ang lalaki. Pagkapasok ni Joyce sa sariling kuwarto ay marahang isinandal niya ang katawan sa likod ng pintuan. Huminga siya ng malalim. Hinaplos niya ang mga labing hinalikan ni Kaiser. Napapikit siya. Remembering Kaiser lips. Napalunok siya. She shouldn't feel this! “Ohh crap... Ang lambot ng mga labi nito.” Napangiti siya. One step to be close to him. “No Joyce!" Sigaw ng bahaging isipan niya. Bigla siyang natauhan sa kanyang kahibangan. Hindi niya mapapayagan ang sariling paglaruan ni Kaiser. Even though magaling itong humalik at magpabaliw sa mga babae. No don’t be affected Joyce.... Lumaki siya sa America kung saan uso ang pagiging isang liberated. Sanay na siyang nakikipaghalikan sa mga ex-boyfriends niya. Hindi na iba iyon. “Forget the Kiss Joyce.” Sabi niya sa sarili. LUMIPAS ang mahigit isang lingo na pamamalagi ni Joyce sa mansyon ng Alcaide. Hindi niya maiwasan ang makadama ng lungkot. Nagtataka siya kung bakit hindi na nagpakita si Kaiser sa kanya matapos ang naganap na halikan sa harap ng bahay ng Alcaide. Gusto man niyang tanungin ang tito Edward niya tungkol sa lalaki ngunit pinigilan na lamang niya ang sariling tanungin ito. Baka kung ano pang isipin nito. Ayaw naman niyang mag-isip ito ng kung anu-ano sa kanya. Nababagot na siya sa mansyon at balak na niyang maghanap ng trabaho. She decided to talk to Edward about the job he was offering her before. Lumabas siya sa kanyang kuwarto at tinanong sa katulong kung nasaan si tito Edward. Nasa library room daw ito kaya nagmadali siyang nagtungo doon. Kumatok muna siya sa pinto. Binuksan niya ang siradura pintuan ng marinig ang boses ni Edward. She saw him seating down on the table. Mukhang may binabasa itong libro.


Tumingin ito sa kanya. "Yes? hija." tanong nito. “Come on inside.” Sabi ni Edward. Huminga siya ng malalim. "Tito Edward can I please talk to you for a couple minutes?" She asked. "Of course hija. Come and seat down." Turo nito sa upaan habang tinitiklop ang binabasa nitong libro. Pinagsalikop nito ang mga kamay at seryosong tumingin sa kanya. Napakagalante ng library nito. Parang isang malawak na opisina at maraming iba't ibang klase ng libro ang nasa shelves nito. Ngayon lang niya naiintindihan kung bakit gustong gusto nito ang namamalagi sa library nito. Mas malayang nakakapag-isip ito sa loob ng library. Napakatahimik. "So what do you want to talk about hija?" Tanong ni Edward. He crossed his legs. He was seating pretty on his swivel chair. Kahit tumatanda na ito ay napakaguwapo parin nitong tignan katulad ng anak nitong si Kaiser. Bakit kaya hindi na nagpapakita ang lalaking iyon?.. Parang namiss niya ito. Tumikhim si Joyce bago muling nagsalita. "Tito Edward may bakante ka bang trabaho sa opisina mo? Gusto ko po sanang mag-apply.” Walang paliguy-ligoy na tanong ni Joyce. "You don't have to work Hija. Puwede ka naman magshopping na lang o magbakasyon sa ibat ibang lugar dito sa Pilipinas. I’ll give you all the money. No’ong pinakasalan ko ang mommy mo. Itinuring narin kitang anak ko. Whatever I have is yours na rin. At saka nag-iisa lang naman ang anak ko. Si Kaiser naman ay may sariling negosyo. " Sabi nito. Umiling-iling siya. " Alam ko po iyon tito Edward. Nakakahiya po sa inyo eh.” Nahihiyang sabi niya. Napangiti ito sa tinuran niya. "Ito talagang batang ito. Hija bakit ka pa mahihiya sakin? Ituring mo narin akong parang tatay mo dahil ang turing ko sayo ay parang anak na rin kita.


Bahagi ka ng pamilyang ito. Mas maganda pa sana kung ikaw na lang ang makatuluyan ng anak kong si Kaiser.” Sabi ni Edward. “Tito Edward naman eh...” Natawa ito sa pagtanggi niya sa huling sinabi nito. “Nagbabakasakali lang na magustuhan mo ang anak ko. Maybe you can change him sa pagiging palikero at babaero niya.” Sabi nito. “Ni hindi ko nga siya nagpapakita eh.” Bulong niya. “Alam naman po ninyo na ayoko sa mga lalaking manloloko at babaero. Baka po magsanib ang world war sa bahay ninyo kapag pinatulan ko ang anak ninyo.” Natatawang sabi niya. Natawa ito ng malakas. “Kung ganyan ka... nasisiguro kong magiging matino si Kaiser.” Sabi nito. “Anyway. Pumunta ka sa AIC naghahanap yata sila ng modelo sa bagong proyektong ginagawa nila. Ikaw ang nakikitang kung nababagay na model sa bagong miracle perfume ng ginawa nila. Pumunta ka doon bukas. Ako ang bahala sayo.” Pag-iiba nito ng usapan. "Thank you po tito Edward. Ang bait ninyo talaga." Nakangiting sabi niya. Masuwerte ang mommy niya dahil sa kabaitan ni Edward sa kanila. Mabuti na lang at ito ang napangasawa ng kanyang ina. Hindi siya nanghihinayang na naging asawa ito ng mommy niya. "Your welcome hija.” Sabi nito. Tumayo na siya sa upuan. Akma na sana siyang aalis ng muli itong magsalita. “Can I ask you a favor hija?" Tanong ni Edward. Ngumiti ulit siya. "Sure tito Edward. Ano po iyon?" Tanong niya. "Puwedeng dad na lang ang itawag mo sa akin?" Tanong nito. Ngumiti siya. "Yes of course. It would be a pleasure to call you add." Sagot niya. Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi nito. "Thank you, hija. First thing tomorrow the


driver will drop you off to Alcaide Imperial Company. Ipapaalam ko sa kanila ang iyong pagdating." Sabi ni Edward. "Thank you dad." Agad niyang sagot. Masayang masaya siya. "Your welcome” Sabi nito. "And one more thing hija." dagdag na sabi nito. Nakita niyang may kinuha ito sa drawer ng table nito. Kunot noong napatingin siya sa iniabot nito. Isang credit card. "Para saan ito Dad?" Nagtatakang tanong niya. "Go shopping! Buy what you want. Magshopping ka ng mga damit mo.” Nakangiting sabi nito. Umiling siya. Akma sana niyang ibabalik ang credit card pero umayaw ito. “Take it Joyce. You need that...” Sabi nito. Napilitan siyang kunin ang credit card kahit nahihiya siya. Kailangan niyang magshopping ng damit na gagamitin niya bukas sa pagpunta sa AIC. Kaunti rin kasi ang nadala niyang mga gamit. "Salamat po Dad." Lumapit siya dito at niyakap ito. Parang totoong ama na rin ang turing niya kay Edward. Lumabas siya sa library nito. Hinanap niya si Inday upang kasamang magshopping sa Mall of Asia. Bumili siya ng ibat-ibang klase na mga seksing damit at ternong high-heels na bumagay sa kanya. Kailangan niyang maging maganda at nababagay sa kanya ang mga isusuot niyang damit bukas. Tulad ng dati ay hindi na naman siya makatulog ng gabing iyon. Pagpikit ng kanyang mga mata ay mukha ni Kaiser ang kanyang nakikita. Madalas siyang napupuyat sa kakaisip sa lalaking iyon. Namimiss na niya ito. Kung bakit kasi hindi na ito nagpakita pa sa kanya matapos ang naganap na halikan nila. Nangungulila tuloy siya sa lalaki. Matapos niyang makilala ito ay mawawala naman ito. She was expecting him everyday pero hindi naman nangyari iyon.


Hinawakan niya ang kanyang mapupulang labi. She remembered Kaiser kiss. Magaling itong humalik. The kiss they had shared last week was so amazing. Nakakasabik. Nakakamiss. Parang gusto pa niyang maulit ang halikang naganap sa kanila ni Kaiser. Ipinilig niya ang kanyang ulo. "What the heck? ano ba itong iniisip mo at ano ba itong nararamdaman mo Joyce?" tanong niya sa sarili. "You shouldn't acted this way. Joyce! wala iyon. Kiss lang iyon okay. Breath! Inhale and exhale." Pagsuway niya sa sarili. Upang mawala ang tensyon nararamdaman niya ay nagtungo siya sa teresa. Huminga ng malalim at hinayaan ang simoy ng hangin na tumangay sa naliliyo niyang isipan. Lumipas ang mga ilang minutong nakatunghay siya doon. Nakadama na rin siya ng antok. Pumasok na siya sa loob ng kwarto at humiga sa kama. Kailangan narin niyang matulog dahil maaga pa ang pasok niya sa trabaho bukas.

Chapter 6 KINAUMAGAHAN maagang nagising si Joyce upang maihanda ang sarili sa bago niyang papasukan trabaho. Alas sais pa lang ay gising na siya. Ayaw niyang mahuli sa trabaho dahil unang araw niya iyon. Kailangan niyang pumasok ng maaga dahil ayaw niyang madismaya ang tito Edward niya. Baka kung anong isipin nito kapag nahuli siya sa trabaho. Hindi niya maiwasan ang kabahan sa pakikiharap niya sa president ng kompanya ng AIC. Alam niyang ang step-father niya ang may-ari ng kompany. Pero hindi ito ang humahawak sa kompanyang iyon. May ibang namamahala o nangangalaga sa AIC at hindi niya alam kung sino ang taong iyon. Inihatid siya ng driver sa AIC. Habang nasa daanan ay hindi niya maintindihan kung bakit panay ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Hindi rin niya maintindihan ang kabang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. "Bakit ba ako kinakabahan?" Tanong niya sa sarili. Habang papasok ang sasakyan sa isang entrance ng malaking building ng AIC, namamangha siya sa laki ng building, sa lawak at sa linis ng buong paligid. Ipinarada ng driver ang sasakyan sa harapan ng gusali. Binuksan ng isang security ang pintuan upang siya ay


makalabas sa sasakyan. Iginaya siya ng guardia sa loob ng gusali. Nasa fourth floor daw ang opisina ng presidente ng company. Sumakay siya sa elevator. May nakaabang na isa pang security sa may elevator. Tinanong nito kung anong floor ang pupuntahan niya. At ng malaman ay pinindot nito ang fourth floor kung saan ang distination niya. Lumabas siya sa elevator ng makarating sa fourth floor. Pumasok siya sa nag-iisang opisina doon. Lumapit siya sa isang babaeng nakaupo sa malaking desk table sa gitna ng malawak na opisina. Nalaman niyang secretary ito ng boss ng company dahil narin sa plakang nakalatag sa desk nito. Napatingin ito sa kanya. Sinuri muna nito ang kabuan niya. Nabasa niya sa mga mata nito ang paghanga sa kanya. Maya-maya'y nagsalita ito sa kanya. "Good morning ma’am... What can I do for you?" mabait nitong tanong sa kanya. Nginitian naman niya ito. "I have an appointment to the president of this company." sabi niya sa secretary. Kumunot ang noo nito at kitang kita niya ang gitla sa noo nito. "Sandali lang ha. Titignan ko lang sa schedule ng boos ko kung may appointment ka sa kanya ngayong araw." Sabi nito habang tinitignan ang screen ng computer sa harapan nito. "Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong nito. "Joyce Fontanilla." sagot niya sa babae. She typed her name on the keyboard. Kumunot ulit ang noo nito. Bahagya pang umilingiling ang ulo nito. Humarap ito sa kanya. "Ahmm ma’am wala po yata kayong appointment sa boss ko kasi hindi nalehistro ang pangalan ninyo sa mga schedules of meeting appointment niya. Sorry po pero hindi ko kayo puwedeng papasukin dahil matinding ipinagbabawal ng boss ko na hindi siya makikipag-usap kapag walang appointment." Sabi nito. Napabuntong hininga siya. "Si tito Edward Alcaide ang nag-offer sakin na pumunta ako ngayon dito para kausapin ang boss mo! I'm really sure.� Sabi niya.


"Miss Fontanilla, wala po kasing nakalagay sa computer na may appointment kayo sa boss ko. Sorry po ma'am pero hindi ko po kayo puwedeng papasukin sa loob ng opisina ng boss ko. Ako po ang pagagalitan." Paliwanag nito sa kanya. Feeling niya napapahiya siya ng mga oras na iyon. Paano nangyari iyon kung si tito Edward mismo ang nagrecommend sa kanya. "Look my tito Edward sent me here to talk to your boss about the modeling job. Dito daw ako mag-aapply sa company niya." Paliwanag niya dito. She was now holding her temper. Mariin niyang hinawakan ang laylayan ng kanyang bag. Parang narereject siya ng mga sandaling iyon. She never imagined na ganun ang mangyayari sa kanya sa opisinang ito. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa dahil alam niyang hindi naman magsisinungaling si tito Edward. "Maybe you want me to call tito Edward Alcaide to make things clear to you. Please ask your boss to let me in?" tanong nito. Parang gusto na niyang sugurin sa loob ng opisina ang boss nito. Mas mataas naman yata ang position ng tito Edward niya sa boss nito. Upang kausapin kong nakausap na nito ang may-ari ng AIC company. "Sige po itatry ko po." Sabi nito. Mabilis itong tumayo at pumasok sa loob ng isang opisina sa kanan. Habang naghihintay si Joyce ay naupo muna siya sa malambot na upuan sa waiting area ng opisina. Nakaramdam siya ng pagkairita sa sobrang kaartehan ng president ng companyang ito. At isa din ang isang secretaryang nito na mukhang loyal sa boss nito. Marami rin siyang nakikitang mga babae ang nakatingin sa kanya. Pati ang mga ibang lalaki ay napapatingin at napapangiti din sa kanya. Nginitian niya ang mga ito. Makalipas ang limang minuto ay nagbalik ang secretary. "Puwede na po kayong pumasok sa loob ng opisina ni Sir Kai." sabi nito.


Nginitian niya ito. "Thank you." sabi niya. “Pasensia na po kayo ma’am kung hindi ko agad kayo pinapasok dahil loyal lang po ako sa boss ko. Ayoko po kasing mawalan ng trabaho.” Sabi nito. “It’s okay. Naintindihan kita.” Sabi niya. Agad naman siyang tumalima upang pumasok sa loob ng opisina. Hinapit niya ang seradura ng pintuan at pumasok sa loob ng opisina. Sinuri muna niya ang kabuoan ng lugar. Napakamasculine ng opisinang ito. May tatlong nakakabit na mga paintings sa wall ng opisina. Ibinaling niya ang tingin sa lalaking nakaupo sa swivel chair. Nakatalikod ito sa kanya. Mukhang may kausap ito sa kabilang linya ng telepono. Kitang kita niya ang magandang view sa labas ng gusali kong saan nakaharap ang lalaki. Nakabukas kasi ang fabric roman shades ng bintanang salamin sa opisina nito. Bumagay ang cover sa maaliwalas na opisina nito. Narinig niyang nagpaalam na ito sa kausap sa kabilang linya ng telepono. Awtomatikong humarap ito at napatingin sa kanya. Nagulat siya ng makita kong sino ang lalaking ito. Biglang nanginig ang kanyang mga tuhod. Kasabay ng mabilis at malakas na pagkabog ng kanyang puso. Hindi niya inaakala na ito ang presidente ng kompanya ng ito. Bakit nga ba hindi pumasok sa isip niya ang ideyang ito pala ang boss. Pagkagulat din ang nakalehistro sa mukha ni Kaiser. Bumagay dito ang suot nitong salamin sa mata. Nagmukha itong matalinong tao. Ang mga titig nito ay nakakatunaw. Wala siyang mahagilap na sasabihin dito. Parang nabubuway na ang kanyang mga tuhod sa mga titig nito. “I know you would be coming today.” Sabi ni Kaiser "I never knew na ikaw pala ang presidente ng kompanya ni tito Edward?" tanong niya dito ng mahagilap ang kanyang boses. “Let me correct your phrase, hindi ito kompanya ni Daddy. It’s my company. Kung yan ang iniisip mo Miss Joyce Fontanilla." Pormal nitong pakikitungo sa kanya.


KAISER was so shock when he saw Joyce infront of his desk table. He was shock not just because he never knew that she was coming today, but shock because he was so amazed with her beautiful looks. Joyce was on his mind in every single night. He already knew that she would come to do the modeling commercial and pictural of the new perfume product na ginagawa nila. His father confronted him about her na kailangan nito ng magtrabaho para malibang na rin. Nalaman din niyang paborito nito ang trabahong iyon. "Bakit hindi mo maalis ang mga titig mo sa babaeng ito Kaiser." tanong ng bahaging isipan niya. She was also looking at him with a anxious looks. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ni Joyce. That lips was so right in every curves and so kissable to kiss. Her lips was so soft and he was so eager to hold her just right there and kiss her again and again.... And again... without stoping. Ayaw naman talaga niyang umalis sa bahay ng daddy niya at hindi na ito makita. Ngunit busy lang talaga siya sa kanyang opisina. Masyadong malayo para sa kanya kung uuwi siya araw-araw sa mansyon. Mahigit isang lingo na rin niyang hindi ito nakikita. Some part of his will being miss her so much. Pero kailangan niyang layuan si Joyce. Sinabi ng daddy niya na huwag isasali si Joyce sa mga kagaguhan niya. Kaya mas pinili niyang mamalagi sa sariling condominum. Kahit nasa condo siya ay ito parin ang laman ng isip niya. Araw at gabi. Bawat sandali. Halos hindi na nga siya nakakatulog dahil sa kakaisip dito. Bakit ba ganun ang epekto sa kanya ng babaeng ito?.. At para makilala ng lubusan si Joyce ay nagresearch siya ng tungkol dito. Nalaman niyang isa itong model ng juicy couture perfume sa California. Sikat na modelo. Maraming nanliligaw na celebrities dito. Nalaman din niyang kaya ito nagtungo sa Pilipinas ay upang matakasan ang isang boyfriend nitong obsess sa kanya. Nalaman niyang play girl din itong katulad niya. Napangiti siya sa nalaman tungkol dito. Imbes na mainis dito dahil sa ginagawa nito ay lalo pa siyang nagkainterest na subukan ito. Nachallenge siyang makipagsabayan kay Joyce. Paiibigin niya ito. Bakit nga ba hindi niya subukan ang galing ng babaeng ito sa mga lalaki? Tignan lang niya kung sino sa kanila ang magwawagi. Matira ang matibay.


"So you knew that I will be coming here today?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. "Yes!" pormal niyang sagot sa tanong nito. Bumuntong hininga ito at kitang kita niya na gumalaw ng mga ugat sa leeg nito. Halatang nagtitimpi ito sa galit at sa pormal niyang pakikitungo dito. Tumayo siya sa upuan at humarap sa glass window. Hindi niya makayanan titigan ito dahil wala siyang ibang gustong gawin kundi sugurin ito at siilin ng halik sa mga labi. "Bakit hindi mo sinabi sa sekretary mo na pupunta ako dito Mr. Kaiser Alcaide? Si dad ang nagpapunta sa akin dito. Nagmukha tuloy akong tanga sa harapan ng sekretary mo. Nagpunta ako dito para sa--" "Alam ko kung ano ang ipinunta mo dito." Pagputol niya sa sinasabi nito. Humarap siya kay Joyce. At kitang kita niya ang kalituhan sa maganda nitong mukha. Nakaawang pa ang mga labi nito. Inalis niya ang salamin sa mata at inilapag iyon sa lamesa. "Joyce, please sit down for a while." Tinuro niya ang malaking sofa na malapit sa kinatatayuan nito. Malakas na buntong hininga ang ginawa nito. Tumalima ito at umupo sa sofa. She crossed her legs. She was so sexy with her dress. She was wearing a red dress above her knees with matching white blazer and with high heels that also match to her long legs. Lumulutang ang kagandahan nito sa damit. Kahit natatakpan ng red dress ang katawan nito ay kitang kita parin niya ang kaseksihan nito. Gusto na niyang sugurin ito sa kinauupuan nito. "Mag-uumpisa na ba ang pictural ko sa araw na ito?" tanong ni Joyce. Nagsisimulang mag-init ang kabuoan niya dahil sa mga titig ni Joyce. SAMANTALA si Joyce naman ay nakikiramdam sa mga titig ni Kaiser sa kanya batid niyang may pagnanasa ang mga titig nito. He was so uneasy on his action. Nakita niyang umupo ito sa gilid ng desk table nito. He was so gorgeous wearing those black slack with black belt and


a blue polo shirt. Mukhang naiinitan ito kanina kaya nakabukas ang tatlong butones ng polo shirt nito. Nakita rin niyang nakasabit sa gilid ang american suit nito at kasama doon ang neck tie nito. Parang gusto niyang lapitan ito at ipasok ang kamay sa nakabukas nitong polo shirt. "Oh my Gosh, ang guwapo niya!" Anang isip niya. Kaya lang napakababaero nito. Natatakot siyang maisama sa collection nito sa mga babae. Parang hindi niya makakayang masaktan ng isang tulad nito. "Look, Joyce. Nakahanap na kami ng magmomodelo sa bagong product namin. Beside, you don't need to work. Nakatira ka naman sa bahay ni daddy. And for sure naibibigay naman niya lahat ng kailangan mo. I'm sorry to tell you this but we don't need you here. Umuwi ka na lang sa bahay okay." Sabi ni Kaiser. Bakit hindi nito sinabi agad sa kanya? Nagpanting ang tainga ni Joyce sa sinabi ni Kaiser. Halos bumagsak ang magkabila niyang balikat sa sinabi nito. How could he reject her? Hindi man lang nito tinignan ang kakayahan niya sa pagmomodelo. Halos mangilid ang mga luha niya sa sinabi nito. Mabilis siyang napatayo sa kinauupuan. "Why did you never tell me this in the first place? Sana hindi na lang ako nagpunta dito. Bakit kailangan mo pang ipamukha sa akin na hindi mo ako kailangan? How could you reject my ability to work. Kaya ko naman eh... Back in California ito ang trabaho ko. Huwag mo naman sabihin you don’t need me parang ang sakit pakingan." Nagbabaga sa galit na sabi ni Joyce. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang magkabilang braso. Itinulak niya ito ng malakas pero hindi parin natitinag. Hindi niya makayanan ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Gusto na niyang magtatakbo at umalis sa lugar na iyon pero hindi niya magawa dahil nakaharang ito at nakahawak sa braso niya. Naiinis siya sa malamig at pormal nitong pagtrato sa kanya. Kung ayaw nitong magtrabaho siya sa AIC sana sinabi na lang nito huwag iyon aapakan pa nito ang kakayanan niya. Maintindihan naman niya kung may nahanap na itong magmomodelo sa proyekto nito. Pero ang sabihin nitong we don't need you here! Ay parang isang sampal sa kanya.


"I'm sorry. It is not what I mean? Hindi kita nirereject, Joyce. As much as I know magaling kang modelo pero ginagawa ko ito para protektahan ka sa lalaking naghahabol sayo. Para protektahan ka kay Justin Ortegas." Hinila ni Kaiser ang katawan niya palapit sa katawan nito. Niyakap siya ng buong higpit. Tuluyan ng tumulo ang kanina pa nagbabantang luha sa kanyang mapupungay na mata. Itinutulak niya ang katawan ni Kaiser pero matibay ito at hindi siya pinapakawalan kaya napaiyak siya sa dibdib nito. "I'm s-sorry sweetheart. Hindi iyon ang ibig kung sabihin." Paulit ulit na sabi nito sa kanya. Itinaas nito ang mukha niya. Nagkatitigan silang dalawa. Pinunasan nito ang mga luhang tumulo sa kanyang mga mata. Napahinto naman siya sa pag-iyak ng makita sa mga mata nito ang sinseridad. Mga ilang minuto silang nagkatitigan. Maya maya ay bumaba ang mga labi ni Kaiser sa kanyang mapupulang labi. Paglapat ng mga labi nito sa kanyang mga labi ay hindi niya napigilan ang sariling gantihan ito. Nauuhaw siya sa mga halik nito. Ang bawat haplos nito ay nagbigay ng kakaibang sensasyon sa kanyang katawan. Lalo pa ng hapitin nito ang katawan niya at inihiga sa malaking couch sa likod niya. Kaiser was now on the top of her. Kissing her with so much pleasure and desire. Lalong lumalim ng lumalim ang halik nito. Nagsimulang gumalaw ang kamay nito sa kanyang katawan. Inalis nito ang maliit na blazer ng kanyang damit. He was now undressing her. He started kissing her on the neck bumaba ang labi nito hanggang sa matunton nito ang maselang bahagi ng dibdib niya. He withdraw the strap of her dress down to her tiny shoulder. She felt like she was in heaven with him while they were kissing. Naliliyo ang utak niya sa mga nangyayari. She like the kisses and the touch of his hands against her body. Gusto man tumutol ang isip niya sa nangyayari pero hindi ang puso niya. Imbes na itulak ito ay lalo pang hinayaan ito sa ginagawa. He was impowered her with his desire. Kahit sinong babae bibigay dito sa kagwapuhan ng mukha nito. The heck he was so hunk and so powerful in everyways. Nasa ganun parin silang sitwasyon ng may narinig silang sunod-sunod na katok sa pintuan. Agad niyang itinulak si Kaiser at inayos ang kanyang damit na tinaggal nito. Mabilis


naman naglakad si Kaiser palapit sa pintuan. Narinig niyang kausap nito ang secretary nito. Gusto na niyang lisanin ang opisina nito. She doesn't want to be near him anymore. Mapapahamak siya kapag nalalapit siya kay Kaiser. Malakas ang hatak nito sa kanya at hindi siya nakakapag-isip kapag nagsisimula na itong bihagin siya sa mga halik nito. Galit parin siya dito dahil sa pag-reject nito sa trabahong inooffer ni tito Edward. Natapos na itong makipag-usap sa sekretary. Napatingin ito sa kanya. Mabilis siyang kumilos upang makaalis sa AIC. Hindi pa man din siya nakakalabas ng pinto ng hilain nito ang kanang kamay niya. Nagpumiglas siya sa ginawa nito. Agad niyang pinawi ang kamay niyang hawak nito. "I hate you! Kaiser. You rejected me in your company. Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin Kaiser." Matapos masabi iyon ay nilagpasan niya ito at mabilis na binuksan ang siradura ng pinto at walang hintong tinungo ang elevator at lumabas sa lugar na iyon. Tumawag siya sa mansyon at nagpasundo sa driver na naghatid sa kanya kanina. Hinding hindi niya makakalimutan ang ginawa ni Kaiser sa kanya. Maghihigante siya sa kagaspangan ng ugali nito. Ipapakita niya dito na hindi niya ito kailangan.

Chapter 7 WALA sa sariling napaupo si Kaiser sa swivel chair sa kanyang opisina. Hindi niya gustong saktan ang feelings ni Joyce. Ayaw lamang niyang magmodelo ito. Ayaw niyang lumantad ito sa showbiz o sa publiko. Natatakot siyang makita ito ng lalaking naghahanap dito. Simula kasi noong pinaimbestigahan niya ito ay nalaman niyang hinahanap ito ng lalaking tinakbuhan nito sa ibang bansa. Gusto niyang protektahan ito sa lalaking iyon. Kung maaari ay ayaw na niya itong magtrabaho. Alam niyang nasaktan niya si Joyce ng tanggihan niya ito sa kompanya niya, ngunit para din ito sa kabutihan nito. Naapakan man niya ang ego nito, magalit man ito sa kanya. Ginagawa niya ito dahil mahalaga ito sa puso niya. "Damn it Kaiser!" Mariin bulaslas niya. “Shit... Ang gago mo!� Sabi niya sa kanyang


sarili. Napahilamos siya sa kanyang mukha. “Bakit parang nagkakaroon ka naman yata ng concern kay Joyce?Nahuhulog na ba ang puso mo sa kanya Kaiser?” Bulong ng isipan niya. Napailing-iling siya. There’s no way na mahulog ang loob niya sa playgirl na iyon. Subalit nabahala siya ng makita niya ang lungkot na lumihistro sa mukha nito ng tinanggihan niya itong magtrabaho sa opisina niya. Si Joyce lang ang babaeng nagpakaba sa puso niya ng masilayan ang luhang tumulo sa maganda nitong mukha. Alam ng puso niyang hindi niya intensyong saktan si Joyce. Upang makabawi ay naisipan niyang halikan ito. Joyce lips was so sweet. Gusto niya ang paraan ng pagganti nito sa mga halik niya. Napabuntong hininga si Kaiser ng maalala ang namagitan sa kanila kanina. Kailangan niya itong makausap at humingi ng tawad. Galit na galit ito sa kanya. Bibigyan na lamang niya ito ng ibang trabaho kaysa ang pagmomodelo. Iyong trabahong hindi lalantad sa camera o sa magazine. "Kailan ka pa naging protective sa isang babae?" singit ng isang tinig sa kanyang isipan. Binaliwala niya ang tinig na iyon. Natural na protektahan niya ito dahil parang kapatid na niya ito. “Kapatid nga ba ang turing mo kay Joyce?” bulong ng isang tinig sa kanyang isipan. Nahalikan na niya ito sa ikalawang pagkakataon at muntikan pang may mangyari sa kanila. How can he resist Joyce?... Damn she’s very beautiful. Lalo na noong matikman niya ang labi nito. Masarap ang bawat halik nito. Ilang araw din siyang nagtimpi upang layuan ito, ngunit sadyang malakas ang panghatak nito sa kanya. Ang totoo ay hindi niya inaasahan ang pagpunta nito sa opisina niya. Nalaman lang niya ng ipaalam ng sekretary niya na nasa labas si Joyce. Some part of him ay natuwa ng makita itong muli. Dapat kinamumuhian niya si Joyce dahil katulad din ito ng magaling niyang ina na sumama sa ibang lalaki at iniwan silang mag-ama. Ayaw na niyang maulit iyon. Hindi siya papayag na saktan ni Joyce ang damdamin niya. “Joyce kung gusto mo ng laro ay pagbibigyan kita. Lets play games if that’s what you want.” Aniya. Alam niyang marunong itong maglaro at mang-akit sa mga lalaki. Sigurado siyang


marami na itong experience. Nakakasiguro din siyang hindi na ito virgin. Sa kilos at galaw nito ay masasabing expert na ito sa mga lalaki. Pasalamat ito dahil kakampi ito ng daddy niya dahil kung hindi ay matagal na niya itong nakuha. Malaki ang respeto niya sa kanyang daddy at nakiusap itong irespeto si Joyce at huwag isama sa mga babaeng niluluko niya. Subalit dapat ba niyang respetuhin si Joyce? gayong isa rin itong mapaglarong babae? Kahit na ganito ang tingin niya dito ay kailangan parin niyang sundin ang utos ng kanyang ama dahil mabait ito sa kanya. Napag-isip isip niyang uuwi sa mansyon upang kausapin si Joyce. SAMANTALA... Sa mansyon ng mga Alcaide ay walang ibang ginawa si Joyce kung hindi ang magkulong at umiyak sa kanyang kuwarto. Malaki ang galit niya kay Kaiser dahil sa ginawa nitong pagtanggi sa kanya. Kung ayaw niya sakin, Di wag! Hindi lang naman sa kompany nito ang puwedeng mapasukan trabaho. Marami dyan iba na puwede niyang pagapplyan. Maghahanap na lang siya ng trabaho sa ibang kompanya... Naisipan niyang mag-jogging kaysa ang magkulong sa kanyang kuwarto. Inayos niya ang kanyang sarili. Itinali ang mahabang buhok at isinuot ang jogging short at maiksing t-shirt na hapit sa kanyang makurbang katawan. Lumabas siya sa mansyon upang magjogging. Marami siyang nadadaanang magagandang bahay. Nagawi ang tingin niya sa mga lalaking naglalaro ng basketball sa may park. Napahinto siya sa pagtakbo at naupo sa bench na malapit sa park. Pinagpapawisan na siya. Uminom siya ng tubig at nagpahinga ng kaunti. Marami siyang nakikitang nagjojogging at mga batang naglalaro sa playground. May umupong lalaki sa tabi niyang upuan. Hindi niya ito pinansin. "Hi miss beautiful...” Sabi nito. Awtomatikong napatingin siya sa lalaki. Ngumiti ito sa kanya. He has a killer smile that can make womans fall. “Excuse me...” Sabi niya. “Bago ka ba dito sa town? Kilala ko lahat ng mga tao dito sa lugar natin pero kahit kailan ay hindi pa kasi kita nakikita dito.” Mabait nitong pakikipag-usap sa kanya.


Pinag-aralan niya ito at mukha naman mabait. May hitsura naman ito. Guwapo. Matangkad. Malakas ang sex appeal. Nginitian niya ang lalaki. Magdadalawang buwan na siya sa lugar na ito pero ngayon lang niya naisipang lumabas sa mansyon. Marami palang guwapo dito. Sana noon pa siya lumabas at nagjogging. Siguro ay mahilig itong magbasketball dahil sa damit nito. "A-ah yes, actually I stayed here for a month and half now. Ngayon lang kasi ako lumabas para mag-jogging." Sagot ni Joyce. Tumango ito. Inilahad ang kanang kamay nito. "Anyway I'm Julius Madrigal. Maari ko bang malaman ang pangalan mo miss beautiful?" tanong nito habang nakangiti sa kanya. Nginitian niya ito. “I’m Joyce Fontanilla.” Sagot niya. "Nice to meet you, Joyce.” Sabi ni Julius. Nakalahad ang kamay nito sa kanya. Inabot niya ang kamay nito. Naramdaman pa niya ang pagpihit nito sa kamay niya. “Bagay na bagay sa’yo ang pangalan mo, Joyce. Maganda." Dagdag pa nito. At saka binitiwan ang kamay niya. "Nice to meet you too, Julius." Nakangiti parin niyang sagot sa lalaki. Madaldal si Julius. Mahilig magkuwento. Marami silang napagkuwentuhan tungkol sa mga hilig nito. Tama ang hinila niyang mahilig itong mag-laro ng basketball. Hobbies din nito ang magjogging sa umaga at sa hapon. Mabait ito. Malambing kausap. Magaan ang loob niya dito. Natutuwa siyang nakilala niya si Julius kahit papaano ay nagkaroon na siya ng bagong kaibigan. Kapit-bahay lang pala nila ito. Napag-usapan nilang magsabay sa pagjojogging sa umaga. Agad naman siyang pumayag dahil mahilig din siyang mag-exercise. “Alam mo ang ganda mo. Kamukhang-kamukha mo si Maja Salvador.” Sabi ni Julius. Lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi. “Talaga. Wow, artistahin na pala ang dating ng beauty ko.” Sagot niya.


“Yes, you look like a actress. Anyway, gusto mo bang manoond muna ng basketball doon sa park?” Tanong nito. Nag-isip muna siya bago naisipang pumayag. “Sige. Wala naman akong gagawin sa bahay.” Sabi niya. Naglakad sila papunta sa mga nagbabasketball. Maraming lalaki ang ngumiti sa kanya at nagpalipad hangin. Pero hindi niya pinansin ang mga ito. Naupo na lamang siya sa bleacher at pinanood ang mga nagbabasketball. Matapos magbasketball sila Julius ay lumapit ito sa kanya. “Okay ka lang ba?” Tanong nito. “Yeah, I’m okay. But I really have to go now, Julius. Baka hinahanap na ako sa bahay.” Pamamaalam niya sa lalaki. “O-okay. Ihahatid na kita sa bahay ninyo.” Sabi naman nito. “No! I’ll be fine. Don’t bother yourself.” Pagtanggi niya kay Julius. Ngumiti ito. “I insist... Let me walk with you.” Puno ng kabaitan sabi nito. Hinayaan na lamang niya itong ihatid siya. Marami pa silang napagkuwentuhan. Habang naglalakad sa daan. Nahagip ang tingin niya sa lalaking sakay mercedez benz na sasakyan. Ibinaba ng driver ang window ng sasakyan side nito at nakita niya ang mainit na mga matang nakatingin sa kanya. Masakit ang tingin ipinupukol nito. Hindi niya pinansin ang masamang tingin ni Kaiser sa kanila ni Julius. Napansin din ni Julius ang ginawa ni Kaiser. “Diba si Kaiser iyon. Ang step-brother mo.” Sabi nito. Tumango siya habang nakasimangot na nakatingin kay Kaiser. Ibinaling na lamang niya


ang paningin sa ibang direksyon. “Ano naman ang ikinagagalit ng lalaking iyon? Kung makatingin ay parang kakain ng buhay.” “Mukhang may galit ang mga tingin niya sa’kin.” Sabi nito habang nakatingin sa kanya. Tinignan niya si Julius. “Don’t mind him, Julius. Ewan ko din ba sa lalaking iyon. Sa totoo lang ayoko sa step-brother ko. Masyadong palikero at babaero.” May tono ng pagkainis ang boses niya ng maisip ang mga babaeng nakikita niyang kasama nito. Natawa naman si Julius. “Babaero talaga ang step-brother mo. Marami yatang mga babae ang nag-aabang sa labas ng bahay ng mga Alcaide. Kaya huwag kang magpapaloko sa kanya Joyce dahil baka mahulog ang loob mo sa step-brother mo. Sige ka, ikaw rin ang masasaktan sa huli.” Sabi ni Julius. Tumango-tango siya. “Bakit naman ako maiinlab sa lalaking iyon? Suwerte siya kung nagustuhan ko siya. Hindi ko pinangarap na magpaluko sa isang katulad niya.” Sarkastikong sabi ni Joyce. Ngumiti si Julius. Marami pa silang napagkuwentuhan hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga Alcaide. Nagpaalam na ito sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa nito pero hindi siya umusisa. "I had a great time talking to you. And I'm so glad na nakilala kita Joyce." Sabi ni Julius. Natuwa naman siya sa pagiging friendly nito. Hindi naman pala malisyoso ang paghawak nito sa kamay niya. Nakikipagkaibigan lang pala ito. "I’m glad na nakilala din kita Julius. Sige ha, Salamat sa paghahatid sakin." Nakangiting tungon niya. Binitawan nito ang kamay niya. Yayayain sana niya itong pumasok sa loob ng bahay ngunit nakita niyang nagmamasid sa bintana ang magaling niyang step-brother. Agad din naman nagpaalam si Julius na may pupuntahan pa ito.


Pagpasok ni Joyce sa loob ng bahay ay agad din napalitan ng simangot ang nakangiting mukha niya. Nakita niya si Kaiser na nakatayo sa may salas. Tinaasan niya ito ng kilay at walang salitang tinalikuran niya ito. Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. “Bakit mo kinakausap ang lalaking iyon?� Tanong ni Kaiser na may bahid na pagseselos sa tono ng boses. Ibinaba niya ang baso sa lamesa. "It’s not your business kung kakausapin o makikipagkaibigan ako sa kanya. What are you doing here anyway?" Inis niyang sabi kay Kaiser. Ipinahalata talaga niya ang pagkainis niya dito. Tinignan niya si Kaiser ng pagkadisgustong mga tingin. "Ofcourse I'm here because this is my house." Sagot naman ng kontrabidang lalaki sa buhay niya. "This is not your house. Bahay ito ni Daddy." Nakataas ang mga kilay na sabi niya kay Kaiser. Natawa ito sa sinabi niya. "Yes, I know sweetheart. His my Dad. Infact ako ang mas may karapatan tumira dito kaysa sayo." Sarkastikong sabi nito. Nainis siya sa tono ng pananalita nito. Parang sinabi nitong wala siyang karapatang tumira sa bahay na ito. Sabagay totoo naman ang mga sinabi nito. Sampid lang siya dito. Kung tutuusin ay hindi dapat siya nakatira sa bahay ng mga Alcaide. Wala naman talaga siyang karapatan tumira sa mansyon dahil hindi naman siya anak ni Edward. Naiinis siya sa pag-iinsulto ni Kaiser. Pinagdiinan pa talaga nito ang salitang "Karapatan". Para makaganti sa sinabi nito ay kailangan niyang makapagisip ng sasabihin. She need to use her charm para malabanan sa pagiinsulto nito. Nilapitan niya ito. Ipinatong ang mga kamay sa balikat nito. Naramdaman niyang nagulat ito sa ginawa niya. Bahagya niyang hinila ang T-shirt nito. Inilapit ang mukha niya sa mukha nito. Kinailangan pa niyang tumingkayad upang mapantayan ito. Hindi naman ito makagalaw sa kinatatayuan.


"You know what sweetheart? Guwapo ka sana kaso hindi kita gusto at hindi ko rin gusto ang ugali mo. I know wala akong karapatan tumira dito. Pero dito nakatira ang mommy ko kaya sa ayaw at sa gusto mo dito ako titira. Wala kang magagawa!" Masungit na sabi niya. Binitawan niya ang polo shirt nito. Pinagpag pa niya ang nakusot nitong damit. Akma na sana siyang aalis ng bigla nitong hilain ang braso niya at hapitin ang malambot niyang katawan palapit sa katawan nito. Nakakunot ang noo nito at halatang nagtitimpi sa galit. Sinalubong niya ang tingin nito kahit natatakot ay nagpakatatag parin siya. “You know sweetheart. Hindi ako naniniwalang wala kang gusto sakin. Baka nakakalimutan mo’ng gustong-gusto mo ang mga halik ko. Gusto mo itry ulit natin at ng malaman mong malaki ang gusto mo sakin." Panghahamon nito sa kanya. Bahagyang sumayad ang labi nito sa kanyang tainga. Naramdaman niya ang hininga nito sa balat niya. Nakiliti siya sa ginawa ni Kaiser. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ni Joyce. Binaliwala niya ang kakaibang kuryenteng naramdaman niya sa pagkakadikit sa katawan ni Kaiser. Hindi dapat siya nagpapaapekto sa kalukuhan ng lalaking ito. Hinding-hindi siya magpapatalo kay Kaiser. Sasakyan niya ang trip nito. "Sure why not sweetheart? Sabihin mo lang kong kailan natin gagawin dahil ako pa mismo ang lalapit sayo." Malambing at puno ng pang-aasar na ganti niya kay Kaiser. Hindi niya alam kung paano siya nakakuha ng lakas ng loob na sabihin iyon. Siguro ay naiinis lang siya sa pagkababaero nito. Pero sa totoo lang hindi naman niya tutuhanin ang kanyang mga sinasabi. Hindi siya papayag na mangyari ulit ang muntikang naganap kaninang umaga sa pagitan nila ni Kaiser. "Okay sige. Let's do it now." Sabi nito sa kanya. Mas lalo nitong hinigpitan ang paghapit sa beywang niya. Itinaas pa nito ang baba niya. Lalo naman siyang kinabahan sa ginawa nito, kaya bigla niyang itinulak ito upang makalayo sa pagkakayakap nito. Dumistansiya siya. "Not so fast Kaiser. Hindi pa ngayon ang tamang oras para diyan." Nginitian niya ito


pagkatapos ay nilagpasan niya ito sa kinatatayuan. Napapangiti pa siya habang umaakyat sa hagdanan. Masaya siyang binitin niya ito. Too bad! Hindi siya magpapatalo kay Kaiser. Masarap kayang mambitin sa mga lalaking naiinitan. Parang gustong gusto niyang makita itong iiyak sa harapan niya begging to love him. Sooner mangyayari din iyon. NAIWAN nakatunganga si Kaiser sa kusina. Nag-init ang kanyang katawan sa ginawa ni Joyce sa kanya. Kakaibang damdamin ang umusbong sa kanyang puso. Pakiramdam niya nagkaroon siya ng matinding pangangailangan pisikal. Mabango parin ang amoy ni Joyce kahit pinagpapawisan. Ang bawat butil ng pawis na dumadaloy sa leeg nito ay nagbibigay ng matinding init sa kanyang katawan. Huminga siya ng malalim. Naalala niya ang lalaking kasama nito kanina. Hindi niya maiwasan ang makadama ng pagseselos. Parang gusto niyang lapitan ang mga ito at hilain si Joyce palayo sa lalaki. Lalo na ng makita niyang hinawakan nito ang kamay ng dalaga. Kulang na lang ay lumabas siya at suntukin ang makapal na mukha ng lalaking iyon. "Ano bang pakialam mo kay Joyce kung makikipagdate o makikipag-usap siya sa ibang lalaki? Hindi mo naman siya girlfriend." Sigaw ng munting tinig sa kanyang isipan. Ano nga ba ang pakialam niya kay Joyce? whatever she will do with her personal life is none of his business anymore. Bakit parang isinisigaw ng puso niya na mahal na niya si Joyce at nagseselos siya sa lalaking lumalapit dito. Kumuha siya ng isang wine sa refrigerator at isinalang sa wine glass at ininom ang laman niyon. Nagtungo siya sa balkonahe at naupo sa patio table. Sumimsim ulit siya ng wine. Bakit ganun na lamang ang epekto ni Joyce, parang wala siyang ibang gustong gawin kundi halikan ito. Yakapin ito. Makatabi ito. Making love with her. Mapalapit lang kay Joyce ay sumisiklab na ang matinding pagnanasang angkin ito. Napabuntong hininga siya. "Hay nako Kaiser masasaktan ka lang!" Kontra ng bahaging isip niya. Tama! Masasaktan lang siya kapag minahal niya si Joyce. Hindi yata ito ang tipo ng babaeng nagseseryoso sa mga lalaki. Ayaw niya sa mga babaeng madaling makuha o tamang sabihing easy to get. Ayaw niya sa babaeng liberated, mas prepared niya ang mahinhin. Ayaw niya sa babaeng magpapaasa lang sa wala. Pero bakit hindi niya magawang makadama ng galit kay Joyce. Parang mas gusto pa niyang alagaan ito at protektahan.


Tumayo siya at naglakad palapit sa swimming pool. Madilim na ang buong paligid. Wala ang Daddy niya at Tita Giselle, dahil may pinuntahan ang mga itong business party. Kaya ang mga katulong lang ang nadatnan niya sa mansyon. Naupo siya sa tabi ng swimming pool hinawakan ang maligamgam na tubig. Pagkatapos ay natukso siyang maligo dahil sa masarap na timpla ng tubig sa pool. Mabilis niyang inalis ang kanyang mga damit at itinira ang boxer short niya. Ipinatong niya sa madilim na upuan ang kanyang mga damit at mabilis na nagdive sa tubig. NAKADAMA naman ng pagkatugom si Joyce ng tumunog ang sikmura niya. Hindi pa pala siya kumakain simula kaninang tanghali. Alam niyang may pinuntahan ang mommy at Tito Edward niya. Malamang na gagabihin na sila sa pag-uwi. Pumanahog siya sa ibaba ng bahay. Nagtungo siya sa kusina upang kumain. Mag-aalas nuwebe na iyon ng gabi. Naghanap na lang siya ng pagkain sa refrigerator. Ayaw na niyang abahalin ang mga katulong. Habang kumakain ay nakakarinig siya ng mga lagaslas ng tubig sa may swimming pool. Dahil nagugutom ay hinayaan lamang niya ang tunog na iyon pagkatapos niyang kumain at mailigpit ang pinagkain ay mabilis siyang kumilos pabalik sa kanyang kuwarto. Ngunit nahagip ang tingin niya sa lalaking naliligo sa may swimming pool. Natukso siyang tignan si Kaiser. Nagtago siya sa likod ng seradurang salamin tinignan niya ang lalaki. Pero hindi niya ito nakita. Siguro ay lumalangoy ito sa tubig. Kapansin pansin din ang pag-galaw ng tubig. Dahandahan siyang lumapit sa may swimming pool. Napasigaw siya ng biglang hilain ni Kaiser ang kamay niya at dahilan para sa ay mahulog sa tubig. Nainis siya. Pinagsasampal niya ang braso nito. "What is your problem Kaiser, You’re so eeerrking!? I don't know what's wrong with you. Nakakainis ka! Basta mo na lang akong hihilahin sa tubig." Buwesit na buwesit niyang sabi kay Kaiser. "I don't have any problem. Hinahanap mo kasi ako sa tubig eh. Natukso tuloy akong hilain ka.� Natatawang sabi nito. “Naisip kong mas masayang may kasama akong naliligo." Sabi nito. Tinaasan niya ito ng kilay. "At tingin mo gusto ko rin maligong kasama ka!? Sana nag


tanong ka kung gusto kong maligo o hindi. Huwag iyong basta basta mo na lang akong hihilain." Inis niyang turan kito.

Akma na sana siyang aahon sa tubig ng bigla ulit nitong hawakan ang kanang braso niya. "Huwag kang maingay baka marinig tayo ng mga tao." Mahinang sabi nito. Hinila siya palapit sa katawan nito. Hinawakan nito ang kanyang maliit na beywang. Nagpupumiglas siya sa ginawa nito. Itinutulak niya ito. Mula sa may salas ay narinig nila ang boses ng daddy nila. Naiwan nilang nakabukas ang ilaw sa may pintuan. "Bakit nakabukas ang ilaw dito?" Tanong ni Tito Edward niya sa kawalan. Napakapit siyang bigla sa balikat ni Kaiser habang mahigpit naman nitong ipinaikot ang mga braso nito sa beywang niya. Bahagyang malalim ang tubig at hindi abot ng mga paa niya ang semento kaya wala siyang ibang choice kundi ang mapakapit at mapayakap sa katawan ni Kaiser. Ipinaikot pa niya ang dalawang paa sa katawan nito. Natatakot siyang makita sila ni Tito Edward, baka kung anong isipin nito. Mukhang papalapit ito sa gawi nila kung saan sila nakatago, sa isip niya ay matitiklo na sila.

Chapter 8 NAHIGIT ni Joyce ang hininga ng maramdaman ang matigas na bagay sa katawan ni Kaiser. Gusto niyang lumayo dito subalit walang paraan upang siya ay makalayo. Narinig niyang bumuntong hininga ito na parang bang naninigas ang katawan nito. “Nararamdaman din kaya ni Kaiser ang nararamdam ko?” Tanong niya sa kanyang sarili.

“Sweetheart huwag kang maingay baka marinig tayo ni daddy.” Bulong ni Kaiser sa tainga niya. Ang hininga nito ay dumampi sa balat niya na lalong nagbilis sa pintig ng puso niya. "Kaiser anong gagawin natin?" Mahinang tanong niya. Tumingin ito sa kanya. Something


in his eyes is telling her that everything would be okay. Malapit na si Edward sa kinaroroonan nila. Lalong kinabahan si Joyce. Kailangan nilang makagawa ng paraan upang hindi sila makita ni Edward. Dahandahan umurong si Kaiser sa madilim na bahagi ng pool habang buhat buhat siya. Hahakbang na sana si Edward malapit sa kinaroroonan nila ng tinawag ito ng mommy niya. “Hon anong ginagawa mo diyan? Lets go upstairs, inaantok na ako eh.” Sabi ng mommy niya. Gusto niyang yakapin at halikan ang mommy niya sa mga oras na iyon dahil iniligtas sila sa kahihiyan. Mabuti na lang at dumating ito kung nagkataon ay natiklo na silang dalawa ni Kaiser. Ito kasing lalaking ito ay nakakabuwesit. Nakahinga siya ng maluwag ng humakbang palayo sa pool ang daddy nila. “Okay hunnie I’m coming. Akala ko kasi may tao dito sa may swimming pool. Nakabukas kasi ang ilaw.” Sabi ni Edward. “Baka nakalimutan lang patayin ang ilaw.” Narinig nilang sabi ng mommy niya. Pumasok na ang dalawa sa loob ng bahay. And the light had been turned off. Pinatay ng mga ito ang ilaw sa may pool. Madilim na ang buong paligid. Naalala niya si Kaiser na nakayakap parin sa kanyang katawan. Agad siyang kumawala sa mga braso nito, ngunit nakalimutan niyang nasa malalim na bahagi pala sila ng swimming pool. Bigla ulit siyang napayakap sa katawan ni Kaiser. “Nagmamadali kasing kumawala sa mga yakap ko eh.” Natatawang sabi ni Kaiser. Tinabig niya ang balikat nito. “Gustong-gusto mo naman yakapin ako. Ang dilim dito Kaiser puwede bang dalhin mo ako sa mababaw na bahagi ng swimming pool.” Paki-usap ni Joyce.


Lalong hinapit ni Kaiser ang beywang niya. “Ayoko nga... Diba sabi mo gustong-gusto kung yakapin ka.” Nakangisi nitong sabi sa kanya. “Will you see nag-eenjoyed akong yakapin ang katawan mo. Ang sexy mo kasi eh.” Walang pakundangan sabi nito. Itinulak niya ito ng malakas, ngunit bigla din siyang napakapit sa katawan nito ng bahagyang mabitawan nito ang pagkakayakap sa kanya. “O yan kasi... Itutulak ako tapos kakapit naman pala. Ikaw yata itong nag-eenjoy magpayakap sakin eh.” Sabi nito. “You trapped me here in this deepest part of the pool tapos sasabihin mo nageenjoy ako sa mga yakap mo. Ang kapal mo din noh! Would you think magpapayakap ako sayo kapag nasa mababaw tayo?” Naiiritang sabi niya. Tumawa lang si Kaiser. Inilapit nito ang mukha nito sa kanya. “Where is my kiss?” Tanong ni Kaiser. Tinaasan niya ito ng kilay. “Huh! What kiss? What are you talking about?” Naiinis na tanong niya sa mga kalukuhan ni Kaiser. “Sabi mo kanina sa kitchen na hindi iyon ang tamang oras. Now we’re here in this pool and it’s the right time to kiss me.” Nakangising sabi ni Kaiser. Umiling-iling siya. “There’s no way to kiss you. Ano ka sinusuwerte! Manigas ka!” Sabi ni Joyce. “Really huh... Manigas pala! For sure alam ko naman na gustong-gusto mong magpahalik sakin. How do you want me to kiss you ba?” Tano ni Kaiser. Napamulagat siya. Ang kapal talaga ng mukha lalaking ito. Kaiser pulled Joyce body against his body. Pinaglapat nito ang kanilang mga labi, ngunit imbes na magprotesta ay mas lalo siyang nalito sa matinding damdamin naramdaman niya. Nablangko ang utak niya. Hinayaan lamang niyang halikan siya ni Kaiser. Lalong idiin nito ang paghalik sa kanya. She closed her eyes and enjoyed the taste of his mouth against her. She could feel his hands moving all over her


body. At habang hinahalikan nito ang labi niya ay lalong idinidiin nito ang katawan sa kanya. She just closed her eyes allowing him to handle everything. Hindi niya namalayan na dinala na pala siya ni Kaiser mababaw na bahagi ng swimming pool. Hanggang sa umahon ito sa tubig at ibinababa siya sa patio table, habang patuloy parin ito sa paghalik sa kanyang mga labi. Naramdaman nila ang malamig na simoy ng hangin na siyang dahilan upang sila ay ginawin at matauhan. “Nilalamig ka na sweetheart. Pasok na tayo sa loob ng bahay at ng makapagpalit ka na. Baka magkasakit ka pa.” Sabi ni Kaiser na puno ng pag-alala ang tono ng boses nito. Pinihit nito ang seradura ng pintuan papasok sa loob ng bahay. “Damn it! The door is locked.” Sabi ni Kaiser. "What!?.. How can we get inside Kaiser? Nilalamig na ako dito." Nanginginig ang boses na sabi niya. Kinabahan na siya na baka matutulog sila sa labas ng bahay. She wrapped her arms around her body. Ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat. Tumingin si Kaiser sa kanya at nabasa niya ang pag-alala sa mga mata nito. “Huwag kang mag-alala sweetheart ako ang bahala sayo. Hindi tayo matutulog dito sa labas." Sabi ni Kaiser. Naglakad ito palapit sa kanya. Kinuha nito ang t-shirt na ginamit nito kanina. “Palitan mo yang t-shirt mo at isuot mo muna itong tuyong damit ko para hindi ka lamigin. Stay here okay. Aakyatin ko na lang yung teresa para makapasok ako sa loob ng bahay at mabuksan ko itong pintuan." Sabi nito. Tumango siya. Natuwa siya sa concern ipinapakita nito sa kanya. Hindi pala ito ganoon kahambog na lalaki. Mabait din pala ito. Ngumiti si Kaiser sa kanya na siyang dahilan ng pagkabog ng kanyang puso. Parang natigil ang mundo niya at tanging si Kaiser lamang sentro ng isipan niya. Nagmadaling umakyat ito sa may teresa. Nakita niyang nahirapan din itong umakyat. Kinabahan siya ng muntik itong mahulog. Agad siyang napatayo mula sa kinauupuan. Naiinis man siya dito kanina pero natatakot naman siyang may mangyaring masama dito. Medyo mataas din kasi ang inaakyat nitong teresa.


“Joyce huwag kang magtiwala sa lalaking iyan. Babaero yan masasaktan ka lang kung patuloy mo siyang pagtutuonan ng atensyon at panahon. Sige ka baka mahulog ang puso.” Bulong ng epal sa isipan niya. Napabuntong hininga na lamang si Joyce. Giniginaw na siya kaya isinuot niya ang malaking damit ni Kaiser. Now she felt comfortable. Nakaakyat na si Kaiser sa may teresa at pumasok sa loob ng bahay. Mayamaya ay binubuksan na nito ang pintuan sa may swimming pool. Ngumiti sa kanya. “Okay ka lang. Halika ka na sa loob ng bahay sweetheart.” Paanas na sabi ni Kaiser. Tumalima naman siya at nagmadaling pumasok sa bahay. Giniginaw na siya sa lamig. Hinatid siya ni Kaiser sa kanyang kuwarto. Pagtapat niya sa kanyang silid ay napalingon siya kay Kaiser na nakatayo sa likuran niya. “Hmmm... Matutulog na ako Kaiser.” Sabi niya. Napansin niya ang dugo sa kanang braso nito. "May sugat ang braso mo. Bakit hindi mo sinasabi sakin?" Nag-aalalang sabi niya. Hinawakan niya ang braso nito at sinuri ang sugat na natamo nito sa pag-akyat sa teresa. Malalim ang sugat nito. Bigla ay nakadama siya ng awa dito. “Don't mind it sweetheart. I'm okay! It's just a simple scratch.” Sabi nito na parang walang iniindang sakit sa natamong sugat. “It’s not a simple scratch. Malalim ang sugat mo. Halika gamutin natin yang sugat mo.” Sabi niya. Pinapasok niya ito sa kanyang kuwarto. “Paano ka ba naman kasi nasugatan?” Tanong niya sa nag-aalalang tinig. "Wala ito Joyce. Nagasgasan lang ako ng kumalas ang kamay ko sa pader na inaakyat ko.” Sabi ni Kaiser habang titig na titig sa kanya.. Naupo ito sa kama niya. Napatingin naman si Joyce sa mga mata ni Kaiser. May kislap sa mata nito na para bang may kakaibang damdamin umuukil sa puso nito. Hindi niya matagalan ang titig nito kaya agad siyang bumawi at tumingin sa ibang direksyon. Naramdaman niya ang mabilis na pagkabog ng


kanyang puso. “You stay here. Kukunin ko lang ang medicine kit sa banyo.” Sabi niya. Tinalikuran niya ito at nagmadaling nagtungo sa lalagyan upang kunin ang medicine kit. Agad siyang bumalis sa kinauupuan ni Kaiser. “Kailangan natin gamutin ang sugat mo. Baka kasi ma-impeksyon iyan at magkasakit ka pa." Malumanay na sabi ni Joyce. Umupo siya sa tabi ni Kaiser at binuksan ang medicine kit. Nalingaling niyang haplosin ang braso nito. Sa pagkakadikit ng daliri niya sa balat nito ay para bang may matinding kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya. Medyo napahinto siya ginagawa at tinignan si Kaiser. Natingin din ito sa kanya. Bahagya itong ngumiti. Her heart skip everytime he does that killer smile. Nginitian din niya ito. Sinimulan niyang gamutin ang sugat nito. Subalit habang ginagamot iyon ay nakakaramdam siya ng matinding damdamin. Ang balat nitong sumasayad sa palad niya ay naglilikha ng kakaibang pag-iinit sa kanyang katawan. Hindi tuloy niya maayos ang paglalagay ng bandage sa braso nito. Nanginginig ang kamay niya. Matapos niyang mailagay ang bandage ay nakahinga siya ng maluwag. Pigil ang ginawa niyang pahinga sa pagkakadikit niya kay Kaiser. Nakatingin din lamang ito sa kanya. Desire lingered in his eyes. She can't resist the reaction of her body from wanting him to kiss her again. She knew in the deepest part of her heart that she desired him too. He lifted his right hand and touch her chin. She couldn't help but to close her eyes and feel the sensation of his hand on her face. “Thank you sweetheart.” He gently whispered in her ear. Her heart was pounding so hard as he lowered his face and caught her lips once again. And when he captured her lips and began to kiss her thoroughly, she responded so eagerly kissing him back. She felt like floating in the air, like a balloon that travels everywhere with him savouring his kisses. She gently touched his broad shoulder with both hands. The intensity of the kisses continued and she savoured every bit of it. His other hand travel around her body. He put his hand under that t-shirt she borrowed a while ago. And he cupped one of her breast. She couldn't help but to gasp. She even arched her body, wanting for more. He started to undress her until her shirt was gone. She doesn't know how


easily he undressed her and now they were both naked. He laid her down on the bed and started kissing her everywhere. First her sweet lips down to her neck, down to her breasts and all the way. Untill he positioned himself and thrusted deeply. She cried when he pressed more deeply. She gasped because of the pain that empowered her inner part. Napakapit siya ng mahigpit sa katawan ni Kaiser. Then tears started falling down in her eyes. Napahinto si Kaiser ng maramdaman ang luhang tumutulo sa mukha ni Joyce. "O-oh gosh I'm sorry sweetheart. Did I hurt you? I can stop if you want." Sabi niya Kaiser. "No, don’t stop. I can handle Kaiser. P-please go on!" She commanded him to do so. Then he started moving again her but gently this time. She still felt the pain. Untill it was totally gone. He started moving faster hanggang sa narating nila dulo ng kaligayahan. Joyce never felt this way before. Bumagsak ang katawan ni Kaiser sa kanyang tabi. Hindi niya alam kong matutuwa ba siya sa nangyari sa kanila ni Kaiser o iiyak dahil ibinigay niya ang kanyang sarili. Ang bilis ng pangyayari. Napalingon sa lalaking pinag-alayan niya ng katawan. Mahimbing na itong natutulog sa kanyang kama. Humiga na rin siya kama at tumalikod dito. Kusang tumulo ang kanyang mga luha. Naibiga na niya ang sarili kay Kaiser. How could she lose it so easily? Sinisi niya ang sarili sa nangyari. Nagpakatanga siya. “Ano nang mangyayari ngayon? Papanagutan kaya ako ni Kaiser? O isasali din sa mga babaeng pinasa nito. Mga babaeng naghahabol dito?" Tanong niya sa sarili. Kung tutuusin ay puwede na siyang iwan ni Kaiser dahil nakuha na nito ang gusto nito sa kanya. Alam na nga niyang babaero ito pero hinayaan parin niya itong makuha siya. Ngayon ay wala na siyang laban dito. Sana man lang mahalin siya ni Kaiser. Pero kahit I love you wala itong binanggit sa kanya ng natatalik sila. Isang patunay lang na isa lang ang gusto nito. Humarap siya sa lalaking natutulog. Tinitigan niya ang mukha nito. Napaguwapo nito sa kahit saan anggulo tignan. Kahit sinong babae ay magkakagusto dito. Biglang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang pisngi nito. "Kaiser alam mo bang mahal na kita. Hindi ko alam ku paano ko sasabihin minahal na kita sa kabila ng pagiging babaero mo. Alam ko masasaktan ako pero hinayaan ko parin ang sarili kung mahulog sayo. Ang tanga ko kasi eh." Napapaiyak siya habang kinakausap ang natutulog na lalaki. "Sana mahalin mo rin ako


kahit imposibleng mangyari iyon. Ayaw kung pagsisihan ang nangyari sa atin. Kasi ginusto ko rin ito at naging masaya din ako. I will treasured this memories of you.” Pinahid niya ang luhang dumaloy sa kanyang magandang mukha. Muli siyang humiga sa kama. Iisa lang ang naisip niyang gawin. Hindi na siya papayag na maunahan siya ni Kaiser sa pananakit sa kanya. Kailangan niyang maging matatag para kahit iwanan siya ni Kaiser ay hindi niya ito hahabulin tulad ng ibang mga babae nito. She need to be strong. Ayaw niyang magmukhang tanga sa harapan nito. Kung kinakailangan niyang magpanggap na wala lang sa kanya ang nangyari ay gagawin niya alang-alang sa dignidad niya. Kung kinakailangan niyang tumanggap ng manliligaw ay gagawin niya. Maipakita lang sa lalaking ito nawala siyang pakialam kahit nakuha nito ang pinakaiingatan niyang pagkababae. Hindi niya hahabulin ito. Masakit man pero kailangan niyang gawin. Hindi siya papayag na magpakatanga dahil lang sa isang gabing nangyari sa kanila. Nakatulog si Joyce sa kakaisip sa mga gagawin laban kay Kaiser. KINAUMAGAHAN, maagang nagising si Kaiser dahil ayaw niyang makita ng mga kasambahay niya na natulog siya sa kuwarto ni Joyce. Habang isinusuot ang kanyang damit ay mataman niyang tinitigan si Joyce. Para itong anghel na natutulog. Nang matapos niyang maisuot ang kanyang damit ay agad siyang lumapit nahihimbing na babae. Hinaplos niya ang napakaamong mukha nito. Ngumiti siya dahil sa nangyari sa kanila kagabi. Hindi niya napigilan ang sariling dampian ito ng halik sa mga labi. Ang ganda-ganda nito. Masaya siya sa kaalaman siya ang unang lalaking nakauna dito. Nagkamali siya sa pagkakakilala dito. Hindi pala ito tulad ng mga babaeng iniisip niya. “Sorry kung nag-isip ako ng masama sayo.” Bulong niya kay Joyce. He felt like a complete man. Pinuno nito ang kakulangan sa kanyang pagkatao. Sa dinami dami ng babaeng nakasama niya sa kama, ito lang ang babaeng nakapasok sa puso niya. “Paano kong hindi ka niya mahal?” Sigaw ng mumunting tinig sa kanyang isipan. Napabuntong hininga siya sa kaisipang iyon. Paano nga kung hindi siya mahal ni Joyce? Hindi naman siya papayag na saktan nito ang puso niya. Pero bibigay ba ito kung hindi siya mahal nito.


Sa nagdaang gabi ay nadama niya kung paano ito gumanti sa kanyang mga yakap at halik. Impossible naman yatang hindi siya mahal ni Joyce. Halos hindi na niya alam kung ano pa ang kanyang dapat isipin at gawin. Agad siyang bumangon sa kama at nagmadaling lumabas sa kuwarto ng babae. Tulog pa ang buong kasambahay kaya't walang nakakita sa kanyang paglabas. Nagtungo siya sa kanyang kwarto. Mabilis na naligo at nagpalit ng damit. Maaga siyang nagtungo sa kanyang company. Hindi na siya nag-almusal ng umagang iyon. Mag-aalmusal na lang siya sa opisina. Idinial niya ang numero ng kanyang secretary. Tumunog iyon ng tatlong beses. Saka niya narinig ang boses ng nasa kabilang linya. "Hello Sir Kai... bakit po kayo napatawag ng maaga?" Tanong ng nasa kabilang linya. "Jinky bumili ka ng breakfast sa restaurant bago ka pumasok dito sa opisina? I didn't eat breakfast this morning! Thank you so much." Sabi niya sa kanyang sekretarya. "Sige po Sir Kai." sagot nito pagkatapos ay ibinaba na nito ang telepono. Maaga siyang pumasok dahil gusto niyang mag-isip ng gagawin at isa pa'y hindi siya komportableng nasa mansyon. Dahil alam niyang naroon si Joyce. Hindi niya magawang makapag-isip ng tama kung nasa mansyon siya. Baka maisipan niyang bumalik sa kuwarto ni Joyce at ulitin ang nangyari sa kanila. Nagbago na rin ang pasya niyang pagtrabahuhin ito sa kompanya niya. Mas gusto na niyang nasa bahay lang ito. Parang ayaw na niyang may lalaking magpapalipad hangin dito. Lalo pa na siya ang nakauna dito. Hindi siya mapapayag na may makakuha ibang lalaki kay Joyce.

Chapter 9 TINANGHALI na ng gising si Joyce. Wala na si Kaiser sa kuwarto niya. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. What would she expecting? E, talaga naman iiwan siya ni Kaiser.


Bumangon siya sa kama. Hindi siya masyadong makakilos dahil sa iniindang sakit sa ibabang parte ng kanyang katawan. Paika-ikang pumasok siya sa banyo upang mag-shower. Hinayaan niya ang tubig na dumaloy sa kanyang katawan. Naiisip niya si Kaiser. Paano kaya niya ito pakikisamahan sa loob ng bahay? Lalo pa na alam niyang may nangyari na sa kanila. Kahit saang sulok ay makikita niya ito. Paano kaya siya iiwas sa lalaking lihim niyang minamahal? Nakadama siya ng lungkot ng magising siyang wala na ito sa kanyang tabi. Ano pa nga ba ang aasahan niya. Hindi naman sila puwedeng makita ng mga kasambahay na magkasama sa iisang kuwarto. Tiyak ng mag-iisip ng hindi maganda ang mga ito. Nakadama siya ng matinding kalungkutan. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanila ni Kaiser. “Bahala na nga! Tapos na eh, nakuha na niya ako. Ano pa ba ang magagawa ko. Ang tanga mo kasi Joyce. Hindi ka nag-iisip ng mabuti.” Paanas na sabi niya sa kanyang sarili. Hindi naman kasi siya ganito dati. She know how to control herself pero pagdating kay Kaiser ay nawawala siya sa sarili. Matapos makapaligo ay agad siyang nagbihis at lumabas sa kanyang kuwarto. Nag-tungo siya sa kusina upang kumain. Hindi pa siya kumakain ng agahan. She wondered where’s Kaiser was. Siguro ay hindi na naman ito magpapakita sa kanya. “Ma'am Joyce tinanghali po kayo ng gising kanina pa kayo hinahanap ng mommy mo.” Bungad sa kanya ng katulong. “Nasaan ba si mommy?” Tanong niya. Umupo siya sa harap ng lamesang puno ng pagkain. “Pumasok na po sa kuwarto niya.” Sabi nito. Napatango na lamang siya. Nagsimula na siyang kumain sa mga pagkain nakahanda sa lamesa. Habang kumakain ay napatingin siya sa labas ng bahay. Kitang-kita ang view sa may swimming pool. Something flash back in her mind. Ang mga nangyari kagabi kasama si Kaiser. Iyong mga concern na ipinapakita nito sa kanya. Ang mga halik nito, yakap at kung anu-ano pang mga nangyari kagabi. Napabuntong-hininga siya. Parang nawalan siya ng ganang kumain.


Wala sa sariling napatanong siya sa katulong na nakatayo sa may gilid niya. “Manang Lourdes nasaan pala si Kaiser?” Bigla ay natutop niya ang kanyang mga labi. Hindi niya inaasahan ang tanong na kusang lumabas sa kanyang bibig. “Si Sir Kai ay maagang umalis kanina Ma’am Joyce. Hindi na nga nag-almusal bago man lang bumiyahe.” Sabi ng katulong habang nilalagyan nito ng orange juice ang baso niya. Tumango na lamang siya. Maagang umalis si Kaiser para hindi siya makita. Biglang kumirot ang kanyang puso. Ganoon na lang ba iyon? Ang mga nangyari sa kanila kagabi ay ganun na lang para sa lalaking iyon. Kahit sabihin niyang okay lang na iwanan siya ni Kaiser but deep inside her ay nasasaktan siya. Naisip niyang wala naman talagang pakialam si Kaiser sa kanya. Those concerns and cares na ipinakita nito kagabi ay hindi naman totoo. Siguro paraan lang nito iyon para mahulog ang loob niya. Sumungaw ang luha sa kanyang mga mata. Pinahid agad niya iyon upang hindi mahalata. Hahayaan na lamang niya si Kaiser. Hindi na siya aasa pang magmamahal ito dahil alam niyang kahit kailan ay hindi nito magagawang mahalin siya. Bato yata ang puso ng lalaking iyon. Pagkatapos kumain ay agad siyang nagtungo sa kuwarto ng kanyang ina. Kumatok siya sa may pintuan, narinig niya ang tinig nito. “Mom, it’s me Joyce. Hinahanap mo daw ako kanina.” Sabi niya mula sa may pintuan. “Yeah hija, Come in...” Narinig niyang sabi nito. Pumasok siya sa loob ng kuwarto nito. Nakita niya itong nag-eempake ng mga gamit nito. Nagtaka siya. “Mommy where are you going? Bakit nagbabalot ka ng mga gamit mo?” Mabilis siyang pumasok at naupo sa gilid ng kama. Nagtatakang tinignan niya ito. Naghihintay ng kasagutan nito sa tanong niya. “Joyce may pupuntahan kami ng daddy mo. Kailangan ko siyang samahan sa business travel niya sa Hawaii. Sasabihin ko sana sayo kagabi pero tulog ka na yata kagabi kaya hindi na kita inabala.” Sagot nito habang isinasarado ang zipper ng maleta.


Kung alam lang nito na may milagrong nangyayari sa kanya kagabi. “E paano ako? Iiwanan mo na naman ako dito. Mommy naman! Nalulungkot na nga ako dahil wala akong magawa dito sa bahay.” Pagtatampo niya. “I’m sorry anak pero nagpapasama kasi ang daddy mo doon... I want to bring you in Hawaii pero business ang gagawin namin doon baka mabored ka lang kung isasama ka namin.” Pagpapaliwanag ng mommy niya. Tumabi na rin ito sa tabi niya at hinagod ang likod niya. Nginitian niya ito. "No it’s okay. I understand naman mommy. Kaya lang mamimiss kita.” Niyakap niya ito. Napangiti rin ang mommy niya. “Magtatagal ba kayo doon?” Tanong niya. “Maybe one or two months.” Sagot nito habang hinahagod ang mahabang buhok niya. Parang gusto niyang sumama para iwasan at kalimutan si Kaiser. “Medyo matagal din pala ang bakasyon mo mommy.” Sabi niya. “Hija huwag ka ng malungkot. Huwag kang magmukmok dito sa bahay, go out and have some fun. May tumawag palang lalaki kanina at hinahanap ka! Hindi ko alam na may bagong manliligaw pala ang anak ko.” Sabi ng mommy niya. Napakunot noo siya sa tinuran ng kanyang ina. Agad siyang napatingin dito ng nagtatanong. "Sino ang tumawag mommy?" Tanong ni Joyce. “Julius Madrigal daw ang pangalan niya. Medyo nakausap ko rin siya ng kaunti. Magalang at mabait naman ito. Kapitbahay pala natin ang lalaking iyon at nameet mo daw siya kahapon.” Nakangiting sabi nito. “Yeah, Nakilala ko siya sa may park kahapon habang nagjojogging ako. Bakit daw po siya napatawag sakin?” Tanong ulit niya.


“Gusto ka yatang yayain kumain sa labas. Bakit hindi ka sumama kay Julius anak? It’s a opportunity na rin na lumabas ka kasama siya para hindi ka nababagot dito sa bahay. Tatawag daw siya ulit mamaya.” Sabi ng mommy niya. Tumayo ito ang kumuha ng suklay sa drawer at naupo sa harapan ng salamin. Sinuklay nito ang makintab nitong buhok. Kulay brown ang ikinulay nito sa buhok nitong bumagay dito. Kahit tumatanda na ang mommy niya ay likas pa rin ang kagandahan nito. Magaling itong mag-ayos sa sarili. “Opo mabait naman po si Julius hindi tulad ni Justin Ortegas.” Sabi niya. Naisip niya ang lalaking iyon. Kumusta na kaya iyon? Patuloy parin kaya ang lalaking iyon sa paghahanap sa kanya. Pabuntong hiningang iwinaglit niya si Justin. “Kailan pala ang alis ninyo ni daddy?" Tanong ni Joyce sa ina. Naglakad siya palapit dito at tumayo sa likuran nito. Tinitigan niya ang kanyang ina sa salamin. Magkahawig sila ng mommy niya. Xerox copy nga daw siya ng mommy niya noong panahon ng kadalagahan nito. “Aalis kami ng daddy mo mamayang gabi.” Sabi nito. Tumitig ito sa kanya sa salamin. Mayamaya ay ngumiti ito sa kanya. “You're very beautiful anak kahit hindi ka nakaayos. But something in your eyes that telling me you have a big problem in mind. Don’t hide it Joyce alam ko yang matang yan.” Sabi nito at humarap sa kanya. Tumingin siya sa mommy niya. “Wala naman akong problema mommy. Malungkot lang ako pag-alis ninyo siguradong mamimiss ko kayo. Just be careful and happy trip. Mag-iingat kayo ni daddy.” Sabi niya. Nginitian niya ito upang hindi nito makita ang mga bagay na gumugulo sa isipan niya. “Sige mommy matutulog na muna ako medyo masama kasi ang pakiramdam ko.” Sabi niya. “Okay anak. Magpahinga ka na muna. Love you anak.” Sabi ng mommy niya. Nginitian niya ito. "I love you too mommy." Sabi niya saka lumabas sa kuwarto nito. Nagpunta muna siya sa may teresa.


Nilasap niya ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang mukha. Napaupo siya sa upuang naroon at nanlulumong napasandal sa upuan. Napapikit siya ng mga mata. Agad na lumihistro ang napakaguwapong mukha ni Kaiser kasabay ng alala niya sa mga nangyari ng nagdaang gabi. Ang bawat haplos ni Kaiser sa kanyang katawan. Ang bawat halik nito na kay sarap gantihan. Ang bawat yakap nito na nagbibigay security sa kanya. Ang bawat pag-angkin nito sa kanya ay unti unting bumabalik sa kanyang isipan. Halos hindi niya namalayan ang oras na lumipas sa kakaisip sa lalaking pinakamamahal. Kinapa niya ang sariling damdamin kung may regret ba siya sa nangyari sa kanila ni Kaiser. Pero kahit isang paghihinayang ay wala siyang naramdaman. Sa katunayan ay namimiss na niya ito. Parang gusto na niya itong makita ulit, mayakap, at makahalikan pero iniisip niyang wala naman itong pagmamahal sa kanya. Kahit kailan siguro ay hinding-hindi niya mararamdaman iyon. Lalo siyang nanlumo sa mga naisip. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa kanyang mapupungay na mata. Pinahid niya ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Minabuti niyang pumasok na lamang sa kanyang kuwarto upang magpahinga. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya. Mainit ang katawan niya at nanghihina siya. Nahihilo din siya. Parang tatrangkasuhin siya. Marahil dala iyon ng paliligo nila ni Kaiser sa swimming pool kagabi. Humiga siya sa kama at nagkumot. Nanlalamig ang buo niyang katawan. Magkakasakit pa yata siya. Nahiling niyang sana pagkagising niya ay wala na ang lagnat niya. Mag-aalas siete ng gabi ng maalimpungatan si Joyce sa sunod-sunod na katok sa kanyang kuwarto. Agad siyang bumangon sa kama. Bahagya pa siyang nahilo. Mainit ang pakiramdam niya. Binuksan niya ang pintuan sa kanyang kuwarto. Nabungaran niya si Inday. “Sorry ma'am Joyce may bisita po kasi kayo sa ibaba. Pinapasok ko na po siya sa loob ng bahay at naghihintay po sa may sala.” Bungad na sabi nito sa kanya. Sino naman kaya ang bisita niya? “Sino daw siya Inday?” Tanong niya. Bahagyang kumirot ang ulo niya na parang gusto niyang mahiga ulit sa kama.


“Julius Madrigal daw po.” Sagot ni Inday habang sinusuri siya. “Ma'am Joyce may sakit ka ba?” Tanong nito. “Wala ito, masakit lang ang ulo ko. Huwag kang mag-alala okay lang ako Inday. Medyo masama lang pakiramdam ko pero ayos lang kaya ko pa naman. Si mommy at daddy umalis na ba?” Tanong niya. Tumango ito. “Opo kaninang alas sais pa.” Sabi ni Inday. Tumango rin siya. “Okay... Pakisabi na lang kay Julius na hintayin na lang ako. Magbibihis lang ako.” Utos niya kay Inday. Sinarado niya ang pinto at nagtungo sa restroom upang makapag-ayos. Nakasuot siya ng isang bestidang ube ang kulay na hapit na hapit sa kanyang katawan. Kahit masama parin ang pakiramdam niya ay nagmukha parin siyang maganda sa ayos niya. Mataas parin ang lagnat niya. Bumaba siya ng bahay at nakita niya si Julius na nakaupo sa malambot na couch habang naghihintay. Nakabihis ito at guwapong-guwapo sa porma at ayos. Napatingin ito sa kanya. Ngumiti ito. Hindi niya napigilan gantihan ito ng ngiti dahil para itong isang prince charming na naghihintay sa ibaba ng mansyon habang nakatingin sa kanya. Nang makarating siya sa tabi nito ay agad itong tumayo. “Good evening Joyce. Naistorbo ba kita? Pasensiya ka na ha katatapos ko lang kasi sa trabaho kaya medyo ginabi ako sa pagbisita sayo.” Paliwanag ni Julius sa kanya. “Good evening din Julius. Nako naman okay lang sakin.” Bahagya siyang ngumiti dito. “Hindi mo naman ako naabala saka kagigising ko lang din. Bakit ka pala napadalaw?" Tanong niya sa lalaki. “I just want to invite you next week Saturday sa welcome party ng half brother ko. Puwede ba kitang yayaing maging escort ko?” Tanong nito. Napapayuko ito habang kausap siya at halatang nahihiya. Tinignan niya ito. Bahagyang natawa siya sa tensyon nito.”Yeah sure... Puwede ako next


week. I mean palagi naman akong puwede dahil nasa bahay lang naman ako. I don’t even have a job. Actually naghahanap nga ako ng trabaho.” Nakangiti tinanggap niya sa imbitasyon nito. “Iyon lang ba ang sasabihin mo?” Tanong ni Joyce. Napatitig lamang ito sa kanya. Kinalaunan ay may nakita siyang isang dosenang bulaklak na kulay pulang rosas ang inilabas nito mula sa likuran. Napatitig siya sa mga bulaklak. Agad naman nitong inabot sa kanya iyon. “Para sayo pala itong bulaklak na ito.” Sabi nitong titig na titig sa mukha niya. “Joyce you're so beautiful and I really like you.” Diretsahang sabi ni Julius. Hindi siya makapagkumento sa sinabi nito. Hindi din niya alam kung bakit ba siya binibigyan nito ng bulaklak. “Nanliligaw ba ito sakin?” Kinuha niya ang bulaklak na inaabot nito. Nginitian ito. “Julius why are you giving me a bunch of flowers? Hindi ko naman birthday.” Sabi niya sa lalaki. “Bakit sa birthday lang ba kita puwedeng bigyan ng bulaklak?” Tanong din ni Julius. Natawa siya sa sagot nito. “Hindi naman pero... hmm, nanliligaw ka ba Julius?" Walang gatol na tanong ni Joyce sa lalaki. Napakamot ito ng ulo. Ngingiti-ngiting napatingin sa kanya. "Oo. Sana. Kung puwedeng manligaw sayo?" Mahihiyang tanong ni Julius. Halos namula ang mukha nito. Sasagot na sana siya sa tanong nito ng bigla niyang nakitang nakatayo si Kaiser sa tapat ng pintuan. Nakatingin ito sa kanya. Waring hinihintay nito ang isasagot niya sa tanong ni Julius. Kanina pa kaya ito nakikinig sa usapan nila? Hindi tuloy niya alam ang isasagot sa tanong ni Julius. Kinakabahan siya habang nakikipagtitigan kay Kaiser. Halata sa mukha nito ang pagkairita sa lalaking kausap niya. Hindi napigilan ni Joyce ang matuwa dahil sa nakikitang expresyon sa mukha ni Kaiser. Pakiramdam niya ay nagseselos ito. Pero totoo ba naman iyon kung sakali? Nakaisip siya ng igaganti kay Kaiser. Tamang-tama ito ang paraan ng pagpapaselos niya dito.


HINDI inaasahan ni Kaiser ang madadatnan sa mansyon. Nakita niya si Joyce na may kausap na lalaki sa salas. Mukhang nanliligaw ang lalaki sa babaeng pinakamamahal niya. “Pinakamamahal niya? Bakit mahal mo na ba si Joyce?" Tanong ng mumunting tinig sa kanyang isipan. Hindi niya alam pero nagseselos siya dahil sa pakikipaglandian ni Joyce sa lalaking iyon. Parang gustong-gusto pa nga nito dahil panay ang ngiti nito sa lalaki. May nangyari na nga sa kanila pero heto at nakikipagkarinking ito sa lalaking nakilala nito kahapon. Naikuyom niya ang kanyang kamao nang makitang may iniaabot na bulaklak ang lalaki kay Joyce. Parang gusto niyang hilain si Joyce palayo sa lalaki. Itapon ang ibinibigay nitong bulaklak. Dinig na dinig niya ang magiliw na pakikipag-usap ni Joyce sa lalaki. Umusbong ang galit niya ng marinig ang tanong ng lalaki na manliligaw daw ito sa mahal niya. Gusto niyang suntukin ito hanggang sa hindi na ito magbalak pang manligaw kay Joyce. Napatitig si Joyce sa kanya. Kitang kita niya sa mukha nito ang pagkagulat na makita siya. Pero dinedma din agad nito ang presensya niya at lalong ikinainis niya. Narinig pa niya ang pagsagot nito sa tanong ng lalaki. “Oo naman Julius. Hindi naman kita pipigilan. Mabait ka naman sakin at hindi ka naman katulad ng ibang lalaki diyan na babaero na manloloko pa.” Diretsahang sagot nito sa lalaki. Tinamaan siya sa mga binitawang salita ni Joyce. Inamoy pa ni Joyce ang bulaklak na bigay ni Julius. Nginitian nito ng ubod tamis ang lalaki na lalong ikinaselos niya. Nag-ngitngit siya sa galit. Tumingin pa si Joyce sa kanya at isang masamang tingin ang ibinigay niya. Hinawakan ni Julius ang kamay ni Joyce. Gusto niyang isigaw na don’t touch her or else I kill you. “Joyce may lagnat ka ba? Bakit ang init init mo?” Narinig niyang tanong ni Julius sa babaeng mahal niya. Hindi niya napigilan ang sariling mapalapit sa dalawa. Nakadama siya ng matinding pag-alala sa kalagayan ni Joyce lalo pa at wala ang mga magulang nila. Siguro ay nagkasakit ito dahil nalamigan ito kagabi. Agad niyang hinawakan ang noo nito kahit ayaw nito. Nagulat ito sa ginawa niya. Inalis nito ang kamay niyang nakasalat sa noo nito. Inulit ulit niyang


inilapat ang likod ng kamay niya sa leeg nito. Naramdaman niyang mainit ito. Tinabig ni Joyce ang kamay niya. “Ano ba Kaiser! Puwede ba huwag mo akong hawakan.” Naiinis na sabi nito. “Mukhang may sakit ka Joyce...” Sabi naman ni Julius. Hinawakan niya ang kamay ni Joyce. “Kailangan na siyang magpahinga. Ako ang incharge sa kanya. Ibinilin sakin ni mommy at daddy na alagaan ko daw siya at bantayan.” Sarkastikong sabi ni Kaiser kay Julius na halatang tinataboy na niya ito paalis ng bahay nila. Naintindihan naman nito ang gusto niyang iparating. Kaya agad na din itong nagpaalam sa kanila ni Joyce. “Sige pare ikaw na ang bahala kay Joyce.” Sabi nito. “Joyce kailangan mo ng magpahinga at uminom ng gamot. Bukas na lang tayo ulit mag-usap! Get well soon babe..." Sabi nito. “Anong sabi nito‘babe!? Beben mo mukha mo. Sira ulo ka. Lumayas ka nga dito at baka masapak ko pagmumukha mo.” Gusto niyang suntukin ang mukha ng lalaki sa pagtawag ng babe sa babaeng mahal niya. “Sige pare. It’s nice to meet you.” Sabi nito at mabilis na itong lumabas ng bahay. Tumango lang siya. “Mabuti pa ngang umalis ka na gago ka.” Akin si lang Joyce! Akin lang. Nang makitang wala na ito ay agad siyang napatingin kay Joyce. Galit ang nakalehistro sa mukha nito. Hinila niya ang kamay nito. Gusto niyang alagaan ito. Kasalanan niya kung bakit nagkasakit ito kay dapat lang niyang alagaan ito. “Ano ba bitiwan mo nga ako Kaiser.” Sabi nito. Nagpupumiglas ito. “Will you stop... May sakit ka na nga eh. Nagpapaligaw pa sa lalaking iyon. Kung nagpahinga ka na lang sana.” Mariin niyang sabi. Nakita niya ang bulaklak na bigay ni Julius. Kinuha niya iyon at itinapon sa basurahan. Nanlaki ang mga mata ni Joyce. “Bakit mo itinapon ang bulaklak na bigay ni Julius


sakin? Sa’iyo ba ang bulaklak na iyon!!” Sigaw nito sa kanya. Wala siyang pakialam kahit magalit ito. “Ayokong binibigyan ka niya ng bulaklak Joyce. You got that!...” Sigaw din niya.

Chapter 10 NAGPUPUYOS sa galit si Joyce na tinignan si Kaiser. "Ano ba ang pakialam mo kung

bibigyan ako ng bulaklak nung tao?” Sigaw niya, “At bakit mo siya pinauwi? E nag-uusap palang kami. Napakasama ng ugali mo.” Galit na sabi niya. "Wala akong pakialam sa ibinigay ng lalaking iyon sayo. I can give you plenty flowers if you want. Ayoko na may ibang lalaking lalapit sayo Joyce.” Sabi nito. Sobrang nagtataka talaga siya sa mga ikinikilos ng babaerong lalaking ito. Nagseselos ba ito? Gusto niyang maglulundag sa tuwa dahil nagseselos ito. This is what she want him to feel. Ang pagselosin ito ng bonggangbongga. “May sakit ka! Kailangan mo ng magpahinga. It's my responsibility to take care of you dahil kasalanan ko kung bakit nagkasakit ka. Naki-usap din si mommy mo na samahan ka dito. So whether you like it or not ako ang masusunod. If I say no! Then it’s no! Dapat kang sumunod sa mga sasabihin ko." Mariin ang bawat tono ng pananalita ni Kaiser. Napasigaw siya ng, "Nooooo!... Hindi ako susunod sayo! Hindi porket may nangyari na sa atin kagabi ay maging sunud-sunuran na ako sayo,” Mariing pagtanggi niya. “Speaking of what happen last night. Will kalimutan mo na iyon. Tingin mo maghahabol ako sayo na tulad ng mga babae mo. Sorry ka! Hindi ako katulad nila. Wala kang pakialam kahit anong gawin ko sa sarili ko.” Sigaw ni Joyce habang nanggagalaiti sa galit na hinatak ang braso niya palayo sa lalaking minamahal. Mabilis niyang tinalikuran ito at nagmadaling umakyat sa hagdanan patungo sa kanyang kuwarto. Hindi siya nilubayan ni Kaiser. Sumunod parin ito. "And where do you think your going?" Sabi nito.


Nahalata niyang lalong binilisan nito ang paghabol sa kanya. Nasa kalagitnaan na sila ng hagdanan ng hawakan ulit nito ang kanang braso niya. Muntik pa siyang mahulog sa hagdan dahil sa ginawa nito. Bahagyang nahilo siya at napakapit sa balikat ng lalaking mahal. Inalalayan naman siya ni Kaiser. “I'm going back to my room. Ayaw ko ng makipagtalo sayo Kaiser. I’m not feeling good kailangan ko ng magpahinga puwede ba?" Nanghihinang sabi niya. Nanghina siya sa pakikipagtalo dito. Kung maaari ay ayaw niyang nagkipag-away kay Kaiser pero hindi niya mapigilan ang mainis at magalit sa ginagawa nito. Dama niya ang kuryenteng dumaloy sa pagkakadikit kay Kaiser. Hinawakan nito ang pisngi niya. “Kumain ka muna sweetheart bago ka matulog. Uminom ka muna ng gamot mo please. It’s may fault kaya ka nagkasakit. Please let me take care of you.” Malumanay na sabi Kaiser. Nagtaka siya sa pag-iiba ng tono nito. Pag-alala ang nakikita niya sa mga mata nito. Kanina ay galit na galit ito tapos ngayon naman ay parang maamong tupang nakikipagusap sa kanya. Matutuwa na sana siya sa pagmamalasakit nito sa kanya ngunit ginagawa lang ni Kaiser ito dahil nakokensya ito sa mga ginawa nito sa kanya kagabi. Siguro ay napipilitan lang ito. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita, "Hindi ako nagugutom. Ayaw ko din uminom ng gamot." Seryosong sabi niya kay Kaiser. Tuluyan na sana niyang tatalikuran ito ng biglang hatakin nito ang katawan niya at walang sabing pinangko siya. Napakapit tuloy siya sa leeg nito. “Anong ginagawa mo Kaiser? Please ibaba mo ako.” Pagproprotesta niya. Dahandahan itong umakyat sa hagdanan habang buhat-buhat siya. “Dadalhin kita sa kuwarto mo. Huwag ka munang matutulog na walang laman yang sikmura mo. Kailangan mong kumain at uminom ng gamot Joyce para makabawi ka sa lakas mo. Magluluto ako ng pakain mo okay. Ayokong makarinig ng kahit anong pagtanggi mo.” Seryosong sabi ni Kaiser. “Okay fine! Kakain lang ako pero ayokong uminom ng gamot okay.” Tanging nasabi niya. Naamoy niya ang mabangong pabango nito na lalong nagpabilis sa pagtibok ng kanyang


puso. Idinikit niya ang ulo sa dibdib nito. She can hear his heart beat. Nahiling niyang sana ay maging laman siya ng puso nito. SUMAPIT ang araw ng sabado. Nakabihis na si Joyce ng dumating si Julius sa mansyon ng Alcaide upang pick-apin siya. Mag-aalas sais na iyon ng gabi. Buti na lang at wala si Kaiser kung hindi ay pipigilan na naman siyang lumabas ng bahay. Ang pagtrato nito sa kanya ay sobrang protective. Wala siyang magawa kundi sundin ito. Ito ang nag-alaga sa kanya noong may sakit siya. Ikinatuwa niya ang ginawa nito. Mas lalo nga niyang minahal ito. Subalit pinipigilan niya ang sarili na sabihing mahal niya ito. There’s no way na siya ang mauunang magsabi. Hindi naman nagtatapat ng pagmamahal si Kaiser so bakit din siya magtatapat dito. “Napaaga yata ako sa pagpick-up sayo.” Sabi ni Julius. Nakangiti ito at guwapongguwapo sa suot na damit. “Oo nga pala hindi sa bahay ko idadaos ang party ng kuya ko kundi doon sa bahay nila mama at papa idadaos ang party ng kapatid ko. Pasensya na hindi ko agad nasabi sayo.” Paliwanag ni Julius sa kanya. "Nako naman Julius okay lang noh. Don’t worry." Natatawang sabi ni Joyce. Nginitian niya ito. "By the way you look beautiful. Bagay na bagay sayo ang damit mo." Sabi ni Julius. Napangiti siya. "Thank you. Ikaw din bagay sayo ang suot mo." Komento niya. She was wearing a perfect herve leger couture evening dress. Bagay na bagay sa kanya ang style ng damit. A classic bandage style with a sexy bust line and a totally revealing low plunge back. Kitang kita ang makinis niyang likuran sa damit na iyon. Nakataas din ang kanyang buhok at may natitirang kaunting hibla na kinulot upang magmukhang galante. She was wearing a necklace and earing that match to her dress. Nang makarating sila sa bakuran ng malaking bahay ng mga Madrigal ay nakita niyang maraming mga bisita. Nagsisimula na rin ang okasyon. Napakasosyal ng party na iyon. Hinawakan ni Julius ang kamay niya at iginaya sa maraming tao sa party.


“Ipapakilala kita sa kapatid at magulang ko.” Bulong nito. Naglakad sila palapit sa isang lalaking nakikipag-usap sa mga bisita. Nakatalikod ito sa kanila. Sa ayos nito ay masasabing isang modelong lalaki. May tangkad itong anim na talampakan. Ang katawan nito ay malapad at maskulado. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Pamiliar kasi sa kanya ang tindig ng lalaki. Tinawag ni Julius ang kapatid nito. Laking gulat niya ng awtomatikong lumingon si Justin Ortegas ang lalaking tinakbuhan niya sa America at mismong lalaking nagbanta sa kanya. Natakot siya dito. “Oh gosh it’s Justin... Small world bakit siya pa ang kapatid ni Julius.” Sabi ng isip niya. Nagimbal siya na parang nakakita ng multo at hindi makakilos sa kinatatayuan. Gusto man niyang tumalikod at tumakbo palabas ng bahay subalit hindi niya magawa dahil nakahawak si Julius sa braso niya. Kitang kita niya ang pangingislap sa mga mata ni Justin Ortegas. ‘Justin!” Nasambit niya ang pangalan nito. “Oh goshhhhhh.... Patay tayo ngayon Joyce!”Sabi niya sa kanyang sarili. “Joyce!” Gulat din sabi ni Justin. “It's good to see you again. Ang tagal kitang hinahanap. Tinakbuhan mo ako sa America. Dito lang pala kita makikita sa Pilipinas. Small world huh? Hindi ko makakalimutan ang ginawa mong pagtadyak sakin." Sabi ni Justin. Mataman itong nakatitig sa kanya na parang may galit sa mga mata nito. “I know small world Justin Ortegas. I never knew na kapatid ka pala ni Julius.” Matapang niyang sabi kay Justin. Hindi siya magpapaapekto ng takot dito. Kahit kinakabahan siya dahil sa pagbabanta nito sa kanya noon. “Sa dinamidami ng tao sa mundo ikaw pa ang makikita ko at higit na nakakagulat ay kapatid ka pala ang kaibigan ko.” Seryosong sabi niya. "M-Magkakilala kayo kuya Justin?" Nagtatakang tanong ni Julius. "Oo Julius. Ex-girlfriend ko si Joyce sa America. Siya iyong babaeng naikuwento ko


sayong tinakbuhan ako. Ang babaeng minahal ko pero hindi naman ako magawang mahalin. Iniwan lang ako." Sagot nito sa tanong ng kapatid. "Alam mong hindi ko intensyong saktan ka Justin. Hindi lang talaga nagwork out ang relationship natin. Sana naman maintindihan mo ako. Pease let's not bring the past back." Pakikiusap niya sa lalaki. "Oo nga naman kuya Justin. Matagal na panahon na iyon. May mahal ka naman ng iba diba.” Sang-ayon naman ni Julius. Ngumiti ito sa kanya. Nagtataka siya sa pag-iiba ng ugali ni Justin. Hindi na ito tulad ng dati na mapagbanta at masyadong seryoso sa kanya. “Titigilan kita kung bibigyan mo ako ng isang pagkakataong maka-date ka. I mean it’s not totally date. I just want to win her back.” Sabi ni Justin. Natatakang napatingin siya sa lalaki. “Win her back? Sino ba siya Justin?” Tanong niya. "Silly girl. It’s not you okay. May isang babae kasi akong nakilala after you left me and I thank you for that...” Ngumiti ito sa kanya. “We fell in love with each other kaso nag-away kami dahil sa isang lalaking palagi niyang kasama. Ngayon I want to win her back. Kukunin ko siya sa lalaking iyon Joyce. Please help me okay.” Sabi nito. Natuwa siya sa pagbabago ni Justin. “Yeah I will help you to win her back.” Sabi niya. “Just one date.” Nakangiting dagdag niya. “Thank you Joyce.” Sabi nito. Mabilis na itong lumayo sa kanila at nagtungo sa mga ibang bisita nito. Ikinatuwa niya ang pagbabago ng ugali nito. Naging panatag ang looban niya. Nawala na ang kabang nararamdaman niya kanina. Pakiramdam niya ay malaya na siya sa pagbabanta nito.


"Magkakilala pala kayo ni Kuya Justin at naging ex ka pala niya." Nanlulumong sabi ni Julius sa kanya. Tumingin siya kay Julius. Kitang kita niya ang malungkot nitong mukha. "Oo. Pasensya na ha. I didn't know na magkapatid pala kayo ni Justin. Magkaiba naman kasi kayo ng apelyido.” Tugon ni Joyce. "Madrigal ang totoong last name ni kuya Justin. Ortegas lang ang ginagamit nitong name para hindi masyadong lantad sa public. Mabait si kuya hindi ko alam kung bakit kayo naghiwalay.” Kuwento ni Julius. Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. “Siguro Joyce mas mabuting maging magkaibigan na lang tayo. Hindi na kita liligawan kahit atractive ako sayo. Nakakahiya kasi kay kuya Justin kung liligawan pa kita. You know mahirap naman talunin ang sarili kong kapatid." Seryosong sabi ni Julius. Nginitian niya ito. “Salamat Julius. Mas mabuti ngang magkaibigan na lang tayo. Kasi hindi ko rin maibibigay ang pag-ibig na hinahanap mo.” Seryosong sabi niya sa lalaki. “Dahil mahal mo ba si Kaiser?” Tanong nito. Tumango siya. “I know I shouldn’t fall in love with him pero nahulog ang loob ko sa kanya eh. Mahirap naman pigilan itong nararamdaman ko.” Nalulungkot na sabi niya. “Mali ba ang mahalin siya?” Tanong niya. Ngumiti ito at niyakap siya.“Hindi mali ang mahalin siya Joyce. Mag-ingat ka lang sa step-brother mo. Masyadong babaero iyon baka saktan ka lang niya. Pero huwag kang mag-alala hindi ako papayag na saktan ka ni Kaiser. Ako ang makakalaban niya kapag ginawa niya iyon sayo.” Sabi nito. Napangiti siya sa mga sinabi ni Julius. Naikuwento niya dito ang tungkol sa namumuong pagmamahal niya kay Kaiser. Naging malapit na din silang magkaibigan ni Julius. Parang naging bestfriend niya ito. Lumapit ang mga magulang ni Julius sa tabi nila. “Hijo hindi mo ba ipapakilala ang girlfriend mo sa amin ng daddy mo.” Tanong ng ginang habang hawak ang kamay ng asawa nito.


Nagkatawanan sila ni Julius. “Hindi ko po siya girlfriend mama. Si Joyce Fontanilla po matalik kung kaibigan.” Tugon naman ni Julius. “Joyce meet my mama and papa. Aileen and Joshua Magdrigal.” Pagpapakilala nito sa mga magulang. Nginitian niya ang mga magulang nito. “Nice to meeting you po.” Magalang niyang sabi sa mag-asawa. Nakipagkamay siya sa mga ito. “Nice to meet you too hija.” Sabi ng may edad na babae. Niyakap pa siya. Maganda ito. Medyo kahawig ito ni Kaiser. “Just enjoyed the night okay at huwag kang mahihiya ha.” Sabi ni Aileen. Naging maganda ang gabing iyon para sa kanya. Mabait ang mga magulang ni Justin at Julius. Masayang kausap at magaan ang loob niya sa mga ito. Lalo na sa mommy ng dalawang lalaki. Katulad din ito ng mommy niya. Mabait at maalaga. SA MANSYON ng mga Alcaide ay hindi mapakali si Kaiser sa may teresa. Mag-aalas dose na ng gabi ay wala pa rin si Joyce. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama dito. Natatakot din siyang may mahalin itong iba, tulad ni Julius. Halos hindi na niya alam kung ano ang dapat isipin sa mga oras na iyon. “Damn it Joyce! Huwag na huwag ka lang magmamahal ng iba kundi malilintikan ka sakin.” Bubulong bulong niyang sabi habang pabalik-balik na naglalakad sa may teresa. Nakatatlong bote na siya ng alak sa kakahintay kay Joyce. “Bakit ba hindi mo pa kasi sabihin sa kanyang mahal mo siya.” Sigaw ng isang tinig sa kanyang isipan. Gustuhin man niyang magtapat ng pag-ibig kay Joyce pero hindi niya magawa dahil natatakot siya sa magiging sagot nito. Baka isipin nitong manloloko siya. Baka hindi ito maniwala kung aaminin niyang mahal niya ito. “You’re so stupid Kaiser!” Sabi niya.


Hindi niya napigilan ang sariling mapamura at mapasuntok sa kawalan. Nasasaktan siya sa pambabaliwala ni Joyce sa kanya. Hindi niya namalayan ang luhang dumaloy sa kanyang mukha. Simula noong umalis ang mommy niya ay ipinangako niyang hindi na siya iiyak dahil lang sa isang babae. Naging bato ang puso niya pero ngayon lang nangyari sa kanya ang umiyak at masaktan ng dahil din sa iisang babae. Naalala niya ang mga sinabi ng matalik niyang kaibigan si Aljon. "You know Kaiser. Hindi lahat ng babae ay pampalipas oras lang. They deserve to be treat respectfully. Hindi ka pa talaga totally naiinlove sa isang babae. Pero once na nainlove ka! Sinasabi ko sayo yang makulit mong puso at prinsipyo ay magbabago. Tignan mo ako masaya sa piling ng asawa ko." Tama nga ang sabi ng kaibigan niya. Lahat ng maling tingin niya sa mga babae ay nabago dahil lamang kay Joyce. Napatingin siya sa labas ng may pumaradang magarang na sasakyan. Nakita niyang bumaba si Julius at binuksan ang pintuan sa gilid ni Joyce. Bumaba naman ang babaeng pinakamamahal niya. Nag-usap muna ang dalawa bago tuluyang pumasok si Joyce sa gate ng bahay. Niyakap pa ito ni Julius. Sinakluban ng matinding selos ang puso ni Kaiser. Mariin niyang hinawakan ang bote ng alak, sasabog yata ang puso niya sa matinding selos. Agad siyang bumaba ng bahay at sinalubong si Joyce sa may pintuan. MASAYANG masaya si Joyce na pumasok sa loob ng bahay. Marami silang napagkuwentuhan ni Justin at Julius kanina. Hindi nga niya namalayan inabot na pala sila madaling araw sa pakikipagkuwentuhan. Mag-aalas dose medya na ng ihatid siya ni Julius sa mansyon. Hindi niya pinigilan si Julius na yakapin siya kanina bilang pasasalamat sa pagsama niya sa party ng kapatid nito. Ginantihan niya ang yakap nito dahil natutuwa siyang naging malaya siya sa mga pagbabanta ni Justin noon. Pagbukas niya sa seradura ng bahay ay tumambad sa harap niya si Kaiser. Galit ang unang nakita niya sa mukha nito. Hindi niya pinansin ang galit ni Kaiser. Lalagpasan na sana niya ito ng bigla nitong hatakin ang braso niya. Naamoy niyang lasing ito.


“It's late! Do you even know what time is it?” Galit na sabi nito. Pakialam ba nito kung gabihin siya sa pag-uwi. Hindi niya ito tatay o nanay para sirmunan kung anong oras siya uuwi ng bahay. For god sake she’s old enough to handle herself. Sinagot niya ang tanong nito. “Almost one o'clock! Ano naman sayo kung uuwi ako ng ganitong oras. Tatay ba kita para pigilan ako sa ginagawa ko?" Sarkastikong tanong niya. Mariin nitong hinawakan ang braso niya. Nasasaktan siya sa mahigpit ng pagkakahawak sa kanya. Pilit niyang alisin ang kamay nito. "Stop it Kaiser you're hurting me!" Sabi niya. “Talagang masasaktan ka. Hindi tama sa isang babae ang umuwi ng dis-oras ng gabi kasama ang isang lalaki. Ano sa tingin mo ang iisipin ng taong makakita sayo? Ano sa tingin mo ang iisipin ko?" Mariing tanong nito. Binitiwan nito ang braso niya. Sino ito para magsabi sa kanya ng mga bagay na gusto niyang gawin. Wala naman siyang ginagawang masama. Hindi naman siya nakikipaglandian sa kahit na sinong lalaki. “Mabait naman si Julius eh. Hindi siya katulad mo.” Ganting sabi niya. “My life is not your business Kaiser! Pakialaman mo ang buhay mo at huwag ang buhay ko. Ano naman ang gusto mong gawin ko dito magmukmok sa bahay na ito. Alam mo ang mas mabuting pakialaman mo ay yang babae mo na palaging tumatawag sayo kahit dis-oras ng gabi. Sino ba iyon Trixia!” Sigaw niya kay Kaiser. “For god sake Joyce! Ganyan ka ba talaga ha? May nangyari na nga sa atin tapos..." Sabi nito. “Eh ano naman ngayon kung may nangyari na sa atin! Ano maghabol ako sayo na tulad ng mga ginagawa ng mga babaeng dinadala mo sa kama. Come on Kaiser. I know how you treat those girls and I’m not like them. Hinding-hindi kita hahabulin. Asa ka pa!” Agaw niya sa mga sasabihin nito. “Wala bang halaga sayo ang nawala mong pagkababae?” Tanong nito. Titig na titig sa kanya. Gusto niyang maiyak dahil napapagod na siya sa pakikipagtalo kay Kaiser.


Napahalukipkip siya sa harapan nito at nakipagtitigan sa mga mata nito. “What happened to us is just a pure sex! Hindi mo ako mahal diba at hindi rin kita mahal. Now kung nawala ko man iyon at ikaw ang nakauna. Hindi na mahalaga sakin! Naibigay ko na sayo! Gusto ko man o hindi ang nangyari sa atin. Wala na, tapos na! Nakuha mo na ako.” Biglang tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Agad niyang pinahid iyon. “You should be thankful dahil ikaw ang nakauna sa akin. Pero hinding hindi ako maghahabol sayo!" Prangkahan sabi niya kay Kaiser. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niyang sabihin ang mga salitang iyon. Di bale ng malaman nitong hindi niya mahal ito kaysa ang masaktan sa mga sasabihin nito. “Alam mo kung anong tingin ko sayo ngayon Joyce. Para kang isang babaeng pinagpapasapasahan. Tutal, iyan ang sinabi mo. Sige gawin natin ulit ang nangyari sa atin. Diba wala ka naman pakialam sa mga nangyari sa atin. I guess it would be greatful to do it again and again with you.” Galit na sabi ni Kaiser. Hinila nito ang katawan niya at mariing ipinulupot ang matigas na braso sa beywang niya. Itinulak niya ito ngunit kinuyumos ni Kaiser ang mga labi niya. Nasaktan siya sa marahas nitong paghalik sa kanya. Hindi niya napigilan ang mapaiyak dahil pakiramdam niya ay madudurog ang puso niya sa ginagawa ni Kaiser. Nagpatuloy ito sa mapangahas na paghalik at pati ang mga kamay nito ang kusang naglalakbay sa kanyang katawan. Itinutulak niya ito pero masyadong malakas ito. Napahagulhol siya sa pag-iyak. Huminto naman si Kaiser ng maramdaman nito ang bawat luhang tumulo sa kanyang mapupungay na mata. Bigla siyang niyakap nito. Itinulak niya ito. Natatakot na siya sa mga gagawin pa ni Kaiser.

Chapter 11 NATATAKOT si Joyce dahil sa mga binitawang salita ni Kaiser. Nasaktan siya sa sinabi nito at pambabastos nito. “I'm sorry sweetheart.” Sabi nito. Akmang yayakapin ulit siya ni Kaiser ngunit isang malakas na sampal ang ipinalasap niya sa lalaking mahal. Halos kumirot ang puso niya dahil sa binitawan nitong salita. Agad siyang napaatras palayo sa lalaki.


Tumutulo ang mga luha niya ng mapatitig sa mukha ni Kaiser. Natatakot na siyang mapalapit dito. “I hate you so much.� Nagpupuyos sa galit na sabi niya. Patakbong umakyat siya sa hagdanan patungo sa kanyang kuwarto. Nang makapasok sa loob ng kuwarto ay agad niyang inilocked ang pinto at tuluyang napahagulhol. Hindi niya matanggap ang pambabastos ni Kaiser sa kanya. Tumatagos iyon sa kanyang puso. Damang dama niya ang sakit sa mga binitawan nitong salita. SAMANTALA alam ni Kaiser na labis niyang nasaktan si Joyce. He wanted to follow her upstairs but he couldn't do it. Alam niyang kahit anong gawin niya ay hindi ito makikinig sa kanya. Galit na galit ito sa kanya. Hindi dapat niya sinabihan ng masasamang salita si Joyce. Nasaktan din kasi siya sa pambabaliwala nito. Parang inapakan nito ang pagkalalaki niya. Ipanamukha nitong wala siyang kuwenta. Ang higit na masakit sa mga sinabi nito ay ang sabihin nitong hindi siya mahal nito. Para bang hiniwa ang puso niya ng sabihin nito iyon. Napaiyak siya. Hindi pala siya mahal ni Joyce. Nabuo ang pasya niyang si Trixia na lang babaeng papakasalan. Tutal ito naman ang babaeng laging nasa tabi niya at nagmamahal sa kanya. Makakalimutan din niya siguro si Joyce kung kasal na siya kay Trixia. **** LUMIPAS ang maraming araw na hindi nakikita ni Joyce si Kaiser sa mansyon. Hindi rin ito bumibisita o umuuwi man lamang. Labis niyang ikinalungkot ang hindi nito pagpapakita. Matamlay siya palagi. Nitong mga huling araw ay madalas siyang nahihilo at sinisikmura. Pero lahat ng iyon ay dahil kay Kaiser. Hindi naging maganda ang huli nilang pag-uusap ni Kaiser. Nag-away sila. Namimiss na niya ito. Gustong gusto na niya itong makita. Umiwas na rin siya kay Julius kapag niyaya siyang lumabas kasama si Justin pero tumatangi siya dahil umaasa at nagbabakasakaling uuwi si Kaiser sa bahay nila. Sabik siyang mayakap ito. Siguro may mali siya sa pagsabing hindi niya ito mahal. Kung dadalaw ito ngayon ay nanaisin niyang magtapat ng pag-ibig kahit pa man hindi siya mahalin nito. Atleast nasabi niya ang nilalaman ng kanyang puso. Lumabas siya sa kanyang kuwarto at nag-tungo sa ibaba ng bahay. Laking gulat niya ng makitang kumakain sa hapag kainan ang kanyang ina kasama at Tito Edward. Lumishistro ang


tuwa sa kanyang mukha ng makita ang mga ito. Agad siyang lumapit sa tabi ng mga ito. “Hija gising ka na pala. Halika kumain na tayo.” Sabi ng mommy niya habang kumakain. Humalik muna siya sa pisngi nito. "Good morning po. Namiss ko po kayo. Hindi ko alam na dumating na pala kayo." Sabi niya habang umuupo sa hapag kainan. "Kagabi pa kami dumating anak. Hindi ka na namin ginising ng mommy mo dahil maaga ka daw natulog sabi ng mga katulong." Saad ng ama ni Kaiser. “Opo dad, masama kasi ang pakiramdam ko nitong huling araw.” Sabi niya. Kumunot ang noo ng mommy niya. Nagtataka siya sa expresyon ng mukha nito. "Mommy may dumi ba sa mukha ko?” Natatawang tanong niya. Umiling-iling ito. "Nagtataka lang ako kung bakit pumayat ka at sobrang lalim ng mga mata mo anak. May problema ka ba?” Tanong nito. “Ang laki ng hinulog ng katawan mo.” Napayuko siya sa sinabi ng kanyang ina. Iisa lang naman ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog sa gabi dahil kay Kaiser. “Nagkasakit kasi ako ng umalis kayo ni daddy at medyo hindi ako nakakatulog mommy." Iyon lang ang tanging nasabi niya. Hinaplos ng mommy niya ang kamay niya. “Hala e, kumain ka ng marami para bumalik ang inihulog ng katawan mo.” Sabi ni Giselle. "Akala ko ba two months kayo sa Hawaii?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito. "Iyon nga sana ang plano namin ng mommy mo. Kaso tumawag si Kaiser at sinabing magpapakasal na daw. And the engagement party would be settle down this coming saturday." Sabi ni Edward. “Biruin mo ang anak kong iyon ay magpapakasal na pala hindi pa ipinapakilala sakin ang magiging manugang natin Giselle. Mukhang nagmamadali ng magkapamilya. Mas mabuti na rin kaysa ang magbabae pa ito. Masaya akong may nagpabago na sa anak ko."


Natutuwang sabi ni Edward. Gulat na napatingin si Joyce kay Edward. Halos hindi siya makahinga sa mga nalaman. Sunud-sunod ang ginawa niyang paghinga. Halos hindi niya mapigilan ang sariling mapaluha sa mga rebelasyong narinig. "Magpapakasal si Kaiser? K-kanino siya m-magpapakasal?" Gusto niyang itanong sa daddy nila. Agad siyang napatayo sa kinauubuan. Hindi niya mapigilan ang sariling makadama ng masidhing kalungkutan. Ngunit bago pa tumuloyang bumagsak ang kanyang mga luha ay mabilis siyang kumilos. "P-please excuse me po.� Nanginginig ang mga boses na sabi niya sa dalawang matanda. Agad siyang tumakbo pabalik sa kanyang kuwarto. Doon niya ibinuhos ang pag-iyak. "Please Kaiser huwag ka namang magpapakasal sa iba. Mahal kita e! Mahal na mahal kita!� Umiiyak na sabi niya habang ibinabaon ang mukha sa unan. "Ano ang gagawin ko ngayon?" Tanong niya sa sarili. Nakadama nanaman siya ng pagkahilo patakbong nagtungo siya sa may banyo at nagsuka sa may lababo. Nitong mga huling araw ay nararamdaman niya ang pagkayamot at laging pagkalam ng kanyang sikmura. Parang may gusto siyang kainin na hindi niya alam kung ano. Panay din ang pagkahilo niya pero lahat ng iyon ay hindi niya pinapansin. Mayamaya ay kumakatok ang mommy niya sa may pintuan ng kanyang kuwarto. Pinunasan niya ang mga luhang tumulo sa kanyang mukha bago binuksan ang pinto. "What's wrong hija?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya. Pumasok ito sa loob ng kanyang kuwarto. "I know you have problem anak. Nakikita ko iyon sa mga mata mo. Lagi akong nandito para makinig sayo anak." Malumanay nitong sabi sa kanya. Hinaplos nito ang pisngi niya. Dinama niya ang haplos nito. Hindi niya napigilan ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Niyakap niya ang mommy niya. Hinagud-hagod nito ang likod niya. "May kinalaman ba ito sa pagpapakasal ni Kaiser?" Tanong ng mommy niya.


Lalo naman siyang napaiyak pagkarinig sa pangalan ni Kaiser. "Mommy magpapakasal na siya." Pahagulhol niyang sabi sa kanyang ina. "Do you love him anak?" Tanong nito habang hinahagudhagod ang buhok niya. Tumango siya. “I love him so much mommy." Tuloy tuloy ang agos ng mga luha sa kanyang mukha. Halos madurog ang puso niya ng malaman magpapakasal na sa iba si Kaiser. Iyon ang pinakamasakit na ginawa nito sa kanya. “Alam ba niyang mahal mo siya?” Tanong nito. Napailing-iling siya. “Natatakot akong sabihin sa kanya mommy.” Malungkot niyang sabi. “Tahan na anak. If you really loved him then go look for him. Tell him the truth about your feelings. It's better to tell him that you love him before it's too late." Payo ng kanyang ina. "Mommy nakakahiya! Babae ako dapat siya ang magsabing mahal niya ako. Sana mahal din ako ni Kaiser. I'm so scared... Natatakot ako sa magiging kasagutan niya. Ayaw ko siyang mawala sakin. Ayaw ko siyang magpakasal sa iba." Garalgal ang boses na sabi niya. "Atleast nasabi mo sa kanya ang totoong nararamdaman mo. At kahit magpakasal ito sa iba ay makakahinga ka ng maayos dahil alam mong ginawa mo lang ang tama." Sabi nito. Inilayo nito ang katawan upang matitigan siya sa mukha. "Look at you hija! Pumapangit ka sa kakaiyak mo. Come on fix yourself hindi ka dapat nagkakaganyan." Dagdag pang sabi ng kanyang ina. Tumayo ito at naghanap ng damit sa kanyang kabinet. Ibinigay nito iyon sa kanya. Kinuha naman niya ang damit na inaabot nito. Napilitan siyang magtungo sa shower upang maligo. Matapos makapaligo ay nagbihis na siya at lumabas sa banyo. Hindi na niya nakita ang kanyang ina sa kanyang kuwarto. Kaya inayos na lamang niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Napaupo siya at mataman


tinitigan ang kanyang maamong mukha. Lungkot ang tanging naaninag niya sa kanyang mga mata. Lumaki din ang eyebugs niya sanhi ng lagi niyang pag-iyak. Halos pumayat siya sa kakaisip sa lalaking iyon tapos ngayon malalaman niyang magpapakasal na ito. “You are so impossible Kaiser.” Anas niya. Nasasaktan siya sa mga nangyayari at halos hindi niya makayanan. Kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang makita ito at makausap kahit sa huling pagkakataon bago man lang ito maikasal sa iba. Ngunit saan niya hahanapin si Kaiser. Kahit anino nito ay hindi niya makita paano pa kaya niya mahahanap ang lalaking pinakamamahal niya. Nagbabanta nanaman tumulo ang kanyang mga luha. Kaya agad siyang napatayo at lumabas sa kanyang kuwarto. Inabala na lamang niya ang sarili sa pagwiwindow shopping kasama si Justin. Tumawag si Justin sa kanya at niyaya siyang mamasyal sa mall of asia. Kaya naisipan na lamang niyang doon magwindow shopping. Isasama sana niya si Inday kaso ay nag-day off ito. Sinundo siya ni Justin sa mansyon at magkasabay na natungo sa mall. Habang naglalakad napatingin siya sa isang jewelry store. Pumasok sila doon at tumingin sa mga singsing, bracelet, at mga necklace. Nagawi ang tingin niya sa isang diamond ring. Napakaganda ng pagkakadisenyo. Pinangarap niyang iyon ang singsing na ibibigay sa kanya ni Kaiser. Sana ako na lang ang pakasalan nito. Biglang nalungkot siya. Naisip niyang sana mahal din siya ni Kaiser para ang singsing na iyon ang pipiliin niya para sa engagement ring niya. "Do you like that ring?" Tanong ni Justin na bahagya niyang ikinagulat ng nakalapit na pala ito sa kanyang likuran. Buong akala niya ay tumitingin din ito sa mga alahas. Napangiti din ang saleslady sa kanila. Tumango-tango siya bilang kasagutan. "It's very beautiful." Sabi niya. "Pero hindi ako nagpapabili sayo ha. Nagustuhan ko lang ang desenyo ng singsing. Iyan kasi ang gusto kung ibigay ng lalaking mahal ko kapag nagpropose sakin." Nangangarap na sabi niya kay Justin. Napangiti ito sa kanyang sinabi. “Huwag kang mag-alala sasabihin ko sa lalaking iyon na itong singsing na ito ang bilhin niya para sayo.” Sabi nito.


Natawa naman siya sa sinabi ni Justin. Ang kasiyahan niya ay agad din napawi ng pumasok si Kaiser at Trixia sa jewelry store. Biglang sinakluban ng matinding pagseselos ang puso niya. Halos hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Nakita sila ni Kaiser. Ngumiti ito sa kanya. Gusto niyang kausapin ito subalit pinigilan siya ni Justin. Lumapit ang mga ito sa mga singsing na tinitignan nila kanina ni Justin. Dinig na dinig nila ang usapan ng dalawa habang tumitingin ng singsing si Trixia. Hindi din maipinta ang mukha nito. Siguro ay naiinis itong makita siya. "You like that diamond ring, babe?" Tanong ni Kaiser kay Trixia. Nainggit siya. Napabuga naman ng hangin si Justin na parang tinitimpi ang sariling sapakin si Kaiser. Sa tingin ni Joyce ay sinasadya ng dalawa na pagselosin siya. “Yes babe this is beautiful.” Sabi ni Trixia. Napatingin ito sa gawi niya. “What do you think Joyce diba maganda?” Tanong pa ni Trixia. Nagselos siya ng makitang hawak ni Kaiser ang kamay ni Trixia. Napatingin siya kay Justin at hindi rin nakaligtas ang matang galit na tinitingan nito si Trixia. “Bakit parang nagagalit naman ang isang ito?" Tanong ni Joyce sa isipan. Nagtataka siya sa kakaibang ikinikilos ni Justin. “Yeah it’s beautiful. Actually iyan din ang gusto kung singsing kapag nagproposed itong si Justin sakin.” Pagsisinungaling niya. Napatda naman si Kaiser sa kinatatayuan pati rin si Trixia. May lungkot siyang naaninag sa mukha ng babae. “Sinubukan mo na bang isukat ang singsing.” Malumanay na tanong ni Trixia habang umiiwas ng tingin kay Justin. Umiling-iling siya. “Hindi pa...” Tanging sagot niya. Bahagyang ngumiti ito. “Come on try this one baka bagay din sayo.” Sabi nito. Hinila siya at pinasukat sa kamay niya. Wala siyang ibang nagawa kundi isukat ang singsing. Makulit din naman kasi si Trixia. Ngayon lang niya napagtantong mabait din naman pala ito.


“Wow bagay pala sayo ang singsing. Look babe bagay sa kanya ang singsing.” Tanong pa ni Trixia kay Kaiser. Ngumiti lang si Kaiser. Pinabalot ng dalawa ang singsing. Parang sinaksak ang puso ni Joyce sa mga oras na iyon. Halos nanghihina siyang napahawak sa braso ni Justin. Gusto sana niyang magtapat ng damdamin kay Kaiser pero hindi niya magawa. Naisip niyang hindi iyon ang tamang oras para sabihing mahal niya ito. Ayaw din niyang mapahiya sa harap ng nobya nito. Lumabas na sila sa Jewelry store at nagpunta sa mga ibang pamilihan. Habang naglalakad ay nakadama si Joyce ng pagkahilo. Pakiramdam niya ay umiikot ang buong paligid. Hindi niya nakayanan. Nagdilim ang buong paligid at nawalan siya ng malay. Pagmulat ng mga mata ni Joyce ay nasa isang kuwarto siya. Agad siyang napabangon at naupo. "Nasaan ako? Anong nangyari sakin?" Tanong niya. Bigla naman ang pagbukas ng pintuan. Nakita niyang pumasok si Justin na may kasamang doktor. "Gising ka na pala?" Tanong nito habang naglalakad palapit sa kanya. "Justin nasaan ako at anong nangyari sakin?" Tanong niya sa lalaki. Sinagot ng doktor ang gumugulo sa isip niya. “Wala namang nangyaring masama sayo Joyce. Normal lang ang nararamdaman mo. Nawalan ka ng malay dahil sanhi iyon ng magdadalawang buwan pagbubuntis." Sabi ng doktor. Nakangiti ito sa kanya. “Congratulation sa inyong dalawa.” Sabi nito kay Justin. Nagulat si Joyce sa narinig mula sa doktor. “I'm pregnant." Iyon ang tanging nausal niya. Bakit nga ba hindi niya naisip ang bagay na iyon? Kaya pala madalas siyang nahihilo at matamlay ay dahil sanhi iyon ng pagdadalantao niya. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa pagbubuntis niya o malulungkot dahil magpapakasal na ang ama ng kanyang magiging anak. Ngayon niya mas kailangan si Kaiser. Ngunit paano niya sasabihin dito ang tungkol sa bata.


Kahit paano ay nakadama siya ng kakaibang saya. Nagpaalam na sila ni Justin sa clinic na pinagdalhan sa kanya ng lalaki. Nakiusap siya kay Justin na ilihim ang nalaman nito. Inamin din niyang si Kaiser ang ama ng batang dinadala niya. Mag-aalas nuwebe na ng gabi ng makabalik sila sa mansyon ng mga Alcaide. Agad din nagpaalam si Justin sa kanya dahil may pupuntahan pa daw ito. Pumasok siya sa loob ng bahay at dumiretso sa kanyang kuwarto. Nahiga siya sa kama. Hindi siya makatulog sa kakaisip sa mga nangyari kanina at sa nalaman niya. Tumutulo ang mga luha niya dahil sa nakitang kasiyahan sa mukha ni Kaiser kasama ang nobya nito. Napahawak siya sa kanyang sinapupunan. "Alam mo anak, Mahal na mahal ko ang daddy mo kaso magpapakasal na siya sa ibang babae. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sayo. Huwag kang mag-alala mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko. Masaya narin ako dahil dumating ka sa buhay ko." Sambit niya habang hinahaplos ang tiyan niya. Dumaloy ang mga luha kanyang mukha. Tanging iyak ang kaya niyang gawin para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Natatakot din siyang sabihin kay Kaiser ang tungkol sa batang nasa sinapupunan niya. Paano kung itanggi nito ang bata? Tiyak na hindi niya makakayanan iyon. Naisip niyang mas maigi sigurong hindi na lang niya sasabihin ang totoo sa lalaki. Ayaw din naman niyang umiyak sa mga sagot ni Kaiser. Hahayaan na lamang niya si Kaiser na magpakasaya. Kahit masakit man sa kanya ang pagpapakasal nito ay pipilitin na lamang niyang kalimutan ito. Naisipan niyang bumalik na lang sa America at doon magpanibagong buhay kasama ang magiging anak niya. Iiwan na lang niya si Kaiser kasama ng magiging asawa nito. Hindi na niya kailangan pang mamalagi sa Pilipinas dahil masasaktan lang siya kung makikita si Kaiser na masaya kay Trixia. Pagkatapos siguro ng engagement party nito ay aalis na siya pabalik sa America. Hindi na niya hahayaan ang sariling magtagal pa. She need to be strong all though maraming pagsubok ang pagdaraanan niya. Ang tanging inspirasyon niya ay ang magiging anak nila ni Kaiser.

Chapter 12


SUMAPIT ang araw ng Sabado. Lahat ay abala sa paghahanda. Nakatunghay lamang si Joyce sa may teresa. Habang pinagmamasdan ang mga taong abalang nag-aayos sa okasyong magaganap mamayang gabi. Nanlupaypay ang buo niyang katawan. Lalong sinasaksak ang puso niya sa matinding pagseselos. Ang gabing ito ang pinakamasakit na sasapitin niya sa buong buhay niya. Hindi niya matanggap na tuluyan ng mawawala si Kaiser. Ang pagpapakilala nito kay Trixia sa mga tao bilang magiging asawa nito ay sobrang sakit. Mali yata ang pinili niyang araw ng pag-alis niya sa Pilipinas. Sana umalis na lang siya agad at di na hinayaang sumapit ang araw na ito. Masasaktan lang siya. Natutulala siya habang nakatingin sa mga taong naghahanda sa hardin. Wala siyang balak ayusin ang kanyang sarili dahil para sa kanya kamatayan ang mangyayari ngayong gabi. Wala siyang balak maging makisaya sa mga tao. Napakasakit para sa kanya ang ginagawa ni Kaiser. "Hija wala ka bang balak magbihis?" Tanong ng ama ni Kaiser. Hindi niya namalayan ang paglapit ng matandang lalaki sa kanya na labis niyang ikinagulat. "Dad naman ginulat ninyo po ako." Saad niya. Tumawa ito sa tinuran niya. "Ikaw naman kasi hija masyadong malalim ang iniisip mo. Hindi mo tuloy akong napansin.� Sabi nito "Sorry po dad. I was out of my mind." Malungkot na sabi niya. "It's okay hija. Bakit hindi ka pa nakabihis? Mamaya-maya ay mag-uumpisa na ang okasyon." Tanong nito. "Sorry Dad." Tinignan niya ang kabuoan nito. Sa damit nito ay handang handa na sa mangyayaring okasyan mamayang gabi. "Mag-aayos na po ako." Sabi ni Joyce. Akmang tatalikod na siya ng muli itong magsalita. "Hija may kahon na nakalatag sa kuwarto mo. Wear that dress tonight para sa iyo ang


damit na iyon." Sabi nito sa kanya. Buong kagalakan nginitian niya ito. "By the way dad you look good on that suit." Sabi niya at saka tuluyan na itong tinalikuran. Natawa ito. "Thanks hija." Pahabol na sabi nito. Mabilis na siyang naglakad patungo sa kanyang kuwarto. Pagpasok niya sa loob ay nakita niya ang kahon nakalatag sa kama. Binuksan niya iyon at nakita ang isang evening gown na kulay ube. Maganda ang disenyo ng damit. Batid niyang hapit na hapit iyon sa kanyang katawan. Dalawang buwan na din ang ipinagbubuntis niya. Hindi pa naman masyadong halata pero batid niyang napapansin na din ng kanyang ina ang pagbabagong anyo niya. Hindi lamang ito umuusisa. Tinitigan lamang niya ang damit na nasa kahon. Naisip niya na ang gabing ito ang tamang oras para sabihin niyang mahal niya si Kaiser. Haharapin na lamang niya ang katutuhanan sa mga sasabihin nito sa kanya. Kahit masakit tatangapin niya ang kasagutan ni Kaiser. Wala sa sariling tumalima siya upang magbihis at ayusin ang kanyang sarili. Sasabihin niya ang katutuhanan ng nararamdaman niyang pag-ibig sa lalaking pinakamamahal bago mahuli ang lahat. Tama ang payo ng ng kanyang ina. Mas mapapanatag siya kung masasabi niya ang katutuhanang mahal na mahal niya ito. Kaysa manatiling lihim sa kanya ang lahat. Nag-uumpisa na ang kasiyahan sa mansyon pero nanatiling nakaupo si Joyce sa loob ng kanyang kuwarto. Hindi niya alam kung lalabas siya at makikipagplastikan sa labas gayong nasasaktan naman siya. Naririnig niya ang bawat musikang pumapailanglang sa labas. Napabuntong hininga siya. "Kaya ko ito!" Pagpapalakas loob niya sa kanyang sarili. Lumabas siya sa kanyang kwarto at nagtungo sa teresa ng mansyon. Doon ay kitang kita niya ang mga taong nagkakasiyahan. Nahagip ang tingin niya sa nag-iisang lalaking minamahal niya. Kahit saang anggulo ito tignan ay napakaguwapo nito. Nakita rin niya si Trixia nakikipag-usap sa magkapatid na Julius at Justin. Napag-alaman niyang kapatid pala ni Kaiser ang dalawang lalaki. Mommy pala ni Kaiser si Aileen Madrigal. Mabuti na lamang pinatawad na ni Kaiser ang


mommy nito. Desidido na siyang kausapin si Kaiser bago isiwalat sa intablado ang nalalapit nitong pagpapakasal kay Trixia. Unti-unti niyang namalayan ang sariling tinatahak ang daan patungo sa labas ng bahay. Nakita siya ng kanyang ina at agad na lumapit. Ngumiti siya dito habang ang mga mata ay nakatingin sa lalaking pinakamamahal. "Mommy kakausapin ko lang po si Kaiser." Seryosong sabi niya. Akma na siyang lalapit kay Kaiser ng biglang lumapit si Trixia sa tabi nito. Napahinto siya sa paglapit sa lalaking minamahal. "O akala ko ba kakausapin mo si Kaiser?" Tanong ng mommy niya. "A--Ah... Oo nga mommy pupuntahan ko na nga.. Bumubuwelo lang ako." Sabi niya. Naglakad siya palapit sa kinaroroonan ni Kaiser at Trixia. KAISER was looking to the most beautiful woman of his life. Bagay kay Joyce ang damit nito. Siya mismo ang pumili sa damit na iyon upang isuot nito ngayong gabi sa pag-aannunsiyo ng nalalapit nilang pagpapakasal. Noong araw na nakita niya si Joyce sa Jewelry Store ay kasalukuyan siyang pipili ng singsing para dito. Nagpasama siya kay Trixia upang pumili ng singsing para kay Joyce mabuti na lang at naroon ito ng araw na iyon. Ngunit akala ni Joyce ay para kay Trixia ang singsing. Hinayaan niyang ganoon ang isipin nito upang sorpresahin ito ngayong gabi. Kasama nito si Justin Madrigal na kapatid pala niya. Sa mismong gabing iyon ay nakipagkita siya kay Justin matapos nitong ihatid si Joyce sa mansyon. Nalaman niyang mahal ni Justin si Trixia. Marami siyang nalaman ng gabing iyon. Nakausap din niya ang mommy nilang magkapatid. Napatawad na niya ang kanyang inang si Aileen Madrigal. Kumabog ng malakas ang puso ni Kaiser ng makitang lumalapit si Joyce. She was so beautiful as ever. Tuluyan itong nakalapit sa kanila. "K-Kaiser puwede ba tayong mag-usap privately kahit kaunting oras lang?" Tanong nito.


May lungkot sa mga mata nito. Nangingitim din ang mga mata nito. Halatang napuyat. Gusto niyang haplosin ang mukha ni Joyce. Mahal na mahal niya ito. Nakatulala lamang si Kaiser. Tumikhim si Trixia sa kanyang tabi upang ipaalam na kinakausap siya ni Joyce. "Kaiser tinatanong ka ni Joyce." Sabi nito na nagpabalik sa kanyang sarili. "O--Ofcourse." Tumayo siya at iginaya ito palayo sa maraming tao. Pumasok sila sa loob ng mansyon. Nagtungo sa may swimming pool sa likuran ng bahay. Tumalikod si Joyce sa kanya at naglakad paharap sa may swimming pool. "I will be leaving tomorrow morning." Pag-uumpisa nito. "Babalik na ako sa States. I hope na sana maging masaya ka with Trixia." Malungkot ang tono ng boses nito. Hindi mapigilan ni Joyce ang pagbulusog ng mga luha sa kanyang mga mata. Gustong gusto niyang yakapin si Kaiser kahit ngayon lang. Nahihirapan siyang pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Nagawa parin niyang magsalita ng maayos kahit nasasaktan siya. She really love him. Ayaw niyang iwanan ito pero kailangan niyang gawin upang hindi na siya masaktan. Nahiling niyang sana ay mahal din siya ni Kaiser. Lumapit ito sa kanya. "Bakit ka aalis Sweetheart?" Tanong nito. Napaiyak siya. Please stop calling me sweetheart. Mas lalo mo lang akong sinasaktan Kaiser. Pinahid niya ang luhang lumandas sa pisngi niya. “Dahil kailangan kitang iwasan. Ayaw kung masaktan sa katutuhanan magpapakasal ka na sa ibang babae." Gumaralgal ang tono ng kanyang boses. Kasabay ng muling pagbagsak ng kanyang tinitimping mga luha. Hinawakan ni Kaiser ang balikat niya at niyakap siya ng mahigpit. "Huwag kang umalis! Please don't leave me Joyce. Hindi ako papayag na iwanan mo ako." Buong puso nitong sabi sa kanya. Sa higpit ng yakap nito sa kanyang katawan ay damang-dama niya ang bawat init na nangagaling sa katawan nito. Mabilis ang bawat pagtibok ng kanyang puso.


"Ano ang ibig mong sabihin Kaiser?" Tanong ni Joyce. Kinalas niya ang mga kamay nitong nakayakap sa kanya. Humarap siya sa lalaking pinakamamahal. Kitang kita niya sa mga mata nito ang pagmamahal. "Mahal kita Joyce! Mahal na mahal kita. Please huwag mo akong iwan. Hindi ko kaya!" Madamdaming sabi nito sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula kay Kaiser. Tuloy-tuloy din ang pag-agos ng mga luha sa kanyang magandang mukha. Buo ang kasiyahang agad niyang binayo ang dibdib nito. "Bakit ngayon mo lang sinabi sakin na mahal mo pala ako?" Tumutulo ang mga luhang tanong niya. Hindi niya maipaliwanag ang sayang lumukob sa kanyang puso. "Please don't cry sweetheart." Pinahid nito ang mga luha sa kanyang mukha. "Noon pa kita minamahal. On that very first time I lead my eyes on you. Alam na ng puso ko na ikaw ang babaeng para sakin. Natatakot lang akong aminin sayo na mahal kita dahil alam kung hindi ka maniniwala sa mga sasabihin ko. Ayaw kung mawala ka sa buhay ko Joyce. Ayaw kung umalis ka. I love you sweetheart! Hindi ako magpapakasal kay Trixia dahil ikaw ang babaeng papakasalan. Yes! You heard me. Ikaw ang papakasalan ko." Sabi ni Kaiser. Hinaplos nito ang mukha niya. Dinampian ng halik sa mga labi niya. Magkahalong emosyon ang naramdaman niya. Naiyak siya. Hindi niya inaasahang mahal pala siya ni Kaiser. Lahat ng tinik. Agam-agam. Lungkot sa kayang puso ay napawi ng sabihin ni Kaiser ang katagang noon pa niya gustong marinig. "I love you too sweetheart. I’m sorry sinabi kung hindi kita mahal noon. Hindi naman iyon totoo dahil alam ng puso ko na mahal na mahal kita.� Sabi niya. Hinaplos niya ang pisngi nito. Tinitigan ito ng buong pagmamahal. "Mahal na mahal kita Kaiser ko! Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Magkaibigan lang kami ni Julius at hindi ko siya mahal. Si Justin naman ay kaibigan ko din.� Paliwanag niya.


“Hush sweetheart... I know!” Sabi ni Kaiser. Biglang kinabig nito ang kanyang batok niya at buong alab na hinalikan. Ginantihan niya ng buong pagmamahal ang mga halik ni Kaiser. Matagal niyang pinanabikan ang bawat halik at yakap nito. Punong puno ng kasiyahan ang puso niya. "Paano si Trixia?" Tanong niya ng matapos ang halikan nila. Gusto niyang maliwanagan sa mga nangyayari. Ayaw niyang panaginip lang ang lahat ng rebelasyong ni Kaiser. Akma na niyang tatalikuran ito ng bigla ulit nitong hawakan ang kamay niya. Dinala siya ni Kaiser pabalik sa party. Sumunod lang siya sa pinakamamahal na lalaki. Dinala siya sa harapan ng entablado kung saan kumakanta ang singer ng gabing iyon. Kinuha ni Kaiser ang micropono. "Good evening to each and everyone of you! I just want thank you for coming here tonight." Pag-uumpisa ni Kaiser. Tumahimik ang mga tao sa paligid nakinig sa mga sasabihin ni Kaiser. “Kaiser ano bang ginagawa mo?” Simpleng tanong niya sa lalaking minamahal. Lahat ng mga tao ay nakatingin sa kanilang dalawa ni Kaiser. Kinakabahan siya sa ginagawa nito. "Gusto kung malaman ninyong lahat kung gaano ko kamahal si Joyce Fontanilla. My future wife. Gusto kung maging saksi kayong lahat sa pag-ibig na inaalay ko sa babaeng ito. My sweetheart.” Sabi ni Kaiser na nakatingin sa kanya. Ngumiti ito. “Joyce mahal na mahal kita. Ikaw ang nagbago sakin. Ikaw ang nagpatibok sa puso kung womanizer. Pangako na ikaw lang ang babaeng iibigin ko." Nagniningning ang mga mata ni Kaiser na nakatitig sa kanya. May kinuha itong isang maliit na kahon. Binuksan iyon at lumuhod sa kanyang harapan. "Joyce will you marry me?" Sinserong tanong nito sa kanya. Natutop niya ang kanyang mga bibig. Halos mapaiyak siya sa kasiyahan lumukob sa kanyang puso. Kitang-kita niya ang kislap ng diamond ring na nagustuhan niyang bilhin sa jewelry store noon. Kaya pala siya pinapasukat ng singsing ni Trixia noon ay dahil alam nito ang


mga binabalak ni Kaiser na sorpresa para sa kanya. Titig na titig ito sa mga mata niya. "Yes Kaiser. I would love to your wife and a mother of your children. I will marry you Kaiser." Puno ng kasiyahang sagot niya. Biglang lumiwanag ang mukha ni Kaiser sa isinagot niya. Agad nitong kinuha ang kamay niya at ipinasok ang singsing sa daliri niya. Tinignan niya ang singsing. Bigla niyang niyakap ni Kaiser. Hinalikan sa mga labi. Nagpalakpakan ang maraming tao. Maraming bumati sa kanila. Kitang kita niya ang pagyayakapan ni Justin at Trixia. Doon lang niya nalaman na nagmamahal pala ang dalawa. Nakumpleto ang kasiyahan niya ng gabing iyon. "Sweetheart I have a surprise for you." Bulong ni Kaiser habang sumasayaw sila sa saliw ng mahinang tugtugin kasama ang mga ibang magkaparihas. Nginitian niya ito. "You are giving me too much surprise sweetheart. Ano ba ang surpresa mo?" Tanong niya. Napapangiting hinalikan nito ang labi niya. "Come with me!" Bulong ni Kaiser. Nagpaalam sila sa kanilang magulang at dali-daling nilisan ang lugar. Sumama siya kay Kaiser. Huminto ang sasakyan nito sa isang napakalaking bahay. Namangha siya sa ganda ng bahay na iyon. Binuksan ni Kaiser ang pintuan ng sasakyan nito. Bumaba siya. Humawak siya sa kamay nito. "Halika sweetheart. Tumayo ka dito" Utos ni Kaiser sa kanya. Tumayo siya sa harap ng gate ng malaking bahay. May pinindot si Kaiser sa controler na hawak nito. Biglang lumiwanag ang buong paligid at nagkislapin ng ibat-ibang ilaw sa buong paligid. Napakaganda. Namangha siya sa disenyo ng bahay at sa mga ilaw sa buong paligid. Nabasa niya ang nakasulat sa mga ilaw. "I LOVE YOU JOYCE!" Ito ang nakasulat sa mga ilaw na parang christmas light sa ganda. Niyakap niya si Kaiser ng buong higpit. "I love you too Kaiser. I love you with all my


heart." Bulong niya. Hinalikan ni Kaiser ang mga labi niya. Pumasok sila sa loob ng malaking bahay. Binuksan nito ang pintuan. Nakita niya ang isang malaking picture nila ni Kaiser na magkayap. "This house is yours, sweetheart." Sabi nito habang nakayakap sa kanya. "Wow Kaiser ang ganda ng bahay. This is our house, sweetheart." Sabi ni Joyce. Hinalikan ni Joyce ang mga labi niya. "Let's not talk now. Sayang ang oras e. Bilisan nalang natin para makarami tayo." Ngingiti-ngiting sabi nito sabay pangko sa kanya at dinala sa master bedroom. Nagpaubaya naman siya kay Kaiser ng gabing iyon. Malaya niyang tinugon ang bawat halik nito. Lumalim ng lumalim ang halikan namamagitan sa kanila katulad ng paglalim ng gabi. Uminit ng uminit ang nag-liliyab nilang katawan na parang naglalagablab na apoy. Hindi niya namalayan na tuluyan ng nahubad na pala ni Kaiser ang magandang bestidang isinuot niya kanina. Kaiser hands traveled all over her body and also his lips kisses every sensitive part of her skin. Nasasabik siya sa bawat pagdampi ng labi nito sa kanyang katawan. He lowered his tounge to her most beautiful twins mountains. Habang ang mga kamay nitoy humahaplos sa kayang buong katawan. Hindi niya napigilan ang mapaungol dala ng ginagawa ni Kaiser. Nagpaubaya siya dito hanggang kusa na silang nagkaroon ng satisfaction. KINAUMAGAHAN pagdilat ng mga mata ni Joyce ay tumambad ang nagkalat na mga petals at pulang rosas sa buong kuwarto. Napangiti siya sa ganda ng mga iyon. Wala na si Kaiser sa kama ngunit may tatlong rosas naman siyang nakita sa unan ni Kaiser may nakasabit doon na isang papel. Binasa niya ang nakasulat sa papel. Good morning my sweetheart. Thank you for loving me and for making me happy. I love you so much. Love Kaiser. Iyon lang ang nabasa niya sa sulat. Bumaba siya sa kama at isinuot ang nakahandang


damit sa may kama. Hinanap niya si Kaiser. Naglakad siya patungo sa ibaba ng bahay. Nakita niya si Kaiser na nagdidilig ng mga halaman. Napangiti siya. Tumingin ito sa kanya. Lumapit ito at hinila siya. Pinagsalikop ng mga braso nito ang beywang niya. "Good morning sweetheart." Sabi nito at ginawaran ng masuyong halik. "Good morning sweetheart.� Nakangiting sambit niya. “Hindi ko alam na mahilig ka sa mga halaman?" Tanong niya. "Oo naman. Ang mga bulaklak na ito ay katulad mong napakaganda. Nagustuhan mo ba ang nagkalat na petals sa loob ng kuwarto?" Tanong nito. Tumango siya. "I like it. Sweetheart may sasabihin sana ako sayo." Seryosong sabi niya. Nagtatakang kumunot ang noo nito. "Ano iyon? Importante ba iyan kaysa sakin?" Tanong nito at tuluyan ng tumitig sa kanya. Napangiti siya. "Yes, it's very important." Sabi niya. "Dahil magiging daddy ka na. Buntis ako two months na. Sorry hindi ko nasabi agad sayo kasi naman natatakog akong hindi mo siya tanggapin." Sabi ni Joyce. "Ano buntis ka?" Halos hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Hinaplos nito ang maliit pa niyang diyan. "Oo." Sagot niya. Biglang umaliwalas ang mukha nito. Sa katuwaan ay binuhat siya at inikot-ikot sa ere. "Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya Joyce. I love you! I love you!" Paulit-ulit nitong sabi sa kanya. "I Love you too Kaiser." Sabi niya Hindi matatawaran ang kaligayahang nararamdaman.


The End!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.