CSU Olympics 2016 Day 2 Newsletter 8.5x13in

Page 1

3 Red Strikers mai nagpapunok, puminusak ning 3-0 rekord

6 Kulturang Isteyt presents: Maboteng Usapan

Vol. XIII. No. 2 | August 19, 2015

Isteytsman Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes

FREE

Huros Scope ni Kitoy Inside

Unit I, binatir-batir ang Unit IV sa kampeonato ning baseball

P

TULOY ANG WARLA. Walang puknat ang drama at aksiyon sa ikalawang araw ng CSU Olympics.

The CSU Statesman Lensmen Pool

inanamit nin tap-og ning pagkadaog ang Unit IV ning mga parabatir ning Unit I matapos ang ba’ba’an sa limang inning, 7-5 sa laban para sa kampeonato nin baseball. Sinigurado ning Unit IV ang lamang sa puon ning kawat, 3-1 matapos makabiltada sila Prince Magtangob, John Vincent Concepcion buda Reymark Villarete sa home base ning inot na inning. Namintinar ning Unit IV ang kalamangan sa ikaduwang inning pero bumina£os ang Unit I matapos ang duwang beses na pagsapo ni left fielder Braddy Tojot (flyout) sa batir ni Glaudioso De Jesus, pitcher buda National SCUAA player sa inot buda ikatulong inning kasabay ning pagbilta sa homebase nila Jessie Adornado, Tojot, Kenneth Reyes buda Zandro Benavidez, 6-4, pabor sa Unit I. Mai nagtaohan ning puntos ang duwang koponan sa pang-apat na inning pero sa top of the fifth inning, si Julius Vargas sana ang nakaiskor sa Unit I, 7-4.

sundan sa pahina 7

Tugay ng Unit IV jinupangpang si Benavidez ng Unit II

M

atapos ang tatlong rounds ng umaatikabong bakbakan at matinding palitan ng mga suntok, naungusan ni Dominic Tugay ng Unit IV si Rolan Benavidez ng Unit II via split decision sa unang laban ng dinumog na boksing, Light Flyweight Division, Agosto 19, 2015, sa harap ng CSU gymnasium. Kitang-kita sa round 1 ang pagkaagresibo ng dalawa sa pagpapalitan ng kombinasyon ng jab, right at left hook. Pinaulanan ni Tugay sa unang minute pa lang ang katunggali ng malulutong na left hook at sinabayan pa ng mabilis na footwork. Tinangkang sabayan ni Benavidez ang liksi ng katunggali sa pamamagitan ng pagpapakawala ng left hook at counter punches ngunit nailagan ni Tugay na nagresulta sa 3027 na iskor, pabor sa Unit IV. Sa pagpasok ng ikalawang round, agad na lumusob si Tugay kasabay ng kanyang left hooks ngunit iilan lamang sa mga ito ang tumama kay Benavidez. Nasalo ni Tugay ang isang malakas na straight punch at left hook mula sa kalaban na naging dahilan upang

NAJUMBAG. Isang mainit na left hook ang pinakawalan ni Jonard Bayubay ng Unit II na tumama sa kalabang si Jesibel Bobier ng Unit I. NFBT

lumamang ang Unit II, 28-29. Humataw si Benavidez ng malalakas na jabs at left hooks sa ikatlong round. Sinagot naman siya ni Tugay ng isang malutong na right hook na tumama sa mukha ni Benavidez, ngunit hindi ito naging sapat upang maipanalo ng ang round, 28-29. Sa huli, nananaig pa rin ang Unit

IV sa ring. Kabaliktaran naman ang naging resulta ng laban ng iba pang boksingero ng Unit II na nagtala ng apat na panalo sa iba’t ibang dibisyon kontra Unit I. Light Flyweight Division Nagapi ni Glesie Fernandez

sundan sa pahina 7


2

Balita

The CSU Statesman | August 19, 2015

VOL XIII. NO. 2

Mga pa£abatir ning Yellow pinaubaob ning Blue sa Softball P inadamuag ning mga pa£abatir ning blue ang mga nakadilaw sa pagbungag ning sunod sunod na strike na nakapasakit sa dilaw na makabuhat sa championship game ning softball sa CSU Oval suhapon. Binungag-bungag ning fast pitch ni Maika Jaira Tabor, SCUAA player, sa first inning ang Blue na nakapa-strike out sa first timer na si Janella Mendoza buda sa SCUAA player man na si Vanessa Bea Taroy. Nalagpasan ni Donita Mae Teaño, SCUAA player pati team captain ning Blue, ang mabilis na pitch buda nagpaturaroy hanggang sa makatapos ning sarong homerun. Samantala, nakaalpas man si Pamela Joy Traqueña sa mga pitch ni Tabor, pero, ang first base fielder na si Jessa Traqueña, SCUAA player, dai tuminugot na makaabot siya sa base. Bumina£os tu£os ang Blue kang ginamitan ni Taroy ning mga paniguradong pitch ang tulong batters ning Yellow na sunod sunod na nagstrikeout. Natapos ang enot na set pabor sa Blue, 1-0.

Pinanamit otro ni Tabor ning fast pitch ang blue na nabatir ni Teaño buda Traqueña. Nakalusot ning duwang sunod na homerun ang Blue. Binugsakan ni Taroy ning tulong strikes si Tabor buda si Traqueña na nakatao sa grupo ning duwang sunod na strikeout sa pagpwesto ning asul sa opensa. Nagkaigwa pa ning sarong foul out ang dilaw kaya Blue na naman ang nangibabaw, 3-0. Padagos si Tabor sa pagtao ning mga fast pitches na nasabayan man na Taroy, Teaño buda Petajen sa paglaog ning ikatulong inning. Himunan sa Mealyn Masagca na Palarong Pambansa player, PJ Traqueña buda Wency De Quiros dai nakasabay sa timing ning pagbungag ni Tabor na nakatao sa Blue ning tulong sunod na strikeout. Nakahomerun pa man syempre ang tulong strikers na nakaalpas sa bagsik ning bolang tinubong ni Tabor. Blue man syempre ang nanggana sa 6-0 na iskor. “Ang bola yapabayaan nyo. Dapa kung dapa,” sugo ni Sienna Mae Vargas, SCUAA player buda team

captain ning dilaw, sa kiyang mga fielder bago magpwesto ang Yellow sa bat. Pakatapos kahu£unon ni Vargas ang mga ka-team, enot na puminwesto si Tojon sa bat. Tinauhan otro ni Taroy ning slow pitch ang batter. Pinakol man ni Tojon ang bola buda buminuag ning apura hanggang sa makahomebase. Pakatapos ning homebase ni Tojon, nagsunod sunod ning strikeout ang Yellow sa pangrebansang slow pitch ni Taroy. Sa pagpuwesto ning Blue sa depensa, nanao ning free ride ang Yellow kaya nakaabot ning base 1 buda 2 sa Tobiera buda Mendoza. Sinabayan ning batir ni Taroy, Teaño, Masagca, Jinky Petajen pati Traqueña PJ ang kusog ning bungag ni Tabor. Sunod sunod na nakahomerun sina Tobiera, Mendoza buda Taroy. Na-foul out na naman si Teaño buda si Masagca sa pagbuag papunta sa home base. Naestranded si PJ Traqueña sa base 2. Nastrikeout ang blue. Natapos ang kawat sa iskor na 10-1, pabor sa Blue. Ariadne Mae Tesorero

Manlalaro ng Unit I nagkatunggali, nagpasiklab sa Arnis

PULANG-PULA. PALUNG-PALO.. Malakas na hampas ang inibinala ng Arnis player ng unit I laban sa ka-yunit nito.

C

ounter attacks at bilis ang naging susi ni Randy Carlo D. Corderia para makuha ang panalo kontra kay Charlie Santos sa Arnis competition sa CSU gymnasium, August 19, 2015.

Binuhos ni Corderia ang lahat sa matinding banggaan gamit ang kanyang liksi at lakas ng pag palo na nagbigay sa kanya ng 2-1 na panalo. Sinungkit agad ni Corderia ang

unang round sa sagupaan nila ni Santos sa pamamagitan ng malalakas at mabibilis na crown at temple hits na nagtala ng 6-4, pabor kay Corderia. Samantala sa huling yugto ng second round, tinibag ni Santos ang lumamyang depensa ni Corderia, at sunod sunod na sumuwag, dahilan upang mapalabas ito ng tatlong beses sa linya at na diskwalipika. Pinayuko ni Corderia ang katunggali sa pamamagitan ng mga counter attacks na nagbigay ng apat na crown hits at naihabol pa ang isang disarm sa pagtatapos ng ikatlong round. Masayang tinangap ni Corderia ang una niyang panalo, nakangiti namang nakipagkamay si Santos dahil sa ganda ng laban. Ang magkatunggali ay pawang manlalaro ng Unit I, at parehong mageensayo para sa darating na Regional SCUAA 2015. Demetrio Celestino III


VOL XIII. NO. 2

August 19, 2015 | The CSU Statesman

Red Strikers mai nagpapunok, puminusak ning 3-0 rekord

ROGER THAT. Pinanginutan ni striker John Gerald Tablizo (gitna) ang pag-set ning game plan na nagpasakit sa kalaban nilang Unit III sa elimination round ning Sepak tourney. JCRM

P

inanghinuragan ning Red Strikers ang gabos na kalaban gamit ang matinding pagkontrol sa daragan nin kawat nganing makuha ang malinig na rekord, 3-0 sa Sepak Takraw na pinanginutan nina John Gerald Tablizo pati James Michael Lizardo. Naging mahapdos ang pagbaros ning Red Strikers sa defending

Champs (Unit III) na duminaog sa kila kan nakaaging finals na nagtala ning 15-11, 13-15, 15-8, 15-11 na pang gana. Pinusak-pusakan ni Tablizo ning 15 spikes kakambar ang warong makukusog na headers ni Lizardo na nagpasakit sa mga Dilaw. Nagparatabla ang iskor ning kada regu 6-all, 10-all na siyang gapatunay na mai basta-bastang mapadaog ang

Balita

3

parehong koponan, hanggang sa puminaltos ang mga serve ning Unit III dahilan nganing gumana ang Red strikers, 15-11 sa enot na set. Sa pagbukas ning ikawhang set, binulaga ni SCUAA player James Michael Lizardo ang Unit III gamit ang gahagubuhob na head spikes pero diretso man na sinimbag ning matatarum na roll spikes ni Peter Calvin Bueno ta nganing dumukot ang iskor sa 9-all. Mi na tinugutan pa ni Bueno na makuha ning kalaban ang pabor kaya sila nakaasba buda nanggana gamit ang kiyang mga mapanlokong placings sa dulo ning ikawhang set, 15-13. Buminawi man ang Red Strikers sa ikatulong set ning yung kinahilak buda pinusa nila ang maluyang depensa ning Yellow Spikers dahil sa duo nina Tablizo at Lizardo, 15-8. Binaya-bayaan na ning Reds ang Yellow Spikers sa ikaapat na set hanggang nakaabot sa puntong pito ang lamang nila, 14-7, natapos ang hugmakan sa ere pabor sa Red Strikers, 15-11. “Naging magayon ang gameplan mi tsaka dalawang SCUAA player kami kaya nakalamang,” sabi ni Lizardo matapos manggana sa kawat. “Mas naging maurag sila sa teknik,” pag-amin ni Bueno ning Unit III. John Carlo R. Montero

Magdaraog, naka-goal; ipinanalo ang Unit II

W

inasak ng Blue Assailants ang pangarap ng Red Attackers para sa championship matapos nilang makaiskor sa pamamagitan ni Mark Kenneth Magdaraog sa naganap na shoot-out, 1-0. Kapansin-pansin ang walang patumpik-tumpik na opensa ng Red Attackers habang todo bigay naman sa depensa ang kabilang koponan. “Magayon talaga su opensa mi pero makusog man talaga ang depensa kan Unit II,” sabi ni Jay Tabuzo ng Red Attackers. Malimit sa parehong koponan ang mga muntikang goals ngunit sadyang mabibilis ang mga mata at paa ng 18 taong gulang na National SCUAA player ng Unit I, Ken Kozma at ng beteranong Regional SCUAA player ng Unit II, Allan Tabuzo na siyang humahatak sa galaw ng laro. Nataps ang isa’t kalahating oras ng laro na wala man lang naka-jackpot ng goal sa magkabilang grupo.

Babay Ken! Nabigong makapasok sa championship match ang Unit I na pinamunuan ni National SCUAA player na si Ken D. Kozma (jersey no. 11). MATB

Bunga nito, nagkaroon ng isang shoot-out kung saan namili ng limanag manlalaro kada team at sinubukang makaiskor ng goal. Sa kasamaang palad, wala ni isa sa

magkabilang koponan ang naka-goal dahilan para tumawag ulit ng isa pang shoot-out. Ginawa na lamang na tatlo ang nagtunggalian para magkaroon ng goal. Andrea S. Morales


4

Balita

The CSU Statesman | August 19, 2015

VOL XIII. NO. 2

Unit I at II, humakot ng medalya sa kampyonato

N

agpamalas ang Unit I jins ng lumalagapak na mga sipa na rumagasa sa bawat match nila sa Taekwondo Championships Nag-uwi ng gintong medalya ang jins ng Unit I na sina Michelle S. Tomagan (Flyweight), Vladimir T. Manuguid (Bantamweight), John Renald O. Eusebio (Featherweight) at Eric Broñola (Lightweight). Timapos ni Vladimir T. Manuguid ang kanyang unang match laban kay John Lary Alonzo (parehong Unit 1)

sa pamamagitan ng kanyang malasledgehammer na turning kick na nagpadugo ng kaliwang kilay ni Alonzo. Agad namang nalunasan ng medical team ang nangyaring insidente. Samantala, nagkamit rin ng ginto sina Jorge T. Cipriano Jr. (Pinweight) at Gringo V. Teves (Flyweight) sa Men’s category matapos patumbahin ang katunggaliang manlalaro ng Unit II at Unit III. Kasama nilang lalahok mula

Laban ng magkasangga: Abrasaldo nanaig kontra Tatad

N

anaig si Romy Abrasaldo ng Unit I kontra sa kakampi nito sa Regional SCUAA at kampeon na si Jeezer Tatad, quarterfinals ng lawn tennis, (iskor). “Excited ako ta dati magkakampi kami sa SCUAA. May thrill,” pag-amin ni Abarasaldo ilang minuto bago ang laro kasunod ng pag-asam ni Tatad ng isang matinding sagupaan. Sa pagsibol ng game 1, maagang nagpasikat ang server na si Abrasaldo nang magpaulan ito ng sunod-sunod na backhand at forehand smash na nahirapang idepensa ni Tatad at nauwi sa buena manong love-game. Pinatunayan naman ni Tatad ang tibay ng kanyang depensa ng magtala ito ng break service sa game 3, 1-2. Ngunit nagmistulang huling puntos na ‘yon ng Unit II ng maangkin ni Abrasaldo ang ikaapat hanggang ikasiyam na game, 4-2, 5-2, 6-2, 7-2. “One-sided ang kinaluwasan ning score ning match,” komento ni Taway na manlalaro rin ng tennis

na sinuportahan naman ng isa pang player. ”Parang love na unrequited,” dagdag pa niya. Kahit nangunguna ay hindi nagpapigil si Abrasaldo sa pagdomina sa pamamagitan ng mabibilis niyang mga atake na hindi nagawang masabayan ni Tatad. Hindi rin nagtagal winakasan na ni Abrasaldo ang kanilang match, 8-2, wagi ang Unit I. Inamin ni Tatad na nagkulang siya sa effort at practice at mapagkumbabang tinanggap ang pagkatalo. “Nagkaigwa ako ning dagdag confidence sa pagkawat. Ready na ako sa SCUAA,” may angas namang saad ni Abrasaldo. Napuri naman ni Prof. Edwin T. Romero, trainor ng SCUAA, ang dalawa niyang manlalaro. “Pang national ang performance kang duwa,” dagdag pa niya. Roy D. Tablate

sa kanilang Unit sa darating na SCUAA sina Jimilou Grace Valeza (Lightweight), Karen Traqueña (Welterweight), John Oliver Sorreda (Welterweight), Mark Kenneth Tabuzo (Middleweight), Maudelle Averilla (Heavyweight). Katulad ng Unit I at II, nakasungkit din sina Mary Joy Idanan (Pinweight), Kristina T. Bañas (Bantamweight) at Angeline V. Borja (Featherweight), ng Unit III ng gintong medalya. Neil T. Trilles

Ogena ng Unit III, pinaluhod si Magtangob ng Unit IV

P

inaulanan ng Yellow lady netter ng mababagsik na tira ang katunggaling mula sa Unit IV upang pagharian ang tatlong set sa ikalawang araw ng bakbakan sa badminton. Magandang panimula ang ipinamalas ng two-time SCUAA player, Angieluz C. Ogena kontra kay Jacquelyn Magtangob ng Unit IV. Unang nakuha ng Unit IV ang puntos sa unang set ng laro pero sadyang seesaw battle ang naganap ang dalawang nagtutuos kaya naging pantay ang puntos nila, 5-5. Para tuluyang i-break ang tie, pinaulanan ng bawat isa ng sunodsunod na rally ng heavy kill shot dahilan para lalo pang pasiklabin ang laro. Hindi naging sapat ang mga net shots at rally points ni Magtangob kontra sa depensa ni Ogena at tulyan itong naselyuhan ang set. 21-11. Matapos ang sunod-sunod na rally at batuhan ng mga smashes na nagpalagablab sa laro, nauwi ang ikalawang set sa 21-19, pabor ulit sa Unit III. Walang humpay pa rin si Ogena sa pagpakain kay Magtangob ng mababangis na tira ng kanyang raketa at tuluyang nasungkit ang panalo sa laro kabuuang iskor na 21-11, 21-19, at 21-5. Arnila C. Saldua


VOL XIII. NO. 2

Balita

August 19, 2015 | The CSU Statesman

Huros Scope ni Kitoy Aminin niyo, namiss niyo ‘ko. Yeee! Matagal akong nawala dahil ako’y napaunlakang maging guest speaker sa 59 fortune telling conventions sa iba’t ibang panig ng mundo. Ngayon ako’y muling nagbabalik upang ihayag ang inyong kapalaran. [cue ill_never_go_-_erik_santos.mp3]

Aries (March 21-April 20) Bumagal ang pag-inog ng mundo at hindi maayos ang posisyon ng iyong constellation. Maaring maapektuhan din nito ang ibang zodiacs. Upang maiwasan ang masasamang epekto nito, kakailanganin mong mag-ipon ng sapat na kulangot, pagbiyak-biyakin ito at bilugin gaya ng bala sa pellet gun. Idikit ang mga ito sa dingding ng iyong college at sundin ang pattern ng iyong constellation. Taurus (April 21-March May) 21) Ikaw ang pinakamaswerte sa lahat ng zodiac. ‘Yan ay kung makikipag-usap ka sa lahat ng makakasalamuha mo via interpretative dance. Gemini (May 22-June 21) Kung ang Taurus ang pinakamaswerte, ikaw naman ang pinakamalas. Maghanap ng isang estudyanteng ka-height mo at i-recite ito: “Kapangyarihan ng Araw, Taglay ang Liwanag, Kambal na Lakas, Kami aaaaaaaaang Super Twins!” Sa paraang ito, hindi ka na mag-iisang malas, dalawa na kayo. Shareshare ba. Wag ipaalam ditong magiging malas din siya. Cancer (June 22-July 22) Hindi ito madalas mangyari ngunit hindi ko masasabi kung magiging swerte ka nga ba o malas ngayong araw. Kumain ng sampung santol kasama ang buto at hintaying tumubo ito. Baka sakaling maging swerte ka. Baka sakali lang ha. Leo (July 23-August 22) Hanapin si Leo sa CBO. Hindi mo siya kilala. Isigaw mo lang ngalan niya hanggang lumapit siya sayo. May ibibigay siya sa ‘yong bato at dapat mo itong dalhin saan ka man pumunta. Ito ang magbibigay ng iyong swerte. Virgo (August 23-Septemer 22) Isa ka sa tatlong maapektuhan ng posisyon ng celestial sphere. Se-swertehin ka kung ika’y sasayaw buong araw ala-Sexbomb Rochelle Pangilinan na hindi ginagalaw ang kamay habang kinakanta ang themesong ng Daisy Siete Season 1, yung remix. Maghanap ng mga kasamahan at tawagin silang Sexbomb Jopay at Cheche. Libra (September 23 – October 22) Makipag-away sa isang tindera sa CBO at angkinin ang kanyang tindahan. Bulyawan siya at sabihing “Walang sayo Nicole!” Siguraduhing isa siyang Taurus. Scorpio (October 23-Novemeber 21) Malas ka dahil sobrang pangit mo. Congenital yang kamalasan mo at walang kinalaman ang iyong constellation dito. Sagittarius (November 22-January 20) Dahil Saguittarius ka, December) malaki ang tiyansang masagi ka ng kahit na anong sasakyan ngayong araw. Upang maiwasan ito, ikaw na ang unang sumagi sa sasakyan. Capricorn (December 22-January 20) Pangatlo sa Taurus at Gemini, ikaw ay tinaguring pinakamaswerte sa lahat ng zodiac, wag mo lang putulin jebs mo. Pisces (February 20-March 20) Magbaon ng isang piraso ng tinapa at ito’y ipitin sa brief o panty. Wag mag-inarte dahil ito lamang ang makatutulong sayong makaligtas sa kamalasan.

5

Unit II pumoste ng perpektong record sa chess

P

inanatili ng koponan ng Unit II ang pagiging defending champion nang pumoste ng perpektong record at ipatikim ang pait ng pagkatalo sa Unit IV at I sa ginawang Chess Tournament kahapon. Hindi naging madali para sa mga beteranong Blue wood pushers na pataubin ang mga kalaban sapagkat naging agresibo rin ang mga berde na maagaw ang pinanghahawakang titulo ng Unit II. Maagang winakasan ng 19 taong gulang na si Andres Buendia II na naging kalahok ng Palarong Bikol, ang laban kontra baguhang manlalaro na si Paulo Velasco. Samantala naging patas naman ang laban ni James Salvador ng Unit IV kontra 21 taong gulang na si Rone Lumbao na siya ring naging bahagi ng nakaraang Palarong Pambansa. “Parehas kami na may opportunity na manggana tan-a, kaso minsan nagkakamali talaga ta adyan su pressure,” pahayag ni Salvador Sa kabilang panig, dahil sa pagnanasang mapanatili ang titulo mas lalong lumakas ang depensa ng Unit II sa pakikipagsagupaan nito sa Unit I. Agad na inungusan nina Buendia, Lumbao, at ng kasamahang nitong si Jeff Alser V. Teoxon, SCUAA player ng nakalipas na taon ang mga karibal na sina Sargote, Samido, at Anonuevo. Sa kabilang dako, namayagpag naman ang bandera ng tagumpay para sa mga lady Blue chessers nang ipinamalas nina Marjoreen Sabeniano, 20 taong gulang SCUAA player, Angelou Tatad, 1st year Civil Engineering student at Rona Bernardo,1st year BS math student ang kanilang natatanging talento sa larangan ng chess na nagpayuko sa kanilang mga katunggali. Jonel Hong

ERRATUM: ZORINA POE! Constipated lang.

Sina Villaflor at Manlangit ang tunay na nanalo sa nailathalang balita kahapon. (Blue overshadows Red in lawn tennis tourney, 8-3)Nais po naming humingi ng paumanhin sa naapektohan.


6

kulturang isteyt The CSU Statesman | August 18, 2015

VOL XIII. NO. 2

Kulturang Isteyt presents

Maboteng Usapan “Shot pre! Hayor an daog ako kasubago ning P200 sa boxing! Mayad pang dai ako nagtaya duman sa ki Ikoy… matagas man sana palan na hilingon!” “Orayt lang an padi! Magbawi ka na lang sa masunod, o kaya magbali ka na sana ta ako man ang mataya saimo ning P300!” Pustahan Culture May mga tao talagang gustong yakapin lagi ang walang kasiguruhan; mga taong nagnanais ng “easy money”, busog na ang mata siyempre pati bulsa. Magmula sa NBA Finals, laban ni Pacquiao, lotto balls, ang manok na bolik at pati na ang buwan ng kapanganakan ng buntis napagpupustahan na, sa Olympics pa kaya? Inilabas ang mangilan- ngilan lamang na baryang naipon sa pagbabakasakaling madoble ito sa pamamagitan ng pagpupusta. Mahahalata sila sa dahil sila kalimitan sa mga manonood ang pinakamaingay dala ng tensyon at init sa naaamoy na tagumpay. Sa kabilang banda, sila ring mga mala-Santo kahinhin ay taimtim at maluha-luhang nagdarasal na makabawi pa ang kanilang mga manok sa laban. Sugal man o katuwaan lang ang tingin sa “pustahan”, hindi maikakailang parte na ito ng kalakaran. Dagdag tensyon, ingay at excitement sa bawat laban. “Dakol ning naghiling noh! Nasakitan pati ako makahanap ning parkingan ko kasubag-o kaso motor ko.” “Ay inay boi, pag ingat sana jan sa paghanap ning mga piga parkingan mo ta mala mong igwa pa sanang nahab onan ning motor. Mayad ngani ta na CCTV, malas niya.”

HuliCam Kung may tenga ang lupa, may pakpak ang balita, tiyak may mata naman ang CCTV. Kamakailan lamang ng mapatunayang hindi pumapalya ang mapagmatyag na mata nitong di dinadalaw ng antok. Mahihirapan na ang mga kapatid ni Lupin III sa pagpuslit ng mga computer units. Sa mala X-Ray shades nitong vision tiyak pati ang sasabog nang tagyawat ay makukunan. Tandaan, hindi lang naman ang mapangahas, mapagmatyag at matanglawin na mata ng CCTV at magiting security ang nakatingin saiyo. May mata rin ako at kasama ko si Bro. Nasa paligid lamang siya. “Paabot daw boi kang posporo,

talapsi ko na. Halat, nangain palan an si Boylaki ta dai ko an nahiling kasubag-o? Siya pa ang nag agda sako na magkawat tan a tapos siya pa su wala.” “ Inda man kaan boi, sain man daw an nagsuloksok.” Biglang Liko “Saan ka ba talaga pupunta ha Karen (KaladKaren)? Ginawa mo pang dahilan ang panonood ng CSU Olympics.”

Hindi naman talaga kasi sa playing courts ang final destination, ang karamiha’y nagpapakalunod sa alcohol at usok ng sigarilyo. Sila ang nadadala ng mga barkada na kadalasa’y umaga na kung makauwi. Sila ang mga kasali sa Tropang Dragon sa madalas na pagsuka sa sobrang kalasingan. Ang dapat sanang paglalaro ng Chess sa campus ay nauwi sa Chess sa makasalanang Bording Hawses. Sabik sa sabik ma’y malambing nilang kinakain ang kani-kaniyang mga pyesa na kahit anong tigas ay pinipiling magpaubaya sa saliw ng Dahan Dahan Lang ni Maja Salvador. Ang dapat sanang relax na sports ay naging maalab at marahas na pagmamatehan. Saksi ang mala-Xmas light na LED bulb sa muling pagkakasala ng inosenteng kwartong iyon. Dinaig ng kanilang makapangubos lakas na Chess Match ang lahat ng sports sa Olympics. Lupaypay ma’t halos wala ng lakas para maglakad, baon nila ang masayang pangitain ng kanilang bakbakan, malayo sa ingay ng madla. Malayo sa kanilang dapat sana’y destinasyon. “Ubos na? hamag an, makasalo pa tana kita kung dai ako pigkolektahan kasubag-o ning P40 na Olympics fee daa.” “ Mayad ngani sainyo padi ta P40 sana, ya samo baga P50, pandota tan-a ito.” Fines is FOREVER <3 <3 “Saan ka man, di kita tatantanan.” Hindi ka pa man nakakapasok sa gate ay may utang ka ng kelangan mong bayaran. Utang na kahit nakasuot ka na ng toga ay nakasunod pa. Pilitin mang tumakbo at lumayo dito’y di mo magagawa. Hello? Mag eenroll ka kaya, bayad ka muna bago tentative. Naniniwala na ako sa forever at synonym niya ang fines. “Hoy! Anong oras na palan? Matime out pa kita, sayang man ang P20, pangtuba na ito. Boylaki mata na, bayaan ka nimi uya! Asikaso!!”

Panulat: Allan-Jay B. Madrid Grapiks: Demetrio Celestino III Desinyo ng Pahina: JTI with special participation of AJFT


VOL XIII. NO. 2

August 19, 2015 | The CSU Statesman

Opinyon

7

Buti pa si Megan, forever young ako at hindi maimagine ang sarili bilang parte ng lakaspaggawa. Gusto ko munang

P

arang ayoko pang tumanda. Ayoko pang gumising ng sobrang aga para lang maging isang rutinaryong robot at magpalamon sa sistemang wala nang ikabubulok pa. Ayoko pang mamamilya para lang hulmahin ng lipunan ang aking mga magiging anak, para sa huli sila’y manikluhod sa kababawan at propagasyon ng sangkatauhan. Ayoko pang mag bayad ng tax este sustentuhan ang mga salaula sa gobyerno. Kanina lang, napag usapan namin ng kapwa editors ko kung ano kayang mangyayari sa aming lahat in 10 year’s time. Sabi nila sa siyudad daw ako mamumuhay bilang isang corporate stooge. Napaisip

Tatlong buwan na lang at magbebente anyos na ako. Sana bago ang lahat, makagawa ako ng isang bagay na maipagmamalaki ko, isang bagay na mas higit pa sa akin.

maglaro at i-celebrate ang buhay. Gusto kong bumili ng GoPro at longboard

Tugay ng Unit IV...

para masimulan ko na ang aking YouTube career. Gusto ko munang mag travel. Yung travel na walang gastos, hitchhiking trip, ganon. Gusto kong mag organize ng film club sa State para ma-culture ang mga estudyante sa magagandang pelikula at i-boycott si Wenn V. Deramas. Gusto kong i-master ang art of yoga. Gusto kong sumali sa isang humanitarian aid organization. Gusto kong ma-try ang shrooms. Gusto kong matutong lumangoy. Gusto kong i-memorize yung Lose Yourself ni Eminem. Kung optional lang sana ang pagtanda, kaso hindi, at hindi pa rin scientifically possible mag Benjamin Button-ing. Tatlong buwan na lang at magbebente anyos na

(Unit II) si Romy Ballaran (Unit I) via unanimous decision, 27-30, 24-30, 28-28. Sa unang round pa lamang ay nagpakitang gilas na si Fernandez sa pagpapakawala ng left and right hooks na tumama sa mukha ni Ballaran, dahilan para mahilo siya at bilangan ng referee.

ay mapapansin ang pagka-agresibo at panggigigil ni Bayubay sa mga binibitawang counter punches at right hooks. Nagawang mapatama ni Bobier ang isang malakas na left hook sa mukha ni Bayubay ngunit hindi ito naging sapat upang mapanalo ang laro. Hindi naman nakayanan ni Jeffrey Lachica ng Unit I ang malulutong na suntok ni Leonil Alpon ng Unit II, dahilan para manalo ang Unit II via TKO sa ikatlong round.

Bantamweight Division Naging madali naman ang tagumpay via TKO ni Jaime Turado ng Unit IV sa Bantam Weight Division nang sumuko si Reymart Ibatuan ng Unit I sa unang round ng laro. Sa simula pa lamang ng round ay makikita na sa mukha ni Ibatuan ang pag-inda sa sakit sa mga binibitawang right hooks ni Turado sa kanyang torso. Hindi naman umubra kay Turado ang mga counter punches ni Ibatuan. Natalo naman ni Joenard Bayubay (Unit II) si Jesibel Bobier (Unit I) via unanimous decision, 27-30, 24-30, 2730. Sa una hanggang huling round

Light Welterweight Division Naging kapana-panabik naman ang sagupaan nina Dranreb Kyle Panti ng Unit I at John Velarde ng Unit II sa Light Welter Weight Division. Napatumba ni Velarde si Panti sa unang round ng laro matapos magpakawala ng sunud-sunod na kombinasyon ng straight punches at right hook. Matapos nito, agresibong lumusob si Velarde at nagpaulan ng mga suntok na nagpaluhod muli kay Panti, 23-30. Sa ikalawang round, tinangkang sumabay ni Panti sa liksi ni Velarde at nagpakawala ng mga counter punches

Unit I, binatir-batir...

pero mas pinakusog pa ni Zandro Benavidez (pitcher) buda Kenneth Reyes (catcher) ang depensa ning Unit I kaya si Reymark Trinidad sana ang nakakamang pabiltada sa homebase. Sinelyohan ni Dave dela Rosa ang kawat matapos niyang masapo

mula sa pahina 1

mula sa pahina 1

Tinibayan pa ning Unit IV ang opensa sa bottom of the fifth inning tanganing makahabol sa lamang ning kaibong na koponan

Kidlat Tahimik Jan Keith A. Abundo

ako. Sana bago ang lahat, makagawa ako ng isang bagay na maipagmamalaki ko, isang bagay na mas higit pa sa akin. Siguro gutom at puyat lang talaga lahat nang ito. Sampung taon magmula ngayon, babasahin ko ‘to at mumurahin ang akin 19-year-old self. Putspa, gusto ko ng isang large fries, jolly spaghetti at coke float.

ngunit sinagot naman siya ni Velarde ng mga kombinasyon ng jabs at right hook, 28-30, pabor sa Unit II. Sa ikatlong round, hindi napanatili ni Velarde ang kanyang pagka-agresibo at liksi, dahilan para tumama sa kanya ang mga binabatong suntok ni Panti, 29-27, pabor sa Unit I. Sa huli, si Velarde pa rin ang nanalo via unanimous decision. Naging atraksyon naman sa madla ang bagong ring sa tapat ng gym na ginamit sa laban sa boksing ngayong taon. Sa loob ng dalawang taon, isang improvised ring lamang ang itinatayo sa CSU grounds kung saan ginaganap ang laban. “Mas maayos syempre yung bagong boxing ring ta mas magiging ligtas ang mga boxers. Pero parang mahina yung flooring ng ring. Sana mas mapatibay pa nila yun,” komento ni Christian Tabo, isa sa mga tagasubaybay ng boksing. “Magayon pati ta elevated na yung ring. Mas kadakor na ang makahiling. Pati kung bakong elevated, baging maski sisay makapunta dun,” dagdag pa niya. Marianne Claire T. Ogalesco

ang batir ni Reymart Villarete sa iskor na 7-5, pabor sa pula. “Mabagal pa’no magsalo ang mga fielder,” sabi ni Glaudioso De Jesus ning Unit IV kung ngata sila dinaog sa laban. Giselle P. Trapago


8

Editoryal

MALABONG PANANAW

P

ara sa isang institusyong ginagayakan ng balabal na ‘green university’, nakalulungkot isiping mukhang busabos pa rin ang hitsura ng kampus dahil hindi pa rin lubusang niyayakap ng mga mag-aaral ang bisyon nito. Kaakibat ng pagsasabuhay ng pilosopiya ng isang makakalikasang paaralan ay ang pagkakaroon nito ng kampus na libre sa kalat ng basura. Nang magsara ang ikalawang araw ng CSU Olympics kahapon, Agosto 19, 2015, kapuna-puna ang sandamakmak na basurang nagkalat sa kung saansaan. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng makakalikasang tema ng Intramurals. Sabihin na nating medyo hindi gaanong pasok sa banga ang pagkakaugnay sa mundo ng palakasan at kalikasan base sa naging tema ng okasyon, subalit hindi pa rin dapat ipagkibit-balikat ang maselang usapin tungkol sa responsibilidad ng estudyante na maging integral na bahagi ng kaganapan ng bisyong ito: a green university globally engaged in island research for societal

advancement. Kumpara sa mga nagdaang edisyon ng CSU Olympics, ito na yata ang pinakamaigting na pagpromote ng CSU Admin sa vision nito. Paano ba naman, kailangan nitong umayon sa demands ng ISO, isang accreditation body na nagtatakda ng istandards ng isang kumpaniya o institusiyon. Kapag maabot ng CSU ang global standards na itinakda ng ISO, may mas malaking tiyansa na magkaroon ng mas malaking budget allocation ang Isteyt mula sa pambansang budget. Isa sa mga hakbang na isinulong ng administrasyon ay ang pagpagawa ng mga basurahang nakalagay sa mga istratehikong bahagi ng CSU Main Campus. Sa kasamaang palad, mistulang hindi ito mapakinabangan dahil sa kawalan ng disiplina ng ilang estudiyante. Ang hamon ngayon ay kung paano maikikintal sa puso at isip ng mga estudyante ang nais na mangyari ng admin. May mali ba sa bisyon? Sadya bang malabo ito para maintindihan ng masang estudyante? O talagang may

The CSU Statesman

pangit lang na kulturang hindi natin namamalayan ngunit unti-unti nang humihila sa atin paibaba? Hindi bisyon ang magtatakda ng pagbabago. Kultura pa rin ang siyang magdidikta ng direksiyon ng isang institusyon. Kung kaya’t kailangang habang maaga pa ay masimulan na ang drastikong pagtuturo sa mga estudyante ng tunay na diwa ng isang green university. Hindi dapat makuntento sa pagpapasaulo lamang ng PVMGO at mga RA. Kailangang maging malalim ang pinaghuhugutan ng bawat kilos na gagawin ng estudyante. Tulad na lamang ng mga lider-estudyanteng iskolar ng bayan sa UP. Nakataas kamaong inaawit nila ang imno ng paaralan. Taos-puso. Kung kaya’t ang ‘honor at excellence’ at ‘serve the people’ nilang pilosopiya ay lumalagus-lagos sa lahat ng sulok ng daigdig. Kailangan nang sumulong at kalkalin ang muta ng kultura ng katamaran at kawalang-displina na siyang nagpapalabo ng ating bisyon.

The Official Tertiary Student Publication of Catanduanes State University

EDITOR-IN-CHIEF Jerard Paul V. Tulod ASSOCIATE EDITOR Jan Keith A. Abundo MANAGING EDITOR/FINANCE OFFICER Ace John F. Tabuzo NEWS EDITOR Ariadne Mae B. Tesorero FEATURES EDITOR Giselle P. Trapago LITERARY EDITOR Andrea S. Morales PATNUGOT SA KULTURA’T LATHALAIN Allan-Jay B. Madrid SPORTS EDITOR Nikko Franco B. Templonuevo ONLINE and MULTIMEDIA EDITORS Marianne Claire T. Ogalesco, Mikka Angela T. Bonifacio LAYOUT & GRAPHICS EDITOR Jordan T. Ignacio ASST. LAYOUT & GRAPHICS EDITOR Mikko V. Isorena ART EDITOR Demetrio E. Celestino III ASST. ART EDITOR Neil T. Trilles CIRCULATION MANAGER Shaina Mae M. Benavidez JUNIOR STAFF WRITERS John Carlo R. Montero, Roy D. Tablate, Jonel Hong, Arnila C. Saldua ADVISER Adem Nalu V. Rubio Member: College Editors Guild of the Philippines


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.