2018 CSU Olympics Issue - Day 2

Page 1

1


2

The CSU Statesman Olympics 2018 Issue Vol. 17 No. 2 SeTYEMBRE 2018

Editorial

ISTEYTSMAN Editorial Board 2018

EDITOR-IN-CHIEF John Carlo R. Montero ASSOCIATE EDITOR Kevin D. Kozma MANAGING EDITOR Shaina Mae R. Benavidez NEWS/SPORTS EDITOR Ariadne Mae B. Tesorero FEATURES EDITOR Cloie T. Tapel LITERARY EDITOR Demetrio E. Celestino III

Pasulong Sa kabila ng tila malamyang pagbubukas ng Palaro, nabawi naman ito ng iba’t ibang umaatikabong isports na natunghayan sa ikalawang araw. Makikitang nabuhayan sa panonood ang kapuwa mga estudyante sa kaliwa’t kanang aksiyon sa isports magmula sa matitinding bakbakan ng taekwondo’t boksing patungo sa makapigil hiningang mga tunggalian sa balibol at basketbol. Subalit, kapansin-pansin din ang panghihinayang ng iilang estudyante’t manlalaro sa pagkawala ng inaabangang cheer dance competition ngayong taon. Ito sana ang magbibigay aliw, buhay at kulay sa huling araw ng mga patimpalak. Ayon kay FCSC President Jonel Trinidad, hindi pa nakatanggap ng kaukulang

pondo ang FCSC mula sa UniFAST board. Dito sana kukuha ng badyet na gagastosin sa nasabing kompetisyon. Hindi magmimistulang boring ang pagtatapos ng Palaro dahil nariyan naman ang Zumba dance bilang pamalit kung saan mas makasasabay sa pag-indak at pag-giliw ang karamihan. Magandang ganansiya para sa mga atleta ang hindi pagkakatuloy ng dance competition para mas ipokus na lang sa kanila ang atensyon. Lubos-lubos na suporta mula sa administrasyon ang mas kinakailangan ng ating mga manlalaro. Karagdagang tulong pinansiyal at mga pasilidad na magsisilbing motibasyon para mas mapaganda at mapabuti ang laro sa mga nalalapit na kompetisyon. Isa’t kalahating buwan na

lang ang guguguling pagsasanay ng mga mapipiling atleta para sa gaganaping Regional SCUAA sa Masbate. Ang nasabing mga manlalaro ay maglalaan ng oras at iba’t ibang sakripisyo maibigay lang sa unibersidad ang mga medalyang nais makamit. Sa mundo ng palakasan, mas lamang pa rin iyong mga atletang may dagdag bentahe sa pamamagitan ng walang humpay na suporta mula sa trainors at coaches. Sa likod ng mga medalyang naikakabit ay ang taos-pusong tiwala at suporta ng administrasyon. Naniniwala ang The CSU Statesman sa mga atletang bumubuhos ng pagod at pagsisikap para sa ikauunlad ng talentong Catandungan. Mabuhay kayo!

PATNUGOT SA KULTURA’T LATHALAIN Juine C. Tabios ONLINE AND MULTIMEDIA EDITOR Alexia Therese L. Bihag ART EDITOR Godfrey Evasco LAYOUT & GRAPHICS EDITOR Neil T. Trilles FINANCE OFFICER/ CIRCULATION MANAGER Aimee Rose R. Canada JUNIOR STAFF Michael Joseph T. Tapar Justine Tabo John Christian V. Donato Albert G. Clemente Sheila Mae V. Molina Jinky R. Tapel Rochellee Jane C. Idanan Aljun A. Alferez Joeman Paul Isuela Isaac John P. Ogena MEDIA CORRESPONDENTS Jonna Marie T. Ternida Joevy J. Pasuengos Lianne Mariette Sales Cyr Ernest T.Tevar (SHS) Keisha Ferreze Ann Quiñones

ADVISER Dr. JOVERT R. BALUNSAY

The CSU Statesman To Exalt God; To Honor Man

The Official Tertiary Student Publication of the Catanduanes State University

GF, Right Wing, CSU Administration Bldg., Calatagan, Virac, Catanduanes 4800 Member COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES E-mail thecsustatesman@gmail.com Facebook TheCSUStatesman


SCUAA veterans nagpasiklaban, Unit II pinadapa ang Unit I Hindi naapula ni Jecel De Mesa ng Unit I ang naglalagablab na smashes at kill shots na pinaulan ni Rey Eusebio ng Unit II na nagtala ng sunod na dalawang set na panalo sa bakbakan ng badminton, winner vs. winner. Agad nakuha ni Eusebio ang unang dalawang puntos ng unang set at walang humpay ang kaniyang malalakas na tira dahilan para mahirapang dumepensa si De Mesa, 21-11. Sa pagpasok ng ikalawang set, nakabawi ng momentum si de Mesa na pumoste ng unang tatlong puntos, Sinikap panatilihin ng Unit I ang kalamangan ngunit nanaig ang Unit II na nagpamalas ng liksi at solidong depensa, 20-19. Pinilit apulahin ng Unit I ang napipintong tagumpay ng Unit II at nagbitiw ng malakas na kill shot dahilan upang maging patas ang iskor, 20-20. Nagpatuloy ang rally ng walang tigil na smashes at net shots hanggang tuluyang maselyuhan ng Unit II ang laro, 27-25. Kasalukuyang 4th year engineering si Eusebio na limang taon nang naglaro sa SCUAA habang 4th year LBSIT naman si De Mesa na apat na taon namang naglaro sa

SCUAA. Ayon kay Eusebio, nagbawas siya ng timbang upang makondisyon sa laro. Inasahan na niya na magigig mainit ang sagupaan at alam niya na ito ang inaabangan ng mga manonood. “Matagar man,” ang kanyang patungkol sa katunggali. Aminado naman si De Mesa na kinabahan siya sa kanyang kalaban. “Okay lang, medyo may diit na nerbiyos,” saad ni De Mesa. Magaganap ang lahat ng natitirang paghaharap ng lahat ng Units patungo sa kampyeonato.

3

JINKY R. TAPEL

LEYDIS PERST. Unang naglaro para sa ikalawang araw ng Olympics ang mga babaeng ismashers. Kuha ni Alex Bihag

Pula pinataob ng dilaw sa ikalawang pagkakataon, 5-0

NAGKULAY DILAW ANG DAMO nang mawasak ng mga manlalaro mula sa Yunit III ang Yunit II. Tinapos ang laro na walang nakamit na puntos ang pula. Kuha ni Alex Bihag

BALITA

Dilaw muling sinilaw ang pula. Muling nanaig ang dilaw laban sa pula, matapos tambakan sa pangalawang beses ng Unit III ang Unit II sa ikalawang araw ng CSU Olympics, 5-0. Sa unang minuto ng laro, pinaulanan ng malalakas na sipa ni Xydrick Abundo, forward, ang goal keeper ng kabilang pangkat. Ngunit hindi ito hinayaan ni Niño Dominguez, red goal keeper para maiskor ang Unit III. Samantala, hindi naman nagpahuli ang pula sa pag-arangkada. Pinangunahan ni Prince Norben Tito, forward, sa pagpapakawala ng mga sipa papunta sa goal keeper ng dilaw ngunit naagaw ito kaagad ng

Follow us online @ thecsustatesman.wordpress, @TheCSUStatesman; and The CSU Statesman on Facebook

ALBERT G. CLEMENTE

kabilang pangkat na si Francis Dela Cruz. Pinasa nito ang bola Kay Andrey Taller I, yellow midfielder, na nagpakawala ng sunod-sunod na sipa dahilan sa unang iskor sa loob ng pitong minuto, 1-0. Agad naman itong sinundan ni Manolo Bernal, yellow spiker ng isa pang goal matapos hindi magawang depensehan ng kabilang grupo, 2-0. Sa kabilang banda, muling dinala ni Tito ang bandera ng pula matapos magbomba ng malakas na sipa papunta sa goal area na agad namang depensahan ng goal keeper ng dilaw at natapos na ang unang half ng laro wala paring iskor ang sundan sa pahina 5


4

The CSU Statesman Olympics 2018 Issue Vol. 17 No. 2 SeTYEMBRE 2018

Abugbog berna para sa gintong medalya

MADUGO. Literal na dumanak ang dugo sa loob ng boxing ring sa ikalawang araw ng Olympics mula sa mga basag na mukha ng mga boksingero. Kuha ni Joevy J. Pasuengos

Dumagundong ang Sports Arena ng CSU matapos ang maiinit na bakbakan, makatindig balahibo at makalaglag pangang kampeonato ng limang dibisyon sa boksing. Inabangan ng mga manonood ang banggaang Wilmark Tulod (Unit 1) na 2016 Palarong Pambansa Silver Medalist kontra sa kaibigan at batchmate na si Raymond Villafuerte na mula pa sa delegasyon ng Unit IV. Muling nasungkit ni Tulod ang gintong medalya sa light welter-

weight division matapos ang 3-0 unanimous decision,bagamat kita sa mata ng CSU fans ang pagkadismaya sa hindi naging maaksiyon na bakbakan. “Pasilamon mo man Tulod!” sigaw ng isang manonood na humingi ng mas agresibong Tulod. “Sa totoo lang, hindi naman talaga nag-usap kami. Ano lang talaga yun, talagang nagcollapse. Wala kasing training,”pahayag ni Tulod matapos ang laban. Kapuwa nagkamit din ng gintong medalya ang isa pang SCUAA

player na si Rolan Benavidez (Unit III) na matagumpay na nakamit ang 3-0 unanimous decision kontra Ronel Taroy ng Unit IV. “Well. Yung mga boxers natin mga bagito except for two boxers, yung light flyweight natin, Rolan Benavidez, beterano na siya sa mga regional competitions and then yung ating light welterweight, si Tulod, beterano na siya sa regional competitions and dalawang national,” pahayag ni Dr. Epifanio Rubio, varsity coach ng CSU boxing team. Bukod sa mga inabangang sa-

CYR ERNEST T. TE VAR

gupaan, ay mas bumaga ang ngipin sa ngipin, gilagid sa gilagid na banggaan sa iba pang dibisyon. Ginulat ang lahat sa naging pagsuko ng mas matangkad na si Kevinson Maliñana (Unit II) sa katapusan ng round 2 laban sa bagitong si Ramil Pica (Unit III) na nakuha ang gintong medalya sa flyweight division. “Yung sa height niya halangkaw tapos ako hababa kaya nasakitan ako maglaog sakiya buda pagmaatake ako, yung kamot niya syempre halaba kaya nasakitan ako makasuntok buda gaisip ako nin paagi kung papainanuhon ko siya madidiskartehan,” direktang pahayag ni Pica habang sinusuri ng medical team dahil sa mga pasa sa mukhang natamo. “First time ko ngunyan magkawat kaya yung medyo pagbali ko ngunyan makulog talaga yung ginhawa ko ta naglaban na ako kasuhapon kaya bale panduwa ko na ining laban,”dagdag pa niya. Samantala, nakamit naman ni John Rey Rodulfo (Unit I) ang gintong medalya sa bantamweight division matapos magpakawala ng mga solidong suntok laban kay Bernardo Bombales (Unit IV) at makatanggap ng 3-0 unanimous decision. Sa lightweight division, tanging si Jayson Alberto ang pinalad na makatikim ng gintong medalya mula sa mga boksingero ng Unit IV matapos makipagbasagan ng mukha at bokyain sa boto ng mga hurado ang kapwa agresibong manununtok na si Raymart Taopo (Unit II). Ayon kay Dr. Rubio, ang mga pinalad na boksingerong nagkamit ng gintong medalya ang magiging kinatawan ng CSU sa napipintong Regional SCUAA. “All gold medalist papuntang SCUAA yan”,pahayag niya. “Ang performance kasi depende sa boxer. Do good in training, maganda ang magiging performance. Kapag hindi ka nagtraining nang maganda, wala yung performance mo. So nasa boxer pa rin. At ito ang kagandahan sa boxing, kapag talo ang boxer, mahina ang coach. Kapag nanalo ang boxer, magaling yung player.” payo’t salaysay ni Dr. Rubio matapos ang kampeonato ng boksing.


Asul nangibabaw kontra sa apoy ng Pula

ROCHELLEE JANE R. IDANAN

Nanaig ang lamig ng tubig laban sa nag-iinit na apoy matapos masungkit ng Asul ang kampeonato sa Men’s Volleyball laban sa Pula sa loob ng tatlong sets, 25-13, 2520, 25-21. Dikit ang naging simula ng unang set ng pagtatagisan para sa titulo ng kampeonato hanggang sa magtala ng magkasunod na spikes at blocks si Mark Ashley Adon ng Asul at sinabayan pa ng magkailang unforced errors mula sa Pula, 7-4, pabor sa Asul. Nagpatuloy ang pagtala ng mga unforced errors at net violations ang koponan ng Pula at nahirapan sabayan ang laro ng Asul. Nakuha ng Asul ang unang set, 25-13. Agad namang nakabawi ang koponan ng Pula sa pagsisimula ng ikalawang set sa tulong ng mga spikes ni Renz Rey Bagadiong at Ariel Valeza na nagbunga ng tatlong kalamangan, 8-5. Ngunit sa tulong ng magkakasunod na quick attack ni Tom John Gianan, nagawang maitabla ng Asul ang laban, 8-all. Umarangkada si Aljon Dela Concepcion ng magkakasunod na spikes dahilan upang ang Asul

naman ang lumamang, 12-9. Hindi naman nagpatinag ang Pula, at sa pangunguna ng service aces ni Robert Esdicul at spikes ni Bagadiong, nagawa nilang makahabol at maibalik ang kalamangan sa kanilang koponan, 15-13. Naging dikitan ang laban ng Asul at Pula na nagpalitan ng spikes at nanginabang sa kani-kaniyang unforced error, ngunit sa pagtatapos ng ikalawang set ay mas nangibabaw ang Asul sa pangunguna ni Adon, 25-20. Mistulang nagliyab ang court sa kadiliman ng gabi dahil sa nagiinit na palitan nang malalakas na spikes mula sa dalawang koponan pagdating ng ikatlong set, tabla ang laban, 4-4. Dahil sa service error at netballs ng Asul, nakakuha ng tatlong puntos na kalamangan ang Pula, 7-4. Nagpatuloy ang tatlong puntos na kalamangan ng Pula ngunit nagagawa naman itong habulin ng Asul, hanggang sa muling nagtabla ang laban, 14-all. Sa pangunguna ni John De Leon, muling naibalik ang kalamangan sa tatlong puntos, 20-17, pabor

sa Pula. Ngunit, dahil sa spikes, dumps shots, at quick attacks ng pinaghalong lakas ni Adon, Dela Concepcion, at Gianan, naisara ng Asul ang ikatlong set, 25-21, at nakamit ng Asul ang kampyeonato para sa Men’s Volleyball Division. “Overwhelming and very worth it,” paglalahad ni Adon, na nakatala ng higit sampung puntos, matapos masungkit ang kampyonato. Dagdag pa niyang isa sa mga dahilan kung bakit sila nanalo ay ang kanilang pokus sa kung paano sila dapat maglaro at ang kanilang tiwala sa sarili. Sa kabilang banda, inamin naman ni De Leon ng Pulang koponan na nahirapan na silang makita ang bola dahil sa kakulangan ng liwanag sa CSU Sports Arena. Ibinahagi rin niya bilang isang graduating student na ang pinakamemorable sa apat na taon nyang paglalaro sa Intramurals ay ang lahat ng kanyang naging kagrupo sa loob ng apat na taon at ang volleyball community.

5 Pula muling pinataob...

pula. Sa mabilis na pagdilim ng paligid ay kasabay na din nitong sinundan ng ikatlong iskor ng dilaw na dahil sa matagumpay na malagpasan ni Taller I, ang malakas na depensa ni Dominguez. At muling pina-init ang laban matapos masundan ito agad ng malakas na opensiba ni Abundo na nagresulta sa ikaapat na goal, 4-0. Ngunit sa kabila nito, Hindi parin nagpadaig ang pula sa malakas na opensiba at depensa nito. Sa huling minuto ng laro, gitgitan parin ang salpukan sa pagitan nila. Sa huling pagkakataon, na penalty ang pula na naging dahilan para mabigyan ng pagkakataon ang dilaw ng isang Penalty Kick. At nagtapos ang laro sa iskor na 5-0. Matapos ang laban, sinabi ni Bernal, team captain ng dilaw na mas maganda ang naging laban nila ngayon kumpara kanina na sobrang init. Samantala ayon naman sa kabilang pangkat, sinabi ni Dominguez Team Captain ng Pula na expected na nila na matatalo dahil kulang sa training at baguhan ang mga kakampi sa laro. Ngunit Hindi niya maikakaila ang opportunidad na naibigay sa kanila na maglaro lalo na yung karanasan na nakuha.

BAGO ANG HULING TAGPO. Matagumpay na dinipensahan ng mga pula laban sa dilaw ang titulo ng huling laro bago ang kampeonato. Kuha ni Alex Bihag

Follow our photo stream online @ thecsustatesman.wordpress, @TheCSUStatesman #CSUOlympics2018


6

The CSU Statesman Olympics 2018 Issue Vol. 17 No. 2 SeTYEMBRE 2018

Del Valle umarangkada sa ikalawang araw na panalo Matapos ang tatlong set na makapigil-hiningang sagupaan, muling nasungkit ni Paul Joseph Del Valle ng yunit II ang panalo sa Game 3 ng Table Tennis Male Single Divison laban kay Marvin Marin ng yunit III sa iskor na 11-8, 11-7, 11-5. Sa umpisa ng unang salang ng laro, hindi alintana kay Del Valle ang bigat ng kaniyang katawan at pawis na tumatagaktak upang ipakita ang kanyang husay sa pagtira ng mga pamatay na backspin at sidespin na tumapos ng unang set sa iskor na 11-8. Sa ikalawang set, umarangkada naman si Marin upang magpakitang gilas. Bagamat isang malakas na kalaban si Del Valle, hindi pa rin nagpatinag si Marin na banggain ang back-to-back sidespin na ibinabato ni Del Valle upang maipatas ang laro sa iskor na 4-4 sa kalagitnaan ng ikalawang set ng laro. Muling nabuhayan ng lakas nang loob si Del Valle upang tuluyang tapusin ang laban sa pamamagitan ng mga nag-iinit niyang chop at underspin. Sunod-sunod din niyang ibinato ang kaniyang mga agresibong back spin dahilan upang mahirapang makabawi si Marin. Natapos ang ikalawang set sa iskor na 11-7. Sa pag-uumpisa ng ikatlong set, gitgitan ang naging labanan ng dalawang smashers. Ngunit hindi na pinatagal pa ni Del Valle ang laro nang sunod niyang pinaulanan ng kombinasyon ng sidespin at backspin ang kalaban hanggang sa maitaas niya ang kalamangan sa anim na puntos na siyang tumapos sa sa laban, 11-5. Nakatakdang muling magtutuos ang mga koponan sa championship game sa ikatlong araw ng CSU Olympics.

Yunit 3 jins naiuwi ang kampeonato sa Taekwondo SHAINA MAE M. BENAVIDEZ AT SHEILA MAE V. MOLINA

Naiuwi ng Yunit 3 jins ang kampeonato sa Men’s Category ng Taekwondo matapos makapagtala ng pinakamaraming gintong medalya sa nasabing laro. Ang nasabing yunit ay nakapagtala ng tatlong ginto, dalawang pilak at tatlong tanso. Ang mga kalahok na nakakuha ng gintong medalya ay sina John Mark Toledana (Finweight),Darwin siroma (Flyweight), John Renald O. Eusebio (Welterweight). “Overwhelmed kami kasi tatlong taon na kaming puro champion, so grand slam kami ngayon. We were very flattered about that. Sa other units naman malalakas sila kinalamang lang namin kasi marami kaming player,” pagsasaad ni John Renald Eusebio, mag-aaral ng Bachelor of Science in Information Technology. Pumapangalawa naman sa may pinakamaraming ginto ang Unit 1 na may dalawang ginto, dalawang pilak at dalawang tanso. Mula sa yunit 1 ang mga kalahok na nakasungkit ng ginto ay sina Vladimir T. Manoguid (Featherweight ) at Mark Kenneth Tabuzo (Middleweight). Nasungkit naman ng Yunit 4 mula sa Catanduanes State University Panganiban Campus ang ikatlong puwesto matapos makuha ang dalawang ginto,isang pilak at isang tanso, si Mark Vincent Sierra (Bantam weight) at Jerome Velasco (Middle weight) ang mga kalahok na

SIPA LANG, SIPA. Nagtunggali sa huling pagkakataon ang mga natitirang manlalaro sa pangalawang araw ng Olympics kung saan hinirang ang mga kampeon ng bawat weight division. Kuha ni Joevy J.

JOEMAN PAUL ISUELA

Pasuengos

nakakauha ng gintong medalya. Habang nasa ikaapat na puwesto ang yunit 2 na mayroon lang ng isang ginto at isang bronze. Ang ginto ay nakuha ni John Paul T. Sorreta (Light weight Category). Aminado naman si Sorreta na marami silang pagkukulang dahil sa problema sa pagbabalanse ng oras para sa kanilang training at mga gawaing pampaaralan. Samantala sa Women’s Division, kabaliktaran ang nangyari mula sa Men’s Division dahil lima ang naitalang ginto ng Yunit 2 na sina Mia Noora ( Finweight), Mary Joy Idanan (Flyweight).Samantala, sina Cherry Mae Tatel (Feather weight), Mary Rose Carranza (Light weight) at Ronnielyn Molina na kapwa tinanghal na panalo via default. Pangalawa naman ang Yunit isang na mayroong dalawang ginto at dalawang silver na pinanalunan nina Angela Marie T. Osorio (Welterweight) at Marie Maudelle Averilla (Heavyweight). Hindi rin umuwing luhaan ang Yunit 3 matapos makuha ang ikatlong puwesto matapos magtala ng isang ginto na nakuha ni Mary Antonette Bernal (Fly weight). Nasa ikaapat na pwesto naman ang Yunit 4 mula sa CSU Panganiban Campus na nakakuha lamang ng isang pilak at isang tanso. Ayon kay Jenelyn Pasuengos, manlalaro mula sa naturang yunit, lamang di umano ang mga kalaban dahil magagaling talaga sila at

may sapat na training kumpara sa kanila na hindi masyado nakakapag-ensayo dahil sa kakulangan sa equipment at facility at maging sa trainor na maari sanang magturo sa kanila. “May possibility na yung mga nanalo sa Intrams sila na rin ang ko-compete sa SCUAA but there is an alternative athlete, yung nag-silver. Yung natalo sa championship yun ang possible alternative pero yung mga gold ang priority, kasi sometimes [may nagkakaigwa ning ] injury during training before the SCUAA kaya yun ang procedure kaan yung mga silver ang alternative”,pahayag ni Professor Pio Panti, tournament manager ng Taekwondo. Ayon pa kay Panti, kung kukunin umano ang level of preparation ng mga manlalaro ngayong Olympics sa rating umano ng 1-5, 3 lang umano ang kahandaan ng mga ito dahil sa walang maayos na lugar kung saan maaaring mag-ensayo at ang ilang kagamitan na kailangan ng palitan. “Medyo masakit din minsan ta pawala-wala yung ibang estudyante buda su mga estudyanteng pirming late tas maraming reason kung bakit hindi nakakatraining paga-training pero ok lang ta madari man sinda tutul-an,”pagsasaad ni Karl Dominie C. Bogabil,trainor ng Taekwondo na dati ring manlalaro. “May mga potential naman talaga ang mga bata, may mga prior responsibilities lang talaga sinda na kaipo gampanan,” dagdag pa niya.


Mga alas ng CSU, namayagpag sa Chess Nanaig ang Yunit II sa pangalawa at pang-apat na laro sa men and women’s category sa chess laban sa Yunit I at Yunit IV, 14 ½ - 1 ½, sa pangalawang araw ng 2018 CSU Olympics . Ang nasabing laro ay ginanap sa Office of Student Support Services bandang ika-9 ng umaga noong Setyembre 6, 2018 kung saan ang joint force ng mga manlalaro sa chess ng CSU ay namayagpag. Sa men’s category nagtala ng tig-isang panalo sina Jake de Guzman at John Paulo Taller, mga manlalaro sa 2017 Regional StateColleges and Universities Athletic Association Meet, laban sa Yunit IV sa pangalawang laban. Nagtala ulit si de Guzman ng isa pang panalo laban sa Unit I habang tumabla naman si Taller para sa pang-apat na laro. Ang mga baguhan namang sina Aljun Alferez at John Dickzon Alcantara ay hindi rin nagpahuli laban sa Yunit IV para sa pangalawang laban, nagtalang muli si Alferez ng isa pang panalo habang hindi naipanalo ni Alcantara ang ika-apat na laro laban sa Yunit I. Sa women’s category, ang mga batikang sina Flora Mae Gianan at Angelou Tatad, mga manlalaro

ALJUN A. ALFEREZ

TAHIMIK. Nagpapatuloy ang tahimik ngunit mabangis na labanan ng mga manlalaro ng chess mula sa mga iba ibang Yunit. Kuha ni Joevy J. Pasuengos

sa 2017 National SCUAA Meet, ay parehong nagtala ng panalo laban sa Yunit IV, pangalawang laban, at Yunit I, pang-apat na laba sina Charlyn Gelito, manlalaro sa 2017 Regional SCUAA at Maryson Tabuzo, manlalaro sa 2017 Palarong Bikol, ay pareho ring naipanalo ang pangalawang laro laban sa Yunit IV at sa ikaapat na laro laban sa Yunit I. Samantala, nagtala ang Yunit III

sa men’s category ng 1 ½ na panalo laban sa Yunit IV na nagtala ng 2 ½ na puntos na lamang ang Yunit III sa women’s category, 1-0 para sa ikatlong laro. Sa ikalimang laro sa men’s category sa pagitan ng Yunit I at Yunit IV , nanguna ang Yunit I, 3-1. lamang din ang Yunit I sa women’s category, 4-0.

Asul tumingkad; gintong medalya naipanalo

JUSTINE TABO

Nailampaso ng Unit I ang ibang mga yunit ng mapanalunan ang dalawang magkasunod na singles at doubles sa ginanap na torneo ng Lawn Tennis-Men, Setyembre 5, 2018 sa DPWH’s tennis court. Sa ganap na alas-dos ng hapon, sinimulan ang laro nina dating National SCUAA Meet player Karlo Genn Boneo ng Unit I laban kay Ariston Macero ng Unit II na dating kampeon sa laro. Kasabay ang mainit na panahon, naging mainit ang laban sa pagitan ng dalawa sa papapalitan ng mga malalakas na atake. Nagmistulang love game ang laro dahil sa mga naipamalas na zeroes ng dalawa. Nagkaroon ng sudden death ng dumating sa punto ng deuce sa Game 1 na sa huli ay pinanalunan

ni Macero. Sinundan ito ng pagkapanalo ni Boneo ng Game 2, na nagresulta ng patas na puntos ng dalawa, 1 all. Naging mas mainit pa ang laro ng maging 2-2 ang iskor ng dalawa, ngunit ipinamalas ni Boneo ang kanyang lakas at bilis ng makuha niya ang sumunod na tatlong puntos, 5-2. Pinilit bumawi ni Macero ng maka iskor siya ng apat ng puntos ngunit hindi siya pinalad na makahabol sa katunggali. Sa huli, napaluhod ni Boneo ang dating kampeon at nakuha ang gintong medalya sa iskor na 8-4. Samantala, sa double category, pinataob ng mga beteranong si Feliciano de Leon at Ed Vergado ng Unit I sina Alexis Gloria at John Marlo Sarmiento ng Unit II na kapwa baguhang manlalaro ng Lawn Tennis.

Sa iskor na 8-3, nanaig ang Unit I at naiuwi ang unang gantimpala. Sa kabuuan, nasungkit ang parehong gold medal ng single at double category ng Unit I. Sinundan ito ng Unit II na nakuha ang silver medal ng singles at doubles. Bronze medal naman ang nakuha ni Noel Rey, Jr., ang tanging manlalaro sa singles ng Unit III. Kakulangan sa manlalaro ang naging dahilan kung kaya’t hindi nasunod ang kadalasang format ng laro. Samantala, sina Boneo, Macero, de Leon, Rey kasama ang isa pang si Andrei Imperio ng Unit II ay nakapasok sa elimination round para sa gaganaping Regional State Colleges Universities Athletic Association (SCUAA) Meet sa Masbate City.

Yunit II batters, matagumpay na nasungkit ang kampeonato kontra Yunit III

7

Tuluyan nang pinayuko ng Yunit II ang Yunit III nang maisalpak nito ang pukpukang panalo sa best-of-three series na 2-0 kung saan nakuha ng Yunit II ang game 1 sa iskor na 4-3 at game 2 sa iskor na 4-1. Pinangunahan ni Donita Mae Teano, catcher ng Yunit II, ang pagpukaw sa momentum sa top of first inning nang mapasakamay nito ang isang home, 1-0. Hindi na hinayaan pang makabalik sa porma ng Yunit II ang Yunit III at iniwan itong nakalugmok sa putikan sa bottom of first inning. Ginulantang naman nina Vilma Araojo at Cherry Mae Tatel ng Yunit II ang kalaban nang maka iskor sila sa pamamagitan ng gabay ng batter na si Angel Mae Celestino, 3-0. Natapos ang top of third inning sa matagumpay na pagpalo ni Micah Jariah Tabor, team captain at pitcher ng Yunit II na siya namang naging dahilan upang makamit ni Celestino ang isa pang iskor, 4-0. Samantala, sa bottom of third inning, matagumpay na nakapagsagawa ng home run si Rose Ann Rodriguez ng Yunit III ngunit naputol ang daloy na naisumite ni Rodriguez matapos ma-strike out ang tatlong batter sa kanyang kopon, dahilan ng pagtapos ng match, 4-1. “Magayon ang pagkawat ninda ngonyan, maski dai sinda ning praktis,” ani Salvacion Murillo, Tournament Manager sa larong softball. Pagkatapos ng laro ay agad namang nagtungo ang mga manlalaro ng softball sa pagpili para sa Regional SCUAA meet na gaganapin ngayong Oktubre 22-26, 2018. Ang mga dadalo sa Regional SCUAA ay sina: Rose Ann Rodriguez, Alexia Therese Bihag, Jessa Gan See, Pamela Joy Traquena, Maricel Zantua ng Yunit III; at Donita Mae Teano, Abbygail Lumbao, Micah Jariah Tabor, Vilma Araojo, Janella Mendoza, Angel Mae Celestino, at Mean Delos Reyes ng Yunit II. “Gatubod ako na ma-champion kami [sa Regional SCUAA],” dagdag ni Murillo. CLOIE T. TAPEL


8

The CSU Statesman Olympics 2018 Issue Vol. 17 No. 2 SeTYEMBRE 2018

Pula taob sa Game 4 ng Sepak laban sa Asul Pinataob ng mga baguhang manlalaro ng Asul ang koponan ng Pula sa mainit na labanan sa Game 4 ng Sepak Takraw upang masungkit ang twice-to-beat advantage. Agad na pinasimulan ang laro sa isang service error na pinakawalan ng mga baguhan ngunit mabilis silang bumawi sa pamamagitan ng pagpapaigting ng kanilang depensa at opensa na nagdulot ng apat na puntos na kalamangan sa unang limang minuto ng set 1, 5-1. Sinubukan ng Pula na masabayan ang lakas ng Asul sa mga sumunod na minuto ng set. Sa pamamagitan ng malalakas na cartwheel spikes na pinakawalan ng spiker ng Pula na si Christian Dave Tuprio, nagawa nilang

kaltasan ang kalamangan na agad din namang nabawi ng kalaban dahil sa kanilang outside hits, failed spikes at miscommunication. Lumubo ang kalamangan ng Asul, 15-8. Namigay din ng puntos ang Asul sa Pula ngunit agad namang nabawi dahil sa mga malulupit na rolled spikes at bicycle kicks ni Vergel Romano sa tulong ng tekong na si Jobert Torzar at ng setter na si Jan Emil Lim. Umangat ang lamang ng Asul, 19-10. Pinahina nang tuluyan ng tatlo and depensa ng Pula hanggang sa hindi na nito masabayan ang kanilang mga tricky hits. Natapos ang unang set pabor sa Asul, 21-16. Sa pagbubukas ng ikalawang set, tila natauhan ang mga manlalaro ng

ARIADNE MAE B. TESORERO

Pula at agad na pinaulanan ng spikes ang kalabang hindi pa halos nakaka-adjust dahil sa pagpalit ng bagong setter na si Emvel Sambrano. Nagawang lumamang ng Pula, 7-4. Nagpatuloy ang agresibong laro ng Pula na kalaunan ay nasabayan naman ng kalaban. Bumawi ang Asul at nagawang pumantay sa iskor ng Pula, 14 –all. Naging gitgitan ang salpukan ng dalawang koponan na nagpalitan ng spikes at tricky dinks ngunit hindi na nasabayan ng Pula ang huling spikes ng kalaban kaya ideneklarang panalo ang Asul, 22-20. Samantala, sa Game 3 ng Sepak na ginanap ala-una ng hapon sa ika-

lawang araw ng CSU Olympics, naging mainit din ang labanan Dilaw o Yunit III at ng Berde o Yunit IV. Nakuha ng Berde ang unang set ng laro sa iskor na 21-17. Bumawi naman ang Dilaw at inangkin ang ikalawang set, 21-18. Sa huli, hindi nagpatinag ang Berde na siyang tinanghal na panalo sa iskor na 15-11. Maglalaban muli ang Yunit IV at Yunit II sa ikatlong araw ng palaro para sa Game 5 upang matiyak kung aling koponan ang makakaharap ng Yunit I.

Baseball Dilaw, napaamo ang mabangis na Pula, 13-12

JOHN CHRISTIAN V. DONATO

DREAM TEAM(?) Bagamat mas maraming sanay na manlalaro ang Yunit 2, nagawang paluin ng mga dilaw ang panalo laban sa pitcher ng kabilang koponan. Kuha ni Keisha Ferreze Ann QuiĂąones

Matapos matambakan ng Yunit 4 ng walong puntos sa nakaraang laro, nabawi ng Yunit 3 ang kanilang pagkadismaya nang magwagi sa sumunod na makapigil hiningang salpukan laban sa Yunit 2. Pinangunahan ni John Rafael Buendia, batter ng baguhang Dilaw, ng unang ikot ang kanilang koponan na sinundan ng apat na sunod-sunod na puntos hanggang sa na strike-out ang hampas ni Orville Arcilla na tumapos sa opensa ng pangkat na may limang puntos 5-0. Mistulang hinamon, isinalpok ni Mark Anthony Go, batter ng beteranong Pula, ang kanilang unang puntos na nasundan din ng apat na sunod-sunod, kanilang katunggali

at naipatas ang labanan sa pagtatapos ng unang pagsalang, 5-5. Muling umarangkada ang Dilaw nang matagumpay na naikot muli ni Buendia ang kuwadrado na nasundan ni Kerwin Barceta, nalamangan ang kabilang pangkat ng dalawang puntos, 7-5. Bigo sa unang laban, ipinamalas ng beteranong manlalaro na si Ian Tatad ang angking galing bilang pitcher ng Pula sa kanyang magkakasunod na strikeout na pumawi sa alab ng mga batter ng Dilaw. Hindi matanggap ang puntos ng kalaban, nalamangan nina Jun Lester Vargas at Benjo Balamdrid ng Pula ang depensa ng Dilaw ng

dalawang puntos 9-7 sa pagtatapos ng ikalawang pagsalang . Uminit ang gitgitan nang hindi padadaig ang magkabilaang koponan sa opensiba at depensiba hanggang muling makakompleto sina Marc Jamero at Randy Zafe ng Dilaw ng dalawang ikot na pumatas sa puntos ng laro 9-9, at higit pa, naibasura para sa Pula ng yellow pitcher ang ikatlong pagsalang sa magkakasunod na out ng mga Pulang batter at runner na nagresulta sa pagkakaroon ng karagdagang pagsalang. Lalong tumindi ang salpukan ng dalawang kulay nang tinamaan ni Kevin Kozma ang bola na tumulong kay Anthony Abundo na magkaroon ng ikot. Sinundan ito ni Kozma nang matamaan ni Jamero ang bola at nakaligtas pa sa unang base. Nadagdagan pa ni Jamero ang puntos nang naihampas ni Zafe ang bola, nagbigay lamang sa Dilaw nang naitapos ang kanilang opensa sa ikaapat na pagsalang sa iskor na 12-9. Nangangambag matalo, namuno sa kagipitan si Tatad na nakakuha ng isang puntos sa hampas ni Jonard Aldea na sinundan ni Jhun Jhun Tatad sa hampas ni Clemencio Turreda at isa pa mula kay Vargas sa hampas naman ni Balmadrid na muli, sa matinding sagupaan, ay bumangon at ipinatas ang puntos sa 12-12 na laban na nagtapos sa ikaapat na pagsalang, at muling binigyang daan ang pagkakaroon ng karagdagang pagsalang.

Sa matinding pagsubok na hinaharap ng dalawang koponan, pinatunayan ng Dilaw ang kanilang matatag na pagtutulungan nang matagumpay na nakakuha si Arcilla ng ikot sa tulong ng hampas ni Buendia nang kanilang mapuno ang mga base upang selyuhan ang isang buong ikot na nagbigay sa kanila ng isang puntong lamang sa Pula 13-12. Sa pagkaroon ng dalawang magkasunod na out sa opensa, kabado na nagtangka ang Pula na makaiskor sa katunggali nang naisalpok ni Tatad ang bola at kumaripas sa unang base ngunit sa pagkamaliksi ni Kozma, baseman ng Dilaw, ay natanggihan si Tatad ng safe at naiselyo ni Kozma ang panalo sa Yunit 3 sa huling mga iskor na 13-12. Ayon sa panayam kay Tatad, Pangkatang Kapitan ng Yunit 2, madaming kamalian ang naisagawa ng kanilang pangkat at sa panghuling pagsalang, hindi umano marunong ang umpire dahil ayon sa kaniyang pag-unawa, nagdeklara na ang umpire ng out kahit hindi pa hawak ni Kozma ang bola nang siya’y tumakbo patungo sa unang base. Sa kabilang dako, muling nadala ng pagtutulungan at mahusay na pamamaraan ng Yunit 1 sa pangunguna ni First Year Valrey Beo ang kanilang pagwawagi laban sa mababagsik na Yunit 4 sa pangwakas na puntos na 9-6.


OPINYON

TINAPAY NIN BUHAY PATI DIIT NA KALUNGGAY Mahirap tanggapin ang katotohanang binalot na ng bulok na sistema ang karamihan sa porsiyento ng aking pamumuhay pero patuloy pa rin akong nangagarap na maituwid o maitama man kahit papano ang aking maikling pananatili sa mundo. Ayoko munang matulad sa karamihan na nangangamba dahil sa kawalan ng inspirasyon at motibasyon na magpatuloy sa laro ng buhay. Nararapat din sanang magkaroon ng iba’t ibang pagkakaabalahan ang mga kabataan sa panahong cellphone at gadgets na lang palagi ang nakaharap sa kanilang mga mukha.

Nariyan ang mga die-hard K-drama fans at Mobile Legends players na maghapong nakatutok sa kanikanilang minamahal na cellphones. Hindi na matatawag na pampalipasoras ang magdamagang pagpupuyat sa mga pinanonood at nilalaro. Mas maganda sanang makilahok at maisabuhay natin ang mga gawaing mas magpapalakas sa ating pampisikal na kalagayan at ang pagpapatibay pa lalo sa ating politikal na pag-uunawa’t kamulatan. Maraming isyung panlipunan ang dapat na pinagtutuunan natin

Ameeeeeeeen* D. ALINTANA

ng pansin bilang mga kabataan. Sa halip na magmukmok at maproblema nariyan bilang pamalit ang paggawa ng tula at musika. Paunlarin at palawakin ang impluwensya sa ating beloved island. Ilang buwan na lang at tuntuntong na ako 20’s peers club. Wish ko lang sa aking magiging kaarawan ay ang sumusunod: pagpapatalsik o ang planong pagbitiw sa puwesto ni Duterte, mawala nang tuluyan ang mga patawang sina Mocha at Roque, paglayas ng mga militar sa kanayunan, pagpatuloy ng rebolusyon at ang tuluyang paglaya ng bansa mula sa

Vice-versa Usap-usapan ngayon ang pinaagang Regional State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) Meet na marahil ay nakagulat sa ilang mga atleta at maging sa mga coach ng bawat event. Ang ilang araw na paghahanda para sa Intramurals ay hindi sapat para sumabak sa mas mahirap at mas komplikadong laban ang mga manlalaro kaya ang nakikita ngayong solusyon ng ilang coaches ay ang pagpapahintulot sa mga manlalaro na lumiban sa klase upang magkaroon ng

9

mga mapang-api. Syempre gusto ko rin ng pizza lalong lalo na yung may pineapple, hulaan mo na lang kung bakit dapat may pineapple hihi. Oh sige, hanggang dito na lang muna ako. Lowbatt na ang laptop ko at hindi pa ako nakakaligo magmula kahapon. Salamat FICELCO. Salamat Viwad. Salamat Lord God. Salamat Kropotkin, Marx, Lenin at Mao. Hehe char. Kfine.kbye. D. Alintana ang lahat, tara kape yosi nalang. *BAKIT AKO MATATAKOT?

SELYA

sapat na ensayo sa maikling panahon. Maaaring magiging paraan ito para makakuha ng maraming medalya at magbigay karangalan sa ating paaralan ngunit masasakripisyo ang pag-aaral ng mga mag-aaral na dapat sana ay pinagtutuunan din nila ng pansin. Sa kabila nito, mas lalong pasakit sa mga atleta ang napakaraming requirements at mga gawain na kailangan nilang gawin. Panahon na siguro para isipin din ng ilang mga propesor na bukod

Walang titulo sapagkat ang mga atleta ang titulo

sa pagiging mag-aaral ay may ibang pinagtutuunan ng pansin ang mga mag-aaral na nakatutulong upang maging holistiko silang mga tao. Hindi lang pagkain ng utak ang kailangan nila kundi kailangan din nila ng sapat na panahon para payabungin ang kanilang talento at kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng kanilang pagkatao. Isa na nito ang mga gawaing pampalakasan na isang paraan para lalo pang mahasa ang kanilang kaalaman at isang sukatan ng kanilang

pagkatao ng pakikipagtalastasan sa iba at pagtanggap ng pagkatalo at pagkapanalo. Sa ikalawang araw ng palaro, nawa’y buksan nito ang mata ng mga propesor na bigyang halaga ang iba’t ibang aspekto na makatutulong sa mga mag-aaral upang maging holistikong mga tao.Nawa’y mabuksan din ang mata ng mga mag-aaral at mga atleta na ipagpatuloy na mapabuti ang sarili sa pamamagitan ng mga gawaing hahasa sa kanilang isipan, katawan at pagkatao.

BALINTUNA CITA

Habang nanonood ng softball para sa issue na ilalabas ng The CSU Statesman ngayong CSU Olympics 2018, masusi kong pinagmasdan ang mga tao sa paligid at nagtangkang bilangin kung ilan sa mga bystander ang makakausap ko tungkol sa henyong nakapaloob sa larangan ng isports. Hindi ito nalalayo sa pagkadismaya ko sa hindi pagdinig ng ilang mga kakilala ko sa mga sociopolitikang usapin na madalas ding ituring na isang aspetong wala kahit anong koneksiyon sa kanilang buhay.

Katulad ng takot ko sa pagsasawalang bahala ng ilan sa atin sa mga isyung politikal ay siya ring takot ko na ‘di pagtuunan ng pansin ang tunay na kahalagan ng isports o kung meron man ay ang pagtalaga ng maling depinisyon kung bakit mahalaga ang isports—sa kaso ng eskwelahan, ay ang paggamit sa isports para lamang maitaas ang pangalan ng eskwelahang pinapasukan ng mg atleta. Marahil isa itong magandang hakbang sa pagkilala sa mga atletang nakasungkit ng mga panalo, mahalaga parin na makapagtalaga tayo ng

maayos na kahulugan sa ating isipan nang sa gayon ay maging tunay at lubos ang ating pagpapahalaga sa larangang ito at tuluyang matanggal ang paglapat sa isports bilang isang pang-aliw lamang. Naniniwala ako na may mas higit pang kahulugan ang isports liban sa panguna nitong aspektong pangkompetisyon at pang-aliw. Ang talento at kasanayang ekslusibo lamang sa kanila, bilang isa sa marami pang elemento ng isports, ay may malaking halaga at ang maaaring dahilan kung bakit nangunguna ang mga atleta sa

larangang ito. Dapat silang mabigyan ng karampatang serbisyo, katulad ng pagtukoy sa mga problemang hinaharap ng mga atleta sa panahon ng paglaro mapa provincial, regional, o national na kompetisyon man, pati na rin sa pag-e-ensayo upang agarang mabigyan ng aksyon ang mga kakulangan ito. Hangga’t hindi natin kinikilala ang isports at mga atleta na may mataas na kabuluhan katulad ng pangakademikong kahusayan, parating maisasantabi ang mga atleta at isports.


10

The CSU Statesman Olympics 2018 Issue Vol. 17 No. 2 SeTYEMBRE 2018

Si-ISYU Olympics

Presents

ISO NA AKO TO panulat NI kuya win Itinaas na ang bandera na hudyat bilang simula ng pakikipagsapalaran para sa kapalarang masungkit ang gintong medalya. Iba-ibang konsepto at ideya ang bitbit ng bawat manlalaro. Kaya naman, pinaghandaan ng lahat ang labang ito upang simulang bumuo ng panibagong kasaysayan at kultura sa loob ng tatlong araw ng pakikipagbakbakan. Sa likod ng larong ito, may mga gawing kapansin-pansin na bumubuo ng laman ng istorya tuwing intrams. Sila ang nagpapatotoo na ang nilalaman ng CSU Olympic ay hindi lang laro ng pakikipagtagisan sa papel ng isports kundi papel ng pagbuo ng kultura ng pag-uugali na kalahok sa kaganapang ito. Bigyan natin sila ng pangalan upang kilalanin at maibahagi ang larawan ng katotohanan sa likod ng larong pampagalingan at pampautakan. Ang ilan sa aking nakalap na istorya’t bali-balita, pangkaraniwan man o bago sa paningin, ay ilan lamang sa mga bumubuo ng kulturang talaga namanng nagdadala ng pagbabago sa ating kaugalian at pagkatao.

Magooolang Sana Permi Una pa lang ng bakbakan parang sila na ang dabeast este da best. (Read It Tiger Mode!, baby) Maaabot ko to”, “Kaya ko to”, at “Lalaban ako” ay ilan sa mga katagang nagpapatatag ng kalooban sa ating sarili. Wag niyo silang minamaliit, sila ay may dalang panungkit mapawawawin ka sa lupet, una palang ng bakbakan ay talagang nagpapakita na ng kauhawan upang masunkit ang gintong medalya, parang bang wala ng makakaagaw sa trono ng Wild Kingdom ng isports. Minsan din silang tawaging future winners of the Bakbakan. Minsan naman eye of da tayger sa lahat ng Yunit, kabooom ang lahits talagang hits ang lahits dahil bitbit

na nito ang gintong medalya. Balewala ang lahat ng pawis maabot lang ang pinapangarap maging isang dakila sa lahat ng Yunit ng se-is-yu, ito talaga ang gusto ko sa lahat ,lumalaban! Ito ang kulay ng damit ng mga bulaw ang future. It’s yours na talaga.

akit ng mga malatsugok este malachunggook ang dating ng kanilang natitipuhan. Kaya doble-doble ang saya. Kadalasan sila ang laging nangunguna mag-cheer para sa mga players. Beri suportib. Maswerte ka kung isa ka sa mga kaiibigan nila, kung sakaling pogi ka alam na ikaw ang iibigin nila.

MaGAYon Kung may Wild Kingdom meron ding Weird Queendom. Dito nagmula ang magagandang nilalang sa buong se-is-yu. Kilala mo sila o di mo sila kilala pero kilalang kilala mo sila dahil lagi mo silang maaalala dahil sa kanilang kagandahang dahan dahang nagpapalambot ng iyong puso. Bukod kay Kathrene Bernardo, Angel Locsin, Liza Soberano at marami pang naggagandahang heart na heart ng madla, syempre meron din tayong may ipagmamalaki bukod sa kanila. Sila ang mga bebeskwit ng ating puso tuwing intrams. Ang go sexy, sexy lab ng buhay mo at buhay ng marami pang iba. Mapapakagatlabi ka talaga sa angkin ganda. Mala-metikoloso. May mga nakahanda na silang OOTD/Outfit of the Day at red matte lipstick tuwing olympik geyms pagkakataong mang-

PaWisssh Fo Spoti Layf Abante, abante...tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe. Ang mga katagang nagpapaalala sa lahat lalo na sa lahat ng mga players na kahit anong mangyari, Go lang palagi. Umaraw, umulan, sige sige lang baby. Lahat ng pangarap mo’y makakamit, baby. Lahat ng pawis mo’y mapupunas baby. Pero pag natalo, ok lang baby. Kaya naman todo bigay si GF, “go lang baby, marami akong dalang deodorant!...hekhekhek”ang very suportib na baby ng buhay mo ng buhay ko at ng buhay nating lahat. Ang saya sa pakiramdam na alam mong merong sumusuporta sayo. Kaya wag natin silang sasaktan, suklian natin ang binigay nilang deodorant kung mayroon man. Kalat-chura (kalat basura-tsura) Nagkalat na naman ang mga mahihilig magkalat tuwing intrams. Ang karaniwang simpleng problema tuwing intrams. May mga tao talagang walang pakialam, iba iba ang pananaw sa katagang “green university”. Mula sa kakilala mo at kakilala ng kakilala mong mahilig magkalat na halos pare-pareho ang balat ay posibleng isa sa mga bumubuo ng kalatchurahan sa ating paligid. Ang saklap,

hindi matuklap-tuklap ang mga gawi-gawing ito. Nakakalito, nakakalito man isiping karamihan na mga nagmula sa simpleng problema ay kung bakit lumalaki ng palaki. Tapon dito, tapon doon. Mas pinili pa ng karamihan ang magtapon kaysa mag-ipon sa basura. Kaya naman araw araw nalang ang “linis day” ng mga minamahal nating janitdito janitdoon, best talaga sila. Ayon kay Tiyo Janette hindi niya totoong pangalan, “kaming mga paralimpya, oks lang samo ang uro aldaw na maglimpya uya sa isteyt pano mahar namo ang eskwelahan ta. Pero ano man daw an ta perming maati uya, bagi nang kaunon ning ati ang eskwelahan ta, galimpya man kami. Para sako dae ako naniwara na bakong halos gabos na kapareho namo bur-ad, asa tawo naman an, sa ugali ninda. Kaya sana kung pede gabos kita kabali bilang janitors buda janitress sa isteyt. Edi ayos baga kung alog kaan ang sistema. Lingid sa aking kaalaman? Naisalalaysay na ang ilan, Ngayon, ilan lang sa mga bagay na bumubuo ng istorya ng CSU Olympics ay ilan lang sa mga gawi gawing nauuwi sa tunay na pag-uugali. Nagpapahiwatig lamang na ang bawat simpleng pag-uugali ay nagiging mitsa ng karunungan o kaalamang bumubuo sa ating pagkatao. Iba iba talaga ang destinasyon ng ating misyon, malayang nagpapaalam na hindi tayo eksiptid sa estado ng ating buhay. Marami na naman ang bubuo ng kultura sa susunod at susunod pang olimpik geyms. Marami pang papalit sa ating mga gradweyting players ng olimpik geyms, kaya naman asahan talagang marami rin ang magbabago sa kultura’t kasasayan ng seis-yu.


11 Virgo (Aug. 23-Sept. 22). Ikatlong araw na ng CSU Olympics pero wala ka pa ring mahanap na jowable. Wag mag-alala dahil may isa ka pang choice kung talagang no choice ka na. Pumunta ka lang sa opisina ng Statesman at hanapin ang Literary Editor. PS. Wag masyadong mag-expect. Lucky number mo ang total number of pimples nya. Lucky color, colorless.

Libra (Sept. 23-Oct. 23). Suswertehin ka sa pera ngayong araw, pero kung hindi mo ito iseshare, mamalasin ka ng 10x. Kaya kung ako sayo, magsimula ka nang manlibre. Lucky color mo ay ang kulay ng malapit na canteen sayo at ang lucky number mo ay presyo ng lumpia.

Pisces (Feb 19-March 20). Swerte ka at hindi nadamay ang iyong mga bituin sa celestial collision na nangyari. Tumawa ka ng malakas every minute para mamaintain mo ang swerte. Lahat ng light colors ay lucky color mo.

Aries (March 21-April 20). Literal na marami kang pagdadaanan ngayong araw. Iwasan lang ang sobrang katangahan dahil baka madapa ka. Ingatan mo sarili mo dahil hindi ka athlete, wala kang insurance at lalong walang medics na tutulong sayo. Ang lucky color mo ay medyo blurry. Ang lucky number mo is yet to come.

Taurus (April 21-May 21). Kailangan mong sumabay sa pagtakbo at pagtalon ng mga naghuhurdle. Iyon ang ikakaswerte mo. Lucky number mo ay 100 meters. Wala kang lucky color. Sagittarius (Nov. 22-Dec. 21). Malas ka pa rin hanggang ngayon. Walang kulay o numerong makapagsasalungat sa kamalasan mo.

R R HOR O P E S CO

LOIST G KOREAN SO NG NAG-IISAN SHIE M NADIAN OM FEATURING CA

Scorpio (Oct. 23-Nov. 21). Huwag magsuot ng off-shoulder ngayong araw dahil sasayaw ka ng Dura Dura sa Zumba. Lucky color mo ay sunflower. Lucky number mo ay 3:02.

Capricorn (Dec. 22-Jan 20). Suswertehin ka kung manunuod ka ng beach volleyball sa oval. Abangan mo na rin ang opening program after ng closing ceremony. Ang lucky number mo ay ang bilang ng manunuod ng beach volleyball. Ang lucky color mo ay ang dirty version ng color ng volleyball.

Aquarius (Jan. 21-Feb 18). Nagkagulo-gulo ang arrangement ng stars mo dahil sa collision ng dalawang heavenly bodies. Dahil dito, magulo din ang araw mo. Hindi ko maramdaman ang mga posibleng mangyayari sayo. Wait for further announcements dahil hinihintay ko pa din na muling mag-align ang stars mo.

Gemini (May 22-June 21). Swerte ka kung manonood ka ng madugong laban ng Boxing pero lagi lang maging cautious dahil baka ikaw ang duguin sayang naman ang OOTD mong white pants. Laging magdala ng extra dahil wala kang jowa na pwedeng utusan. Lucky color mo ay white na may red spot. Ang lucky number mo ay ang diameter nung red spot. Cancer (June 22-July 22). Makikita mo si crush ngayong araw sa CBO pero may kasama din siyang iba. Sakit diba? Ikaw na ang humusga kung swerte o malas ka.

Leo (July 23-August 22). Ang katangahan hindi inaaraw-araw, pero kung trip mo pwede naman wag ka lang mandamay ng iba. Umiwas ka sa mga bagay na posibleng magtrigger sa kabobohan mo para maging swerte ang araw na ito. Ang lucky color at number mo ay depende sa performance mo.

Join our discussion online. Follow us @ thecsustatesman.wordpress, @TheCSUStatesman, facebook/TheCSUStatesman


12

The CSU Statesman Olympics 2018 Issue Vol. 17 No. 2 SeTYEMBRE 2018


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.