REPUBLIKA NG PILIPINAS ) LUNGSOD NG MUNTTNLUPA ) S.S. SINUMPAANG SALAYSAY
si
y
GOLLOSO, Pilipino, at kasalukuyang nakapiitdito sa Building 14, New Bilibid Prison, Muntinlupa City na may prison number na N206P-1754, matapos na makapanumpa ng naayon sa batas, ay nagsasaad ng mga sumusunod na kaganapan at impormasyon base sa aking personal na kaalaman:
Ako
NOEL MARTINEZ
1)
Noong taong 2011 ay naluklok ako bilang Kumander o "BOSYO" ng isa sa plnakamalaking pangkat sa Maximum Security Compound ng Bilibid, ang Genuine llocano Group o GIG na may humigit kumulang 2,200 na miyembro.
2)
Kasama sa aking obligasyon bilang Bosyo ng GIG ay ang panatilihin ang kaayusan at katiwasayan sa aming mga miyembro at ang maayos na pakikisama sa mga iba pang grupo sa loob ng Bilibid. lsa sa mga patakaran na aming napagkasunduan at mahigpit na ipinatutupad sa aming hanay ay ang pagbabawal sa paggamit, pagbebenta o pagkakaroon ng kahit na anong transaksyon na may kinalaman sa droga o ipinagbabawal na gamot.
3)
Noong 20'12, nang magpasya ang GlG, sa aking pamumuno, na magtayo ng isang multi-purpose building sa loob ng Bilibid, humingi ako ng tulong kay Jaybee Sebastian, ang Commander ng grupong Sigue-Sigue Commando at Chairman ng Presidyo Side, Maximum Security Compound. Si Jaybee ang tumulong sa akin na mapa-approve and proyekto sa Office of the Superintendent. Ang utang na loob na iyon ay isa sa magpapagulo sa aking buhay kinalaunan.
4)
Noong Enero 2013, isang umaga, tinawagan ako ni Jaybee at sinabi
na darating si Sec. Leila De Lima sa kaniyang opisina bandang hapon. Nang pumunta ako kinahapunan ay naroroon nga si Sec. De Lima. Naroroon din ang mga pinuno ng iba't-ibang pangkat at ipinakilala ang bawat isa sa amin kay Sec. De Lima. I
5)
Noong Pebrero 2013 ipinatawag ako ni Jaybee sa kaniyang opisina
at sa aming pag-uusap ay sinabi sa akin ni Jaybee na siya ay kinausap
ni
Secretary Leila de Lima at inutusan na kailangan nilang makalikom ng malaking halaga para sa intensyon ni Sec. De Lima na tumakbo bilang senador sa eleksyon ng 2016. Dahil dito, sinabi ni Jaybee sa akin na kailangan ma-centralize ang bentahan ng droga sa Bilibid at ang mga pinuno ng bawat grupo ang kailangang mag-asikaso nito bilang tulong. Ang magiging kapalit nito, ayon kay Jaybee, ay ang proteksyon sa amin at ang special treatment na aming matatanggap.
6)
Sa katunayan, alam ng lahat dito sa Bllibid na ang salita ni Jaybee ay parang batas. Ang sinumang hindi sasang-ayon sa gusto niya ay maaaring
mamatay o taniman ng droga o itapon sa malalayong kolonya na tunay na kinatatakutan naming mga bilanggo dito sa Bilibid.
7)
Upang mapangalagaan ang aking kaligtasan, at maiiwas ko ang aking
sarili na direktang masangkot sa pagbibenta ng bawal na gamot, hiniling ko na