Affidavit of rodolfo t magleo

Page 1

i( Republic of the Philippines ) City of )

Muntinlupa

S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si RODOLFO MAGLEO y TAMAyO, 54 na taong gulang, pilipino, may asawa at kasalukuyang inmate sa New Bilibid prisons na may numero N204P-1863, pagkatapos na makapanumpa ng ayon sa Saligang-Batas ay nagsasaad ng mga sumusunod: 7.

Ako ay dating Chief Inspector sa philippine National police na

nakulong dahil sa kasong kidnapping. Napasok ako dito sa Maximum Security Compound simula noong 2004 at sa kasalukuyan, ako ang Chairman ng Kalasag Organization, isang organisasyon ng mga dating pulis dito sa New Bilibid Prison na tumutulong for the maintenance of peace and order. 2

Noong mga kapanahunan ng pangangasiwa ni DOf Secretary LEILA DE LIMA, ang Maximum Security Compound ng New Bilibid prisons ay kinilala bilang "LITTLE LAS VEGAS" dahil sa talamak na paglipana ng droga (shabu, marijuana, ecstacypills), sugal (online cockfighting, dice, cards, cara y cruz at billiards), concert ng mga kilalang mga singer at celebrities (Mocha Girls, Rufa Mae Quinto, Ethel Booba, atbp.) at prostitusyon (na tinatawag na "tilapia"J. Halos 800/o ng mga inmate ay mayroong cellphones at gadgets.

3.

Noong mga panahon ding iyon ay nabansagan ang Maximum Security Com pound bilang "Drug Trade Center of the Philippines" dahil nasasakupan nito ang bentahan ng droga sa Luzon, Visayas and Mindanao ng mga foreign drug lord inmates [Chinese, Malaysian, Hongkong Nationals, Taiwanese at African) at mga Filipino Drugs Lord inmates na nagsu-suplay ng shabu sa lokal na mercado.

4

Sa mga panahon na iyon, ang bentahan ng droga ay umaabot sa bilyong piso. Isa sa mga drug lord na nagngangalang PETER CO ay mayroong collectible na may humigit-kumulang isang bilyong piso noong2072.

5

Nakilala ko ng personal si Sec. LEILA DE LIMA at RONNIE PALISOC DAYAN noong mga kalagitnaan ng taong 2011 kasama ang tatlo [3] pang inmate-leaders na sina BENNY CABRALES na kumander ng Genuine Ilocano Group, FROILAN TRESTIZA kumander ng Batang City fail at fOSEPH MOSTRALES mayor ng Genuine Ilocano Group. Kami ay pinatawag sa Batang City Jail Park sa loob ng Maximum Security Compound.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.