Sustansaya! RICE MIX RECIPE BOOK
Sustansaya! RICE MIX RECIPE BOOK
Sustansaya! Rice Mix Recipe Book by Jan-Daniel S. Belmonte Š 2015 by Jan-Daniel S. Belmonte. In partial fulfillment of the requirements for the degree of Bachelor of Fine Arts in Information Design. No part of this book may be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying form without written permission of the author, Jan-Daniel S. Belmonte, and the creators of the respective recipes mentioned herein. January 25, 2015 Printed in the Philippines. Special thanks to the Belmonte Family, Karen Sison, Vince Estrada, Kara Chung, and Nikki Vesagas
Sa tulong ng kan
Sa tulong ng kanin, wagi laban sa anemia.
RICE MIX RECIPE BOOK
2/5 sa
batang may edad na 6 na buwan hanggang 1 taon ay may anemia. 1 sa 5 batang may edad na 1 hanggang 5 taon ay naaapektuhan ng madaling pagkapagod, pananamlay, panghihina, at pagkahingal.
Pangalagaan ang kalusugan ng iyong mga anak at agapan nang maaga ang anemia upang maiwasan ang mga mas malalang epektong dulot nito, para sa kinabukasan ng iyong pamilya.
Iron Deficiency Anemia
Ang kaalaman ang unang solusyon. Meron bang may anemia sa iyong pamilya?
Ang iron deficiency anemia ay isang
MGA SINTOMAS NG ANEMIA:
sakit na nagdudulot ng kakulangan ng oxygen sa dugo. Kapag hindi natugunan, malubha ang epekto nito sa kalusugan at sa pagtanda ng bata. Malaki rin ang epekto nito sa kakayanan ng taong matuto sa paaralan at makapag-isip nang mabuti sa trabaho.
madaling mapagod maputla madaling manghina madalas kapusin ng hininga nakararamdam ng paninikip ng dibdib madalas magka-impeksyon mahihiluhin mahina ang gana sa pagkain may mabilis na pagtibok ng puso
Madali at abot-kayang solusyon ang hatid ng mga rice mixes: mga masustansyang resipe na masaya at pwedeng araw-arawin ng buong pamilya!
Sa tulong ng kanin, kakayan
BAKIT RICE MIXES? Masustansya.
Masarap.
Maliban sa Iron na kailangan upang labanan ang anemia, maraming iba pang bitamina ang taglay ng mga sangkap ng mga rice mixes.
Mas masaya at mas malasa na ang kanin dahil sa mga sangkap na nagbibigay ng buhay rito.
Matipid.
Madaling lutuin.
Hindi na masasayang ang kaning lamig na natitira tuwing naghahanda ng pagkain.
Sa rice mixes, kaunting paghahanda at pagluluto lamang ang kailangan.
nin natin.
BROWN RICE ‘Di man kasing sikat ng white rice, ang brown rice ay mas masustansya sapagkat hindi ito masyado nililinang, kung kaya’t maraming natitirang mga bitamina.
WHITE RICE Ito ang uri ng kanin na dumaan sa proseso ng paglilinang upang maging maputi. Kadalasan itong pinipili dahil sa lambot at mabangong amoy nito.
Rice
BLACK RICE Ito ang pinakamasustansya sa mga uri ng kanin. Dahil hindi ito dumadaan sa paglilinang, buo at puro ang mga bitamina na taglay nito.
RED RICE Ito ang sunod na mas masustansya kumpara sa brown rice. Kaunti lamang ang paglinang dito at buo pa halos ang mga butil ng bigas.
KANGKONG Vitamin A, Vitamin C, Iron, Calcium
MALUNGGAY Vitamin A, Vitamin C, Calcium, Potassium
TALBOS NG KAMOTE Iron, Vitamin A, Vitamin C, Calcium, Potassium
Mix!
TAUSI Iron, Calcium, Magnesium
PAPAYA Vitamin C, Vitamin A, Iron
GUAVA Vitamin C, Vitamin A, Iron
REPOLYO Vitamin C, Calcium, Iron
Garlic Flavoured Kangkong Rice
MGA SANGKAP 2 tali ng kangkong 2 takal ng lutong kanin 3 pirasong bawang 3-4 pirasong siling pula
ni Nagalakshmi V.
 2 serving
ď ? 6 sangkap
 20 minuto
1 kutsara ng mantika asin
PAGHANDA
1
Hugasan at hiwain ang mga dahon ng kangkong. Hiwain nang pinung-pino bawang at putulin sa gitna ang mga siling pula.
PAGLUTO
2
Initin ang kawali sa mahinang apoy at lagyan ng mantika. Kapag mainam na ang init nito, ilagay na ang bawang at prituhin nang 1 minuto. Kapag mahalimuyak na ang bawang, idagdag na ang siling pula at ituloy ang pagprito hanggang sa kumintab ang mga ito.
3
Isama na ang kangkong at dagdagan ng asin habang niluluto sa katamtamang apoy hanggang sa magtubig ito at tuluyang maluto. Mapapansing malalanta at liliit ang mga dahon sa loob ng 5-7 minuto.
4
Idagdag ang lutong kanin at haluin nang mabuti.
5
Ihanda!
MGA BENEPISYO Maliban sa pagkakaroon ng Iron, Vitamin A at Vitamin C, nakakatulong din ang kangkong sa pagbaba ng cholesterol. Malaki rin ang natutulong nito sa pag-iwas sa Cancer pati na rin sa mga sakit sa atay.
Papaya Thai Fried Rice
MGA SANGKAP 1 pound ground chicken 2 basong binalatan at
ni Billy Vasquez
 3 serving
ď ? 10 sangkap
 20 minuto
kinwadradong papaya 1/4 basong ketchup 1/4 baso ng hiwang sibuyas
1
Batiin ang itlog sa isang kutsarita ng mantika at itabi panandalian.
1/4 basong oyster sauce
2
Igisa ang ground chicken kasama ang bawang, ketchup, oyster sauce at soy sauce sa isang kutsara ng mantika hanggang maluto nang mabuti ang manok. Aabutin ito ng 5-10 minuto.
1/4 basong toyo
Paghaluin ang kanin at mga gulay habang niluluto. Matapos ang 5 minuto, ilagay ang karne at binating itlog.
1 malaking itlog
3 4
4 na takal ng lutong kanin 1 kutsara ng hiwang bawang 2 kutsara ng mantika
Ihain sa iyong pamilya!
MGA BENEPISYO Ang papaya ay nagtataglay ng maraming fibre, Vitamin C, at antioxidants na nakakatulong sa pagbaba ng cholesterol. Nakakatulong din ito sa paglakas ng resistensiya laban sa mga nakahahawang sakit.
Chinese Fried Rice with Lettuce (litsugas)
MGA SANGKAP 2 takal ng lutong kanin 4 na baso ng sabaw ng karne 2/3 baso ng tinadtad na
ni Pamela Reed
 3 serving
ď ? 9 sangkap
 30 minuto
carrots 3/4 baso ng frozen green peas 1 1/2 baso ng tinadtad na
1 2
3 4
Pagsamahin sa isang kaldero ang kanin at sabaw. Painitin hanggang kumulo, matapos ay hinaan ang apoy, takpan at painitin nang 20 minuto Pakuluin ang carrots sa isang maliit na kaldero nang 3 minuto. Ilagay ang frozen green peas sa tubig at pakuluin pa nang 1 minuto. Alisan ng tubig. Kumuha ng malaking kawali at painitin sa malakas na apoy. Lagyan ng mantika at ilagay ang carrots at peas. Lutuin nang 1 minuto.
litsugas 2 kutsara ng mantika 3 itlog 2 kutsara ng toyo 1/4 baso ng oyster sauce
Ilagay nag mga itlog at haluin nang mabilis kasama ang carrots at peas.
ALAM MO BA?
5
Isama na ang lutong kanin, litsugas, toyo, at oyster sauce. Paghaluin lahat ng sangkap.
6
Ihanda para malasap ng iyong pamilya!
Mainam sa pagpapapayat ang litsugas dahil sa taglay nitong fibre at cellulose. Meron din itong vitamin C at beta-carotene na nagpapababa ng cholesterol.
Cabbage (Repolyo) Sinangag
MGA SANGKAP 2 kutsara ng vegetable oil 1 maliit na sibuyas 1 basong ginadgad na carrots 4 na basong ginadgad na
ni Phoebe Lapine
4 serving
9 sangkap
20 minuto
repolyo 2 pirasong bawang 2 kutsarang luya (hiwain
PAGHANDA
1
Hiwain nang maliliit na pa-kwadrado ang sibuyas at carrots. Hiwain nang pahaba ang carrots. Gadgarin ang repolyo at hiwain nang pinung-pino ang bawang at luya. Batiin ang mga itlog.
nang pinung-pino) 4 basong lutong kanin 4 na malaking itlog 2 kutsara ng toyo
PAGLUTO
2
3
4
Painitin ang mantika sa isang wok. Ilagay ang sibuyas, carrots, at repolyo, at i-stir-fry nang 5 minuto hanggang lumambot at magsimulang maging brown. Idagdag ang bawang at luya at lutuin hanggang bumango. Isama na ang kanin at i-stir-fry nang 3 minuto hanggang uminit at maging brown nang kaunti. Itabi sa gilid ng wok ang sinangag at prituhin ang mga itlog sa gitna ng wok. Paghaluin ang singangag at ang mga lutong itlog at lutuin nang isang minuto. Tanggalin ang wok sa apoy at ihalo ang soy sauce. Ilipat sa isang mangkok ang sinangag at ihanda sa iyong pamilya!
ALAM MO BA? Ang repolyo ay may anthocyanins na nagpapatalas ng isipan. Nakakatulong din ito sa pag-iwas sa Alzheimer’s disease at Dementia. Dahil sa taglay nitong sulfur, nakakatulong ito sa pagpapanatili ng kutis ng balat. Marami rin itong potassium na nakakapagpaluwag ng mga daluyan ng dugo at nakakapagpababa ng altapresyon.
Hotdog Rice with Malunggay
MGA SANGKAP 3 takal ng lutong kanin 3/4 baso ng hiwang hotdog 1/4 baso ng tinadtad na red bell pepper
ni Chef R. Benitez
 3 serving
ď ? 11 sangkap
 20 minuto
1/4 baso ng dahon ng Malunggay 1 kutsara ng mantikilya
1 2 3
Igisia sa mantika at mantikilya ang sausage sa sa isang kawali hanggang magkulay brown.
2 kutsara ng mantika
Dagdagan ng red bell pepper, kamatis at green peas at ihalo sa Aji-Ginisa Original seasoning hanggang maluto.
1 paketeng Aji-Ginisa Original
Samahan na ng lutong kanin, chicken stock, taba ng talangka at malunggay at haluin. Lutuin hanggang sumingaw at mawala ang sabaw.
1/4 baso ng chicken stock
1/4 baso ng green peas 1/4 baso ng hiwang kamatis 3 kutsara ng taba ng talangka
MGA BENEPISYO Isa ang malunggay sa mga gulay na may pinakamaraming benepisyo. Nakakatulong ito sa pagpapalakas ng resistensiya, pag-kontrol ng altapresyon, paggamot ng sakit ng ulo, pagpapalinaw ng mata, paggamot ng ulcer, at pag-iwas sa mga intestinal worms. Maliban dito, nakakatulong din ito sa pag-iwas sa Cancer.
Vegetarian Fried Rice
MGA SANGKAP 4 na basong kaning lamig 1 sibuyas
ni Rieanne
 4 serving
ď ? 11 sangkap
 30 minuto
1 kamatis 1/2 baso ng Baguio beans 1/2 pirasong carrot
PAGHANDA
1
Hiwain ang mga sibuyas, Baguio beans at kamatis nang manipis. Hiwain sa maliliit na kwadrado ang carrots at brocolli. Kudkurin naman ang repolyo at batiin ang itlog.
PAGLUTO
2
Painitin ang kawali at lagyan ng kaunting mantika. Idagdag ang binating itlog hanggang magkulay brown ito nang kaunti. Baliktarin upang maluto ang kabilang gilid. Matapos nito, ilipat ang nilutong itlog sa isang patag na plato o chopping board, irolyo at hiwain nang manipis. Itabi muna.
3
Painitin ang natitirang mantika sa kawali at igisa ang sibuyas at kamatis hanggang lumambot.
4
Idagdag na ang lahat ng gulay at haluin nang mabuti. Samahan nang kaunting soy sauce at lutuin nang mga 2-3 minuto.
5
Isama na ang kanin at haluin nang mabuti hanggang sa uminit ito.
6
Ilipat na sa plato ang iyong Vegetarian Fried Rice at ipatong ang piniritong itlog.
1/2 baso ng frozen corn kernels 1/2 baso ng brocolli 1 baso ng tinadtad na repolyo 3 kutsara ng mantika 1 pirasong itlog toyo
MGA BENEPISYO Ang brocolli ay nakakatulong sa pag-iwas sa allergy dahil sa taglay nitong kaempferol at isothiocyanates. Nakakatulong din ito sa pagpapalakas ng mga buto pati na rin ng puso. Kung ikaw ay nagda-diyeta, mainam na sangkap ang brocolli.
Bangus Tausi Fried Rice
MGA SANGKAP luya bawang
ni Chef D. Guingona
 3 serving
ď ? 11 sangkap
 20 minuto
sibuyas tausi de latang kamatis
1
Igisa ang bawang, luya, at sibuyas. Ilagay ang carrots, kintsay, green peas, at tausi. Siguraduhing nahugasahan nang maayos ang tausi para hindi ito maging masyadong maalat.
carrots kintsay kaning lamig
2
Isama na ang chicken broth, pula ng pulang itlog, at mga kamatis. Haluin hanggang lumapot.
3
Idagdag ang luto o lamig na kanin.
4
Isama ang piniriting bangus at itlog.
maalat na egg
5
Dagdagan ng soy sauce hanggang maging tama ang lasa.
chicken broth
soy sauce green peas itlog
ALAM MO BA? Ang bangus ay sagana sa omega 3 na nakakatulong sa pangangalaga ng kalusugan, lalo na sa pag-iwas sa mga sakit sa puso. Ang tausi naman ay nagtataglay ng maraming protina at fibre na nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain sa tiyan at at bituka.
Vegetarian Kamote Fried Rice
MGA SANGKAP 340g kamote 1 kutsarang mantika 1/2 basong sibuyas 1/2 basong sabaw ng gulay
ni Alissandra Maffuci
 2 serving
ď ? 9 sangkap
 20 minuto
2 binating itlog 1/2 basong lutong green peas 1 kutsaritang soy sauce
1
Hiwain sa maliliit na mga piraso ang kamote at itabi muna.
paminta
2
Maglagay ng mantika sa isang malaking kawali at painitin. Ilagay ang sibuyas at lutuin nang 2 minuto.Idagdag ang kanin at ang kamote at timplahan ng asin at paminta. Haluin habang niluluto nang isang minuto at saka idagdag ang sabaw ng gulay. Haluin hanggang mawala ang sabaw.
asin
3
Habang niluluto ang kanin, kumuha ng ibang kawali at painitan sa katamtamang apoy at ilagay ang mga binating itlog. Itabi muna.
4
Kapag tapos nang maluto ang kanin, tikman ito. Kung malutong pa, lutuin pa nang dagdag na 2 minuto. Pagkatapos, tadtarin ang nilutong itlog at ilagay ang green peas. Dagdagan ng soy sauce at haluin lahat.
5
Ilagay sa magkakahiwalay na mangkok at ihanda sa iyong pamilya!
MGA BENEPISYO Ang kamote ay nakakapagpalakas ng katawan at nakakatulong sa pagdagdag ng enerhiya. Marami itong potassium at vitamin B9. Nakakatulong rin ito sa pagiwas sa diabetes, pati na rin sa mga epekto ng pagtanda. Taglay rin nito ang manganese, copper, potassium, iron, vitamins E, C, B6, B2 at A.
Tinapa at Talbos ng Kamote Rice
MGA SANGKAP 75g tinapa flakes 1 kutsaritang mantika 1/3 basong tinadtad na kamatis
ni Barni Alejandro
 3 serving
ď ? 11 sangkap
 20 minuto
1/3 basong talbos ng kamote 2 kutsaritang sibuyas 1/2 kutsaritang bawang
PAGGAWA NG TURMERIC RICE
1
Maghalo ng 1/4 kutsaritang turmeric powder sa bawat isang takal ng lutong kanin sa rice cooker. Itabi muna.
1 pirasong nilagang (hardboiled) itlog 1 takal ng kanin
PAGLUTO
1 kutsaritang calamansi juice
2
1 kutsaritang asin
Maggisa ng sibuyas hanggang lumambot ito. Idagdag ang tinapa flakes at calamansi juice. Lutuin nang isang minuto.
3
Ilagay ang talbos ng kamote at lutuin hanggang maging matingkad na berde ang kulay nito.
4
Ihalo ang turmeric rice at lutuin nang isa pang minuto. Lagyan ng asin at paminta.
5
Ilipat ang tinapa rice sa isang mangkok at patungan ng tinadtad na kamatis at nilagang itlog.
1 kutsaritang paminta
MGA BENEPISYO Malaki ang natutulong ng talbos ng kamote sa pagiwas sa diabetes at mataas na altapresyon at cholesterol. Pinapatay nito ang mga bacteria at fungi sa katawan.
Sinigang na Sinangag
MGA SANGKAP 1 pirasong tinadtad na kamatis
ng Knorr.com.ph
 2 serving
ď ? 12 sangkap
 20 minuto
1/4 pirasong labanos 2 pirasong okra
1
Pakuluan ang baboy. Siguraduhing ka-lebel ng tubig ang laman.
2
Kapag half cooked na, magdagdag ng 1 kutsarang Knorr Sinigang Mix Original. Haluin at pakuluin (simmer) nang 10 minuto. Drain.
3
Painitin ang pan at ilagay ang baboy hanggang mag-kulay brown nang kaunti ang laman.Tanggalin sa pan at i-drain ang tubig.
4
Para sa paghanda ng mga gulay, Magtunaw ng 2 kutsara ng Showa Batter Powder sa 2 kutsara ng malamig na tubig. Haluin nang mabuti.
5
Isawsaw ang mga dahon ng kangkong, okra, sili, at labanos, at sitaw, at i-deep fry nang 2 minuto. I-drain ang tubig at itabi muna.
6
Para sa paghanda ng kanin, hugasan at i-drain ang bigas. Tunawin ang Knorr Sinigang Mix sa 2 baso ng mainit na tubig at haluin habang niluluto.
2 pirasong sitaw 2 pirasong sili pansigang 10 pirasong dahon ng kangkong 2 basong tubig 4 na takal ng kanin 1 pakete ng Knorr Sinigang Mix Original 1 pakete ng Knorr All-in-One + Meaty Seasoning Granules 1 kutsarang vegetable oil
PAALALA: Hugasan ang bigas nang hanggang 2-3 beses lamang upang hindi mawala ang sustansya.
7
Kapag half-cooked na ang kanin, ipatong ang tinadtad na kamatis sa kanin hanggang matapos maluto ang kanin.
8
Tanggalin ang kamatis at itabi muna. Kumuha ng 4 na baso ng kanin at palamigin sa isang plato.
9
Mag-init ng mantika sa pan at iprito ang kanin.Magdagdag ng 1 pakete ng Knorr All-in-One + Meaty Seasoning Granules. Haluin nang mabuti at lutuin nang 5 minuto. Ihain at lagyan ng piniritong baboy, crispy kangkong leaves, pati na ang ibang gulay.
SARSA: Maaaring gamitin ang sarsang ito sa chicken rolls: Maghalo lamang ng cornstarch, tubig, toyo and brown sugar. Pakuluin hanggang lumapot at ayusin ang timpla kung kailangan. Lagyan ng dinurog na mani at pinong hiwang bawang.
100 grams baboy Kasim
MGA BENEPISYO Sa dami pa lamang ng gulay sa Sinigang na Sinangag recipe, siguradong marami itong benepisyo na makakatulong sa kalusugan ng pamilya. Ilan sa mga taglay nito ay vitamin A, C, iron, potassium, atbp.
Chicken Tocino with Malunggay and Kalabasa Rice
MGA SANGKAP PARA SA MALUNGGAY AT KALABASA
chicken stock kanin seasoning powder kalabasa
ni Nancy Lumen
2 serving
7 sangkap
30 minuto
PAGLUTO NG MALUNGGAY AT KALABASA
1
Ipakulo sa tubog ang chicken breast upang makagawa ng chicken stock. Maghalo ng seasoning powder sa isang basong tubig at ilagay sa stock.
2
Isangag ang kanin.
3
Ilagay ang kalabasa at mga dahon ng malunggay at haluin.
4
Ihalo sa sinangag ang chicken stock.
malunggay leaves mantika PARA SA CHICKEN TOCINO
chicken breast asukal achuete salt suka mantika
PAGLUTO NG CHICKEN TOCINO
1
Ilagay ang chicken breast sa gitna ng isang plastic wrapper at patagin ito gamit ang pambayo.
2
Pagsamahin ang asukal, asin, suka at achuete sa isang mangkok.
3
I-marinate ang chicken breasts sa hinalong asukal, asin, atbp.
4
Ilagay ang minarinate na chicken breasts sa isang mangkok. Ilagay sa ref nang 4 na oras.
5
Iprito ang chicken breasts..
6
Ihain kasama ng sinangag, malunggay, at kalabasa.
MGA BENEPISYO Nagpapalinaw ng mata ang kalabasa dahil sa taglay nitong vitamin A. Maliban rito, nakakatulong din ito sa pagpapanatili ng kutis ng balat, pati ng tibay ng mga ngipin at mga buto.
Malunggay and Shrimp Fried Rice
MGA SANGKAP 4 kutsaritang mantika 100g ng hipon 2 kutsarang sibuyas 2 kutsaritang bawang
ni Nancy Lumen
 1 serving
ď ? 17 sangkap
 45 minuto
2 kutsarang kintsay 1/4 basong tinadtad na red bell pepper
1 2
3
Mag-init ng 2 kutsaritang mantika. Igisa ang hipon nang dalawang minuto hanggang maging pink. Tanggalin sa kawali at itabi muna.
1/4 basong tinatad na
Sa parehong kawali, mag-init ng 2 pang kutsarita ng mantika. Igisa ang sibuyas, bawang, kintsay, red bell pepper at green bell pepper hanggang bumango. Idagdag ang sitaw, repolyo, carrots, peas, malunggay, sesame oil at toyo. Lutuin hanggang lumambot.
1/4 basong sitaw
Ihalo ang lutong brown rice at haluin nang mabuti. Lutuin nang 1-2 minuto. Timplahan ng asin at paminta.
1/4 basong carrots
green bell pepper 1/4 basong tinadtad na repolyo 2 kutsarang green peas 1/4 basong dahon ng malunggay 1/2 kutsaritang sesame oil 2 kutsaritang toyo 1/3 takal ng brown rice paminta asin
Kanindaryo
RICE MIX CALENDAR
MONTH 1: LINGGO Petsa: VEGETARIAN FRIED RICE
Petsa: GARLIC FLAVOURED KANGKONG RICE
Petsa: CABBAGE (REPOLYO) FRIED RICE
Petsa: CHINESE FRIED RICE WITH LETTUCE (LITSUGAS)
LUNES
MARTES
MIYERKULES
HUWEBES
BIYERNES
SABADO
Gamitin ang Kanindaryong ito upang planuhin ang rice mixes na lulutuin para sa iyong pamilya. Pagkatapos ng tatlong buwan, maaaring kumuha ng panibagong kanindaryo mula sa www.sustansaya.ph
MONTH 2: LINGGO Petsa: MALUNGGAY SHRIMP FRIED RICE
Petsa: SAUSAGE RICE WITH MALUNGGAY
Petsa: BANGUS TAUSI FRIED RICE
Petsa: CHICKEN TOCINO WITH MALUNGGAY AND KALABASA RICE
LUNES
MARTES
MIYERKULES
HUWEBES
BIYERNES
SABADO
Para sa karagdagang resipe at iba pang impormasyon ukol sa anemia, mag-log on lang sa www.sustansaya.ph
MONTH 3: LINGGO Petsa: SINIGANG NA SINANGAG
Petsa: PAPAYA THAI FRIED RICE
Petsa: VEGETARIAN SWEET POTATO RICE
Petsa: TINAPA AT TALBOS NG KAMOTE RICE
LUNES
MARTES
MIYERKULES
HUWEBES
BIYERNES
SABADO