2021 ̶ PORTPOLYO
hanapin
#FilipinoSaPilingLarangan
#AkademikongPagsulst
talaan ng mga akademikong sulatin
KOLEKSYON NG BUNGA NG SIPAG AT TIYAGA
Mga may akda: Elisha Jezreel Ang Jerilyn Buena Kyra Eunice Nazareno Mariah Jichelle Nokom Gurong Tagapayo: G. Khen Lacaba Hunyo 10, 2021
Marami ang natutunan at dumagdag ang kaalaman tungkol sa pagsulat ng akademikong gawain. Ang akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatulong ito sa pagpapataas ng kaalaman ng tao sa iba't-ibang larangan. Ito din ay makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon, at opinion base sa manunulat. Atin din ito ginagamit upang makapagbatid ng mga impormasyon at saloobin. Sa portfolio na ito, nakalimbang ang iba't-ibang halimbawa ng akademikong gawain na sa palagay ng may akda ay makakatulong ito sa kapwa niyang mag-aaral lalo na sa darating pang mga panahon. - Elisha Jezreel Ang
Nakapaloob sa portpolyong ito ang koleksyon ng iba’t ibang sulating akademiko, partikular na sa pagbuo ng bionote, panukalang proyekto, pagsulat ng adyenda, katitikan ng pulong, at talumpati. Taglay-taglay nito ang pamagat na Cronicas na nangangahulugang talaan. Kaya naman, kung ito ay iuugnay sa mga nilalaman ng portpolyo, ang kabuuang ideya na malilikha ay katumbas sa talaan ng mga akademikong pagsulat, partikular na sa larangan ng Filipino. Ang mga ito ay pawang orihinal na gawa ng mga may akda na naglalayong makapaghatid ng mga impormasyon, saloobin, at kaisipan. Sumasalamin ito sa kanilang ibinuhos na sipag at tiyaga, pati na rin ng kanilang mga angking kahusayan at talento sa pagsulat. Nakabatay rin ang mga ito sa mga natutuhan nila sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan na pinatnubayan ng kanilang gurong nagngangalang G. Khen Lacaba. Kaya naman, lubos ang pasasalamt ni Jerilyn Buena sa gurong ito pati na rin sa iba pang may akda na nagsumikap rin upang makamit ang tagumpay sa bawat sulatin. - Jerilyn Buena
Ang portfolio na ito ay binubuo ng iba’t ibang seksyon ng mga akademikong gawain na kinakailangan ng kritikong pag-iisip upang maisagawa ang ninanais na kaisipan sa bawat sulating isinigawa. Ito ay makakapag-bibigay ng karagdagang kaalaman at makakatulong sa iba’t ibang larangan ng asignaturang ito. Sumasailalim ang portfolio na ito sa mga pagpapahalaga ng isang mag-aaral kaya naman masasabing may inilaan na pagtitiyaga ang bawat indibidwal sa paggawa nito. Lubos na nagpapasalamat si Kyra Eunice Nazareno sa guro ng asignaturang ito, kay G. Khen Lacaba dahil sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman at mga leksyon lalo na sa mga pagsulat ng mga akademikong gawain. Nagpapasalamat siya na nabigyanang mga mag-aaral ng gabay tungo sa asignaturang ito. Sa iba pang mga awtor ng portfolio na ito ay lubos din ang kanyang pagpapasalamat, dahil sa matindi nilang pagtitiyaga upang makatulong at makagawa ng mga akademikong sulatin. - Kyra Eunice Nazareno Cronicas, na ang ibig sabihin ay mga talaan ng mga sulating nailimbag o isinulat noon. Sa portfolio na ito ay makikita ang bionote at talumpati ni Mariah Jichelle pati na rin ang aming panukalang proyekto, adyenda, at katitikan ng pulong. Kaakibat ng mga ito ang kanyang mga natutuhan at aming paghihirap sa paggawa ng mga ito.
Nais niyang pasalamatan unang-una ang kanilang guro na tumulong at nagbigay kaalaman sa amin upang maisagawa ang portfolio na ito. At sa kanyang mga kagrupo na bumuo nito dahil hindi ito magagawa kung hindi dahil sa kanila. - Mariah Jichelle Nokom
01 05 12 15 24 26
Bionote ng Personalidad
28 30 32 34
Talumpati: Kabataan Nagdaranas ng Pangunguya
Panukalang Proyekto 01
Adyenda ng Pulong Katitikan ng Pulong Talumpati: Dagat, Kanino ka Nararapat?
02
Talumpati: Pagmamahal sa Tunay na Wika
Taumpati: Pahinga Epilogo 03
Sariling Bionote
Isinulat ni Elisha Jezreel; Disenyo ni Jerilyn Buena
Si Maria Lea Carrmen Imutan Salonga o kilala bilang Lea Salonga-Chien (ipinanganak Pebrero 22, 1971) ay isang Pilipinang mangaawit at aktres na siya’y nagging bantog dahil sa kanyang pagganap sa musikal na Miss Saigon noong 1989. Noong 1993, siya ay gumanap sa Broadway Production sa Les Misérables, bilang isang batang ulila, pangalang Eponine. At sa kanyang pagsali sa mundo ng musikal, mula sa pinakarespetadong tagapaggawad ng parangal, nagtamo siya ng gantimpala rito at itinanghal bilang kauna-unahang Filipina na nakamit ng Laurenve Olivier, Drama Desk, Tony, Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatangi niyang pagganap bilang “Kim”. Siya ay unang nakilala sa The King and I ng Repertory Philippines noong siya ay pitong taong gulang pa lamang. Sa edad na sampung taon, inerekord naman niya ang awiting Small Voice at ito ang naging simula nang pagiging mabango ng kaniyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at mangaawit sa bansang Pilipinas.
Isinulat at disenyo ni Jerilyn Buena
Si Maria Lea Carmen Imutan Salonga, na mas kilala bilang Lea Salonga, ay ipinanganak noong ika22 ng Pebrero taong 1971 at lumaki sa lungsod ng Angeles. Isa siya sa mga sikat na Pilipinang mag-aawit sa bansa. Ngunit bago pa man niya tahakin ang landas ng musika, siya ay naging aktibong mag-aaral ng produksiyon sa paaralang O.B. Montessori Center, kung saan nagtapos siya bilang balediktoryan. Pinasok naman niya ang Kolehiyo ng Musika sa Unibersidad ng Pilipinas na isa sa pinakamahuhusay na paaralan sa bansa. Dati rin siyang nagnais na maging doktor ngunit hindi na niya naipagpatuloy pa dahil sa pagsikat sa larangan ng musika at pag-awit. Sa murang edad na pitong taong gulang, kabilang na agad siya sa isang propesyonal na pagtatanghal ng The Kind and I. Noong siya naman ay sampung taong gulang na, nakapaglabas na agad siya ng kanyang sariling album na pinamagatang “Small Voice.” Sa patuloy na pagsali niya sa mga teatro, naging bantog ang kaniyang pangalan lalo na noong gumanap siya bilang Kim ng Miss Saigon, Jasmine ng Aladdin, Fa Mulan ng Mulan, at Epipone ng Les Miserables. Dahil sa kanyang taglay na kahusayan sa pag-awit, nagtamo siya ng parangal bilang kauna-unahang Pilipina na nagkamit ng Laurence Oliver, Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle at ang Theathre World Award.
Isinulat ni Kyra Eunice; Disenyo ni Jerilyn Buena
Si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga, mas kilala sa pangalang Lea Salonga ay ipinanganak noong ika-22 ng Pebrero taong 1971 sa lungsod ng Maynila. Siya ay nag-aral sa O.B Montessori Center sa Greenhills, Manila mula elementarya hanggang hayskul. Siya ay nagtapos bilang Valedictorian. Pumasok siya sa Unibersidad ng
Pilipinas sa isang programa ng Kolehiyo ng Musika. Nag-aral din siya ng Pre-med o BS Biology sa Ateneo De Manila University. Ang kaniyang mga parangal ay Outer Critics Circle Award for Outstanding Actress in a Musical (1991), Laurence Olivier Award for Best Actress in a Musical (1990), Tony Award for Best Performance by an Actress in a Leading Role in a Musical (1991), Drama Desk Award for Outstanding Actress in a Musical (1991), at WhatsOnStage Award for Best Ensemble Performance (2011). Siya ay ang World Vision Ambassador for Child Sponsorship na nagtataguyod para sa mga kabataan na maabot ang kanilang buong potensyal sa pamamagitan ng pagtugon sa kahirapan at kawalangkatarungan.
Isinulat ni Mariah Jichelle; Disenyo ni Jerilyn Buena
Siya ay si Beethoven Bunagan, o mas kilala bilang si Michael V. Isa siyang sikat na artista mula sa GMA Network. Isinilang siya noong ika-17 ng Disyembre, taong 1969, sa Pandacan, Manila. Kilala rin siya sa kaniyang mga palayaw na ‘Bitoy’ o ‘Toybits’. Mas kilala siya bilang isang komediyante, lalo na sa palabas ng GMA Network na Bubble Gang. Umarte rin siya sa ibang telenobela tulad ng Pepito Manaloto, Eat Bulaga’s Holy Week Specials, at iba pa. Kilala rin siyang host sa sikat na noontime show na Eat Bulaga at sa iba pang palabas. Isa rin siyang mang-aawit at kilala rin sa pagsasalin ng mga sikat na awiting Filipino at banyaga.
I. Titulo ng Proyekto Panukala: Boluntaryong Tulong Para sa Ligtas na Kalusugan Organisasyon: United Nations World Food Programme Petsa at Lugar: Nobyembre 28, 2021 – Disyembre 25, 2021; Quezon City II. Abstrak Kasalukuyang dinaranas ng ilang mga lugar sa lungsod ng Quezon City ang suliraning ukol sa kakulangan ng maayos at ligtas na makakain, kahit pa na tinagurian itong isa sa pinakamalaki at pinakamayamang lungsod hindi lang sa Maynila, ngunit pati na rin sa buong Pilipinas. Higit pa rito, ang pagkakaroon ng krsis sa pandemya ay nagsanhi sa lalong pagkaipit ng mga mamamayan sa opresyon. Ang layunin ng aming organisasyon, ang United Nations World Food Programme, ay maglaan ng hakbang upang matugunan
ang pangangailangan ng mga nakararanas ng gutom at kahirapan, partikular sa pagbibigay ng mga libreng grocery na naglalaman ng substansyal at pangkalinisang pangangailanan upang pangtawid gutom at pangprotekta laban sa pandemiya. Ang programang ito ay maglalaan ng badyet na ₱100,000.00. Ito ay isasagawa sa petsang Nobyembre 28 at inaasahang matatapos sa ika-25 ng parehong taong kasalukuyan. III. Katwiran ng Proyekto Ang Quezon City ay ang tinaguriang pinakamalaking lungsod sa buong Maynila. Isa rin ito sa may pinakamaraming populasyon at pinakamayaman na lungsod sa Pilipinas. Bagaman ganito ang katayuan ng Quezon City sa bansa, hindi maitatanggi na ilan sa mga lugar na nakapaloob dito ay nakararanas pa rin ng lubos na kahirapan. Dumagdag pa ang krisis ng pagkaipit ngayong
nasa gitna ng pandemiya ang bansa. Ang mga mahihirap ay lalo pang naghirap. Ilan sa mga mamamayan ng naturang lungsod ay umaasa lamang sa basura kung saan ang kanilang kinikita ay hindi pa lalagpas sa dalawang daang piso. Ang ibang basurang pinagpipilian dito tulad ng mga laruan ay naitatabi pa nila at muli pang nagagamit sa kanilang mga tahanan. Ngunit hindi lamang ang ganitong klaseng basura ang muli pa nilang nagagamit, pati na rin ang mga pagkain matatagpuan mula sa tumpok ng basura. Mga tira-tira at expired na pagkain ang nagiging solusyon sa kanilang kumakalam na sikmura. Bukod pa rito, kabilang sa mga basura ang mga gamit na facemask galing ospital. Dahil walang maayos na gwantes na gamit ang mga ito habang pinipili ang pinaghihiwalay ang mga basura, lubos itong mapanganib sapagkat may pandemyang kinakaharap ang bansa.
Sa panahon ng krisis sa pananalapi, pinag-uusapan natin ang "belt tightening.” Pero sa panahon natin ngayon at ating nilalabanan ang krisis dulot ng pandemya, ang wikain ay "flattening the curve." Anuman, ang mga mahihirap ay nagdudurusa nang hindi katimbang mula sa mga kinakailangang pagwawasto. Dahil dito, kinakailangan ng mga nabanggit na mga mamamayan ng maayos na makakain sa pang arawaraw upang mapanatiling malakas ang kanilang pangagatawan. Hindi lang ito para makaiwas sa COVID-19 ngunit pati na rin sa iba pang mga nakahahawang sakit na maaari nilang makuha sa pagkaing mula sa basura. Dagdag pa rito, kailangan rin nila ng mga kagamitang makakapagprotekta sa kanila habang isinasagawa nila ang kanilang tanging piagkukuhanan ng kita. Kaya naman isasagawa ang proyektong ito na pangungunahan ng United Nations World Food Programme.
IV. Layunin Sa aming programa, ang layunin ay gumawa ng mga hakbang upang masuportahan at makapagbigay ng munting tulong sa mahihirap at mga nagugutom habang sinusubukan nating patagin ang pagkalat ng byrus at impeksyon nito sa mas mabilis na panahon. Gayunpaman, maraming mga bansa ay nagpataw ng pinahusay na mga panukalang makakatulong upang mabawasan ang paghawa at kasabay ng paghahanap ng paraan upang matulungan ang milyun-milyong mga tao na nangangailangan ng tulong. Kaya naman, dahil na rin sa araw ng pasko magaganap ang pagbibigayan ng tulong, naglalayon kami na makapagbigay ng donasyon na naglalaman ng mga pagkaing maaaring maihanda sa pagdiriwang ng pasko tulad ng spaghetti at fruit salad. Kasama din nito ang mga pagkain sa pang arawaraw tulad ng bigas, mga de lata, noodles, biskwit, tubig, gatas, at kape. Dagdag pa rito, mamimigay din kami ng mga shampoo, sabon, alcohol, facemask/faceshield, gwantes, at bitamina C na magagamit upang mapanatiling malinis at malakas ang katawan at matiyak ang kaligtasan ngayong nasa gitna ng pandemiya. V. Target na Benepisyaryo Ang mga taong magbebenipisyo sa proyektong ito ay ang mga pamilyang naninirahan sa lungsod ng Quezon City. Bukas ito para sa lahat ng babae at lalaki ng kahit anong edad ngunit limitado lamang para sa mga pamilyang walang hanapbuhay at pinagkakakitaan. Kung mayroon man, ito ay para sa mga sumasahod nang hindi umaabot ng isang libo, tulad ng mga nagangalakal ng basura upang may pangtustos sa pang araw-araw. Iyan ang magiging sakop ng mga target na benepisyaryo ng panukalang aming isasagawa. VI. Implementasyon ng Proyekto A. Iskedyul Mga Gawain 1. Pagpapasa, pagpapaapruba, at paglabas ng badyet
Iskedyul
Mga Responsibilidad
Nobyembre 28 – Disyembre 3
Tagapamuno ng Proyekto
Mga Gawain
Iskedyul
Mga Responsibilidad
2. Pagpupulong kasama ang mga kagawad, konsehal, tanod, at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan na makatutulong, ukol sa mga detalye ng proyekto pati na rin sa paghingi ng tulong sa pagpapaabot at pagkalat ng impormasyon (saan at kailan) sa magaganap na proyekto
Nobyembre 28 – Disyembre 3
Tagapamuno ng Proyekto
3. Pagsasarbey sa mga pamilyang naninirahan sa Quezon City at paglilista ng mga kwalipikado sa target na benepisyaryo ng proyekto 4. Pakikipag-usap sa lokal na gobyerno o mga namamahala ng court sa nasabing lugar (Quezon City) ukol sa pagpapareserba at pagbabayad ng deposito nito
Disyembre 5 - 9
Lahat ng miyembro kasama ang mga tanod
Disyembre 10 - 11
Dalawang miyembro na nakatalagang magpareserba at magbayad ng deposito
5. Pakikipag-usap sa mga negosyanteng maaaring mapagrentahan ng mga kagamitan tulad ng mga lamesa, upuan, at sasakyan na ilalaan sa proyekto
Disyembre 10 - 11
Dalawang miyembrong nakatalagang makipagusap sa mga negosyante
6. Pag-order ng mga bultuhang bitamina C, alcohol, facemask/faceshield, gloves, shampoo, at sabon
Disyembre 10 - 11
Dalawang miyembrong nakatalaga sa pagorder
Mga Gawain
Iskedyul
Mga Responsibilidad
7. Pagbili ng mga nilalaman ng mga donasyong ipamimigay tulad ng bigas, mga de latang pagkain, biskwit, kape, at iba pa. Kasabay na rin nito ang mga plastik at ecobag na paglalagyan ng mga donasyon, pati na rin ng papel na gagamitin sa pagimprenta ng mga tiket na ipamamahagi sa bawat pamilya upang maiwasan ang dayaan
Disyembre 12 - 16
Lahat ng miyembro
Disyembre 17 - 18
Dalawang miyembro na nakatalaga sa paggawa at pagpunta sa printing shop upang maimprenta ang mga tiket
Disyembre 18
Dalawang miyembrong nakatalaga sa pagkuha ng mga inorder
10. Pamamahagi ng mga tiket sa mga taong kasama sa listahan ng mabibigyan ng donasyon
Disyembre 17 - 24
Mga pinaghating grupong may nakatalagang dalawang miyembro na maghahalinhinan kasama ang mga tanod
11. Pagpaparte ng bigas ayon sa kilo at pagsasaayos ng mga nilalaman ng donasyon sa iisang eco-bag upang mapadali ang pagbabahagi nito sa mga tao
Disyembre 19 - 23
Lahat ng miyembro
8. Paggawa at pag iimprenta ng mga tiket
9. Pagkuha ng mga inorder nabultuhang bitamina C, alcohol, facemask/faceshield, shampoo, at sabon
Mga Gawain
Iskedyul
Mga Responsibilidad
Disyembre 23
Dalawang miyembro na nakatalaga sa pakikipagusap upang maiorder ang mga tubig
Disyembre 23 - 24
Lahat ng miyembro
Disyembre 24
Lahat ng miyembro pati na rin ng mga kawani ng lokal na pamahalaan (tanod, kagawad, konsehal)
Disyembre 24 (pagkatapos ng maikling pulong)
Lahat ng miyembro pati na rin ng mga kawani ng lokal na pamahalaan (tanod at kagawad)
Disyembre 25
Lahat ng miyembro kasama ang mga tanod
12. Pag-order at pagkuha ng mga galong naglalaman ng tubig 13. Okular na pagbisita sa gaganapan ng proyekto (court sa Quezon City) 14. Muling pagpupulong kasama ang mga kasangkot sa proyektong gaganapin tungkol sa unting mga paalala at pamantayan, lalo na sa health protocols na kinakailangan sundin upang maisagawa nang maayos ang proyekto at mapanatiling ligtas ang mga benepisyaryo. 15. Pag-aayos ng court na gaganapan ng proyekto
16. Pagsasagawa ng pangunahing layunin ng proyekto (pagbibigay ng donasyon)
B. Badyet Mga Gastusin
Halage
1. Deposito sa pagpapareserba ng court na paggaganapan ng proyekto
₱8,000.00
2. Mga upuan, lamesa, sasakyan, at tent na rerentahin
₱8,000.00
Mga Gastusin
Halage
3. Pambayad sa mga tanod na tumulong sa proyekto
₱5,000.00
4. Mga donasyong pagkain (bigas, kape, de lata, gatas, etc.), mga papel na gagamitin sa tiket, plastik para sa pagpapakete ng bigas, at eco-bag na paglalagyan ng donasyon
₱60,000.00
5. Hygienic needs (sabon at shampoo) at mga kagamitang panlaban kontra sa pagkahawa ng COVID-19 (alcohol, facemask/faceshield, at bitamina)
₱16,000.00
6. Pagiimprenta ng mga tiket 7. Galong naglalaman ng tubig KABUUANG HALAGA
₱500.00 ₱2,500.00 ₱100,000.00
B. Pagmomonitor at Ebalwasyon
Matapos na maisagawa ang pagbibigay ng donasyong pagkain at panlaban kontra sa pagkahawa ng COVID-19 sa mga target na benepisyaryo ng proyekto sa araw ng pasko, inaasahan na ang mga ito ay magkakaroon ng ihahandang pagkain na mapagsasaluhan ng bawat isang miyembro ng mga pamilyang nabigyan, na magreresulta sa masayang padiriwang ng pasko. Bukod sa mga maaaring maihanda sa kapaskuhan, ang mga natirang donasyong pagkain ay inaasahang makapagbigay ng maayos at hindi expired na pantawid gutom sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang mga sabon, alcohol, facemask/faceshield, at gloves naman ay makatutulong upang mapanatiling malinis ang kanilang pangangatawan. Dagdag pa rito, ang bitamina C ay inaasahang makapagpalakas ng kanilang kalusugan upang maiwasan ang mabilis na pagkakahawa sa COVID-19.
Maaari ring imonitor ng mga eksperto ng lokal na pamahalaan ang naturang proyekto upang masubaybayan. Gayundin sa pagmomonitor ng kahinaan at kalakasan na nakapaloob dito upang maitala ito sa isang sanggunian na magsisilbing gabay sa mga susunod pang proyekto sa hinaharap.
ADYENDA NG PULONG Paghahanda para sa gagawing boluntaryong tulong para sa ligtas na kalusugan na gaganapin sa Quezon City Lokasyon: Microsoft Teams Petsa: Biyernes, ika-4 ng Hunyo, taong 2021 Oras: 10:30 n.u. Hanggang 11:30 n.u. Tagapangasiwa: Bb. Jerilyn Buena I.
Introduksyon Pagbabahagi ng pangkalahatang ideya tungkol sa mga adyenda at gawain para sa pulong II. Pang-uumpisa ng panalanginI III. Pagtatala ng dumalo IV. Pagpresenta at pagtalakay ng adyenda
1.
Maikling pagtatalakay tungkol sa katwiran ng proyekto at kaunting mga kaalaman sa kasalukuyang nararanasang buhay ng mga target na benepisyaryo.
2. Pagpaplano para sa mga paghahandang kailangang isagawa bago ang aktwal na pagbibigay ng donasyon a.
Pagtatalakay sa kabuuang badyet at sa kung anong mga bagay na kinakailangan sa proyekto ito paghahatian
b.
Pagtatalakay sa gaganaping unang pulong kasama ang ilang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Quezon City i. Petsa kung kailan magaganap ang pulong ii. Mga kasali sa pulong iii. Paksa ng pagpupulong
c.
Pagtatalakay sa sarbey na magaganap i. Petsa ng pagsasarbey ii. Paghahati ng gawain sa araw ng pagsasarbey iii. Tiyak na kota ng mga mamamayang mabibigyan ng donasyon
d.
Pagtatalakay tungkol sa pag-order at pamimili ng mga nilalaman ng donasyon, mga papel at plastik, pati na rin ng sasakyan na paglalagyan nito
i. Petsa at oras kung kailan mamimili nga mga pagkain ii. Petsa kung kailan mag-oorder ng mga galong may laman na tubig at bultuhang facemask, faceshield, gwantes, alcohol, at bitamina C iii. Lokasyon ng pamilihan iv. Transportasyon v. Paglalagyan ng mga pinamilihan (sasakyan)
e.
Paghahati ng mga gawain sa araw ng pamimili ng mga nilalaman ng donasyon at iba pang mga gamit
f.
Pagtatalakay kung paano isasagawa ang paghahalinhinan sa pagbibigay ng tiket sa mga taong kasama sa listahan ng mabibigyan at pag-aayos ng mga donasyon
g. Pagtatalakay tungkol sa pag-aayos ng basketball court na gaganapan ng proyekto i. Tiyak na araw at oras ii. Mga gawain h.
Muling pagpupulong kasama ang mga ilang kawani ng lokal na pamahalaan i. Mga huling paalala bago ang aktwal na pagsasagawa ng proyekto
3. Pagtatalakay tungkol sa mga gawain sa aktwal na pagbibigayan ng donasyon a. Nakalaang oras para sa pagsasagawa ng proyekto i. Tiyak na oras ng pagsisimula ng pamimigay ng donasyon ii. Inaasahang oras ng pagtatapos ng pamimigay ng donasyon
b. Paghahati ng mga gawain ng mga miyembro sa araw ng donasyon V. Karagdagang impormasyon Mga karagdagang paalala sa mga dumalo ng pulong
VI. Pangwakas na salita VII. Pangwakas na panalangin
KATITIKAN NG PAGPUPULONG PARA SA PANUKALANG PROYEKTO NG UNITED NATIONS WORLD FOOD PROGRAMME Petsa Oras Daluyan
: : :
Hunyo 4, 2021 Ika-11:00 n.u. Microsoft Teams
Mga Dumalo
:
Jerilyn Buena (Tagapangasiwa) Elisha Jezreel Ang Kyra Eunice Nazareno Mariah Jichelle Nokom
Mga Lumiban
:
Wala
Ang pagpupulong ay nagumpisa sa pamamagitan ng paglalahad ng introduksyon na pinangunahan ni Bb. Jerilyn Buena (Tagapangsiwa)
Diskusyon 1.
Inilahad ni Bb. Buena ang mga adyenda ng pagpupulong 1.1 Maikling pagtalakay tungkol sa katwiran ng proyekto at kaunting mga kaalaman sa kasalukuyang nararanasang buhay ng mga target na benepisyaryo 1.2 Pagpaplano para sa mga paghahandang kailangang isagawa bago ang aktwal na pagbibigay ng donasyon 1.2.1 Pagtalakay sa kabuuang badyet at kung saang mga bagay na kinakailangan sa proyekto ito paghahatian 1.2.2 Pagtatalakay sa gaganaping unang pulong kasama ang ilang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Quezon City 1.2.3 Pagtalakay sa sarbey na magaganap 1.2.4 Pagtatalakay tungkol sa pag-order at pamimili ng mga nilalaman ng donasyon, mga papel at plastik, pati na rin ng sasakyan na paglalagyan nito 1.2.5 Paghahati ng mga gawain sa araw ng pamimili ng mga nilalaman ng donasyon at iba pang mga gamit 1.2.6 Pagtalakay kung paano isasagawa ang paghahalinhinan sa pagbibigay ng tiket sa mga taong kasama sa listahan ng mabibigyan at pag-aayos ng mga donasyon 1.2.7 Pagtatalakay tungkol sa pag-aayos ng basketball court na gaganapan ng proyekto 1.2.8 Muling pagpupulong kasama ang mga ilang kawani ng lokal na pamahalaan 1.3 Pagtatalakay ukol sa mga gawain sa aktwal na pagbibigay ng donasyon 1.3.1 Pag-uusap sa nakalaang oras para sa pagsasagawa ng proyekto 1.3.2 Paghahati ng mga gawain ng mga miyembro sa araw ng donasyon
Desisyon
.
Diskusyon
Desisyon
2. Inilahad ni Bb. An gang kabuuang badyet na ilalaan para sa panukalang proyekto 2.1Sinabi ni Bb. Ang na ang Php 100,000.00 ay sapat na 2.2Suhestiyon ni Bb. Nokom ang paraan ng paglikom ng badyet 2.2.1 Paghingi ng tulong pinansyal sa mga taong nagnanais ding magpaabot ng tulong 2.2.2 Pera galing sa sariling bulsa ng mga miyembro 2.3 Iminungkahi ni Bb. Nazareno na sapat na ang limang buwan para sa durasyon ng paglilikom (simula Hunyo hanggang Nobyembre) 2.4 Narito ang paghahati ng iminungkahing badyet Mga Gastusin Deposito sa pagpapareserba ng court na paggaganapan ng proyekto Mga upuan, lamesa, sasakyan, at tent na rerentahin Pambayad sa mga tanod na tumulong sa proyekto Mga donasyong pagkain (bigas, kape, de lata, gatas, etc.), mga papel na gagamitin sa tiket, plastik para sa pagpapakete ng bigas, at eco-bag na paglalagyan ng donasyon Pangangailangan pangkalinisan (sabon at shampoo) at mga kagamitang panlaban kontra sa pagkahawa ng COVID-19 (alcohol, facemask/faceshield, at bitamina) Pagiimprenta ng mga tiket Galong naglalaman ng tubig KABUUANG HALAGA
Halaga ₱8,000.00
₱8,000.00 ₱5,000.00
₱60,000.00
₱16,000.00
₱500.00 ₱2,500.00 ₱100,000.00
Desisyon 1: Sa pangunguna ni Bb. Buena, nagkasundo ang lahat ng miyembro sa kabuuang halaga ng badyet na Php 100,000.00 pati na rin sa mga aytems na nakatala sa listahan. Dagdag pa rito, limang buwan ang gugugulin sa paglikom ng kabuuang badyet
Diskusyon
Desisyon
2.3 Sumang-ayon ang lahat ng miyembro sa lahat ng suhestion pati na rin ang paghahati na ito. Komento ni Bb. Buena na sapat na ang inilahad na badyet dahil napaghati-hati ito nang maayos. 3.
4.
5.
Iminungkahi ni Bb. Nokom na matapos maaprubahan at mailabas ang badyet para sa panukalang proyekto, dapat ay magkakaroon ng pagpupulong kasama ang ilang kawani ng local na pamahalaan ng Quezon City. 3.1 Sinabi ni Bb. Nokom na mainam na maisagawa ang pagpupulong sa unang lingo ng naitalagang iskedyul 3.2 Suhestiyon ni Bb. Ang na humingi ng tulong ang mga miyembro sa mga tanod upang mas mapabilis ang pagkalat ng impormasyon tungkol sa proyektong magaganap
Desisyon 2: Nagkasundo ang bawat isang miyembro na kailangang makapagsagawa ng pagpupulong kasama ang ilang kawani ng local na pamahalaan ng Quezon City upang makahingi ng tulong sa pagsasagawa ng proyekto
Pinangunahan ni Bb. Buena ang pagbubukas sa usapin patungkol sa sarbey na gaganapin 4.1 Suhestiyon ni Bb. Nokom na isagawa ito kinabukasan ng araw pagkatapos ng pagpupulong kasama ang mga kawani ng local na pamahalaan 4.2 Mungkahi ni Bb. Nokom na dapa magtalaga ng tiyak na kota ng mabibigyan ng donasyon 4.3 Mungkahi ni Bb. Ang na sapat na ang 200-300 katao dahil ₱100,000.00 lamang ang kabuuang badyet. 4.4 Sinang-ayunan ng lahat ng miyembro ang mungkahi ni Bb. Ang
Desisyon 3: Nagkasundo ng lahat ang inilahad ni Bb. Ang na 200-300 katao ang magiging kota sa sarbey na isasagawa kasama ang mga tanod para masamahan at magpatulong
Pinangunahan ni Bb. Buena ang pagbubukas sa usapin tungkol sap ag-order at pamimili ng mga gagamtin 5.1 Pag-oorder ng ilang kagamitan 5.1.1 Suhestiyon ni Bb. Nazareno na mauna munang iorder ang mga donasyong pangkalinisan at pangkontra laban sa pandemiya
Diskusyon
Desisyon
5.1.2 Ayon sa opinyon ni Bb. Nokom, hindi naman magiging matagal ang pag-oorder, kaya sapat na ang 2 araw para dito 5.1.3 Sinabi ni Bb. Ang na maaaring sa ika-10 hanggang ika-labing isa ng Disyembre ang pag-oorder 5.1.4 Mungkahi ni Bb. Nazareno na isabay na ang pagrerenta ng mga lamesa, upuan, at sasakyan sap ag-oorder ng donasyong pangkalinisan 5.2 Pamimili ng mga laman ng donasyon 5.2.1 Suhestiyon ni Bb. Nokom na isang linggo ang ilalaan para sa pamimili ng mga bigas, mga de latang pagkain, biskwit, kape, at iba pa 5.2.3 Iminungkahi ni Bb. Nazareno na isagawa ang pamimili sa ika-labing isa hanggang ika-labing pito ng Disyembre 5.2.4 Suhestiyon ni Bb. Nazareno na sa Kadiwa Market, Dasmarinas, Cavite
Desisyon 4: Mauuna ang pagoorder at pagrerenta na isasagawa sa ika-10 hanggang ika-labing isa ng Disyembre (2 araw), Habang, sa ika-labing isa hanggang ika-labing pito (1 linggo) ang pamimili ng nilalaman ng donasyon. Dagdag pa rito, napagkasunduan na sa Kadiwa Market, Dasmarinas isasagawa ang pamimili
6.
Paghahati-hati ng gawain sa pamimili at pag-order 6.1 Mungkahi ni Bb. Nokom na maghihiwa-hiwalay lahat ng miyembro sa pagbili 6.2 Suhestiyon ni Bb. Ang na dalawang miyembro ang italaga sa pag-oorder ng mga kailangang iorder 6.3 Dagdag ni Bb. Nazareno na ang mga nag-order din ang kukuha ng mga inorder
Desisyon 5: Napagkasunduan na ang lahat ngmiyembro ay maghihiwa-hiwalay at may kanya-kanyang responsibilidad upang mas mapabilis ang Gawain
7.
Pinangunahan ni Bb. Buena ang usapin tungkol sa paghahalinhinan ng pamamahagi ng tiket at pag-aayos ng donasyon 7.1 Suhestiyon ni Bb. Nokom na mahati ang mga miyembro sa dalawang grupo na may dalawang miyembro ring nakapaloob 7.2 Mungkahi ni Bb. Ang na umaga ng ika-labing pito ng Disyembre hanggang ika-24 ang pamimigay ng tiket ng unang grupo at sa hapon ay maaaring isagawa ang pa-aayos ng donasyon kasama ang lahat ng miyembro
Desisyon 6: Sa pangunguna ni Bb. Buena, napagdesisyunan na magkakaroon ng halinhinan dalawang grupong mahahati sa naturang gawain
Diskusyon 8.
9.
Pinangunahan ni Bb. Buena ang usapin tungkol sa pagsasaayos ng gaganapan ng proyekto 8.1 Suhestiyon ni Bb. Nazareno na isasagawa ito sa ika-24 ng Disyembre, isang araw bago ang aktwal na pagsasagawa ng panukalang proyekto 8.2 Mungkahi ni Bb. Nokom na kasama dapat ang mga tanod sa pag-aayos para mas mapabilis 8.3 Dagdag ni Bb. Buena na kailangan ikonsidera ang pagiging organisado Mungkahi ni Bb. Nazareno na isagawa ang muling pagpupulong sa parehong araw ng pag-aayos ng court. Kung umaga ang pag-aayos, sa hapon naman ang muling pagpupulong kasama ang ilang mga kawani ng local na pamahalaan ng Quezon City 9.1 Suhestiyon ni Bb. Nokom na magtalaga na ng t iyak na responsibilidad ng tanod sa mismong araw ng proyekto 9.2 Iminungkahi ni Bb. Ang na dapat ay may nagbabantay sa gate, nag-aayos ng pila, kukuha ng tiket, at tutulong sa mismong pagbibigay ng donasyon 9.3 Sinabi ni Bb. Nazareno na dahil nasa gitna ng pandemiya ang bansa, may maaatasan sa paniniguradong nasusunod ang health protocols
10. Aktwal na pagsasagawa ng panukalang proyekto (Disyembre 25) 10.1 Oras na susundin 10.1.1 Suhestiyon ni Bb. Nokom na dapat madling araw pa lamang ay nakahanda na ang mga miyembro 10.1.2 Mungkahi ni Bb. Ang na dapat mga bandang alas-otso ng umaga simulant ang pagbibigayan ng donasyon
Desisyon
Desisyon 7: Sa pangunguna ni Bb. Buena, susundin ang pagiging organisado para sa gaganapan ng proyekto
Desisyon 8: Napagkasunduan na bibigyan din ng tiyak na responsibilidad ang mga tanod na tutulong sa proyekto
Desisyon 9: Maagang sisimulan ang proyekto at magtatapos ito ng tanghali. Bukod ditto, napagkasunduan ng bawat isa ang kanikanilang responsibilidad na gagampanan
Diskusyon
Desisyon
10.1.3 Dagdag ni Bb. Buena na kinakailangan ng sobrang oras para sa bigayan dahil maaaring may mangyaring hindi inaasahan 10.1.4 Imunungkahi ni Bb. Nazareno na tanghali ang pagtatapos 10.2 Responsibilidad ng mga miyembro 10.2.1 Suhestiyon ni Bb. Nokom na dapat ay may nakatalaga sa pagkuha ng tiket sa unahan ng court 10.2.2 Dagdag ni Bb. Ang na dalawang miyembro ang aatasan sa pamimigay ng donasyon Nagwakas ang pagpupulong sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahin ni Bb. Nokom Natapos ang pagpupulong sa ganap na ika-11:40 n.u.
PARALLEL TRAILS
DAGAT, KANINO KA NARARAPAT? Isinulat ni Jerilyn Buena
Hindi maikakaila na ang Pilipinas ay paulit-ulit nang nakaranas ng mga pananakop mula sa iba’t ibang mga bansa, sa pagnanais na mas mapalaki pa ang lupang kanilang nasasakupan. Sa kasalukuyang panahon, nariyan pa rin ang mga bansang inaangkin ang mga lupaing hindi naman talaga nila pag-aari. Isang magandang halimbawa nito ay ang kasalukuyang nangyayari sa Tsina at sa isa sa kanilang mga karatig na bansa, ang Pilipinas. Ilang taon na ang nakalipas nang magsimula ang pag-aaway ukol sa kung sino nga ba talaga ang tunay na nagmamay-ari ng West Philippine Sea. Hindi lingid sa kaalaman ang masagang yamang tubig sa nakapaloob sa dagat na ito. Ito marahil ang isa sa mga dahilan ng Tsina kung bakit lubos nilang ninanais na mapasakmay nila ang West Philippine Sea. Noong taong 2016, limang taon na ang nakalilipas, matapang na ipinahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na kailanman ay hindi niya isusuko ito at basta na lamang ibibigay sa Tsina. Ngunit tila nagbago ang katayuan niya sa isyung ito. Naging pabago-bago ang kanyang mga ipinapatupad na patakarang naglalayong maprotektahan ang West Philippine Sea. Dagdag pa rito, naging maluwag ang mga ito dahil itinuring na niya bilang kaibigang bansa ang Tsina. Naapektuhan nito ang ilang
bahagi ng bansa, partikular na sa Maynila. Labis din itong nagdulot ng galit sa mga mamamayang Pilipino. Gaya na lamang ng karamihan sa kanila, isa rin ako sa mga hindi sumasang-ayon na ang West Philippine Sea ay tuluyan nang isuko at gawing South China Sea. Ang West Philippine Sea ay opisyal na bahagi ng eksklusibong sonang ekonomiko ng Pilipinas. Dahil dito, masasabi na ito ay pagmamay-ari ng ating bansa. Sabi nga ng embahador ng Estados Unidos na si Philip Goldberg, ang tinatawag na Nine-dash Line ng Tsina ay pawang gawa-gawa lamang. Ang Nine-Dash Line na ito ay tumutukoy sa isang linyang walumpung porsyento ang sakop sa West Philippine Sea na ginuhit lamang ng pamahalaan ng Tsina. Kaya naman, dahil sa kanilang paniniwalang ito, ang ilang mga pinagaagawang isla tulad ng Spratly Islands ng Pilipinas at Paracel Islands ay sinasabi nilang bahagi ng nasasakupan ng kanilang bansa. Inakala ng Tsina na maaari silang maglabas-masok na lang nang basta-basta sa pinag-aagawang teritoryo, kahit ano mang oras nila nais. Dahil riyan, nagkaroon ng pangyayari kung saan may isang sasakyang pandagat ng Tsina ang inatake at pinalubog ang bangkang pagmamayari ng isang Pilipino na sa mga oras na iyon ay naglalayag sa West Philippine Sea. Datapwa’t, ipinahayag ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na walang karapatang soberano o pangkasaysayan ang tinatawag nilang Nine-Dash Line ng Tsina
dahil wala itong konkretong basehan sa internasyonal na batas. Samakatuwid, sa kabuuan, hindi makatarungan ang ginagawang pang-aangkin ng Tsina at lalo na ang pang-aatake nila sa mga Pilipinong nagingisda roon.
Ang Tsina raw ay nabigyan ng permiso na maaari silang mangisda sa West Philippine Sea dahil ayon sa ating pangulo, siya ang nagmamay-ari nito. Kaya naman, siya rin ang may kapangyarihan na mabigyan ng karapatan ang Tsina dito. Gayon pa man, ito ay labag sa konstitusyon ng Pilipinas. Batay kay Dindo Manhit, kung hahayaan na lamang natin ang ibang mga bansa na malayang kumuha sa ating likas na yaman, mawawala ang ating tanging oportunidad upang maprotektahan ito. Higit pa riyan, para na rin tinanggalan at pinagkaitan ng karapatan ni Pangulong Duterte ang mga Pilipino na mag benepisyo sa kanilang sariling pagmamay-ari. Gayon man, mahihinuha na sa pangyayaring ito na ang ating pangulo, pati na rin ang buong bansa, ay hindi pa mawari kung ano nga ba talaga ang mga possibleng epekto nito. Ang naganap na pang-aabuso ng tinatawag nilang “karapatan” na ibinigay ni Pangulong Duterte sa kanila, ay hindi lamang makaaapekto sa ating likas na yaman, ngunit gayun din sa pagkasira ng ating mga coral reefs; malawakan nitong maaapektuhan ang West Philippine Sea. Kaya naman, nararapat lang na tayo ay kumilos na laban sa ginagawa nilang paninira sa kung ano ang atin, upang sa gayon ay maiwasan natin ang mas malalang epekto nito sa ating kapaligiran.
Batay sa isa sa mga State of the Nation Address (SONA) sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, madiin niyang iginiit ang binabalak niyang kasunduan sa Tsina upang mailayo ang bansa sa posibilidad ng pagkakaroon ng digmaan nang dahil lamang sa West Philippine Sea. Dagdag pa niya na ang kaniyang administrasyon ay gumagawa na ng tinatawag na “delicate balancing act” upang maiwasan na ang hindi pagkakasunduan. Nangangahulugan lamang ito na nais ni Pangulong Duterte na maayos na ang away ng Tsina at Pilipinas ukol sa West Philippine Sea. Ngunit, hindi pa rin tayo makasisiguro na hindi na muling aabusuhin ng Tsina ang mga likas na yamang matatagpuan sa ating teritoryo at pag-atake sa ating mga Pilipino. Dagdag pa rito, nariyan din ang posibilidad na tuluyan tayong mapasakamay ng Tsina. Ang mga Pilipino ay may karapatan na kumuha ng likas na yaman sa West Philippine sea nang tahimik at walang kaguluhan. Bilang mga mamamayan ng Pilipinas, nararapat lang na protektahan natin kung ano ang ating pagmamay-ari at lumaban sa ating mga karapatan. Bilang bahagi ng kabataan, hindi dapat tayo matakot na iparating ang ating mga hinaing at nais sabihin lalo na sa mga mahahalagang isyu tulad nito dahil nakadepende rin dito ang ating kinabukasan. Sabi nga ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, “Ang West Philippine Sea ang pagmamay-ari ng Pilipino, hindi ni [Pangulong Rodrigo] Duterte, at lalonglalo na ng Tsina.”
Isinulat ni Elisha Jezreel Ang
Maaaring marami sa ating mga kababayan nagsasabi na mahal nila ang kanilang wika at bibigkasin ang walang kamatayang kataga ni Jose Rizal na “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.” Maging ako, mahal ko ang ating wika at sa paggamit nito. Bagaman ang salitang “Wika” ay isang maikling salita, ang kahulugan at katangian nito ay napakalawak at napalalim. Na dapat natin pagsikapang aralin para maayos natin gamitin. At kung iyon ay nagawa mo na, paano ba natin maipapakita ang ating pagmamahal sa paggamit ng wika ng iba’t ibang sosyal at kultura sa ating bansa?
pagmasdan at pagyamaning kusa? Kailanman ang wika’y maihahantulad sa pangangalaga pati ang ating kalikasan. Ang wikang Filipino, kung mapapansin at may sariling angkin at kakayahan sa pagpapaunlad nito, sa pagsulong ng kaunlaran sa bayan, kultura, komunikasyon at iba pang larangan.
Maraming iba’t-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o tinatawag ‘ding varayti ng wika. Sabi ng marami na ang wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa sariling wika dahil ang wikang ingles ang pangunahing linggwahe na mas ginagamit ng karamihan saatin at kahit saan man magpunta sa buong mundo ay ginagamit. Ngunit, para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng ating wikang filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino.
Dahil ginagamit natin ang wika, mahalaga na ating palawakin o paunlarin ang ating unawa sa wika at iba’t - ibang sosyal at kultura. Mahalaga ito na ilapat ito natin ito, lalo na sa ating mamamayan sa henerasyon na ito. Hindi pare-pareho ang paggamit ng wika, maaaring ang iyong ginagamit na wika ay ang nakasanayan mo lamang, at sa kabilang banda, maaaring ang iba ay hindi pamilyar sa wikang itong nakasanayan. Para rin sa ating ikabubuti ang tungkuling ito at mapapakita natin ang ating pagmamahal sa importansya sa paggamit natin ng wika.
Kaya, ipakita natin ang ating respeto sa paggamit ng wika. Tayong mga Pilipino ay nagkakaiba sa paggamit ng wika dahil sa iba’t - ibang grupong sosyal at kultura sa ating bansa. Na may iba’t-ibang paniniwala at naiisaad nila kung ano ang kanilang tradisyon. Kaya sa pagrespeto, at paggalang sa paggamit ng wika sa mga grupong ito, maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan at pagpapakita din natin ng importansya sa wika. Diba “Wika ko, wika mo, wika nila, wika nating lahat”? Bakit hindi natin
Ating gawing halimbawa ang salitang pag-ibig sa ating wika. Ang ating wika ay binabatid nito ang kaloobng nais iparating. Mas maiinintidihan ang daing ng damdamin. Sa ating mga tenga’y tila ba huni ng mga ibong nagsi-awit, lalo na’t ang wikang sa’yo ang pinarinig. Na minsa’y mapapaisip ka, bakit ito kinakahiya at isinasantabi.
Ating mapapaisip sa ating henerasyon ngayon, “mahal pa ba natin ang ating wika?”, “nakikita pa ba natin ang kalahagahan nito?” o “maayos ba natin nagagamit ito?”. Sa mga tanong na ito, sana’y “oo” ang ating sagot, at kung “hindi”, tayo’y kumilos at ipakita ang tamang pagmamahal sa wika sa iba’t - ibang sosyal, kultura ng Pilipino at isagot ng “oo” na may kumpyansa. Ating alalahanin na malaking bahagi ito ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Piyesa ng Talumpati
+
www.kabataang-nagdaranad-ng-pangungutya.com
KABATAANG NAGDARANAS NG PANGUNGUTYA Isinulat ni Kyra Eunice Nazareno
Isipin mo na sa iyong paglakad papasok sa paaralan ay agad kang nginungutya at minsan ay inaatake pa ng iba, pisikal man o verbal. Isipin mo na magkaroon ng ganoong karanasan sa kabila ng katotohanang wala kang namang ginawa upang maging karapat-dapat ka na gawin nila iyon sayo, at hindi mo naman hinihingi na ikaw ay maging target nila. Isipin mo na may magsasabi sa iyo na wala kang halaga, na wala kana nang dapat gawin pa na kahit na ano dahil ikaw ay isang kabiguan na walang makakamit sa buhay.
Karamihan sa mga tao ay walang kamalayan kung gaano kalaking problema ang bullying. Ayon sa National Bullying Prevention Center, isa sa bawat limang mga mag-aaral ang nag-uulat na binu-bully. Ang ganitong pang-aapi ay napakapangkaraniwan na sa ating buhay na hindi
natin ito napapansin kapag nangyayari na ito. Ang isang kabataan ay mas malamang na magkaroon ng pagkalumbay, mga problema sa pagtulog, at mga paaralan. Ang pang-aapi, hindi alintang kung sino ka man o kung ano ang iyong ginagawa sa buhay, ay hindi kailanman magiging katanggap-tanggap. Gaano man kataas ang tingin mo sa sarili mo, ay wala kang karapatang magsabi ng mga masasakit na bagay sa isang tao. Bakit hindi maunawaan ng ibang tao na ang mga salita ay nag-iiwan ng mga galos at nagtatanim ng mga kawalang-seguridad sa isang indibidwal. Tumatagal ng limang segundo upang sabihin ang iyong mga salita, ngunit tumatagal ng maraming taon upang maalis sa isip ng tao ang mga salitang iyong saglit na sinabi.
Mayroon akong kaibigan, na naranasan ang mabully at ganito ang sinabi niya saakin, "Alam mo parang may mga sugat ako sa loob ko na nandiyan na magpakailanman." Alam ko, may alam ako na binu-bully ang kaibigan ko. Alam kong nangyari na ito nang maraming beses noon,
minsan ay nakikita pa ng sarili kong mga
mata. Ngayon, pagtanaw sa aking sarili noon, ikinakahiya ko na ang aking sarili bilang bystander. Nasasaksihan ko na ang mga pangaapi ngunit mas pinili kong manahimik at hindi sila tulungan dahil sa totoo lang, natatakot din ako magtanggol at mabully.
‘kaibigan’, na pwedeng pagsabihan ng mga problema at magkaroon ng motibasyon para magpatuloy sa kani-kanilang buhay. Iyan man maging kaibigan, magulang, o kaklase, sila dapat ang unang maaasahan ng mga biktima ng bullying na kanilang ipagtatanggol sila.
Bukod dito, apatnapu’t isang porsyento ng mga mag-aaral na nag-ulat na binu-bully sa paaralan naniniwala na ang pang-aapi ay magaganap muli. Kapag ba sinabihan mo sila ng mataba, magmumukha kang mapayat? Kapag sinabihan mo ba sila ng walang alam, magiging matalino ka? At kapag ba sinabihan mo silang mawala na sa mundo, makakapagpaganda ba ito ng iyong buhay?
Kaya ngayon, kapag ang iyong kaibigan ba ay nakatanggap ng mga masasakit na salita, pwede bang pasayahin mo siya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mabubuting salita? Kapag mayroong nagtulak sa kanila pababa, pwede bang tulungan mo ba siyang bumangon? Kapag nakatuklas ka ng isang taong inaapi, pwede bang ipaglaban mo sila? Bigyan natin ang mundong ito ng puno ng pagmamahal at kabutihan, at piliin ang pagiging postibo kaysa sa pagiging negatibo. Lagi kang may kakayahan na baguhin ang anumang bagay sa ano mang oras o panahon, anuman ang sitwasyon.
Bakit para sa sa ibang tao ang kanilang paniniwala ay ang panunukso ay nagpapakita ng katapangan? Gusto mo bang malaman ang katotohanan kung paano maging matapang? Iyong puntahan ang mga inapi mo at humingi ka ng kapatawaran. Iyong lapitan ang mga nanunukso at sabihin sa kanila itigil mo na ito. Iyon ang tunay na ibig sabihin ng matapang. Dagdag pa higit pa sa labing-apat na porsyento ng mga estudyante sa hayskul ang nag-iisip na magpakamatay at pitong porsyento naman ang nagbabalak na mismong magpakamatay. Ilan pa bang pagpapakamatay ng mga biktima ng pangaapi ang kailangan bago mapagtanto, mabuksan ang isipan ng mga tao sa mundo na ang bullying ay nakakapatay ng buhay. Kaya dapat ang lahat ay mayroong maaasahan na suporta sa kaniyang buhay. Ang mga taong inaapi, ay kailangan meron
At, para sa mga na-bully at patuloy na binu-bully. Kung ano man ang sabihin o gawin nila sa iyo, ikaw ay isang pagpapala, at mayroon kang kakayahang magpalaganap ng pagmamahal at kabaitan sa buong mundo, kahit na mahirap ito. Alamin mo na hindi ka nabubuhay para sa kanila, na hindi ka isang bukas na kahon para sa mga opinyon ng sinuman. May mga oras na kailangan mo munang malaman kung sino ka at mahalin mo ang iyong sarili dahil iyon ang totoong mahalaga. Tanggapin mo kung ano ka, hindi sa kung ano ang sinasabi ng iba. Hindi ka ipinanganak upang maging perpekto para sa kanila; sa halip ikaw ay ipinanganak upang tumayo ng matuwid at magkaroon ng tiwala sa sarili kahit na ikaw ay nakakaiba.
Pahinga
B
words_mariah jichelle. editor_jerilyn buena
akit nga ba nagsusulat ang tao? Paano sila nakalilikha ng mga bagay gamit lamang ang kanilang utak at mga karanasan sa buhay? Paano nila nagagawang gawing posible ang imposible? Kung ating iisipin, hindi ba’t napakahusay ng mga manunulat dahil nakagagawa sila ng panibagong mundo, bukod pa sa mundong ating ginagalawan ngayon? Hindi ba’t nakabibighani ang kanilang kakayahan na gumawa ng mga karakter na para na ring totoong tao, dahil sila ay may makatotohanang ugali, personalidad, at galawan. Magandang araw sa inyong lahat, ako si Mariah Jichelle Nokom upang ipaalam sa inyo ang kagandahan ng pagsusulat, na isa sa mga bagay na tumulong sa akin. Bata pa lamang ako ay nahihilig na akong magsulat ng mga kwento at tula. Marami na rin akong naisulat na tula sa aking mga kuwaderno, at mga kwento na aking nailathala. Ang pagsusulat ay isa ring uri ng sining, ngunit letra at mga salita ang mga salik upang makabuo ng isang magandang obra maestra, imbis na mga larawan. Sa totoo lang, bilang isang manunulat at base sa aking mga karanasan, ang pagsusulat ay kagaya
lamang ng kahit na anong trabaho, mahirap. Kung iniisip ng iba na madali lamang magsulat, ako na ang magsasabi, hindi ito biro. Mahirap gumawa ng panibagong mundo dahil kailangan ay kumpleto, kumbaga hindi ito nawawalan ng kung anong mga bagay na meron din sa totoong mundo. Mahirap gawin ang mga karakter dahil sila ay parang mga totoong tao na rin. Mayroon silang itsura, nararamdaman, at mga naging karanasan sa buhay. Mahirap isipin ang magiging daloy ng istorya, ang mga dapat na mangyari, at ang mga hindi dapat. Lahat ay marunong magsulat, ngunit hindi lahat ay may kaya nito. Pero sa kabila ng lahat ng hirap na aking nabanggit, marami pa ring mga tao na pinagpapatuloy ito. Bakit? Dahil sa pagsusulat na lamang namin nailalabas ang lahat ng aming saloobin. Lahat ng aming gustong sabihin, ipakita, at gawin na hindi namin magawa. Lahat ng mga salita na hindi namin kayang bigkasin sa ibang tao. Lahat ng mga kilos at gawain na hindi namin kayang ipakita sa iba. Dito namin nagagawa ang mundo na aming nais at takasan. Malaya kaming gawin lahat ng gusto
namin sa pagsusulat dahil kami ang mga awtor nito. Sa akin, ang pagsusulat ay isa sa mga paraan ng aking paghinga. Sa pagsusulat ko lahat ibinubuhos ang aking mga nararamdaman, saya, lungkot, galit, takot, at iba pa. Isa ito sa mga bagay na malaki ang naitulong sa aking buhay, lalo na noong mga panahong halos hindi ko na alam ang aking gagawin sa buhay. Dahil sa pagsusulat, nakagawa ako ng mga mundo nan ais ‘kong takasan noong mga panahong halos talikuran na ako ng mundo.
Bilang manunulat, responsibilidad namin na gumawa ng mga mundo na maaaring mapuntahan ng mga taong nawawala at gustong tumakas sa reyalidad; mga mundo kung saan nila mararamdaman ang kahit na anong emosyon, ngunit mararamdaman nila na hindi sila nagiisa, na maraming tao para sa kanila, at kailangan lang nilang hanapin kung sino ang mga iyon. Ang mga mundo na aming ginagawa ay para lamang makatakas tayo panandalian sa masakit na reyalidad ng buhay. Parang sa paghinga ng tao, kailangan nating humugot ng buntonghininga at magpahinga, at isa iyon sa mga nagagawa ng aming mga isinusulat. Hindi lamang panakas sa reyalidad, ngunit hindi rin nawawala.
Ang mga istoryang aming ginawa ay hindi lang para sa panahon na ginawa naming iyon, pero para na rin mabuhay ito ng napakatagal na panahon. Dahil hangga’t may taong nabubuhay, kailangan nila ng pagpapahingahan. Maaari nilang maging tahanan ang mga istoryang nailikha upang maranasan nila ito kung pakiramdam nila ay wala silang mahanap na tahanan sa kanilang mga buhay. Hangga’t may nabubuhay, kailangan nilang huminga. At ang mga istoryang ito ay maaaring magsilbi bilang kanilang paghinga, kung pakiramdam nila ay hindi na sila makahinga. Malaki ang responsibilidad naming manunulat dahil kami ang lumikha sa mga mundo at mga tao na maaaring makapagpabago sa buhay ng iba. Mahirap magsulat, hindi ito isang simpleng bagay na dapat maliitin. Ngunit dahil sa aming mga sariling karanasan sa buhay, nagagawa naming posible ang mga imposible. Sa pagsusulat, walang bawal, walang limitasyon, at lahat ay maaari. Kaya kung pakiramdam mo ay hindi mo na kaya, maaari kang kumuha ng kahit na anong panulat at papel, dahil maari ka nitong matulungang huminga. Iyon lamang at maraming salamat.
Sa paggawa ng mga Akademikong gawain at sa E-Portfolio ng may akda ay marami silang natutuhan patungkol sa kung paano sumulat nito. Nalaman ni Elisha Jezreel Ang na hindi lang iisa o dalawa ang nasa akademikong gawain, kundi marami ang uri ang nakapaloob dito tulad ng nilalaman sa Portfolio. Nalaman din ng may akda ang mga kahalagahan at importansya ng bawat isa na dapat talagang bigyang pansin at matutunan. At kahit iba ang uri ng modaliti sa pagtuturo at pagkatuto dahil pandemya, naranasan nila ang pagtatalumpati at pagtitipon kahit online. Nakatulong ito upang sila ang sanayin sa paggawa ng Akademikong sulatin at mahasa ang malilikhaing pag iisip. Kaya laking pasasalamat ko sa aming guro na si Ginoong Khen Lacaba para sa pagtuturo at paggabay sa klase nila simula’t sa umpisa. - Elisha Jezreel Ang . Kadalasang itinutiring ng karamihan na madali lamang ang mga asignaturang nakapokus sa Filipino. Datapuwa’t, matapos malikha ng isa sa mga may akdang si Jerilyn Buena ang iba’t ibang uri ng akademikong sulatin tulad ng bionote, panukalang proyekto, pagsulat ng adyenda, katitikan ng pulong, at talumpati, napagtanto niya na ang Filipino sa Piling Larangan ay hindi dapat binabasta-basta lang at ipinagsasawalang bahala dahil sa pagaakalang madali lang ito. Ang pagsasagawa ng mga akademikong sulatin ay dapat pinag-iisipan muna nang masinsinanan. Isinasangalng-alang dito ang kredebilidad at kritikal na pag-iisip upang makapaghatid ng mas malinaw na impormasyon, saloobin, at kaisipan sa madla nang sa gayon ay mabigyan naman ng pansin ang wikang Filipino, lalo na sa kasalukuyang panahon kung saan ang mga kabataan ay unti-unti nang nalilimot ang kahalagahan nito sa buhay bilang isang Pilipino. Dahil dito, masasabi ni Jerilyn Buena na hindi maikakaila na ito ay lubos na makatutulong sa bawat tao, hindi lamang sa kasalukuyang hinaharap ngunit pati na rin sa mga susunod pang bukas at henerasyon. Kaya naman, kahit nahirapan siya sa paggawa ng ganitong uri ng mga sulatin, minabuti niyang paglaanan ito ng sipag, tiyaga, at kahusayan ng may gabay ng kanyang mga natutuhan sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan pati na rin sa pagpapahalaga sa sariling wika. - Jerilyn Buena
Ang asignaturang Filipino ay hindi mapagkakailang mahirap. Kung iisipin ng iba na madali lamang ito dahil dito ay ginagamit naman ang lenggwaheng tagalog, ngunit itong asignaturang ito ay matrabaho din. Kahit gayon, si Kyra Eunice Nazareno ay nasiyahan sa mga pagsulat kahit na sabihin mahirap ito, lalong lalo na sa pagkalap ng impormasyon. Alam nating mahirap na makahanap ng totoo at tamang impormasyon sa paligid lalo na at laganap ang pagkalat ng mga fake news. Ang pag-aaral ng asignaturang ito ay napakahalaga para sa bawat isa lalo na sa mga mag-aaral dahil isa ito sa magagamit ng isang indibidwal sa paggawa ng mahusay at maayos na pagsulat. - Kyra Eunice Nazareno
Nahirapan man siya sa paggawa ng mga sulatin ngunit labis naman ang kaligayahan ng isa sa mga may akdang si Mariah Jichelle. Ang pagsusulat ay ang bagay na kanyang kinahihiligan at gustong-gusto niyang gawin kung kaya’t kahit nahihirapan na siya noon ay wala lang sa kaniya ang mga hirap dahil natutuwa naman siya sa kanyang mga ginawa. Sa pamamagitan ng asignaturang ito at sa mga sulatin na ginawa ay ipinamalas niya ang kanyang husay at galing sa pagsusulat, at naibahagi ang kanyang mga kaalaman sa larangan na ito. Hindi lang iyon dahil mas lalo pang lumawak ang kanyang kaalaman dahil dito. Dito niya naunawaan na kahit pa gaano ka nang nahihirapan sa dami ng mga gawain, ngunit hindi mo na iyon mapapansin at mararamdaman ang pagod kung ikaw ay masaya naman sa iyong ginagawa, at kapag gusto mo rin ang iyong ginagawa. Dahil sa dulo, alam mo na may saysay at magiging sulit ang iyong mga paghihirap. - Mariah Jichelle Nokom
Si Elisha Jezreel Ang, (pinanganak noong Septyembre 20, 2003). Siya’y kasalakuyang nagaaral ng akademik track na Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) ng senyor hayskul sa De La Salle University – Dasmariñas. Siya ay nasa ikalabing-isang baiting at kasalukuyang isang Photo Staff ng organisasyong La Estrella Verde sa pinapasukang unibersidad.
Dahil sa kanyang hilig magsulat at sa pagkuha ng litrato, siya ay naging kabilang sa mga Campus Journalist ng paaralan bilang isang manunulat sa News at Science at isa din siyang PhotoJournalist simula ikaanim hanggang ika-sampung baiting sa dati niyang paaralan sa Academia De Covina Inc. Nakatanggap din siya ng mga parangal sa Private Schools Press Conference (PSPC). Siya’y nanalo sa pangkat na pang-apat sa News at Science Writing at PhotoJournalism. Balang araw, gusto niyang maging isang Doktor. At pag iyon ay kanyang natupad, ang kaniyang plano ay tumulong at magbigay ng libreng konsulta at gamot sa mga taong walang sapat na pera upang mag pa check-up at pambili ng kinakailangang gamot. Ang makapag-aral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas ang isa sa kanyang mga mithiin.
Si Jerilyn A. Buena ay ipinanganak sa bayan ng Kabulusan, Pakil, Laguna noong ika-29 ng Setyembre taong 2003 at kasalukuyang labim-pitong taong gulang. Siya ay nagtapos ng edukasyong elementarya sa Jeremiah Montessori School habang ang edukasyong sekundarya naman ay sa Canossa School, Santa Rosa. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa Pamantasan ng De La Salle sa lungsod ng Dasmarinas bilang isang mag-aaral ng ika-11 na baiting. Kabilang siya sa pangkat ng mag-aaral ng STEM at nagnanais na tahakin ang landas ng pagiging doctor para sa kaniyang kurso sa kolehiyo. Samu’t saring mga parangal na ang kanyang natanggap maging ito man ay sa akademiko o iba pang aktibidad sa loob at labas ng paaralan. Kabilang na dito ang pagkapanalo ng ikalawang pinakamataas na parangal noong siya ay lumahok sa isang kompetsiyong pambansa na tinawag na “Bato Balani: Science Investigatory Project 2020.” Dalawang taon din siyang naglingkod bilang pangulo ng konseho ng mag-aaral sa kaniyang dating pinapasukang paaralan noong siya ay nasa ika-siyam na baiting. Bukod pa dito, itinuturing siya bilang isang natatagong kayamanan ng kaniyang dating mga kamag-aral noong siya ay mag-aaral pa lamang ng edukasyong sekundarya, sa kadahilanang hindi lang siya mahusay sa akademiko, marami rin siyang talentong naipapamalas sa iba’t ibang aspeto tulad na lamang ng pag-awit, pagsayaw, pagtugtog, pagsulat ng mga sanaysay, at pagdidisenyo.
Si Kyra Eunice Nazareno ay isang labing pitong gulang na estudyante. Siya ay ipinanganak noong ika-20 ng Septyembre taong 2003 sa lungsod ng Dasmarinas, Cavite. Siya ay dating studentathlete. Bahagi din siya sa Supreme Student Government mula elementarya hanggang junior hayskul sa kaniyang paaralan noon sa Immaculate Conception School of Naic Inc. Siya ay isang manunulat o journalist sa dyaryo noong siya ay grade 9 hanggang grade 10 sa kaniyang dating paaralan, at ang dyaryo ay nangangalang “The Image”. Siya ay nag-aral sa Immaculate Conception School of Naic Inc. noong elementarya at gumraduate bilang Salutatorian at junior hayskul na nagtapos bilang With Honors. Ngayon ay kasalukuyang nag-aaral siya sa De La Salle University – Dasmariñas at kumukuha ng strand na Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM).
Mariah Jichelle S. Nokom ang kanyang pangalan. Ang kanyang kaarawan ay noong ika-1 ng Marso, taong 2004, kung kaya’t kaka-labing-pitong taong gulang lamang niya noong Marso. Siya ay nagmula sa Mother Theresa School at nakapagtapos doon ng Junior High School. Siya ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sa Pamantasang De La Salle – Dasmariñas bilang isang Senior High School. Nakatira siya sa lugar ng General Trias, Cavite. Isa siyang manunulat dahil hilig niya na ito noon pa man. Marami na siyang nagawang kwento, tula, at liriko ng kanta. Isa rin siyang manunulat sa aplikasyon na Wattpad at kasalukuyang may walong istorya na naka-publish (hindi sa libro). Siya ay dating miyembro ng opisyal na publikasyon ng De La Salle Dasmariñas University sa dibisyon ng Senior High School bilang isang literary/staff writer. Isa rin siyang mananayaw at nakasali at nakadalo na sa iba’t ibang paligsahan sa larangan ng pagsasayaw noong siya ay nasa Junior High School pa lamang.