National Democratic Front of the Philippines
Negotiating Panel Pagbating Pangkapatiran sa Asembleyang Pagtatatag ng Anakbayan Melbourne Victoria, Australia 14 Hulyo 2012
Ipinaabot ng Pambansang Nagkakaisang Prente ng Pilipinas o National Democratic Front of the Philippiens (NDFP) Negotiating Panel ang taos-pusong pagbati sa mga pinuno at kasapi ng Anakbayan Mebourne sa okasyon ng Asambleyang Pagtatatag ng Anakbayan Melbourne. Sa aming pagtingin, naangkop ang inyong napiling temang “Katarungan, Kapayapaan, Kalayaan, Ipaglalaban ng Kabataan!” Ang katarungan, kapayapaan at kalayaan ay tatlong pundamental na hangarin ng mamamayang Pilpino. Katarungan para sa mahigit na 80 biktima ng extrajudicial na pagpatay sa ilalim ng kasalukuyang rehimeng Aquino at para mas marami pang pinaslang sa ilalim ng rehimeng Arroyo! Katarungan para sa mga magsasakang lumalaban para sa tunay na reporma sa lupa! Katarungan para sa mga manggagawang lumalaban para sa makatarungang pasahod, seguridad sa trabaho at pambansang industriyalisasyon! Katarungan para sa mga maralitang lunsod na nakikibaka laban sa demolisyon at para sa sapat na pabahay at empleyo! Katarungan para sa mga estudyante at kabataan, para sa mga kababaihan at katutubong mamamayan! Katarungan para sa mga batang Pilipino! Katarungan para sa mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat! Batid nating lahat na nagpupunyagi para sa isang tunay at pangmatagalang kapayapaan na hindi ito makakamit kung walang hustisyang sosyal! Hindi rin natin maaabot ang isang makatarungan at walangkatapusang kapayapaan kung walang tunay na kalayaan at kasarinlan. Kung gayon, ang inyong napiling tatlong pundamental na panawagan ay magkakaugnay at magkakasalabid. Sa kondukto ng negosasyon sa reaskyunaryong rehimeng Aquino, kami sa NDFP Negotiating Panel ay mulat sa katotohanang ito ay ginagabayan ng Counterinsurgency Guide of 2009 ng gobyernong US. Ginagamit ng kaaway ang mga mapanlinlang na salitang tulad ng “operasyong pangkapayapaan at pagunlad”, “grupong pangkapayapaan at pag-unlad”, ngunit hindi nila maikukubli ang kanilang mga brutal na operasyong militar na mabigat na nakakasalalay sa tatlong konsepto ng labanan, paniniktik at operasyong sibil-militar. Aming iginigiit ang paggalang at pagpapatupad ng mga pinirmahang kasunduan tulad ng The Hague Joint Declaration, the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) and the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG). Patuloy naming madiing hinihingi ang pagpapalaya ng mahigit na 350 bilanggong pulitikal. Ang kanilang patuloy na pagkakakulong ay labag sa CARHRIHL at sa Hernandez political offense doctrine. Aming iginigiit ang pagpapalaya sa 14 na personel ng NDFP na protektado ng JASIG. Nananawagan din kami ng independyenteng imbestigasyon sa pagpaslang kay Sotero Llamas, kunsultant ng NDFP at sa pagdukot sa mga kunsultant na sina Leo Velasco, Prudencio Calubid, Rogelio Calubad at iba pang kunsultant at kanilang pamilya at staff ng NDFP. Gayundin, patuloy naming iginigiit ang indemnipikasyon ng 10,000 biktima ng paglabag ng karapatangtao sa ilalim ng rehimeng Marcos tulad ng isinasaad ng CARHRIHL at ng isang hukumang pederal sa US. Sa aming panukala sa pang-sosyal at ekonomiyang reporma, aming iginigiit ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriualisasyon Iminumungkahi namin na inyong itaguyod sa inyong mga kampanya ang ang mga hinihingi at panukalang nakasaad sa itaas.
Sa aming kondukta ng negosasyon pangkapayapaan sa reaksyunaryong rehimen, itinataguyod naming sa tuwina ang ating program para sa pambansa at panlipunang pagpapalaya at ang pagtatamo ng mga pakinabangan para sa ating mamamayan. Batid namin na kailangang umunlad ang rebolusyunaryong kilusang masa, ang rebolusyunaryong gawain sa legal na larangan at higit sa lahat, ang rebolusyonaryong pakikibaka sa kanayunan. Batid natin na ang kalayaan ay ating pundamental na hangarin. Tayo ay nakikibaka upang lumaya mula sa pagsasamantala at pang-aapi ng kasalukuyang bulok at di-makatarungang sistemang pinaghaharian ng imperyalismong US at mga malalaking panginoong-maylupa at kumprador. Nais nating lumaya mula sa dominasyon ng imperyalistang US. Sa simula at matapos ang pagtatayo ng inyong organisasyon ng kabataan, lumubog kayo sa inyong kapwa kabataang Pilipino sa Australya, magsagawa ng panlipunang pagsisiyasat, magmulat, magpakilos at mag-organisa sa kanila upang lumawak at makonsolida ang inyong hanay. Sa gayon, titibay ang inyong lakas at lalawak ang inyong kapasidad na lumahok at tumulong sa rebolusyonaryong pakikibaka ng kabataan at ng buong mamamayang Pilipino para sa pambansa at panlipunang pagpapalaya. Nagkaroon kami ng pribiliheyo na makadaupang-palad namin kayo nang dumalaw ako at si Ka Coni Ledesma sa Australya noon huling bahagi ng 2010 at dito ay nakita namin ang inyong komitment at rebolusyonaryong kapasidad. Ito ay nagpapatibay na kaya ninyong ipatupad ang mga tungkuling kaakibat ng tema ng inyong Asembleyang Pagtatatag: “Katarungan, Kapayapaan at Kalayaan Ipaglalaban ng Kabataan!� Hinahangad namin ang inyong lubos na tagumpay!
Luis G. Jalandoni Chairperson, NDFP Negotiating Panel
___________________________________________________________________________________ Website: www.ndfp.net Email address: ndf@casema.nl Telephone: +31 (0)30-2310431 Fax: +31 (0)84-7589930 Mailing address: Amsterdamsestraatweg 50, NL-3513 AG Utrecht, Netherlands