VOL. 32 ISSUE 1 - 05 FEBRUARY 2016
1 panitikan
SOLVING THE MATH PROBLEM Jenea-Ghem Santos
ITO SI ISKOMBIE. Siya ay half Iskolar, half zombie.
ang kanyang malay? Ilang jutak ang natira kay Iskombie?
Sobrang hilig ni Iskombie kumain ng sari-saring brains. Ngayon, meron siyang pak na pak na 45 brains. One day isang araw, nakita niya si monster chakalakala chizbumba chararat pururot. Aba’t sakim pala itey si moster chakalakalaka chizbumba chararat pururot. Gustong dekwatin nito ang 24 GE brains ni Iskombie! Anek ang gagawin ni iskombie?
B.) Dahil shunga-shunga si kuya Iskombie mo, aba’t go lang nang go! Naumay at nagsawa na si kuya mo sa mga brains. With two helping hands pa, hinayaan na lang niyang dekwatin ang 24 GE brains! Hindi niya need ang mga brains for arts, humanities, and more, ‘no. Duuuuuuuh! Zombie nga sya, e. Ba’t kailangan niya ng brains na may humanities. For humans lang iyon, ‘di buh. Magkalimutan na! ‘Pag ganitech ang nangyari ditey, ilan jutak na lang kaya ang natira kay Iskombie?
A.) Fight lang nang fight. Palaban pala ang zombie na ito. Napa-till death do us part sa minamahal na brains. Ayun na nga lang ang natitira, ipadedekwat pa niya sa iba. Mahalaga pa rin sa kanya ang pagiging half human. Bakit niya ipu-forget
Bonus Question +10 Para lang sa nagsagot ng B. Anek ang ginawa ni Iskombie kay Monster Chakalakala chizbumba chararat pururot?
BREAKING THE NORMS Josiah Antonio
Chairperson Jowi Mariano encourages other college councils to use the Filipino language to strengthen the campaign to fight for our national language as she delivers the semestral report of the College of Arts and Letters Student Council in Filipino during the 41st General Assembly of Student Councils held last January 8-9 at UP Mindanao.
2 editoryal
KARERA GASGAS NANG SABIHIN ang pambansang eleksyon ay parang karera dahil sa mga kandidatong nagkukumahog, makuha lang ang liderato. Pero, pagkapinutok na ang “baril”, dagsaan na ang mga “kabayo”, nag-uunahang umupo sa pamahalaan. Tila nawawala ang imahe ng mga politiko at sila’y nagiging mga pamato sa laro, gutom sa pagkapanalo at iisa lamang ang inaasam: ang Malacañang. Nakapaghain na ng kandidaturya ang mga tatakbo para sa nalalapit na eleksyong pambansa. Nagsilabasan na rin ang napakaraming balita at meme tungkol sa kanila. Nasa sa ating mga mamamayan na naman ang kapangyarihan. Kaliwa’t kanan ang mga balita at komersyal ng samu’t saring mukhang nangangako. Bilang kalakhan ng mga boboto sa Pilipinas sa darating na halalan ay kabataan at malaki ang magiging epekto ng ating boto. Sa mga panahong gaya nito, ang kahingian sa ating mga kabataan ay maging mas mapagmasid at kritikal. Kailangang matitinik tayo, hindi lang sa mga tatakbo mismo kung hindi sa mga lumalabas na mga impormasyon sa social media at telebisyon. Napakaimportante para sa ating mga kabataang magsaliksik at hindi basta-basta maniwala sa mga binibitiwang pangako at salita ng mga taong ito. Ang paglilitis sa mga tatakbong ito ay mahalaga para maging makabuluhan ang
eleksyon. Ang mga iboboto natin ay matagal na uupo sa pamahalaan kaya dapat lang na mas matagal nating paghandaan ang ating pagdedesisyon. Hindi lang natin dapat tinitingnan ang mga lumalabas na impormasyon ngayon kundi dapat higit nating sinisipat ang mga naging trabaho at adhikain ng kandidato mula sa simula pa.
KALASAG Opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng kolehiyo ng arte at literatura - UP Diliman
Nicko de Guzman Punong Patnugot
Josiah Antonio Patnugot sa Balita
Lawrence Plata
Patnugot sa Grapix/Social Media
Jenea-Ghem Santos Patnugot sa Panitikan
Contact No. 0926 335 1959 Email: kalasag_cal@yahoo.com
Mykel Andrada Tagapayo
Kasapi: UP SOLIDARIDAD (UP System-wide Alliance of Campus Publications and Writers’ Organizations) College Editors Guild of the Philippines (CEGP)
Napakarami nating kinahaharap na problema sa lipunan na kailangang gawan ng mga solusyon ng panibagong pamahalaan. Ang patuloy na paglawak ng puwang sa mga mayayaman at mahihirap ay nakakabagabag. Problema rin ang epekto ng K to 12 sa mga unibersidad gaya ng atin dahil sa sinasabing “globalisasyon.” Ang patuloy na presensya ng US bases sa pamamagitan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay problemang napasa-pasa na sa iba’t ibang termino. Tayo ay maghahalal hindi lang ng tapat at matalinong mga kandidato kundi mga kandidatong tumitindig rin para ipaglaban ang mga karapatan ng bawat mamamayan. Hindi karera ang eleksyon. Hindi kagaya ng karera, iisa lang ang batayan sa pagkapanalo: ang bilis. Higit pa sa bilis ang inaasahan at hinihingi natin sa mga nagbabalak kumuha ng puwesto sa gobyerno. Ang kahilingan sa mga kabataan ay maghalal ng mga kandidatong tunay na lalaban para sa batayang sektor ng ating lipunan.
Mga Kontribyutor Joan Jireh Batac Bea Velasco Jill Raz Clarence Zamora Christelle Alava
dibuho ni Bea Velasco