KALINANGAN - Bolyum 1

Page 1


KALinangán Bolyum 1 Karapatang-sipi © 2022 RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa mga may-akda at/o tagapaglathala. Unang limbag 2022 KALinangán Bolyum 1 Editor-in-Chief: YiaMarie M. Abejuro KALasag Editor-in-Chief: Jan Mikhail Geriane Disenyo ng Pabalat, Libro, at mga Ilustrasyon: Patricia Tierra Mga May-akda: Mark Andy Pedere, Karylle Ibarra Oval, Quad Maries, Nephi Tangalin, Samuel “Red” Rodriguez, Adonijah Trixie Banico, Gelo De Guzman, Andrieu Per Guilas, Jj Avengoza, Glenn Russel D. Alejon, Kim Oliver De Silva, Schumacher, Nic Manlangit, Angelica Paller, YiaMarie M. Abejuro, Shedorlaomar C. Corales, at Gretle Mago Dagdag na ilustrasyon: Jennrose A. Llagas Mga Tagasuri: YiaMarie M. Abejuro, Angelica Paller, Shaira Guiyab, Mark Andy Pedere, Christian Jozel Ason, Ericka Flores, Karylle Ibarra Oval, Samuel “Red” Rodriguez, Quad Maries, Gelo De Guzman, Glenn Russel D. Alejon, JJ Avengoza, at Andrieu Per Guilas Tagapagtaguyod ng Proyekto: Dr. Michael Francis Andrada Inilathala ng KALasag - Opisyal na Publikasyon ng mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas Diliman Sa tulong ng Kolehiyo ng Arte at Literatura Pinondohan ng UP Diliman Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA) Inilathala sa Issuu.com Email: updkalasag@gmail.com Website: www.kalasagupd.wordpress.com Facebook: www.facebook.com/updkalasag Twitter: www.twitter.com/updkalasag Instagram: www.instagram.com/updkalasag


N

I

L

1

Ang Tunay na Brand X (o de la-de Lata’t Pake-paketeng Danas sa Pandemya)

A

L

A

M

A

9

14

Karylle Oval

Quad Maries Corsino

May mga Nawala sa Hapag-kainan

N

Ang Bayrus at ang May-ari Nito

Mark Andy Pedere

19

24

30

Samuel “Red” Rodriguez

Adojinah Trixie Banico

Sa Paligid ng Mesa ay Mayroong Namumuong Baryante ng Bayrus

Ang Suspek Ma’y Biktima Rin

38

45

Nephi Tangalin

Choose Your Agent: Ang Pagkahumaling Ko sa Kompyuter Games Yuangelo De Guzman

Pagtakas sa Ibang Mundo: JRPGs sa Panahon ng Pandemya

Matang Nakapikit; Matang Nanghuhusga

54

BSOD

JJ Avengoza

Andrieu Per Guilas

59

64

73

Glenn Russel D. Alejon

Kim Oliver De Silva

Schumacher

PILApinas

79

Ang Naiwan ko sa Dormitoryo Nic Manlangit

2021

84

Aparisyon ng Trahedya: Ang siwang na sumisilip sa limitadong espasyo online

Kalinawan

88

Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya Yiamarie M. Abejuro

Angelica Paller

101

106

Shedorlaomar C. Corales

Gretle Mago

Gusto pa Kitang Masilayan, Pamarawan

Ang ‘Di Masabi sa Kabila ng Pagsigaw

109

Hustisya

Jennrose Llagas


PAUNANG SALITA SA UNANG ` ISYU NG KALINANGAN

Binalot ang mundo ng sakit na COVID-19 dulot ng pinagmulan nitong coronavirus na tinawag na Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Pinabagal ng pandemya ang takbo ng mga tao na nagbunsod sa hindi magandang epekto sa ekonomiya, pangkabuhayan, edukasyon, at kalusugan. Sa loob ng higit dalawang taon at dahil na rin sa malayong agwat ng mga nasyon sa usaping pulitika at ekonomiya, may mga bansang nakaabante na mula sa dagok ng pandemya habang may ilan naman na nananatili pa rin sa malubha nitong sitwasyon kagaya ng Pilipinas. Atras-abante ang galaw ng bansa sa usapin ng pagbubukas ng mga paaralan, establisyemento, at pagtitipon dahil sa mahinang ekonomiya at bulok na sistemang pangkalusugan. Ang mabagal na takbo ay tugon ng pamahalaang nakapabor sa iilan lamang kaya nagbubunga ito ng matinding paghihirap ng mga Pilipino. Hindi pa tuluyang nakalalaya ang mamamayan sa masikip na espasyo dulot ng mga restriksiyon at limitasyon na nagreresulta ng pagtindi ng mga umiiral na problema at panganganak ng mga bagong suliranin. Bawat tahanan na naging kulungan para sa marami nananahan hindi lamang ang mga indibidwal na nais nang lumaya, kundi maging ang mga masalimuot nilang sitwasyon na dapat nang wakasan at hindi na dapat maulit muli. Bawat lugar sa Pilipinas ay may sarisariling kuwento ng panganib, pagkaubos, at kamatayan. Doon sa kanila, may kuwento ng pananamantala sa manggagawa sa panahon ng krisis pangkalusugan. Doon sa iba, may kuwento ng takot na mapaalis sa sariling lupa sa gitna ng kawalan ng kasiguraduhan. Dito sa amin, may kuwento ng pagkaubos ng pag-asa. Ang lahat ng ito ay mga sakit-panlipunan na mayroong pagkakapareho at pagkakaiba ng uri at tindi. May ilang nakauunawa at naisasalarawan ang sakit habang may ilang nalilito at hindi pa maintindihan. Mayroong mga


humahakbang para lunasan ang sakit, mayroong nagpapanggap at nagpapalala, at mayroong ubos na ang tiwala. Ang layunin ay magamot ang lahat. Sa Siyensya, ang siyentipikong tugon sa paglunas sa sakit ay ang pagsuri sa mga sintomas at pag-alam sa pinagmulan nito. Sa pamamagitan nito, makalilikha ng epektibo at tunay na gamot at paraan ng paggamot. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang maunawaan ang pinagmulang bayrus ng COVID-19. Ang pag-alam sa pinag-uugatan ay unang hakbang sa solusyon. At ang siyentipikong pagtugon na ito ay maaaring gamitin hindi lamang sa mga sakit pangkalusugan, kundi maging sa mga sakit-panlipunan. Sa Pilipinas, hindi lang COVID-19 ang sakit, hindi lang Corona ang bayrus. Maraming umiiral at tumitinding sakit-panlipunan dahil hindi napupuksa ang pinagmumulan nitong bayrus. Upang mapuksa, kailangang magkaroon ng mabuti at masinsinang pagsiyasat sa sakit at sanhi nito. Ang paraan ay ang pagdokumento. Mahalagang magkaroon ng tala sa danas ng indibidwal at bahagi ng masang nakararamdam mismo ng sakit. Ang naratibo ng isa ay nagpapatibay sa pag-unawa ng karanasan ng marami. Ang pagsasalarawan ng pinagdadaanang krisis at paraan ng pakikibaka ng mamamayan ay esensyal bilang gabay sa pagsuri sa mga pagkukulang at pananamantala, gabay sa pagpapatibay ng pananagutan ng mga dapat managot, at gabay para hindi na maulit ang parehong suliranin sa hinaharap. Hindi lunas sa sakit ang malikhaing pagtala ng mga danas, gayunpaman malaki ang maitutulong nito sa pag-armas sa mamamayan ng kaalaman tungkol sa sitwasyon ng indibidwal, komunidad, at bayan. Mahalaga ang panitikan bilang pagtatagpi at pagpapahayag ng emosyon, kaalaman, at aral mula sa pinagdaanan at pinagdadaanang krisis. Ang bayang nagtatala ng danas ng sarili at umaalam sa danas ng iba ay bayang lumalaban para sa maginhawang bukas. Ang librong Dito sa Amin, Hindi Lang Corona ang Bayrus ay tugon sa pangangailangan ng tala ng danas bilang gabay sa pagunawa sa sakit. Ito ay ang kauna-unahang isyu at bolyum ng dyornal


pang-kultura na isang kompilasyon ng mga personal na sanaysay ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas sa pangangasiwa ng KAlasag sa ilalim ng seksyong Kultura. Ito ay mga naratibo ng danas hinggil sa iba’t ibang sakit-panlipunan sa panahon ng pandemya nang may mapanuring pag-ugat sa mga bayrus nito. Mahalagang pakinggan ang pananaw ng mga kabataan na kabilang sa mga marhinalisadong sektor kasama ang manggagawa, kababaihan, LGBTQIA++, pambansang minorya, at magsasaka sapagkat ang suliranin ng kabataan ay suliranin ng bayan. Ang librong ito ay nailimbag sa tulong ng UP Diliman Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA) at ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa ilalim ni Dekano Jimmuel Naval. Nakalathala rin ang kopyang ito online upang magkaroon ng mas malawak na akses ang mga mambabasa kahit sa panahon ng aysolasyon. Maaari itong mabasa sa pagbisita sa link na ito: bit.ly/KalinanganBolyum1 Ito ay para sa mga manunulat upang mabigyan sila ng mas malawak na espasyo ng pagpapahayag ng kanilang saloobin, danas, suri, panawagan, at paglaban. Ito ay para sa mga mambabasa upang madali nilang maunawaan ang pinagdaraanan at pinagmumulan ng iba, upang makita nila na hindi sila nag-iisa, at upang maintindihan nila na ang sakit-panlipunan na nararanasan ng isa ay nagmumula sa bayrus-panlipunan na nakaaapekto sa marami. Ito ay para sa lahat upang mahikayat na magtala rin ng sariling danas at pakikibaka sapagkat kung nagkakaroon ng kolektibong pagtala at pag-alala sa danas ng bawat indibidwal ay mas nagkakaroon ng linaw ang sitwasyon ng bayan. Para sa malaya at mapagpalayang pamamahayag! YIAMARIE M. ABEJURO Punong Patnugot ng KALinangán Bolyum 1 KALasag - Kultura Punturin, Valenzuela City 21 Hunyo, 2022


MULA PATNUGOT

SA NG

PUNONG PUBLIKASYON

Ang krisis, kagaya ng pagbabago, ay palagian. Sa isang lipunang nakakaranas ng tila walang katapusang krisis, nag-aasam ang bawat isang mamamayan na nakapaloob dito ng pagbabago. At mas lalong pinatindi ng pagtama ng pandemya ang pag-aasam na ito. Ang Kalinangan, o mas kilala sa salitang Kultura, ay sumasaklaw sa gawi, paniniwala, pamantayan, kaalaman, institusyon at tuntunin sa isang lipunan. Ito ay produkto ng sosyo-ekonomikong kundisyon kung saan ito ay nagiging instrumental sa pagpapanatili ng klase ng sistemang nangingibabaw. Ito ang unang pagkakataon na naglabas ang Kalasag ng proyekto na eksklusibong nagpapakita sa kalagayan ng mamamayang Pilipino sa lenteng kultural. Ang Kalinangan ay isang pagtatangka ng publikasyon na ipatampok ang danas ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, at kabataang Pilipino sa kabuuan, sa ilalim ng isang lipunang pinaghaharian ng sistemang mala-kolonyal at mala-pyudal. Sa pagtama ng pandemya sa ating bansa, mas lalong tumindi ang mga panlipunang kontradiksyon na ating nararanasan. Maraming buhay ang nawala at nagbago dahil sa krisis na ito. At habang tumatagal ang pandemya, mas lalong lumalantad ang kabulukan ng sistema na pilit ipinapanatili ng estado. Mas lalong lumilitaw ang katotohanan na dito sa atin, hindi lang corona ang bayrus. Sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kasinungalingan at pagbabaluktot sa kasaysayan, sinamantala ng mga nasa kapangyarihan ang paghahangad ng pagbabagong panlipunan


ng mamamayan. Sa pananatili nila sa poder, nagbabadya ang mas masalimuot na krisis sa ating bansa. Wala pa man isang buwan sa posisyon ang tambalan ng kasamaan, nararanasan na natin ang hagupit ng sistemang kanilang ipinamamayani. Ang hamon sa atin ngayon ay baguhin hindi lamang ang mukha ng may hawak ng kapangyarihan kundi pati na rin ang ugat ng panlipunang krisis na ating nararanasan. Nawa ay maging repositoryo ang publikasyon na ito ng ating mga danas sa pakikibaka para sa paglinang ng isang bagong kinabukasan na nakawala sa gapos ng krisis at pananamantala. Jan Mikhail P. Geriane Punong Patnugot, Kalasag Hulyo 17, Lungsod Marikina



ANG TUNAY NA BRAND X (O DE LA-DE LATA’T PAKE-PAKETENG DANAS SA PANDEMYA)

M A R K A N D Y PEDERE


Ang Tunay na Brand X (o de la-de Lata’t Pake-paketeng Danas sa Pandemya)

TILA NAHUGOT SA APOKALIPTIKONG PELIKULA ang pagpitlag ng mga sandaling iyon. Simula noong umalingawngaw sa telebisyon, radyo, at social media ang elektronikong mensahe na iniluwal mula sa rimarim na dulot ng COVID-19, nagkatotoo ang hindi na bagong propesiya ng mga manunulat at direktor tungkol sa kung paanong untiunting mababalisa ang bawat aparato ng lipunan: mamumukadkad ang mga kaduda-dudang salita ng estado’t pamahalaan, papalahaw ang kampana ng simbahan, raratsada ang mga nagsasalimbayang chismis at balita, mamamakyaw nang aligaga ang taumbayan sa mga pamilihan, mapupurnada ang ilang taong pinag-isipang mga negosyo, at guguhit—guguhit ng nakaambang mga bangungot ang mga talampakan ng mga manggagawang mapipilitang umuwi at magkulong sa limitadong espasyong itinuturing na tahanan. Ganoon…sa isang iglap. Walang cut-cut. Pumailanlang ang mga suliranin nang walang habas. At sa isang krisis na baldado ang ekonomiya at hindi pa makita-kita ang kalaban kung kaya’t delikado ang lumabas sa sariling mga pintuan, lahat ng tao ay primaryang tauhan. Lahat ay marapat na makaligtas—tulad ko at ng aking pamilya. Upang maisakatuparan iyon, kinailangan naming matugunan ang pangunahing pangangailangan ng katawan—ang mapakalma ang aming nagmumurang tiyan. ‘Pandemic Food’ Kasabay ng sabayang pagmumukmok ng taumbayan sa sarisariling pisikal at birtuwal na bilibid, tila nagkaroon din ng malawakang pagtapik sa ulirat (at tiyan) ng bawat isa. Sapagkat bukod sa bayrus, umusbong din ang ilang mga malilikhaing baryasyon ng pagkain—pansarili man o pangnegosyo—na ipinantugon sa cravings ng mga tao na idinulot ng mahabang-mahabang lockdown. Ilan sa mga maituturing na “pandemic food” na imposibleng hindi minsang sumulpot sa algoritmo ng iyong social media account at tinangka mo ring gayahin ay ang mga sumusunod:

KALinangán Bolyum 1

2


Ang Tunay na Brand X (o de la-de Lata’t Pake-paketeng Danas sa Pandemya)

1. Dalgona Coffee 2. Ube-cheese Pandesal 3. Minimalist/Bento Cake 4. Avocado Toast 5. Sushi Bake 6. DIY Samgyupsal 7. Sourdough Bread 8. Banana Bread Nahumaling ang netizens sa mga ipinanganak at inangkat na pagkaing ito. Nagbabad, nakiantabay, at nakiuso—sumabay sa agos ng #trend at ipinaskil sa social media. At upang mas mapalawak, inere rin ang ilang mga 1-minute tutorial sa paghahanda at pagluluto ng mga ito. Samakatuwid, nahalina ang karamihan sa rekalibrasyong ito ng batas ng pagkonsumo. Subalit hindi iyon isang obhektibong karanasan na masisilip sa lahat ng hapag. Ang pagbubungguan ng kawalan ng trabaho (humigitkumulang 7.3 milyon ang pinakamataas na rekord), pagmamahal ng mga bilihin (4.9% inflation rate ang pinakamalala), at paglobo ng utang ng bansa (halos 12 trilyon) ay tunay na nakapagdulot ng pagkatigatig ng ekonomikong relasyon ng supply at demand. At para sa isang pamilyang tulad namin na napabibilang sa mababang uri, ang tanging naging kanlungan namin ay ang mga ayuda mula sa lokal na pamahalaan at community pantry na siyang pinaghugutan namin ng baryasyon ng ulam upang maigaod ang bawat araw. Sa katunayan, halos hindi ko na mabilang sa daliri ang mga putaheng nabuo ko mula sa pag-eeksperimenta ng mga ipinamahaging ayudang pagkain gaya ng itlog, instant noodles, sardinas, de latang tuna/afritada, mechado/adobo/sisig, corned beef, meat/beef loaf, hotdog (kung masuwerte), bigas, tinapay, biskwit, at iilang mga gulay at prutas.

3

KALinangán Bolyum 1


Ang Tunay na Brand X (o de la-de Lata’t Pake-paketeng Danas sa Pandemya)

Halimbawa, narito ang “prito” at “pakulo” (o mga instant tambalan na sumagip sa nagmumura naming tiyan): itlog + instant noodles (may sabaw) itlog + instant noodles (walang sabaw/torta) itlog + instant noodles (may sabaw) + gulay (hal. repolyo at karot) itlog + sardinas (isda) itlog + de latang tuna/afritada, mechado/adobo/sisig itlog (mas marami) + corned beef itlog + corned beef (mas marami) itlog + meat/beef loaf (buo/bilog) itlog + meat/beef loaf (cubes/sisig) itlog + gulay (hal. talong at ampalaya) itlog + tinapay + de lata + gulay At maraming-maraming-marami pang ibang halimbawa. Habang nalalayo sa kanluraning post-modernong pandemic food na binubuo ng mamahaling mga sangkap, ang mga nabanggit na de la-de lata’t pake-paketeng pagkain na nananahan at lumilisan lang din nang kay bilis sa aming kusina ay sumasailalim sa isang malalilalim ding ritwal—ang puwersahang palaisipan at paligsahan ng pagkamalikhain sa paghatol, hindi ng kung ano ang ulam (dahil nariyan na sila, itataob na lang ang takip at sisirain ang lalagyan), kung hindi ang kung paano ito isasalang, ihahalo, at ihahain nang nagmumukhang bago sa panlasa sa hapag. Sapagkat sa panahong pinupudpod ng paulit-ulit na tekstura ng instant food ang aming mga dila, tila nasa halina na ng defamiliarization (o paglalayo sa nakasanayan) natitikman ang rurok ng lasa ng ulam. ‘Yung tila baga’y kilala mo ito, kilalang-kilala, subalit gusto mo itong baguhin kahit sa hitsura man lang na aspeto. Dahil ang akto ng pagkain, aminin man natin o hindi, sa unang lebel pa lamang, bago pa ito dumausdos sa nananawag na bituka, ay mariing sumasalalay rin sa tawag ng biswal na karanasan.

KALinangán Bolyum 1

4


Ang Tunay na Brand X (o de la-de Lata’t Pake-paketeng Danas sa Pandemya)

Subalit sa kabilang banda, ang lahat ng mga ito ay nagkakapareho sa iisang bagay: lahat ay maalat dahil sa mga kasangkapang taglay nito. Kung sisipatin ang kulturang Pilipino, may malapit nang relasyon ang alat sa panlasa ng taumbayan. Ayon kay Doreen Fernandez, mananaysay ng pagkain, ito ay dahil ang heograpikal na pagkakapostura ng bansa natin bilang isang arkipelago ay nakasalabid na sa katawan ng dagat. Halimbawa, ang mga primaryang kasangkapan na lagi’t laging kasama sa pagkain ay ang asin, patis, at bagoong. Bukod sa pandagdag-lasa, ang asin ay ginagamit din sa pagpipreserba, halimbawa at lalong sa konteksto natin, ng mga isda. Tulad na lamang ng tuyo na inaasinan nang buo; ng daing na pinupunit muna ang likod bago asinan; at ng mga lobo-lobo na nilalatag at sabay-sabay na pinaliliguan ng asin. Ang alat naman na taglay ng patis ay esensyal sa pagpapatingkad ng lasa sa pamamagitan ng pagsisilbi nito bilang sawsawan para sa mga pinakuluang gulay at maging sa pinirito o nilagang karne. Nakatutulong din ito sa pagbabalanse o pagpapasidhi ng timpla ng anumang ulam, lalong ang may sabaw, na nakaayon sa kagustuhan ng kakain. Mas marami namang gamit ang bagoong na kadalasang binubuo ng alamang o ng talaba, tahong, at tulya. Ito ay maaaring maging sawsawan, ulam, at pampalasa na isinasama sa paggigisa, at panghalo at pampares sa mismong ulam gaya na lamang ng pinakbet at kare-kare. Gayundin, ang elemento ng alat na prominente sa kusinang Pilipino ay patok sa panlasa ng taumbayan sapagkat perpekto itong ipinantatambal sa matabang na lasa ng parati nating kinakain na kanin.

5

KALinangán Bolyum 1


Ang Tunay na Brand X (o de la-de Lata’t Pake-paketeng Danas sa Pandemya)

Ngunit kung ibabalik sa kaso ng pandemya, ang elemento ng alat na taglay ng mga ipinapamahaging pagkain sa panahon ng lockdown ay hindi dahil sinasadya itong ipares sa kanin na hindi nawawala sa hapag ng Pilipino. Ito ay ipinapamahagi sapagkat ito ay instant—madaling malikha, maproseso, makonsumo, at mura kung gayon ay mabilis ding nakapagbibigay dighay o “senyales” na busog na ang tao. Ang problema: hindi mabuti sa kalusugan ang palagiang pagkonsumo nito. Ang ginhawa sa pagbubukas at pagkain ng mga “nagtatagal” na de latang produkto ay simula’t sapul, lubhang nakasalalay sa preservatives at enhancers na nakahalo rito gaya ng nitrate, salitre, at food coloring. Ang malala, ang mga sangkap na ito—mga additives na nakokonsumo natin nang hindi namamalayan—ay notoryus sa pagpapasinaya ng sakit sa puso at bato. Ayon pa nga sa American Heart Association, hindi lalampas sa 2,300 mg ng sodium o isang kutsarita ang paborableng bilang ng asin na maaaring ikonsumo ng tao kada araw. Subalit sa kaso ng mga instant foods gaya ng instant noodles, bawat pakete ay naglalaman na ng fats at humigit-kumulang 900 mg ng sodium, hiwalay pa ang halaga ng asin na maaaring makonsumo sa iba pang mga pagkain sa loob ng isang araw. Sa Pilipinas, bagaman may umiiral nang batas sa asin—ang Asin Law na ipinasa noong 1995 na siyang nangunguna sa pag-utos na i-iodize ang asin na ginagamit ng mga prodyuser ng food-grade salt upang malabanan ang laganap na kaso ng micronutrient deficiency o malnutrisyon, partikular sa Iodine—hindi pa rin natitiyak ang regulasyon ng halaga ng sodium na tataglayin ng bawat instant food sa merkado sapagkat ang mababasa lang naman sa pakete ng mga ito ay ang halaga ng salitang “sodium,” hindi ang katiyakan kung iodized ba ito o hindi.

KALinangán Bolyum 1

6


Ang Tunay na Brand X (o de la-de Lata’t Pake-paketeng Danas sa Pandemya)

Subalit kung susuriin, lampas sa mga siyentipikong pagpapaliwanag hinggil sa kung paanong nagsisilbing gantimpala ang instant gratification mula sa mga instant foods, kinakailangang maitawid ang pisyolohikal na abilidad na makatukoy ng lasa patungong sosyopolitika. Ibig sabihin, mahalagang magkaroon ng pagninilay hinggil sa katotohanang, oo, nakakakain ang bawat isa, may nalalasahan (pa), at naigagaod ang bawat araw, subalit nasasagot ba nito ang tanong na: sapat ba ang sustansya na naibibigay nito upang mas makapag-isip tayo nang may lawak at lalim tungkol sa uri ng lipunang kinabibilangan natin? Ang makuntento sa kondisyong “basta’t” malasahan lang ang alat upang mapakalma ang sarili sa panahon na nagkakawalaan ng panlasa ay manipestasyon ng nangangayayat na sensibilidad ng mamamayan. Sapagkat ang totoo: ang pagkamalikhain natin, katulad ng aming pamilya, sa pag-iisip ng tambalan ng mga ayuda ay hindi purong buhat ng namamaksimang abilidad na palawigin ang ating haraya, kung hindi, malamang sa malamang, ay tulak ng sapilitang kompromiso sa kapabayaan at kapalpakan ng pamahalaan na matugunan nang epektibo ang kinakaharap na krisis. Pinupudpod ng asin ang dila at itinutulak nito ang ulirat ng tao na ilublob ang sarili sa bighani ng iba’t ibang lebel ng alat. Nasa porma man itong sawsawan, sangkap panggisa, ulam, o preservatives, ang kadalian nitong mahanap at maihalo sa pang-araw-araw na pagkain ay nagpapatunay kung bakit ang mga ayudang de lata’t pakete ng mga noodles ay primaryang ikinakabit sa ipinamimigay ding ilang supot ng bigas. Ngunit muli, ang mga de la-de lata’t pake-paketeng ayuda na ito ay nagsisiwalat ng nagkakaparehong trato ng estado’t pamahalaan sa taumbayan sa panahon ng ligalig—isang mumurahing produkto na madaling malikha at mareprodyus sa merkado upang magamit nang magamit sa pagkamal ng kita. Kung gayon, napakahalaga na mula sa sariling tahanan, sa harap ng hapag-kainan, muling maisuot ng bawat miyembro 7

KALinangán Bolyum 1


Ang Tunay na Brand X (o de la-de Lata’t Pake-paketeng Danas sa Pandemya)

ng pamilya ang kamalayang aktibong nakararamdam ng bumibigat na puwersa ng kani-kanilang mga katawan. Sapagkat sa pagkilala na ito, pumapailanlang ang ahensya na kayang makapagdemanda at maningil ng karapat-dapat: makalanghap at makatikim ng masusustansiyang pagkain, kung gayon ay kakabit na rin ng panawagang wakasan ang pangangamkam ng lupa at palakasin ang makamasa’t siyentipikong nasyonalisasyon ng industriyang agraryo. At upang maisakatuparan iyon, esensyal na pag-ibayuhin ang pagtugon sa kabuuang kondisyon ng lipunan sa ilalim ng pandemya. Hindi lahat ng pamilyang Pilipino ay kayang-kayang makisabay sa rumaragasang agos ng mga mamahaling pandemic food na ipinapaskil at ibinabalandra ng mga “health influencers” sa social media. Kung kaya, kinakailangan ang pagpapalawig at pagpapalakas sa abot-kayang sistema ng pangkalusugang pangangalaga. * HIGH BLOOD PRESSURE, sakit sa puso, at stroke ang ilan sa mga pangunahing sitio na patutunguhan ng sobra’t hindi kontroladong pagkonsumo ng mga pagkaing may mataas na halaga ng sodium o alat. Ang mga kondisyong ito ay dumadaloy na sa angkan namin at kung mapababayaan, pare-parehong makapagdudulot ng suliranin sa pag-akto ng basikong pangangailangan ng aming katawan—ang makahinga nang mapayapa at tuluyang mapatahan ang ligalig sa utak na idinudulot ng walang-katapusang tilamsik ng pangamba. At kung imumuhon ang sitwasyong ito sa isang apokaliptikong pelikula, balakid sa kaligtasan ng tauhan ang karamdamang ito. Subalit kung ilalapat sa kasalukuyang konteksto ng reyalidad, naniniwala ako na hindi pa huli ang lahat dahil ang nagkakaisang panawagan, pagbatikos, at paniningil sa lunok-laway na trato ng kinauukulan ay kapangyarihang muling aangkin sa mga dini-de la-de lata’t pinapake-paketeng karapatan nating nagsisimula dapat sa hapag.

KALinangán Bolyum 1

8


MAY MGA NAWAWALA SA HAPAG - KAI NAN

KARYLLE O V A L


May mga Nawawala sa Hapag-kainan

Ganito ang tipikal na hapunan naming pamilya bago ang pandemya: Sabay-sabay kaming kakain habang nanonood ng FPJ’s ang Probinsyano. Kukumustahin kami nina Mama at Papa tungkol sa mga nangyari sa amin sa buong araw. At siyempre, hindi mawawala ang halakhakan at biruan naming apat na magkakapatid. Ngunit nag-iba ito isang gabi ng Mayo, 2020, kasagsagan ng hard lockdown. Nawala ang presensya ko sa aming hapag-kainan. Pakiramdam ko kasi ay may bumubulong sa akin at sinasabing “May mamamatay na isa.” Patuloy ang isip ko sa pagkaligalig. Siguro kahit magpaputok pa ng ilang libong bala si Cardo o magtapon ng mabibigat na linya ang mga kasama niyang artista ay hindi makalulusot sa aking mga tainga. Lumulutang lang sa isipan ko ang pinakamamahal kong alagang aso na si Kasper na kamamatay lang kamakailan at ang agamagam na “sino ang susunod na mamamatay?” Pero binalikan ko ang sinabi sa akin ni Nanay Fely noong wala akong tigil sa paghagulgol habang karga-karga ang matigas at malamig na bangkay ng alaga ko, “Pinrotektahan tayo ni Kasper, kapag daw namatay ang iro (aso), may nililigtas ito na tao.” “Pst, Mata ‘wag mong sipsipin ang kanin,” sabi ni Mama. Napabalik tuloy ang isip ko sa hapag-kainan. Hindi pala mukha ni Cardo ang lumilitaw sa telebisyon kundi ang mga mukha ng ilang reporters ng ABS-CBN. Bakas sa kanilang mga mukha ang lungkot at takot sa pamamaalam dahil sa gabi ring iyon sila tuluyang mawawala sa ere dulot ng pagpapasara ng kanilang prangkisa. Tiningnan ko ang mukha ng mga tao sa bahay. Bakas sa kanila ang lungkot at pagkadismaya dahil hindi na muli naming makakasabay sa hapagkainan ang paborito naming istasyon. Ngunit mas napako ang aking paningin sa mukha ng aking lola. Hindi maipinta ang kanyang mukha nang lumabas siya mula sa banyo nang marinig ang pamamaalam. Paika-ika siyang naglakad pabalik sa sala at tumingin sa akin at saka sinabi na, “wala na, wala na sila Cardo. Wala na rin akong libangan.” Hindi ko alam kung ano ang itutugon dahil naghahalo sa isip ko ang takot sa kamatayan ng tao at galit sa KALinangán Bolyum 1

10


May mga Nawawala sa Hapag-kainan

kamatayan ng prangkisa na isang malaking banta sa kalayaang pamamahayag. Kinaumagahan, para bang sirang plaka na lamang ang nakaugaliang gawain namin sa bahay na mayroong maliit na espasyo para sa isang malaking pamilya. Tulad ng iba pang araw habang nasa gitna ng pandemya, nakaririmarim ang lahat ng balita dahil marami ang namamatay at nagkakasakit sa pagdaan ng bawat araw. Kaya sa halip na magpakalunod ako sa social media, pinagmasdan ko na lang ang mukha ng bawat miyembro ng pamilya—wala namang kakaiba bukod sa mata ng aking lola. Tinitigan ko ang kanyang mga mata hanggang sa mapansin niya ang mga tingin ko. Pansin kong nagtataka siya kung bakit nakatali ang mga mata ko sa kilos niya at sa mga rashes sa kaniyang balat. “Nay, ano ‘yang nasa balat mo?” tanong ko. Nagsalita naman si Mama, “Nay baka may tigdas ka, pa-check up na lang natin sa Linggo kasi mahirap lumabas ngayon.” Kalmado lang ang lahat bukod sa akin. Hindi ako mapakali dahil iba ang pakiramdam ko rito, alam kong nakita ko na ang uri ng rashes na ito sa libro na kung tawagin ay “death rashes.” Noong mga oras na iyon, napangunahan ako ng takot dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Dapat ko bang sabihin na: “Nay, mamamatay ka na.” o “Mama, mamamatay na si nanay.” Kating-kati ako na sabihin ito ngunit ayoko namang pangunahan ang buhay ng tao at mas lalong ayokong manakot dahil baka atakihin si Nanay Fely sa puso dahil sa kaba. Ayaw kong madagdagan ang stress niya lalo na’t nawala na ang kaniyang dalawang libangan: ang maglakad-lakad sa aming komunidad tuwing umaga tulad noong bago pa ang pandemya at ang panonood ng paborito niyang palabas tuwing gabi na “FPJ’s Ang Probinsyano”. Sa halip na may pagsabihan ng aking pakiramdam, kinuha ko ang ointment mula sa tukador na nilalagay sa akin ni Mama kapag nagkakaroon ako ng eczema at pinahid ito sa balat ni Nanay. Hindi man niya sabihin ngunit alam kong nagtataka siya kung bakit ako biglang naging mabait. Bukod pa 11

KALinangán Bolyum 1


May mga Nawawala sa Hapag-kainan

rito, binigay ko rin sa kanya ang paborito kong wallet na matagal na niyang hinihingi pero hindi ko ibinibigay dahil nga paborito ko ito. Kinagabihan, makikita na parang naging matamlay na si Nanay. Sabi nila mama, baka malungkot lang ang matanda dahil hindi na siya makanonood ng “Cardo.” Ngunit sa totoo lang, noong mga oras na iyon ay iba na ang kaba ko. Pinipilit ko na sila Mama na dalhin na si Nanay sa ospital dahil mukha na talaga siyang matamlay pero ang sagot niya at ng angkol ko na kapit-bahay lang namin, gastos lang daw ito. Dagdag pa niya, nakakatakot na magpa-ospital ngayon dahil baka mahawa sa COVID-19 si Nanay lalo na’t senior citizen na siya. Punuan pa raw sa lahat ng ospital. “Okay lang naman ako, kaya ko pa. Wala rin tayong pera kaya sa Linggo na lang magpa-check up,” singit ni Nanay. Hindi ko pinahalata ang pag-iyak ko ng mga oras na iyon. Bukod sa natatakot ako sa ideyang gumugulo sa isipan ko ay nagagalit ako dahil nararamdaman ng pamilya ko ang takot sa pagpapaospital. Kung may pera lang sana kami at maayos ang paghawak ng pamahalaan sa mga pampublikong serbisyo ay walang umiiral na takot sa pagpapagamot. Madadala agad sana namin ang aking lola roon. Sinubukan ko na lang pagaanin ang aking pakiramdam sa pamamagitan ng pagbigay ko kay Nanay Fely ng omega-3 fish oil na bitamina. Sabi ko sa kaniya,“Nay, inumin mo ‘to kasi mabuti raw ‘to sa puso,” pambobola ko. Ininom niya ito ngunit nakita ko na iba ang pagkakahawak niya sa baso, halatang nahihirapan siya at pinapakita niya lang sa amin na siya ay malakas pa. Bago matulog, pinuntahan ko si Nanay at tinanong kung kumusta ang pakiramdam niya. Sabi niya ayos lang daw siya kaya matulog na ako. Alam kong nagkukunyari lang siya dahil taliwas ang mga sinasabi niya sa obserbasyon ko sa kanyang pagkilos. Noong ipipikit ko na ang aking mata bago tuluyang matulog, sinabi KALinangán Bolyum 1

12


May mga Nawawala sa Hapag-kainan

ko sa sarili ko na tiyak akong si Nanay Fely ang nararamdaman kong sunod na mamamatay sa bahay pagkatapos ni Kasper. Kinabukasan, hindi nga ako nagkamali dahil ginising na lang kami ng mga iyak at sigaw ni Mama dahil nakita niya raw si Nanay na wala nang buhay. Naghahalo-halo ang emosyon ko sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi na muling maibabalik ang tipikal naming hapunan. Hindi ko na muling maririnig ang kahol ng aking pinakamamahal na Kasper. Hindi ko na muli makikita ang mukha ni Cardo sa telebisyon. Hindi ko na muling mahahawakan ang malambot na balat ng aking lola. Tatlo na ang nawala sa aming hapag-kainan. Pero sigurado ako na sa tatlong iyon, si Kasper lamang ang nawala sa natural na paraan, habang ang dalawa ay winala o pinatay nang sadya.

13

KALinangán Bolyum 1


ANG BAYRUS AT ANG MGA MAY-ARI NITO

Q U A D MARIES


Ang Bayrus at mga May-ari Nito

Madalas banggitin sa balita o sa social media posts ang terminong face mask. Ito kasi ang isa sa mga ginagamit ngayon bilang proteksyon sa COVID-19. Nang magsimula ang taong 2020, kasabay na rin nito ang pagkakaroon ng mga kaso rito sa Pinas ng nasabing bayrus. Agad na rin itong kumalat sa atin dahil sa kawalan ng maayos na plano ng mga kinauukulan. Ang sitwasyong ito ang naglagay sa maraming Pilipino sa iba’t ibang nakakasulasok at masikip na espasyo – pisikal man o hindi. Face mask ang gamit ng nakararami sa atin ngayon. Batid nila sa balita na isa ito sa nakatutulong sa pag-iwas sa bayrus. Gayunman, hindi lahat ng tao ay may akses sa pagbili nito. Mayroon namang mga taong kayang bumili ng marami kaya nauubusan ang iba. Tila nag-aagawan sa mga bagay na dapat ay nakukuha natin nang patas. Sa panahon ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, nakita natin ang iba’t ibang sintomas nito. Lalo na ang kawalan ng maayos na paghinga dahil sa dulot nito sa ating mga baga. Masikip sa dibdib. Kakapusin ka sa paghinga na parang kaunti na lang ay lalagutan ka na nito. Pamilyar itong sitwasyon ngayon. Parang nandito na ako dati. Naranasan ko na rin ang magsuot ng face mask noon, pati na rin ang pag-iwas sa mga tao. Kung ngayon ay hindi nakikita ang bayrus, noon ay alam ko pa rin kung saan ito nanggagaling. Hanggang ngayon ay malapit pa rin ito sa akin, kaya pa rin nitong manipulahin ang kilos ko. Sa sitwasyon ngayon, alam kong hindi ito ang unang beses na umiwas ako sa mga tao. Mula pagkasilang sa akin ay dinesenyo na ako bilang taong puno ng restriksyon at limitasyon. Nasa elementarya ako noong naalala kong takot ako sa mga tao, lalo na sa pakiramdam ng pag-uwi sa bahay. Madalas ko kasing madatnan si Mama sa lapag, walang malay. May sakit kasi siya, cancer sa ugat sa leeg. Hindi ko alam ang mismong terminolohiya pero marami siyang pasa at madalas mawalan ng malay. Sa kabila ng ganoong sitwasyon niya, mayroon din siyang mga gawain na nakapagbubunyag din ng sakit sa aming magkakapatid. Sa tuwing inaatake siya, kailangan din naming higpitan ang mga sarili namin. Siyempre naiintindihan naman namin siya, kinailangan niya ng 15

KALinangán Bolyum 1


Ang Bayrus at mga May-ari Nito

kaagapay sa sitwasyon niya. Kaya sa tuwing uwian, kailangan umuwi na agad. Wala nang ibang dapat gawin sa labas kundi ang isipin ang pag-uwi. Masaya naman kami sa tuwing nasa bahay na kami. Magkakalapit ang loob naming magkakapatid, madalas kaming maglaro at magtulungan sa iba’t ibang aktibidad. Hanggang sa dahan-dahang nagbabago ang ihip ng hangin. Matalas pa sa memorya ko kung paano ako nakikipaglaro kay Peng, sa pangatlo kong ate. Gamit namin ang kumot namin na may disenyong rosas. Nang oras na ‘yon ay umalis muna si Mama; dali-dali namang umakyat si Lum, panganay kong ate. Dumadagundong ang paanan niya sa kahoy naming hagdan. Nagtaka kami ni Peng kaya tumigil kami sa paglalaro. Nang bumaba na si Lum, nakita namin ang bitbit niyang mga plastik. Laman nito ang mga damit niya. Hindi ko pa naunawaan noon pero umiyak ako habang yakap si Peng. Bata pa ako noon kaya umuuwi pa ako sa yakap ng ibang tao. Hindi ko pa kayang akapin ang sarili ko sa tuwing iniiwan nila ako. Kaya sinabi ko sa sarili ko na tatanggapin ko ‘yon dahil nandito pa si Peng. Kahit na madalas kaming mag-away, siya pa rin ang naghahatid sa akin sa tuwing may pasok ako sa madaling araw. Mabait naman siya, lagi kaming naglalaro kasama ang nobyo niya at kapatid nito. Nagtatagu-taguan kami at nag-aasaran lagi. Alam kong sa oras na ‘yon ay hindi niya ako iiwan. Alam kong mahal ako ni Peng. Hindi niya ako iiwan. Lumalaki na ako, nagkakaroon na ako ng sariling pananaw sa mga bagay. Lagi kong naaalala na dahil malaki na ako, nakikita ko na rin ang kaibahan ko sa ibang tao. Mas mababa ako sa kanila, parang mas bobo at matagal matuto. Lalo na sa Math at Science. Nakakahiya na sa tuwing kaya ng ibang taong makakuha ng mataas na grado ay ako naman ang siyang laging bagsak. Sabagay, lagi nilang iniisip na malandi ako at puro crush ang inaatupag. Sa tingin ko, ganoon nga talaga ang nakikita nila sa akin pero hindi lang naman ‘yan ang kaya kong patunayan. Nagpaturo ako kay Mama sa Math, ayoko kasing mapag-iwanan ng mga kaklase ko. Malinaw din sa aking memorya kung saan ako nakapuwesto nang ginagawa namin ni KALinangán Bolyum 1

16


Ang Bayrus at mga May-ari Nito

Mama ang takdang aralin ko sa Math. Multiplication table ang nasa harap naming dalawa, kasabay nito ang pagtatanong niya sa akin ng isang numero. Hindi ko masagot dahil nahihirapan akong magbilang noon. Ang tanging gumising sa diwa ko ay isang hampas sa aking ulo na nagmula sa palad ni Mama. Hindi ko na maalala kung anong naging reaksyon ko noon pero baka pinipigilan ko ang paghikbi. Takot akong magpakita ng emosyon kay Mama, alam kong magagalit siya. Tulad ng pagsangguni ko sa ibang tao, naging takbuhan ko si Peng sa mga oras na ‘yon. Malapit kami sa isa’t isa kahit na madalas din kaming mag-away. ‘Di siya tulad ni Mama na sasaktan ako sa tuwing ‘di ko alam ang sagot sa tanong. Naging kakampi ko siya. Hindi ko kayang mawala siya sa tabi ko pero hindi ko puwedeng pigilan ang mga desisyon niya. Noong panahong kailangan ko siya, kinailangan niya na ring sumangguni sa yakap ng ibang tao. At kailangan ko na ring itaguyod ang sarili ko dahil umalis na si Lum at Peng. Pinili na nila ang buhay kasama ang mga nobyo nila. Hanggang ngayon nga’y naaalala ko pa rin ang itsura ni Peng nang umalis siya – at kung gaano ako umiyak noong araw na ‘yon. Nasa kasalukuyan na ako. Ngayon, alam ko na ang mga dahilan ng pag-alis nila. Hindi tahanan ang lugar na pinagtuluyan namin. Isa itong lugar ng patibong. Sa pag-uwi mo, mas mararamdaman mo ang pagod. Inintindi ko ang ugat ng ganoong gawi ni Mama, pero ang hindi ko kaya ay ang pagsabay ni Papa. Sabay ang kilos sa pag-upos ng aming mga pisi. Nang tumatanda ako, nakikita ko kung bakit ganoon na lang ang nangyari. Naunawaan ko sina Peng at Lum dahil kinailangan nilang umiwas sa maling gawing inilalatag sa kanila nila Mama at Papa. Sino ba naman ang nais manatili sa isang lugar na kokontrolin pati ang kursong kukunin mo sa kolehiyo? Bawal kang maging masaya sa buhay. Bawal mong subukan ang mga kayang gawin ng ibang tao. Bawal kang maglaro. Bawal mong alamin kung saan ka magaling. Bawal kang magpakita ng katiting na emosyon sa tuwing nasasaktan ka nila. Bawal kang sumagot. Bawal kang magdesisyon. Dahil anak ka lang. Mababa ang lipad mo. Malalim ang utang na loob mo. Magulang sila at ikaw ay bata pa lang. 17

KALinangán Bolyum 1


Ang Bayrus at mga May-ari Nito

Sa pinakamalawak na depinisyon, iyan ang lahat ng bawal. Hindi ko na gugustuhing kalkalin ang iba pang sitwasyong kinapapalooban ko dahil sa restriksyon at limitasyon ngunit may epekto ito sa akin. Sa paglipas ng panahon, mas sumangguni na ako sa yakap ng sarili ko. Alam kong isa akong biktima. Kaya hanggang ngayon hinahanap ko pa rin ang kalayaan na mabuhay at pumili ng mga nais kong gawin. Nakakalungkot isipin na kung kailan ako lumaki saka ko ginustong maglaro. Umiiyak ako sa tuwing nadadapa, pero ang iba ay sanay na sa sakit. Bakit sa emosyonal na sakit ako nasanay at hindi sa pisikal? Bakit hindi ako hinayaang lumabas at hanapin man lang ang para sa akin? Bakit hindi ko mahanap ang kapanatagan sa sarili kong tahanan? Ngayong pandemya, face mask ang pumipigil sa sarili kong paghinga. Kasabay ng pagsikip ng dibdib ko dahil sa espasyong ‘di ko gustong mapuntahan ay ang katotohanang malayo ako sa kalayaan. Noon ko pa natutuhan ang konsepto ng social distancing. Bawal akong lumapit sa mga tao. Wala naman akong sakit, pero pinaiiwas ako sa iba. Baka dahil ayaw nilang malaman na mali sila ng pagpapalaki sa akin, sa amin. Kaya pala hindi ako naninibago na nandito ako sa loob ng bahay – dahil mula pagkasilang ay sanay na akong maitago, mapagbawalan, at mapagkaitan ng akses sa tunay na buhay. Tulad ng sitwasyon ngayong pandemya, madaming restriksyon at panutong dapat sundin. Kung hindi ito masusunod, may parusang nakaabang sa ilalim ng mga mapang-abuso sa batas. Susundin mo ito hanggang sa masagad ka at maubos ang pasensya mo. Minsan nga’y mapapatanong ka pa kung sino o ano ba talaga ang bayrus, Corona ba talaga o ibang sitwasyong kinahaharap nating mga Pilipino? Bayrus ba ang pumapatay sa atin o ang pagiging buhay sa abuso? Ano nga ba ang tunay na bayrus? Tao o gawi nito? Dahil pati ako gulong-gulo. Baka manipulahin pa rin nila ang sagot ko sa sarili kong tanong. Ako ang biktima, pero sinong tunay na bayrus? Sila o kilos nila? Kaya rin bang ihiwalay ang isang bayrus sa pagkatao nito, o mabubuhay na sila nang magkasama? KALinangán Bolyum 1

18


SA PALIGID NG MESA AY M A Y R O O N G NAMUMUONG B A R Y A N T E NG BAYRUS N E P H I TANGALIN


Sa Paligid ng Mesa ay Mayroong Namumuong Baryante ng Bayrus

Alas otso ng umaga ang nakasanayang oras ng aming almusal. Hindi ako morning person kung tawagin ng pamilya at malalapit na kaibigan kung kaya’t malaki-laking adjustment ito sa aking katawan na hindi pa tuluyang gising. Pero dulot ng election fever at hell week sa pinapasukang unibersidad, kinakailangan kong bumangon sa umaga. Sinasalubong ako ng malamig na hangin nang isang beses na bumangon bandang alas singko y media ng umaga. Nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan ang pagtatalik ng kulay kahel at itim sa kalangitan. Hindi naman na bago sa akin ang ganitong larawan ng kalangitan, pero mainam sa pakiramdam bago tuluyang makonsumo ng mga nakalulungkot at nakagagalit na balita.Bumalik muli ang mga mata sa kalangitan at nasaksihan ang iba’t ibang dibuho na inaanak ng langit tulad ng mga patalon-talon na mga kulay asul at kahel sa langit. Pero, marahil ay may ibang dulot ang buwan ng Mayo sa magandang larawang ipinipinta ng kalangitan ngayon. Nakapapanabik at nakapapawi ng pagod at kalungkutan. Umaasa sa mas maliwanag na bukas. Ano kaya ang kahaharaping bukas ng aking bayan? Ito ang iniisip habang nakikinig ng balita mula sa lumang radyo ng aking lola. Umaalingawngaw ang boses sa radyo tungkol sa eleksiyon t’wing umaga. Mahihimigan pa rin ang takot hinggil sa kaso ng COVID-19 at mga baryante nito habang ibinabalita. Higit dalawang taon na ang tanda ng pandemya sa daigdig. Sa higit na dalawang taon nitong pagiral at panganganak ng mga baryante, nanganak at nanganganak din ang bayrus na ito ng mga panlipunang bayrus. Hindi rin ligtas ang tahanan namin sa bayrus na buhay ng disimpormasyon at/o misimpormasyon. Ganito ang mga naging produkto ng pagmumunimuni, mula sa danas, naririnig, at natutunghayan sa araw-araw na pakikibaka sa buhay. Sa apat na sulok ng aming tahanan, doon sa paligid ng mesa (na nasa sampung taon na ang gulang) madalas nag-uusap ang pamilya. Dito kami nagsasalo-salo. Mesa ang pinaka-importanteng bagay sa tahanan namin na nagbubunga ng maraming kasaysayan-tunggalian, iyakan, tawanan, diskusyon, asaran, alitan, at lahat ng malalaki’t maliliit na detalye ng aming buhay ay nangyayari KALinangán Bolyum 1

20


Sa Paligid ng Mesa ay Mayroong Namumuong Baryante ng Bayrus

sa espasyong iyon. Sa parehas na mesa napag-uusapan ang mga panlipunang usapin sa aming tahanan: mga lokal na polisiya, impormasyon sa COVID-19 cases, SONA, eleksiyon, gyera sa loob at labas ng Pilipinas. Sa mesang ito rin itinatago at ibinubunyag ang mga sekreto sa loob ng pamilya, pati ang mga hindi sinasadyang salita, nakaraan, desisyon, at mga pagkakamali sa mesang ito rin nabibitawan at ibinubulgar ng mga bibig. Sa mesang ito ko rin nasabi ang dapat at hindi dapat sabihin sa loob ng pamilya. Sa mesang ito ako lumalaya at nakukulong. Ang mesa namin sa umaga ay binubuo kadalasan ng sinangag, itlog, tinapay, maligamgam na tubig, at ulam. Paborito ko ang amoy ng mga pagkain. Sumasabay sa amoy ng mga ito ang tinig mula sa lumang radyo ng aking lola. Nakalapag din sa mesa ang tabloid na People’s Journal Tonight. Hindi buo ang umaga ng aking lola at lolo kapag wala ang dyaryong ito. Mistulang milya-milya ang layo namin sa isa’t isa kapag napag-uusapan ang mga headline ng tabloid. Ang tabloid na ang kadalasang headline ay tungkol sa eleksyon, kung paano sinusuportahan daw ng publiko ang tambalang MarcosDuterte ayon sa pinakahuling tala ng sarbey, at pag-aantagonisa sa mga kritiko ng gobyerno. Sa mga panahong ito rin ay may pagtaas ng presyo ng gasolina, mga drayber na umaaray sa price hike, pananakot sa mga peryodista at mga progresibong news outlet sa bansa, at ang pangungutang na naman ng rehimeng Duterte bago matapos ang termino nito. Ngunit sa mga nabanggit ko, pumalyang mapasama ang mga ito sa pinakaimportanteng bahagi ng dyaryo, o kung dyaryo nga ba itong maituturing kung ang humahawak naman nito ay ang Romualdez, kamag-anak ng mga Marcos. Sa parehas na pagkakataon ko rin naririnig ang mga himutok ng lolo’t lola ko na masugid na tagabili ng dyaryong iyon (na patuloy pa rin sa pagtangkilik kahit nasa gitna ng pandemya), at bokal na kinokonsidera ang mga sarili bilang Marcos Loyalists. Walang anumang pag-aalinlangang sasang-ayunan ang mga kolumnista sa People’s Journal Tonight. Ikinalulungkot ko ang pagiging pasibo nila sa ganito, at hindi rin masisi dahil ito ay likha rin ng mga mapagsamantalang tao. Nang minsang pinagsabihan sila na maging 21

KALinangán Bolyum 1


Sa Paligid ng Mesa ay Mayroong Namumuong Baryante ng Bayrus

mabusisi sa mga kinokonsumong impormasyon sa Facebook at balita ay tila mga punong hindi na kayang ugain at baguhin ang posisyon (hindi na kayang ilipat ang pinagtamnan dahil lumago, tumaba, at lumaki na), parang daanang hindi na madaanan dahil sa kakiputan. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko sa tuwing binubuksan ang usapin ng fact checking, at akawntabilidad sa paggamit ng mga social media account tulad ng sa Facebook. At kung paano ang huli ay nagiging instrumento ng estado at mga may kapangyarihan para linlangin ang mga bulnerable sa disimpormasyon at misimpormasyon katulad nila, katulad ng lolo at lola ko. Sa parehas na mesa ko rin naririnig ang mga katagang:”Lagi sa gobyerno umaaasa at hindi marunong dumiskarte sa buhay.” Ganitong himutok ang bibitawan sa tuwing mababasa at/o maririnig na mayroong mga doktor, medical workers, at manggagawa ang nagbitbit ng mga karatula sa lansangan upang kalampagin ang mga lokal at nasyonal na gobyerno buhat ng kahirapan, kagutuman, at pinsala sa trabaho na dulot ng bayrus na mas pinalala ng hindi makataong polisiya, kapalpakan, at kapabayaan. Ang nasa isip-isip ko ay dapat naman talaga na hindi ihiwalay sa gobyerno ang responsibilidad at akawntabilidad na tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino, at kasama na kami, sa gitna ng pandemya. Walang masama sa pagkakaroon ng simpatya sa ganitong madilim na bahagi ng ating kasaysayan, ng ating buhay. Taxi driver ang lolo ko at alam niya dapat ang bigat at pagdarahop na nararanasan ng mga taong ito. Namin. “Pinag-aaral ng gobyerno, pera ng gobyerno.” Sumasabay ang himutok nila sa almusal namin habang umaalingangaw sa paligid tinig ng mga rallyista sa lansangan, at pati na sa mga panawagan na ginagawa online mula sa radyo. Sa mga pagkakataong ito ay nakatikom lamang ang bibig ko, pinipilit nguyain ang umagahan nang hindi napipigtas ang pasensiya kahit pa ilang beses na nauwi sa argumento ang ganitong isyu: pera ng taumbayan, pera ho natin ito. Ito ang mga tinig na hindi ko nabibitawan sa mesa. Mga opinyon at sentimyento na hindi naisasatinig. Iba ang bigat kapag ang mga kilala kong tao, na mabubuti at responsable, ay bulnerable sa bayrus, na parehas ng COVID-19 na hindi nahahawakan, na nasa mukha ng pagpapakalat KALinangán Bolyum 1

22


Sa Paligid ng Mesa ay Mayroong Namumuong Baryante ng Bayrus

ng disimpormasyon. Parang nakikidigma sa hindi mahagi-hagilap na kaaway. At sa ganitong pagkakataon at sirkumstansya rin nagwawakas ang umagahan ng pamilya.

23

KALinangán Bolyum 1


A N G S U S P E K M A ’ Y BIKTIMA R I N

SAMUEL “ R E D ” RODRIGUEZ


Ang Suspek Ma’y Biktima Rin

Hindi lang naman coronavirus ang salot ngayong pandemya e. Sa katunayan sa bawat sulok ng bansa, marami pa. Hindi mo nga lang alam kung kikibo ka o yuyuko’t mapapa ‘Diyos ko po!’ ka na lang. “May covid si...naku ‘wag kang dadaan dun...baka mahawa rin tayong lahat niyan, tsk tsk” “Ano ba naman ‘yan? Ang laking perwisyo naman ang dala nito sa atin.” “Naku, Kuya. Pasensya ka na ha pero kailangan mo munang umalis dito.” Kadalasang mga litanya ng mga nabalot ng takot at pag-aalala buhat ng ragasa ng mga indibidwal na nauuwi sa huling hantungan dulot ng bayrus na walang kinatatakutan. Napakalaking bayrus ito sa lipunan na sa gitna ng bigat at hirap na dala ng pandemya ay namumukadkad ang isang salot na walang dala ni isang dakot ng takot — ang kawalan ng malasakit. Nakalulungkot isipin na hindi na yata talaga maiwawaksi nang basta-basta ang ugali ng ilang mga Pilipino na imbis na maparamdam ang malasakit at pang-unawa ay kabaligtaran nito ang siyang umaapaw sa kanilang mga puso. Ngunit, napagtanong ako nang bahagya. Ito bang pinakikita nila ay talaga bang natural sa kanila o biktima lamang din sila? Taong 2020, hindi mahulugang karayom ang nahahawa ng mapamuksang bayrus at tila hindi nailalapat nang maayos ang solusyon na pilit iminumungkahi ng karamihan lalo ng mga eksperto ang pagsasagawa nang malawakang “contract tracing” na para bang hindi sapat o may kakulangan ng puspusang effort na ibinibigay para rito. Maliban dito, malaking kontribusyon din sa problema ang kawalan ng atensiyon at badyet na dapat inilalaan sa sektor ng pangkalusugan.

25

KALinangán Bolyum 1


Ang Suspek Ma’y Biktima Rin

Sa madaling sabi, hindi maikakaila na nanganib ang Pilipinas dahil sa kapabayaan ng pamahalaan ukol dito. Hindi biro ang pasukin ng nakamamatay na bayrus ang isang katawan ng isang indibidwal. Sa pagkakataong ito, hindi lamang katawan ang may karapatang manghina, kung hindi pati na rin ang bulsa at pag-asa. Pag-asa na siyang naka-angkla sa kung ano at paano ang klase ng trato na ating ipakikita sa isang indibidwal na nahawaan ng korona na bayrus. Sa mga pagkakataon na atin silang pinandidirihan na kulang na lang ay maihalintulad sila na tila nakagawa ng krimen laban sa ating pamilya kung atin silang kasuklaman ay sadyang nakadaragdag sa bigat ng saloobin na kanilang dinadala. Ang mga ganitong naratibo ay hindi na bago sa ating mga pandinig at ngayon sa paningin. Partikular sa mga manggagawa natin na buong lakas ng loob, bagaman mas kanila itong pipiliin sa halip na magutom, nilalabanan ang pangamba makapasok lamang sa kanilang mga trabaho. Samu’t-saring mga balita ang hindi lingid sa ating kaalaman patungkol sa diskriminasyon na kanilang mga naranasan. Ikatlo ng Abril, taong 2020, sa probinsiya ng Quezon, kung saan binaril ng isang lalaki ang isang drayber ng ambulansya dahil umano pinili nitong ihinto ang sasakyan sa isang residential area matapos nitong maghatid ng isang medical personnel. Dala rin ng takot at bugso ng damdamin ang nagtulak sa mga kapitbahay na magkaisa laban sa pag-uwi ng isang nars matapos ito mahawa ng coronavirus. Limang kalalakihan, sa isang bayan sa Sultan Kudarat noong ikalabing pito ng Marso 2020, naman ang sinabuyan ng nakalalasong kemikal ang isang utility worker papasok nito sa trabaho na halos maging dahilan nito ng kawalan niya ng paningin.

KALinangán Bolyum 1

26


Ang Suspek Ma’y Biktima Rin

Ilan lamang ito sa mga pangyayaring tunay nga na nakagagalit at nakapanlulumo na kung sino pa ang lugmok ay mas lalo pang nalulugmok. Malasakit sana nga kasi hindi masakit. Masakit na binabalot ang malasakit ng angking hapdi nito na kung uugatin ay taglay naman sana ng isang indibidwal ang panggamot dito. Ang sistema na ginagalawan ay ang siyang wari’y lumalason sa isipan ng mga tao na para bang mga alimango sa malaking balde na naghihilahan pababa, ngunit mapagtatanong ka – sino ba kasi ang naglagay sa kanila sa ganung sitwasyon, sino ang kumuha sa kanila mula sa karagatan ng kapayapaan at pagkakaisa at tila unti-unting nabubura ang salitang “malasakit” sa kanilang puso’t isipan. Mahihinuha natin na ang kasalatan sa tamang impormasyon ay ang siyang nakadaragdag sa paghahasik ng kawalan ng malasakit sa kapwa. Karamihan sa mga tao ay madaling naaakay sa mga pekeng impormasyon na ang hatid ay kapahamakan sa parehong mental at emosyonal na aspekto. Sa katunayan, ayon sa datos na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre 2021, 51% na mga Pilipino na dumaan sa personal na panayam mula sa kabuuang bilang na 1,440 katao ang nagsabing nahihirapan sila na masipat o matukoy ang fake news na kumakalat sa telebisyon, radyo, o social media. Ang kabuuang 51% ay ang pinagsamang porsyentong natala galing sa iba’t-ibang parte ng Mindanao na may 54%, Luzon (52%), Visayas (50%), and Metro Manila na may 47%. Ang katotohanan sa bawat ulat patungkol sa namamayagpag na Coronavirus ay dapat na maihatid sa lahat dahil ito ay may malaking papel sa kung paano maaalalayan ang ating mga desisyon. Desisyon na maaaring maging hadlang sa kabusilakan ng ating mga puso. Halimbawa, ang mga tauhan sa likod ng salot na ito ng lipunan ay biktima lamang din ng kawalan ng mapanuring kaisipan na siyang nagreresulta sa pagpapababa at pagpapahina ng loob ng mga indibidwal na ninakawan ng kalayaan ng bayrus na Corona.

27

KALinangán Bolyum 1


Ang Suspek Ma’y Biktima Rin

Dito sa amin, madalas na nailalabas sa bibig ng aking mga kapitbahay ang mga mali at kulang sa konteksto na paniniwalang nakukuha nila sa social media. Gaya ng makakakuha na agad ng bayrus ang aming komunidad dahil lamang may isa nang nahawaan na kapitbahay. Nakapagpapasok ito ng takot sa buong lugar at nakapagdudulot ng diskriminasyon. Nasaksihan ko ang malungkot na reyalidad na ito at talaga namang nagtulak ito na hindi pwedeng hayaan ko lamang na ito ang kanilang paniwalaan. Sa halip, bilang kanilang kapitbahay ay walang pagdadalawang-isip na maipamulat sa kanila na hindi basta-bastang nakukuha ang bayrus dahil lamang dito. Iyong ideya na nais lamang nila na hindi mahawaan at gusto lang mag-ingat ay isang maayos at matalinong pag-iisip. Ngunit nauuwi ito sa mapanghating paraan. Gayunpaman, hindi ito nakapagtataka dahil sa panahong salat na ang bawat-isa , hindi na nila hahayaan pang maubos sila. Kinahaharap natin ngayon ang kakulangan sa tamang ayuda at serbisyo habang binibigyan naman ng atensyon at badyet ang sektor ng kapulisan, militar, at NTF-ELCAC. Ito ang naging puno’t dulo ng takot, pangamba, pagmamalabis sa reaksyon na dulot ng disimpormasyon at misimpormasyon, at iba pa. Tunay nga na nagtagumpay ang lampang sistema laban sa taglay na pagiging makatao ng mga Pilipino. Pinatigas nito na parang bato ang mga puso ng mga aakalain mong mga suspek na kung tutuusin ay mga biktima lamang din. Napakainam na pagmamalasakit ay pairalin ngunit ito lamang ba talaga ang kailangan natin? O ang mga sitwasyon na binalot ng diskriminasyon na sentro sa pandemya ay sapat ng dahilan para tayo ay makialam din sa mas malawak at malaking isyu na kinahaharap ng bansa? Ang penomenong katulad ng COVID-19 ay hindi natin maiiwasan kaya; wala itong pinipili, lahat ay maaaring mahawaan kung kaya naman mahalaga na magkaroon tayo ng kolektibong pag-unawa sa bayrus na ito. Dagdag pa, mahalaga na ugatin natin ang pinagmulan KALinangán Bolyum 1

28


Ang Suspek Ma’y Biktima Rin

ng problema. Gaya ng nabanggit sa itaas, ang paggiging paralisado at kawalan ng malasakit ng pamahalaan sa agarang tugon sa pandemya ay ang siyang dapat managot sa kawalan ng malasakit ng sangkaPilipinuhan.

29

KALinangán Bolyum 1


M A T A N G N A K A P I K I T; M A T A N G NAN G H U H U S GA ADON IJAH T R I X I E BAN I C O


Matang Nakapikit; Matang Nanghuhusga

Ngayong 2022, tatlong taon na akong hindi umuuwi ng bahay. Hindi ako palaboy o anuman. Tumutuloy ako sa maliit na apartment unit ng aking ina, na nasa katabing-bayan lamang kung nasaan ang aming tahanan kung saan naninirahan ang aking ama’t mga kapatid. Dumaraan rin naman ako sa amin minsan upang tumulong sa kanilang module. Sadyang hindi ako pwedeng magtagal nang higit dalawang araw sa aking sariling tahanan-- dahil paibaiba ang kulay ng aking buhok. Kung mababaw na dahilan ito upang magtago mula sa mapanghusgang mata ng sarili kong kaanak, siguro’y nararapat lang na banggiting Sagrado-Kristiyano ang aking angkan. Partikular ito sa pamilya ng aking ama. May tiyuhin at lolo akong pastor, mga pinsang musikero, at tiyahing assistant principal ng isang Catholic school sa Caloocan. Malaking bahagi rin ang pamilya sa pagtatayo ng tatlong community church at sa patuloy na pagsisilbi rito. At dahil sa kulturang may malawak na impluwensya ng konserbatismo at Kristiyanismo, hindi na nakakagulat ang kanilang pagtataas ng kilay sa mga kabataang may kulay ang buhok, may tattoo, may hikaw sa iba’t ibang bahagi ng katawan, at umiibig sa kaparehong kasarian. Malaki rin ang kanilang pagtutol sa aking pagiging kritikal sa gobyerno, na ayon sa kanila’y paglabag sa kalooban ng Diyos. Sa kasamaang palad, hindi lamang ako ang dumaranas ng ganitong problema. Dito sa amin, laganap ang ‘di magandang pakikitungo ng mga nakatatanda, ilang taong-simbahan, at maging ng ilang nasa laylayan sa mga taong may ganitong uri ng ekspresyon ng sarili’t personal na pananaw. Sa una’y tataas-taasan ka lamang ng kilay, o di kaya’y aasar-asarin sa social media. Hanggang sa dumating sa puntong hindi ka na iimbitahan sa mga kaganapan ng pamilya tuwing Pasko, o di kaya’y papapuntahin ka nang sapilitan upang pagtulungang idiin. Maaari ka rin maging laman ng kanilang mga usapang ‘atin-atin lang’ na kalauna’y lumalantad din naman. Hanggang hindi mo na rin naising magpakita dahil sa ’yong natatamong trato—at siyempre, ikaw ang lalabas na may-sala’t walang respeto. 31

KALinangán Bolyum 1


Matang Nakapikit; Matang Nanghuhusga

Mala-bayrus itong kumakalat sa mga henerasyon, isang uri ng sakit na hindi magamot-gamot sa isang malapyudal at malakolonyal na lipunan. At hindi ito mawawala hangga’t hindi nareresolba ang pinag-uugatan ng ganitong klase ng pag-iisip na iniwan sa atin ng mga mananakop. Okay, boomer Nauso sa social media noong 2019 ang paggamit ng mga katagang “okay boomer” na naglalayong gawing katawa-tawa ang pagiging umano’y “out of touch” ng mga matatandang nananatili sa kanilang lumang mga paniniwala. Ang salitang boomer ay nagmula sa baby boomer na tumutukoy sa mga taong isinilang noong 1946-1965, ang henerasyong madalas makabangga ng mga Gen Z (mga isinilang mula 1996 hanggang 2015) at Millennial (1977 hanggang 1995). Sa pagbanggit nito, sinusukuan na ang pagpapaliwanag ng isang paksang para sa kaniya’y malabong maintindihan ng kausap dahil sa malayong agwat ng edad, kinamulatang kultura at paniniwala. Kahit hindi bahagi ng henerasyong baby boomer ay maaaring makatanggap nito kung ang paniniwala nito’y kagaya ng isteryotipikal na persepsiyon ng mga nakatatanda. “Cool” sa internet, pero maaaring ang ganitong uri ng diskurso ay isa sa mga ugat kung bakit hindi mabali ang mga napaglipasang paniniwalang nagbubunga ng galit at panghuhusga. Tila nagiging paligsahan na lamang ng nalalaman ang usapan at hindi na naglalayong lumikha ng pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang panig. Ok boomer, ayaw ko nang paliwanagan ka dahil sarado ang utak mo—parang ganito ang dating. Sa pagbali ng mapanghusgang paniniwalang naka-ugat sa lumang mga pagpapahalaga, hindi epektibo ang paggamit ng mga katagang tulad ng “okay boomer” dahil tinatapos nito sa isang ‘di produktibong usapan ang diskurso. Ang nagagawa lamang nito ay ang ibaba ang antas ng kausap sa pansariling pananaw, at hindi bakahin ang miskonsepsyon nila sa LGBT+, ekspresyon ng sarili, at KALinangán Bolyum 1

32


Matang Nakapikit; Matang Nanghuhusga

pagiging kritikal sa gobyerno. Walang naitutuwid na persepsyon, walang galit na unti-unting binabawasan. Gayundin, ang ganitong edad ay nangangailangan ng malawak na konsidirasyon kung susubukang abutin sa isang diskurso. Ayon sa pag-aaral ng ilang siyentista mula Pransya at England na inilathala sa British Medical Journal (Timing of onset of cognitive decline: results from Whitehall II prospective cohort study, 2012), nagsisimulang bumaba ang cognition o kakayanang umintindi ng isang tao sa edad na 45-anyos. Sa madaling salita, kahit ang mga hindi boomer ay may kahirapan na rin sa pag-intindi ng mga bagay sa kanilang paligid. At sa usapin ng pagbabagong panlipunan, malaki ang tyansang hindi agad ito matanggap o maintindihan agad ng mga boomer, o kahit ng mga nakatatandang Millennial. Kaya’t hindi rin makatarungan na makatanggap ang sinuman ng pamosong “okay boomer” nang hindi man lang tinatiyagang paliwanagan. Hindi ito magiging madali, lalo na kung ang susubukang abutin ay maiinitin ang ulo at may mataas na pagtingin sa sarili. Subalit higit itong produktibo, sa aking palagay, kaysa patuloy lamang silang liitin. Panggatong sa Impyerno Isa sa mga birong madalas kong marinig sa aking mga kaibigan mula LGBT community ay ang “Bading, panggatong sa impyerno!”. Isa itong satirikong ekspresyon na nagmula sa konserbatibong pagtanaw ng maraming Kristiyano na ang mga homosexual ay mula sa kaaway at mapupunta sa dagat-dagatang apoy. Nakakatawang pakinggan subalit nakalulungkot isipin dahil pinapatunayan lamang nito ang patuloy na galit ng maraming taong-simbahan sa ating mga kababayang LGBT. Gayunpaman, mukhang hindi lang ang mga bading ang balak gawing panggatong ng maraming konserbatibong Kristiyano. Makakasama na rin nila ang mga progresibong sektor tulad ng mga kabataan, manggagawa at magsasaka. Lalo itong naging kapansin33

KALinangán Bolyum 1


Matang Nakapikit; Matang Nanghuhusga

pansin sa nagdaang eleksyon: naglipana ang kabi-kabilang pagkakahati ng mga mananampalataya dahil sa sinusuportahang kandidato. At sa aking paglilibot sa social media, naobserbahan ko ang mga punto ng mga ito: Para sa mga taga-suporta ni Ferdinand Marcos Jr., may iba’t ibang dahilan kung bakit siya ang dapat na maging Pangulo: (a) ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak, (b) tinuruan tayo ng Diyos na magpatawad kung kaya’t dapat na rin nating patawarin ang mga Marcos, at (c) ang mananalong Pangulo ay itinakda ng Diyos, hindi dapat ito kinukwestiyon. Sa panig naman ng oposisyon, naninindigan ang mga mananampalataya rito na ang tunay na kapatawaran ay nakasandig sa hustisya—na makakamit lamang kapag pinagbayaran ng mga Marcos ang kanilang mga kasalanan sa harap ng batas ng lupa at batas ng Diyos. Ang kanila rin umanong pagnanakaw at pagpatay ay malinaw na lumalabag sa sampung utos. Higit sa lahat, idiniin nilang tao ang naghahalal ng Pangulo, hindi Diyos ang bumoboto. Sa kasamaang palad, hindi malayang mag-ingay ang oposisyong mananampalataya. Isa ito sa maaaring naging dahilan ng pagkatalo ng kanilang kandidato. Bagaman walang baril na nakatutok sa kanilang ulo, katakot-takot namang persekusyon ang natatanggap nila dahil dito. At sa wika nga ng mga Kristiyano—isa akong buhay na patotoo. Nang manirahan ako sa dormitoryo noong Oktubre hanggang Nobyembre 2020, hindi ko mabilang kung ilang beses akong nakatanggap ng forwarded YouTube content mula sa aking mga kamaganak (sila rin ang tinutukoy ko sa itaas na mga tagapaglingkod ng simbahan). Lahat ng ito ay naglalaman ng propaganda, na kalauna’y ikinokonekta sa akin. Mula rito’y pupunahin na nila ang aking buhok at pananampalataya, bago gagamitin ang argumentong “Nakalulugod ba sa Diyos ang ginagawa mo?” Hindi ko naman masagot dahil hindi ako si Kristo. Subalit kung may hindi man nalulugod sa aking mga paniniwala, sa palagay ko’y sila iyon. KALinangán Bolyum 1

34


Matang Nakapikit; Matang Nanghuhusga

Paulit-ulit na ganitong mga usapan at parinigan sa Facebook ang aking inaabot. At ang nakakatawang bahagi pa’y mayroon ding asawa ng pastor ang nagpadala sa akin ng mensahe, siyang hindi ko kamaganak subalit malapit sa aming pamilya. Aniya, paglilipasan ko rin daw ito. Ganito rin daw sila noon, mainit ang bugso ng pagmamahal sa bayan at naging higit na maintindihin sa gobyerno noong nagkatrabaho. Sa puntong iyon, mukhang hindi na iyon usapin ng pagmamahal sa Diyos at sa bayan kung hindi usapin ng pribilehiyo— na siyang bibigyang lalim ko sa susunod na bahagi ng papel na ito. Hindi kasalanan ng Diyos (maaaring pagtatalunan pa natin ang katotohanan ng Diyos, subalit hindi ito ang aking pokus rito), o ng pananampalataya ang panghuhusga sa loob ng simbahan. Lahat ng ito’y naka-ugat pa noong 1500s, noong panahong ipinakalat ng mga Espanyol ang paniniwalang Kristiyano sa ating bansa. At hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na hindi mapayapa ang panahong ito para sa mga Pilipino. Ginamit ito ng Espanya upang sakupin at alipinin ang bansa sa loob ng 300 taon, at nagtagumpay sila rito dahil sa pamamagitan pagpapakilala ng isang makapangyarihang entidad, o ng isang Diyos, ay nagkaroon sila ng kalayaang magdikta ng kultura, pananaw at paraan ng pamumuhay sa mga Pilipino. Naging pundasyon ito ng pagiging bulag na tagasunod. Dahil umano, ang mga prayle at matataas na opisyal ay sugo ng Diyos, sa kabila ng kanilang pagiging korap at mapang-abuso. Gayunpaman, hindi rin naman lahat ng nagpakalat ng salita ng Diyos noon ay mapapatunayang masama. Hindi maaaring sabihin na lahat ng mga misyonero ay nagtungo sa bansa sa pagtatangkang sakupin ang Pilipinas. Subalit ang kultura ng bulag na pagsunod na dinala, itinanim, at patuloy na lumalaganap ay mananatiling nagmula sa kanila—at masakit mang aminin, biktima lang din ang ating mga kababayang nahulog dito.

35

KALinangán Bolyum 1


Matang Nakapikit; Matang Nanghuhusga

Usapang Pribilehiyo Tinalakay ko nang may pagtitimpi ang pakikipagdiskurso sa matatanda at mga taong tubong-simbahan na may mapanghusga’t mapanakit na paniniwala. Subalit para sa mga may pribilehiyong pinili ang maging hindi makatao (na maaaring kabilang din sa mga binanggit kong grupo sa itaas), may hangganan ang aking hinahon. Nakatatanggap din ako ng mapanghusgang tingin mula sa aming komunidad noon, subalit kahit kailan ay hindi ko ito minasama. Hindi sila kabilang sa dahilan ng aking hindi pag-uwi sa bahay. Mahirap lamang ang aming barangay sa Caloocan, at hindi lahat ay may pribilehiyong maintindihan ang konsepto ng SOGIE, ng pagkukulay ng buhok o paglalagay ng tattoo bilang coping mechanism, at pagiging kritikal sa gobyerno. Nananatiling ganito ang sitwasyon doon dahil sa katotohanan, hindi sapat ang ginagawang aksyon ng lokal na pamahalaan upang ipaintindi ito sa mga mamamayan. Hindi rin sila naaabot ng mga pormal na batis ng kaalaman dahil hindi naman lahat ay nakapag-aral. Higit sa lahat, hindi rin ito naituturo o napag-uusapan sa mga pampublikong paaralan, maging sa mga tahanan kung saan nag-uumpisa dapat ang pagkatuto. Gayunpaman, hindi ko maatim ang natatanggap kong trato mula sa mga may-kaya sa buhay na bahagi ng aming pamilya, komunidad at simbahan. Hindi katanggap-tanggap ang kanilang manipulasyon sa aming henerasyon na nakasandig sa kanilang kabulagan sa pribilehiyo. Nakapag-aral sa mataas na antas ang marami sa kanila, may magagandang trabaho at abot-kamay ang magbasa ng mga batis ng kaalaman. At ilang beses ko mang ipilit na biktima lang din sila, hindi maikakaila na pinili rin nila ang ganoong pagtanaw: na ang Diyos ang nagtalaga sa pamahalaan, padala ng mga kaaway ang LGBT, at iba pang paniniwalang pinalalakas ng pagkamuhi. Bahagi pa rin sila ng masa bilang bahagi rin sila ng petiburgesya, subalit kailangan din siguro nilang maintindihan na nagiging bahagi na rin sila ng problema. Dahil ngayong patuloy na lumalaganap ang karahasan at impunidad sa estado, ang kanilang hindi pagpanig sa KALinangán Bolyum 1

36


Matang Nakapikit; Matang Nanghuhusga

mga inaabuso ay pagpanig sa mga nang-aabuso. Ngunit hindi nila ito tatanggapin kung sa akin manggagaling. Hindi rin unti-unting magbabago ang kanilang pananaw hangga’t walang sistematikong pagbabago sa ating edukasyon at pamumuno. Siguro’y mala-hipokritong nagsusulat ako tungkol sa isang bagay na hindi ko rin maresolba. Hipokritong habang tinitipa ko ito ngayon ay hindi pa rin ako nakakabalik sa Caloocan. Subalit hindi lamang ito isang away-pamilya, o salaysay ng isang kabataang naglayas. Pagdalumat din ito kung paanong ang kolonyalismong hindi maisawata ng estado ay patuloy na nakakaapekto sa beysik na yunit ng ating lipunan: ang pamilya. At mukhang makakauwi lang ako kapag maayos na ang ating bayan.

37

KALinangán Bolyum 1


CHOOSE YOUR AGENT: ANG PAGKAHUMALING KO SA KOMPYUTER GAMES

G E L O DE GUZMAN


Choose Your Agent: Ang Pagkahumaling Ko sa Kompyuter Games

Kung tutuusin, naituring hindi mabitaw-bitawan…

ko

ito

bilang

isang

drogang

Lumapag ang sakit sa bansa noong Enero 2020, at sa tagal, kumalat ito nang kumalat sa bawat parte ng arkipelago. Sa simula’y hindi pa ako naniniwala sa mga sabi-sabi sapagkat wala pa namang tinatamaan ng bayrus sa aming bahay, paaralan, at maski sa aming lalawigan. Subalit ilan sa’min ay nagsusuot na ng mga face masks kung sakaling may maganap na kakaiba sa kanilang katawan kagaya ng pagkawala ng panlasa. Dahil sa puspos na pagdami ng mga katakut-takot na balita, nagkaroon ng panukalang pansamantalang ihinto ang mga klase ng isang linggo upang maiwasan ang pagkahawa ng anumang sakit. Noong una, akala namin ay magiging hayahay ang buhay ng bawat isa sapagkat nakatakas kami sa bingit ng responsibilidad. Syempre, sino ba naman ang hindi matutuwa sa mungkahing ‘yon? Ngunit ang akala namin na pitong araw na hindi pagpasok ay isang paghahanda na pala kapalit sa matagalang pagkukulong sa loob ng tahanan. Dito nangyari ang ‘quarantine’. Ginugugol ko halos lahat ng mga araw na nakahilata at nakatitig sa kisame habang nananalangin kay Bathala na puksain ang unos ng pandemya. Sa usaping koneksyon, napananatili ko ang ugnayan sa’king ina (na nasa Melbourne, Australia), mga kamag-anak, at kaibigan. Halos paulitulit ang aming ginagawa sa loob ng bahay. Sarado lahat ang mga establisyemento at mga aktibidad para sa mga libangan. Bagama’t ayoko sana maging katulad ni Jack Torrance sa libro ni King na The Shining, kung saan nabaliw at nasaniban siya ng masasamang espiritung umaaligid sa loob ng Overlook Hotel. Nagkaroon din ng implikasyon ang mismong lugar sapagkat matagal siyang na-isolate at napalayo sa maraming tao. Kung kaya, napagtantuhan ko na rin hindi lang ang bayrus ang kalaban kundi ang sarili ko upang malayo sa parehong kapalaran na nangyari kay Torrance. Napakaraming negatibong nosyon ang pumapaligid sa akin mula sa mga panahong ‘yon. Kung kaya kinailangan kong maghanap ng dibersyon upang maabala ang sarili at malayo sa kasalukuyang 39

KALinangán Bolyum 1


Choose Your Agent: Ang Pagkahumaling Ko sa Kompyuter Games

problemang kinakaharap ng daigdig. Ginalugad ko ang buong internet sa paghahanap ng mga posibleng pagkakaabalahan pansamantala, at mahigit milyun-milyong kalutusan ang nagpakita sa aking screen: isa na rito ang paglalaro ng online games. Maliit pa lamang ako, hindi matibag-tibag ang kahigpitan ng aking magulang sa aming magkakapatid. Bihira akong makalabas noon upang makipaglaro sa mga anak ng kapitbahay, at madalas ay pinapanood ko na lamang ubusin ang kanilang kasibulan mula sa aming bintana. Sa awa naman ni Bathala, nagkaroon kami ng mga kompyuter upang pagtuunan sa pag-aaral. Kung madalas kailangan siya ng aking ate upang makagawa ng mga assignments sa kolehiyo, ako naman ay ginagamit ko para sa malalimang paglalaro. Sa murang edad ko pa lamang ay nakatikim na ako ng iba’t ibang lasa ng paglalaro ng kompyuter games; FPS, browser gaming, platform gaming, PvP, PvE, MOBA, at iba pa. Nakahiligan ko nang maglaro ng mga makukulay na bidyo games. Tuwing Sabado at Linggo nagpapalipas ako sa mga kompyuter shop na malapit sa amin. Inaangkin ko ang isang kompyuter nang mahigit 3-5 oras. Ang paglalaro ng kompyuter ay naging alternatibong paraan ko upang lumigaya tulad ng mga batang naglalaro sa labas ng kani-kanilang bahay. Subalit ito rin ang naging hudyat ng pagkasira ng aking kahusayan sa akademya. Sa kasamaang palad, pinatanggal ng aking magulang ang kompyuter. Sumasagisag daw ang paglalaro sa pagkawala ng pokus sa mga mahahalagang bagay. Paniwala ko, may dalang gayuma ang mga online games kung kaya nahumaling ako sa awra na datíng nito. Tigib-dusa kong niyakap (kahit masakit) ang mga kagustuhan ng aking magulang alang-alang sa’king kinabukasan. Dati, nalulungkot ako sapagkat hindi ko masabayan ang aking mga kaibigan sa tuwing sila’y nag-uusap sa mga bagong labas na laro. Noon, kinuha ko ang oportunidad upang bumalik ang aking loob sa paglalaro ng online games. Natuklasan ko ang mga bago at samu’t saring laro na siyang pansamantalang magbibigay ligaya at abala sa akin sa gitna ng pandemya. KALinangán Bolyum 1

40


Choose Your Agent: Ang Pagkahumaling Ko sa Kompyuter Games

Mayroong libu-libong mga laro na maaaring i-download o bilhin onlayn. Dinownload ko ang isang bagong larong pinamagatang ‘VALORANT’ sa aking laptop. Nagustuhan ko ito sapagkat may kanya-kanya at naiibang abilidad ang bawat karakter sa loob ng laro. Ang mismong laro ay isang ‘free-to-play’ na shooting game, kung saan, limang manlalaro ang mabubuo at hahamon para talunin ang mga kapwa manlalaro na kalaban din. Ang kinaganda ng larong ito bukod sa mga iba’t ibang shooting game na alam ko ay ang kapasidad na magdalumat ng mga taktika ang bawat kasamahan at maging dalisay sa pagbuo ng desisyon. Mahalagang maantig ang kolektibang tulong ng bawat miyembro ng grupo upang mapanalo ang laro. Sa simula, kinakailangang bumili ng mga baril (upang makapatay ng kalaban) at mga abilidad (ito ang magsisilbing kagamitan upang matustos ng mga agent). Dalawa ang magiging gampanin ng mga manlalaro: attacking o defending. Sa attacking, kinakailangang maangkin at matibag ang mga kuwartel ng mga depensa upang matanim ang bomba (spike), at kung defending, mahalagang mapahintulutang makapasok ang mga atake sa loob ng kuwartel (kailangang bumuo ng taktika tulad ng paglagay ng mga abilities sa entrance). Kung natanim man ang bomba, dapat itong i-deactivate bago ito sumabog. Hindi nagtagal noong Oktubre, karamihan na sa aming klase ay natuklasan at naglalaro na rin ng VALORANT. Maraming Pilipino at kahit mga sikat na personalidad ay nakisali na rin bilang lunduyan ng kasiyahan. Nadagdagan pa nito ng iba’t ibang laro tulad ng Call of Duty Mobile, Wild Rift, Among Us, League of Legends, Genshin Impact, at marami pang iba. Dahil sa mga larong ito, higit na lumigaya at lumisan pansamantala ang lungkot sa aming lupaypay na kalooban. Maski ang mga sikat at dambuhalang social media apps kagaya ng TikTok. Malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa mga tao sapagkat ginamit nila ang mga ito [video games at social media] bilang “consumption” at pantakas. Hindi ko masisisi ang mga tao kung nais nilang umalagwa nang sandali mula sa ingay ng mundo. Unti-unting dumarami ang mga bagong manlalaro nitong panahon ng pandemya sapagkat 41

KALinangán Bolyum 1


Choose Your Agent: Ang Pagkahumaling Ko sa Kompyuter Games

nagagampanan nito ang tungkuling paikliin ang nakakabagot na oras o ‘di kaya’y panatilihin lamang silang abala, kagaya ko. Sa kalagitnaan ng klase, hindi namin maiwasan ng aking mga kaibigan ang pananabik sa pagtapos ng sesyon upang makapaglaro. Bumuo kami ng group chat upang madalian kaming makipag-ugnayan sa isa’t isa at malaman kung kailan maglalaro at sino ang maglalaro. Tara. G na (game na). Online na ako. Bilisan niyo! Send inv (invitation). Ito ang naging routine namin sa dalawang magkasunod na quarter ng buong akademikong termino. Dahil sa aming kapilyuhan, madalas naming ginagawa ang paglalaro sa gitna ng klase. Marahan naming hinihinaan ang boses ng aming guro o ‘di kaya’y lumilipat sa ibang gadget, at saka kami magkikita sa loob ng laro. Para kaming mga magnanakaw sa gabi; kinakailangan namin ng masusing taktika upang makalabas sa ninakawang bahay. Sa mga delikadong sitwasyon tulad ng mga recitations o biglaang pagtawag ng pangalan, madalas ay agad kaming lumilipat sa pagitan ng bukas na mga application (alt + tab). Ang paglalaro ko ng kompyuter games na tatlong oras lang ay naging constant at umaabot na sa kalahating araw. Tuwing mababa ang grades ko—maglalaro ako. Tuwing pagtapos ng klase sa umaga o hapon—maglalaro ako. Tuwing matatapos gumawa ng mga gawaing-bahay at paaralan—maglalaro ako. Tanging paglalaro ng kompyuter games ang aking unang gagawin paggising at huling masusulyapan sa pagsapit ng gabi. Paniwala ko’y nasa mabuting kalagayan ang katawan ko sapagkat naramdaman ko ang kaalwanan at kapayapaan sa loob ng laro. Nang nagdaan ang mga buwan, nagsimulang magbago ang intensyon ng lahat ng tao. Naging agresibo ang mga komunidad sa paglalaro. Sa hirap ng buhay na dala ng pandemya, may iilan na ginamit ang mga online games bilang pinagmumulan ng kita (sabong, omega jackpot, poker) at ang iba’y ginamit ito upang KALinangán Bolyum 1

42


Choose Your Agent: Ang Pagkahumaling Ko sa Kompyuter Games

makamit ang sariling interes. Sa kabila ng mga problemang iyon, nakakabawi naman sila. Sa kabila ng paglalaro ko naman ng online games, naging mahirap para sa akin ang tumingin sa reyalidad na natitira sa’kin. Nahirapan akong gumawa at tumalima ng mga assignments (missed out), at may mga araw akong kinatamaran ko nang pumasok sa klase. Marubdob ang pagpupuyat at pagtatagal ko sa harap ng nanginginang monitor. Hindi ko kayang bitawan, bagkus, noong nakaraan ay habang nagkaklase’y pinipilit kong pang isingit ang paglalaro habang nakikinig sa mga lekturo ng aking mga propesor at kamag-aral. Naging mahirap para sa akin ang paghamok ng adiksyon ko hinggil sa online gaming. Sinira nito halos ang aking panahon ng pagtulog, pag-aaral, at pagpapahinga. Nawalan din ako ng confidence sa aking sarili sapagkat tinataya ng laro ang wasto sa pamamaril at pagbubuo ng mga desisyon, at dahil bibihira lang din ako kung maglaro, marami akong mga nakakasama ang namamahiya at nang-aasar na hindi ako marunong. May isang pagkakataon sa isang klase kung saan hiningan kami ng opinyon hinggil sa isang paksa, naitawag ang aking pangalan. Sa dulo ng aking inuupuan, kabado’t nag-aalala ako sapagkat wala ako sa tamang pag-iisip upang makabuo ng isang konkretong opinyon. Dahil dito hindi ko sinabi sa guro ang sagot at hinayaan ko lamang tahimik ang buong klase. Hindi nagtagal at naglabasan ang mga grado sa paaaralan. Napansin kong pumapalya ang mga numerong naukit sa report kard. Hindi ako nalumbay, ngunit nabigo ako. Bagaman yayakapin ko na naging kamalian ko rin kung bakit nagbunga ng mga kasuklam-suklam na desisyon, alam ko sa sarili na kaya pang baguhin ang aking mga desisyon. … Tunay talagang hahamunin ka ng demonyo sa tuwing nag-iisa ka marahil madalas ay minumulto pa rin ako ng paglalaro. Mistulang naging Jack Torrance ako ng mga panahon ‘yon.

43

KALinangán Bolyum 1


Choose Your Agent: Ang Pagkahumaling Ko sa Kompyuter Games

Napagpasiyahan kong muling iwasan at tanggalin ang mga laro sa’king laptop (maski sa buhay). Sa halip na manatili, naghanap ako ng mga bago’t iba’t ibang dibersyon na tiyak makakapagpagaan ng paghinga sa mabigat kong nakaraan. Napilitan akong bumalikwas sa sarili kong bilibid at subukang lumaya nang bahagya. Nakapagpanood ako ng mga bagong pelikula, nakapagbasa ng mga mayayamang panitikan, at nakapagsalamuha muli sa mga kaibigan— ang nakagpuno ng enerhiya sa aking naghahapong baterya. Taon ng aming pagtatapos ay nakapagkamit pa ako ng karangalan. Bagamat nakakapagduda subalit dahil sa tulong ng mga taong malapìt sa akin, unting nabigyan ng liwanag ang madilim kong kinakaharap. Pinilit kong bakahin ang mga lason at gamutin ng mga panibagong pagtingin sa buhay. Ang panahon ng aking pagkabagsak ang siyang mismong hudyat ng aking pagkabangon muli. Gayunpaman, katulad sa mga nandudurog ng puso at romantikong palabas, mahirap lunukin para kay X ang iwan at kalimutan ang pagmamahal kay Y. At gano’n ang nangyari sa akin. Kinailangan ko ng panahon upang mabitawan kong tuluyan ang paglalaro. Nagpapaalam ako sa mga larong nagpapalalim ng eye bags at kahit papaano, nakapagpasaya sa akin. Hindi naging madali ang iwan ang kaginhawaang sinusunggaban ko noon. Bagaman masakit, kailangang masipat na ang tao ay dapat ding masaktan at matuto mula sa kanyang pagkakamali, at mula ron, hindi dapat siyang bumaón sa lupa kundi ito’y dapat tumayo’t matuto.

KALinangán Bolyum 1

44


PAGTAKAS SA IBANG MUNDO: JRPGS SA PANAHON NG PAN D E MYA

AN D R I E U P E R GUILAS


Pagtakas sa Ibang Mundo: JRPGS sa Panahon ng Pandemya

Halos dalawang taon na nang magsimula ang community quarantine sa bansa bilang paraan upang sugpuin ang COVID-19, ang sakit na rumagasa sa buong mundo. Ang napakahaba at nakapapagod na serye ng lockdown ay pinahaba pa lalo, higit dahil sa kapalpakan at kapabayaan ng pamahalaan, at ang pag-usbong ng mga baryant ng virus. Pinanatili sa mga tahanan, ang mga tao ay walang magawa kundi kayanin ang pagiging hiwalay sa presensya ng kanilang matalik na kaibigan, kasama at kamag-anak. Nagbago rin ang mga set-up sa pag-aaral at traba,ho, may mga planong hindi natuloy, at halos lahat ng kaganapan ay dinala sa remote o online na paraan. Nang ang populasyon ay nagkaroon ng libreng oras, sa unang bahagi ng pandemya naisipan ng mga tao na maghanap ng bagong paglilibangan. Ang ilan ay tumuklas ng iba’t ibang serye at pelikula sa mga online streaming platform na ang ibang produksyon ay ginawa sa ‘new normal.’ Ang iba naman ay natutong magluto o mang-gantsilyo; iba naman ay nanghalaman o nag-alaga ng isda, o kung ano pang aktibidad na nakapagbigay ng ilusyon ng pagiging produktibo. Sa kabilang banda, ang iba, tulad ko, ay nakapagpatuloy sa kanilang personal na gawain na kanilang nakasanayan na. Nasa pandemya umusbong ang popularidad ng video games. MULA SA TOTOONG MUNDO PAPUNTA SA BIRTWAL NA MUNDO Likas ang pagiging popular ng video games sa henerasyon ko na lumaki sa teknolohiya. Kinagugustuhan ito ng marami dahil, sa gitna nito, masayang maglaro ng mga video game. At dahil ang mga ito ay may barayti sa estilo at mekaniks, at nalalaro pa sa iba’t ibang plataporma, halos lahat naman ay nakaranas ng isang anyo ng birtwal na paglalaro. Siguro ay upang makapagpahinga, mapasaya ang sarili o di kaya ilabas ang kanilang competitive spirit. Grabe ang pagkawili ng kapatid ko sa League of Legends at Wild Rift. Isa lang siya sa kasama sa hanay ng mga nagugustuhan ang mga multi-player na laro. Aba, ang mga game of choice naman ng aking mga kaibigan ay Mobile Legends, Call of Duty Mobile, PUBG Mobile, Genshin Impact at iba pang mga laro na madaling i-download sa mobile phone. Isa pang laro na umusbong sa popularidad dahil sa pandemya ang larong Among Us na may nagtatagal na kultural na salpok sa mga online na KALinangán Bolyum 1

46


Pagtakas sa Ibang Mundo: JRPGS sa Panahon ng Pandemya

espasyo. Naaalala ko pa ang panahon noong nagkukunwari kaming mga kaklase ko mula high school na mga space worker na inaatake ng mga alien imposter. Nakatutuwang balikan ang mga alaala ng mga paglalaro sa mga nasabing video game kasama ang mga kaibigan, mga larong nagtagal sa kanilang popularidad dahil sa kapasidad nitong kumonekta ng mga tao. May sosyal (multiplayer) na aspeto ang mga ito upang maikalugod ng mga tumatangkilik nito ang isa’t isa sa panahon ng social distancing. Pinagtibay rin ng pagiging prominente ng mga video game bilang porma ng midya ang kanyang papel sa pandemya: bilang paraan ng pagtakas. Sinira ng pandemya ang nakasanayang pamumuhay ng tao. Ang nanatiling krisis pangkalusugan na sumasalikop pa sa mga isyung personal at pampulitika ay nagdala ng kolektibong mental na pagkasakit. Kaya naman hindi nakagugulat na ineenganyo ng mga tao ang sarili sa pamamagitan ng mga gawain na humihira sa kanila mula sa kung anumang pinagdadaanan nila. Ang nakakapag-akit sa mga manlalaro ng mga video game ay ang kapasidad nito na magbigay ng mabuting pagtingin sa sarili dahil nakapagsisikap siya (ang manlalaro) na manalo. Naitatali ito sa teorya ng self-determination sa sikolohiya kung saan ang mga tao ay nauudyok tungo sa positibong disposisyon kung nakakayanan nilang bumuo ng desisyon para sa kanilang sarili. Dito pumapasok ang isang pag-aaral nina Ryan, Rigby, at Przybylski noong 2006. Ayon sa kanila, may dalawang aspeto na nararamdaman ang mga naglalaro ng video games na maiuugnay sa kanilang motibasyon at gayundin sa positibong kagalingan: awtonomiya (autonomy) at kompetensiya (competence). Sa maikling sabi, hindi lang nagdadala ang video games ng kasiyahan, pinapataas rin nito ang positibong pagtingin sa sarili ng mga naglalaro nito. Sa paggagalugad pa ng paglalaro ng video games, makikita na may mga iba naman, tulad ko, na sinusulit ang kanilang oras ng pagiging hiwalay sa tao bilang kanilang ‘alone time.’ Nasisiyahan naman ako maglaro ng multiplayer kasama ng pamilya o kaibigan subalit hindi naman kasi ako ganoon kagaling sa mga larong may elemento ng paligsahaan. Mas nakahahanap ako ng ginhawa sa mga larong ako 47

KALinangán Bolyum 1


Pagtakas sa Ibang Mundo: JRPGS sa Panahon ng Pandemya

lang ang nakapaglalaro at ang isang prominenteng anyo nito ay ang Japanese Role Playing Game o JRPG. Ang mga JRPG ay isang dyanra ng video game na nililikha mula sa Japan. Ang tiyak na katangian nito ay pagkontrol ng manlalaro sa mga tauhan (ang protagonista at ang kanyang kasama) upang kalabanin ang iba’t ibang kalaban sa isang piksyon na pook. Noong kasagsagan ng pandemya, higit na naramdaman ko ang thrill sa paglalaro ng dyanrang ito sa seryeng Pokemon. Nasisiyahan ako na kaya kong makapili ng kung anong gusto kong creature na gamitin sa paglaban sa mga Pokemon battle, ang pangunahing mekanik ng laro. Kung 150+ ang pagpipilian mong Pokemon, tiyak na may iilan na magugustuhan mo. Dito ko lubos na naihahayag ang aking awtonomiya, gaya ng nasabi kanina. Madali naman kasi ang laro (binuo ang laro para sa mga bata) pero madali siyang i-modify batay sa kung paano mo ito gustong laruin. Maaring kang gumamit ng mahinang Pokemon o magbigay ng sariling rules na susundan para magkaroon ng extra challenge. Dito papasok ang kompetensiya dahil nabibigyan mo ang iyong sarili ng pagsubok na nalulutas mo rin. Hindi lang Pokemon ang JRPG na aking hilig. Sinulit ko ang oras sa pandemya upang maglaro rin ng mga kopya ng Suikoden at Fire Emblem na franchise. Bukod pa sa mekaniks, naakit ako sa mga larong ito dahil sa kwento. Noong bata ako, nasusubaybayan ko ang ama ko na naglaro rin ng iba’t ibang JRPG sa console na Playstation 2. Kahit hindi ako mismo ang naglalaro, namamangha pa rin ako sa naging daloy ng tunggalian ng mga tauhan. Nang ako ay lumaki, siya naman ang nanood sa akin na maabot ang obhetibo na kinakailangan sa larong iyon. Tulad ng ibang anyo ng piksyon tulad ng nobela, may lugod kang natatamasa kapag narating mo ang dulo ng naratibo sa JRPGs. Ang pinagkaiba nga lang, ikaw mismo ang nagiging tauhan. Natitiyak talaga na ang manlalaro ay nangingibang-mundo sa paglalaro ng video games, lalo ang dyanrang JRPG.

KALinangán Bolyum 1

48


Pagtakas sa Ibang Mundo: JRPGS sa Panahon ng Pandemya

MUNDO NG HEROES VERSUS VILLAINS Pagdating sa video games bilang porma ng pagtakas, tunay na nakapapasok ang mga naglalaro nito sa ibang mundo kung saan iba ang sistemang natural at geopolitikal. Nakayayamot ang kwento kapag totoong buhay lang, dapat may elemento ng pantasya tulad ng mahika, Diyosa, bayani, at mga nilalang, bagay o pook na karaniwan mula sa totoong mitolohiya ng iba’t ibang kultura. Isang halimbawa ang Grandfather of JRPGs na Dragon Quest ni Yuji Horii na inilabas noong 1986. Isa sa mga nalaro ng aking ama, ang kwento nito ay nakabatay sa medyebal na alamat ng bayaning sasalba sa bayan mula sa kasamaan sa pamamagitan ng pagpaslang sa isang dragon. Ang unang hain na Dragon Quest ang magbubuo ng pormula sa mga kuwento na maipapahayag sa iba pang mga JRPG tulad ng Final Fantasy at Kingdom Hearts, mga franchise rin ng Square Enix, ang kumpanyang nag-develop ng serye na Dragon Quest. Pero kung sa kasalukuyan ay cliché ang tipikal na heroes-savesworld na kuwento, hindi maitatanggi na ang mga larong iyon ay nakapagbighani ng mga manlalaro noon at kahit ngayon. Inirerepresenta ng mga bidang tinatalo ang kontrabida ang ideyalistikong nosyon ng kabutihan na nanalo laban sa kasamaan. Siguro, sa kung anumang paraan, makakapagpunyagi ang mga mabubuti; isang magandang pakiramdam, na para sa ilan, ay hindi makukuha sa totoong buhay. Lalo na sa kasalukuyang kondisyon ng mundo, walang kontrol ang isang tao sa gitna ng pandemya. Pakiramdam niya ay wala siyang kapangyarihan na makatutulong sa mundong winarak ng Coronavirus. Subalit, kaya niyang manaig sa pagliligtas isang birtwal na bansang sinakop ng kanyang kalaban (madalas mga salot ng kadiliman). Ang mga JRPG ay may mga matatapang na bida, madalas kasing edad ng target audience. Minsan ay tahimik at limitado ang diyalogo sa kung anong pipiliin ng manlalaro. Customizable (napapalitan ang itsura at pangalan) rin kung minsan. Lahat ng ito ay kabilang sa disenyo ng laro upang magkaroon ng pagkakataon ang manlalaro na iungos ang sarili na nagbibigay ng pakiramdam na awtonomiya at kompetensiya, mga aspetong maaring kulang sa sariling pinagdadaanan. Bata o 49

KALinangán Bolyum 1


Pagtakas sa Ibang Mundo: JRPGS sa Panahon ng Pandemya

matanda ay bumibisita sa retro classics na JRPG ngayong pandemya at nakararanas ng pagtakas sa kanilang mga pagsubok, at kung hindi man, punto ng inspirasyon. SALAMIN NG TOTOONG MUNDO Subalit, ang naratibo ng mga JRPGs ay umuunlad rin. Hindi lang nagpapakita ang mga ito ng naratibo na may payak na suri bilang pinagmulan ng tunggalian. Ang mga gumagawa ng mga video game ay nagbibigay ng panahon upang maghabi ng kwentong binubuo ng mga nakawiwiling subplot, umaarkong kwento at malalim na tauhan. Ang mga kontemporaryong JRPG ay pumapatungo sa mga larong gumagamit ng grey morality at kompleks na politika. Hindi na uso ang mga kwentong itim laban sa puti sa mga critically successful na JRPG. Ang mga kuwento rin ay nagsasama ng mga kontrabidang sympathetic na may mga kwentong nakahahabag ng damdamin. Nagbibigay rin ang ibang mga naratibo ng mga moral dilemma upang usisain ang mga naging aksyon ng tauhan. At higit, ang sosyo-politika na dinadala ang tunggalian ng kwento ay may hawig sa totoong mundo. Ganitong mga bagay rin ang ikakaharap ng maglalaro ng mga JRPGs, hindi lang mga bandido o halimaw. Kaya hindi na maaring ituring ang mga JRPG bilang mundong pwedeng pagtakasan, bagkus karikatura ito ng totoong buhay. Ang nosyon na ang mga laro ay pampaaliw lamang ay hindi nakatatayo kapag tinitingnan ang unang titulo sa paborito kong laro: Suikoden, ang cult classic na binuo ng kompanyang Konami. Dinedetalya ng banghay nito ang pagpapabagsak ng mga tauhan sa isang mapangalipustang imperyo. Tumatalakay pa ang ilang mga napapanahong isyung tulad ng racism, kurapsyon, kawalan ng pagkapantay-pantay at terorismo mula sa estado. Sa sobrang lapit mga ganitong klase ng naratibo sa totong politikal na kondisyon ng mundo, natutulak ang protagonista, at gayundin ang manlalaro, na harapin ang mga isyung ito imbis na iwasan. Sa katunayan, mahirap galugurin ang isang mahalagang kaganapan sa larong Fire Emblem: Three Houses ng Nintendo (ang pinakahuling kong nalaro), sa harap ng pagsakop ng Russia sa Ukraine noong simula ng taon. Kaya naman ngayon, KALinangán Bolyum 1

50


Pagtakas sa Ibang Mundo: JRPGS sa Panahon ng Pandemya

ang pagtangkang iwasan ang totoong mundo sa pamamagitan ng paglalaro ay naging paraan upang harapin ang totoong mundo. Ang nagkaiba, mayroon lamang itong elemento ng mito na hindi mismo ay kayang palabnawin ang nakatampok na reyalidad. Subalit kailangan bumangon ang bida, at babangon rin siya. Sinagot ng Suikoden at Fire Emblem: Three Houses ang sagot sa suliranin ng kuwento: ang paglaban. Ang pagpapadaig ng kariwaraan na taglay sa mga larong ito ay magagawa kung makikiisa ang bida sa ibang mga tauhan na mula sa iba’t ibang hanay ng buhay. Iyon ang paraan upang kayanin ng bida na harapin at sugpuin ang mga mapang-aping kalaban. Kapag sinimulang hawakan na ng manlalaro ang console, nilulublob nila ang kanilang sarili sa isang imitasyon ng totoong mundo pero nagkakaroon din sila ng awtonomiya na kontrolin ang aksyon ng nilalaro nilang bida. At dahil karamihan sa mga pangunahing mensahe ng mga JRPG ay may implikasyon sa totoong buhay, nahahamon rin ang mga naglalaro nito na makisama sa pagsugpo ng mga sakit ng mundo, isang panawagang napakahalaga sa panahon ng pasistang pamamahala sa bansa. Gayunpaman, hindi ‘golden standard’ ang dyanrang JRPG sa mga naratibong anti-pasista. Hindi kulang sa kritisismo ang pormang ito. Pananda man ng kultura, ito ay commodified object din na ang pangunahing trabaho ay mabenta. Ang mga tema ng mga laro sa dyanra ay hinugis ng materyal na kalagayan ng produksyon nito. Partikular ang banghay ng karamihan sa mga JRPG na may katapusang repormista pagdating sa dinalang pagbabago. Sigurado naman na natalo ang masamang imperyo o ang panginoon ng kadiliman subalit tunay nga ba ang kapayapaan kung talamak pa rin ang pirata at bandido (mga krimeng nakaugat sa kahirapan), at walang pagkapantay-pantay sa uring pesante at sa panginoong maylupa? Kahit pinabagsak pa ang orihinal na kontrabida, nananatili pa rin ang piyudal na oryentasyon ng lipunan, ungkat mula sa medyebal na inspirasyon nito. Tingnan lamang ang katapusan ng Suikoden V at Fire Emblem Shadow Dragon bilang halimbawa, mula pa sa mga paboritong kong franchise ng JRPG. May iba rin na kuwento, tulad ng mga ilang laro sa nabanggit na Final Fantasy at Tales series ng Bandai Namco, na 51

KALinangán Bolyum 1


Pagtakas sa Ibang Mundo: JRPGS sa Panahon ng Pandemya

pumipilit sa pagbuo ng kompleks o morally-grey na tunggalian. Imbis na ilantad ang istruktural na stratipikasyon na tunay naman na pinagmulan ng kawalan ng hustisya sa mga naratibo, dinadaan na lamang sa naging indibidwal na trauma ng kontrabida ang katwiran sa kanilang kasuklam-suklam na gawain. Dumadating tuloy na reaksiyonaryo ang mensahe ng pinaparating ng kwento. Nandoon rin ang presensiya ng male gaze sa pagbubuo ng mga babaeng tauhan, isang isyu na nakaugat sa patriyarkal na oryentasyon ng Japan. Sa mga tinataglay na kritisismong ito, hindi pa rin dapat hadlang sa kapasidad ng dyanra na subukan ang nakasanayang politika. Dapat talaga dalhin ng mga manlalaro ang mga pagsusuring ito sa totoong buhay. Ako nga ay lubos na nagugustuhan ang mga dinamiko ng mga tauhan at kamangha-manghang eksena. Subalit, kahit naaaliw ako, tinitiyak ko pa ring maging kritikal sa mga naratibong aking kinonsumo. Nauunawan ko na ang mga isyung ito ay aspeto ng totoong buhay na sinasalamin ng naratibo sa mga laro, na dapat talagang baguhin. PAGHARAP SA MUNDONG NIRAGASA NG PANDEMYA Minsan, naituturing ang mga video game bilang negatibong bagay, inilalarawan bilang dahilan ng bayolenteng ugali ng kabataan o tinatawag na nakabubulok ng utak. Sa katotohanan, ito ay mga birtwal na interactive na naratibo lamang. Tulad lang siya ng iba pang porma ng midya tulad ng pahayagan, telebisyon o radyo. Nagsisilbing kiliti sa utak at oportunidad pa ng manlalaro na makamit ang pakiramdam ng tagumpay. Tulad ng aking nasabi ukol sa aking karanasan, maaring masiyahan sa paglalaro ng ganitong porma ng midyum habang nagiging kritikal rin sa nilalaman nito. Mahalaga dapat ito alalahanin. Hindi nakahihiya, lalo sa panahon ng pandemya, na maglaro upang makapagpahinga. Sabi nga ng isang Internet meme, “We all do our best to cope.” Para sa mga tumatangkilik sa dyanrang JRPG, hindi lang Covid ang halimaw na kailangan ipaslang. Ang bayrus ay kumakatawan rin bilang mga piksyonal na nilalang na binabantaan ang mga birtwal na mundo na mahalagang puksain. Nagsisilbi ito bilang KALinangán Bolyum 1

52


Pagtakas sa Ibang Mundo: JRPGS sa Panahon ng Pandemya

kanilang personal na pithaya para matuklasan ang sarili, tulad ng nagawa ng mga tauhan na nilalaro nila. Ngunit, sana madala pa rin ng mga manlalaro ang mensahe sa totoong buhay. Maganda pa nga sa mga naratibo ng JRPG ang pagiging bukal nito ng mga radikal na aral na nagtutulak sa manlalaro na harapin ang opresyon na laganap sa lipunan. Mas mahalagang hamon ito at mas kinakailangan ng mga masa. Kung ang protagonista nga ay kayang maging bahagi ng hukbong tatalo sa antagonista, nawa ang mga manlalaro ay maging organisado rin sa pagtalo sa mga antagonista ng lipunan.

53

KALinangán Bolyum 1


B

S

O

D

J J AV E N G O Z A


BSOD

“BSOD na naman.” Nakatitig na lang ako sa laptop kong wala pang isang taon sa akin na may asul na naka-flash sa monitor nito habang gumagawa ako ng mga papel ko sa isang kurso. Wala naman akong magawa kundi hintayin na mag-reboot ang laptop ko para maipagpatuloy muli ang aking mga ginagawa na deadline na sa ilang araw. Para akong nasa kawalan, hindi malaman kung ano na ang dapat kong gawing kasunod sakaling okay na ‘yung laptop ko. Habang hinihintay kong ma-reboot ang laptop, naghahanap ako ng makakausap sa social media. Tipikal na araw sa akin ang walang kausap kundi ang sarili ko at ang isip kong gusto kong patahimikin dahil sa dami ng dada sa buhay. Mangangamusta, aalamin kung kinakaya pa ba nila ang buhay lalo na ang buhay-estudyante, at marami pang ibang tanong para malaman ang lagay nila. Bawat lahad nila ng lagay nila, lagi kong lakip ang salitang “pahinga” at “sulong lang”. Para maging mas tumpak, “Magpahinga ka rin ha? Laban lagi.” Tulad ng laptop ko, malaki ang potensyal ko sa maraming mga bagay. Marami akong kayang gawin. Hindi maikakaila na mas lamang ako sa laptop o sa kung anumang teknolohiyang ginagamit ko, pero ang kulang sa amin ay pahinga. Dahil babad sa mga ginagawa, nakakalimutan nang magpahinga kaya ang resulta: pagod at unti-unting nasisira. Hindi agarang makikita pero mahahalata ang pagpalya ko kahit sa mga pinakasimpleng gawain. At sa tingin ko, hindi ako mag-isang pumapalya. Hindi ako magisang may black screen of death sa isipan. Itim dahil hindi naman nag-aasul ang paningin. Dumidilim siya. Sa panahon ngayon na lagi na lang tayong nakatitig sa kanyakanyang kompyuter, smartphone, laptop, o kung anumang gamit na meron tayo, hindi natin napapansin na napapagod na tayo sa paulitulit na pagtitig sa mga screen ng ating mga device. At kalaunan, hindi na lang natin napapansin na pumapalya ang ating mga sarili 55

KALinangán Bolyum 1


BSOD

sa mga gawain. Parang mga gamit lang din natin na kapag nagagamit masyado, napapagod din. Kailangan din ng pahinga. Kung mapapansin, ang dami nang mga break ang binigay: wellness breaks, reading breaks, at mga break na pinakiusapan pa natin sa mga propesor, pero ang tanong dito ay tunay bang nakapagpahinga? Kung ako ang tatanungin, wala naman akong ginawa sa mga panahon na iyon kung hindi isipin nang isipin kung ano ang dapat kong gawin, kung ano ang dapat kong habulin, kung ano ang kailangang tapusin. Sa madaling salita, hindi. Panahon ng pahinga pero walang pahinga kahit saglit. Hindi na nakatutuwa. Dagdag pa rito ang nakalalasong kultura na isinasaksak sa atin na kung saan ang pagpapahinga para makausad ay tinitignan na tatamad-tamad, kaya hindi natin maipasok ang totoong pahinga para sa mga isip natin. Nakakulong tayo sa isang kultura na dapat magsipag ka nang husto para maabot mo mga pangarap mo sa buhay dahil kung hindi ay babagsak ka sa isang malalim na bangin at hindi mo na alam kung saan ka pupulutin. Lingid sa kaalaman ng lipunang kinagagalawan natin na maging ang isip ay may hangganan din. Tayo ay may kanya-kanyang limitasyon at kapag nasagad tayo, sisingilin tayo sa anumang paraan. Kahit buhay pa ang kunin sa atin. Hindi iyan biro. Kung titignan natin ang mga numero hinggil sa mental health sa Pilipinas, nakababahala ang pagtaas ng suicidal rate sa bansa. Tumaas lang naman ito ng 57% at dumadagsa na rin ang mga tawag sa National Center for Mental Health na dati ay nasa 400 kada buwan lamang ay naging 700 kada buwan. Halos doble ang dinagdag nitong pandemya. At sa kabila nito, mahal pa rin ang gamutan. Bilang may major depressive disorder, dumaan din ako sa gamutan na naudlot dahil sa pandemya. Natigil ang gamutan ko noong nagsimula ang lockdown noong Marso 2020 at hindi na ako KALinangán Bolyum 1

56


BSOD

nakabili pa mula noon. Umaabot sa isang libong piso kada buwan ang gastos ko para sa gamutan ko na dalawang beses sa isang araw. Paano na lang ang mga maraming iniinom na gamot na pumapalo pa minsan sa lima hanggang sampung libo ang bayarin sa gamot? Maging ang paghingi ng tulong, mahal din. Kung hindi mahal, mahirap ang paghingi. Hindi ko pa nararanasan na magkaroon ng sesyon sa isang psychiatrist pero nakakakuha ako ng mga balita sa mga kaibigang may therapy sessions at pumapalo sa libo kada sesyon ang ginagastos nila. Kapag hindi nila kaya, dumudulog sila sa mga libreng serbisyong sikolohikal tulad ng UP Diliman PsycServ na aksesible sa mga mag-aaral, ngunit laging puno ang iskedyul ng mga nasa PsycServ kaya’t hindi rin natutugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral na nangangailangan ng agarang tulong. Bukod pa sa lahat ng problemang ito, mas nakakadilim ng paningin ang pangkalahatang pagtingin sa kalusugang mental na nabanggit ko kanina. Hindi lang iyon ang meron dahil mas may kagat pa ang salita ng mga taong mahal mo kaysa sa kamandag ng ahas. Alam kong ang pamilya ang siyang dapat unang lapitan sa panahon na nagkakaroon ka ng problema ngunit sa pakikitungo nila sa iyo ay magdadalawang-isip ka kung dapat nga bang lapitan sila o huwag na lang, at ganoon ang lagay ko. Hindi ko alam kung dapat ba nilang malaman na sumusuko na ako sa hirap ng dinadanas ko o hayaan ko na lang ang sarili ko habang inaabala nila ang kanikanilang buhay. Sa kulturang Pilipino, lagi na lamang kinukumpara ng mga mas matandang henerasyon ang kanilang mga sarili sa danas ng kasalukuyang henerasyon, na mas mahirap umano ang kanilang hinarap at wala pa ang danas nila sa kinakaharap ngayon. Ang nagiging pagtingin ngayon, kailangang batahin din natin ang hirap na dinanas nila noon tsaka lamang tayo magkakaroon ng karapatan na umangal at punahin ang sistema. 57

KALinangán Bolyum 1


BSOD

Ngunit kung mapapansin, ito ang pinakaugat kung bakit bulok ang kulturang Pilipino sa pagtugon sa isyu ng kalusugsang mental. Isa pa lamang ito sa mga mukha na may malakas na kamandag sa mga bagong salinlahi na maaaring dumanas ng ibang kahulugan ng kahirapan. Nakatutuwa na binabali na ang ganitong pag-iisip ngunit hindi rin mawawala na may nagpapanatili pa rin nang ganito at itinutulak sa iba, na tila ba pare-parehas tayo ng danas. Malawak at malalim ang saklaw ng kalusugang mental sa Pilipinas at kung sisisirin ito, sigurado akong may tiyansang mandilim na lang ang paningin ng kung sinumang magtatangka. Ngunit naniniwala ako na matatanaw natin ang liwanag kung untiunti nating binabaklas ang dilim na ito na umuugat sa nakasusulasok na sistema na mayroon tayo. Kaya noong hindi na talaga kaya ng laptop ko, pinagpahinga ko na siya dahil kailangan niya iyon. Kailangan ng bawat isa ng pahinga. Pero ako, mukhang hindi. Marami pa akong hahabulin. At BSOD na naman. Pero hindi na ang laptop ko.

KALinangán Bolyum 1

58


P P

I I

L A N A S

G L E N N R U S S E L D.ALEJON


PILApinas

Sa kasagsagan ng pandemyang dulot ng COVID-19, iisang lunas lamang ang hinihiraya nang sa gayon ay maibsan ang banta ng sakit—ang magpabakuna. Kahit ako, nang sumapit na sa edad na disiotso, ay dali-daling umaksyon upang maturukan ng kahit anong bakuna laban sa COVID-19; Pfizer, Astrazeneca, Moderna, Sinovac, o Jansen&Jansen, ano pa man ‘yan basta’t masigurado ko lang na may dagdag na pananggalang ako laban sa bayrus ay ayos na. Ngunit kahit anong sigla at sigasig ko na magpabakuna, ang daming nagpahirap sa akin, lalong-lalo na ang sistema. Noong unang beses kong sumubok na magpabakuna, isinabay ko iyon sa pag-aasikaso ko ng pagkuha ng dalawang I.D.—barangay I.D. at National I.D.—dahil naisipan ko na rin namang nasa labas na ako kaya’t subukan ko na lang rin. Sumakay ako ng dyip patungong SM Sucat sa Parañaque. Nang makatawid ako, laking gulat ko nang datnan ang isang mahabang pila sa labas; dalawang magkahiwalay na pila, sakop ang kabuuan ng parking lot, ganoon kahaba ang pilang inabutan ko. Kinausap ko ang tiyahin ko, ang kasama ko ng araw na iyon, na pumasok muna sandali sa mall upang kumain sa may food court. Ang akala kong mahabang pila sa labas na halos kainin ang sangkapat na haba ng buong mall ay may ihahaba pa pala. Hindi ako nagloloko kapag sinabi kong ang pila sa loob ay tatlong palapag na parang ahas na pumupulupot sa bawat baitang ng mall. Doon pa lamang ay napanghinaan na ako ng loob. Matapos kong masaksihan ang pilang mas mahaba pa yata sa pasensya ko ay inabisuhan ako ngayon ng tiyahin ko na magtungo na lang kami sa barangay at baka sakali ay mayroon silang mga bakunang nakatiwang-tiwang doon. Nang makarating ako sa barangay, hindi na ako umasa kasi hindi ko naman dama ang tulong ng barangay simula pa noong unang-unang quarantine. Sinubukan ko pa rin naman, pero gaya nga ng kutob ko: wala silang bakunang maipamamahagi. Umuwi akong luhaan nang araw na iyon. Ilang araw makalipas, nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan ko kung saan sila nagpabakuna. Ang sagot nilang lahat—sa Nayong Pilipino. Ang kaso nga lang sa bakunahan na ito ay driveKALinangán Bolyum 1

60


PILApinas

thru lamang. Gayunpaman, sinubukan ko pa rin; nagsumite ako ng mga kinakailangan na impormasyon sa isang GForms, naghintay ng confirmation email, at tsaka sumabak na. Noong araw na magpapabakuna ako, nagkataong wala si Papa para ihatid ako. Laking problema na iyon para sa akin dahil kailangang nakade-kotse ka kapag nagpabakuna roon. Naisipan kong kumuha na lamang ng Grab. Pasalamat talaga ako at may drayber na kumuha ng ride ko. Sa kasawiang palad, nang dumating kami sa Nayong Pilipino, mas mahaba na naman sa pasensya ko ang pila ng kotse. Sinabihan na rin ako ng drayber na baka maiyak daw siya sa tagal ng paghihintay. Hindi pa tumagal ang limang minuto, nagpasundo na lang ako pabalik sa bahay ko. Ayun, umuwi na namang talunan. Lumipas na naman ang isang linggo at nag-antay na naman ako ng bagong pagkakataon. Laking tuwa ko, naisipan ng gobyernong magpatupad ng National Vaccination Days. Nobyembre 29, unang araw ng holiday na iyon, pumila ako muli sa SM Sucat at sumubok. Para sa mga bata lamang ang mga bakunang mayroon at sa mga nakatala na para sa kanilang second dose. Naiintindihan ko naman dahil nalaman ko naman talagang nakatuon para sa mga bata ang unang araw ng holiday na iyon. Ang pakay ko talaga ng araw na iyon ay itanong ang iskedyul para sa bakunahan sa susunod na araw. Nilapitan ko ang isang sundalong nagbabantay ng pila at ang sabi niya sa akin ay alassais ng umaga nagbubukas ang vaccination site. Pagkauwi ko ng araw na iyon, sinabi ko talaga sa sarili ko na kailangan, alas-singko pa lamang ay nasa SM Sucat na ako. Kinabukasan, nangyari naman ito. Nang makatawid na ako sa kabilang mall, may mga taong naglalakad na pabalik. Akala ko ay tapos na silang magpabakuna, yun pala, cutoff na raw. Nilapitan ko ang sundalong kinausap ko nakaraan at sinabi sa akin na alas-kwatro pa lamang ay nag-cut-off na dahil marami na ang nakapila ng ala-una ng madaling araw. Hindi ko talaga alam ang mararamdaman ko noon; maiinis, manghihinayang, o maiiyak. Muli, umuwi akong hindi pa nababakunahan. Sa puntong ito, hindi ko alam kung ilang araw at linggo na ang ginugol ko upang makapagpabakuna lamang, ngunit sa huling pagkakataon ng taong 2021 ay sinubukan ko muli. Isang simpleng 61

KALinangán Bolyum 1


PILApinas

umaga iyon, tumawag ang tatay ko matapos madaanan ang Ospital ng Paranaque (OsPar). Aniya, may nagbabakuna raw doon. Dali-dali akong nagbihis at tumungo sa ospital. Hindi na ako nagulat nang may madatnan akong mahabang pila. Sa sobrang pagod, pinili ko na lang pumila roon at umasang may sapat na bakuna para man lang umabot hanggang sa akin. Sa parking lot sa ilalim ng ospital, pumila ako kasama ang daan-daang taong umaasang mababakunahan rin. Hindi nagtagal, may lumapit na healthcare worker sa akin at inabutan ako ng isang piraso ng papel na may numerong “224”. Tinanong ko agad sa mga healthcare worker kung anong ibig sabihin ng numerong ibinigay nila. Hindi ko alam kung saang kamay ng Diyos nagmula ang himalang iyon pero sinabi ng health worker sa akin na sigurado na ang slot ko dahil sa pagkakaroon ko ng numero. Alas-nuwebe ng umaga nang dumating ang magandang balitang iyon. Tandang-tanda ko pa kung papaano kami nagkuwentuhan ng mga kasabayan ko sa pila sa sobrang inip at tagal ng usad ng pila. Napagkwentuhan pa namin kung ilang beses na akong sumubok magpabakuna. Naibahagi ng tricycle driver na nasa likod ko ang hirap niya sa pakikipaggitgitan sa pagpapabakuna, masamahan lang ang asawa niya, at nasabi pa sa akin ng pamilyang nasa harap ko kung gaano sila kasaya na mababakunahan na sila. Mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-tres ng hapon, nakapila ako. Anim na oras iyon bago ako tuluyang nabakunahan ng Astrazeneca ngunit hindi ko alam kung bakit dahil umuwi pa rin akong parang may bigat sa dibdib. Sa pagbabalik-tanaw ko sa mala-epiko na kwento ng aking pagkuha ng first dose ng bakuna, hindi ko mawaring isipin kung bakit kaya ako nahirapan nang ganoon. Bakit ko ba kinailangang sumubok ng pitong beses para lamang mabakunahan? O bakit ko kaya laging nadadatnan ang mahabang pila o maagang cut-off? Sa pahirapan kong tangka na magpabakuna, may isang bagay akong natutunan: ang sistema ang may sakit. Sa lahat ng pinilahan ko, wala sanang mahahabang pila kung sapat ang mga healthcare worker na nagseserbisyo sa taumbayan. KALinangán Bolyum 1

62


PILApinas

Kung may sapat na sahod at benepisyo lamang ang mga bayaning ito na nilalagay ang kanilang mga sarili at kaligtasan sa bingit ng sakit ay nahikayat sana silang tumulong pa para sa mas malawakang pagbabakuna. Kung hindi man mahaba ang pila, kulang naman sa suplay ng bakuna. Nasaan na ang bilyong-bilyong inutang para sa pandemic response? Gusto naman talaga ng kalakhan ng taumbayan na magpabakuna pero hindi sapat ang suplay. Ang taumbayan ngayon ang nagigipit at napipilitang pumila nang madaling araw o nang sunod-sunod na mga araw matyempohan lang ang ‘di masabisabing bilang ng bakuna na mayroon. Hindi ko rin maintindihan bakit drive-thru vaccinations lang ang mayroon. Hindi naman kaya ng lahat na bumili ng kotse para lang magpabakuna. Swerte na lang kung makapag-arkila ka ng isang PUV para lamang mabakunahan. Paano iyong mga mahihirap sa Barangay Tambo sa Parañaque na ilang lakad lang ay nasa Nayong Pilipino na pero hindi makapagpabakuna kasi walang kotse para pilahan ang vaccination site na iyon? Bakit hindi naisip ng administrasyon na mag-door-to-door vaccinations? Ay, oo nga pala, kulang sa health care workers at benepisyo. Idagdag mo na rin ang kakulangan sa suplay ng bakuna. Hindi ko masabi-sabi ang nararamdaman ko sa haba ng kwento ko dahil iisang bagay lang naman ang pinakita sa akin ng hubo’t hubad: may sakit ang sistema; isang malaking kalbaryong pasan ng taumbayan sa gitna ng pandemya ang pahirap na sistema. Sa huli, isa lamang ako sa mga libo-libong nagdusa at nagdurusa sa isang nagpapahirap na sistema. Isa lamang ang kwento sa maraming pang kwentong makapagsasabing dito sa amin, hindi lamang corona ang bayrus, and sistema rin ang bayrus.

63

KALinangán Bolyum 1


2

0

2

KIM OLIVER DE SILVA

1


2021

Binuksan ko ang isang umaga nang nakatulala sa larawang tumatagos mula sa bintana ng aking kwarto. Umaabot sa ikalawang bloke ng mga kabahayan ang aking tingin, waring buffet ang laman ng isipan; ngunit ang totoo, iisa lang naman ang naglalaro sa aking isip—apat na numerong pinagdugtong-dugtong ngunit ang dala ay sanlibong pangamba at hindik. 2021. Kinatatakutan ko ang mga numero mula elementarya hanggang ngayong nasa kolehiyo na ako. Tanda ko noong nasa ikaapat na baitang ako, isang araw bago ang pagsusulit ay humahagulgol ako sa aking ina habang kami ay nag-aaral. Hindi ko kasi maunawaan ang mga fraction na magiging laman ng eksam kinabukasan. Nawalan ng pasensya ang aking ina sa akin. Dahil ayaw kong bumagsak, gumawa pa rin ako ng paraan upang maunawaan, ngunit sadyang hindi para sa akin ang mga numero. Kinabisado ko na lamang mga nakikita kong halimbawa at ang mga sagot nito, umaasang lalabas sila sa exam. Kaya pagsusulat at pagiging abogado ang gusto kong maging propesyon sa hinaharap dahil hindi hamak na hindi ganoon kahirap ang maths na mayroon ang mga ito. Simpleng mga numero lang naman ito na magkakadikit, ngunit ang nagpapakomplika ay ang esensyang dala-dala nito—panahon. Higit na tumingkad sa akin ang sinasabi nilang “walang katiyakan ang panahon” nang kaharapin ng mundo ang pandemyang COVID-19. Nasa punto ang aking pag-iral, maging ang karamihan, na nasa estado ng labis na pagkadiskaril. Kumbaga, may preset routine na nabalahura dahil sa kinahaharap na pandaidigang problema. Naantala ang pinakapaborito kong gawain sa lahat—ang pagbiyahe. Lubos kong ikinatutuwa ang mga oras na nailalaan ko sa pagbiyahe. Kung para sa iba ito ay isang gawaing nagdadala lamang ng pagod, itinuturing ko ito bilang refresher. Kapag nasa sasakyan ako, may kung anong eskapismong pumapasok sa aking isipan at tila ba humihiwalay ang aking isip sa realidad. Realidad na may kailangan pa akong ipasang papel. Na may exam pa kinabukasan o baka 65

KALinangán Bolyum 1


2021

bulagain na lang kami ng prop sa isang hindi inaasahang pagsusulit. Realidad na isa pa rin akong anak na kailangan gumawa ng gawaing bahay at kung anu-ano pang realidad. May kung anong hindi ko maipaliwanag sa pagbiyahe. Halimbawa, nagagawa kong ma-access ang isang realm na gaya ng sa panaginip na nangyayari ang mga wirdong bagay. Ang kaibahan nga lamang, kinokontrol ng laman ng pagnanasa ang panaginip kung kaya’t may set ng pangyayari na hinibla upang ating gawin habang tumatakbo ito sa utak; samantalang kapag ako ay nasa biyahe, namamanipula ko ang laman ng aking isip waring may sinusulat na librong ako ang awtor at walang eksternal na impluwensyang nakapagdidikta. Ang lahat nga ng mga nagawa kong istorya para sa aking mga klase ay dito ko sa biyahe nabuo. Ilan sa mga karakter na dinebelop ko ay hango sa mga pasaherong nakasabay ko sa bus, jeep, at UV Express. Ang kanilang mga danas ay nailalapat ko sa magiging takbo ng kwento. Halos lahat na nga ata ng maaaring maging karakter sa isang akda ay matatagpuan sa biyahe: nandyan ang OFW na pauwi sa pamilya o paalis pa lang ng bansa, ang guro at estudyante, ang mga manyak at eksibisyonista, ang mayaman at mahirap, at kung anu-ano pa. Kaya kapag nasa kasagsagan ako ng pagbisita sa tinatawag kong realm, nararanasan ko ang kagyat na pasilip sa konsepto ng walang hanggang pagtatahi ng mga istorya. Ngunit ang katotohanan, ito ay maikling walang hanggan lamang, dahil ang lahat ng biyahe ay may kinahahantungang katapusan. Gaya ng kadalasan kong trip na nagtatapos sa terminal ng mga taga-San Jose Del Monte, Bulacan. Hinahanap na ito ng aking sistema. Oo, may piling pagkakataong sumasakay ako sa jeep at ilang pampasaherong sasakyan, ngunit masyadong mabilis ang biyahe at hindi tulad noon na inaabot ako ng dalawang oras mula Bulacan papuntang Diliman. Malinaw pa sa akin ang huling pag-akses ko sa realm: Marso 13, 2020. Nang ibaba ako ng sinasakyang bus noong araw na iyon, wala pa sa aking isip KALinangán Bolyum 1

66


2021

na ilang buwan at posibleng bumilang pala ng taon ang pagkakapiit sa tahanan. Mula noong panahong iyon, marami nang nagbago sa aming bahay. Sa kasalukuyan, sabay-sabay kami dapat kakain dahil kailangan pagkasyahin ang pagkain. Nawalan ng trabaho ang aking mga magulang habang ang aking kuya ay inabutan ng pandemya kung kaya’t nakabitin pa ang kaniyang aplikasyon sa kompanyang sinusubukang pagtrabahuhan. Mabuti na lamang at mayroon pang naipong kaunting salapi upang ipambili ng pangangailangan, lalo na ng pagkain. Ngayong patuloy na lumalala ang transmisyon ng COVID at matagal na walang trabaho ang mga magulang, kailangan pagkasyahin ang lahat. Ito na nga ata ang bahagi ng buhay ko na pinakanagtipid ang aming pamilya. Ang dating maghapong panonood ng TV ay naging tuwing tanghalian at hapunan na lamang. Nag-uulit na rin ako ng damit o kung makakayanang nakahubad o walang salawal ay higit na mainam upang mabawasan ang labahin. Mabuti’t ako lang ang nag-iisang tarzan na nakabuyangyang sa loob ng aking kwarto. Lalong umigting ang pagtitipid nang pumasok ang online classes sa UP. May opsyon daw na modular lang, kaya makasasabay kahit na prepaid internet lang ang gamit ng estudyante. Kahit anong endorso nila rito, mas nanaig ang pangangailangan ng de-linyang internet. Hindi na nagdalawang-isip ang aking mga magulang na magpakabit lalo’t hindi lang ako ang makikinabang kung hindi kaming lahat, dahil natanggap ang aking kapatid para sa isang home setup na trabaho kinalaunan. Ang naipon kong pera mula sa scholarship ang siyang naipambayad sa unang dalawang buwang bill. Nakatakda sanang ipambili ng mga libro ang pera kong iyon, pero sa mga ganitong panahon ko higit naunawaan ang pagsasantabi sa luho at pagprayoridad sa totoong pangangailangan. Iwas na nga 67

KALinangán Bolyum 1


2021

rin ako sa dating luho na pakikipagkita sa mga kaibigan sa coffee shop. Minsan nga naiisip ko, luho na rin ba ang pagkakaroon ng pakakausap ngayon? Hindi maaaring itanggi ang kalungkutan. Oo, marahil ay maitatago ito ng mukha subalit hindi kailanman ng buong pagkatao– lalo na sa panahon ng pag-iisa. Sa loob ng halos isang taon, bunsod ng mahigpit na restriksyon sa aming lungsod, ang tanging nakikita at kasama ko lagi ay ang apat na sulok ng aking kwarto at ang bawat kanto at bahagi ng aming bahay. Dumating nga ang puntong sa gitna ng kalungkutan ay pader na mismo ang siyang pinipilit kong kausapin; at panay naman ang aking asa na magsalita ito pabalik. Dito ko naikukwento ang aking pagkalugmok, kung naiiyak ako dahil hindi ko muling magawang bumiyahe, kung balutin ng takot na hindi na muling maranasan ang normal na takbo ng buhay, at higit sa lahat, kung hindi ko magawang magsulat. Hirap na hirap akong magsulat ngayon. Bihirang dumalaw ang musa sa akin, at kung minsan, hindi pa ito maamo kung kaya’t wala sa ayos ang aking isip upang sumulat. Napiit sa isang kulungan ang aking malikhaing proseso at hindi ko malaman kung saang lugar ko hahagilapin ang susi ng selda. Sa ikaanim na buwan ng lockdown, sumubok akong sumulat ng isang kwento. Iniisip ko pa lang ang magiging paksa at takbo ng aking isusulat ay bumalong na ang tintang luha mula sa aking mga mata sapagkat ni panimula ay hindi ko magawang simulan. Ang pagbuhos ay naging hihikbi-hikbing pag-iyak na nagtapos sa isang mahimbing na tulog. Hindi natapos ang kabiguan dito dahil lumala nang lumala ang mga bagay. Minsan isang gabi, habang sama-sama kaming kumakain ng hapunan, tinanong ako ng aking ina kung kumusta na ang aking pag-aaral. “Okay lang po,” ang sagot ko.

KALinangán Bolyum 1

68


2021

“Graduating ka na, ‘di ba? Pa-transition ka nang bachelor’s next year? Desidido ka na ba sa pipiliin mong program?” Tanging pagtango at pekeng ngiti ang naisagot ko sa usapang iyon. Hindi ko magawang magbitiw ng salita, o magarantiyang matatapos ko na talaga ang una kong degree sa malikhaing pagsulat. Tinik sa hangarin kong makatapos ang kurso sa pagsulat ng iskrip. Walong beses akong nagpasa ng storyline at sinikap kong gawin ang lahat ng itinuro ng aming propesor, ngunit hindi ko pa rin nakuha ang gusto niya. INC ang inaasahan kong magiging grado sa sabjek na ito. Ang sabi, maaari ko itong i-re-enroll at ito naman ang aking balak. Maaga kong kinuha ang kursong ito upang hindi maging mabigat ang susunod kong semestre na online class pa rin. Ngunit dahil hindi ko naipasa, kailangan ko muli itong bakahin kasabay ng mabibigat na sabjek. Siguro kung hindi ako hirap magsulat, baka naipasa ko ang pagsulat ng iskrip. Kaya lamang, wala ako sa realm na katulad ng tinutukoy ko kung bumibiyahe kung saan maaari kong kalimutan saglit ang realidad. Sa kasalukuyang estado, wala akong ibang pagpipilian kung hindi isipin agad ito, na bumagsak ako at may posibilidad na hindi makatapos sa inaasahang oras. Wala nang mas lilinaw pa sa katotohanang marahas ang mga susunod na panahon. Kung malinaw ang kabatiran sa malupit na takbo ng buhay, lalala pa ang mga ito kung sasabayan ng lupon ng mga makapangyarihang kurakot at barubal na mga tao—ang gobyerno. Maaari pa sanang aksyunan ang mga unang kaso ng COVID sa bansa kung nagkaroon lamang ng maayos na sistema at pamamalakad ang administrasyon. Kung sana ay higit na nagtiwala ang pamahalaan sa obhetibong kakayahan ng agham at teknolohiya upang kalabanin ang COVID, hindi sana madidiskaril ang kinagawiang buhay, o ‘di kaya’y ilang buwan lamang ang aabutin at muling maibabalik ang kinasanayang normal. At higit sa lahat, hindi kailangang umabot sa halos siyam na libo (at patuloy pang tumataas) ang nalagutan ng hininga dulot ng sakit. 69

KALinangán Bolyum 1


2021

Ito ang naging dalamhati ng paborito kong UV Express driver nang madala sa loob ng kanilang tahanan ang COVID na kumitil sa kaniyang asawa. Isang umaga, tumawag siya sa akin, nanghihingi ng kaunting tulong. “Kim, may maipapahiram ka bang pera sa akin diyan,” ang tanong niya sa akin. Naging malapit na sa akin ang drayber na ito. Noong may pasok pa, lagi ko siyang tine-text kung magagawi siya sa tapat ng UP Gym dahil nais kong makasakay lagi sa kaniya kapag uuwi. Kapag nakompirma niyang dadaan siya sa lagi naming pinagkakakitaan, hindi niya pinauupuan ang front seat dahil inilalaan niya iyon para sa akin. Una akong nakasakay sa kaniya dalawang buwan bago matapos ang unang semestre ko sa UP. Halos kalahating minuto na akong naghihintay ng masasakyan nang biglang may UV na huminto sa aking tapat, at iniluwa nito ang isang pasahero na nakaupo sa harapan. Swerteng ako ang pumalit dito at naregaluhan ang aking katawan ng isang regalong hindi nakabalot at walang laso ngunit labis na tuwa ang naipadama sa akin—ginhawa. Nang maiabot ko ang aking bayad, nagsimula ang isang makabuluhang pag-uusap namin. “Sa UP ka nag-aaral?” “Opo, unang taon ko.” “Nako, pag-igihan mo at sigurado akong kung saan-saan ka makakapunta.” Sa ganitong kasarapan ng palitan ng mga salita umikot ang aming pag-uusap; hindi ko namamalayang nasa Bulacan na pala ako. Kinabukasan, napasarap ang aking tulog at isang oras ang nawala sa akin para bumiyahe. Ang tipikal kong alis sa bahay ay tuwing ikapito ng umaga dahil kung masasagupa ko ang mabigat na daloy ng trapiko sa Fairview, magiging alanganin ang dating ko sa unang klase. Dahil dito, nagdesisyon akong sumakay ng UV KALinangán Bolyum 1

70


2021

Express sa terminal sa isang mall; hindi ko na inisip kung magiging doble ang halaga ng aking pamasahe basta’t hindi ako mahuhuli dahil may palihan akong kailangang salihan. Hindi ko alam kung anong mayroon at muli kong nasakyan ang drayber na naghatid sa akin nang ligtas noong nakaraang gabi. Namukhaan niya ako kaya nagkangitian pa kami. Ang sabi ko, “Kuya, late na ako ng isang oras sa biyahe.” Agad naman niya akong binigyan ng garantiya. “Mabilis lang yan kasi dadaan tayong shortcut.” Nakahinga ako nang maluwag noong araw na iyon at may kung anong tuwa na makikita sa aking mukha dahil nakatagpo ako ng kaibigan sa biyahe. Naging regular niya na akong kustomer sa tuwing papasok at lagi ko siyang tinityempuhan kung uuwi. Noong huling linggo ng semestre at ilang araw bago ang Pasko, niregaluhan ko siya ng t-shirt. Kitang-kita ko ang ngiting gumuhit sa kaniyang mga labi. Kaya nang tumawag siya sa akin na malungkot at nangungutang ng pera, agad akong nagpadala. Binawasan ko ang laman ng aking scholarship nang hindi nalalaman ng aking mga magulang. Ipinaabot na rin niya sa akin ang balita na pumanaw ang kaniyang asawa na nakipaglaban sa COVID at kinailangan nilang sumailalim sa mahigpit na quarantine. Bakas ang pinaghalong pag-aalala at pagdalamhati sa boses ng paborito kong drayber. Kung sa akin, ang preset routine na nawala ay ang pag-akses ko sa realm tuwing bumibiyahe, ang kultura at pancit canton sa UP, at ang kakayahang makapagsulat nang maayos, ang sa ilang tao gaya ni kuyang drayber, ay permanenteng nawalan ng mahal sa buhay. At ito ay may kasiguraduhang hindi na maibabalik sa kinasanayang normal, na buo ang kanilang pamilya at nagsasama-sama nang masaya. Kung magpapatuloy ang ganitong depektibong pamumuno sa isang malaki at komplikadong problema, hindi ko na lubos pang maisip kung ano ang maaaring mawala sa akin at sa iba. Baka bukas at sa iba pang kinabukasan, mawalan ako ng pangarap...o ng ganang mangarap. O hindi ko maipagpatuloy ang mga nasimulan kong paghirapan. Ito ang dapat mabatid ng mga nasa posisyon—na hindi 71

KALinangán Bolyum 1


2021

naman sila ang lubusang nawawalan kung hindi ang taumbayan na naghihintay sa kanilang gagawin at umaasa para masolusyonan ang problema na ito. Kaya lubos akong nababahala kapag sumapit na ang taong 2021. Ni wala sa aking isip na bumili ng planner upang ilatag ang mga maaari kong gawin, dahil walang kasiguraduhan ang bawat araw, na pinalalala pa ng mga pinunong hindi rin sigurado kung may balak ba silang tapusin ang pandemyang ito o isakatuparan ang madudumi nilang balak. Ito ang mga panahon na ang sarap maging bata. Tanda ko noon, ang pinakamalaking problemang kinahaharap ko ay sa tuwing papasok na sa klasrum ang aking guro sa Maths at magsusulat na sa pisara ng kung anu-anong numerong pinipilit kong unawain. Ngayong tumanda na ako, numero pa rin ang aking pinoproblema, ngunit hindi iyong uri ng mga ekwasyong kailangan ng pormula, kung hindi isang yugto ng kasaysayan na lubhang walang katiyakan kung anu-ano ang mga mangyayari. Gaano man kalabo ang mga nangyayari at mangyayari pa lamang, patuloy akong mananabik na muling maranasan ang pagakses sa realm tuwing ako ay bumibiyahe, hahanap-hanapin pa rin ng aking kaluluwa ang pancit canton ng UP, at hindi titigil sa ginagawa kong pagsusulat bagaman mailap ang musa sa akin. Desidido pa rin akong makikibaka kahit na ang maaari kong banggain ay ang nakahihindik at kinatatakutan kong grupo ng mga numero—2021.

KALinangán Bolyum 1

72


KALINAWAN

SCHUMACHER


Kalinawan

Abril 2020 Kapag inaninag ang nasa likod ng nagkakapalang itim na usok na bumabalot sa papawirin ng Kamaynilaan mula sa bulubunduking bahagi ng silangan nito, walang kulay ang larawang nabubuo. Malabo, walang linaw, at kulay-abo ang mga gusaling bakal at semento na nagkikislapan at nagkikinangan tuwing malapitan. Simula nang mag-lockdown, dahil bawal lumabas, minsan napapatitig na lang din ako sa bughaw na langit at sa mga ulap na mala-bulak sa mala-veranda ng bahay namin upang balikan ang mga gunita. Ang taon ay 2016. Noon, una kong inakyat ang isa sa mga sa bundok ng bulubunduking Silangan. Iyon ay upang puntahan at matunghayan ang isang waring kweba kung saan makikita ang tinaguriang “oldest known artwork in the Philippines.” Bago marating ang kinaroroonan niyon, may isang lugar dito na mababanaagan ang kabuuan ng Lawa ng Laguna at mga bayang nakapalibot dito. Samantalang sa bandang kanan ng tanawin nama’y makikita ang konkretong gubat ng Kamaynilaan na nababalot ng usok ang papawirin na tila nakasusulasok sa mga mata kapag tinignan. Hindi kaaya-aya at malayong-malayo sa larawang iminumostra nito sa malapitan. Matarik ang bundok na kailangang akyatin upang marating ang pinakatuktok nito na tatagos patungo sa isang grocery sa isang bayang matatagpuan sa “East” kung ituring. Ang nababanggit kong lugar kung saan masasaksihan ang tanawin na kay lawak ay hindi pa ang tuktok (at ang tanong ay kung may tuktok nga ba ito). Dahil pagdating sa itinuturing na “tuktok” (pinakang mataas), kumbaga, ay kapatagan na. Mala-talampas. O ‘di kaya’y maaari din naman itong pinatag upang magbigay-daan sa “kaunlaran”. Sa kadahilanang sa kapatagang ito ay may mga executive village at kay ganda rin ng tanawin kahit hindi overlooking. Malinis at punong-puno ng mga puno ng ipil. Malawak at mala-hi-way; ni walang sasakyang dumadaan dahil mahigpit ang bantay doon pa lamang sa pag-akyat dito—may checkpoint pa bago makaakyat. Sa sobrang rikit ng lugar na ito ay KALinangán Bolyum 1

74


Kalinawan

ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato. Kaya hindi kami nagkukuha ng litrato at baka mapagmulta pa. Medyo bata-bata pa ako nang mga panahong iyon; unang sangkapat ng 2016. Wala pa akong masyadong alam sa mga bagaybagay at mga nangyayari sa paligid. Malabo pa ang lahat sa akin at walang linaw. Tila ang lahat ng pangyayari ay mga hokus-pokus lamang. Ang nais ko lamang ay mapaunlad ang sarili, at isang karanasang babaunin ko ang pag-akyat dito—na sa mga salita ko na lamang maipapaliwanag ang kagandahan sapagkat bawal magkuha ng litrato. Tila nakalatag ang isang luntiang kumot sa isang burol dito na mapagtatanto na isa palang Golf Course. Sapagkat nagkalat ang mga golf ball at golf cart sa lugar. Ang lahat ng ito ay madaraanan bago matalunton ang sinasabing pinakamatandang likhang sining ng bansa na nakakubli kabundukang iyon. Isang bundok na nagkaroon ng kalsadang matarik upang maarok ang tila paraisong lugar—para na rin sa mga mahilig magsugal sapagkat may casino rin dito. Noong mga ikalawang sangkapat naman ng 2016 ay hindi na ’ko napirmi masyado sa amin—doon na ako nagsimulang mag-aral sa Maynila at langhapin araw-araw ang usok na nakikita ko lamang noon na pumapailanlang sa papawirin ng Kamaynilaan. At kahit may malabong papawirin ang Kamaynilaan bunsod ng polusyon ay dito ko naarok ang mga una kong pagpupunyaging malinawan sa mga nangyayari sa bansa at magtungo sa isang pagpapanibagonghubog. Waring may kalinawan. Nagunita ko pa’y dito ko nakita at naranasan ang hirap ng pagkokomyut at marami pang ibang pakikipagbuno sa hindi ko pa mawari noong pwersa—para lamang sa isang oportunidad na hindi maibibigay sa akin sa lugar na aking kinalakhan. Pagbabalik-tanaw na lamang ang nagagawa ko ngayong taong 2020. Dahil naisin ko man ngayong balikan ang naturang lugar upang masaksihan muli ang rikit nito at ng overlooking ay hindi ko na magawa. Walang kasiguraduhan kung kakayanin ko pa ang pagakyat buhat ng kakulangan ko na rin sa pag-eehersisyo. Ngayon ay napirmi na nga ako sa amin. Sa pagkakakulong ko sa bahay, kapag 75

KALinangán Bolyum 1


Kalinawan

natatapos na sa mga gawain tulad ng paglilinis, pagluluto at iba pa ay tumitingin-tingin na ako sa aking cellphone. Ito na lang ang koneksyon ko sa mundo sa labas. Nasa social media na ang lahat ng kailangan kong malaman. At nandito na rin lahat ng nakakapagpabagabag sa akin. Nakikita ko ito tila isang kung anong bagay na nakahuhumaling kahit napakasama ng epekto sa diwa at isip ko. Nakatali na ‘yung kamay ko rito at hindi ako makawala. Ngunit nang maglaon ang ilang linggo ng lockdown ay nakapagtuon naman ako sa ibang bagay at mas sumipag pa sa gawaing-bahay. Kaya’t patingin-tingin at sulyapsulyap na lang ako sa cellphone o smartphone; hindi na maghapong nakatutok ang mga mata ko sa liwanag nito. Pumutok ang balita noong nakaraang buwan, kailangang magkaroon ng lockdown upang maiwasan ang pagkalat at hawaan na dulot ng isang virus na may pangalang COVID-19 (nCoV noong una). Ang “lockdown” ay tinawag na Enhanced Community Quarantine at masasabi kong tila ako’y nakulong na nga sa aming bahay. Ito rin ang dahilan ng aking pagkakapirmi sa amin. May oras na sana ako ngayong makabalik muli sa may overlooking na iyon ngunit hindi ko naman mabalikan. May kalayuan pa naman iyon sa amin. Ibang lupalop na iyon kung ituring ko—nasa itaas iyon at nasa ibaba kami. Dagdag pa, malapit lang sa may paglabas ng tinitirhan namin ay maraming nagbabantay na pulis at militar. Mahirap naman lumabag sa patakaran ng quarantine at may pa-”shoot them dead” na sinasabi ang Pangulo sa mga lalabag sa quarantine. Kumbaga bibili lang ako ng pagkain namin sa labas ng subdivision ay mapagkamalan pa akong lumalabag. Mahirap na at malabo ang pinagsasasabi ng Pangulo. Walang linaw. Tila iyong papawirin ng Kamaynilaan. May mga litrato akong nakikita na inupload sa social media matapos ang ilang linggo ng quarantine. Matutunghayan na, ayon sa mga litrato, ang ilang mga tanawing kay lalayo mula roon sa mga nagtataasang gusali ng Kamaynilaan. Luminaw na raw ang tanawin at kita na ang bulubunduking Sierra Madre halimbawa, sabi ng mga netizen at sabi rin ng kanilang mga kuha. Dahil daw ito sa walang mga taong lumalabas at mga sasakyang bumabagtas sa mga kalsada KALinangán Bolyum 1

76


Kalinawan

ng Kamaynilaan bunsod ng lockdown. Sa ibang salita, wala raw polusyon (na nililikha raw ng mga sasakyan). Dahil sa mga iyon, may mga pumapasok bigla sa isipan ko. Halimbawa, sa karanasan ko, noon pa ma’y nakikita ko na ang anino ng Sierra Madre sa Ortigas at Marcos Hi-Way (ngunit hindi bahagi ng Sierra Madre ang bundok na nabanggit ko sa mga nakaraang talata) lalo na’t kapag bumabyahe pagkagaling sa pag-aaral sa Maynila. Ngunit hindi ko alam na may mas ililinaw pa pala ito. Akala ko’y iyon na iyon, isang silweta ng bulubunduking nakukulapulan ng akala ko ulap o marahil ay hamog. Hindi pala iyon ulap, polusyon pala ang inakala kong ulap dahil sa kaitiman nito kahit hindi naman nagbabadya ang pag-ulan. Madalas akong mapatingin doon dahil sa pagkakaalala ko ay laging matindi ang trapik sa Ortigas. At kung may pagkakataon mang hindi ako makatingin ay dahil iyon sa nakatayo ako sa bus (na madalas mangyari kapag maulan.) Marami masyadong sasakyang pampribado ngunit iilan lamang ang pampubliko kaya marahil ganoon. Dahil nga sa mga nakikitang kong litrato, napagtanto ko na maaaring luminaw rin ang Kamaynilaan mula sa overlooking na pinuntahan ko noong 2016. Kumbaga, isang kalinawan mula sa Kamaynilaan, at mula rin sa karatig na bulubundukin nito. Tila nakadagdag ito sa pagnanais kong balikan ang lugar na iyon at masaksihan nang ako mismo, hindi sa mga kuha ng iba, ang sinasabing kalinawan ng himpapawid ng Kamaynilaan. Ngunit kailangan ko na lang sigurong tanggapin na ngayong lockdown, hindi ko na mababalikan ang lugar na iyon upang matunghayan ang tanawin ng kalangitan ng Kamaynilaan hangga’t hindi natatapos ang isang buwang lockdown. Kaya naman pa-scrollscroll na lamang ako sa social media paminsan-minsan at…nandito na’ng lahat. Balita na mabilis nabe-break, kalokohan, mga personal na buhay ng mga tao na nakikita ng kay rami ring tao, at iba’t ibang mga naratibo patungkol sa nangyayaring quarantine. Sa mga ito’y tila nangingibabaw sa ’kin ang kwento ng mga mamamayang nangangailangan ng tulong na hindi man lang natutulungan. Sa social media rin makikita ang mga manipestasyon ng 77

KALinangán Bolyum 1


Kalinawan

kakulangan at pang-aabuso ng may kapangyarihan ngayong lockdown. Kitang-kita iyon sa mga balitang nasa social media at maging sa telebisyon. Halimbawa na lamang ay may mga tulong na kay tagal dumating na halos matatapos na ang dapat haba lamang ng quarantine na isang buwan, ay hindi pa rin nabibigyan ang ibang pamilya. Tulad namin, wala pa rin hanggang ngayon. At may ilang mga tulong din na sobrang tinitipid ang bawat pamilya. Sabi sa balita, malaki raw ang inilaan na pondo ngunit bakit tila kumarampot nang kumarampot at ilang lata na lang ng sardinas at 2-3 kilong bigas ang pagkakasyahin ng isang pamilyang binubuo ng pito sa ilang araw—o maging buwan? Ang tao, sabi nila, kapag nagutom at nasa bingit na marahil ang buhay, ay maaaring suungin ang kawalang kasiguraduhan at ang panganib upang punan ang kumakalam na mga sikmura. Kaya hindi nakakagulat ang nakikita kong mga balita na nagkakagulo ang ilang tao at pamilyang mga nagugutom na tulad na lamang sa may Quezon City malapit sa SM North EDSA. At makikitang dinarahas sila ng mga pulis. Silang gusto lang namang makakain. Makikita sa mga ganitong oras na kung sino lamang silang may kakayahang mabuhay. Dahil kung hindi ang COVID-19 ang papatay sa tao, maaaring may isa pang mala-virus ang kumitil. Simula nang mag-lockdown, dahil bawal lumabas, minsan napapatitig na lang din ako sa bughaw na langit at sa mga ulap na mala-bulak sa mala-veranda ng bahay namin na tila may mga napagtatanto. Ang taon ay 2020. May mga bagay na luminaw pa sa akin maliban sa papawirin ng Kamaynilaan. Tila mas luminaw pa nga. Ikinulong man ako sa aking sariling tahanan ay mas may naging malinaw sa akin. Totoong hindi ako nawalan ng koneksyon sa mundong nasa labas ng bahay namin dahil sa pamamagitan ng social media. Sa tahanan naming naging mala-rehas na kung saan ako napirmi. Luminaw rin ang isang mala-virus na matagal nang kumakalat. Nakamamatay at delikado. Kung may mga luminaw na ngang mga bagay sa akin at mga lugar, umaliwalas na rin nawa sa isip ng bawat mamamayan ang isa pang virus na dapat puksain at ma-quarantine. KALinangán Bolyum 1

78


ANG KO D O NIC

R

M

I

T

O

NAIWAN SA R Y O

MANLANGIT


Ang Naiwan ko sa Dormitoryo

Alas-singko ng hapon umalis ang bus mula Cubao pauwing Bicol. Bukod sa lamig ng bus, nakaramdam din ako ng pagsisisi pagpatak ng alas-sais ng gabi—ang hindi pagdala ng baon sa biyahe. Naririnig ko na kasi ang babaeng nasa harapan ko na dahan-dahang binubuksan ang balot ng kanyang burger. Agad ko rin namang nahulaan na Jollibee yumburger ang kanyang hawak-hawak dahil sa pamilyar at nanunuot na amoy nito. Mas tumindi pa ang aking pagsisisi nang marinig kong sinimulan niya na ang kanyang malakas na pagnguya. Habang kumakalam ang aking tiyan, sinusubukan kong abalahin ang sarili sa pamamagitan ng pagdungaw sa bintana, pakikinig sa kantang pinatutugtog sa bus, at pagyakap sa dala-dalang maliit na backpack. Naging payapa at tahimik ang daloy ng biyahe. Sunodsunod naming nililisan ang malalaking billboard at matatayog na gusali na nagsisilbing mga palatandaan ng Kamaynilaan. Kasabay rin nito ang paunti-unting pagbabawas ng mga sasakyan at ng mga ilaw sa daan na naghuhudyat na papalapit na kami sa aming probinsya. Umuwi ako ng Bicol dahil sa pag-aakalang tatagal lamang ng dalawang linggo ang tinalagang class suspension. Noong bumili ako ng ticket sa bus, hindi dumaan sa isip ko na aabot ng dalawang buwan ang lockdown. Kahit sa paglabas ng bus at pagkarating sa Bicol, hindi ko naisip na maaaring tumagal ang pandemya ng dalawang taon. Panatag ang loob ko noong mga panahong iyon, na babalik ako sa dormitoryo at ipagpapatuloy ang sinimulang yugto sa unibersidad. Kung kaya, sinadya kong iwan ang nakakalat na scratch paper at ang nakahanay na koleksyon ng libro sa study table. Iniwan ko rin ang sandamakmak na damit na tinambak ko sa lumang kabinet dahil sa pag-aakalang may pagkakataon pa akong tiklupin ito. Nakatiwangwang din ang puting towel sa harap ng kabinet na ginagamit ko sa pang-araw-araw na pagligo. At nakalagak naman ang dalawang maleta sa ilalim ng kama na aking dinala noong unang dumating ako sa Diliman. KALinangán Bolyum 1

80


Ang Naiwan ko sa Dormitoryo

Sa dinami-daming bagay na iniwan ko sa dormitoryo, mayroon akong mas importanteng naiwan—na magpaghanggang ngayon, dumadalaw pa rin ang bagabag ng malaking panghihinayang. Habang tumatagal na nananatili ako sa aming probinsya, narito ang pakiramdam na tila ba’y bumabalik ako sa nakaraan. Walang takas na dinatnan ko ang mga pamilyar na mukha sa aming lugar at nasaksihan muli ang kanilang karaniwang gawi sa pang-arawaraw. Dinadaanan ko rin ulit ang dating ruta na ginagamit namin noon papunta sa dati kong eskwelahan at sa simbahan kung saan, dumadalo ang aking pamilya sa dinadaos na misa tuwing Linggo. At syempre, araw-araw ko na rin ulit nakakain ang kinalakihang mga lutong-bahay na madalang ko lang matikman simula nang umalis ako sa amin. Limpak-limpak na memorya ang meron ako sa lugar na ito. At walang dudang mas higit pa itong nadagdagan pagkatapos ng dalawang taon. Kaya, paminsan-minsan, sumasagi sa isip ko ang alternatibong pag-usad na maaaring nabuo sana kung walang pandemya. Dahil sa dalawang taon na lumipas, napagtanto ko na hindi lamang lockdown sa ating mga komunidad ang mayroon tayo. Kundi, kasama rin ang hindi maiwasang pagpapanukala ng lockdown sa ating mga sarili. Sa panahon ng pandemya, walang dudang mas lalo pang tumaas ang grado ng aking mata. Madalas, nararamdaman ko na kaunti na lamang ay bibigay na ito dahil higit pa sa kalahati ng araw ang aking ginugugol sa gadyet. Inaatake rin ng ngalay ang aking likod at paa dahil sa maghapong pagkakaupo. Sapagkat noong nagsimula ang online class, paulit-ulit na lamang halos ang ginagawa ko sa araw-araw: magbubukas ng laptop, papasok sa Zoom o Google Meet, magbabasa ng babasahin sa klase, at magtitipa ng keyboard kung may nakatakdang ipapasang papel.

81

KALinangán Bolyum 1


Ang Naiwan ko sa Dormitoryo

Naalala ko tuloy kung paano ko sinisimulan ang araw noong faceto-face pa: gumigising nang maaga, mabilis na maliligo, maglalakad o tatakbo, aakyat sa ikatlong palapag ng aming gusali, at sisimulan ang unang klase ng araw. At kinagabihan, dadaan muna ako bago umuwi sa silid-aklatan upang silipin ang mga kinakailangang babasahin sa klase. Siguro, kung walang pandemya ngayon, ganito pa rin ang kakagawian ko. Simple at paulit-ulit lang din kung tutuusin ang rutin ko noon— ngunit ibang-iba mula sa maghapong nakaupo at nakatitig lang sa laptop. At malaking kaibahan pa marahil ng kasalukuyan at noon ay ang pagkawala ng mga taong nakapalibot sa akin (mga kaklase, kaibigan o hindi) na nagpapahiwatig ng pagdamay pagdating sa pag-aaral. Gayundin, binababad ko ang aking sarili tuwing mayroong libreng oras sa Discord o Zoom upang makipag-usap sa mga kaibigan na kadalasang mula sa pinapasukang unibersidad. Magkukumustahan. Magbabatuhan ng kung anu-anong kwento. Tatawa. Lilipas ang oras. I-e-end ang call. At tatahimik muli ang aking paligid. Ngayong pandemya, may bigla na lamang tayong marerealisa na mayroong mga bagay na maaaring hindi na natin pwedeng balikan. Tulad ng maraming oportunidad ang nasayang nang pinili kong umuwi araw-araw noon nang maaga—na maaaring inilaan ko sana ang mga bakanteng oras upang makasama ang aking mga kaibigan. Maaaring nalibot sana namin ang bawat sulok ng kampus at maligaw sa iba’t ibang bahagi nito. O kaya, nasubukan ang lahat o ang mga sikat na kainan na meron sa unibersidad. At makadalo sa samutsaring event na inaalpasan ko lang ng tingin noong face-to-face pa. Gayunpaman, sa kasalukuyang kontekso, hindi maitatangging pinadali ng teknolohiya ang pakikipag-ugnayan natin sa kapwa. Sa kabila nito, napakalaking hadlang pa rin ang pandemya upang makipagkita nang personal sa ating mga kaibigan. Oo, madali na lang makipag-usap dahil mayroong chat, call, video call at kung anu-ano pang midyum. Titipa at pipindot ka lang sa gadyet mo, pwede KALinangán Bolyum 1

82


Ang Naiwan ko sa Dormitoryo

ka nang makipagkwentuhan. Subalit, para sa akin, walang kapantay o katumbas ang magkakasama at harap-harapang “moments”, kung ikukumpara sa usapang nagaganap lang sa maliit na screen. Sa kabilang banda, mayroon pa akong isang bagay na matinding pinagsisihan ngayon—ang hindi pagsama sa mga pagkilos noong bago magpandemya. Mas tumitindi ang aking pagsisisi sa tuwing nagpapakita o lumilitaw ang mga larawan sa Facebook o Twitter na nanggagaling mula sa mga kakilala’t kaibigan na dumadalo sa mga mobilisasyon. Ngunit, higit pa sa nararamdamang pagsisisi, nakararamdam ako ng pag-asa mula sa kanilang kasikhayan. Dahil sa kalayuan ko ngayon, “ingat” ang lagi kong pabaon sa aking mga kaibigan. Gabi pa lamang bago ang pagkilos, pinapaalalahanan ko na sila nito. Iniisip ko na kahit sa ganitong paraan, ang simpleng pabilin na ito ay makasama nila ako. Hindi man ito ang mismo at aktwal kong presensya, subalit nawa’y ramdam nila na nakikiisa at kasama ako sa kanilang bawat panawagan. Sa mga naganap na pagkilos sa dalawang taong lumipas, nariyan ang pagnanais na sana ay nakapunta ako sa bawat isa. Hiling ko, isang araw, sa labas ng aking mga gadyet ay makasama na rin ako sa lansangan. Sa ngayon, nananatili pa rin sa dormitoryo ang mga gamit na iniwan. Mula sa dalawang linggo hanggang dalawang taon na lumipas, hinihintay pa rin ng aking mga nakatambak na damit na gamitin sila, mga librong naghahanap ng magbabasa, at mga maleta na nais muling malagyan. Subalit, higit sa mga gamit, mayroon pang mas mahalagang mga bagay na naiwan. Ito ang mga ipinagkait sa atin, at sa ating lahat—ang mga pagkakataon, at hindi ko alam kung kailan pa ito mababalikan at kung mababawi pa ito.

83

KALinangán Bolyum 1


APARISYON NG TRAHEDYA: ANG SIWANG NA SUMISILIP SA LIMITADONG ESPASYO ONLINE

AN G E LI CA P A L L E R


Aparisyon ng Trahedya: Ang siwang na sumisilip sa limitadong espasyo online

Nakahahapò pa rin sa pakiramdam ang tirik ng araw na sumisiwang sa bintana. Pagkatapos ay maya’t mayang sinasalat ang namamawis na sentido, habang nakaupo’t nakakubang tumitipa sa harapan ng sariling laptop. Araw-araw na ganito ang siklo: maglo-log in sa zoom, makikinig sa propesor, titipa sa laptop, titingin sa orasan ng selpon, makikipag-usap sa group chat, makikinig, at titipang muli. Makikinig sa isang kwarto nang bitbit ang bagahe ng masasamang balita sa kada pagmulat; ang harapin ang araw-araw na kaso ng kamatayan at pang-aalipusta, at ang walang humpay na tigagal at pagkapa sa walang kasiguraduhang hinaharap. Dahil tambak nga ang mga gagawin, ay magpapanggap na lamang na walang ibang nangyayari labas sa eskwelahan–mapipilitang isantabi na muna ang lahat hanggang malusaw ang mga ito sa kamalayan. Iniisip ko tuloy kung ano ang mangyayari kung patuloy lang na natatapalan ang pakiramdam ng bagabag at potensiyal na simula ng pagkamulat ng marami pang kabataang katulad ko. Lalo na’t kung paano ito makagigising ng diwa gayong wala man lang maalok na lagusan sa isang namamayaning sistema ng edukasyong pwersahang nilulunod o pinalalangoy ang bawat isa sa kompetisyon. Isang ‘kulturang loop’, ika nga ni Rolando Tolentino, na naghuhudyat ng pagkalusaw ng pulitikal sapagkat wala nang nagtatanong kaya’t dumadaloy lamang ang simbolikong karahasang lumalason sa mga kamalayan. Pero kung sabagay…para sa iilan, ay maalwan nga naman sa pakiramdam kung isasawalang-bahala na lamang ang himutok at galit sa paniniwalang “wala naman nang magagawa” laban sa eksploytatibong katangian ng sistema; o di kaya ay i-normalisa ang kunwang kapanatagan sa gitna ng krisis at mga trahedya. Subalit habang patuloy at paulit-ulit itong nangyayari, hindi ba’t napagtatanto ang siwang–ang pakiramdam ng kasalatan sa pagiging indibidwal? Laging mayroong puwang. Bagaman lagi man nilang sabihin na, “Mag-aral ka lang hanggang makapagtapos ka para magkaroon ka ng magandang kinabukasan,” ay mapupunta sa kawalang-kasiguraduhan ang kinabukasan kung ikinakalas na 85

KALinangán Bolyum 1


Aparisyon ng Trahedya: Ang siwang na sumisilip sa limitadong espasyo online

makisangkot sa usapin ng lipunan sa gitna ng krisis ng edukasyon at pandemya. Tunay ngang isa ring bayrus na kumakalat ang desensitasyon, elyenasyon, at indibidwalismo sa namamayaning sistema ng edukasyong unti-unti ring dinudurog ang espasyo ng pagiging kritikal. Ayon kay James Petras, dulot din ito ng imperyalismong kultural na mayroong papel sa paghihiwalay ng mga tao mula sa kanilang kultura at tradisyon ng kaisahan. Gaya nito–tila ba’y hindi ko na namamalayan na sa aking bawat pagmamadali na matapos ang tambak na mga gawain habang nakakulong ang sarili sa iisang silid, na unti-unti nitong kinakalas ang aking kondisyon ng sensibilidad– ang impetus na naging bahagi ng pagtataguyod ng alternatibong buhay na naglalayong lumaban sa mga kondisyon ng posibilidad at labas sa namamayaning sistema ng pag-iisip. Dahil sa maraming salik na binubuo ng samu’t saring pwersa gaya ng pagiging episyente ng akin mismong pag-iral, ay hindi ko na namamalayang pinapatay na nito ang maraming bagay, paniniwala, at pag-iral kapalit ng paghubog sa dekadente at materyalistikong mga pananaw. Nagiging mahirap na ang tumaya. Bagaman dumarating ang aparisyon ng mga pagpipilian sa bawat engkwentro at balita na nagpapakita ng lalong lumalaking agwat ng kontradiksiyon sa estado ng mga may kapangyarihan at mga walang-wala, ay ganoon pa rin tinatanggap ang trahedya–hindi na ito nagiging kakaiba. Lumulubog na ang sarili sa sistemang walang pananagutan sa kapwa, sapagkat ang umiiral na sistema ay nakabatay sa pagtatakda ng halaga ng kapakinabangan sa ilalim ng mga may kapangyarihan. Bagaman nakahahapò at nakauubos ang pagmulagat ng masasamang balitang direkta at di-direktang dumadapo, ay unti-unting tumatagos ang siwang sa kamalayan: lumalaki ang espasyo ng mga agam-agam at pag-aalala sa kawalan ng kasiguraduhan sa hinaharap. Patayin man ang screen pagkatapos ng ilang oras na online class, tumakas man sa bigat na dulot ng mga krisis at trahedya sa pamamagitan ng pagiging apolitikal–kahit na pilitin, ay hindi maikalas ang sarili mula sa sinasabing ‘reyalidad’ na ipinwersa upang KALinangán Bolyum 1

86


Aparisyon ng Trahedya: Ang siwang na sumisilip sa limitadong espasyo online

mapanatili ang dominanteng kaayusang panlipunan. Sapagkat ito ang layunin ng moda ng kapangyarihan: ang lumikha ng mga indibidwal na pulos pagtanggap lamang at hindi nagtatanong: mga bulto ng mamamayang hindi maniniwalang hindi magbabago ang mundo. Sa isang pahayag nga ni Rolando Tolentino, “Hindi ito tulad ng lingab, hindi ito naghihilom.” Dahil hangga’t walang lagusan na sumusulong sa pago-organisa sa siwang ng pagkamulat, ay makalilimutan na lamang ito gaya ng kidlat na kisapmatang nagpakita sa daluyong; o kasimbilis ng pag-alpas ng atensyon sa tuwing mayroong sinkronong sesyon.

87

KALinangán Bolyum 1


T I N U T U B I G KO ANG MILK TEA NGAYONG P A N D E M Y A

Y I A M A R I E M. ABEJURO


Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya

Naalala ko noong 2019, noong freshman pa ako at naninirahan sa boarding house malapit sa UP Diliman campus, isa hanggang dalawang beses lang kada buwan ako nakabibili ng milk tea dahil mahal. Ang halaga kasi ng isang baso ay katumbas na ng halos dalawampung beses na pamasahe pang-UP ikot o kaya apat na order ng pansit canton sa mga kiosk. Pero kapag nakaluluwag-luwag at nakatatapos ako ng sandamakmak na gawain sa pamantasan, sinusubukan kong bumili ng milk tea para gantimpalaan ang sarili. Ito lang kasi ang puwede sa akin. Hindi na ako puwedeng uminom ng kape dahil madali akong mag-palpitate. Mabuti na lang nagkakasundo ang panlasa ko at ang milk tea. Marahil ay dahil mahilig ako sa tsokolate, gatas, at tsaa. Una kong tikim ng milk tea ay noong nasa hayskul pa ako. Mamutla-mutla ako noon dahil sa kaba. Hindi kasi ako sanay bumili ng mga pagkain o inumin na halos isang daan o higit pa ang presyo at kapag kakaiba ang mga pangalan. Iniiwasan ko lang magkamali sa pagbigkas o kaya biglang umalis sa shop dahil hindi umabot ang ekstrang pera. Hindi pa naman ako aktres gaya ng iba kong mga kaibigan na kapag kulang ang pambili ay magkukunwari at sasabihing “Ay, wala pala rito ‘yung hinahanap ko!” O kaya naman, “Teka lang, may bibilhin muna ako sa kabila.” Mabuti na nga lang, kasama ko ang kaibigan ko at siya ang nag-order. Nakaligtas ako sa posibilidad ng kahihiyan. “Anong flavor sa ‘yo?” tanong sa akin ng kaibigan ko na sinagot ko naman ng tsokolate. Binanggit niya ang akin kasama ang kaniya sa tindera sa counter. Nang matapos isulat ng tindera ang order namin sa hawak niyang notebook, nagtanong ulit siya habang nakatingin sa akin. “Black pearls po ba ang sinkers?” “Ah ano,” napahawak ako sa batok ko habang hinihintay rumehistro sa isipan ko ang tanong. “Hmm… opo.” Napalunok ako. Hindi ko pa rin kasi alam kung ano ang tinutukoy niyang black pearl at sinker pero buti naman ay isinulat niya ang sinagot ko nang walang kakaibang reaksiyon. 89

KALinangán Bolyum 1


Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya

“Sugar level po?” dagdag na tanong ng tindera. Nanlaki ang mata ko at iniwas ito ng tingin. “Ah… sige po.” Mahinang natawa ang tindera pero pinigilan niya agad. Napatingin naman sa akin ang kaibigan ko na natatawa rin. “Anong sige?” “Mali ba?” natatawa ko na ring tugon. At doon na nga lumabas ang pinipigilang tawa ng mga tao sa shop kasama ang iba pang kostumer. Nakakahiya man, may natutuhan pa rin ako sa danas kong iyon. Mabuting karanasan iyon ng pagkatuto. Lumipas ang ilang buwan na kaya ko nang bumili ng milk tea mag-isa at sagutin ang tanong na sugar level. Ngayong nasa kolehiyo ako, natutugunan ko ito ng 25%. Pero hindi ko akalain na aaraw-arawin kong sasabihin ang porsiyentong ito ngayong pandemya. Ipinagkait ng pandemya ang panlasa Matinding tinira ng COVID-19 ang panlasa ng lahat. May mga biktima na hindi na manamnam ang lasa ng pagkain o inumin gaya ng tamis ng milk tea dahil sa epekto ng sakit. Marami naman ang pinagkaitan nito na malasahan ang tamis ng mga pagkakataon na walang restriksyon at limitasyon. May mga tsuper na hindi na nakapasada. May mga estudyanteng isinantabi muna ang pangarap na makapagtapos dahil sa kahirapan sa pag-aaral sa screen. May mga gurong iniwan ang propesyon para mag-call center. May mga pagkain sa lamesang naglaho. May mga haplos na hindi na madarama pa. Maraming winala ang pandemyang ito. Sa kaso ko, ipinagkait nito sa akin ang maligaya kong danas sa pagbili ng milk tea. Noong binalitang isasara ang Metro Manila noong Marso 2020, nilisan ko ang boarding house sa Diliman para bumalik ulit sa bahay KALinangán Bolyum 1

90


Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya

namin sa Valenzuela kung saan naroroon ang mga tito, mga tita, mga pinsan, at lolo. ‘Di kapareho ang suwerte ng tinitirhan ko ngayon kaysa noon kung saan lumingon lang ako sa kaliwa’t kanan ay makikita na agad ang iba’t ibang establisyemento ng milk tea shop. Dito kasi, kailangan pang sumakay ng isang jeep para makarating sa isang shop na hindi pagsisisihan ang pagbili ng milk tea. Malayo rin sa bahay namin ang 7-Eleven, McDo, Jollibee, at mga coffee shop. Wala ring malapit na tambayan gaya ng library o parke. Kaya kung nakabibili ako noon ng isa hanggang dalawang beses na milk tea sa isang buwan, ngayon ay hindi na. Wala rin namang rason para makipagtawanan at tsikahan sa kaibigan sa loob ng shop. Dinestino ng pandemya ang kaibigan ko sa Nueva Ecija. Ang mga kaibigan ko naman sa kolehiyo ay ikinalat rin sa parehong lugar, maging sa Marikina, Antipolo, Cavite, at Naga habang ako ay naririto sa lugar namin nang mag-isa. Wala na ang kagaya noon na kapag natatapos ang klase ay dumidiretso sa milk tea shop para magbarilan ng tapioca pearls mula sa straw na nakatapat sa isa’t isa, o magsulat, gumuhit, at sumagot sa mga sticky note na nasa freedom wall, o mag-isip ng posibleng klase ng buhay at kuwento ng bawat kasamang kostumer. Hindi rin naman ako makabibili ng milk tea dahil kapos sa pera. Hindi ito ang prayoridad na bilhin. Noong freshman ako, napaghahati ko ang allowance kada buwan sa gastusin sa renta, tubig, kuryente, pamasahe, pagkain, at photocopy. Pinagpapala pa ako kadalasan dahil nakapagtatabi pa ako ng dalawang daang pisong pambili ng milk tea. Pero iba na ngayon! Ang halos isang daang presyo ng isang baso ay katumbas na ng apat na de-lata ng sardinas na mapagkakasiya na ng pamilya namin sa loob ng dalawang araw. Pakiramdam ko, pumapakla ang lasa ng milk tea tuwing naalala ko ang maaaring katumbas nitong pagkain at iba pang pangangailangan na dapat unahing bilhin. Higit pa sa lahat ng mga dahilan, ritwal kasi sa akin ang pag-inom ng milk tea. Hindi dapat ito basta-bastang binibili kapag trip lang o may malaking pera sa bulsa. May mga panahon at lugar lamang 91

KALinangán Bolyum 1


Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya

para bumili nito—kagaya ng tuwing may nangyayaring mabuti sa buhay ko. Saksi sa akin ang milk tea noon kapag binubuklat ko ang blue book kong may mataas na marka, kapag ini-ekisan ko ang mga nakalistang gawain sa maliit kong notepad, at kahit anong klaseng maliit at malaking tagumpay noon. Pero paano ito masasaksihan muli ng milk tea kung isang pangungusap pa lamang sa isang repleksiyong papel ay hindi ko na masimulan? Napakatagal ko nang makatapos ng isang gawain ngayon. Minsan may nagagawa akong isa o dalawa sa isang linggo, pero may pagkakataon din na wala. Palagi akong napatutulala sa blangko kong GDocs at naghihintay na dapuan ng ideya. Madalas, walang dumadapo. Hindi ko naman ito masisisi dahil sa nakapapaso kong tuktok ng ulo na nakababad sa init ng temperatura sa loob ng aking kuwarto. Sa katunayan, hindi talaga ito kuwarto kundi terasa ng bahay. Tinapalan lamang ng pinagpatong-patong na trapal, karton, at kurtina ang nakabukas na gilid ng terasa para magsilbing harang sa init ng araw at mata ng mga kapitbahay. Siguro kaya hindi rin dumadalaw sa akin ang magandang kondisyon sa pagsulat ay dahil hindi sila makakahinga sa loob ng kuwarto. Ang pinagtitiyagaan ko lang kasing hangin ay ang mainit na buga ng maliit at lumang electric fan. Marahil, kaya hindi ako nabibigyan ng kapayapaan sa kuwarto ay dahil sinasapawan ng sigawan ng mga tao sa loob at labas ng bahay ang huni ng mga ibon at pagaspas ng mga dahon. Kapit sa asukal ang mga walang-wala Bandang kalagitnaan na ng semestre nang naubos ang pasensiya at pag-asa ko. Makikita sa pader ng “kuwarto” ko ang nakadikit na papel na may mahabang listahan ng mga rekisito na dapat ipasa. Karamihan ng nandoon ay yaong mga gawain na noong Marso at Abril pa ang tinakdang deadline. Nakasambulat din ang tisyu sa sahig kung saan ako nakahiga. Mayroong nasa basurahan, mayroong nasa tabi ko, at mayroong hawak-hawak ko. Hindi kasi matapos-tapos ang patak ng luha habang nakatitig sa laptop na may pixelated dinosaur, tungo sa lumang lampshade na sinabit ko sa kisame na nagsisilbi KALinangán Bolyum 1

92


Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya

kong ilaw gabi-gabi, tungo sa nagkalat kong notepads, notebook, at mga papel, at tungo sa madilim na kawalan. Nakatulog din ako noong gabing iyon (sa wakas!) pero hindi dahil sa paggawa kundi dahil sa kawalan nito. Lumipas pa ang ilang gabi na ganitong-ganito pa rin ang siklo ng buhay ko hanggang sa mapagdesisyunan kong lumabas sa bahay namin at huminga. Alas otso ng gabi, sinimulan kong ikutin ang barangay namin. Naglakad ako sa daan na hindi ko kadalasang pinupuntahan. Baka sakaling may paghugutan akong ideya at lakas para sa mga isusulat kong sanaysay, akademikong papel, at iba pang uri ng rekisito. Sa kanang tabi ng kalsada, pansin ko na nagbago na ang hitsura ng espasyong iyon kaiba noong bago magpandemya. At naroon sa gitna niyon ay nakita ko ang isang establisyementong magpapabago sa takbo ng semestre ko—isang bagong tayong milk tea shop. Pagpasok ko, kitang-kita ang lawak ng loob nito na kayang magtuloy ng hanggang tatlumpung katao. Mayroon din itong libreng WiFi, aircon, at magandang banyo. Higit sa lahat, mayroong saksakan ng kuryente. Nag-order ako ng isang large na milk tea. Buti na lang lagi akong may bitbit na isang daang piso tuwing lumalabas ng bahay para may madukot tuwing emergency. “Sugar level, ma’am?” tanong ng kahera. “25% po. Take out,” sagot ko. Ito ang sugar level na kadalasan kong sinasagot tuwing bumibili ng milk tea dahil ito ang pinakamababa bukod sa zero. Sabi kasi ng isa ko pang kaibigan noon, huwag ko raw piliin ang 100% sugar level dahil bukod sa masama ang sobrang tamis, hindi ko na raw malalasahan ang tsaa nito. “Okay po, ma’am. Mga 5 minutes lang po ito,” tugon ulit ng kahera at nagsimulang magsulat sa notebook na nasa harapan niya para ilista ang order ko. Gusto ko pa sanang ituloy ang pag-uusap namin 93

KALinangán Bolyum 1


Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya

para makabuwelo ako sa pakay kong tanong sa kaniya pero nahiya ako. Tinitigan ko na lang ang nag-iisang socket ng kuryente na nasa tabi ng upuan ng isang kostumer at iniimadyin na balang-araw ay nagcha-charge ako doon ng laptop habang nagkaklase. “Ito na po ang order ninyo, Ma’am. Salamat po,” pagputol ng kahera sa pag-iimadyin ko. Nagtanong din siya kung puwede niya akong picture-an para i-post sa Facebook page nila. Pumayag ako at doon ako nagkalakas-loob para itanong ang pakay ko. “Ma’am, may power socket po ba kayo rito?” tanong ko. Kunwari hindi ko alam ang sagot. “Yes po, ma’am. Doon po.” Tinuro ng kahera ang tinititigan ko kanina. “Puwede po bang maki-charge?” Pumayag ang kahera. Sa pagkakataong iyon, tila sinaksakan ako ng enerhiya mula sa halos dalawang taon na pagkaubos nito. Tila nahaluan ng tamis ang napakatabang na lasa ng semestre ko. Mas matindi ang mga pagsubok sa loob ng gawa-gawang paaralan

Mula Abril hanggang Hunyo ako namalagi sa milk tea shop. Mula alas dos ng hapon hanggang alas otso ng gabi, nakatutok ako sa laptop habang tinatapos ang lahat ng mga gawain sa loob at labas ng unibersidad. May natatapos naman ako rito. Bukod sa synchronous classes, dito na rin ako nagbabasa at gumagawa ng mga rekisito. Kapag mabigat ang isang gawain, minsan iyon lang ang nagagawa ko. Hindi rin naman ako araw-araw sa milk tea shop sa kabila ng ginhawang naidudulot nito. May dalawang dahilan: Una, kapag wala akong pera. Hindi naman kasi maaaring pumunta sa milk tea shop para magklase nang wala akong bibilhin. Kung wala nang natirang ipon mula sa bigay at komisyon, magtitiis muli ako sa bahay namin KALinangán Bolyum 1

94


Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya

at pipiliting pigain ang sarili para makagawa ng kahit ano. Ikalawa, kapag nahihiya ako. Napakaraming pagsubok sa loob ng milk tea shop na pumipigil sa akin na bumalik muli. Ngunit dahil sa higit dalawang buwan na pamamalagi ko rito habang isinasaalang-alang ang quota requirements sa araw-araw, natutuhan ko na ring lunukin ang kahihiyan gaya ng mga sumusunod: 1.

Nahihihiya akong makisaksak. Isa lang kasi ang socket rito sa milk tea shop at para iyon sa LED strip lights nila na hindi naman nila binubuksan. Hindi iyon binuo para sa tulad kong magsi-synchronous class at gagawa ng rekisito araw-araw. 2. Nahihiya ako kapag naubos na ang kinakain ko. Noong una kasi, bumili lang ako ng pinakamura nilang tinitinda: 59 pesos na corndog. Ang problema, naubos ko ito nang wala pang isang oras. Hiyang-hiya tuloy ako dahil ako na lang ang wala nang pagkain sa lamesa sa loob ng halos anim na oras sa shop. Nagmukha tuloy akong tambay. Kaya simula noon, puro milk at fruit tea na lang ang binili ko. Tigsasampung sipsip kada oras. 3. Nakahihiyang lumingon sa mesa ng kapwa-kostumer. Sa totoo lang, mahirap patayin ang kuryosidad kapag kumakalam na ang tiyan. Madalas kasing lumalapit ang usok at amoy ng fries, burger, nachos, pizza, kape, at ibang flavor ng milk tea tungo sa direksiyon ng ilong ko. Hindi na sila kumakatok. Kusa nilang sasakupin ang sistema ko: iaalarma ang tiyan, tataas ang lebel ng laway sa dila, at irorolyo ang mga mata para masilayan ang hitsura ng mga pagkain at inumin sa ibabaw ng bawat mesa ng shop at kung paanong napapahalinghing ang mga kostumer sa bawat subo at sipsip nila. Gayunpaman, kahit na anong kontrol nila sa sistema ko, hindi ko kayang bilhin ang kagustuhan ng kuryosidad– kumakalam din ang aking bulsa. 4. Nahihiya ako kung sakaling mag-jebs. May isang pagkakataon na muntikan na itong mangyari pero sa awa ng Diyos, napigilan ko. Bagaman maganda ang banyo ng shop, wala itong kisame at mayroong bintana. Ayaw kong ilagay sa panganib ang posibilidad kong mamalagi pa sa shop na

95

KALinangán Bolyum 1


Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya

kulob ang lamig at amoy. 5. Nahihiya ako kapag mayroong barkada sa loob ng shop. Madalas umaabot sila sa sampu at higit pa. Kapag ganito karami ang bilang, ang dapat na puwesto nila ay sa gitna. Gayunpaman, dahil naroon ako sa gitna para mag-charge, pinagsisiksikan nila ang sarili nila sa mga gilid ng shop. Hiyang-hiya ako. 6. Nahihiya ako mag-recite. Minsan ito ang dahilan pero mas madalas akong natatakot. Iba-iba ang uri ng pag-iisip ng mga kostumer na pumapasok sa shop. Iba-iba rin ang kakayahan at puwede nilang gawin kung sakaling makarinig sila ng impormasyon at tindig na makagagambala sa paniniwala nila. Hindi ako handa sa loob ng shop. Hindi ako handa nang mag-isa. Paghahanap ng espasyo ang una at ‘di matapos-tapos na gawain ng mga iskolar Minsan sa loob ng shop, nag-post ako sa Facebook kung mayroon pang libreng tambayan sa loob o malapit sa barangay namin. ‘Yung mayroong internet, socket ng kuryente, at banyo sana, pagbabakasali lang. Mayroon namang sumagot–isa, pero nirekomenda niya lang rin ang shop kung saan ako ngayon. Ilang minuto ang lumipas, chinat ako ng kaibigan kong si Ate Sharry. Subukan ko raw ang McDonald’s Classrooms na libre lang pumasok, maki-internet, at makisaksak para sa distance learning. May iskedyul nga lang ito sa loob ng isang araw at hindi puwedeng araw-araw. Ang problema ko, para makarating sa pinakamalapit na McDo, kailangan ko pang mamasahe ng halos 36 pesos balikan. Isa pa, walang ganito sa pinakamalapit na McDo sa amin at tapos na rin ang proyektong ito na tumagal lang hanggang Disyembre 2021. Nalungkot kami pareho ni Ate Sharry. Ipinaabot niya na lang sa akin ang good luck at sana makahanap na raw ako ng tambayan sa pag-aaral.

KALinangán Bolyum 1

96


Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya

Marami akong may kaparehong danas. Madalas tuwing nagbubukas ako ng Facebook, tumatambad sa akin ang MyDays ng mga kapwa ko estudyante na ipinapakita ang kanilang mga frappe, kape, o milk tea sa loob ng shop. Kasama rin sa MyDays ang gadget at notebook nila na tanda na gumagawa sila ng rekisito. Mayroon ding nagpo-post tuwing madaling araw ng 3-in-1 coffee nila sa tasa habang background ang mga papel na puro yellow green at orange highlights. May iba naman na sariling gawang tsokolateng inumin ang ipinapakita sa Facebook. May iba rin na lumilikha ng sarili nilang milk tea sa bahay. Ang nagpapare-pareho lang sa aming lahat ay may ginagawa kaming akademikong gawain sa likod ng mga inuming ito. Nakakasama ko ang karamihan sa kanila noon pang walang pandemya. Tumatambay kami kadalasan sa main library, CAL lib, at reading center sa UP campus tuwing may bakante sa iskedyul at kapag tapos na ang klase. Hindi namin kailangang bumili ng milk tea noon dahil nagkalat ang mga water dispenser sa pasilidad. Libre rin ang mag-charge at may libre kaming 20 oras sa loob ng isang semestre para makagamit ng computer. Ngayon, bagaman hindi na kami personal na magkakasama, sama-sama naman kaming humaharap sa suliranin ng paghahanap ng maayos na espasyo sa panahon ng remote learning. Sa huling sarbey ng UP sa mga mag-aaral noong nakaraang akademikong taon, 8 mula sa 10 respondent ang nagpahayag na nabibigatan sila sa kabuuang set-up ng distance learning. At isa sa lumabas na mga pangunahing suliranin ng mga mag-aaral ay ang hindi maayos na espasyo sa tahanan para sa pag-aaral. Ito ang isa sa mga aalalahanin ng mga estudyante hindi lamang sa Diliman, kundi sa buong UP system. At ito rin ang lumilitaw bilang pangunahing problema ng mga estudyante sa kolehiyo base sa pag-aaral nina Barrot, Lenares, at del Rosario noong 2021 tungkol sa mga pagsubok na hinaharap ng mga mag-aaral sa ilalim ng online learning. Kaya hindi nakapagtataka na marami akong kaparehong sumusubok sa mga espasyo gaya ng milk tea shop para magsilbing kanlungan sa mundong magulo at maingay. 97

KALinangán Bolyum 1


Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya

Ang milk tea bilang simbolo ng pakikibaka Matapos ang ilang pagbanggit ng 25% sugar level, natapos ko na rin sa wakas ang ikalawang semestre. At kasabay nito nagwakas ang luma kong pagtingin sa milk tea. Simple lang naman ang pagtingin ko sa milk tea noon. Simbolo ito ng pagkamalikhain at madaling pag-ayon ng panlasa ng mga Pinoy. Hindi naman kasi mahilig ang mga Pilipino sa tsaa dati kung ikukumpara sa mga lahi mula sa kalapit na bansa sa Asya. Pero ang kilalang tradisyonal na tsaa sa Pilipinas ay salabat o tsaa na gawa sa luya. Minsan nilalagyan ito ng limon at kalamansi. Kaya kakaiba ang timplang ito ng tsaa na hinahaluan ng gatas at inihahain nang may kasamang sago at yelo. Ito ang tinatawag ngayong milk tea na simulang pumatok sa Taiwan noong dekada ‘80, at hanggang sa maging uso na rin sa iba’t ibang bansa gaya ng Pilipinas noong 2011. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin namamatay ang pagkahilig ng mga Pinoy sa milk tea na kahit sa ilalim ng pandemya ay parang mga kabuteng sumusulpot ang iba’t ibang brand nito. Dito nasubok ang pagkamalikhain ng mamamayan. Sa dami ng mga pinagtagpitagping salita para makabuo ng kakaibang pangalan na sinusundan ng “tea”, kailangan pa rin nilang makairi hindi lamang ng bagong pangalan, kundi pati ng kakaibang lasa at istilo ng pagbenta nito. At bagaman halos magkakamukha na ang lahat, patuloy pa rin itong tinatangkilik ng mga Pilipino. Ngayon, malaki ang naging impluwensya ng pandemya kung bakit mas lumalim ang pagtingin ko sa milk tea. Tuwing nadadaanan ko ang mga milk tea shop sa barangay namin at kapag nakikita ko ang produktong ito sa mga MyDays at posts ng mga kaibigan sa internet, may halo nang pait ang nararamdaman ko. Iba na ngayon ang imahe sa akin ng milk tea—ipinapaalala nito sa akin ang paglaban ko, at ng mga kagaya kong estudyante, sa nakatutuyot na uri ng pagaaral sa ilalim ng pandemya. Tuwing salalay ng kamay ko ang milk tea, nararamdaman ko ang bigat ng hinaing ng sariling katawan at isipan at ang bigat ng marubdob na hangaring matapos na ang paulit-ulit na siklo ng pagsipsip para lang may malikha at matapos. KALinangán Bolyum 1

98


Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya

Malalim na ang tingin ko sa milk tea, isa na itong kultural na simbolo ng pakikibaka. Kung tutuusin, ginagamit na ang milk tea sa pagpoprotesta noong 2020. Sinisimbolo ito ng mga mamamayan sa ilang bansa sa Asya bilang paglaban sa awtoritaryanismo. Ito ang kampanya nila para sa demokrasya at karapatang pantao sa ilalim ng katawagang “Milk Tea Alliance”. Nagsimula lamang ito sa online meme war sa pagitan ng mga online trolls galing Tsina at sa mga netizen mula Thailand, Hong Kong, at Taiwan na nagkasundo para sa adbokasiya sa kalayaan sa pananalita at soberanya. Ang alyansa ng tatlong bansa ay tinawag na Milk Tea Alliance (MTA) dulot ng pagkakapareho nila sa hilig ng pag-inom ng milk tea. Kasunod ito ng mga kampanyang pinangungunahan ng mga kabataan gaya ng Umbrella Movement ng Hong Kong at Sunflower Movement ng Taiwan. Lumipas ang ilang buwan, mas lumawak pa ang kampanya ng MTA na umabot na sa iba’t ibang bansa sa Asya gaya ng Myanmar, Indonesia, at Pilipinas, maging sa Tibet at East Turkestan at sa ilan pang panig ng mundo gaya ng India, Canada, at Australia. Hindi na lamang ito nanatili bilang online movement na ginagamitan ng #MilkTeaAlliance; ipinapakita na rin nila ang pagkakaisa sa lansangan. Nagsimula ang mga mobilisasyon nito noong Oktubre 2020 sa Thailand para sa pagpapanawagan ng demokratikong reporma sa konstitusyon at paglaban sa awtoritaryanismo, hanggang sa sumulpot na rin ang mga grupo mula sa iba’t ibang bansa sa ilalim ng alyansa para sa paglaban ng kani-kaniyang kampanya para sa demokrasya. Napakabigat na ng imahe ng milk tea sa panahon ng pandemya— nagsimula lamang ito sa uso hanggang sa naging simbolo na ng pakikibaka. Pero para sa personal kong pagtingin, tanda ang milktea ng araw-araw kong paglaban sa pawala-walang internet, sa ‘di matapos na paghihintay sa pag-andar ng lumang laptop, sa kumakalam na bulsa, at sa mainit at maingay na puwesto sa tahanan. Maraming binago ang pandemya sa kaso ng pag-aaral ko. Ngayong University Scholar ako sa natapos na semestre, hindi ko na nagawang pumunta sa milk tea shop para magdiwang o magsalo 99

KALinangán Bolyum 1


Tinutubig ko ang Milk Tea Ngayong Pandemya

sa mga kaibigan. Binago ng pandemya ang ritwal ko. Ngayon, nakikita ko na lang ang milk tea bilang paraan para makamit ang pangangailangan. Hindi ko na ito nakikita bilang simbolo ng kagustuhan lamang. Para akong isang OFW na kailangang pumunta sa ibang lugar hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko—wala akong mapagpilian. Pero sa kaso ng kalakhan ng mga mag-aaral ngayon, hindi naman binago ng pandemya ang edukasyon. Ang anyo nito bago pa kumalat ang sakit ay kapareho lamang ng sa kasalukuyan—kailangan munang magkaroon ng pribilehiyo para makapagtapos. Higit dalawang taon na akong wala sa paaralan dahil sa pandemya at base sa sitwasyon, aabot pa ito ng tatlong taon. Dapat hindi na ito magtagal pa: Una, ang pandemya, at ang ikalawa, ang pangangailangan kong gawing tubig ang milk tea para lang matuto.

KALinangán Bolyum 1

100


GUSTO PA K I T A N G M A S I L AYA N , PA M A R A W A N

SHEDORLAOMAR C. CORALES


Gusto pa Kitang Masilayan, Pamarawan

Araw-araw, sa tuwing lumalakad patungong kabayanan, ay dalidali akong sasalubungin ng karaniwang lagay ng kapaligiran: mga tugtugang KPop na minsan nang hawig sa mga salitang Filipino, mga ceramic at plastic na kagamitan na may markang “Made in China” na bubungad sa bangketa, at ang mga imported na panghimagas. Tumuloy akong lumakad sa paroroonan, agad-agad akong bumili ng puto, empanada at pansit para sa aming umagahan. Dala-dala ang aking cellphone habang dinig ang bulalas mula sa speaker nito ng musika sa Ingles at Koreano. Sa tuwing mapapadako naman ako sa Youtube dahil sa pagkainip, pansin ko noon pa man na laging lumilitaw sa algoritmo ang mga video kung saan mayroon pang naka-display ng bandila ng Pilipinas, habang nagre-react ang mga dayuhan sa ating kultura o kahit ano pa mang nilalaman na may Pilipinong mga awit. Tinawag nga rin daw itong Pinoy Baiting–dahil kinakawit nito di lang ang atensyon, kundi maging ang pagiging ‘karaniwan’ ng komodipikasyon ng kulturang Pinoy sa mundong birtuwal. Bakit nga ba natin tinatamasa ang simpatya ng dayuhan kung tayo rin naman ay mayroong mayamang kultura at kasaysayan? Gustuhin ko mang maging abala sa pangangalikot sa Internet, tila’y kapos ang masasagap kong sagot. Totoo, na ang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa kultura’t kasaysayan, ngunit sa gitna ng isang globalisadong mundo, mayroon nga ba na kultura na matatawag nating kumakatawan sa pangkalahatang “Pilipino” na maaaring mangibabaw? May halaga ba ang kultura at tradisyon ng sariling bansa kung kinikilala ito ng mga banyaga sa paraang pinagkakakitaan lamang? Ngayong naglipana sa lahat ng social media ang ginagawang ito ng mga dayuhan at tinatangkilik o tinatanggap pa ng ilan ang mga ito, ay bakit nga ba ganoon pa rin ang pagkahumaling natin sa dahuyang kultura? Ilan lang ito sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan. Sa kasalukuyang estado ng lipunan, pasan pa rin ng mamamayan ang pakikibaka laban sa mga dayuhang walang habas na nangingikil ng ating likas na yaman. Sa mga nagbabagang balita, ay tahasan ang KALinangán Bolyum 1

102


Gusto pa Kitang Masilayan, Pamarawan

pagkamkam ng atin sanang mga pag-aari kahit sa gitna ng krisis pandemya. Lumalala ang bilang ng mga mamamayang walang laman ang tiyan; at sumisidhi na rin ang kompetisyon sa pangkabuhayan gaya sa mga lupain at palaisdaan. Dahil din sa internal at tahasang panlulupig, sa totoo lang ay nanganganib na rin ang layuning pagpapaangat ng sariling kultura–nawawalan ng kasiguraduhan ang kaparoroonan ng bawat isa. Tuwing maiisip ko ito, ay hindi ko maiwasan ang mabigat at sumasalikop na bagabag sa aking puso–bigla kong naaalala ang payapa’t tahimik na buhay sa isang islang malapit sa aking puso. Kung ako man ay makakabalik sa nakaraan, mananatili ako sa Isla Pamarawan. Isa itong lugar na aking kinalakihan sa probinsya ng Bulacan. Sinubok ang ilang taon ng aking kabataan sa baha, pagmasdan ang mga mangingisda at mamuhay sa bahay na itinayong lulan ay maituturing yaman na lagi’t laging makikita sa angkan: ang bahay na tinirhan ng ilang henerasyon ng aming angkan. Lumuha akong tunay nang napalayo ako rito ‘pagkat malapit ito sa aking puso at maituturing ko ring yamang hindi mapapalitan ninuman. Tanong ko nga sa sarili: Sanay pa rin kaya akong lumangoy? Hindi na. Kaya para sa isang laki sa isla, ikinahihiya ko ang untiunting kong pagkalayo sa aking kinasanayan–sa minsan ko nang kinabilangan. Marka ito para sa akin ng aking itinayong identidad, na sa ngayon ay dinadaluyong ng isang pinakamabigat na unos dahil sa pwersang nagliligaw sa akin bilang nilalang. Dito ko napagtanto na hindi lang ako nangungulila sa isla Pamarawan, kundi pati sa akin mismong pagkakakilanlan. Sa aking pagmumuni-muni tungkol sa aking pagkalito at pangungulila, ay hindi ko maiwasang isipin ang paglimot ng maraming Pilipino ukol sa pagkakaroon ng sariling atin. Ilang daang taon tayong sinakop ng mga sumalot sa katutubong kultura– nakagisnan na rin natin bilang mga Pilipino ang sumunod sa patakaran ng dayuhan bago ituring na payak at karapat-dapat ang ating mga pangangailangan. Sakit na rin yata ang hindi pagkondena, dahil na-normalisa na ang “oo” na tugon ng karamihan. Nagiging gahaman sa papuri mula sa mga mata ng Kanluranin nang hindi 103

KALinangán Bolyum 1


Gusto pa Kitang Masilayan, Pamarawan

maging mapanuya ang ating katayuan sa kanila. Naisip ko ngang marahil ay dulot din ito ng kanilang panlulupig sa kamalayan, o penetrasyong ideolohikal na markado sa sistemang neoliberal– nagbunga ito ng kulturang makasarili, manipulado, at kulturang tagatanggap lamang sa tuwing maipakikilala ang modelong kanlurang ibinabahagi sa atin. Kaya’t ganoon na lamang kainit ang pagtanggap natin sa mga dayo, nasanay na’t kinukulimbat ng kolonyalismo, magpapasalamat, at isasantabi pa sa pagkakanakaw. Nakakalungkot man ngunit nasilayan–at hindi maitatangging nasisilayan pa rin natin ang mga ganitong eksena. Sana’y naituro na rin sana ang pagdistansya. Bagaman ang mga sosyohan natin ang kasalukuyang bumubuhay sa ating ekonomiya, mas magandang magsimula ang bansa sa pagkilala at pagtatatag ng mga opisyal na likhang pambansang industriya. Matagal na rin itong hinihintay ng karamihan. Subalit nahahadlangan dahil lagi na lamang nakasandig ang ating bansa sa pag-eksport at dayuhang kapital; o di kaya ay kakulangan ng oportunidad sa trabaho sa sariling bansa kaya nakikita na ang pag-angat ay ang pangingibang bansa o maging OFW, at manatili ng mga ilang taon bago muling umuwi sa nayon. Minsang tanong ko sa aking sarili: Kung makakasalubong ko man sa aking paglalakad ang Pilipinas, makikilala ko nga ba o siya mismo ang unang babati sa akin? Parang bangungot, ang sagot ay unti-unting lilisan sa kaisipan kung walang magpapaangat. Baka nga hindi ko na rin siya makilala, o hindi niya na rin ako makilala. Yaring naganap na ang kolektibong amnesia na naging bayrus sa nayon dulot ng pagkapit sa maling bahagi ng kasaysayan: na tanggapin na lamang ang mali at gawin itong bahagi ng pagiging makabayan. Totoo nga–walang halong biro ang banggit ni Rizal sa atin noon pa man: tanikala pa rin ang pagkalimot sa pinagmulan kaya’t ang kaunlaran ay hindi maabutan. Sana ay maiukit muli ating sariling bahagi sa lipunan. Ibinibirit dapat ang tinig ng pusong makabayan. Ngunit isa sa mga pamamaraan upang mapalakas ito ay kung palalawakin at magtatatag ng pambansang industriya nang hindi dinidiktahan ng KALinangán Bolyum 1

104


Gusto pa Kitang Masilayan, Pamarawan

dayuhang kapangyarihan; pagsulong ng kasaysayang hindi lihis o pabor sa dayuhan; at konsepto ng pambansang soberanya na hindi sunod-sunuran sa ibang nasyon, at mayroong materyal na batayan sa aspetong ekonomiko, pulitikal, at kultural. Sagwan ang mga ito at mamamayan ang magiging haligi o sandalan tungo sa isang bansang mayroong layuning mapalaya, at mapalapit sa tinubuang lupa.

105

KALinangán Bolyum 1


ANG ‘DI MASABI SA KABILA NG P A G S I G A W

G R E T L E M A G O


Ang ‘Di Masabi sa Kabila ng Pagsigaw

Buong araw na naman akong nasa lansangan. Wala naman nang bago rito, pero sa ‘di malamang dahilan, manhid ang buong katawan ko. Mula Intramuros hanggang Liwasang, naki-martsa ako sa mga kapwa ko, na tulad ko rin, punong-puno ng galit. Mula sa pagsikat ng araw, hanggang sa maglubog ito at magdilim, nandoon kami. Pabyahe pa lang ako, alam ko na’ng anong itatawag sa’min. Mga kabataang matitigas ang ulo—at batid kong kabilang ang mga magulang ko sa magtatawag sa ’kin nito. Kaya dala ng katigasan ng ulo, o dismayang magkatotoo nga ang hula ko, nilakasan ko nang maigi ang boses ko habang nagmamartsa. Nagbabakasakaling maipaabot ng mga sigaw namin sa mga tumatawag at nagagalit kong magulang kung bakit kami nasa lansangan ngayon. Sa tuwing nasa lansangan ako para magprotesta, laging tibay ng loob ang baon ko. Kailangan mong tanggapin, at bagkus labanan, ang madadatnan mo sa langansan. Maliit na bagay lang ang mabilad sa araw, ang mapaos sa kakasigaw, ang umuwing may paltos dahil malupit ang graba sa mga paa namin. Ang patuloy kong inaaral tanggapin, at unawain sa kabila ng galit, ay ang mga natatanggap naming tingin at bulyaw mula sa mga ordinaryong tao—ito ang pinakamahirap at patuloy kung pinagtitibayan ng loob, dahil sa huli, sila mang kalaban ang turing sa ’tin ay hindi natin tunay na kaaway. Nitong pauwi ko na lang napagtanto na kung ‘di pa ako papakainin ng tanghalian ng kaibigan ko, tubig lang ang laman ng tiyan ko buong araw. Maliban sa alam kong saktong-sakto lang ang pera ko para sa pamasahe pauwi, hindi ko rin naman masisikmurang kumain habang nag-uumapaw ako sa galit—higit rito, nakabara din ang lungkot na ‘di ko maamin-amin. Saglit lang itong napunan ng ibang emosyon, nang sa kalagitnaan ng rally, imbis na pauwiin, nag-text ang tatay ko na mag-iingat ako. Kasabay ng ‘di mapigilang pagtulo ng luha, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nahimasmasan ako sa maikling text na iyon. Sa bitbit kong pagkamuhi sa ‘di na magamot-gamot na sakit sa 107

KALinangán Bolyum 1


Ang ‘Di Masabi sa Kabila ng Pagsigaw

lipunang ginagawalan ko, nakaligtaan kong hindi ito ang dapat mas lumagablab sa pagtungo natin sa kalsada. Hanggang ngayon pinagsisikapan kong makuha ang pagtanggap at pag-uunawa mo, Pa. Patuloy ko pa ring paghihirapan matanggap ito mula sa ’yo, pero sapat na sa ‘kin ngayon na sinisikap mo rin akong unawain. Sa pag-uwi, mag-isa akong umiiyak sa jeep ngayong kalaliman ng gabi—dalawang bagay na alam kong hinding-hindi mo gusto para sa’kin. Biglang nawala ang pagkamanhid sa ’king katawan at hinayaan na lang nitong umagos lahat ng pagod, galit, lungkot, at sa ‘di ko malamang dahilan, kaluwagan ng damdamin. ‘Wag ka sanang mangamba, Pa, dahil hindi na galit ang namamayani sa ‘kin ngayon–kundi pagmamahal sa’yo at sa lahat ng inaalayan ng aking pagkilos. Hindi man ideyal sa kasalukuyan, pero sana patuloy kong marinig ang mga salitang ‘yan mula sa’yo, kahit saan pa ako dalhin at abutin sa lansangan.

KALinangán Bolyum 1

108



M G A M A N A N AY S AY

Si MARK ANDY PEDERE ay 20 taong gulang mula sa Taguig City. Ang kaniyang panulat ay pangunahing umiikot sa mga paksang pampersonal patungong panlipunan: naratibo ng kabaklaan, karanasan sa “looban,” at mga absurdong eksena mula sa pakikipagsapalaran sa sinimenteryong urban. Kasalukuyan siyang mag-aaral ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman at manunulat sa KALASAG.

Si KARYLLE IBARRA OVAL ay 21 taong gulang mula sa Marikina. Nagtapos siya ng Associate of Arts in Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 2021 at kasalukuyang nag-aaral ng BA Philippine Studies. Naging miyembro rin siya ng Dulaang MAE sa Miriam College–Adult Education noong taong 20182019. Hilig niya ang pagsusulat ng mga tula, dula, at mga sanaysay na pumapaksa hinggil sa kamatayan, pag-ibig, trahedya, at mga problemang kinakaharap ng lipunan.

Si QUAD MARIES ay kasakuluyang estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman, sa ilalim ng programang Associate in Arts Malikhaing Pagsulat sa Filipino. Ang mga isinusulat niyang akda ay nakaangkla sa malawak niyang imahinasyon at makatotohanang danas. Iilan sa mga tema ng kaniyang akda ay pag-ibig at kalayaan. Inilalapat niya ang mga temang ito sa maikling kuwento, kuwentong pambata, tula, at dagli.


Si SAMUEL PAUL RODRIGUEZ o mas kilala bilang Red ay lumaki at kasalukuyang naninirahan sa probinsiya ng Laguna. Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong BA European Languages sa UP Diliman. Para sa kanya, malaking tulong sa kanyang sarili at bilang isang manunulat ang pagkakaroon ng lakas ng loob na maibahagi ang kanyang mga obserbasyon sa kanyang paligid na pawang katotohanan lamang. Naging kasapi siya ng KALASAG, ang opisyal na publikasyon ng Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP Diliman noong Setyembre 2021 bilang isa sa mga manunulat ng Kultura at Lathalain na seksiyon. Kasalukuyan din siyang miyembro ng ilang organisasyon sa UPD: UP Circulo Hispánico, The UP Repertory Company, at COPE UP. Si AT, o ADONIJAH TRIXIE BANICO, ay kasalukuyang magaaral ng Unibersidad ng Pilipinas – Diliman sa ilalim ng programang AA Malikhaing Pagsulat sa Filipino. Siya ay tubong-Caloocan at kasalukuyang naninirahan sa Valenzuela. Ilan sa madalas na paksa ng kaniyang mga akda ay umiinog sa mental na kalusugan at ang madidilim na elementong nakapaligid dito. Nagsisilbi siyang Officerin-Charge Associate Editor ng Kalasag sa kasalukuyan.

Si NEPHI TANGALIN ay Hard-of-Hearing at manunulat.

Si GELO DE GUZMAN ay nakatira sa Maynila. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa UP - Diliman. Ilan sa kanyang mga sinulat ay nailimbag sa The POST at KALasag. Naniniwala siya na ang taong walang paggiliw sa sining ay walang kaluluwa.

Si ANDRIEU GUILAS ay isang mag-aaral ng BA Creative Writing sa Unibersidad ng Pilipinas. Mula sa kanyang pagkabata ay nakahiligan na niya ang pagsulat. Kasalukuyang nagagamit niya ang kanyang interes at kakayahan dito sa pagiging kasapi ng KALASAG, UP Writers Club at Rise for Education - UP CAL. Mahilig rin siya sa musika, pelikula at video games. Siya ay mula sa lalawigang Cavite.


Si JOHN JOSHUA “JJ” AVENGOZA ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Peryodismo sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman at nagsusulat para sa KALasag mula nang nakaraang taon. Bahagi rin siya ng iba’t ibang mga organisasyon na nagsusulong ng peryodismong nagtutulak ng adbokasiya na sumasandig sa malawak na hanay ng masa at pinapalakas ang kanilang mga panawagan. Nagtutuon siya ngayon sa pagsusulat hinggil sa media, mga marhinalisadong sektor, at sa edukasyon.

Si GLENN RUSSEL D. ALEJON ay kasalukuyang isang freshmen student na tinatahak ang programang BA Philippines Studies sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakapagtapos naman siya ng Senior High School nang may karangalan sa Unibersidad ng Santo Tomas sa ilalim ng Humanities and Social Sciences Strand. Labas sa kanyang buhay-estudyante, natuklasan lamang niya ang pagmamahal sa content creation at youth volunteerism nang mapabilang sa iba’t ibang organisasyon katulad na lamang ng The Initiative PH, KatribuUPD, at UP Babaylan. Dagdag pa rito ay labis na pinagkakainteresan niya ang usapin ng human rights, lalong-lalo na ang pagtalakay sa SOGIE rights at IP rights.

Kasalukuyang mag-aaral si KIM OLIVER S. DE SILVA ng BA Philippine Studies sa UP Diliman. Isang tubong Bulacan, ang kaniyang karanasan at kaalaman sa pagsulat ay ginagamit sa pangunguna at pagpapaunlak ng campus journalism workshops sa kanilang probinsya at lungsod ng Valenzuela. Ang tuon ng kaniyang mga interes sa pananaliksik ay tungkol sa wika, kultura, at bungguan ng malayang merkado at kontemporaryong simbahan ng denominasyong Prostestante. Maaaring padalhan si Kim ng liham sa: ksdesilva@up.edu.ph.

Kinahiligan ni SCHUMACHER ang mga kwentong pantastiko. Dito niya ibinatay ang kaniyang mga sulating hindi pampersonal. Maliban sa pagsusulat, mahilig din siyang magbasa at maglaro ng games kapag hindi tumutulong sa gawaing-bahay at nagtatrabaho.


Si NIC MANLANGIT ay isang mag-aaral mula sa Bikol na kasalukuyang kumukuha ng BA Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nagtapos siya ng Associate of Arts in Malikhaing Pagsulat sa Filipino noong 2021 sa parehong unibersidad. Bahagi siya ng pahayagang KALasag mula noong Setyembre 2021 bilang manunulat sa Kultura section. Ilan sa mga hilig niyang isulat ay ang maikling kuwento, sanaysay, at dula na pumapaksa sa kasarian, kultura, at danas ng mamamayan. Maaari din siyang padalhan ng mensahe sa: mbmanlangit@up.edu.ph.

Estudyante si ANGELICA C. PALLER ng DFPP at kumukuha ng B.A. Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Kasalukuyan siyang literary at kultura staffer ng pahayagan ng KALasag. Nailathala rin ang kanyang mga piyesa sa unang isyu ng KALAZINE o zine ng KALasag na mayroong temang “Ang Sining na Mapagpalaya Kontra Pasismo, Mula sa Rehimeng Marcos Hanggang Duterte”. Interes ng kanyang pananaliksik ay ang wika, kultura, paggawa, at usaping pangkababaihan. Maaari rin siyang padalhan ng mensahe sa kanyang email: acpaller@up.edu.ph.

Estudyante ng BA Philippine Studies si YIAMARIE M. ABEJURO na may palayaw na Yam. Ipinanganak sa Diliman ng Lungsod Quezon, isang Bikolana mula Albay, at isang Valenzuelano. Interes niyang isulat at saliksikin ang tungkol sa wika, sining, kultura, at paggawa. Kasalukuyan siyang Kultura editor ng KALasag (at tatlong taon na ring kasapi sa publikasyong ito) at ang punong patnugot ng kauna-unahang isyu ng KALinangan dyornal: Dito sa Amin, Hindi lang Corona ang Bayrus. Bukas ang kaniyang email sa anumang oportunidad, suhestiyon, komento, puna, tanong, at pag-ibig: ymabejuro@up.edu.ph.

Si SHEDORLAOMAR C. CORALES ay isang estudyante mula sa Unibersidad ng Pilipinas – Open University na kasalukuyang nagaaral ng Bachelor of Arts in Multimedia Studies. Bago tumuntong ng kolehiyo ay naging manunulat siya ng The Republic at Ang Malaya, mga opisyal na pahayagan ng Marcelo H. del Pilar National High


School; pati na rin bilang tagapamahala ng Muni-muni, ang opisyal na pahayagan ng Humanidades at Agham Panlipunan sa nasabing paaralan. Nagwagi siya sa mga patimpalak na kaugnay sa pagsusulat ng mga artikulong pandyaryo noong 2019 at 2020; naging parte rin siya ng grupo mula ng lungsod ng Malolos sa kategoryang Online Publishing – English na lumahok hanggang sa Regionals Schools Press Conference 2019 na ginanap sa Capas, Tarlac. Siya ay kasalukuyang mamamahayag ng Kalasag, ang opisyal na pahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Letra ng Unibersidad ng Pilipinas – Diliman.

Kasalukuyang mag-aaral ng DFPP si GRETLE MAGO. Liban sa mga artikulo, unang nailathala ang kaniyang malikhaing akda sa Literary folio ng Philippine Collegian, Points of Contact. Maaari siyang padalhan ng mensahe sa kaniyang email: gcmago@up.edu.ph.


M G A ILUSTRADOR

Si PATRICIA TIERRA (b. 2001, Lungsod ng Marikina) ay isang mag-aaral sa Kolehiyo ng Sining Biswal sa Unibersidad ng Pilipinas. Kasapi siya ng Rural Women Advocates at UP Association of Visual Communicators, at kasalukuyang Graphics Editor ng Kalasag. Nakikiisa siya sa mga tagapagtaguyod ng mapagpalayang kultura at lipunan gamit ang iba’t ibang porma ng sining katulad ng ilustrasyon, grapik na disenyo, pagpipinta, pananahi, pagbuburda, paggagantsilyo, iskultura, at potograpiya. Makikita ang ilan sa mga gawa niya sa behance.net/trixietierra. Maaari rin siyang padalhan ng mensahe sa trixietierra@gmail.com. Sa kasalukuyan ay nag-aaral si Bb. JENNROSE A. LLAGAS sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman at kinuha ang programang Associate in Arts Malikhaing Pagsulat sa Filipino. Kasapi siya sa organisasyong KATRIBU-UPD kung saan ay pinapalalim ang kamalayan at pag-unawa ng mga kabataan sa mga isyu, kalagayan, at pakikibaka ng mga katutubo. Isa rin siyang miyembro sa KALasag na may hangaring maibahagi at mapalawak ang sakop ng tunay, mapagkakatiwalaan, at may kredibilidad na mga balita para sa masa.


KALinangán Bolyum 1 Pamunuan sa Paglalathala YIAMARIE M. ABEJURO Punong Patnugot SIMOUN ROBER MONZON Katuwang na Patnugot PATRICIA TIERRA Patnugot ng Grapiks

Mga Tagasuri YIAMARIE M. ABEJURO ANGELICA PALLER SHAIRA GUIYAB MARK ANDY PEDERE CHRISTIAN JOZEL ASON ERICKA FLORES KARYLLE IBARRA OVAL SAMUEL “RED” RODRIGUEZ QUAD MARIES GELO DE GUZMAN GLENN RUSSEL D. ALEJON JJ AVENGOZA ANDRIEU PER GUILAS Mga Ilustrador PATRICIA TIERRA JENNROSE A. LLAGAS

Mga May-akda MARK ANDY PEDERE KARYLLE IBARRA OVAL QUAD MARIES NEPHI TANGALIN SAMUEL “RED” RODRIGUEZ ADONIJAH TRIXIE BANICO GELO DE GUZMAN ANDRIEU GUILAS JJ AVENGOZA GLENN RUSSEL D. ALEJON KIM OLIVER DE SILVA SCHUMACHER NIC MANLANGIT ANGELICA PALLER YIAMARIE M. ABEJURO SHEDORLAOMAR C. CORALES GRETLE MAGO


KALASAG Ang KALasag ay ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman. Itinatag noong 1983, ito ay lunan ng malaya at mapagpalayang pamamahayag ng mga iskolar ng bayan mula sa iba’t ibang kolehiyo sa buong unibersidad. Ang publikasyon na ito ay magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin, at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mahahalagang isyu. Ito rin ang isa sa magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa unibersidad at sa lipunan.


KALASAG

Editorial Board Year 39 JAN MIKHAIL GERIANE Editor-in-Chief ADONIJAH TRIXIE BANICO OIC - Associate Editor

NEPHI MAE TANGALIN Managing Editor

SIMOUN ROBER MONZON Finance Manager GABRIEL JOSEPH BARROSO News Editor

ADONIJAH TRIXIE BANICO Features Editor

ANDRE GUTIERREZ Literary Editor

YIAMARIE M. ABEJURO Kultura Editor

PATRICIA TIERRA Graphics Editor BERNADETTE ANNE MORALES Photography Editor

GABRIELLE ANN DE LEON Multimedia Editor

ANDRIEU PER GUILAS Asst. News Editor QUAD MARIES CORSINO Asst. Features Editor

ERIKA LEI DACURAWAT Asst. Literary Editor

MARK ANDY PEDERE Asst. Kultura Editor

ULRICA CHANELLE MANJARES Asst. Graphics Editor

JOHN JOSHUA AVENGOZA Asst. Photography Editor

CASEY ANGELA LOPEZ Asst. Multimedia Editor


HAN DOG

NG

KALASAG

Opisyal na Publikasyon ng mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Arte at Literatura


PINON DOHAN

NG

University of the Philippines Diliman Office for Initiatives in the Culture and the Arts


E S P E S YA L P A S A S A L A M AT

NA KINA

Dr. Michael Francis Andrada Gurong Tagapayo

Dr. Jimmuel Naval Dekano

Kolehiyo ng Arte at Literatura Unibersidad ng Pilipinas Diliman


KASAPI

NG

Ang Kalasag ay kasapi ng Solidaridad - Alyansa ng mga publikasyon at organong manunulat sa lahat ng kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, at ng CEGP - College Editors Guild of the Philippines, ang pinakamalaki, pinakamatanda, at natatanging alyansang institusyon ng mga publikasyon pang mag-aaral sa buong Asya-Pasipiko.


Ito ang Titulo ng Artikulo

123

KALinangán Bol. 1, Isyu 1


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.