KAHNISAN
KAMPANYA LABAN SA PANDEMYA Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam
SABON VS COVID-19 Ang Kahalagahan ng Paghuhugas ng Kamay sa Panahon ng Pandemya
TALAAN NG NILALAMAN 1
Introduksyon
2
Paano kumakalat ang COVID-19?
3
Ano ang sitwasyon ng Pilipinas sa pandemyang COVID-19?
4
Paano pinupuksa ng sabon ang COVID-19?
5
Ano ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay?
1
INTRODUKSYON
Dahil sa paglaganap ng pandemyang COVID-19, mahalagang magkaroon tayo ng kaalaman sa mga panganib na dulot nito at kung paano natin aalagaan ang ating sarili laban sa bayrus. Ang isa sa mga paraan upang maalagaan natin ang ating sarili ay sa pamamagitan ng mabisang paghuhugas ng ating mga kamay.
2
PAANO KUMAKALAT ANG COVID-19?
Ayon sa World Health Organization, ang Coronavirus ay isang nakakahawang sakit na sanhi ng SARS-CoV-2 bayrus. Ang bayrus ay maaaring kumalat mula sa bibig, ilong, at mata ng isang taong nahawaan ng sakit, at ito ay maaring sumapit sa anyong maliliit na liquid particles kapag sila ay:
Umubo
Nagsasalita
Bumabahing
Kumakanta
Humihinga
3
ANO ANG SITWASYON NG PILIPINAS SA PANDEMYANG COVID-19? Sa buong mundo, mayroong halos 240.1 milyong kumpirmadong kaso at 4.9 milyong kumpirmadong patay. Sa Pilipinas, mula ika-3 ng Enero 2020, hanggang ika-7 ng Oktubre 2021, mayroong halos 2.7 milyong kumpirmadong kaso at 40,675 kumpirmadong patay.
Bilang ng mga bagong kaso ng COVID bawat araw sa Pilipinas 2020-2021 (Worldometer, 2021)
4
PAANO PINUPUKSA NG SABON ANG COVID-19?
Ang Coronavirus ay napapaligiran ng oily lipid membrane na may mga protina na nagiging dahilan kung bakit madali itong kumapit at makahawa sa ibang selula. Subalit, ang hydrophobic tail ng sabon ay may kakayahang sirain ang mga membrane na ito at patayin ang bayrus. Ang mga maliliit na bahagi ng bayrus na maiwan ay napapaloob sa malilit na bula na tinatawag “micelles,” at ito ay tuluyang natatanggal sa pagbanlaw ng tubig.
2
Sinisira ng sabon ang bayrus sa pamamagitan ng pagpasok ng mga hydrophobic tails ng mga molekyul ng sabon sa lipid membrane ng bayrus, at nagdudulot ng tuluyang pagkasira nito.
protina
DNA o materyal na genetiko
lipid membrane
1
Ang Coronavirus ay mayroong membrane ng oily lipid molecules at mayroong protina na nakaukit dito na tumutulong sa bayrus hawaan ang mga cells o selula.
MOLEKYUL NG SABON hydrophilic hydrophobic
3
Ang mga dumi at mga bahagi ng sinirang bayrus ay napapaloob sa maliliit na bula ng sabon na tinatawag na micelles. Ito ay tuluyang natatanggal mula sa mga kamay sa pamamagitan ng pagbanlaw ng tubig.
micelle
5
ANO ANG TAMANG PARAAN NG PAGHUHUGAS NG KAMAY?
Ayon sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), ang madalas na paghuhugas ng kamay ay isa sa pinaka-epektibong paraan upang protektahan ang sarili at ang mga mahal sa buhay laban sa sakit, lalo na ngayon sa panahon ng pandemya. Mayroong limang hakbang paghuhugas ng kamay:
1 2 3 4 5
sa
maayos
na
Basain ang mga kamay ng tubig (maaaring malamig o maligamgam na tubig ang gamitin). Maglagay ng sabon sa palad ng isang kamay (mas mabuting gumamit ng antibacterial na sabon).
20
Kuskusin ng maigi ang mga kamay ng hindi bababa sa 20 segundo. Huwag kalimutang kuskusin ang pagitan ng mga daliri at ang pulsuhan. Banlawan ng maigi ang mga kamay gamit ang tubig (maaaring malamig o maligamgam na tubig ang gamitin). Patuyuin ang mga kamay ng mabuti (gumamit ng malinis na pamunas o hand dryer).
KAHNISAN
KAMPANYA LABAN SA PANDEMYA Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam
SANGGUNIAN
Brady, James E.; Russell, Joel W.; and Holum, John R. (2000). Chemistry: Matter and Its Changes, 3rd edition. New York: Wiley. Centers for Disease Control and Prevention. (2021, Hunyo 10). When and How to Wash Your Hands. Handwashing | CDC. https://www.cdc.gov/handwashing/when-how-handwashing.html Jabr, F. (2020, Marso 13). Why Soap Works. The New York Times. https://www.nytimes.com/2020/03/13/health/soap-coronavirushandwashing-germs.html Philippines COVID: 2,720,368 Cases and 40,675 Deaths - Worldometer. (2021, Oktubre 17). Worldometer. https://www.worldometers.info/coronavirus/country/philippines/ World Health Organization. (n.d.). WHO Coronavirus (COVID-19) Dashboard. https://covid19.who.int
INIHANDA NINA
Anna Margarita Alcantara Arabella Therese Almeda Katrina Francesca Asedillo Kristin Ayuyao Sofia Tamara Brillo
Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam 12-Curie
EMAIL: kfyasedillo@gmail.com Avenue, Lungsod ng Quezon, LOKASYON: Katipunan 1108 Metro Manila