Hello! Ako si Charlie. Samahan niyo ako at tuturuan ko kayo kung paano maging matalino sa paggamit ng inyong pera. Handa ka na ba? Tara!
Samahan ninyo akong mamili sa grocery! Pero bago iyon, alamin muna natin kung ano nga ba ang kailangan at gustong bilhin.
kuwento mula sa BSP
Isang araw isinama ng nanay ang kanyang mga anak na sina Lala at Manolo upang mamasyal sa tiangge...
Lala, Manolo maghanda na kayo at tayo’y mamasyal sa tiangge.
Tatapusin ko lamang po ang ginagawa kong proyekto.
Opo, nanay magbibihis na po ako.
Sige at hihintayin ko kayo. Mamimili na rin tayo ng ating kakainin sa loob ng dalawang araw.
Ingat kayo, baka kayo madapa! Gusto ko rin ang mga laruang kotseng may battery.
Naku! Ang gaganda ng mga laruan. Gusto ko ang manika. Ang gandang tingnan kung lumalakad.
Nanay, bilhin po natin ang mga laruang iyon. Manika para po sa akin at kotseng may battery naman para kay Kuya Manolo. Sige na po Nanay.
SARDINAS
SAR
SARDINAS
SAR
SARDINAS
SAR
SARDINAS
SAR
SARDINAS
SAR
SARDINAS
SAR
3
Malapit na ang tanghalian, mga anak, kung bibilhin natin ang mga laruang iyan, magkukulang ang ating pambili ng pagkain para sa tanghalian. Ano ba ang dapat nating unahin? Mga laruan o pagkain natin?
Mga Gabay na Tanong
RDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
RDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
A. Kung ikaw si Lala o si Manolo, alin ang pipiliin mo? SARDINAS
SARDINAS
Bakit? B. Kung bibilhin ng Nanay ang mga laruan, ano kaya ang mararamdaman nina Lala at Manolo? C. Ano naman ang hindi nila magagawa sa tanghali? D. Ano ang mangyayari kung wala silang tanghalian?
RDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
RDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
E. Nakabubuti ba sa kalusugan ang pagliban ng isang SARDINAS
SARDINAS
kainan? Bakit? F. Anong uri ba ng kagamitan ang dapat unahing bilhin? Bakit?
RDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
RDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
SARDINAS
ANG KAILANGAN AT GUSTO KAILANGAN
Ang mga kailangan ay ang mga bagay na dapat ay mayroon ka upang mabuhay.
Halimbawa
PAGKAIN
TUBIG
BAHAY
KURYENTE
DAMIT
GUSTO Ang mga gusto ay ang mga bagay na nais mong makuha ngunit maaari namang mabuhay nang wala. HALIMBAWA
MGA LARUAN
Magandang alamin ang kaibahan ng gusto sa kailangan upang makagawa ng matalinong pagpapasya sa paggamit ng iyong pera.
Ngayong alam na natin ang pagkakaiba ng kailangan sa gusto, mamimili na tayo sa supermarket! Maraming puwedeng mabili dito, pero limitado ang perang dala ko. Tulungan mo akong mamili.
PUMILI KA!
Kung ikaw ay may 100 piso, ano sa mga bagay sa ibaba ang unang bibilhin mo? Hindi ka maaaring lumampas sa 100 kaya naman mamiling mabuti.
Salamat sa pagsama sa akin sa grocery, kaibigan! Nakita mo ba yung laruan doon sa grocery? Gusto ko sanang bilhin pero kulang ang pera ko. Paano kaya ako magkakaroon ng pera? Tara, alamin natin kung paano!
PAG-IIMPOK
AN SA FI N HANGO
TE R A C IA L LI
Ating basahin ang kwento nina Nicole, Rio at Karlo. Alamin natin ang halaga ng barya sa ating buhay!
DU CY MO
B SP LE S N G
Isang araw ay naglalakad pauwi ang magpipinsang sina Karlo, Rio at Nicole.
Sa daan ay nakakita sila ng bente singko sentimos. Dadamputin na lamang ito ni Nicole nang sawayin siya ni Rio.
“Hayaan mo na siya. Aanhin mo nga ba iyan?�
Huwag mo nang pulutin iyan. Bebente singko lang iyan. Wala nang mabibili ang bente singko ngayon.
Di ko pa naman gagastusin ito. Ihuhulog ko ito sa aking alkansiya. Tuwing makakapulot ako ng barya ay inihuhulog ko sa alkansiya
Bumili tayo!
Ate, magkano po itong biskwit?
Naku, pano ba ito, P0.75 pala ito eh P0.50 na lang ang pera ko.
Ah, ito ba? P0.75 sentimo lang iyan.
O, ito ang P0.25 na napulot ko. Dagdag mo na para mabili mo ang gusto mo.
Salamat, Rio! Mahalaga nga pala ang mga barya, kung wala ang bente singko mo ay di ako makakabili.
At tandaan mo, kung wala ang bente singko, diyes, at singko ay wala ring piso.
Mga Gabay na Tanong • Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento? • Sino sa kanila ang nagpapahalaga sa barya? • Ano ang ginagawa niya sa barya? • Paano niya napatunayan sa kanyang pinsan na mahalaga ang barya? • Ano kaya ang gagawin ni Nicole kapag napuno na ang kanyang alkansiya? • Kung ikaw si Nicole ano ang gagawin mo sa baryang naipon mo? • Dapat ka bang mahiya na ang perang idedeposito mo sa bangko ay barya lamang? • Patunayan na baryang singko at diyes ay mahalaga rin batay sa iyong karanasan.
ANO NGA BA ANG
PAG-IIMPOK? Ang pag-iimpok o pagiipon ay ang pagtatabi ng bahagi ng iyong kinitang pera para sa iyong sarili.
Mahalaga ang pag-iimpok para sa iyong kinabukasan upang ikaw ay may magasta. Bahagi ng iyong ipon ay maaari mong gamitin upang bilhin ang iyong mga gusto.
Magandang alamin ang iyong gusto upang alam mo rin kung ano ang iyong pinag-iipunan. Ang natitirang bahagi ng iyong ipon ay magagamit mo para sa iyong kinabukasan kapag ikaw ay mayroon nang sariling pamilya at malaki na ang inyong mga gastusin.
PAMILYA
BAHAY AT LUPA
EDUKASYON
SASAKYAN
Maraming paraan upang mag-impok. Maaari kang magkaroon ng sarili mong alkansya kung saan pwede mong ilagay ang iyong ipon. Kung may sapat ka nang perang naipon, maaari mo naman itong ilagay sa bangko o sa kooperatiba.
Bawat pisong maiipon mo ay mahalaga! Gamitin mo ang iyonhalkansya upang mag-ipon at mabili rin ang iyong gusto, tulad ko!
SAGUTIN NATIN! Isulat sa kahon kung magkano ang binubuo ng mga barya.
ILISTA MO! Ilista kung magkano ang naiipont mo sa bawat araw upang malaman mo kung magkano ang kabuuan mong ipon.
Mahalaga maging ang barya sa pag-iipon. Kapag pinagsama-sama mo ang mga barya, maaari kang makabuo ng mas malaking halaga.
Ngayong alam na natin na mahalaga ang magipon, alamin natin kung paano natin mapaparami ang ating ipon. Ituturo ko sa inyo kung paano lumago ang iyong pera sa pamamagitan ng pagnenegosyo
PAGNENEGOSYO
Ang pagtatayo ng sarili mong negosyo ay kinakailangan ng malikhaing pag-iisip. Magandang simulan ito sa pagmasid sa iyong paligid. Tignan ang mga bagay na kailangan sa inyong lugar. Tignan mo rin ang mga bagay na pwedeng gamitin upang magkaroon ng iyong sariling negosyo. Lahat ng ito ay kinakailangan ng masusing pag-iisip upang maging patok ang iyong negosyo.
malikhaing pag-iisip
masdan ang paligid
Anong mga bagay ang kailangan sa inyong lugar?
Anong mga bagay ang pwede mong gamitin sa iyong negosyo?
ILAN SA KAILANGAN MONG MALAMAN TUNGKOL SA NEGOSYO
tumutukoy sa perang kinakailangan mo upang magtayo ng negosyo.
tumutukoy sa halaga ng pera na iyong ginugugol bawat buwan upang patuloy na tumakbo ang iyong negosyo. Kabilang dito ang halaga na iyong binabayaran sa kuryente, tubig at mga gaya nito.
tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga bagay na iyong ipinagbili sa mga suki sa loob ng isang ibinigay na panahon kabilang na ang halaga na dapat bayaran sa iyo ng iyong mga suki.
tumutukoy sa halaga na iyong idinaragdag sa halaga ng produksyon upang magkaroon ng kita.
KABUUANG BENTA GASTOS KABUUANG KITA
tumutukoy sa halaga ng pera na aktuwal mong kinita. Iyan ay ang kabawasan sa lahat ng gastos mo mula sa iyong kabuuang benta.
Maaari kang magkaroon ng iyong sariling negosyo kahit sa maliit na puhunan. Ito ang ilan sa iyong pwedeng mapagkakitaan. Maaari kang magpatulong sa iyong magulang o mga kaibigan!
1. Pumili ng apat na magkakaibang kulay na pisi. Bawat pisi ay kinakailangang may 25 pulgadang haba.
2. Ibuhol gamit ang simple knot 1 ½ pulgada mula sa dulo ng mga pisi.
3. Idikit ang dulo sa mesa gamit ang tape. Paghiwa-hiwalayin ang bawat kulay ng pisi at sundin ang sumusunod:
Kunin ang pisi A at paikutin sa taas at ilalim ng pisi B. Hawakan ng tuwid ang pisi B habang hinihila palabas ang pisi A.
Gamit muli ang pisi A, ulitin ang naunang hakbang para sa pisi C at pisi D.
Muli gawin ang parehong pattern gamit ang pising pinakamalapit sa kaliwa. Kunin ang pisi B at paikutin sa pisi ng bawat kulay mula kaliwa hanggang kanan.
Ipagpatuloy ang ganitong proseso hanggang marating ang iyong gustong haba.
4. Tipunin ang mga pisi at itali gamit ang simple knot upang isara ang bracelet.
5. Putulin ang pisi 1 ½ pulgada mula sa buhol.
Maaari mong ibenta ang bawat bracelet ng P20.00. Kung makakagawa ka ng limang bracelet, at maibebenta ang lahat ng ito, makakakuha ka ng kabuuang benta na P100.00. Kung ang puhunan mo ay P50.00, ang kabuuang kita mo mula sa limang bracelet ay P50.00. Maari mong ipunin ang P50.00 at gamitin ang natitirang P50.00 upang bumili muli ng pisi at gumawa muli ng bracelet.
P50
P50
P100
10 bawat bracelet
P50
P10
SANGKAP
1 CUP
ALL-PURPOSE FLOUR
1/2 CUP
BUTTER OR MARGARINE
2/3 CUP
POWDERED MILK
1/2 CUP
PUTING ASUKAL
KAGAMITAN
KALAN AT KAWALI
SANDOK PANGHALO
MANGKOK
KUTSARA
PAMAMARAAN 1. Isangag ang harina sa kawali hanggang maging brown. Huwag masyadong patagalin ang harina sa kawali at maaring maglasang sunog ang polvoron.
2. Ilagay sa isang bowl ang harina at palamigin ng sandali.
3. Tunawin ang mantekilya sa kawali.
4. Paghaluin ang harina, gatas, at asukal sa isang mangkok.
5. Ihalo ang tinunaw na mantekilya sa tuyong mga sangkap at haluing mabuti.
6. Gamit ang kutsara, hulmahin ang polvoron at ilagay sa isang plato.
7. Balutin ang polvoron.
Maaari mong itinda ang bawat piraso ng P5. Makakagawa ng 40 piraso mula rito. Kung maititinda mo lahat, magkakaroon ka ng kabuuang benta na P200 . Kung ang puhunan mo ay P100.00, ang kabuuang kita mo mula sa 40 polvoron ay P100.00. Maari mong ipunin ang P100.00 at gamitin ang natitirang P100.00 upang bumili muli ng sangkap at gumawa muli ng polvoron
P100
P100
P200
P2.50
2.50 bawat piraso
P100
SANGKAP
2 CUPS
1 CUP
POWDERED MILK
PUTING ASUKAL
3-4 KUTSARA
1/2 KUTSARITA
MAINIT NA TUBIG
LEMON EXTRACT
KAGAMITAN
MGA MANGKOK
SANDOK PANGHALO
PAMAMARAAN 1. Pagsamahin at haluin sa isang bowl ang powdered milk at asukal.
2. Pagsamahin sa isa pang bowl ang mainit na tubig at lemon extract.
3. Unti-unting ihalo ang tubig na may lemon extract sa powdered milk at asukal.
4. Gawing maliliit na bola at pagulungin sa asukal.
5. Ibalot sa cellophane paper.
Makakagawa ng 40 na piraso. Ang bawat piraso ay nagkakahalagang P3.60. Kung ibebenta ang bawat piraso ng P5.00, magkakaroon ka ng tubo na P1.40 sa bawat piraso. Kung maibebenta mo lahat ng piraso, magkakaroon ka ng kabuuang benta na P200.00. Mula dito, P55.00 ang iyon kabuuang kita. Maari mong ilagay sa iyong alkansya ang iyong kabuuang kita, at gamitin ang natitira upang gumawa muli ng pastilyas. Ano-ano dito ang puhunan, gastos, kabuuang benta, tubo, at kabuuang kita?
Salamat sa pagsama, kaibigan! Huwag mong kakalimutan ang natutunan natin. Tandaan, ang matalinong paggamit ng pera ay mahalaga!
Nais pasalamatan ng gumawa ng workbook na ito ang mga sumusunod na pinanggalingan ng mga aralin sa librong ito Department of Education - Alternative Learning Sytem Bangko Sentral ng Pilipinas City Government of Pasig - Livelihood