VDFHS 2024

Page 1

Ang Kalasag 2024

TOMO BLG. XIII

Lungsod ng Baliwag, Bulacan

Kalasag

Iniinda

ng bagong palengke ng lungsod. Kuha ni Calvin Villafuerte.

‘GA-GRADUATE NA SIYA’

Pangarap na diploma ng mga Floreskan na ‘di makapasok nang F2F, posible na sa unang open high sa Baliwag

Manilyn T. Rivera at Wyncess Kaiyenne L. Valondo

agpapababa ng dropout rate at oportunidad na makapagaral sa mga estudyanteng may personal at lehitimong rason para hindi makapasok nang face-to-face ang dahilan sa pagbubukas ng Virgen Delas Flores High School (VDFHS) ng Open High School Program (OHSP) ngayong taong-panuruan 2023-2024.

Isang anyo ng distance learning, layunin ng OHSP na bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na nais magpatuloy ng kanilang pag-aaral, ngunit hindi makapapasok sa regular na klase dahil sa mga personal, pisikal, o pinansiyal na kadahilanan o sitwasyon.

Ayon kay Mhoonlee E. Mongaya, OHSP Coordinator, tinanggap nila sa programa ang mga estudyante na

Dahil sa iba’t ibang programang pangkapayapaan at pangkaayusan, mas kakakunting krimen ang naitala ng Baliwag City Philippine National Police (PNP) nitong 2023 kumpara noong nakaraang taon. Sa datos ng Baliwag City PNP, bumulusok sa 308 ang naitalang krimen noong 2023 kumpara sa 708 noong 2022, o katumbas ng 230% pagbaba ng krimen sa lungsod. Batay sa ulat ng lokal na PNP, nakatulong sa pagpapababa ng krimen sa lungsod ang mga programa gaya ng Check Point, Oplan Katok, Oplan Sita, Oplan Galugad, Mobile Patrol, Barangay Visitation and Dialogue, at Campaign on Anti-Illegal Drugs and Gambling na isinasagawa sa mga pampublikong paaralan. Samantala, nadagdagan ng tatlo nitong 2023 ang dating limang barangay sa

ng mga magulang kontra Cha-Cha

Angelo Justin C. Villanueva

Sa gitna ng mainit na usapin ng charter change sa Kongreso, walo sa bawat 10 magulang ng Virgen Delas Flores High School ang nagsabing tutol sila sa pagbabago ng Konstitusyong 1987. Batay sa isinagawang sarbey ng Ang Kalasag nitong Pebrero 8, lumilitaw na 64% ng mga magulang ang tumutol sa pagbabago ng konstitusyon ngayon, ngunit maaaring baguhin sa hinaharap at 16% ang nagsabing hindi ito dapat baguhin kahit kailan, samantalang 20% lamang ang pumabor sa pagbabago nito ngayon.

May pangamba si Maria Socorro, isang insurance consultant na maaaring mabago ang sistema ng pamahalaan kung sakaling buksan ng Kongreso ang pag-aamyenda sa konstitusyon.

“Sakaling mabago ito, maaaring mawala ‘yung tatlong branches sa gobyerno na kasama sa paggagawa ng mga batas-batas. Sa presidente lang lahat ng kapangyarihan sakaling mabago ito. Hindi pa handa ang Pilipinas sa isa pang repormasyon sa dami ng krisis na nagaganap. Wala pa sa tamang mga kamay ‘yung pagbabago or pag-iiba ng konstitusyon na gusto nila,” saad ni Socorro.

Tiwala naman si Jasper Ganin, isang sorbetero, sa plano ng Kongreso na baguhin ang konstitusyon.

“S’yempre, nawala na ‘yung mga patayan. Huminto na ‘yon. Kaya okay sa ‘kin na baguhin para umunlad pa ang bansa,” ani Ganin. Walang sapat na kaalaman

Samantala, lumilitaw rin sa nasabing sarbey na anim din sa bawat 10 magulang ang ikinokonsidera ang kanilang sarili na walang sapat na kaalaman tungkol sa konstitusyon.

Lumalabas na 37% ng mga magulang ang nagpahayag na kakaunti ang kaalaman nila sa konstitusyon at 22% ang nagsabing wala halos

Kaalaman sa Konstitusyong 1987

Maraming kaalaman

Sapat na kaalaman

Kakaunting kaalam Walang kaalaman

Dapat bang baguhin ang Konstitusyong 1987 ngayon?

OO, dapat nang baguhin ngayon. HINDI, ngunit MAAARING BAGUHIN sa hinaharap. HINDI dapat baguhin kahit kailan.

*Respondante: 233 magulang

silang kaalaman tungkol dito. Sa kabilang banda, 37% ang nagsaad na sapat lamang ang kaalaman nila sa konstitusyon, at 4% lamang ng mga magulang ang nagkonsidera sa kanilang sarili na maraming kaalaman sa saligang batas. Para kay Camile Thalil, isang gas station attendant, mahalaga na sa high school pa lamang ay pag-aralan na ang nilalaman ng konstitusyon.

“Sa lahat ng school, bigyan pa rin ng isang subject about sa constitution Ipaalam pa rin sa mga estudyante kahit ngayong modern generation. Lahat ng mga batas, lahat ng mga mabubuti, kahit masama okay lang ‘yun. At least malaman nilang i-compare ‘yung noon sa ngayon,” ani Thalil. Samantala, mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang nagsabi nitong Pebrero na suportado niya ang charter change, ngunit para lamang sa mga economic provisions ng konstitusyon.

Ang mga nilalaman
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Virgen Delas Flores High School TOMO BLG. XIII Agosto 2023-Abril 2024
Krimen
bumaba; 8 barangay ‘drug-cleared’ na
BALITANG SARBEY ULATHALAIN BALITANG LOKAL
sa Baliwag
80%
BALITA LATHALAIN AG-TEK
John Murphy G. Padua Ang mga Nasa Bingit ng Mababang Kita Benepisyo ng Baliwag Rice Mill and Dryer Facility BUMABANG KITA.
UMAAKSIYON SA IMPORMASYON. Taunang nagsasagawa ang Baliwag City Philippine National Police (PNP) ng information dissemination campaign sa paaralan tungkol sa RA 11313 o Safe Spaces Act at sa pagpigil sa anumang anyo ng drug addiction at sexual violence Kuha ni Calvin Villafuerte. P p.4
ngayon ni Edna C. Cruz ang mas mababang kita at hindi nauubos na paninda matapos pansamantalang ilipat ng pwesto dahil sa pagtatayo
p.4
p.2 p.8 p.12
p.2
64.4% 4.3% 20.2% 36.9% 36.9% 21.9% 15.5%
MATUTUPAD NA PANGARAP. Pinipilit itaguyod ni Evelyn Ocan ang pag-aaral ng kaniyang anak na si Nicole upang makatapos ito ng junior high school sa ilalim ng Open High School Program ng Virgen Delas Flores High School. Kuha ni Calvin Villafuerte.

Baliw raw?

Estrella sinita ang isang GMA series; etimolohiya ng salitang Baliwag inungkat ng Ang Kalasag

Calvin R. Villafuerte at Jim Mark R. Saplan

Inalmahan at hindi ikinatuwa ni Punonglungsod Ferdinand V. Estrella ang February 14 episode ng seryeng Abot Kamay Na Pangarap ng GMA kung saan iniugnay ang pangalan ng Baliwag sa isang taong nasisiraan ng bait.

Ayon kay Estrella, nagpapakita umano ito ng kakapusan ng kaalaman at kawalan ng sensibilidad ng serye sa mga mahahalagang isyu gaya ng mental health na aniya’y ininsulto at ginawang katatawanan ang kalagayan ng isang baliw.

“Ang Lungsod ng Baliwag ay isa sa mga nagtataguyod ng adbokasiya sa mental health kaya hindi rin kami sumasang-ayon sa pagpapalabas ng nakakasirang tema lalo pa at ikinakabit ang Baliwag bilang punchline o bagong katawagan para makapanghiya ng sinuman,” wika ni Estrella.

Baliuag o Baliwag?

Para kay Giovanni Labao, historyador mula sa Sentrong Saliksikan ng Baliuag, naiwasan sana ang ganitong pag-uugnay ng salitang baliw sa Baliwag kung napanatili ang orihinal na baybay nito.

“May pagkakataon tayo na gamitin ‘yung Baliuag na iu pero pinili na gamitin ang City of Baliwag with a w. Now, problema na ‘yan. Siguro, kung na-retain ang Baliuag City with a u, the city of profound, well, baka naiwasan ‘yan,” ani Labao.

Sa Vocabulario de la lengua tagala na nailathala noong 1754, makikita ang taal na salitang Tagalog na baliuag na nangangahulugang profound o malalim.

Malalim na ilog Ayon pa kay Labao, may kinalaman sa topograpiya ng Baliwag ang taal na kahulugan nito sa Vocabulario

“Mula sa Angat hanggang Plaridel, ang pinaglikuan lang ng ilog [Angat River], sa Baliwag. Sa atin ‘yung pinakalalim na part ng ilog. Kaya doon nabuo ‘yung mabaliwag o malalim na ekspresyon.

Mula sa Baliwag, lahat ng kasunod nating bayan, bundok na. San Rafael, San Ildefonso, San Miguel ay bundok. Baliwag lang ang flatland,” ani Labao.

Ayon pa sa historyador, sa isang pananaliksik ni Dr. Vicente C. Villan ng University of the Philippines Department of History, palaging may malalim na bahagi o ilog sa lahat ng mga lugar sa ibang bayan na Liwag, Maliwag, o Baliwag ang pangalan. Patunay aniya ito na “malalim” ang taal na kahulugan ng lungsod. Alamat ang ‘Maliliwag’

Paninindigan pa ni Labao, walang katotohanan ang isa pang bersyon ng kahulugan ng Baliwag na umano’y nangangahulugang palaging late o nahuhuli.

Ayon sa librong Baliwag Then and Now ni Rolando Villacorte, tinawag umano ng mga taga-Plaridel na maliliwag o mababagal kumilos ang mga taga-Baliwag na dumadalo ng misa sa Simbahan ng Quingua noong panahon ng Espanyol. “I don’t call it history. Mayroon bang fact? Well, it’s written in a book. Ilang tao ang

SINURING BALITA

Plano ng Baliwag LGU: Integrated high sa 4 na barangay

Giovanni E. Labao, Puno ng Sentrong Saliksikan ng Baliuag nahuhuli sa misa sa Plaridel na taga-Baliwag? It’s a personal story. I-fact check natin sa Plaridel. Totoo bang late kami na dumadating sa misa niyo?” pahayag pa ni Labao.

BAGAHE NG MATAAS NA PASAHE

Mag-aaral mula malalayong barangay, trike driver apektado ng implasyon

France Jean M. Javier at Dhericka Shayne B. Apondar

Matapos makapagtala ng average na 6.0% inflation rate noong 2023, nagiging pasakit sa mga mag-aaral na Floreskan mula malalayong barangay ang patuloy rin na pagtaas ng pamasahe sa tricyle.

Ayon sa mga estudyante mula sa Matangtubig, Calantipay, at Pinagbarilan, malaking bahagi ng kanilang arawang baon ang nakakain ng pamasahe sa tricycle na papunta at pabalik ng paaralan.

Pahayag ni Mark Eliz Santos, Grade 9 mula Pinagbarilan, kulang na kulang ang baon niya para sa pamasahe sa tricycle

“Ang baon ko a day, nagre-range lang ng P70. Ang pamasahe ko papunta is P40 tapos ang pabalik P40 din, so kulang pa. Ang ginagawa ko, naglalakad na lang ako pauwi,” pahayag ni Santos.

Sa kabila nito, pinipilit pa rin ni Santos na pumasok araw-araw sa kabila ng malaking pamasahe papunta ng paaralan.

“Kailangan talaga naming pumasok since may malaking factor ang pag-aaral sa buhay ng bawat kabataan, kaya napakalaking factor ng pagtaas ng pamasahe, lalong-lalo na sa kabataan na hindi naman lahat maykaya,” ani Santos.

Ayon pa kay Santos, mainam kung makapagtatayo ng sariling paaralan sa kanilang lugar upang hindi na kinakailangan ng mga estudyante sa kanilang barangay na mamasahe nang malayo.

“Mas mapapadali ‘yung buhay ng bawat estudyante sa Pinagbarilan kasi hindi na namin kailangang mamasahe at gutom na nararanasan namin sa school dahil sa pagtitipid,” pahayag ni Santos. Pahayag naman ni Caesar

Cheang, Grade 10 mula Matangtubig, mabuti na umusisa muna sa drayber ng tricycle kung magkano ang kailangan bayaran. “Sa tingin ko po kung isa kang commuter, tanungin mo muna yung drayber kung magkano ‘yung singil nila para hindi ka mabigla sa babayaran mo pagdating sa location mo,” ani Cheang. Aniya, gumagastos siya ng P1400 kada buwan para sa pamasahe, at minsang nasingil ng P170 mula bayan hanggang Matangtubig. Presyo ng petrolyo Sa kabilang banda, hinaing din ng mga tricycle driver, mababa pa rin ang taripa na ibinigay sa kanila habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Ayon sa ilang drayber, hindi nila

maiwasang manghingi ng dagdag na pasahe sa kanilang mga pasahero dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo sa petrolyo, mataas na boundary, pati na ang mga iba pang pangangailangan nila sa araw-araw. Batay kay Rodrigo De Guzman, dapat na maunawan ng mga pasahero kung bakit nagagawa nilang taasan ang presyo ng pamasahe. Aniya, sa P10 dagdag-pasahe lamang sila umaasa para may kitain.

“Kunwari, nakapila kami rito, mag-iintay kami nang isang oras. Kung minsan, may magbabayad ng P25. Tinatanggap na namin kaysa naman sa walang sakay. Pero kung tutuusin, lugi, kaya hindi kumikita. Papaano kung pagbalik mo wala ka nang sakay? ‘Di P25 lang, naaksaya gasolina mo. Bale P25 lang nakuha mo tapos

Delas Flores High School

Mandarin posible nang ituro sa VDFHS sa susunod na taon

Wyncess Kaiyenne L. Valondo

Nǐ hǎo! Handa ka na bang matuto ng Mandarin?

Pag-aapruba na lamang ng Department of Education (DepEd) Region III ang hinihintay ng Virgen Delas Flores High School (VDFHS) para masimulan nito ang pagtuturo ng Special Program in Foreign Language (SPFL) in Chinese Mandarin para sa susunod na taong-panuruan.

Ayon kay Punong-guro Dr. Khristian S. Liwanag, sumailalim na sa balidasyon ang mga dokumento ng VDFHS at kasalukuyan nang ipinoproseso para sa tuluyang implementasyon ng SPFL Chinese Mandarin na sisimulan sa Grade 7.

“Grade 7 muna, tapos taontaon, aakyat papuntang Grade 10. Magiging elective subject siya. Kaya

ngayon, nagsasagawa tayo ng schoolto-school campaign sa elementary para malaman natin kung sino ang interesado na kumuha nito,” ani Liwanag. Dagdag pa ni Liwanag, ipadadala sa China ang mga guro na magtuturo ng Mandarin. “May training ‘yon in China, once established na ‘yan. Doon sila for a month, parang study program. Makikipag-tie-up tayo sa Angeles University Foundation o UP Diliman para sa mga trainings and programs,” pahayag ni Liwanag. Ayon pa sa punong-guro, maaari ding pondohan ng Chinese government ang mga pasilidad na gagamitin ng paaralan para sa pagtuturo ng Mandarin.

Pinaplano ng City Government of Baliwag na gawing isang integrated school (IS) ang mga paaralang elementarya sa Matangtubig, Pinagbarilan, Hinukay, at Subic. Isang kategorya ng pampublikong paaralan ang IS na nagaalok ng edukasyong kindergarten, elementarya, at sekondarya. Sa panayam ng Ang Kalasag, ibinida ni Estrella na ito ang isang proyekto na gusto niyang maisakatuparan bago matapos ang kaniyang huling termino bilang mayor ng lungsod.

Aniya, kung sakaling maisakatuparan ito, malaking tulong ito sa mga mag-aaral na nasa malalayong bukid.

Plano rin aniya ng lungsod na magkaroon ng isang high school kada tatlong barangay upang magiging accessible ang mga paaralan, “Aanhin pa ang libreng kolehiyo natin sa Baliwag Polytechnic College kung di makakatapos ng senior high ang mga estudyante?” ani Estrella. Sa kabila nito, aminado si Estrella na bagaman naging lungsod na ang Baliwag, hamon pa rin ang pagkakaroon ng

sapat na pondo para sa pagsasakatuparan ng malalaking proyekto. “Ang ating SEF o Special Education Fund, dati, 50% goes to the Provincial [Government]. Ngayon, 100% [ang napupunta sa atin], pero, ang problema naman natin, solong-solo natin lahat ng responsibilities,” pahayag ni Estrella. Dahil dito, sinabi ni Estrella na kailangang bigyang-prayoridad ang mga proyektong kailangang-kailangan ng lungsod sa ngayon. “Hindi pa natin kaya magpagawa ng mga school sa ngayon dahil wala na tayong support sa Provincial Government. Ang pondo na pumapasok ay pinaghahatihati ko pa sa kung ano ang mas kailangan,” ani Estrella. Kaugnay nito, patuloy na nakikipag-ugnayan si Estrella sa mga matataas na opisyal upang mas lumaki pa ang nakalaang pondo sa edukasyon ng lungsod. Batay sa National Tax Allotment (NTA) ng Baliwag, umabot sa P1.081 bilyon ang kabuoang pondo ng lungsod nitong 2023. Nasa 3.36% nito o katumbas P36.3 milyon ang napupunta sa sektor ng edukasyon.

MURANG PANGKABUHAYAN. Bilang bahagi ng kanilang Livelihood Extension Program, nagsagawa ang Bulacan State University Bustos Campus ng pagsasanay sa paggawa ng fabric conditioner para sa mga magulang, mag-aaral, at guro,

Ang Kalasag nag-uwi ng pinakamaraming gantimpala sa Gawad Ditto Sarmiento

Wyncess Kaiyenne L. Valondo at ang lathalaing “Dikit-dikit na Basura” bilang Most Outstanding Culture and Arts Report. Para kay Kenneth G. Pabilonia, tagapayo ng pahayagan, bunga ito ng pagsisikap ng patnugutan na makapaghatid ng mga kuwento mula sa komunidad at sa mga lugar na nasa labas ng paaralan.

ng Floreskan mula sa sumusunod na barangay

Pinagkunan: Learner Information System

‘Ga-graduate na siya’

nagtratrabaho, may mga sakit na maaaring makahawa kung sila ay papasok nang pisikal, at mga kabataang maagang nabuntis. “Maipagmamalaki natin ‘yan na tayo ang nag-iisang paaralan sa Baliwag na may open high. Saka nakatutulong ito para pababain ang dropout rate natin. Kapag nakita natin na may problema talaga ang bata kaya hindi siya nakakapasok, pinagaaralan natin kung pwedeng ipasok sa open high para hindi siya ma-drop,” ani Mongaya.

Dagdag pa ni Mongaya, tulad ng regular na klase, mayroon ding mga pagsusulit at performance tasks ang mga estudyante ng OHSP. Bukod doon, binibigyan din aniya sila ng kanilang mga guro ng video lessons at hinihingan ng mga litrato o video upang masubaybayan ang kanilang pag-aaral sa bahay.

Katuparan ng pangarap

Para kay Nicole Erica A Ocan, mag-aaral sa Grade10, open high school ang sumalba sa kaniyang pagkakataon na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng nararanasang potassium deficiency o hypokalaemia “Nagkulang po ako sa potassium

Apat na gantimpala ang inuwi ngAng Kalasag, ang pinakamarami mula sa mga pahayagang nagwagi at lumahok sa buong Pilipinas, sa Gawad Ditto Sarmiento Publication Awards na ginanap sa University of the Philippines (UP) Institute of Biology, Oktubre 13. Nagbitbit ng plake ang pahayagang Ang Kalasag para sa lathalaing “Butil ng Palay, Butil na Kita: Ang Ani ng Rice Tarification Law sa Ikaapat nitong Taon” na itinanghal na Most Outstanding Politics, Economics, and Education Report, at para sa balitang “Baliwag Population Officer: Kailangang baguhin ang estratehiya vs teenage pregnancy” na kinilala bilang Most Outstanding Public Health Report. Dagdag pa rito, kinilala naman ang balitang “Grupo ng mga siyentista: Kabuhayan, kalikasan, apektado ng Bulacan Aerotropolis” bilang Most Outstanding Environmental Report”

“Tinitingnan namin ang dyaryo bilang hindi lang dyaryo ng school, kundi dyaryo rin ng community. Hindi lang estudyante ang magbabasa nito. Pwede rin kasi ‘tong basahin ng mga drayber, ng mga tindera, ng mga manikurista…so ang mga isyung nakapaloob sa dito ay dapat mahalaga rin para sa kanila,” saad ni Pabilonia. Ito ang unang beses na lumahok ng Ang Kalasag sa Gawad Ditto Sarmiento na tatlong taon nang inoorganisa ng UP Alpha Phi Beta Fraternity at Libra Law para sa mga mamamahayag at publikasyon sa buong bansa.

Muntik na po akong malumpo kaya po nagmodular lang po muna ako para makapagaral,” wika ni Ocan. Ayon kay Ocan, Grade 9 siya nang magsimulang lumitaw ang mga sintomas ng kaniyang sakit. Aniya, palagi siyang natutumba at nanghihina na naging dahilan ng kaniyang madalas na pagliban sa klase.

Dagdag pa ni Ocan, palagi siyang tinutulungang lumakad ng ina dahil aniya, baka kung palagi siyang nakahiga, baka tuluyan na siyang malumpo.

Pangarap na magkaroon ng diploma at ang kagustuhang makatungtong sa kolehiyo ang nagtulak kay Ocan para ipagpatuloy pa rin ang pag-aaral sa gitna ng sakit.

“Gusto kong mag-aral kahit nasa bahay lang ako dahil may pangarap ako sa buhay at gusto kong maging chef kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral,” ani Ocan.

Samantala, mas gusto pa rin ni Ocan na pumasok nang face-to-face dahil aniya, mas naiintindihan niya ang mga itinuturo dito at nami-miss niya rin ang

kaniyang mga kaibigan.

Pangarap na diploma

Napaiyak naman sa tuwa at sobrang nagpapasalamat si Evelyn, ina ni Ocan, dahil sa pagbubukas ng OHSP sa VDFHS.

“Masayang-masaya ako kasi gusto ko talaga siyang makatapos. Akala ko nga noong araw na hindi siya makakatapos, nalulungkot ako. Tapos Grade 10 na siya ngayon. Maraming salamat talaga. Makakatapos at ga-graduate na siya,” wika ni Evelyn. Dagdag pa ni Evelyn, sobrang saya niya noong nalaman niyang may OHSP ang VDFHS na nagbigay-daan para ipagpatuloy ng kaniyang anak ang pag-aaral kahit halos hindi na ito makalakad. “Gusto ko talaga ‘yon [diploma], pangarap ko talaga ‘yan para sa kaniya,” ani Evelyn. Isa lamang si Ocan sa 22 estudyante ang naka-enroll sa open high batay sa huling datos. Tig-isa sa Grade 7 at Grade 8, pito sa Grade 9, at 13 sa Grade 10. - may mga ulat mula kina France Jean Javier at Dhericka Shayne Apondar

02 balita Ang Kalasag
Setyembre 20. Kuha ni Calvin Villafuerte
p.1 CALANTIPAY MATANGTUBIG MAPA NG LUNGSOD NG BALIWAG Bilang
Virgen
PINAGBARILAN 26 82 137
p.4 BALITANG PITIK

Demokrasya sa Pinas, nananatiling ‘may depekto’ - think tank

Scores by Regime Type:

6.0-8.0

Pinagkunan: The Economist Intelligence Unit’s Democracy Index 2023: Age of Conflict

Ba-bye smartphone na nga ba?

Para sa mga opisyal ng School

Parents-Teachers Association (SPTA), napapanahon nang ipagbawal ang smartphone sa loob ng paaralan samantalang ang iba, nakikita ang gadget bilang mahalagang gamit sa pag-aaral.

Sa isang press conference sa Senado noong April 25, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian ang kaniyang plano na maghain ng panukalang batas na nagbabawal sa mga estudyante mula elementarya hanggang senior high school na gumamit ng smartphone sa klasrum.

Para kay Dianne Estrella, 43, isa sa Board of Directors ng SPTA, panahon na talaga upang ipagbawal ang smartphone sa loob ng paaralan.

“Makaaapekto ‘yan sa mga estudyante kasi madi-distract sila sa lesson. Imbes na nakikinig lang sila kay teacher e meron pa silang pinopokusan na iba,” ani Estrella.

Aniya, dapat iniiwan na

14.2% Marso 2024

lamang sa bahay ang smartphone ng mga mag-aaral para magawa rin umano nilang makihalubilo at makipag-usap sa ibang tao.

Samantala, para kay SPTA

President Arlene Pangan, 36, magagamit ng mga bata ang smartphone sa klasrum sa pagkakaroon ng bagong kaalaman.

“Depende sa sitwasyon. Ang paggamit ng cellphone during class hour ay maaring maging tulong para sa mga estudyante upang mas madali nilang malaman ang mga lesson at maging suporta pa nga sa pag-aaral,” wika ni Pangan.

Sa kabila nito, dapat aniyang may limitasyon ang paggamit ng smartphone sa paaralan.

“Dapat gamitin lang kapag kinakailangan. May emergency situations na kailangang-kailangan natin ng phone para makontak ang mga kapamilya natin,” dagdag ni Pangan.

Batay sa Digital 2023: Global Overview Report, halos 1/3 o 33% ng isang buong araw ang ginugugol ng mga Pilipino sa paggamit ng smartphone

12.6% Disyembre 2023

Mga nakaranas ng di sinasadyang kagutuman dahil sa kawalan ng makain

Pinagkunan: Social Weather Stations

SA IKA-53 SA DEMOCRACY RANKING

Nananatiling “may depekto” ang demokrasya sa Pilipinas matapos bumaba ng isa at pumuwesto ng ika-53 sa 167 bansa batay sa Democracy Index 2023 ng Economist Intelligence Unit (EIU), isang think tank sa London.

Nakakuha ang Pilipinas ng markang 6.6 out of 10 na pasok sa uring “flawed democracy”

Sinusukat ang Democracy Index, o ang estado ng demokrasya sa isang bansa, batay sa limang kategorya.

Nakakuha ang Pilipinas ng 9.17 sa proseso ng eleksiyon at pluralismo, 7.78 sa politikal na paglahok, at 7.35 sa mga kalayaang sibil, Samantala, pinakamababa naman ang bansa sa kategoryang pagganap ng gobyerno (4.64), at kulturang politikal (4.38).

Batay sa EIU, sa ilalim ng kategoryang pagganap ng gobyerno,

patuloy na nagpapahina ng tiwala sa pamahalaan ang laganap na korupsiyon at kawalan ng transparency at pananagutan. Sa kulturang politikal, naobserbahan ng EIU na nagiging dahilan ang pagkabigo sa pamahalaan upang piliin ng mga mamamayan ang mga alternatibong hindi demokratiko, gaya ng paghahalal sa mga strongman leader

Ayon pa sa EIU, kabilang ang Pilipinas sa anim na bansang may “flawed democracy” na nakararanas ng mga panloob na gulo at digmaan, kabilang na ang away sa pagitan ng mga gang

“Meanwhile, even the world’s most developed democracies are struggling to manage political and social conflict at home, suggesting tha the democratic model developed during the eight decades after the second world war is no longer working,” dagdag pa ng EIU.

FIVES aprubado na bilang tugon sa humihinang antas ng pag-unawa

Steven

Inaprubahan na ng Schools

Division of Bulacan sa malawakang paggamit ang mga materyales na gumagamit ng estratehiyang Facts, Inference, Vocabulary, Experience, and Summary o FIVES na tumutugon sa mahinang antas ng pag-unawa ng ilang mag-aaral sa Virgen Delas Flores High School (VDFHS).

Nitong Setyembre 4, sumailalim sa field testing ng Learning Resources Management and Development System (LRMDS) Unit ang mga worksheets na nakabatay sa FIVES na nilikha ni Kenneth G. Pabilonia, guro sa Filipino, bilang bahagi ng kaniyang aksiyong pananaliksik.

Ayon kay Pabilonia, isang makabagong interbensiyon ang FIVES sa pagtuturo at pagbabasa ng panitikan sa silid-aralan. Aniya, katumbas ang bawat letra nito ng isang hakbang na lumilinang sa kasanayan sa pag-unawa ng mga konsepto, mensahe at bokabularyo; pagbuo ng mga personal na koneksiyon sa teksto; at pagpapalalim at pagpapalawak ng mga kaisipang nakapaloob sa isang akda.

“Pinapaunlad nito sa mga bata ang mataas na antas ng pagiisip, pinapahusay ang kakayahan nila sa paghihinuha, pinalalawak ang bokabularyo nila, at nagkakaroon sila

VDFHS Muslim community nakisimpatya sa mga biktima ng Israel-Hamas War

Kryz Kolyn M. Villaneza at Diane Melody G. Dimaapi sa war na ‘yon,” wika ni Hanifa T. Langco, mag-aaral sa Grade 10.

Nagpahayag ng pakikisimpatya at kalungkutan ang mga magulang at mag-aaral na Muslim ng Virgen Delas Flores High School (VDFHS) sa nagaganap na giyera sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza Strip. Nag-ugat ang kasalukuyang digmaan sa sorpresang atake ng militanteng grupong Hamas sa timog Israel noong Oktubre 7.

Ayon sa mga mag-aaral na Muslim, lubha silang nalulungkot sa nangyayaring giyera sa pagitan ng Israel at Hamas dahil anila, nadadamay pati ang mga inosenteng Muslim. Nasa 99% ng mga naninirahan sa Gaza ay Muslim.

“Kahit hindi naman Muslim ‘yon, kung Kristiyano rin o kahit anong religion , I feel sad pa rin sa kanila. Kasi syempre, wala silang kaalam-alam tapos nadadamay sila

Inihayag pa ni Langco na bilang estudyante, maaari siyang tumulong sa kaniyang mga kapwa na Muslim sa pamamagitan ng pagdarasal.

“[Isasama ko] sila sa mga du’a (dasal) ko at pagpaplaganap ng mga impormasyon about sa kanilang nararanasan sa kasalukuyan,” ani Langco.

Dagdag pa niya, hindi na dapat mandamay ng mga inosenteng tao ang Israel at Hamas sa kanilang laban.

Para naman kay Hanzallah D. Radia, mag-aaral sa Grade 8, hindi makatarungan ang nangyayari sa mga kapwa niya Muslim na namamatay dahil sa giyera.

“Nakakaawa naman po sila kasi wala naman po silang ginagawa laban sa Israel pero nadadamay po sila,” ani Hanzallah.

Tutol naman si Jhassim Radia, 65. isang Muslim at residente ng Virgen Delas Flores, sa nangyayaring digmaan dahil marami na ang mga kapwa nila Muslim ang namatay rito.

“Matapos na sana ang digmaan dahil baka lumala ito at magresulta ng digmaan sa bawat bansa,” pahayag ni Jhassim.

Ayon sa ulat ng CNN sa datos ng Gaza Health Ministry, nasa mahigit 34,000 na ang napatay sa operasyong militar ng Israel sa Gaza matapos ng 200 araw ng labanan. - may ulat mula kay Wilianne Alyza Andaya

MALAYANG PAGBASA. Sa pamamagitan ng paghasa sa iba’t ibang kasanayan na kailangan sa pagbabasa, nilalayon ng Estratehiyang FIVES (Facts, Inference, Vocabulary, Experience, and Summary) na makapagbasa ang mga estudyante nang hindi kinakailangan ng patnubay mula sa mga guro o nakatatanda. Kuha ni Alexis Garcia.

ng kakayahan na iugnay ang kanilang buhay, karanasan at dating kaalaman sa teksto. Lahat ng ito, para sa lubusang pagunawa ng isang teksto,” ani Pabilonia. Naunang isinagawa ang implementasyon ng FIVES sa isang klase sa Baitang 10. Batay sa datos ng paaralan, 38% ng mga estudyante sa Baitang 10 noong TP 2022-2023 ang nasa lebel ng

Frustration, ang pinakamababang antas ng pag-unawa batay sa pamantayan ng Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI). Dahil aprubado na sa malawakang paggamit, pinaplano ng VDFHS na lumikha ng mga worksheet na nakabatay sa FIVES para sa mga magaaral ng Grade 7 hanggang Grade 9.

KULANG SA KAALAMAN SA PAGPAPAREHISTRO

92% ng Floreskan eligible voters di bumoto sa 2023 BSKE

Kakulangan sa kaalaman sa proseso ng pagpaparehistro ang nangungunang dahilan kung bakit 33 lamang o 8% ng 433 eligible voter ng Virgen Delas Flores High School ang bumoto sa nakaraang 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong Oktubre 30. Ayon sa Commission on Elections (Comelec), maaari nang magparehistro para makaboto sa SK elections ang sinumang kabataan na 15 taon pagsapit ng eleksiyon.

Base sa sarbey ng Ang Kalasag nitong Enero sa mga eligible voter na hindi bumoto, 38% ang nagsabing kulang sila sa kaalaman sa mga hakbang sa pagpaparehistro.

Wyncess Kaiyienne L. Valondo at Adrian E. Negro gulang pa lamang. Isinagawa ng Comelec ang voter registration para sa 2023 BSKE noong Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 31, 2023. Nasa 12% naman ng mga magaaral ang nagsabing hindi sila interesado na bumoto. Isa na rito si Rich Mark Cruz, mag-aaral sa Grade 10, na nagsabing hindi naman niya kilala ang mga tumatakbong kandidado sa lugar nila. ‘’Hindi ako interesado bumoto kasi hindi ko rin naman sila kilala. Nu’ng kampanya, hindi naman sila totally umikot bawat purok. Hindi ‘ata sila nakapasok sa looban doon sa amin, kaya hindi ko talaga sila kilala. Dalawang partido ‘yun, pareho kong hindi kilala,” ani Cruz.

Samantala, 25% ng mga mag-aaral ang nagsabing inabutan sila ng deadline ng pagpaparehistro at 19% naman ang umaming hindi nila alam na maaari nang bumoto kahit 15-taong

Isinagawa ng Ang Kalasag ang sarbey noong Enero 10 sa 103 mag-aaral na hindi bumoto ngunit eligible voters sa 2023 BSKE.

03 balita
ng
| TOMO BLG. XIII
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan
Virgen Delas Flores High School
SPTA hati sa pagbabawal ng smartphone sa klasrum Bilang ng nagugutom, tumaas BALITANG PAMBANSA 2023 DEMOCRACY INDEX SCORE NG MGA PILING BANSA SA ASYA
PILIPINAS
BUMABA ANG
8.0-10.0 Full Democracy
Flawed Democracy 4.0-6.0 Hybrid Regime 0.0-3.0 Authoritarian
TAIWAN JAPAN SOUTH KOREA MALAYSIA TIMOR LESTE PILIPINAS INDONESIA MONGOLIA THAILAND 8.92 0 8 4 2 6 7 5 3 1 10 0 0 0 22 16 40 45 53 56 59 63 8.40 8.09 7.29 7.06 6.66 6.53 6.48 6.35
mula
2 1 1 2 8 7
Pandaigdigang Ranggo Pagbabago
ng Ranggo
2022
Jeriel Gab Pangan at Jester Dayne Estrella
BALITANG INFOGRAPHIC

Sa

pagpapatayo

ng bagong palengke Pansamantalang pwesto naging biyaya, pasakit sa ilang manininda

Arriane V. Rivera, Patricia Andrea R. Cruz, at Rochell L. Lacandula

Madilim pa ang kalangitan at hindi pa man tumitilaok ang manok, naghahanda na ang mga manininda sa palengke ng Baliwag para iayos ang kanilang mga pwesto.

Marami sa kanila ngayon na dating nasa loob ng palengke, may bagong pwesto. Nasa gitna na sila ng kalsada, nakikipag-agawan ng espasyo sa mga dumaraang motorista at pampasaherong sasakyan.

Nitong Oktubre, pansamantalang inilipat ng pwesto ang mga manininda sa loob ng palengke. Inilagay sila sa mga gitna ng kalsada at sa palibot ng Glorietta Park.

Magbibigay-daan ito sa pagtatayo ng dalawang palapag na New Baliwag City Public Market na magkakaroon ng 1296 stalls. Samantala, magkakaroon naman ng hiwalay na gusali na magsisilbing parking area

Ayon kay Mayor Ferdinand V. Estrella sa isang panayam ng Ang Kalasag, nangmaging lungsod ang Baliwag noong 2022, una niyang isinakatuparan ang pagsasaayos ng palengke dahil aniya, luma na ito at noong dekada ‘60 pa naitayo.

“Kapag papasok ka sa loob, madilim at luma na. ’Yung iba ay ginagawang pang bodega,” ani Estrella. Ayon pa sa punong-lungsod, nais niyang maging legacy ang bagong palengke.

“Kaya ipinaayos ko itong palengke natin, bukod sa luma na ito, ay self-liquidating ito. Kumbaga, kikita siya para mas lalong umunlad ang ating

lungsod,” saad ni Estrella. Mas mababang kita

Biyaya at pasakit sa mga manininda ang naging hatid ng mga pansamantalang pwesto sa mga gitna ng kalsada. Pagbaba ng kita at matumal na benta ang naranasan ng ilang manininda. Ganito ang naging hinaing ni Myrna Placido, 54, nagtitinda ng prutas at gulay, na nagsabing bumaba ang kaniyang kita simula nang ilipat siya ng pwesto.

“Bumababa ‘yung kita namin, minsan matumal. Nagkahiwalay rin ‘yung mga tindera. Hindi ka rin makita ng mga suki mo, kung saan-saan na lang sila bumibili. Hindi katulad noon, alam na alam nila kung saan sila bumibili. Tapos, nahihirapan din sila sa parking kaya kung saan malapit, do’n na lang sila bumibili,” salaysay ni Placido.

Ayon kay Placido, maganda at maayos naman ang isinasagawang proyekto ng pamahalaang-lungsod ngunit aniya, hindi pa rin siya matigil mabalisa dahil sa kawalang-katiyakan kung kikita ba sila sa magiging pwesto nila sa bagong palengke.

Karamihan sa kanila, matagal nang nakapwesto sa loob ng palengke kaya naman maraming manininda ang nanibago sa kanilang pansamantalang pwesto sa labas. Ito ang naging hinaing ni Edna Cartagena Cruz, 72, na anim na dekada nang nagtitinda.

“Konti lang ang kita. Pinakamalaki kong kita, P300 lang. Wala nang malakas na kita ngayon,” ani Cruz. Giit pa ng matanda, mas maganda ang kita niya sa loob kaysa bagong pwesto

niya ngayon.

“Tumumal. Dumami ang tindera. Dagsa. Do’n nakaka-50 kilo ako ng tahong. Dito, 10, 20, di pa ko makabenta. Minsan, isang buwan, di ako nagbebenta,” salaysay ni Cruz.

Mas malaking benta Sa kabilang banda, maganda naman ang ibinunga sa ilang manininda ng mga bago nilang pwesto sa labas ng lumang palengke

“Mas malaki ung benta, mas harap sa tao. Kumpara do’n sa dati naming pwesto, mas malaki ‘yung kita ngayon kasi bungad na bungad ang pwesto namin,” ani Chrischiell Sombillo, 19, manininda ng gulay.

Para kay Jenalyn Martinez, 43, pumabor sa kaniyang negosyo ang bagong pwesto na inilaan sa kaniyang tindahan ng karne ng manok. Aniya, halos nadoble ang buwanang kita niya ngayon sa kaniyang bagong pwesto. “Dati kasi, konti lang ang tinitinda ko. Ngayon medyo marami, kasi maraming ligaw [na mamimili]. ‘Yung suki-suki dati, nagkaligaw-ligaw. Kung saan-saan napunta,” ani Martinez. Ayon naman kay Estrella, matatapos ang konstruksiyon sa bagong palengke at sa parking area nito sa loob ng 500 araw.

‘Babawi kami’: Floreskan dancers nag-aasam pa rin ng kampeonato sa PaSaKalye

Diane Melody G. Dimaapi at Ryona E. Caralipio

Labindalawang taon matapos huling makapag-uwi ng panalo sa Pasko sa Kalye (PaSaKalye) Street Dance Competiton, determinado pa rin ang mga Floreskan dancer mula Grade 7 hanggang Grade 9 na lumahok muli sa kompetisyon sa susunod na taon.

Sa kabila ng pagkabigo sa nakaraang 2023 PaSaKalye, mainit pa rin ang kagustuhan ng mga lumahok na mananayaw para bumawi sa susunod na edisyon ng paligsahan. Noon pang 2012 huling nanalo ang Virgen Delas Flores High School (VDFHS) na naiuwi ang kampeonato.

Para kay Janrenz Carlo M. Cruz, mananayaw mula Grade 9, malungkot ang naging pagkatalo nila ngunit maaari itong maging inspirasyon para mas lalo pa nilang galingan sa pagsasayaw.

“Ganu’n talaga, hindi ikaw ang magiging panalo sa lahat ng pagkakataon. Meron pa naman sa susunod. Kaya nang malaman kong natalo kami at walang natanggap na kahit isa, sabi ko sa sarili ko, sasali ulit ako sa susunod na taon. Determinado akong bumawi,” pahayag ni Cruz.

Ayon kay Shaina Camille Toling, mananayaw mula Grade 9, malaking

pagkadismaya ang naramdaman niya dahil tila nasayang ang ilang buwang pagpapraktis at paggising nang maaga. Sa kabila nito, desidido pa rin siyang sumali sa susunod na taon.

“Gusto kong bumawi para sa ating paaralan at gusto kong maranasan ulit sa [Baliwag Star] Arena na sinisigawan at tsini-cheer ng kapwa ko Floreskans,” ani Toling.

Matapos may magpaputok ng baril Reyes, tiniyak na may tanod na tuwing oras ng uwian

Rochell L. Lacandula

Matapos ang insidente ng pagpapaputok ng baril sa harap mismo ng paaralan, tinitiyak ni Kapitan Jaynor Reyes ng Brgy. Virgen Delas Flores na palagi nang may nakaduty na tanod sa Virgen Delas Flores High School tuwing oras ng uwian para sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral. Ayon kay Reyes, ito ang tugon ng pamahalaang-barangay matapos may magpaputok ng baril nang tatlong beses sa harap ng paaralan kasabay ng uwian ng mga panghapon na mag-aaral noong

Enero 31. Batay sa mga saksi, away sa pagitan ng dalawang pamilya ang pinagugatan ng pagpapaputok ng baril. Wala namang nasaktan sa nasabing insidente at agad na rumesponde ang lokal na pulisya. “Kailangan may naka-duty talagang tanod. Sa ngayon, palagi nang may mga naka-duty para sa safety ng nga estudyante at guro,” ani Reyes. Dagdag pa ni Reyes, mapapanatili ng barangay ang kapayapaan kung magtutulungan at magkakaunawaan ang mga bawat miyembro ng pamayanan.

Krimen sa Baliwag bumaba...

lungsod na idineklarang “drug-cleared” ng PNP. Napasama ang Pinagbarilan, Tarcan, at Calantipay sa limang naunang “drug-cleared” na barangay ng Matangtubig, Paitan, Tilapayong, Hinukay, at Piel.

Pinalakas din ng Baliwag City PNP ang mga Barangay Peacekeeping Action Team at ilang civilian volunteers sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa modern arnis techniques, handcuffing techniques, at pistol disarming. Sa kabilang banda, naniniwala si Jun Santos, 53, na posibleng malaki nga ang ibinaba ng krimen sa Baliwag.

“Halos wala naman akong naririnig na maraming krimeng

maghihintay ka na naman dito nang isang oras o kalahating oras,” saad ni De Guzman. Mataas na presyo rin ng petrolyo ang hinaing ni Roberto Lazaro ang nakikita niyang pangunahing dahilan sa pagtaas din ng pamasahe.

“‘Yung gasolina, ‘di naman bumababa. Tapos kapag mga remote area na ganiyan [Matangtubig], usually wala kang makukuha [pasahero] pabalik,” ani Lazaro. Samantala, ayon kay Jaymer Dizon na isang dekada nang tricycle driver, mas tama na huwag nang humingi ng mas mataas na pamasahe, lalo na kung estudyante ito.

“Depende kung magkano na lang ibabayad ng mga bata kasi hindi na ako namemresyo. Sila na nasusunod. Mas maganda ‘yon, ‘di ba? Kasi mahirap kung sisingilin mo nang mahal. Ika nga, kung may mga takda namang pamasahe, hindi na kami nag-o-overprice,” pahayag ni Dizon.

Rebisyon ng fare matrix Bukas naman ang Pamahalaanglungsod sa pagrerebisa ng fare matrix, ayon kay Mayor Ferdinand Estrella sa isang panayam ng Ang Kalasag. “Nakabase talaga ‘yan [fare matrix] depende sa computation ng gasolina. Pwede sigurong i-revise kung ano ang market [value] ng gasolina, kaya lang, syempre, kapa pabago-bago, nalilito na ‘yung mga tao.

Adjustable naman ‘yan kapag bumababa o tumataas ang gasolina,” ani Estrella. May payo naman ang punonglungsod sa mga komyuter na masisingil nang sobra-sobra sa itinakdang taripa. “Ang sabi ko naman, kung may reklamo ay kunin ang body number nu’ng trycicle at pumunta sa BMTO [Baliwag Traffic Management Office]. Ipapatawag ito upang magkaroon ng kaayusan at malaman kung ano talaga ang dapat na bayad,” saad ni Estrella.

nagaganap kaya para sa akin may katotohanan ‘yan,” ani Santos. Para naman kay Adora Cruz, 60, hindi pa rin niya nakikita na bumaba nga ang krimen sa lungsod. “Sa aking opinyon, hindi pa rin po. Marami pa rin pong patayan dulot ng masasamang-loob at droga na nananatiling nasa Baliwag,” pahayag ni Cruz. Sa kabila nito, naniniwala si Cruz na ligtas pa rin namang manirahan sa lungsod. “Sixty years na po akong nakatira dito. Ligtas pa rin dito as long as ginagawa ng kapulisan ang kanilang katungkulan,” ani Cruz.

Dahil sa sunod-sunod na proyektong pang-impraestraktura Bulacan ‘first-world province’ na sa 2040

Karl Owen

First-world province. Ito ang dalawang dekadang bisyon ng Pamahalaang Panlalawigan matapos pangunahan ni Gobernador

Daniel R. Fernando ang pagpirma ng kontrata kasama ang Palafox Associates para sa Updating of the Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP) ng buong lalawigan na ginanap sa Edsa Shangri-la, Lungsod ng Mandaluyong, Enero 25. Para kay Felino A. Palafox, Jr., principal architect at urban planner ng Palafox Associates, taglay ng Bulacan mga sangkap para maging isang first-world province sa loob lamang ng 15 taon.

“Natulungan ko ang Dubai, desert town ng Dubai, na maging first

world in 15 years, because there are roots of Dubai which I see also in the leadership here– visionary leaders, strong political will, good appreciation of urban planning, good appreciation of good design architecture engineering, excellent management and good governance,” ani Palafox. Dagdag pa ni Palafox, malaki ang potensiyal ng Bulacan sa paglaki at pagunlad dahil sa mas malaki ito nang apat na beses sa Metro Manila at Singapore. Mga proyektong pang-impraestraktura Samantala, pinasisigla naman ang lokal na ekonomiya ng Bulacan dahil sa mga proyektong pang-impraestraktura dito. Bukod sa P754.60 bilyong New Manila International Airport (NMIA) sa bayan ng Bulakan, sunod-sunod ang mga proyektong

pantransportasyon sa lalawigan. Ayon kay Arlene Pascual, Provincial Planning and Development Officer, binuksan na P5.26 bilyong Plaridel Bypass samantalang patuloy ang pagsasagawa ng P77 bilyong MRT7 Project. Aniya, matatapos na rin ang linyang Malolos-Tutuban ng North South Commuter Railway (NSCR) na nagkakahalaga ng $1.99 bilyon. Dagdag pa ni Pascual, sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P38.94 bilyong North Luzon Expressway East

04 balita Ang Kalasag
Sa tumataas na pamasahe...
(NLEE) na dadaan sa Lungsod ng San Jose del Monte at mga bayan ng Norzagaray, San Rafael, San Ildefonso, at San Miguel. ULATHALAIN
p.1 p.2
NAWALANG MGA SUKI. Hindi na bumibili kay Myrna Placido ang ilan sa mga dati niyang suki dahil malayo o hindi alam ng mga ito ang bago niyang puwesto, dahilan para maapektuhan ang kaniyang kita. Kuha ni Calvin Villafuerte. BABAWI KAMI. Ito ang paninindigan at pangakos ng mga mananayaw na Floreskan na nakaranas ng pagkatalo sa 2023 Pasko sa Kalye Street Dance Competition na nagnanais lumahok muli sa susunod na taon. Kuha ni Calvin Villafuerte.
BALITANG PANLALAWIGAN

Huwad na Pagkakaisa

SARILING WIKA DAPAT SA PISA

SA IKALAWANG BESES na paglahok ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment o (PISA) nitong 2022, kasama na naman ang basa sa mga lagapak ang resulta sa buong mundo. Talaga bang ganoon kahina ang estudyanteng Pilipino, o hindi lamang nila ganoon nauunawaan ang wikang ginagamit sa PISA?

Ayon sa ulat ng Southeast Asia

Primary Learning Metrics (SEA-PLM) 2019, natuklasan na ang Pilipinas lamang ang nag-iisang bansa sa Timog-Silangang

Asya na kinuha ang pagsusulit ng PISA 2018 sa wikang Ingles. Ito ay sa kabila ng katotohanang 93% ng mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit ay hindi naman nagsasalita ng Ingles sa bahay. Dahil dito, sa lahat ng lumahok na bansa sa PISA 2018, ang Pilipinas ang ikalawang may pinakamataas na lebel ng language mismatch. Ibig sabihin, kinuha ng mga mag-aaral ang pagsusulit sa isang wika na hindi naman nila regular na ginagamit o hindi nila lubusang nauunawaan.

Kung gayon, nakapagtataka ang pahayag ng DepEd Bureau of Education Assessment (BEA) na “efficient choice” na gamitin ang wikang Ingles sa pagdaraos ng PISA. Pahayag ng BEA, gugugol ng panahon at salapi ang pagsasalin sa Filipino ng mga tanong sa PISA. Ingles din naman daw kasi ang opisyal na wika na ginagamit sa pagtuturo sa bansa. Ngunit ang magkasunod na sadsad na resulta ng bansa sa PISA 2018 at 2022 ay nangangailangan ng malalim na pagsusuri mula sa BEA kung tama at mabisa pa rin ang kanilang pagpili sa Ingles bilang wikang ginagamit sa pagkuha ng pagsusulit.

Ayon nga sa isang survey ng Social Weather Stations noong Marso 2023, 96% ng mga Pinoy ang nakababasa ng wikang Filipino at 93% ang nakaiintindi

MAG-ISIP

Hindi accessible ang libro sa isang bansang 97% literate

JIM MARK R. SAPLAN

basahin.

at nakapagsusulat nito. Kung ganito pala karami ang mga Pilipinong nakauunawa ng Filipino, bakit hindi pa sa sariling wika ibigay ang mga international assessment gaya ng PISA? Bunga pa rin ba ng kolonyal na mentalidad ang mahigpit na pagkapit sa wikang Ingles sa edukasyon?

Sa mga nakaraang dekada, hindi iilan ang mga naging pagsubok ng mga guro at propesyonal sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga larang na teknikal at agham panlipunan. Ilan lamang sila sa mga unang nagtaguyod ng pagtuturo sa Filipino sa mga asignaturang karaniwang itinuturo sa Ingles: sina Fortunato Sevilla III sa Kemistri, Lea A. Soriano sa Matematika, Manuel B. Dy, Jr. sa Pilosopiya, Malaya C. Ronas sa Agham Panlipunan, at Rosemary R. Seva sa Inhenyeriya.

Ano-ano ang kanilang napatunayan sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng mga asignaturang ito? Marami.

Una, mas nakapagpokus ang mga mag-aaral sa pag-unawa ng mga konsepto, proseso, at teorya. Ikalawa, mas napahalagahan ng mga mag-aaral ang wikang Filipino at naitaas ang antas nito sa pakikipagdiskurso sa loob ng mga paaralan at akademya. Ikatlo, at pinakamahalaga, nahikayat makisangkot ang mga mag-aaral. Pare-pareho ang naging obserbasyon ng mga naturang guro. Dahil sa paggamit ng Filipino, mas nakapagpahayag ng kuro-kuro at saloobin ang mga mag-aaral. Naging mas aktibo ang klase dahil karamihan ay nais makisangkot sa talakayan. Naging mas bukas at malaya rin ang mga mag-aaral sa pagtatanong. Dala kasi ng paggamit ng Ingles ang takot na mabulol at magkamali sa gramatika.

Ang mga eksperimentong ito ay mga kongkretong patunay ng

Ang Kalasag

Punong-Patnugot: Jim Mark R. Saplan

Mga Katuwang na Patnugot: Karl Owen A. Dumalaza

(2023-2024)

Sophia Marie B. Tan

Patnugot sa Balita: Wyncess Kaiyienne L. Valondo

Patnugot sa Opinyon: Sheena Nicole R. Marquez

Patnugot sa Lathalain: Jaymie E. Dela Cruz

Patnugot sa Agham at Teknolohiya: Princess Rihanna S. Estigo

Patnugot sa Isports: Raven Kent M. Hernandez

Tagakuha ng Larawan: Alexis Nazareth A. Garcia

Steven Khalil SJ. Mangulabnan

Jhiro R. Martinez

Calvin R. Villafuerte

Dibuhista: Louie Jay S. Angeles

Tagapayo ng Publikasyong Pang-estudyante: Kenneth G. Pabilonia

Ulong-Guro I sa Filipino: Mhoonlee E. Mongaya

Punong-Guro III: Khristian S. Liwanag, DEM, DipPM

“Sa paggamit ng wikang pamilyar sa kanila at komportable sa kanila, mas tumataas ang antas ng pakikisangkot ng mga mag-aaral na naghahasa sa matataas na lebel ng pag-iisip gaya ng kritikal na pagsusuri.

pagtatagumpay ng Filipino upang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Sa paggamit ng wikang pamilyar sa kanila at komportable sa kanila, mas tumataas ang antas ng pakikisangkot ng mga mag-aaral na naghahasa sa matataas na lebel ng pag-iisip gaya ng kritikal na pagsusuri. Sinususugan nito ang isang pag-aaral sa Pilipinas noong 1987 na nagsasabing nakatutulong sa kognitibong pag-unlad at pagkamalikhain ng isang mag-aaral ang paggamit ng katutubong wika sa pag-aaral.

Kung ayaw muling mangulelat at mapahiya ng bansa sa susunod pang PISA, dapat maglaan ng panahon ang DepEd para pag-aralan at itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino sa pagkuha ng PISA. Higit sa lahat, matagal na dapat nangingibabaw ang paggamit ng Filipino sa edukasyon, sa loob at labas man ng paaralan.

Ang Opisyal na Pahayagang

Pangkomunidad ng

Mga Kontribyutor: Gwyneth M. Adriano, Elaine S. Alcantara, Dolly S. Ancheta, Wilianne Alyza V. Andaya, Jake Gian S. Aquino, Dhericka Shayne B. Apondar, Katrina

Marian Q. Artuza, Angel Reyanne E. Bacudo, Edgrace Chrissie Dr. Caibigan, Ryona E. Caralipio, Janrenz Carlo M. Cruz, Patricia Andrea R. Cruz, Eunice P. Dandan, Diane Melody G. Dimaapi, Andrei Neil S. Dionisio, Lady Zyianne S. Esquillo, Raniella C. Estrada, Jester Dayne D. Estrella, Romeah Nicole T. Isip, France Jean M. Javier, Rochell L. Lacandula, Ryuki Rahyan P. Lim, Eilaijah O. Lopez, Lyka Eunice S. Lopez, Rhien May A. Maningas, Gabriell A. Mariano, Adrian E. Negro, Reynaldo Jr. C. Ocampo, John Murphy G. Padua, Jeriel Gab F. Pangan, Ferlyn Mae L. Parcon, Kelly

Monique G. Pascual, Joyce P. Ramirez, Arriane V. Rivera, Manilyn T. Rivera, Lorraine I. Ronda, Nathalie

Yvon S. Salgado, Stephan, James D. Salvador,

Aniah Suzette T. Santiago, Jan Aaron R. Santos, Miles Jeizel F. Sulit, Kryz Kolyn M. Villaneza, Allan

James B. Villanueva, Angelo Justin C. Villanueva

INIHAHALINTULAD ANG PAGBABASA sa pag-aani – pumipitas ng mga hinog na bunga na siyang kakainin sa isang itinakdang oras o panahon. Ang pagbabasa ay pagpitas ng kaalaman. Sa mundo ng smartphone at social media, lumulutang ang katanungan kung nagbabasa pa rin ba ang karamihan sa atin ng mga pisikal na libro. Hindi maganda ang balita. Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) para National Book Development Board Readership Survey nitong 2023, lumalabas na nasa 47% ng mga bata ang nagbabasa ng mga nonschool books. Ito ang mga libro na hindi bahagi ng kurikulum at ipinag-uutos ng mga paaralan na basahin. Napakalaki ng ibinaba nito mula sa isang hiwalay na survey ng Philippine Statistical Research and Training Institute (PSRTI) noong 2017 na nakapagtala ng 93% na nagbabasang bata. Napakababa nito para sa isang bansa na nagmamalaki ng 97% literacy rate ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2020.

Teknolohiya at ang convenience na hatid nito ang isa sa nangungunang sanhi ng patuloy na pagsasantabi ng mga Pilipino sa libro. Mabigat at makapal ang libro, mahal pa kung bibilhin sa mga bookstore. Samantala, kasyang-kasya ang smartphone sa bulsa. Madali pang bitbitin at napakaraming features. Dahil dito, para sa maraming kabataan, boring at walang excitement at libro. Sa survey nga ng NBDB, 38% ang nagsabing mas maraming gawain na mas interesante at kapana-panabik kaysa pagbabasa ng libro.

Ngunit ibig sabihin ba nito, ayaw na talagang magbasa ng mga batang Pilipino? Hindi naman. Kawalan ng access sa mga libro ang isa sa nangingibabaw na suliranin kung bakit marami ang hindi nagbabasa. Sabi pa ng survey, 3 sa bawat 4 na bata, o 75%, ang nagsabing mas pipiliin nilang magbasa ng mga nakalimbag na libro. Ibig sabihin, hindi lubusang nawawala ang interes ng mga kabataan sa libro. Kinakailangan lamang na magkaroon sila ng sapat na access sa mga librong maaari nilang

Liham sa Patnugot

Napakalaki ng maiaambag ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapalawak ng access sa mga libro. Mahalaga na magkaroon ng mga public community library ang bawat bayan na madaling mapupuntahan ng sinumang bata. Hindi lamang nagtatapos sa pagkakaroon ng pampublikong silidaklatan ang pagbibigay ng access sa libro. Dapat ay maraming klase at genre ng librong mapagpipiliang basahin ang mga kabataan upang mabigyan sila ng pagkakataon na tumuklas at magsiyasat sa iba’t ibang larang at disiplina. Higit sa lahat, mahalaga na mapaigting ang kultura ng pagbabasa sa loob ng silid-aralan. Kahanga-hanga ang inisyatiba ng Department of Education (DepEd) na palakasin ang mga programa sa pagbabasa loob ng silid-aralan. Nitong

“Napakalaki ng maiaambag ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapalawak ng access sa mga libro.

2024, ipinatupad ang Catch-up Fridays at Drop Everything snd Read para hikayatin ang mga mag-aaral na mahalin ang pagbabasa at maging bihasa pa sa kasanayang ito. Sa kabila nito, hindi magtatagumpay ang gawaing ito kung puro mga teksbuk lamang din ang ipababasa sa mga mag-aaral. Nararapat na bigyan ng kalayaan ang mga mag-aaral na pumili ng kanilang librong babasahin. Dapat ding magkaroon sila ng malawak na pagpipilian ng mga libro. Paano nga naman magbabasa kung walang sapat na librong pupukaw sa interes at kagustuhan ng mga kabataan?

Mahal na Punong Patnugot, Nakalulungkot na maraming naniwala at nabiktima ng fake news na magkakaroon ng tatlong araw ng kadiliman dahil sa pagdaan umano ng mundo sa isang “photon belt” sa Abril 8. Mabilis itong kumalat sa Tiktok at Facebook at pinaniwalaan ng maraming nakabasa nito. Nagdulot pa nga ito ng alarma sa isang bayan sa Surigao Del Norte kung saan nag-panic buying ng bigas ang mga tao. Ngayong mas madaling kumalap ng impormasyon sa internet, mas madali ring naloloko ang mga tao ng kasinungalingan at panlilinlang. Ano ang masasabi ninyo hinggil sa pangyayaring ito?

Tugon ng Patnugot

Maraming salamat sa pagpapadala ng liham. Tunay na nakababahala na ganoon kadali magdulot ng alarma sa taumbayan ang mga bagay na kakaiba o hindi nila lubusang nauunaawaan. Marami ang hindi lubusang nauunawaan ang konsepto ng eclipse, kung paano ito nangyayari, at kung bakit nagdidilim ang kalangitan sa panahong ito. Nakatugon ito sa kakulangan ng pag-unawa ng marami sa atin sa mga konsepto at ideyang siyentipiko. Kaya mahigpit pa rin ang paniniwala ng marami sa mga pamahiin, folk beliefs, at mga paranormal na penomenon ay dahil sa kakulangan sa kaalamang siyentipiko. Kaugnay nito, mahalaga ang pagpapalakas ng kaalamang agham sa mga mamamayan. Dapat magsagawa ang pamahalaan ng mga programa o gawain para madaling maipaunawa ang siyensiya sa bawat Pilipino. Malaki ang potensiyal ng social media para maisagawa ito. Kailangan lamang itong maisagawa nang maayos, mabisa, at siyentipiko. Maraming salamat.

Punong-Patnugot

05 opinyon
ng Virgen Delas Flores High School | TOMO BLG. XIII
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan
Patnugutan
Ma. Cassandra D. Sumalabe Grade 10-Mayon
EDITORYAL KARTUN
Jim Mark R. Saplan Virgen Delas Flores High School | TOMO BLG. XIII

SA UP DIKSIYONARYONG FILIPINO, nangangahulugan ang tatag ng pagiging matibay at matagal. Ngunit kung nananatiling dalawa sa bawat tatlong gusaling pampaaralan sa buong bansa ang kailangang kumpunihin, matitiyak ba ang isang matatag na edukasyong isinusulong ng Department of Education (DepEd)?

Nitong Agosto 2023, pormal na inilunsad ng DepEd ang MATATAG Curriculum na magsisimulang ipatupad sa taong-panuruan 2024-2025. Ito ang nirebisang kurikulum sa ilalim ng K to 12 Program. Layunin nito na i-decongest ang kasalukuyang kurikulum at bawasan ang napakarami nitong aralin at learning competency. Ayon pa kay DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte, magtutuon sa MATATAG Curriculum sa pagpapaunlad ng foundational skills gaya ng language, reading and literacy, mathematics, Makabansa, at GMRC.

Tunay na magiging daan ang bagong kurikulum upang mas lalong gumaan at mapadali ang proseso ng pag-aaral ng mga estudyante. Para sa naman sa mga guro, mas mababawasan ang mga aralin na kailangan nilang ituro at makapagpopokus sa mga araling talagang kakailanganin ng mga mag-aaral sa kanilang pagtatrabaho at pang-

WALANG KAHIT ANONG DAHAS ang ginagamit ngunit sapat na pasakit na sa taumbayan ang makulong sa masakit na pamumuno ng pami-pamilyang politiko. Kung ngayon isasagawa ang 2025 Senatorial Elections, pito sa posibleng manalong senador ang may kamag-anak mismo sa Senado, o kaya naman ay bahagi ng makakapangyarihang politikal na pamilya sa bansa.

Ayon sa isang survey ng Pulse Asia nitong Marso 2024, nangunguna at pinakamarami ang Pilipinong boboto kay Erwin Tulfo, kapatid ni Sen. Raffy Tulfo. Kasama rin sa “Magic 12” ang isa pa nilang kapatid, si Ben Tulfo. Pasok din sa listahan ang reelectionist na kapatid ni Sen. Alan Peter Cayetano na si Sen. Pia Cayetano. Samantala, swak sa banga ang dalawang miyembro ng makakapangyarihang pamilya sa bansa na sina Sen. Bong Revilla at Sen. Abigail Binay. Mataas din ang pwesto sa survey ng malapit na kamag-anak ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa: sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at reelectionist senator Imee Marcos. Tila hindi na makaaahon at makawawala ang Pilipinas mula sa kamay ng iilang pamilyang naghahari dito.

Ayon sa datos ng UP Diliman noong 2013, 250 pamilya lamang ang naghari sa politika ng Pilipinas, o katumbas ng 0.0000017% ng mga pamilya sa buong bansa. Samantala, 94% ng mga lalawigan sa bansa ang may political dynasty. Batay sa historyador na si Alfred McCoy, nagsimula ang paghahari ng mga politikal na pamilya noong Panahon ng mga Amerikano. Naging mahalaga ang suporta ng mga makakapangyarihang angkan sa mga probinsya upang mahalal ang isang presidente kapalit naman ng pagbabayad sa mga ito ng mga lokal at pambansang posisyon sa gobyerno. Dahil sa pagmomonopolyo ng mga pampublikong yaman ng iilang mga pamilya sa bansa, lumaki at lumawak ang impluwensya at kapangyarihan ng mga angkan na ito. Kaya nga, ayon kay McCoy, tila may “anarkiya” ng pamilya sa bansa dahil mas

BUMIBIGAT AT DUMIDILIM ang kinabukasang naghihintay sa mga katulad nating GenZ. Bawat Gen Z, pangarap magkaroon ng isang maganda at matatag na pamumuhay matapos makapag-aral at makapaghanap ng trabaho. Ngunit sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, mukhang hindi na totoo ang gasgas nang kasabihan na ang edukasyon ang susi para makaahon sa kahirapan. Hindi lingid sa kaalaman nating mga Pilipino na iba’t ibang hirap ang dinaranas ng bawat isa at pinipilit na lamang na mairaos ang pang-araw-araw na buhay dahil sa sobrang mahal ng mga bilihin. Pumalo sa 19.6% ang implasyon ng presyo ng bigas, ang pinakamataas sa 14 na taon. Samantala, napakataas na 146 ang consumer price index (CPI) na nararanasan ng mga Gen Z. Mas mataas ang CPI, mas mataas ang presyo ng bilihin ngayon kumpara noon. Sa kabilang banda, nananatili pa rin ang mababang sahod ng mga manggagawa na hindi naman lubusang nakahahabol sa pagsirit ng presyo ng bilihin. Ang hirap at pagod na araw-araw kalaban ng mga manggagawa ay hindi makatarungang nababayaran. Patunay rito ang katotohanan na hindi sasapat ang P440 average minimum wage sa bansa. Malakingmalaki ang agwat sa dapat sanang P1207 na living wage ayon sa Ibon Foundation. Hindi rin natupad ang isa pangunahing layunin ng K to 12 na maging job-ready ang mga mag-aaral sa magtatapos ng senior high school. Marami ang umasang sa pagtatapos nila ng K to 12 curriculum tiyak na makakukuha sila nang maayos na trabaho na may kasamang magandang pasahod. Ngunit, ayon sa Department of

MATATAG nga ba kung walang matatag na paaralan?

LYKA EUNICE S. LOPEZ

araw-araw na pamumuhay. Sa kabila ng mahusay na hakbang na ito ng Kagawaran, nananatili pa ring isang malaking suliranin ang impraestraktura sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Paano maipatutupad ang isang MATATAG na kurikulum kung hindi matatag ang mga gusali at silid-aralan?

Mismong si VP Sara ang nagsabi na 3,600 silid-aralan lamang ang naipagawa noong 2023. Katumbas lamang ito ng 58% ng target na 6,300 silid-aralan ng DepEd. Para naman ngayong 2024, target umano ng DepEd na matapos ang pagpapagawa ng 4,000 silid-aralan sa unang kalahati ng taon. Ang DepEd na rin ang nagsabi na sa taongpanuruan 2023-2024, umaabot sa 159,000 ang bilang ng kulang na silid-aralan sa buong bansa. Nakalulula kung tutuusin. Sa bilang ng kasalukuyang silid-aralan sa

Paano maipatutupad ang isang MATATAG na kurikulum kung hindi matatag ang mga gusali at silidaralan?

Anarkiya ng Pamilya

makapangyarihan pa ang mga angkan na ito kaysa mismong pamahalaan.

Umiigting ang karahasan at patayan dahil sa banggaan at agawan sa kapangyarihan sa pagitan ng mga politikal na pamilya. Sino ang makalilimot sa madugong Maguindanao Massacre noong 2009? Sa pakana ng magkapatid na Andal Jr. at Zaldy Ampatuan at iba pa nilang kaanak, tinambangan ang convoy na maghahain ng kandidatura ni Esmael Mangudadatu para sa pagkagobernador. Nasa 58 ang napatay kasama ang 34 na mamamahayag. Nito lamang Marso 2023, pinaslang si Gob. Roel Degamo ng Negros Oriental. Itinuturong mastermind si Arnulfo Teves, Jr., kapatid ng nakalaban nito sa politika.

Alinsunod na Saligang Batas 1987, Artikulo II Seksyon 26, nararapat

Umiigting ang karahasan at patayan dahil sa banggaan at agawan sa kapangyarihan sa pagitan ng mga politikal na pamilya.

ipagbawal ang mga dinastiyang politikal. Ngunit isang malaking kabalintunaan na anim sa pitong naging pangulo ng bansa matapos ang ratipikahan ang nasabing konstitusyon ay galing sa mga politikal na angkan: sina dating pangulong Cory at Noynoy Aquino, Erap Estrada, Gloria Arroyo, Rodrigo Duterte, at ngayo’y Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Sa ilang dekada ng paghahari ng iilang angkan sa bansa, nananatili at hindi naman nasosolusyonan ang mga suliranin ng bansa gaya ng kahirapan, kagutuman, at korapsyon. Sa isang survey ng Social Weather Stations, nasa 47% o halos kalahati ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing mahirap sila. Sa taya naman ng World Bank, 1/5 ng kabuoang badyet ng buong bansa sa isang taon ang nawawala at napupunta lamang sa korapsyon.

“ “

Kawawang Gen Z

JAYMIE E. DELA CRUZ

Labor and Employment (DOLE) noong Disyembre 2023, 1% lamang ng trabaho sa mga job fair ang napunta sa K to 12 graduates at ang nalalabing 99% ay nakuha ng mga nakatapos ng kolehiyo. Hindi lahat ng pamilya ay kayang tustusan ang pangkolehiyo ng kanilang mga anak lalo na’t patuloy ang mababang sahod ng mga manggagawa at patuloy naman ang pagtaas ng mga gastusin. Sa kabila ng mga pangako ng K to 12, tingnan man kahit saang banda, mas matimbang pa rin ang diploma sa paghahanap ng trabaho. Ang pamahalaan ang pag-asa ng bayan upang bigyan din ng pag-asa ang mga kabataang Gen Z. Ang bawat aksyon at desisyon ng mga namumuno ay nakaaapekto sa bawat nasasakupan nito. Kung tunay na mahalaga ang kabataan, dapat gumagawa ng mga pangmatagalang solusyon ang pamahalaan sa mga suliraning kakaharapin ng susunod na henerasyon. Ang mataas na presyo ng bilihin, mababang pasahod, at kulang na oportunidad sa trabaho ay mga salik na maaaring magdala sa kabataan sa kahirapan at kagutuman. Pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na pababain ang bilang ng nakararanas ng kahirapan sa bansa sa 9%

bansa, 45.5% ng mga silid-aralan sa high school ang siksikan at 32% naman para sa elementarya.

Sa pagsusulong ng MATATAG Curriculum, nararapat na bigyang-pansin ang kay liit-liit na espasyong nagsisilbing silid-aralan ng bawat mag-aaral. Kung mananatiling masikip ang mga silid-aralan at hindi sapat o sira-sira ang mga pasilidad, mabigat ang epekto nito sa pagkatuto at pagaaral ng mga estudyanteng Pilipino. Ayon sa ulat ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) nitong 2022, may positibong epekto sa academic performance ng mga mag-aaral ang pagkakaroon ng maganda, maayos, at maaliwalas na pasilidad sa mga paaralan. Kung naghahangad ang pamahalaan ng kalidad na edukasyon, nararapat lamang nitong dinggin ang hinaing ng mga mag-aaral na nagkaklase sa masisikip, sira-sira, mainit, o binabahang silid-aralan. Mas malawak na espasyo’t dagdag na estrukturang pampaaralan ang sagot sa mas malawak na kaisipan sa pagkatuto. Kung gaano katibay ipinaglaban noon ni VP Sara ang kanyang dapat sana’y P650 milyong confidential funds, ganoon din sana ang paninindigan niya na isulong ang sapat na badyet para matugunan ang kakulangan ng maayos na silid-aralan sa buong bansa. Ang isang MATATAG na edukasyon ay lubusan lamang makakamit kung may matatag na impraestraktura at pasilidad ang mga paaralan.

- kinakailangang badyet kada taon para matugunan ang kakulangan ng silidaralan hanggang 2030.

12, 000

- bilang ng silid-aralan na kinakailangang maipatayo taon-taon hanggang 2030.

PHP 2.5

- halaga ng isang silid-aralan.

1,004,000

- bilang ng mga mag-aaral na nagkaklase sa labas at mga pansamantalang silid-aralan.

Sanggunian: DepEd, DPWH

Mapiling Hustisya

HUWAD NA MANINILBI ngunit libolibo pa ang pumupuri. May bahid na nga ng korapsyon ngunit milyon-milyon pa rin ang pumipili. Ganyan isinasawalangbahala ng mga Pilipino ang usapin sa pagnanakaw ng mga politiko. Kinakastigo ang mga bubwit ngunit pikit-mata sa mas malalaki at masisibang buwaya.

Maging aral sa lahat ang nakaraan upang maging mapagmasid at mapanuri kung karapat-dapat ba ang mga politiko na iboboto. Palayain ang bansa sa pamumuno ng pare-pareho at magkakaugnay na angkan na pinakikinabangan ang pera at yaman ng bansa gamit ang kanilang impluwensya at kapangyarihan. Panahon na rin upang lakasan ng taumbayan ang panawagan sa Kongreso sa pagpapasa ng isang AntiPolitical Dynasty Law.

Kailan kaya lubusang mapagtatanto ng taumbayan na tayo ang tunay na malakas, tayo ang mas marami, at tayo ang tinig na dapat nananaig laban sa iilang pamilyang nagpapakasasa sa ipinahiram na kapangyarihan?

sa pagtatapos ng kaniyang termino. Sa 2028, marami sa mga Gen Z sa ngayon ang nakapagtapos na ng kolehiyo o may sarili nang pamilya. Ang pagtitiyak ng administrasyon na mayroong maganda at maunlad na kinabukasan ang mga Gen Z ang magtitiyak din na makakamit ni Pangulong Marcos ang kaniyang target para sa suliranin ng kahirapan sa bansa.

Kung tunay na mahalaga ang kabataan, dapat gumagawa ng mga pangmatagalang solusyon ang pamahalaan sa mga suliraning kakaharapin ng susunod na henerasyon.

Mapili ang hustisya sa Pilipinas, higit lalo sa pagnanakaw. Kung sino pa ang sakim ay siyang itinataas at ang inosente’y hinihila pababa. Hindi patas ang sistema sa ating bansa. Mabilis makalimot ang mga Pilipino. Nitong Enero, inabswelto ng Sandiganbayan Fifth Division si Sen. Jinggoy Estrada sa kasong plunder ngunit nahatulan naman ng guilty sa mga kasong direct at indirect bribery kaugnay ng pork barrel scam. May kaakibat itong sentensiya na 2-9 na taong pagkakakulong ngunit mananatili siyang malaya hanggang inaapela ang kaso. Samantala, pinagmumulta rin siya ng P3 milyong piso.

Kung tutuusin, halos barya lamang ito sa umano’y P183 milyon na naibulsa ni Estrada mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF. Pumutok ang pork barrel scam noong 2013 nang mabunyag na maraming senador at kongresista ang umano’y nagpopondo sa mga proyekto ng mga pekeng non-government organizations (NGO) ni Janet Lim-Napoles. Peke rin ang mga proyekto kaya ang pondong inilalagak sa mga NGO, pinaghahatian ni Napoles at ng mga kakutsaba niyang politiko.

Oo na, hindi guilty si Estrada sa kasong plunder, ngunit convicted naman siya sa krimen ng panunuhol. Korte mismo ang may sabi nito. Bakit hinahayaan pa siyang maupo sa senado ng kaniyang mga kasamahan? Noong si dating senador Leila De Lima ang nasasangkot sa isyu ng droga - pinawalang-sala na siya sa dalawa sa tatlong kaso at marami sa mga tumestigo laban sa kanya ay binawi ang kanilang testimonya - ay harap-harapan siyang pinagtulungan ng mga kapwa niya senador. Ilang beses siyang binanatan noon ni dating senador Richard Gordon. Samantala, sa pangunguna ni dating senador Manny Pacquiao, pinagkaisahan siyang patalsikin sa pagiging chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights.

Sabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, maaari pang maupo si Estrada hangga’t hindi pinal ang kaniyang conviction. Nasaan ang panggigigil ng senado na parusahan ang kapwa nila senador ngayong mayroon silang kasamahan na napatunayang maysala ng isang korte ng Pilipinas?

Hindi patas ang hustisya sa Pilipinas. Mapagpatawad ito sa makakapangyarihan ngunit maragas sa mahihina. Patunay rito ang kaawa-awang sinapit ni Reina Mae Nasino na ikinulong dahil sa mga gawa-gawang kaso. Buntis noon si Nasino at ipinangak si Baby River sa loob ng kulungan na kulang ang timbang at naninilaw ang balat. Humiling sa korte si Nasino na payagan siyang ipaospital ang anak ngunit hindi siya pinayagan. Matapos ang isang buwan, namatay si Baby River.

Aminin na natin. Makakalimutin ang mga Pilipino. Makakita lamang ang ilan ng magagarang tulay, o magagandang kalsada, o bigyan ng ilang kilo ng nakasupot na bigas, nakalilimutan na nila ang mga mas malaking kinuha sa kanila. Hindi ba’t si Estrada ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada na convicted ng plunder sa P545 milyong naibulsa nito mula sa ilegal na jueteng? Kapag pinagsama-sama ang kaso ni Estrada at ng iba pang politiko na sangkot sa pagnanakaw, lumilitaw ang malaking kabiguan ng ating sistema ukol sa hustisya na bigyan ng karampatang kaparusahan ang mga makapangyahirang tao. Hindi tunay at ganap ang kaunlaran kung hahayaang gumagala-gala ang mga buwayang nagkakamal ng kaban ng bayan.

Bahagi na nga ba ng kulturang Pilipino ang korapsyon? Ayon sa mga eksperto, nasa paligid pa rin ang pork barrel, iba nga lang ang tawag at ruta ng pagnanakaw. Subalit, bilang Pilipino, may karapatan at kapangyarihan tayong maghalal ng isang politiko. Kung hindi kaya ng gobyerno magpatalsik ng isang huwad na senador, tayong mga Pilipino na ang dapat kumilos. Hindi tayo dapat nagiging makakalimutin sa mga maysala. Dapat nating gamitin nang mabisa at makatarungan ang kapangyarihang taglay ng ating mga boto.

Hindi patas ang hustisya sa Pilipinas. Mapagpatawad ito sa makakapangyarihan ngunit marahas sa mahihina.

06 opinyon Ang Kalasag
MAGSURI
MAGSALITA
MANINDIGAN MAGSIYASAT ANIAH SUZETTE T. SANTIAGO SHEENA NICOLE R. MARQUEZ
PHP 105 BILYON
MILYON

Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan

Lilim sa Init ng Daing

PAGPUPUNLA ang tugon sa matagal nang nagpapawis na problema ng mga Floreskan.

Kapansin-pansin ang maaliwalas at magagandang gusali sa loob ng Virgen Delas Flores High School. Nariyan ang mga bagong sementong espasyo na nagagamit na ng mga mag-aaral sa pageensayo at pagtatanghal. Isinaayos din ang mga linya ng tubig para sa mga palikuran at dinagdagan ang mga handwashing facility sa buong kampus. Napakalinis tingnan ng buong paaralan. Ngunit sa kabila ng kagandahan nito, mayroon pa ring nangingibabaw na kakulangan dito. Puro na lamang pagsesemento. Nakalilimutan nang magpunla at magtanim ng puno.

Isang matinding suliranin sa bawat paaralan sa bansa ang napakainit na panahon. Nito lamang Abril, pumapalo nang hanggang sa 44°C ang heat index sa Bulacan. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang heat index na umaabot ng 42°C to 51°C ay katumbas ng Danger. Maaari itong magsanhi ng heat stroke

Maraming mag-aaral at mga guro ang nahihirapan dahil sa napakainit na panahon na nagiging dahilan ng pagkawala nila sa pokus sa klase, o mas malala pa ay ang pagkakasakit. Dahil dito, kasalukuyang pinag-aaralan at isinusulong ng Department of Education (DepEd) ang pagbabalik sa dating panahon ng klase na nagsisimula sa Kakulangan

sa mga puno ang isa sa dahilan kung bakit ang mainit na ngang panahon ay mas lalo pang umiinit sa loob ng mga silid-aralan. Mapapansin na mabibilang lamang sa kamay ang mga punong nakatanim sa loob ng paaralan. Bagaman nakilahok ang VDFHS sa nationwide simultaneous treeplanting ng DepEd noong Disyembre 6, tila hindi pa rin ito sasapat sa pangangailangan ng kampus sa mga berdeng espasyo. Totoong napakikinabangan ng mga guro at mag-aaral ang mga proyektong impraestraktura ng paaralan, halos puro kongkreto na naman ang matatanaw sa tuwing papasok sa loob ng kampus. Mga puno at halaman naman sana ang pagtuunan ng paaralan.

Ang kawalan sa mga puno ang isa sa dahilan kung bakit ang mainit na ngang panahon ay mas lalo pang umiinit sa loob ng mga silid-aralan. Kinakailangang harapin ng DepEd ang katotohanan: hindi angkop ang ating mga silid-aralan at gusali sa tropikal na klima ng Pilipinas dahil sa pangunahing materyal nito: kongkreto.

Ayon sa arkitekto na si Gerald Lico, nagkukulong at nagpapanatili ng init ang kongkreto, materyal na gawa ang mga silidaralan ng DepEd. Aniya, dahil dito, isang kapalpakakan ang paggamit lamang ng hollow blocks sa pagtatayo ng mga gusaling pampaaralan.

Samakatuwid, ang pagtatanim at pagpupunla ng mga puno ay tunay na mahalaga, hindi lamang upang masolusyunan at maaksyunan ang daing ng mga Floreskan, ngunit kundi upang makatulong din sa pagpapaganda ng

MAKILAHOK

Humihinang Demokrasya

HINDI TOTOONG DEMOKRATIKO ang isang bansa kung napakadaling manipulahin ng pag-iisip ng mga tao tungkol sa mga pinuno na kanilang iboboto.

Ipinapangamba ngayon ng ilang mga think tanks, mamamahayag, at eksperto ang paggamit ng mga pamahalaan at politiko sa deepfake technology at AI image generation para magpalaganap ng disinformation sa eleksyon. May posibilidad din na magamit ito sa “rebranding” ng mga politikong may mga bahid ng anomalya.

Noon pa man ay maraming nabibiktima ng huwad na pamamahala. Ngayong lalo pang lumaki ang impluwensya ng social media, mas madaling bumulag gamit ang isang hayag na kasinungalingan. Nitong 2024 Indonesian general election, sinasabi ng US Foreign Policy think tank na Council on Foreign Relations (CFR) na gumamit si Indonesian President Prabowo Subianto ng AI para i-rebrand siya bilang isang “cuddly grandpa” upang mahalin at tangkilikin ng mga botante. Malayongmalayo ito sa dating imahe nito bilang isang umano’y human rights abuser noong panahon ng diktador na si Suharto. Napatalsik pa nga siya sa militar dahil sa kaniyang pang-aabuso.

Dito sa Pilipinas, sinasabing isa rin sa nagbenepisyo sa rebranding si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at ang kaniyang pamilya. Pagbubunyag ni Britanny Kaiser, dating empleado ng Cambridge Analytica at ngayo’y whistleblower, hiningi umano ni Marcos ang tulong ng political data company para i-rebrand ang imahe ng kanilang pamilya. Mariin itong pinasinungalingan ng mga Marcos. Pero kaugnay nito, noong 2018, natuklasan na kinuha ng Cambridge Analytica ang data ng 87 milyong Facebook users para targetin sila sa mga politikal na kampanya sa 30 bansa.

Gaya ng nangyari sa Indonesia, lumaganap din sa ating bansa ang disinformation. Ang mas masahol pa rito, halatang organisado ang pagpapalaganap nito dahil sa pagsulpot ng napakaraming

Kinakailangang

harapin ng DepEd ang katotohanan: hindi angkop ang ating mga silid-aralan at gusali sa tropikal na klima ng Pilipinas dahil sa pangunahing materyal nito: kongkreto.

paaralan at ng komunidad. Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), nakatutulong ang mga puno sa pagpapalamig ng kapaligiran sa prosesong tinatawag na evapotranspiration. Ito ang paglalabas ng puno ng moisture sa pamamagitan ng mga dahon nito na nakapagpapalamig sa hangin.

Dahil dito, dapat nang pagigihan ng mga kawani ng paaralan, lalonglalo na ang lokal na Youth for Environment in Schools-Organization (YES-O) ang pagsusulong ng mga programa tulad ng pagtatanim ng puno sa mga espasyo ng paaralan na walang lilim. Napakahalaga nito upang unti-unting mabigyan ng lamig ng lilim ang mainit na daing mga mga Floreskan.

Dapat nang tuluyang bigyangpansin at aksyunan ng paaralan ang mainit na problema ng mga Floreskan. Oras na upang maging aktibo hindi lamang ang paaralan, gayundin ang lokal na pamahalaan, upang makulayan ng berde ang ikalawang tahanan ng mga mag-aaral. Pangmatagalang solusyon ang kailangan sa isang pangmatagalang problema. Hindi mawawala ang init sa bansa, ngunit maaari itong maibsan sa bawat isang puno na maitatanim at maipupunla.

Magkabilaang Panig

Karl Owen A. Dumalaza Larawan ni Jhiro R. Martinez

Sa inilabas na Proclamation No. 368 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., hindi isinama ang EDSA People Power Anniversary sa listahan ng mga holiday ngayong taon. Sa mga nakaraang administrasyon, mula kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo hanggang Pangulong Rodrigo Duterte, taunang idinedeklara ang Pebrero 25 bilang isang holiday Nagtanong ang pahayagang Ang Kalasag sa mga mamamayan sa labas ng paaralan: Dapat pa rin bang pahalagahan at alalahanin ang EDSA People Power Anniversary?

Hindi, kasi pinagdaanan ko ‘yan, e. Naloko ako ng Aquino. Akala ko totoo, tapos nung manalo si Cory, naghirap na. Hindi na dapat ipagdiwang. Mabait lang talaga ‘yung Marcos na nakaupo. Nung panahon na di pa nauupo ang mga Aquino, napakasarap ng buhay ng Pilipinas. Lumaki ako d’yan kaya nasasabi ko ‘yun dahil nadaanan ko lahat ‘yung tatlumpung taon na ‘yan hanggang sa magkapamilya ako. - Rustico R. Ysmael, 56, traffic enforcer

Oo, naging bahagi kasi siya ng kasaysayan natin. Nagkamali ‘yung mga Marcos, nakita natin ‘yung paninindigan ng mga tao na nagkaisa ‘yung mga tao para maipaglaban at makamit natin ‘yung pagkakaisa. Sumali ako du’n. Masaya sa feeling. Talagang mao-overwhelm ka na nakuha mo ‘yung gusto mong mangyari. Nakita ng buong mundo at nagising na mas malakas ang power ng mga tao kaysa sa gobyerno. - Antonio Tapang, 56, caretaker

Pwedeng oo, pwedeng hindi. Kasi ‘yung EDSA Revolution, history na natin ‘yan. Dahil ang mga tao e nag-alsa dahil sa rehimeng Marcos. Ang hinihingi nila e pagbabago. Ang nakita ko, matapos ang EDSA Revolution, nawalan ng disiplina ang mga tao, ‘di tulad nung panahon ni Marcos, takot ang tao gumawa ng kalokohan. – Ramonito Molino, 62, parking attendant

me, yes. Kasi

Para sa’kin, oo. Kasi para gunitain natin ang nakaraang paghihirap natin na naitaguyod ng naipaglaban

Power. –

EDSA People

Facebook pages, groups, at YouTube

Channel na iisa ang tono at himig sa pagsisinungaling. Habang ang taumbayan naman ay tila tulog mula sa katotohanan at hinahayaang makulong ang kanilang isip, patuloy ang paglawak ng mga galamay ng kasinungalingan sa social media

Mapupuksa ang paglaganap ng disinformation kung lahat lamang sana ay bukas ang isip at may kritikal na pag-unawa sa mga nakikita sa social media. Mawawaksi ito sa pamamagitan ng pagiging mapanuri sa lahat nang nababasa at nakikita. Alamin ang bawat detalye at mga karagdagang impormasyon sa likod nito upang matukoy kung ito ay katiwa-wala o hindi. Higit sa lahat, dapat manguna ang Department of Education sa pagsusulong ng social media literacy sa mga paaralan. Ayon mismo sa Presidential Communications Office (PCO), kabataan ang pinakanabibiktima ng fake news

Malaking banta sa demokrasya ang disinformation. Kung madaling linlangin ang mga tao, hindi sila nakapagpapasya nang mabuti tungkol sa mga bagay na may kinalaman ang kanilang bansa at lipunan.

Kung nais nating manatiling matibay ang tinatamasa nating demokrasya, magsisimula ito sa kakayahan nating magsuri sa impormasyong ating natatanggap at nababasa.

Malaking banta sa demokrasya ang disinformation. Kung madaling linlangin ang mga tao, hindi sila nakapagpapasya nang mabuti tungkol sa mga bagay na may kinalaman ang kanilang bansa at lipunan.

ORAS NA para gisingin ang naghihilik na utak at imulat ang kaisipan ng mamamayan sa bangungot ng kalaswaan na unti-unting sumasaklot sa social media. Ang Facebook na dating naglalaman lamang ng mga wholesome na larawan, nakaaaaliw na videos, at mga at-the-moment pictures, ay unti-unti nang dinodomina ng kalaswaan at hindi na nagiging ligtas sa mga kabataan. Ngayon, viral ang isang video gamit ang kantang “Marikit sa Dilim” kung saan kitang-kita ang pagsubo ng isang lalaki sa ari ng isa pang lalaki. Isa itong bersyon ng isang Tiktok trend na wholesome sana ang content Ginagawa ito ng magkasintahan upang ipakita ang pagiging sweet sa pamamaraan ng paghalik sa pisngi ng kaniyang partner Ngunit, ang viral video na tumawid hanggang Facebook ay labis na lumagpas sa pulang linya kung saan humantong na sa pagpapakita ng malaswang akto na dapat sanang pribado lamang. Ang higit na nakababahala rito, hindi lamang matatanda ang nakakita ng maselang video, kundi pati na rin ang mga kabataan. Dinumog ng samot-saring komento ang at sumirit paitaas ang engagement ng video. Naging katatawanan pa nga ito habang patuloy na ibinahagi ng kung sino-sinong account at inabot ng milyon-milyong views. Maski kabataan, aliw na aliw sa viral video.Ngunit wala bang naaalarma na ganito kadaling makarating at kumalat sa mga social media platform gaya ng Facebook ang malalaswang content? Tila hindi nga ito pinansin ng Meta at ipinagsawalang-bahala pa dahil hindi ito agad nabura sa plataporma. Sa bilis ng pagkalat ng anumang bagay sa social media, bakit kailangan pang paabutin ng ilang araw bago pa man ito tuluyang bigyang-pansin ng mga kinauukulan?

Sa isang bansa na gaya ng Pilipinas na 8 sa bawat 10 mamamayan ang may social media account ayon sa Meltwater, napakahalaga na mahigpit na nababantayan ang malalaswang content na lumalaganap dito. Labis na nakababahala na nanonormalisa ng social media sa kabataan ang pornograpiya, isang bagay na sila mismo ay nabibiktima at nasasangkot. Nakapanlulumo ang ulat ng Unicef noong 2017 kung saan sinabi nito na ang Pilipinas ang nangungunang source ng child pornography sa buong mundo at 80% ng mga bata ang nasa panganib ng online na pang-aabusong sekswal. Hindi dapat na humihilik at tinutulugan ng gobyerno ang usaping ito. Dapat silang kumilos upang iwaksi sa paningin ng kabataan ang laganap na pornograpiya sa social media. Tama lamang na magpasa ng batas ang Kongreso na naguudyok sa mga social media company gaya ng Meta na higpitan at mas gawing istrikto ang regulasyon nito ng content na may kinalaman sa pornograpiya at pagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan. Bukod dito, hindi lamang sa loob, ngunit sa labas din ng social media ay dapat silipin ng gobyerno ang kalagayan ng bawat bata sa bansa laban sa anumang uri ng pang-aabuso. Magkaroon na dapat ng

para maalala

kamalayan ang sambayanan, lalo na ang mga magulang, sa mga ganitong bagay. Huwag magpahumaling sa mga bastabastang challenge o trend na nakikita sa social media, at magkaroon ng malawak at mapanuring pag-iisip tungkol sa mga nakikita, naririnig, o napapanood sa mga online na plataporma gaya ng Facebook at Tiktok. Samakatuwid, napakalahalaga na magsisimula sa loob ng tahanan, at mangunguna ang mga magulang, sa pamamatnubay sa content na nakikita ng isang bata sa social media

Labis na nakababahala na nanonormalisa ng social media sa kabataan ang pornograpiya, isang bagay na sila mismo ay nabibiktima at nasasangkot.

Kanino dapat pumanig ang Pilipinas tungkol sa usapin ng teritoryo sa West Philippine Sea?

Estados Unidos Tsina Wala. Neutral dapat Hindi sigurado

Babala ng Unicef, ang pagkakalantad sa pornograpiya sa murang edad ay maaaring makaapekto nang negatibo sa mental health at sekswal na pang-aabuso. Ang lubos na nakaaalarma, kapag normal nang nakakikita ang isang bata ng pornograpiya na nagpapakita ng pang-aabuso at panghahamak sa isang kasarian, maaari niyang isipin na normal at katanggap-tanggap lamang ito. Oras na upang buksan ang ilaw ng kamulatan at malinaw na kaisipan upang makawala ang sambayanan sa madikit at malagkit na mga bagay sa dilim na hatid ng social media.

00 balita
Virgen Delas Flores High School | TOMO BLG. XIII
WYNCESS KAIYIENNE
ng
MAKIALAM
L. VALONDO
MANGHAMON
Plataporma
KARL OWEN A. DUMALAZA Lumalaswang SOPHIA MARIE B. TAN ng People Editha Salvador, 65, street sweeper Oo, ‘yung kabayanihan ni Ninoy kasi inialay niya ‘yung sarili niyang buhay para sa mga Pilipino –Cecilia Torres, 40, magniniyog
“ “
For ‘yung Power, that’s the reason kung bakit nag-stop ‘yung Marcos regime. Alam naman natin kung ano ‘yung napagdaanan ng bansa during the Martial Law years, maraming mga Pilipino ‘yung na-abuse Rachel T. Dela Cruz, 22, student teacher
Respondante: 202 mag-aaral 4% 44% 36% 16%
TINIG NG FLORESKAN

Tinagpiang Pag-asa

Mas maraming tagpi, mas maraming makakain. Sa likod ng mga gulong ng pang araw-araw na buhay, nagaganap ang isang mapuso at masalimuot na kwento ng pagpupursigi. Si Aling

Kapag kaunti lang ang nagpapatagpi, kaunti lang din ang kinikita, hindi kumakasya sa pambili ng pagkain,

Tumitilamsik na Luha

Maliit lamang ang tahanan ni Ernesto Estaqiuo, 60. Magisa siyang naninirahan dito. Kapansin-pansin ang mga kalawang at pagkasira ng yero ng kanyang tirahan, nagkalat sa paligid ang iba’t ibang kagamitan nito, marahil dahil ito sa kaniyang hanapbuhay na pagwewelding

Sa kada pagawa sa kaniya, kumikita lamang

Noon, isang kahig, isang tuka. Ngayon, hindi pa nakakahig, natuka na.

mga sasakyan na nangangailangan ng pagsanggalang. Sa humigit-kumulang na P300 na kita sa isang araw, napakahirap tustusan ang kanilang pangangailangan at gastusin sa kanilang tahanan. Ang bigas at ulam ay iilan lamang sa mga bagay na nahihirapan siyang bilhin dahil sa taas ng presyo ng mga ito. Malaking pagsubok din sa kaniyang kabuhayan ang kakaunting bilang ng mga nagpapatagpi. “Kapag kaunti lang ang nagpapatagpi, kaunti lang din ang kinikita, hindi kumakasya sa pambili ng pagkain,” pahayag ni Aling Marissa. Ang usapin ng inflation rate ay sagabal sa araw-araw ng mga nasa laylayan. Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay nagiging balakid sa pagbili ng kahit patingi-tinging ulam o bigas. Ang tradisyonal na ulam na Pinoy gaya ng tinola ay nagiging marangya na sa mga kagaya ni Aling Marissa. Gaya ng kaniyang hanapbuhay, araw-araw din siyang naghahagilap ng maitatagpi sa kaniyang gutom na bulsa at gutom na sikmura. - may mga ulat nina Reynaldo Jr. C. Ocampo, Nathalie Yvon S. Salgado, at Miles F. Sulit

siya ng P300-P400. Kung minsan, wala pang nagpapagawa. Dahil sa taas ng bilihin, ang nabibili na lamang niya ay mangilan-ngilang gulay. Napakadalang na kung makakain siya ng karne. Ayon pa kay Mang Ernesto, “Noon, isang kahig, isang tuka. Ngayon, hindi pa nakakahig, natuka na.” Aniya, humihiram muna siya ng pera saka babayaran na lamang kapag kumita na upang may maipambili ng makakain sa pang-araw araw.

Sa 30 taon niyang pagwewelding, ilang beses nang nanganib ang kaniyang buhay. Naranasan niyang mahulog mula sa itaas ng gusali at makoryente. Naani niya rin sa hanapbuhay na ito ang sakit na tuberculosis, pagtaas ng lebel ng ammonia, at paglabo ng mata. “Bakit ganito ang nangyayari sa panahon natin? Bakit tumataas ang bilihin, hindi naman tumataas ang sweldo o kita ng taongbayan. Sa tuwing may magpapagawa sa akin, gusto [nila] mababang presyo. Paano naman kung patuloy na tumataas ang bilihin?” hinaing ni Mang Ernesto. Madilim naman ang mga iniwang salita ni Mang Ernesto. “Iniisip ko na nga lang makagraduate...sa kamatayan. Kasi ‘yung kamatayan, reward yan, e. Sa tulong ng Diyos na lang, ang binibigay sa’kin, tulong at awa. Dahil sa taas ng bilihin, napakalaki ng epekto nu’n sa mga naghihirap.” - may mga ulat nina Jan Aaron R. Santos, Jake Gian S. Silva, at John Murphy G. Padua

Makulay na Kadiliman

akulay na kuko, nagdidilim na buhay.

Siya si Lili Beth Antonio o mas kilala bilang Ate Beth, palaging matatanaw na may dalang manicure-pedicure kit Brgy. Pinagbarilan. Gamit ang kaniyang bisikleta, patuloy siya sa pagpedal upang mahanap ang tunay na kulay ng kaniyang buhay.

ga pangkaraniwan silang mamamayan, ngunit di-pangkaraniwan ang pang-araw-araw nilang pakikibaka. Parami nang parami ang mga Pilipinong nagugutom. Sa isang ulat ng United Nations (UN), nasa 51 milyong Pilipino ang nakaranas ng katamtaman hanggang malalang food insecurity mula 2020 hanggang 2022. Ito ang pinakamataas na bilang sa buong Timog-Silangang Asya. Ibig sabihin, napakaraming Pilipino ang walang sapat na akses sa sapat na pagkaing kailangan nila para maging malusog. Ilan sa mga dahilan nito: kahirapan at maliit na kita.

Kung ang Ibon Foundation ang tatanungin, ang isang pamilya na may limang miyembro sa Rehiyon III ay dapat kumikita ng P1,152 para matugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan nang may natitira pa para sa ibang gawain. Isa sa sektor na pinakamabigat ang dagok ng patuloy na inflation ay sa mga indibidwal na self-employed, o may mga sariling pinagkakakitaan. Palagi silang nasa bingit ng mababang kita dahil sa tumataas na presyo ng bilihin. Sila ang madalas na mga biktima ng food insecurity: walang sapat na kita para sa pambili ng kinakailangang pagkain. Narito ang kuwento ng kanilang pakikibaka. Pangaraw-araw na mamamayan na nakikipaglaban sa pang-arawaraw na pangangailangan.

E, kapag talagang wala, kumakapit sa ano, 5/6. Nangungutang ako kahit pamatay ang tubo

Tatlumpung taon na siyang nagbibigaykulay sa kuko ng kung kani-kaninong kamay at paa. Saksi ang nipper, brush, at cutex sa makulay na trabaho ni Ate Beth. Sa kabila nito, sa daan-daang kuko na nabigyan niya ng kulay, hindi naman niya mabigyang-kulay at nananatiling madilim ang kaniyang sariling buhay. Nasa P120 ang halaga ng kinikita ni Ate Beth sa loob ng isang araw, malinaw na hindi sapat upang maitawid ang kumakalam na sikmura ng kaniyang pamilya. Sa mahal ng bilihin, hindi makakasapat sa pang-araw-araw kung mananatiling kakaunti ang kaniyang costumer

“E, kapag talagang wala, kumakapit sa ano, 5/6. Nangungutang ako kahit pamatay ang tubo,” saad ni Ate Beth. Mailap para sa mga taong nasa laylayan, gaya ni Ate Beth, ang makabili ng mga pagkaing kakasya sa isang buong pamilya. Ang bawat araw ay tila isang pagsubok na kailangang malampasan, mairaos lamang ang nagugutom na tiyan. - may mga ulat nina Lorraine I. Ronda at Joyce P. Ramirez

ng handa alam ibibigay ni sa

08 lathalain Ang Kalasag
RICE INFLATION ENERO 2024 *Philippine Statistics Authority Ang mga Nasa ng Mababang nang Patas M
Karl Owen A. Larawan nina Kryz Kolyn M. Villaneza
Lumalaban 26%
M “
P250-P350 araw-araw. nagpapatahi
Kita D
Malahiblang

Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Virgen Delas

Lumalaban

nang Patas

Nasa Bingit Mababang Kita

A. Dumalaza Villaneza at Calvin Villafuerte

Bilang ng Pinoy na hindi kuntento sa pagtugon ng gobyerno sa inflation, Disyembre 2023

*Social

Nakalulusaw na Bilihin

ay malamig sa gitna ng mainit na araw.

Umuupa lamang si Mang Fernando Esperra ng bahay. Dalawampung taon na siyang naglalako ng sorbetes at mayroon siyang apat na binubuhay sa kaniyang pamilya. Matapos ang buong umaga at maghapong paglalako sa ilalim ng nakapapasong araw, pag-uwi ay may mga anak pang aasikasuhin. May pinagkakaabalahan ding trabaho ang kaniyang asawa at ang mga anak naman ay madalas dapuan ng sakit.

Kada araw, kumikita si Mang Fernando ng halos P700. Malaki man kumpara sa kinikita ng iba, madalas ay kulang pa rin ito dahil dagdag pa ang gamot na binibili sa tuwing magkakasakit ang mga anak. Nasa P300 ang nagagastos araw-araw ni Mang Fernando sa pambili ng ulam. Ngunit sa bigas pa lamang, halos kalahati na ng kaniyang kinikita ang nauubos.

ni Mang Fernando, napapalitan naman ito ng ngiti kapag isaisa nang nagtatakbuhan ang mga bata papalapit

Syempre, tuwing umuulan kahit nakapayong ako, di pa rin maiiwasang mabasa at saka madalang din ‘yung magsisilabasan dahil mababasa sila.

sa kaniya. “Kapag narinig na ng mga bata ‘yung kalembang ko, nagtatakbuhan na sila sa’kin. Masaya silang lumalapit sa’kin at nagdadala na sila ng kanikanilang pambayad,” saad ni Man Fernando.

May mga araw naman na lusaw na lusaw ang kita ni Mang Fernando.

“Syempre, tuwing umuulan kahit nakapayong ako, di pa rin maiiwasang mabasa at saka madalang din ‘yung magsisilabasan dahil mababasa sila. Kaya tuwing uulan, mababa ang benta,” kuwento ni Mang Fernando. Hirap din si Mang Fernando na pagkasyahin ang kita dahil umuupa lamang sila ng bahay. Aniya, P2500 kada buwan ang upa nila na malaking bawas sa dapat sana’y perang nailalaan niya sa gamot at pag-aaral ng mga anak. Sa huli, patuloy pa ring naglalako si Mang Fernando. Hinding-hindi malulusaw ang kaniyang sorbetes sa kabila ng nakalulusaw na bilihin.may mga ulat nina Wilianne Alyza V. Andaya, Eunice P. Dandan, at Jeriel Gab F. Pangan

Ginunting na Kita

a bawat tabas ng buhok, tila napuputol din ang naiuuwi niyang kita. Tanaw sa malapit na ilog ng Tiaong ang isang munting tahanan. Mayroon itong nagliliwanag na salamin sa harapan at isang bote na laman ang matatalas na gunting na gamit ni Kuya Danilo Rivera, 55. Isa siyang dakilang barberong masipag, mahusay, at madiskarte na hinubog ng samut-saring karanasan at hamon ng buhay. Kahit anong estilo ng buhok, kayang-kaya niyang gawin. Sa mahigit tatlong dekada na niyang hawak ang suklay at gunting,

hindi pa rin maputol-putol ang labis na kakulangan sa kita na kaniyang nararanasan. Kalimitang kitain niya sa isang araw ay P250, suwertihan pa dahil kung minsan ay wala talagang nagpapagupit. Kulang na kulang ito upang lamnan ang mga kumakalam na sikmura ng kaniyang asawa, mga anak, at apo.

Hindi sapat ang kita, kaya kailangan may iba pang hanapbuhay. “ S

“Hindi sapat ang kita, kaya kailangan may iba pang hanapbuhay. Minsan, kaunti lang ang gupit.

‘Yung pagkain lang natin sa araw-araw [ang kayang bilhin], bigas, ulam. Grocery, di ka

alawang dekada nang mananahi si Elenita Alquiroz, 54. Sa hanapbuhay na ito, nakakakain ang apat na kasama niya sa loob ng tahanan. Para kay Aling Ellen, handa syang magsakripisyo dahil alam naniniwala siyang may sukling ibibigay ang Panginoon balang-araw. Ang pagtatahing ginagawa Aling Ellen ay nagbubunga lamang kaniya ng maliit na kita. Nasa P250-P350 lamang ang kinikita niya araw-araw. Madalang na rin ang mga nagpapatahi sa kaniya ng mga damit at pa-repair. Sa mababang kitang iyon, tunay na hindi niya napagkakasya ang paggastos sa pangaraw-araw nilang pangangailangan.

“Hindi naman ako laging may tahi. Kapag may nagdadala lang, saka may tahi. ‘Yung asawa ko naman nagta-tricycle. Dati, kung kumita ako ng P1000, marami na ‘kong mabibili. Ngayon, P2500 ang kinikita isang linggo, halos wala na

‘kong mabili,” pahayag ni Aling Ellen. Labis na naaapektuhan si Aling Ellen ng pagtaas ng bilihin ang maliit na kita. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang kaniyang pananahi para sa katuparan ng pangarap ng kaniyang mga anak. - may mga ulat nina Wilianne Alyza V. Andaya, Eunice P. Dandan, at Jeriel Gab F. Pangan

Dati, kung kumita ako ng P1000, marami na ‘kong mabibili. Ngayon, P2500 ang kinikita ko sa isang linggo, halos wala na ‘kong mabili

na makakabili,” ani Kuya Dandan. Sa kabila naman ng walang pagbabagong halaga sa kita ni Kuya Dandan, siya namang tuloy-tuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Pagtaas na lalong nagpalulubog sa kanilang pamumuhay. Dahil sa tuluyang paglala ng implasyon, aniya, hirap na hirap siya na tustusan ang kanilang mga pangunahing panangailangan. Kaya kung walang gupit, walang kita. Kung walang kita, walang mabibili. Kung titingnan, isang diretsong buhok na patuloy sa pagtubo ang pagtaas ng inflation sa bansa. Kabalintinuan ng kitang kasinliit lamang ng dalawang butas sa hawakan ng isang gunting. - may mga ulat nina Kelly Monique G. Pascual, Stephan D. Salvador, at Allan James B. Villanueva

Mamad na Kamay ang Sandata

Hindi pa rin sapat kahit mamad na ang kamay. Siya si Jessita S. Lim, 65, isang lolang labandera na patuloy sa pagkuskos para sa ikagiginhawa ng kaniyang pamilya. Mahirap man ang buhay, marangal pa ring naghahanapbuhay si lola para sa dalawang taong kaniyang binubuhay sa arawan niyang kita na P400. Sa halagang ito, makabibili na si lola ng isang kilong bigas sa halagang P55 at isang kilong tilapya sa halagang P130. Sapat na para mairaos ang pagkain ng kaniyang pamilya. Para lamang ito sa pananghalian. Paano pa ang sa almusal at hapunan? Sa huli, ang mamad na kamay ni Lola Jessita ang nagsisilbing dahilan upang makatakas ang mga kumukulong sikmura ng kaniyang pamilya sa bingit ng matinding kagutuman. “Minsan, nakakaapekto sa pangangailangan namin ng pamilya ko ang pagtaas ng presyo at sa iba pang gastusin sa aming bahay. Kulang na kulang sa kinikita ko sa isang araw. Napakahirap mag-budget,” kuwento ng matanda. Sa kabila ng mamad na kamay, patuloy pa rin sa pagkuskos si Lola Jessita, dahil ang bawat kuskos, katumbas ng mga baryang maglalaman sa kanilang nagugutom na tiyan. - may mga ulat nina Andrei Neil S. Dionisio, Jester Dayne D. Estrella, at Ryuki P. Lim

“Kulang na kulang sa kinikita ko sa isang araw. Napakahirap magbudget,” “

09 lathalain
Flores High School | TOMO BLG. XIII
73%
Weather Stations
D “
M “

atlong dekada na ang nakalilipas nang magsimulang magsabit si Ednalina Castro ng papira-pirasong produkto sa harap ng kanilang tahanan. Ang pag-angat ng trapal, pagsukbit ng mga tsitsirya, at paghahanda ng mga ulam ay naging bahagi ng kaniyang buhay tuwing pagpatak ng kaumagahan.

Pagsapit ng umaga, bitbit ang isang tasa ng tsaa, katuwang ang kaniyang 85 taong gulang na ina, panibagong yugto na naman ng karanasan bilang tindera ang kaniyang haharapin. Hinihintuan at pinipilahan ang kaniyang negosyo ng karamihan dahil sa mura at abot-kayang mga produkto na nakasabit sa mga alambre at bakal. Sa edad na 55-anyos, yakang-yaka pa rin ang maya’t mayang pagsandok ng mga ulam at pagbebenta ng gatas at kape, kahit na napapaligiran ng iba pang tindahan.

Ngunit kalaunan, may mga bagong kalaban sa negosyo si Ate Edna. Di-hamak na mas malaki kaysa karaniwang tindahan. Mas marami ring pagpipiliang paninda. Hindi nakasabit, kundi nakahilera sa magagarang estante. Malamig din sa loob, presko, at pwede pang pagtambayan. Tulad ng mga sari-sari store, nagsulputan na rin sa mga kanto ang mga convenience store gaya ng 7-11, Alfamart, Minimart, at iba pa. Katulad ng mga sari-sari store, marami sa mga convenience store, magkakatabi, o magkakatapat.

Para kay Aling Edna, pinipili pa rin ng mga tao na bumili sa mga tradisyonal na tindahan dahil bahagi na ito ng kultura ng kanilang araw-araw na buhay.

“Nagsimula kami sa haluhalo, tapos nagtinda kami ng kapira-pirasong sabit-sabit. Tapos ulam, nagpapakain kami ng mga haluhalo o kaya tinapay, hanggang sa ‘yung pakonti-konti, nadagdagan nang nadagdagan,” kuwento ni Aling Edna.

Tila panibagong pakete ng karanasan ang kaniyang isinabit sa paguumpisa ng isang tindahan. Nagsimula sa harapang may espasyong maliit na naghahatid ng palamig at alaala ng mga kabataang madalas magkuwentuhan sa bangkô sa harap, hanggang sa naging mainit na lutong ulam na napupunan ang mga lamesa. Kaakibat ng sari-saring paninda ang sri-saring oras at tiyaga para kumita.

Dekada ‘90 nang magsimula si Aling Edna sa pagtitinda. Kaunti pa lamang ang tindahan noon kumpara sa ngayon. Higit na mas malaki ang kita at mas mura ang paninda.

“Bale ngayon, mas mahal ang

bilihin kaysa noong araw. Mas mahal ang mga price ng paninda ngayon, halos kalahati ang nadagdag na mga presyo ng bilihin,” saad ni Aling Edna.

Kapag nababanggit ang mga presyo ng bilihin na lumulubog sa dilim ng implasyon, hindi man mamutawi sa kaniyang bibig ang bigo, matatanaw ang lumisang ngiti sa kaniyang mukha.

“Noong araw, kunwari, kung mamimili ka ng mga P4,000 o P5,000, marami na ‘yon. E, ngayon, kaunti na lang ‘yon,” ani Aling Edna.

Para naman kay Ate Olive, 16 na taon nang may sari-sari store, naging mahina ang benta niya nang umusbong ang mga convenience store sa bawat kanto, lalo na ang karamihan dito ay maaari na

Noon, mas maganda dahil kaunti lang ang tindahan sa paligid. E, ngayon kasi, dumami na. Kumbaga, nakakasurvive pa rin, pero hindi na ganoong kalakas dati noong kaunti pa lang ang mga tindahan. So ang kita, medyo nabawasan na.

ring lakarin lamang ng kanilang mamimili. Binigyang-diin din sa kaniyang tono ng pagsasalita ang salitang balanse dahil ayon sa kaniya, ito ang magiging sikreto sa negosyo.

“Hindi nga mataas ang benta, e, mahina lang, kasi ‘di ba? Mga competitors natin ‘yan, e. Dapat moderate lang tayo. Kaya dapat balance lang, nasa gitna ka lang para hindi ka bumagsak,” sagot niya.

“Mas mabenta noon, kasi nga

Ang Sine Noon

Gunita ng Nakalipas sa Loob ng mga Stand-Alone na Sinehan

MONUMENTO NG KAHAPON. Nakatindig pa rin hanggang sa kasalukuyan ang mga gusali ng stand-alone na sinehan ng Victoria Cinema, isang malaking paalala ng isang panahong namamayagpag ang sine sa Baliwag. Kuha ni Steven Khalil Mangulabnan.

MAS MALAMIG NA KALABAN. Sa pagdami ng mga convenience store sa Baliwag, pinakanaaapektuhan ang mga may-ari ng maliliit na sari-sari store gaya ni Ednalina Castro na ilang dekada nang nagbebenta ng tingi-tinging paninda.

mas marami kaming tinda. Kompleto kami. May school supplies kami. May tsinetsinelas pa. Dati kasi, kami ng biyenan ko, katulong kami. Ngayon, solo lang ako,” dagdag pa ni Aling Olive.

Samantala, dalawang dekada nang nagbabantay ng kaniyang tindahan si Marites Vejano. Libangan lamang noong una at hindi hanapbuhay, sa katagalan, naging pangunahing pinagkukunan nila ito ng pinagkakakitaan. Para kay Aling Tess, ang sunod-sunod na pag-usbong ng mga convenience store sa paligid ang isa sa naging dahilan ng pagbaba ng kaniyang kita.

“Noon, mas maganda dahil kaunti lang ang tindahan sa paligid. E, ngayon kasi, dumami na. Kumbaga, nakaka-survive pa rin, pero hindi na ganoong kalakas dati noong kaunti pa lang ang mga tindahan. So ang kita, medyo nabawasan na,” saad niya.

Samantala, para kay Evelyn Flores, 65, 20 taon nang may-ari ng sari-sari store, nakatulong pa ang mga convenience store dahil mas lumawak ang access niya sa mga panindang ibebenta sa kaniyang tindahan.

“Mas maganda pa nga sa amin

ainit, maalinsangan, hindi konkreto ang pader. Malayongmalayo ngayon na malamig, maluwang, at malambot ang mga upuan.

Sa Lungsod ng Baliwag, nakatatak na sa alaala ng mga mamamayan nito ang anim na stand-alone cinema. Dito nila napanood ang una nilang pelikula, nakasama ang unang kasintahan, o natutuhan ang mga unang linya sa Ingles mula sa mga dayuhang palabas.

Dekada 20 nang itindig ang kauna-unahang sinehan sa Baliwag, ang Cine Gloria. Ayon kay Giovanni Labao, historyador at puno ng Sentrong Saliksikan ng Baliuag, isa ito sa “pinakapangit” na sinehan noon dahil sa pisikal na estruktura nito.

“Sawali ang pader no’n. Dinig ang palabas sa loob. May poste pa nga sa loob, apat na pole. Dati kasing stockroom ‘yon, kamalig,” ani Labao.

Ngunit ayon sa historyador, hindi ang kalidad ng mismong sinehan ang pinupuntahan noon, kundi ang mismong pelikula. Ang Cine Gloria kasi noon ang nagiisang sinehan sa lungsod na nag-aalok ng mga banyagang pelikula mula Hollywood kaya naman palaging inaabangan ang mga ipapalabas dito.

“Ang manonood, talagang pinaghahandaan ang sine. Parang kasi ngayon [sa mga mall], option na lang, e. Pupunta na rin lang ako ngayon [sa mall], nainip ka na, wala ka nang ginagawa, manonood ka na ng sine,” ani Labao.

Dagdag pa ng historyador, pinaghahandaan talaga noon ang pagpunta sa sinehan. ‘Yung iba, may dalang pagkain

Pananaig Kuwento ng sa

Sari-Saring Sari-Sari

dahil pwede kami do’ng bumili. Mababa lang naman ang presyo. Hindi katulad noon na supermarket lang pupuntahan mo, wala ka nang pwedeng ibang puntahan,” pahayag ni Aling Evelyn.

Ngunit gaya ng ibang may-ari ng sari-sari store, apektado rin ang kita ni Aling Evelyn sa mataas na presyo ng bilihin. “Dati, may tig-P40 na bigas, ‘di ba? Ngayon, mga P60 na. Hanggang dos lang pwede mong ipatong dahil kawawa naman ang konsyumer,” kuwento nito.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pananaig ng tradisyonal na tindahang Pinoy. Ayon sa pag-aaral ng analytics start-up na Packworks, umabot sa tinatayang P8 bilyon ang benta ng lahat ng sari-sari store sa bansa noong 2023. Mas mataas ito ng 21% sa naitalang P6.6 bilyong benta noong 2022.

Pinatitingkad ng mga sari-sari store ang “sachet culture” ng bansa. Sa mga tindahan lamang gaya nito pinakamalapit at pinakamabilis bumili ng mga pangaraw-araw na pangangailangan nang tingi o papira-piraso. Pwedeng bumili ng isang pirasong shampoo, kalahating kilo ng bigas, isang maliit na plastik ng asin, o isang supot ng toyo, depende sa pangangailangan at

na para bang may outing. May nagdadala pa nga raw ng kaldero ng kanin, at mga kakanin na nakabalot sa dahon ng saging. Pwedengpwedeng mananghalian at magmeryenda sa loob ng sinehan. Hindi raw kasi mahigpit noon. Pwede kang magdala ng sarili mong pagkain at kahit ilang ulit, pwede mong panoorin ang sine. Hindi ka raw palalabasin kahit gabihin ka sa loob.

May nakatutuwa pang kuwento si Sir Giovanni sa Irmen Theater, isa sa mga sinehang namayagpag sa Baliwag noong Dekada ‘70. Ito raw ang unang sinehan na nasira at nabulok ang estruktura.

According to jokes and anecdotes, ang huling pinalabas doon ay ‘Wag Lalapit, Guguho.’ Dilapidated na

Ang manonood, talagang pinaghahandaan ang sine. Parang kasi ngayon [sa mga mall], option na lang, e.

talaga ‘yung building. Nakapaskil sa labas ‘yung signage na ‘Wag Lalapit, Guguho.’

‘Yung mga tagabukid na nakakita na wala masyadong alam sa nangyayari sa bayan, ipinagkalat sa bukid. ‘Oy alam niyo ba ‘yung palabas sa Irmen? Wag Lalapit, Guguho,’” natatawang kuwento ni Labao.

Sa panahong liham ang pangunahing paraan ng komunikasyon at hindi lahat ng bahay ay may telebisyon, paano nalalaman ng mga tao kung ano ang palabas sa sine?

“Meron silang paseo, o sumasakay sa isang owner-type jeep. Tapos me trompang malaki. May mga painting sa magkabilang gilid. Hand-painted ang advertisement noon. Si Fernando Poe, idrinowing nang malaki, tapos nakadikit sa magkabilang gilid, tapos may trompang nag-a-announce na ito ang palabas ngayon,” sagot ni Labao.

Ilan pa sa namayagpag na standalone na sinehan noon ang Paulett Theater

pera ng isang Pilipino sa araw na iyon.

Batay sa pag-aaral ng Kantar, mas lumaki ang paggastos sa sari-sari store ng mga Pilipinong nasa mababang uri noong 2022. Ayon sa datos, nasa 18 beses kada buwan bumibili sa sari-sari store ang mga Pilipinong nasa Class D at E.

Bukod dito, may personal na koneksiyon ang mga mamimili sa mga sari-sari store. Karaniwang kilala ng mga mamimili ang mga may-ari ng tindahan, madalas nilang nakakakuwentuhan dahil sa madalas na pagbili rito. Kadalasan, nagiging lugar pa ng tambayan, kainan, sugalan, at inuman ang harap ng mga sari-sari store Mas mabait o maluwag ang tindera kapag “suki” niya ang bumibili. Minsan, pwede niyang pautangin dahil “suki” naman niya ito.

Sa mga deka-dekada nang tindera ng mga sari-saring paninda, tiyak na ang mga alaala simula nang isabit ang kaunaunahang paninda, at ang kumakalansing na mga baryang inihahatid sa kanila ay ‘di nabibili ng kahit anong pera. Samatanla, tayong mga mamamayan ay hindi na maiaalis ang kinagawiang araw-araw na maghintay sa pagbubukas nila.

na nagpapalabas ng mga lokal na pelikula. Samantala, sa mga stand-alone na sinehan noon, tanging ang mga gusali ng Cine Henson, Aliw Cinema, at ang Victoria Cinema ang natitira. Ang Henson ay isa nang tindahan ng bulaklak, ang Aliw ay isa nang supermarket, at ang Victoria ay isa nang paaralan.

Kahit 82-taong gulang na, matingkad pa rin sa alaala ng guro na si Gng. Epifania Santos ang mga alaala sa mga lumang sinehan ng Baliwag. Aniya, dekada ‘40 pa lamang, nasa Grade 3 o Grade 4 siya nang mapanood ang unang sine sa Laura Cinema.

“Ang Laura [Cinema], isang floor lang. Magkakasama lahat do’n. Saka ang mga upuan don’n, matitigas, parang sa simbahan. Di katulad ngayon na malalambot,” kuwento ng guro.

Kuwento pa ni Ma’am Santos, nagbabaon sila ng kanin at ulam sa loob ng sinehan.

“Nakabalot sa dahon. Yung dahon kasi, isasangag sa kalan. Bubudburan ng asin ‘yung kanin, saka ibabalot. Do’n mo kakainin sa loob,” ani Ma’am Santos. Dagdag pa niya, nilagang mani o nilagang kamote ang binabaon. Pwede rin naman daw mais, depende sa kung ano ang maaani sa bukid.

Nang namayagpag ang mga sinehan na nasa loob ng mga mall, tila naglaho na ang mga stand-alone na sinehan. Mas malamig, mas komportable ang upuan, at higit sa lahat mas de-kalidad ang mga gamit ng mga sinehang ito. Mas maganda rin ang kalidad ng video at audio

“Pinatay ng mga mall ‘yung stand-alone, [kasi] sa mall, nakapamasyal ka na, nakapanood ka ng sine,” pahayag ni Sir Giovanni.

Malamig, maaliwalas, konkreto ang pader. ‘Yan ang katangian na ngayon ay tinatangkilik ng masa. Mas high-tech at mas maganda ang magiging karanasan mo, walang harang na poste na sasagabal sa iyong panonooran, wala ring init o alinsangan na mararamdaman. Wala ring makakasilip na nasa labas at mananatili ang tunog sa loob ng kwarto.

Ilang dekada nang walang stand-alone na sinehan sa Baliwag, ngunit mananatili pa rin sa gunita at alaala ng mga taong ilang dekada ring nanood ng sine sa loob ng mga ito.

10
lathalain
Dhericka Shayne B. Apondar at Sheena Nicole R. Marquez Larawan ni Steven Khalil SJ. Mangulanan
“ “ M
T
Princess Rihanna S. Estigo Irmen Theater, circa 1970. Larawan ni Eduardo De Leon. Epifania B. Santos, teacher, Baliwag Polytechnic College

Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Virgen Delas Flores High School | TOMO BLG. XIII

Sa tago’t liblib na dulo ng Brgy. Tiaong, matatagpuan ang ilog na madalas na dinadayo’t ginagawang pasyalan. Sa kabila ng maganda’t payapang tanawin, paminsan-minsan, malalanghap ang hangin ng panganib na nagbabagonganyo sa mga nakangiting labi patungo sa sigaw ng pagsaklolo.

Nag-umpisa sa tawanan at hagikgikan, magtatapos palahaw at iyakan.

Kasabay ng pag-agos ng tubig, ang walang katapusang pagtulo ng mga luha sa mga matang naghahanap ng kasagutan. Ano nga ba ang misteryong bumabalot sa ilog? Ano ang katotohanan sa likod ng magandang tanawing ito? Ano ang makapangyarihang pwersa na dala ng mga agos ng tubig na humihila’t nagbabaon pababa sa mga tao?

Ilang taon at dekada na ang binilang mula noong sakupin ng misteryo ang ilog sa Tiaong. Paanong taon-taon ay may nawawalang taong naliligo rito at lulutang na lamang na wala nang buhay? Diver, dayo, bata, matanda, at maging dalaga’t binata ang ilan sa mga hinigop paibaba at lumandad na hindi na humihinga. Buwis. Matagal nang pinaniniwalaan ng mga residente ng Tiaong na ang mga taong nalulunod sa ilog ay isang anyo ng pagbubuwis. Sa kung saan, o sa kung kanino nagbubuwis, marami ang hindi tiyak ang sagot. Kada taon, anila, may “nagbubuwis” o nalulunod na karaniwang “dayo,” o mga taong mula sa labas ng barangay. Ang sunod-sunod na pagkalunod at pagkamatay ay nagtanim ng pangamba sa isipan ng mga dumarayo’t nakatira rito. Sino ang kasunod?

Para kay Lola Carmen Frago, 77, ilang dekada nang naninirahan sa tabi ng ilog, isang umaawit na sirena at misteryosong kuweba umano ang sinasabing dahilan ng mga nalulunod sa ilog.

“Nakikita ng mga mangingisda na may sirena d’yan, umaawit sa hapon o gabi. ‘Yung diver na taga-Maynila. Nalunod siya, kumutkot siya nang kumutkot kasi may kwebang maliwanag daw, hinihila siyang papasok. Ang mga kuko niya, halos natanggal. Nakaligtas naman kaya naikuwento niya,” ani Lola Carmen.

“Taon’-taon ‘yan. Hindi nga namin alam kung bakit nga nagbubuwis. Kung minsan, ga-graduate na lang ng Grade 6 o 4th Year, d’yan nalulunod,” dagdag pa ng matanda.

Patunay pa ni Lola Carmen, palaging dayo o mula sa ibang barangay ang mga nalulunod sa ilog. Aniya, marami nang nalunod na mga kabataan dahil sa

Kababalaghan o Kapabayaan?

Ang Misteryo sa Likod ng “Pagbubuwis” sa Ilog ng

Tiaong

paglalaro, paliligo, o dahil hindi nila alam ang agos ng katubigan. Palagi rin daw nilang pinapaalalahanan ang mga dayo na bumibisita sa ilog.

Nakikita ng mga mangingisda na may sirena d’yan. ‘Yung diver na taga-Maynila. Nalunod siya, kumutkot siya nang kumutkot kasi may kwebang maliwanag daw, hinihila siyang papasok.

BUHÁY sa KULAY

Preserbasyon sa Kasaysayan at Tradisyon

Jaymie E. Dela Cruz, Karl Owen A. Dumalaza, at Sophia Marie B. Tan lamang, nauwi sa pagkakaroon ng isang tunay at maipagmamalaking talento ang pagsuong ni Kyle sa mundo ng sining.

akabubuhay ang kulay.

Sining ang isa sa patuloy na bumubuhay sa ating kultura at kasaysayan. Sa bawat hagod ng pinsel, sa malamig man na pader o sa magaspang na kambas, nabubuo at napepreserba ang kuwento ng isang lungsod na isinilang mahigit tatlong siglo na ang nakalilipad.

Iba’t ibang anyo ng sining ang nagiging daan upang ipalaganap ang angking mga talento ng bawat Pilipino. Musika, literatura, sining biswal, at teatro ang sama-samang bumubuo upang maipahayag ang saloobin at karanasan kaugnay ng ating kultura at kasaysayan. May napakalaking ginagampanan ang sining lalo na kung kultura at kasaysayan ang pag-uusapan. Nagiging makulay na larawan ito ng kuwento ng ating lahi.

Dalawang alumni ng Virgen Delas Flores High School ang aktibong nakikilahok sa pagpipinta ng kultura ng Baliwag sa mga pader, poste, at estruktura sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Dalawang taon nang aktibo sina Nathaniel Lopez at Kyle Jericho Biscayno sa PintaKaSi o Pintahan sa Kalye para sa Sining Baliwagenyo. Proyekto ito ng lokal na pamahalaan para mapintahan ng makukulay na mural ang mga pampublikong espasyo upang ipakilala ang mga natatanging Baliwagenyo at mayamang kasaysayan at kultura ng lungsod.

Murang edad pa lamang ay lapis na pangguhit na ang palaging hawak ni Nathan. Nakikilahok siya sa iba’t ibang patimpalak at ipinamamalas ang taglay na husay sa pagguhit at pagpipinta.

“Bata pa lang kasi ako, nagdodrawing-drawing na ‘ko. Sumasali ako sa editorial cartooning. Natuto ako magportrait, gumawa ng komisyon, graphite, charcoal realism, hanggang sa college, senior high. Ayun, nahubog na ako sa ibang klase ng arts na iba-iba ang style,” kuwento ni Nathan.

Nagsimula naman sa pag-aaya ng kaibigan at sa umpisa’y parang libangan

“Sama lang kasi ako nang sama.

Grade 9 niya [Nathan] ‘ko sinama no’n sa Guhit Pinas Baliwag. Tinuruan kami magpaint do’n at sumama sa ibang artists. ‘Di ko akalain na ‘’yun na pala ‘yung start ng journey ko na sa kakasama ko e natuto ako nang natuto,” pahayag ni Kyle.

Naging mas malawak ang mundo ng sining para sa dalawa nang maging kabilang sila sa anim na fellow ng Ico and Lety Cruz Artist Residency noong Pebrero. Katuwang ang Baliwag Tourism Office, layunin ng artist residency program na magkaroon ng espasyo ang mga lokal na visual artist para mahasa at mapaunlad pa ang kanilang talento sa ilalim ng mentorship mula sa mga senior artist, curator, cultural worker, at iba pang creatives

“Tinuro sa amin kung paano pumasok sa industriya ng sining, kung paano pumasok art scene. Pati art restoration natutuhan namin saka pagiging art critic,” wika ni Nathan.

Sa loob ng dalawang buwang residency, lalong namukadkad ang kanilang talento dahil binigyan sila ng kalayaan na ipinta ang anumang naisin nila batay sa kanilang bisyon, estilo, at pangarap.

Katunayan, ani Kyle, napakalaki ng tulong ng mga art residency at ng PintaKaSi sa pagsibol ng art community sa Baliwag. Bagaman may mga lokal na visual artist sa lungsod, tila hindi pa aniya naaabot ng mga programang ito ang ibang lokal na pintor bukod sa mga nakakasama nila sa mga lokal na programa.

Sa kabilang banda, para kay Nathan, napakalaki ng ginagampanang tungkulin ng sining para sa isang pamayanan.

“Ang art, pwedeng gawing political. Kung meron kang message na gustong iparating pero di mo ma-express sa words, pwede mong gawin sa art. Hindi lang ‘to basta drawing lang. May mensahe

“Sinasabi namin sa kanila, ‘ingat kayo ha, kasi wala pang nagbubuwis,’” kuwento ng lola.

Para naman kay Lolo Armando Sto. Domingo, 76, bata pa lamang siya ay mga dayuhan na talaga ang mga nalulunod sa ilog. Aniya, siya mismo ay muntik nang malunod sa ilog.

“May nagpaputok ng baril. May lumutang na malaking isda. Nilangoy ko. Sabi ni Tatang, ‘Itapon mo nga ‘yan at mamamatay ka d’yan.’ No’ng itapon ko, lumubog ako. Parang may nakahawak sa paa ko na pumipigil. Sabi ko, ‘Diyos ko, kayo na po ang bahala sa buhay ko,’” salaysay ni Lolo Armando.

Kung ang matanda ang tatanungin, ang pabago-bagong lalim ng ilog ang dahilan kung bakit maraming nalulunod dito, bata man o matanda.

“Kapag lalakad ka, ang babaw, hanggang tuhod. Tapos bigla ka namang lulubog. Kapag di ka sanay maglangoy, malulunod ka talaga,” ani Lolo Armando. Ayon pa sa dalawang matanda, maraming tao ang hindi naniniwala kahit na binalaan at patuloy pa rin sa paliligo. Lumipas ang mga taon na nakasanayan na rin ang taon-taong may “nagbubuwis” sa ilog. Ngunit ang katanungan, totoo bang may mga misteryosong sirena at kuweba na nagkukubli sa kailaliman ng ilog?

Kapabayaan o kababalaghan?

May ibang kasagutan si alyasLola Millet. Aniya, walang misteryo ang ilog. Ang pagiging nakakamamatay nito ay bunga ng kapabayaan ng tao.

“Dati mababaw lang ‘yan. Noon patawid-tawid lang. E, noong nagkaroon ng isang opisyal dito, nagkaroon siya ng manugang na walang gusto kung hindi pera. Pinahukay nang pinahukay ‘yung ilog, kinombeyor para kumuha ng buhangin. Lumalim siya nang lumalim,” salaysay ni

Katunayan, si Lolo Armando ay isang buhay na patunay sa paghuhukay ng buhangin noon sa ilog. Isa si Lolo Armando sa mga naghukay ng buhangin sa ilog at dinadala sa mga conveyor na nagbabagsak naman sa mga ito sa isang trak.

“Ang bayad sa’kin sa isang trak ng conveyor, P5. E, nakakasitenta trak ako sa isang maghapon,” kuwento pa ng lolo.

Sa pagdagsa ng mga kabataan, ang pagtatampisaw at harutan ay minsang nauuwi sa nakapaninindig-balahibong karanasan. Kung minsan, nauuwi ito sa trahedya na nagpapadagdag sa istoryang at mitong nabubuo sa ilog. Kung totoo nga ang hinaing ng ilang mga residente, ang hilaw na programa ng nagpahukay noon ang salarin sa patuloy na pagkuha o “pagbubuwis” ng buhay na nangyayari dito taon-taon.

Tuwing bibisita sa isang dipamilyar na lugar, kilalanin muna ito. Alamin ang kasaysayan nito. Higit sa lahat, mag-ingat sa mga panganib na hatid nito.

Ang boring ng mundo kapag walang art. Halos lahat ng bagay, nagsisimula ‘yan sa art.

to,” pahayag ni Nathan.

Marami pa ring mga patay at bakanteng pader sa mga pampublikong espasyo sa Baliwag. Naghihintay lamang ito ng mga katulad ng mga lokal na visual artist gaya nina Nathan at Kyle para mabigyangkulay ang mga ito.

Sa hagod at kumpas ng kanilang mgan kamay, naisisilang ang isang nakamamanghang likhang-sining na naglalaman ng pamanang kuwento at kultura ng dakilang lungsod ng Baliwag.

Sabi pa nga ni Nathan, “Ang boring ng mundo kapag walang art. Halos lahat ng bagay, nagsisimula ‘yan sa art.”

Ilan sa mga pintang sining na nalikha nina Lopez at Biscayno sa Ico and Lety Cruz Artist Residency.

11 lathalain
Lola Millet. Sheena Nicole R. Marquez, Dhericka Shayne B. Apondar, Manilyn T. Rivera, Lyka Eunice S. Lopez, at Aniah Suzette T. Santiago
NAGBUBUWIS. Para sa mga residente ng Tiaong, taon-taon, may “nagbubuwis” o nalulunod sa ilog na ito. Karaniwan umano itong mga dayo o tagalabas na hindi tunay na nakikilala ang ilog na kanilang tinatangkang languyin. Kuha ni Jhiro R. Martinez.
N
KULTURA SA PADER. Kabilang sina Nathaniel Lopez at Kyle Biscayno sa nagpinta ng mural na “Mga Pamana ng Baliwag” na nagtatanghal sa mga pamanang estrukstura gaya ng Lumang Munisipyo, Simbahan ng San Agustin, at Baliwag Clock Tower, gayundin ang sumbalilong buntal na naging simbolo na ng Baliwag. Kuha ni Steven Khalil Mangulabnan. BISCAYNO LOPEZ

aragdagang kita, mas murang puhunan, at panimula sa pagnenegosyo ng sariling aning palay ang mga benepisyo ng mga magsasakang Baliwagenyo mula sa bagong-tayong Baliwag City Rice Mill and Dryer Facility ayon sa City Agriculture Office.

Ayon kay OIC City Agriculture Officer Elenita S. Hernandez, nakaugnay ang nasabing pasilidad sa programa ng Department of Agricultre (DA) na BuyANIhan kung saan naglaan ang lokal na pamahalaan ng P10 milyon para sa libreng pataba at binhi sa mga magsasaka.

“Wala na halos silang magiging gastos. ‘Yung mga kasali sa program na ‘yun, bukod sa pataba at binhi na makukuha nila, ‘yung aanihin na palay ay bibilhin ng local government. ‘Yung presyo ng palay, mas mataas ng P2 sa farm gate price,” paliwanag ni Hernandez. Pilot testing ng programa

Samantala, sa mga magsasaka na hindi kasali sa programa, maaari aniya silang magpaproseso ng palay sa pasilidad nang kalahati lamang ang babayaran.

Dagdag pa ng City Agri Officer, sa pilot testing ng kanilang programa, inilahok ang 100 magsasaka na nagsasaka ng 100 ektarya ng lupa sa mga barangay ng Calantipay, Pinagbarilan, Matangtubig, Catulinan, Tarcan, at Tilapayong.

Sa kabilang banda, hindi naman aniya binabalak ng lokal na pamahalaan na ibenta ang mga palay na bibilhin mula sa mga magsasaka, sa halip, ay gagawin itong ayuda sa mga panahon ng trahedya o sakuna.

“Lahat ng aanihing palay, do’n gigilingin. Do’n din iimbak. Ang plano ng local government, ‘yung maaani do’n ay ipamamahagi naman sa mga nangangailangan na constituents natin dito sa Baliwag,” ani Hernandez.

Baliwag Premium Rice

Sa kabila nito, aminado si Hernandez na kapag lumawak ang saklaw ng programa, maaari na nilang ipagbili ang bigas na maaani upang maging sustainable ang programa.

“Iba-brand siya as Baliwag Rice o premium rice. Palaki nang palaki, may posibilidad na magkaroon tayo sa susunod na Baliwag Premium Rice,” ani Hernandez.

Aniya, mas mura at magandang klase ito kaysa mga regular na bigas na mabibili sa merkado.

“Malambot, may lasa, matamis siya, madulas, madaling isaing. Nandoon

AGRIKULTURA

Benepisyo ng Baliwag Rice Mill and Dryer Facility

MURANG

po lahat ang katangian ng isang Pilipino na maselan sa bigas. Maaaari ding mas mababa ang presyo nito dahil direkta na itong ibebenta sa local government,” saad ni Hernandez.

Paraan sa pagnenegosyo

Aniya, kung matutuloy ang branding ng bigas, maaari nitong masaklaw ang lahat ng mga magsasaka sa buong Baliwag. Maaaari din aniya na sa lokal na pamahalaan na rin bumili ng bigas ang iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dagdag pa ni Hernandez, kung magsisimula na ang rice processing center, maaari na ring inegosyo ng mga magsasaka ang palay na sarili nilang inani.

“Kasi po, mura lang do’n. Meron po kaming dryer do’n saka kiskis. Kung sila ay natatakot sa panahon ng tag-ulan– Karaniwan, kaya ibinebenta, di nila kayang ibilad dahil walang init ng araw. Magagamit nila ‘yung rice processing center, may kakayahan na silang mag-imbak ng kanilang inani at iproseso, maging bigas. Ngayon, pwede na nilang ibenta. Kasi kaya namumura

ang kanilang produkto, kasi outright, pagkaani, ibebenta na nila,” saad ni Hernandez.

Naipatayo ang Baliwag City Rice Mill and Dryer Facility

Maging dalubhasa sa agham ang Floreskan

Sa kabila ng kawalan ng special science class, isinusulong pa rin ng Virgen Delas Flores High School (VDFHS) ang pagpapalakas ng edukasyon sa Science, Technology, Engineering, and Math (STEM) sa pagtatatag ng isang specialized science education program

Sinimulan nitong Setyembre

2023, layunin ng proyektong STEM Elite Group na pumili ng isang grupo ng mga mag-aaral na may potensiyal na maging mahusay sa larang ng STEM upang patuloy pang hasain ang kanilang kasanayan sa pamamagitan ng mga espesyalisadong klase at palihan sa agham.

Ayon kay Mon Eric A. Lomeda, proponent ng programa, ilalantad ang mga mag-aaral sa mga advanced na konsepto at kasanayan sa STEM gaya ng Arduino technology mobility methods, at project planning na magagamit ng mga kalahok sa kanilang pag-aaral o trabaho sa hinaharap.

BALITANG IGLAP

Janrenz Carlo M. Cruz Nadiskubreng exoplanet, lampas na sa 5,500

Kinumpirma ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na umabot na sa 5,502 ang nadiskubreng exoplanet sa santinakpan matapos matuklasan ang anim na exoplanet noong Agosto. Ang exoplanet ay isang planeta na matatagpuan sa labas ng Solar System. Isa sa mga natuklasang exoplanet ang HD 36384 na 40 beses na mas malaki sa ating araw.

Modernong tao, nakarating sa TSA 80k taon na ang nakalilipasmga siyentista

Natuklasan ng isang grupo ng mga siyentista na nakarating na ang mga modernong tao sa Timog-Silangang-Asya (TSA) 86,000 taon na ang nakalilipas matapos matuklasan sa Tam Pà Ling, isang kuweba sa Laos, ang isang piraso ng buto sa hita na ganito ang tanda. Mas matagal ito nang 20,000 taon sa dating pinaniniwalaang panahon ng pagdating ng homo sapiens sa TSA. Batay sa mga pagaaral, pinaniniwalaan na nag-evolve ang mga homo sapiens sa Africa 300,000 taon na ang nakalilipas at nagsimulang dumayo sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa nakaraang 100,000 taon.

Intelligent life, napatunayan na sa mga daga?

sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, Department of Public Works and Highways, at ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization.

Napatunayan ng mga siyentista na kayang bumuo ng mga mental na imahe o may kakayahan sa imahinasyon ang mga daga, batay sa isang pag-aaral na nailathala sa Science noong Nobyembre. Gamit ang isang espesyal na makina, natuklasan ng mga siyentista na kayang isipin ng mga daga kung saan nila gustong pumunta upang makakuha ng gantimpala. Gaya ng mga tao, nagagawa ng mga daga na magplano at pagisipan muna ang isang bagay bago gumawa ng aksiyon.

Dagdag pa ni Lomeda, matututuhan din ng mga mag-aaral sa specialized science class ang basic improvisation to advanced robotics, experimentation, at prototyping na maaari nilang ilapat o gamitin sa iba’t ibang sitwasyon sa kanilang buhay. Isinasagawa ang mga klase ng STEM Elite Group sa SCIENCE Hub, isang espasyong makerspace sa loob ng paaralan kung natututo ang mga magaaral sa pamamagitan ng pagbabahagi, pagtuklas, at kolaborasyon sa tulong ng iba’t ibang kagamitan at instrumento na makikita rito.

Nakaangkla rin ang mga specialized science class sa design thinking. Ayon kay Lomeda, isa itong dulog sa pagkatuto at edukasyon na may hakbang gaya ng pagtukoy sa problema, pananaliksik at paghahanap ng impormasyon, pagbuo ng mga posibleng solusyon, at pagsasagawa ng eksperimento at testing upang masubok ang solusyon.

Binubuo ang STEM elite ng 90 mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 10 at isasagawa nang anim na linggo mula Enero hanggang Marso.

12
ag-tek Ang Kalasag
STEM
Mas malaking kita
magsasaka
Target ng STEM Elite:
Nathalie Yvon S. Salgado
sa
- City Agri Wilianne Alyza V. Andaya GASTOS. Mas malaki ang kikitain ng mga magsasakang Baliwagenyo kapag sa Baliwag City Rice Mill and Dryer Facility sila nagpatuyo at nagpakiskis ng inaning palay dahil sasagutin ng lokal na pamahalaan ang kalahati ng kanilang babayaran, ayon sa Baliwag City Agriculture Office. Kuha ni Calvin Villafuerte. Larawan mula space.com. HD 189733 b
K
PAGTUKLAS AT KOLABORASYON. Sa mga sesyon ng Specialized STEM Education Program ng Virgen Delas Flores High School, tinuturuan ang mga mag-aaral na lumikha at magmanipula ng mga prototype mula sa iba’t ibang materyales sa gabay ng kolaboratibong dulog sa pag-aaral. Kuha ni Mon Eric A. Lomeda.

Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Virgen Delas Flores

EDITORYAL

Pahalagahan ang bawat butil

akababahala ang katotohanang milyong-milyong piso ng halaga ng kanin ang nasasayang-arawaraw sa kabila ng milyong-milyong Pilipino ang nagugutom araw-araw.

Nakapanghihinayang ang sinasayang ng mga Pilipino. Ayon sa Food Consumption Survey ng Department of Science and Technology–Food and Nutrition Research Institute (DOSTFNRI), 39% ng pamilyang Pilipino ang may natitirang kanin sa kanilang hapagkainan. Dagdag pa rito, bawat Pilipino ay nagsasayang ng isang kutsarita ng kanin kada araw, o katumbas ng P23 milyong halaga ng kanin sa buong bansa.

Kabalintunaan na ang isang bansang may mataas na kaso ng pagkagutom sa mga mamamayan nito ang siya ring bansang may mataas na kaso ng pagsasayang ng pagkain. Sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Disyembre 2023, nasa 12.6% ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom sa nakaraang tatlong buwan. Kabalintunaan din na ang bansang nag-aangkat pa ng bigas sa gitna ng nakapanlulumong epekto ng Rice Tarrification Law sa kita ng mga Pilipinong magsasaka ang siya ring walang pakundangan sa pagtitira ng kanin.

Ang pagtitipid sa bawat butil ng kanin ay labis na makatutulong sa suliranin ng food insecurity ng bansa. Sa ulat ng United Nations, nasa 51 milyong Pilipino ang nakaranas ng katamtaman hanggang malalang food insecurity mula 2020 hanggang 2022, ang pinakamataas na bilang sa buong Timog-Silangang

Asya. Kung matitipid ang milyonmilyong piso ng halaga ng kanin na PANUKALANG INOBASYON

OCTASENSE:

nasasayang araw-araw, maaaring malutas ang akses sa kakulangan ng bigas na nagpapataas sa presyo nito. Mas mababa ang presyo ng bigas, mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng akses dito.

Samantala, dapat nang maisabatas ang matagal nang nakabinbin na Senate Bill No. 240 o ang Zero Food Waste Act of 2022. Mahusay ang inilalatag nitong plano na pagsamasamahin ang pwersa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa pagbuo ng isang National Zero Food Waste Campaign para pataas ang kamalayan ng mga Pilipino laban sa pagsasayang ng pagkain at sa mga konkretong hakbang sa pag-iwas nito. Bukod dito, natumbok din ng panukalang-batas na mahalaga ang gagampanan ng Department of Education sa pagpapayaman ng kurikulum tungkol sa sitwasyon ng food waste sa mundo at sa bansa, at sa pagtuturo sa mga mag-aaral tungkol sa mga paraan sa pag-iwas sa tirang pagkain.

Higit sa lahat, ang disiplina at pagtitipid ay nagsisimula sa loob ng tahanan, sa harap ng hapag-kainan. Mahalaga na magplano kung gaano karami ang lulutuin, alamin ang serving size ng bawat miyembro ng pamilya, at muling lutuin ang mga tirang pagkain, gaya ng pagsasangag sa mga natirang kanina. Higit sa lahat, makabubuting ipamahagi na lamang ang mga natira o sumobrang pagkain, imbes na itapon o hayaang nakatiwangwang at mabulok sa refrigerator

Microplastic, natagpuan sa bangus; Kontaminadong isda, ligtas pa ring kainin - BFAR

Sa bawat butil naisasalba sa hapag-kainan, katumbas ito ng bawat Pilipinong natutugunan ang pangangailangan ng tiyan.

Isang Micro-controlled Floating Plastic Detector

Jim Mark R. Saplan

Ilustrasyon ni Angelo Justin C. Villanueva

Sa pagdaan ng panahon, lalong tumitindi ang banta ng plastic pollution sa buong mundo. Ayon sa datos ng National Geographic noong 2023, walong milyong tonelada ng plastik ang napupunta sa karagatan mula sa mga baybaying bansa. Sa Pilipinas na isang arkipelago, hindi maitatangging ang bansa ay umaasa nang malaki sa coastal at marine resources nito. Ngunit, ang mga likas yamang ito ay apektado ng mga plastik na mas pinalalala pa ng kaugalian ng mga Pilipinong bahagi na ng kultura at pamumuhay ang paggamit ng mga produktong nasa plastik. Kaugnay nito, nakabuo ang mga mag-aaral sa Grade 10 na sina Jim Mark R. Saplan, Angelo Justin C. Villanueva, at Rochell L. Lacandula ng isang panukalang inobasyon na tutugon sa problema ng plastik na basura sa mga yamang tubig. Ito ang Octasense: A Micro-controlled Floating Plastic Detector na nagwagi ng ikalawang pwesto sa STEMAZING (A Competition of Science, Technological, and Mathematical Outputs) sa Division Festival of Talents, Abril 15. Nauna nang isinagawa ng ALSEAS, isang commodity trading firm sa Pakistan ang isang plastic collector, ngunit may mga aspeto ito na maaari pang i-upgrade. Ang Octasense ay mayroong Arduino, motion sensor, 360 camera, GSM Module, at GPS tracker. Ginamit ang Arduino Uno technology sa inobasyon upang magsilbing utak at systematic controller ng lahat ng features nito. Layunin din nitong magbigay-

utos o command sa bawat kilos ng robot. Ang motion sensor naman ang magsisilbing mga mata at pandama ng robot upang lumapit ito sa plastik na lulutang-lutang sa paligid nito. Maaari ding bantayan ng Octasense ang paligid upang mahuli ang mga nagtatapon ng basura dahil sa 360 camera nito. Sa kabilang banda, ang GSM module at GPS Tracker ang magsisilbing bibig ng robot. Ito ang magpapaalam sa surveillance personnel kung ano ang lagay ng mismong inobasyon. Maaari itong magpadala ng text sa cellphone ng mga tauhan sa command center kapag puno na ng basura sa loob ng net at kailangan nang linisin, ipaalam na may nagtapon sa paligid nito, at sabihin kung nasaan ang lokasyon nito.

Ipapakawala ang apat na unit ng Octasense sa mga kanal, patubig, o ilog. Kapag naka-detect ng lumulutang na plastik ang robot, gamit ang mga water turbine nito, agad na pupunta at sasalikupin ng mga ng mga net tentacles nito ang kalat. Mayroong walong tentacles ang Octasense upang mnas marami ang kapasidad ng basurang makukuha nito. Kapag puno na ang apat na parte ng net tentacles, agad na magbabato ng lambat sa bahagi na puno na ang nahakot na basura.

Maaari namang kontrolin ang Octasense upang pumunta sa gilid ng katubigan upang madaling makuha ang mga basurang nalikom nito.

Sa pamamagitan ng Octasense, mapananatili ang kalinisan sa mga lokal na patubig, kanal, at ilog upang maagang maagapan at makolekta ang mga lumulutang na plastik bago ito maging bara at bago makarating sa karagatan.

Nadiskubre ng mga siyentista ng Department of Science and Technology-National Research Council of the Philippines (DOSTNRCP) na mayroong mga piraso ng microplastic ang mga bangus mula sa iba’t ibang sapa sa Mindanao, ayon sa isang pag-aaral.

Batay sa pananaliksik na pinangunahan ni Dr. Rey Y. Capangpangan, nakumpirma na microplastic ang 61% ng 383 butil na natagpuan sa sikmura ng 30 bangus.

Ang microplastic ay maliliit na butil na hindi lalaki sa limang milimetro at nagmumula sa pagkasira ng malalaking piraso ng plastik.

Ayon kay Capangpangan, hindi pa magagawang suriin ang panganib ng microplastic sa pagkain dahil sa kawalan ng datos sa pagiging nakalalason ng maliliit na butil na ito.

Nakapagbibigay aniya sa mga isda ng pakiramdam ng pagkabusog ang mga microplastic

na maaaring magsanhi para hindi sila kumain at mabawasan ang sustansiya para sa normal na paglaki.

Ligtas kainin

Samantala, tiniyak naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas pa ring kainin ang mga bangus na kontaminado ng microplastic

Batay sa BFAR, wala pang konkretong ebidensiya na may negatibong

epekto ang pagkain ng microplastic sa kasalukuyang lebel ng kontaminasyon nito na matatagpuan sa mga isda gaya ng bangus.

Dagdag pa ng BFAR, ligtas kainin ang bangus lalo na kung sariwa ito at maayos ang pagpoproseso at pagluluto.

Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO) nitong 2022, kasalukuyang may limitadong ebidensiya na nagsasabing may masamang epekto sa kalusugan ang microplastic

piraso ng sachet na nagagamit sa Pilipinas kada araw

13 ag-tek
| TOMO BLG.
High School
XIII
KALUSUGAN Andrei Neil S. Dionisio
163 milyon
PANGUNAHING PAGKAIN. Ayon sa isang pag-aaral ng DOST-Food and Research Institute noong 2018, lumalabas na sa isang taon, kumakain ang isang Pilipino ng tinatayang 3.7 kilo ng bangus, isang produkto na madaling nabibili sa mga palengke. Kuha ni Calvin Villafuerte. N
Pinagkunan: World Bank

Itinadhana sa Agham

Jeriel Gab F. Pangan at Kelly Monique G. Pascual

indi ito ang una niyang gusto. Ngunit tadhana na yata ang nagdala sa kaniya rito.

Naligaw siya sa tinahak niyang landas dahil sa kawalan ng pagpipilian. Sa hindi inaasahang pangyayari, isa na ngayong matagumpay at propesyonal na Chemist si Norshida T. AlimodenIbrahim, graduate ng Virgen Delas Flores High School noong 2009. Isang kababayang Muslim, matagumpay niyang natapos ang kursong BS Chemistry at mula noon, sa agham umikot ang karera ng kaniyang buhay.

Sa katunayan, hindi ito ang kursong kaniyang pinangarap at hinintay na makamit. Ngunit nagmistulang isang pagpapala ang hindi inaasahang pangyayari. Ang kolehiyo kasi na kaniyang pinasukan noon ay walang kursong Accountancy kaya nauwi siya sa kursong BS Chemistry. Sa kabila nito, nagpursigi siya lalo’t may mataas na pangarap siya para sa sarili at sa kaniyang pamilya. Hindi niya maiwasang isipin kung paanong ang mga pira-pirasong palaisipan noon na namumuo sa munti niyang isipan ay unti-unti nang nabubuo. Pinaghugutan niya ng lakas ng loob kung gaano niya kagusto ang asignaturang Agham noong hayskul pa

IMBENSYON

siya. Tinuruan siya nitong magtanong, tumuklas, at suriin ang mga bagay-bagay sa kaniyang paligid. Nagsimula ang karera ni Norshida sa Chemistry nang maging analyst siya sa Pascual Laboratories, Inc. sa Balagtas Bulacan. Dito, sinusuri at inaaral niya ang iba’t ibang klase ng gamot bago ito sumailalim sa produksiyon at ilabas sa merkado. Sinusuri niya kung tama ba ang dosage ng mga gamot na ito at kung ligtas at puwede na ba itong inumin ng tao. Paglaon, lumipat naman siya sa isang food company sa Bustos, Bulacan. Gumagawa siya rito ng mga constarch at corn oil. Sinisiguro niya na nasa standard o tama ang mga content na nakalagay sa mga pagkaing kanilang pinoprodyus. Taong 2018 nang magsimula si Norshida na maglingkod sa pamahalaan. Naging Science Research Specialist siya sa Department of Science and Technology (DOST) Calabarzon. Dito inatasan siya bilang isang Central Laboratory Supervisor. Mas lumalim at nahubog ang kaalaman ni Norshida nang lumipat siya dito sapagkat iba-iba na ang kanilang mga sinusuri gaya na lamang ng mga pagkain, tubig, at mga kagamitan.

Pangunahing niyang trabaho ang pagsasagawa ng analysis sa iba’t ibang raw at

Maliit na Palawit, Malaki ang Gamit

as pinaliit, para sa mas madaling paggamit.

Tila laruan lamang sa unang tingin. Maliit at kasyang-kasya sa palad. Pwedeng gawing palawit sa bag o sa wallet Sinong mag-aakalang ang maliit na palawit ay isa palang microscope na maaaring gamitin kahit sa loob ng tahanan?

Hindi biro ang hirap ng mga guro at estudyantena pag-aralan ang agham nang kulang ang mga kagamitan sa laboratoryo. Marami pa ring mga mag-aaral ang walang akses sa isang maayos na laboratoryo, lalo na sa mga pampublikong paaralan. Ito ang problemang tinutugunan ng Pilipinong imbentor na si Jeremy De Leon, nagtatag ng JereMake na gumagawa ng Make-roscope Keychain, isang mura at maliit na alternatibo sa mga microscope

Katulad ng isang microscope, may kakayahan din ang Make-roscope na silipin ang isang napakaliit na mundong hindi kayang makita ng mga mata. Kayang i-magnify ng Make-roscope ang camera ng isang smartphone o tablet nang 125 hanggang 400 beses. Mayroon din itong specimen slides, pipettes, tweezers, at tubes sa loob ng kalidad nitong lalagyan. Murang-mura rin ito kumpara sa regular na microscope. Abot-kaya ng mga magaaral at ng mga paaralan ang halaga nito na nasa P549 at maaaring mabili sa mga online platform

Nagsimula ang Make-roscope Initiative noong 2021 nang i-post ni Jeremy ang prototype nito sa Tiktok. Nagwagi ito ng unang gantimpala sa #PinoyInnovator TikTok Challenge ng Department of Science and Technology (DOST). Ginamit ni Jeremy ang P25,000 premyo para patuloy pang i-develop ang Make-roscope. Dito rin umusbong ang kaniyang dakilang adbokasiya: ang mamahagi ng 1,000 Makeroscope sa mga guro at paaralan sa buong bansa.

Nang makita ang positibong epekto ng kaniyang imbensiyon sa pagaaral ng science, technology, engineering,

processed foods upang matukoy kung nagtataglay ito ng karne ng baboy at alcohol, at nang ma-verify kung ang isang pagkain ay maaaring kainin ng mga kapwa niya Muslim.

Nag-develop din siya ng isang pamamaraan para sa meat authenticity. Noong pandemya, nagsagawa rin siya ng percent alcohol analysis dahil in-demand noon ang mga sanitizer at disinfectant.

Sa DOST Calabarzon, nagsagawa siya ng advanced technique in testing sa mga laboratory equipment na nagkakahalaga ng P21 milyon. Aniya, sa Singapore pa siya nag-training para magamit ang mga de-kalibreng aparatong ito.

Isa sa hindi niya malilimutan at tumatak na pangyayari sa kaniyang trabaho ay noong nagkaroon ng isyu sa Laguna tungkol sa nakamamamatay na Lambanog. Dahil sa kaniyang trabaho, nalaman niya kung marumi o malinis ba talaga ang inuming iyon at kung hindi maaaring inumin ng tao.

Ngayon, si Norshida ay kasakuluyang nasa feed industry at nagsusuri naman nilalaman ng mga feeds na ibinebenta sa merkado.

Sa isang dekada nang pagtatrabaho ni Norshida sa larangan ng STEM sa Pilipinas, isa ang nangibabaw na obserbasyon niya — ang kakulangan ng suporta sa larang ng agham at teknolohiya. Ayon sa kaniya, karamihan sa kasabayan niya noong magaral ay ipinagpatuloy sa Japan o United Kingdom ang pag-aaral ng Master’s degree.

“Ang daming nagbibigay ng scholarship to do research. Tapos ‘yung nireresearch mo, gagamitin nila sa pagpapaunlad ng ekonomiya nila. Dito kasi, ang konti ng gano’ng mga support sa research. ‘Yun ‘yung nakikita ko na dapat i-strengthen sa field ng science,” ani Norshida.

ARTIFICIAL INTELLIGENCE

and mathematics (STEM) sa mga paaralan, lalong nagpursigi si Jeremy na palakihin at palawakin ang nasasaklaw ng kaniyang inobasyon. Humingi siya ng tulong sa pamahalaan at sa ilalim ng DOST-Technology Application and Promotion Institute, nakakuha siya ng pondong umaabot sa mahigit P123,000. Ito ang ginamit niya para makagawa ng 3,000 Make-roscope. Ito ang nagbigay ng katuparan sa kaniyang pangarap. Isang libo mula rito ang ipinamahagi niya sa mga paaralan at organisasyon sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Nitong 2023, nakuha ni Jeremy ang James Dyson Award sa Pilipinas at napasama sa Top 20 sa buong mundo. Mula rito, nag-uwi siya ng P330,000 na magagamit niya para lalong paghusayin ang kaniyang imbensiyon.

Maliwanag pa sa sinig ng araw ang katotohanang malaki ang naiaambag at nagagampanan ng mga imbensiyon gaya Make-roscope lalo na sa mga guro at estudyante sa pampublikong paaralan. Ang mga imbensiyong gaya nito ang kailangangkailangan ng ating bansa upang maging abot-kamay ang pag-aaral ng STEM sa mga paaralan.

Malay natin, ang susunod na imbentor na babago sa larang ng agham at teknolohiya ay nasa tabi mo lamang. Tumutuklas at naghahanap.

Payo ni Norshida sa nga mag-aaral ng VDFHS na nais ring magsimula ng karera ng STEM, marami silang matututuhan sa larang at disiplinang ito.

“Lalo na sa mga batang gustong may ma-discover, kasi du’n ako nagsimula. May mga bagay na gusto kong malaman. Alam ko na sa field of science ko ‘yun madi-discover. Maraming opportunites sa kanila. Hindi ka mawawalan ng opportunity sa industry na gusto mong pasukan gaya ng food cosmetics, o pharmaceutical,” pahayag ni Norshida.

Paalala pa ni Norshida sa ating mga Floreskan, alamin natin ang kahalagahan ng ating mga sarili at huwag tumigil sa patuloy na pagsisisayat, pagsasaliksik, at paghubog ng ating mga kaalaman.

“So ang [payo] ko sa mga bata: continue learning, continue development. Kahit na nakapagtapos ka na, learn and learn and learn ” ani Norshida.

Isa si Norshida sa nagpapatunay na kailangan natin ng determinasyon, matatag na loob, at pagmamahal sa ginagawa para sa pagtatagumpay. Kuwento pa niya, “I remember there was a time that I almost gave up my studies but because of those true teachers who gave advice and believed in me, in my ability, I’m now fulfilling my dreams. Kaya naniniwala ako na sa bawat successful na tao, may mga guro na gumabay at naniniwala na sila ay magtatagumpay.”

Patunay lamang si Norshida na sa malaki ang nagagawa ng kuryosidad para iguhit ang kapalaran ng ating karera. Ang kaniyang uhaw sa pagtuklas ng kaalaman ang tadhanang nagdala sa kaniya sa larang ng agham, patuloy na sumusuri, nag-oobserba, at tumutuklas.

Elsa, May Himala

Ang Deepfake bilang Banta sa Demokrasya

Jeriel Gab F. Pangan

alakas at may paninindigan ang deklarasyon ni Elsa mula sa entablado.

“Walang himala! Tayo ang gumagawa ng himala!”

Sa pelikulang Himala (1982), pinaniwalaan ng mga tagabaryo ng Cupang ang himala na diumano’y nakita ni Elsa (Nora Aunor) sa ituktok ng isang burol, ang aparisyon ng Mahal na Birhen. Dinayo si Elsa ng mga maysakit at mahihirap, naniniwalang pagagalingin sila ng kaniyang himala na sila mismo, hindi nakita.

Sa huli, aamin si Elsa. Hindi totoo na nakita niya ang Mahal na Birhen. Kasinungalingan lamang ang lahat.

Ngayon, may kakaibang klase ng himala. Isang himala na totoong-totoo sa mata, madaling manlinlang, at kahit sino, basta may smartphone o computer, ay maaaring gumawa.

Sa malakidlat na pagsulong ng teknolohiya, patuloy ang pagdami at paglaganap ng mga bagay na naiimbento gamit ito. Isa na rito ang deepfake

Ang deepfake ay isang teknolohiya na gumagamit ng artificial intelligence (AI) na deep learning upang lumikha ng mga pekeng larawan, video, o audio ng mga totoong tao o pangyayari na tila totoong-totoo sa unang tingin o dinig. Sa kasamaang palad, ang

Pilipinas

imbensyong ito ay inaabuso ng karamihan at ginagamit para sa masasamang intensyon. Nais mong pagsayawin ng budots ang pangulo ng isang bansa? Gusto mong pakantahin ng “Selos” ang isang senador? Kayang-kaya itong gawin ng deepfake

Ngunit dahil sa kakayahan nitong gayahin ang sinuman at anuman, malaki ang panganib na hatid ng deepfake. Maaring sa isang pindot lamang ay maaari nang maggenerate ang AI at makagawa ng deepfakes

Ayon sa The Global Risks Report 2024 ng World Economic Forum (WEF), pinakamalaki at pinakamalaking panganib sa susunod na dalawang taon sa buong mundo ang misinformation at disinformation na idinudulot ng deepfake. Pahayag pa ng WEF, dahil madaling gamitin ang mga AI software, bumaha ang pekeng impormasyon sa internet

Kung ganito kadaling gumawa at kabilis lumaganap ng deepfake sa internet, isa itong malubhang banta sa demokrasya. Maaari nitong manipulahin ang pag-iisip at pagpapasya ng mga tao sa pamamagitan ng mga pekeng larawan at video. Nakababahala ang katotohanang napakadaling gamitin ng deepfake para gayahin ang mga politikal na lider ng isang bansa. Noong 2022, isang deepfake ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang nananawagan sa mga sundalo ng kaniyang bansa na bitawan ang kanilang mga armas at bumalik na sa kanilang mga pamilya.

Sa ulat ng WEF, tatlong bilyong katao sa mundo ang pipili ng kanilang mga lider sa susunod na dalawang tao. Kabilang dito ang United States, India, United Kingdom, Mexico, at Indonesia. Dahil dito, nababahala ang WEF na ang paglaganap ng misinformation at disinformation sa internet ay maaaring magdulot ng seryosong banta sa paniniwala ng mga tao na totoo o lehitimo ang nahalal na gobyerno. Noong Enero 2020, dahil sa paniniwalang dinaya ang 2020 US elections, nilusob ng mga tagasuporta ni Donald Trump ang US Capitol upang pigilan ang pagpapatibay sa pagkapanalo ni Biden.

Dahil dito, ang deepfake ay isa sa

Climate

Halimbawa ng mga deepfake ni dating US President Barack Obama. Larawan mula sa University of California, Berkeley.

mga napakaseryosong isyu sa bawat bansa na dapat masolusyunan dahil sa banta nito sa demokrasya. Ang magkakatunggali sa politika ay maaring magpakalat ng deepfakes tungkol sa kanilang kalaban. Kahit ang mga kabataan ay madaling mabiktima ng deepfake. Sa isang pagsusulit na ginawa ng Ang Kalasag, 47 sa 145 na mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 10, o katumbas ng 32% ng mga mag-aaral, ang natuklasang di-kayang kumilatis ng mga imaheng likha ng AI.

Tunay na isang himala ang teknolohiya ng deepfake. Ngunit gaya ng himala ni Elsa sa pelikula, nililinlang nito ang mga tao upang paniwalaan ang isang ilusyon. Dahil sa paniniwala sa mga kasinungalingan na laganap sa internet, walang tunay na nakikita ang mga tao. Paratang nga ng isang tauhan kay Elsa: “Binubulag ka ng mga nasa paligid mo, Elsa, kaya wala kang nakikita.”

14 ag-tek Ang Kalasag
KIMIKA
H M M Larawan ng DOST-TAPI Larawan ng jeremake.com
3050%
1000%
500%
400%
Sumsub Identity Fraud Report 2023 Natuklasan ng isang microbiologist na nagtataglay ng Streptomyces spp., isang bacteria na nagpoprodyus ng antibiotics, ang ipot o dumit ng paniki na tinatawag ding guano. Batay sa pag-aaral ni Dr. Marian P. De Leon ng UP Los Baños na nagsimula noong 2020 at natapos nitong 2023, dalawang bagong species ng streptomyces spp. ang nakita sa guano ng panica sa Cabalyorisa Cave, Mabini, Pangasinan. Aniya, hindi nakita sa ibang paniki ang partikular na species na ito ng bacteria na sangkap sa paggawa ng medisina sa tao at hayop. Ayon sa Department of Science and Technology, mahalaga na makakita ng mga bagong mapagkukunan ng antimicrobials dahil sa banta ng antimicrobial resistance. Nangyayari ito kung ang microbes gaya ng bacteria, virus, at parasites na nagdudulot ng sakit ay hindi na napapatay ng mga gamot dahil kaya ng mga itong labanan ang epekto ng medisina na dating pumupuksa sa kanila. Nagmu-mutate o nagbabago ang microbes sa pamamagitan ng genetic changes na na sanhi ng sobra o maling paggamit ng gamot. Batay sa DOST, ang mga pananaliksik gaya nito ay magbubunga ng mura at sustainable na mapagkukunan ng antibiotic na magiging bagong panangga sa iba’t ibang sakit. BALITANG DOST
Gab F. Pangan Bacteria sa dumi ng paniki mapagkukunan ng antibiotic
- 4500% Vietnam -
Malaysia -
Thailand -
Indonesia -
Pagdami ng bilang ng deepfake sa Timog-Silangang Asya Pinagkunan:
Jeriel
change
nuclear
Sec. Solidum
maging solusyon sa climate change ang mga inobasyon at pananaliksik kaugnay ng nuclear science ayon kay Secretary Renato U. Solidum, Jr. ng Department of Science and Technology (DOST). Sa kaniyang talumpati sa 51st Atomic Energy Week (AEW) noong Disyembre 4, binigyang-diin ni Solidum ang agarang aksiyon laban sa global warming sa pamamagitan ng nuclear technology Aniya, maaaring magbigay ng alternatibong mapagkukunan ng enerhiya at elektrisidad ang nuclear science nang hindi nagdaragdag sa greenhouse gases at hindi nagpapalala sa polusyon. Dagdag pa ni Solidum, maaari ding magamit ang kaugnay na pananaliksik sa pagdedevelop ng mga bagong binhi na matatag laban sa init at nangangailangan ng mas kaunting tubig.
pwedeng solusyonan ng
science -
Posibleng

VDFHS, bigong madepensahan ang kampeonato sa volleyball

Pinadapa nila noon, binawian sila ngayon.

Matapos ang anim na taon mula nang huli silang magharap, pinataob ang Virgen Delas Flores High School (VDFHS) ng dati nilang tinalong Sulivan National High School sa City Athelic Meet Volleyball Boys sa Mariano Ponce National High School nitong Enero 12 na tumuldok sa karera ng Floreskan team patungong EDDIS Meet, 27-29, 19-25. Matatandaan na noong 2018, sa kauna-unahang pagkakataon, pinadapa ng Virgen ang volleyball team ng Sulivan na 10 taong naghari sa volleyball boys sa municipal meet

Pinangunahan ni Jethro

Hipolito ng Virgen ang unang set na humataw agad ng isang magandang off speed spike dahilan para makuha nila ang unang puntos. Nasagot ito ng tigisang service error ng magkabilang panig na agad namang pinutol ni Hipolito sa pamamagitan ng isang power tip na ikinasunod-sunod naman ng error ng Sulivan kaya nakuha ng Virgen ang 6-2 lead

Matuling hinabol ng Sulivan ang lamang nang kumamada ito ng apat na sunod-sunod na puntos upang maitabla ang talaan sa all-6 ngunit agad itong tinuldukan ni John Emanuel Ramos ng isang hard driven spike para maibalik ang kalamangan sa Virgen. Hindi pumayag si Ace Lagunilla ng Sulivan at sumagot agad ng isang block para maitabla ang talaan sa all-8.

Pinahirapan naman nina

Raymart Camacho at Sean Rei Adriano ang net at floor defense ng Sulivan nang kumana sila ng isang power tip at

a panahon ng pag-usbong ng iba’t-ibang kasanayan sa larong pampalakasan, tila’y nasa isang laro lamang ang pokus ng mga Baliwagenyong lider ng kabataan.

Sa panibagong yugto ng pagsisimula ng mga bagong halal na lider ng kabataan sa barangay, Oktubre 30, 2023 nasa 23.2 milyong Pilipino ang nakilahok sa halalan ng Sangguniang Kabataan (SK) upang pumili ng panibagong hanay ng mga pinunong kabataan. Sa panibagong hanay naman ng mga bagong halal na pinuno sa lungsod ng Baliwag, tila’y hindi naman bago ang kanilang inihahanay na programa at proyekto pagdating sa mga larong pampalakasan. Daing nga ng karamihan, “puro baskteball na lang!”

Hindi na lamang basketball ang tinatangkilik ng masa ngayon. Sa katunayan, unti-unti nang napapantayan ng iba pang mga laro ang kasikatan ng basketball sa bansa. Sa 14 na medalya na nasungkit ng Pilipinas sa Olympics, wala ni isa rito ang nanggaling sa basketball. Sa FIBA World Ranking naman, nasa pang37 ang pwesto ng Pilipinas sa huling datos noong Pebrero.

isang hard driven spike na sinundan pa ni Hipolito ng isa pang power tip para maiangat ang talaan sa 13-11. Naggirian pa sa magkabilang panig ng net ang dalawang koponan hanggang muling tumabla ang laban, 18-18.

Matapos makakuha ang Sulivan ng dalawang puntos, nagsanibpwersa sina Hipolito at Adriano na nagpakawala ng tig-isang matutulis na palo para muling maitabla ang talaan sa 20-20. Sinundan ito ni Camacho ng isang block para makuha ang 1 point lead ngunit nabawi agad ito sa kanyang service error, 21-21.

Nanumbalik si Lee Sander

Liongson ng Sulivan nang humataw ng isang hard driven spike para maibalik ang lamang sa Sulivan 22-21, ngunit hindi pumayag si Adriano at sumagot ng isang napakalakas na palo dahilan para maitablang muli ang talaan sa 22-22.

Patuloy na nagpakawala ng matatalim na spike at matitibay na block ang dalawang panig na naghabulan ng puntos hanggang muling tumabla sa all-25. Hindi nagpaawat si Lagunilla at kumamada ng isang malapader na block na nagbigay ng lamang sa Sulivan ngunit mabilis na tinabla ng Virgen. Sa huli, nanaig ang tibay at pagtutulungan ng Sulivan at tuluyan na nilang pinako ang Virgen at tinapos ang Set 1 sa iskor na 2927.

Muling pinasimulan ng Virgen ang pangalawang set sa pangunguna ng service ni Adriano ngunit na hinadlangan ng Sulivan ng dalawang puntos upang maiangat ang talaan sa 1-2. Dito na nawala sa pokus ang Virgen nang magkaroon sila ng apat na sunod-sunod na error kaya natabunan sila sa 1-6.

“ S

Sa pagsisimula ng mga “paliga” ng mga opisiyal ng SK sa Baliwag, tila puro basketball lamang ang nakahanda para sa masang kabataan. May junior, teen, at senior league pa. Ang iba naman, hanggang 2nd round elimination pa. Dahil dito, rinig ang daing ng mga miyembro ng pamayanan dahil hindi naman lahat, naglalaro ng naturang isports. Patunay ito, na tila nasa basketball lamang ang pokus ng mga SK sa lungsod dahil sa mga naglipanang basketball league sa bawat pamayanan.

Hindi maikakaila ang popularidad ng basketball sa Pilipinas. Halos bawat barangay, may basketball court. Kultura na rin sa bansa ang umidolo ng mga basketball player, mapalokal man o banyaga. Nike na rin ang maysabi, ang Pilipinas ang ikatlong pinakamalaking merkado ng mga produktong basketball sa buong mundo. Maganda rin an may mga programang pang-isports ang mga SK upang may mapaglibangan ang kabataan at makaiwas sa bisyo. Sa kabila nito, mahalaga pa rin na mapaunlad ang kasanayan ng mga kabataang mahusay sa ibang isports bukod sa basketball.

NAAGAW NA KORONA. Palaging nagtutuos sa court, nabawi ngayon ng Sulivan National High School ang korona sa volleyball boys sa City Athletic Meet matapos pangalagaan ng Virgen Delas Flores High School nang dalawang taon, koronang naghatid sa kanila nang dalawa ring beses sa Provincial Athletic Meet. Kuha ni Steven Khalil SJ. Mangulabnan.

Agad namaang nakabawi ang Virgen sa tulong ni John LLoyd Bernardo subalit patuloy ang pagsagot ng puntos ng Sulivan dahilan para maingat

ASINTADO

Huwag Puro Basketball

Dahil sa lawak ng pagpipilian ng mga SK ng mga larong kanilang ipapaliga, tila hindi nila isinasaalang-alang ang paglinang sa iba pang isports. Nariyan ang volleyball, badminton, table tennis, billiards, swimming, athletics, at marami pang iba. Ang ilan sa mga kabataang naglalaro ng mga ito, nagbabayad pa ng mga pribadong pasilidad malinang lamang ang kanilang kakayahan sa mga naturang isports.

Sa kabilang dako, hindi lamang mga larong pisikal ang maaari nilang bigyang pansin. Nariyan din ang mga laro ng isip o mind games gaya ng chess at checkers. Isa pa ito sa mga opsiyon ng mga SK na maaring nilang ipa-liga na magbibigay daan upang malinang ang kaisipan hindi lamang ng mga kabataan kundi nang kahit sinong nagnanais

lumahok.

Sa panibagong hakbang ng pagunlad ng lungsod ng Baliwag na nagkaroon na ng sarili nitong School’s Division Office, nararapat lamang na sa lebel pa lamang ng barangay ay matulungan na ng mga SK na malinang ang iba’t iba’t husay ng mga kabataan sa isports. Dahil may sarili nang division office, ang magkakampeong mga atleta sa buong lungsod ay didiretso na agad sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet. Samakatuwid, mahalaga ang matibay na suporta mula sa lokal na pamahalaan gaya ng SK upang mahasa pa ang mga atletang Baliwagenyo.

Sa kabilang banda, ang pagbibigay-pansin sa iba pang mga larong pampalakasan ay hindi lamang magbibigay-kalinangan sa mga batang mag-aaral, kundi pati na rin sa mga matatanda, o kahit sa mga walang kakayahang mag-aral na magkaroon pa rin ng tyansa upang makisali sa mga naturang laro.

Samakatuwid, mahalaga ang matibay na suporta mula sa lokal na pamahalaan gaya ng SK upang mahasa pa ang mga atletang Baliwagenyo.

Hindi lamang ang pagbibigay ng oportunidad para sa mga normal na mamamayan ang dapat nilang tutukan. Maaari din namang maglunsad ang SK ng mga laro na para sa mga person’s with disability (PWDs) at mag-organisa ng isang paralympics. Sa gawaing ito, matitiyak ang pagiging inklusibo ng mga programang pang-isports ng lokal na pamahalaan.

Sa umuusbong na lungsod ng Baliwag, kasabay ng pag-usbong ng makabagong panahon, dapat lamang na pausbungin na rin ng mga lider ng kabataan ang iba’t ibang kahusayan ng kanilang mga nasasakupan. Upang mapanindigan nilang sila ay isang tunay na lider, nararapat lamang na holistiko ang pagtingin nila sa mga programang kanilang ipinatutupad, at hindi nakatuon sa isang bagay lamang.

pa nila ang talaan, 7-1. Hindi pumayag ang nanggigigil nang team captain na si Camacho at pumakawala ng isang power tip at isang block para mahabol ang Sulivan, 11-13 .

Nagpasiklab ang Sulivan matapos magpakawala ang mga pambato nito ng matitinding hard driven spike

Sa kabila ng pagtatangka ng Virgen na isara ang lamang, nanatili pa ring hari ang Sulivan sa 15-17. Muling ibinaon ni Liongson sa matutulis nitong spike ang dehadong koponan sa 15-20. Nagtaranta ang Virgen sa lumalaking lamang at ipinasok si Lance Domingo na umambag agad ng dalawang puntos na dinagdagan pa ni Bernardo. Sa

kabila nito, hindi natinag ang Sulivan at dinikdik ang kalaban ng apat na sunodsunod na puntos. Dito na nakita sa mukha ng mga pambato ng Virgen ang kawalang pag-asa at dito na tuluyang dumapa ang Floreskan team at hindi na nakabangon pa sa 19-25.

“Nakakahinayang kasi di namin nadepensahan ‘yung championship pero gano’n talaga sa sports. May mga pagkakataon na natatalo. It was a good game pa rin,” ani Jim Mark Saplan, libero ng koponan.

Ang VDFHS ang naging pambato ng EDDIS II sa volleyball boys noong 2018 at 2019 Provincial Athletic Meet.

Karl Owen A. Dumalaza

Nagtapos sa EDDIS II Athletic Meet ang karera ng dalawang Floreskan woodpushers matapos pataubin ng kanilang mga kalaban sa chess sa ginanap na tagisan sa Dr. Felipe De Jesus National High School, Enero 29.

Sa kaniyang huling laro, tinangka pa ni Charm Alexander F. Ramirez na mas pagtibayin ang kaniyang depensa upang hindi mamate ng kalaban. Patuloy ang habulan at sumagot naman ang kalaban ng pawn sa H5 upang harangan si Ramirez at makatakas sa checkmate. Nagmistulang patintero ang naganap sa pagitan ng Floreskan woodpusher at ng kalaban upang makamit ang panalo.

Sa kasamaang palad, wala nang piyesa na maigalaw si Ramirez kaya napilitan itong ipuwesto ang pawn sa A5 na siya namang nakain ng kalaban. Ito ang nagbigay ng pagkakataon sa kalaban upang igalaw ang queen sa H2 at masukol si Ramirez at matapos ang laban.

Samantala, patuloy mang lumaban at dumepensa si JC Fiel Reyes, nagdesisyon itong mag-surrender dahil anumang galaw o depensa niya sa mga piyesa, tiyak na makakapag-promote ang kaniyang kalaban.

“Masaya pa rin po ‘yung experience. Marami kaming na-meet na players. Natuto pa nga kami ng mga moves at strategy sa chess dahil sa mga nakalaban namin,” pahayag ni Reyes. Huling nakarating ang woodpushers ng Virgen Delas Flores High School sa Provincial Athletic Meet noon pang 2018.

15 isports
Flores High School | TOMO BLG. XIII
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Virgen Delas
RAVEN KENT M. HERNANDEZ
Tiket patungong
woodpushers
Provi, naging mailap sa Floreskan
RAMIREZ

Kalasag ISPORTS

BWENA MANONG GINTO Floreskan Basketball Team, didiretso sa

Provi

HINASA NG KARANASAN. Suki sa mga ligang pambarangay at panlungsod, nanaig ang lakas at liksi ng Floreskan Basketball Team matapos paluhurin sa ring ang lahat ng nakalabang koponan sa City at EDDIS II Athletic Meet nitong Enero at Pebrero. Kuha ni Steven Khalil SJ. Mangulabnan.

Matapos ang maalat na 3 taon, VDFHS nag-uwi ng 2 panalo sa futsal

Hindi man aabante, sapat na ang kasaysayang kanilang iginuhit.

Sa kabila ng pagkabigo na sumulong sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet, nakaguhit naman ng dalawang makasaysayang panalo ang Virgen Delas Flores High School (VDFHS) Futsal Team sa naganap na Provincial Athletic Meet sa Guguinto National Vocational High School, Pebrero 23.

Dinomina ng Virgen ang kanilang unang laro kontra EDDIS VI nang magpakawala si Athena Dionisio ng isang matulis na sipa dahilan para makuha nila 1st goal. Nasundan pa iyon ng isang goal ni Ashley Dela Cruz nang samantalahin nito ang mahinang depensa ng kalaban.

Desperado na makahabol ang EDDIS VI dahil sa higpit ng depensa ng goal keeper ng VDFHS na si Lovely Aguallo na siya ring Team Captain ng koponan. Kawalang-pag-asa ang sinapit ng EDDIS IV nang makatanggap pa ng yellow card dahil sa penalty kick at sa

huli, hindi na ito nakahabol at nakuha ng Virgen ang panalo, 2-0.

Nakipagsugawan naman ng sungay ang Virgen sa pangalawa nilang nakalaban na San Miguel National High School (SMNHS). Sa unang 20 minuto, parehong walang naipasok na goal ang dalawang koponan.

Pagtuntong ng ikalawang set, mas lalong naging agresibo ang magkabilang team. Dito na gumawa ng diskarte ang Virgen para maipasok ni Dela Cruz ang isang mataas na sipa, 1-0. Mabilis na naubos ang natitirang tatlong minuto at hindi nagawang makasilat ang San Miguel sa matibay na depensa ng Virgen.

“Masaya kami. Maganda ‘yung ipinakita naming laro. Nakaka-proud kasi, unang sabak namin sa Provincial. Wala kaming nakuhang panalo noon. Nag-improve talaga ‘yung team namin, mas gumaling pa ngayong taon,” ani Aguallo.

Tumuntong ang Virgen sa panlimang standing sa siyam na koponang nagbanggaan sa Futsal Secondary Girls.

First-timer kung maituturing. Ngayon, sila na ang mga hari ng ring. Matapos muntik masilat ang panalo dahil free throw na nagbunga ng overtime, reverse layup ang nakapagselyo ng ginto para sa koponan ng Virgen Delas Flores High School kontra Banga High School dahilan upang mauwi nito ang kampeonato sa Basketball 3x3, 1615, sa EDDIS II Athletic Meet sa Jaime J. Vistan High School, Enero 31.

Ito ang kauna-unahang beses na lumahok ng VDFHS sa basketball sa loob ng 20 taon dahil sa kawalan nito ng sariling basketball ring na magagamit sa pag-eensayo.

Umpisa pa lamang, gitgitan court ang mga gigil na player ng magkabilang koponan. Pinasimulan ni Paul Justin Santiago ng Virgen ang laban ng magbigay ng isang driving layup na agad sinagutan ng #24 ng Banga. Dito maagang nakuha ni John Moises Jacob ang kaniyang unang na agad niyang ibinawi ng isang magandang two hand layup. Sinagot ito ng isang long range 2 points ng #29 ng Banga, 2-3.

Agad bumawi si Jacob nang kumana ito ng dawalang sunod na paint area shot at sinamahan pa ng magandang pasa ni Santiago dahilan para kumamada

ulit si Jacob ng isang paint area shot. Hindi pumayag #24 ng Banga at itinabla ang laban, 5-5.

Isang full speed layup ang pinakawalan ni Santiago upang makalamang ng isa sa Banga subalit pinukulan ito ng #24 ng Banga ng isang two hand layup at may kasama pang foul ngunit hindi ito pumasok. Ginantihan ito ng kanyang kasamahan ng isang free throw matapos ma-foul ni Santiago kaya nakuha ng Banga ang

isang puntos na lamang.

“Noong mga oras na iyon, nagkaroon sila ng kumpiyansa at improvements sa laro dahil sa kanilang pagkakapanalo sa semis. Nadala nila ito hanggang sa aming laban, sinundan pa ito ng sunod-sunod na turnover na nanggaling sa aming team,” pahayag ni Jacob.

Naipasok ni Jacob ang isang free throw upang maitabla ang talaan sa 9-9 ngunit inungusan agad ito ng #24 ng Banga. Mabilis itong tinapos ni Jacob ng isang layup na agad nilampasan ng #24 ng Banga ng isang basket count at nakapagpasok pa ng free throw. Dito nakakuha ng tyansa makatira sa free throw line si Jacob ngunit bigo nitong maipasok ang dalawang tira.

Bumawi si Santiago ng isang full speed layup na dinagdagan ni Jacob ng isang salaksak kaya tumabla muli ang talaan, 12-12. Nabigyan ng tyansa ang #24 ng Banga na tumira ng dalawang beses sa free throw line ngunit isa lamang ang naipasok nito. Mabilis na naagaw ni Ronald Mejia ng Virgen ang bola at agad itong ipinasa kay Jacob na nakapagbuslo ng isang puntos, 14-13.

Tapos na sana ang laban ngunit na-foul ni Santiago ang #24 ng Banga nang mabutata niya ito at naipasok ang isang free throw kaya naging tabla ang talaan sa pagtatapos ng oras, 14-14.

Pagtuntong ng overtime, kumana agad si Jacob ng isang magandang kartada para makuha ng Virgen Delas Flores ang talaan, 15-14. Na-foul ni Jacob ang #24 ng Banga dahilan upang magkaroon ito ng tiyansa na makapuntos ng isang free throw

Malakidlat na dinaklot ni Santiago ang bola at ipinasa kay Jacob na bumuslo ng makapanindigbalahibong reverse layup na nagtapos sa laban, 16-15.

Nauna nang tinalo at tinambakan ng VDFHS ang lahat ng kanilang nakalaban sa City Athletic Meet, 3-0, Enero 12. Magiging kinatawan sila ng EDDIS II sa Provincial Athletic Meet na gaganapin sa Pebrero 21-24.

MAKASAYSAYAN. Isang pumasok na goal ng team ng Virgen Delas Flores High School ang nagpadapa sa koponan ng San Miguel National High School, ang ikalawang panalo nito sa mahigit walong taong paglahok ng paaralan sa futsal. Kuha ni Steven Khalil SJ. Mangulabnan.

Tiquia, nanaig sa table tennis; twice-to-beat na kalaban, di-umubra

AG-TEK

Hindi nakaporma kay Raymond Tiquia ang katunggaling Banga High School na nagnanais ng kampeonato matapos nitong mahabol ang 0-2 na standing at maiuwi ang ginto sa table tennis sa EDDIS II Athletic Meet sa SM Center Pulilan, Pebrero 1. Kahit natalo sa unang laban at napailalim sa lower bracket, nagpamalas si Tiquia ng malahalimaw na performance sa matapos padapain ang twice-to-beat na manlalaro ng Banga. Matapos matalo ni Tiquia ang Banga sa kanilang unang laban, nagtabla ang kanilang standing sa 1-1. Sa kanilang ikalawang paghaharap na magseselyo sa kampeonato, agad na ipinako ni Tiquia ang Banga matapos pakainin ng sunod-sunod na magagandang placement ng bola na hindi nasapo ng kalaban, 5-2. Sinagot naman ito ng matinding panggigitgit ng Banga kaya ang score sa 6-6. Hindi nagpatinag at patuloy na lumaban si Tiquia ngunit bigong mapasakamay ang unang set,

Naglalagablab ang bangis ng Banga na tapusin ang laban nang apat na sunod-sunod na bola ang ibinungad kay Tiquia dahilan upang matambakan ito sa opening ng 2nd set, 0-4. Tinangkang humabol ni Tiquia ngunit patuloy na tumataas ang lamang ng Banga, 5-8.

Ayaw magpabaon ng nanggigigil na kamay ni Tiquia. Sinunog nito ang malaking pagitan ng score at nagbigay pa ng isang swabeng edge shot dahilan upang tumabla ang talaan, 1010. Sa kabila nito, nakalusot pa rin ang dalawang bola ng Banga at naipanalo ang 2nd set, 10-12. Nabuhay ang dugo ni Tiquia at walang awang ibinaon sa pagkakatambak ang kaninang pakitang-gilas na Banga matapos patikimin ng chops at powerful smashes dahilan upang mangibabaw si Tiquia, 7-3. Binigyan pa ng magandang rally ng Banga si Tiquia ngunit hindi na nito kinaya ang gigil na Floreskan na bumawi at nagpagimbal ng isang net shot na panapos sa 3rd set, 11-8. Patuloy ang pagbangon ni Tiquia at pinasimulan ang 4th set ng 3-1 sa pagpapakain ng malahalimaw na palo at pagbibigay ng magandang depensa sa bola. Naghangad pa ang Banga na tambakan si Tiquia nang mag-tie ang laro sa 6-6 ngunit kontrolado na ni Tiquia ang laro at naibaon ang kalaban sa score na 11-7 na nagtabla sa kanilang standing sa ikalawang laro, 2-2.

Sa ikalimang set, hindi na pinalusot ni Tiquia ang Banga at hindi na hinayaang matibag ang kaniyang matatag na pader, 8-2. Nilamon na ni Tiquia ang nanginginig at nasindak na Banga upang hindi mahawakan ang ginto matapos itong ibaon at tambakan, 11-4.

Lalahok si Tiquia sa Provincial Athletic Meet na gaganapin sa Pebrero 21-24.

Itinadhana sa Agham

LATHALAIN

OPINYON

Kababalaghan o Kapabayaan? Huwad

TOMO BLG. XIII Agosto 2023-Abril 2024 Ang
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Virgen Delas Flores High School Karl Owen A. Dumalaza
na
p.14 p.5
Pagkakaisa
mga nilalaman TIQUIA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.