Praymer Hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB)

Page 1


2 Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB)

N

Pambungad

ananatili ang kawalan ng tunay na repormang agaryo sa Pilipinas. Nasa kamay ng malalaking panginoong maylupa, at mga lokal at dayuhang korporasyon ang monopolyong kontrol at pagmamay-ari sa malalawak na lupaing agrikultural sa bansa. Ito’y sa kabila na labing-isang (11) batas sa reporma sa lupa na ang ipinatupad ng pamahalaan – pinakahuli ay ang Republic Act 6657 o ang huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na pinirmahan sa panahon ni dating pangulong Cory Aquino. Ang bangkaroteng CARP ay pinalawig at pinasahol pa ng Republic Act 9700 o ang huwad na Comprehensive Agrarian Reform Extensions with Reforms (CARPER) sa panahon ni dating Pangulong Gloria MacapagalArroyo. Huwad na reporma sa lupa ang ipinatupad ng gobyerno. Dahil huwad, hindi kailanman nilayon ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, bagkus tumindi pa ang pagkakait ng lupa sa hanay ng masang magsasaka. Mismo ang kasalukuyang republika ng mga hasyendero ni Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang pangunahing nagtatamasa sa kabulukan ng programa sa repormang agraryo sa bansa. Ang kaso ng Hacienda Luisita ang nagpapatotoo na ang reporma sa lupa ay para lamang sa mga monopolyo at pyudal na naghaharinguri. Sa gitna ng tumitinding kawalan ng lupa at matinding kahirapan, tiniyak ang pagiging atrasado ng produksyong agrikultural, at naglilingkod sa pangangailangan ng mga dayuhang monopolyo. Dinambong ng mga dayuhang agrokorporasyon ang mga malalawak na lupain, katuwang ang mga lokal na malalaking panginoong maylupa at kumprador. Sa balangkas ng export-


Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) 3 oriented at import-dependent na ekonomya, inilaan ang malalawak na lupain para sa produksyong pang-eksport habang ibayong nasadlak ang agrikultura at ekonomiya sa ibayong pagka-atrasado at kawalan ng oportunidad para sumulong at umunlad. Sa ilalim ng CARP at CARPER, ibayo pang pinahigpit ang kontrol at monopolyo sa lupa ng uring panginoong maylupa. Tumindi at lumawak pa ang pangangamkam ng lupa ng mga magsasaka. Ginamit mismo ng mga panginoong maylupa ang batas na CARP upang ipagkait ang lupa sa mga magsasaka, kinikriminalisa ang kanilang pakikibaka, at pinatalsik sila sa lupang kanilang binubungkal. Katulad ng mga naunang kontra-magsasaka at at makapanginoong maylupang batas at programa sa lupa, epektibong ginamit rin ng mga monopolyo at reaksyunaryong estado ang CARP at CARPER upang linlangin ang mga magsasaka at ilhis sa landas ng militanteng paglaban para sa tunay na reporma sa lupa at hustisyang panlipunan. Tuluyan nang nagtapos noong Hunyo 30, 2014 ang CARPER. Sa kabila ng mga pagtatangka, hindi na nagawa pa ng mga tagapagtaguyod ng CARP at CARPER na muli itong mapalawig. Ang House Bill 252 o GARB ang tanging panukalang batas na nakahain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa tunay na reporma sa lupa. Kinakailangan na ng isang tunay at bagong batas sa reporma sa lupa. Tunay na repormang agraryo ang susi sa pagkamit ng tunay na kaunlaran at kasagaan para sa mamamayang Pilipino. Sa pamamagitan nito, magiging pundasyon ang agrikultura ng ekonomiya dahil sa ito ang pagkukunan ng pagkain, hilaw na materyales para sa industriya at iba pang pangangailangan ng mamamayan. Dagdag pa, mapapasakamay ng mga magsasaka ang produkto ng kanilang lakas-paggawa sa pagsasaka, at


4 Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) maitatransporma ang kanayunan bilang malawak na merkado ng mga yaring produkto ng industriya. Sa katiyakan ng pagkukunan ng hilaw na materyales ng industriya, magtutuluy-tuloy ang operasyon nito, na siyang lilikha ng maraming trabaho para sa mga manggagawa. Sa patuloy na pagpapatupad ng magkaakibat na programa ng tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon, makakamit ang makabuluhan at esensyal na pag-unlad ng kabuhayan ng magbubukid, pagtaas ng agrikultura at industriya, gayundin ang pag-unlad ng pambansang ekonomiya at kasaganaan para sa mamamayan. Samakatuwid, ang pakikibaka para sa tunay na repormang agraryo ay laban hindi lamang ng mga magbubukid kundi laban ng mamamayang Pilipino. Nagpapatuloy ang pakikibaka ng magbubukid sa iba’tibang porma at kaparaanan. May mga nagsasagawa ng lihim at armadong pakikibaka at nagsusulong ng rebolusyong agraryo na naglalayong wakasan ang pyudal at mala-pyudal na pagsasamantala sa kanayunan. Sa kabilang banda, mayroon ding nagsusulong ng hayag at legal na pagkilos at naglulunsad ng mga pakikibaka at kampanya sa kanayunan patungong sentrong bayan at lungsod. Bunga ng mahigpit na pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng mga magbubukid, malawakan at signipikanteng tagumpay ang nakamit nito. Nasa palagiang interes ng uring magsasaka na itaguyod ang kanilang karapatan at kagalingan saan mang larangan -- sa lansangan, sa mga kabukiran, sa mga paaralan, sa mga bahaysambahan at maging sa loob ng parlyamento. Ang malawak at malakas na pagkilos ng mga magsasaka at mamamayan ang nagsilbing tulak upang dalhin kahit sa loob ng parlyamento, ang laban sa pagkakamit sa tunay na repormang agaryo. Sa makasaysayang National Peasant Summit noong Nobyembre 4-5, 2007 na dinaluhan ng mga kinatawan ng


Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) 5 organisasyong magbubukid ng iba’t-ibang rehiyon at lalawigan sa bansa, napagkaisahan ang mga mayor na nilalaman ng Genuine Agrarian Reform Bill (GARB). Isinumite at tinanggap ito sa ika-14 na Kongreso bilang House Bil No. 3059, sa pangunguna ng Anakpawis Party-list, Bayan Muna, Gabriela Women’s Party, at Kabataan Party-list. Sa ika-15 na Kongreso, muli itong inihain bilang House Bill 374 at sa kasalukuyang ika-16 Kongreso, ito na ngayon ang House Bill 252. Dahil na rin sa paggigiit ng mga magsasaka at mga tagapagtaguyod ng tunay na reporma sa lupa, nakapagsagawa na ng mga public hearings gayundin ng mga regional public consultations kaugnay sa GARB sa Luzon, sa Visayas at sa Mindanao. Naging matagumpay ang mga naidaos na public hearings ng GARB kung saan umani ng malakas at malawak na suporta mula sa mga magsasaka, katutubo at mamamayan ang GARB. Muling inilalathala ang praymer na ito upang maipaunawa ang nilalaman ng GARB, ang pundamental na kaibahan nito sa kontra-magsasaka at mapanlinlang na CARP at CARPER upang magmulat sa hanay ng magbubukid at malawak na mamamayan. Layunin ding maipakita at maipaunawa ang tunay na kalagayan, kahilingan at pakikibaka ng masang magsasaka. Inaasahang makatulong ang praymer na ito sa pagkuha ng malawak na suporta at pakikiisa para sa lehitimong kahilingan at pakikibaka ng uring magbubukid para sa tunay na reporma sa lupa.

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Anakpawis Party-list Mayo 2015


6 Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB)

Ang House Bill No. 252: Genuine Agrarian Reform Bill (GARB)

1

Ano ang GARB at ang mga prinsipyo at layunin nito?

Ang House Bill 252 o ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) ay ang panukalang batas para sa tunay na reporma sa lupa na isinusulong at itinataguyod ng mga magsasaka sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang mga programa at patakarang nilalaman ng GARB ay naglilingkod sa mga magsasaka sapagkat ito’y hango sa karanasan at pakikibaka mismo ng mga magsasaka. Unang naihapag ang GARB noong Nobyembre 2007 sa pamamagitan ng House Bill 3059 at muling isinampa sa Kongreso noong taong 2010 bilang House Bill 374 at noong 2013 bilang House Bill 252. Ang GARB ay isang programa para kamtin ang panlipunang hustisya para sa mga magsasaka. Sentral na nilalaman at layunin ng GARB ang pagbubuwag sa monopolyo sa lupa ng mga panginoong maylupa, mga lokal at dayuhang korporasyon, ang nasyunalisasyon ng lahat ng lupang agrikultural at ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Ito ang magwawakas sa monopolyo sa lupa na siyang pinag-uugatan ng kahirapan at ng pyudal at malapyudal na pagsasamantala sa kanayunan. Ang libreng pamamahagi ng lupa ang magbibigay hustisya sa mga magsasakang matagal ng pinagsasamantalahan at inaalipin. Sa pamamagitan lamang ng nasyunalisasyon ng lahat ng lupang agrikultural sa bansa, pagbasag sa monopolyo sa lupa, at


Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) 7 libreng pamamahagi ng lupa sa masang magbubukid, lubusan at puspusang maitataguyod ang lehitimong karapatan ng mga magsasaka sa lupang sakahan. Ang mga prinsipyo at layunin ng GARB ay ang mga sumusunod: a) Basagin ang monopolyo sa lupa at kontrol sa lupa ng mga PML at dayuhan;

b)Isabansa ang lahat ng mga lupang agrikultural sa bansa c) Libreng pamamahagi ng lupa at pagpawi sa lahat ng anyo ng pagsasamantala sa kanayunan;

d) Iangat ang antas ng pamumuhay, pataasin ang produktibidad at kita ng mga magsasakang benepisyaryo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kooperatiba at iba pang porma ng pagtutulungan, bilang pangunahing pamamaraan sa pagpapaunlad ng kanilang produktibidad; e) Empowerment o pagbibigay kapangyarihan sa mga kababaihan sa kanayunan; f) Pagkilala at pagrespeto sa lupang ninuno ng mga katutubo;

g) Palakasin ang agrikultura at hawanin ang daan sa pambansang industriyalisasyon at lahatang-panig na pag-unlad ng ekonomya ng bansa,

h) Paunlarin ang mga magsasakang benepisyaryo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahusay at sapat na programa sa suportang serbisyo i) Likhain ang isang sistemang magpoprotekta sa mga magsasakang benepisyaryo laban sa muling pag-agaw sa kanilang lupa, at mahadlangan ang rekonsentrasyon ng lupa sa kamay ng iilan.


8 Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB)

2

Bakit libreng pamamahagi ng lupa?

Sentral na layunin ng GARB ang libreng pamamahagi ng lupa sa magsasaka at manggagawa sa agrikultura na wala o kulang ang lupang sinasaka.

Libreng pamamahagi ng lupa ang solusyon sa matagal nang kahilingan ng mga magsasaka para sa lupa. Ito ang magbibigay daan sa pagkakamit ng hustisyang panlipunan sa mga magsasakang daan taon nang biktima ng pang-aalipin, at ng pyudal at mala-pyudal na pagsasamantala ng uring panginoong maylupa tulad ng mataas na upa sa lupa, di-pantay na hatian sa ani, usura at iba pa. Sa pamamagitan ng libreng pamamahagi ng lupa, malulubos ang kakayahan ng mga magsasaka na higit na pagyamanin ang lupa at pakinabangan ang bunga ng kanyang lakas paggawa. Ano ang kaibahan nito sa CARP?

Walang libreng pamamahagi ng lupa sa ilalim ng CARP. Binabayaran ng mga magsasaka ang lupa sa porma ng amortisasyon subalit walang katiyakan na magiging pag-aari ng magsasaka ang lupa.

Ang pagiging mas masahol ng CARP ay makikita sa libolibong kaso ng pagbawi at pagkansela ng emancipation patents (EPs), certificate of land transfer (CLT) at certificate of land ownership award (CLOA) at pagiging malaganap ng kaayusang sa buong bansa.

Tumpak lamang na sabihin na ang CARP at CARPER ay naging pangunahing instrumento para sa pagkakait ng lupa at pandarambong ng lupa sa mga Pilipinong magsasaka. Sa gitna ng rumaragasang pagkansela ng mga EP, CLT at CLOA sa ilalim ng pag-iral ng CARP, ibayong tumutungo ang direksyon sa re-monopolisasyon ng lupa sa kamay ng mga malalaking panginoong maylupa at dayuhang monopolyo.


Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) 9

3

Sinu-sino ang mga benepisyaryo ng GARB?

Benepisyaryo ng GARB ang mga sumusunod: • Lahat ng mga magsasaka, babae man o lalaki na walang lupa o kulang ang lupang sinasaka;

• Lahat ng mga napaalis o umalis sa baryo dahil sa iba’tibang dahilan, at nais bumalik para muling magsaka. Kung kontento na sila sa napwestuhan nilang baryo maaring doon na sila magpalista para maging benepisyaryo;

• Ipapamahagi sa mga manggagawang bukid (regular, kontraktwal o seasonal) ang mga lupaing ginagamit na plantasyon, sakahang komersyal, mga hasyenda, pastuhan, livestock, cattle farms at aquafarms. Kasama sa ipapamahagi ang mga gamit sa produksyon, kaya sila ang mangangasiwa at magpapatakbo ng buong empresa; • Mga mangingisdang umuukopa ng foreshore lands; at • Mga katutubong mamamayan.

Paano itatakda ang sukat ng lupang ipapamahagi? limbentaryuhin ang lahat ng lupa. Sa pamamahagi ng lupa, isasaalangalang ang dami at lawak ng lupa, lokasyon, bilang ng mga benepisyaryo, kalidad ng lupa, pwersang paggawa ng mga benepisyaryo, at kita (aktwal at potensyal) mula sa lupa.


10 Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB)

4

Ano ang saklaw ng ipamamahaging lupa ng GARB?

Saklaw ng pamamahagi ang lahat ng lupaing agrikultural. Walang eksempsyon at eksklusyon. Ang pag-aari sa lupa ay batay sa aktwal na gamit ng lupa. Saklaw ng pamamahagi ang mga sumusunod:

a) Lahat ng pribadong lupang agrikultural, anuman ang nakatanim at namamayaning relasyon sa produksyon.

b) Lahat ng lupaing ginagamit na taniman ng mga transnational corporations (TNCs), sakahang pangkomersyal, hasyenda, mga lupang pastuhan at pang livestock, lupang ginagamit sa aquaculture, at iba pang lupang agrikultural na nakatali sa iba’t-ibang iskema, bilang alternatiba sa aktwal na pamamahagi ng lupa.

c) Lahat ng lupang naipamahagi na sa ilalim ng Presidential Decree 27 at sa inamyendahang CARP (Republic Act 6657), na naipasa na sa pagmamay-ari at kontrol ng ibang tao o mga korporasyong hindi kwalipikado sa ilalim ng GARB. d) Lahat ng lupang deklaradong presidential decrees, proclamations para sa turismo, reserbasyong militar, human settlements, special economic development zones, export processing zones, regional industrial centers, subalit nananatiling di napaunlad, tiwangwang at abandonado, pangunahing agrikultura ang gamit at sinasaka ng mga magsasaka. Sa kaso ng reserbasyong militar, aktwal na gamit ang magtatakda ng segregasyon ng mga bahagi ng lupa na undeveloped at developed. Masasaklaw ng pamamahagi ang mga deklaradong special economic zones, kung sa nakaraang tatlong taon, wala pang nauumpisahang pagpapaunlad sa naturang lupa.


Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) 11 e) Lahat ng lupang nireklasipika ng lokal na gobyerno at iba pang departamento at ahensiya ng gobyerno, subalit hindi pa nauumpisahan ang pagpapaunlad dito ayon sa naisabatas nitong klasipikasyon, nananatiling agrikultural ang gamit, sinasaka at okupado ng mga magsasaka.

f) Lahat ng lupaing agrikultural na aprubado ang kumbersyon sa ibang gamit, ngunit hindi pa naumpisahan ang pagpapaunlad, at lahat ng lupaing agrikultural na may aplikasyon sa pagpapalit-gamit (land use conversion).

g) Lahat ng lupang bahagi ng reserbasyon ng mga pambansang kolehiyo at pamantasan, na pangunahing ginagamit para sa pangkomersyong produksyong agrikultura, o kasalukuyang binubungkal ng magsasaka o nananatiling di napaunlad sa nakaraang limang taon, bago ang GARB; kabilang dito ang mga lupain ng mga pribadong pamantasan at eskwelahan, na hindi ginagamit sa pangedukasyong layunin, nananatiling di napaunlad, agrikultura ang pangunahing gamit at binubungkal ng mga magsasaka. h) Lahat ng lupang agrikultural na sinasaka at inaangkin ng mga magsasaka, na binawi ng gobyerno o may-ari ng lupa para ipaupa sa mga dayuhang institusyon.

i) Lahat ng trosohan at minahan, kabilang ang mga may kasunduan sa mga kompanyang minahan at trosohan na naibalik sa pang agrikulturang gamit ng mga magsasaka o kung sinuman ang nakaokupa sa lupa.

j) Lahat ng lupang pag-aari ng gobyerno na pangunahing agrikultura ang gamit, okupado at sinasaka ng magsasaka o nananatiling di napapaunlad. k) Lahat ng pribado at pampublikong lupa na nananatiling abandonado, at may potensyal na gamit pang agrikultura, maliban sa mga lupain na mahalaga para sa pagmantina ng balanse sa ekolohiya.


12 Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB)

5

Paano ipapamahagi ang mga pribadong lupaing agrikultural?

Bilang pangkahalatang patakaran, ang lahat ng pribadong lupaing agrikultural na lampas sa limang (5) ektarya ay kukunin ng gobyerno at agarang ipamamahagi nang libre o walang bayad sa mga magsasaka batay sa pangkalahatang prinsipyo ng makatarungang kompensasyon. Ang maiiwan na hindi hihigit sa limang (5) ektarya sa panginoong maylupa ay sa mga kundisyong hindi ito nasa kategoryang “sullied landholdings” at personal niyang sasakahin ang lupa.

Ang mga lupang napatunayang “sullied landholdings” o mga lupang nakuha ng panginoong maylupa sa pamamagitan ng panlilinlang, pagbabanta at paggamit ng dahas, alinsunod sa mga prosesong itinatadhana ng GARB, ay kukumpiskahin at walang kompensasyon. Tatapusin ang pamamahagi ng lupa sa loob ng limang taon. May kaukulang P20 bilyong badyet kada taon na ilalaan


Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) 13 ang gobyerno para dito.

Ano ang patakaran sa mga naliliwanagang PML? Bibigyan ng option to sell ang mga naliliwanagang PML at mabibigyan sila ng makatarungang kompensasyon. Ito ay bayad batay sa karaniwan na pagtatasa ng buwis ng lupa sa huling tatlong taon bago maging batas ng GARB, o ang presyo nito sa merkado, alin man ang mas mababa. Paano ipapamahagi ang mga lupaing pampubliko at mga lupang alienable and disposable? Isusumite sa DAR ang lahat ng pampublikong lupa na nasa ilalim ng kontrol ng mga ahensiya, departamento, at mga korporasyon, sa loob ng 15 araw mula sa epektibidad ng batas para sa proseso ng pamamahagi.

Isusumite sa DAR ang lahat ng mga lupang alienable and disposable lands of public domain na nasa kontrol ng DENR, sa loob ng 30 araw mula sa epektibidad ng batas upang iprosesong ipamahagi.


14 Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB)

6

Ano ang programa sa nasyunalisasyon?

Kagyat na ina-nasyunalisa o gagawing pag-aari ng estado ang mga lupang inookupa ng mga transnational corporations (TNCs) o mga dayuhang agrokorporasyon, kabilang na ang mga gusali, pabrika, makina at iba pang gamit sa produksyon. Kakanselahin ang mga business permit at puputulin ang kontrata, at ililipat sa kontrol at pamamahala ng mga manggagawang bukid ang korporasyon.

Tatlong mahahalagang punto ang dapat ilinaw:

Una, sakop sa pamamahagi ng lupa sa ilalim ng GARB, ang mga lupaing sakop ng mga TNCs, pribadong pag aari man o pampubliko. Hindi ito pag-aari ng mga dayuhang TNCs, dahil wala silang karapatang magmay-ari ng lupa sa ilalim ng saligang batas ng Pilipinas. Dahil mga dayuhan, hindi sila sakop ng proteksyon ng saligang batas ng bansa na nagbabawal magkumpiska ng pag-aari na walang proseso ng batas at garantiya na hindi mababawi ang mga pribadong pag-aari na walang makatarungang kompensasyon. Ikalawa, walang usapin ng paglabag sa kanilang kontrata upang magsagawa ng negosyo sa Pilipinas. Ang tanging layunin ng GARB sa nasyunalisasyon, ay itigil ang isang di pantay na kontrata, na pumapabor lamang sa mga TNCs, at mapasakamay sa mga manggagawang bukid ang pamamahala at kontrol sa lupang inookupa, at makinabang sa bunga ng kanilang paggawa. Ikatlo, ang mga komersyal na sakahan, livestock, poultry, aquaculture at pasture na pag-aari ng mga Pilipino, basta’t hindi “sullied landholdings� ay makakatanggap ng makatarungang kompensasyon. Ang mga non-land


Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) 15

7

assets ay mananatiling pag-mamay-ari ng mga Pilipinong korporasyon na maaring ipailalim sa joint corporate undertaking sa mga manggagawang agrikultural na benepisaryo ng reporma sa lupa. lto ay sa layuning makatulong sila sa paghahawan ng daan para sa pambansang industriyalisasyon.

Paano poproteksyunan ang lupa ng mga benepisyaryo?

Tiniyak na sapat ang mga probisyon sa GARB para hindi mabawi ang lupa mula sa mga benepisyaryo at hindi makapanumbalik ang maylupa. Ito ay ang mga sumusunod:

a) Pagbabawal sa pagbenta, pagsasangla o anumang porma ng paglipat sa lupa mula sa benepisyaryo pabor sa ibang tao o grupo o institusyon. Maliban kung ito ay mamanahin ng mga anak. Ang pinaka nangangailangang anak ang una sa prayoridad na pagbibigyan ng lupa. b) Kung hindi kayang sakahin ng benepisyaryo ang lupa sa iba’t-ibang kadahilanan, at kung wala ninuman sa kanyang kagyat na pamilya ang pwedeng magsaka, ibabalik sa samahan ng magsasaka ang lupa, at ang samahan ang magtatakda kung kanino ipapasa ang pagbubungkal sa lupa.

k) Pagbabawal sa pag reklasipika o pagpapalit gamit ng lupa. d) Pagbabawal na ilitin ang lupa dahil sa hindi nakabayad ng buwis. e) Pagbabawal na gawin itong kolateral sa utang.

g) Pagbabawal sa anumang korte’na kwestyunin ang pamamahagi at batayan ng pamamahagi ng lupa.

h) Pagbibigay ng sapat na suportang serbisyo sa mga


16 Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) benepisyaryo upang matiyak ang produktibidad at pagtaas ng kita ng mga magsasaka.

*Ipagbabawal ang mga sumusunod na maniobra ng mga panginoong maylupa para mapanatili ang kanilang monopolyo sa lupa: a) Pagbebenta, pagsangla, paglipat ng mga lupa ng mga may ari ng lupa sa buong panahong isinasagawa ang pamamahagi ng lupa, maliban kung ang paglilipat ay sa pamamagitan ng mana; b) Pagpapatalksik ng mga may-ari ng lupa sa mga kasama, nangungupahan at iba pang magsasaka na aktwal na nagbubungkal ng lupa;

c) Paglalagay ng mga may-ari ng lupa ng “dummy� o pekeng benepisyaryo sa kanilang lupa o tagapagmana;

d) Pamimilit, pagbabanta, o paggamit ng intimidasyon sa mga magsasakang benepisyaryo, para ibenta, isangla, o ipalipat ang pagmamay-ari ng lupang naipamahagi sa kanila; e) Pagpapalit gamit sa lupang nasakop at naipamahagi na sa mga magsasakang benepisyaryo, maliban sa pang agrikulturang gamit;


Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) 17 f) Pamimilit, paggamit ng dahas, pagbabanta sa mga magsasakang benepisyaryo upang palitan ang gamit ang lupang naipamahagi sa kanila;

g) Pagtangging lisanin o bitawan ang lupang deklarado nang inanasyunalisa, at ikukumpiska, at paghadlang sa kautusan upang lisanin ang lupa; h) Pagtatago sa mga kasangkapan at pag-aaring tinukoy na bahagi ng lupa at kagamitang ikukumpiska, o ang pagsira sa mga ito, upang hindi mapakinabangan ng mga magsasakang benepisyaryo;

i) Ang pagnotaryo ng isang Notaryo Publiko ng isang dokumentong nagbebenta, nagsasangla at naglilipat ng pagmamay-ari sa lupang ipapamahagi sa GARB, kasama na dito ang kabiguan ng notaryo publiko na bigyan ng kopya ang departamento ng mga naturang dokumento;

j) Pagsumite ng pekeng ulat, maling deklarasyon, at kabiguan ng Registry of Deeds (ROD) na magsumite ng ulat hinggil sa mga aplikasyon para irehistro, ng mga lpang sakop ng batas na ito na ibinebenta, isinasangla at inililipat ng pag mamay-ari.


18 Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB)

8

Anu-ano ang mga suportang serbisyo na ibibigay sa mga benipisyaryo?

Sa GARB, maglalaan ng P50 bilyong pondo para sa suportang serbisyo, sa limang taon na pamamahagi ng lupa. Magtutuloy tuloy pa ang suportang serbisyo, sa loob ng limang taon pagkatapos ng pamamahagi ng lupa. Kabilang dito ang mga sumusunod:

a) Pagbubuo ng at pagsuporta sa kooperatiba ng mga benepisyaryo;

b) Pautang batay sa interes na kaya ng mga magsasakang benepisyaryo at paggamit ng alternatibang kolateral na hindi gagamitin ang kanilang lupa (halimbawa: asosasyon ang magbibigay ng garantiya sa utang ng magsasaka; parte ng kanyang ani); c) Suporta sa produksyon; d) Post harvest; e) Marketing;

f) Pananaliksik ng mga teknolohiyang makakatulong sa mga magsasakang makaalpas sa kasalukuyang pagsalig. sa imported na teknolohiya sa pagsasaka; g) Garantiya sa presyo ng produkto ng magsasaka.


Praymer hinggil sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) 19

MGA HAMON AT TUNGKULIN Aktibo nating palaganapin at ikampanya sa mga magsasaka at sa malawak na mamamayan ang pagsasabatas ng GARB at kumalap pa ng pinakamalawak na suporta at pakikiisa para dito.

Maglunsad ng sustenidong kampanyang edukasyon sa hanay ng mga magbubukid at himukin silang kumilos para sa pagsasabatas ng GARB.

Magbuo ng malawak na lambat ng suporta para sa mga kampanya at pagsusulong ng GARB. Kabilang dito ang paglulunsad iba’t ibang pamamaraan ng pagpapalaganap at pagkuha ng suporta, lobbying sa Kongreso para sa pagsasabatas ng GARB, signature campaign, social media campaign at iba pang mga ma-panlikhang porma ng pagpapalaganap sa GARB. Higit sa lahat, kailangang ilunsad at paigtingin ang mga pakikibakang magsasaka laban sa pangangamkam ng lupa at pandarambong ng mga dayuhan, at para sa tunay na reporma sa lupa.

Ang pagsusulong at pagpapatampok ng mga lokal na pakikibakang magsasaka ang patuloy na maglalantad sa kabulukan at kainutilan ng mga huwad na programa sa reporma sa lupa at magbibigay-diin sa katumpakan ng ating panawagang isabatas ang GARB.


Kilusang Magbubukid ng Pilipinas


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.