O P I S Y A L N A PA H A Y A G A N N G K I L U S A N G M A G B U B U K I D N G P I L I P I N A S
H U LYO 2 01 7
p.2
Patuloy ang paglaban sa Martial Law
p.5
Ika-100 taon ng Rebolusyong Oktubre
p.11
‘Day of the Landless’ 2017 inilunsad
Okupasyon ng lupa
at mga bungkalan sa buong bansa,
sumusulong!
Sama-sama nating buwagin ang mga hacienda’t mga dayuhang plantasyon, at wakasan ang monopolyo ng malalaking panginoong maylupa, upang makamit ang tunay na reporma sa lupa
p.6
LINANG
2
Patuloy ang paglaban sa Martial Law
M
ariin na tinuligsa ng mga magsasaka at mamamayan ang pagpataw ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Batas Militar sa Mindanao. Dahil sa pag-atake ng teroristang grupong Maute at pagsusulsol ng mga militaristang maka-Estados Unidos sa gobyerno, nagdeklara ng Martial Law sa Mindanao noong Mayo 23, 2017. Kasunod nito ang walang tigil na pambobomba sa Marawi City, ang pinakamalaking Islamikong lunsod sa bansa. Sa tala ng DSWD, higit nang 400,000 katao o 70,000 pamilya ang lumikas dahil sa mga operasyong militar. Nasira ang mga bahay at ari-arian pati na ang mga Mosque na sagradong lugar para sa mga Muslim. May mga sibilyan na nasugatan at namatay. Umani ng batikos ang militaristang hakbang ni Duterte na sinamantala naman nina Hen. Esperon at Hen. AĂąo na nagpapatupad ng mga operasyong militar kahit pa maraming sibilyan ang nadamay at nasalanta. Bukod sa pag-carpet bombing sa Marawi, binomba rin ng Armed Forces of the Philippines ang ilang mga bayan sa Maguindanao, Davao del Sur, North Cotabato at Zamboanga. Libu-libo rin ang lumikas, karamihan ay mga magsasaka at Lumad. Iniwan ng mga magsasaka ang kanilang mga bukid at taniman at lumikas sa mga evacuation centers. Ang Martial Law sa Mindanao ay tiyak na magpapatindi pa sa kahirapan at kagutuman ng masa. Patuloy nating labanan ang Martial Law at ipanawagan ang pagwawakas nito.
Noong Hunyo 2, ikalawang linggo ng Martial Law sa Mindanao, marahas na binuwag ng mga elemento ng PNP at 66th Infantry Battalion ng AFP ang dalawang buwang welga ng mga manggawang bukid ng Shin Sun Tropical Fruit Corporation. Mahigit 12 ang sugatan at iligal na inaresto, kasama ang ilang menor de edad at matatanda.
Ika-8 Pambansang Kongreso ng KMP sa Bicolandia Gaganapin sa rehiyon ng Bikol ang ika-8 Pambansang Kongreso ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa ika-12-13 ng Hulyo sa Legazpi Convention Center sa Legazpi City, Albay. Ang tema ng Kongreso ay “MAGTAGUMPAY! Ibayong Palawakin at Patatagin ang KMP! Paigtingin ang Pakikibaka para sa Tunay na Reporma sa Lupa at Pambansang Industriyalisasyon! Ang Pambansang Kongreso ng KMP ay ginaganap tuwing apat na taon upang tasahin ang nakaraang programa ng pagkilos, maghalal ng bagong Pambansang Komiteng Tagapagpaganap, talakayin ang Apat na Taon Pampulitikang Ulat ng KMP at pagkaisahan ang susunod na Pangkalahatang Programa ng Pagkilos ng KMP.
Inaasahan ang pagdalo ng 1,200 delegado mula sa 15 rehiyonal na tsapter at 67 pamprobinsyang tsapter ng KMP mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Mayorya sa mga delegado ay mula sa Bicol. Sa rehiyon ng Bikol napagdesisyunan ng Pambansang Konseho ng KMP ganapin ang Pambansang Kongreso upang bigyang halaga ang kalagayan ng mga magsasakang Bikolano at makatulong rin sa paglawak at pagpapalakas sa anim na pamprobinsyang tsapter ng KMP sa rehiyon. Ang Pambansang Kongreso ay kasabay rin ng ika-32 taon ng pagkakatatag ng KMP noong Hulyo 1985.
H U LY O 2 0 1 7
Mga hacienda ni Danding sa Negros: ‘Dapat buwagin’
N
agkakaisa ang mga magsasaka nagbigay ng kontrol kay Danding sa at manggagawang bukid sa 11 mga lupaing naipamahagi na dapat sa asyenda ni Eduardo “Danding” mga magsasaka. Cojuangco Jr. sa rehiyon ng Negros na Umaabot sa 5,030-ektaryang lupain dapat nang buwagin ang malalaking ang saklaw ng Hda. Balatong, Hda. lupaing kinamkam Danding sa mga Nieva, Hda. Bonifacia, Hda. Soledad, magsasaka gamit ang Hda. Candelaria, Hda. corporative scheme na “Isang malaking Fe, Hda. Caridad and pinayagan ng huwad na Candaguet, Hda. San panloloko ang Comprehensive Agrarian Antonio, Hda. Ara-al, bansag kay Reform Program (CARP). Hda. Kaiyaman and Danding na Mahigit 200 kasapi Hda. Adelina. ng ECJ Farmers and “Isang malaking Father of Land Farmworkers Alliance in panloloko ang bansag Reform.” Negros (EFFWAN) ang kay Danding na Father —KMP NEGROS nagkampuhan sa harap of Land Reform. ng DAR Region VII sa Ginamit niya ang butas Bacolod City upang igiit ang pagpa- ng CARP na Stock Distribution Option pawalambisa sa corporative scheme (SDO) na ginamit rin noon ng mga at mga joint venture agreement na Cojuangco-Aquino sa Hacienda Luisita
Isang taon matapos pinaulanan ng bala ng mga kapulisan ang mga mag sasakang biktima ng tagtuyot sa Kidapawan, nananawagan pa rin si Ebao Sulang ng hustisya para sa kanyang anak. Si Darwin Sulang, 22 taong gulang, isang kabataang magsasaka mula sa tribong Manobo ay namatay matapos tamaan ng bala sa ulo.
3 upang maiiwas sa aktwal na pamamahagi ang mga asyenda sa Negros,” ani Dolly Celedonio ng KMP-Negros. Ang DAR Administrative Order No. 2 (AO2) na inilabas noong 1999 ni DAR Secretary Horacio Morales ang ginamit na legal na tabing ni Danding upang ipaloob sa mga joint venture ang mga lupang kontrolado ng mga kooperatiba ng mga benepisaryo ng lupa. Nasaklaw ng huwad na CARP ang mga lupain noong 1997 sa pamamagitan ng Voluntary Land Transfer (VLT) at Direct Payment Scheme (DPS). Ang corporative scheme ay masahol na kumbinasyon ng VLT at DPS kung saan inobliga ang mga kooperatiba at samahang magsasaka na makipagsosyo sa mga agribisnes ni Danding para magtanim ng high value export crops gaya ng pili, durian at cut flower. Dahil sa iskemang ito, nakopo at nakontrol ni Danding ang mga lupain ng 1,706 magsasaka. Pinagbayad pa ang mga kooperatiba ng magsasaka ng P350,000 kada ektarya sa loob ng 15 taon at may palugit na limang taon. Ang mga nasabing kasunduan ay kinunsinti noong DAR. Pinapirma rin ang mga manggagawang bukid sa memorandum of understanding (MOU) na makakatangap sila ng paunang dibidendo o bonus na P50,000 na babayaran nila. Naging kapalit pala nito ang pagsuko ng kanilang karapatan sa lupa. “Lalong naghirap at nabaon sa utang ang mga magsasaka. Gusto nang mabawi ng mga magsasaka sa ECJ Farms ang lupa,” ani Celedonio. Ang corporative scheme ni Danding ay patunay kung gaano kabulok ang CARP na nagsilbi lang sa mga h aciendero at panginoong maylupa. Kailangan ng bago at tunay na programa sa reporma sa lupa. Ito ang ating panawagan sa DAR sa ilalim ni Kalihim Rafael Mariano,” ani Antonio Flores ng KMP. Kumikita lamang ng P170 kada araw ang mga magsasaka sa ECJ Farms at nagkaroon pa sila ng milyun-milyong utang dahil sa corporative scheme.
LINANG
4
Libreng irigasyon, ipatupad na
D
ahil sa puspusang paggigiit ng mga magsasaka, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 5670 o batas para sa libreng irigasyon. Noong Mayo 29, 2017 lahat ng kongresista ay bumoto pabor sa libreng irigasyon samantalang noong Mayo 31, 2017 inabrubahan ng Senado sa ikalawang pagdinig ang Senate Bill 1465. Ayon sa panukala, libre na ang serbisyong irigasyon sa lahat ng irrigation systems na ginawa, pinondohan, pinapatakbo at minamantina ng National Irrigation Authority (NIA), Department of Agriculture at iba pang ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga naibigay na sa mga irrigators associations at samahang magsasaka. Gayundin, ang lahat ng hindi pa nababayarang irrigation service fee (ISF) sa mga national irrigation systems at amortisasyon sa bayad utang sa pagpapatayo at rehabilitasyon
ng mga irigasyon, kasama ang interes at penalties sa mga magsasaka, ay bawi na. Ang pondo para sa pagpapagawa, pag-repair at maintenance ng mga irrigation systems ay kukunin na sa General Appropriations Act. Nagtatarget ang NIA na magkaroon ng irigasyon ang 1.27 milyong ektaryang lupa hanggang 2022. Subalit batay sa ulat ng mga tsapter ng KMP, hindi nagbibigay ng serbisyong patubig ang NIA dahil hindi na magbabayad ang mga magsasaka. “Kailangang lubusin natin ang tagumpay sa kampanya para sa libreng irigasyon. Tipunin ang mga samahang magsasaka at irrigators associations, magsagawa ng mga pagkilos, dayalogo sa mga lokal na NIA at igiit ang libre at sapat na serbisyong irigasyon,” ani Joseph Canlas, tagapangulo ng KMP.
Excise tax sa tabako huwag dambungin Nanawagan ang mga magsasaka sa rehiyon ng Ilocos at Abra sa p angunguna ng Solidarity of Peasant Against Exploitation (STOP Exploitation) at Alyansa Dagti Mannalon ti Ilocos Norte (AMIN) ng puspusang imbestigasyon sa korapsyon at ilegal na paggamit sa tobacco excise tax ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Ilocos. Nabunyag na P66.5 milyon ang ginamit ng Ilocos LGU sa pangunguna ni Gov. Imee Marcos para ipambili ng mga minicab at bus noong 2011 at 2012. Ayon sa STOP Exploitation, kailangan malaman ng publiko ang buong detalye kung paano ginagastos ng ng Ilocos LGU at mga pulitiko sa mga probinsyang natatamnan ng Virginia tobacco ang excise tax. Batay sa Republic Act 7171, maaring magtabi ng pondo mula sa tobacco excise tax ang LGU upang suportahan ang mga magsasaka ng tabako. Maari lamang gamitin ang pondo para sa mga kooperatiba, pangkabuhayan, agroindustrial at mga proyektong imprrastraktura para sa mga magsasaka. Ang excise tax ay buwis na ipinapataw sa mga kumpanya ng sigarilyo. Kinondena ni Zaldy Alfiler, tagapagsalita ng STOP Exploitation, ang korapsyon sa tobacco excise tax. Matagal na umanong may mga iregular at maanomalyang paggastos sa pondo. Hindi rin lubusang napapakinabangan ng mga magsasaka sa tabako ang pondo. Nanawagan ang STOP Exploitation na i-awdit ang lahat ng pondong ginastusan mula sa excise tax. “Mga tiwaling pulitiko lamang ang nakikinabang sa pondo at mumo lamang ang napupunta sa mga magsasaka,” ani Alfiler. Gayundin, igiit ni Alfiler sa National Tobacco Administration na bigyang solusyon ang iba pang problema ng mga magsasaka kabilang ang mababang presyo ng aning tabako at mga di-pantay na kasunduan sa mga contract growing agreements.
H U LY O 2 0 1 7
5
Umabot sa mahigit 100,000 ang lumahok sa pandaigdigang Araw ng Paggawa sa buong bansa nitong Mayo 2017 (kaliwa) at isang poster tungkol sa paglahok ng kababaihan sa mga kooperatiba (kanan, 1918). Sa tagumpay ng Rebolusyong Oktubre, ang Rusya ang naging kauna-unahang sosyalistang bayan sa kasaysayan. THE NE W YO RK PUB L I C L I B RA RY / NY PL .O RG
100 taon ng Rebolusyong Oktubre, ginunita Mga tagumpay at aral hango sa Rebolusyong Oktubre ng 1917 zz Pagtatayo ng diktadura ng proletaryado zz Pagkolektibisa at mekanisasyon ng agrikultura zz Pagtatayo ng sosyalistang industriya zz Pangingibabaw sa gyera sibil at dayuhang panghihimasok zz Pagpapaunlad ng edukasyon at kultura ng masang anakpawis zz Pagpapasigla ng ekonomiya zz Proletaryong internasyunalismo, o pagsuporta sa pandaigdigang kilusang komunista zz Paglaya ng kababaihan mula sa sistemang patriyarkal-pyudal zz Paggapi sa pasismo ng mga Nazi sa Alemanya zz Pagbaka sa imperyalismong U.S. matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
N
oong April 4, 2017 ginunita ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at RESIST Agrochem TNCs (RESIST) ang ika-100 anibersaryo ng October Revolution sa panahon ng ika-57 na anibersaryo ng International Rice Research Institute (IRRI). May temang “Going Against the Grain: Resisting the Neoliberal Attacks on Agriculture and the Way Forward to a Food-Secure Future,” nagsilbi itong okasyon para higit na palakasin ang mga pakikibakang masa laban sa iba’t-ibang porma ng mga neoliberal na atake sa agrikultura at sa mga magsasaka. Napapanahon ang tema dahil sa taong ito ay ipinagdiriwang ang komemorasyon ng sentenaryo ng Great October Socialist Revolution, na naganap sa Rusya at lumikha ng kasaysayan sa buong mundo, at patuloy na nagsisilbing inspirasyon at halimbawa sa pakikibaka ng manggagawa at magsasaka para sa panlipunang pagbabago.
Mahigit 200 magsasaka mula sa KMP at MASIPAG kasama ang mga kasapi ng RESIST, ang nagrali sa harap ng tanggapan ng Department of Agriculture (DA) upang ihayag ang pagtutol sa mga patakarang tinutulak ng mga agri-korporasyon tulad ng MASAGANA 6000 at ang planong komersyalisasyon ng Golden Rice. Sinundan ito ng ang porum sa SOLAIR Auditorium sa UP Diliman na nagpakita ng epekto ng monopolyo kapitalista sa sektor ng agrikultura. Ibinahagi ng mga magsasaka sa Negros, Bohol at Quezon ang inisyatiba nila para palakasin at muling buhayin ang sistema ng agrikulturang para at mula sa mga magsasaka at agrikulturang malaya mula sa dayuhang dikta at kontrol. Tinalakay din sa porum ang mga kolektibo at militanteng pagkilos ng mga magsasaka sa paggigiit ng kanilang mga demokratikong karapatan at mga pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.
LINANG
6
Sumusulong ang okupasyon ng lupa a 1
S
umusulong ang mga bungkalan sa buong bansa bilang bahagi ng pambansang kampanyang pagbubuwag sa mga hacienda, mga dayuhang plantasyon at malalaking lupain na nasa monopolyo at kontrol ng malalaking panginoong maylupa.
1
Hacienda Luisita
Bago ito, noong Marso 24, 2017, naglabas ng Administrative Order ang DAR para baligtarin ang conversion order ng 358-ektaryang lupa na ilegal na ikinombert at ibinenta ng Luisita Land Corp. sa RCBC noong 2004, ilang araw matapos ang masaker sa Luisita. Tuloy-tuloy pa ang bungkalan sa Hacienda Luisita. Noong Hunyo 9-10, nagkaroon muli ng solidarity night, aktibidad at sama-samang pagtatanim sa Barangay Balete.
Noong Abril 24, 2017 , pinagtulungang tibagin hanggang sa mawasak ang konkretong pader na itinayo ng RCBC sa Brgy. Hacienda Roxas Balete para mapasok ang 358-ektaryang lupa Matapos ang 24 na taon, muling na ini-award na ng Department of Agrarian nakapagsaka sa kanilang lupa ang Reform (DAR) sa mga manggagawang bukid. mga magsasaka ng Hda. Roxas sa Kabilang sa mga nakiisa sa Alyansa ng Nasugbu, Batangas. Noong Pebrero Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita pa nagsimula ang bungkalan sa (AMBALA) ang Kilusang Mayo Uno, Kalipunan ng Damayang Mahihirap, Gabriela, Bagong dating tubuhan na nilahukan ng Damayan Alyansang Makabayan, mga kabataan - estudyante, ng mga Magsasaka sa Batangas (DAMBA), Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Tubuhan mga taong simbahan at mga akademiko. Ang militanteng aksyon ng mga manggan- (PAMATU) at National Federation of Sugar gawang bukid na sinuportahan ng iba’t- Workers (NFSW). Inilarga ang bungkalan ibang sektor ay isinabay sa ikalimang taon ng matapos mapatalsik ang pangkat ni Roy desisyon ng Korte Suprema na nagpawalambisa Mahinay na matagal na namayani sa DAMBA. Ang 2,600-ektaryang Hda. Roxas ay nahahati sa Stock Distribution Option (SDO) at nag-utos sa Hda. Palico (1,050 ekt.), sa DAR na ipamahagi ang 6,453 Hda. Caylaway (867 ekt.) at ektaryang lupain. “Ang bungkalan Hda. Banilad (1,024 ekt.) Ito “Binabawi namin kung ano ang ikatlong pinakamalaking ang sa amin. Inaalis namin sa ay nagpapakita landholding na nasaklaw ng mga Cojuangco-Aquino ang ng mahigpit na huwad na programa sa lupa kontrol sa lupa na inagaw at pagkakaisa ng ng gobyerno. ipinagkait nila sa mga manggamga magsasaka Taong 1993 pa nabigyan gawang bukid ng higit sa na mabuwag ang ng Certificate of Land Owenkalahating siglo,” ani Renato mga asyenda at ership Award (CLOA) ang Mendoza, pangkalahatang kalihim ng AMBALA. maigiit ang libreng mga magsasaka sa Hacienda Roxas subalit naghabol sa Ang okupasyon ng lupa pamamahagi Korte ang Roxas Corp. Inc at kolektibong bungkalan ay ng lupa sa mga (RCI) ni Don Pedro Roxas. paggigiit ng mga magsasaka sa magsasaka.” Pinalabas nitong hindi agrikanilang karapatan sa lupa sa —KA EDDIE BILLIONES kultural ang lupain dahil na harap ng panggigipit ng RCBC.
2
4 2
H U LY O 2 0 1 7
7
pa at mga bungkalan sa buong bansa
Mapangahas na itinumba ng mga magsasaka ang watch tower ng RCBC na nakatirik sa lupang inagaw ng pamilya Cojuangco-Aquino. Tuloy-tuloy na lumalawak ang bungkalan sa buong Hacienda Luisita.
5
rin sa tangka nitong i-kumbert para sa ekoturismo ang bahagi ng dating tubuhan. Noong Hunyo 15-16, inokupahan at kolektibong binungkal ng mga magsasaka ang 17-ektarya bahagi ng Hda. Palico. Tinaniman nila ito ng mais, kamote, palay at iba pang mga gulay. “Ang bungkalan na masiglang nagaganap sa Hacienda Roxas at sa iba pang panig ng bansa ay nagpapakita ng mahigpit na pagkakaisa ng mga magsasaka na mabuwag ang mga asyenda at maigiit ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka,� ani Ka Eddie Billiones, lider ng Katipunan ng Magsasaka sa Timog Katagalugan.
3 3
MARBAI vs. Lapanday
Nagpamalas ng pambihirang determinasyon ang mga magsasakang kasapi ng Madaum Agrarian Beneficiaries Inc. (MARBAI) sa matagumpay nilang paglaban para mabawi ang 145-ektaryang lupain na inagaw ng Lapanday Foods Corp. sa Tagum, Davao del Norte. Umabot sa halos kalahating taon ng walang tigil na kampanya ang ginawa ng MARBAI, sa tulong ng Hugpong ng mga Mag-uuma sa Compostela Valley (Humawac) bago muling nakabalik sa
LINANG
8
Ilan sa marami pang bungkalan sa buong bansa zz Sanggalang Estate sa Sto. Domingo, Nueva Ecija na may 60-ektarya at binubungkal ng 20 pamilyang may mga Empancipation Patents mula sa gobyerno. zz Hacienda Peralta sa Barangay Pangpang at Guinlajon sa Sorsogon City na sumasaklaw sa 49-ektarya at binubungkal ng 53 pamilyang magsasaka. zz Barangay Lunen sa Tupi, South Cotabato, nabungkal na ang 60-ektarya ng kabuuang 125-ektaryang inagaw ng lokal na panginoong maylupa. Nasa 70 pamilya ang nagtutulong sa bungkalan. zz Sa Naga City sa Camarines Sur, may higit 10.25-ektarya sa mga barangay ng Manubay at Gacis Estates at mga nakumbert na lupa sa BF Homes at Concepcion Grand ang sinimulang bungkalin ng 30 pamilyang magsasaka. Lumalawak pa ito. zz Sa Pontevedra, Negros Occidental may 37-ektaryang lupa ang pinusisyunan ng 17 agrarian reform beneficiaries na may CLOA. zz Sa San Jose Del Monte City, Bulacan 40 hectares ng Marga Farms na inaagaw ni Dona Margarita Araneta-Sing ng pamilyag Araneta ang binubungkal ng 60 magsasaka. Tatlumpung (30) ektarya sa AIC at Crescent Park na dinedebelop ng mga Villar ang tinataniman ng 20 magsasaka at 21-ektaryang inaagaw ng Robes Landholding ang binubungkal ng 30 magsasaka. Ang mga nasabing lupain ay inaagaw ng mga pribadong kumpanyang real estate. zz Hacienda Yulo sa Laguna, may limang ektaryang lupa ang tinataniman ng mga magsasaka. zz Hagonoy Davao del Sur bahagi ng 1,000 ektaryang lupa ni Danding Cojuangco, Jr. na binubungkal ng 400 magsasakang kasapi ng UFARBAI-KMP.
Matagumpay na nabawi ng mga manggawang bukid ng MARBAI ang kanilang lupain noong Mayo 18. Kasama ang mahigit 5,000 magsasaka at tagasuporta mula sa buong Mindanao, organisadong naokupa at nasimulang bungkalin ang lupang inagaw ng mga Lorenzo na nagmamay-ari ng Lapanday Foods Corporation.
kanilang lupain ang mga magsasaka at manggagawang bukid. Makalipas ang ilang buwan na kampuhan sa labas ng plantasyon ng saging, noong Disyembre 9, 2016, iginiit ng MARBAI ang pagbawi sa lupa. Kahit marami ang nasaktan sa pandarahas sa kanila ng mga gwardya at goons ng mga Lorenzo at Lapanday, ipinagtanggol nila ang karapatan sa lupa. Nakapanatili ng ilang linggo sa loob ng plantasyon ang may 159 magsasaka at daan-daang tagasuporta. Subalit noong Disyembre 31, muli silang itinaboy ng mga gwardya. Marso 2017 nang magkampuhan sa labas ng DAR ang MARBAI para makakuha ng installation order. Abril 19 at 21 nang unang magtangka ang DAR na ilagay sa lupa ang mga magsasaka subalit hindi natuloy dahil sa panggigipit ng mga Lorenzo. Dito na nagpasya ang mga magsasaka na itaas ang antas ng kanilang laban. Mayo Uno nagtirik ng kampuhang magsasaka ang MARBAI sa Mendiola upang igiit kay Pangulong Duterte na tugunan ang
kanilang panawagan. Nagrali sila sa opisina ng Lapanday, sa kampo ng militar at pulis, dumulog sa iba’t-ibang ahensya ang mga magsasaka. Marami ang nakiisa at nagpunta sa kampuhan. Mayo 8, 2017, tumugon sa panawagan ng mga magsasaka si Duterte. Nagtungo siya at si DAR secretary Rafael Mariano sa Mendiola at nakipagdayalogo sa mga magsasaka. Sinabi ni Duterte na maari nang i-install sa lupa ang mga magsasaka ng MARBAI. Isa itong tagumpay ng pagkakaisa at paglaban ng mga magsasaka at mamamayan. Noong Mayo 18, 2017, matagumpay na nakabalik sa lupa ang mga magsasaka. Ipinapanawagan pa rin nila ang pagpapalayas sa mga gwardya at goons ng Lapanday.
4
Lupang Kapdula
Sa Dasmarinas, Cavite, matagumpay na nakapasok at nakabalik noong Mayo 30, 2017 ang mga magsasaka ng Lupang Kapdula sa 155-ektaryang lupaing
H U LY O 2 0 1 7
9
“Kaming mga orihinal na magsasaka, tenant at manggagawang bukid pa ang nawalan ng lupa samantalang kami ang nagbungkal at naglinang upang maging produktibo ang lupain.” —JERLYN DIANE
kinamkam ng JAKA na pagmamayari ng pamilya ni Juan Ponce Enrile kasabwat ang South Cavite Land at Sta. Lucia Realty Corp. Higit isang dekadang wala sa lupa ang mga magsasaka. Nagugutom na ang kanilang mga pamilya dahil sa kawalan ng kabuhayan. Ayon sa mga magsasaka, nilinlang sila nang maipaloob sa joint venture agreement ang lupa at pangakuan sila na uunlad ang kanilang kabuhayan subalit unti-unting inagaw sa kanila ang lupa. Sa kabila ng mga harasment, nagpapatuloy ang bungkalan ng mga magsasaka.
5
Sanson Estate, Iloilo
Humigit kumulang 100 magsasaka at manggagawang bukid ang nakilahok sa kaunaunahang bungkalan sa Panay sa ilalim ng rehimeng Duterte. Naganap ang bungkalan noong Hunyo 23, 2017 sa lupain ng mga Sanson sa Sara, Iloilo. Aabot sa 7.9 ektarya ang lupang binubungkal na parte ng higit 700 ektaryang Sanson Estate na sumasakop sa 17 barangay. Sa pangunguna ng Anakpawis Partylist at Pamanggas-Panay, matagumpay na nakapagtanim ng saging, kamote at kamoteng kahoy, ang mga magsasaka bilang tugon sa gutom na kanilang nararanasan. Ayon kay Jerlyn Diane, lider magsasaka at tagapagsalita ng Anakpawis-Sara, mula Setyembre 2016 nang mag-install ng mahigit 300 CLOA holders sa naturang lupa ang DAR subalit ang mga orihinal na tenante at manggagawang bukid ay hindi naisama sa mga nabigyan ng CLOA.
“Kaming mga orihinal na magsasaka, tenant at manggagawang bukid pa ang nawalan ng lupa samantalang kami ang nagbungkal at naglinang upang maging produktibo ang lupain. Higit 30 taon na kaming nagsasaka dito, dugo’t pawis ang aming inalay para lang maka-ani at kami ay mabuhay,” ika ni Diane. Hanggang ngayon, hindi pa rin nadedesisyunan ang kanilang petisyon sa “inclusion-exclusion” at “cancel lation of CLOAs” para sila ay maipasok bilang mga lehitimong ARBs. Taong 1991 nang mag-umpisa ang pag-saklaw sa Sanson Estate sa huwad na programa ng reporma sa lupa ng gobyerno. Nang malaman ito ng may-ari, inabisuhan nito ang kanyang mga tenante at administrador na mag-apply dahil sila ang “preferred beneficiaries” nito. Nakalipas na ang higit isang dekada nang malaman nila
na hindi pala sila ang naisama bilang mga benipesyaryo May 100 magsasaka ang nagpetisyon para maisama sila sa mabibigyan ng CLOA. Subalit dahil nakapusisyon na sa lupa, pinasigla ng mga magsasaka ang sama-samang bungkalan. Patuloy na iginiit ng mga magsasaka ang agarang aksyon ng DAR Central Office sa kasong ito. “Ang saklaw ng mga bungkalan at pagpupusisyon sa lupa ng mga magsasaka ay maliit pa kumpara sa libu-libong ektaryang malalawak na lupain na nasa kontrol ng iilang pamilyang panginoong maylupa, mga haciendero at mga lokal at dayuhang plantasyon at korporasyon. Patuloy na lalawak ang mga bungkalan ng masang magsasaka kasama ang mamamayan,” ani Joseph Canlas, tagapangulo ng KMP.
Patuloy na binubungkal ng mga magsasakang biktima ng tagtuyot ang mahigit 155 ektaryang lupain sa Hacienda Ilimnan sa Negros. Noong Hulyo 2016, tinangka ng mga militar at pulis na pigilan ang bungkalan ng mga magsasaka.
LINANG
10
“A
ng mga magsasakang nagpapakain sa sambayanan ay walang habas na pinapatay. Mariin namin itong kinokondena at gagawin namin ang lahat upang depensahan ang aming hanay,” pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) hinggil sa sunod-sunod na pampulitikang pamamaslang sa mga magsasaka, katutubo, moro, aktibista at mamamayan ng kanayunan. Ang mga lider magsasaka, survivor, mga kaanak ng pinatay at mga kapanalig ng mga magbubukid sa ilalim ng #StopKillingFarmers Network ay nanawagan ng hustisya sa 64 na mga biktima ng pampulitikang pamamaslang sa ilalim ni Durterte. Ang tantos ng pagpatay ay biglang tumaas matapos magdeklara ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng todogyera laban sa mamamayan noong ika-3 Pebrero. Sa rehiyon lamang ng Timog Mindanao, umabot na sa 28 ang pinatay na mga magsasaka, kalakhan ay kalahok sa pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa at kampanya laban sa militarisasyon. “Kung tunay ngang sinsero ang gobyernong Duterte na tahakin ang landas ng kapayapaan, dapat ay mapagpasya nitong itigil ang tumitinding pagpatay sa mga magsasaka at tugunan ang problema sa kawalan ng lupa,” banggit ni Antonio Flores, ang pangkalahatang kalihim ng KMP. Higit pa sa todo-gyera ay ang deklarasyon ng Martial Law noong Mayo 23 na mariing tinungali ng KMP. Nanindigan ang mga magsasaka na lalabanan ang militaristang hakbangin ng gobyernong Duterte sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pambansang kampanya para isulong ang libreng pamamahagi ng lupa at tunay na reporma sa lupa.
Sa unang taon ni Duterte: 64 magsasaka pinaslang
Noong Marso 30, itinatag ng mga magsasaka, survivor at mga kaanak ng mga biktima ng pampulitikang pamamaslang ang #StopKillingFarmers network. Ayon sa datos, isang magsasaka bawat tatlong araw ang pinapatay mula nang idineklara ang all-out-war noong Pebrero 2017.
“Hindi magpapatinag ang masang magbubukid sa malagim na panahong ito. Laksa-laksang magsasaka ang magsusulong at magtatanggol sa demokratiko, pang-ekonomiya at pampulitikang karapatan,” ayon kay Joseph Canlas, tagapangulo ng KMP. Tumindi ang pambobomba sa mga komunidad at naging mas mabangis ang militarisasyon. Tuloy-tuloy ang mga harassment at panunupil sa mga magsasaka. Nitong Hunyo 28, iligal na inaresto at hinold ng mahigit limang oras ng 10th Infantry Division Task Force Davao ng Philippine Army ang mga lider ng KMP sa Timog Mindanao na sina Pedro Arnado, Gerry Alborme,
Lito Lao kasama pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN sa rehiyon na si Hanimay Suazo. Pilit na tinutukoy ng AFP na si Lao, 63 taong gulang, bilang isang miyembro ng New People’s Army. Kinondena ng KMP ang insidente ng pangigipit at red-tagging laban sa mga lider magsasaka at mga kapanalig na human rights activists. Ang panawagan ng KMP: “Ibasura ang Martial Law sa Mindanao at itigil na ang all-out-war ng gobyernong Duterte laban sa mamamayang Pilipino.”
Bilang ng pampulitikang pamamaslang sa hanay magsasaka at mamayan sa kanayunan, Hulyo 2016-Mayo 2017 2016
HUL
AGO
SET
OKT
NOB
DIS
2017
ENE
PEB
MAR
ABR
MAY
H U LY O 2 0 1 7
MULA SA P. 12
Isang taon ni Duterte ... berdugo na naitatalaga sa burukrasyang sibil. Umaalagwa ang militarisasyon sa kanayunan. Habang hibang na iginigiit ni Duterte ang ceasefire sa mga rebolusyonaryong pwersa, walang habas naman itong nagdeklara ng all-out war at nagpataw pa ng Batas Militar sa buong Mindanao. Larawan ang lahat ng ito ng kabiguan ni Duterte na mapagpasyang magpatupad ng reporma para sa kag alingan ng magsasaka at mamamayan. Nagpapatuloy at ibayo pang lumalakas, kung gayon, ang militanteng pagkilos ng mga magbubukid para igiit ang karapatan sa lupa at kabuhayan. Sa kasalukuyan, isinusulong at tuluy-tuloy na pinauunlad ang pambansang kampanya para buwagin at samasamang bungkalin ang mga hacienda at plantasyon sa bansa. Sa pamamagitan ng kolektibo at mapangahas na pagkilos sa mga kampuhan, barikada, welga, okupasyon at bungkalan, nagiging buhay ang kahilingan ng mga magsasaka para sa libreng pamamahagi ng lupa at tunay na repormang agraryo. Nakita natin ito sa pagbubuwag ng mga taga-Hacienda Luisita sa pader ng RCBC noong Abril at sa pagpasok ng mga manggagawang bukid sa Lapanday noong Mayo. Ikinakasa na rin ang marami pang ibang laban sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Bahagi ang kampanyang ito ng pangkalahatang pagpapalawak at pagpapalakas ng pambansa demokratikong kilusan. Magsisilbi itong makapangyarihang hamon sa rehimeng Duterte para maghunos-dili sa papalala nitong tunguhing pasista at makaimperyalista. Anu’t anuman, sakaling hindi na mangimi ang rehimeng Duterte sa paggampan nito bilang pangunahing kasangkapan ng imperyalistang U.S. at ng lokal na naghaharing uri, nakahanda ang kilusan ng magbubukid, kasama ang mga manggagawa at iba pang api at pinagsasamantalahang sektor, na ibayong paigtingin pa ang paglaban sa pyudalismo, burukrata kapitalismo, pasismo, imperyalismo, at, kung magkagayon, kay Duterte mismo.
11
‘Day of the Landless’ 2017 inilunsad sa 7 bansa
N
ilahukan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang militanteng tradisyon ng paggunita sa Day of the Landless na may temang Fight for Land! Fight for Life! Intensify the Struggle against Global Land Grabbing! na pinangunahan ng mga kasapi at network ng Asian Peasant Coalition (APC) noong Marso 29. Naglunsad ng iba’t-ibang aktibidad ang 33 organisasyon sa pitong bansa sa Asya tulad ng Bangladesh, Cambodia, India, Indonesia, Malaysia, Pakistan, at Pilipinas mula Marso 25 hanggang
Marso 29, 2017. Inilabas naman ng Pesticide Action Network Asia Pacific (PAN AP) ang isang maikling bidyo na pinamagatang The Right to Resist Land Grabs,” na tumatalakay sa pangangamkam ng lupa, represyon at paglaban sa kanayunan. Ang Marso 29 ay isang makasaysayang araw sa pakikibaka para sa lupa sa Asya dahil ito ang araw ng pakakatatag ng APC. Simula noon ay nanguna ang APC sa pakikibaka sa Asya laban sa imperyalista at pyudal na pagsasamantala.
Kailangan ang peace talks at CASER Ang pagkaudlot ng pagtalakay sa Comprehensive Agreement on Economic and Social Reforms (CASER) sa hindi natuloy na ika-limang round ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines noong Mayo 27 ay kagagawan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP). Walang naganap na pag-uusap sa naiskedyul na round ng usapan dahil sa pagmamatigas ng GRP na magkaroon muna ng ceasefire kahit wala pang substansyal na kasunduan sa CASER. Kahit na lubos na nakahanda ang NDFP gayundin ang third-party facilitator na Royal Norweigian Government na matuloy kahit ang mga impormal na usapan, wala na ring naganap na
pag-uusap matapos na magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na huhulihin ang mga konsultant ng NDFP kung sila’y uuwi sa Pilipinas. Naninindigan ang masang magsasaka na kailangan ang peace talks upang magkaroon ng mahalagang kasunduan sa CASER at mga kaukulang reporma upang mapabuti ang kalagayan ng mamamayan at mabigyang solusyon ang ugat ng krisis at armadong tunggalian. Nauna nang nagkasundo ang NDFP at GRP sa libreng pamamahagi ng lupa para sa mga magsasaka. Kailangang panagutin ang GRP sa napakaraming kaso ng mga paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.
Ipagbawal ang Paraquat, Glyphosate Noong May 22, 2017, pinangunahan ng mga kinatawan ng MAKABAYAN bloc, Rep. Ariel Casilao ng Anakpawis Partylist, at Rep. France Castro ng ACT Teahers Partylist ang paghahain sa mababang kapulungan ng Kongreso ng dalawang panukalang batas upang ipagbawal sa Pilipinas ang mapanganib na pesti sidyong Paraquat at Glyphosate.
Ang House Bill 5678 o Paraquat Use Prohibition Act of 2017 at House Bill 5677 o Glyphosate Use Prohibition Act of 2017 ay naglalayong i-ban ang distribusyon, pagbebenta at paggamit ng Paraquat at Glyphosate sa Pilipinas upang protektahan ang buhay at kalusugan ng mga magsasaka at mamamayan, laluna ang mga kababaihan at mga bata mula sa malalang epekto nito.
E
DITORYAL
Isang taon ni Duterte: Puro pangako, walang pagbabago
S
na hacienda at plantasyon gaya ng Hacienda Luisita. Sa isang banda, malugod na sinalubong ng mga magbubukid at demokratikong kilusang masa ang pagkakahirang kay Rafael “Ka Paeng” Mariano bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR). Nagsikap
“Wala pa ring pambansang patakarang naitatakda si Duterte para sa isang bago at tunay na programa sa reporma sa lupa.” ang DAR na i-ayon ang mga gawain nito sa pagtataguyod sa karapatan sa lupa ng mga nagbubungkal. Gayunman, malalim na nakaangkla pa rin sa imperyalistang neoliberal na mga patakaran ang pangkalahatang tunguhin sa ekonomya ng gobyernong Duterte. Ang pakete ng mga programang itinutulak ng economic managers ng Malacanang ay nananatiling malalaking balakid sa makatarungang mithiin ng mga magsasaka at anumang positibong pagsisikap ng bagong DAR.
Gayundin, ang patuloy na kawalan ng isang bago at tunay na batas at programa sa reporma sa lupa, at ang pag-iral pa rin ng maka-panginoongmaylupang mga probisyon ng CARP ay nakapagtatakda ng konkretong mga limitasyon sa pagpapatupad ng makamagsasakang layunin ng DAR sa ilalim ni Secretary Mariano. Idagdag pa rito ang tahasan at marahas na pagsuway ng malalaking panginoong maylupa at dayuhan, kasapakat ng mga lokal na burukrata, pulis at militar, sa mga kautusan ng bagong DAR. Samantala, ang mga postura at salita ni Duterte na tumutuligsa sa U.S. at nagpapahayag ng pagsusulong ng nagsasariling patakaran sa ekonomya at relasyong panlabas ay nananatiling pawang mga postura at salita lamang hanggang ngayon. Gaya ng nagdaang mga rehimen, ang demokratikong paglaban ng mga magsasaka at mamamayan ay sinasalubong ng karahasan ng estado. Higit 60 na ang napapaslang na mga lider magsasaka at aktibista sa ilalim ni Duterte. Nakaaalarma ang paparaming bilang ng dating mga opisyal-militar at ITUTULOY SA P. 11
Antonio Flores • Randall Echanis • Mao Hermitanio • Rhoda Gueta • Ericson Acosta • Bruce Dig • Marx Segundo • Rosel Eugenio • Miko Mendizabal Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 217-B, Alley 1, Road 7, Project 6, Quezon City, Philippines TE L E FA X : (02) 4609012 kmp@kilusangmagbubukid.org WEBSITE: www.kilusangmagbubukidngpilipinas.com FAC E B O O K : /kilusangmagbubukid T W I T T E R : @kmp_phl
PAT NUGUTAN:
TANGGAPA N :
EMAIL:
RENAN ORTIZ
a pag-uumpisa ng panunungkulan ni Dutere, tinipon ng malawak na hanay ng magbubukid, mangingisda, manggagawa sa agrikultura, kababaihan at kabataang magsasaka, at iba pang anakpawis sa kanayunan, ang kanilang pangkalahatan at partikular na mga kahilingan bilang bahagi ng People’s Agenda na isinumite sa Malacanang. Ang mga pangako ni Duterte para sa makabuluhang reporma, ang kanyang bakgrawnd sa pakikipagmabutihan sa kilusan noong alkalde pa lang siya ng Davao City, ang kanyang pag-akong siya ay sosyalista, makakaliwa, o kontra sa dayuhang kapangyarihan, ang paghirang niya ng mga progresibo sa gabinete, at ang komitment niya sa usapang pangkapayapaan, ang naging mga batayan para seryosong hamunin ng kilusang magbubukid si Duterte. Sa loob ng isang taon, iginiit ng mga magsasaka at mamamayan kay Duterte ang panawagan para sa tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal, pagtataas ng sahod ng mga manggagawa at pagwawakas sa kontraktwalisasyon, pagbabasura sa mga di-pantay na kasunduan sa ekonomiya at dikta ng mga dayuhan, pagbabalik ng coco levy fund sa mga magniniyog, libreng irigasyon, at pagpapawalambisa sa samu’t saring anti-mamamayang patakaran. Natapos na ang unang taon ni Duterte. Para sa mga magbubukid, malinaw na wala pa ring makabuluhan o tiyak na pambansang patakarang naitatakda si Duterte para sa isang bago at tunay na programa sa reporma sa lupa. Nakatayo pa rin ang malalawak