NIZ Balitaan Tomo 2 Blg. 3

Page 1

Marso 2014

NIZ Balitaan

1

Vermicomposting, naghahatid ng dagdag-kita sa mga magsasaka sa Catalanacan, Muñoz Ni Ma. Cecilia C. Irang

Sa isang negosyo, masasabing mahusay ang negosyante kapag napalago niya ito. Higit pang mapalad kung sa iisang negosyo na ito ay magagawa pa niyang madagdagan ang kita. Maihahalintulad sa ganitong uri ang negosyo sa pagkakalabawan na kung saan, batay sa pagpapatotoo ni Leoncio Callo, chairman ng Catalanacan Primary MultiPurpose Cooperative (CAMPCI) sa Catalanacan, Science City of Muñoz, Nueva Ecija, ay may makukuha pang dagdag-kita bukod sa dati nang pinagkakakitaan. “Sino nga ba ang mag-aakala na bukod sa gatas ay may pera rin sa dumi ng kalabaw?”, patanong na wika ni Callo. Noong 1999, pinagkalooban ng Philippine Carabao Center ang kooperatibang kinabibilangan ni Callo ng mga pahiram na kalabaw. Mula noon, dahil sa kalabaw na napunta kay Callo, kumikita na siya ng kulang sa Php 1,000 araw-araw mula sa gatas na nakukuha niya at naipagbibili araw-araw. Nagsimula lang siya sa isang

Ang mga miyembro ng CAMPCI habang ipinakikita ang mga organikong pataba na nai-pro-prodyus na ng kanilang kooperatiba.

kalabaw, nguni’t ngayon ay nasa 30 na ang kanyang alagang hayop. Umaani siya ng 26-29 litro ng gatas arawaraw. May panahon ding umabot sa 46 litrong gatas ang nakuha niya

sa isang araw mula sa kanyang mga alagang kalabaw. Sa kasalukuyan, mayroon siyang anim na kalabaw na ginagatasan. Ang gatas ay ibinebenta naman niya ng

Php40 kada litro sa NEFEDCCO. Ayon kay Callo, sa kanila namang kooperatiba, nasa 4,000 litro ng gatas ang naaani kada buwan. Ang kanilang (Sundan sa p.3)

Magsasakang maggagatas, Gatasang kalabaw, ipinamahagi technician, co-op sa N.Ecija bilang pahiram sa mga magsasaka pinarangalan ng PCC Ni Khrizie Evert M. Padre

Ni Chrissalyn L. Marcelo Kasabay ng ika-21 anibersaryo ay itinanghal bilang ‘‘Best Dairy Buffalo sa pagkakatatag ng Philippine Farmer’’ sa kategoryang Family Module. Si Alfonso, miyembro ng Eastern Carabao Center (PCC), ang mga piling magsasaka at kooperatiba Primary Multi-Purpose Cooperative sa Nueva Ecija ay pinarangalan (EPMPC), ay ginawaran bilang ‘Best Dairy dahil sa mahuhusay nilang naging Buffalo Farmer’ na parangal sa kategorya ng semi-commercial operation. accomplishment sa nagdaang taon. Si Pelayo, isang village-based artificial Mula sa mga magsasakang maggagatas na kasapi sa 54 na insemination technician (VBAIT), ay kooperatiba sa lalawigan, binigyang- kinilala bilang “outstanding VBAIT” dahil parangal sina Arnold Cunanan, Carlito sa kanyang magandang rekord sa nagdaang taon. Alfonso at Sernan M. Pelayo. Sila ay naparangalan batay sa masusing Si Cunanan, miyembro ng Simula ng Panibagong Bukas Primary Multi- pagsusuri na isinagawa ng Genetic Purpose Cooperative (SIPBUCO), (Sundan sa p.2)

Upang mapaigting pa ang programa ukol sa gatasang kalabaw, 68 magsasaka-katiwala ang napahiraman ng Brazilian buffalo at walong iba pa ang pinagkatiwalaan ng bulugan ng may gatasang lahi. Ang mapapalad na napahiraman ng mataas na uring gatasang kalabaw ay mula sa iba’tibang kooperatiba sa National Impact Zone (NIZ). Sa mga napahiraman ng Brazilian buffalo, walo ay mula sa bagong tatag na kooperatiba na Gabay sa Bagong Pag-asa ng Bungo, Gapan, sampo sa Eastern

Primary Multi Purpose Cooperative, at 18 mula sa Licab Dairy Producers Cooperative. Karagdagang 24 naman ang naipahiram sa Bagong Pag-asa sa Bagong Talavera PMPC. Apat na miyembro naman na mula sa Maliolio Dairy Carabao Association ang nabigyan ng kalabaw bilang kapalit ng mga namatay nilang alagang kalabaw. Sa pagpapahiram ng mga gatasang kalabaw, binigyang-diin ng mga kinauukulan mula sa PCC ang karampatang mga tungkulin ng magsasaka-katiwala na dapat gampanan sa wastong pag-aalaga,

(Sundan sa p.3)


Marso 2014 NIZ Balitaan 2 LGU ng Llanera, modelo Kahalagahan ng pagpaplano sa gawaing pag-unlad ng pamilya, kalusugan, at nutrisyon, binigyang-diin sa pagsasanay Ni Chrissalyn L. Marcelo Bukod sa pagpapalayan at alagang kalabaw ay nakapagdaragdag paggugulayan, buong sigasig ng malaki sa kanilang panggastos sa ngayong isinusulong ng bayan pang-araw-araw na pamumuhay. ng Llanera sa Nueva Ecija ang Samantala, dahil nakasanayan na pag-aalaga at pagpaparami pa ng ngang katuwang ang mga kalabaw sa gatasang kalabaw. gawaing pag-unlad, ang alkalde ng Sa pakikipagtulungan ng bayan ay naglunsad ng programa upang Philippine Carabao Center (PCC) at mapag-igi pa ang magandang bukas na ng pamahalaang bayan ng Llanera hatid ng industriya ng pagkakalabaw sa sa pangunguna ni Mayor Lorna Mae kanyang mga kababayan. Vero, marami na ngayong magsasaka Inilunsad ng alkalde ang sa nasabing bayan ang napahiraman proyektong paggawa ng organikong ng 272 na purebred na kalabaw na pataba na ang pangunahing materyales kanilang ginagatasan. o substrate ay ang dumi ng kalabaw. Ang mga purebred na kalabaw “Ang kalabaw naman ay na ito ay may lahing-gatasan na nagagatasan lang kapag nanganak na, nakapagbibigay ng karaniwang ani pero ang sigurado ay dumudumi ito na walong litrong gatas kada araw. sa araw-araw. Dahil sa kanilang dumi, Naibebenta ang gatas sa halagang tiyak na madaragdagan pa ang kita ng Php42 kada litro sa loob ng 305 araw aking mga kababayan,” ani Mayor Vero. na paggagatas. Iyon nga ay vermicomposting o Batay sa tala, bukod sa purebred paggawa ng organikong pataba sa ay mayroon na ring 191 na crossbred tulong ng mga night crawlers o bulate. na kalabaw sa Llanera. Ito’y bunga Katulong ang ahensiya tulad ng ng patuloy na isinasagawang Department of Labor and Employment malawakang artipisyal na (DOLE), Department of Social pagsesemilya ng mga Village-Based Welfare and Development (DSWD), Artificial Insemination Technician Department of Interior and Local (VBAIT) na sinanay ng PCC. Government (DILG-LGA), PCC at Ang mga crossbred ay siyang marami pang iba, ang proyektong resulta ng pagpapaangat ng lahi ng “Organic Fertilizer Production Project” katutubong kalabaw sa pamamagitan ay inilunsad noong 2010 sa Llanera. ng paggamit ng semilyang mula sa Ang proyekto ay nakalikom ng purebred riverine buffalo. Php5 milyong pondo na galing sa “Pinagkakakitan ito ng malaki mga nasabing ahensiya na naniwala ngayon ng aming mga magsasaka. at sumuporta sa kabutihang hatid ng Bukod sa malaki na kita, ito’y araw- programa. araw pang napagkakakitaan dahil Sa ngayon, magmula sa 156 na sa araw-araw rin ang paggagatas sa naunang benepisyaryo ng proyekto, kalabaw,” sabi ni Mayor Vero. umabot na sa 2,000 Llaneranos ang Dahil dito, dagdag ni Mayor Vero, natutulungan ng programa. Ang pondong nalikom bukod sa kita ng mga magsasaka sa pagtatanim ng palay at gulay, ang ay ginamit na pambili ng gatas na kanilang nakukuha sa mga mga bulateng African Night

Magsasakang... (Mula sa p.1) Improvement Program (GIP) Unit ng PCC mula sa hanay ng mga magsasakangmaggagatas at VBAIT sa buong bansa. Nakasama rin sa mga nabigyan ng parangal ang EPMPC sa San Jose City bilang “Best Dairy Buffalo Farmer Cooperative” mula sa lupon ng iba pang dairy cooperatives sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ayon kay Dr. Bing Flores, pinuno ng GIP unit, ang mga pinarangalan ay napatunayang nagtamo ng mahusay sa naging performance nila sa kani-kanilang gawain. Para kay Cunanan, siya ay naparangalan dahil nakita sa kanyang performance na mula sa tatlong kalabaw na naipahiram ng PCC sa kanya ay

mayroon na siya ngayong siyam na kalabaw na ang walo ay buntis. Bukod pa rito ay mayroon na rin siyang dalawang dumalaga at tatlo pang alagang kalabaw na nakuha niya sa PCC bilang karagdagan sa kaniyang mga alagang kalabaw. Si Alfonso naman ay nagpakita ng higit pang kahusayan palibhasa’y dati nang nakakukuha ng parangal dahil sa pag-aalaga niya ng kalabaw. Mayroon na siya ngayong mahigit sa 30 kalabaw na inaalagan na karamihan ay mula na rin sa pagsisikap niya at kita sa pag-aalaga ng kalabaw. Ang iba niyang alagang kalabaw ay pahiram pa rin ng PCC. Sa parangal niyang ‘‘Best Dairy Buffalo Farmer’’ sa kategoryang semi-commercial, ipinagpapasalamat ni Alfonso na naging katulong niya ang kanyang pamilya sa pag-

Ni Khrizie Evert M. Padre

Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga kababaihan sa pagpaplano ng pamilya, pagbibigay ng magandang kalusugan at pagpapabuti ng nutrisyon ng bawa’t miyembro sa pamilya nila. Ito ang binigyang-diin sa isinagawang pagsasanay sa Philippine Carabao Center (PCC) National Headquarters and Gene Pool sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija para sa mga may-bahay ng magsasakakatiwala na mula sa National Impact Zone (NIZ) noong Marso 21. Limampu’t anim na maybahay ang lumahok sa pagsasanay. Nilayon ng seminar na pag-igihin pa ng mga may-bahay ang kanilang kaalaman at kakayahan bilang kaagapay ng kanilang mga asawang magsasaka-katiwala sa pagpaplano ng pamilya, pagpapabuti ng kalusugan at pagiging produktibo sa mga gawain. Ang pagsasanay ay kinapalooban ng mga lektyur at talakayan ukol sa

pagplano ng pamilya, kalusugan at nutrisyon. Nagsilbing tagapagsalita si Nurse III Jessica Supan ukol sa panayam sa pagpaplano ng pamilya at NutritionistDietician II Iluminada R. De Guzman para naman sa lektyur sa kalusugan at nutrisyon. Sila’y kapwa kawani ng Provincial Health and Education Promotion Office (PHEPO). Nagpasalamat naman ang mga ginang na nagsidalo sa seminar na nagsabing naging makabuluhan para sa kanila ang mga naibahaging mga kaalaman. “Nagkaroon po ako ng iba pang kaalaman tungkol sa kalusugan at nutrisyon at marami akong natutunan sa tamang pagpaplano ng pamilya na maaari kong maibahagi sa ibang tao,” sabi ni Edna B. Gattoc, maybahay ng isang magsasaka-katiwala ng PAO Producers Cooperative sa Lupao, Nueva Ecija. Ang ginanap na seminar ay bahagi ng proyekto ng PCC at ng PHEPO.

Crawlers at mga materyales na kailangan sa paggawa ng vermi bed para sa mga napiling benepisyaryong magsasaka. Ayon kay Mayor Vero, bukod sa kita ng mga magsasaka na karaniwan ay nasa Php3,000 lamang kada buwan, ang pagbe-vermicompost ay nagbibigay ngayon sa kanila ng karagdagang Php 19,200 kada taon sa modal average pa lamang na dalawang 1x4 metrong vermi bed na may apat na kilogramong bulate kada bed. Sa kabuuan ay nakakukuha ng 3, 516 tonelada ng dumi ng kalabaw (kasama na ang sa baka) sa Llanera. Ito nga ay ginagawang organikong pataba na nagiging mabiling-mabili naman sa kanila.

aalaga ng kalabaw na naging pangunahin nilang pinagkakakitaan sa araw-araw. Si Pelayo naman ay itinanghal bilang “outstanding VBAIT” dahil sa mahusay na serbisyong naipakita niya sa kanyang gawain. Mula sa pagsasanay niya bilang VBAIT sa PCC sa CLSU noong 2003, siya’y itinanghal na rin noong 2010 sa PCC bilang “Best Performing VBAIT sa Region III”. Naging chairman na din siya ng Association of AI Technician and Animal Breeders sa Nueva Ecija noong 2006 hanggang 2007. Batay sa kanyang performance, si Pelayo ay nagtamo ng 48% AI efficiency dahil sa 164 kalabaw na kanyang napabuntis gamit ang AI technology. Bukod pa rito, 100% rin ang kanyang monitoring sa kanyang mga kliyente na binibigyan niya ng serbisyo

at mahusay rin niyang naitala sa kanyang record book ang bawa’t serbisyong kanyang naipagkaloob. Samantala, ang EPMPC na itinaghal bilang ‘‘Best Dairy Buffalo Farmer Cooperative’’ ay kumita ng Php9,905,697.88 mula sa 252,310.61 kilogramong gatas na na-iprodyus nito sa loob ng sampung taon. Dahilan ito para sila ang ikonsidera ng PCC na ‘‘top milk producing cooperative’’ hindi lamang sa Nueva Ecija kundi sa buong bansa. Ang mga nagsipagwaging ito ay tumanggap ng plake ng karangalan at salaping nagkakahalaga ng mula Php 25,000 hanggang Php 35,000 bawa’t isa. Sila ay ilan lamang sa mga piling magsasaka o technician na pinarangalan ng PCC sa nakaraan nitong anibersaryo.


NIZ Balitaan

Marso 2014

Gatasang kalabaw...

3

(Mula sa p.1)

pagkakaroon ng angkop na bahaysilungan, sapat na mapagkukunan ng pagkain, paggamit ng alagang kalabaw bilang gatasan lamang, pagpapalahi sa pamamagitan ng AI o bulugan na isinasagawa ng kwalipikadong AI teknisyan o ng bull handler, at pagpapanatili ng hayop sa napagkasunduang lugar at hindi dapat ilipat ng walang kaukulang pahintulot mula sa PCC. Ang unang anak o bulo ng ipinahiram na hayop ay mapupunta sa magsasaka-katiwala bilang kanyang bahagi samantalang ang mga susunod na anak ay sa pamamagitan ng hatiang 50:50 base sa umiiral na presyo ng nasabing hayop. Sa kasunduang pagpapahiram, isinasaad na ito’y may bisa sa loob ng sampung taon at may probisyon na maaaring pahabain pa ayon sa mapagkakasunduan ng lahat ng panig na may kinalaman at nakasalalay sa kakayahan ng hayop na magamit sa patuloy na pagpapalahi. Ang walong bagong farmerborrower na napahiraman ng bulugan ay mula sa bayan ng Llanera, Talavera, at Sto. Domingo at sa San Jose City. Ayon kay Reyner Tomas, Bull Loan Coordinator ng NIZ, ang bulugang ipinahiram ay kabilang sa 18 nakatakdang ipamahagi sa mapipiling magsasaka-katiwala sa taong ito. “Napili naming ipahiram ang

Ang mga magsasakang-maggagatas kasama ang ilang kawani ng PCC Gene Pool habang isinasakay sa sasakyan ang isa sa mga bulugang kalabaw na ipinahiram muli ng ahensiya sa isa sa mga magsasakang-maggagatas na nagapply sa paghiram ng bulugang kalabaw sa PCC.

walong bulugang may lahing gatasan base sa pangangailangan ng mga miyembro ng kooperatiba na nagaplay,” sabi ni Tomas. Ayon sa kasunduan na may bisa sa loob ng limang taon, magiging pagaari na ng napahiramang magsasakakatiwala ang bulugan kung ito’y nakapaglahi na ng 25 anak na may

Vermicomposting... kooperatiba ay may 87 aktibong miyembro nguni’t 34 lamang sa mga ito ang may kalabaw. Ganunpaman, umabot naman sa 133 kalabaw ang kanilang inaalagaan. “Masasabi kong malaki ang kita sa pag-aalaga ng gatasang kalabaw. Nasisiguro kong may kinabukasan ang pamilya ko sa negosyong ito,” ani Callo. Maliban nga sa kinikita niya sa gatas, malaki rin ang kita niya sa vermicomposting. Noong nakaraang Enero ay iminungkahi at itinuro ni Engr. Ryan Bulanhagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang paggawa ng organic fertilizer gamit ang dumi ng mga kalabaw sa mga miyembro ng CAMPCI at inalok niya rin ang mga ito na lumahok sa Field Day sa LLanera para mas malaman nila ang wastong pamamaraan ng paggawa ng vermicompost. Dalawampu’t walo sa 34 na miyembro ng kooperatiba ang

(Mula sa p.1)

nakilahok sa dalawang araw na pagsasanay. “Iyong pinag-usapan namin ay ang wastong paggawa ng vermicompost na natutunan namin sa lecture sa Llanera. Gumawa kami ng plano kung papaano kami magkakaroon ng pondo kasi medyo malaki-laki rin naman ‘yong kailangan sa pag-bevermi,” wika ni Callo. Ang naging plano ng kooperatiba para matugunan ang pondong kinakailangan sa pagsisimula sa negosyong vermicomposting ay magpahiram ng Php5,000 hanggang Php10,000 pondo sa bawa’t miyembrong interesado. Ito ay gugugulin nila sa paggawa ng vermibed at pambili ng bulate. Ang halagang naipahiram, aniya, ay kailangang mabayaran sa loob ng anim na buwan nang walang interes. “Ang lahat ng produkto ay miyembro lang ng co-op ang bibili. Walang lalabas. Kaya straight contract. Ang polisiya namin ay dapat walang lalabas. Nasa 24 kaming mga

kaukulang pagpapatotoo na gaya ng talaan at larawan. Ang mga napahiraman ng bulugan ay sumailalim sa masusing pagsasanay sa pag-aalaga ng bulugang kalabaw. Sila’y nagsilagda sa kaukulang kasunduan. “Nakatakda uli kaming magpahiram ng bulugan sa Hunyo at

kaugnay nito ay ang pagsasagawa rin ng isang pagsasanay ukol sa tamang pangangalaga ng bulugan,” sabi ni Tomas. Ang bawat napahiraman ng gatasang kalabaw ay may kaakibat na pananagutan base sa pinirmahang kasunduan sa pagitan ng PCC at ng magsasaka-katiwala.

miyembro na nagkainteres,” ani Callo. Ang sako na may 50kg na naaning organic fertilizer ay naibebenta ng P250 sa bawa’t miyembro. Nasa 40 sakong vermicast naman ang naibenta ng mga miyembro sa co-op sa halagang Php200 bawa’t sako. Sa negosyo nilang pag-be-vermi, ang mga miyembro ng kooperatiba ang nagbebenta ng kanilang vermicompost sa kapwa nila mga miyembro. Mga miyembro rin ang bumibili kung kaya’t napakikinabangan lang ito ng bawa’t isa sa kanila. “Ang paggamit ng vermicompost ay nakatutulong na maging tipid ang gastos sa pagsasaka at magpaganda ng kundisyon ng lupa at ng ani,” ani Callo. Hindi pa maibenta sa labas ng mga miyembro ang kanilang produkto dahil sa hinihintay pa nila ang resulta ng laboratory test ng kanilang compost. “Kapag kasi ibinenta na namin ito sa labas, nakalagay sa pakete ng compost ay CAMPCI vermicast. Ngayon, kailangan ilagay ‘yong mga content o element nito na

makatutulong at mapakikinabangan ng halaman. Halimbawa ay ilang porsyento dito ang phosphorus,” paliwanag ni Callo. “Pagkatapos ng lab test, daragdagan na namin ang presyo. Ito naman ay para sa co-op din kasi ‘pag mas marami kaming kita, mas marami rin ang maibabalik sa mga miyembro na kita,” dagdag niya. Ang benta nila sa isang sakong dumi ng kalabaw na may 50 kilogramo ay Php5 pero kapag pinroseso na ito at naging organic fertilizer na ay maibebenta na ito sa Php5 kada kilogramo. Sampung taon nang ginagamit ni Callo ang dumi ng kanyang mga alagang kalabaw bilang pataba sa kanyang mga pananim. Ayon sa kanya, kahit noong hindi pa niya ito pinoproseso ay maganda na rin ang nagiging ani niya sa kanyang mga pananim. Sa ngayon, may 400 sakong order na ang CAMPCI sa maaaning vermicompost ng mga miyembro nito.


NIZ Balitaan

4

Marso 2014

‘Baling’ ng dayami, malaki ang pakinabang sa pag-iimbak ng pakain ng alagang kalabaw Ni Ma. Cecilia C. Irang “Parang dinudurog ang puso ko kapag nakikita kong nagugutom ‘yong mga alaga kong kalabaw.” Ito ang pahayag ni Gerardo delos Santos, chairman ng Casile Dairy Cooperative sa Casile, Llanera, Nueva Ecija, bilang paglalarawan sa nagiging damdamin niya sa tuwing makikita niyang kinakapos o dili kaya’y walang makain ang kanyang mga alagang kalabaw. Anya, tulad na lang sa nagdaang bagyo, kinulang sa pakain ang kanyang mga kalabaw dahil sa nasira at nabulok ang mga dayami sa bukid. Hindi niya nagawang nakapagtipon ng sapat na pakain sa kanyang alagang mga hayop, dagdag niya. “Mahirap tiisin na makitang nangangayayat at nanghihina ang mga alaga mong kalabaw dahil sa kakulangan ng pakain,” ani delos Santos. “Kailangan talagang may laging nakaimbak na pakain para huwag maging lubhang kawawa ang kanilang kalagayan,” dagdag niya. Taglay ang ganitong kaisipan, minabuti ni delos Santos na isagawa ang dapat na gawin. Hindi siya nag-atubili na lumahok sa pagbibigkis ng dayami sa tulong ng baler machine na inisyu ng Philippine Carabao Center (PCC). (Ang baler machine ay isang makina na nagtitimbon o nagtitipon at nagbibigkis ng giniikan o anumang kauri nito na gagamiting pakain sa hayop. Ang tawag sa gawaing ito na pagtitimbon at pagbibigkis ng giniikan ay baling of straw.) Naging kasama ni Chairman delos Santos sa gawain ang tatlo pang chairmen ng mga kooperatiba na sina Edgar Bacolor ng Agpapa Irrigators Association sa Rizal, Restituto Villavisa ng Makabagong Kooperatiba ng Bantug PMPC sa Talavera, at Ferdinand Urbano ng Nag-iisang Masikap MPC sa Gen. Natividad na pawang nasa Nueva Ecija. Sa pamamagitan ng baling, nagawang makapag-imbak ni delos Santos ng mga pakain sa mga alaga niyang kalabaw bilang paghahanda sa pangangailangan ng mga ito sa panahon ng tag-ulan. Sa mahigit na 30 miyembro ng kanyang

Si Chairman Gerardo delos Santos habang ipinakikita ang mga na-baled niyang dayami para sa mga alaga niyang kalabaw.

kooperatiba, si delos Santos pa lamang ang pumalaot sa baling. Gayunman, dahil sa naipakita niya ang magandang resulta ng kanyang naging gawain, inaasahan niyang lalahok na rin ang iba pa niyang mga kasama. Umupa si Chairman delos Santos ng tatlong manggagawa para sa baling ng dayami. “Nang mag-isyu ng baler machine ang PCC sa Rizal, dinala namin ‘yon sa Lupao na maraming giniikan para nga sa paglalaan ng pakain sa mga alaga naming kalabaw. Lahat ng natipon naming nabigkis na ginikan ay pinaghati-hatian naming apat na chairmen gayundin ang naging gastusin,” ani delos Santos. Kapakinabangan Sa loob ng dalawang buwan ay mahigit sampung beses na nagpa-baled ng giniikan si delos Santos. Ayon sa kanya, mainam ang ganitong uri ng pagtitipon ng pakain sa kalabaw at madali pang ibiyahe kung sakali’t malayo ang pagkukuhanan ng giniikan. “Hindi tulad ng kung isasakay sa

kariton o sa anumang sasakyan ang natipong giniikan para imandala, walang giniikang naililipad ng hangin kapag ibiniyahe dahil nga nabigkis na ito ng baler machine,” wika ni delos Santos. Nakikipag-ugnayan siya ngayon sa kapwa niya magsasaka at kapitan ng barangay para makahingi ng permisong kumuha ng giniikan. Isa siya sa mga nakikipag-unahan sa paghahanap ng mga giniikan o dayami para may maipakain siya sa kanyang mga alagang kalabaw. “Ang isang bigkis ng dayami, na sinasamahan ko rin naman ng sariwang damo, ay sapat nang pakain sa isang kalabaw sa maghapon. Ang kalabaw kasi ay kailangang kumakain ng hindi bababa sa 80 kilogramo ng pakain sa bawa’t araw para masapatan ang kanyanbg pangangailan sa pagkain,” paliwanag ni delos Santos. Si Chairman delos Santos ay mayroong sariling bukid na taniman ng napier grass. Bukod dito, nakakakuha rin siya ng sakate sa paligid na siya rin

niyang ipinakakain sa kanyang mga alagang kalabaw. Paraan sa paghihikayat Para mahikayat ang mga miyembro sa baling, ipinakita ni delos Santos ang wastong pamamaraan sa pagsasagawa nito. “Plano ko talaga na lahat ng miyembro namin sa kooperatiba ay matutunan ‘yong baling. Malaki talaga ang kapakinabangan nito sa pag-aalaga ng kalabaw,” ani delos Santos. Pero, anya, mas mainam at malaki ang kapakinabangan kung ang pakain ay hinahaluan pa ng sapat na feeds dahil mas magiging masustansiya ito sa mga kalabaw. Dagdag pa niya, kailangang maging alerto sa pagkuha ng giniikan sa bukid ang mga tagapangalaga ng kalabaw, para magkaroon ng sapat na pakaing nakaimbak sa mga alagang kalabaw sa panahon ng pangangailangan. Si Chairman delos Santos ay may walong kalabaw, lima sa mga ito ay may lahi at apat sa mga ito ay buntis. Artificial Insemination (AI) ang paraan niya sa pagpapaangat ng lahi ng kanyang mga alagang kalabaw.

Opisyal na Tagapamansag ng Philippine Carabao Center para sa National Impact Zone Eric P. Palacpac

Patnugot/Hepe, Knowledge Resource Management Division

Ma. Cecilia C. Irang Chrissalyn L. Marcelo

Tagapamahalang patnugot

Anselmo S. Roque Kasangguni

Felomino V. Mamuad

Pinunong Tagapagpaganap/OIC, PCC

Ma. Cecilia C. Irang Chrissalyn L. Marcelo Khrizie Evert M. Padre Mga manunulat

Ma. Cecilia C. Irang Marilou A. Vallarta

Tagapamahala sa Sirkulasyon

Chrissalyn L. Marcelo Layout at Disenyo

www.pcc.gov.ph


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.