NIZ Balitaan Tomo 2 Blg. 4

Page 1

NIZ Balitaan

Abril 2014

1

Ka Primo Natividad

Huwarang lider ng Pulong-Buli PMPCI

Si Chairman Primo Natividad habang pinupulong ang kanyang mga miyembro.

Ni Khrizie Evert M. Padre “Sa karanasan ko bilang isang chairman, dapat matapat ka sa sarili mo. Kapag sinabi mo, gawin mo. Kapag ayaw mo ‘yung ginagawa ng miyembro mo, sabihin mo. Maging tapat ka rin sa miyembro mo.” Ito ang pahayag ni Primo Natividad, 63, chairman ng PulongBuli Multi Purpose Cooperative, Inc. (PMPCI) sa Sto. Domingo, Nueva Ecija, bilang paglalahad sa kanyang gawain. Taong 1990 nang hirangin si Natividad bilang chairman ng grupo na nagsimula sa 27 na miyembro. Ayon sa kanya, naging malaking hamon kung paano mapaaangat ang buhay ng mga miyembro nito. “Nakita ko ang hirap ng buhay ng mga magsasaka. Ni hindi sila makapagpa-aral ng mga anak nila. Itinatag naming ang koopertiba upang makatulong sa pag-angat sa kahirapan ng mga miyembro. Pagpapautang ang ginawa namin gamit ang inisyal na pondong Php6,900 na mula sa koleksyon sa

(Sundan sa p.2)

DTI sa Nueva Ecija, nagkaloob ng mga kagamitan sa magsasakang-maggagatas sa Gen. Natividad Patuloy pa rin ang suportang ibinibigay ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga magsasakang maggagatas sa Nueva Ecija mula sa inisyal nitong pagtulong na isinagawa ng nakaraang taon. Tatlong na namang dairy cooperatives sa bayan ng General Natividad ang pinagkalooban ng ahensiya ng mga libreng gamit nitong Marso. Ang mga kooperatibang ito ay ang Nag-iisang Masikap Primary MultiPurpose Cooperative sa Barangay Balangkare Norte, Kabulihan Primary Multipurpose Cooperative sa Barangay Kabulihan at Kalipunan ng Pagpapaunlad ng Agrikultura sa Gen. Natividad Primary Multi-Purpose

Cooperative sa Barangay Burol. “Pinagkalooban naming sila ng anim na pirasong double buckets milking machines at 12 na “milk cans” na may kapasidad na 40 litrong gatas bawat isa. Ito’y dahilan sa kanilang pagiging lubhang aktibo sa kanilang gawain,” ayon sa DTI. Ipinaliwanag ni Gng. Brigida Pili, direktor ng DTI-NE, na ang patuloy nilang suporta sa mga kooperatibang ito ay alinsunod sa kanilang programang Shared Service Facility (SSF) na inilunsad noong nakaraang taon. Aniya, layunin ng programa na makatulong at mapataas ang produksiyon ng micro-enterprise (Sundan sa p.2)

Ni Wilma T. Del Rosario

Ang Nag-iisang Masikap Primary Multi Purpose Cooperative ng Brgy. Balangkare Norte, Gen. Natividad ay isa lamang sa mga kooperatiba na napagkalooban ng mga kagamitan sa ilalim ng programang Shared Service Facility (SSF) ng Dept. of Trade and Industry (DTI).


NIZ Balitaan

2

Abril 2014

Gabay sa Paggawa ng Total Mixed Ration (TMR) Ano ang TMR?

Kapakinabangan ng TMR

Ang “total mixed ration”, o TMR, ay isang kumpletong rasyon ng pakain na binuo mula sa paghahalo sa tamang timbang ng lahat ng sangkap ng damo o forage, concentrates, pinaghalong mineral, bitamina, at pulot.

a. Para sa lumalaking kalabaw: 1.Ang pagpapakain ng TMR ay nagbibigay ng araw-araw na dagdag na timbang sa mga bulo ng 100-200g sa normal na bilis ng paglaki sa isang araw. 2.Marami ang nakakain at pinabibilis ang pagnguya at pagtunaw ng sustansiya ng 12-15 porsyento. 3.Nababawasan ang pagpili ng mga sangkap tuwing kainan. 4.Pinatataas ang kakayahang kumita.

Ang TMR ay nakapagbibigay ng sapat na sustansiya upang matugunan ang mga pangangailangan sa sapat na pakain sa gatasang kalabaw. Ang mga sustansiyang taglay nito ay enerhiya, protina, mineral, at bitamina. Kung paano ihanda at gawin ang TMR 1.Alamin ang timbang ng kalabaw at dami ng gatas na naibibigay nito. 2.Alamin ang sustansiyang kinakailangan ng mga hayop gamit ang inilathalang pamantayan ng sustansiya. 3.Alamin ang mga pagkaing matatagpuan (uri, dami, at kalidad) sa lugar. 4.Buuin ang TMR base sa sangkap at sustansiya nito. 5.Ihanda at paghaluin ang mga sangkap ayon sa binuong proporsiyon. Mga sustansiyang kailangan ng gatasang kalabaw TALA

LEBEL NG PRODUKSYON, kg

Araw-araw na produksyon ng gatas, kg Kabuoang produksyon ng gatas, kg

4

6

8

1,220

1,830

2.5

2.7

10

12

2,440 3,050 3,660

Pangangailangan Dry matter (DM), %BW

3.0

3-3.5

3.5

8.3

8.8

9.7

TDN, kg

5.9

6.9

Protina, g

1,028

1,264

Calcium, g

34

41

50

54

60

Phosphorus, g

26

31

39

42

47

Bitamina A, IU

27

27

27

27

27

1,618 1,736 1,972

Kailanganing rasyong TMR para sa gatasang kalabaw Para sa ginagatasang kalabaw na may bigat na 550 kg at nagbibigay ng 8 kg na gatas kada araw na may taglay na 7.0% na taba sa gatas: MGA SANGKAP

RASYON 1 NA PINAKAIN, kg

Binurong damo

CP g

TDN g

Ca g

P g

35.0

892

6.30

31.5

31.5

Dayami

3.0

105

1.41

9.0

3.0

Concentrate

4.2

672

2.70

105

75.6

Mineral mix

0.16

---

---

32

28

1.0

30

0.72

10

1.0

43.4

1,700

11.13

188

139

Pulot Kabuuan Kung paano magpakain ng TMR

Pagsamasamahin ang mga kalabaw ayon sa: a.Buwan ng pagbubuntis b.Bagong panganak at mataas magbigay ng gatas na kalabaw c.Mga hindi buntis at mababang magbigay ng gatas na kalabaw

DTI sa Nueva Ecija... (Mula sa p.3)

at small scale and medium enterprises (SMEs) sa Nueva Ecija sa pamamagitan ng pagkakaloob ng makinarya at kagamitan na maaaring gamitin sa produksyon. “Ngayong taon ito, dahil sa naidagdag na kagamitan na naipagkaloob, inaasahan namin na mas lalo pang mapagbubuti at mapatataas ang produksiyon nila ng gatas mula sa

kanilang gatasang kalabaw,” dagdag pa ni Pili. Binanggit rin niya na sa hinaharap ay maaaring patuloy pa rin ang kahalintulad na suportang maibibigay nila para sa mga magsasaka. Sa “turn-over ceremony” ng mga kagamitan, buong pusong nagpasalamat ang 60 maggagatas na kasapi ng mga nabanggit na kooperatiba dahil sa natanggap nilang mga kagamitan. Anila, malaki ang maitutulong ng

b. Para sa gatasang kalabaw: 1.Ang kalabaw ay nakakakain ng balanseng rasyon at sustansiya. 2.Natutukoy sa TMR ang dami ng damo at konsentreyt na kailangan ng kalabaw para sa mainam na produksyon nito ng gatas at sa mainam na kalusugan. 3.Nagbibigay ang TMR ng mas kontrolado at tamang dami ng pakain sa kalabaw kumpara sa pakain na hiwa-hiwalay ang sangkap. 4.Pinatataas ng TMR ang produksyon ng gatas ng kalabaw. 5.Napatataas ng TMR ang dami ng taba ng gatas at pati na rin ang iba pang kumponahe na mayroon ito. 6.Nababawasan ng TMR ang panganib na hindi matunawan ang kalabaw. 7.Kaunti lamang ang tsansa na maipakain sa kalabaw ang mga damo na mababa ang kalidad. 8.Mas madaling matukoy sa TMR ang mga naipakain sa kalabaw. 9.Nababawasan sa TMR ang mga naaaksayang pakain sa kalabaw at pati na rin ang halaga ng pagpapakain dito. 10.Nakatutulong ang TMR upang mabawasan ang mga trabaho sa pagpapakain ng kalabaw. Mga konsiderasyon 1.Masyadong mahal ang mga makinang ginagamit sa paghahalo at pagtitimbang ng pakain sa kalabaw. 2.Ang mga tuyong damo tulad ng dayami ay hindi rin nahahalong mabuti sa ibang TMR mixers. Dahil rito, mangangailangan ulit na bumili ng karagdagang kagamitan o makina para sa pagtatadtad ng mga tuyong damo o dayami bago ito ilagay sa TMR mixers. 3. Kinakailangan pa ng mga dairy farms na i-grupu-grupo o pagsama-samahin ang mga kalabaw para sa mas epektibong paggamit ng TMR. 4. Malaki ang nagiging pagkakaiba-iba sa produksyon ng gatas (lagpas 10kg kada araw) o timbang (lagpas 100 kg) ng kalabaw.

Ang pagpapakain ng TMR ay dapat na simulan sa pamamagitan ng unti-unting pagpapalit ng dating rasyon sa loob ng pitong araw kaalinsabay sa skedyul na nasa baba: Araw

1-2 3-4 5-6 7

Porsiyento ng TMR --25% ng kabuuang rasyon sa isang kalabaw kada araw --50% ng kabuuang rasyon sa isang kalabaw kada araw --75% ng kabuuang rasyon sa isang kalabaw kada araw --100% TMR kada araw

Teknikal Editor: Dr. Daniel L. Aquino, PCC Animal Nutritionist and Gene Pool Coordinator mga ito para sa kanilang hanapbuhay. Dumalo sa turn-over ceremony ang mayor ng Gen. Natividadan na si Araceli Grace Santos, Chairman ng Nueva Ecija Small and Medium Enterprise Council (SMEDC) na si Engineer Reynato Arimbuyutan, Gng. Joyce Ramones, PARO II ng Department of Agrarian Reform sa lalawigan, at iba pang galing sa CLSU at NEUST. Kinatawan ng sumulat nito ang Philippine Carabao Center sa programa.

Ka Primo Natividad... (Mula sa p.1) mga unang naging miyembro,” ani Natividad. Idinugtong niya na taong 1998 nang mapagkalooban ng dalawang module ng gatasang kalabaw ang kanilang kooperatiba. Naghahanap noon ang PCC ng mga recipients at dahil sila lamang ang natitirang matatag na koop sa kanilang bayan, inirekomenda sila ng kanilang munisipyo.


Abril 2014

NIZ Balitaan

Magsasakang maggagatas nagtamo ng karagdagang kaalaman sa inorganisang farmers’ field day ng PCC Ni Ma. Cecilia C. Irang

Si Mylyn Espiritu ng Kapitbahayan sa A. Mabini Producers Cooperative, habang ipinaliliwanag ang wastong pamamaraan sa paggawa ng vermicompost.

Nagtamo ng karagdagang kaalaman at teknikal na kasanayan sa iba’t-ibang teknolohiya ang higit-kumulang 300 magsasakang maggagatas mula sa Nueva Ecija at mga karatig na lugar sa ginanap na Farmers’ Field Day (FFD) noong Marso 27 sa National Headquarters and Gene Pool ng Philippine Carabao Center (PCC) sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija. Ang FFD ay isa sa mga pangunahing kaganapan sa pagdiriwang ng ika-21

taong pagkakatatag ng PCC, na umikot sa temang “Leading a Noble Paradigm: Research for Development.” Layunin ng field day na iangat ang tuluy-tuloy na ugnayan ng mga frontliners ng ahensiya, mga mananaliksik, at mga tinutulungang magsasakang maggagatas ng PCC upang pag-usapan ang mga isyu sa paggagatas at para mabigyan rin ng malinaw na pang-unawa ang mga taong sangkot sa programa kung paano pang lalong mapagbubuti ang produksiyon ng gatas ng kalabaw na

nasa kamay ng mga magsasaka at kung paano mapatataas ang kanilang kita. Ang mga punong tagapagsalita na may kaniya-kaniyang mga presentasyon sa pagpapakita ng mga teknolohiya ay sina: Dr. Daniel Aquino, PCC Animal Nutritionist and Gene Pool Coordinator, para sa paggawa ng Total Mix Ration (TMR); Isagani Cajucom, chairman ng CBE Foundation, para sa paggawa ng burong damo (silage); Herminia Mallari, chairwoman ng Kapitbahayan sa A. Mabini Producers Cooperative, para sa

Umabot sa 130 ang kanilang miyembro. “Tuluy-tuloy ang naging pagkolekta ng share sa mga miyembro. Tuwing anihan ay naghuhulog ng parte ang bawa’t kasapi na kasinghalaga ng isang kaban ng bigas ng National Food Authority (NFA) o base sa ektarya na sinasaka sa isang taon,” dagdag pa niya. Tanging miyembro lamang ng Pulong-Buli PMPCI ang pinauutang ng grupo. Inaalam kung ano ang higit na pangangailangan ng miyembro at saka pinaglalaanan ng perang maaaring ipahiram. Istrikto ang pagbabantay sa pangungulekta ng bayad sa mga nanghihiram ng puhunan lalo na sa mga nagkakaproblema sa paghuhulog. “Ang mga miyembro na delingkwete sa pagbabayad ng utang, hindi nakadadalo sa mga pulong at hindi tumutupad sa itinakdang panuntunan ng samahan ay ilan lamang sa mga pangunahing dahilan upang gawing inactive sila,” ani Natividad. Ang ganitong tutok na pagsubaybay ay isinasagawa din ng grupo sa pagaalaga ng kanilang mga gatasang kalabaw. Sa kasalukuyan, ang Pulong

Buli PMPCI ay may 93 aktibong miyembro at pangatlo sa mayroong pinakamaraming gatasang kalabaw sa lahat ng kooperatiba sa buong National Impact Zone. Mula sa dalawang module na napahiram ay umabot na sa 198 na gatasang kalabaw ang nasa pangangalaga ng mga kasapi. Tatlumpu ang kanilang ginagatasan ngayon na nasa pangangalaga ng 13 miyembro. Umaabot sa 100 litro ng gatas ang nakukulekta ng samahan araw-araw. Ang mga inaning gatas ay kinukuha ng Nueva Ecija Federation of Dairy Carabao Cooperatives (NEFEDCCO). Noong 2013, nagtala ang koop ng 27,957.22 litro ng inaning gatas na nagkakahalaga ng Php1, 057.970.12. “Istrikto kami sa pangangasiwa ng aming inaning gatas. Sinusigurado namin na maganda ang kalidad ng mga ito bago pa man kunin ng NEFEDCCO,” sabi ni Chairman Natividad. Isa sa mga patakaran ng grupo ay ang pagsusumite ng bawa’t miyembrong gumagatas na ng kanilang produskyon. Ang sinumang lumabag sa patakaran ay

pinapatawan ng karampatang multa. Bukod sa gatas, ang ilang miyembro ay nakikinabang din sa dumi ng kalabaw. Ilan sa mga ito ay nagsasagawa ng vermicompost na ginagamit naman nilang pataba sa taniman ng pakain sa kanilang gatasang kalabaw. “Ilan sa mga nagagawang pataba ng mga miyembro ay ibinibenta din nila sa kapwa nila miyembro,” ani Natividad. Ayon kay Natividad, bago magsagawa ng mga bagong gawain at plano para sa samahan ay idinudulog muna ito sa lahat ng miyembro. Nguni’t ang mga bagay na nangangailangan ng agarang pagresolba ay sinosolusyunan agad niya kung ano dapat ang tamang gawin. Mahalaga din para sa kanya ang pagiging matapat sa kanyang mga miyembro at pagtanggap ng pagkakamali. “Kapag hindi ka matapat, lalong hindi mo maaasahan na magiging matapat ‘yung miyembro mo sa’yo. Dapat isagawa mo rin ‘yung sinasabi mo. Kailangan din na kapag mali ‘yung ginagawa ng kasama mo alam mo kung paano ito sabihin sa kanila at alam

3 paggawa ng Urea-Treated Rice Straw (UTRS); Arman Lopez, Village-Based Artificial Insemination Technician (VBAIT) at chairman ng Aglipay Multi-Purpose Cooperative, para sa mga dapat malaman sa paglalandi ng kalabaw (actual heat detection); Leoncio Callo, chairman ng Catalanacan Multi-Purpose Cooperative, para sa tamang pamamaraan ng paggagatas; at Mylyn Espiritu, Participatory Monitoring and Evaluation Team (PMET) member ng Kapitbahayan sa A. Mabini Producers Cooperative, para sa wastong pamamaraan sa paggawa ng vermicompost. Nilahukan ng 164 na magsasaka mula sa Nueva Ecija, na itinalaga bilang National Impact Zone (NIZ) sa Carabao Development Program, at 114 mula sa Regional Impact Zones (RIZ) ang nasabing field day. Sila ay hinati sa anim na grupo na nakaayon sa anim na paksa ng techno-demonstrations. “Ang field day ay sinadya talaga para sa mga tulad naming magsasaka at nakatulong ito ng malaki sa amin. Nakapagtamo ako ng karagdagang kaalaman lalo na sa nutrisyon ng hayop. Ang mga bagong miyembro ng co-op ay nakakuha rin ng karagdagang kaalaman sa iba’t-ibang teknolohiyang ipinakita sa kanila ng mga tagapagsalita,” ani Melchor Correa, chairman ng Eastern Multi-Purpose Cooperative. Pagkatapos ng demonstrasyon ay nagkaroon ng talakayan kung saan nagbigay ito ng oportunidad sa mga magsasakang nakilahok na linawin at makapagtanong ukol sa mga teknolohiyang napag-usapan at ipinakita ng mga tagapagsalita. mong itama,” ani Natividad. Idinagdag niya: “Ngayon kung hindi mo kayang sabihin iyong pagkakamali, lalaking lalo ‘yon. Kapag mali naman ‘yong nagawa ko, humihingi ako kaagad ng paumanhin. ‘Yong iba tao kasi, mali na yung ginagawa, nakikipag-away pa.” Tinitingnan din niya kung ano man ang kakayahan na kayang ibigay ng bawa’t miyembro upang makatulong siya sa lalong pag-unlad nito. “Tinatanong ko sila kung ano ba ‘yong kaya nilang gawin at doon ko na siya tutulungan. Hindi pwedeng ‘yong galing ko ang ipipilit ko sa kanila,” aniya. Dahil sa ganitong maayos na pagpapalakad at pagkakaroon ng disiplina ng bawa’t miyembro, ang Pulong-Buli PMPCI ay nananatiling isang matatag na samahan ng mga magsasakang maggagatas. “Kapag disiplinado at responsible ang miyembro, di malayong umunlad ang kanilang pamumuhay”, pagtatapos ni Natividad.


NIZ Balitaan

4

Abril 2014

Mang Juanito, isang ehemplo sa maayos na pagtatala ng kaganapan sa organisasyon Ni Almira P. Bentadan

Ang pagtatala o pagrerekord ay isang mahalagang bahagi ng anumang organisasyon. Sa pamamagitan nito, bawa’t kaganapan sa operasyon nito ay naitatala na sa kalaunan ay maaaring sumalamin sa kasaysayan ng organisasyon. Sa likod ng palagian at masinop na pagrerekord ay isang responsableng tagapagtala upang maging sistematiko ang talataan. Sa Casile Dairy Raisers Cooperative (CDRC), ang mahalagang tungkulin sa pagtatala ay naipatong sa balikat ni Juanito Manuel, 57 taong gulang. “Wala pa ang PCC ay nagrerekord na ako ng ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa aking alagang kalabaw at mga tanim na palay,” pagkukuwento ni Mang Juanito na nag-aalaga na ng isang mestisang kalabaw bago pa man magsimula ang programang pagpapahiram ng gatasang kalabaw ang PCC. Nang maibenta niya ang kanyang alaga, matagal siyang hindi nag-alaga ng kalabaw subali’t aktibo pa rin siya sa kanilang kooperatiba. “Sumasali ako sa mga pagsasanay ukol sa tamang pagtatala kahit wala na akong inaalagaang kalabaw noon,” pahayag ni Mang Juanito. Dahil dito, hindi kataka-takang mula nang maitatag ang kanilang kooperatiba noong 1988 hanggang sa kasalukuyan, siya ang laging nabibigyan ng tungkulin ng koop bilang kalihim at tagapangalaga ng mga tala nito. “Siya ang may kakayahan sa posisyon na ito kaya’t siya ang puwede naming asahan. Ang ibang miyembro ng kooperatiba ay wala pang kasanayan sa tamang pagtatala,” ani Gerardo Delos Santos, kasalukuyang chairman ng CDRC.

Si Juanito Manuel ng Casile Dairy Raisers Cooperative habang masinop na itinatala ang mga mahahalagang impormasyon ng kanilang grupo.

Bilang kalihim ng grupo, hawak ni Mang Juanito ang lahat ng talaan tulad ng listahan ukol sa kalusugan ng kalabaw, listahan ng mga nabulog o nabuntis na mga kalabaw sa pamamagitan ng Artificial Insemination (AI), listahan ng mga ipinanganak na bulo, indibidwal at kabuuang milk production record ng koop, at imbentaryo ng mga kalabaw na nasa pangangalaga ng mga miyembro ng kooperatiba. Ayon kay Mang Juanito, isa sa hamon sa pagrerekord ay ang pangongolekta ng indibiduwal na tala mula sa mga kasaping magsasaka. Kailangan pa niyang puntahan sa kanikanilang bahay ang mga miyembro upang makumpleto ang talaan ng koop

at maipasa ang report sa tanggapan ng Dairy Herd Improvement Program ng Philippine Carabao Center (PCC) sa tamang oras. Maliban sa pagiging kalihim, itinalaga rin sa pamamagitan ng isang resolusyon si Mang Juanito bilang pangulo ng Participatory Monitoring and Evaluation Team (PMET) ng kanilang kooperatiba. “Dahil apat kaming miyembro ng PMET, hinati rin namin sa apat na grupo ang mga miyembro ng koop. Binibisita namin sila kada linggo upang kumustahin ang kondisyon ng kanilang kalabaw, kung buntis ba ito at kung sapat ba ang pakain nito,” ani Mang Juanito. “Sinisiyasat din namin kung tama ang rekord ng aming mga

kasamahan,” dagdag pa niya. Ilan sa mga naging obserbasyon ni Mang Juanito sa kanyang pagiikot ay ang kawalan ng panahon ng mga magsasaka na magrekord at kung minsan, tuluyan na nilang nakaliligtaan ang gawing ito. May iba naman na umaasa na lamang sa mga opisyal ng kooperatiba na gumawa ng talaan. “Kailangan ding dumaan sa pagsasanay sa recording ang mga magsasaka mismo dahil kadalasan ay mga opisyal lamang ang nagsasanay,” wika ni Mang Juanito. “Malaking tulong ito”, dagdag pa niya, “upang lalong maintindihan at mapahalagahan ng mga magsasakang maggagatas ang kainaman ng pagkakaroon ng sariling talaan.”

Opisyal na Tagapamansag ng Philippine Carabao Center para sa National Impact Zone Eric P. Palacpac

Patnugot/Hepe, Knowledge Resource Management Division

Anselmo S. Roque Kasangguni

Ma. Cecilia C. Irang Chrissalyn L. Marcelo

Tagapamahalang patnugot

Almira P. Bentadan Ma. Cecilia C. Irang Khrizie Evert M. Padre Mga manunulat

Felomino V. Mamuad

Pinunong Tagapagpaganap/OIC, PCC

Wilma T. Del Rosario

Nagsipag-ambag ng artikulo

Ma. Cecilia C. Irang Marilou A. Vallarta

Tagapamahala sa Sirkulasyon

Chrissalyn L. Marcelo Ma. Cecilia C. Irang Layout at Disenyo

www.pcc.gov.ph


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.