Tingnan ang larawan ng nakaraan at alalahanin ang mga pangyayaring napagdaanan ng bansa.
Nakalatag ang iba’t ibang kulay, iba’t ibang hugis at anyo ng ating mga karanasan sa larawan na ito
upang ating alalahanin. Alalahanin ang mga pangyayaring nagdala sa ating kasalukuyang realidad.
Inaalala natin ang mga karanasan na ito dahil bahagi na ito ng ating kasaysayan - parte ito ng ating
pagkakakilanlan at hinuhulma nito ang ating hinaharap.
Ngunit tingnan nang maigi ang bawat detalye. Suriin. Imbestigahan. Bawat bahagi ng larawan ay
hinugis at nakaugat sa mga pasyang ginawa noong nakaraan. Iba’t ibang kamay na ang gumuhit sa
larawan ng ating kasalukuyan. Ngunit sa pagpinta nito, may mga kamay na ipinosas, mga kuwentong
hindi binigyang boses, mga katotohanang nanatili sa dilim. Ang pagtago sa mga detalyeng ito ay
kasama sa mga desisyong nakaapekto sa ating kasalukuyan.
Ngayon, nasa kamay na natin ang larawan na ito. Ang larawan na ito ay patuloy na binubuhay ng mga
kamay ng ating bansa. Patuloy natin itong p