.NIUTIB AS ALANITI GNALUT AGM
DOMINIQUE NICOLE FLORES UJP-UP 20A APPS
a tula
a tula
DOMINIQUE NICOLE FLORES UJP-UP 20A APPS
TABLE OF CONTENTS
OF THREE
7
4
AKALA
9
5
PADAYON
OUTLIVING THE SOLITUDE WIKANG NILIKHA, WIKANG PANLABAN, WIKA NG PAGKAKAISA
.NIUTIB AS ALANITI GNALUT AGM
3
2
of three it was an endless waterfall of both pain and joy streaming from the eyes of a mother who feared to open them a bit more the room felt empty before 4:30 pm but she was drowning in the noise of her past, of her future oh how she wished for it all to end she was alone a few seconds before the long arm of the clock passed 6 and there i was born all she could think of was the crying child before her making a different noise it was the 5th of September year 2001 and the mother smiled forgetting the past and not troubling over the days to come
there was no man beside the hospital bed no father to hold me in their arms as my mom would say, "just you and me against the world" but never did i think that those words would slowly lose its meaning another man came into our lives and so did a little human being it was brief the warmth similar to a fireplace and the smile that makes our jaws ache how could this family break? there goes again the same words, "just you and me," she says but this time with a not so little sister who would brighten days and nights this is our family, this is our fight.
3
Akala Nang pinagmasdan ko ang bawat bituwin, Nang pinikit ko ang aking mga mata Upang mapanaginipan ang saya —ang saya ng pagmamahal na binabalik Habang ako'y nakapikit pa rin, Nakita ko ang mga tala, Ang mga tala na kumikislap at kumikinang Dahil siya'y nakasama ko noong pinagmasdan ko ang mga tala. Nawala ang ngiti na na sa aking mapayapang mukha Akala ko posible ang lahat, Kaya lang panaginip nga lang pala. Panaginip lang pala ang may magbabalik ng aking pagmamaal.
4
May tumapik sa aking mga balikat At biglang nawala ang malamig na hangin na tumatama sa aking likod Nakaramdam ako ng init, Yung init ng isang yakap na hindi pakakawalan. Muling bumukas ang aking mga mata, At may bumulong as aking tainga, "Akala mo ba panaginip lang lahat ng ito? At ako'y ngumiti ulit. Inakala ko nga lang lahat, Pero isa 'to sa hindi ko kayang paniwalaan. Kahit ilang beses pa ako gumising.
Padayon Ito na ang huling pagkakataon na ako’y tutungo sa labanan, Kung saan ako’y laging nabibigo, Laging natatalo, Laging naiiwan na sugatan Pero hindi pa rin sumusuko. Ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko Para sa sarili ko na lumaban pa Kahit mukhang wala na talagang pag-asa Na ako’y tatagumpay pa. Kahit ilang beses pa akong saluhin ng malamig na sahig At magsimula ng malakas na silakbo Gawa sa tuluyang pag-ikot ng aking mga damdamin, Hindi pa rin titigil ang aking puso Hanggang sa makamit niya ang kaniyang hangarin.
Ito na ang huling pagkakataon na ako’y tutungo sa labanan; Bago ako sumabay sa pag-indayog ng mga halaman Sa mundong wala nang pinakinggan Kundi ang mga nilikha niyang pamantayan. Kapos na ako sa oras At ako’y nangangamba muli Tumatayo na ang mga balahibo sa aking braso At pinagdududahan ko na ang sarili. Dugo’t pawis akong nagpunyagi, Araw-gabi naghahabi Ng maraming estratehiya Sana panahon ko nang magwagi. Ito na ako at sasabak na sa kumpetisyon. Huminga nang malalim Para mawala ang kaba sa dibdib ko. Wala nang inaasahan, Basta mabigay ang lahat ng kaya ko Ngunit ito ako ngayon
5
Naiwang bugbog ang aking katawan At ang utak ko’y litong-litong na Dahil hindi siya makapagdesisyon Kung ano na ang sunod niyang aksyon. Pipiliin ko bang mabigo O pipiliin ko na lang sumuko? Sa pagwakas ng laban May isa akong natuklasan Tungkol sa sarili kong kinatatayuan, Napatanong ako, Ano nga ba talaga ang pinaglalaban ko? Kung ito’y para sa sariling kapurihan O kaya ang batayan ng aking kakayahan Ako nga naman ay naiwang sugatan, Ngunit mali ang pinaglaban.
6
Ikinalulungkot ko na hinayaan ko nalang ang aking sarili Na manatiling bulag sa katotohanan, Na ikalimot ang dahilan kung bakit pa ako humihinga, At ipagpalit ang panagutang nagsasabi, “Gamitin ang karunungan Upang paglingkuran ang bayan.”
Ito na ang huling pagkakataon na ako’y tutungo sa labanan; Bago ako sumabay sa pag-indayog ng mga halaman Sa mundong wala nang pinakinggan Kundi ang mga nilikha niyang pamantayan. Darating din ang panahon Kahit walang katapusan ang pagkabigo Dahil hindi paligsahan ang buhay na ito; Hindi na talaga ako susuko. Gayunpaman, wala sa akin ang pagpasya Kung ako’y tuluyang lalaban pa O maiiwan sa lupa bilang isang pataba, Dahil kung pipiliin kong mabuhay Pipiliin kong mahalin ang aking bayan At kailanma’y hindi ako mapapanatag Hanggang ito’y mapalaya. Padayon.
outliving the solitude We always wish upon shooting stars Or just stars in general. Forgetting that every single day, We catch glimpses of a star.
Sheepishly smiling and waving, Everyone I meet walks before me And I swallow, Clench my fists and take a deep breath.
Our foreheads wrinkle at its sight As we squint our eyes To stand its brightness. It’s a beauty unappreciated.
I try to say a word, and I do, But they all seem to live behind brick walls. Amidst the four corners, I look for an exit; A way to escape and crawl back into my shell.
And today I hid from it Sheltered, yet precarious; Avoiding every ray of light That creeps through the window panes.
Unfortunately, there were none. I stood there alone, Praying and hoping for a door to open, For someone to bring the light in.
I go unnoticed and afraid, Standing behind the shadow Of who I could have been, Of what I could have done.
I couldn’t bear the noise of loneliness, It was as if falling into a chasm Of my own thoughts drowns me; No matter how hollow it seemed.
7
And it began to dawn on me, These walls are just walls with no openings. Make one, I tell myself, You are more than capable of doing so. I look up and witness a painted sky With the shades of pink and orange, And I close my eyes only to imagine The sunset beyond these brick walls. Calming and soothing are the sounds Of the waves and of the crickets chirping. The night looms, yet the moon shines; There go the twinkling dead stars we wish upon. Someday or sometime in this life, A beam of light would drill through the bricks Because my heart grows weary and hopeless Of ceaselessly trying to make a way.
8
And as the sun rises in the morning Sets at dusk, I’ll wish upon this twice—every day For its light to creep in the cracks of my soul. In time, it will. In time, I hope.
Wikang Nilikha, Wikang Panlaban, Wika ng Pagkaisa Minsan, hindi natin napapahalagahan Ang kakayahan ng wika, Nang mas binibigyan ng pansin Ang aksyon ng tao kaysa sa semantika Pinag-aaralan natin, mga estudyante, Kung gaano kalaki ang impluwensya Ng mga salitang binibigkas, Mga salitang binubuga at hinihinga Sa pagbibigay ng buhay sa isa’t isa Subalit, pabago-bago ang mga kahulugan Ng bawat parirala, bawat pangungusap At kadalasan nasasakripisyo Ang pinakadiwa ng mga salitang nangangako, Mga salitang pumupuno sa hungkag na balon, Na tinatawag ang puso, ng pag-asa. Ito ang kadalasang ginagawa ng mga politiko
Bibigyan ko kayo ng mga halimbawa nito; “Tutulungan kita,” “Ipaglalaban kita,” “Hindi kita susukuan,” “Mahal kita.” Ang makarinig ng mga ito Ay makakaramdam ng kilig sa dibdib, Makakaramdam ng katiyakan Na hindi sila nag-iisa Sa mundong puspos ng panlilinlang; May mapagkakatiwalaan sila. Bagama’t ang nararamdaman ko ay pagdududa Dahil sa kawalang kasiguraduhan kung tama ang aking nauunawaan, Dahil ang mga salita ay parang laway na lang na dinudura. Ganoon kadali bitawan ang mga pantig Na akala mo’y magbabalik sa sigasig at pag-asa Na dati mong pinaniniwalaan na mayroon ka.
9
Wika nga ang sinasabi nating katwiran sa pakikipagkomunikasyon— Ang solusyon sa problema ng kung paano natin ilalahad Ang ating mga hinahangad, At kung paano natin makakamit ang pagkakaisa. Gayunpaman, wika rin ang bumabasag sa ating pagsasama. Nakakasanayan ng mga Pilipino ang pagiging palabiro. Hindi na nila naiisip kung paano nakakasakit Ang pagsasalita nang mababaw Tungkol sa mga protesta Ng mga maralita, manggagawa, estudyante Magsasaka, at ng mga Lumad na inalipusta at itinakwil Ng gobyerno at ng kapwang Pilipino. Karamihan sa ating pribiliheyo ay hindi nakakaintidi Sa karukhaan na pinagdaanan ng mga pamilyang Naninirahan sa lansangan ng siyudad, sa ilalim ng tulay, Sa tabi ng ilog kung saan sila’y nalulumbay Dahil sa pangamba na mawawalan na naman sila ng bahay Sa gitna ng isang unos o sa pagpapatayo ng isang mall. Ganito ang kanilang buhay, at kahit papano Sila’y lumalaban gamit ang kanilang wikang matibay.
10
Demolisyon tutulan, labanan, huwag pahintulutan! Butas naman ang bulsa ng mga manggagawa, Lagpas ng walo ang oras na kanilang tinatrabahuan, Nagkakasakit sa balat at lalamunan at napipilayan, Nangangamba rin dahil hindi nila alam kung may mapapasukan pa sila Ito ang dinadala ng kontraktwalisasyong nagkakadena. Kitang kita ang pagsasamantala ng mga kompanya Para sa produksyon ng kanilang mga paninda Na pakikinabangan lamang ng mayaman at maykaya, Hindi ang kanilang manggagawa sa pabrika. Ganito ang kanilang buhay, at kahit papano Sila’y lumalaban gamit ang kanilang wikang matibay. Manggagawang kontraktwal, gawing regular! Kontraktwalisasyon, wakasan! Wakasan!
Kinakanta natin kabataan ang mga salita Magtanim ay ‘di biro Ngunit sila’y tinaniman ng bala Sa dibdib, balikat, at ulo Nasaan ang hustisya Sa pamamaslang ng apatnapung magsasaka sa Negros, Sa pagkakait ng kanilang karapatan Na angkinin ang lupang sinasakahan At ang tubo na karapat-dapat sa kanila? Ang pamilya nila’y kumakain sa hapag-kainan Sa kanilang munting tahanan Nang biglang may sumulpot na isang lalaking May tungkulin maglingkod at protektahan Kung sinumang mamamayan Subalit inilabas niya ang kaniyang sandata, Tinutok ang baril sa ama Ang magsasaka ay bumagsak Na may dugong tumagas Mula sa pusong naghanap-buhay lamang. Ganito ang kanilang buhay, at kahit papano Sila’y lumalaban gamit ang kanilang wikang matibay.
Uring magsasaka, pangunahing pwersa Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban! Sa eskuwelahan, ang estudyante ay tinuturuan Pinaparatangan ng maling pinaniniwalaan Pagkatapos nilang ibunyag Ang kalupitan at pang-aapi ng gobyerno Sa mamamayang Pilipino. Ang pagtangkilik sa kababayang pinahihirapan Ay hindi isang pagkakasala Na akala mo’y kahiya-hiya Sa Panginoong minamahal, Nang kahit ang Kaniyang pagsasalita At ang Kaniyang mga kagawian Ay para sa mga taong pinabayaan. Hayaan nating maging kritikal ang kabataan, Palakasin ang kanilang tindig Nang matutunan nila ang kahulugan ng nasyonalismo, Na alam natin ay binabago Ng pamahalaang nagpasya na tanggalin Ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.
11
Ganito ang kanilang buhay, at kahit papano Sila’y lumalaban gamit ang kanilang wikang matibay. Bayan at edukasyon, ipaglaban! Wika at Bayan, ipaglaban! Sa Pilipinas matatagpuan ang iba’t ibang grupo Na may iba’t ibang wika Na sumasalamin sa kultura at pananampalataya Ng mga katutubong Pilipino Karamihan sa mga Lumad ay nababakwit, Dahil sa Batas Militar na namimilit Ng pamilya na lisanin ang sarili nilang lupain, Kung saan nakabaon ang kanilang kaluluwa, Ang kanilang pangako at hangarin na ipagtanggol Ang lupang ninuno na bumubuhay sa kanila. Hindi natin inaalam at binibigyan ng matinding halaga Ang mga ganap sa Lumad, Kaya tuluyang lumalaho ang apoy Na sumisindi sa kulturang makulay At sa yaman ng Pilipinas Na ninanakaw ngayon sa pagbobomba at paghuhukay Para lang sa tanso, pilak, at ginto.
12
Ang wika’t kultura’y hindi mahihiwalay sa lupang dalisay; Huwag natin hintayin ang kaniyang pagkamatay, Dahil ito ang ginto na tunay. Ganito ang kanilang buhay, at kahit papano Sila’y lumalaban gamit ang kanilang wikang matibay. Yutang kabilin, depensahan, panalipdan! Lupang ninuno, depensahan, ipaglaban! Kaya wag natin gupitin o pisilin Ang dila ng kabataan Na marunong lumikha ng wikang panlaban. Sila ang nag-aaral para sa ating kinabukasan; Sila ang magpapatatag at magtataguyod sa katutubong wika Para sa ating pagkakaisa.
a tula
AND MORE TO COME...
a tula mga tulang itinala sa bituin.
OF THREE AKALA PADAYON OUTLIVING THE SOLITUDE WIKANG NILIKHA, WIKANG PANLABAN, WIKA NG PAGKAKAISA
DOMINIQUE NICOLE FLORES UJP-UP 20A APPS