Gintong Medalya

Page 1

Hello Philippines and hello universe!

Simula noong bumagsak ako sa lupa mula sa langit este ipinanganak sa mundo ay alam kong pang miss universe na ang beauty ko eme! Ako si totoy ang panganay sa limang magkakapatid. Elementarya pa lamang ako ay alam ko na kung paano ang kalagayan ng aming pamumuhay sa tuwing nakikikita ko ang aking mga magulang. Hindi maipinta ang mukha ng aking ama sa tuwing wala siyang benta. Ang aking ama ay isang tindero ng isda sa iba't ibang lugar na inaangkat nila sa lungsod ng Dagupan. Wala rin tigil ang aking ina sa paglalaba upang may pangtustos sa mga gastusin sa araw-araw.

"Mukhang talbos na naman ng kamote ang aming kakainin sa palagay ko "

Simula noong ako ay pumasok sa paaralan ay sinabi ko sa sarili ko na kaya kong i-angat ang aking pamilya sa kahirapan, kahirapan na magsasawang kami ay puksahin sa dulo dahil sisiguraduhin ko na hinding hindi na kami mag-uulam ng asin at talbos ng kamote. Kaya nagsumikap talaga ako sa aking pag-aaral. Nagpatuloy ang magandang resulta ng aking pagsusumikap at pagsisipag sa pag-aaral. Habang ako'y nasa daan masayang masaya akong naglalakad na minsan tumatakbo ng very light dahil sabik na sabik kong sabihin sa aking papa na nakakuha ako ng honor ngunit hindi ko alam na hinihintay na pala ako nila mama at papa "nasaan na kaya si totoy anong oras na " Bata pa lamang ako ay proud na proud na sa akin ang aking papa sa tuwing uuwi akong may dalang mga awards galing school. Lagi niya itong sinasabi o ipinapasikat sa kanyang mga kumpare sa tuwing sila'y nag iinuman.

"Matatalino yay anak ko pare, lanang ya walay awit ton medal tan certificate no unsempet"

Masaya rin ako dahil sa pag-aaral ko ng mabuti ay nakakakuha ako ng gantimpala hindi lang ang pagiging honor student kundi ang gantimpalang ngiti at tuwa na nagmumula sa aking mga magulang. Ang aking ama ay isang masipag at isang magaling na maglalako ng isda dahil sa hanapbuhay ito ni papa ay nakakapagaral kaming limang magkakapatid ng maayos.

1

Bata pa lamang ako ay nakitaan na ako ng galing ng aking papa sa pagguhit kaya minsan ay umuwi si papa ay binilhan ako nito ng mga gamit sa pagguhit mga krayola, lapis at iba pa. Ngunit palaging nakikita o napapansin ni papa na puro nalang damit ng babae ang aking iginuguhit.

"Pa kasi gusto ko pong maging isang fashion designer balang araw" at medyo natahimik si papa nun. Bata pa lamang ako ay alam nani papa at mama na pusong babae ako. Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng mga magulang na tanggap ka kung ano ka at sino ka. "Tanggap ka namin anak ngunit ayokong nilalait ka at binabastos ka ng ibang tao anak."

Napakabait ng aking papa sa akin kaya't lagi kung ginagalingan sa school upang kahit papaano ay maibsan ang pagod ng aking mga magulang Isang araw ay inumaga na umuwi si papa galing inuman, na hindi mabalanse ang paglalakad kumbaga pagewang-gewang na ito kayat inalalayan ko sila patungo sa higaan. Nang magising na si papa ay sinabihan ko sila na kumain na at habang kumakain si papa ay sinabi kong "Pa iwasan niyo na po yang pag iinom niyo magkakasakit lang kayo niyan" at sabi naman nila "Totoy anak malakas pa si papa sa kalabaw wag kang mag alala." Napapadalas ang pagiinom ni papa palagi na itong inuumaga kung umuwi minsan nga 24hrs kinakaya ni papa very palavarn si pader tumba na mga kumpare siya hindi pa, palavarn talaga si pader. Hindi parin tumigil si papa sa pagiinum, isang araw ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib si papa dahil sa kakapusan sa pera ay hindi namin kaagad naipatingin sa doktor si papa kaya't ipinagpahinga nalamang namin sila sa bahay.

Isang gabi June 26, 2018 ay ginising ako ni papa hindi ko alam kung bakit hindi mapakali si papa nung nagising ako, katabi ko kasi si papa pag natutulog. Tumayo sila at pumunta ng sala at hawak hawak ang kanilang dibdib ng nakaupo.

"Toy ansakit so pagew ko bangon moy mamam"

2

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni papa at hindi ko alam ang gagawin ko talagang hindi ako makagalaw sa mga salitang binitawan ni papa. Bigla akong umakyat at agad kung ginising si mama sa taas ng bahay. Hindi rin mapakali si mama sa kanyang nalaman tinanong agad nito si papa kung kumusta siya "Walay naliliknam ni?" at sumagot naman si papa " Ansakit ya maong so pagew ko" kaya agad na naghanda si mama ng mga damit at dinala kaagad nila mama at tito si papa sa ospital mga bandang 3:00am iyon ng madaling araw. Naiwan naman ako sa bahay upang bantayan ang aking mga kapatid. Hindi ako masyadong makatulog sa pangyayari ng gabing iyon sa kakaisip kay papa Hindi ko alam ang gagawin ko sa biglaan na iyon kaya inilapit ko kaagad ito sa Panginoon na kung ano man ang nararamdaman ni papa sa oras na ito ay pagalingin niya. Hindi ako makatulog sa oras na yun at patuloy na umiiyak na sana gumaling na si papa hanggang sa ako ay nakatulog dala ng pag-iyak ko.

Kinaumagahan ng ika-27 ng Hunyo taong 2022 ay dumalaw ako ng hospital

kasama ang aking pinsan upang kumustahin si papa at dalhan sila papa at mama ng pagkain. Tinanong ni papa kung bakit ako nandito at kung bakit di ako pumasok.sabi ko

"Hindi nalang po ako pumasok para mabisita kopo at tiyaka walang maghahanda ng mga gagamitin po nila Lea, Michael, Shiela, at Ronald sa pagpasok sa school Maraming salamat anak, sambit ng aking ama Pagkauwi ko galing hospital ay nakatulog ako habang nagrereview dala na siguro ito ng matitinding pagod. Mga bandang alasdos ay bigla akong bumangon at ang bilis ng tibok ng puso ko mayamaya ay biglang tumunog ang telepono. Nakita kung si mama pala ang tumatawag at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sinagot ko agad ito. Bungad palang ay rinig na rinig kuna ang iyak at hagulhol ni mama na parang walang katapusan.Tinanong ko sila kung bakit sila umiiyak at kung ano ang nangyari

"Anako, anggapo lay ama yo intilak to tila!"

Parang huminto ang mundo ko sa mga narinig ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noong oras na iyon. Sa pagkasabi ni mama ay isang malakas na hangin ang dumaan na tila ika'y niyayakap. Hindi ako makapaniwala na wala na ang aming haligi. Lumabas ako ng bahay na humahagulhol narinig ni tita ang aking hagulhol at tinanong kung bakit ako umiiyak.

3

Sinabi kung patay na si papa tita, nagulat at napahagulhol rin sila kasama ng mga taong nakarinig sa aking sinambit Sinabi ko rin na ipasundo na ang aking mga kapatid sa paaralan ngunit pinasabi ko na huwag muna ipagsabi ang nangyari Makalipas ang ilang oras ay naiuwi na si papa na akala mo'y inuwi na kasi magaling na ngunit isa na palang isang malamig na bankay ang aming ama. Wala pa si mama noong oras na iyon kaya't kami ng aking mga kapatid lamang ang nasa tabi ng aming ama. "Agagik anggapo lay ama tayo" na umiiyak. Ilang saglit lang ay nakauwi na si mama na nasa daan palang ay dinig na dinig ko na ang lakas ng kaniyang hagulhol. Kaagad niyakap ni mama si papa pagkadating niya.

"Akin mo kami intilak, panunto kami laraya'y anak mo " Ilang saglit pa ay dinumog na ng mga tao ang aming bahay hanggang sa labas Napakabait kasi ni papa sa lahat ng mga taong kakilala niya o hindi man niya ito kakilala.

Isang buwang nakaburol si papa sa aming bahay dahil sa kadahilanang malaking pera ang kailangan sa babayarin at paggastos sa pagpapalibing. Lahat ng mga naging suki ni papa sa pagtitinda ay aming pinuntahan upang humingi ng kunting abuloy at ganun din sa aking paaralan ay humingi din kami ng abuloy. Ilang linggo din akong hindi makakain, makatulog ng maayos sa kakaisip kung paano na kami ngayong wala na si papa, ano nang mangyayari sa amin Sa kabila nito ay hindi ako nagpalamon sa emosyon bagkus nilakasan ko ang aking loob, naming lahat hindi kami nawalan ng pag-asa. Naglako ang aking ina ng mga gulay sa mga kabahayan. Ako naman ay naglalako ng mga kakanin. Hulyo taong 2018 ay sinalanta kami ng bagyong ompong. Ang lakas ng ulan nagmistulang walang bubong ang aming bahay sa dami ng butas nito. Napapaligiran kami ng tubig dahil lahat ng mga katabi naming palaisdaan ay nalubog na ito sa baha. Nagmistulang lawa ang aming paligid at tanging taas lang ng bahay namin ang aming tulogan na kung saan malapit na ring maabot..

Halos araw-araw at gabi-gabi kaming nagdarasal na bumaba na ang tubig at matapos na ito. Makaraan ang ilang araw ay unti unti nang bumababa ang tubig. Hindi kami nagpatinag sa bagyong iyon. Ginawa ko ang lahat upang malampasan ang mga mapanghamong pagsubok na ito.

"Agieh anako antolayay nagagawad bilay tayo" sambit ng aking ina
4

Naging working student ako, rumaraket bilang make up artist, sa labing pitong taong gulang ko ay nakapagtrabaho ako sa isang bar at salon para matustusan ang aking pagaaral Napakahirap pero keri lang lavarn lang hanggat nakakatayo pa

Simula nung namatay ang aking ama ang pangalang "TOTOY" ay pinalitan ko ng "SHAYNE" nangangahulugang shine sa ingles o liwanag na kahit ano mang pagsubok o unos ang naranasan namin sa aming buhay ay naniniwala akong may pag-asang sisilay at magliliwanag na darating.

Ika-3 ng Abril taong 2019 at nagtapos ako ng highschool with honor. Inaalay ko ito sa akin ina at lalo na sa aking ama ang nakuha kung medalya. Ngunit hindi pa ito sapat upang suklian ang kanilang mga paghihirap. Napuno na ng mga medalya at sertipiko ang aming dingding na sa dami napapangiti nalang ako sa tuwing ito ay aking pinagmamasdan. Noong tumuntong ako ng grade 11 patuloy ko pa ring pinagbubuti ang aking pag-aaral. Sa kabila ng nararanasan naming kahirapan kasabay ng pagkawala ng aking ama ay apat na beses akong nanguna sa klase at naging scholar rin ako ng isang napakabait at mapagmahal na guro na si ma'am Kate Sauler dahil nakitaan niya ako ng dedikasyon sa buhay na karapat-dapat akong piliin. Taong 2021 Dumating ang isang pagsubok sa amin at sa ating lahat ang pagdating ng sakit o virus na tinatawag nilang COVID-19. Bigla akong pinagsakluban ng lupa sa pangyayaring ito dahil papaano na makakapagtinda ng gulay ang aking ina. Dahil halos lahat ng establisyemento ay nagsara, lahat ng daan ay bantay sarado at lahat ng nga lumalabas ng bahay ay dapat bakunado. Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin sa nararanasan naming ito dahil lahat kami ay hindi pwedeng lumabas. Talbos, Asukal, Toyo at Kape na may kanin madalas ang aming inuulam at kinakain. Hindi ko lubos maisip na sa kabila ng paghihirap na aming dinanas ay hindi kami tinitigilan ng pagsubok. Nabuhayan kami ng pag-asa ng minsan isang araw ay may naglibot at pumunta sa aming bahay upang magbigay ng isang quarantine pass na magsisilbi naming susi upang makalabas ng bahay.

"Agieh maong anako ta naitdan tayo yay quarantine pass. Makapaway tila tan makapanlako akla, agtila mansiray tawyo tan taba."

Masaya ako sa kaganapang ito at bigla akong nabuhayan sa binigay nilang quarantine pass. Ngunit dahil sa paglaganap ng sakit na covid-19 karamihan sa mga puwesto ng pamilihan ay nagsara. Halos lahat din ng mga bilihin ay tumaas kaya panibagong pagsubok na naman ang aming mararanasan. Ngunit sa kabila nito ay patuloy parin kaming lumalaban at nagpapakapositibo sa buhay.

5

Upang makatulong sa aking ina na siyang bumubuhay lang sa amin ay naisipan kong magdala ng benta sa aming paaralan. Mga kakanin na lagi naming binibenta sa aming bahay. Hindi ko ito ikinakahiya dahil ito lamang ang bumubuhay sa aming pamilya ang pagtitinda. Masaya ako sa ginagawa kong pagtitinda sa aking paaralan dahil halos lahat ng mga kaklase ko at iba pang estudyante ay naging suki ko na. Hindi ko rin akalain na magiging suki ko rin ang aking mga guro masarap sa feeling na nakakatulong ka na sa magulang mo nag-eenjoy kapa sa pagtitinda. Umaga pa lang kasi madalas ay nauubos na kaagad ang mga tinda ko dahil bago man ako pumasok ay marami nang nagpapareserved ng mga kakanin na gusto nilang bilhin, kaya madalas rin ay nakareserved na lahat ng dala ko.

"Ayagieh magano agak ni akasabi ed classroom lalaen yo lay impareserved yo kaloka."

Ika-28 ng mayo taong 2021 ang araw kung saan ako ay magtatapos ng Senior High School. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko noong paggising ko nang umaga dahil sa natanggap kong mensahe galing sa aking guro noong gabi na ako daw ang isa sa may malaki o maraming parangal at pumapangalawa sa valedictorian. Hindi ko muna sinabi sa aking ina patungkol sa mensaheng natanggap ko kagabi. Nagpaayos muna ako para fresh ang aakyat ng stage later. Bandang alas dyis na noong nag umpisa ang programa. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na pumalakpak at maging masaya sa araw na iyon hanggang sa ako na ang tinawag siyempre longhairada ang ating eksena that time kaya super eksena talaga lalo na nong binanggit na ang pangalan ko. Super saya ko dahil nagpalakpakan ang mga tao. Maraming sertipiko ang aking natanggap at higit sa lahat ang isang gintong medalya na isinabit sa akin habang inaabot ang mga sertipiko sa akin. Gintong medalya na sana ito na ang umpisa ng aming pag ginhawa sa buhay.

Ika-20 ng setyembre, taong 2021 Sa pagtungtong ko ng kolehiyo hindi ko aakalain na sa pagpasok ko sa Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan Kampus ng Lingayen ay mahuhubog ang iba't iba kong mga kakayahan at talento. Dahil na rin sa unibersidad na aking kinabilangan, una ay nag-aalangan pa akong sumali sa mga organisasyon ngunit dahil sa pag eengganyo ng aming president ay nakapagdesisyon akong sumali. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa oras na iyon pero dahil sa isang tao na naniniwala at gumabay sa akin ay nakaya ko. Nahubog din ang aking kakayahan pagdating sa paglalayout, halos lahat na ata ng event at aktibidades sa aming organisasyon ay ako ang may gawa at hindi ko rin akalain na magkakaroon ako ng mga posisyon.

6

Sumapit ang disyembre ika-16 ng hapon ay abala na ang lahat sa paghahanda dahil sa gabi ay magkakaroon ng "Year end party." Hindi na rin ako umuwi at sa paaralan na ako nagpalit ng damit pang awra haha. Kinakabahan rin ako that time dahil sa gabing iyon din ay igagawad ang parangal ng Resilience at Heroism na kasali ako sa mga nagpasa ng entry o dokumentaryo para sa titulo na iyon. Hanggang sa sumapit na talaga yung oras na babanggitin na ang mga nagwagi.

" The Resiliency Award goes to Mr. Mark Angelo M. Mislang"

Super talon ako sa oras na iyon nakakaproud ang eksena habang umaakyat ng entablado upang tanggapin ang parangal na igagawad sa akin. Pagbaba ko ng entablado ay maraming bumati sa akin at nakipagkamay sa akin. Napakasarap sa pakiramdam na hindi ko aakalain na gagantimpalaan ako ng gantong parangal. Naway sa huli ay makamit ko ang inaasam kung tropeyo, o gintong medalya. Medalyang magpapaginhawa sa aming buhay.

Maaaring ngayon ay talo at lubog ka . Pero lagi mong tandaan na hindi dito natatapos ang laban. Madalas pinapahintulutan din ng Panginoon na madapa tayo para may matutunan tayo. At ang magandang balita, kapag nadapa tayo, nandyan parin siya para umalalay at tulungan tayong bumangon. Walang masama sa pagkabigo o pagbagsak. Patunay yan na sumusubok ka. At naniniwala ako na minsan hindi mo maintindihan kung bakit nangyari pero tiyak pagkatapos nito, magpapasalamat ka. Kung meron mang tayong kinakaharap na pagsubok sa buhay ay wag natin itong sukuan bagkus sabihin nating tayo ay subukan. #tryme ganern para laging palavarn diba maging positibo lang tayo sa buhay dahil matatalo ka lang sa huli kung papairalin mo ang pagiging nega. Nawa'y na inspire at marami kang napulot na aral mula sa aking kwento. Ako si Mark Angelo Mislang at ito ang aking kwento.

7

Maging isang premiyadong pampamahalaang pamantasan sa ASEAN sa taong 2025.

Ang Pangasinan State University sa pamamagitan ng instruksiyon, riserts, ekstensiyon at produksiyon ay naglalayong makahubog ng individuwal na may mataas na moralidad, inobatibo at may kakayahang glonal na makatutugon sa pangangailangan ng industriya, serbisyong pampubliko at lipunang sibil.

Si Mark Angelo "Totoy" M. Mislang ay ipinanganak noong ika-25 ng Agosto taong 2002. Siya ay tubong Pangasinense at naninirahan sa barangay Sta.Rosa munisipalidad ng Binmaley. Sa kasalukuyan, siya ay kumukuha ng kursong Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon na Nagpapakadalubhasa sa Asignaturang Filipino. Siya ay panganay sa limang magkakapatid.

Siya ay may iba't ibang talento maliban sa pagsusulat ng mga akdang pampanitikan. Siya ay miyembro ng isang kilalang pahayagan sa kaniyang unibersidad. Siya ay isang (Youth Leader) sa iba't ibang organisayon sa loob at labas ng paaralan. Siya rin ay isang madiskarteng tao na ginagawa ang lahat upang makatulong sa kanyang pamilya. Si Mark ay isang taong puno ng determinasyon, katapangan, at katatagan sa buhay na kahit anong pagsubok ang dumating sa kanya ay susuungin niya ito hangga't sa abot ng kanyang makakaya.

N G M A Y A K D A

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.