Kul1 Issue 1

Page 1



Karapatang-ari © 2017 ng Institute for Social Research at ng mga indibidwal na may-akda. Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin sa reproduksiyon sa anumang anyo at paraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatan. Editor: Reyzeljan De Los Trinos Mga Kontribyutor: Markus Aserit, Ivan Emil Lebayne, Roma Estrada, Don Vittorio C. Villasin, Marren Araña Adan, Reyzeljan De Los Trinos, at Merl Peroz Disenyo ng aklat: Alyssa Manalo Para sa mga kontribusyon, puna, at/o mungkahi, mag-email sa kultjournal@gmail.com.

Mga Larawan sa Pabalat Wikipedia Commons. Squatters By Kounosu - Self-photographed, CC BY-SA 3.0. Accessed on 6 December 2017 on https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=2872436 Jini Maxin, Rebound Mobile. Accessed on 6 Dec 2017 on http://reboundmobile.com/6-beststrategies-to-crack-the-south-korean-mobile-game-market/ Manila Bulletin, 9 May 2017. “Muntinlupa imposes time limit for students in computer shops.” Photo by Jay Directo. Accessed 6 Dec 2017 on https://news.mb.com.ph/2017/05/09/muntinlupa-imposes-time-limit-for-students-in-computer-shops/ Wikipedia Commons. McDonald’s and Jollibee fastfood brancges (V. Tiomico, Santo Rosario, San Fernando, Pampanga; 2017-04-14).jpg by Patrick Roque - Taken using my own camera with model DSC-WX80, CC BY-SA 4.0, https://en.wikipedia.org/w/index.php?curid=53788982


v

ANO NAMAN NGAYON?: Historikal na Topograpiya Bilang Lunan ng Kritisismo Reyzeljan De Los Trinos

1

Despacito, Youtube, at ang Pangangailangang Mabilisang Tanggalin ang Inip Markus Aserit

9

Disowning the Now Ivan Emil Labayne

11

Paunang Paglilimi Hinggil sa Pagtuturo sa Panahon ng Kalabuan Roma Estrada

17

The Educational Leader in the Era of Fordism and Post-Truth Don Vittorio C. Villasin

23

a load of those that can only be named in a network of Neoliberal Chaos. Marren AraĂąa Adan

27

Rekonstruksiyon bilang Dekonstruksiyon: Mga Paunang Tala sa Panitikan ng Guho at Gunaw Reyzeljan De Los Trinos



ANO NAMAN NGAYON?: Historikal na Topograpiya Bilang Lunan ng Kritisismo

1. Baka naman passe na talaga at out of touch si Kris Aquino bilang Queen of All Media. Bakit hindi natin pagtuunan ng pansin si Mocha Uson at kung paano niyang tuluyang binago hindi lamang ang pangkalahatang landscape ng social media kungdi pati na rin ang political landscape ng bansa. Kung magiging simplistiko tayo’t susundin at susundan ang labaha ni Ockham, malaki ang naging papel ni Mocha Uson at ng kaniyang mga horde ng likers, commenters, at sharers, bilang natatanging hegemonic political presence sa internet. Talbog ang Liberal Army. At lalong talbog ang Pambansa-Demokratikong Kilusan. Kung magkakaroon ng chance si Uson sa mga advertisement deals katulad ng kay Kris, hindi malayong iplaster din ang mukha niya sa telebisyon at billboard. Hindi rin malayong magkaroon ng Lady Empress Mocha— ganoon naman ang trend di ba? 2. Speaking of trend, baka masyado nang pagod sa demokrasya’t kalayaan ang buong mundo. Abroad mayroon silang Trump, while here, we have our very own Tatay Digong. Taking something of importance from Erich Fromm, kailangan ng tao ng kamay na bakal sa kaniyang leeg in fear of losing focus in life. Pag walang diktaduryang namamayagpag, wala siyang lalabanan. Without this politics, mafifeel niyang wala na siyang purpose sa buhay. In short, takot siyang maging malaya. Parang structural requirement ang paglaganap ng Orwellian societies around the globe every now and then. Bigla-biglang susulpot. Kabikabilaang human rights violations, corruptions, and the what-nots. Tapos tatapatan ng democratic uprising after a few years. Or siyempre, American intervention for democracy in the form of tanks and jets at iba pang garden variety cold-war recipe. After this, failed state. Ano bang bago? 3. Sa panahon ng internet, parang lagi tayong on the look out sa mga bago-bago. Hindi puwedeng umikot ang mundo nang hindi natin Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

v


nalalaman. May primal fear of being left behind katulad ng ating mga ape-like ancestors. Pero ngayon, virtual connection na ang hinuhugot at hinahatak. It came to the point na para bang rekisito na sa pagiging idle ang pagbubukas ng mobile data para lang icheck kung sinong may bagong etcetera sa Facebook, bagong daldal sa twitter, or bagong payabang sa instagram. Kapag walang lumabas, scroll down lang ulit. Refresh nang refresh at tiyak na lalabas din ang hinahanap at hinihintay. Pagkabulsa ng telepono, mangangati ang utak at uulitin lang ulit. Repeat then rinse. Repeat then rinse. Ikot lang nang ikot hanggang sa mayamot. Are we slaves to our own mobile devices? Siyempre walang aamin! Malaya tayo. Malayang malaya. 4. Sa edad ng invisible powers (at very apt ang pagiging invisible ng wifi at mobile signal) mas nagiging kompiyansa ang tao na siya ay malaya. At mas malaon sa hindi, sakit ito ng mga panggitnang-uri. At least ang mahirap, hindi yan mag-iilusyong mayaman siya. Pero iba sa middle class. Gitnang-uring Fantasya ang pakiwari dito ni Tolentino. Hindi aware ang petiburgesya sa hawla na nasa paligid niya. Sitting mighty siya sa kaniyang trono (sa opisinang BPO o sa kotseng naibook na Uber), while scrolling sa kaniyang Iphone (kailangan yung pinakabagong modelo, kahit tambak na ang utang sa credit card o home credit), may nakasaksak na vape sa bunganga habang pinaghahandaan ang kaniyang susunod na out of town (dahil malapit naman nang dumating ang thirteenth month pay). May fantastikong mundong nilalanguyan. Sinusustentuhan ng bagong purchasing power na biyaya ng postfordistang industriyang kinabibilangan. 5. Pero at the end of the day ay manggagawa pa rin siya. Kung pakikinggan ang mga Marxista, alipin ng kapitalismo. Sahuran, kontraktuwal, kulang ang benefisyo, at puwedeng tanggalin sa isang kindat lamang. Going further, sasabihin ng mga Marxistang hindi naman nagbabago ang batayang materyal na kondisyon. Parehong may pananamantala. Parehong may nakikinabang sa paghihirap ng iba. Wala naman daw bago. Ito rin naman ang ibinabato sa kanilang pagbalik ng mga antimarxista (at kung minsan pati din neo-marxista). Na alipin sila ng daantaong ideolohiya na naniniwalang walang nagbabago hanggat hindi dumarating ang sosyalismo. Baka kaya wala ding nababago ang mga Marxista ay dahil hindi sila marunong maniwala sa pagbabago. Itanong

vi

Issue 1, Volume 1


mo kay Joma and his cohorts pero baka mas maraming masasabi sa atin si Leloy Claudio at Cleve Arguelles ukol dito. 6. So ano ngayon ang sense ng paghahanap ng bago? Bakit pa ito kailangang butingtingin? Nasa panahon tayong mas pagkakatiwalaan pa ng publiko ang lalabas sa bibig ni Mocha Uson, Thinking Pinoy, o Sass Sasot bago tanungin ang mga akademiko. Pero wala namang doctorate ang mga taong iyon. Hindi naman nakapagmasters sa mga prestihiyosong Ivy League schools. Walang breeding sa ism-ism. Walang international conferences o publication sa mga refereed journals. Pero kaya nilang mapatameme ang mga nasa loob ng akademiya’t mga institusyon. Dahil ba sa popularidad? Puwede. Dahil ba mas may sense ang sinasabi nila? Puwede rin pero sana hindi. 7. Echoing Foucault at ang kaniyang history of the present, ilang taon o dekada ang lilipas at bubutingtingin din ng susunod na henerasyon ang ating panahon. Literary texts nila ang mga canonized wattpad books. Magiging cultural icon ang AlDub at si Vice Ganda. Political treatises ang mga blogs at facebook posts. At pilosopiya na ng kanilang panahon ang mga paniniwalang hindi pinapansin ng mga akademiko ngayon. Does that future sound fun? Ineere ngayon ng mga akademiko na pangbobo yang mga bagay na yan, pero sa kaka-ere nila’t wala namang nakaririnig, mas hinahayaan lang na bumuyangyang at makonsumo. Lumalaganap nang lumalaganap. Kumakalat nang kumakalat. Parang batang natae sa salawal—nangangamoy na ang lahat at kakapain na lang kung saan nanggaling, pero magkamatayan na, wala pa ring aamin. 8. Pero hindi ko naman masasabi na nandito sa journal na nandito ang hinahanap nating counter-culture, anti-institution, o mga rebolusyonaryong pagsipat. Yung paghahanap ng mga iyon ay para lang ding paghahanap ng bago—pointless dahil ididikta lang in the end ng kasaysayan. Pero at least for now, imbis na manahimik at hayaan na lang ang pag-ikot ng mundo, puwede naman tayong makinig at maglimi, saka magsalita at kumilos. May mga pahiwatig ang mga akda dito ng mga napapanahong pagsipat at kritisismo. May naglalantad ng problema. May nagpapakilala ng solusyon. Kumoda si Villasin sa pangagailangan ng rekonstruksiyon ng modelo. May pasabi si Labayne hinggil sa mga definisyon/redefinisyon ng ngayon. Binagtas nina Aserit

Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

vii


at Estrada ang hinggil sa mga medium, media, at madla. Habang ang patnugot ay kumoda ng dakdak tungkol sa sentrosentrismo. 9. Following Labayne’s words, hindi naman pa-cute lang ang kritisismo dito. May talim at lason pa rin itong nagpapaalala sa ating nakabuyangyang lang ang di-mabatang kapangyarihang ineexert sa atin ng iba’t ibang mga dambuhalang institusyon. May iba’t ibang pinanggalingan—kapitalismo, teknolohiya, patriyarkiya, heteronormatividad, mga sentro, atbp—na pinanggalingan rin ng sarili nitong mga bias at prehuwisyo. Sa panahong malaking bahagdan natin ang hindi pinapansin ang mga kapangyarihang ito, hindi ba’t mas tumatambol lamang ang pangangailangan sa mga kritismong katulad ng mga nasa lathalaing ito? But to what end? Hindi pa rin naman natin alam. It’s a lot better kung may tendensiyang rebolusyonaryo pero baka mas magandang sa ibang libro at panahon na natin pag-usapan kung kaninong rebolusyon ang mababagtas at paano sisimulan ang gagawing pagbaklas. Reyzeljan De Los Trinos Patnugot

viii

Issue 1, Volume 1


Despacito, Youtube, at ang Pangangailangang Mabilisang Tanggalin ang Inip Markus Aserit

Wala nang idle moment sa panahon ng internet. Nitong nakaraang linggo, hindi ako nainip sa biyahe pabalik ng Cavite dahil sa katabing nanonood ng videos sa Youtube. Mahigit kalahating oras ang kailangang hintayin bago makasakay, kaya kani-kaniyang hanap ang pasahero ng mapaglilibangan. At ang katabi ko nga ay pinili ang panonood ng video sa internet. Gusto ko sanang tapusin ang binabasang libro kaya lang pagod na sa buong araw ng pagtatrabaho; kaya pinili ko na lang hintayin ang susunod na UV express pabalik ng Cavite. Ang kaso, mahirap iwasan ang liwanag ng gadget ng katabi, na mukhang pauwi rin galing sa trabaho. Napapangisi ito habang nakatutok sa maliwanag na screen. Dahil usisero, tinignan ko kung anong pinanonood niya: mga pusang sumasayaw na parang tao. Naka-loud speaker ang mama kaya dinig ko kung anong nangyayari. Sumasayaw ang mga pusa sa kantang “Uptown Funk.” Pagkatapos matawa sa “Funny Cat” videos, sunod niyang pinanood ang “Top 10 Funniest Pranks.” Nang mapansin niyang may nakikisalo sa kanyang paglilibang pansamantala muna niyang itinigil ang panonood. At ako naman, kunwaring may itetext sa cellphone. Halos lahat ng aktibidad natin sa buong araw ay nakakabit sa ating gadgets, mula sa pakikipag-usap sa ibang tao hanggang sa panonood ng mga palabas. Kung dati, kailangan umupo sa sala para makanood ng pelikula o TV show, ngayon kasama na natin ang telebisyon sa ating bulsa. Mula sa paghihintay sa pila ng sakayan hanggang sa kaswal na panonood ng video clips bago matulog, kasama natin ang ating mobile gadgets. Youtube ang pangunahing video streaming website sa Internet. Hindi gaya ng Netflix, libre ang access dito. Bite-sized ang mga videos dito na kadalasan 3-5 minutes lang ang haba; bagay na bagay sa mga taong on-the-go. Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

1


Nagsimula noong 2005, ang Youtube ay may slogan na “Broadcast Yourself.” Kagaya ng Facebook, ang lahat ng content na nasa Yotutube ay mula sa users. Ngayon ay may mahigit 1 bilyong aktibong users na ang Youtube kada buwan (Reuters 2013). At ayon din sa parehong source, 300 oras ng video ang ina-upload sa Youtube kada isang minuto. Sa mga datos na ito, isipin na lang kung gaano kadaming videos ang hawak ng website at kung gaano kadaming data na ang pagmamay-ari nito. Sa homepage ng Youtube, may mga nakalistang featured videos. Kung hindi naka-login ang user sa kaniyang Youtube account, ang mga videos na makikita niya sa homepage ay ang mga pinakapopular sa kaniyang bansa, at siyempre mga popular na videos sa Amerika. Kung gamit naman ng user ang kanyang Youtube account, mas customized ang listahang panonoorin. Karamihan sa mga seleksiyon na lalabas ay base sa viewing history ng user. Kung mahilig manood ng Top 10 NBA replays, malamang sari-saring videos tungkol sa basketball ang lalabas sa homepage. Telebisyon Bilang Lumang Palabas Bago nanood ang tao sa kanilang mobile gadgets, telebisyon muna ang naging pangunahing entertainment choice. Wala pa ang mga mga teledrama sa gabi, Hunter X Hunter, Ghost Fighter, at Zenki ang ipinapalabas pagkatapos ng balita. Naalala ko noon na pinapatay ko ang TV pagkatapos ng balita (Saksi pa ang primetime news noon) bilang protesta sa pagtanggal ng GMA 7 sa mga anime na nabanggit. Ang ipinalit na mga palabas ay drama. Inisip ko na kung mababawasan ang mga nanonood ng drama, baka ibalik ng GMA 7 ang mga anime. Kaya lang, hindi nangyari at hanggang ngayon Soap Opera pa rin ang palabas tuwing gabi. Masasabi kong malaking bahagi ng kabataan ko ang telebisyon. Bago pumasok sa eskuwela, nanood muna ako ng “Bananas in Pajamas” na ang bida ay dalawang saging na si B1 at B2. Lagi ko rin inaabangan ang “Adventures of Tom Sawyer” at “BTX”. Walang masyadong libro sa bahay noon kaya TV ang pangunahing binubuksan ko sa tuwing naiinip. Default na para sa akin noon na nakabukas ang TV kapag nakaupo ako sa sala.

2

Issue 1, Volume 1


Kaya lang, kahit nanonood, dumarating pa rin ang pagkainip. May pangangati na maglipat ng channel para maghanap ng mas exciting na palabas. Sa tradisyonal na TV, walang opsiyon na makita ang mga related na palabas—hindi katulad sa Youtube na ipinakikita ang mga related videos. Sa TV, kung nakakainip ang kasalukayang pinapanood, ang opsiyon ay maglipat lang ng channel hanggang sa makakita ng mas interesting na palabas (channel surfing). At kung dumating ulit sa estado ng pagkainip, ilipat lang ulit sa ibang channel hanggang sa makakita ng mas magandang palabas. B-S-B. Boredom, Surpise, Boredom. Paulitpaulit lang hanggang sa maubos ang oras. Maraming nang pag-aaral tungkol sa masamang epekto ng telebisyon. Passsive ang experience dito; kailangan lang tignan ang mga ipapalabas sa black box. Fine-feed na sa viewers kung ano ang dapat isipin. Kaiba ito sa pagbabasa ng libro na nangangailangan ng focus at concentration mula sa mambabasa. Walang kritikal na pagsusuring nangyayari TV dahil inihahain na ang mga opinyon, balita, at analysis ng mga nangyayari. Bihira ang mga palabas na hinihimok ang manonood na mag-isip. Karamihan sa mga ito ang primary goal ay mang-aliw. Youtube at Mobile Viewing Bilang Bagong Palabas Kung tutuusin, walang-wala ang dami ng videos sa Youtube kompara sa palabas sa telebisyon—cable, satellite, o TV Plus man ito. Gaya ng nabanggit kanina, tinatayang 300 oras na video content ang ina-upload sa Youtube kada minuto. Sa daming ng videong hawak ng kompanya, imposibleng makita o kahit matunghayan man lang ang lahat ng ito. Mas convenient rin ang panonood ng videos sa Youtube. Ang kailangan lang ay cellphone at internet connection. Puwedeng nang manood ng anime at TV drama kahit saan, Sinubukan ng ilang cellphone companies na maglagay ng antenna ang kanilang mga cellphone pero hindi ito naging click sa mamilili dahil malabo at madalas static ang mga mapapanood. Sa TV, ang average airtime ng mga palabas ay 30 minutes. Sa Youtube, 3-5 minutes ang average length ng videos. Mas maiksi dahil kailangan maaliw agad ang manood sa maikling panahon. Para sa internet users na patuloy na lumiliit ang attention span, walang puwang ang mahahabang palabas. Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

3


Isang beses, may nakasabay ako sa jeep na nanonood ng pelikula sa kanyang cellphone. Hindi siya mapakali sa paglipat-lipat ng palabas. Una niyang pinanood ang isang James Bond movie na ang bida ay si Jeremy Rener. Hindi niya tinapos. Punta ulit sa file manager at hanap ng ibang palabas. Sunod niyang pinanood ang “The Expandables.” Ang nakakapagtaka hindi niya sinimulan ang palabas. Finast-forward niya agad sa last sequence ng pelikula kung saan matindi na ang aksiyon. Ganito rin ang nangyayari sa akin sa tuwing nanonood ng videos sa Youtube. Kapag hindi na nagiging entertaining ang palabas, tinitignan ko ang listahan ng related videos—palaging may iaalok na interesanteng video. Mabilis ang palitan ng impormasyon sa internet. Sa loob ng ilang minuto, dapat maaliw agad ang manonood dahil kung hindi, lilipat ito sa ibang palabas. Kung iisipin, mukhang lagi talaga tayong inip na inip at kailangan palaging maghanap ng aksiyon at pasabog. Related Videos at Muli-tasking sa Internet Kung manonood ng videos sa Youtube, kaagad na mapapansin ang mga related videos. Mahirap iwasan ang attraction ng related videos laban sa kasalukuyang pinapanood. Kung talagang interesting ang isang related video, ititigil ng user ang kasalukuyang niyang pinapanood para panoorin ito. Kung kaya namang tiisin ang pananabik, may “watch later” option para i-save o i-bookmark ang mga videos na gustong panoorin sa hinaharap. Sa Youtube, ipinapakita sa manonood ang mga related videos kasabay ng kasalukuyang pinapanood na video. Hindi na kailangan itigil ang panonood at ilipat ang channel kung sakaling mainip dahil puwedeng maghanap ng ibang video sa mga nakalistang videos habang nagpa-play ang kasalukuyang palabas. Personal ang appeal sa panonood ng video sa Youtube. Kilala ng website ang users nito kaya epektibong nakapagbibigay ng video suggestion na akma sa interes ng users. Kaya lang, sa halip na makatulong, distraction pa ang nagiging dulot ng mga suggested video dahil nahahati ang atensiyon ng users. Sa TV, ang mata ng viewers ay nakatutuok sa pinapanood na 4

Issue 1, Volume 1


palabas. Sa Youtube, nahahati ang attention ng manonood sa video, related videos, comments section, homepage button at marami pang iba. Multi-tasking ang pinaka-esensiya ng new media experience. Nanood ng video habang nag-hahanap ng susunod na panonoorin. Nakikinig ng podcast habang nagbo-browse sa news feed. Nag-e-email habang hinihintay magload ang papanooring video. Ganito rin ang mekanismo sa Youtube, ipinanonood ng video ang users habang nagbibigay na mga suggestion. Pagbabasa ng Libro bilang Meditation Sa pagbabasa ng libro, kailangan mag-focus ng readers para lubos na maintindihan ang binabasa. Monotasking ang esensiya ng reading exercise. Walang opsiyon na bumisita sa ibang website o babasahin. Walang hyperlinks at iba pang distraction. Hinihingi ng libro ang buong attention ng reader. Walang siyang dapat isipin kundi ang ibig ipahiwatig ng binabasa. Parehas ito sa experience ng meditation. Sa practice na ito, tine-train ang utak ng tao para mag-focus sa isang bagay, halimbawa ang paghinga. Hindi masasabing nagme-meditate ang isang tao kung marami siyang iniisip. May pagkakapareho ang pagbabasa ng libro at meditation: parehas hinihingi ang buong attention ng user. Ito ay esensiyal para sa dalawang practice. Hindi puwedeng magbasa ng libro at mag-meditate nang distracted. Sa matagal ng paggamit ng internet, napansin kong lagi akong naghahanap ng distraction. May pangangati na palaging mag-check ng email, magbukas ng Messenger, o tumingin ng bagong tweet. May pagkakataon na kahit nagbabasa, bigla akong may maiisip na tanong at hahanapin ko ang sagot sa Google. Lagi akong tinatamaan ng urge na itigil ang kasalakuyang ginagawa para maghanap ng ibang mas interesanteng gagawin. Sa pagpalit-palit ng ginagawa dalawa ang nangyayari: hindi nakakapaglaan ng sapat na atensiyon sa isang gawain at nasasakripisyo ang kalidad ng atensiyon. Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

5


Sa pagbabasa, may kahingian na magbabad sa isang idea para lubos na maintindihan ang libro at materyal na binabasa. May paglawak na nangyayari at ginagawang komplikado ang idea. Nakikita ng mambabasa ang koneksiyon ng mga bagay at kung ano kahalagahan ng binabasa kaugnay sa ibang area ng pag-iisip. At ito ang dahilan kung bakit na-e-exercise sa pagbabasa ang critical na pag-iisip at seryosong diskurso. Kaiba ito sa panonood na kailangan ma-appreciate muna ng paningin ang palabas para ito ay maging appealing. Sa TV at Youtube, dapat ma-hook muna visually ang viewers bago maging katanggaptanggap ang mensahe. Distracting Ourselves to Death Entertainment ang pangunahing ibinibigay ng Youtube sa users nito. Kung mapapansin, karamihan sa mga pinakasikat na video sa website ay mga popular na kanta gaya ng ‘Despacito’ ni Luis Fonsi, ‘Gangnam Style’ ni Psy, at ‘Uptown funk’ ni Bruno Mars. Ang bawat isang video na nabanggit ay di bababa sa 2 bilyong views. Primal ang appeal ng mga entertaining na videos. Mahirap iwasan ang mga videos na nag-aalok ng kaunting kasiyahan sa manonood. Walang reflection mode sa TV dahil may pangangailangan na maging entertaining ang mga palabas, ayon sa “Amusing Ourselves to Death” ni Neil Postman. Ang pagsasanib ng photography, sound, at animation sa television ay sumira sa rasyonal at seryosong diskurso na ipinalaganap ng printing press (Postman 1985). Sa telebisyon, visual ang appeal ng content. Kailangan maging kaaya-aya muna ito sa paningin bago tanggapin ng manonood. Sa panahon ng internet, maaaring sabihin na Youtube ang makabagong telebisyon ng internet users. Accessible at mas maraming pagpipiliang content. Kaya lang, limitado ang kakayahan ng medium na ito para magpahayag ng idea. Kaiba ito sa libro o ibang babasahin na hinihingi ang buong atensiyon ng user. May pangangailangan na intindihan ang daloy ng lohika sa mga pangungusap upang lubos na maintindihan. Sa kaso ng Youtube videos, maaaring sabihin na “we are amusing ourselves to death” sa panonood ng cat videos. Nakakabagot manood ng mahabang lecture sa Youtube, kahit na available ito sa website, dahil may pangangailangan na mabilisang tanggalin ang inip. At ano pa bang 6

Issue 1, Volume 1


mabisa sa pagtatanggal ng inip kundi ang manood ng mga pusang sumasayaw na parang tao. Sanggunian Postman, Neil. 1985. Amusing Ourselves to Death: Public Discourse in the Age of Show Business. Penguin Books. Reuters. 2013. YouTube Stats: Site Has 1 Billion Active Users Each Month. Na-download July 3, 2017, mula sa Huffington Post: http://www.huffingtonpost.com/2013/03/21/ youtube-stats_n_2922543.html The Youtube Insights Team. 2015. The First 5 Seconds: Creating YouTube Ads That Break Through in a Skippable World. Na-download July 3, 2017, mula sa Think With Google: https://www.thinkwithgoogle.com/consumer-insights/creating-youtube-ads-thatbreak-through-in-a-skippable-world/ The Guardian. 2015. YouTube is 10 Years-Old: The Evolution of Online Video. Nadownload July 3, 2017, mula sa The Guardian: https://www.theguardian.com/ technology/2015/feb/13/youtube-10-years-old-evolution-of-online-video/ Naabutan ni Markus Aserit ang panahon ng Friendster, My Space, at Dial-up Connection. Tinatapos niya ngayon ang kanyang unang koleksiyon ng maiikling kuwento habang nag-che-check ng Facebook at nanood ng Youtube videos. Kasalakuyan siyang nagtatrabaho sa isang organisasyon na nagsusulong ng sining at kultura.

Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

7



Disowning the Now Ivan Emil Labayne

The ‘Now’ is as much quoted as it is lived. Roughly, the former wrapped as: ‘Now I’m here; Now I’m wandering; Weaning, I am now; Now, I vanquish the egotistic self; Now, a tea party; Now a slow GDP; Now, a GPS lost.’ The latter told as series of actions, movements, telling, decisions, interventions, words, interventions... Following Susan, “the quotation lends both integrity and limit to the utterance by means of its ‘marks.’” The Now must be quoted not just because it is to be displaced; The Now is to be quoted precisely in order to be more aware of it. Here is Now, both gone and moving. Do I make it move? What makes it gone? Following Vladimir, “It’s more pleasant and useful to go through the experience of the revolution than to write about it.” Hence, the curtailed Chapter 7 of State and Revolution. The Now is to be lived because of default settings, and that gives it an anticlimactic pathos, unless I am deluded by the attributed climactic suicide of existentialism. To live the Now, what kind of living; what kinds of sheltering; whose source of feeding; schooling by what means; dancing for what ends? To live the Now—under what conditions? Following Zeus, ang Now ay dapat sipatin mula sa loob, gamit ang mga sariling moda ng pagtanaw. Ang ‘ibang’ uri ng pagtanaw, kahit mababaw kung paano nagiging iba ang ‘iba,’ ay dapat itakwil. Ang ‘Now’ ay magiging ‘Ngayon.’ O iba pa: “kasalukuyan.” O higit pa, dahil kailangang bumalik sa “roots”: “salukoy.” Mainam ring bulatlatin ang ibang salin/konsepto ng ‘Now’ sa ibang wika sa Filipinas. Ito ang layon ng isang tunay na maka-Filipinas at mapangyakap na paggamit ng wika. Ito ang tungkulin ng manunulat ngayon.

Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

9


Alinsunod kay Bomen that followed Zeus, “tinuturing nito ang mga teksto bilang mga tuwirang ekspresyon o salamin lamang ng iisang kaisipan o kamalayang buo.” For all of us to cry, the very familiar mirror motif is deployed to convey one-to-one correspondence, not a wanting kind of despondence; notice: not just the hopelessness over the impossibility of perfect expression but the dissatisfaction with hopelessness itself. /When two ‘negative’ things combine,/in what ways will possibilities fly?/ Following Paul, ang ‘past-present-future’ bilang ‘ancient tripartition.’ In its place/its cause: ‘instantaneity and ubiquity.’ Ang mga tren ng ika-19 siglo at ‘supersonic jets’ ng ika-20 siglo ay naunahan na ng ‘interactive telecommunication of cybernetics,’ ng siglo Ngayon. Ang ‘Now’ ni Paul ay nakabatay sa siglo. Mukhang kabalintunaan ngunit ang ‘Now’ ng siglong ito ay nagpapalit-bihis, nagpapalit-halaga kada segundo. Following familiar invocations—unity, struggle, the people—couched in different forms—an electoral jingle, a rhetorical pound—ang ‘Now’ ay ang “panahon upang tayo’y magkaisa/baguhin natin ang sistemang pahirap sa masa,” or the expression of urgency’s weight, “Kung hindi ngayon, kelan pa?” Now is both up in the air and contested on the ground, owning nothing but its own shifting. The shifting is both seismic and sedentary; pedestrian and planetary, rhythmical and ridiculous, like a riddle, it invites, Ngayon na, Ngayon na, hindi mo pa makita.

10

Issue 1, Volume 1


Paunang Paglilimi Hinggil sa Pagtuturo sa Panahon ng Kalabuan Roma Estrada

Mainam na alalahanin muna nang pahapyaw ang kaligiran ng metodong Sokratiko, ang isa sa mga karaniwan at mabisang paraang ginagamit ng mga guro sa talakayan sa kasalukuyan. Matatandaang nauwi sa sapilitang pag-inom ng lason si Socrates nang maging isang malaking banta sa namamayaning kaayusan ang kultura ng pagtatanong na sinimulan niya sa liwasan sa Gresya. Kung titingnan ito bilang patunay na ang pilosopo ay isa ring guro at ang guro ay isa ring pilosopo, mayroong tuwirang ugnayan ang guro at ang paghubog ng lipunan. Ang payak na akto ng pagtatanong ay maaaring makapagbukas ng mas malawak pang kamalayan. At kung sakali, ang kamalayang ito ang aakuin at dadalhin ng mga kabataan bilang mamamayan. At kung gayon, nangangahulugan ito na isa sa malaking tungkulin ng guro sa mga kabataan ay ang pagwasak sa kanilang mito ng indibidwalidad, ang pagkilala sa kanilang mga sarili bilang produkto ng tunggalian ng iba’t ibang puwersang panlipunan. Hindi na kailangang idiin pa na upang magampanan ang tungkuling ito, inaasahan sa guro mismo ang matalas na kasanayan sa pagsusuri ng lipunang kaniyang pinaglilingkuran. Ayon kay Winterson, mailalarawan ang ating sistema bilang dinodomina ng money culture at consumer economy1. Ito ang panahon ng walang kabuluhang pagkonsumo, ng pagtutuon ng diwa at gawa sa pagkamit ng mga layuning materyalistiko. Sapagkat ang salitang “real” sa Ingles ay nagmula sa salitang “real” ng Espanyol na ngangahulugang barya, hindi kataka-taka na ang namamayaning konsepto ng realidad ay tumutukoy sa salapi at iba pang bagay na materyal. Sa kasalukuyan, patindi nang patindi ang ating nasa sa bagong modelo ng telepono, padalas nang padalas ang paglalagi sa mga malls na inilarawan ni Tolentino bilang salamin ng ating sosyoekonomikong istratipikasyon2--sa palapag ng mga fast food ang masa (ibaba) at sa palapag naman ng mga specialized boutiques (itaas) ang mga elite. Sa konsumeristang kulturang tulad nito, nailalarawan ang ating pagiging pasibong tagakonsumo ng mga produkto. Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

11


Masasabing lalong pinapatindi ng panahon ng social media ang konsumeristang kultura sapagkat nagiging mabisang espasyo ito ng advertising. Hindi sapat ang mga naglalakihang billboards sa mga pangunahing kalsada, ang mga patalastas sa radyo, telebisyon, at mga pahayagan. Kailangang lamunin ng advertising ang lahat ng posibleng espasyo para maseguro nito ang paghahari. Sa isang episode ng Black Mirror3, mumultahan ang sinumang hindi manonood ng patalastas sa telebisyon. Kapag wala nang pera, hindi siya makalalabas ng silid, ni hindi niya maipipikit ang mga mata. Walang takas ang sino man sa mga multo ng advertising, ang pinakamabisang kasangkapan ng konsumerismo upang gawing hindi lang pasibong tagakonsumo ng produkto ang mamamayan kundi maging pasibong tagakonsumo ng mga impormasyon. Hindi kataka-taka na sa panahon din ng social media dumami ang pagpapabulaan (disclaimers) at tumindi ang paggamit ng mga salitang “official” at “legit” (legitimate) bilang sagot sa tumitindi ding kultura ng fake news, fake accounts, clickbaits, trolls, atbp. na siya ngayong kinamumulatan ng ating mga kabataan. Sa panahong ito na tinatawag kong Kalabuan (halaw-salin sa kontekstong sosyo-edukasyunal mula sa salitang Post-Truth [Politics] na ngangahulugang “relating to or denoting circumstances in which objective facts are less influential in shaping public opinion than appeals to emotion and personal belief” na hinirang na “Word of the Year” ng Oxford Dictionaries noong 2016), may matinding pangangailangan para sa pagsusuri at masusing pagtalakay ng mga guro at iba pang manggagawang pang-edukasyon sa ugnayan ng pagtuturopagkatuto at ng social media. Social Media at Danas ng Impormasyon Hindi tulad ng format ng mainstream media (hal. telebisyon, radyo, at pahayagan, etc.) na may mga kategorya, pastiche ang design ng Facebook na siyang nagbibigay ng Panoptic Information Experience: halos sabaysabay na kinokonsumo ng Facebook user ang multiplisidad ng mga impormasyon: post updates ng friends, national news, entertainment news, posts ng mga ni-like na pages (e.g. mga produkto, artista, kompanya, serbisyo, at iba pang specialized pages depende sa preference ng user) bukod pa sa mga suggested pages, friends, at advertisements. Sa maraming pagkakataon, nagkakaroon na ng entertainment effect ang 12

Issue 1, Volume 1


mga pambansang balita at nagiging pambansang balita na ang noon ay panlibangan lang. Maaaring nilikha ang pastiche quality na ito para sa total maximization hanggang sa maging lubos na nakadepende na ang marami sa Facebook. Maihahalintulad din ito sa aleph4 ni Borges na tumutukoy sa isang puwesto sa daigdig na kayang makita ang lahat ng nangyayari nang sabay-sabay. Sa isang banda, naging demokratiko ang paglikha / pagdokumento at pagkonsumo ng impormasyon sa Facebook at iba pang social media. Kung dati ay hinihintay lamang ang mga balita na mai-ere sa mainstream media, ngayon ay may kakayahan na ang kahit sino na magdokumento at maglimbag ng anumang balita sa pamamagitan ng blog, page, site domains, at iba pa. Kaakibat nito ay ang tuwirang pakikisangkot sa mga napapanahong usapin sa pamamagitan ng pagkokomento sa nakatalagang espasyo. Nakiayon na ang mga programang pantelebisyon sa ganitong pagbabago hanggang sa naging midyum na rin ang mga ito ng mga balitang nagba-viral sa social media. Sa kabilang banda, ang demokratisasyon ding ito ang nagluwal ng masalimuot at sumasalimuot pang mga kalabuan. Dahil sa pribilehiyo ng anonymity, kahit sino ay maaaring gumawa ng pekeng balita (hal. walang pasok) gamit ang pekeng page (hal. Walang Pasok Advisory). Gayunpaman, hindi isinasantabi ang pagkilala na ang panahon ng kalabuan ay maaari naman talagang ituring na panahon ng kasiglahan, ng pagiging malikhain, ng pagwasak ng mga kaibahan ng opisyal at hindi opisyal, at maging ng tunay at hindi tunay sapagkat kung iisipin, hindi ba ang katotohanan ay produkto din ng mga nagtutunggaliang puwersang panlipunan? Panahon ang makasasagot sa tanong na iniluwal ng kasalukuyang nagaganap. Ngunit sa konteksto ng edukasyon, paano kung ang ating mga kabataan na halos pantay na ang inilalagi sa paaralan at sa social media, ang mismong kumokonsumo at nag-aambag sa kultura ng fake news? Social Media at Alternatibong Espasyo ng Pagkatuto Dahil na rin sa katangian ng social media na maging alternatibong espasyo sa maraming aspekto, pangunahin na sa pakikipag-kapwa, Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

13


hindi na maikakaila maging ang paggampan nito bilang alternatibong espasyo ng pagkatuto, sadya man o hindi. Sa aspekto ng pagbabasa, ang paglipat ng pahina ay nagiging pag-ii-scroll kung saan nawawalan na ng pagitan (o kaibahan) ang iba’t ibang uri ng binabasa hanggang sa maging isa itong tila walang katapusang daloy. Bagaman maraming babasahin, ang mabilis na pagdaloy ng mga ito ay nagbibigay ng maikling tiyansa na mapaglimian pa ng nagbabasa ang kaniyang binabasa. Mapagbigay naman ang espasyo ng social media pagdating sa pagsusulat. Mula sa posts, notes, blog, hanggang sa komento, nabibigyang pagkakaton ang sino mang magbahagi ng kaniyang naiisip at niloloob nang walang gaanong pagsasaalang-alang sa gramatika, takot na mapahiya, atbp. kaiba sa kung nasa paaralan na kadalasan ay napapako lamang sa pagsusulat ng liham pangkalakalan, pormal na sanaysay, pananaliksik, at iba pang limitasyon ng kurikulum. Ang mga isinusulat sa social media ay maaaring magsanga ng mga interaksiyong pasulat din. Pinapatunayan naman ng viral phenomenon ang bisa ng social media pagdating sa pagbabahagi. Dahil nga pangunahing layon nito ang patuloy na interaksiyon ng mga gumagamit nito, nakaugat ang lakas ng social media sa katangian nitong magbahagi ng maraming bagay (maliban sa naratibo ng pang-araw-araw na buhay ng mga gumagamit) tulad ng larawan, musika, babasahin, pelikula, artikulo, posts, memes, at kung ano-ano pang links. Dahil ang mga links na ito ang nagsisilbing bookmarks sa napakalaking aklat ng internet, masasabing napabibilis at napasisigla nito ang kultura ng pagbabahagi. Social Media bilang Alternatibong Espasyo sa Pagtuturo Batay sa mga nabanggit sa itaas, tila mayroong pangangailangang sa bahagi ng sektor ng edukasyon na muling suriin ang kahandaan, mga pamamaraan at maging ang mga teoryang ginagamit sa pagtuturopagkatuto para sa mga kabataang namumulat sa panahon ng kalabuan. Hindi makasasakit ang pag-amin na marahil ay naging kasangkapan sa mahabang panahon ang mismong paaralan ng burukratikong edukasyon: pagiging pasibo ng mga mag-aaral sa kanilang guro, pagmememorya para sa mataas na marka, pagkolekta ng mga medalya at sertipiko, pagkamit ng diploma para sa ekonomikong pag-unlad, 14

Issue 1, Volume 1


atbp. na naaayon sa tinutukoy ni Freire na Banking Education5, ang mismong sistemang ginagamit ng namamayaning kaayusan upang manatili sa poder. Ang social media, sa kabilang banda, ay nang-eengganyo gamit ang mas malaya at malawak nitong espasyo. Kung dati ay inihahanda ang mga mag-aaral sa paaralan para sa “tunay na mundo”, ngayon ay walang alinlangan na silang inihahagis sa lawak ng birtuwal na mundo at inaasahang agad makaaangkop. Hindi na kailangan ng paghahanda sa panahon ng kahilawan (rawness). Maituturing na ang social media bilang makabagong pamilihan ng mga ideya na bukas sa lahat, lalo na sa mga kabataan. Sa silid-aralan ng social media, mainam na suriin kung paano nagbabago (o hindi nagbabago) ang ugnayang mayroon ang guro at mag-aaral. Kahit pa sabihing malaya at demokratiko ang sistema at/o pamamaraan ng guro, hindi pa rin maikakaila na kahit paano ay pahalang pa rin ang relasyon ng titser at ng estudyante. Kung “friends” ang guro at magaaral sa Facebook, maaari pa rin bang saklawan ng una halimbawa, ang mga ipino-post o ibinabahagi ng huli at tingnan ang mga ito bilang kaniya pa ring pananagutan? Itinuturing ba ng guro ang Facebook account bilang extension ng kaniyang pagiging guro? O sa kabilang dulo, nawawala na ba ang pahalang na ugnayan ng guro at mag-aaral sa loob ng silid-aralan at sa halip ay nagiging pantay na bilang “friends”? Pagkatapos sagutin ang tanong na ito, maaari nang isaalang-alang ang pagpapalit sa sistema ng Banking Education patungong ProblemPosing Education o ang pagpapamulat sa mga kabataan ng mga usaping panlipunan upang mahikayat silang aktibong makisangkot at makapagambag sa paglutas ng mga ito, na iminugkahi din ni Freire. Gamit ang mga katangian ng social media na nakapagpapasigla sa danas ng pagbabasa, pagsusulat, at pagbabahagi, maaaring gamiting espasyo ng mulat na guro ang social media para sa isang uri ng edukasyon na nakaugat sa pag-unawa ng lipunan at nagtataguyod ng pakikisangkot. References 1 2

Mula sa sanaysay ni Jeanette Winterson na Imagination and Reality Mula sa sanaysay ni Rolando Tolentino na Kulturang Mall

Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

15


Isang dystopian series ng Netflix. Season 1, Episode 2: Fifteen Million Merits Mula sa maikling kuwento ni Jorge Luis Borges na Aleph 5 Mula sa sanaysay ni Paulo Freire na Pedagogy of the Oppressed 3 4

Kasalukuyang nagtuturo ng panitikan si Roma Estrada sa Mataas na Paaralang Pangagham ng Maynila, Unibersidad ng Santo Tomas, at Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela. Tinatapos naman niya ang tesis para sa programang MA Ed Literature sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Naging fellow para sa tula sa Palihang Rogelio Sicat, Pamiyabe, at USTNWW. Kasalukuyan siyang naglilingkod bilang kalihim ng LIRA.

16

Issue 1, Volume 1


The Educational Leader in the Era of Fordism and Post-Truth Don Vittorio C. Villasin

Introduction The Philippines recently underwent a major reform in education. The implementation of the K-12 Curriculum took the field of education by storm. Initially designed to adhere to standards set in most of the countries in the world, the said curriculum brought promise and at the same time challenges to educational managers and learning facilitators alike. The positive side came with the chance for a majority of the students (who will become a huge part of the country’s labor force) to possess what they call “globally-competitive” skills enough to land a decent job regardless whether tertiary studies will be pursued or not. Employment means income, and income means taxation and purchasing power; this power will eventually mean consumption; which will then lead to production, which will mean more job opportunities as demand and supply oscillated on its economic dance-floor. A good economy will ensure that all the needs of the country are supplied, and its resources used efficiently. On the other hand, this reform in curriculum also slaps the truth that the government is incompetent to provide jobs for their citizens and instead of addressing this problem, they offer this educational reform as a band-aid—better chance of landing a decent job on foreign shores. In short, labor export (Caleja, 2011). The discussed problems in the preceding paragraphs branches out to two concepts that shall be explored further in this paper: Post-Truth and Fordism.

Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

17


On Post-Truth and Fordism in Education in the Philippines The Oxford Dictionary defines Post-Truth as those “…relating to or denoting circumstances in which objective facts are less influential in shaping public opinion than [sic] appeals to emotion and personal belief.” Using this definition, this concept can be immediately connected to two phenomenon that prevails in our contemporary condition: the advent of fake news and historical revisionism. Fake News often contain headlines that take advantage of easy-totickle senses. It capitalizes on sensationalism—whether sex, violence, or the great unknown. It screams statements that sound so convincing one does not need to click the link to the whole post—the headline says it all, and from there stem to a desired reaction—whether of gross disagreement, or blind-allegiance (in case of propaganda posts). Attention economy is their game—where they profit from the number of clicks, as well as ad revenue. Historical Revisionism is the complete alteration and even distortion of long-held historical data to suit desired conclusions. Over-glorification of certain historical figures is the main ingredient of this abominable practice. Marcos as a hero, Bonifacio as superior to Rizal, Aguinaldo as a National Hero are some examples of this. The advent of the digital age combined with the rapid development of information technology enabled these phenomenon to arise. With a simple push of a button, a wide array of information is readily accessible, most of which contain information that references falsified documents or untrustworthy sources. This opens the gate for confusion between what is readily available and what is being taught inside classrooms. A person will find bipolar decay in determining who to believe in: those that appeal directly to things that he himself wants to hear, or those lecturing about something he personally does not believe in. Moreover, with the arrival of post-truth is also the underscoring of a cultural hegemony that sociologists call Fordism, a phenomenon that rose during the Industrial Revolution in Europe and remained prevalent up to the present time. Fordism is named after Henry Ford, an American businessman known for creating massive factories that 18

Issue 1, Volume 1


manufactures automobiles. He is often credited as the one responsible for the assembly line, a system that structuralizes and systematizes the method of production. Because of this method, his factories (and by extension, his business) became successful. The Assembly Line is a system—rigid, and compartmentalized. A worker is expected to come to work at a specific time (enforced strictly or else wages will be lessened), commit several hours of his day to tinkering with raw materials, earn wages, pay taxes, come home, and then come back the next day. This turned into a cycle, until the worker reaches a peak in his life—something that Marx called Alienation—the feeling of indifference towards one’s work. A worker’s labor is simply a job he stuck at because he needs to pay for his bills, and not something he really wanted to do, something that gave him a sense of worth or purpose. Businessmen recognized this alienation as a problem and sought to address it immediately. The solution they brought to the fore was motivational conditioning—“Good things Come to those who Do Hard Work”; “Keep Calm and Work” are some examples—by making it seem that if a worker does his job greatly, the intricacies of life will become good for him. By working hard, a worker may buy the house of a lifetime; or a new car; or have a vacation in the porcelain beaches of Boracay. Thus, the achievement of these “dreams” became the main focal point of his hard labor, and remain blind to the murky layers that lay beneath it. The system plays its game, and it plays its game best on the workers. Fordism works hand-in-hand with our system of education. Paulo Freire (1993) best summarizes it in one statement: “Schools are factories”. Because of negative practices in schools, he likened schools to factories that produce graduates who does nothing but follow the system, the status quo. With the practice of Banking Concept of Education— where students are seen as hollowed containers devoid of any knowledge and teachers as the fountain-source of knowledge (while at the same time the main authoritative figure inside the classroom—students are indoctrinated to do what is required of them. Students are encouraged (or even forced) to study in order for them to land a job that pays well so that they may be able to buy the things that they want and have a great life. Actor and TV personality Joey De Leon best describe it in his statement shirt: “Trabaho, Ipon, Travel, Enjoy” (literally Work, Save, Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

19


Travel, Enjoy). Instead of highlighting the importance of education as a path to enlightenment and/or even the desire to examine and to know about the world, students are conditioned to just work hard and enjoy. But since there is a lack of jobs in their country, these graduates are exported to other countries where they will earn hard currency. No matter the separation with the family, no matter the brain drain, as long as they earn the wages they think they deserve in order to afford a decent living condition. School-as-factories produce nurses so they can work in hospitals and clinics abroad. They produce engineers to work on infrastructures abroad. They produce chefs to cook foreign cuisines served on foreign tables. In short, the long-term of goal of a Fordist education is to produce graduates that will benefit other countries as remedy to the festering wound of unemployment in the Philippines. Now, with the advent of Post-Truth and Fordism in Philippine society, tied with the issues and concerns to the K-12 Curriculum in as much as it pushes forward for labor export, then are we, as Educational Leaders, workers in the assembly line that produces robot-graduates to adhere to this status quo? The Role of an Educational Leader The educational leader in this era of post-truth and Fordism should possess the following qualities: be a lover of freedom, possess content integrity, and be constructive. Emancipation from the status quo is what the educational theorist Paulo Freire explores in his book, Pedagogy of the Oppressed (1970). He highlights the practice of what he calls critical pedagogy—an educational praxis based on the works of the Frankfurt School of Thought (Adorno, Habermas et. al.) that aims to turn the Banking Concept of Education on its head. Basically, critical pedagogy promotes a dialogic mode of learning where power relations between the teacher and the student disperses. An inquiry-based approach on topics to be discussed is deemed effective in this mode. Students and Teachers exchange their ideas through their own reasoning. With this, the students are not considered to be empty vessels that must be filled-in (thus eradicating the banking concept 20

Issue 1, Volume 1


of education) but as containers with mixtures that must be clarified whether through the teacher’s fresh input or through a student’s own construction. This is why the author of this paper finds it necessary that educational leaders employ Constructivism inside the classroom. A dialogic classroom is almost at once constructive for students are given the chance to construct their own understanding, their own knowledge, and the teacher should facilitate such process. Further, constructivism will almost immediately eradicate a teacher’s selective biases, thereby making the students reflect on the topic instead of indoctrinating them. Content Integrity is a teacher’s critical mastery of his or her subject matter. This does not pertain to a by-the-book memorization of facts and details, but the capacity to critically lay-out topics in such a way that the students would recognize vital connections between the topic, himself/herself, and the world at large. Sources are based on empirical qua scientific evidences, and does not rely on hearsays and attentiongrabbing headlines on virtual space. Curriculum design will be spearheaded by the stakeholders of education, with the betterment of the society where they belong to as its end-goal (Mahmoudi, et. al., 2014). Practices of traditional pedagogy (Banking concept, indoctrination) will be eradicated and only authentic and empirical data, with complete references, will be put to the fore, thus crushing the negative impacts of post-truth and Fordism. With the eradication of the latter aforementioned concepts through dialogic learning and emancipation from the status quo, then schools are no longer factories that produce robots, but institutions that educate humans—beings that work to become the best they could ever become. By guiding our students to the betterment of their lives without the false-promises brought by Capitalism, then we have encountered, if not achieved, great social change. Enlightenment shall always be the means of education, and we facilitators of learning / leaders of education should be the ones to carry the light. References Caleja, Erika. “DEPED Program K-12 will only Reinforce Labor Export Policy— League of Filipino Students”, June 9, 2011. Retrieved from: http://bulatlat.com/

Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

21


main/2011/06/09/deped-program-k-12-will-only-reinforce-labor-export-policyleague-of-filipino-students. Freire, Paulo. Pedagogy of the Oppressed. New York : Continuum. 1993. Hobbs, Renee. “Teaching and Learning in a Post-Truth World”. Citizens in the Making. Vol. 75, No. 3. Pages 26 – 31. November, 2017. Mahmoudi, Ayoub, Khoshnood, Ali, and Abdolrazagh, Babei. “Notes on Paulo Freire’s Critical Pedagogy and its Implications in Curriculum Planning.” Journal of Education and Practice. Vol. 5, No. 4, 2014. Retrieved from http://iiste.org. Accessed last September 10, 2017 Sarroub, Loukia R. and Quadros, Sabrina. “Critical Pedagogy in Classroom Discourse” from The Routledge Handbook of Educational Linguistics. Edited by Martha Bigelow and Johanna Eunser-Karanen. New York & Abingdon: Routledge. 2015. “Paulo Freire and the Role of Critical Pedagogy”. Retrieved from http://daily-struggles. tumblr.com/post/18785753110/paulo-freire-and-the-role-of-critical-pedagogy, and accessed last November 23, 2017. Si Don Vittorio C. Villasin ay isang manunulat at guro ng kasaysayan. Kasalukuyan siyang nakatira sa Quezon City kasama ang kanyang asawa’t anak.

22

Issue 1, Volume 1


a load of those that can only be named in a network of Neoliberal Chaos. Marren Araña Adan

E-xhibit: Body Pedagogics The individual as an “individual” is unsettled through explorations of neoliberal dispositions on the “body”. We are not naïve on how the rhetoric of Philippine local advertisements have centered on our fear and insecurities. In America, the advertisements were observed to be more on selling insurances. The language of capitalism does not just stay as informative of the products they shove to our throats but are also significantly contributive to what notions or standards are being accepted in the society. The poor who cannot afford these products are again being ostracized by the majority who live their illusions by keeping the consumerist mentality. We are all being framed to consume even the things we don’t really need to keep our sanity. In return, we get to learn and look for all kinds of diskarte just to keep the things we use to safeguard our class fantasies. Objectification of humans is one of the mechanisms that keep us from realizing our self-worth. Discovering and developing self-worth without consumption is bad for business. F*****g Exhibit: “Adan at Eba” Dualism Queer theory has been one of the responses of neo-Marxist ideologies to combat capitalism. If we deconstruct the dualism of sexuality, we tend to develop meaningful discourses on how to foster individuality without the confines of assigning gender roles. This open-mindedness shall threaten (and hopefully soon destroy) the businesses that capitalize on male-female dichotomy by selling products which are “gender customized.” The education should foster classroom discourses which do promote gender equality. This requires a re-orientation that should happen to Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

23


all educational stakeholders. In reality, such pedagogic means which desensitize us to the gender divide can be done through sustainable discursive practices that inform and actively involve students on different issues. \ɪ’Gzɪbɪt\: Neoliberal Urbanism We are used to applauding any urban spectacle that either public or private organizations bring to us. While some establishments or infrastructures may indeed help us in different ways, we also owe ourselves not to be blinded by the politics of it all. This prevents us from retaining the rats-in-the-maze status and actually we should take actions that would benefit the humanity in us. Sino ang people sa People’s Park? Sino ang ka sa “Gusto ko, happy Ka”? Ex-H-bit: Alternative Certification Various social organizations promote social inequality. The institutions are capable of perpetuating further class inequalities. Meritocracy is one of the means that push people to embracing competition and unknowingly surrendering themselves in class divides. Exhbt : Locating the “I” Our actions in this life are almost pre-fabricated as we get lost in the web of neoliberal policies and its various mechanisms. To locate the I, buy one take three of the avail of the free You can be happy So what are you If you call now, But wait, there’s No permit, no ex Everyone’s using Who touches yours?

24

Issue 1, Volume 1


Naging fellow para sa Kritika, Iyas, at UST. Nakapagbasa na rin siya ng mga panunuring papel para sa UP Anthropology @100, 45 Years of Jacques Derrida’s Signature Event, at Elitism in Art and Culture. Naging tagapagsalita para sa mga paksa ukol sa research, pagtuturo, panunuring-pampanitikan, at Zen sa iba’t ibang unibersidad.

Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

25



Rekonstruksiyon bilang Dekonstruksiyon: Mga Paunang Tala sa Panitikan ng Guho at Gunaw Reyzeljan De Los Trinos

Malalim ang pinagkaugatan ng urbanisasyon at sitifikasyon sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas. Sa pagpapaliwanag ni Tolentino dito, sinabi niyang: a) “ang panitikan ay kadalasang nililikha sa siyudad”; b) “ang manunulat ay produkto ng akademya, o nagdala ng transformatibong ideolohiya na nanggaling sa isang sentrong urban sa kalibliban ng probinsya; o c) “nakaangkla sa paglahok sa writer’s contests at kung anu-ano pang pakulo ng estado” (2007, 229). Mula sa ganitong pagsasakonkreto ng relasyon ng urban na espasyo sa larang ng pagsulat, mahihinuha natin ang muling pagtimbre ng espasyo ng urban sa konsepto ng modernidad at pag-unlad. Ang kahit anong lipunan—gaano man kalaya o kahigpit—ay mayroong dominanteng ideya na isinusulong ng namamayagpag na estado sa pamamagitan ng pagmamanipula at pagdedesensitisa ng kaisipan at kamalayan sa pamamagitan ng pagsandig sa mga pang-ideolohiyang aparato. Isa ang panitikan sa mga aparatong ito ng estado na ginagamit upang magmentena ng pampolitikang kapangyarihan. Ang panitikan ay isang materyal at ideolohikal na konstruksyon na nililikha ng tao. Dahil kinokonsumo ito, itinuturin din itong produkto. Sa pagkonsumong ito ay nabibigyan ng pagkakataon na maisalin ang ideolohiya ng lumikha. Ang ganitong kapabilidad sa pagsasalin ng ideolohiya, dagdag sa malalim na pagkakakabit ng panitikan sa aspekto ng kultura ang siyang pangunahing dahilan kung bakit isa ang panitikan sa mga institusyon na ginagamit ng mga estado bilang aparato ng kapangyarihan. Panitikan ang materyalisasyon ng kultura sa anyong nahahawakan at nababasa. Teksto ang nagbibigay ng representasyon at paliwanag sa mga panlipunang karanasan at phenomena na danas ng iba, at sa representasyon at paliwanag na yon, sinasadyang may pumailanlang na boses, at sadya ring mayroong mga natitipil at napatatahimik na tinig. Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

27


Bilang isang aparato ng naghaharing kaayusan, tinutulayan ng politikal na aktibidad nito ang proseso ng kanonisasyon ng panitikan. Makikita ito sa paggalugad sa kasaysayan hindi lamang ng paglikha ng panitikan kungdi pati na rin sa pagbása at pagpapahalaga ng kasaysayan dito. Sa panitikang Filipino, madalas na limitado ang mga pinag-aaralang panitik sa mga kanonisadong akda o di kaya’y mga akdang inilalathala ng mga ginagalang na institusyon. Pinaglalaanan natin ng malaking pansin sa mataas na paaralan ang “Ibong Adarna,” “Florante at Laura,” “Noli Me Tangere,” at “El Filibusterismo.” Totoong malaki ang ambag ng apat na akda na ito sa kaunlaran ng panitikang Filipino at susing mga akda ito sa pagtulong sa ating mas maunawaan ang kasaysayan hindi lámang ng panitikan, kungdi pati na rin ng lipunang ating ginagalawan. Sa pagtuntong naman sa kolehiyo, binabása at pinag-aaralan natin ang “Utos ng Hari,” “Sa Poetry,” “Ang Paglilitis ni Mang Serapio,” at ang iba pang mga akdang nakatalâ sa ating mga kurikulum sa Humanidades, Komunikasyon, at / o Filipino. Sa ganitong pamamaraan at estilo ng pagtuturo at pag-aaral ng panitik, makikita ang isa sa mga kahinaan ng institusyonalisadong panitikan—kung hindi man ng buong larang ng sining—ang pananatili ng tunghay o pokus sa mga kanonisadong akda at sa mga akdang nailathala. Sa ganitong pag-aaral ng panitikan, hinuhubog ang isipan ng mga mag-aaral tungo sa pagbuo ng Panitikan na may malaking titik P. Ang koleksiyon ng mga tekstong pampanitik na ito ay nilililok at isinusulong sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang tukoy na pamantayan na nagsasabi kung ano ang maganda, kung ano ang pangit, at kung ano ang maaaring isama sa kategorya ng Panitikan. Sa ganitong tanaw, ang pagbubuo sa Panitikan ay isang mahabang proseso ng pagtanggap at pagtanggi sa mga teksto—kung saan naisusulong ang mga biás ng mga kritiko ng panitik at sining sa pamamagitan ng paghihiwalay o pagsasama ng mga panitik sa kategorya ng Panitikan. Madaling sabihing eksklusibo ang larang ng Panitikan sapagkat mayroong mahabang prosesong naghihiwalay sa pagitan ng pagsulat ng panitik at sa pagsasama sa kategorya ng Panitikan. Halimbawa, ang mga akdang pinag-aaralan natin sa ating mga paaralan ay hindi naman agarang tinanggap ng mga lipunan kung saan sila isinulat. Sa kaso ng

28

Issue 1, Volume 1


“Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Rizal, pinaksa ng dalawang nobelang ito ang talamak na pananamantala ng Kolonyal na Estado at ng mga prayle sa mga Pilipino. Ang ganitong pagpapaksa ay naging sanhi ng pagbabawal ng kolonyal naestado sa pagbása at paglalathala ng dalawang nobela. Gayong subersibo ang dalawang nobelang ito sa panahon ng kanilang pagkakasulat at pagkakalathala, dumating ang panahong maitatanghal ang dalawang nobela bílang kanon at bahagi ng Panitikan dahil sa kanilang malaking ambag hindi lámang sa kasaysayan ng bansa, kungdi pati na rin bílang isang panitikang sumubok na tumuligsa sa kapangyarihan. Mayroong ganitong padron ang panitikang Filipino sa kaniyang proseso ng paglalahok sa kanon ng mga akda. Ang kanonisasyon ay nakadepende sa pagiging rebolusyonaryo o inobatibo ng isang akda sa larang ng estetika at disiplina ng panitikan, o di kaya’y sa larang ng politika, kultura, o sa pakikipag-interaksyon nito sa lipunan. Kung ganito ang proseso ng kanonisasayon, makikitang laging mayroong isang politikal na entidad na gumagabay o sumasagka sa kanonisasyon ng mga akda. Sa apropriasyon ni Tony Bennett sa Gramscian na kultural na pagsusuri sa lipunan, mayroong isang dominanteng estado na lumilikha ng pamantayang susundin sa pagpapalaganap ng kultura (Bennett 1997). Ang estadong ito—sa pagprotekta ng kaniyang maka-uring interes—ang pumipigil sa pag-usbong ng mga panitikang tumutunggali sa nakasanayan o status quo, at nagtutulak ng pagbabagong panlipunan. Kung gayon, ang estadong ito, at ang kaniyang mga ahente—o mga ideolohikal na aparatong panlipunan—ang nagtatalaga kung ano sa mga akda ang magiging kanonisado at mabibigyan ng pribilehiyong maituring bilang Panitikan. Sa ganitong tanaw, ang estado ring ito ang gumagabay sa kung ano ang babasáhin at pag-aaralan natin sa ating mga paaralan, at kung ano ang ituturing natin bílang magandang panitikan. Ngunit sa ganitong sistema ng pagbuo ng Panitikan—at sa esensiya, sa pagbuo na rin sa Pambansang Panitikan—kailangang unawain na sa pagbabalangkas ng mga panitik ay mayroong mga boses na natitipil o sadyang tinitipil sa proseso ng kanonisasyon. Ang mga akdang ito—na hindi naman natin masasabing hindi maganda sa aspekto ng estetika—

Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

29


ay naisasantabi dahil sa bitbit nitong mga biás o diskriminasyon sa pagbabasá at pagsusuri ng panitikan, at sa pagprotekta at pagmentena ng estado at ng mga institusyon sa kasalukuyang kaayusang panlipunan. Naririto ang espasyo ng panitikang tumatalakay sa maralitang lungsod. Bagaman isinusulat ang mga akdang ito sa sentro—kung nasaan ang mga malalaking institusyon: paaralan at lathalaan; at kung saan pinakamahigpit ang paghawak nila sa kapangyarihan—malaking bulto ng mga isinusulong na sensibilidad ng mga tekstong ito ay katunggali ng mga isinusulong na kaisipan ng sentro. Gayonpaman itong kaibahan ring ito—at ang pagkakaroon ng sensibilidad na tumutuligsa sa nakasanayan pilit na minementena ng mga akdang kanon at ng panlipunang kaayusan—ang nagbibigay sa panitik na ito ng kakaibang tinig. Sa ganitong proseso ang tinig ring ito ay patuloy na nililinang ng ‘pag-unlad’ ng karanasan sa espasyong kanilang ginagalawan. Ang kontemporaneyong urban na eksena—at ang mga panitik na isinusulat hinggil dito—ay luwal ng patuloy na pagbuhos ng konsentrasyon ng tao at ng kapital sa lungsod. Dahil sa lungsod matatagpuan ang pinakamalaking konsentrasyon ng kapital, dito rin makikita ang mga makinarya ng produksyon na lumilikha ng trabaho para sa mga tao. Ang pagkaipon ng mga trabahong ito ang lumilikha ng mitolohiya ng mas matiwasay na buhay sa kalungsuran na nagdudulot ng patuloy na migrasyon ng tao patungo sa konkretong kagubatan ng lungsod. Iniiwan ng mga tao mula sa kaligiran ang kanilang mga probinsiya upang makipagsapalaran sa Maynila. Nakikipagsiksikan sila sa mga bus at tren, nakikipaghabulan sa mabilis na takbo ng oras, habang sinusubukang makiangkop sa panibagong buhay na susubukan nilang buuin sa lungsod. Ngunit ang tatambad sa kanila sa Maynila ay isang magulong pagkakawing-kawing ng mga taong bumubuo ng isang unti-unting nabubulok na lungsod. Agarang mawawalan ng bisa ang mitolohiya ng maayos na pamumuhay at magkakasiya na lámang ang mga tao sa kung ano ang abutin ng kanilang mga buhay sa sentro. Sa ganitong tanaw, sila ang nagiging pangunahing saksi ng digresyon ng lungsod. Ang pagsasapanitik ng ganitong eksena ang nagbunga ng mga urban réalistang teksto na nagsilbing salamin ng mga karanasan sa lungsod— 30

Issue 1, Volume 1


karanasang hindi gaanong itinatanghal sa mga kanonisadong akda, at karanasang pilit tinatabunan at tinatakpan ng mga ideolohikal na aparato at institusyon ng estado. Ang urban réalistang teksto ay maaaring ituring bilang inanak ng debolusyon sa literal at pisikal na espasyo ng lungsod—o panlipunang krisis—at ng ebolusyon sa metaporikal na espasyo ng paglikha at paghaharaya—na makikita naman sa pagbaling ng mga institusyon sa estetika’t kasiningan ng akda na hatid ng pagpapaigting ng disiplina ng New Criticism sa bansa noong dekada 60. Habang patuloy na lumalala ang digresyon sa lungsod ay mas sinubukan itong itampok ng mga manunulat bílang isang karamdamang panlipunan. At sa kabílang banda, habang hinahanap ng mga kritiko ang kagandahan sa mga akda, ibinaling naman ng mga manunulat ang atensyon nila sa nabubulok na imahen ng lungsod. Hanggang umabot sa punto na itinuring ng ilang mga manunulat ang disiplina ng New Criticism bílang aparato ng pagtipil sa mga kumakalam na sikmura at pag-angil ng mga tao sa isang lipunan. Tampok ang ganitong eksena sa dekada 70 at 80—mga taon ng pag-iral ng Batas Militar sa bansa. Sa likod ng mga propagandang pinapalabas sa telebisyon at naririnig sa radyo noong panahon ng diktadurya’y ipininta ng mga manunulat ng panahong iyon ang tunay na kalagayan ng eksena sa lungsod. Sa ganitong paraan ay lumilikha sila ng panibagong espasyong pampanitikan para sa urban réalistang teksto bilang isang papausbong (emergent) na panitikan (Williams 1977): isang panitikang alternatibo na nakahiwalay sa mainstream at sa mga institusyong pampanitikan; panitikang tumutunggali sa nakasanayan at sa sinasabi ng nasa kapangyarihan; at panitikang nakapinta sa mapanghi at nagigibâng dingding ng maralitang lungsod. Sanggunian Bennet, Tony. “Popular Culture and the ‘Turn to Gramsci.’” sa Cultural Theory and Popular Culture, ed. John Storey. Georgia: University of Georgia Press, 1997. 217-224. Tolentino, Rolando. Sipat Kultura. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2007. Williams, Raymond. Marxism and Literature. London: Oxford University Press, 1997. Si Reyzeljan De Los Trinos ay isang manunulat, kritiko, at guro. Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

31



Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

33


34

Issue 1, Volume 1


Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

35


36

Issue 1, Volume 1


Kult: Journal of Philippine Cultural Studies

37


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.