Shebang

Page 1


06editorial

08lathalain 11agtek 13isports

SALAT SA PAGKAIN

P64 halaga ng pagkain sa isang araw, di-sapat; bilang ng mga mag-aaral na walang baon lumobo

Pinabubulaanan ng mga magulang ang pahayag ng NEDA na P64 ay sapat na para sa tatlong beses na pagkain sa isang araw upang maituring na non-poor.

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, dumarami ang bilang ng mga pamilyang walang sapat na pagkain na maihahanda sa mesa, dahilan upang maraming magaaral ang walang maibaong pagkain sa kanilang pagpasok sa paaralan.

Nagsagawa ng sarbey ang Shebang sa bawat baitang upang alamin kung ilan sa mga mag-aaral ang walang baong kanin araw-araw sa loob ng limang araw.

Sa resulta ng sarbey, lumalabas na 20 sa 30 mag-aaral ang walang baong kanin pumapasok sa klase araw- araw.

School Reading Coordinator: Magbasa, Mangarap, Maglakbay

Binigyang-diin ni Gng. Sarah D. Salva, School Reading Coordinator, sa kanyang talumpati sa ginanap na Kick-off ng Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa noong Nobyembre 7, ang tunay na hiwaga na matatagpuan sa pagbabasa ng aklat. Muli niyang pinaaalalahanan ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagbabasa upang maisakatuparan ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Ipinaliwanag ni Gng. Salva na maaaring dalhin tayo ng mga aklat sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng pagbabasa.

“Puwede nating lakbayin ang buong mundo, pati na ang universe, habang nakaupo lamang sa pamamagitan ng aklat na binabasa natin,” dagdag pa niya.

“Kumakalam na sikmura at matinding gutom ang aking nararanasan halos araw-araw sa

pagpasok sa klase,” ayon kay John (hindi tunay na pangalan), isang magaaral sa ikalawang baitang. Sa pakikipanayam ng Shebang sa mga magulang sa Boyugan East ES, lumitaw na 6 sa 10 pamilya ang halos walang maisaing na bigas dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Gng. Marites Dae, “Sobrang mahal pa rin talaga ng bigas ngayon, kadalasan mga halamangugat na lang ang aming kinakain tulad ng cassava, kamote, at iba pa para lamang magkaroon ng laman ang aming sikmura.”

“Minsan, pinagluluto ko sila ng kanin at binibilhan ng ulam kung malaman kong wala silang baon. Pero kadalasan, hindi sila nagsasabi, kaya siguro nililibang na lang nila ang kanilang sarili para hindi nila maramdaman ang gutom,” ang saad naman ni Gng. Helen S. Rafols, guro ng ikalawang baitang.

LAGING HANDA

Boyugan East ES, pinaghahanda laban sa posibleng sakuna; mga mag-aaral sumailalim sa rescue at bandaging workshop

Bilang paghahanda sa anumang panganib o sakuna na maaaring maranasan ng mga magaaral sa loob ng paaralan, isinailalim ang mga ito sa isang rescue and bondaging workshop noong Setyem bre 28.

Kasabay ng ginanap na school-based scouting, naging tampok sa mga aktibidad ang nasabing workshop upang maturuan ang mga mag-aaral ng tamang pamamaraan ng pagsaklolo o rescue at ang maayos na pagsasagawa ng bondaging.

“Nagpapasalamat ako dahil naturuan ako kung paano ang tamang pagsasagawa ng bondaging,” ani Victor T. Piang, mag-aaral mula sa ikaanim na baitang.

Nag-imbita ang pamunuan ng paaralan ng mga eksperto sa nasabing larangan upang mas maunawaan ng mga magaaral ang bawat hakbang sa tamang pagsasagawa ng rescue at bondaging. Hindi naman binigo ng Municipal DRR MO-LGU Kumalarang ang paaralan, dahil nagpadala sila ng may sapat na kaalaman na mga personalidad upang

ituro ang wastong proseso.

Ipinakita rin nila ang tamang pamamaraan ng proper bondaging at rescue.

Matiyaga nilang ipinaliwanag at itinuro sa mga mag-aaral ang bawat hakbang

BENDAHE: Determinadong matuto sina Victor Piang ar RJ Mark kung paano isagawa ang tamang pagbibendahe kung sakali mang magkaroon ng aksidente o sugat. Martenes T. Cop

D. DANIELLE R. DAPIN
D. DANIELLE R. DAPIN

balita 02

KALIGTASAN PARA SA LAHAT: Pagkonstrak ng flood control sa Boyugan East upang tugunan ang suliranin sa pagbaha sa lugar. Martenes T. Cop

BAHA! DI NA NAKAKABAHALA

Suliranin sa baha ng Brgy. Boyugan East, natugunan; mga mag-aaral at residente, lubos ang pasasalamat

JECENE GRACE H. JARANTILLA

Isang malaking tulong para sa mga residente ng Barangay Boyugan East, lalo na sa mga mag-aaral, ang pagkakaroon ng flood control upang maiwasan ang mga sakuna dulot ng pagbaha. “Nakakatakot talaga ang baha dahil tdito na mismo sa aming bahay dumadaan ang tubig,” ayon kay Yhall Congson, isang mag-aaral mula sa ikaanim na baitang. Ang Boyugan East, partikular ang Purok 1, ay madalas nakakaranas ng pagbaha dahil mababa ang lugar at marami sa mga residente ay nakatira malapit sa ilog. Laking pasasalamat ng mga residente na nabigyan ng ganitong proyekto ang kanilang barangay.“Makakatulog na ako ng mahimbing dahil mababawasan na ang aking pag-aalala na baka anurin kami ng baha habang natutulog sa gabi,” ani Jonalyn T. Cop, residente ng Purok 1. Ngayong taon sinimulan ang konstruksyon ng river control, na matagal nang hinihiling ng mga taga-rito.

Alinsunod sa selebrasyon ng Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa, iba’t ibang aktibidad ang isinagawa sa loob ng isang buwang pagdiriwang upang mas maging makabuluhan at mapalapit ang mga mag-aaral sa pagbabasa. Naging aktibo ang mga mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan sa Mystery Reading na isinagawa bilang pambungad na pakulo.

Sumali rin sila sa iba’t ibang patimpalak tulad ng poster making, pagsusulat ng book report, reading buddy, at iba pa. Namigay din ng salapi at sertipiko si Gng. Salva sa lahat ng nanalo sa bawat

kategorya sa ginanap na Culmination Program. Kasama rin sa mga ginawaran ng salapi ang mga “Best Reader” sa bawat baitang at seksiyon.

Sa kanyang panapos na mensahe, sinabi ni Gng. Salva: “Huwag huminto sa pagbabasa. Kung may oras, magbasa ka nang magbasa hanggang sa matuto ka at maging magaling sa pagbasa.” “Hayaan mong dalhin ka ng imahinasyon hanggang sa maramdaman mo na tila bahagi ka na ng karakter na iyong binabasa,” dagdag pa niya.

Sa pakikipagtulungan ng Barangay Local Government Unit, sa pangunguna ni Hon. Diodic G. Salva, at ng Lokal na Pamahalaan ng Kumalarang, sa pamamagitan ni Hon. Ruel G. Molina, ang kasalukuyang alkalde ng bayan, naisakatuparan ang ganitong proyekto.

“Masaya ako na ngayong taon ay may dumating na proyekto (river control) para maibsan na ang pangangamba ng mga residente dito. Maging maayos na ang kanilang pamumuhay at malayo sila sa peligro ng pagbaha,” wika ni Hon. Diodic G. Salva.

Kalahok ng BSP/GSP Encampment, Dumoble; pagtaas ng bilang Ikinagalak ng pamunuan ng paaralan

JECENE GRACE H. JARANTILLA

Tumaas ng 80 porsyento ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na nagparehistro sa isinagawang BSP School-Based Camp ngayong taon noong Agosto 7-8.

Sa tala noong nakaraang taon, mahigit 40 porsyento lamang ang sumali, bagay na labis na ikinabahala ng pamunuan ng paaralan.

“Sobrang saya lang kasi noong nakaraang BSP Camporal, kakaunti lang talaga ang lumahok, kaya medyo nakababahala na baka mas lalo pang bumaba ngayong taon, at buti na lang hindi iyon ang nangyari,” masayang pahayag ni G. Carlojoy A. Mutia, punong guro.

Batay sa datos na nakuha ng Shebang mula kay Gng. Queenly Grace G. Mangangot, School BSP Coordinator, ngayong taon ang may pinakamataas na bilang

ng mga kalahok sa scouting mula nang mag-pandemya, na umabot sa 80%. Pumangalawa ang taong 2022 na may 75% na kalahok, sinundan ng 65% noong 2021, at ang pinakamababa ay noong 2023, na umabot lamang sa 50%.

Lubos ang pasasalamat ni Gng. Mangangot sa suporta ng mga magulang upang makalahok ang kanilang mga anak sa scouting.

“Mahalaga ang scouting para sa mga mag-aaral dahil hindi lamang ito isang aktibidad. Nagbibigay ito ng mga aral na magagamit nila sa pang-arawaraw na buhay at sa kanilang paglaki,” ani niya.

Umaasa naman ang mga guro na magpapatuloy ang suporta ng mga magulang sa ganitong uri ng mga aktibidad upang mas marami pang mag-aaral ang lalahok sa mga darating na scouting events.

ANDY D. MAQUISO
MULA SA PAHINA 01

KONTRA DROGA: Kinatawan mula sa PDEA, nanghikayat na kailanman huwag gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Martenes T. Cop

Inisa-isa ng mga kinatawan ng PDEA ang mga pangalan at halimbawa ng mga droga, gayundin ang masamang epekto nito sa katawan ng tao kapag ginamit.

Ilan sa mga pinakakaraniwang ipinagbabawal na droga na kadalasang ginagamit ay ang shabu at marijuana.

Batay sa datos mula sa Barangay Boyugan East, bahagyang tumaas ang bilang ng mga naitalang kaso ng paggamit ng droga. Umabot ito sa 16 na kaso ngayong 2024, mula sa 12 kaso noong 2023 at 10 kaso noong 2022.

“Hindi tayo dapat maging kampante sa panahon ngayon dahil laganap na sa ating paligid ang droga, at pabata nang pabata ang nagiging biktima nito. Kaya hangga’t maaga pa, agapan na natin ito, lalo na’t ang mga mag-aaral sa Grades 5 at 6 ay nasa yugto na ng pagbibinata at pagdadalaga. Kailangang mabigyan sila ng kamalayan tungkol sa masamang epekto nito sa kanilang buhay,” pahayag ni G. Carlojoy A. Mutia, punong guro ng paaralan.

Sa 16 na naitalang kaso ngayong taon, 10 dito ay kabataan, na labis na ikinababahala ng mga

MAGBASA ONE- ON- ONE

magulang sa Boyugan East ES para sa kanilang mga anak.

“Hindi natin maiwasan ang pag-aalala sa ating mga kabataan, lalo na’t marami nang mga kabataan ngayon ang sumusubok sa ganitong mga bisyo,” ayon kay Gng. Gina S. Domingues, SELG Adviser.

Sa panayam ng Shebang kay Punong Barangay Diodic G. Salva, sinabi niyang mas pinahigpit nila ang monitoring sa mga kabataan upang masugpo ang ganitong bisyo.

“Magdudulot ito ng malaking pinsala sa buhay ng mga kabataan, sa kanilang pag-aaral, at sa kanilang

pagkatao,” dagdag niya.

Disiplina at tamang paggabay naman ang ipinapatupad ni Gng. Sarah D. Salva, Chairman on Child Protection Policy, upang mailayo ang mga kabataan sa mga bisyo, lalo na sa paggamit ng droga.

“Araw-araw ko silang pinapaalalahanan na walang mabuting maidudulot ang pagbibisyo, at iwasan din ang pakikipagbarkada sa mga may masamang bisyo,” dagdag pa niya.

Non-reader ng Boyugan East ES, tinutukan; one- on- one reading inilunsad ng punong guro

Martenes T. Cop

Pinangungunahan ni G. Carlojoy A. Mutia, punong guro ng Boyugan East Elementary School, ang pagpapatupad ng one-on-one reading program para sa mga non-readers mula sa Grade 4 hanggang Grade 6 bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na hirap sa pagbabasa ngayong taong panuruan 2024–2025.

Ayon sa datos mula sa Phil-IRI Pretest results ng mga mag-aaral sa Grade 4 hanggang Grade 6, marami pa rin ang hirap magbasa, lalo na sa asignaturang English.

“Nakakabahala talaga dahil taon-taon hindi bumababa ang bilang ng mga non-readers. Kaya sa tingin ko, mahalagang magkaroon ng one-on-one na sesyon sa pagbabasa upang matutukan sila ng mga guro at ma-assess ang pinakadahilan ng kanilang kahirapan sa pagbasa para magawan ito ng agarang solusyon,” paliwanag ni G. Mutia.

Dagdag pa niya, kailangang maglaan ng oras sa umaga at hapon ang bawat guro upang matiyak ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa pagbabasa.

Araw-araw, personal na umiikot at pumapasok sa bawat silid-aralan si G. Mutia upang pangunahan ang pagbabasa ng mga non-readers.

Batay sa resulta ng Phil-IRI Pretest sa asignaturang English, lumalabas

na mataas pa rin ang porsyento ng mga nasa frustration level, habang bumababa naman ang porsyento ng mga independent readers.

Sa kabuuang 113 mag-aaral mula sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang, 40.8% (46 mag-aaral) ang nasa frustration level, 30.2% (34 mag-aaral) ang nasa instructional level, at pinakamababa ang nasa independent level na umabot lamang sa 29% (33 mag-aaral).

Bukod sa one-on-one reading sessions, isinasagawa rin ang Reading Evaluation kada quarter upang masubaybayan ang pag-unlad ng bawat mag-aaral sa pagbasa.

Hinimok din ni Gng. Sarah D. Salva, School Reading Coordinator, ang mga magulang na maglaan ng mga babasahing materyales para sa kanilang mga anak at palaging subaybayan ang pagbabasa ng mga ito upang masigurong matulungan at magabayan sila sa kanilang pagkatuto

JECENE GRACE H. JARANTILLA
PAGHASA SA PAGBASA: Isa-isa pinapabasa ng G. Carlojoy A. Mutia, punong guro ang mga bata upang masubok ang kanilang kakayahan at mabigyan ng tamang gabay.”

balita 04

KONEKTADO AKO: Nagagawa na ngayon ni Charry C. Tolosa, mag-aaral ng BEES, ang pag-re-research para sa kanyang pag-aaral sa tulong ng PLDT.

Kawalan ng internet connection sa Boyugan East ES tinuldukan ng PLDT, mga mag-aaral nakakapag-online research na

Winakasan na ng PLDT

Home Fiber ang matagal nang problema ng mga mag-aaral ng Boyugan East ES, pati na rin ng mga residente, tungkol sa mahinang internet connection, na naging malaking balakid sa mga estudyante sa paggawa ng kanilang online assignments at online research.

Isang malaking hakbang ang pagpasok ng PLDT sa Brgy.

MALINIS NA KAMAY, MALUSOG NA BUHAY: Pagpapatupad ng kampanya sa paghuhugas ng kamay ng mga mag-aaral bago pumasok sa kanilang silid-aralan

CHARRY TOLOSA

Boyugan East upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral para sa mas mahusay na pag-aaral.

Ayon kay Charry C. Tolosa, “Malaking tulong talaga sa amin ang pagkakaroon ng Wi-Fi sa bahay dahil mas napalawak pa namin ang aming kaalaman, lalo na sa pagsusuri ng aming mga aralin.”

Napakahalaga rin talaga ang internet para sa mga guro, dahil

mas napapadali at napapabuti ang kanilang pagtuturo. Sa panayam kay G. Carlojoy A. Mutia, punong guro, sinabi niyang mahirap kung walang internet dahil nakakabagal ito ng mga gawain tulad ng paghahanda at pagsusumite ng mga report. “Halos online na kasi ngayon ang submission ng mga reports ng mga school heads,” dagdag pa niya. Ganoon din ang pananaw

ng mga magulang tungkol sa kahalagahan ng internet sa pagaaral ng kanilang mga anak.

“Mahalaga na talaga ngayon para sa mga anak namin ang pagkakaroon ng internet connection. Hindi kagaya noon na hindi naman natin kailangan ang internet para makapag-aral,” ani Gng. Maricel S. Gabiso.

Mag-aaral, nakararanas ng pananakit ng tiyan dahil sa poor hygiene; handwashing habit tinutukan

JECENE GRACE H. JARANTILLA

Nakararamdam ng pananakit ng tiyan ang ilang mag-aaral ng Boyugan East ES nitong mga nakaraang buwan dahil sa kakulangan sa kalinisan sa sarili o tamang hygiene.

Iginiit ng pamunuan ng paaralan ang pagpapalakas ng kampanya para sa kalinisan ng bawat mag-aaral, partikular na ang palagiang paghuhugas ng kamay araw-araw.

“Nakakaalarma ang ganitong sitwasyon dahil delikado ang pananakit ng tiyan, lalo na kung hindi ito maagapan agad,” ani G. Carlojoy A. Mutia, punong guro.

Sa panayam sa mga guro at magulang, napag-alamang madalas maglaro ang mga bata sa maalikabok na lugar at hindi naghuhugas ng kanilang mga kamay.

“Madalas kong nakikita ang mga bata na naglalaro ng taksi sa lupa, tapos kumakain sila gamit ang kamay nang hindi naghuhugas nang maayos,” pahayag ni Gng. Helen S. Rafols, guro sa ikalawang baitang.

Naging patok sa mga mag-aaral ngayon ang paglalaro ng taksi gamit ang tansan o mga barya, kung saan ginagawa nila ito nang direkta sa lupa. Nang isa-isang sinuri ng mga guro ang kuko ng mga mag-aaral mula sa bawat baitang, tumambad sa kanila ang mahahaba at maruruming mga kuko. Dahil sa insidenteng ito, mariing ipinatutupad ng pamunuan ng paaralan ang paghuhugas ng kamay ng mga bata.

Naghuhugas ng kamay ang mga mag-aaral pagkarating nila sa paaralan sa umaga, at tuwing tanghali bago at pagkatapos kumain. Pinapaayos din ang mga wash stand na dati ay nakatiwangwang lamang at hindi nagagamit.

Sinisiguro rin ng pamunuan ng paaralan na may sapat na suplay ng tubig sa bawat wash stand upang magamit ito ng mga mag-aaral.

Sa ngayon, mahigpit na ipinapatupad ng paaralan ang pagsusuri sa mga kamay at kuko ng mga bata tuwing umaga bago magsimula ang klase.

D. DANIELLE R. DAPIN
JECENE GRACE H. JARANTILLA

1 at 2 lamang ang maaring magkasya sa grills”. Ang wika ni Gng. Marife Dumpa.

Ganun din ang paniniwala ni Gng. Imee C. Salang may- ari ng klasrum na nalooban. Ayon sa kanya “Siguro pinag-aralan talaga nila ng maiigi kung paano tanggalin ang mga blades ng bintana”. Nalimas din ang pera sa drawer ni Gng. Nerlyn P. Pangandag na pinambayad ng mga magulang para sa kanilang project sa kinder at tinatayang na nasa 500 ang halaga nito.

WALANG SEGURIDAD

Iilang mag-aaral, itinuturong suspek sa nakawan; mga guro naalarma ANDY D. MAQUISO

Nababahala pa rin ang mga guro ng Boyugan East ES dahil sa sunod-sunod na insidente ng pangloob sa mga klasrum at pagkawala ng ilang mahahalagang bagay tulad ng pera at iba pa. Pinaniniwalaan ng mga magulang at ng pamunuan ng paaralan na ang mga posibleng sangkot sa nakawan ay ilang mag-aaral.

Isang pangloloob ang nangyari sa

klasrum ni Gng. Imee C. Salang noong Setyembre 12, na kung saan nalimas ang mga pera sa kanyang drawer na tinatayang aabot sa 500 ang halaga nito. “Wala talaga sa aking isip na may mga ganitong pangyayari pala. Kampanti kasi ako kasi may grills naman ang aking room”, ang pahayag ni Gng. Salang. Ang pera na nkuha mula sa kanyang drawer ay pera pala yun ng mga magulang para sa kanil-

DELIKADO!

Mga hayop pagala-gala sa kampus, posibleng mangagat; mga mag-aaral nalalagay sa panganib

Nasa peligro ang kalagayan ng mga mag-aaral ng Boyugan East ES dahil sa maaring pangangat ng mga palaboy- laboy na mga aso’t- pusa sa kampus at pweding magdulot ng seryosong problema sa mga mag-aaral at guro.

Katunayan, naging biktima si Gng. Nerlyn P. Pangandag, isang guro sa Kindergarten, matapos siyang kagatin ng pusa sa loob mismo ng kanyang silid-aralan noong Setyembre 16, 2024.

“Bigla na lang akong hinagip ng kagat sa aking paa at sabay takbo ng pusa,” ayon kay Gng. Pangandag. “Buti na lang talaga, hindi

bata ang kinagat niya,” dagdag pa niya.

“Nakakatakot talaga na makagat ng aso o pusa dahil maaaring may rabies sila, at ang mahal pa ng anti-rabies injection,” pahayag ni Denise Danielle R. Dapin, SELG President.

Ayon naman kay Gng. Sarah D. Salva, Chairperson ng Committee on Children Protection, “Napag-usapan na ang isyung ito sa mga nakaraang General PTA Meeting at pinaalalahanan na ang mga may-ari ng mga asong pagala-gala sa kampus na itali ang kanilang mga alaga”. “Napakadelikado po sa mga mag-aaral ang mga asong at

ang project ayon kay Gng. Salang Base sa resulta ng pagtatanong ng mga guro sa mga residente at mga mag-aaral, iilan sa kanila ang nagsabing na maaring mga mag-aaral ng paaralang ito ang posibleng may gawa nito, dahilan sila lang naman ang maaring may alam sa bawat sulok ng klasrum. Sa panayam ng Shebang sa isa sa mga residente malapit sa paaralan “posibleng mga bata ang may gawa nito dahil grades

pusang ito dahil ang ibang bata ay nilalapitan pa sila, kaya may posibilidad na makagat sila,” wika ni Gng. Arlyn Selorio, isa sa mga magulang ng mga mag-aaral. Bukod sa panganib ng pagkakagat, isa pa sa mga problema dulot ng mga galang hayop ay ang dumi nilang nagkalat sa kampus. Madalas nangangamoy ito at natatapakan pa ng mga mag-aaral, dahilan upang madala ang dumi sa loob ng kanilang silid-aralan. “Malaking perwisyo talaga ang hatid ng mga hayop. Tuwing umaga, makikita mong nagkalat ang dumi ng mga aso sa labas ng aking silid-aralan,” ayon kay Gng. Helen S. Rafols.

Paalala naman ni G. Carlojoy A. Mutia, punong guro, na dapat magdoble-ingat sa mga hayop, lalo na ang mga bata. Dagdag pa niya, muli niyang imumungkahi ang isyung ito sa susunod na GPTA meeting upang mabigyan ng nararapat na aksyon ang problema.

Pinapaalalahanan naman ni G. Carlojoy A. Mutia na magdoble ingat at wag na mag-iwan ng mga mahahalagang gamit sa klasrum kagaya ng pera, cellphone at laptop para maiwasan ulit ang ganung insidente.

Parehon rin ang nangyari sa isang tindahan malapit sa paaralan nang nilooban ito noong October 11, at natangay ng mga magnanakaw ang pera na nagkakahalaga ng 1500 at mga milo, coffee at tinapay.

iwasto ang grammar at spelling “Sa kuha ng kanilang CCTV, nakilala ang mga suspek na isa nito ay isang dating estudyante at ang isa naman ay kasalukuyang nasa ikalawang baitang pa lamang na nag-aaral mismo dito BEES.

Ayon sa may-ari ng tindahan matagal na nilang minamanmanan ang panloloob sa kanilang tindahan ngunit hindi lang nila natitiyempuhan ito.

BILANG NG RABIES CASES SA PILIPINAS

Reported Cases

editoryal 06

HUWAG MAGKUBLI SA LIKOD NG AKLAT!

Isang librong nais pondohan ng budget ng Office of the Vice President na pinangangasiwaan ni VP Sara Duterte ang may pamagat na “Isang Kaibigan.” Ito ay isang kuwento tungkol sa magkaibigang Kwago at Loro. Nang nasira ang bahay ni Kwago dahil sa malakas na bagyo, tinulungan siya ni Loro at hindi siya iniwan.

Sa budget hearing ng Senado, na pinamumunuan ng Senate Finance Committee sa pangunguna ni Sen. Grace Poe, hinimay ang budget proposal ng OVP na isa na dito ang nagkakahalagang P10 milyon para sa pag-imprenta ng nasabing aklat upang maipamahagi ito sa mga mag-aaral. Ngunit nang tanungin ni Senate Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros ukol sa aklat, sinabi ni VP Duterte na namumulitika lamang ito, imbes na sagutin ang tanong nang direkta.

Sa laki ng budget na hinihingi ni VP Duterte para sa pag-imprenta ng aklat, nararapat lamang na masusing pag-aralan

kung karapat-dapat ba ang ganoong kalaking pondo para sa nasabing proyekto. Sa katunayan, hindi naman ganoon kahalaga ang aklat upang paglaanan ng ganitong kalaking halaga. Ang nilalaman nito ay karaniwan lamang at paulit-ulit na rin sa ibang kuwento. Wala rin itong pinagkaiba sa mga storybook na pinamimigay na ng DepEd.

“Ang kuwento sa aklat ay pangkaraniwan lang, at marami nang katulad na kuwento. Isa pa, marami na tayong storybook, may mga big book pa nga tayo,” sabi ni Gng. Nerlyn Pangandag, guro sa Kindergarten.

Sa halip na pag-aksayahan ng milyon ang ganitong uri ng proyekto, bakit hindi na lamang ilaan ang pondo sa iba pang mas mahalagang programa, tulad ng pagsagot sa mga kakulangan sa paaralan? Para ba talaga sa mga mag-aaral ang pagsusulong ng aklat na ito, o may iba pang layunin? Sana ay hindi manaig ang personal na interes laban sa tunay na kapakanan ng mga mamamayan.

Sa naging pagdinig ng Kamara ukol sa hinihinging budget

ng OVP para sa imprenta ng aklat, muling naungkat ang nilalaman nito. Napag-alaman ng ilang kongresista na may mga bahagi ng aklat na hindi tugma o tama. Kung ito ay mailalathala, siguradong mali ang mababasa at matututunan ng mga bata.

Mas makabubuti kung unahin ni VP Duterte ang mga suliranin ng bansa na nangangailangan ng agarang solusyon. Ipaubaya na lamang sa mga ahensya o kagawaran na nakatalaga sa paggawa ng mga learning materials ang ganitong proyekto para sa mga mag-aaral.

Huwag gamitin ang pagimprenta ng aklat bilang paraan ng pagkukubli upang makapagnakaw sa kaban ng bayan at maisulong ang pansariling interes. Sa halip, bigyang-pansin ang iba pang pangangailangan ng DepEd, tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan, mga guro, at mga kagamitang magagamit ng mga mag-aaral at guro sa pagtuturo, tulad ng mga laptop o telebisyon

JARANTILLA

PATNUGOT SA EDITORYAL RACHELLE CALISO

PATNUGOT SA LATHALAIN ASIA C. JABIAN

PATNUGOT SA AGTEK JEREMY STA. IGLESIA

PATNUGOT SA ISPORTS

YHALL C. CONGSON

TAGAGUHIT

KARL D. GONZAGA

TAGAKUHA NG LARAWAN

CHARRY C. TOLOSA

NAG-AMBAG

NYGEL N. ACIDRE

ANDY D. MAQUISO

TAGAPAYO MARTENES T. COP

KONSULTANT

SARAH D. SALVA

CARLOJOY A. MUTIA

MAGING HONEST KA!

Nagulantang ang buong bansa nang pumutok ang balita tungkol sa nadiskubreng pagkatao ng isang mayamang negosyante at politiko, si dating mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Gou. Ayon sa ulat ng Philstar.com, nadiskubre ng mga taga-NBI sa kanilang database ang dalawang personalidad na magkapareho ang pangalan at petsa ng kapanganakan. Ang dalawang personalidad ay kinilala ng NBI bilang dalawang Alice Leal Gou.

Paano nasalisihan ang mga awtoridad ng bansa at nakalusot nang ganoon na lamang ang mga banyaga? Katulad ng mga Pilipino na pumupunta sa ibang bansa, dumadaan tayo sa napakahigpit na proseso bago makapasok.

Nababahala ang mga mag-aaral at guro ng Boyugan East Elementary School dahil tila nawawalan na ng saysay ang mahigpit na pagtuturo sa mga bata tungkol sa pagiging matapat at sa paninindigan na huwag manloko ng kapwa. Subalit, napakadali sa ilang banyaga ang manloko at

Tmagnakaw ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino upang gamitin ito para sa kanilang sariling interes at magpakasasa sa yaman ng Pilipinas.

Sa bawat silid-aralan at pampublikong lugar, makikita ang kasabihang “Honesty is the Best Policy.” Palagi rin itong sinasabi ng mga guro sa kanilang mga estudyante. Pinapatunayan nito na isa itong napakahalagang aral sa paaralan para sa mga kabataang Pilipino. Ang pagiging matapat sa lahat ng ating ginagawa, sa anumang panahon, ay itinuturing na isang golden rule sa ating kultura bilang mga Pilipino.

“Simula Grade 1 hanggang ngayon na Grade 6 na ako, tinatandaan ko talaga ang kasabihang ‘Honesty is the Best Policy,’ lalo na tuwing may group activity kami sa klase. Palagi kaming pinagsasabihan na huwag mandaya,” saad ni Denise Danielle, SELG President.

“Ito ay isang wake-up call para sa ating mga Pilipino na paigtingin pa ang pagtuturo sa mga kabataan at itanim sa kanilang puso at isipan ang pagiging matapat sa lahat ng kanilang ginagawa, lalo na sa

pakikitungo sa kapwa tao,” pahayag ni Gng. Helen S. Rafols, isang guro sa ikalawang baitang. “Huwag sana nating gayahin ang mga nangyayari ngayon, dahil kailanman, hindi magtatagumpay ang panloloko sa huli,” dagdag pa niya.

Hindi lang sana manatili sa dingding ang kasabihang “Honesty is the Best Policy,” kundi magsilbing gabay ito sa mga kabataan sa kanilang pag-aaral at sa lahat ng kanilang ginagawa. Dapat nila itong dalhin hanggang sa kanilang paglaki upang maging responsableng mamamayan sa kanilang komunidad.

Sa ating mga kabataan, sikapin nating maging tapat sa ating sarili at huwag manloko o magnakaw ng anumang bagay na hindi natin pagmamay-ari. Tatandaan natin, kailanman, hindi nanaig ang panloloko sa kapwa. Huwag nating kalimutan ang turo ng ating mga guro at ang kasabihang paulit-ulit nilang ipinapaalala: “Honesty is the Best Policy.”

Maaring luma na ang kasabihang ito, ngunit ang aral nito ay hindi kailanman naluluma. Sabi nga sa Ingles, “Old but gold.”

Maperwisyong alaga, sugpuin!

uwing umaga, pagdating sa paaralan, walang ibang bubungad sa aming daraanan at maging sa plaza kundi ang nagkalat na mabahong dumi ng mga aso. Kadalasan, naapakan pa ito ng mga mag-aaral kaya lalo itong kumakalat.

“Nahihirapan kami sa paglilinis ng mga dumi ng aso. Bukod sa sobrang baho, nakakasuka ito, at minsan basa pa kaya hirap talaga linisin,” pahayag ni Denise Danielle R. Dapin, Student Elementary Leadership Government (SELG) President.

Sa araw-araw na ganitong senaryo, tila hindi na maaaring palampasin ang sitwasyon. Ilang beses nang nangyari na natatapakan ng mga bata ang dumi, na nagdudulot ng pagkalat nito hanggang sa loob ng kanilang silid-aralan. Nagkakagulo ang mga bata dahil sa masangsang na amoy, at naaabala pati ang kanilang klase.

Nakakabahala rin ang pagdami ng mga gumagalang aso sa

loob ng vicinity ng paaralan dahil sa panganib na dala nito. Posibleng makagat ng mga aso ang mga mag-aaral. Madalas, lumalapit ang mga aso sa mga bata at inaagaw pa ang kanilang mga bitbit na pagkain, kaya doble ang pangamba ng mga guro para sa kanilang kaligtasan. Kahit anong pag-iingat ang gawin ng mga bata para iwasan ang mga aso, hindi pa rin nila ito maiwasan dahil pagala-gala lamang ang mga ito, at wala ring bakod ang paaralan. Nangangailangan ito ng agarang aksyon mula sa pamunuan ng paaralan upang masolusyonan ang problema.

Nang tanungin namin ang punong-guro tungkol sa isyung ito, sinabi niyang napag-usapan na ito noong unang General PTA Meeting. Nagkaroon na raw ng kasunduan na itali ang lahat ng hayop, lalo na ang mga aso at pusa, upang hindi na ito gumala sa loob ng paaralan o kahit saan.

Kung mayroon na palang kasunduan, bakit tila walang nangyayari? Bakit hinahayaan pa rin nilang makapasok ang mga aso sa paaralan? Kahit paulit-ulit na nakikiusap ang mga guro na

pakitalian ang kanilang mga aso, ayaw pa rin sumunod ng iba. Hindi kaya may kulang sa kanilang napagusapan?

Kinausap namin ang bagong GPTA President na si G. John Paul Miral tungkol sa problemang ito. Sa kanyang pahayag, gagawa sila ng hakbang upang tuluyan nang masugpo ang problema sa mga hayop sa loob ng paaralan. “Kailangan gumawa ng kasulatan o kasunduan ang mga nakatira malapit sa paaralan na may mga alagang hayop tulad ng aso at pusa. Kailangang itali nila ang mga ito, at kung hindi sila susunod, magmumulta sila,” dagdag pa ni G. Miral.

“ Nahihirapan kami sa paglilinis… mabaho at nakakasuka

MAAGA NAMULAT SA KRIMEN

Pabata nang pabata ang mga nasasangkot sa krimen sa panahon ngayon. Sobrang nakakadurog ng puso ang ganitong sitwasyon na makita ang ating mga kabataan ay nasasangkot sa ganitong mga gawain. Ito na ba ang kapalit ng mahigpit na paglimita sa pagdidisiplina ng mga kabataan? Sana naman ay hindi. Sa tala ng Barangay Boyugan East, lima hanggang sampung kabataan ang nasasangkot sa iba’t ibang krimen bawat taon, at tatlo sa kanila ay menor de edad pa lamang.

Katunayan, may ilang insidente ng nakawan na nangyari sa paaralan, at ang mga pangunahing sangkot dito ay mga kabataan. Hindi natin sukat akalain na, sa kanilang murang edad, mayroon na silang kapasidad na gumawa ng masama.

“May mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin kung bakit nagawa ito ng mga bata. Maaaring isa sa mga dahilan ay ang kahirapan,” pahayag ni Gng. Sarah D. Salva, Chairman of the Committee on Child Protection Policy ng paaralan.

Nakakabahala at nakakalungkot isipin na sa murang edad, namumulat ang mga kabataan sa ganitong uri ng gawain na maaaring madala nila sa kanilang pagtanda kung hindi ito maagapan nang maaga.

Sa ganitong mga pangyayari, mahalagang bigyang-halaga ng mga magulang ang maayos na pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Hindi ito simpleng usapin ng pagnanakaw lamang, kundi ito ay usapin ng buhay ng kabataan at ang kanilang magiging kinabukasan. Maaari silang maging mabuting mamamayan o, sa kabilang banda, maging pasaway at suliranin sa kanilang komunidad.

Mahal na Patnugutan,

Magandang araw po. Nais ko pong iparating sa pamunuan ng ating paaralan ang aking kahilingan na sana’y wala nang mga asong pagala-gala sa loob ng kampus. Nakakatakot po dahil baka mangagat sila sa amin. Bukod pa rito, ang kanilang mga dumi ay pakalat-kalat, mabaho, at nakakasuka, kaya’t mahirap linisin.

Umaasa po ako na ito ay inyong maaksyunan sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat po.

Gumagalang, Cherly

Liham sa Patnugot
YHALL CONGSON
RACHELLE CALISO
D. DANIELLE R. DAPIN

lathalain08

Online Games

Ang dati’y pagtatampisaw sa ulan, pagtatakbo sa mga kalye o plasa, paglalaro ng tagu-taguan at bahay-bahayan ay naglaho na parang bula—mga alaala na tila hindi na muling masisilayan. Ang kalikutan, tilian, at hiyawan ng mga kabataan noon habang naglalaro ay ibang-iba na sa ngayon.

Ang tawanan ng mga kabataan ngayon ay nangyayari na lamang sa harap ng kanilang cellphone. Nakaupo sila buong araw o magdamag habang abala ang kanilang mga kamay sa kakalikot sa kanilang mga cellphone.

Isa sa kinagigiliwan ng mga kabataan ngayon ay ang online games tulad ng ML (Mobile Legends), PUBG, at iba pa. Dati, walang masyadong nakakalaro nito sa Boyugan East dahil hindi kaya ng internet connection. Kung may naglalaro man, kinakailangan pa nilang pumunta sa lugar na may malakas na signal. “Hindi ko na kailangang pumunta sa ibang lugar para maghanap ng signal. Ngayon, limang piso lang ang ihuhulog ko sa WiFi vendo, magsasawa na ako sa kakalaro,” sabi ni Adonis Rebusada, isang ML player.

Studies and Online Research

Sa panahon ngayon, hindi na lamang umaasa ang mga magaaral sa aklat o sa mga tinatalakay sa kanilang silid-aralan. Ginagamit na rin ang mga online platform bilang karagdagang tulong sa pagkatuto ng mga bata. Kadalasan, sa paggawa ng kanilang mga takdang-aralin, nangangailangan na rin sila ng online research. Kaya bilang isang magaaral sa henerasyon ngayon, higit na kailangan ang malakas at mabilis na internet connection upang makatulong sa iyong pag-aaral.

Aminado si Jhanica Jane na dati’y hirap siyang makapag-online research dahil mahina ang signal at mahal ang load. “Mabuti nga ngayon kasi kahit saan, puwede nang mag-internet. Magagawa ko na ang pagaaral ko, lalo na kung nangangailangan ito ng online research,” sabi niya nang masaya. Isa rin sa nagustuhan niya ay kahit isang piso lang, puwede nang mag-online at marami nang magagawa bago pa maubos ang time

Parang kailan lang, halos kailangan pang umakyat sa bubong o sa isang puno para lang makahagip ng internet connection. Kahit isang bar lang ng signal, hindi maipaliwanag ang saya. Halos mapatalon sa tuwa kapag naglo-load na ang video na pinapanood o kung naipost na sa Facebook ang gustong ipost. Ngunit iba na ngayon—halos natuldukan na ang mga dating suliranin natin sa internet connection. Hindi mapipigilan ang pag-usbong ng teknolohiya. Kahit saan ka lumingon, kita mo ang kaunlaran ng panahon. Mas pinadali na ang mga gawain, lalo na pagdating sa internet. Kung dati’y nagtitiis tayo sa hirap makapag-online, ngayon ay isang pitik lang ng daliri, connected ka na agad.

Halos umabot na sa 20 yunit ng Piso WiFi vendo ang nakakalat sa Barangay Boyugan East—may nakakabit sa mga tindahan, sa mga dingding, at ang iba pa’y nasa balkonaheng malapit sa mga bahay. Talagang napakaraming mapagpipilian, depende na lang kung saan

Videocall with Family Abroad

Hindi na bago sa panahon ngayon ang kalakaran kung saan kadalasang iniiwan ng mga ina ang kanilang pamilya upang maghanap ng maayos na trabaho para maitaguyod ang kanilang mga mahal sa buhay. Mahirap ang ganitong kalagayan para sa parehong ina at anak na magkahiwalay ng ilang taon, ngunit wala silang magawa dahil sa tawag ng pangangailangan upang mabuhay.

Matinding pangungulila ang nararamdamn ni Gino Lawengan sa kanyang in ana nasa ibang bansa naghahanapbuhay. Kaya napakalaking tulong ito sa kanya na may mga wifi vendo na mahuhulugan niya ng barya para makappag online.

“Mas madali na akong makakontak sa aking ina sa ibang bansa dahil mura lang at malakas pa ang internet,” ani Gino Lawengan, isang mag-aaral sa ikaapat na baitang. “Dati, kinakailangan pa naming magpaload ng 50 hanggang 100 piso para makapag-videocall, pero nauubos din agad kahit hindi pa namin nakakausap nang maayos ang aking ina,” dagdag pa niya. Ngayon, ang dating 50 pesos ay limang piso na lang, at malinaw pa niyang nakakausap ang kanyang nanay gamit ang video call.

ASIA C. JABIAN

ka mas komportableng kumonekta.

Ang pagkakaroon ng maraming WiFi vendo sa barangay ay nagdala ng maraming oportunidad, lalo na para sa mga mag-aaral. Hindi lang ang may-ari ng vendo ang nakikinabang, kundi pati na rin ang mga gumagamit nito. Malaking tulong ito para sa mga baguhang content creators, estudyante, at maging sa mga online sellers. player.

Kaya’t ang pagkakaroon ng WiFi Vendo dito sa Boyugan East ay patunay na umuunlad ang isang lugar. Kasabay nito ang pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao sa komunidad. Napapadali nito ang buhay ng mga residente at nagbibigay ng ginhawa sa mga mag-aaral para sa kanilang pag-aaral.

Simula ngayon, goodbye na sa usad-pagong na mobile data at hello sa mala-kidlat na bilis ng WiFi connection!

Aspiring Content Creator

Kayod-kalabaw, tila hindi nakakaramdam ng panghihina ang katawan ng isang ina na nagpapaaral ng tatlo niyang anak. Lahat ng diskarte ay sinubukan niya para lamang maitaguyod ang kanyang mga anak. Mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa ng ilang taon—kung saan matinding hirap, pagod, puyat, at pangungulila sa mga anak ang tiniis niya.

Ngayon, susubukan niya ang mundo ng makabagong panahon: ang pagsasalita at paghaharap sa kamera araw at gabi bilang isang content creator. Susubukan niyang tahakin ang kakaibang landas na ito at handang makipagsabayan sa libolibong vloggers ngayon. Hindi man siya ganun kagaling magsalita o kaganda sa harap ng kamera, mataas naman ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili.

Online Selling Napakabilis ng pag-usad ng panahon ngayon, at kasabay nito ang pag-unlad ng mga online platform. Ang dating kailangan mong suungin ang ulan at init para makapaglako ng paninda, o di kaya'y makipagsiksikan at makipagsabayan sa ingay ng kalye o bangketa para magtinda, ay napalitan na ngayon ng mas madali, matiwasay, at tahimik na paraan. Isang mundo na walang siksikan, walang gulo o ingay, walang ulan o init, at kung saan oras mo ang nasusunod.

Milyon-milyong tao na ngayon ang nasa mundo ng online platform, kabilang na ang online selling. Isang larangan kung saan malaya at walang limitasyon ang oportunidad

sa pagbebenta ng mga produkto. Kaya't halos lahat ay sumusubok sa ganitong kalakaran upang maghanapbuhay.

Sa hirap ng buhay ngayon, lahat ng diskarte ay gagawin ni Gng. Grace Sta. Iglesia lalo pa’t may anak itong binubuhay. Kaya maliban sa pagtitinda niya ng mga kakanin sa paaralan, nagpopost din siya ng mga paninda niya sa online. Kaya pabor sa kanya na may wifi vendo malapit lang sa kanilang bahay para maka connect at makapag post ng mga items.

“Kapag nagpopost ako ng paninda ko, kailangan ko ng malakas na signal para mabilis itong ma-upload. Minsan, nagpopost din ako ng mga bagong ani naming gulay,” sabi niya. “Noong Pasko at Bagong Taon, may mga nag-order ng water.

Alam niyang may mga tagasubaybay na naniniwala sa kanyang kakayahan.

Araw-araw nag vivideo para may ma e content at maupload sa kanyang facebook page si Gng. Annilyn Batac isang aspiring vlogger. Kaya kapag kinakailangan niya ng malakas at mabilis na internet connection para mag upload ng mga videos niya.

“Bilang baguhan pa lang ako sa ganitong kalakaran, malaking tulong sa akin ang WiFi vendo na malapit sa aming bahay. Kailangan ko kasi palaging mag-online para maka upload ng content at makapag-update sa aking Facebook page,” pahayag pa niya.

“Hindi rin mahirap kumonekta, kasi ang limang piso ko ay halos tatlong oras na, at malakas pa ang connection,” dagdag pa nito.

Tunay ngang napakasarap sa pakiramdam pagmasdan ang matatamis na ngiti at masayang mukha ng ating mga magulang. Ang kanilang mga tawa at halakhak ay wari’y mga himig na nanunuot sa tainga hanggang sa puso, nagiiwan ng saya na hindi maipapaliwanag. Isang makabuluhang pagdiriwang ang nagbigay sa ating mga magulang ng pagkakataong magsaya, tumawa nang malakas, makihalubilo, at makilaro kasama ang kanilang mga kumare at kumpare. Magandang pagkakataon din ito upang makapagrelax at makahinga mula sa araw-araw na pagtatrabaho.

Ginaganap lamang ang ganitong pagdiriwang, gaya ng Family Day, isang beses sa isang taon. Kaya nararapat lamang na bigyan sila ng panahon para magsaya kasama ang kanilang mga anak, mga guro, at iba pang miyembro ng paaralan. Dahil dito, naglaan ng oras at paghahanda ang mga guro upang masigurong mapasaya sila sa espesyal na araw na ito.

magulang,” ang masayang pahayag ni Gng. Grace Sta. Iglesia, isang magulang. Tumanggap ang mga magulang ng iba’t ibang regalo, tulad ng mga gamit sa bahay, damit, at marami pang iba. Hindi maipinta ang kanilang saya habang tinatanggap nila ang mga regalong inihandog ng mga guro ng Boyugan East Elementary School. Tuwang-tuwa rin sila habang namimili ng mga ramage o mga damit na inihanda para sa lahat.

Isa pa sa pinakaaabangan ng mga magulang ang parlor games. Bukod sa mga papremyo, dito sila lubos na nag-eenjoy dahil walang humpay na tawanan ang mararanasan. “Nakakatanggal talaga ng stress itong parlor games. Nakakalimutan namin, kahit saglit, ang aming mga problema at tumawa na lang nang tumawa,” ang masayang pahayag ni Gng. Arlyn Selorio.

“Masaya akong makita na nag-eenjoy ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak at mga guro,” ang tugon ni G. Carlojoy A. Mutia, Punong Guro ng paaralan.

“Taon-taon ko talaga itong inaabangan dahil bukod sa napakasaya ng mga aktibidad na inihanda ng mga guro para sa amin, gusto ko rin makabonding ang kapwa kong mga

Sa kabila ng kasimplehan ng pagdiriwang na ito, nawa’y napasaya ang ating mga magulang at napawi ang kanilang pagod mula sa pagtatrabaho at pagtaguyod ng kanilang pamilya.

MGA SANDALING KINASASABIKAN MGA SANDALING KINASASABIKAN

Sko ay ang School-Based Scouting. Palagi kong iniisip kung matagal pa ba ang scouting? Kailan ba ito gaganapin? Ganito ako kasabik, dahil napakarami kong gustong maranasang mga aktibidad na ipapagawa sa amin ng aming mga guro. Mga karanasan na kailanman ay hindi ko makakalimutan dahil sa mga aral na naituturo nito sa akin—mga aral na pwede kong dalhin hanggang sa aking paglaki.

Simulan natin sa mga seryosong bahagi ng scouting. Isa na rito ang espiritwal na aktibidad at mga lektyur tungkol sa drug awareness, mental health, at iba pa. Bagamat seryoso ang mga ito, siksik naman sa aral na kailangan natin upang tayo ay magabayan.

“Huwag gumamit ng droga dahil masama,” ang sabi ni Arjun Maghuyop, magaaral sa Ikaanim na Baitang. Isa lamang ito sa kanyang mga ibinahaging natutunan sa panahon ng lektyur.

Hindi rin nawawala ang mga aktibidad tulad ng life-saving activities. Kabilang dito ang tamang pagrescue, proper bondaging, at fire drill. Labis akong na-curious sa mga magaganap dahil ito ang unang pagkakataon na mga awtorisadong personalidad mula sa Municipal DRRMO at Municipal Fire Station ng LGU-Kumalarang ang gagawa ng demonstrations.

Lahat ay nakinig at aktibong lumahok sa aktwal na workshop. Bawat isa ay ginawa ang itinurong tamang pagbebenda sakaling may masugatan o magkaroon ng sugat sa alinmang

bahagi ng katawan.

Naging mas intense pa ang kaganapan nang ipasubok sa amin ang paggamit ng fire extinguisher para patayin ang malakas na apoy na inihanda ng mga scouts sa plasa. Syempre, hindi ako nagpaawat—ako mismo ang nagboluntaryo upang subukan ang pagapula ng apoy gamit ang fire extinguisher. Kahit sobrang kabado at nanginginig ako sa takot, hindi ako nagpatinag at ginawa ko ang aking makakaya. Sa wakas, nagawa ko rin! Hindi ko lubos maisip kung paano ko iyon nagawa, pero sobrang saya ko.

Masaya rin ang lahat habang ginagawa ang pagluluto ng kanin sa kawayan at ang pagpiprito ng itlog gamit ang isang pirasong papel lamang.

“First time kong magluto ng kanin gamit ang kawayan. Medyo mahirap siya gawin, pero buti na lang naluto naman ang kanin,” ang masayang tugon ni Jessabel Bores ng Ikalimang Baitang.

Matatamis na ngiti at malulutong na halakhak naman ang pawang naririnig ko tuwing magsisimula na ang parlor games. Hiyawan ang bawat troop, at lahat ay sobrang excited. Ito kasi ang bahagi ng scouting kung saan nagsi-switch ang seryosong mga kaganapan tungo sa kwela, tawanan, at kasiyahan. Sigawan at palakpakan ang maririnig sa bawat panalo sa mga laro. Syempre, hindi rin nawawala ang konting asaran, ngunit ito ay friendly asaran lamang. Isang napakapayak ngunit makabuluhang karanasan ang tumatak sa aming mga puso at isipan. Hindi lamang kami napapasaya nito, kundi nagbibigay rin ito ng

mahalagang aral sa amin. Malayo ito sa mga nababasa lang namin sa aklat, dahil ito ay aktwal naming nagagawa.

Para sa akin at sa iba pang mga magaaral, D’ Best na karanasan ang Scouting. D’

Kadakilaan ng isang ina para sa anak sa kabila ng hirap at pighati

Hindi lahat ng bayani ay nababasa sa mga aklat o panitikan. Hindi rin lahat ng mga superhero ay napapanood sa pelikula o kaya sa mga teleserye. Dahil ang tunay na bayani ay makikita at nakaukit sa bawat puso at damdamin nating lahat. Katulad ng karanasan ng isang ina, mananatiling buhay na bayani sa aking puso’t isipan.

Masalimuot, mahirap, at puno ng pangamba ang karanasan ng pagiging isang dalagang ina. Minsan, nakakaramdam ng pagkabalisa dahil alam naman natin na walang kasiguraduhan pagdating sa kita at hindi alam kung paano pagkasyahin ang kapiranggot na kita para sa pang-araw-araw na gastusin, lalo na kung may anak. Ngunit may kakaibang aura itong aking ina na si Grace C. Sta. Iglesia, dahil sa kabila ng kanyang sitwasyon, hindi makikita sa kanya ang pangamba o anumang bahid ng bigat ng problema.

Araw-araw, bitbit ni Gng. Grace ang kahon-kahong paninda na mga kakanin papunta sa paaralan upang maibenta ito pagdating ng oras ng recess. Mayroon siyang fish ball, pinaypay (pritong saging na binalutan ng harina at asukal), bihon, gulaman, at hindi nawawala sa kanyang paninda ang kutsinta. Sa ganitong kasimpleng mga binebenta niya, patok na patok naman ito sa mga mag-aaral dahil bukod sa mura, nakakabusog pa. Sinamahan pa niya ito ng gulaman juice na siyang pumapawi ng uhaw ng mga kabataan.

“Masarap at mura ang kanyang binebentang pagkain, dahil tig-iisang piso lang ang kanyang kutsinta kaya nakakatipid,” ang masayang tugon

ni Joshua Masiao, isang mag-aaral sa ikalimang baitang.

Anim na taon na siyang nagtitinda sa paaralan. Kaya’t hinahanap-hanap na ng mga mag-aaral ang kanyang lutong paninda. Siya na kasi ang nagsisilbing taga-canteen, dahil wala talagang sariling canteen pa ang paaralan.

Sa haba ng taon na siya’y nagsisilbing tagapuno ng gutom at pawi ng uhaw ng mga kabataan, napapalapit na ang kanyang loob sa mga ito. Kaya’t lalo niyang sinisipagan ang pagluluto ng masasarap na pagkain upang may maihain sa kanyang mga suking mag-aaral.

Kaya matapos man ang araw, sabay sa pagsara ng bawat kahong paninda niya, nag-iiwan naman ito ng pagkabusog para sa mga bata—hindi lamang busog sa sikmura, kundi busog din sa pangarap at lakas ng loob para harapin ang buong araw.

Hindi man madali ang kanyang buhay bilang isang dalagang ina, nananatili siyang matatag at positibo upang patuloy na makibaka sa hamon ng buhay—katulad ng mga mag-aaral na patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang pangarap, pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Kaya sa puso at isipan ko, ikaw ang aking natatanging bayani sa buhay. Bayani na kailanman ay hindi mapapalitan. Hindi matatawaran ang naging karanasan upang maitaguyod at maibigay mo ang aking mga pangangailangan at, higit sa lahat, mapalaki mo ako nang tama.

APOY

ASIA C. JABIAN

Mga karanasang kasing-init ng apoy na huhubog sa pagkatao ng mga kabataan

sila masyadong sanay sa mga gawaing bahay, lalo na pagdating sa pagluluto. Marahil ay mainit ang siga ng apoy na nagmumula sa panggatong at medyo delikado rin para sa mga bata. Ngunit dahil sa kanilang karanasan sa scouting, natutunan nila ang isa sa pinakamahalagang kasanayan sa buhay.

“First time ko pong makaranas magluto ng itlog gamit lamang ang isang papel. Napakainit pa, pero buti na lang naluto ang itlog at hindi namin nabitawan,” saad ni Jonisa Lagon, magaaral sa ikatlong baitang.

Hindi maipinta ang kasiyahan sa mga mukha ng mga bata nang matagumpay nilang maluto ang itlog sa papel gamit ang nag-aalab na apoy. “Madali lang pala lutuin ang itlog! Kaya magpiprito ako ng itlog pag-uwi ko sa bahay,” dagdag pa niya.

Samantala, sina RJ Mark at Julieto naman ay natutong magluto ng kanin gamit ang kawayan. Ngayon lang din nila itongnasubukan, kaya kakaibang karanasan ito para sa kanila.

“Ang init! Nahihirapan kami kasi gumugulong ang kawayan, kaya hirap kami ayusin ang posisyon nito sa ibabaw ng apoy,” kwento ni RJ Mark.

Sobrang init naman ang iniinda ni Julieto habang nagluluto ng kanin. “Parang nagkasalubong ang init ng araw at ng apoy, tapos ang hapdi pa sa mata dahil sa usok ng panggatong,” dagdag niya.

Bagamat may kaunting hirap na

naranasan sina RJ Mark at Julieto habang nagluluto, hindi matatawaran ang mahalagang aral na kanilang natutunan—ang pagkatutong magsaing gamit lamang ang kawayan. Sa ganitong gawain, hindi lang tamang pagluluto ang kanilang natutunan kundi pati ang kahalagahan ng pagiging matatag sa anumang suliranin sa buhay.

Bilang mga kabataan, nararapat lamang na maturuan sila ng mga life skills upang maihanda sila sa mga hamon ng buhay na kanilang kakaharapin balang araw.

Sa samu’t saring mga karanasan sa buhay, maging sa mga kabataan, hindi maiiwasang dumaan sa mga pagsubok na siyang magpapatibay sa atin. Katulad ng pagluluto, kailangang tiisin ang init at naglalagablab na apoy upang makuha ang perpektong pagkakaluto ng iyong niluluto. Sa huli, mabubusog nito ang iyong gutom na sikmura, magbibigay ng lakas, at magpapatibay ng ating loob upang harapin ang bukas.

Katulad ng isang apoy, nagbibigay ito ng init upang maluto ang pagkain at mapawi ang matinding gutom ng isang tao. Ganoon din ang naging karanasan ng mga kabataan sa ganitong aktibidad. Tiniis nila ang matinding init ng apoy at sikat ng araw bilang pagsubok upang maihanda sila sa realidad ng buhay— kung paano mabuhay at harapin ang bawat hamon na kanilang mararanasan.

JEREMY STA. IGLESIA
BUGA: Buong pwersang hinipan ni Julieto Gabiso ang panggatong para lumakas ang apoy at maluto ang sinaing sa kawayan.
Queenly Grace G. Mangangot

HIWAGA

Magbasa, mamangha, tuklasin ang lihim ng kakaibang sanlibutan

Paano ko ba lalakbayin ang sanlibutan? Kaya ko bang tuklasin ang kahanga-hangang ganda ng mundo? Ito ang mga tanong na paulit-ulit na nagpa-flash sa aking isipan. Iniisip ko na lang na balang araw makakamit ko rin ang mga kasagutan sa mga tanong na iyan. Sa ngayon, dahil nasa murang edad pa lamang ako, pagaaral na lang muna ang aking aatupagin. Hanggang sa isang araw, naisipan kong kumuha ng aklat at nililibang ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagbabasa nito. Habang nagbabasa ako ng ilang pahina, napunta ako sa isang kwento tungkol sa isang lugar

na kung saan ito ang aking dream city. Nang binabasa ko ito, tila unti-unti akong napunta sa mismong lugar. Ang presko at malinis na hangin ang nalalanghap ko habang nakaupo ako sa isang bench. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng naggagandahang mga bulaklak. Kay ganda rin pagmasdan ng mga nagsisiliparang mga paro-paro na may iba’t ibang kulay. Ang ganda rin sa pandinig ang tilamsik ng bawat patak ng tubig mula sa mga fountain. Tila hindi nauubusan ng mga tao ang parke na ito. Ang mga tawanan at halakhak ng mga bata’t matatanda ay nagpapahiwatig na tila isa itong

Isang Araw na Wala Ka!

Mga bagay na mahirap pakawalan mula sa ating mga kamay

Tila tumigil ang pag-ikot ng mga kamay ng orasan nang sandaling nawala ka sa aking mga kamay. Parang napakahirap kumilos, at singbigat ng mga bato ang pakiramdam sa bawat oras na lumilipas. Sa karanasang ito, napagtanto ko na may mga bagay na mahirap mawala o pakawalan, kahit isang saglit lamang. Hindi kapani-paniwala na ganito na ang henerasyon namin ngayon. Tila ba kami ay nakatali sa isang gadget na sobrang halaga sa amin, na ni minsan ay ayaw naming mahiwalay rito. Marami sa mga kabataan ngayon, tulad ko, ang nagtuturing na ang cellphone ay “everything.” Maaaring mababaw ito para sa iba, pero para sa amin, ito ang nagbibigay saya at kumukumpleto sa araw namin.

“Ibang saya ang hatid sa akin ng pagkakaroon ng cellphone dahil mahilig akong mag-TikTok at mag-post sa aking Facebook,” ang masayang sabi ni Charry, isang mag-aaral sa ika-anim na baitang.

Naging avenue namin ang social media upang maipahayag ang aming nararamdaman. Tulad ng pagpo-post ng aming mga happy moments sa Facebook o Instagram. Hindi lang happy moments, kundi pati na rin ang mga sad moments,

iyakan days, at heart breaks. Kadalasan, nagiging diary na ang aming social media accounts dahil minu-minuto, nag-a-update kami ng aming status.

Siyempre, hindi maaaring walang TikTok. Para bang nakakabagot ang buhay kung hindi kami makapagtiktok. Hindi mapakali kung hindi maisayaw at ma-upload sa TikTok account ang mga trending na sayaw. Halos lahat ng nagte-trend ngayon ay nagmumula sa TikTok, kaya ganito kami ka-attached dito.

Maliban sa social media, hindi rin mawawala ang pagka-adik namin sa online games tulad ng ML, PUBG, at iba pa. Kaya minsan, hindi na kami tumatayo sa aming kinauupuan, at ni hindi na sumasagot kapag kinakausap, dahil sobrang nakatutok sa laro upang hindi manalo. Kaya, masisi ba ninyo kaming mga kabataan ngayon kung ang cellphone ay itinuturing naming napakahalaga? Maaaring may mga hindi magandang epekto ito sa amin, pero sadyang nangungulila kami kapag ito’y nawawala sa amin.

Hiling namin sa aming mga magulang na sana’y maunawaan ninyo ang aming henerasyon. Hindi ibig sabihin na pabayaan na lamang kami, kundi

paraiso na kay sarap mamuhay sa lugar na ito.

Umiikot-ikot ako sa napakalamig na siyudad, na nagmistulang nasa loob ako ng refrigerator sa tindi ng lamig na nanunuot sa aking mga balat. Makikita ko sa mga mukha at ngiti ng mga taong nakakasalubong ko sa daan na puno ng kagalakan.

Napakayaman rin ng kanilang kultura. Makikita mo na ipinagmamalaki nila ito sa mga tao sa pamamagitan ng kanilang katutubong kasuotan. Tunay ngang kamangha-mangha ang mga tao rito. Napakasaya ko dahil narating ko na sa wakas ang pinapangarap kong lugar na libre. Sa isang upuan lang, nalibot ko na at natuklasan ko ang siyudad ng Baguio. Ganundin ang karanasan ng dalawang magkapatid na sina Laica at Donalyn Parac. Nalilibang sila tuwing nagbabasa sila ng aklat dahil dinadala sila nito sa iba’t ibang panig ng mundo. Tunay nga, may hiwaga sa pagbabasa. Dahil hinahayaan ka nitong tuklasin ang kababalaghan at lihim ng sanlibutan.

NAKAKAMIS: Tila nasasabik na si Asia na magkaroon ulit ng cellphone upang makapag-update na siya sa kanyang mga social media account.

Nerlyn P. Pangandag

gabayan at ipaintindi sa amin ang mga bagay na hindi pa namin lubos na nauunawaan. Sa isang araw na wala ka, napakalungkot ng buhay. Tila ako’y napadpad sa isang planetang walang katao-tao, walang koneksyon sa mundo, at walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid.

Peligro ng Measles-Rubella at Tetanus, Labanan!

Kaligtasan ng mag-aaral kontra sa delikadong sakit pinaiigting, grades 1, 4 sumailalim sa vaccination

KUNTING KIROT SA KALUSUGAN: Matapang na nagpabakuna si Romel Halius, isang mag-aaral ng Unang Baitang, sa kanyang dalawang braso upang maging protektado laban sa tétanus at measles

Jacque A. Abenes

Isinailalim sa bakuna ang mga mag-aaral mula sa Grades 1 at 4 laban sa mapanganib na sakit na tigdas, tetano, rubella, dipterya, at kanser sa cervix. na isinagawa ng mga tauhan mula sa Municipal Health Center noong October, 21. Alinsunod ito sa paglulunsad ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) upang protektahan ang mga batang nasa murang edad sa elementarya mula sa mga nasabing sakit.

Ang programang ito, na kilala rin bilang Bakuna Eskwela, ay isang pinagsamang inisyatibo ng DOH at DepEd na naglalayong mabakunahan ang milyun-milyong mag-aaral mula sa pampublikong paaralan.

Batay sa datos mula sa DOH, naitala ang 3,356 kaso ng tigdas at rubella, kung saan 11 ang namatay; 215 kaso ng dipterya na may kasamang 25 na namatay; at 81 kaso ng neonatal tetanus, kung saan 44 ang namatay mula Enero

hanggang Setyembre 14, 2024. “Hindi biro ang sakit na tigdas. Maraming mga bata ang nawalan ng buhay dahil dito. Mabuti na lang at nagsagawa ang DOH at DepEd ng ganitong programa para sa mga kabataan,” pahayag ni G. Carlojoy A. Mutia, punong-guro. Lubos din ang pasasalamat ng mga magulang dahil panatag na ang kanilang kalooban na protektado ang kanilang mga anak mula sa napakadelikadong sakit.

Ani ni Gng. Arlyn Selorio, “Masaya ako at lubos na nagpapasalamat dahil nabigyan ng bakuna ang aking anak at protektado na siya mula sa cervical cancer.”

Masaya rin ang mga guro ng Grade 1 na sina Gng. Sarah D. Salva at Gng. Jaquiline A. Andales, dahil sa lakas ng loob ng kanilang mga mag-aaral na magpabakuna kahit wala ang kanilang mga magulang upang umalalay sa kanila.

Kahandaan sa sunog, pinaiigting ng paaralan; fire drill, Inilunsad

Bilang paghahanda sa posibleng sunog, isinailalim ang mga magaaral ng Boyugan East ES sa isinagawang fire drill noong Setyembre 28, kasabay ng ginanap na scouting activity.

Sinamantala ni G. Carlojoy A. Mutia, punong guro, ang school-based scouting upang maisagawa ang fire drill nang hindi ito makaabala pa sa mga klase. “Pinakamainam ito na pagkakataon dahil bahagi rin ng scouting ang kahandaan ng mga scouts sa anumang sakuna, lalo na sa sunog,” dagdag pa niya.

Hindi rin binigo ng Municipal Fire Station ang kahilingan ng paaralan na magpadala ng kanilang representante upang magbigay ng lecture sa mga mag-aaral tungkol sa mahahalagang impormasyon at mga dapat tandaan tuwing may sakuna tulad ng sunog.

Itinuro rin nila ang tamang paraan

ng pag-apula ng sunog gamit ang fire extinguisher. Nagkaroon din ng hands-on practice ang mga mag-aaral sa wastong paggamit nito.

“First time ko talagang gumamit ng fire extinguisher at nakakakaba pala,” ani Yhall Congson, mag-aaral sa ikaanim na baitang.

Ayon naman kay Gng. Jaquiline

A. Andales, School DRRM Coordinator, napakahalaga ng ganitong aktibidad upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral kung ano ang dapat nilang gawin sakaling magkaroon ng sunog. “Halos arawaraw may balita tungkol sa sunog, kaya’t dapat maging handa ang lahat,” dagdag pa niya.

Malaking pasasalamat naman ang ipinahayag ng mga guro sa mga kinatawan ng Municipal Fire Station para sa oras at kaalamang kanilang ibinahagi sa mga magaaral ng Boyugan East ES.

FIRE ALERT: Matapang na sinubukan ni Jecene Grace na apulahin ang apoy gamit ang fire extinguisher.

Imee C. Salang

at makagawa ng kanilang mga assignments na nangangailangan ng online.

“Nung wala pang mga wifi vendo dito sa amin, umaasa lang talaga kami sa data connection na sobrang hina, at kadalasan ay nawawala lang bigla. Kaya wala talaga kaming chance na makapag online”, ang pahayag ni Denise Danielle, mag-aaral sa ikaanim na baitang.

Sobrang natutuwa naman ang mga magulang dahil sa wakas maranasan na rin ng kanilang mga anak ang pag-oonline research at iba pa.

“Malaking tulong talaga na pagkakaroon ng mga wifi vendo dito sa atin, hindi lang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa lahat kasi nagawa na nating maka communicate sa mga mahal natin sa buhay na nasa malalayo”, ang tugon ni Gng. Grace

Sa ngayon, sobra sa sampung wifi vendo na ang matatagpuan at sabay- sabay na nagoopertae sa halos kada sulok ng barangay.

Mura at affordable lamang ang mga rates nito. Kadalasan nasa isang piso ang 15 minutes, limang piso sa dalawang oras, sampung piso naman kung apat na oras at iba pa.

“Sulit at hindi na lugi ang bawat barya na ihuhulog sa vendo dahil mura na, at malakas pa ang koneksiyon”, tugon ni Wilmalyn Dumagal.

Napakasulit ito sa mga mahihilig sa online games dahil hindi na sila mabibitin sa paglalaro dahil malakas at stable ang koneksiyon nito.

Boyugan East ES, tumanggap ng limang yunit na laptop; mga guro may magagamit na sa pagtuturo

Limang laptop ang naibahagi sa paaralan ngayong taon mula sa pambansang programa ng kagawaran, ang DepEd Computerization Program, na magagamit ng mga guro sa pagtuturo.

Bilang bahagi ng programa ng DepEd, isa ang Boyugan East ES sa mga napili upang mabigyan ng mga bagong laptop na layuning tugunan ang kakulangan ng mga guro sa ICT resources.

Malaking tulong ito para sa mga guro dahil napapagaan nito ang kanilang pagtuturo at mas napapadali ang pag-unawa ng mga estudyante sa kanilang mga leksiyon. Hindi na lamang nila iniimagine ang mga bagay na ipinaliliwanag ng guro, kundi naipapakita na rin ito sa screen.

“Magandang karanasan ito para sa mga bata dahil habang nakikinig sila, nakikita rin nila sa screen ang leksiyon, lalo na kung ito ay may mga moving objects o

Pvideos,” ayon kay Gng. Sarah D. Salva, guro ng unang baitang.

Napansin din ni G. Martenes T. Cop, guro sa ikatlong baitang, na mas ganado ang mga mag-aaral makinig kung may nakahandang PowerPoint o slides. Natugunan nito ang biswal na pangangailangan ng mga bata. “Mas attentive sila sa pakikinig dahil hindi sila nakakaramdam ng pagkabagot habang nakatingin sa presentasyon, kaya mas madali silang natututo,” dagdag pa niya.

Bukod sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral, pinapagaan din nito ang trabaho ng mga guro, partikular sa paggawa ng reports, paghahanda ng lesson plan, at pagiimprenta ng mga visual aid para sa pagtuturo.

Lubos naman ang pasasalamat ni G. Carlojoy A. Mutia, punong guro, dahil sa natanggap na DPC package ngayong taon.

PANGANIB SA RABIS

atuloy pa ring dumarami ang mga hayop na gumagala sa loob ng paaralan. Maliban sa perwisyo na dulot ng kanilang nakakalat na dumi, delikado rin ito para sa mga mag-aaral. Isa itong sitwasyon na lubos na nakakabahala para sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.

Ayon sa World Health Organization (WHO), tinatayang nasa 59,000 katao ang namamatay taontaon dahil sa rabies mula sa kagat ng aso at iba pang hayop na may rabies. Ibig sabihin nito, nalalagay sa matinding panganib ang mga mag-aaral, na maaaring magdulot ng kapahamakan o magkitil ng buhay kung hindi maagapan.

Sa datos ng WHO, pinakamalaking porsyento ng mga nakakagat ng aso ay mga bata.

Kaya’t hindi malayong mangyari na posibleng makagat ang mga magaaral ng mga pagala-galang aso sa paligid. Lumalapit din ang mga aso sa kanila, at minsan ay nasasagi pa ng mga bata ang mga ito.

“Nakikita ko talaga na ang daming asong pagala-gala sa loob ng kampus. Kaya natatakot ako baka makagat nila ang mga bata,” ayon kay Gng. Grace Sta. Iglesia, nagbebenta ng pagkain sa paaralan. Hindi magtatagal, magiging banta ito sa seguridad ng mga magaaral sa loob ng paaralan. Hindi rin kontrolado ng mga guro kapag nasa labas na ng silid-aralan ang mga bata

dahil hindi na nila ito mababantayan. Kaya’t walang makakasubaybay sa mga bata kung ano ang ginagawa nila habang nasa labas ng klasrum tuwing recess at lunch break.

Paliwanag naman ni Gng. Nelly Jane Colipano, isang nurse na naka-deploy sa Boyugan East, “Napakadelikado ang ganitong sitwasyon para sa mga bata, lalo na’t ang mga pagala-galang aso ay walang bakuna o vaccine. Kaya malaki ang posibilidad na mayroon silang rabies.”

Isa itong seryosong suliranin na dapat bigyan ng agarang solusyon ng dalawang panig: ang pamunuan ng paaralan at ang mga magulang o GPTA opisyal. Dapat silang magtulungan o magkaroon ng

kasunduan kung paano malulutas ang problema sa mga pagalagalang aso sa paaralan. Sa ganitong paraan, masisiguro ang matiwasay, mapayapa, at ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral upang maabot nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Dapat

bigyang-pansin ito dahil maaari itong makapahamak sa mga mag-aaral

JEREMY STA. IGLESIA
RACHELLE CALISO
kolumn
PISO SAPAT NA: Sa isang piso lamang, nagagawa na ngayon ni Benjamin Gregana na makapag-online research tuwing may takdang aralin siya.
Martenes T. Cop
TEACH TECH: Mas gumaan na ngayon ang pagtuturo ng mga guro, lalo na sa paghahanda ng kanilang mga leksyon.
Helen S. Rafols

Green Panther, dinaganan ang Red Lion sa men’s basketball, gintong medalya natangay

Nahablot ng Green Panther ang gintong medalya laban sa Red Lion matapos itong nagpamalas ng malakidlat na sunod- sunod na mga puntos, 10-6, 14-9, 20-14 sa kanilang muling paghaharap sa championship game ng men’s basketball na ginanap sa Boyugan East covered court noon oktubre 18.

Tuluyan ng giniba ng Green Panther ang depensa ng Red Lion ng paulanan ito ng mga malulutong na 3 points shot nina Bryl Laguna at ni Melvin Masiao dahilan upang maiwang lupaypay ang kalaban.

Parehong nagpakita ng gilas at solidong depensa at opensa ang dalawang team sa umpisa pa lamang ng laro. Parehong uhaw masungkit at maiuwi ang panalo para sa kanilang koponan.

Sa kalagitnaan ng unang quarter tinambakan agad ang Red Lion ng mga malulutong na mga puntos ng Blue Bubbles team, bagay na nagdiin sa kanila sa pagkabigo sa unang quarter.

Mas lalong pinahirapan ang Red Lion sa mga bumubulusok na mga 2 point shots mula kay laguna na umiskor ng 10 puntos na nagpahirap ng Red Lion para hindi makahabol at tuluayang mangulilat sa loob ng dalawang quarter.

Sinubukan naman ng Red Lion bumawi sa ikatlong quarter at pumuntos ng sunod- sunnod. Ngunit hindi naman nagpatinag ang Blue Bubbles at humabol ng puntos.

Hindi pa rin kinaya ng Red Lion Team ang maaanghang na sunod- sunod na 3 points ni Dumpa sa pangatlong quarter na ang siyang dahilan para tuluyan ng manghina ang Red Lion.

Sinubukan man ng Red Lion na habulin ang Blue Bubbles ngunit hindi na nila ito nagawa pa dahil sa kanilang bilis, liksi at matinding teamwork.

“Tiwala sa sarili at sa mga ka team para mas manaig ang pagtutulungan”, ang saysay ni Dumpa.

BACK-TO-BACK CHAMPS

Atleta ng Boyugan East ES, kabahagi ng kampeonato; 161 gintong medalya naiuwi ng Kumalarang District

Isa ang Boyugan East Elementary School sa mga nag-ambag sa 161 gintong medalya na nasungkit ng Kumalarang District, dahilan upang maiuwi ang back-to-back championship sa 2025 Qualci Meet na ginanap sa Dumalinao noong Enero 3-5.

Muling umukit ng kasaysayan sa larangan ng isports ang Kumalarang District matapos nitong lampasuhin ang apat na distrito sa ginanap na Qualci Meet.

“Masaya kami dahil unang beses pa lang namin sumali, at nag-champion pa talaga,” ang masayang tugon ni Raphy, isa sa mga nag-uwi ng ginto sa Aerobic Gymnastic Mixed Pair sa ginanap na Qualci Meet.

Sa unang dalawang araw ng laro, halos magkadikit lang ang bilang ng gintong medalya ng Elementarya ana kung saan Kumalarang 43at ng Bayog District, na pumapangalawa sa kanila, sa talaang 43-39. Samantala, napakalayo

School Intramurals Umarangkada Na! Mag-aaral,

handa na makipagbakbakan ng kanilang

Handa nang makipagtagisan ng galing ang mga mag-aaral sa larangan ng isports sa pagbubukas ng 2024 School Intramurals na ginanap sa Boyugan East Covered Court noong Oktubre 18.

Apat na koponan mula sa baitang tatlo hanggang anim ang maglalaban-laban upang masungkit ang titulong overall champion ngayong taon.

Bawat koponan ay naghanda at nagsanay para

sa dikdikan na labanan sa iba't ibang kategorya ng isports. Lahat ay nagnanais makuha ang unang puwesto sa bawat kategorya upang magkaroon ng malaking tsansa na masungkit ang kampeonato.

“Pinaghandaan talaga namin ang laro ngayon para manalo na naman kami,” masayang pahayag ni Bryl Laguna, mag-aaral ng Ikaanim na Baitang. Ngayong taon pa lamang ang pangalawang pagkakataon na nagkaroon ng intramurals ang paaralan,

kaya’t hindi napigilan ng mga mag-aaral ang kanilang saya at excitement.

Ayon naman kay Gng. Queenly Grace G. Mangangot, School Sports Coordinator, hindi lamang sa isports nakatuon ang intramurals, kundi sa paghulma ng ugali at katauhan ng bata bilang isang atleta. “Discipline, attitude, and sportsmanship ang binubuo natin dito para sa ating mga mag-aaral,” dagdag pa niya.

Hinikayat din ni Hon. Danilo Fabro, Brgy.

ng agwat ng ibang distrito. Nagtala lamang ng pitong ginto ang Distrito ng Tigbao, habang apat na ginto ang nakuha ng Dumalinao at Lakewood. Samantala, sa sekondarya, tinambakan ng Kumalarang ang Bayog District sa talaang 77 gintong medalya laban sa 36 ng Bayog. Sinundan ito ng Dumalinao na may 26 ginto, Tigbao na may 14, at Lakewood na may 11.

Sa opisyal na overall result mula sa elementarya at sekondarya, nanguna ang Kumalarang District na may kabuuang 161 gintong medalya. Sinundan ito ng Bayog District na may 83 ginto, Lakewood na may 51, Dumalinao na may 30, at Tigbao na nagtapos sa 21 gintong medalya.

Hindi lang sa gintong medalya nangunguna ang Kumalarang District, kundi mataas din ang bilang ng nalikom na silver na may bilang 106 at 76 na bronze na medalya sa pinagsamang result amula sa elementarya at sekundarya.

galing sa isports

Kagawad, ang mga mag- naturang okasyon sina Hon.

YHALL C. CONGSON
YHALL C. CONGSON
YHALL C. CONGSON
PANALO SA HUSAY. Nagpamalas ng liksi at husay si Julieto Gabiso sa larong basketball.
BAGSIK NG KAMPEON: Tumanggap ng tropeyong kampeonato sina Hon. Rolando Jayme, Mayor Ruel G. Molina at PSDS Tito V. Madarimot.
Kuha mula sa FB Page ng Municipality of Kumalarang ZDS
BAKBAKAN PARA SA GINTO: Handang- handa na ang mga mag-aaral ng BEES para sa School Intramurals. Queenly Grace Mangangot

SPLIT TUNGO SA PANGARAP: Tibay ng loob ang puhunan ni Trixie Jane para maabot ang inaasam na pangarap

Imee C. Salang

ng Boyugan East ES, nag-uwi

ng gintong medalya sa QualCi Meet

Sa kauna-unahang pagkakataon, bumida

sina Rixie Jane Capablanca at Raphy

Lawingan sa Aerobics Gymnastics Mixed at nag-uwi ng pinakaunang tagumpay ng Boyugan East sa larangan ng gymnastics sa ginanap na 2024 QualCi Meet sa Dumalinao noong Enero 3-5.

Umukit ng kasaysayan sa paaralan ang pagkapanalo nina Rixie Jane at Raphy dahil ito ang unang pagkakataon na sumali ang Boyugan East sa isang gymnastics event.

Dalawang mag-aaral mula sa ikaapat na

baitang ang simpleng nangarap na maibahagi ang kanilang talento sa lahat ng kabataan na may hilig din sa gymnastics.

“Pangarap ko talaga makapag-perform dahil masaya ako habang ginagawa ko ito,” pahayag ni Raphy.

Ganoon din ang nais ni Rixie Jane, na maipakita ang kanyang kakayahan sa gymnastics.

Pareho silang masipag dumalo sa mga pagsasanay, mapa-umaga man o hapon ang kanilang iskedyul, at hindi sila kailanman lumiliban.

Todo-suporta naman ang paaralan sa

Kamandag ng yellow cobra, nanaig sa school intramurals; kampeonato nasungkit

Bumuga ng nakakalasong kamandag ang Yellow Cobra, na siyang sumira sa lakas ng bawat koponan, dahilan upang manghina ang mga ito at hindi makuha ang kampeonato sa ginanap na School Intramurals sa Boyugan East Covered Court noong Oktubre 18.

Apat na koponan ang nagsagupaan, lahat ay uhaw sa tagumpay at naglalayon makapag-uwi ng gintong medalya. Naging mahigpit ang bawat laro at kaganapan dahil halos lahat ay sabik manalo.

Nagpakita agad ng matinding depensa ang Yellow Cobra sa bawat laro upang maka secure kaagad ng panalo.

Limang laro ang mahigpit na pinaglalabanan ng mga koponan: Volleyball (boys at girls), Basketball (boys), Badminton (boys at girls), Athletics, at Chess.

Halos dikit ang laban sa lahat ng kategorya, kaya matindi ang sagupaan sa bawat laro. Ang bawat koponan ay nag-aasam na magwagi, kaya’t walang nagpaawat sa bawat laro.

Nanguna ang Yellow Cobra sa pinakamaraming nalikom na gintong medalya sa mga larong Badminton (boys at girls), Chess (boys), at Athletics. Nakuha rin nila ang ginto sa larong Volleyball (girls), na nagbigay sa kanila ng malaking abante upang masungkit ang

dalawang gymnast. Simula sa umpisa hanggang sa mga pagsasanay, sagot ng paaralan ang kanilang mga gastusin tulad ng pamasahe, pagkain, at maging ang kanilang kasuotan para sa kompetisyon.

“Kahit pa kukuha ako mula sa sarili kong bulsa, okay lang para makatulong ako sa pagtupad ng kanilang mga pangarap,” pahayag ni G. Carlojoy A. Mutia, punong guro.

Inaasahan na muling magpapamalas ng kanilang husay ang dalawang gymnast sa darating na Provincial Meet.

kampeonato. Hindi rin nagpahuli ang ibang koponan. Kinubra ng Green Panther ang ginto sa larong Basketball (boys). Samantala, nagwagi rin ang Red Lion at Blue Bubbles sa larong Badminton at Athletics. Sa pangkalahatan, naiuwi ng Green Panther ang pangalawang pwesto, habang nasa pangatlo ang Red Lion at nasa pang-apat ang Blue Bubbles.

Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pang-komunidad ng Boyugan East Elementary School Distrito ng Kumalarang | Dibisyon ng Zamboanga del Sur
REHIYON IX | TOMO 3, BILANG 1 | SY 2024-2025
YHALL C. CONGSON
YHALL C. CONGSON
NGITING KAMPEON: Tumanggap ang Yellow Cobra Team ng tropeyo bilang Overall Champion sa 2024 School Intramurals. Jacque A. Andales

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.