Ang “ESPERMA: Zine ng Samu’t Saring Akdang Nabuo mula sa Latiti ng Kandila” ay koleksiyon ng iba’t ibang akdang isinulat ni Bb. Maria Kristelle C. Jimenez simula Marso 2016 hanggang sa pangkasalukuyan. Binubuo ito ng mga tula, dagli, maikling kuwento, personal na mga sanaysay, mga pananaliksik, ilang bahagi ng nobela, at mga natampok na akda sa wikang Ingles at Filipino.
Ang nasabing zine ay personal na nilimbag ng may-akda. Ang larawang ginamit bilang pabalat ng akda ay nagmula sa Deviantart. Ang mga krokis, larawan, at debuho ay mula sa may-akda. Ang ESPERMA ay siya namang iniwasto’t isinuri ni G. Marius D. Carlos Jr.