Mga Rekisito 2017-2018

Page 1

MGA REKISITO


SULATIN AT SALIKSIKAN


NEW APPLICATIONS Rekisito: 1. Sumulat ng dalawang magkahiwalay na akda ukol sa dalawang isyung sosyo-politikal sa loob o labas man ng pamantasan na iyong napili o kasalukuyang bumabagabag sa iyo. Kinakailangang hindi bababa ang bawat akda sa 150 salita at hindi naman hihigit sa 600. Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan nang pagsulat o anyo ng akda (sanaysay, editoryal etc.) upang maihatid ang mensaheng nais iparating. Maging malikhain at higit sa lahat kritikal sa akdang isusulat. 2. Opsiyonal: magpadala ng isang artikulo sa wikang Filipino na isinulat noon o sa kasalukuyan, para sa dating sinalihang pahayagan, para sa isang klase o dahil sa nais lamang maisulat. Tinatanggap ang lahat ng anyo ng akda. Pangalanan ang mga rekisito sa anyong nasa ibaba (PDF o Word document). Isumite ang mga rekisito sa email address na nasa ibaba. Para sa pangunahing rekisito: [Apelyido]_SulatinApp_[Pamagat ng Akda] Para sa pangalawang rekisito: [Apelyido]_SulatinApp_[Ikalawa] 3. Mag-sign-up para sa isang konsultasyon upang higit na makilala ng mga patnugot ng Sulatin at Saliksikan. Paghandaan din ang panayam na ito. Ilalabas ng bagwisan ang sign-ups sa takdang araw. Carl Jason Nebres at Paco Rivera Patnugot ng Sulatin at Saliksikan


SULATIN AT SALIKSIKAN


RE-APPLICATIONS

Rekisito: 1. Sumulat ng isang akda ukol sa isang isyung sosyo-politikal sa loob o labas man ng pamantasan na iyong napili o kasalukuyang bumabagabag sa iyo. Kinakailangang hindi bababa ang akda sa 150 salita at hindi naman hihigit sa 600. Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan nang pagsulat o anyo ng akda (sanaysay, editoryal etc.) upang maihatid ang mensaheng nais iparating. Maging malikhain at higit sa lahat kritikal sa akdang isusulat. 2. Magpadala ng isang artikulo sa wikang Filipino na isinulat noon o sa kasalukuyan, para sa Matanglawin man o hindi. Tinatanggap ang lahat ng anyo ng akda. Pangalanan ang mga rekisito sa anyong nasa ibaba (PDF o Word document). Isumite ang mga rekisito sa email address na nasa ibaba. Para sa pangunahing rekisito: [Apelyido]_SulatinReapp_[Pamagat ng Akda] Para sa ikalawang rekisito: [Apelyido]_SulatinReapp_[Ikalawa] 3. Mag-sign-up para sa isang konsultasyon upang higit na makilala ng mga patnugot ng Sulatin at Saliksikan. Ilalabas ng bagwisan ang sign-ups sa takdang araw. Carl Jason Nebres at Paco Rivera Patnugot ng Sulatin at Saliksikan sulatin.matanglawinateneo@gmail.com


SINING


NEW APPLICATIONS Rekisito: 1. Maghanda ng limang muwestra ng iyong likha (Maaaring ito’y ginawa para sa Matanglawin o hindi). Ilagay ang mga ito sa isang zip file. Maaring ipadala ito sa patnugot (email) o dalhin sa panayam. 2. Bumuo ng isang sining para sa Matanglawin. Pumili sa dalawa. a) Kung guguhit: Lumikha ng editoryal o sining na tumatalakay sa kasalukuyang pangyayari sa Marawi. b) Kung para sa mga litrato: Kumuha ng 5-10 litrato na sa tingin mo ay naaayon sa branding ng Matanglawin o kaya naman mensahe na nais ipahatid ng Matanglawin 3. Gamit ang midyum na hindi sanay gamitin, gumawa ng sining na tumatalakay sa isang isyu na malapit sa iyong damdamin. Maghandang ipaliwanag ang gawa sa panayam. 4. Magsign-up para sa isang panayam / individual consultation. Kung ang mga likha ay kayang ipadala sa email, ipadala ang mga rekisito sa email address sa ibaba gamit ang ganitong format: Para sa unang kahingian: Apelyido_Sining_1 Para sa ikalawang kahingian: Apelyido_Sining_2 Para sa ikatlong kahingian: Apelyido_Sining_3 Geela Garcia Patnugot ng Sining sining.matanglawinateneo@gmail.com


SINING


RE-APPLICATIONS

Rekisito: 1. Maghanda ng tatlong muwestra ng iyong likha (Maaaring ito’y ginawa para sa Matanglawin o hindi). Ilagay ang mga ito sa isang zip file. 2. Bumuo ng isang sining para sa Matanglawin. Pumili ng isa sa dalawa. a) Kung guguhit: Lumikha ng editoryal o sining na tumatalakay sa kasalukuyang pangyayari sa Marawi. b) Kung para sa mga litrato: Kumuha ng 5-10 litrato na sa tingin mo ay naaayon sa branding ng Matanglawin o kaya naman mensahe na nais ipahatid ng Matanglawin 3. Magsign-up para sa isang panayam / individual consultation. Ipadala ang mga rekisito sa email address sa ibaba gamit ang ganitong format: Para sa unang kahingian: Apelyido_Sining_1 Para sa ikalawang kahingian: Apelyido_Sining_2 Geela Garcia Patnugot ng Sining sining.matanglawinateneo@gmail.com


DISENYO


NEW APPLICATIONS Rekisito: 1. Isang pahinang resume. Sundin ang format ng Loyola Schools Office of Placement and Career Services. 2. Maghanda ng tatlo (3) hanggang apat (4) muwestra ng iyong likha. Maaaring dalhin ito sa panayam o ipadala na lamang sa patnugot. 3. Base sa mga mga nakaraang isyu, gumawa ng isang sanaysay o listahan ng maaari pang pagbutihan ukol sa paglalapat, na may minimum na 300 na salita o higit pa. 4. Magsign-up para sa isang maikling interbyu kasama ang patnugot. Paghandaan ang isang maikling pagsusulit sa paglalapat. PAALALA: Lahat ng isusumiteng rekisito ay nasa anyong Cambria, size 12, 1.5 spacing, one-inch margin, A4 bond paper (8.27� x 11.69�). Pagsamasamahin lahat ng rekisito sa isang PDF file at ipangalan gamit ang pormat na: Matanglawin_Disenyo_BA_[ID Number] Isumite ito sa email address ng Bagwisan ng Disenyo na nasa ibaba. Parehas lamang dapat ang pangalan ng email at PDF file. Siguraduhing walang pangalan sa PDF file. Nasa ganitong ayos dapat ang PDF: 1. Muwestra ng likha 2. Sanaysay 3. Resume Gerald John Guillermo Patnugot ng Disenyo disenyo.matanglawinateneo@gmail.com


DISENYO


RE-APPLICATIONS Rekisito: 1.Isang pahinang resume. Sundin ang format ng Loyola Schools Office of Placement and Career Services. 2. Maghanda ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) muwestra ng iyong likha. Maaaring dalhin ito sa panayam o ipadala na lamang sa patnugot. 3. Batay sa mga mga nakaraang isyu, gumawa ng isang sanaysay o listahan ng maaari pang pagbutihan ukol sa paglalapat, na may minimum na 300 na salita o higit pa. PAALALA: Lahat ng isusumiteng rekisito ay nasa anyong Cambria, size 12, 1.5 spacing, one-inch margin, A4 bond paper (8.27� x 11.69�). Pagsamasamahin lahat ng rekisito sa isang PDF file at ipangalan gamit ang pormat na: Matanglawin_Disyenyo_RA_[ID Number] Isumite ito sa email address ng Bagwisan ng Disenyo na nasa ibaba. Parehas lamang dapat ang pangalan ng email at PDF file. Siguraduhing walang pangalan sa PDF file. Nasa ganitong ayos dapat ang PDF: 1. Muwestra ng likha 2. Sanaysay 3. Resume Gerald John Guillermo Patnugot ng Disenyo disenyo.matanglawinateneo@gmail.com


PRODUKSYON


APPLICATIONS

Mga Rekisito: Ipakilala at i-market ang sarili gamit ang isang 400-salitang sanaysay. Isaalang-alang sa pagsulat na ang tunguhin ng inaapplyan na organisasyon ay ang magmulat ng mga tao ukol sa mga sosyo-politikal na mga isyu at magbigay ng boses sa mga marhinalisado. Maghanda ng isang minutong malikhain at impormatibong video ukol sa martial law. Ito ay isang malawak na paksa, maging matalino at malikhain sa paggawa. Magsign-up para sa isang maikling interbyu kasama ang patnugot. Ilagay ang mga rekisito sa isang zip folder at pangalanan: [Apelyido]_Produksyon. Ipadala and zip folder sa email address ng Bagwisan ng Produksyon. Genesis Gamilong Patnugot ng Produksyon produksyon.matanglawinateneo@gmail.com


PROYEKTO


NEW APPLICATIONS

Mga Rekisito: 1. Gumawa ng project pitch para sa isang proyekto na magpapakita ng mga adbokasiya ng organisasyon, at maghihikayat sa mga tao na sumali sa Matanglawin. Isama ang mga sumusunod sa ipapasa: a) pangalan ng proyekto, b) layunin ng proyekto, c) program flow, at d) iba pang mahahalagang detalye. 2. Magsign-up para sa isang panayam kasama ang patnugot Ipadala ang mga rekisito (anyong PDF o Word documeny) sa email address ng Bagwisan ng Proyekto. Alyanna Bianca D. Pamfilo Tagapamahala ng Proyekto proyekto.matanglawinateneo@gmail.com.


PROYEKTO


RE-APPLICATIONS

Mga Rekisito: 1. Gumawa ng project pitch para sa isang proyekto na magpapakita ng mga adbokasiya ng organisasyon, at maghihikayat sa mga tao na sumali sa Matanglawin. Isama ang mga sumusunod sa ipapasa: a) Pangalan ng proyekto, b) layunin ng proyekto, c) program flow, at d) iba pang mahahalagang detalye. e) project evlauations Kung tumulong sa isang nakaraang proyekto ng Matanglawin, suriin ang naging proseso ng paghahanda. i. Ano ang mga nakita mong pagkukulang sa proyekto? Sa naging core team? Sa sistema ng proyekto bilang bagwisan? ii. Ano ang mga nakita mong mga kalakasan ng proyekto? Sa naging core team? Sa sistema ng proyekto bilang bagwisan? iii. Magbigay ng mga suhestiyon para sa ikabubuti ng proyekto sa kinabukasan 3. Magsign-up para sa isang panayam kasama ang patnugot Alyanna Bianca D. Pamfilo Tagapamahala ng Proyekto proyekto.matanglawinateneo@gmail.com.


PANDAYAN


APPLICATIONS

Mga Rekisito: 1. Gumawa ng sanaysay na hindi lalagpas sa isang pahina ukol sa mga naging karanasan niyo sa loob ng iba pang mga organisasyon. Paano kayo binuo rito? Ikumpara ang iyong karanasan sa Matanglawin sa iyong karanasan sa labas nito. 2. Gumawa ng project proposal para sa Tambay Week ng Matanglawin. Ilagay ang mga sumusunod na detalye sa proposal: a) [angalan ng proyekto, b) layunin ng proyekto, c) program flow, at d) Iba pang mahahalagang detalye 3. Magsign-up para sa isang panayam kasama ng patnugot Ipadala ang mga rekisito (anyong PDF o Word document) sa email address ng Bagwisan ng Pandayan. Alyanna Bianca D. Pamfilo Tagapamahala ng Pandayan pandayan.matanglawinateneo@gmail.com


SOCIAL MEDIA


APPLICATIONS

Mga Rekisito: 1. Isang pahinang resume. Sundin ang format ng Loyola Schools Office of Placement and Career Services. 2. Magpadala ng isang artikulo sa wikang Filipino na isinulat noon o sa kasalukuyan, para sa dating sinalihang pahayagan, para sa isang klase o dahil sa nais lamang maisulat. Tinatanggap ang lahat ng anyo ng akda. Pagsamasamahin lahat ng rekisito sa isang PDF file at ipangalan gamit ang pormat na: Matanglawin_SocMed_[ID Number] Isumite ito sa email address ng Bagwisan ng Social Media na nasa ibaba. Parehas lamang dapat ang pangalan ng email at PDF file. Siguraduhing walang pangalan sa PDF file. Nasa ganitong ayos dapat ang PDF: 1. Sanaysay 2. Resume 3. Mag-sign-up para sa isang konsultasyon. Paghandaan din ang panayam na ito. Ilalabas ng bagwisan ang sign-ups sa takdang araw. socmed.matanglawinateneo@gmail.com


PAALALA


Huling mga paalala:

Lahat ng isusumiteng rekisito ay nasa anyong Cambria, size 12, 1.5 spacing, one-inch margin, A4 bond paper (8.27� x 11.69�). Sa Agosto 28, 11:59 n.g. ang patay-guhit ng lahat ng mga kahingian para sa lahat ng mga bagwisan. Abangan ang ipapadalang liham at sign-up sheets para sa mga panayam.

Maraming Salamat sa pagtataya. Mamulat. Magmulat. Matanglawin.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.