Ang Matanglawin ang opisyal na pahayagang pang magaaral ng Pamantasang Ateneo de Manila. Naglalayon ang organisasyon na magmulat sa mga taong nasadlak sa dilim ng panlilinlang, magbigay tanglaw sa mga sa mga napaririwara, at dagitin ang mga mapangabuso sa pamamagitan ng tapat na pamamahayag at paghubog ng mga miyembro.
TANAWIN Mapanghamon ang ating panahon. K ailangan ang mga matang nangangahas tumitig at magsuri sa paligid. K ailangan ang isang tanglaw ng katotohanan sa gitna ng dilim na laganap na pambubulag at pagbubulag-bulagan. K ailangan ang mga kuko ng lawing daragit sa mga dagang ngumangatngat sa yaman ng bansa at ahas na lumilingkis sa dangal at karapatan ng mga maralita. [may katuloy]
TANAWIN Saksi ito sa nakatanim nang binhi ng pagtataya at pagkilos ng ilang Atenista. Subalit hindi rin ito nagtatapos sa simula. Hangad nitong diligin at payabungin ang dati nang supling, at maghasik pa ng gayong diwa sa higit na maraming mag-aaral. Hangad din nitong ikalat ang gayong diwa sa iba pang mga manghahasik ng diwa at sa iba pang mga pamayanang kinasasangkutan ng mga Atenistang kumikilos palabas ng kampus. Tapos na ang panahon ng obhektibong pamamahayag.
TANAWIN K aya’t ang Matanglawin ay bumabangon upang tumugon. Tumutugon ang Matanglawin, una, bilang pahayagan ng malaya at mapagpalayang pagpapalitan ng kurokuro tungkol sa mahahalagang usaping pampaaralan at panlipunan; at ikalawa, bilang isang kapatiran ng mga mag-aaral na may malalim na pananagutan sa Diyos at sa kanyang bayan. Ang Matanglawin ay hindi nagsisimula sa wala. [may katuloy]
TUNGUHIN Sa adhikaing ito, isinasabalikat ng Matanglawin ang mga sumusunod na sandigang simulain: 1. MAGING matapat at matapang sa paghahanap at paglalahad ng katotohanan - katotohanan lalo na ng mga walang tinig. 2. BIGYANG-DAAN ang malaya, mapanuri, at malikhaing pagtatalakayan - kabilang na ang kritisismo ng mga mag-aaral hinggil sa mga usaping pangkampus at panlipunan.
TUNGUHIN 3. HUBUGIN ang mga kasapi sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga tao lalo na sa mga anakpawis, pandayin sila sa masinop na pananaliksik at pagpapahayag, at hasain sa malalim na pagninilay upang maging mabisang tagapagpairal ng pagbabago ng mga di-makatarungang balangkas ng lipunan. 4. TUMAYO bilang isang aktibong kinatawan ng Pamantasan para sa ibang paaralan at sektor ng lipunan. 5. ITAGUYOD ang diwa at damdaming makabansa lalo na sa pagpapalaganap at pagpapayaman ng sariling wika.
TUNGUHIN 6. PAIGTINGIN ang kamalayang pampulitika sa Ateneo sa paraang mapayapa subalit mapaghamon, may kiling sa mga dukha bagaman walang isang ideolohiyang ibinabandila. 7. IBATAY ang lahat ng gawain sa papasulong na pananaw ng panananampalatayang K ristiyano na sumasamba sa Diyos na gumagalaw sa kasaysayan, kumakampi sa katotohanan, at may pag-ibig na napapatupad ng katarungan.
TUNGUHIN
MGA MGA BAGWISAN BAGWISAN
SULATIN AT SULATIN AT SALIKSIKAN SALIKSIKAN Ang bagwisan ng Sulatin at Saliksikan ang nagsusulat ng mga artikulo at iba pang katulad na likha para sa bawat nililimbag na isyu at sa website.
SOCIAL SOCIAL MEDIA MEDIA Ang bagwisan ng Social Media ang namamahala sa pagsasaayos at paglilimbag ng mga artikulo, anunsyo, at iba pang impormasyon sa web site at social media accounts (Facebook, Twitter, atbp.) ng Matanglawin.
SINING SINING Ang bagwisan ng Sining ang gumagawa ng mga dibuho, kumukuha ng mga litrato, at nagsasakatuparan ng lahat ng likhang-sining para sa bawat nililimbag na isyu at sa website.
DISENYO DISENYO Ang bagwisan ng Disenyo ang naglalapat sa mainam na paraan ng nilalaman ng mga nililimbag na isyu ng Matanglawin. K asama rito ang pagsasaayos ng mga materyales na kinakailangan para sa pananalastas (proyekto, anunsyo, at iba pang impormasyon).
PANDAYAN PANDAYAN Ang bagwisan ng Pandayan ang nangangalaga sa kapakanan, pagbubuo, at pagsasanay ng kasapian sa pamamagitan ng mga angkop na programa (trainsem, formsem, mga pagpupulong, atbp.), at sistema (konsultasyon at ebalwasyon).
PROYEKTO PROYEKTO Ang bagwisan ng Proyekto ang nagsasakatuparan ng mga programang nagpapalaganap ng Tanawin at Tunguhin ng Matanglawin sa labas ng organisasyon.
MGA MGA REKISITO REKISITO
SULATIN AT SALIKSIKAN Para sa mga nais sumanib sa Bagwisan ng Sulatin at Saliksikan: 1. Maghanda ng sanaysay na hindi bababa sa 400 ngunit di lalagpas sa 500 salita. Talakayin ang anumang sosyo-politikal na isyu na bumabagabag sa iyo sa loob o labas ng Pamantasan. Hal: Ilan lamang sa maaaring talakayin ay 1.) ang pamamayagpag ng extra-judicial killings sa kasagsagan ng giyera kontra-droga, 2.) ang pagpapatuloy ng kontraktwalisasyon sa loob ng Pamantasan, at 3.) ang “independent foreign policy� ng kasalukuyang administrasyon. Hindi limitado sa mga nabanggit na isyu ang puwedeng sulatan. Maging malikhain at kritikal sa pagsusulat. 2. (Optional) Maaaring magpadala ng 1-2 sariling akdang isinulat sa Filipino. Tinatanggap lahat, akdang pampanitikan man o sanaysay na isinulat sa klase. Mangyaring ipadala lamang ang mga rekisito sa e-mail na nakasaad sa ibaba. Siguruhin na naka-ayon ito sa format: Para sa pangunahing rekisito: [Apelyido]_Sulatin_[Pamagat ng Sanaysay] Para sa optional na rekisito: [Apelyido]_Sulatin_[Optional]
Jose Medriano III Patnugot ng Sulatin at Saliksikan sulatin.matanglawinateneo@gmail.com
SINING AT DISENYO Para sa mga nais sumanib sa Bagwisan ng Sining at Bagwisan ng Disenyo: 1. Maghanda ng limang muwestra ng inyong likha. Maaaring dalhin ito sa panayam o ipadala na lamang sa mga patnugot. 2. Para sa mga nais sumali sa Bagwisan ng Sining: (a) Lumikha ng sining na tumatalakay sa pag-upo ni Manny Pacquiao sa Senado. (b) Lumikha ng sining na tumatalakay sa isyu na kumukuha ng iyong interes gamit ang midyum na hindi ka sanay gamitin. Ipadala ang mga rekisito sa patnugot gamit ang ganitong format: Para sa limang muwestrang sining: Apelyido_Sining_[numero] Para sa limang muwestrang disenyo/lapat (layout): Apelyido_Disenyo_[numero] Para sa dalawang kahilingang sining: Apelyido_Sining_[alpabeto]
Micah Rimando Patnugot ng Lapatan lapatan.matanglawinateneo@gmail.com Rosalaine Pesarit Patnugot ng Sining sining.matanglawinateneo@gmail.com
PANDAYAN, PROYEKTO, AT SOCIAL MEDIA Para sa mga nais sumanib sa mga Bagwisan ng Pandayan, Proyekto, o Social Media: 1. Magbigay ng maikling sanaysay tungkol sa iyong sarili. Magkuwento ng mga karanasan at mga proyekto na iyong nagawa na. 2. Para sa mga gustong sumali sa Bagwisan ng Pandayan; Pumili ng isa at gawan ng salaysay/sanaysay: (a) Mag-isip ng isang produkto na hindi kanais-nais at subukang ibenta ito. (b) Magkunwaring isang manlalakbay ng oras at ipaliwanag sa mga tao ng nakaraan ang hinaharap. (c) Magkunwaring nakikipag-usap sa bata. Ipaliwanag ang digmaan. Ipadala ang mga rekisito sa inyong tagapamahala. File name: Apelyido_Proyekto_[Pamagat] Apelyido_Pandayan_[Pamagat] TNR 12, A4, Double spaced
Micah Rimando Bianca Fenix Tagapamahala ng Social Media Tagapamahala ng Proyekto proyekto.matanglawinateneo@gmail.com pananalastas.matanglawinateneo@gmail.com Rosalaine Pesarit Tagapamahala ng Pandayan pandayan.matanglawinateneo@gmail.com
MAGING MATA. MAGING MATA. MAGING TANGLAW. MAGING TANGLAW.