#conyonation

Page 1

#CONYONATION ISYU BLG. 1 | DISYEMBRE 2015


cn cn MGA MANUNULAT

Abigail Abarquez

Zoe Bautista

Yara Macalindong

Ma. Victoria Melendres

Regine Reynoso

Guadalupe Sanchez

Isabel Tan

Bianca Vasquez

INILATAG NI Ma. Victoria Melendres

IPINASA KAY Gng. Corazon Are

Ang babasahing ito ay nilikha ng aming samahang pangwika (pangkat galing sa 4-5 St. Thomas More) para sa isang proyekto sa asignaturang Filipino. Nais lamang talakayin ng aming samahan ang isa sa mga suliraning umiiral sa kasalukuyan. Maliwanag na siguro ang suliraning ito base sa pabalat. Sana ay marami kayong matutunan pagkatapos ninyo basahin ang aming inilimbag, at maging kasapi ng aming samahan upang matugunan ang suliraning ito.


NILALAMAN

4

5

LIHAM PARA SA GINOO // INSTRUMENTAL //

CONYO?

6 LAKI SA CONYO // PERSONAL //

// IMPORMATIBO //

7

8

MGA URI NG TAO SA PILIPINAS

10 HAKBANG PARA MAGING TUNAY NA CONYO

// PERSONAL //

// REGULATORI //

10

CONYO? O ‘DI CONYO? // HEURISTIK //

12 CONVENIENCE STORE // INTERAKSYONAL //

14 ISANG PAGKAKATAON // IMAHINATIBO //


s

MAHAL NA GINOO, Magandang araw! Ako po ay isang mag-aaral. Nais ko pong humingi ng tulong tungkol sa isang bagong suliranin sa ating lipunan: ang paggamit ng conyo. Ito’y isang parte ng Taglish, pero ang pagkakaiba ng conyo roon ay ang tono nito. Kung ang Taglish po ay katulad ng isang damit na may butas na tinahi gamit ng ibang kulay ng sinulid, ang conyo ay parang isang kantang maganda sana kung wala itong batingaw na kumakalampag na wala namang kahit anong relasyon sa ritmo o himig ng awit. Biktima na po nito ang karamihan ng aking mga kamag-aral dito sa paaralan namin. Kinakatakutan kong buburahin nito ang tradisyon at ang kultura ng ating wikang Filipino, at na mawawala ang mga pagpapahalaga natin sa mga pamamaraan ng ating mga ninuno. Ang conyo ay, sa aking palagay po, napapahiya sa atin bilang bansa at hindi tayo dapat makilala dahil sa bagay na katulad nito. Ito din po ay nagtataguyod ng semilingualismo, at magbabawas sa kagalingan ng tao sa Ingles at Filipino, at maaaring magbawas din sa tunay na literacy rate ng mga mamamayan. Mas malala ang conyo kung tatandaan ang mga salita ni Bienvenido Lumbera na ang wika ay “parang hininga.� Kung mas naging laganap ang conyo, hihinga po ba tayo ng kawalan ng kakayahang magsalita nang Ingles at Filipino ng mahusay? Kayo po ang hinihilingan ko hinggil sa suliraning ito dahil sa posisyon ninyo bilang propesor ng wika

t

at dahil naniniwala akong nababagay kayong magbigay ng tagubilin dito. Paano po ako makakatulong sa pagbawas ng conyo?

ni ISABEL TAN

4

Sumasainyo, Isang Mag-aaral


CONYO? Ang “conyo” ay madalas na naglalarawan sa isang taong may pinanggagalingang mariwasang pamilya, mga kabataang madalas na nasa Starbucks, o simple isang paraan ng pamumuhay, pagkilos, at pananamit. Siya’y pinaka-nauugnay sa mga kabataan ng mga pamilyang mas may kaya sa lipunan. Ang katangian na nagbubukod sa mga “conyo” ay ang kanilang paggamit ng Ingles at Filipino sa pagsasalita at ang paraan kung paano nila ito iginagamit. Maraming nagsasabi na ang pananalitang “conyo” ay isang anyo ng Taglish o tagalogenglish. Madalas siya’y matutukoy lalo sa kanyang gamit ng Ingles at Filipino, sa isa na mas mabuti ang pagsasasalita ng ingles kumpara sa karaniwang Pilipino. Ang pagsasalitang Ingles ay naipakilala sa mga Pilipino noong panahon ng Amerikano. Ito ay ang iginamit ng mga Amerikano sa kanilang pagtuturo sa mga Pilipino. Noong panahon ng Edsa Revolution, ang dalawang ipinahayag na pambansang wika ay Filipino at Ingles. Sa karaniwan, Ingles ang itinuturing “universal language” at ang ginagamit sa kalakalan, pagtuturo ng agham, at iba pa. Filipino naman ang ating inang-wika na ginagamit ng masa. Sa paghahalo ng dalawang wika sa ating edukasyon, siya’y nahahalo na rin sa ating araw araw na pananalita. Ang maaring dahilan ay hindi kompleto ang karunungan ng isa sa dalawang

Ang pananalitang conyo ay madalas na gumagamit ng ingles sa buong pangungusap at ang salitang Filipino ay pinapasok sa mga pandiwa katulad nang “Can you hugas

my plate, please” at “making tusok-tusok the fishballs”. Ang isa pang paraan ay ang pagdagdag ng mga kataga at salitang “pero” “kaya” “talaga” “sobra” sa simula o dulo ng mga pangungusap katulad ng “I didn’t do that, kaya”. Ang pagsasalitang conyo ay ang nakasanayan na pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino katulad ng mga ibinanggit na halimbawa. Kadalasan ay mayroong nahahalong “slang” na pagbigkas ang nasasama sa pagsasabi ng salitang tagalog. Ang pagsasalitang conyo ay ang nakagawing pagsasalita ng mga grupo ng kabataan na naging isang sosyolek na sa karaniwang panahon. Tulad ng Taglish, siya’y nagmumula sa paghahalo ng ingles at tagalog. Siya’y nagiging problema dahil ito’y nagpapakita ng kawalan ng lubos na pagkatuto ng ating inang salita at pangalawang wika, Ingles, na parehas na pinagaaralan sa ating mga primaryang paaralan. Madalas ay hindi siya magandang pakinggan sa mga pormal na pagsusulat at pagsasalita. Siya’y nagiging isa pang suliranin dahil siya ay minsang ginagamit ng mga “nakakataas”, o mga mayayaman, na manlait sa mga mahihirap o mga “jeje”.

ginagamit na wika sa bahay at paaralan kaya’y siya’y madalas na napapaghalo.

ni GUADALUPE SANCHEZ

5


Ang isang problema sa henerasyon ngayon ay ang paggagamit ng code switching o mas kilalang “conyo�. Ang kadalasang nagsasalita ng conyo ay mga taong may mga kaya o ang middle class pataas. Ang mga estudyante sa mga pribadong paaralan ay madalas ding gumagamit nito. Marami sa kanila ay lumaki sa wikang Ingles dahil gusto ito ng kanilang mga magulang. Sa pagpasok nila sa paaralan kinakailangan nilang matuto ng Filipino at dahil sila ay lumaki sa wikang Ingles napapaghalo nila ang dalawang wika. Ito ang kadalasan na sitwasyon ng mga tao na nagsasalita ng conyo. Napansin ko na marami sa mga estudyante na nag-aaral sa mga pribadong paaralan ay nagsasalita ng conyo dahil hindi nila kayang gumamit ng iisang wika nang diretso. Kadalasan nahihirapan ang mga estudyante na isalin sa Filipino ang mga salita sa Ingles. Dahil dito sila ay gumagamit na lamang ng

code switching. Marami din sa kanila ay nagsasalita ng conyo dahil sila ay naimpluwensyahan ng kanilang mga kaibigan. At dahil sila ay lumaki sa ganitong kapaligiran, nasasanay na sila at nahihirapan silang magsalita ng diretsong Ingles o diretsong Filipino. Ayon sa ibang mga pananaliksik upang masanay at gumaling ang isang tao sa isang wika, dapat ito ay lumaki sa iisang wika hanggang siya ay limang taong gulang. Sa ating bansa mahirap gawin ito dahil gusto ng mga magulang na matuto ang kanilang mga anak ng Ingles at Filipino. Kadalasan tinuturuan ang mga bata ng Ingles at naririnig na lang ng mga bata ang mga tao sa paligid nila na nagsasalita ng Filipino. Dahil dito napapaghalo ng mga bata ang mga salita sa dalawang wika kaya bata pa lamang madami na ang gumagamit ng code switching. Bata pa lamang, ang conyo ay talagang malaking suliranin. Ang conyo ay isang problema na mahirap gawan ng solusyon. Ako mismo ay nahihirapan magsalita ng diretsong Filipino kaya kadalasan gagamit na lamang ako ng Ingles para

LAKI SA CONYO

sa ibang mga salita. Ang conyo ay parang naging natural sa akin at mahirap alisin. Madalas di ko rin napapansin na gumagamit na ako ng conyo. Sa tingin ko madami sa mga gumagamit ng conyo ay parang sa sitwasyon ko na lumaki sa wikang Ingles at Filipino. Upang talagang mawala ang conyo, dapat napapansin ng tao mismo kung sila ay gumagamit na nito. Sila mismo ang dapat magsabi sa kanilang sarili na tumigil gumamit ng conyo at magsalita sa iisang wika.

6

ni BIANCA VASQUEZ


MGA URI NG TAO SA PILIPINAS ni MA. VICTORIA MELENDRES Sa panahon at henerasyon ngayon, iba’t ibang anyo ng wika ang umuusbong at patuloy na ginagamit lalong-lalo na ng mga kabataan. Kung pagbubukod-bukurin ang mga Pilipino base sa paraan ng pananalita, maaari itong hatiin sa apat na bahagi. 1) Ang mga dalubhasa sa wikang Filipino, 2) ang mga dalubhasa sa wikang Ingles, 3) ang mga hindi gaanong dalubhasa sa parehong wika kung kaya’t hindi namamalayan na nagcocode switch na pala, at 4) ang mga nananadya na at nagkukunwaring mas mataas kung kaya’t nagsasalita ng

parang like this. Bagama’t maraming tao ang nagcocode switch, katanggap-tanggap naman ang iba ngunit marami pa ring mapagparangya na pinipiling ipaghalo ang dalawang wika tuwing nakikipag-usap tulad ng mga conyo. Hindi sa minamaliit ko ang mga taong ito, ngunit kadalasan ay dumarating ito sa puntong nagiging masyado na. May mga pagkakataong sinasadya na ng mga taong magcode

switch marahil sa kadahilanang iniisip nila na paraan ito ng pagpapakita ng “mataas” na estado nila sa buhay. Kahit sa media, telebisyon, radyo, pelikula at iba pang anyo ng sining, patok ang mga tauhang maaaring bansagang conyo. Kadalasan ay namumukod-tangi ang mga taong ito dahil sa paraan, tono at estilo ng kanilang pananalita. Kadalasan din silang pinapakita bilang mga mayayaman, may pinag-aralan, “sosyal” at “elite” habang ang mga dalubhasa naman sa Filipino ay nauugnay sa mga ordinaryo at karaniwang tao.

Sa paraang ito, ipinipresenta ang wika bilang isang instrumentong naghahati ng lipunan sa iba’t ibang estado. Salungat ito sa layunin ng wikang panlahat na ibuklod ang mga Pilipino. Ang ating wika, tila isa sa mga kakaunting bagay na nagkakaisa sa atin, ay nababahiran pa ng dungis ng mga taong mapagkunwari at nagbabalatkayo. Kung ganitong kataas ang tingin ng mismong Pilipino sa wikang Ingles, hindi ba’t nararapat lamang na alisin ang pag-iisip na kahit sa wika ay mayroong mas nakatataas? Kung nagagawa ng taong bigyan halaga ang wikang hindi natin kayang ipagmalaking atin, kaya rin bang pahalagahan ang wika ng sarili nating bansa? Marami sa kabataan ngayon ang hindi pa nakikita ang importansya ng wikang Filipino. Sa aking palagay ay kung bibigyan lamang ng pagkakataon at susubukang maunawaan nang lubos ang ating wika, makikita rin ng mga tao ang kahalagahan at kagandahan nito. Sa pagkilala sa iba’t ibang panitikan sa Filipino, maaring makita na isa itong kayamanang nagpapatunay na buhay at maganda ang ating wika. Nararapat na gamitin ang wika sa maayos na paraan at ugaliin ito, upang manatili itong buhay hindi lamang para satin kundi pati na rin sa susunod na henerasyon. Sa paggamit nito ng buo at maayos, mas lalong mapayayamanin at maipagmamalaki ang ating wika.

7


10 hakbang PARA MAGing tunay na CONYO

q ni YARA MACALINDONG

8

03 02 01

Ang pagiging conyo ay hindi basta-basta lamang nangyayari, may mga simpleng patakaran para ika’y matawag na tunay na conyo-person.

Ika’y dapat gumamit ng ingles na salitang “make” kasama ng isang pandiwa.

Hal. “Tara na, lets make pasok na to our classroom!”

Gamitin ang mga “noh”, “diba” at “eh” sa iyong mga pangungusap.

Hal. “Ikaw talaga noh! Diba it’s like, really really hard?”

Kung ikaw ay naglalarawan ng isang bagay, gamitin ang pariralang “it’s SO” kasunod ng gagamiting pang-uri.

Hal. “It’s so ganda right? But right now it’s so mainit like yeah.”


Hal. “Dude, I know, ang hirap niya nga eh pare.”

Hal. “It’s so tight nga sa canteen, you know masikip?”

Gumamit ng “you know?” o “I know right!”

Gumamit ng mga daglat sa iyong pangungusap.

Hal. “Ang ganda-ganda mo naman ngayon, you know.”

Hal. “Like OMG, he is so nice na its so kaka na!” “Kaka?” “It’s so nakakaasar na siya.”

Lagyan ng “s” (kagaya ng mga salitang maramihan sa Ingles) ang mga pangalang pangmarami.

Hal. “I really have to pay my utangs to you na!”

Gamitin parati ang “like” sa mga pangungusap.

Hal. “Like, kailangan ko talagang sabihin, like, I can’t do this, like yeah.”

10 09 08

Para isipin mo na isa kang magaling na tao, isalin mo ang huling salita ng iyong pangungusap.

07 06 05 04

Kung ika’y isang lalaking conyo, gamitin ang “dude”, “tsong” or “pare” pagkatapos o sa unahan ng iyong pangungusap o sa mga parirala.

Gamiting ang pinakamaarteng tinig ng boses para ika’y makamit ng todong resulta.

Hal. “I want to like study in like Arrhneo or kahit OMG in Lazzahl.”

Ngayon na alam mo na ang mga hakbang para ika’y tawaging conyo, gusto mo ba talagang ikaw makita ng mga tao bilang isang tao na mukhang maarte, marangya at mapaghambog? Kung oo, ito’y para sa iyo, sa mga ayaw naman, eto na ang pagkakataon para malarawan ang iyong saliri kung ikaw ba ay isang conyo kid, at ikaw ba ay nagmumukhang nakakainis sa harap ng ibang tao. Eto’y base sa “10 Conyo-mandments” (http://momsterteacher. com/2012/08/the-ten-conyo-mandments-tips-how-to-bexoxal/)

9


10

Tanging Ingles lang ba ang iyong ginagamit sa pagsagot sa mga tanong na naka salin sa Ingles?

“...nagpanic talaga ako kanina.” “Alam mo ba...”

“...nataranta talaga ako kanina.”

ni REGINE REYNOSO

Tanging Filipino lang ba ang iyong ginagamit sa pagsagot sa mga tanong na naka salin sa Filipino?

Kumpletuhin ang pangungusap base sa mas madalas na ginagamit.

MAGSIMULA RITO

CO N YO? O ‘ D I CO N YO?

Sagutin ang mga sumusunod na tanong, at malaman kung ikaw ay ang Ultimate Pinoy, Ultimate Conyo, o ang Ultimate Inglesera!


1111

OO

HINDI

sariling wika- Filipino!

kung kaya’t patuloy kang

switching).

wikang Ingles at Filipino (code

palipat-lipat sa paggamit ng

Mahusay, kaibigan!

Sanay ka sa paggamit ng ating

gamit ang isang wika lamang,

Hindi ka sanay sa pagsasalita

HINDI

HINDI OO

gumamit ng wikang Ingles.

kaya’t mas madali sa iyo ang

pagsasalita ng wikang Filipino,

Sapagkat hindi ka sanay sa

T HE U LT IMAT E IN GLES ER A

INGLES

Ano ang mas ginagamit mo sa pang araw-araw na pag-uusap?

THE ULTIMATE FILIPINO

FILIPINO

MINSAN

THE ULTIMATE CONYO

PALAGI

Gaanong kadalas ka nagpapalit-palit ng wika?

OO

Pareho bang Ingles at Filipino ang iyong madalas na ginagamit sa pang araw-araw na gawain?


12


ni ABIGAIL ABARQUEZ

13


g n a Is n o a t a k a k g a P

14


“Uy, nakatitig nanaman sa iyo si Miguel,” sabi ni Rosa kay Maria, sabay tawa. Tumingin rin si Maria patalikod para makita kung ano ang pinagtatawanan ng kanyang matalik na kaibigan na si Rosa. Naabutang makita ni Maria ang mabilis na pagtatalikod ni Miguel sa kabilang dulo ng basketball court. Naalala ni Maria ang mga nakaraang pagkakataon kung saan nahuli rin niya si Miguel na tumititig sa kanya. Hay nako Miguel, naisip ni Maria. Nang marinig muli ang pagtatawa ni Rosa, nabalik si Maria sa kasalukuyan. “Huy, wag ka nga ganyan. Ang sama-sama mo naman kay Miguel,” mabilis na ipinagtanggol ni Maria. “Ayan kasi eh,” tinuro ni Rosa si Maria. “Yan kasi kaya’t nagkakagusto sa iyo si Miguel. Palagi mo kasing ipinagtatanggol, tuloy.” “Eh, di lang dahil hindi siya magaling mag-Tagalog ay masama na siyang tao. Mabait kaya si Miguel.” “Di ko naman sinabing masama siyang tao. Kakaiba lang kasi yung pagsasalita niya… nakakatuwa kapag sumasagot siya sa klase!” Sabay tawang sinabi ni Rosa. Si Miguel kasi ay isang bagong estudyante sa paaralan nila. Siya ay isang Pilipinong ipinalaki sa Estados Unidos kaya’t Ingles ang kanyang pangunahing wika. Hindi pa siya gaanong magaling sa pagsasalita ng Filipino kaya’t pinagtatawanan siya sa paaralan ng iba niyang mga kaklase. “Hay nako, ayoko na nga! Ang sama niyo sa kanya. Tutulungan ko nga siya sa Filipino!” malakas na sinabi ni Maria. Ngunit napatawa lamang si Rosa ng mas lalo. “Seryoso ka ba? Tutulungan mo yang nag-coconyo?” “At bakit naman hindi?” mabilis na sinabi ni Maria. Mahinang sinabi ni Rosa, “Eh, baka masayang lang yung talino mo sa taong ganyan. Nag-aalala lang naman ako sa’yo.” Humina rin ang boses ni Maria, “Salamat sa pagaalala pero wala namang dapat alalahanin. Gusto ko lang tumulong.” “Sige, Maria. Pinagtitiwalaan kita. Galingan mo,” sabi ni Rosa kay Maria sabay ngiti. O, Diyos, tulungan niyo po ako, sinabi ni Maria sa sarili habang tumungong maglakad sa kabilang dulo ng basketball court sa kung saan nakaupo sa mga batong upuan si Miguel. *** Narining ni Miguel ang mga tapak ni Maria at tumalikod ito. Nakita niyang papalapit si Maria sa kanya at nagmadali siyang ayusin ang kanyang mga

libro sa batong mesa. Sa halubilo niyang pagaayos, di niya naramdaman ang kamay sa kanyang likod—ang kamay ni Maria. “Miguel, wag mo nang ayusin yan. Ako lang naman eh.” Nahinto ang mga kamay ni Miguel at mabagal itong umikot sa kanyang upuan. Nakita niyang nakangiti si Maria sa kanya. Ito ang magiging unang pagkakataon ni Miguel na makausap si Maria ng mag-isa. Umupo si Maria sa tabi nito at sinabi, “Naiintindihan mo ba ako, Miguel?” “Uh, uh… yes naiintindihan kita.” Mabagal ang pagsagot ni Miguel. “Gusto mo, tulungan kita?” tanong ni Maria. “Uh, huh? Tulungan…?” “Tulungan. Help. Para di ka naman mapagtawanan ng iba.” Nabigla si Miguel. “Help? Me? You…?” Tinuro nito si Maria. “Oo, ako. Tutulungan kitang mag-Filipino. Is that okay?” “Yes, of course!” Napasigaw si Miguel at napatayo sa kanyang upuan. Nakakuha ng tingin si Miguel kay Maria. “Oh, I mean, opo, sige…Maria.” Ngumiti ng mahiyain si Miguel at dito natawa si Maria. Mula noon araw-araw sa lipas ng ilang buwan, nagsama sina Miguel at Maria sa malayong dulo ng basketball court para turuan ni Maria si Miguel na magsalita ng Filipino. *** “Uy, Maria!” sigaw ni Miguel isang araw galing sa malayong dulo ng basketball court. “…Miguel? O, bakit?” sigaw rin ni Maria. “Salamat, ah na tinuruan mo ako! Pero…” Napatahimik si Miguel. Humina ang boses niya ng sinabi niya, “Gusto ko sana kitang tanungin…pwede ba tayong lumabas ngayong sabado? Bilang mga kaibigan lang naman.” Nagulat si Maria sa sinabi ni Miguel...at kinilig. “Ah, sige tanungin ko magulang ko, ah! Salamat!” At kahit medyo malayo si Maria sa kinatatayuan ni Miguel, nakita ni Maria ang malaking pagngiti ni Miguel.

ni ZOE BAUTISTA (guhit ni ABBY ABARQUEZ)

15


“Ang hindi magmahal sa kanyang wika, mas super worse pa sa animals at malansang, like, fish.� DR. JOSE RIZAL, kung nabubuhay sa panahon ngayon

cn cn 16


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.