May Powers Ka to be #SuperEpic Chapter 1

Page 1


8  May Powers Ka To Be #SuperEpic

chapters, titingnan natin ang kwento at buhay ng mga superheroes sa comics and movies at kung anong pwede nating pulutin para magkaroon din tayo ng super-impact sa ating mundo. Ordinary ka man, you can still do SuperEpic things! And yeah, optional ang pagsuot ng makulay na costume.


Great Power Equals Great Responsibility  11

Sa lahat ng Marvel superheroes, si Amazing

Spider-Man ang pinakasuccessful commercially. And for good reason. Compared kasi sa ibang mga superheroes, si Spider-Man (a.k.a. Peter Parker) ang may pinakasimpleng buhay. Hindi siya kasing lakas ni Superman; hindi siya mayaman kagaya ni Batman. Kung si Tony Stark (a.k.a. Iron Man) ang billionaire playboy, si Peter Parker naman ang boy-next-door. Parang working-class superhero. Ordinary — just like you and me. Kaya nga mas nakaka-relate sa kanya ang maraming readers at fans ng Marvel. Bago siya naging superhero, nakatira si Peter kay Uncle Ben at Aunt May dahil namatay ang mga magulang niya sa isang plane crash. Kahit goodlooking naman, mahiyain siya at may inferiority complex. Matalino din siya, lalo na sa Science. Nerd ba. Kaya tuloy, hindi siya makaporma sa mga girls sa school at laging tinutukso ng mga barkada niya. But that changed on one fateful day. Since geeky si Peter at mahilig siya sa Science, nag-attend siya ng isang public demonstration tungkol sa technology ng radiation. (Taong 1962 nang unang nag-appear si Spider-Man sa comics; medyo bago pa ang technology ng radiation noon.) During the demonstration, may isang

gagamba na tinamaan ng radioactive particle. Lumapit ang radioactive gagamba at kinagat si Peter. Dahil sa isang kagat ng irradiated gagamba, nagkaroon ng super powers si Peter. All of a sudden, naging mas malakas ang katawan niya at kaya niyang dumikit sa pader kagaya ng gagamba. Nagkaroon na rin siyang ‘spider sense’ na parang early warning device kung may danger na malapit sa kanya. Hindi na siya basta ordinaryong teenager — he became something more. Astig di ba? Kung ako iyon? Aba, aakyatin ko nang ilang beses ang Empire State Building (taga New York si Peter Parker)! Maglalambitin ako sa mga famous bridges gaya ng Manhattan Bridge at Brooklyn Bridge. Pwede pa akong mag-host ng party ng mga Pinoy kids at ako na mismo ang magpapalaro ng pabitin! Walang makakapandaya. Amazing talaga! Sa fictional universe ng Marvel, may kina­­ laman ang technology ng radiation sa pagkakaroon ng super powers ni Peter Parker. Sa panahon natin ngayon, ang technology na may pinakamalaking impact sa buhay natin ngayon ay ang Web. Kung si Parker kinagat ng gagamba, tayo naman ay nakakabit sa isang napakalaking interconnection


Great Power Equals Great Responsibility  13

12  May Powers Ka To Be #SuperEpic

ng mga computers na tinatawag nating World Wide Web! Imagine, pwede tayong makipag-usap sa isang tao kahit na nasa kabilang panig sila ng mundo through a laptop or a cellphone — libre pa kung connected ka sa Internet. Kapag hindi mo alam ang pupuntahan mo, check mo lang ang Maps app sa smartphone mo at ipapakita nito kung nasaan ka at paano pumunta sa destination mo. Dati, kailangang bumili ng newspaper at magazine para malaman mo kung anong nagaganap sa mundo. Ngayon, log-in ka lang sa computer or sa smartphone mo at makikita mo na sa Social Networking Sites ang mga latest news, although kasama rin diyan ang tsismis sa buhay-buhay ng mga friends mo. Ito mas practical: kung may assignment ka sa isang subject mo para bukas, connect ka lang sa Internet and within 5 minutes pwede mo nang malaman ang sagot sa tanong ng teacher mo or may basehan ka na ng isasagot mo sa recitation bukas. We are living in exponential times. At hindi natin kailangan ng kagat ng spider para lang magkaroon tayo ng super powers. Mayroon tayo! As young people, para tayong si Spider-Man na kakadiscover ng powers niya at excited umakyat

at maglambitin sa mga buildings. We can’t get enough of our new-found powers. Rise of the Three Forces: Youth, ICT, & Entrepreneurship

According to Rob Salkowitz, author of Young World Rising, there are three forces reshaping the world of the 21st century: Youth, Information and Communications Technology, and Entrepren­ eurship. Youth. Ang mga kabataan maraming Time and Energy, kahit na wala silang Money. Nasa poder pa sila ng mga magulang nila at busy sa education at training. Yung mga young professionals, maraming Energy at Money, kaso wala silang Time. Super busy nila sa work at sa pag-establish ng family. Samantalang ang mga matatanda naman, may Money and Time, wala nga lang Energy dahil nasa 60s na sila at medyo papalapit na sa Departure nila dito sa mundong ibabaw. Nasa 6.7 billion na ang populasyon ng buong mundo. Guess what? Mahigit 1 billion niyan ay mga kabataan who are 24 years old and below1. Napakarami palang kabataan sa buong mundo. Para sa iba pang statistics tungkol sa mga kabataan sa buong mundo, puntahan ang website ng United Nations patungkol sa Youth: http://social.un.org/index/Youth/FAQs.aspx (accessed 20 July 2013)

1


14  May Powers Ka To Be #SuperEpic

Yun nga lang, ang karamihan ay nakatira sa underdeveloped o developing countries kagaya ng Pilipinas. Ibig sabihin din nito ay kung magsisipag tayo at gagawa ng mabuti, we can make a difference in our own countries. Information & Communications Tech­nology. Believe it or not, first time kong gumamit ng PC (personal computer) noong first year college ako. Baka hindi na ninyo maalala, pero once upon a time, hindi uso ang Internet; malalaki (at medyo panget) ang mga cellphone. Ngayon, naglipana ang mga bagong technologies offline at online. Panoorin mo ang video sa link na to para makita mo kung gaano ka-exponential ang mga changes sa technologies ngayon: http://bit.ly/ socialmedia2013vid. Dalawa sa mga pinakasikat na prutas ngayon ay hindi nanggaling sa puno—Apple and Blackberry. Kung may super-duper-megauber astig na smartphone ngayong taon na ‘to, tatabunan iyan ng Extra-Super-Duper-MegaUber Smartphone 2.0 next year. Through these technologies, we are able to connect with other young people around the world. Check mo ang YouTube, may mga videos dun na gawa ng dalawa o mas marami pang musicians na galing sa magkaibang bansa!

Great Power Equals Great Responsibility  15

Napakadaling i-share ng ating mga creative outputs through the Internet. Sangkatutak na technologies na ang lumitaw sa Internet. Kung tutuusin, nakaka-nosebleed ang mga pangalan nila kagaya ng Instagram, Vine, YouTube, Viber, Tumblr, at kung anu-ano pa. Pero sino ba ang mga unang users ng mga ito? Youth. Mismo! Habang binabago ng technology ang paraan kung paano tayo nagko-communicate sa isa’t isa, naiimpluwensiyahan ng mga kabataan ang mundong kanilang ginagalawan. Marami na ring kwento ng pagbabago nang dahil sa paggamit ng mga bagong technologies na ito, kagaya ng kwento ni Jayjay Lizarondo. Noong 2007, hinatak siya ng kapatid niyang pastor sa dumpsite ng Taytay, Rizal. Doon niya nakilala si Mary Rose, isang batang nangangalakal ng basura. Dahil may dala siyang video camera, ininterview niya si Mary Rose at gumawa siya ng isang mini-documentary — tungkol sa hirap ng buhay at ang pangarap na makapag-aral ni Mary Rose. Inupload niya ‘to sa YouTube. Dahil worldwide ang exposure ng video ni Mary Rose, may mga nakapanood ng video na kumontak kay Jayjay at nag-express ng desire na tumulong kay Mary Rose.


Great Power Equals Great Responsibility  17

16  May Powers Ka To Be #SuperEpic

After a few years, graduate na sa College si Mary Rose, at nakapagpatayo na rin sila ng isang munting bahay. Syempre, hindi na rin siya namumulot ng basura sa dumpsite. Si Jayjay naman, itinuloy-tuloy na ang pagtulong sa mga batang kapus-palad. Itinayo na niya ang Helping Overcome Poverty through Education (HOP-E). Simple lang naman ang formula ng project ni Jayjay — isang pusong may desire tumulong, video cam, YouTube, and later, Facebook. Dumami ang taong nakaalam sa mga ginagawa niyang pagtulong. Alam mo bang na-feature na rin siya sa ilang TV programs gaya ng “Ako ang Simula” dahil sa project na nag-umpisa sa video ni Mary Rose?2 Entrepreneurship. Sino ba ang mga producers at users ng mga technologies na ito? Siempre, hindi ang lola mo! Mga kabataan. Kabataan pa lang sina Bill Gates at Steve Jobs nung inumpisahan nila ang kanilang billion-dollar empires. Si Mark Zuckerberg din, nagdrop-out sa college para i-launch ang Facebook. Youth and entrepreneurship are closely related. Ayon sa pinakasikat na online encyclo­ pedia (Wikipedia): “Entrepreneurship is the act Kung gusto mo pang marinig ang kuwento ni Jayjay Lizarondo, please visit http://pinoyyuppie.com/006-reaching-out-to-thepoor/. Accessed 29 June 2014.

2

and art of being an entrepreneur or one who undertakes innovations or introducing new things, finance and business acumen, in an effort to transform innovations into economic goods.” Dahil wala pang major major failures at bad experiences ang mga kabataan, they can easily take risks. With the technologies available now, mas maraming kabataan na nga ang nag-uumpisa ng kanilang mga business projects. Hindi lang naman sa business ang entre­ pren­­­eurship. May tinatawag nang Social Entre­ preneurship kung saan ginagamit ang mga business principles para sa pagtugon sa social needs gaya ng pagbibigay access sa education at pagbibigay ng livelihood assistance sa mga mahihirap nating kababayan. Kagaya na lang ng Dynamic Teen Company ni Efren Peñaflorida at Yellow Boats of Hope ni Jay Jaboneta. Nag-umpisa at lumaki ang kanilang reach nang dahil sa new media technologies at sa paggamit nila ng mga prinsipyo ng entrepreneurship. Kung meron lang tayo nung Geiger Counter3 na gamit ni Goku at Vegeta sa Dragonball Z, ito ang makikita nating Power Stats para sa mga kabataan: Sa mundo ng Dragonball Z, isinusuot sa isang mata ang Geiger Counter upang malaman ang lakas ng kapangyarihan ng ibang mga characters sa Anime series na ito.

3


18  May Powers Ka To Be #SuperEpic

See, may mga available powers pala para sa atin. Lahat ng “ordinary” young people meron ng mga ito. Ang tanong, how are you going to use these powers? Waiting for Your Uncle Ben Moment?

Hindi naman sa kabutihan agad ginamit ni Peter Parker ang pagiging Spider-Man niya. Pagkatapos niyang gawing playground ang mga buildings at bridges ng New York, naisip niyang pagkakitaan ang super powers niya. Sumali siya sa isang wrestling tournament at nanalo. Nung kukunin na niya yung bayad sa kanya, mas mababa ito kaysa sa inaasahan niya.

Great Power Equals Great Responsibility  19

Nagkataon namang may nangholdap sa nag­ pa­pasuweldo ng mga wrestlers. Habang tuma­ takbo papalabas yung holdaper, pwede sana niyang harangin at huliin pero hindi niya ginawa. “It’s none of my business,” sabi niya, tulad ng sinabi din sa kanya nung binababarat siya ng nagpapasweldo. Kaya lang, noong pauwi na siya, nakita niyang nakahandusay si Uncle Ben sa sidewalk dahil binaril nung holdaper. Hinabol niya yung holdaper at paghihigantihan sana. Kaya lang, hindi na nun maibabalik ang buhay ng kanyang tiyuhin. At that moment, na-realize ni Peter ang kahalagahan ng laging sinasambit ni Uncle Ben: “With great power comes great responsibility.” Marami tayong potentials bilang mga kaba­ taan, lalong lalo na ngayong 21st century. Ang tanong, paano natin gagamitin ang mga powers na ito? Mayroon tayong three choices: It’s All About the Money, Money, Money?

Kagaya ni Peter Parker, we can choose to use these powers to make money and improve our lives. There’s nothing wrong with that, lalo na’t marami pa ring mahihirap sa ating bayan. Para sa mga techie, marami nang technology-related jobs dito sa Pilipinas tulad ng call centers, web


20  May Powers Ka To Be #SuperEpic

design, at social media management. Marami na ring mga online freelancers dito sa bansa and they are earning a lot while working at home. The problem is, if we’re just in it for the money, we miss the purpose of what we’re doing, and we miss the chance to become a part of something bigger than ourselves. Enjoy-enjoy Lang?

Sometimes, we don’t choose this “enjoy lang” path intentionally. Alam mo yung thinking na “bata pa naman ako, I’ll do something serious when I grow older?” Yun ang naiisip natin. Mabilis lang lumipas ang panahon — You spend 5 years in High School, another 4 years in College o kaya minsan 5 years or 10 years. And then, the working years start. Magkakaroon ka na ng Money and you still have Energy, but it will be challenging to schedule the other things you really want to do. Walang masama sa pag-eenjoyenjoy, but then again, gaya ng sabi ng lola ko: “Lahat ng sobra, masama.” May tendency pa man din tayong mga kabataan na sumobra sa pageenjoy: ng boyfriend-girlfriend relationships; ng computer games gaya ng DOTA, Counter Strike, at Candy Crush; at ng bonding time with the barkada. At pag nasobrahan natin ang pag-

Great Power Equals Great Responsibility  21

eenjoy-enjoy, we neglect the important things in our lives, gaya ng pagligo, pagkain sa tamang oras, at pag-aaral nang mabuti. Be #SuperEpic!

Mababa ang expectations sa maraming kabataan ngayon. Ang mga kabataan daw, mababa ang attention span; hindi nagbabasa ng libro; interested lang mainly sa showbiz; laging kasama ang cellphone ka-text ang kung sinu-sino; babad sa Internet dahil nanonood ng kung anu-ano. In short, ordinary. In some places sa Metro Manila at sa mga probinsiya, ang expectation sa mga kabataan ay ang mabuntis o makabuntis nang maaga, mag-drop out sa college, o ‘di kaya ay maging dependent sa mga magulang. Oo, marami kang potentials bilang kabataan, pero kung hindi mo gagamitin ang mga potentials mo, mawawalan lang ng kwenta ang mga iyan at pati ikaw ay magiging walang silbi. Be #SuperEpic! Huwag ka nang maghintay ng Uncle Ben moment mo. Galaw-galaw habang may time. May reminder sa atin ang Bible: You who are young, make the most of your youth. Relish your youthful vigor. Follow the impulses of your heart. If something looks good to you, pursue it.


22  May Powers Ka To Be #SuperEpic But know also that not just anything goes; You have to answer to God for every last bit of it. Live footloose and fancy-free—You won’t be young forever. Youth lasts about as long as smoke.4

Habang bata ka, make a difference. Put something extra into your ordinary life. Use your talents and skills for yourself and your family. Then put more extra — ialay ang sarili para sa bayan at para sa ibang tao. Transcend yourself and connect to a higher purpose. Feeling mo pa rin ba ordinary ka? Huwag kang mag-alala, you can prepare yourself for action.

Ecclesiastes 11:9-10, The Message

4


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.