Minex Newsletter Project Enero - Marso, 2014

Page 1

Tres sa Trese

Editoryal: GS sa Tumaga

Pahina 3

Tomo III Blg 2

Pahina 4

K to 12

Club: CCA

Pahina 5

Pahina 6

Punlaan 16

Hayskul Bukol

Pahina 8

Inilathala ng mga Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga

Pahina 10

Enero - Marso 2014

3 PAMUMUNO SA HAYSKUL 2014

I

SANG pambihir ang pambihirang pagkakataon par a sa para M ataas na P aar alan ng Paar aaralan Pamantasang A teneo de Ateneo Zamboanga ang taong 2014. Sa taong ito tatlong ito,, punonggur o ang uupo nang punongguro magkakasunod. Ipinahayag ni Fr. Karel S. San Juan, SJ, Pangulo ng pamantasan na simula Agosto nitong taon ay may uupo nang bagong punongguro para sa hayskul. Si Fr. Stephen T. Abuan, SJ ang manunungkulan bilang punongguro ng ADZU HS hanggang sa itatakdang panahon. Papalitan niya si G. Conrado Z. Balatbat na magtatapos ang termino nitong katapusan ng Marso dahil muli niyang babalikan ang dating tanggapang kanyang pinamumunuan bilang Direktor ng College Admissions and Aid. PINANGUNAHAN nina Fatima Sherraine J. Juaini at Gilson Andre’ M. Narciso ang 272 iba pang nagtapos na mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga sa 78th Commencement Exercises na may temang “100 Years and Beyond” noong ika-21 ng Marso sa Fr. William H. Kreutz SJ Campus, Tumaga. Ala-una ng hapon sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng misa o baccalaureate mass at sumunod ang graduation rites sa ganap na alas-3. Hindi mawawala sa araw ng pagtatapos ang pagmamartsa. Nagsimula ang prosesyunal sa ganap alas-3 ng hapon. Ang lahat ay nakaabang at hindi nawala ang mga ngiti sa mga mukha ng mga magtatapos suot ang kanilang magaganda’t kapitapitagang barong. Mula sa kantin ay isa-isang nagmartsa ang mga mag-aaral. Sinundan ito ng matataas na kawani ng paaralan at ng mga guro. Ang invocation ay pinangunahan nina Debra Ann M. Ponce at Ir-Shad M. Jaujohn. Sinundan ito ng pagkanta ng pambansang awit at Zamboanga Hermosa. Si Gilson Andre’ M. Narciso, ang class salutatorian ay nagbigay ng kanyang welcome remarks. Naging makabuluhan ang Presentation of Candidates for Graduation ni G. Conrado Z. Balatbat, punongguro ng mataas na paaralan, kay Rev. Fr. Karel S. San Juan, SJ, Pangulo ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga. Para sa pagtatapos ngayong taon ay naimbitahan si Dr. Melchor Alan Lim Siriban bilang Guest Speaker. Isa siyang doktor at ang kanyang espesyalisasyon

ni Ciara Mae F. Obillo

Tatlong magkakasunod na punongguro ng Mataas na Paaralan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga sa taong 2014: G.. Conrado Z. Balatbat, Bb. Rosie M. Hong at Fr. Stephen T. Abuan, SJ. (Animo Agila, adzu.edu) Si Fr. Abuan ay itinalaga ng Board of Trustees ng ADZU bilang punongguro sa hayskul noong ika-22 ng Pebrero nitong taon. Dati nang namuno bilang punongguro si Fr. Abuan sa Ateneo de Cagayan o Xavier University High School at

nagturo ng matematika. Kasalukuyan siyang nasa Estados Unidos dahil tinatapos niya ang kanyang digri sa Masters in Catholic Educational Leadership sa University of San Francisco. Matatandaang sinalo ni

Ginoong Balatbat bilang Officer-in-Charge ang pamumuno sa hayskul noong Setyembre 2012 matapos magbitiw ng dating punongguro na si Bb. Janet A. Fernandez. Sa taong panuruan 2013-2014, nanatili sa hayskul si Ginoong Balatbat

Juaini, Narciso nanguna sa pagtatapos ni Sitti Amina A. Lajarato

ay Internal Medicine. Isa rin siyang Rheumatologist. Nabanggit niya na mahilig siya gumawa ng pananaliksik tungkol sa kahit ano kung kaya’t naikwento niya rin ang tungkol sa kanyang relihiyon. Lumaki siyang hindi sigurado sa kanyang relihiyon kung kaya’t napag-isipan niyang gumawa ng research tungkol dito. Malaki ang naging bahagi ng Ateneo de Zamboanga sa paghulma sa kanya. Hindi raw nasayang ang pagturo sa kanya ng mga leksyon sa Religion subject dahil nagamit niya ang mga ito sa kanyang interes. Naaalala raw niya ang sinasabi ni Binibining Hong sa kanilang klase na: “There is no right or wrong answer. What’s important is you participate.” Isa rin sa mga sinabi ni Dr. Siriban na tumatak sa isipan at puso na mga magtatapos ay “Do

not be merely spectators of the adventure of your own lives.” Si Juaini ang unang babaeng valedictorian matapos ang tatlong taong magkakasunod na lalake ang valedictorian. Kay Juaini rin iginawad ang Departmental Award para sa mga asignaturang Science and Technology, Social Studies at Technology and Livelihood Education. Iginawad din sa kanya ang Ecumenical Award bilang magaaral na hindi Katoliko na nakatamo ng may pinakamataas na marka sa Christian Life Education. Si Debra Ann M. Ponce naman ang first honarable mention. Iginawad sa kanya ang English at CLE departmental awards at ang prestihiyosong Alfonso Yuchengco National Discipline Award. Second honorable mention si Anysia Mari

B. Antatico at sa kanya iginawad ang Mathematics departmental award. Ang punong patnugot ng La Liga na si Ciara Mae F. Obillo ay ang third honorable mention at iginawad din sa kanya ang Filipino departmental award. Kay Obillo iginawad ang prestihiyosong Gerry Roxas Leadership Award. Si Jamie Angel D. Hernando naman ang fourth honorable mention at si Rizza Angelie L. Fernandez ang fifth honorable mention. Sila naman ang mga ginawaran ng honorable mention - Dominic Ma. Andrew G. Camins, Ir-shad M. Jaujohn, Lea C. Alejandro, Karicia Ella M. Cabrera, Sofiya A. Salim at Vanessa Jane P. Vicete. Nakakapanindig balahibo naman ang mga pahayag ni Juaini para sa kanyang Valedictory

ngunit bilang punongguro na. Marami siyang naitaguyod bilang punongguro sa hayskul kahit na maikling panahon lamang ang kanyang ginugol, karamihan ay sa aspekto ng pamumuno, sistema, pagtuturo at ang madalas niyang pinaaalala – ang pag-uugali. Sa pag-alis ni Ginoong Balatbat, si Bb. Rosie M. Hong, kasalukuyang ikalawang punongguro, ang mamumuno bilang Officer-in-Charge simula Abril 01 hanggang Hulyo 31. Si Binibining Hong ay dati nang nanungkulan bilang punongguro sa pagitan ng 2007-2010, kapalit ng dating punongguro na si G. Oscar Carzada. Nagsilbi rin siya bilang puno ng Kagawaran ng Araling Panlipunan si Binibining Hong bago naitalaga sa higit na matataas na tungkulin. Address:“Four years of quizzes, 48 months of homework, 1,460 days of projects, 35,040 hours of friendship and love, 2,102,400 minutes of memories, and 126,144,000 seconds of high school - this is our story.” Napakabilis ng panahon, ang noo’y mga inosente lamang ay ngayon buong tao na at handa nang harapin ang mga bagong tatahakin. Ang lahat ng nakamit ng mga magtatapos ay hindi imposible kung hindi dahil sa mga taong laging nandyan upang gumabay at patuloy na sumusuporta. Pinasalamatan ni Juaini ang lahat ng tao na naging parte ng tagumpay na nakamit niya at ng mga magtatapos. Sa Panginoon ay inialay niya ang diploma at mga parangal na kanyang natanggap. Ito ay representasyon ng pasasalamat at pangako na ipagpapatuloy ng mga mag-aaral ang pagsasabuhay ng Ateneo values. Pinasalamatan rin niya ang mga tao sa likod ng Ateneo de Zamboanga, ang mga guro, administrador, security personnel at maintenance personnel. Labis din pinasalamatan ni Juaini ang mga magulang na walang sawa sa pagmamahal at pagaaruga. Pinasalamatan din niya ang kanyang kapwa magtatapos para sa apat na taon ng makabuluang alaala sa hayskul. Sa wakas ng kanyang talumpati ay binanggit niya na huwag kakalimutan ang huling mga linya sa school’s vision and mission — “Pro Deo et Patria, in the service of God and country.” Sa loob ng tatlong taon ngayon mahigit 98% ang graduating rate ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon. Huli hanggang ngayon ang 100% noong 2012.


2

Ang Opisyal na Pangmag-aaral na Pamahayagan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga

Enero - Marso 2014

Kaliwa papuntang kanan: Si Fr. Albert Alejo SJ, panauhing pandangal; batch picture ng ACJC2. (ACJC File, Joshua Vargas) SA PANGUNGUNA ng La Liga Atenista at Blue Eagle Publications ng Mataas na Paaralan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga, binuksan sa pamamagitan ng isang programa ang ikalawang Ateneo Campus Journalism Camp (ACJC 2) sa Fr.William H. Kreutz SJ Campus, Tumaga, Zamboanga City, umaga ng ika-6 Setyembre na may temang “ACJC 2: Journalism Beyond School Borders.” Nilahukan ng higit kumulang 160 na mag-aaral buhat sa iba’t ibang lugar ng Region ang tatlong araw na camp. Ang palatuntunan ay pinamunuan ni Airon Paul

ACJC 2: Matagumpay na itinaguyod ni Lea C. Alejandro Canizares, isang manunulat ng La Liga Atenista. Sinimulan ang palatuntunan sa isang panalangin na pinamunuan nina Alessi Chloie T. Alvarez, Associate Editor-in-Chief ng Blue Eagle Publications at Datu Amir Wagas ng BEP. Sinundan ito ng pambansang awit sa pangunguna ni Justine Frances C. Cabalay, miyembro ng La Liga Atenista. Sumunod ang pagbibigay ng pambungad na salita ni G. Conrado Z. Balatbat,

punongguro ng ADZU HS. Ipinakilala ni Cheska Glorianne B. Folgo, Feature Editor ng Blue Eagle Publications, ang keynote speaker ng camp – si Fr. Albert Alejo. Siya ay tumatayong Director ng Social Development Office ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga. Hinimok niya ang mga batang mamamahayag na huwag magsulat ng rubbish o walang kwenta. Idiniin din niya na hindi porke’t nalathala na ang isang diyaryo ay ito na ang

totoo. “To be a responsible writer, be a critical reader,” saad pa ni Fr. Alejo. Sumunod ay nanumpa ang lahat ng kalahok sa pangunguna ng punong patnugot ng LLA at BEP na sina Ciara Mae F. Obillo at Florence Lae B. Teh. Ipinaliwanag naman ni Bryle Matthew Bacatan ng BEP ang mga panuntunan para sa kabuuang ACJC 2. Sinasabing inaasahan na maging matagumpay at masaya ang pangalawang ACJC dahil sa mga

Pagtangkilik, Speech Fest 2014 ni Robert Aldwin L. Fernandez ANG DEPARTAMENTONG English ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga, Mataas na Paaralan ay itangkilik ang Speech Fest 2014, noong nakaraang ika-28 ng Pebrero, na ginanap sa lobby ng Fr. William H. Kreutz SJ Campus. Ang palatuntunang ito ay naghahangad na mas mapalaganap ang mga abilidad ng mga estudyante sa pagsasalita ng wikang Ingles. Mga abilidad tulad ng Extemporaneous Speaking at Speech Choir. Nakilahok ang iba’t ibang mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang at taon sa pag-diwang ng Speech Fest. Nakilahok ang Grade 7 sa Extemporaneous Speaking at sa Declamation, ang Grade 8 naman ay nakilahok sa Extemporaneous Speaking, sa Elocution at sa Speech Choir. Dumako naman tayo sa mga Juniors at Seniors, ang 3rd Year ay naging parte rin ng Extemporaneous Speaking, sa kabilang banda ang mga 4th year naman ay

Isang eksena sa pagtatanghal ng “We Shall Rise” ng 4 St. Edmund Arrowsmith, ikalawang pwesto sa patimpalak sa Speech Choir sa Ikaapat na Taon. (Kuha ni Amir Napii) lumahok din sa Extemporaneous Speaking at Speech Choir. Sa Extemporaneous Speaking ay may dalawang bahagi, isang parte na nakipagtagisan ng mga salita ang mga magaaral na nabibilang sa Grade 7 at sa Grade 8, at sa pangalawang parte naman nakipagtagisan ang 3rd Year at 4th Year. Sa unang bahagi, ang mga nagwagi ay sina

Hans Xavier Wong ng 8-St. Ignatius of Loyola bilang Champion; John Louize F. Guban ng 8-St. Ignatius of Loyola bilang 1st Runnerup; at Gerald Ace Wee ng 7-St. Francis Xavier. At sa huling parte ang mga nanalo ay sina Rizza Angelie L. Fernandez ng IV– St. Edmund Arrowsmith na nagtamo ng unang puwesto. Samantalang sina Jude Sarah Nur C. Balala ng III– St.

Claude Colombiere at Fatima Sherraine J. Juaini bilang ikalawa at ikatlong puwesto. Sa Declamation naman nanalo si Jonahue Potenciano ng 7-St. Francis Xavier bilang Champion. Dumako tayo sa nagwagi sa Elocution, itinanghal na kampyeon si Alma Bianca C. Sakandal ng 8– St. Ignatius of Loyola. Sa Speech Choir ng mga Grade 8 nanalo ang 8-St. Stanislaus Kostka bilang Champion; 8-St. Ignatius of Loyola bilang 1st Runner-up, at St. Thomas Garnet bilang 2nd Runner-Up gamit ang piyesang “Oh Zamboanga”. Sa Speech Choir ng 4th Year panalo ang 4-St. Robert Bellarmine-Champion; 4St. Edmund Arrowsmith2nd Place; 4-St. John Francis Regis-3rd Place gamit ang piyesang “We Shall Rise.” Sa huling bahagi ng palatuntunan ay nagpakitanggilas ang Ateneo Debate Congress at pinakita ang paraan ng pagdedebate.

Makulay at Malikhain sa EDSA ni Karicia Ella M. Cabrera SA ILALIM ng napakainit at napakaliwanag na sinag ng araw ay nakayukong gumuhit na nakangiti at nagtawanan ang mga estudyante ng Ateneo Hayskul sa may backfield ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga. Bakit nga ba? Ika-21 ng Pebrero 2014 sa Fr. Eusebio Salvador Campus, nagdaos ng isang

aktibidad ang Ateneo de Zamboanga University at Social Action upang gunitain ang dalawampu’t walong anibersaryo ng EDSA People Power na ginanap noong ika-25 ng Pebrero 2014 na may temang “Kapit-Bisig Tungo sa Pagbangon”. Upang mas pagtibayin at pahalagahan ang pagdiriwang ng aniber-

saryo, ang mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon ay siyang nakilahok sa paggawa ng isang makabago at malikhaing disenyo na sumasalamin sa kasaysayan, tema at kabuuan ng EDSA. Ilan sa mga disenyo na matatagpuan ay ang tanyag na dilaw na ribbon , makulay at malaking salita na Pilipinas, peace sign at

malaking guhit na puso na may mga letrang “PH” sa gitna. Kasama rin sa aktibidad ay ang isang maikling video shoot kung saan ang bawat seksyon ng ikaapat na taon ay kinakailangan makabuo ng kanilang sariling line statement na nagpapahiwatig ng kanilang kuro-kuro ukol sa EDSA.

pagbabagong isinagawa bunga ng una nitong paghohost ng ganitong uri ng pagsasanay para sa mas epektibo at responsableng pamamahayag. Sa taong ito ng pagtaguyod ng ACJC, naging malaki ang papel na ginampanan ng mga pamunuan ng LLA at BEP dahil sila ang nagpasimuno sa maraming tungkulin tulad ng rehistrasyon, gawaing logistikal at kabuuang daloy ng camp. Nagsagawa ng kanikanilang mga pahayagan

ang mga pinagsamasamang mag-aaral mula sa magkakaibang paaralan. Nilaman ng kanilang mga pahayagan ang pagbukas ng ACJC2, iba’t ibang sesyon-lektyur, exhibition basketball game at soccer, pagtatanghal ng Punlaan, Coro Condordia de Aguilas, Ateneo High School Dance Troupe, Acoustic Band at City Tour. Si G. Francis Rodolfo M. Marcial Jr., gurong tagapatnubay ng LLA katuwang nina Bb. Dane Lane Ramillano at Cindy Espinosa pawang mga tagapatnubay ng LLA at BEP ang namuno sa kabuuang pagtaguyod ng ACJC2.

Ponce at Toribio, Pinarangalang ‘Bagong Rizal’ ni Lea C. Alejandro ISANG karangalan ang iniuwi ni Debra Ann Ponce at Adriel Earl Toribio nang masungkit nila ang prestiyosong Bagong Rizal: Pag-asa ng Bayan 2013. Ang paggawad ng karangalan ay dinaos sa Intramuros, Maynila noong ika-24 ng Nobyembre, 2013. Sila, kasama ng 15 iba pang mga nominado mula sa buong bansa ay napasailalim sa iba-ibang mga screening process at interview. Dito malalaman ang kanilang mga kakayahan sa iba’t ibang larangan at kung sino ang nararapat na tatawaging Bagong Rizal. Ang Bagong Rizal ay isang prestiyosong award na iginagawad sa kabataan na nagpakita

ng kagila-gilalas na kakayahan sa iba’t ibang larangan ng karunungan bilang isang tunay na pinuno. Sila rin ay nabibilang sa unang limang porsyento ng kanilang klase at kilala sa kanilang natatanging kakayahan at talento. Ang karangalang ito ay iginagawad ng Philippine Center for Gifted Education o PCGE sa pangunguna ni Dr. Leticia-Ho. Ito ang institusyong nagpapakilala ng mga natatanging mga kabataan, institusyon at indibidual. Binibigyang-pansin rin ng PCGE ang mga local na selebrasyon ng ating bansa bilang pagpapakilala sa ating mga bayani tulad ni Dr. Jose Rizal.


Enero - Marso 2014

Ang Opisyal na Pangmag-aaral na Pamahayagan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga

3

TRES SA TRESE: ANG 2013, ANG MNLF, ANG LINDOL AT SI YOLANDA ni Karicia Ella M. Cabrera ISANG paniniwala na malas ang bilang na 13. H indi Hindi ito totoo sa lahat ng aspekto ung totoo ito aspekto.. K Kung ito,, bakit shootsa-banga ang ating mga kalahok sa lahat ng beauty pageant ? B akit namayagpag ang mga mang-aawit na Bakit Pilipino na IInter nter national C ompetition in P er for ming nternational Competition Per erfor forming Ar ts? S umikat ang kantang “Let it go Arts? Sumikat go”” buhat sa animated-film na F Frrozen? Tunay na isang opisina, establishments, at makabuluhang taon sa mahigit ang eskwelahan ay kasaysayan ng Pilipinas nasira at nilisan. Ni walang ang 2013. Sa taong isang sasakyan, estudyante umalingasaw ang kabulu- at residente ang naglakbay, kan ng Priority Develop- pumasok at naglakad ment Assistance Fund o bunga ng takot sa maaaring PDAF, walang kamatayang pagkadawit sa gulo. Sariusapin sa pangungurakot saring diskarte ng mga sa gobyerno. Kung siguro residente upang malagisang engkanto si Janet pasan ang karahasan; ang Lim-Napoles kasama ng iba ay nagkulong na kanyang mga kampon ay lamang sa kanilang mga sapat na si Juan dela Cruz o bahay kasama ang kanikaya’t ang Indio upang kanilang mga pamilya o malutas ng problema. O lumuwas sa ibang lugar kaya’y kung nasaksihan ni upang makalayo sa gulo sa Honesto ang lahat, baka pangamba sa paglala nito. isang Sitio Katapatan ang Maraming nagpalagay na kailangan. sa loob ng isang araw ay Ngunit higit pa sa malulutas ito tulad noong PDAF o punchline ni nangyari sa Kabatangan Miriam Defensor-Santiago noong 2001. Ngunit o kilig na hatid ng pag- nagkamali ang karamihan. hubad ni Daniel Padilla sa Halos isang buwan ng G2B o Atimonan, Quezon bakbakan, sunod-sunod na massacre ang 2013. putok ng baril at magTatlong karanasan ang wawakas sandali sa isang pinakatumatak hindi la- malakas na pagsabog. mang sa kasaysayan ng Nakansela ang pasok Pilipinas kundi pati ng sa lahat ng paaralan at mundo. Lahat ay nagsi- maraming opisina. Panic mula noong Setyembre. buying sa iba’t ibang MNLF: B akbakan sa Bakbakan tindahan. Bihira nang Sety embr e etyembr embre makarating sa mga tinBuhat ng ika-9 ng dahan ang mga sardinas Setyembre, naging sentro dahil idinidiretso na sa mga ng balita ang Lungsod ng relief operation station . Zamboanga. Sa loob ng Nagpadala ng malalaking mahigit tatlong linggo ang trak ang local na pamalungsod ay nabalot nang halaan ng Sibugay upang malalakas na putukan, hakutin ang kanilang mga ingay ng helicopter, na- mamamayan at nang ilayo kakalat na mga sunda- sa kaguluhan. Check-point lo,nakakakabang pag-uulat kung saan-saan. Malalang mga radio station at king sunog. Nagsidatingan madugong bakbakan sa ang mga sundalo at navy pagitan ng mga militar at mula Cagayan de Oro, ng miyembro ng MNLF. Pagadian, Iligan, Cebu, Buhat ng ‘di maka- Iloilo at Bacolod. taong karahasan ang siLahat ng ito ay dahil sa yang nag-udyok sa masa- paglusob ng grupong Moro limuot na sugat na hindi National Liberation Front lamang sa lungsod kundi sa ( M N L F ) . M a r a m i n g mga mamamayang nasa- mamamayan ang nadasakupan nito. Ang dating may- matanda o bata, masigla at buhay-buhay na lalake o babae, estudyante Zamboanga na kinagi- o hindi. Dahil sa karagiliwan ay siya nang hasang idinulot nila makinakatakutan ngayon. rami ang lubhang naapektuhan lalo na ang mga Ano ang nangyari? Pampublikong pasya- estudyante. Higit sa lahat, higit na lan, simbahan o mosque,

naaapektuhan ang maraming resindente na nilisan ang kanilang mga tirahan na napabilang sa war zone o ground zero kung tawagin. Umabot sa mahigit 100,000 residente ang lumikas at nagtiis ng kalagayan sa mga evacuation area . Nagmistulang ghost town ang mga baranggay Rio Hondo, Mampang, Arena Blanco, Talon-Talon, Kasanyangan, Mariki at ilang bahagi ng Tugbungan. May mga nagsibenta ng kanilang mga ari-arian at tuluyan nang umalis sa lungsod. May mga kanya-kanyang paraan ng pagiging alerto. Nagpatupad ng curfew hours sa pagitan ng alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga. Hindi naman natuwa ang mga mag-aaral sa halos dalawang buwang bakasyon lalo na sa Ateneo de Zamboanga. Dinumog ng maraming mag-aaral (hindi lahat) ang laman ng e-class dahil dito nila nakukuha ang mga alternative instruction mula sa kanilang mga guro. Maliban kasi sa nangyaring kaguluhan, talamak na ang mga insidente ng mga binabaril na hindi natatapos ng isang araw na walang namamatay. Sinabi ni Maxine Estrele Soliven ng 4 St. Pongracz, “My heart aches for Zamboanga City as it has been through so much because of the siege. They have also taken away 2 months from my highschool life that I can never get back. What they did to us was so wrong; it is so unfair that the people of Zamboanga cannot be safe in their own homes.” Oktubr e: Lindol sa ktubre: Gitnang Visayas Martes, ika-15 ng Oktubre, holiday. Niyanig ng 7.2 magnitude na lindol ang Gitnang Visayas partikular ang Bohol at Cebu. Inihalintulad ang lindol sa pagbagsak ng atomic bomb sa Hiroshima, Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naganap ang isang

Patunay ng hagupit ng bagyong Yolanda sa Tacloban. (Larawan mula sa Mindanao Examiner)

Mga Zamboangueñong lumikas dahil sa giyera.(Larawan mula sa Mindanao Examiner) pangyayari nagpabago sa takbo ng buhay ng mga mamamayan sa Bohol, Cebu at iba pang parte ng Visayas na kung saan nawasak ang kanilang buhay , ari-arian at kabuhayan. Marami ang nasiraan ng bahay, nawalan ng minamahal at nawalan ng mga simbahan na kanilang pinapahalagahan. Sunod-sunod na matitinding aftershocks ang naramdaman na patuloy na naghahasik ng pangamba at takot sa mga residente. Dito naman nabaling ang atensyon ng media, ng pamahalaan, ng mapagmalasakit na mga Pilipino at mga dayuhan. Hindi pa nga nareresolba ang kaguluhan sa Zamboanga ay may panibagong dagok para sa bansa. Tila kahit sa ano mang bigat na kanilang pinagdadaanan, hindi nawalan ng pag-asa ang mga Boholano at Cebuano. Kahit nawalan at nawasak ang mga simbahan na kanilang iniingatan, nanaig pa rin ang kanilang pagiging maka-Diyos. Sa panahong ito, ang tanging sandalan at kaagapay ay mismo ang kanilang mga sarili, pamilya at ang nasa itaas. Hindi man ganap na naapektuhan ang mga nasa ibang lugar ngunit ang mga dasal at pagmamahal ay siyang naipapakita sa iba’t ibang paraan: donasyon ng pagkain, damit at salapi. Datapwat, ang kabataan muli ay may pakinabang at muling naapektuhan sa pangyayaring ito. Marahil ang ibang mga estudyante ay nababahala dahil sa may kaibigan, kairog o kapamilya na nasa lugar na iyon. Ganunpaman ang kabataang din mula sa iba’t ibang panig ng bansa ay kumilos upang makaambag sa paghupa ng dalamhati. “Ipinakita lamang na kahit sa panahon ng sakuna ay walang makatitinag sa bayanihan ng mga Pilipino,” pahayag ni Pauline Bea ng 4 St. Arrowsmith. Nabanggit naman ni Bryle Matthew Bacatan ng 4 St. Arrowsmith na “It is one of the greatest turning points for people to have faith and

to boost people to do practice bayanihan to their race.” Kumatok noong Nob yembr e si Yolanda oby embre Kakaiba nga talaga ang hagupit ng Bagyong Yolanda. Ang Bagyong Haiyan o mas kilala bilang Bagyong Yolanda ay tinaguriang siyang pinakamalakas na bagyong naitala sa tanang kasaysayan ng mundo. Kakaibang paghahanda naman ang ginawa ng pamahalaan. Inalerto ang buong bansa sa raragasang bagyo. Halos nagsipaghanda ang lahat. Bumalik sa alaala ang Ondoy, Sendong at Pablo. Ngunit kompiyansa naman ang pamahalaan na zero casualty dahil matindi ang kanilang paghahanda. Kung saan-saan nanggagaling ang balitang humarurot na ang bagyo. May kanya-kanyang update ang media. Hanggang sa nawalan ng koneksyon at nawalan ng kuryente hanggang sa hindi na makontak ang mga nasa lugar. Kinabukasan, umalingasaw ang pinakamalaki at pinakamasaklap na balita. Ang pinakamalaking trahedya ng mundo sa taong 2013 – nilimas ng bagyong Yolanda ang buhay, kabuhayan at alaala ng marami. Matindi man ang paghahanda sa panig ng pamahalaan at mga mamamayan ngunit hindi nila alintana na hindi nila natapatan ang tindi ng bagyong Yolanda. Mabibigat na hampas ng alon, malalakas na sipol ng hangin, madulas na daanan at nagbabasakan na mga puno, linya ng mga poste at karatula sa gilidgilid ang siyang nakaharap ng mga Pilipino sa pagbagsak ng bagyo. Marami ang nasawi at nadamay sa hagupit ng bagyo. Marami ang nawalan ng tirahan. Marami ang nawalan ng mahal sa buhay at ng mga ari-arian. Ang kalungkutan ay hindi lamang nadama sa Samar at Leyte kundi sa buong mundo. At ang kabayanihan ay muling umusbong lalo na sa sitwasyon tulad nito. Si Atom Araullo, siya ay isang magiting na tagaulat

na ipinaubaya ang kanyang kaligtasan upang ibalita ang kalagayan ng mga residente. Tulad niya, ang kabataan din ay may na-gawang kabutihan; hindi man agad sa gawa kundi kahit sa pagiging mulat sa pangyayari. Maaalala raw ng mga Pilipino ang Yolanda sa opinyon ni Ir-shad Jaujohn, “Ang bagyong Yolanda ay tatatak sa isipan ng mga Pilipino. Ang hagupit ng bagyong ito ay nagdulot ng mga masamang alaala. Pero, huwag nating kalimutan na ang bawat bagay ay may dahilan. Sa tingin ko ang dahilan ng bagyong ito ay upang buksan ang mga mata ng tao na ang mga masamang gawain ng tao ay babalik din sa kanila.” Nagdagdag si Richie Sabac, “Halo-halo ang aking naramdaman. Sa umpisa parang wala lang dahil sa ang mga bagyo ay natural na nangyayari subalit nang ito ay tumagal, dahan-dahan akong nalungkot at kinabahan sa balitang naririnig sa pagkasawi ng marami dahil sa marami kaming kakilala na nakatira sa lugar na nasalanta ng bagyo.” Miss IInter nter national 2013: nternational Bea R ose S antiago Rose Santiago Pasan ng korona ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago ang katatagan ng mga Pilipino at kabutihang-loob ng mga dayuhan sa mga kalunoslunos na pangyayari sa Pilipinas. Nang tinanong siya: “What I would do if I become Miss International?” Sinabi niyang: “The whole world saw how my country suffered. One by one, other countries helped. You have opened my heart and eyes on what we can do to help each other. I will work to sustain the spirit of sympathy and spirit of hope. As long as we work together, there is hope.” Sinalamin ni Bea Rose ang kabutihang-loob ng sangkatauhan sa kanyang magandang sagot – sagot na lumikha ng kulay ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagbangon.


4

Ang Opisyal na Pangmag-aaral na Pamahayagan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga

Enero - Marso 2014

OPINYON Editoryal Ang Paglipat ng Grade School sa Tumaga SA SUSUNOD na taong panuruan ay inaasahan nang ililipat ang Kreutz Campus ang klase ng Mababang Paaralan ng Ateneo. Batid na ito ng marami. Ang paggawa ng mga istruktura na gagamitin ng mga estudyante at mga guro ng Grade School ay minamadali na. Hindi kalaunan ay magkakasama na sa isang lugar ang Grade School at High School, samantalang kolehiyo na lamang ang nasa La Purisima. Dahil nga sa paglipat na ito ay marami ang nagulat, nainis, at nadismaya, at karamihan sa mga ito ay mga magulang ng mga estudyante. Marami ang hindi sangayon sa paglilipat sa Tumaga dahil sa sumusunod na dahilan. Una. Mahigit kumulang na isang libo ang estudyante ng pamantasan ng Ateneo de Zamboanga University hayskul kung kaya’t hindi kwestionable ang trapiko na nararanasan ng mga residente ng Tumaga. Marami ang nainis sa paglipat ng Grade School sa Tumaga dahil nga ibig sabihin nito ay daragdag din ang dami ng sasakyan na maghahatid at susundo sa mga estudyante, na ang ibig sabihin ay mas bibigat ang daloy ng trapiko. Ngayon pa lamang ay kumakati na ang ulo ng mga magulang ng mga estudyante sa hayskul at elementarya sapagkat hindi biro ang makipaglaban sa trapiko lalo na kapag may trabaho. Pangalawa. Dahil nga sa bibigat ang trapiko sa Tumaga ay apektado rin pati ang mga estudyante at guro ng hayskul. Kailangan din nilang mag-adjust upang makaiwas na maipit sa trapiko. Pati ang paglilibot sa Tumaga campus ay apektado na rin sapagkat hindi na pwedeng basta na lamang maglibot dahil nga sa may mga sasakyan na susundo sa mga estudyante ng Grade School at maaring maging sagabal lamang ang mga estudyanteng naglalakad. Panghuli. Maraming nanay na nagbabalak na ipasok ang kanilang mga anak sa Ateneo Grade School na nadismaya. Bukod sa mabigat na trapiko ay malayo din ang Tumaga, at nag-aalala ang mga ito na baka kung mayroong pangyayaring hindi inaasahan ay hindi nila kaagad mapuntahan ang kanilang mga anak. Katunayan, ang ibang mga magulang ay nagdesisyon na huwag na lang ipasok ang anak sa Ateneo sa susunod na pasukan dahil nga malayo na ito sa syudad, at malayo sa kanila. Hindi biro ang distansya ng Tumaga sa syudad at hindi rin biro ang daang papunta dito. Marami mang reklamo at sigalot na naidudulot ng paglipat ng Grade School sa Tumaga, ganunpaman ay dapat nating irespeto ang desisyon ng mga nasa katungkulan na ilipat ang Grade School. Hindi naman din siguro sila magdedesisyon nang hindi tinitingnan ang magiging epekto nito bagkus ay sinisiguro nila ang pag-usbong ng magagandang resulta ng paglilipat. Hindi magiging madali ang paglipat sa mga estudyante ng elementarya, ganoon din naman nang lumipat ang hayskul. Ngunit may magandang hangarin ang paglipat na ito kung kaya’t dapat natin itong irespeto at upang makaiwas sa pangunahing suliranin na trapiko ay dapat magising nang maaga. Sabi nga nila, “kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan.” Maraming paraan upang makaadjust sa bagong lokasyon ng Grade School kung kaya’t dapat nating alamin ang maari nating magawa para dito.

La Liga Atenista Pamunuang Pampahayagan Ciara Mae F. Obillo, Punong Patnugot Anysia Mari B. Antatico, Katuwang na Patnugot Karicia Ella M. Cabrera, Punong Tagapangasiwa Daniella Marie V. Atilano, Katuwang na Tagapangasiwa Lea C. Alejandro, Patnugot Pambalita Coniely Mhar P. Himor, Patnugot Panlathalain Kenny C. Dacuba, Patnugot Pampalakasan Munaira Indangoh I. Hadjirul, Punong Potograper Patrisha Tara P. Ignacio, Katuwang na Potograper Juvi M. Serag, Punong Karikaturista Trisha A. Lledo, Katuwang na Karikaturista Keyna Margarethe N. Cajeras, Punong Debuhista Sofia B. Neri, Katuwang na Debuhista Iba pang Manunulat Laiza April P. Achico · Putli Monaira P. Amilbangsa Zulaikha A.Bara•Amielle Jasmine S. Barre Anne Louise R. Falcasantos•Janella A. Jalal•Aifle R. Jorolan Allen Rafie T. Najar•Jose Gabriel U. Petate Clauren B. Ramirez•Gerald Ace B. Wee Iba pang Potograper Kathleen Mae T. Bucao · Justine Frances C. Cabalay J. Aaron C. Cabayacruz · Munayda I. Hadjirul · Noha T. Hannan Maureen Jeanne E. Legaspi · Shellah Hannah J. Salih Iba pang Karikaturista Xiejann Paul C. Agraviador · Abegail C. Dayrit · Mariella T. Dela Rosa Marvie R. Dela Torre · Kim Emerson G. Faustino Kayelle Anne Rose D. Lim · Ezekiel Kim E. Quimson Abdurahim I. Yasin Mga Gurong Tagapatnubay G. Francis Rodolfo M. Marcial Jr. Bb. Dane Lane V. Ramillano Konsultant Gng. Pamela A. Carmelotes

Nasaan na ang mga Atenista? (Huling Dalubhasa) PAKIKIPAGKAPWA-TAO ay isa sa mga gintong aral na ipinapamana ng Ateneo de Zamboanga University sa mga estudyante. Sinasabing kakaiba ang edukasyon na natatanggap ng mga estudyante sa paaralang ito. Bakit? Maaaring dahil sa reputasyon at pangalan, ngunit dahil sa paraan ng pagtuturo at kung ano ang itinuturo sa mga estudyante. Ngunit, bakit tila nawawala na ang pamanang ito? Hindi na bago sa atin na makarinig tayo ng mga estudyanteng Under Academic Probation o naexpell o na-suspend dahil sa mga bagay na hindi naayon sa mga patakaran ng paaralan. Ang paguugali ng ilang mag-aaral ngayon ay napakasagwa. Parang hindi mga tao ang mga mag-aaral kundi parang mga asong ulol na hindi magkamayaw sa pagwala. Makikita ito sa kung paano magsalita at kumilos ang mga ito. Akala mo ay nasa bundok kung makapag-salita na higit pa yata ang ugong ng megaphone ni Sir Pilamer. Kung mag-lakad ay parang napakabigat ng kanilang mga katawan. Nakakahiya nga na ipagmalaki ang pagiging Atenista kung ganito man. Parang tinamaan ng epidemya ang mga estudyante at palala nang palala ang mga ito. Kung mayroon mang natitirang matitino ay bilang na lamang, at ang iba pa dito

Agila, simbolo ng katatagan at katapatan ng isang tunay na Atenista (Mula sa wikipedia.org) ay nanganganib na mapares sa mga lumalala. Napakapangit tingnan na ang mga estudyanteng pinalaki upang maging mabubuting mamamayan na magsisilbi sa iba sa ngalan ng Diyos ay nagiging makasarili at parang walang pinagaralan. Tila mahirap unawain ang saysay na ibandera pa ang pangalan ng paaralan dahil nakahihiyang parang walang pinagaralan ang mga kapag lumalabas ng paaralan. Parang balewala na lang lahat ng mga natutunan sa loob ng silid-aralan. Nawawala na ang saysay ng pagkakaroon ng Jesuit Education dahil halos walang pinagkaiba ang ugali ng mga estudyante ngayon sa mga taong walang pinag-aralan. Nasaan na nga ba

ang tunay na mga Atenista? Bakit parang kasabay ng pagpasok ng makabagong teknolohiya ay ang pagkawala ng mga tunay na Atenista? Parang nagiging normal at nagiging parte na ng sistema ng ilang Atenista na maging basagulero. Paglabas ng eskwelahan ay parang mga ibong nakawala sa hawla. Iinom-inom ng mga alak, magsigarilyo na parang walang bukas, magsasayaw sa mga kasiyahan na parang hihiwalay na ang balakang sa katawan. Ito ba? Ito ba ang mga tunay na Atenista? Siguro ay may mga depensa ang mga estudyante at ‘yun ay YOLO o “You Only Live Once.” Ngunit, kung ang paraan ng interpretasyon ng pahayag na ito ay kalaswaan at kabuktutan,

ay parang sinabi na rin na magtapon na tayo mabuting pag-uugali at mabuting pagpapasya. Payabangan pa nga ng mga minamanehong motorsiklo. Mahirap unawain kung supportive o pabaya o kinukunsinte ng mga magulang. sa murang edad, marami nang kabuktutan ang nalalaman. Ginagawa mismo sa kaalaman ng mga magulang. Hindi na nagagabayan dahil natatakot na magrebelde ang anak. Tapos sa panahon ng aberya, maghuhugas kamay at ibabaling ang mali sa paaralan. “Hindi naman siya ganoon sa bahay, baka ang impluwensya rito sa paaralan.” YOLO, ganito na ba talaga tayo kadesperado na mabuhay dahil baka wala nang bukas? Ang pag-uugali ng mga estudyante ngayon ay kapansin-pansin dahil hindi na ito tama at parang wala nang katuturan ang pagkilos at pagsasalita ng mga ito. Sa madaling salita ay parang nagiging walang modo na ang mga ito at nawawala na ang mga pangaral at mga pamana ng Ateneo sa kanila. Ngunit malaki pa rin ang papel ng magulang, ang mga estudyante ay hindi lamang estudyante ng Ateneo kundi mga anak ninyo. Hindi dapat matakot ng magulang sa anak. SINO BA ang magulang?


Enero - Marso 2014

Ang Opisyal na Pangmag-aaral na Pamahayagan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga

5

Ang mga kinoronahang Prom King at Queen, at Prom Prince at Princess kasama sina Bb. Rosie Hong, G. Conrado Balatbat, Gng. Ruth Vesagas at G. Santiago Araneta.

Junior-Senior Promenade 2014 ni Ciara Mae F. Obillo

ISA SA pinakahihintay na kaganapan ay ang JuniorSenior Promenade ( JS Prom) na dinadaluhan ng mga estudyante sa ikaapat at ikatlong taon. Ang mga babae ay nagsusuot ng magaganda at kumikinang na mga damit at naglalagay ng mga kolorete sa mukha. Sa

gabing ito ay parang prinsesa ang mga binibini. Samantalang ang mga lalake naman ay pumoporma rin at nagdadala ng mga rosas o tsokolate para sa mga magagandang dilag na nais nilang handugan nito. Ang JS Prom ay ginawa noong ika15 ng Pebrero sa Astoria

Regency sa Pasonanca. Pinamunuan nina Gilson Andre’ M. Narciso at Florence Lae B. Teh ang seremonya. Ang highlight ng seremonya ay ang pagpasa ng susi ng responsibilidad ni Rizza Angelie L. Fernandez kay Jose Gabriel U. Petate na nagsisimbolo ng paglilipat

ng mga responsibilidad ng mga nasa ikaapat na taon ang pagiging ate at kuya sa mga nasa ikatlong taon. Ang paglilipat na ito ay sadyang napakaimportante dahil ito ang hudyat ng bagong pamumuno at magiging gabay ng hayskul. Naging sagisag sa paglilipat ay ang palitan

ng kandila at kahon sa pagitan ng mga mag-aaral sa ikaapat at ikatlong taon. Si Sofiya A. Salim at Andre Lim ang mga napiling Prom Queen at King, samantalang sina Michelle Ojeda at Al Renzo Quimson ang napiling Prom Princess at Prince. Ang Prom ay hindi

tungkol sa kung sino ang pinakamaganda o pinakagwapo, ito ay ang pagdiwang ng pag-atas ng responsibilidad ng ikaapat na taon sa nasa ikatlong taon. Naging mainit na usap-usapan din na baka ito na ang huling JS Prom dahil sa K to 12.

K-12 sa Ateneo umuusad na ni Kelly Cassandra M. Teja

Isang eksena ng aktibidad na naganap sa Statistics Camp 2014. (Kuha ni G. Roderick Baluca)

Statistics Camp 2014 sa Dapitan ni Ciara Mae F. Obillo IDINAOS ang ikawalong Western Mindanao Statistics Camp noong 21 hanngang 23 ng Prebero sa Lungsod ng Dapitan. Ang Ateneo de Zamboanga University ang tumayong punong abala sa tatlong araw na camp. Ang mga estudyante ng Ateneo de Zamboanga University hayskul at ang iba pang kalahok mula sa ibang eskwelahan sa Region IX ay tumuloy sa Dapitan Elementary School sa kabuuan ng camping na ito. Ang mga aktibidades at iba’t ibang pakulo at kompetisyon ay idinaos sa parehong paaralan. Mahigit kumulang na 500 ang lumahok sa nasabing camp, mahigit kumulang na 200 naman ang kalahok ng Ateneo de Zamboanga University. Ang mga kalahok ay nahati sa iba’t ibang grupo ayon sa kulay ng hawak nilang ID. May sampung grupo: Orange, Violet, Brown, Yellow-Green, Apple Green, Darkgreen, Blue, Pink, Peach, at Red.

May mga paligsahan na inihanda ang mga tagapag-ugnay ng camp na ito, ang grupo na mananalo bilang una, ikalawat at ikatlong pwesto ay bibigyan ng puntos. Ang mga paligsahan ay may kinalaman sa istadistika katulad na lamang ng factorial, permutation, combination at marami pang iba. Bawat paligsahan na napanalunan ang grupo ay may maidadagdag sa kanilang iskor. Sa dulo ng camp na ito ay ang grupo na may pinakamataas na iskor ay tatanghaling kampyeon ng Statistics Camp, at ang grupo na itinanghal na kapyeon ay ang Orange team. Bukod sa nakagagana at nakatutuwang mga pakulo at palarong inihanda ng mga tagapangasiwa ng camping na ito, ay namasyal din ang mga kalahok sa Fantasyland. Ito ay dinadayuhan ng maraming turista sapagkat ito ay isang sikat na pooklibangan. May mga naka-

tatakot na rides katulad na lamang ng Galleon, Zimmerman, at marami pang iba. Mayroon ding larong pambata at may mga pangmatanda. Pagkatapos ng Statistics Camp ang mga kalahok ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga hayskul ay tumuloy naman sa Dakak Beach and Resort. Bagamat pagod sa biyahe at sa mga aktibidad ay may mga guhit na nakalatay sa bawat mukha ng mga lumahok. Layunin ng camping na ito na ipakilala ang mga estudyante sa mundo ng istadistika at palawakin ang kanilang kaalaman tungkol dito, ngunit isinakatuparan sa masasayang mga aktibidad. Hindi lamang may napulot na kaalaman ngunit nag-enjoy rin sila. Si Ginoong Roderick Baluca, puno ng Kagawaran ng Matematika sa hayskul kasama ng iba pang guro, ang namuno sa mga kalahok ng ADZU HS.

PAPASOK na sa ikatlong taon ang implimentasyon ng K to 12 program sa Mataas an Paaralan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga sa darating na Hunyo. Tutuntong na sa ikasiyam na baitang o Grade 9 ang mga mag-aaral na pumasok sa hayskul noong taong panuruan 2012-2013. Buhat ng 2012-2013, dahan-dahan nang inihahanda ng paaralan ang pagtupad sa programa. Nirebyu ng pamunuan kung paano ang transisyon ng mga programa at asignatura upang ganap na maipatupad ang K to 12. Nagkaroon ng pagbabago sa istrukutura ng mga asignatura. Ang dating magkahiwalay na English Composition at Literature na tigiisang yunit ay pinagsama bilang English at inuukulan ng anim na oras. Ang dating magkahilaway na asignaturang Geometry at Advanced Algebra sa ikatlong taon ay pinag-isa na rin at anim na oras din ang iniuukol. Apat na oras naman ang ginigugol para sa Technology and Livelihood Education (TLE). Tatlong oras o tatlong beses na rin ang pagkikita para sa MAPEH kung saan bawat markahan ay umiikot ang mga guro sa iba’t ibang antas para sa iba’t ibang disiplina. Tatlong oras na lamang para sa Filipino, Social Studies, Christian Life Education. Nanatiling anim na oras ang iginugugol para sa Science and Technology ngunit simula SY 2013-2014, sinusunod na ang “spiral approach” sa baitang 7 at 8. General Science para sa unang markahan, Biology para sa ikalawang markahan, Chemistry sa ikatlong markahan at

Physics sa ikaapat na markahan. Nagbago na rin ang sistema ng pagbibigay ng grado sa mga mag-aaral. Ang dating numeric system ay napalitan ng alpabeto. Kaya hindi na dapat pagtakhan ang mga gradong A para sa Advanced kung ang marka ay 90% pataas. Proficient o P para sa mga marka 85% - 89%. Kung 80% 84%, AP o Approching Proficiency ang marka samantalang Developing o D para sa markang 75% - 79%. Hindi na makikita ang 74, 73, 72 o mas mababa pang marka ngunit ang titik B para sa Beginner. Bagsak ang ibig sabihin ng titik B kung grado sa report card. Higit na mahigpit ang pagmamarka sa ilalim ng programang K to 12 dahil 0-based ang grading system. Ngunit mahalagang aspekto ng programang K to 12 ang remedial upang matulungan ang mga mag-aaral na nahihirapan na makapasa ngunit hindi maggagarantiya ng pasadong marka. Kaya sa darating na SY 2014-2015, magiging puspusan ang remedial sa lahat ng asignatura. Maglalaan na ng oras ang remedial para sa iba’t ibang asignatura at ipapasok na ito sa iskedyul. “Sa susunod na taon din, ang mga mag-aaral sa baiting 9 ay makararanas na ng panibagong istruktura sa TLE. Magkakaroon na ispesyalisasyon ang mga mag-aaral at sabay-sabay na magkaklase sa TLE ang mga mag-aaral sa iba’t ibang seksyon,” ayon kay Gng. Rosie R. Ledesna, puno ng Kagawaran ng TLE. Sa SY 2015-2016 tuluyan nang tatawaging Junior High ang mga nasa baytang 7 hanggang 10.


6

Ang Opisyal na Pangmag-aaral na Pamahayagan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga

Enero - Marso 2014

CLUB FOR SALE

Ang Bongga ka ‘day at ang CCA Kwento ng mga umaawit na agila ni Myca Dane T. Sapitula

Coro Concordia de Aguilas matapos na magtanghal ng Kruhay noong Buwan ng Wika. Naere sa radyo ang kanilang pagkanta sa misa noong ika-31 ng Hulyo 2013 sa RMN. (CCA File)

L

UNCH TIME ahil tapos ka nang mananghalian noong TIME.. D Dahil recess time yenda na lang ang inaatupag tuwing lunch time,, mer mery time habang namamasyal sa buong gusali. D adaan sa liDadaan br ar y dahil malamig doon o kaya ’y sa C omputer Labor abrar ary kaya’y Computer Laborator a makapag-I nter net. tory para makapag-Inter nternet. tory par Kunwari’y online research pero ng lipunan ang kahalagahan ng sumisimple ng Facebook. Kung musika bilang Pilipino at bilang puno ang ComLab at Lib, isang taong may paniniwala sa magmumuni-muni sa movable Maykapal. Sa pamamagitan ng mga bleacher sa lobby o kaya nasa stage o nasa harap ni Mama Mary pagtatanghal ng CCA, napapaupang pagmasdan ang mga isda lawak ang kaalaman sa iba’t ibang at botete. Uy...may ingay sa likod teknik at pagpapakahulugan sa ng stage. Ngunit masarap na pagkanta upang maging mataingay. Magagandang tinig. Naku! gumpay ang pagtatanghal ng Isang grupo pala ng mag-aawit. mga mag-aaral lalo na ng mga Isang koro ng malaanghel na miyembro nito. Nahihimok din tinig. Teka, choir kumakanta ng nitong mapaigiti ang kompiVoltez V? Di ba dapat relihiyosong yansa sa sarili ng bawat isa lalo na ang mga miyembro na nabikanta lang? Parang may mali. Lapit. Pasimpleng pupunta bigyan ng pagkakataon na sa klinik pero nakatingin sa mga magtanghal ng solo, duet o sa mang-aawit. Pinamumunuan ng maliliit na pangkat. Layunin din isang gwapitong guro. Wow! Ang nilang ipalaganap ang halaga sa masasarap na tinig – ang Coro moralidad ng Magis at Cura Personalis sa mga miyembro nito Concordia de Aguilas. Binago ng Coro Concordia de pati na rin sa buong organisasyon Aguilas o CCA ang pagtingin ng at komunidad ng paaralan sa mga tao sa choir. Ang CCA ay ang pamamagitan ng pagtatanghal sa dating Liturgical Society ng kanilang pinakamahusay at Mataas na Paaralan ng Pa- pagtingin sa pag-awit bilang pagmantasang Ateneo de Zambo- aalay sa Maykapal. Higit pa roon, anga. Noong LS pa ang CCA, naging magkaagapay rin ang nakasentro lamang ang kanilang bawat miyembro sa isa’t isa pagkanta sa mga relihiyosong pagdating sa pagtatanghal sa harap ng maraming tao. Halos gawain at misa. Si Ginoong Alshamir Bryan walang paltos ang pagtatanghal B. Aripuddin, guro sa Musika, ang ng CCA. Ngunit gaano na ba namumuno sa mga pagsasanay, kalayo ang napuntahan ng CCA paghahanda at pagtatanghal ng mula sa pagiging LS? Paano nila CCA. Pangunahing layunin ng narating ito sa maikling CCA ay ang pagpapalawak at panahon? Noong Mayo 2013 lamang paglilinang sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagkanta sa nagsimula ang pagsasanay ni pamamagitan ng pakikilahok sa Ginoong Aripuddin o mas iba’t ibang programa na ginagawa nakasanayang tawaging Sir Sham sa paaralan. Ngunit layunin din sa mga miyembro ng Liturgical nitong mapagsilbihan ang Society. Naghahanda sila para sa lungsod, ang rehiyon at ang nalalapit noong pagbukas ng bansa sa pamamagitan ng pasukan sa Ateneo. Ngunit dahil pagtatanghal ng maraming genre hindi kuntento si Sir Sham sa ng awitin nang mapahalagahan pwede pwede nang pagkanta, at

batid din niya ang kakulangan ng kanyang mga mang-aawit, naging puspusan ng kanyang pagsasanay sa LS. Ngunit nabatid na kailangan nang pangalanan din ng panibago dahil nagkaroon siya ng panibagong perspektibo para sa korong ito. Una nang naipahayag ni Sir Sham na may pangarap siya para sa koro ng hayskul. Hindi lang dapat makuntento sa pagkanta sa misa, “Marami pang pwedeng gawin sa pagkanta beyond mass. The Lord would be happier if we sing to

G. Alshamir Bryan Aripuddin ng CCA, guro sa Musika sa ADZU HS make people appreciate better of themselves, their culture and their lives. Huwag nating sayangin ang binigay ni Lord na talento, at saka we will be CCA. Eagles who can sing to make the world a better place. Let’s begin that with us.” Sa pangarap na ito ni Sir Sham para sa CCA, una niyang inengganyo ang mga magulang ng mga batang kanyang sinasanay sa pagkanta sa Ateneo. Nagkaroon ng Parent’s Orientation Day upang mailahad ang mga plano, layunin at kung papaano masusuportahan ng

mga magulang ang kanilang mga anak sa CCA. Matapos ang magandang pagkanta ng CCA noong unang araw ng pasok sa Ateneo, isa ito sa mga dinumog ng mga magaaral na umaasang mapapasama sa iba’t ibang organisasyon. Ngunit para kay Sir Sham, “I believe that music is the birthright of every child. Everyone can sing. They just need a tap on the back to make them realize their potentials. May mga tao talagang kailangan ng proper training so they can better sing...far beyond they perceive themselves. Tamang teknik, tamang energy, good appreciation of the relationship between singing and health, the willingness to learn and hit the notes – it can make one sing better. So lahat ng gustong kumanta, at lahat ng handang matuto, sumali na sa CCA. Then we’ll check how far each one would go.” Nagdaos ng Stage Ethics Seminar para sa mga miyembro at aspirant ng CCA noong mismong Club Recruitment Day. Naging masalimuot ngunit masaya’t makabuluhan ang karanasan. Kaya mula 24 na miyembro ng dating LS, naging 80 ang CCA. CCA na ang pagkilala sa mga mag-aaral na umaawit tuwing misa – mapa-First Friday Mass at iba pang misa. Kasunod ng Ethics Seminar ang Let’s Make Some Treble overnight ng CCA. Nagkaroon ng iba’t ibang sesyon tungkol sa kabuluhan ng isang organisasyon, kahalagahan ng pagsasamahan at pagsuporta, at siyempre ilang sesyon sa pagawit. Hinati ang buong CCA sa maliliit na pangkat at nagsihanda sila ng kani-kanilang pagtatanghal. Sumunod na ang HS Intramurals,Tetuan Ignatius Mass Sponsorship,Book Launch, Misa ng Bayan, Confirmation Mass, ACJC Concert, Advent Mass, English Speech Fest, Senior’s Recognition Day, Graduation Mass at marami pang iba. Walang pagtatangal ang hindi nagpahanga sa mga manonood. Ngunit isang malaking pagbabago ang naganap sa CCA noong ipinagkatiwala ng Ateneo Campus Journalism Camp 2 (ACJC2) ang isang gabi para sa CCA. “Born,” ito ang naging tema

at pamagat ng konsiyerto ng CCA sa Fr. William H. Kreutz SJ Campus noong ika-6 ng Setyembre 2013, unang gabi ng ACJC2. Maliban sa mga kalahok sa camp, dumating ang maraming magulang at kaanak ng mga miyembro ng CCA. Ang dapat na 30-minutong pagtatanghal ay nauwi sa halos isang oras ng dimalilimutang pagtatanghal. Nagtanghal ang CCA ng mga awiting relihiyoso, kultural at kontemporaryo. Kasama nila ang iilang miyembro ng Liturgical Society ng Ateneo College. Tampok ng CCA sa Born ang mga awiting Panis Angelicus, Verbum Caro, I Will Sing Forever at Pagkakaibigan na mga relihiyoso; Kruhay at Orde-e para sa kultural; at Just Give me a Reason, Ngiti, Por Siempre Tu (Kastila ng I Turn to You). Sa takbo ng pagtatangal, pinakatumatak ang rurok ng kanilang pag-awit ng pinamagatang “Asian Anthem” na medley ng Butsikik at Voltez V – ito ay inayos ni Sir Sham. Tampok din ang sariling tanghal ng pianistang Koreana na si Hyun Tak Oh na nagtanghal ng Fur Elise at Croatian Rhapsody.Nagwakas ang konsiyerto sa pagtatanghal nila ng Covenant Journey na naglalarawan sa paglalakbay ng CCA sa kanilang pangarap bilang isang koro. Buhat noon, naging matunog na ang CCA tuwing may palatuntunan. Noong Agosto pinamangha nila ang buong paaralan sa pagtanghal nila ng Kruhay. Una itong narinig ng marami ngunit halos naintindihan ng madla ang nilalaman ng Kruhay. Muli namang ginulat ng CCA ang buong paaralan noong Senior’s Recognition Day nang itinanghal nila ang Asian Anthem at ang nakatutuwang Bongga ka ‘Day. Sa mga susunod pang pagtatanghal, tiyak na aabangan ng lahat ng ihahain ng CCA . Tiyak na hihigitan pa nila ang mga nauhang pagtatanghal. Ngunit tulad ng payo ni Sir Sham sa lahat ng kanyang mang-aawit, “When everything is built out of love, not even the fiercest storm can perish it. Always keep your feet on the ground. We sing to give grace to our talents, not to make big of ourselves. Its all for the glory of the Almighty.”


Enero - Marso 2014

Ang Opisyal na Pangmag-aaral na Pamahayagan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga

7

PAMPALAKASAN

Pagbangon ng ADMU Lady Eagles ni Kenny D. Dacuba ANG MAHIGPIT na tunggalian ng ADMU (Ateneo de Manila University) laban sa DLSU (De La Salle University) ay matagal ng nagsimula at hanggang ngayon ay nagpapatuloy ito. Kapag ang koponan nang ADMU at DLSU ang naghaharap ay napupuno ang stadium. Muling nagharap ang ADMU at DLSU sa larangan ng volleyball. Kung ating matatandaan ay nagharap ang mga koponang ito noong nakaraang taon na kung saan ay nagwagi ang DLSU sa best of three games nila at siyang naging kampeon sa taong iyon. Inaasahan na sa taong ito ay di makapapasok ang ADMU sa finals dahil nawala ang apat na beteranong manlalaro. Ang natitira na lamang ay sina Din-Din Lazaro at Alyssa Valdez. Ginulantang ng ADMU ang lahat nang makapasok sila sa finals. Sa araw ng paghaharap ay muling dumagsa ang mga tagasupporta ng bawat kupunan at muling napuno ang stadium. Ito ay ginanap noong ika-5 ng

Marso sa Mall of Asia Arena. Sa unang set ay napakaganda ang pagdala ng DLSU at sa kanila ang set na ito. Ito ay dahil sa napagandang opensa at depensa na ipinakita nila. Ibang pangyayari naman ang naganap sa ikalawang set kung saan ay

bumawi ang ADMU at kanilang ipinakita na sila ay di patatalo at aarangkada pa para sa kanila ang lar. Sina Amy Ahomiro at Alyssa Valdez ang kapwa gumagawa ng puntos para sa ADMU at dahil dito naagaw nila ang pangalawang set mula sa DLSU. Dito nga ay nagu-

lantang ang mga tagasuporta ng DLSU dahil matagal nang huling natalo ng isang set ang DLSU at ito ay kanilang natamo laban sa FEU Tamaraws (Far Eastern University). Sa ikatlong set ay lalong humigpit ang laban at naggantihan ng malakas

na opensa ang bawat koponan at dito nga ay nagpakitang gilas na ang libero ng ADMU na si DinDin Lazaro sa kanyang floor defense. Lahat ng ibigay ng DLSU na malalakas na opensa ay kanyang nasasalo nang mabuti at naipapasa sa kanilang setter na siyang

gumagawa ng opensa nila at dito nga ay muling nakuha ng ADMU ang set. Sa ikatlong set ay nabitin sa iskot na 19-11 pabor sa ADMU. Tumawag ng time-out ang coach ng DLSU upang malunasan ang lumalalang lamang ng ADMU. Nakahabol ang DLSU at naging 21-20 na lamang na lamang ang ADMU ng isang puntos. Di na nagpapigil ang ADMU at tinulungan sila ng mga kamalian ng kanilang kalaban na nagpahakot sa kanila para muling makabalik sa laro at kanilang natalo ang DLSU sa ikaapat na set na nagresulta sa pagwawagi ng ADMU laban sa DLSU. Dahil dito ay patas na ang laro mula ngayon. Ito ay dahil twice to beat ang DLSU dahil sila nga ang nanguna sa eliminations. Inaabangan ng lahat ang muling pagtatagpo ng dalawang koponan at ito nga ay inaasang maging madugo dahil sa ganda ng ipinakita ADMU. Kahit sa kani-kanilang mga bahay at dito sa Zamboanga, mainit din ang suporta sa Ateneo.

Zamboanga City Inangkin ang Korona NAGKAROON man ng kakulangan sa mga kagamitan at lugar sa pagsasanay, itinayo pa rin at ipinaglaban ng mga atleta ng Zamboanga City ang bandera ng lungsod matapos tanghaling Overall Champion sa elementarya at sekondarya sa Regional Meet 2014 na ginanap sa Lungsod ng Dipolog. Hindi naging hadlang ang nangyaring krisis noong Setyembre upang makamit ng lungsod ang inaasam-asam na kampeonato. Bawat atleta ng lungsod ay determinado at pursigidong manalo. Sa

ni Algenne Marhee Amiruddin bawat minutong dumadaan habang sila’y nageensayo, nakatatak sa isipan ang pangungusap na, “Levanta, Zamboanga!” Walang pakialam kung gaano karami ang dadanak na dugo at pawis, basta’t gagawin ang lahat para maiangat muli ang lungsod. Maraming kumontra sa Zamboanga, ngunit hindi ito pinansin ng mga atleta. Marami mang naririnig na hindi magagandang komento, ngunit hindi nila ito pinatulan. Tanging tiwala at pagkakaisa lamang ang kanilang pinairal at iyon

ang nagdala sa kanila papunta sa tuktok. Nakabuo ng 537.67 puntos ang Zamboanga City; 240.67 puntos sa elementarya at 333 puntos sa sekondarya. Pumapangalawa naman ang Zamboanga del Sur na may 435 puntos; 159.5 puntos sa elementarya at 275.5 sa sekondarya. Pumangatlo naman ang Zamboanga del Norte na may kabuuang puntos na 433.67; 235.67 puntos sa elementarya at 198 puntos sa sekondarya. Sunod sa Zamboanga del Norte ay ang Lungsod ng Dipolog na mayroong 431.67.

ZPRAA 2013 Table tennis Girls Champion team event Keyna Cajeras and Rizza Mae Darlucio. (Kuha ni Nancy Guerrero Neri)

Azkals, naghahanda para sa laban nila sa Malaysia. (Mula sa azkalsfootballteam.com)

Philippine Azkals ni Kenny D. Dacuba MATAPOS talunin ng Philippine Football Team (Azkals) ang Cambodia sa iskor na 8-0 at Turkmenistan sa iskor na 1-0, nakapasok ang Azkals sa AFC Challenge Cup, nanguna sila sa bracket F ng elimination round ng AFC Challenge Cup. Bilang paghahanda sa nalalapit na AFC Challenge Cup na gaganapin sa Maldives ngayong taon ay naglaro ang Azkals laban sa matagal na nitong karibal sa Souteast Asia na Malaysia. Sa nakalipas na dalawang laro ay nagtapos ang laban 0-0. Ngayong taon ay nagharap ulit ang magkatungaling bansa sa larangan ng futbol. Ito ay ginanap noong Sabado na MPS Stadium, Selayang, Malaysia. Bago ang coach ng

Azkals sa labang ito na si Thomas Dooley. Nagtapos na ang kontrata ng nakaraang coach ng Azkals kung kaya’t kinakailangan nang bagong coach ng Azkals. Marami ring bagong mukha ang naglaro para sa kupunan ng Azkals. Sa simula ng laban ay nanatiling pantay ang laro hanggang sa makaiskor ang Malaysia ngunit sa kasamaang palad ay di ito kinunsidera ng referee. Ito ay sa kadahilanang may foul na naganap bago ang goal. Natigil ang laro sa kalagitnaan ng first half dahil sa mga canister na itinapon ng mga panatiko ng Malaysia. Sampung minuto na natigil ang laro hanggang sa wala nang laman ang mga canister at pinaalis ang mga nagtapon nito.

Nagtapos ang first half na pantay ang laban sa iskor na 0-0. Sa pagsisimula ng second half ay mas naging agresibo na ang Azkals. Maraming oportunidad ang dumating ngunit di kayang makaiskor ng Azkals dahil sa ganda ng depensa ng Malaysia. Gumanti rin ng magagandang pagpasa ang Malaysia at nakalulusot sa depensa ng Azkals. Sa labang ito ay makikita natin kung gaano kaganda ang opensa at depensa ng dalawang koponan kung kaya’t naging napakahigpit laro. Nagtapos ang laro patas na katayuan para sa parehong koponan. Ito na ang ikatlong pagka-kataon na kung saan ay tabla ang laban ng Malaysia at Azkals.


8

Ang Opisyal na Pangmag-aaral na Pamahayagan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga

Enero - Marso 2014

LLA Editor, ginawaran ng Roxas Award ni Anysia Mari B. Antatico NOONG ika-21 ng M arso 2014, sa ar aw ng pagtatapos Marso araw ataas na P aar alan ng P amantasang A teneo de Mataas Paar aaralan Pamantasang Ateneo sa M Z amboanga, ginawar an ng G err y R oxas A war d ang ginawaran Gerr erry Ro Awar ward punong patnugot ng La Liga A tenista na si Ciar aM ae Atenista Ciara Mae F. Obillo Obillo.. Ang parangal na ito ay ng YCLC, at ang mga overiginagawad sa isang grad- time sa publication room weyting na estudyante sa ng La Liga Atenista. Lahat sekondarya na nagpakita ng ito nakita ko dahil ng kapuri-puring pamu- magkapareho kami ng muno at husay sa aka- mga organisasyon malidemiks at extra-curricular. ban na lang sa YASSEN Hangad nitong patuloy na ngunit nakukwento pa rin mahimok ang kabataan na niya ang mga nangyayari. ipagpatuloy ang kanilang Lahat ng ito ay ginagawa magagandang adhikain niya hindi dahil kailangan para sa komunidad. ngunit dahil gusto niya. Kabilang si Ciara sa mga Mahal niya ang kanyang napili sa ganitong pag- mga ginagawa. kilala. Bilang isang lider Ngunit sino ba si Ciara naman, masasabi kong Obillo? Ano ang nasa likod maaasahan mo talaga siya. ng parangal na iginawad Hindi ka niya iiwan. At sa kanya? siguradong-sigurado 100% Bilang isang malapit na may awtput kayo. na kaibigan ni Ciara, wala Isumpa ninyo ako pag na akong ibang maisip na wala kayong awtput na si angkop sa parangal na ito Ciara ang lider o kagrupo. kundi siya. Totoong nara- Hindi ako nagbibiro. rapat ito sa kanya. Bilang Ngunit humanda ka nga isang estudyante, si Ciara lang sa kanyang wantuay napakaresponsable sa sawang pangungulit sa mga tungkuling ibinibigay iyong mga gagawin bilang sa kanya. Siya lang ang kontribusyon sa grupo. taong nakita kong ganoon Halos bawat oras ay kaseryoso sa pag-aaral. paaalahanan ka niya kaya Naalala ko pa nga noong nakakapresyur din pag siya Economics namin, ibini- ang namumuno. Bawal gay na ni Ginoong Espiri- magloko, bawal magpadion Atilano ang mga petiks-petiks, bawal ang sakop na aralin para sa tatamad-tamad, pwede ikaapat na markahan. At ang kaunting ngiti, bawal noong tatalakayin na huminga. Totoo ang lahat namin ang mga aralin, maliban sa huli – makapinili ni Ginoong Atilano kahinga kang maluwag na unang talakayin ang kung kagrupo mo si Ciara. huling aralin. Pinalitan Bilang EIC ng La Liga, niya ang pagkakasunod- hindi nakapagtataka na sunod ng mga ito at ipi- napakaresponsable niya. nabuklat niya sa amin ang May tiyaga siyang magaming mga aklat. Hiniram hintay sa mga artikulo na niya ang aklat ni Ciara at ipinagagawa niya at nagulat kaming lahat nang mahaba rin ang kanyang matuklasan na namar- pasensya. Siya lagi ang kahan na ng dilaw na katuwang ko kapag may highlighter ang halos mga miting at sa pagbuong aralin. Sa madaling papalaganap ng mga salita, nabasa na niya ang impormasyon na kailahat ng aralin para sa langan para sa pahayagan huling markahan. Hanep – kahit na iniiwan at ipinagkakatiwala sa amin di ba? Bilang isang volunteer ni Ginoong Francis naman, mahilig lumahok Marcial ang La Liga. si Ciara sa mga aktibidad Sinisiguro niya na lahat ay ng mga klab. Lagi siyang magagawa sa binigyang present sa mga ito maliban oras at kapag may na lang kung may impor- problema, lagi siyang tanteng dahilan. Tulad ng nakaiisip ng paraan. Tuwang-tuwa si Ginocleaning operations ng YASSEN, feeding program ong Marcial, isa sa mga

Tinanggap ni Ciara Obillo mula kay Fr. San Juan ang medalya ng Gerry Roxas Leadership Award. gurong tagapatnubay ng La Liga, nang nalaman niyang kay Ciara igagawad ng Gerry Roxas Award for Leadership. Unang nilapitan ni Ginoong Marcial si Ciara at sinabing “Ciara para sa’yo talaga dapat ang award. Proud talaga ako sa iyo. Wala nang ibang dapat mabigyan niyan sa batch ninyo kundi ikaw lang.” “Makulit si Ciara bilang EIC ng La Liga. Makulit naman lahat ng EIC ng La Liga simula kay Joxy dela Cruz, Trizhia Matutinao, Kim Faye Quimson hanggang kay Ciara. Masayang isipin na makukulit at responsable ang mga naging EIC ko. Makulit sila dahil hiniling ko sa kanilang maging makulit dahil nakalilimot na ako sa sobrang daming ginagawa at iniisip. Pero natatangi si Ciara. Napakaganda ng pagdadala ni Ciara sa paniningil sa mga responsibilidad ng mga taong kanyang pinamumunuan.

Determinado siyang magawa ang lahat ng tungkulin. ‘Di ko nakalilimutan noong ACJC2, nagagawa niyang pagsabay-sabayin ang mga gagawin – paghawak ng pera, pamumuno sa mga miyembro ng La Liga, pagpupuyat para matapos ang t-shirt, pamumuno sa pangkat sa paggawa ng awtput, at ang inisyatibong dagdagan ang mga handout dahil dumagdag ang bilang ng mga dadalo – ganitong klase ng pamumuno ang kailangan natin. Pursigido, may inisyatibo at accountable o may paninindigan. Kaya siya ang pinili naman ni Binibining Dane Ramillano na maging EIC, dahil sa lahat ng aplikante, siya lang ang naglahad ng kanyang plano at pangarap para sa La Liga. Siya ang ginawa naming EIC kahit na ang inaaplayan niya ay isa sa mga pangalawang pusisyon” ani ni Ginoong Marcial.

Inilarawan naman ni Ginoong Marcial si Ciara bilang mag-aaral. “Pinakamaaalala ko sa klase ng Arrowsmith sa pagtuturo ko sa kanila sa ikatlong taon ay ang gawaing the-bullyinggame kung saan pinasulat ko ang lahat ng salitang pinakaayaw nilang marinig dahil pangungutya o pangiinsulto. Tatayo ang magaaral kung maririnig ang salitang pinakaayaw nilang marinig. Kahit ako ay nagtaka nang binasa ko ang mga salitang ‘magsalita ka nang maayos.’ Tulad ng aking pagtataka ang pagtataka ng halos lahat sa klase. Walang halos makaunawa kung ano ang kalokohang pahayag na iyon hanggang tumayo si Ciara. Saka lamang naunawaan ng marami pati na ako kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. Napaluha si Ciara at ang marami sa klase at nagpahayag na pagmamalabis ang pangyayari. Nagpakita ng simpatya ang mga kaklase. At ako mandi’y napahanga sa kanyang katatagan.” “Ngunit isang positibong tao si Ciara. Pinaghugutan niya ang mga dikanais-nais na karanasan at ngayo’y hindi na alintana. Wala na siyang takot o batid ng pagkahiya sa tuwing magsasalita siya sa harap ng maraming tao. Kung hindi ka mapanghusgang tao, hindi mo mababatid ang depekto sa kanyang pagsasalita. Dapat matutuhan din ito ng maraming tao. Ipinakita ni Ciara na walang maidudulot na mabuti ang pagpapakaapekto sa kakulangan sa kamalayan at kabutihan ng ibang tao sa mga indibidwal na may kanya-kanyang limitasyon. Marahil, ang kagandaang-asal ni Ciara, ay bunga ng mabuting pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang. Nakita ko kung papaano siya sinuportahan ng kanya Daddy at Mommy. Nakakahawa ang katangiang ito ni Ciara,” tinapos ni Ginoong Marcial ang kanyang mga pahayag sa

higit pang magagandang salita na nagpapatunay sa pagiging positibo ni Ciara sa kanyang pananaw sa buhay. Bilang isang kaibigan, masasabi kong napakabuti ni Ciara. Isa siya sa mga taong gugustuhin mong kaibiganin dahil napakamasiyahin at kapag magkasama kayo, parang palagay na palagay ang iyong kalooban at magaan ang pakiramdam. Tulad ng maraming nagdadalaga, may sarili din siyang hinahangaan. Pero hanggang doon na lamang ang pahayag na iyon, hindi ko na pahahabain pa. Masaya ang mga kwentuhan sa cafeteria, sa lobby, sa minigarden namin na inimbento ko na pili lang ang nakakaalam. Nagbibigay siya ng mga payo at mahahawa ka sa kanyang kasiyahan. Tunay na isang mapagmahal na tao si Ciara dahil lagi niyang ipinahihiwatig na ang buhay ay masaya. Bilang isang anak, saludong-saludo ako kay Ciara. Dahil kahit nawalay sa kanila ang kanyang ama, nanatiling malakas at matatag siya hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang ina. Nakalulungkot nga lang na hindi naabutan ng kanyang ama ang graduation ni Ciara. Nakita sana niya kung gaano kamatagumpay at gaano kalayo ang narating ng kanyang unica hija. Ipinagmamalaki ko si Ciara bilang kaibigan dahil nagawa niya ang mga ito. Mapagmahal siya sa kanyang mga magulang. Kitang-kita ko ito sa kanyang mga kilos. Alam kong ipinagmamalaki rin siya ng kanyang mga magulang. Sa mga katangiang ito, masasabi kong karapat-dapat siya para sa parangal na ito? Para sa akin, siya ang taong walang kapaguran. Nakikita ko nang magiging work-aholic siya paglaki. Masayang-masaya ako sa narating ng aking kaibigan. Ciara, isang malugod na pagbati at nawa’y patnubayan ka ng Diyos!

Sweet 16: Ang pagbabalik ng Punlaan nina Nurizza M. Amsali at Khate Whinslette P. Del Pilar BASTA dulaan ang paguusapan, Punlaan ‘yan! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Ang Punlaan ang opisyal na teatrong organisasyon ng Mataas na Paaralan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga. Nagsimula ang Punlaan noong 1997 sa pamumuno ni Ginoong Nonie dela Fuente at Fr. James Gascon SJ. Ang una nilang dula ay isang back-toback na produksyon – ang “Sino Ba Kayo” at “Ang Paglilitis Kay Mang Serapio”. Noong taong 1999, unang itinanghal ng Punlaan ang “Kaharian ng Araw” na sinulat ng mag-amang Onofre at Joel Pagsanghan sa pamumuno ni Bb. Geraldine Turno at Ginoong Hans Siriban bilang mga moderator. Pitong beses

itong itinanghal at ang huling pagtatanghal nito ay noong 2011. Taong 2004, isinilang ang Sotero Samuang na hinango sa dulang komedya ng Dulaang Sibol ng Ateneo De Manila University hayskul na Hervacio Tubulan. Dinala ito ni Fr. Francis Alvarez SJ bilang kanyang unang dula sa Punlaan bilang moderator, tinulungan niya si Bb. Leslie Carrido noong mga panahon na iyon. Ang Sotero Samuang ay tungkol sa isang lalaki na freshmen sa hayskul at naghahanap ng kaibigan o grupo ng kaibigan kung saan siya babagay. Nakapagtanghal ang Punlaan ng isang dulang may temang Muslim na pinamagatang Hijab na

isinulat ni G. Rogelio Braga na may orihinal na pamagat na “Ang Mananahi”. Naging mapalad ang Punlaan sa mga manunulat nito dahil nakapagtanghal ito ng ilang orihinal na dula. Ang mga dulang ito ay: Sa Puso ng Bata, Agos, Concordio P. Kungkungan, at Isang Linggong Pag-ibig. Itong SY 2013-2014, ipinagdiriwang ng Punlaan ang ika-16 nitong anibersaryo. Handog nila ang dalawang dula. Noong Agosto 2013, itinanghal ng Punlaan ang “Biyernes, 4:00 NH”. Sinulat ni Ginoong Tony Perez, isang kilalang manunulat at nagtapos sa Ateneo de Manila University. Ang dula ay tungkol sa usapan ng isang guwardiya at isang pilyong batang lalake na naghi-

hintay masundo sa paaralan. Tampok ng dula ang pangungumpisal ng guwardiya sa batang wala namang pakialam. Nilalayon ng dula na buksan ang mga mata ng bawat Atenista sa kung paano panghawakan ang moralidad, isyung panlipunan ng Pilipino at kultural na katangian na ito. Nitong Pebrero, itinampok naman ng Punlaan ang dulang “Isang Linggong Pagibig”. Komedya at usaping pag-ibig ngunit hinahamon ang manonood na suriin ang kanyang paniniwala sa Diyos at pagtitiwala sa sarili. Ang 16 ay higit pa sa bilang kundi sumasagisag ng muling pagbabalik ng Punlaan matapos ng dalawang taong hindi sila nakapagtanghal.

Itaas paibaba: Si Dicky at ang guwardiyang si Mang Turing sa "Biyernes, 4:00 NH"; si Esperanza kasama ang iba pang tauhan sa “Isang Linggong Pag-ibig”. (Punlaan file)


Enero - Marso 2014

Ang Opisyal na Pangmag-aaral na Pamahayagan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga

9

LATHALAIN

Kandila’t Kahon

Ang Masalimuot na Pagtatapos

ni Putli Monaira B. Amilbangsa II

ni Airon Paul P. Canizares

Kandila’t kahon Narito na ang oras Na sa aki’y ipapasa Responsibilidad ng kuya’t ate Ako ba’y handa na? Hawak ko ang iyong kamay Sana’y aking maging gabay Heto na’t dala ang kandila Sumisimbolo ng pagtanggap. Ito naman ang sa iyo Isang munting kahon Sana’y maging taguan ng alaala Ng aming mga ate o kuya. Halina’t namnamin ang mga oras na magkasama Tayo’y magsaya, magdiwang Araw na ito’y kasaysayan Kailan ma’y di malilimutan.

SA ATING unang pagtapak sa institusyong ito, karamihan ay nanginginig ang buong katawan marahil sa hakahaka ng ilan na isang napakahirap na agos ng buhay ng pagiging magaaral, lalo na kung buhay hayskul ang pag-uusapan. Ang ilan din ay nagsasabi na ang pinakamasayang buhay ay matatagpuan at mararamdaman sa hayskul; dito matatagpuan ang iba’t ibang klase ng tao at dito rin natin natututuhan ang pananaw ng ilan. Ikaw? Ano sa palagay mo ang tunay na hayskul?

Kung ang mga Seniors ang tatanungin, aba napakarami na nilang natutuhan. Ika nga “Papunta pa lang kayo, pabalik na kami.” May ilan na nagsasabi na “Ano’ng nangyayari? Hayskul, saan nga ba tayo patungo? Sa aming unang taon sa institusyong ito, syempre napakasaya namin dahil isang bagong paglalakbay ang aming tatahakin ngunit daladala pa rin namin ang takot sa aming mga balikat. Sapagkat hindi namin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Sa apat na taon

naming pamamalagi rito, napakarami na naming napagdaanan. Akalain ninyo hindi lang pagsusunog ng kilay ang aming ginagawa pati buong katawan nasunog na rin dahil sa init na aming natatanggap. Hindi rin maiiwasan ang bangayan ng bawat isa. Matagalan man ang epekto nito datapwa’t kailangan ng buuin ang mga nasirang relasyon, balutin ito ng pagmamahal dahil hindi lumalakad nang paurong ang oras. Ilang araw na lang ang lahat ng mga ito ay magiging alaala na lang,

Mga nagagawa ng KILIG ni Anysia Mari B. Antatico ANG KILIG ay ang paghampas sa katabi. Kasabay nito ang pagsigaw ng “Malapit na siya bes!” “Ayan na!” “Hoy maayos ba itsura ko?” “Palapit na!” “Papunta na dito friend!” habang nakatingin sa crush. Daig pa nito ang punching bag sa gym kung saan hindi ka pa nakuntento sa paghampas. Ang pagkakaiba lang ng kaibigan mo sa punching bag ay tao siya habang ang punching bag ay gamit. Kurot dito, kurot doon. Hila dito, hila doon. Tulak dito, tulak doon. Kung nakahanap ka ng ganitong punching bag, aba’y true friend na ‘yan! Saludo ako sa kaibigan mo. Ang kilig ay ang pagtipid ng ngiti. Pwede ka nang sumali sa komersyal ng McDo, “Smile ka rin.” “Ganito?” “De, konti lang.” Kapag nakita mo si crush, daig mo pa si Maria Clara sa pagkamahinhin ng galaw at si Mona Lisa sa disente ngunit makahulugang ngiti. Ngunit ang pagkamahi-

nahon sa panlabas na anyo ay kabaliktaran sa sinisigaw ng puso na tila gusto nang sumabog. Kung ginagawa mo ito, ako’y hangang hanga sa tibay ng loob at paninidigan mong itago ang tunay na nararamdaman. Isa kang magaling na konteyner. Ang kilig ay ang pagtalon na ubod ng taas ng maraming beses na hindi napapagod. Kapag dinalaw ka ng kilig, hahanap ka ng paraan upang mailabas ito tulad ng pagtalon. Talon dito, talon doon na parang gugunaw na ang mundo at wala nang bukas. Daig mo pa si Bugs Bunny na nagmamadaling makakuha ng carrot o di kaya si Woody Wood Pecker nasaya tumusok ng mga kahoy. Sa madaling salita, parang kang nakuryente. Hindi lang mataas ang iyong talon, talo pa ang dami ng iyong buhok sa bilang ng mga talon mo. Maganda sana ‘yan kung sa New Year mo yan ginagawa para may pakinabang

naman ang iyong mga talon. Ang kilig ay ang pagsigaw mo na parang lalabas na ang iyong mga vocal chords kapag nakadaan na si crush. Kung tipid na tipid ka sa ngiti habang dumadaan pa lang si crush, siyang sigaw mo naman kapag nawala na siya. Talo mo pa si Alicia Keys sa taas ng boses mo at si Eminem sa pagkabilis bilis ng mga sinasabi mo sa mga kaibigan mo na pati ang sarili mo ay di mo na maintindihan. Pagkatapos ng pagsigaw mo, pwede ka ring uminom ng malamig na tubig para maya maya’y mamaos ka na na parang galing lang sa isang konsert. Ang kilig ay ang pagkalutang ng isip. Kapag kinikilig ka, minsan ay nawawala ka na lang sa sarili mo dahil sa pag-iisip ng mga masasayang bagay tungkol kay crush. Kasama na rito ang unang chat, unang text, unang usap, o kahit unang pagkikita man lang. Parang kang nasa cloud 9 kung

makaimagine ng mga bagay na hindi pa nangyayari. Kumbaga, gumagawa ka na ng love story niyo at mga bagay na gagawin niyo na magkasama. Ngunit hindi rin maiiwasan ang mga kj mong kaibigan na bigla kang sisigawan o guguluhin upang magising. Magising sa katotohanan na hindi iyon mangyayari. Iyan ang mga tunay na kaibigan. Ang kilig ay ang pagsayaw at pagkanta na daig pa ang mga nagawdisyon sa Pilipins Got Talent. Pagkalampas ni crush, parang biglang nabubuhayan ang katawan at nagsasasayaw na lamang na parang walang nakatingin. Mapagang-nam style, gentleman, harlem shake, teach me how to dougie, nobody nobody but you pa man yan, todo bigay. Kahit sintunado pa man, kakanta at kakanta ka pa rin dahil sa saya. 110% ang binibigay na energy sa pagsayaw at kanta. Mabuti sana kung iyan din ang iskor mo sa mga

pagsusulit. Ang kilig ay ang pagkabaliw. Ito na ang pinakamalala na yugto ng kilig dahil hindi mo na alam ano ang gagawin. Manghahampas ka ba, ngingiti na lang, tatalon ba, sisigaw, matutulala, o sasayaw at kakanta Nababaliw ka lang. Yun na yun. Ang kilig ay isa sa mga bagay na nararamdaman natin. Lahat tayo ay nakaranas na ng ganito at isa ito sa nagpapasaya sa atin lalo na sa hayskul. Kung hindi ka pa nakaranas ng kilig sa classmate, kaibigan, artista, teacher, kpop artists, hollywood stars, at iba pa, aba’y check check din baka hindi ka na tao. Sa huli, hindi masama ang kiligin, dapat ay nasa lugar lang ito. Mag-ingat din dahil ang kilig ay nakakapatay din ng puso. Sa halip, gawin itong inspirasyon sa pag-aaral upang lalong ganahan sa pagpasok.

malapit na ang takdang oras ng masalimuot na pagtatapos. Sa huli, hindi maiiwasan na malimot lahat ng ating natutunan. Nawa’y ‘wag nating kaligtaan ang mga mabubuting-asal na itinuro ng mga guro dahil magagamit natin ito sa paglalakbay natin sa buhay. Masakit mang isipin ngunit may mga bagay na kailangang magtapos. Kaya sa mga magmamana ng trono; nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa inyong mga nakababata sa inyo. Kung nakayanan namin, kakayanan din ninyo.

Liwanag sa Dilim ni Airon Paul P. Canizares

Inyong mga abaniko dapat ihanda, Dahil darating na ang isang sakuna. Sakunang tiyak na ating paghihirapan Init, pawis pag-usbong ng malawakang kadiliman. Kawalan ng kuryente Maraming magiging maarte. Laganap na naman ang mga sunog Na maaring kumalat sa lugar na kanunog Hanggang kailan ang mga ito? Hudyat na ba ito ng malawakang kadiliman sa mundo? Diyos ko! ‘Wag naman po!


Hayskul Bukol:

Bucket list ng Seniors

Hindi maitatanggi na ang hayskul life ay isa sa pinakamasaya, pinaka-challenging, pinakamatindi at pati na rin pinakamalungkot na yugto sa bawat buhay estudyante. Sa hayskul makikilala mo ang iyong sarili, makakahalubilo sa ibang tao, makakatagpo ng napakagwapong binata o napakagandang dalaga na pwedeng makatutulong sa iyo para maging the best version ng sarili mo. Ngunit marami nga ang nagsasabi, life must go on, kung kaya’t ang pagiging estudyante sa hayskul ay magwawakas din. Ngunit taglay ng bawat pagtatapos ang maraming alaala sa hayskul. Narito ang ilan sa mga naaalala at maaalala buhat nitong mga huling taon: ·Misa ·Bagong Vision at Mission hindi pa namememorya ·Intramurals ·Buwan ng Wika; Pista sa Nayon ·Research paper sa English and Social Studies ·JS Promenade ·Christmas party sa campus ·“Check your own paper” na patakaran ni Sir Marcial pero di mo magawang mandaya...bakit ganun? ·Relief operations ·Nakanginginig na PTC ·Blue examination slip ·Peace camp, stat camp, BIDA camp, ACJC ·Club recruitment day ·JAM 2012 ·Walang pasok September at October 2013 ·ICT Corner ·“Form a circle, make it straight.” ·Musical Play ·Talk and Text concert ·1 minute of silence ni Sir Pilamer ·Film viewing sa AVR...malamig at madilim ·Psychological tests ·Character day ·Drop everything and read ·Gumagana pala ang mga CCTV na inakala’y charot lang hehehe ·Book Lovers Club at si Ma’am Melophyl ·Speech Fest ·Outreach ng ITS, SocMat, YASSEn at YASSEd ·Biglang pagtawa o paggalit ni Ma’am Ruth Guererro ·ERP ·Fire drill, earthquake drill, tsunami drill, alien attack drill (biro lang) ·e-class at alternative learning ·“Buenas dias” ·Family Day ·Cramming ·Maingay na printer sa Computer Laboratory ·Tayuan kapag nagtatanghal ang Dance Troupe, Acoustic Band at CCA tapos mauupo rin ·Mga isyu sa cheerdance ·Class picture ·Selfie pero maraming kasali ·Overnight at outing ·Pusong Bato ·“Kapayapaan ating dasal para sa bayan nating mahal...” ·FANCC??? Ano ‘yun? ·Mga inuulit na gawain sa morning assembly ·Coffee machine na tig-P10...nasaan na kaya ngayon? ·Payabangan ng mga anniversary ng mga magsyota na akala nilang happy-ever-after na ·“Ang 10...9...8...7...6...5...4...3...2...1 okay close the gates now” ni Sir Pilamer kung saan nagiging instant superhero ka na si Flash upang hindi mahuli tuwing assembly ·Tawagin kang ding/dear ni Sir Pelayo

·Pagsita ni Ma’am Minnie sa library ng “Psst, hayskul.” ·St. Ignatius Day ·Nawawalan ng tubig sa gripo ·Career talk ·MAPEH culmination ·Yellow pad ·Speech choir, sabayang pagbigkas ·Kwentong multo sa campus ·Lunch na kinakain during recess ·Ang lady guard ·Late slip, admit to class slip, infirmary slip, referral slip (YES!) ·Barbershop ni Sir Pilamer ·“Ang bayan ko’y tanging ikaw, Pilipinas kong mahal...” ·Sigawan matapos ang bawat NBA finals, di mo alam paano nalalaman kahit nasa eskwelahan ·El Filibusterismo, Noli Me Tangere, Florante at Laura, at Ibong Adarna ·Stamp ni Ma’am V ·YSEP ·Halloween party ·“One minute of silence” ·Donation drive: canned goods, used clothes, toiletries, medicines, bra, cash atbp ·Nakakabadtrip kung sarado ang photocopy ng PTA ·Pakikipanayam, mock interview at business attire sa 3rd year ·Black out habang nasa IAA ka o nasa Computer Laboratory o AVR ·AVR 1, AVR2 at AVR 3 (back stage lobby) ·Pancit canton, chicken skin, pastil, garlic bread, putopao etc sa canteen ·Si Ma’am Ruth G. kapag galit, pero tatawa rin afterwards ·Shades ni Sir Marcial ·ADZU Centennial ·UNIDO shirt ·“Do not drag your feet, hindi ka na tatangkad niyan at p****t ka.” ·Scientific calculator ·Paghingal habang umaakyat papuntang 5th floor ·Yellow boat project ·Batch ni Tuting ·John’s Day ·Hayskul Night ·Nakakadalang pagpapaulit ni Sir Marcial ng reflection paper ·Brownies ni Ma’am Pam ·Dula ng Punlaan ·Sirang bell na parang fire drill oras-oras, ang kulit ·Esem at Ang Huling El Bimbo ·ComServe ·Nakakainis na sirena ni Sir Pilamer tuwing recess ·Mala-lifeguard na upuan ni Sir Pilamer sa cafeteria ·#DueleSayo ·Paki-explain pag may time... Mwuah... Labyu ·________________________________________________ ·________________________________________________ ·________________________________________________ ·________________________________________________ ·________________________________________________ ·________________________________________________


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.