Sample

Page 1

Steps to You By HaveYouSeenThisGirL


TEASER

LEO Magsaysay, a brokenhearted guy who is very pessimist towards life and living. Masyadong desperado at dahil nga sa pessimist, nagdesisyon siyang magsuicide. Pero iniligtas ng isang Autumn Sanchez ang buhay niya mula sa pagsu­suicide niya na pinagsisihan nito because she hates people who commits suicide out of love problems. Her sister has a heart cancer at may taning na ang buhay nito kaya gayun na lamang ang galit niya kapag nakakakita ng mga taong sinasayang ang buhay sa mga walang kwentang bagay. Gayunman ay nagkaayos din sila at kinuwento ni Leo dito ang tungkol sa ex­girlfriend na si Ariel.

Dahil sa mahilig sa adventure si Autumn ay naisipan niyang umepal sa buhay ni Leo at tulungan itong ibalik ang ex­girlfriend ni Leo sa kanya by listing 10steps. 10 steps to get Leo's ex­girlfriend


or would they get lost and step to somewhere else?

Ito ang storya nina Autumn at Leo, mali pala, ito ang storya nina Leo at Ariel na inaayos ni Autumn.


CHAPTER I

“LOVE?

Sa

una

ka

lang

masarap,

sa

una

mo

lang

pinaparamdaman sa’kin na masaya ang feeling ng mainlove pero ‘pag tumagal, puro sakit sa damdamin na lang ang binibigay mo! Nasaan na ‘yung happy feeling noong una? Sa unang beses lang ba ‘yun ha? Ganun ba talaga ang love? The heck with this feeling! The heck with love! Ayoko na, pagod na akong magmahal, ang sakit sakit lang!” tumapak si Leo sa may railings nang rooftop ng school building nila habang nagbabalik tanaw sya sa pangyayaring nagbigay dahilan sa kanya para magpakamatay.

TWO weeks ago, in a relationship pa ang status ni Leo Magsaysay sa kanyang social network profile pero naging “it's complicated” ito hanggang sa naging “single” na lang. Mahal na mahal ni Leo si Ariel Soledad, ang ngayon ex­girlfriend niya.


Kababata nya ito at noon pa man ay may pagtingin na siya sa dalaga.

Noong una ay hindi sya umaamin dito, hanggang secret crush lang sya pero noong tumungtong sila sa high school ay napag­ isipan niya ng pormahan ang kababata at nagpaalam siya dito na manliligaw. Nag­work out naman ang panliligaw niya. It took him eight months to have her say the magic words, “oo, sinasagot na kita”.

Now, they are in their 4th year of high school and in less than six months ay gagraduate na sila. Hindi inakala ni Leo na bago sila gru­maduate ay makikipagbreak sa kanya si Ariel. Na halos three years niya ng girlfriend. Wala naman siyang natatandaang problema or mabigat na pag­aaway between the two of them. Actually happy couple sila at ginagawa niya ang lahat ng gusto nito


para lang mapasaya ng husto ang girlfriend.

“Break na tayo, Leo.”

“Ha? Nagbibiro ka lang diba, Ariel? ‘wag ka namang ganyan, hindi nakakatawa eh.”

“I'm not kidding, seryoso ako. Ayaw ko na sayo, hindi na kita mahal. I'm dating someone already. I'm sorry.” “You're dating someone?” halos hindi makapaniwala si Leo sa narinig dahil hindi niya inakalang nakikipagdate si Ariel kahit in a relationship pa sila, “Kelan pa? At tsaka bakit? Ariel, anong nagawa ko? Bakit hindi mo na ako mahal? Ariel, please don't leave me. Mahal na mahal kita.”


“I'm really sorry Leo,” yumuko ito habang nagso­sorry, “Sorry talaga Leo, pero may iba na akong mahal. Wala na talaga akong nararamdaman para sayo.”

Iyon

‘yong

araw

na

nakipag­break

sa

kanya

ang

pinakamamahal niyang babae. Isang ordinaryong araw lang ‘yon. Hinahatid niya lang sana ang girlfriend niya pauwi pero biglang tumigil sa paglalakad si Ariel at sinabi ang lahat ng masasakit at mahirap tanggapin na salitang iyon.

Umalis din agad si Ariel pagkatapos mag­sorry ng paulit ulit at naiwan si Leo sa kinatatayuan niya na halos matulala at hindi matanggap ang mga pangyayari.

“Mama, look! There's a statue over there with the ipot of the bird on his head.”


“Shh, hindi ‘yan statue anak. Halika! Mamaya bad guy ‘yan. Let's go.” bawat taong madadaanan siya ay pinagtitinginan siya. Paano para na kasi talaga siyang nabato sa kinatatayuan at kung mamalasin pa nga siya, na­iputan pa siya ng ibong dumaan.

Masakit para kay Leo ang iwan siya ng girlfriend niya para sa ibang lalaki. Hindi niya matanggap na may iba ng mahal ang babaeng pinakamamahal nya.

KINABUKASAN din ay nakita at nakilala niya ang sinasabing dine­ date ni Ariel. Ito ay si King Reyes. Captain ng basketball team ng school nila. Nakakapanlumo lang kung ang ipinalit sa’yo ng girlfriend mo ay isang taong hindi mo kayang pantayan at ang taas ng agwat sa’yo. No wonder pinagpalit siya ng girlfriend niya. Isang


King Reyes ba naman pala ang dine­date nito. Campus hearthrob lang naman kasi ang ipinalit sa kanya ng girlfriend niya. E, siya? Ano ba siya? Campus no one.

“MAHAL na mahal kita Ariel!” tatalon na sana si Leo mula sa ika­limang palapag ng building nang pigilan siya ng dalwang kamay na yumakap sa kanyang bewang.

ISANG normal na araw lang iyon kay Autumn Sanchez. Pumasok siya ng school, nakalimutan ang assignment, nakipagdaldalan sa mga kaibigan at nakipaglaro sa mga ito.

Pagkatapos ng klase nila, kahit mga fourth year high school na sila ay may mga pagka­isip bata pa rin sila kaya naman napagdesisyunan nilang maglaro muna ng tagu­taguan bago umuwi. Siyempre, sumali si Autumn dahil tinatamad pa siyang


umuwi at gusto niyang mag­enjoy kahit saglit.

“1, 2, 3...”

“Saan kaya ako magtatago?” tumatakbo na si Autumn para maghanap ng taguan habang nagbibilang ang mga taya. Grupo­ grupo ang paraan nila ng paglalaro na hinati nila sa dalawang pangkat. Sampu ang taya at sampu ang magtatago kaya kahit malaki ang taguan, hindi mahihirapang maghanap ang mga taya.

“Ah tama, sa rooftop!” kahit alam niyang bawal ay umakyat si Autumn papuntang rooftop para magtago doon. Restricted area ang rooftop na ‘yon sa mga estudyante kaya sigurado siyang hindi siya mahahanap doon.


“Yes, bukas!” laking­tuwa niya nang buksan niya ang doorknob ng rooftop ay hindi ito naka­lock. Kadalasang nakasarado ang pintuan papuntang rooftop kaya buong­galak niya nang mapag­ alamang bukas iyon.

“Mahal na mahal kita Ariel!”

“’WAG!” nanlaki ang mga mata ni Autumn nang pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya ang isang lalaki na nakatungtong sa may railings doon at nagbabalak tumalon. Agad­agad siyang tumakbo palapit dito at niyakap ito sa beywang para maihagis pabalik sa may safe floor ng rooftop.

“Baliw ka ba!” hinihingal na sinigawan niya ito habang nakahiga sa sahig si Leo dahil sa pagkakahagis niya dito, “Nagpapakamatay ka ba!”


“Oo! Bakit mo ako pinigilan!” tumayo ulit si Leo at lalapit ulit sana sa railings pero pinigilan siya ni Autumn.

“Ano ba, bitawan mo ako!”

“’wag kang magpakamatay! Life is so great so don't kill yourself!”

“What is so great about life kung wala na rin lang naman sa buhay ko ang mahal ko! Just let me die!”

“Ano? You're committing suicide just because you're broken hearted?” of all things, Autumn hates people who take away their lives with nonsense reason kaya naman sa inis niya ay hindi niya binitawan si Leo bagkus ay itinulak niya ito palapit sa railings.


Kalahati ng katawan nito ay malalaglag na pero siyempre wala namang intensyon si Autumn na ihulog ito. Inis lang talaga sya dito kaya gusto niya itong takutin. “O sige, ayan pakamatay ka!”

“W­wag! H­hoy, wag mo akong ilaglag!” nabigla si Leo sa ginawa nang hindi niya kilalang babae at dahil doon ay sobra siyang natakot. Doon niya lang narealise kung gaano pala kataas ang building habang nakapuslit ang ulo niya sa may railings. Hindi niya akalaing pumasok sa isip niyang tumalon sa ganoon kataas na building. Siguro nga kapag sobrang depress ka na ay hindi mo na magawang mag­isip ng matino.

Binitawan rin naman siya ni Autumn at inihagis pabalik sa safe ground ng rooftop pero noong maka­recover na si Leo sa takot ay pinagalitan niya si Autumn. “Sira ka ba! Kamuntik mo na akong mapatay ah!”


“E, di ba, ‘yon naman ang gusto mo? Ang labo mong kausap. Magpapakamatay ka pero takot ka namang mamatay! Ewan ko sayo!”

Naisuklay ni Leo ang mga daliri niya sa buhok out of frustration and desperation. “Ayaw ko na. Ayaw ko na talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayong wala na si Ariel. Nasanay ako masyado na laging nandyan siya sa tabi ko at lagi ko siyang nasasabihan kung gaano ko siya kamahal. Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang mayakayap pero wala na eh. Hindi na niya ako mahal. Iba na ang mahal nya. Iba na, hindi na ako. Ang sakit sakit, alam mo ba yun? Alam mo ba kung gaano kasakit na iwan ka ng taong mahal mo?”

Naiintindihan ni Autumn ang dinaramdam ni Leo pero hindi


niya talaga gusto ang pag­ayaw nito sa buhay dahil lang sa nabigong pag­ibig kaya naman sinumbatan nya ito pabalik. “Sa buhay, hindi pwedeng masaya palagi. Masasakta't masasaktan tayo whether we like it or not. It's just a matter of having the strength to face and surpass it. Pero sa tingin mo ba tamang magpakamatay ka dahil lang sa brokenhearted ka? Is that a valid reason to end your life ha? How can you be so selfish!”

“Selfish? Ako?” nagtatakang tinuro ni Leo ang sarili gamit ang hintuturo.

“Oo! Selfish ka! Kayong mga taong nagsu­suicide dahil lang sa broken hearted kayo or whatever reasons! Alam kong nagdadaan kayo sa masakit na experience pero naisip niyo bang may mga taong gustong mabuhay? Na may mga taong lumalaban para mabuhay at may mga taong kahit anong gawin nila, kahit gustuhin


nilang mabuhay ay hindi sila pwedeng mabuhay? Tapos ikaw na may pagkakataong mabuhay, ikaw na biniyayaan ng tsansang magawa lahat ng gusto mo sa buhay mo, anong ginagawa mo? Gusto mong magpakamatay dahil lang sa iniwan ka ng girlfriend mo? That's a sick reason! Sana ikaw na lang ang nagka­cancer. Sana ikaw na lang ang nasa lugar na may giyera. Sana ikaw na lang iyong mahihirap na walang makain, sana. Sana hindi na lang ikaw ang nabiyayaang mabuhay ng matino dahil aaksayahin mo lang ito sa walang kwentang heartbreak!”

Nag­walk out na si Autumn sa inis. Hindi niya nga maisip bakit nag­aksaya pa siyang pigilan magpakamatay ang isang walang kwentang stranger.

MAY kapatid si Autumn na cancer patient na kasalukuyang naka­ confine sa hospital at palala ng palala ang kondisyon nito. Kahit


kaunti na lang ang tsansa nitong mabuhay ay lumalaban pa rin ito kaya ganoon na lang ang inis ni Autumn sa mga taong basta­basta na lang inaaksaya ang buhay nila dahil ang kapatid nya, kahit gusto nitong mabuhay ay wala na talagang tsansa sapagkat malalang malala na ang cancer nito sa puso.

“Wait lang,” tinamaan si Leo sa mga sinabi ni Autumn kaya pinigilan nya ito sa braso at humingi ng tawad. “Pasensya na! Tama ka nga! Hindi ko dapat inaaksaya ang buhay ko dahil lang sa broken hearted ako. Napakaselfish ko nga. Pasensya na talaga! Malungkot na malungkot lang talaga ako na hindi ko na maisip kung ano ang dapat kong gawin and I ended up with a wrong decision. Thank you for stopping me from that decision. You saved my life.”

Napangiti si Autumn sa sinabi nang lalaki. Naisip niyang hindi


rin naman pala ganun ka­sira ulo itong lalaking pinigilan nyang magpakamatay kaya naman humarap siyang muli dito. “Hey, my name is Autumn. Tell me something about this certain Ariel? I might help you to get her back.”

Hindi alam ni Autumn kung ano’ng pumasok sa isip niya at nag­interfere siya sa buhay ng isang hindi kilalang lalaki ngunit sa tingin niya, isang malaking adventure ito para sa kanya kung tutulungan niya ang desperadong lalaking ito na maibalik ang girlfriend nito. Nabigla naman si Leo sa offer ni Autumn. Hindi niya inaasahan na may isang taong pipigil sa kanyang magpakamatay at tutulungan pa siyang ibalik ang ex­girlfriend niya. Nagpakilala rin siya kay Autumn at sinimulan niyang ibinahagi ang lahat ng tungkol sa kanila ni Ariel. Parehas na naging magaan ang loob nila sa isa't isa agad­agad kahit pa minsan may pagka­brutal si Autumn towards


Leo. Minsan kasi kapag masyadong pessimist magkwento si Leo ay sinasapak o sinisigawan siya ni Autumn pero kahit ganun sila ay nagkakasundo naman sila sa kwentuhang iyon.

“Hala, 6pm na! Gabi na!” napatayo si Autumn sa pagkakaupo niya. “Nakalimutan ko na iyong tungkol sa tagu­taguan, patay! Baka umuwi na iyong mga ‘yon.”

“Tagu­taguan?”

“Naglalaro kasi kami ng tagu­taguan kanina kaya naman napunta ako dito sa rooftop para magtago pero dahil nga sa may isang abnormal na magpapakamatay sana, ‘yon nakalimutan ko na ng tuluyan ang tungkol sa laro namin pero since late na, siguradong nagsi­uwian na ‘yong mga iyon at nakalimutan na ako. O sya Leo, sa tingin ko dapat na rin akong umuwi baka hinahanap


na ako sa’min.”

Tumayo na rin si Leo at pinagpagan ang puwetan dahil sa pagkakaupo sa may sahig ng rooftop. “Sabay na tayo palabas ng school gate.”

At doon na nagsimula ang storya nina Autumn at Leo. Si Leo Magsaysay na isang loser broken hearted guy na gustong magpakamatay pero iniligtas ng isang Autumn Sanchez, at tutulungan pa siya nitong ibalik ang girlfriend niya. Pero paano?


CHAPTER II

“TEN steps to get your ex­girlfriend back.” nagtataka ang ekspresyon ng mukha ni Leo ng iabot sa kanya ni Autumn ang isang papel na may mga steps para maibalik ang ex­girlfriend. Alam niyang nagkasundo na silang tutulungan siya ni Autumn na ibalik si Ariel sa kanya kaya nga andito sila ngayon sa may canteen at sabay na nagla­lunch kahit hindi naman sila classmates. Parehas sila ng year level pero sa top class si Autumn at nasa lowest class naman siya kaya hindi sila pamilyar sa isa't isa dahil sobrang magkalayo ang level nila.

“Ano ito?”


“Hindi ka ba marunong magbasa? Ayan oh, font times new roman size 20 at naka­bold and underline pa ang title dyan, hindi mo mabasa­basa! 10 steps to get your ex­girlfriend!”

“Oo, oo nababasa ko pero what I mean is, anong gagawin ko dito?”

“Ang slow,” naipukpok na lang ni Autumn ang palad sa may noo, “E, di susundin mo ‘yan. Nakuha ko ‘yang mga ‘yan sa internet from different sites! We need to try them all para maibalik sayo si Ariel!”

“Effective ba 'to?”

“Kaya nga i­ta­try e, diba?”


“O sige, bahala na si batman.”

Kahit hindi convinced masyado si Leo sa mga steps na nakasulat doon ay nagtiwala na lang siya kay Autumn. For the moment, he really needs someone to help him dahil wala siyang idea ng dapat gawin kapag mag­isa lang siya. At sa tingin niya ang isang pessimist person na tulad niya would need someone as optimistic as Autumn to help him.

“Step 1, kidnap her. Threaten her to come back to you. Step 2, if step 1 doesn't work just go get yourself a love potion or whatever wizardly things to get her head over heels to you.”

“Eh!” inagaw agad ni Autumn iyong papel na hawak ni Leo at tiningnan ang mga nakasulat doon. Pagkatapos ay ginusot at tinapon. “Hehe, mali pala. Iyan pala iyong 10 steps na kalokohan


lang. Saglit, bigay ko sa’yo ‘yong tama.”

Kinuha ni Autumn mula sa bag niya iyong tamang kopya ng step to get Leo's ex­girlfriend back at inabot ito kay Leo. “Ito na ba ‘yong tama?”

“Oo, oo.”

“Tsk. Puro kalokohan naman ang mga isinusulat mo.”

“Eh ‘yon kasing nabasa mo kanina, ‘yon ‘yong steps for desperate situation.”

“Desperate situation?”

“Oo, kapag talagang ayaw ka ng balikan ng ex mo. Pero


siyempre hindi natin gagawin ‘yon because that's too evil. You can't force love dahil true happiness can't be found in forced love. Mas masahol pa sa unrequited love ang pinilit na pag­ibig.”

“Whatever,” binuksa na ni Leo ang papel na inabot sa kanya ni Autumn at binasa ang mga nakalagay doon. Medyo hindi malinaw ang iba sa kanya pero ang sabi ni Autumn ay ipapaliwanag niya na lang daw iyon as they move forward with the steps. As of now, kailangang mag­focus muna daw sila sa first step.

The first step is: Relax and think.

“Wait, first step? E, dalawang steps na ito. Relax tapos think, that's two actions! So dapat step 1 and 2 ito!”

“Shut up, Leo! ‘wag ka ngang pilosopo. Ayun sa research ko


sa internet, ang ibig sabihin niyan ay mag­calm down ka muna. Di ba broken hearted ka? ‘Wag ka munang magpaka­depress. Breathe in, breathe out. After that, think about your past relationship with her. What went wrong with your relationship? Try to unfold what's going on in Ariel's head. Try to figure out what's the reason behind her losing her feelings for you. Did you do something wrong or something to hurt her? Iyong mga ganung bagay. Before acting, one must think clearly, so relaxing is also a must to have a clear mind kaya magkasama ang relaxing and thinking sa first step.”

“Fine, I understand. Alam ko na rin naman pati kung bakit nakipag­break sa’kin si Ariel. Di ba nga sabi ko sa’yo may bago na s’yang dine­date, iyong si King Reyes?”

“Ayon! Isipin mo kung bakit pinagpalit ka niya?”


“Hindi ko nga malaman kung bakit e. Siguro dahil sa isang campus hearthrob si King at ako ay isang campus ewan lang?”

“Exactly!”

“Kung maka­exactly ka naman.”

“E, iyon naman kasi talaga ang reason kung bakit iniwan ka ni Ariel. Gwapo si King, ikaw... uhh...”

“Bakit ganyan ka makatingin sakin? Oo na, ako ng pangit.”

“Buti alam mo,” tatawa­tawang sabi ni Autumn pero sa isip nya, alam naman ni Autumn na hindi naman pangit si Leo. Medyo may pagkabaduy lang ng konti pero all in all, he's not that bad.


“Tapos sikat si King sa campus, ikaw hindi. Mas matalino si King sa’yo.”

“Kasalanan ko ba kung nasa lowest section ako.”

“Oo, kasalanan mo kasi hindi ka nag­aaral.” straight to the point na sabi ni Autumn. May pagka­prangka kasi siya. “Tapos sporty type si King, lalaking­lalaki. E, ikaw ba anong sport mo?”

“Matulog.”

“Wow, nakaka­admire naman ang sport mo. No wonder ipinagpalit ka talaga ng girlfriend mo.”

“O, tapos ka ng manlait?”


“Oo, tapos na. Pero aside sa panglalait, gusto kong ipamukha sa’yo kung ano ang mga mali sayo. Kung ano ‘yong mga naging dahilan kung bakit nawalan na ng interest sa’yo ang girlfriend mo.”

“Ano ‘yo? Hindi na niya ako mahal dahil sa ganito ako? Dahil ba sa mas lamang ng ilang paligo sa’kin ‘yong King Reyes na ‘yon? Kahit naman mas lamang sa kagwapuhan, katalinuhan at muscles sa’kin si King, sigurado naman akong mas lamang ang pagmamahal ko kay Ariel kaysa sa kumag na ‘yon!”

Naihampas ni Autumn ang kamay sa may lamesa. “Hindi sapat ang pagmamahal lang! Sa tingin mo ba porke’t mas lamang ang pagmamahal mo sa King na ‘yon ikaw na ang pipiliin ni Ariel? Look, sa pag­ibig hindi ito contest ng palamangan ng level ng pagmamahal. It's a matter of using your heart as well as your brain.


You don't love just because your heart says so.”

“So anong gusto mong gawin ko?”

“We just did the first step. You're relaxed enough and we have thought about the reason behind the break up so let's head to step 2.”

“Wow,

ang

bilis.

Fastforward

tayo

masyado

ah?

Nagmamadali?”

“Baliw! Basahin mo na nga ang nakasulat sa step 2!”

Ginawa naman ni Leo ang sinabi ni Autumn. Binasa niya ang nakasulat sa step 2 which is: ‘be desirable to your girlfriend’. Nabigla si Leo at medyo hindi nagets ang ibig sabihin ng step 2.


“Paanong desirable?”

“E, di, get yourself a change!”

“Change? As in sukli?”

“Engot naman nito! Nakakaloka ka, Leo. I mean change as in magbago ka ng physical aspects mo and the such!”

“Why should I change myself? Isn't love all about loving someone for who they are?”

“Geez, where did you get all these ideas about love? I know tama rin iyon pero you can't be as hard headed as you are now. If you want to get her back you must change something in yourself but I'm not saying change everything, just adjust some things. For


example, try to maintain those aspects that Ariel used to like about you. Tapos, iyong mga aspects na sa tingin mo less pleasing sa’yo ay baguhin mo.”

“Like?”

“Like your looks! Ang baduy ng porma mo. Saka, ano ba naman iyang hairstyle na ‘yan?” lumapit si Autumn kay Leo at ginulo ang buhok nito. “That's so old age. Kailangan mong magpagupit na! Tapos, iyong studies mo, ayus­ayusin mo. It doesn't mean na nasa lower section ka kailangang maging bobo ka na. Sigurado akong pag nag­improve ang grades mo ma­i­impress sayo si Ariel! Ah, I got an idea.”

“Ano na naman iyang ideya na ‘yan?”


“Saang subject ka magaling?”

“Recess o lunch.”

Tinignan lang ng masama ni Autumn si Leo kaya naman binago ni Leo ang sagot. “Joke lang. Siguro sa Math. Bakit?”

“Math... hmm... Tamang tama! Next week may Math quiz bee for all year level. Kailangang sumali ka doon!”

“Ha? Quiz bee? Ako sasali? Oy, wag ka ngang magbiro!”

“Sinong nagbibiro? Seryoso ako! Lahat ng estudyante ay manunuod sa quiz bee at siguradong isa na doon si Ariel. Once na makita niyang kasali ka doon sa quiz bee ay mabibigla ‘yon and who knows kapag nanalo ka pa, siguradong ma­i­impress sayo si


Ariel! That's a point, don't you think?”

Napaisip si Leo sa sinabi ni Autumn at hindi rin nagtagal ay na­ convince siya nito, kaya naman muli ay humingi siya ng tulong na i­ tutor siya nito para sa nalalapit na quiz bee. Alam niyang matalino naman si Autumn, kaya nga nasa top section ito.

“Ang galing mo talagang mag­isip Autumn! Kapag nanalo ako sa quiz bee na ‘yon, hindi lang si Ariel ang matutuwa pati na rin ang mga magulang ko. Baka madagdagan pa ang baon ko nito ‘pag nagkataon.”

“Hay naku, ewan ko ba sayo Leo. Sigurado naman akong may utak ka pero hindi mo lang ginagamit. Alam mo bang mas attracted ang mga babae sa matatalinong lalaki?”


“Weh? Hindi kaya. Bakit sa mga koreanovelas, mga gusto ng mga babae iyong mga gangster type, ‘yong mga sira­ulo at walang alam kundi mambugbog?”

“Nanunuod ka ng koreanovela?” nabigla at napatawa si Autumn.

“Heh! ‘Wag ka ngang tumawa. Anong magagawa ko kung mahilig ang nanay ko doon, e, hindi naman ako makasingit sa tv kapag nanunuod na siya ng mga koreanovela niya, kaya I just end up watching it with her dahil no choice na ako.”

“Hahaha! Fine, whatever. Pero koreanovela naman ‘yon. Huwag kang magpapaniwala doon. Sige nga, sa tunay na buhay ba sinong babaeng gustong makipagboyfriend sa isang gangster? Hala, basta ako hindi ako lalapit sa isang lalaking gusto akong


suntukin ha, hindi ako baliw!”

“Sabagay! Sabi ko nga rin sa isip ko habang nanunuod ng mga koreanovela, sino nga ba namang engot na babae ang gustong makipag­date sa isang mapanganib na lalaki? Ah ewan ko nga ba dyan sa mga koreanovela na ‘yan.”

“Wait speaking of koreanovela, mahilig ba sa Korean looking guys si Ariel?” may biglang naalala si Autumn na connected sa 10 steps na nakuha niya sa internet. Tumango­tango naman si Leo bilang sagot at pagkatapos noon ay itinuro ni Autumn kay Leo ang 3rd step. “Know what she wants.”

“E? Ano namang ibig sabihin niyan?”

“Connected ang step 2 at step 3. Sabi sa step 3, kailangang


malaman mo ang mga gusto niya especially iyong type ng lalaking gusto niya. May certain celebrity crush ba sya? Anong itsura? Paano pumorma? Iyong mga ganun ba.”

“O, parang gets ko na. So ‘di ba sa step 2, I should change myself? So, kung connected iyong dalawang steps na ‘yon, does that mean kailangan kong mag­change sa way na gusto niya?”

“Tama! Dahil sabi mo, mahilig siya sa mga Koreans, I suppose she has great crushes with Korean celebrities right? At ‘yon na rin siguro ang ideal look niya for a prince charming, ‘di ba?”

Napakamot ng ulo si Leo. “I think so. Pero hindi naman ako Korean e, so how could I change myself into someone she likes?”

Tinignan ni Autumn si Leo from head to toe. “Maputi ka naman


e. Wala namang problem sa ngipin mo. Hindi man kasingkitan ang mga mata mo pero okay na. Tapos, hindi rin pango o sobrang tangos ng ilong mo, tamang­tama lang. Ang problema lang talaga sa’yo ay ang buhok mo. Daig mo pa ang lolo ko sa istilo ng buhok mo. Kailangan mo na talaga ng proper haircut, asap. Tapos, aayusin din natin ang accessory mo. Since hindi naman pwedeng pumorma in freestyle dahil naka­uniform tayo kaya atleast makabawi ka man lang sa porma through accessories.”

Nagdire­diretso pa ang usapan nila hanggang sa natapos na ang oras ng lunch at napag­usapan nilang magkita na lang muli sa may school gate pagkatapos ng klase, dahil sasamahan daw ni Autumn na magpagupit si Leo sa isang magandang pagupitan para maayos ang istilo ng buhok nito. Ipapaayos niya ang buhok nito katulad ng hairstyle ng isang korean actor na nakita niya sa tv noong isang araw. Sa tingin niya kasi ay babagay ito kay Leo at


balak din niyang palagyan ng light brown highlight ang buhok nito to add good effects. Buti na lang hindi problema sa school nila ang hair color, basta lang daw hindi matitingkad tulad ng blonde, red, violet and the such.

“WOW! E, ‘di ayan, may itsura ka na!” tuwang­tuwang umikot si Autumn

kay

mapagupitan

Leo at

habang

malagyan

pinagmamasdan ng

mga

tamang

ito

matapos panlalaking

accessories.

“May itsura na ako? So faceless ako dati, ganun ba ang gusto mong iparating?” nakabusangot na sabi ni Leo dahil wala ng ginawa si Autumn kundi laitin siya pero naiintindihan niya naman ito. Alam niyang nagiging prangka lang sa kanya ang dalaga para matulungan siyang mabawi ang pinakamamahal niyang si Ariel.


Pinalo ni Autumn sa balikat si Leo ng mahina habang tatawa­ tawa. “Ito naman o, siyempre ang ibig kong sabihin ay swabeng­ swabe na ang itsura mo ngayon. Siguradong maninibago ang mga classmates mo. Aba, mukha ka ng Koreano niyan o! Dapat ayusin mo din iyang lakad mo. You should walk and talk with confidence. Dapat feeling gwapo ka para dagdag charm points! For sure simula bukas, marami ng girls na magkaka­crush sayo. Ang cute mo na eh!”

Pinisil pa ni Autumn ang pisngi ni Leo na siyang ikinainis naman ng huli kaya tinampal niya ito palayo sa pisngi niya.


CHAPTER III

STEP 4: Be friends with her.

“What? I should be friends with the girl I love? Ano ba ito, Autumn? Kalokohan naman yata itong mga binibigay mo sa’king steps e! Are you sure I'll be able to get her back with these kind of stuff?”

She knew na ito ang magiging initial reaction ni Leo once mabasa nito ang step 4. Kahit naman sinong taong nagmamahal lalo na at kagagaling lang sa isang masakit na break up ay hindi


nanaising

maging

kaibigan

ang

ex

niya

hangga't

may

nararamdaman pa siya para dito. Mahirap maging kaibigan ang taong mahal mo pero nabasa ni Autumn sa internet na para maibalik mo ang ex­girlfriend mo, you need to take the painful role at iyon nga ay ang maging kaibigan nito. This is the only way para mapalapit si Leo sa ex­girlfriend nito ng hindi iisipin ni Ariel na obsessed pa rin si Leo sa kanya. In this way, hindi magagawang takutin palayo ni Leo si Ariel. If Ariel would see him at least as a friend and not a desperate ex­boyfriend who wants her back, baka mas malaki pa ang chance na bumalik ang nararamdaman ni Ariel sa binata.

“Trust me and these steps, makakatulong sila! You need to be friends with her in order to do the other steps in the list!”

“Fine,” napabuntong­hininga si Leo. “I'll try to be friends with


her pero teka, wala akong ideya kung papaano ako magsisimula o lalapit sa kanya para makipagkaibigan. Since we broke up, lagi niya na akong nilalayuan at itinatakwil.”

“What? Bakit?”

“E, kasi nga ‘di ba desperate ex­boyfriend ako? Para akong naging stalker sa kanya after our break up. I always called her phone 24/7, na kahit kailan ay hindi nya sinagot. Every time I waited for her in front of her classroom door after her class, she just pushes me away or ignores me. Noong una pinapansin niya ako at paulit­ulit na nagso­sorry pero noong tumagal na, siguro nainis na rin siya sa stalker and obsessed attitude ko kaya tinatarayan niya na ako at pinapalayo. I guess I have been a total eyesore for her kaya sa tingin ko ‘pag lumapit ako sa kanya for a purpose na makipagkaibigan ay baka layuan at takbuhan niya lang ako even


before I could open my mouth.”

“Oh c'mon,” tinapik ni Autumn ang balikat ni Leo na noon ay nakatungo na at nagsisimula na namang maging isang pesimista. “Kaya mo yan! Before she could ran away, isigaw mo na agad sa kanya na gusto mo lang makipagkaibigan and nothing more. Tell her white lies like you don't have any feelings for her anymore, na you don't have any interest na subukang ibalik siya sa’yo. Basta act casual lang when you're with her. Huwag kang magpapahalata na you're trying to convince her to get back with you. Don't be obvious, that's what’s important okay?”

Kahit hindi confident ay tumango­tango na lang si Leo. Katulad ng lagi niyang sinasabi: ‘bahala na si batman’.

NOONG hapon ding iyon ay sinimulan niya ng gawin ang stepp 4.


Sinabi niya sa sarili niyang he better make some move or else baka tuluyan ng mapalayo sa kanya si Ariel, which he can't afford that to happen. Wala na siyang time para magwishy­washy kaya nilakasan niya na talaga ang loob niya at naghintay sa tapat ng classroom ni Ariel pagkatapos na pagkatapos ng klase niya. Luckily, maaga magpalabas ng estudyante ang teacher nila sa last period kaya may time pa siya para maabutan at mahintay si Ariel sa classroom nito.

Hindi mapakali si Leo sa may corridor habang naghihintay sya. Five minutes na lang naman at magbe­bell na, pero siguro dahil na rin sa kaba feeling niya ay iyon na ang pinakamatagal na five minutes sa buong buhay niya. Pabalik­balik siya sa paglalakad sa may corridor at pinagpapawisan ng malamig. Feeling niya ay aatakihin siya sa puso nang biglang tumunog ang bell. Unang lumabas ng classroom ang teacher sa last period ng klase ni Ariel


at sumunod ang ilang mga estudyante. Hinintay niyang lumabas si Ariel mula sa may pinto at noong makita niya ito ay lalapitan niya sana ito ngunit umiwas ito at sumama sa mga kaibigan. Desidido siya sa gagawing hakbang kaya pinigilan niya ito sa braso na ikinagalit ng dalaga.

“Ano ba Leo, bitawan mo nga ako! Ilang beses ko na bang sasabihin sa’yo na wala na tayo, na wala na akong nararamdaman sa’yo!”

“Ouch.” iyun ang unang pumasok sa isipan ni Leo ng marinig niya ‘yong mga salitang ‘yon pero sinubukan niyang i­compose ang sarili. He should stay cool and normal para iparating kay Ariel na pakikipagkaibigan lang ang intensyon niya at wala ng iba pa.

“Ariel, listen to me. We need to talk.”


“What for? There's nothing to talk about our already ended relationship!”

“I'm not here for that. I'm here to be friends with you. I'm also done with my feelings with you pero ayaw ko namang masira iyong friendship natin, ‘di ba, before maging tayo ay close naman tayo? Magkababata tayo Ariel and I don't want that bond between us na mawala na lang basta dahil lang sa natapos na relasyon natin. Ariel please come with me and let's talk about this. I want to fix at least this friendship we used to have.”

Napaisip si Ariel at sa tingin niya ay tama nga si Leo. Magkababata sila at kahit siya ay ayaw niyang mawala iyong pinagsamahan nila kaya naman nagpaalam siya sa mga kaibigan at nagdesisyong sumama kay Leo.


“So where are we gonna talk?”

“Mind to get some slurpee dyan sa may 7/11 near our school? My treat.”

“Sure.” lumakad na sila papuntang 7/11. Nakita niya pa sa may gate si Autumn at palihim na binigyan siya ng thumbs up sign at kumaway na paalis, siguro uuwi na. Napangiti siya sa kabaitan ni Autumn sa kanya. Isang weird girl na hindi naman niya gaanong kakilala pero ginagawa ang lahat ng ito para sa kanya. Naisip niyang balang araw ay kailangan niyng suklian itong ginagawa sa kanya ni Autumn, gusto niya ring gumawa ng isang bagay para kay Autumn.

NAGWORK OUT ang paguusap nila sa 7/11. Nagkaayos na sila ni


Ariel at friends na ulit sila. Ihahatid sana ni Leo si Ariel pauwi pero ang sabi ni Ariel ay hinihintay pa raw nito ang boyfriend’ng si King na may basketball practice pa. Ito raw ang maghahatid sa dalaga pauwi. Wala namang nagawa si Leo kaya kahit malungkot ay pinilit nyang ngumiti para ipakita kay Ariel na wala na siyang feelings dito at para hindi masira ang friendship nila. Nagpaalam na siya rito at umuwi na.

Pagkarating na pagkarating niya sa bahay nila ay dumiretso siya sa kwarto at tinawagan si Autumn sa cellphone nito. Nagpalitan sila ng mga numero ng telepono para kapag may kailangan si Leo o kung may sasabihin siya ay matatawagan niya agad si Autumn.

“O Leo, napatawag ka? Kamusta? Anong nangyari sa inyo ni Ariel kanina? Okay ba?”


“Nag­work out naman ‘yong plan, magkaibigan na ulit kami pero...”

Hindi pa man natatapos magsalita si Leo ay tumili na si Autumn. “Yes! Ang galing mo talaga! Ayan friends na kayo, ilang steps away ka na lang para makuha ulit siya!”

“Autumn, paano kung wala na talagang chance? Paano kung hindi niya na talaga ako mahal?” malungkot ang tono ng boses ni Leo. “What if wala na talaga? May silbi pa kaya itong mga ginagawa natin?”

“Ano ka ba Leo! Nagiging pessimist ka na naman e! Nasa step 4 na tayo e! 6 more steps to go, ngayon ka pa ba susuko?”


Nagbuntong­hininga si Leo. “Ano pa ba ang mga dapat kong gawin?”

“May free time ka pa ba ngayon?”

“Ha? Bakit?”

“Simulan na nating mag­aral para sa math quiz bee. Next week na ‘yon at kailangang manalo ka doon para makuha mo pa ang atensyon ni Ariel. Teka, napansin niya ba ang new look mo?”

“Oo. Sabi niya bagay raw sa’kin ang hairstyle ko at ang laki daw ng ipinagbago ng itsura ko.”

“See? I'm sure naku­cute­an siya sa’yo noong mga time na ‘yon pero syempre hindi niya lang sinasabi! You need to do more to


impress her at dahil dyan, we need to study.”

“Sa tingin mo?”

“Oo naman! We can do it, Leo!”

Hindi malaman ni Leo kung bakit sa tuwing si Autumn ang nagsasalita at nag­e­encourage sa kanya ay nagkakaroon siya ng lakas ng loob at sapat na paniniwalang maibabalik niya ang pagmamahal sa kanya ni Ariel. There's really something about Autumn that makes you want to believe in her words. She has such a high spirit soul na sobrang nakakahawa. Nagpalit ng freestyle si Leo at pumunta kaagad sa kung saan naroon si Autumn habang dala­dala nya ang Math book at notebook nya. Disedido na siyang manalo sa quizbee na ito.


“SUMMER, siya nga pala si Leo. Natatandaan mo iyong ikinuwento ko sayong pangit na gustong magpakamatay?”

“O­oy! Sinong pangit? Mas pangit ka!” natawa si Summer sa reaction ni Leo sa pagpapakilala ng ate niya sa bisita.

Tuturuan ni Autumn si Leo ng Math sa may hospital room ng kapatid na si Summer.

Lagi niyang binibisita ang kapatid

pagkagaling niya sa school. Pinakilala na rin ni Autumn si Leo sa may sakit na kapatid.

SI Summer ay nakababatang kapatid ni Autumn. Sampung­taong gulang pa lang ito pero may sakit ito sa puso na siyang naging cancer na at unti­unting nagpapahina sa bata. Alam ni Summer ang tungkol kay Leo dahil lahat ng nangyayari sa buhay ng kapatid


ay ikinukwento nito sa kanya kaya alam din niya ang tungkol sa suicide attempt ni Leo pati na rin ang 10 steps na ginawa ng ate niya para sa binata.

Doon na sila mismo sa hospital room nagturuan ng Math para sa ganoong paraan ay matuto rin ng Math ang may sakit na kapatid ni Autumn. Simula pa lang ng limang taon ito ay nakakulong na ito sa hospital dahil sa sakit nito kaya naman kahit kailan ay hindi naranasan ng bata ang pumasok sa isang eskwelahan. Si Autumn ang nagtitiyagang magturo sa kapatid para matutong magbasa, magsulat at ng kung anu­ano pa sa tuwing pagkatapos ng klase niya.

Hindi naman nahirapan si Autumn na turuan si Leo dahil matalino naman talaga ito. Iyon nga lang may pagkatamad kaya kailangang pukpukin pa ng husto para sumipag.


“AUTUMN, kung hindi mo mamasamain ang tanong ko, nasaan pala ang mga magulang niyo?” pagtatanong ni Leo habang naglalakad na sila pauwi. Mag­a­alas siyete na ng gabi at kailangan na nilang umuwing pareho kaya nagpaalam na sila kay Summer. Inihahatid ni Leo si Autumn sa sakayan nito ng jeep at habang naglalakad sila ay nagkukwentuhan sila.

“Nasa ibang bansa sila. Nagtatrabaho para may maipambayad sa pang­ospital ni Summer.”

“Ah ganun ba. E, ‘di sinong kasama mo sa bahay?”

“Wala. Mag­isa lang ako sa’min.”

“Ano? Mag­isa ka lang?”


“Oo, pero sanay na naman ako e.” hindi malaman ni Leo kung papaano nagagawang ngumiti ni Autumn sa malungkot na bagay na tulad noon. Unti­unti pakiramdam niya ay nagiging inspirasyon na niya si Autumn dahil ang dalaga kahit anong pagsubok na mayroon ito, kahit gaano pa kalungkot ang sitwasyon nito ay nagagawa pa rin nitong ngumiti at hindi ito sumusuko sa mga bagay­bagay. Hindi tulad niya na halos magpakamatay na dahil lang sa simpleng heartbreak.

“I'm going to do my best!”

Nabigla si Autumn sa sinabi ni Leo with all determinations. Hindi niya nakuha kung para saan iyon kaya naman nginitian siya ni Leo at pinisil sa may pisngi. “Salamat Autumn. You really inspire me. Gagawin ko iyong mga steps na ibinigay mo. I'll do my best to


have her back. From now on, I won't give up and I'll be positive like you.”

Hindi nila namalayan na nasa may sakayan na pala sila ng jeep kaya nagpaalam na si Leo kay Autumn na noon ay naiwang nakatulala sa ginawa ni Leo. Napahawak siya sa kanyang pisngi na kinurot ni Leo at umulit sa kanyang isipan ang mga ngiting nasilayan niya sa mukha nito. Hindi niya alam kung bakit pero parang narinig niya ang malakas na tibok ng puso niya. Lingid sa kaalaman niya ay nakuha na pala ng mga ngiting iyon ang puso niya.


CHAPTER IV

“CONGRATS Leo!” tuwang­tuwa si Autumn ng manalo si Leo sa Math quiz bee. Ang nakakatuwa kasi, ang binata lang ang kaisa­ isahang contestant sa final round na galing sa lower section. Halos galing sa top section ang mga natira sa final round. Todo­suporta naman kay Leo ang mga nasa lower section noong final round dahil hindi sila makapaniwala na aabot hanggang sa round na iyon ang isang taga lower section na kagaya ni Leo, lalo na noong dalawa na lang silang natira nang valedictorian candidate ng year nila. Nagkaroon pa ng tie breaker para malaman kung sino talaga


ang mananalo. It was a very heated contest. Isang valedictorian versus someone from the lowest section kaya sobrang nagrejoice ang lahat ng mga taga lower section ng manalo si Leo. At ang mga nasa first section ay naiwang nakabukas ang mga bibig sa sobrang disbelief na natalo ang valedictorian candidate ng isang tulad ni Leo.

Kumalat kaagad ang sobrang hindi nakakapaniwalang balitang iyon sa buong campus. Halos lahat ng mga 4th year na makakasalubong niya ay kino­congratulate siya at pati na rin iyong mga nasa ibang year level na nakapanuod nang quiz bee. Napanood din ni Ariel ang quiz bee na iyon at nakita nito kung papaano nasagot halos lahat ni Leo ang mga tanong sa contest. Hindi niya aakalaing mananalo si Leo dahil alam niyang may pagkatamad ito at walang hilig sa pag­aaral. Bukod sa itsura, napansin ni Ariel na malaki ang ipinagbago ni Leo, gumwapo ito at


tumalino simula noong nagbreak sila.

“O’ tama na, baka masuffocate ako sa yakap mo! Haha!”

Bumitaw si Autumn sa pagkakayakap at feeling niya ay namumula siya pero ayaw niyang ipahalata ito kay Leo. Ayaw niyang ipaalam sa lalaki na simula noong gabing ‘yon na nginitian siya ng ganun ni Leo ay palagi ng tumitibok ang puso niya ng mabilis sa tuwing kasama niya ito. Dinadaan niya na lang sa pagbibiro ang nararamdaman niya kaya sinuntok niya ito ng mahina sa braso at nangantyaw. “Libre naman dyan ng jollibee o!”

“Haha! O sige ba! Dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako nanalo dahil sa pagiging isang magaling na Math tutor ay ililibre kita ng happy meal!”


“Happy meal? Sa Mcdo naman yun e, hindi sa jollibee!”

“Parehas na rin ‘yon!”

“Gusto ko may Sundae!”

“Demanding! O sige na nga,” inakbayan niya si Autumn. “Tara na sa Greenwich!”

“O­oy! Sabi ko jollibee tapos naging Mcdo tapos Greenwich naman ngayon? Ano ba!”

“Joke lang, sa KFC na talaga! Hahaha!”

In the end, nilibre siya ni Leo sa Tokyo Tokyo. Lunch time kasi nila at pwede silang lumabas ng school kapag ganoong oras. Sila


lang dalawa ang magkasamang kumain at pinag­usapan nila ang mga remaining steps sa listahan na ginawa ni Autumn.

“Step 5 na!” full of energy na pag­a­announce ni Autumn habang kumakain sila.

“Ano ba ang step 5? Wait let me see,” kinuha ni Leo sa bag ang papel ng listahan at tiningnan. Halos mabilaukan siya ng mabasa ang nakasulat dito. “What? Step 5, start dating other girls? Okay ka lang Autumn? Si Ariel ang mahal ko at siya lang ang ide­ date ko, nababaliw ka na ba!”

“Tsk! Ayan ka na naman e. You don't trust my list that much.”

“E, i­explain mo nga kasi sa’kin kung papaano ko maibabalik sa’kin si Ariel kung makikipagdate ako sa iba?”


“’di ba sikat ka na?”

“Ha? Anong sikat na ako? Anong pinagsasabi mo?”

“Ano ka ba! Ang dami na kayang nakakakilala sa’yo lalo na't nanalo ka pa sa math quiz bee. Tapos, kasali ka pa sa soccer team ng school,” simula kasi ng naging pursigido si Leo na gawin ang lahat para ma­impress si Ariel ay nagdesisyon na rin siyang sumali sa soccer team ng school. Marunong naman talaga siyang mag­ soccer pero dahil nga sa likas na tamad siya ay hindi siya sumasali noon sa soccer team ng paaralan nila ngunit ngayong may motivation siya to impress his ex­girlfriend ay sumali siya dito. Isa pa nami­miss niya na ring maglaro ng soccer. At dahil sa kasali na siya sa isang sport team ng school, marami nang mga babaeng schoolmate na na­a­attract pati na rin mga boys na may pusong


babae dahil ang cool niya daw pag naglalaro ng soccer. At ngayong nanalo pa siya sa math quiz bee at balita sa buong campus ang pangalan niya ay sigurado si Autumn na mas marami pang magkakagustong babae at lalaking pusong babae dito.

“E, ano naman?”

“Anong ano naman! Alam mo ba sa classroom namin, usapan ka ng mga babae kong classmates. Maraming nagsasabi sa’king crush ka na daw nila! Ang pogi mo daw kasi!”

“Weh di nga? Sinasabi nila ‘yon? Niloloko mo naman yata ako e!”

“E, ‘di ‘wag kang maniwala! Totoo naman eh. Soon magiging campus hearthrob ka na rin at matatapatan mo na ang boyfriend ni


Ariel na si King Reyes.”

“Talaga?”

“Oo! At dahil dyan kailangang makipagdate ka sa mga babaeng lalapit sa’yo!”

“E? Bakit?”

“Because in that way, you'll get Ariel's attention.” kumunot ang noo ni Leo dahil hindi niya maintindihan si Autumn. “Alam kong magulo pero that's the way it is. The more na mas mapapaligiran ka kasi ng mga girls, the more na mari­realize ni Ariel kung ano ‘yong nawala sa kanya. You're not the old loser Leo anymore, you've grown into a very cool guy and for sure Ariel noticed it. And in that case, you need to trigger her jealous reactions by dating


other girls while you're being friends with her.”

“Ganun ba ‘yon?”

“Yeah! Unfortunately ang karamihan sa mga babae ‘pag hinahabol pa sila ng lalaki ay hindi nila ito binibigyang­pansin pero kapag tumigil na ang lalaki sa paghahabol saka lang nila ito mapapansin at sila naman ang maghahabol.”

“Wow, ganun ba? That's a very crazy women's logic.”

“Pero hoy hindi naman sa lahat nuh! Iyong iba lang at malay natin baka ganun mag­isip si Ariel kaya step 5 might work! You just need to make her jealous. Kahit ‘wag ka ng magdate ng girls basta just try to be sweet with others and show it to her para magselos siya.”


“Well okay, I'll try.”

SAKA lang narealize ni Leo na totoo ang sinasabi ni Autumn na sikat na siya among the girls in their campus the following day. Noong pumasok siya at naglakad sa may corridor ng building nila papunta sa classroom niya ay bigla siyang nilapitan ng mga babae at kahit pati na rin mga lalaking parang babae kung kumilos at kinausap siya. Tinanong siya ng mga ito ng mga simpleng bagay­ bagay.

Simula rin noon ay marami ng nagtitext na ‘unknown numbers’ sa cellphone niya na karamihan ay mga babae. Marami na rin siyang natatanggap na confessions from the girls but he always rejects them. Katulad ng nakalagay sa step 5, he's trying to be sweet with all the girls around him but he's not dating any one of


them.

May mga panahon na kapag napapadaan si Ariel sa corridor nila, nagha­hi siya dito pero kakaway lang ito sa kanya at aalis na din.

Isang Sabado ay nakapagdesisyun si Leo na yayaing lumabas si Ariel para manuod ng sine. A friendly date lang sabi niya, walang halong malisya kaya pumayag ang dalaga.

Sa friendly date na ‘yon, gusto niya ng gawin ang step 6 and step 7 which are: Proceed with normal attraction techniques and bring back memories.

“PASENSYA na, late na ba ako?”


Tumingin si Leo sa wristwatch niya at tumawa sa itsura ni Ariel. Hinihingal ito at halatang tumakbo talaga papunta sa lugar ng usapan nila para lang makapunta on time. “Yup! Five minutes but that doesn't matter. Halika na.”

Nag­usap silang magtagpo sa may Megamall at around 3pm. Ito iyong friendly date nila or bonding time in a simplier term. Manunuod sila ng sine. Iyong Kung Fu Panda 2, para hindi romance ni horror. Sakto lang sa concept ng “friendly” date.

Masaya naman silang nanuod ng sine pero katulad ng nakalagay sa step 6, proceed with normal attraction techniques, ay umaaksyon na ng pasimple si Leo tulad na lang nang lamigin si Ariel ay ibinigay niya dito ang jacket niya. Noong kumakain sila ng popcorn, dahil share sila sa isang malaking popcorn ay sinasadya


niyang paminsan­minsan ay magtama ang mga kamay nila.

Nang matapos silang manuod ng sine ay nagpunta sila sa may time zone at naglaro doon. Sinubukan niyang magpa­impress dito sa pamamagitan ng pagkuha ng isang stufftoy mula sa toy catcher doon. Tuwang­tuwa naman si Ariel ng makakuha ng isang malaking teddy bear si Leo para sa kanya.

Nang mapagod na sila sa kakalaro at kakaikot na rin sa mall ay napagdesisyunan na nilang kumain sa may Shakeys.

Habang kumakain sila ay nagkukwentuhan sila. Dito na sinamantala ni Leo ang pagkakataon na gawin ang step 7, bring back memories.

“How did you know na ito ang gusto kong i­order na pizza?”


sobrang namangha si Ariel dahil si Leo ang nag­order para sa kanya at iyong mismong paborito niya ang inorder nito kahit wala siyang sinasabi dito.

“Haha! Of course I know, you usually order Ultimate Cheese 'n' Garlic every time we ate here on our dates before, remember?” sinadya niyang kumain sila mismo sa Shakeys dahil noong sila pa ay madalas sa Shakeys sila kumakain kaya marami­rami rin silang memories sa lugar na iyon.

“Y­yeah, madalas mo pa nga akong inaasar na mabaho hininga ko.”

“Yeah, everytime I kiss you kaya nga binibigyan kita ng mint candy e.” sinadya ni Leo na sabihin iyon na alam niyang maglalagay sa awkward position kay Ariel and it worked dahil


napansin niyang tumahimik ang babae at ngumiti ng pilit.

“Don't worry that's part of the past. You shouldn't feel awkward about that.”

“Well certain things shouldn't be talked about anymore, don't you think?” nakatungo lang si Ariel noon habang sinasabi niya iyon in a slightly irritated voice.

“Yeah you're right, I'm sorry. It won't happen again.” kinuha niya ang drink niya at ininom ito bago nagsalitang muli. “Don't worry, I swear wala na akong feelings for you. Friends na lang talaga tayo kaya wala ka ng dapat ipag­alala na kukulitin kita or whatsoever.”

Hindi kaagad umimik si Ariel sa sinabi ni Leo. Hindi malaman


ng dalaga kung bakit parang nasaktan siya sa sinabi ni Leo na wala na itong nararamdaman para sa kanya at hindi na siya kukulitin nito. Somehow ay hindi niya malaman kung iyong ego niya lang ba iyong nasaktan or siya mismo. The mere fact na wala ng pagmamahal para sa kanya ang dating boyfriend ay parang hindi niya ikinatuwa kahit alam niyang iyon naman dapat ang mangyari dahil may iba na siyang mahal ngayon.

Ngumiti na lang siya kahit naguguluhan sa sarili. “Sabagay, ngayong sikat ka na sa campus at napapaligiran ng mga babae for sure meron ka ng ibang napupusuan.”

“Actually meron na nga and I'm dating her.” hindi malaman ni Leo kung saan niya nakukuha ang confidence na sumagot ng mga kasinungalingan. Feeling niya sa mga panahong iyon ay napakagaling niyang um­acting dahil kahit puro kasinungalingan


ang sinasagot niya ay nagmumukhang totoo. Siguro dahil na rin sa reaction ng mukha ni Ariel kaya siya nakakakuha ng enough confidence na ipagpatuloy ang paggawa ng kwento. Naalala niya ang step 5 na date other girls to make Ariel jealous at sa tingin niya pwedeng­pwede ito sa step 5. Wala man siyang idine­date ay sa tingin niya nagagawa niyang pagselosin si Ariel base na rin sa reaction nito. Sa tingin niya, kahit papaano ay nakakakuha siya ng good results from these made up stories.

“Wow, talaga...” kilala niya ang mga ngiti ni Ariel. Alam niya kapag ngumingiti ito ng tunay at kapag hindi, kaya sa ngayon sigurado siyang pilit ang mga ngiti nito. Nagugustuhan niyang makita na naapektuhan si Ariel sa sinabi niya na may dine­date na siyang iba.

“Sino siya?”


Medyo nagpanic si Leo. Sino nga ba? Wala siyang maisip na pangalan dahil wala naman kasi talaga siyang dine­date pero may isang pangalan ng babae na siyang tanging lumabas sa kanyang isipan. “Ang pangalan niya ay Autumn, Autumn Sanchez from class A.”

“Ah, wow matalino pala. So I suppose maganda siya?”

“Of course, magandang­maganda.” nakangiting sumagot si Leo. He likes the flow of the topic kasi halatang irritated ang itsura ni Ariel. Ewan niya kung bakit nai­irritate si Ariel pero alam ni Leo na positive sign iyon. At naisip niyang kailangan niyang mag­sorry kay Autumn pagkatapos nito for using her name, wala na kasi talaga siyang maisip pang ibang pangalan.


“Mas maganda sakin?” kamuntik na siyang matawa sa tanong na iyon ni Ariel pero syempre nagpigil siya at hindi nagpahalata.

“So not to offend you, I'll say mas maganda ka but actually, I'm not dating her just because of her physical aspects or her perfections. I like her for who she is. For me, when it comes to loving a person, it doesn't matter if she's pretty, smart, athletic, popular, cool or whether she's a school icon or not.” may naalala si Leo. Ipinagpalit siya ni Ariel sa isang school icon. Bigla ay nakaramdam siya ng irritation kasi bumabalik sa alaala niya na kailangan ba talagang magbago pa siya para lang mahalin siya ng babaeng ito na nasa harapan niya? Kailangan niya ba talagang maging school hearthrob muna bago mapansin muli ni Ariel? Naiinis sya sa fact na ang mga tao sa mundo ay masyadong naghahanap ng taong perpekto kahit hindi naman nag­e­exist ang isang tulad no’n.


“I love Autumn because she's Autumn and nothing else. Ikaw ba, why do you love King Reyes?”

For unknown reason, she gulped and spoke with uncertain voice, “Eh, ano... kasi...”

Leo waited for her answer pero sa tingin niya ay hirap itong sumagot. He started to doubt her feelings for King Reyes and with a hidden triumphant feeling he saved her from embarrassment for being unable to answer a very simple question. “Wait lang, magbabanyo lang ako.”

Hindi rin naman siya nagtagal sa banyo at bumalik rin siya agad kaya nagpatuloy sila sa kwentuhan. Hindi na niya ipinilit pa


ang tungkol kay King Reyes dahil baka makahalata na si Ariel pero minsan ay sinusubukan niyang isingit ang mga bagay­bagay na pwedeng magpaalala kay Ariel ng naging relasyon nilang dalawa. Matutuwa na sana siya sa resulta ng araw na iyon kung hindi lang biglang nag­ring ang telepono ni Ariel.

“O, si Bebe.”

“Bebe? Boyfriend mo?”

“Yeah, wait lang ha?” sinagot ito ni Ariel kahit nasa tapat niya si Leo at kumakain sila. “O’ Bebe, bakit napatawag ka, what's the matter?”

Nakaupo lang doon si Leo at dahan­dahang kumakain habang sinusubukan niyang makinig sa mga sinasabi ni Ariel sa telepono.


“Aww, ang sweet naman ng bebe ko. Yup, I'm with a friend. O, hindi. Don't worry, mahal na mahal kita Bebe at hindi kita ipagpapalit sa iba.”

Ouch.

“What? Nasa Megamall ka rin? What a coincidence. Nandito kami ngayon ng friend ko e, sa may Shakeys. Pupunta ka ba Bebe? Sure, sure, hintayin ka namin dito. Sige bye, I love you.”

“Pupunta d­­­” binaba na ni Ariel ang telepono at sasabihan niya pa lang sana si Leo na pupunta sa kanila ang boyfriend nito nang tumayo na ito. Nagtaka naman ang dalaga kaya pinigilan niya ito. “Wait Leo, saan ka pupunta?”


Lumingon si Leo pero hindi para bumalik. Kinuha niya sa bulsa ang wallet at naglabas ng limang daan at pinatong sa lamesa nila. “Pambayad. Aalis na ako. May gagawin pa nga pala ako. Bye!”

Hindi na hinintay ni Leo na magsalita pang muli si Ariel. Umalis na siya agad. Sumama ang loob niya kasi that day is supposed to be “their” date. As in sila lang dapat dalawa. Tapos bigla nitong pasisingitin sa eksena ang boyfriend nito? Alam niyang “friendly” date lang iyon at wala siyang karapatang angkinin si Ariel sa araw na iyon lalung­lalo na sa boyfriend nito pero naiinis talaga siya. Inakala niya na solong­solo niya ang ex­girlfriend sa araw na iyon tapos may asungot naman palang dadating. Maganda na sana ang takbo ng date nila. Nagagawa niya smoothly lahat ng steps na dapat niyang gawin sa listahan ni Autumn at nakakakuha na siya ng good results from Ariel's reactions, tapos bigla na lang magri­ ring iyong telepono at sasabihin ni Ariel na parating ang boyfriend


nito. Asar lang!

Actually hindi umalis si Leo sa mall. Masokista ngang siguro siya dahil nagstay pa siya doon malapit sa Shakeys at patagong pinagmasdan ang pagkikita nina Ariel at ng boyfriend nitong si King. Sobrang nasaktan siya ng halikan ni King ang babaeng mahal niya sa may noo nito at niyakap pagkakitang­pagkakita dito. Nakita niya rin kung papaano ngumiti si Ariel habang kasama nito si King. Mukhang masaya si Ariel na kasama ito, masayang­ masaya. Naiinggit siya kasi gusto niyang siya ang umaakbay sa babae at ang nakakakita ng mga ngiting iyon ng malapitan. Kahit nakikita niya ang babae ay nami­miss niya ito kasi nandoon iyong pakiramdam na kahit nasa harapan mo na iyong taong mahal mo, feeling mo siya ‘yong taong pinakamalayo sa’yo dahil kahit anong gawin mo, hanggang tingin ka lang at hindi mo siya maaabot.


“Wow, ang gwapo.”

“Pa­picture kaya tayo?”

“Tara, tara.” habang nagsi­senti moment si Leo ay may lumapit na mga babae sa kanya na may hawak na camera.

“Kuya, Korean ka ba? Pwede po bang magpapicture?”

“Oo nga kuya. Wait, do you understand us? Do you speak Tagalog or English? Can we take a picture with you because you're so cute?”

Tinitigan lang ni Leo iyong mga babae sa harap niya na gustong magpapicture at asar na sinabi. “Bakla ako!”


Pagkasabi noon ni Leo ay umalis na rin kaagad siya at iniwan ang mga babaeng gustong magpapicture sa kanya na sobrang shocked sa sinabi nya. Hindi naman talaga siya bakla pero wala lang talaga siya sa mood na makipag­usap kahit kanino ni magpa­ picture. Totoo ngang pagkatapos niyang magbago ng sarili, manalo sa math quiz bee at sumali sa soccer team ay marami ng babaeng nagkakagusto sa kanya pero imbis na matuwa ay nalulungkot siya kasi marami mang nagkakagusto sa kanya, iyong babaeng gusto naman niya ay hindi siya magawang mapansin­pansin.

Umuwi na lang siya ng bahay para magmukmok. Hanggang sa pagtulog ay nagpapaka­emo pa rin sya. Maglalaslas na sana siya sa sobrang kalungkutan ngunit nagbago ang isip niya nang maalala si Autumn. Siguradong susugurin siya no’n sa purgatoryo o kahit sa ibabang mundo para sakalin ang kaluluwa niya ‘pag nagpakamatay sya. Pero bukod kay Autumn, naalala niya rin ang


kapatid nitong si Summer. Simula ng makilala niya ito at nakita ang tunay na kundisyon nito ay saka niya lang naintindihan ang nararamdaman ni Autumn. Sino nga ba naman ang matutuwa sa mga taong gustong mag­suicide sa walang kwentang dahilan kung may ibang taong gustong mabuhay pero hindi nabiyayaan ng pagkakataong mabuhay ng mahaba?


CHAPTER V

IDADAAN na lang sana ni Leo ang depression at pagkabroken­ hearted sa pagtulog kaso kahit sa pagpikit niya ng mga mata ay nakikita niya pa rin ang mukha ni Ariel na nakangiti at masayang kasama si King. Nagpaikot­ikot na sya sa kama nya. Iniumpog na niya ang ulo sa pader at tinakpan niya na ang mukha ng unan pero


wala pa rin. Hindi talaga siya makatulog. Maraming mga bagay­ bagay ang sadyang gumugulo sa isipan at pati na rin sa puso niya.

Napansin niya ang oras sa may orasan sa bedside table niya. Magha­hatinggabi na pala at halos ilang oras na siyang nagpapaikot­ikot sa kama niya. Buti na lang linggo bukas. Wala siyang problema kung tanghaliin man siya ng gising kinabukasan. Dahil sa hindi talaga siya makatulog ay bumangon na lang siya at pumunta sa may kusina. Iinom lang sana talaga siya ng tubig pero noong makita niya ang mga bote ng beer ng tatay niya ay naisipan niyang kunin ito at patagong lumabas ng bahay nila. Nagpunta siya sa pinakamalapit na parke at naupo sa isang swing doon. Kaagad niyang sinimulang laklakin ang mga alak na dala.

Gusto niyang lunurin ang nararamdamang sakit nang gabing iyon sa pamamagitan ng alak. Hindi naman siya palainom.


Umiinom lang siya sa dalwang okasyon: ‘pag masayang okasyon at ‘pag malungkot na okasyon. Ang masayang okasyon ay katulad ng mga birthday, piyesta at kung anu­ano pa. Ang malungkot na okasyon ay tulad nito, kapag brokenhearted.

Marami­rami na rin siyang nainom at alam niyang medyo may tama na siya. Paminsan­minsan ay tumitingin siya sa cellphone niya at pinagmamasdan ang larawan ng ex­girlfriend.

“Ariel, mahal kita!” sobrang nasasaktan siya at gusto niya sanang tawagan ang babae para marinig man lang ang boses nito pero biglang may sumagi sa isipan niya.

Step # 8: Don't make youself sound pathetic, no drunken phone calls.


Nabasa niya lang iyon sa listahan ni Autumn. Natawa siya kasi step #8 na pala siya. 2 more steps to go na lang pero feeling niya wala naman nangyayari. Sabi sa step #8, don't make yourself sound pathetic but right now, he really feels pathetic. Nawawalan na siya ng pag­asa na maibalik si Ariel sa kanya at hindi niya rin alam ang gagawin ngayon. Gusto niyang may makausap pero hindi niya naman pwedeng tawagan si Ariel dahil siguradong huge turn­ off lang ito sa babae kapag ginawa niya iyon at sigurado ring mawawalan lang ng sense lahat ng ginawa niya up to this point kapag nalaman ni Ariel na baliw na baliw pa rin siya dito.

Hindi niya alam kung bakit sa lahat ng taong pwedeng matawagan at makausap ay si Autumn ang napili niya. Kahit dis­ oras na ng gabi ay tinawagan niya ito sa cellphone at sumagot naman ito sa boses na inaantok pa. “H­hello?”


“Autumn,” maririnig sa boses ni Leo na lasing siya dahil sinisinok­sinok pa ito habang nagsasalita. “Kailangan ko ng kausap, pwede ka ba?”

“Teka, lasing ka ba Leo o sadyang pangit lang talaga ang boses mo?”

Natawa si Leo. “Ewan ko kung lasing ako, haha! Pero oo, umiinom ako, nakakadalawang bote pa nga lang ako e. Haha!”

“Hoy bruhong palaka ka! Bakit nag­iinom ka pa sa ganitong oras? Teka, anong oras na ba?” tumigil saglit sa pagsasalita si Autumn para tingnan ang orasan. “Ano? Lagpas alas­dose na! Hoy matulog ka ng palaka ka!”

“Haha! Para kang nanay kong manermon e! Ayoko pa ngang


umuwi.”

“Umuwi? Teka nga, wala ka ba sa bahay niyo ng ganitong oras? Hoy, asan ka ba? Sabihin mo nga sa’kin, pupuntahan kita!”

Sinabi ni Leo kung nasaan siya kaya agad­agad nagbihis si Autumn at pinuntahan si Leo. Pagkakitang­pagkakita nito kay Leo na umiinom ay inagaw niya ang bote sa kamay ng lalaki at itinapon ang lamang alak sa may damuhan.

“Hoy, ‘wag mong sayangin iyong beer!”

“’wag mong sayangin ang sarili mo! Nagpapakamatay ka ba? Alam mo bang masama ang beer sa katawan!”

“Hindi naman masama ‘pag minsan lang uminom a!”


“Kahit na, masama pa rin ito! Saka ano ba’ng ginagawa mo sa labas at nag­iinom ka ng ganitong oras, ha? Ano ba’ng nangyari sayo?”

Tumawa si Leo. Ewan niya ba kahit malungkot siya ay natatawa siya. Siguro dala na rin ng kalasingan. “Si Ariel, mahal na mahal ko! Hahaha!”

Umupo si Autumn sa katabing swing ng kinauupuan ni Leo. Malungkot niyang tiningnan ito. Noong banggitin nito ang pangalang “Ariel” ay nakuha niya kaagad kung bakit naglalasing si Leo. Siguradong may nangyaring hindi maganda sa friendly date nang dalawa. Alam ni Autumn ang tungkol sa friendly date dahil siya mismo ang nagsuggest noon kay Leo bilang parte ng 10 steps na ginagawa nila.


“Anong nangyari?”

“Ayos na sana e. Effective iyong step 6 at 7! Kung makikita mo lang yung reaction niya. Grabe it's either disappointed or irritated iyong mukha niya. Ah, oo nga pala, sabi ko sa kanya dine­date kita!” nabigla si Autumn doon. Alam niyang dapat may i­date na ibang babae si Leo katulad ng sabi sa step 5 para pagselosin si Ariel pero hindi niya aakalaing pangalan niya ang sasabihin ni Leo sa ex­girlfriend.

“Bakit ako?”

“Wala lang. Wala akong maisip eh! Hahaha! Pero kung makikita mo iyong reaction nya, tinanong pa nga sa’kin kung maganda ka ba daw at nakita ko iyong pagkainis sa mukha niya


noong sabihin kong ‘I love you for who you are’ at hindi ako tumitingin sa physical aspects! Hahaha!”

Hindi alam ni Autumn kung bakit bigla­bigla ay nakaramdam siya ng lungkot. Gusto niyang tulungan si Leo na maibalik ang ex­ girlfrind nito at okay lang naman sa kanya na gamitin ni Leo ang pangalan niya pero if she'll be honest with herself, nasasaktan siya kasi Leo said that he loves her pero para lang iyon sa isang palabas at hindi totoo. She wished it could've been true. Na talagang may nararamdaman para sa kanya si Leo. Kailan lang niya narealize, may gusto na pala talaga siya kay Leo. Hindi niya alam kung kailan mismo o kung paano nangyari pero nagising na lang siya isang araw na ang lakas na ng tibok ng puso niya sa tuwing ngingitian siya nito. Siguro dahil na rin sa lagi niya itong nakakasama at masaya siyang kasama ito kaya nahulog na siya ng tuluyan dito. Kung anuman ang tunay na dahilan kung bakit siya


nahulog sa lalaking ito ay hindi niya alam. No one knows why one falls in love.

“Okay na okay na talaga sana yung dinner namin eh. Good results

na

ang

nakukuha

ko

kay

Ariel.

Kaunti

na

lang

mapapagselos ko na siguro ng husto si Ariel o kaya naman ay marami pa sana akong ipapaalalang memories naming dalawa sa kanya. May balak pa sana akong magpaka­ultra sweet sa kanya para mahulog siyang muli sa’kin pero bwisit na teleponong ’yon e, biglang nag­ring! Tumawag iyong unggoy na boyfriend niya! Akalain mong nasa Megamall rin pala at ayun, gusto pang umepal sa date namin ni Ariel!”

“O, anong ginawa mo pagkatapos?”

“E, ‘di umalis. Wala na e, sira na iyong date namin kasi may


umepal na! Ayoko ngang makasama iyong King na ‘yon! Kaya ito ako, balik loser na naman! Na­iinom, nagpapakalasing kasi nga brokenhearted! Hahaha!”

Biglang sinapok ni Autumn si Leo. “Aray! Bakit ka nanapok?”

“E, baliw ka ba? Malungkot ka tapos tawa ka ng tawa? Umayos ka nga! Kung malungkot ka ‘wag kang tumawa, umiyak ka pwede ba!”

“Babae lang ang umiiyak.”

Binatukan naman ngayon ni Autumn si Leo. “Ano ba hoy, nakakadalawa ka na ha! Cute abuse ka na ha!”

“Cute abuse mo mukha mo! Anong babae lang ang umiiyak?


So ano kayong mga lalaki, bato para hindi umiyak? Pare­parehas tayong tao. Mapa­babae man o lalaki mayroong tear glands kaya ibig­sabihin no’n parehong gender ay pwedeng umiyak! Ewan ko ba sa inyong mga lalaki kung anong ikinahihiya niyo sa pag­iyak!”

“Ang sakit mong manapak, ang sakit. Asar! Ang sakit­sakit,” hindi na rin napigilan ni Leo ang mga luha. Kapag si Autumn ang nagsalita ay hindi niya alam kung bakit pero nagagawa niya ang bagay na hindi niya kayang gawin. Ang lakas nitong mang­ encourage sa kanya.

“Umiiyak ka ba dahil sa sinapak kita o dahil sa malungkot ka?”

“Parehas.”

Kinuha ni Autumn ang panyo sa bulsa ng jacket niya at inabot


ito kay Leo. “Panyo o, labhan mo ‘yan pagkatapos mong gamitin, mahal ang bili ko dyan. Pakiplantsa na rin pagkalaba mo.”

“Walang­hiyang mag­comfort ito o, parang hindi kaibigan.” kinuha ni Leo ang panyo at pinunas ito sa kanyang mga luha habang natatawa sa kawirduhan ni Autumn.

Ganun lang sila. Nakaupo sa magkatabing swing ng walang­ imikan habang nakatingala si Autumn sa mabituwing langit at si Leo naman ay nakatungo sa lupa habang umiiyak at inilalabas ang lahat ng sakit na nararamdaman.

“Alam

mo

ba

Leo,

‘wag

ka

ng

malungkot.”

habang

pinagmamasdan ni Autumn ang mga bituin sa kalangitan ay nagsimula

siyang

umimik

upang

sirain

ang

katahimikang

namagitan sa kanila ng matagal na oras. “Sa mundong ito, isang


beses lang tayong mabubuhay at sa isang beses na iyon ay libo­ libong beses tayong masasaktan pero hindi man halata, sa libong beses na nasaktan tayo laging may isang milyong beses na dahilan para maging masaya tayo.”

“Malungkot ka man ngayon pero magtiwala ka lang sa Maykapal, hindi man bukas pero dadating din iyong araw na magiging masaya ka ulit.”

Hindi umimik si Leo sa mga sinabi ni Autumn. Nakatungo pa rin siya pero tumigil na siya sa pag­iyak.

“Malungkot din ako.” sa sinabing iyon ni Autumn ay nai­angat ni Leo ang ulo mula sa pagkakatungo at napatingin rito na noon ay malungkot na malungkot ang mukha. “Bukas kasi ooperahan na si Summer.”


Nabigla si Leo sa sinabi ni Autumn at mas ikinabigla niya ang mga sumunod pang sinabi nito lalo na noong humarap ito sa kanya at malungkot na ngumiti habang pumapatak ang mga luha. “20% chance lang ang meron siyang mabuhay.”

“Autumn...” hindi malaman ni Leo ang sasabihin matapos marinig ang mga salitang iyon. Siyang hindi kapatid ni Summer ay nakaramdam ng sobrang­lungkot ng marinig iyon, paano pa kaya si Autumn na siyang mismong kapatid ng ooperahan? Siguradong sobrang­sakit ang nararamdaman nito. Bukod sa lungkot ay naguilty si Leo kasi all this time sarili niya lang iniintindi niya. Reklamo siya ng reklamo sa buhay pag­ibig niya. Nagdadrama siya sa harap ni Autumn na siyang noon pala ang mas may mabigat na problema kaysa nang sa kanya. Mas malakas nga si Autumn sa kanya kasi kahit malungkot ito at may sariling problema ay


nagagawa pa rin nitong intindihin ang problema ng ibang tao at dumamay.

In that exact moment ay kinalimutan lahat ni Leo ang sarili niyang problema at tumayo sa pagkakaupo. Nilapitan niya si Autumn. Lumuhod sa harap nito at niyakap ito ng mahigpit. “Bakit hindi mo agad sinabi? Nakinig ka pa sa walang­kwenta kong problema. Dapat ako ang nag­abot sayo ng panyo e!”

Hindi na nagsalita si Autumn. Hindi na niya natiis lalo na noong niyakap siya ni Leo. Feeling niya lahat ng lungkot na kinukupkop niya sa loob­loob niya ay umaagos na sa luha niya. Lagi siyang mag­isa sa bahay kaya wala siyang alam na pwedeng lapitan o sabihan ng kalungkutang nararamdaman niya para sa operasyon bukas ng kapatid niya. Ayaw niya namang sabihin ito sa mga kaibigan dahil kahit sila ay may sari­sarili ring problema at


ayaw niya ng makidagdag pa. Hindi niya rin sana sasabihin kay Leo dahil alam niyang namomroblema din ito pero habang pinagmamasdan niya kasi ang mga bituin sa kalangitan ay bigla­ bigla na lang dumulas sa bibig niya ang tungkol sa operasyon ng kapatid.

Ang lakas ng iyak ni Autumn sa dibdib ni Leo. Para bang naipon lahat ng lungkot niya kaya ngayon ay ang daming luha ang nailalabas nya. Ang paghimas pa ni Leo sa likod niya ay tumutulong para mailabas niya ng husto ang kalungkutang nararamdaman.

“Pinahiram mo na sa’kin ang panyo mo eh, wala na akong panyong maipapahiram sayo.” humiwalay saglit si Leo sa pagkakayakap niya kay Autumn at inabot ang kamay nya. “O’ ito palad ko. Pangpunas mo sa luha mo o kahit sa uhog mo na.”


Tinampal lang ni Autumn ang kamay nito habang natatawa. “Ano ka ba! Nakakadiri ka naman eh!”

“Ikaw pa ang nandiri hindi mo naman palad ang mauuhugan,” pagkasabi noon ni Leo ay inilapit niya ang kamay niya at piningot ang ilong ni Autumn, sabay pinunasan na rin ang sipon nitong tumutulo sa ilong ng babae dahil sa pag­iyak.

“Ano ba, nakakadiri ka Leo! ‘wag mo ng punasan iyang sipon ko!” nilayo ni Autumn ang kamay ni Leo pero pinagpilitan ng huli na punasan ang basang mukha ni Autumn. Seeing her in pain adds pain to his own.

Laging siya ang malungkot, nagrereklamo, nagdadrama at dinadamayan ni Autumn simula ng magkakilala sila. Kahit


kailanman ay hindi pumasok sa isip niya na ang masiyahin, positive at laging nakangiting si Autumn ay masisilayan niya sa ganitong sitwasyon. Hindi siya sanay na makitang ganito kalungkot ang babae, parang pati siya ay nasasaktan na makita itong umiiyak.

“Anong oras ang operation ni Summer bukas?”

“Ha? 4pm, bakit?”

“Sasamahan kita. Promise nandoon ako sa tabi mo habang inooperahan si Summer. I'll be with you.”

Kahit papaano ay nagkalakas ng loob si Autumn na harapin ang operasyon bukas ng kapatid dahil lang sa pangakong iyon ni Leo.


CHAPTER VI

ARAW ng operasyon ni Summer. Malala na ang kalagayan nito at ang tanging pag­asa na lamang para mabuhay ito ay ang isang heart transplant. Luckily, nakakuha sila ng donor pero kahit na maoperahan si Summer hindi pa rin siguradong pwedeng mabuhay ito. Sa operasyong ito, 20% lang ang chance na mabuhay si Summer.

Ayaw sana nina Autumn at ng mga magulang nila na gawin ang operasyon dahil natatakot silang baka hindi magtagumpay. Sa


baba ng tsansang ibinigay ng mga doctor ay ayaw nilang magrisk pero pinagpilitan ni Summer na maoperahan sya. Sinabi pa nito, kung mabuhay man siya o hindi, ang ibig sabihin lang noon ay ‘yon na talaga ang nakatadhana sa kanya. Tanggapin na lang daw nila kung ano’ng magiging resulta ng operasyon.

“UMUPO ka nga,” hinila ni Leo si Autumn pabalik sa upuan dahil kanina pa ito paikot­ikot sa may corridor ng waiting room. Nandoon sila sa may waiting room sa tapat ng operating room at kasalukuyang inooperahan na ito. Sobra­sobrang tensiyon na ang nararamdaman ni Autumn. Baka abutin ng pito o mahigit na oras ang operasyon at dalawang oras pa lang ang nakakalipas. Ang bukod­tanging kasama ni Autumn sa mga oras na iyon ay si Leo lang katulad ng ipinangako nito sa kanya na sasamahan siya.

“Pero hindi ako mapakali, Leo! Kinakabahan ako! Ang tagal


naman. Gusto ko ng makita si Summer!”

“Wag kang atat! Dalawang oras pa lang ang nakakalipas!”

“Yun nga eh. Dalawang oras pa lang pero halos mamatay na ako sa kaba dito! Inip na inip na ako. Hindi ko na kaya na maghintay at kabahan ng ganito. Feeling ko sasabog ang puso ko anytime!”

“Relax ka lang pwede?”

“Hindi ko magawa.” tinakpan ni Autumn ang mukha out of frustration pero nabigla siya ng hawakan siya ni Leo sa magkabilang balikat at ihinarap rito. “Inhale.”

“Hmmm.” ginawa ni Autumn ang sinabi ni Leo.


“Saka ka na mag­exhale kapag natapos na ang operasyon.” pagkasabi noon ay naibuga niya ang inihip na hininga at sabay binatukan si Leo. Kahit kailan talaga maloko ang lalaki.

Inip silang naghintay at hindi nagtagal ay nagpasama si Autumn kay Leo sa chapel ng ospital dahil hindi ito mapakali. Noong bandang hapunan na ay lumabas muna saglit si Leo para bumili ng makakain nila sa malapit na karinderya. Ayaw lumabas ni Autumn kahit saglit lang dahil ayaw nitong mapalayo sa kwarto kung saan inooperahan ang kapatid.

Mag­a­alas onse na ng gabi nang mamatay ang pulang ilaw sa may taas ng pinto ng operating room. Ibig­sabihin ay tapos na ang operasyon. Hindi rin nagtagal ay nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang doktor na noon ay may suot pang maskara.


Tumayo kaagad si Autumn at nilapitan ang doktor upang tanungin ang kalagayan ng kapatid niya.

Tinanggal ng doktor ang maskara sa bibig at malungkot na umiling. “I'm sorry.”

Those two words are more than enough to explain what happened. Patay na ang kapatid nya. Hindi naging matagumpay ang operasyon.

Sa sobrang bigla ni Autumn ay napatakip siya ng bibig at sabay tulo ng mga luha niya. Hindi siya makapaniwalang wala na ang kapatid niya. Itinulak ni Autumn ang doktor na noon ay nakaharang sa pinto at pumasok sa operating room para lapitan ang katawan ng kapatid na wala ng buhay. Pilit niya itong ginigising at paulit­ulit na tinatawag ang pangalan nito habang humahagulgol


ng iyak.

HINDI rin nagtagal ay kinailangan na nilang umuwi. Kalmado na si Autumn ng kaunti kahit umiiyak pa rin ito kaya sinamahan siya ni Leo pauwi dahil lampas hating­gabi na. Ang lalaki na ang kumuha ng susi sa bag ni Autumn at nagbukas ng pinto ng bahay dahil masyado pang tulala si Autumn at wala pa sa sarili para kumilos ng matino.

Inalalayan nya ito sa may sofa at pinaupo doon habang nakialam na siya sa kusina nito. Pinagtimpla niya ng mainit na gatas si Autumn.

Pagbalik niya sa may sala, dala­dala ang hot milk ay nadatnan niya pa rin si Autumn sa parehong posisyon noong iwan niya ito. Nakaupo pa rin ito habang nakataas ang dalawang paa at yakap­


yakap ang mga binti habang nakapatong ang baba sa may tuhod. Nakatulala pa rin ito sa kawalan habang maririnig ang mga pigil na hikbi na nanggagaling ditto. Patuloy lang sa pag­agos ang mga luha mula sa mga mata nito at magulo na rin ang buhok ng babae. Naaawa siya sa itsura nito, hindi man niya naranasan kailanman sa buhay niya na mawalan ng isang kapatid ay alam niyang masakit na eksperiyensa ito at sadyang nakakatrauma kaya naman naiintindihan niya kung bakit nagkakaganito si Autumn.

Umupo siya sa tabi nito at inabot ang baso ng gatas dito pero hindi ito tinanggap ni Autumn ni lingunin siya nito ay hindi ginawa. “Umuwi ka na Leo baka hinahanap ka na sa inyo.”

“Okay lang. Nakapagtext na naman ako sa parents ko.”

“Kahit na, umuwi ka na. Ayokong makita mo akong


nagkakaganito,” ibinaon ni Autumn ang mukha sa may tuhod.

“’wag ka ngang ganyan.” hinagod ni Leo ang buhok ni Autumn. “Hindi ako pwedeng umuwi. Maiiwan kang mag­isa dito.”

“Okay lang. Sanay na ako. Umalis ka na, umuwi ka na.”

“Hindi ako pwedeng umuwi.”

“Bakit? Umuwi ka na kasi.”

“Hindi nga ako pwedeng umuwi.”

“E, bakit!”

“Wala akong pamasahe.” iniangat ni Autumn ang mukha para


tingnan ng masama si Leo kaya naman nagbuntong­hininga ng malalim ito. “Joke lang pero alam ko hindi ito ang tamang oras na magjoke, pero kasi Autumn ‘wag mo na akong pauwiin. Andito ako para samahan ka kaya ‘wag mo na akong ipagtabuyan, okay? Wala ang parents mo and at times like this, mag­isa ka sa bahay at alam kong sanay ka ng mag­isa pero kahit sanay ka na alam kong nasasaktan ka lalo na sa oras na ito na... na wala na si Summer.”

“Autumn, don't be such a masochist. You know, you need someone to lean on right now and I'm willing to be here beside you so please don't push me away. Kaya ito gatas mo o,” inabot nito ang baso ng gatas. “Inumin mo na ‘yan at matulog na tayo. Bawal magpuyat. Sige ka, titighiyawatin ka.”

She smiles weakly to him after wiping the tears from her already wet cheeks and then she takes the glass of milk being


offered by Leo. “Salamat, maraming maraming salamat.”

Tahimik at walang imikan habang hinihintay nilang pareho na maubos ni Autumn ang iniinom na gatas. Nang matapos na nitong inumin ‘yon ay inilagay na nila ito sa kitchen sink at pumunta na sa kwarto ni Autumn. Nagpalit lang ng pajama si Autumn at nahiga na siya sa kama. Tinabihan siya ni Leo at hindi naman siya umangal, imbis ay yumakap pa siya dito habang ipinagpatuloy ulit niya ang pag­iyak. Hindi talaga mawaglit sa kanyang isipin ang kani­kanina lang yumaong kapatid.

Feeling niya, isang human tissue at pillow ngayon si Leo. Tahimik lang ito at walang­imik na hinahagod ang likod niya habang umiiyak siya. Somehow, his presence lessens the pain she's feeling right now. Siguro tama nga si Leo, she really needs someone to lean on. Hindi niya kayang mag­isa ngayon. Gusto


niyang may mayakap at iyakan hanggang sa makatulog siya at si Leo ang taong ‘yon.

MATIYAGANG naghintay si Leo na tumahan si Autumn at siguro inabot ng dalawang oras o baka mahigit pa bago ito tumigil sa pag­ iyak at nakatulog na rin ito ng mahimbing. Siguro dala na rin ng sobrang pagod sa kaiiyak. Nandoon lang siya sa tabi ni Autumn habang ang kanang braso niya ay ginawa ng unan ng babaeng mahimbing ng natutulog. Hinimas­himas niya ang mahaba ngunit magulong buhok ng babae at pinagmasdan ang mukha nito. Pinunasan niya ng kaliwang kamay ang basing­basang pisngi ng babae. Ramdam niya rin na basa na ang t­shirt niya dahil ginawa itong panyo ni Autumn the whole time na umiiyak ito.

Kahit si Leo mismo ay hindi niya matanggap ang pagkawala ni Summer. Kahit papaano ay nakilala niya rin ang kapatid ni Autumn


noong mga panahong nag­aaral sila ng Math para sa quiz bee. Nakita ni Leo kung papaano ngumiti si Autumn kapag kausap nito ang nakababatang kapatid. Mahal na mahal ni Autumn ang kapatid at sigurado si Leo doon.

Ang malungkot na parte, bukod sa wala na si Summer ay sa mga oras na iyon wala ang mga magulang ni Autumn. Mag­isa lang ang babae kaya naman nagdesisyon siyang samahan ito kahit hanggang sa pagtulog. Naaawa siya sa babae dahil mag­isa lang nitong hinaharap ang isang masaklap na sitwasyon. Hindi niya makakayang iwan ang babaeng sumagip nang buhay niya lalo na sa mga panahong yaon. Gusto niyang pawiin ang mga luha nito. Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit. Gusto niyang tulungan ang babae na makarecover kahit padahan­dahan sa pagkawala ng kapatid nito at higit sa lahat, gusto niyang ibalik ang mga ngiti nitong nagpapangiti rin sa kanya.


Hindi malaman ni Leo kung awa lang ba ang nararamdaman niya kaya ganoon na lang ang pagtibok ng puso niya habang pinagmamasdan ang natutulog na mukha ng babae o may ibang dahilan pa. Iniiling na lang niya ang kakaibang nararamdaman at hinalikan sa noo ito. Ipinikit na rin niya ang mga mata para matulog.


CHAPTER VII

SA loob ng dalawang linggo ay laging nasa tabi ni Autumn si Leo. Hindi malaman ni Leo kung ano’ng dahilan kung bakit hindi niya magawang layuan ang babae. Minsan tinatanong niya na sa sarili kung dahil nga ba sa gusto niya lang damayan ito o dahil may ibang dahilan pa sya? Pero sa mga isiping tulad noon ay nauuwi na lang palagi sa pag­iling niya ng ulo at pagkalimot sa wirdong isipin.

DUMATING at umuwi din naman ng Pilipinas ang mga magulang ni Autumn pagkatapos malaman ang pagkamatay ni Summer pero saglit lang din ang mga ito. Umuwi lang para asikasuhin ang libing at upang makita na rin ang yumaong anak. Kahit naman daw kasi gustong magtagal ng mga ito ay hindi nila magawa dahil kailangan nilang magtrabahong muli para kumita ng pera. Marami pa silang bayarin sa buong panahon na naospital si Summer at pati na rin sa


operasyon at sa donor ng puso, idagdag pa ang mga bayarin sa libing.

Lubog na lubog na sa utang ang pamilya ni Autumn kaya naman walang choice ang mga magulang nito kundi ang umalis kaagad. Hinintay lang ng mga ito na mailibing si Summer at umalis na rin agad, kinabukasan.

Nakilala rin ng mga magulang ni Autumn si Leo dahil lagi itong nandoon sa bahay nila para tulungan sila noong mga araw ng paglalamay. Pinakilala ito ni Autumn bilang malapit na kaibigan. Marami ring mga kaibigan at kaklase si Autumn na dumalaw sa lamay pero sa lahat ng kaibigan niya, si Leo lang talaga ang tumatagal sa tabi niya, mula pagsikat ng araw hanggang kahit sa paglubog nito ay nasa tabi nya pa rin si Leo.


Um­absent si Autumn hanggang sa araw ng burol ni Summer. Minsan uma­absent din si Leo sa klase para lang masamahan si Autumn pero pinapagalitan siya ng babae dahil ayaw niyang magpabaya na naman ito sa pag­aaral nang dahil lamang sa kanya.

Sinunod naman siya ni Leo. Pumapasok ito sa eskwelahan pero feeling niya ay hindi na kumpleto ang araw niya simula ng hindi

niya

nakakasabay

sa

lunch

ang

babae.

Sobrang

nakasanayan na kasi niyang parati niya itong kasabay. Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng klase, lahat ng pagyayaya ng mga kaibigang lalaki na makipaghang­out o makipag­dota ay tinatanggihan niya upang makapunta kaagad sa bahay ni Autumn. Tutulong siya sa mga gawain doon sa may lamay tulad ng paghahanda ng mga pagkain ng mga dumadalaw, paglilinis ng kalat at ng kung anu­ano pa. Uuwi lang si Leo ‘pag mga nine na ng


gabi, minsan ay inaabot siya ng alas­diyes.

ISANG linggo na rin ang nakakalipas simula ng mailibing si Summer. Balik eskwelahan na ulit si Autumn pero hindi pa rin bumabalik ang sigla nito. Malungkot pa rin ito dahil sa pagkawala ng pinakamamahal na kapatid. At dahil doon ay gustong gawin ni Leo ang lahat para maibalik ang dating sigla ng babae. Lagi niya itong sinasamahan sa oras ng recess, lunch at kahit sa pag­uwi. Lahat na siguro ng jokes na pwedeng maisip o makuha sa internet ay sinabi at kinukuwento niya na sa babae para lang mapatawa ulit ito pero ngingiti lang ito ng matamlay sa kanya at hindi na muling iimik.

Walang oras na hindi niya pinipilit pangitiin si Autumn. Nananamlay rin kasi siya kapag nakikita niyang nagkakaganoon ang babae. Hindi niya tuloy malaman kung ano’ng gagawin. Gusto


niyang masilayang ngumiti ulit ito ng masaya o marinig man lang ang masisiglang tawa nito.

“LEO!” katatapos lang ng klase ni Leo at tumakbo kaagad siya palabas ng classroom. Naglalakad siya noon sa corridor papunta sana sa may school gate para puntahan siAutumn nang biglang marinig niyang may tumatawag sa pangalan niya at paglingon niya ay nakita niya si Ariel na palapit sa kanya. “Leo, kamusta na? Bakit hindi ka na nagpaparamdam sa’kin?”

“Pasensya na Ariel, busy lang kasi ako.” Halos mawala na sa isipan ni Leo ang tungkol sa pagkuhang muli kay Ariel. Siguro masyado siyang naging busy sa pag­aasikaso kay Autumn na nakalimutan niya na ang mismong taong mahal niya. Pero sa tingin niya, hindi ito ang oras na isipin niya ang sarili at unahin ang pagkuha pabalik sa ex­girlfriend. Nahihirapan ngayon si Autumn


kaya hindi muna niya uunahin ang sarili at saka isa pa, partners in crime sila ni Autumn sa 10 steps to get Ariel back. Si Autumn ang gumawa nang 10 steps sa list kaya without Autumn, hindi niya magagawa ang 10steps, kaya dapat lang na unahin nya munang ibalik sa dati si Autumn before he can continue with the steps.

“Saglit lang. Hindi ba pwedeng isantabi mo muna iyang gagawin mo? Gusto ko sanang magpasama sa’yo sa mall. Gala naman tayo. Matagal na rin kasi tayong hindi nagba­bonding.”

“Not now Ariel, I can't.”

“Bakit? Ano ba ‘yang pinagkakabusy­han mo ha!” nabigla siya sa pagtaas ng boses ni Ariel. “Lagi mo na lang akong tinatanggihan nitong mga nakaraang araw. Sa tuwing niyayaya kitang gumala, lagi mong sinasabi sa’king busy ka at may importante ka pang


gagawin. Hindi ka nagpaparamdam pati sa text. Ni isa sa mga pinadala ko sa’yong mensahe wala akong reply na natanggap mula sa’yo. Ni hindi mo nga sinasagot ang mga tawag ko eh! Tapos sa school, ewan ko ba kung saan ka nagpupupunta at napakadalang kitang makita sa break time at kahit sa oras ng uwian. Buti na nga lang at mas maaga kami ng oras ng uwian sa inyo kaya nagawa kitang mahabol ngayon at makausap tapos tatanggihan mo lang pala ulit ako? Ano bang meron Leo! Bakit ka ba ganyan? Ano ba ang pinagkakaabalahan mo ha, sabihin mo nga sa’kin!”

Hindi niya inaasahan ang mga sinabi ni Ariel. She's acting like he's really important to her dahil gusto nitong makasama o makausap siya. That thought makes Leo happy kasi at least alam niya na ngayon na may big importance siya kay Ariel. Umepekto ang mga pinagpaguran nila ni Autumn to win her back pero gustuhin man ni Leo na i­grab ang opportunity na makasama


ngayon si Ariel at gumawa ng tactic para tuluyan itong maging kanya ay hindi niya magawa dahil hindi maalis sa isip niya ang malungkot na mukha ni Autumn. Ewan niya ba kung bakit pero hindi niya kayang abandonahin ang babae para sa makasariling layunin.

“Pasensya na talaga, Ariel. Promise babawi ako sayo. Uunahin ko muna si Autumn, siya muna aasikasuhin ko sa ngayon.”

“Autumn? Iyong sinabi mo sa’king dine­date mo? Ganun na ba siya kaimportante sa’yo at pati sarili mong kababata ay kinakalimutan mo na at hindi mo man lang mabigyan kahit konting panahon mo?”

Nahihirapan siya sa sitwasyon. Rinig na rinig sa tono ng boses ni Ariel ang sobrang pagtatampo sa kanya. Ayaw niya naman


talagang tanggihan ito, infact gusto nyang samahan ito pero ayaw niya rin naman kasing hayaang mag­isa si Autumn sa ganitong panahon. Kung dati na buhay pa ang kapatid nito ay may pinupuntahan si Autumn pagkatapos ng klase ngayon ay diretsong bahay na lang ito – sa walang katao­taong bahay nito na sobrang malungkot.

Hindi niya hinahayaang manatili si Autumn na mag­isa sa bahay nito habang nagluluksa pa ito sa pagkamatay ng kapatid nito. Baka kasi sa sobrang depress nito ay magkasakit pa ito kaya ang ginagawa niya pagkatapos ng klase nila ay ipinapasyal niya ang babae sa kung saan­saan hanggang alas­nueve o minsan kahit alas­diyes na ng gabi para diretsong tulog na lang ito pagkauwi. Konting panahon na lang ang ilalagi nitong mag­isa sa bahay.


“I'm really really sorry Ariel, Autumn needs me right now.” he taps her on her shoulder at tumakbo na paalis. Ayaw niya mang iwan ang pinakamamahal niyang babae pero kailangan niyang magsakripisyo pansamantala para kay Autumn na siyang minsang tumulong sa kanyang makaahon sa depression. Ibinabalik niya lang ang pabor na ginawa sa kanya ni Autumn dati at tulungan din itong umahon mula sa depression na nararamdaman nito ngayon.

“KANINA ka pa ba?” halos hapuin si Leo mula sa pagtakbo niya para mapuntahan si Autumn sa may school gate na noon ay naghihintay na sa kanya.

Umiling lang si Autumn sa tanong niya.

“Pasensya na kung ngayon lang ako ah,” umiling lang ulit si Autumn.


Simula ng mamatay ni Summer, lagi na lang pag­iling o pag­ tango ang mga sagot nito. Nagmistulang pipi na ito pero nagsasasalita pa rin naman ito, iyon nga lang madalang at kapag kailangan lang talagang magsalita.

“Saan mo gustong pumunta ngayon?” pagtatanong ni Leo habang naglalakad na sila palabas ng school gate. Nagkibit­balikat lang si Autumn sa tanong niya kaya naman napakamot siya ng ulo. Hindi niya alam kung saan naman dadalhin si Autumn sa mga panahong iyon. Noong isang araw, dinala niya ito sa may park. Noong isang isang araw ay sa isang zoo. Noong isang isa pang araw ay sa may karaoke bar, pero madalas kapag wala talaga siyang maisip ay sa mall sila tumatambay. As much as possible kasi gusto niyang magka­variations ang mga pinupuntahan nila para naman mag­enjoy si Autumn. Gusto niyang mag­enjoy ito ng


husto para kahit saglit man lang ay mawala sa isipin ni Autumn ang yumaong kapatid.

“Hmm, gusto mong pumunta sa Star City?” biglang pumasok sa isip niya na baka sakaling mag­enjoy talaga si Autumn kung pupunta sila sa isang lugar na tulad ng Star City. Since Friday naman kaya sa tingin niya ay okay lang na gabihin sila ng husto dahil wala namang pasok kinabukasan.

“Wala akong pera,” walang­emosyon na sabi nito.

“Don't worry, ako ang magbabayad. Dali! Tara na sa may sakayan habang maaga pa para makarami tayo ng rides mamaya!” nabigla si Autumn kasi hinigit siya ni Leo sa kamay at tumakbo sila habang ngiting­ngiti ito sa kanya. “Bilisan mo Autumn, baka mapuno na ‘yong jeep! Type mo ba yung extreme rides? Mahilig


kasi ako doon! Hehe!”

SI Leo ang nagbayad ng entrance at tickets nila dahil ayaw naman niyang pagastusin si Autumn. Alam niyang nasa financial crisis ang pamilya nito sa pagbabayad ng hospital and burial fees. Hindi naman ganoon kayaman sina Leo pero marami siyang pera dahil ang ginagamit niyang pera ay ang “ipon” niya. May pinag­iipunan siyang cellphone na gustung­gusto niyang mabili. Matagal na niyang pinag­iipunan iyon dahil talagang mahal ‘yon pero these past few days ay ginagamit niya ang ipon niya panggastos sa pagdadala niya sa labas kay Autumn.

“Leo, sigurado ka ba? Nahihiya na ako sayo. Hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na katulad nito para sa’kin. Lagi mo na lang akong nililibre, literally everyday. Wala akong ipambabayad sa’yo pabalik.”


“Ano ka ba! Libre nga e, kaya hindi mo na kailangang bayaran.”

“Ayoko Leo, nakakahiya sa’yo. Hindi ko nga namamalayan kung saan mo nakukuha ‘yong perang pinanlilibre mo sa’kin araw­ araw. Baka mamaya niyan nagnanakaw ka na o kaya nangho­ holdap ng bangko para lang malibre ako.”

“Baliw! Hindi ako magnanakaw.”

“Kung ganoon, binebenta mo ang lamang loob mo? Meron ka pa bang bituka? Teka, baka naman strip dancer ka sa club? Aray!”

“Sira ka talaga, kung anu­anong iniisip mo!” bigla niyang binatukan si Autumn dahil sa mga pinagsasasabi nito at natawa


siya pagkatapos. Seryosong­seryoso ang mukha ni Autumn habang sinasabi ang mga wirdong isipin na iyon. “’wag mo ng isipin ang mga ginagastos ko. Basta hindi ako nanghoholdap ng bangko ni nagbebenta ng lamang­loob at higit sa lahat hindi ako strip dancer! Okay? Basta i­enjoy mo na lang ang lahat ng ginagawa ko para sa’yo ng hindi iniisip pa ‘yong mga gastusin. Isipin mo na lang na early christmas gift ko itong mga ito sa’yo, so smile okay? Ang pangit mo na kakasimangot e.”

Tumango si Autumn at ngumiti naman ito sa lalaki. Kahit matamlay pa rin ang mga ngiti nito ay masaya na kahit papaano si Leo kasi atleast nakikita niya ang unti­unting pagbabalik nito sa dati. Para sa kanya, ‘di bale ng maubos ang inipon niyang pera dahil makakapaghintay naman ang mga material na bagay kagaya ng cellphone na gusto niya. Sa ngayon ang gusto niya munang pag­ipunan ay ang mga ngiti at muling pagtawa ng masigla ni


Autumn. Alam niyang mahal at hindi ganun kadali ang halaga para makuhang muli ang mga ngiti nito pero sa tingin niya, worth it naman ang paghihirap niya sa oras na makamit niya ito dahil in an unexplainable way, when Autumn smiles he feels like smiling too.

“AHH! Tulong, ayoko pang mamamatay! Jusmiyo, sorry po Lord sa lahat ng mga kasalanan na nagawa ko. Promise magpapakabait na po ako, ‘wag lang akong mamatay ngayon! Ahh! Mommy, daddy, mahal ko kayo! Kung alam ko lang na mamamatay na ako ngayon sana kumain na ako ng maraming­marami! Ahh!” ang parang baliw na sigaw ng sigaw ay si Leo. Naisipan kasi nilang sumakay sa may Zykloon Loop ng Star City. Isang very extreme ride sa theme park na iyon. Kakasimula pa lang umandar nito at mabagal pa lang pero sigaw na ng sigaw si Leo sa kaba. “Pababain niyo na ako please lang!”


“Hahaha!” nabigla at napatigil si Leo sa pagsigaw at nakalimutan na rin ang takot nang marinig niyang tumawa si Autumn. Hindi siya nakaimik dahil sa sobrang pagkabigla. Pinagmasdan niya lang si Autumn na noo'y katabi niya at masayang­masayang tumatawa. “Ano ka ba Leo! Wala pa nga sigaw ka na ng sigaw. You look so gay! Hahaha!”

“Autumn, tumawa ka!” sobrang lapad ng ngiti ni Leo at sobrang saya niya ng magawa niyang mapatawa ulit ito.

“E?” hindi nakuha ni Autumn kung bakit ganun na lang ang tuwa ni Leo sa pagtawa niya.

“Autumn, sana lagi ka na lang tumatawa! Sa susunod ngumiti ka na din dahil alam mo, mas maganda ka ‘pag nakangiti... ahhh!”


Narinig ni Autumn ang huling sinabi ni Leo though hindi siya nakapagreact ng maayos dahil nagsimula ng bumilis ang ride at nagsimula ng magsigawan ang mga tao sa sobrang bilis. Imbis na matakot sa bilis ng ride ay natulala lang si Autumn at paulit­ulit sa isipan niya ang mga huling katagang sinabi ni Leo na sadyang tumatak ng husto sa kanyang isipan.

“Sa susunod ngumiti ka na din dahil alam mo, mas maganda ka ‘pag nakangiti.”

Unconsciously, ignoring the extremeness of the ride and with all the people shouting out of fear, she smiled.



CHAPTER VIII

PAPUNTA na sana si Leo kay Autumn para sabay silang maglunch tulad ng nakagawian. Dala­dala niya ang backpack niyang may laman na dalawang tupperware.

Nagluto siya ng “pasta alla carbonara” na siyang specialty niya at pinagdala niya si Autumn ng niluto niya kaya may dalwang tupperware siyang dala. Excited na siyang maglunch at para malaman ang reaksyon ni Autumn sa niluto niyang pasta, kung masasarapan ba ito o ano.

“Stay away from him!” wala pa man siya sa canteen at


naglalakad pa lang siya sa may corridor ay bigla siyang napatigil ng makita si Ariel na biglang sinampal si Autumn. Saktong­saktong naabutan niya ang eksenang ‘yon kaya agad­agad siyang lumapit sa dalawang babae at dahil doon ay nabigla si Ariel nang makita siya.

“Autumn, ayos ka lang ba?” hinawakan niya ito sa ulo at sinubukang silipin ang mukha nito na noon ay nakatungo at nakahawak ito sa may pisnging nasampal. Galit na hinarap ni Leo si Ariel. “Ano ka ba! Bakit mo siya sinampal?”

Kinagat ni Ariel ang ibabang labi para magpigil ng inis. “Kasi ayoko sa kanya!”

“Ha? Bakit? Ano ba ang nagawa niya sa’yo for you not to like her?”


“Inaagaw ka niya sa’kin! Kinakalimutan mo na ako ng dahil sa kanya. Lagi mo na lang siyang kasama! Lagi na lang siya!”

“Si Autumn ang dine­date ko at hindi ikaw!” he did not really intend to say that pero bigla na lang nag­automatic na lumabas ang mga salitang ‘yon sa bibig niya.

“Wala akong pake. You can't spend all your time with her. Paano ako? Kaibigan mo ako pero kinalimutan mo na ako! She's taking you away from me and I hate it!”

“Shut up, Ariel!” medyo nainis na talaga siya kay Ariel. She sounds like a spoiled brat whining over something. “I told you she needs me!”


“She needs you? Lagi naman! Ano ka ba nya? Oxygen na hinihinga nya? Ganun ka ba talaga niya kailangan na araw araw, minu­minuto kailangang nasa tabi ka niya at hindi mo man lang ako pwedeng pagbigyan kahit kalahati lang ng oras mo?”

Hindi na maintindihan ni Leo kung bakit bigla­bigla ay nagiging ganoon si Ariel. Umaakto itong parang bata at hindi siya natutuwa dito. Bakit kailangan nitong magalit kay Autumn? Wala naman itong ginagawa sa kanya!

“Don't be selfish Ariel, her sister just died and her parents are in abroad! Nag­iisa lang siya ngayon and that's why she needs someone at her side and that's me!”

Nabigla si Ariel. Hindi niya alam ang istoryang iyon. Dahil sa hindi naman niya talagang kilala ng mahusay si Autumn ay wala


siyang alam na namatayan pala ito ng kapatid pero siguro nga, may pagka­isip bata at makasarili siya kaya in­ignore niya lang ang bagay na iyon at tinulak si Leo. “I don't care! I hate you both!”

Pagkatapos siyang itulak nito ay tumakbo itong umiiyak. Gusto niya itong habulin ngunit ayaw niya namang iwan si Autumn.

“Ayos ka lang ba? Pasensya ka na sa inasal ni Ariel. Hindi ko nga maintindihan kung ano’ng pumasok sa isipin noon at inaway ka.”

“’wag kang magsorry sa’kin,” tiningala siya ni Autumn at nagtama ang mga mata nila. “Habulin mo siya Leo at sa kanya ka magsorry.”

“Ha?”


“I don't think I'm the one who really needs you the most at the very moment. Mas kailangan ka niya Leo. Habulin mo siya bago pa mahuli ang lahat. Ayaw ko ng dahil sa’kin ay mawalan ka ng tuluyan ng pag­asa na maibalik sa’yo si Ariel.” tumigil saglit sa pagsasalita si Autumn pero hindi rin nagtagal ay dinugtungan niya ito ng isang tanong. “’di ba mahal mo siya?”

Nabigla siya sa tanong ni Autumn. Mahal niya si Ariel? Oo naman... Yata.

“Pero Autumn...”

“Bilis, mahahabol mo pa siya.” hindi na siya nito hinayaang magsalita at tinulak na siya nito habang nakangiti ito. “Takbo na,


Leo.”

“Pero paano ka?”

“Anong paano ako? Ok lang ako ‘no?” nakangiti siya at nagthumbs up pa. “Go! Habulin mo na siya para hindi siya mawala sa’yo. You're just some steps away from her so go Leo. Remember, step #9: Be there to support her.”

Kahit nagdadalawang­isip si Leo ay wala na siyang nagawa sa huli kundi iwan doon si Autumn para habulin si Ariel. Nakangiti lang si Autumn pero noong oras na mawala na si Leo sa paningin niya ay unti­unting naglalaho ang mga pilit na ngiti niya at nagsimulang magpatakan ang mga luha niya. Truth is, she really needs Leo. She doesn't want him to run after Ariel because she wants him all for her pero alam niyang wala siyang karapatan sa lalaki dahil si Ariel


ang mahal nito at ayaw niya namang ilayo si Leo sa babaeng mahal nito. She doesn't want to be selfish to the guy she just realized that she loves so much.

Alam niyang hanggang kaibigan lang siya at ang tanging magagawa lang niya ay ipakita ditong masaya siyang suportahan itong makuhang muli ang ex­girlfriend nito. Hindi niya itatangging masakit pero kailangan niyang ngumiti dahil ayaw niyang pag­ alalahanin si Leo. Masyado na kasi itong nag­alala para sa kanya noong mga panahong nagdurusa siya ng sobra sa pagkawala ni Summer at ayaw niya ng gambalain pa ulit si Leo. Alam niyang masyado na siyang nakaisturbo sa lalaki. Masyado ng maraming nagawa si Leo para sa kanya at ang tanging sukling maibibigay niya dito ay ang itulak ito sa taong alam niyang magpapasaya dito ng husto ­ ang ex­girlfriend nitong si Ariel.


Oras na magkabalikan na ulit sina Leo at Ariel, she have decided that she'll step out of the scene.

CHAPTER IX

ISANG buwan na rin siguro ang nakalipas simula ng mamatay ang kapatid ni Autumn at kahit papaano ay bumabalik na ulit ang dating sigla nito. Nagagawa na ulit nitong ngumiti at tumawa pati na rin makipaglokohan. Nagagawa na nga nitong sapakin si Leo kaya naman kuntento na ang huli na nakakapagmove­on na kahit papaano ang babae sa pagkawala ng kapatid. Alam niyang mahaba­haba pang panahon para makamove­on ng 100% ang


babae

pero

ang

mahalaga

ay

ngumingiti

na

ulit

ito

at

nagkakabuhay na ulit. Dahil noong mga nakaraang araw, para itong zombie na wala man lang kabuhay­buhay at laging matamlay.

“Kamusta naman kayo ni Ariel? May improvements ba?” pagtatanong ni Autumn habang kumakain sila ng lunch sa may canteen.

Noong itanong ni Autumn ang tungkol kay Ariel ay bigla­bigla nagflashback sa isipan ni Leo ang nangyari noong isang araw nang makausap niya si Ariel.

ISANG Sabado noon. Dahil nga sa nagtatampo na si Ariel sa kanya dahil wala na siyang time para dito at laging si Autumn na lang ang kasama niya ay nangako siya kay Ariel na ipapasyal niya ito sa may isang theme park na siya namang ikinatuwa ng huli.


Masaya naman ang araw nilang ‘yon. At least nakabawi na rin siya kay Ariel at alam niya ng hindi na ito magtatampo sa kanya. Inihatid niya na ito pauwi at pagkarating nila sa may gate ng bahay nina Ariel ay magpapaalam na sana si Leo ngunit may nangyaring hindi inaasahan.

“O’ sige Ariel, uuwi na ako sa’min ha? Bye bye.” tumalikod na noon si Leo at aalis na sana pero nabigla siya ng bigla siyang hawakan ni Ariel sa may likod ng shirt niya at pinigilan siya sa paglalakad.

“Saglit lang Leo,” lumingon ulit si Leo dito at nakita niya itong nakatungo kaya naman hindi niya makita ang facial expression nito. Hindi rin niya mahulaan kung ano’ng nasa isip nito noong mga panahong iyon.


“Bakit Ariel, may nakalimutan ka ba?”

“Oo, may nakalimutan ako.” nakatungo pa rin noon si Ariel.

“Ha? Ano ‘yon?”

“Ang puso ko.”

“E?” hindi makuha ni Leo ang ibig­sabihin ni Ariel. Nakalimutan daw nito ang puso nito?

“Noong nakipagbreak ako sa’yo Leo, akala ko wala na akong nararamdaman sa’yo kasi nga na­meet ko si King pero noong tumagal at naging magkaibigan ulit tayo, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang nagkakagusto ulit ako sa’yo. Ewan ko


ba, ang alam ko talaga wala na akong gusto sa’yo pero simula noong makita kitang laging kasama si Autumn at laging bukam­ bibig ito ay sobrang nakakaramdam ako ng malaking inis kay Autumn at nagseselos ako. Sobrang nagseselos akong may iba ka ng pinapahalagahang babae. Nasasaktan akong malaman na wala ka ng nararamdaman para sa’kin at doon ko lang narealize na mahal pa rin pala kita at kahit nakipagbreak ako sa’yo ay tila naiwan ko ‘yong puso ko sa’yo. Gusto kong bumalik Leo, gusto kong maging tayo ulit. Tayo na lang ulit, Leo!”

“LEO!”

“Leo!”

“Hoy Leo Magsaysay!” saka lang nabalik sa lupa ang isipan ni


Leo nang maramdaman niya ang pagsampal sa kanya ni Autumn. “Natutulala ka dyan! Ano ba ang iniisip mo?”

“H­ha? Wala, wala.”

“Ows? Talaga? Hmm, so ano na nga? Kamusta na kayo ni Ariel?”

“Kami ni Ariel? Ano kasi,” ewan niya ba kung bakit parang nahihirapan siyang magkwento kay Autumn. “Ano... break na sila ni King.”

Umiinom ng juice noon si Autumn at dahil sa pagkabigla ay nasamid siya. Tumulo tuloy ‘yong iniinom niyang juice sa gilid ng labi niya kaya kumuha agad siya ng tissue para punasan ang bibig at umubo­ubo siya ng kaunti. “Talaga? Seryoso?”


“Oo, mag­i­isang linggo na yata.”

“Bakit daw? Anong nangyari?”

“Wala namang nangyari. Si Ariel ang nakipagbreak. Ang sabi niya hindi niya na daw feel si King at...” tumigil si Leo. Hindi malaman kung itutuloy pa ba niya ang sinasabi o hindi. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Bakit pakiramdam niya ay may malaking hesitation na siya sa lahat ng nangyayari?

“At?” naghihintay naman ng kasunod si Autumn. Interesado siyang malaman kung bakit nakipagbreak si Ariel sa boyfriend nito. At least ngayon, alam niyang malaki ang chance ni Leo na makuhang muli ang ex­girlfriend nito. Pero nalulungkot si Autumn sa tuwing naiisip niya iyon. Konti na lang. Malapit na malapit na at


kailangan niya ng umalis sa eksena. Magiging masaya siya para kay Leo kapag nagkataon pero malulungkot din siya at the same time pero wala na siyang magagawa, ganun talaga.

“At sinabi niya sa’king may gusto pa siya sa’kin at gusto niyang magkabalikan kami.”

“Talaga?” nabigla si Autumn at nasaktan pero natuwa pa rin siya kahit papaano kasi magiging masaya na ulit si Leo. “O’ e, ‘di anong nangyari? Kayo na ba ulit?”

“Hindi pa,” napakamot si Leo ng ulo at nagtaka naman si Autumn sa sagot nito.

“E?

Bakit?

E,

‘di

ba

nga

sabi

niya

gusto

makipagbalikan? O’ bakit hindi pa kayo nagkakabalikan?”

niyang


“Ewan ko, pinag­iisipan ko pa e.”

“Ano ka ba! Ano pa’ng hinihintay mo? Ano pa ba ang dapat mong pag­isipan? E, ‘di ba nga halos magpakamatay ka dahil sa iniwan ka niya? O’ ito na ngayon at gusto niya na ulit makipagbalikan tapos pag­iisipan mo pa? ‘wag ka ng pa­VIP Leo. ‘wag mo na siyang paghintayin ng matagal. Grab the chance hangga't nandiyan pa! Sige ka! Mamaya magbago isip noon at pagsisihan mo lang na pinatagal mo pa ang pagdedesisyon!”

“Alam mo ba ang nagtulak sa kanyang makipagbalikan ulit sa’kin ay ikaw?”

“E? Ako?” nagtatakang itinuro ni Autumn ang sarili gamit ang hintuturong daliri.


“Oo, ikaw. Nagseselos kasi siya sa’yo.”

“Anong ipinagseselos niya? Ano ba naman ‘yan! Hahaha!” natawa si Autumn pero sa loob­loob niya ay nalungkot siya kasi para sa kanya wala naman talagang dapat ipagselos sa kanya si Ariel. Ang totoo niyan siya ang naiinggit dito kasi ito ang mahal ni Leo at hindi siya. “Naku Leo, mabuti pang sabihin mo sa kanya na hindi mo na kuno ako dine­date tapos makipagbalikan ka na sa kanya ASAP! Para happily ever after na kayo. Sabi nga sa step #10: stay positive! And I think all will be really positive for you guys in

the

future

kaya

mamaya

Leo,

puntahan

mo

siya

at

makipagbalikan ka na sa kanya okay?”

“Pero Autumn...” may gusto pa sanang sabihin si Leo pero naantala siya sa pagsasalita ng biglang nagbell na. Ibig­sabihin


tapos na ang lunch time nila.

Tumayo na si Autumn sa kinauupuan at ti­nap ang balikat ni Leo. “Time na pala. O sige Leo balik na ako sa classroom ko. Advance congratulations sa inyo ni Ariel!”

“Autumn, saglit...”

“Oo nga pala, simula ngayon ‘wag ka na ulit lalapit sa’kin at sa tingin ko mas mabuting ‘wag na ulit tayong magkita since tapos na rin naman ‘yong 10 steps at okay na kayo ni Ariel para na rin hindi siya magselos. Ayaw kong masira ang relationship ninyo sa isang misunderstanding na dahil sa’kin. “O sige,” kinuha ni Autumn ang kamay ni Leo at nakipaghandshake ditto. “Thank you for everything and it was nice meeting you, Leo. Congratulations in advance! Bye!”


Hindi na nagawang makapag­react ni Leo dahil bago pa man niya naibuka ang bibig ay tumalikod na agad si Autumn sa kanya at tumakbo na palayo. Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Autumn na ‘wag na daw ulit silang magkita. Hindi siya sa payag sa ganoon. Gusto niyang ipagpatuloy pa rin nila ang pagkakaibigang namamagitan sa kanila. Masyado na siyang naging attached kay Autumn at naging parte na ito ng buhay niya kaya hindi ganoon kadaling gawin iyong sinabi ni Autumn na ‘wag na daw ulit silang magkita.

SA kabilang banda, imbis na dumiretso sa may classroom ay sa girl's comfort room siya pumunta. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit “comfort room” ang tawag sa banyo kasi dito, pwede siyang magkulong sa isang cubicle at ibuhos ang nararamdam niya ng walang nakakakita sa kanya. Masaya naman talaga siya para


kay Leo pero nasasaktan talaga siya. Gusto niyang siya ang mahalin ni Leo. Pero alam niya hanggang panaginip na lang ‘yon. Itatago niya na lang ang nararamdaman niya para sa lalaki hanggang sa amagin na ito sa puso niya.

CHAPTER X


HINDI maintindihan ni Leo ang sarili kung bakit parang nakakaramdam siya ng lungkot kahit dapat ay masaya na siya dahil sila na ulit ni Ariel. Balik na ulit sila sa dating relasyon pero bakit parang pakiramdam niya ay may bumalik man may parang nawala? Kahit kumpleto na bakit parang may kulang pa rin?

Dalawang linggo na rin kasi simula ng huli niyang nakausap si Autumn. Iyong sa canteen ang huli nilang pag­uusap na dalawa at pagkatapos noon, noong naging sila na ulit ni Ariel ay hindi na niya nagawang makausap at makasama si Autumn. Ilang beses niya ng sinubukang itext o puntahan ito pero para bang iniiwasan siya ng babae. Sa tuwing pupunta siya sa classroom nito pagkatapos ng klase ay wala na agad si Autumn at nakauwi na daw. Kapag naman pupuntahan niya ito sa oras ng lunch at recess, wala din sa classroom ni sa canteen. Hindi nya malaman kung saan kumakain ito dahil wala namang sinasabi sa kanya ang mga kaklase nito sa


tuwing nagtatanong siya. Madalang niya lang itong makasalubong sa hallway at sa madalang na beses na iyon ay sinusubukan niyang lapitan ito pero kung hindi ito aalis palayo ay sasabihin nitong busy at nagmamadali ito na kailangan agad umalis. Kapag naman sinusubukan niyang puntahan ito sa bahay ay walang sumasagot sa kanya sa tuwing nagdo­doorbell siya sa bahay nito.

Aaminin niya na nami­miss niya ang babae. Nasanay na siyang laging kasama ito at kausap kaya naman ngayon na hindi na sila nagkakasama at nagkakausap muli ay sobra­sobrang lungkot ang nararamdaman niya. Hindi sapat si Ariel para mawala ang lungkot na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bakit parang iniiwasan na siya ni Autumn at hindi niya din alam kung bakit parang nasasaktan siyang isipin na iniiwasan nga siya ng babae. Litung­lito na siya sa mga nangyayari pati na rin sa nararamdaman niya.


Dumaan ang Christmas break ng hindi man lang niya nakausap si Autumn para batiin man lang ito ng advance merry christmas. Nagpalit na rin yata ito ng numero dahil sa tuwing sinusubukan niyang tawagan ito ay palaging call operator lang naririnig niyang nagsasalita.

DECEMBER 25, 2011

Araw ng pasko. He's spending it with his girlfriend, Ariel. Nakasama niya na ang pamilya niyang magdinner noong bisperas ng pasko at ang alam niya ay pupunta ang mga ito sa isang lugar para magdate. Napailing na nga lang siya habang napapangiti kasi natutuwa siya na kahit matanda na ang parents niya ay sweet pa rin ang mga ito sa isa't isa at hindi nakakalimutang magdate sa


mga espesyal na okasyon.

Nakapagpaalam na rin siya sa parents niya na may sarili siyang date. Kilala naman ng parents niya si Ariel kaya walang naging problema. Natuwa nga ang mga ito at nagkabalikan na sila. Alam kasi ng mga ito na nagbreak sila.

Buong araw silang magkasama ni Ariel. Gumagala sa kung saan­saan pero sa buong araw ay nasa ibang lugar ang isipan niya. Naaalala niya si Autumn. Hindi niya mapigilang mag­alala sa babae kasi ngayong araw ng pasko ay sigurado siyang mag­isa lang ito. Bukod sa yumao na nga ang kapatid nito ay nasa abroad pa ang mga magulang nito at hindi naman makakauwi para samahan itong magdiwang ng pasko. Sigurado din siyang hindi pupunta sa ibang mga kamag­anakan ito dahil ito na rin mismo ang nagkwento sa kanya dati na hindi daw nito kaclose ang mga


kamag­anak o kung may ka­close man ay nasa Mindanao pa. Originally from Davao ang pamilya ni Autumn at nagtransfer lang ang mga magulang nito sa Maynila para madala sa magandang doctor at hospital ang kapatid na si Summer. At malamang sa malamang, hindi naman uuwi si Autumn sa Davao dahil malayo­ layo rin ito at siguradong kailangan nitong gumastos kapag nagkataon para sa pamasahe.

“Hay, kamusta na kaya iyong isang ‘yon?”

“May sinasabi ka ba, babe?”

“Ha?” nabalik lang sa lupa ang isipan niyang lumulutang ng kausapin siya ni Ariel. Nagdi­dinner na sila ng mga panahong iyon. Simula pagkagising hanggang ngayong mag­a­alas otso y media na ay si Autumn ang iniisip ni Leo. Hindi lang siguro sa araw na ito


ngunit nitong mga nakaraang araw na rin. Aaminin niyang miss na miss na niya ito. Nami­miss na niya ang boses nito, ang mga ngiti nito, ang nakakahawang tawa nito pati na rin ang kabrutalan at pananapak nito sa kanya. He misses everything about Autumn.

“Pansin ko babe na kanina ka pa na­ii­spaced out, may problema ba?” hindi niya akalaing ganoon na pala siya ka­obvious na napansin na rin ni Ariel ang nangyayari sa kanya.

“Ariel,” ilang araw niya na ring pinag­iisipan ang sasabihin. Hindi siya sigurado sa gagawin pero sa tingin niya ay ito talaga ang tunay niyang nararamdaman. Kailangang harapin niya ang nararamdaman niya at huwag pakawalan ang taong nagiging dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng kakaiba. “Di ba, alam mong mahal kita?”


“Oo naman, mahal din kita Leo.” nakangiting sagot ni Ariel.

He doesn't want to break her heart especially in a special day like this but he knows that it wouldn't be right kung patatagalin niya pa ito at lolokohin niya pa ang sarili niya pati si Ariel kung gayung unti­unti niyang naiintindihan ang magulong pagtibok ng puso niya nitong mga nakaraang lingo. “Ariel, mahal kita, totoo ‘yon, walang halong­biro pero may sasabihin ako. Alam mo kasi, if I'll be really honest with myself, hindi na katulad ng dati ang pagmamahal ko sayo...”

“Ha? What d'you mean?”

“I love you but I think my love for you now is just for a friend. Narealize ko lang ‘yon noong dumating sa buhay ko si Autumn. I'm sorry Ariel but no matter how many times I listen to my heart, it


always beat for Autumn's name.” pagkasabi niya noon ay tumayo siya. Lumapit siya kay Ariel at hinalikan ang noo nito. “I'm really sorry, Ariel. I need to go to her. Merry Christmas.”

Umalis ng tuluyan si Leo at naiwan si Ariel na nakaupo habang hawak­hawak pa ang tinidor at kutsara sa magkabilang kamay at hindi makapaniwala sa mga narinig niya.

“Hindi na ako ang mahal niya,” nabitawan niya ang kutsara at tinidor at napatakip ng bibig habang sabay­sabay na pumapatak ang mga luha niya. Bigla­bigla ay nakaramdam siya ng sobrang sakit sa dibdib at sinugod siya ng malaking pagsisisi. Dati mahal na mahal siya ni Leo pero siya ‘yong nagtulak ditong lumayo ang loob sa kanya dahil nakipagbreak siya at ipinagpalit ito sa isang lalaki na mas gwapo ditto. Pero kung kailan niya napagtantong kahit mas gwapo si King ay wala talaga siyang feelings para dito at totoong si


Leo ang mahal niya ay saka naman napagtanto ni Leo na hindi na siya ang mahal nito. Kasalanan niya din naman kung bakit hindi na siya mahal ng lalaki. Sana hindi niya na lang ito pinakawalan noong una. Ayan tuloy nawala na ng tuluyan sa kanya. Ang sabi nga nila, ‘pahalagahan mo ang taong nagmamahal sa’yo hanggang nasa tabi mo pa dahil kapag napagod ‘yan sa pagmamahal sa’yo baka sa huli hanap­hanapin mo ang pagmamahal niya oras na mawala na. Ikaw din ang magsisisi.’

SA kabilang banda naman, sa bahay ni Autumn ay nag­iisa lang siya doon at nakasuot na ng pajama niya kahit alas­nuebe pa lang ng gabi. Buong­araw ay nakakulong lang siya sa bahay at hindi niya ramdam ang pasko. Wala ngang kahit anong Christmas decor sa bahay niya. Malungkot para sa kanya ang araw na iyon dahil iyon ang unang pasko na mag­isa lang siya. Noong buhay pa si Summer, pinupuntahan niya ito sa ospital at sabay nilang


ipinagdidiriwang ang pasko.

“Ang tagal namang maupos nito,” nakahalumbabang sambit ni Autumn. Nasa may kitchen table siya habang pinagmamasdan ang kandila sa harapan niya na sinindihan niya 30 minutes o mahigit na ang nakakaraan. Nagsindi siya ng kandilang alay sa yumaong kapatid. Naisip niyang matutulog na siya oras na maupos na ang kandila kaya naman tinititigan niya lang ‘yong apoy ng kandila habang hinihintay na maupos ito.

“I don't want a lot for Christmas. There's just one thing I need. I don't care about the presents. Underneath the Christmas tree.

I just want you for my own.


More than you could ever know. Make my wish come true. All I want for Christmas is...You.”

“Ano ba yan, sintunado.” natatawang sabi ni Autumn ng makarinig siya ng nangangarolling sa may labas ng bahay niya. Ang lakas kasi ng pagkakakanta tapos sintunadong­sintunado pa. Hindi niya tuloy mapigilan ang tawa.

“I don't want a lot for Christmas. There's just one thing I need. I don't care about the presents. Underneath the Christmas tree.”

Natatawa pa rin siya noong tumayo siya at kinuha ang wallet para bigyan ng aginaldo ang nangangarolling kahit sintunado. Sabi


niya sa sarili, “Pasko naman, pagbigyan na kahit sintunado.”

Naglakad na siya papunta sa may pinto at binuksan ito habang nakatungo at nangangalkal pa ng barya sa kanyang wallet. “Saglit lang ha.”

“Hindi ako nanghihingi ng aginaldo,” nabigla siya at napatigil sa pagkakalkal ng barya sa wallet ng marinig niya ang pamilyar na boses. “Hindi aginaldo ang kailangan ko kundi pagmamahal mo.”

Pagtingala niya ay nabigla siya ng makita si Leo sa harapan niya at dahil doon ang mga nakuha niyang ilang barya ay nalaglag dahil sa sobrang pagkabigla niya. “Leo! Anong ginagawa mo dito? Pasko ngayon ah. Dapat kasama mo ang girlfriend mo! Teka alam ba ito ni Ariel? Hala ka, baka magalit ‘yon ‘pag nagkataon! Baka magkaroon kayo ng misunderstanding. Umalis ka na. Shoo!


Ayokong araw ng pasko pa kayo mag­away dahil sa maliit na misunderstanding.”

“Ang bingi mo talaga. Hindi mo ba narinig ‘yong sinabi ko kanina?”

“Ha?”

“Namamasko po ng pagmamahal mo.”

“Ha?”

“Ang bingi mo talaga kahit kelan.” pinitik ni Leo ang noo nito na siyang ikinainis ng dalaga.

“Aray ko! Masakit ‘yon ah!”


“Wala na kami,” nakangiting sabi ni Leo.

“Ha?”

“Ha ka ng ha dyan. Nakakainis ka na.” sumimangot naman ngayon si Leo.

“Hindi kasi kita ma­gets e! Wala na kayo? As in break na kayo? Anong nangyari?”

“Anong nangyari? Umepal ka sa buhay ko. Instead of giving me steps to get back to her, you unconsciously gave me steps to you.”

“Steps to me? Ha?” naguguluhan na talaga si Autumn.


“English dude, hindi ko na­gets. Pakitagalog naman, ang labo!”

“I'm in front of your door right now because I want to tell you that I can't do step #10. I can't stay positive without you. While I'm finding my way to Ariel's heart, I got lost and found my way to your heart so here I am telling you that you have become a part of my daily life already Autumn.”

“Leo...” naspeechless saglit si Autumn. Parang 1% pa lang ng mga sinabi ni Leo ang nag­load sa isipan niya. “Ano iyang mga sinasabi mo? Nakadrugs ka ba?”

Natawa si Leo at napakamot­ulo. “Autumn Sanchez, can you spend this night of Christmas with me? We still have 3 hours before it ends.”


“Ha? O­okay lang pero wala akong regalo para sa’yo.”

Lumapit si Leo at sa bigla ni Autumn ay hinalikan siya ni Leo sa may pisngi. “ Sapat ng regalo ang pagmamahal mo.”

Napahawak si Autumn sa hinalikang pisngi ni Leo at napaiyak na lamang siya na siyang ikinabigla ni Leo. “Bakit ka umiiyak? Hala! Dahil ba sa hinalikan kita ng walang paalam? Galit ka ba? Sorry, sorry. Suntukin mo ako Autumn kung galit ka pero ‘wag kang umiyak. Please naman o.”

“Abnormal ka talaga, Leo.” paputol­putol niyang sabi habang umiiyak.

“Ha? Mas abnormal ka.”


“Nakakainis ka naman e. Akala ko malungkot na talaga ang pasko kong ito dahil mag­isa lang ako pero siguro totoo nga ‘yong pangako sa’kin ni Summer na ‘pag na­meet niya na ang Maykapal ay hihilingin niya dito na maging masaya ako at pati sina mama at papa. Sa tingin ko nakausap na ni Summer si God kasi alam mo ba Leo, masayang­masaya ako ngayon kasi nandyan ka sa harapan ko at sinasabi ang mga salitang iyon. Leo... I have three words for you...”

“Ano ‘yon, I love you ba?”

“Hindi,” pinunasan na ni Autumn ang tears of joy niya at mapang­asar na sinabi niya ang three words. “Masusunog bahay ko.”

“Ha? Anong klaseng three words ‘yan? Akala ko I love you na!”


“Hahaha! Teka lang. Hihipan ko lang ‘yong kandila na sinindihan ko baka masunog bahay ko ‘pag umalis tayo’t iniwan ko! Halika nga,” hinila niya ito papasok sa bahay niya at dinala sa may sala. “Dyan ka lang muna. Papatayin ko lang iyong kandila at magpapalit lang ako ng damit.”

“O sige. Pagkatapos noon sasabihin mo na sa’kin ‘yong three words mo?”

“Two words lang,”

“Ha? Two words? E, ‘di 'I love' lang ‘yon?”

“English ka kasi ng english, baliw ka ba? Two words lang kasi 'mahal kita'.” sabay tumakbo si Autum papunta sa may kusina at


iniwan si Leo na medyo nabigla pero napangiti rin pagkatapos.

“Mahal din kita, Autumn.” nakangiting sambit ni Leo sa sarili habang nakaupo sa may sofa at naghihintay sa babae.

PAGKADIRETSO ni Autumn sa may kusina ay nilapitan niya na ang kandila para patayin pero bago niya ito pinatay ay bumulong siya dito.

“Bunso, pakisabi kay God na maraming salamat at iniregalo niya sa’kin si Leo.” at hinipan niya na ang kandila. “Merry Christmas, Summer.”

The end? Dito pa lang magsisimula ang pagmamahalan nina Leo at Autumn. Mahaba pa ang lalakbayin ng dalawa. Love is a long way road thus said,


“Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self­ seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.” ­ 1 Corinthians 13:4

WAKAS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.