searching

Page 1

Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

SEARCHING FOR MR. RIGHT By: Lorna Tulisana Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

SYNOPSIS Ano ba ang handa mong gawin para sa pag-ibig? Magagawa mo bang talikuran ang iyong minamahal para sa kaligayahan ng iba? Si Elvien.... A very well-known and one of the country's youngest entrepreneur. A very responsible young man. No time for leisure..... No time for fun.... But what if he'll find the girl that will turn his world upsidedown?

Si Sheiica.... Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Weird. Nerd. Unresponsible. Yet she was a busy young girl. Busy for her extra curricular activity.....SEARCHING FOR MR. RIGHT! Sa pagtatagpo ng dalawa.....is there any chance that two different person may fell in-love? Ngunit,paano kung makialam ang tadhana at subukin ang kanilang pagmamahalan? Will they be strong enough to stand for love?

CHAPTER I Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Siya si Delfin Malipad! Eighteen years old mula sa Barangay Papalad! Second Year student ng Pamantasan ng Olangapo taking up Agriculture and Fishery, at isang......". Agad na pinutol ni Sheiica ang iba pang sasabihin ng kaklaseng si Anne, " Bakit naman sa dinami-dami ng kurso,pagbubukid at pangingisda pa ang kinuha niya? ", pagtatakang tanong nito. Kasalukuyan silang nasa likod-bahay ng kaibigan. At tulad ng kanilang nakagawian,abala na naman sila sa kanilang ETRA-CURRICULAR ACTIVITY.......ang SEARCHING FOR MR. RIGHT! " 'Yon kasi ang nakamulatan at nakalakihan niya! ", maagap na tugon ni Anne. " At gusto niya na sa ganoong buhay na rin siya mamatay? Sa tingin mo,papangarapin ko ang maburo Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana kasama ng lambat at araro? ". Inalis ni Anne ang litrato ng binata na nakalapag sa inilatag nilang sapin sa damuhan, " O....ito! Si Albert Suraya! ". " Anak 'yan noong nagbabalot sa kabilang barangay,ah? ", bulalas nito. " Bakit ba masyado kang mapili? Akala ko ba gusto mo nang magkaroon ng lovelife? ". " Sis,gusto ko 'yong first love ko......'yon namang disente! ". " Disente ba kamo? Aba! Pinaghandaan ko yata 'yan! O......", inilapag nito ang isa pang larawan sa harap ng kaibigan, ".....Dexter Aguilo! Anak ng isang pastor,may kapatid na pari,at dalawa sa tiyahin ay madre sa Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana kumbento ng San Agustin Parish! Disenteng-disente, 'di ba? ". " Disente,pero hindi boring! ". Pinalitan ni Anne ang larawan ng isang maskuladong lalake na markado ng tattoo ang magkabilang braso, " O.....si Bruno! Mula sa isang disenteng pamilya! 'Yon nga lang lapitin ng gulo! ". " Hindi boring,pero may thrill! ". Muling naglabas ng larawan ang dalaga at itinaas na ito sa harap ng mukha ng reklamador na kaibigan, " Si Fredo Lambora,isang estudyante......! ". " Ano namang ang nakaka-thrill sa kanya? ", tinitigan nito ang litrato ng isang guwapong lalake na mababakas sa mukha ang isang seryoso,ngunit misteryosong ngiti. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Nakick-out siya sa school noong isang buwan lamang dahil sa pagiging aktibista! May thrill 'yon,okay ba? Puwede kang sumama sa kanya everytime na may pupuntahan siyang rally! ". Bumagsak ang mga balikat ni Sheiica. Napabuga ito ng hangin sa pagkadismaya. Malapit na siyang maglabingwalo,at gusto sana niyang maranasan na ang magmahal bago man lang tumuntong sa pagdadalaga,pero mukhang walang tamang lalakeng nakalaan para tusukin ang kanyang puso. Marami naman siyang manliligaw,pero may hinahanap siya sa isang lalake na mamahalin.... MAGIC! " Wala ka pa ring nagustuhan? ". " I want someone ETRA-ORDINARY! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Parang si Barok o kaya si Dagul? ". " Heh! ", asik nito sa kaibigan, " Ang ibig kong sabihin 'yong sa unang tama palang ng mga mata ko sa kanya ay mararamdaman ko na 'yong tinatawag na " IGNITION "! ". " Huh! Siguradong matutuwa niyan sa'yo si Lola Beba dahil may natutunan ka na rin sa Science! ". " Seryoso nga ako! Sabi ni Alice......", inilapit pa nito ang mukha sa kaibigan at halos pabulong na nagwika, ".....kapag nagkita daw kayo ng lalakeng nakatadhana sa'yo,para daw titigil sa pag-inog ang mundo,bibilis ang tibok ng puso,at bigla mo na lang masasabi na.....FINALLY,YOU CAME IN! ". " May gan'ung effect? ". " Mas maganda daw na magtatagpo kayo in a very Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana unexpected moment! ", nangangarap nitong wika. " Parang aksidente? 'Yong bigla ka na lang mababangga? ". " Tumpak! ". " Hindi kaya mahanap mo man ang Mr. Right mo,e baldado o comatose ka na? ". " Basta,sis....", napasalong-baba ito habang nakangiti sa kawalan, "....i want him to came in like a knight in shining armor! ". " Parang fairytale? ". " Mismo! ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Haller! ", sabay pitik ng dalawa nitong daliri sa harap ng kaibigan, " Nakangiti pa ang araw sa kalangitan kaya huwag ka munang mangarap ng gising! Fairytale doesn't exist,so wake up! ". " Hmp! ", irap ni Sheiica sa kaibigan. " Hoy,kayong dalawa? ". Sabay na napalingon ang magkaibigan sa pagtawag ng ina ni Anne na nakatayo sa bukana ng likurang pintuan ng bahay. " Malapit na ang oras ng klase ninyo,mahuhuli na naman kayo! ". Agad na niligpit ng dalawa ang kanilang pinagkainan at mabilis itong ipinasok sa kusina. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Nana Elma,salamat po uli! ". Tuwing tanghalian ay dito siya namamalagi at nakikikain. Mas malapit kasi ito sa eskuwelahan nila kumpara sa kaniyang tinutuluyan na halos isang kilometro pa ang layo. Tuwing Lunes naman ay nagdadala ang kanyang Lola Beba ng mga tanim nilang gulay bilang kabayaran sa pagpapakain sa kanya. " Walang anuman! Mag-iingat kayo,ha? ". " Opo! ". Sumampa na sa bisikleta si Sheiica habang umangkas naman sa likuran ang kaibigan. Ito ang transportasyon nila patungo sa paaralan. ----------------------------------Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Six percent? Can you imagine the big difference compared to our last year's sale? ". Walang umimik sa mga board members na nasa loob ng conference room. Sa kabila ng ihip ng malamig na hangin mula sa aircon ay pinagpapawisan pa rin ang karamihan. " What's happening? We are just nearly half-way to fifteen percent for this year's goal! ". " Mr. Barrieda......". Napatingin si Ervien sa pinakamatandang miyembro ng board. Ito ang nakatalagang Vice-President ng kanyang kompanya. ".....a tention arised in Netherlands! We cannot pursued neither forced the citizen to wear fashion at the center of the war! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

Tila binalot ng kakaibang katahimikan ang buong silid. Ang ilan ay pinigil ang pangiti habang ang iba naman ay inilihim na lamang ang emosyong nararamdaman nila. " Who cares about the war,Mr. Daryo? ", pinakalma ng binata ang tinig kahit pa napahiya ito sa tinuran ng kasama, " According to the International Media,only twenty percent of Netherlands are affected! ", naupo ito sa swivel chair at komportableng sumandal, " So,can you please explain to me.....where is the remaining percentage of the locals? ". " They must be in the hide! Who knows? ", sarkastikong tugon ng matanda. " Don't give me that goddamn explanation! ", sabay malakas na hampas nito sa mesa na nagpapitlag sa ilang miyembro, " Ikaw,Ms. Chua? ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Napaunat sa pagkakaupo ang isang dalaga na sa suot nitong makapal na salamin ay lalong lumiit ang singkit nitong mga mata. " Ano ang nangyayari sa endorsement and promotion ng departamento mo? Why the outcome is still disappointing? ". " Sir,we are doing all the best we can to.....". " Then,double-up your effort! ", pasinghal na pagpuputol nito sa iba pang paliwanag ng dalaga. Muling natahimik ang paligid. " We still have seven months.....and i want all of you to put hardwork on this matter! DISMISS! ". Nagsitayuan na ang mga naroon. Hindi maiwasan ng iba Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana na magpalitan ng tingin habang palabas ng silid. " Any problem,bro? ". Napabuntong hininga muna si Ervien bago sinulyapan ang kaibigan, " That woman! ". " Your mom? ". " Ex-mom! ", madiing pagtutuwid nito, " She died yesterday! ". Napailing si Mark. Kabisado na niya ang timpla ng ugali ng kaibigan sa tuwing pag-uusapan nila ang ina nito na nagabandona dito noon, " So,i'm expecting that you will give a last respect to her? ". " Is that an insult? After what she've done to us,you're expecting me to go to her burial and pretend i'm having a Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana heavy heart for her death? ". " Bro,baliktarin mo man ang mundo,she's still your mother! ". " And i'm ashamed with that fact! ". Napabuntong-hininga na lamang si Mark. Alam niyang mahirap makipagtalo sa isang taong sarado ang puso at isip, " So,what's annoying you at halos ibuhos mo lahat ng galit sa board? ". " She left me her son! ", deretsahan nitong tugon. Sandaling natigilan si Mark. Inanalisa muna nito ang sinabi ng kaibigan, " Iniwan niya sa'yo si Jamuel?! Your brother? ". " Half-brother! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

CHAPTER II Napabalikwas mula sa pagkakahimbing si Sheiica dahil sa pamilyar na ingay na bagama't tuwing umaga na niyang naririnig ay hindi pa rin siya masanay-sanay. " Kung nakakasunog lang ang sikat ng araw,kanina ka pa natupok d'yan! ". Lalong nilakasan ni Lola Beba ang paghampas ng sandok nito sa takip ng kaserola. Kung maiksi lang ang pasensiya niya sa apo,hahayaan niyang uminit ang katawan nito sa higaan. Pero,kung hindi niya ito bubulabugin arawaraw,wala itong mararating sa buhay. Sadyang mahal lamang niya ito kaya napagtitiisan pa rin Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana niya ang katamaran nito at pagiging iresponsable. Maglalabing-walong taon na ito,ngunit hindi pa rin ito nakakapagtapos ng sekondarya dahil sa pagiging bulakbol na kahit oras-oras niyang litanyahan ng pangaral at sermon ay wala din namang nangyayari. " Lola,Sabado po ngayon! ", muling itong pabagsak na nahiga sa papag. Natigilan ang matanda sa narinig. Sandali itong napaisip ng malalim. Nakalimutan na ba niya ang araw? Mabilis na dinampot ni Lola Beba ang salamin nito sa mata na nakapatong sa tabi ng altar at tinungo ang kalendaryong nakasabit sa dingding. Sinipat nitong mabuti ang bawat araw at ang bawat numero. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

LUNES-naghatid siya ng labahin kay Misis Alcantara. MARTES-nagpagiling siya ng malagkit sa kabilang bayan para sa paggawa niya ng kakanin. MIYERKULES-naglako siya ng paninda. HUWEBES-araw ng kanyang pahinga at boluntaryo siyang naglilinis sa maliit nilang kapilya. BIYERNES....BIYERNES.....BIYERNES..... Hinahagilap ng matanda sa utak kung nagawa na ba niya ang pamamalantsa ng mga nilabhang damit ng pamilya Armante? Napasulyap ito tambak na mga damit na nasa maliit nilang sala. " Good morning,Lola! ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Napapitlag ang matanda sa biglang paglabas ni Sheiica na nakasuot na ng fatigue uniform nito kung saan tuwing biyernes ay araw ng ROTC nito. " Dyasking,bata ka! ". " Ano ba ang meron sa araw na ito at napakaganda yata ng aura mo,Lola? ". Biglang nalusaw ang galit sa dibdib ng matanda. Napasapo ito sa buhok at pasimpleng hinawi ang ilang hibla na tumatabing sa kulubot nitong mukha. " May manliligaw ka sa bayan, 'no? ", pambubuska ng dalaga na sinabayan pa ng pagsundot sa tagiliran ng abuwela. " Tumigil ka nga! ", nakikiliti at nangingiting saway ng matanda, " Kung anu-anong naiisip mong bata ka! Bilisan Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana mo at mahuhuli ka na sa klase! ". Mahigpit na niyakap ni Sheiica ang matanda at ginawaran ito ng halik sa magkabilang pisngi, " Ikaw talaga ang pinaka-the best ever na lola sa buong mundo! ". " Tama na ang pambobola mo! Larga na! Mag-iingat ka sa daan! ". " Ingat ka din,Lola! ". " O....ang baon mo! Baka makalimutan mo! ". Dinampot ng dalaga ang nakahanda nang isang supot na nakapatong sa mesa at muli itong nagpaalam sa matanda. Hatid-tanaw ni Lola Beba ang pag-angkas ng apo sa bisikleta nito. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Bye,Lola! ". " Mag-iingat ka! ". " Sila ang mag-iingat sa akin! ". Napangiti na lamang si Lola Beba. Dalaga na ang kanyang alaga. Parang kailan lang ng marinig niya ang unang iyak nito nang lumabas ito sa mundo...... Isa siyang hilot at siya ang nagpaanak sa ina nito. Si Lira. Isang dalaga na itinakwil ng pamilya dahil sa pagdadalang-tao nito sa murang edad na labing-anim. Nabuntis ito ng kalaguyo nitong sundalong Amerkano na nakabase malapit lamang sa lugar ng mga ito sa Clark. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Dahil sa nag-iisa lamang siya sa buhay,kinupkop niya ito hanggang sa manganak. Siya ang nagbigay ng pangalan sa bata na isinunod niya sa kanyang paboritong nakababatang kapatid. Isang araw ay nagising na lamang siyang wala na si Lira. Inalagaan at minahal niya si Sheiica tulad sa isang tunay na apo. At nang magkaisip ito,unti-unti niyang sinabi dito ang tunay nitong pagkatao. Sa umpisa ay marami itong naging katanungan tungkol sa kanyang tunay na ina,ngunit kalaunan ay natigil din ito sa pag-uusisa. Hindi naman siya nagkulang dito. Lahat ng kanyang pagmamahal at pag-aaruga ay ibinuhos niya dito. -----------------------------" It's just a simple problem,Mark! Mr. Daryo can handle it! Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana ", muling binagalan ni Ervien ang pagmamaneho para mas malinaw na mabasa ang road sign, " Okay! Give that bastard a ten percent discount! Bakit ba kasi na-delay ang shipment? ", nagbusina ito at pinihit ang manibela sa kanang direksyon, " I need full report and i want it in my table as soon as i came back! How could that people be so unresponsible? ", halos pasinghal nito sa kausap sa telepono. Nanlaki ang mga mata ni Sheiica sa biglang pagsulpot ng isang pulang kotse. Ilang ulit nitong tinapakan ang preno ng bisikleta,ngunit hindi ito kumakagat. " Ahhhhhhhhhhh! ". Nabitiwan ni Ervien ang telepono sa malakas na sigaw at nanlaki rin ang mga mata nito sa bumulaga sa kanya. " Ahhhhhhh! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Nataranta na ang binata kung paanong pihit ang gagawin sa sasakyan para maiwasan ang rumaragasang bisikleta. Bigla nitong tinapakan ang preno bago pa man ito bumangga sa puno,ngunit namali ito ng diskarte dahil bigla na lamang nitong narinig ang malakas na kalabog. At sa pagbaling ng kanyang tingin,kitang-kita niya ang paglipad ng isang babae papasok sa kanyang kotse na kani-kanina lamang ay ibinaba niya ang bubong para makasagap ng sariwang hangin. Sumubsob ang mukha ni Sheiica eksakto sa harapan ng maselang bahagi ng katawan ng tangang drayber na nakabanggaan niya. At kung tama ang kanyang pakiramdam,hawak-hawak niya ng mahigpit sa isang kamay ang kaumbukan nito sa suot na pantalon.....at kung tama uli ang sense of feeling niya.....malaki ito at mukhang palaban!

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Well you take your hands off from my.....my....my PANTS! ". Huh? Mukhang masungit ang may-ari ng nahuli niyang ibon. " NOW! ". Napaangat ng mukha ang dalaga. And that was the moment she was longing for a long time....tumigil sa pagikot ang mundo at bumilis ang tibok ng kanyang puso, " FINALLY,YOU CAME IN! ", halos pabulong nitong wika. " What? You're the one who came in! ", marahas nitong inalis ang kamay ng dalaga na nakahawak sa kanyang pagkalalake, " What are you waiting for! Get out! ". Biglang natauhan si Sheiica sa lakas ng pagkakabulyaw sa kanya ng guwapong binata. Sapol siya ng mga Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana tumatalsik na laway nito. Mukhang Mr. Wrong ang nasa harap niya ngayon. " What do you think you're doing? ". Inunat,pinilipit,at binaliko ng dalaga ang katawan para masiguro na walang nabali sa kanyang mga buto, " Alin? Ang pagkakahawak ko d'yan.....", tingin-turo nito sa ibabang bahagi ng kaselanan ng binata, ".....o ang pagkakabangga ko sa bulok mong sasakyan? ". Namula ang magkabilang pisngi ni Ervien,at hindi niya alam kung ang sanhi ba nito ay hiya o galit, " Hindi mo ba narinig ang busina ko? ", nanggagalaiti nitong tanong. " You're hitting the red light,Mister Sungit! ". Lumarawan sa mukha ng binata ang pagkabahala. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana May nakalampas ba sa kanyang traffic light? Pinagala nito ang tingin sa paligid. Mga punongkahoy at sakahan lang naman ang nakikita niya, " Where? ". Itinayo ng dalaga ang bisikleta na sa sobrang suwerte nito ay hindi nayupi, " Heto,o......", pinatay-sindi nito ang builtin headlights nito na siya mismo ang naglagay dahil minsan ay ginagabi siya sa daan. " Are you crazy? Sa sikat ng araw,do you think makikita ko ang kakarampot na liwanag niyan? ". " Paano mong makikita,e naka-sunglass ka? ", ganting bulyaw nito. " Natural dahil maliwanag ang sikat ng araw! ". " E,bakit nakababa

'yang bubong mo kung maliwanag

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana pala? ", puna nito. " Dahil mainit! ". " Bulok nga ang kotse mo dahil walang aircon! ". " I want fresh air! ". " Naglakad ka na lang sana para at least nasagap mo lahat ng sariwang hangin! ". Pigil ni Ervien ang emosyon, " Get out of my way! ". " Hoy! ", kinalampag nito ng kamay ang tagiliran ng sasakyan, " Mr. Antipatiko,kailangang bayaran mo ang pagkakagasgas ng bisikleta ko! ". " What? ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Hayan....o! ", itinaas pa nito ang bisikleta sapat upang makita ng binata ang tinamo nitong gasgas sa unahan. Mabilis na lumabas ng sasakyan si Ervien. At habang sinundan ito ng tingin ng dalaga,hindi nito maiwasan ang mapanganga lalo pa at tila ba in " slow motion " pa ang paglapit nito sa kanya. Matangkad ito. Matipuno ang katawan na lumabas pa sa suot nitong puting polo shirt ang sa tingin niya ay tinatawag na " malapandesal na six-pack abs ". Makinis ang maputi nitong balat na tantiya niya ay mahihiya ang lamok o langaw na dumapo dito. " Look at this? ". Nagising ang nagpapantasyang diwa ng dalaga sa Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana malakas na namang bulyaw sa kanya. Napatingin ito sa pinto ng sasakyan kung saan may malaking pilas ang pulang kulay nito. " Ano ang masasabi mo? ". Napalunok si Sheiica. Baka kulang pa ang bahay nila pambayad sa danyos ng bisikleta niya. " Ang lakas naman ng loob mo na humingi ng bayad? Baka nga katumbas lang ng halaga ng bisikleta mo ang isang turnilyo ng sasakyan ko! ". Nagpantig ang tenga ng dalaga sa pang-iinsultong narinig, " Ang yabang mo naman! Ganyan ba talaga kayong mayayaman? Mga matapobre! ", malakas nitong itinulak ang binata at umangkas ng bisikleta, " Sa susunod na magkabanggaan uli tayo,siguraduhin mo lang na hindi ko uli 'yan mahuhuli.....", ibinaba nito ang tingin sa kaselanan ng binata, "......dahil babasagin ko 'yan! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

CHAPTER III " Twenty! ". Agad na tumalima si Sheiica. Bumaba ito mula sa pagkakatayo ng tuwid at itinukod ang dalawang kamay sa mainit na semento. Twenty push-up? Siya na nga ang naagrabyado,siya pa ang umaani ng parusa? Akala pa naman niya ay natagpuan na niya ang kanyang Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Mr. Right. Another Mr. Wrong na naman pala! Worst ever! Pero,sayang! Guwapo pa naman ito at ang lakas ng hatak sa kanya na muntikan pang magpalabas ng puso niya sa kanyang dibdib sa lakas ng pintig. Sa tingin niya ay angkin ng aroganteng binata ang mga kwalidad na gustong-gusto niya sa isang lalake. At in fairness..... Naramdaman ni Sheiica ang pag-iinit at pamumula ng pisngi ng maalala ang pagkakasakmal ng birhen niyang kamay sa...... " Mukhang ginaganahan ka,Miss Fuertez? ". Napatigil ang dalaga at nag-angat ng mukha sa masungit nilang Corr Commander. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Naka-tatlongpu't dalawa ka na! ". Ilang sa mga kasamahan nito ay napabungisngis. " Stand up! ". Lalong namula ang dalaga sa kahihiyan. Bumalik ito sa pagkakatayo ng tuwid. " Dalawang linggo na lang at piyesta na,pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo maitama ang magiging formation ninyo! ". Napansin ni Sheiica ang paglabas ng isang lalake sa loob ng Principal's Office kung saan nakangiting kinamayan ito ng matanda nilang prinsipal. Kung 20/20 vision pa ang mga mata niya,ito ang lalakeng Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana nakabanggaan niya. -----------------------------Napahinto si Ervien sa pagbubukas ng pinto ng sasakyan ng mamataan nito ang isang pamilyar na bulok na bakal na nakasandal malapit sa gate ng eskuwelahan. Huh? Pinagala nito ang tingin sa paligid. Mukhang dito pumapasok ang dalagang tila magiging panganib sa kanya. Napasapo ito sa maselang bahagi ng katawan. Kailangan niyang mag-ingat na huwag na sanang magkrus pa ang landas nilang dalawa dahil mukhang tototohanin nito ang banta sa kanya. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

--------------------------" Mang Castor! ". " O,Sheiica! Mukhang nahuli ka yata? ". " Nasira po kasi ang bisikleta ko kaya naglakad lang ako! ". Binuksan ng matanda ang malapad at malaking gate, " Pasok ka na! ". Inabot ni Sheiica sa matanda ang dala nitong lambanog at isang kaha ng sigarilyo. " Ito na ang huling beses na matitikman ko ang lambanog mo! ", may lungkot sa tinig nito. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Ho? Bakit? May problema po ba? ". " May nakabili na nitong bahay! ". " Hah?! Teka! 'Di ba po sabi ko sainyo na ako ang bibili nito! ". Napatitig si Mang Castor sa dalaga, " Naku,iha! Ang halaga nitong bahay,sampung bilyon! Baka namatay na ako at nabulok na ang katawan ko,wala ka pa rin kahit isang libo! ". Napatingin si Sheiica sa tatlong palapag na bahay. Kahit sampung taon nang walang naninirahan dito ay hindi mababakas dito ang kalumaan dahil alagang-alaga ito ng matandang katiwala. Isa itong European Style na may magarang asotea bawat palapag. Habang sa harapan ng pangunahing entrada ay Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana naroon naman ang isang malaking beranda. Malawak ang harden na nakapaligid dito na puno rin ng iba't ibang halaman at bulaklak. Tuwing araw ng Sabado ay dito siya nagpapalipas ng oras. Ito ang kanyang PALASYO. Ang pangarap sana niyang maging tahanan nila ng kanyang lola. " Bukas ay lilipat na dito ang mga may-ari kaya baka hindi na kita papasukin dahil alam mo naman ang mga mayayaman,sigurista sa kanilang kaligtasan at ari-arian! ". Marahan lang tumango ang dalaga. " Sige na! Pumasok ka na! ". Mabibigat ang mga hakbang ni Sheiica habang tinatahak nito ang direksyon ng bahay. Huminto ito sa tapat ng Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana entrada. Ninamnam ang makakatapak siya dito.

huling

pagkakataon

na

Wala pa nga ang kanyang prinsepe,mawawalan na agad siya ng palasyo.

CHAPTER IV " Sis! ". Hindi man lang nilingon ni Sheiica ang pagtawag ng kaibigan. Isinandal nito ang bisikleta at matamlay na naglakad patungo sa silid-aralan. " Hoy! ", sabay tapik ni Anne sa braso ng kaibigan. " Bakit ba? ", asik nito. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Aba! Masama yata ang gising mo ngayon? Bakit hindi ka pumunta kahapon sa bahay? Sayang,nagluto pa naman si Nana ng ginataang tilapia! ". Hindi umimik ang dalaga. Tuwing araw ng linggo ay nasa bahay siya ng kaibigan,pero wala siyang ganang lumabas ng bahay kahapon. Sa halip ay tinulungan na lamang niya ang kanyang lola sa pagbabalot ng mga kakanin na ikinatuwa naman ng matanda. " Masama ba ang pakiramdam mo? ". " May bago ng may-ari ang Palasyo! ", malumbay nitong saad. " Ha? Sayang naman! 'Di bale,sis,may maganda naman akong balita sa'yo! ", nasisiyahang wika ni Anne. Napahinto sa paghakbang ang dalaga. Tumingin sa Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana kaibigan, " Ano? ". " Nahanap ko na sa wakas ang magiging Mr. Right mo! ", napatili pa ito. " Saang kanto na naman ng mga bara-barangay mo natagpuan? ". " Medyo may kalayuan! ", nakangiti nitong tugon, " Amoy imported! ". Napakunot ng noo si Sheiica, " Anong amoy imported? May amoy sa kilikili? Hindi imported 'yon dahil marami no'n dito! ". " Bilis,halika! ", hinila nito ang kamay ng kaibigan, " Hay'un siya! ". Napatingin ang dalaga sa itinuro ng kaibigan kung saan Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana isang nakatalikod na lalake ang napapalibutan ng mga babae. " Ano?! Nagtitinda ng ukay-ukay? Nahihibang ka na ba? Paano mong naaatim na ipamigay ang puso ko sa kung kani-kanino? Kaibigan ba talaga kita? ". " OA ka,ha? Titigan mo ngang mabuti! Likod pa lang ulam na! ". Tinitigan naman ni Sheiica ang sinasabing lalake ng kaibigan. Sa suot nitong puting uniporme,kahit nakatalikod ay mukhang malinis na malinis ito. Hindi katulad ng karamihan sa mga estudyante na kahit saang anggulo tingnan ay hindi presentable. " Halika! Lapitan natin at ipapakilala kita! Kanina kasi naka-one on one ko na siya! ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Ang bilis naman! ". " Gan'un talaga ang alerto! Ikaw lang naman ang babagalbagal! ". " Miss Fuertez? ". Napatigil sa paghakbang ang magkaibigan at napalingon. " Ano pang ginagawa mo dito? 'Di ba dapat kasama ka ngayon ni Mang Ambo? ". " Ho? Bakit po,Ma'am Padua? ". " Anong bakit? Nakalimutan mo ang parusang ibinigay sa'yo ng Dean sa pagcutting-class mo ng three consecutive days? ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Napangiwi ang dalaga. Nakalimutan nga niya. " Bilisan mo na at marami kayong bubunuting mga damo sa likuran! ". " Kita na lang tayo mamaya! ", nanghihinayang nitong tinapunan ng tingin ang nakatalikod na lalake. ------------------------------Napahampas sa mesa si Ervien. Kanina pa siya hindi makapag-concentrate sa ginagawa. Tumayo ito at nagpalakad-lakad. " Ano na naman bang problema mo? ", puna ni Mark. " Paano kung magbulakbol 'yon? Paano kung mapaaway Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana o kaya pag-trip-an? Alam mo naman dito sa bansa natin,makakita o malaman lang na galing ibang bansa akala e maangas o hambog! ". " You're concern to your little brother? ". Napatigil ang binata. Matalim nitong sinulyapan ang kaibigan, " Why should i? Kaya nga itinira ko siya sa malayo at pinag-aral sa public school para hindi niya isipin na may halaga siya sa akin! He's nothing! Baka katulad lang siya ng ina niya na problema at sakit lang ang ibibigay sa akin! ". " So,what's bugging you? Hayaan mo siyang mapasok sa gulo! Buti nga 'yon para may rason ka na ibalik siya sa Canada! ". Natahimik si Ervien,there's a strange feeling in him na hindi niya maipaliwanag, " I think i need to stay with him for a while! Gusto kong makita how he was raised by his Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana mother! ". Naiiling na tumayo si Mark, " You're paranoid! Just make sure na kapag nagbakasyon-grande ka,leave all the paper signed dahil ayokong sundan ka doon sa Pampanga to witnessed how you babysit your little cuddly baby brother! ". " Shut up! ". ----------------------------" Matagal pa ba tayo dito,Mang Ambo? ". " Kadarating mo lang,ah? ". " Kadarating ko nga lang,pero pangatlong balik ko na dito! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " At para ipaalala ko sa'yo,nakatatlo ka ring beses sa pagtakas sa klase! ". Inirapan ni Sheiica ang matandang hardinero ng eskuwelahan. Inilabas nito ang yamot sa mga damo na binubunot. " Ano ka bang bata ka? Mabilis rin lang na tutubo ang mga 'yan kung hindi mo isinasama ang mga ugat! ". Hindi umimik ang dalaga. " Dito ka lang at kukuha ako ng pala para makagawa tayo ng hukay para sa mga damong nabunot natin! Magandang pataba 'yan sa mga pananim kapag natuyo! Huwag mo akong tatakasan? ", paalala nito bago tumalikod. Nanatili lang tahimik ang dalaga hanggang sa umalis na ang matanda. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Kung bakit ba naman kasi nauso-uso pa ang pag-aaral! ", reklamo nito habang sunod-sunod ang pagbubunot, " Mas masaya pa ngang mamasyal kaysa sa mag-aral! ". " Excuse me? ". " Bakit? ", asik nito kasabay ng pag-angat ng mukha. " Sorry to bother you.....". Napanganga ang dalaga. Hindi pamilyar ang lalake na nasa harap niya. Sa hitsura nito,mukhang ito ang sinasabi ng kaibigan niya na transferee na galing sa ibang bansa. ".....is there any way out? ". Sinamyo ni Sheiica ang hangin. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Amoy imported nga! " Hello? Are you alright? ". Tumayo ang dalaga mula sa pagkakaluhod sa lupa. Pinagpag nito ang mga kamay na puno ng dumi at lupa, " Daanan ba kamo? ". Tumango ang binata. " Then,you came to the right person! ". " Hurry up! They are coming! ". Napalingon si Sheiica sa direksyong tiningnan ng nangangambang binata kung saan ilan sa mga kababaihan ang tila ba may hinahanap sa paligid.

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Dito! ". Sumunod ang binata. Tinungo ng dalawa ang mapunong bahagi ng likuran ng pampublikong paaralan. " Marunong ka bang umakyat ng puno? ". " No! But,i can try it! ". " O sige,mauna ka na! ". " Hindi ba tayo mahuhuli? ". Napangiti si Sheiica sa pagkaka-slang ng tagalog ng binata. Halata talagang hindi ito lumaki sa Pilipinas, " Mahuhuli tayo kung mabagal ka! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Okay! ". Sumunod agad ang dalaga. Kabisado niya lahat ng puwedeng daanan sa tuwing tinatamad siyang pumasok ng eskuwela. Ilang sandali pa at natawid ng dalawa ang kabilang bakod. " Whew! That was too close! ". " Bakit sa lugar ba ninyo hindi ka pinuputakti ng mga babae? ". " What is pitututakpi? ". " PI-NU-PU-TAK-TI! ibig sabihin,hindi ka hinahabol o ginugulo! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Ow! No! Why should they do? ". " Kasi guwapo ka! ". " Am i? ". Namula ang pisngi ng dalaga, " Pa-humble ka pa! ". Napangiti ang binata, " By the way,I'm Jamuel! ", inilahad nito ang palad, " Jamuel Smith! ".

CHAPTER V " Jamuel Kurtney Almores Smith o mas kilala sa pangalang JAM! 19 years old....at tulad mo,ilang beses ding bumabagsak sa school dahil sa pagiging bulakbol! Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Galing siya ng Toronto,Canada! Pinay ang nanay at Canadian ang tatay! ". " At perfect ang matching nila kasi ang guwapo-guwapo talaga niya! ", napatili na naman ito. " Hindi ka ba namamalat? Nabibingi ako sa'yo! ". " Sige,ituloy mo pa,sis! ". " Kamamatay lang ng mommy niya a few months ago.....". " Ha? Kakalungkot naman! ". ".....kasama niya ngayon ang kanyang half-brother na nagngangalang Ervien Ace Almores Barrieda! ". " Sino kayang mas guwapo sa kanila? ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Tumigil ka nga! Huwag mong gawing basehan ang mukha! Ang sundin mo dapat ay kung ano ang itinitibok ng iyong puso? ". Muling sumagi sa isip ni Sheiica ang lalakeng nakabanggaan. Hindi pa rin ito mawala-wala sa kanyang alaala. Kung ihahalintulad niya kay Jam,ito lang ang nagpakabog ng kanyang puso. Dito niya naramdaman ang " magic " at " ignition " na pinapangarap niyang pagtatagpo sa kanyang magiging FIRST LOVE. Nagkamali lang ba siya?

-------------------------" So,how's your first week? ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Napaangat ng mukha si Jamuel mula sa tahimik na pagkain at tumingin sa kapatid na nasa kabilang dulo ng mesa, " Okay lang,Kuya! ". " Ervien! ", may tigas sa tinig nito sa naging pagtutuwid. Napayuko si Jamuel at ibinalik ang atensyon sa pagkain, " Okay lang,Ervien! ". " How do you find public school? ", iniwasan nitong maging sarkastiko ang tinig. He won't waste money to send him in an exclusive or private school. Tama lang dito ang maranasan ang mabalewala katulad ng ginawa sa kanya ng ina. " Great! ". Napaangat ng mukha si Ervien dahil sa hindi inaasahang Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana sagot, " Kaya pala sa buong isang linggo mo,tatlong beses ka lang pumasok! ". Natigil sa pagsubo ang binata. Bigla itong kinabahan. Hindi siya dapat magbigay ng rason sa kapatid para paalisin siya nito sa poder. " Sinabi sa akin ni Manang Edna na maaga kang umuuwi! Bakit? ". Nakahinga ng maluwang si Jamuel. Sana hindi makarating dito ang pagtatakas niya sa klase para makapamasyal kasama ni Sheiica. Magaan ang loob niya sa bagong kaibigan. Siguro dahil walang araw na hindi siya nito napapangiti. " I'm not feeling well this past few days! ", may katotohanan man,ngunit hindi ito ang dahilan, " I think it's Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana the climate! ", dagdag pagsisinungaling nito. Nakaramdam naman ng kaunting habag si Ervien. Pero,hindi niya ito kailangang ipakita sa kapatid, " I'm warning you,na sa oras na bigyan mo ako ng kahihiyan sa eskuwelahan o sakit sa ulo,i'll send you back straight to Toronto! ". Marahan lang ang ang naging tango ng binata, " How many days you'll stay here? ". " Bakit? ", matabang nitong tanong. " Can you have time to take me around the place? Mamasyal tayo! Sabi ni Mommy mahilig ka......". Malakas na napahampas sa mesa si Ervien dahilan upang mapapitlag ang kapatid maging ang dalawang katulong na nasa likuran, " How many times i told you not to mention Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana that woman in front of me?! ". " I--i'm.....I'm sorry! ". Pabagsak na inilapag ni Ervien ang kubyertos at tumayo, " Manang Edna,pakidalhan ako ng tsaa sa kuwarto! I lost my appetite! ", pinukol nito ng matalim na tingin ang kapatid na lalong napayuko. Hindi inalis ni Jamuel ang tingin sa pagkakatitig sa platong nasa harap. Pinigil ang sarili sa nagbabantang emosyon. Hindi siya dapat agad sumuko. Batid niya ang galit ng kapatid sa kanilang ina. At napaalalahanan na siya tungkol dito. Kailangan lang niyang magtiis kung ang magiging kapalit nito ay ang pagtanggap sa kanya ng kapatid balang-araw. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Sana! Napaigtad ang binata ng maramdaman nito ang pagtigas ng magkabilang hita. Napapikit ito. Napakagat ng labi sa pagdaloy ng matinding sakit na tila pumupunit sa kanyang kalamnan at sumasagad sa kaibuturan ng mga buto. Mabilis nitong hinagilap sa bulsa ng suot na pantalon ang isang maliit na botelya. Nanginignig ang mga kamay na binuksan ang takip nito. Ibinuhos sa nagpapawis na palad ang apat na tableta at inisang subo sa bibig. Lumagok ito ng tubig at sinaid ang laman ng baso. " Iho,okay ka lang ba? ". Nagdadalawa man ang paningin ni Jamuel sa nagaalalang katulong na hindi niya namalayang nakalapit na sa kanyang tabi,ay pinilit pa rin nitong ngumiti, " I'm okay! Don't worry! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Namumutla ka! Masama ba ang pakiramdam mo? ". " Masyado kasing mainit.....", tumayo ito. " Ay! ". Agad na nahawakan ng katulong ang braso ng binata na muntikan nang mabuwal. " I think i just need a rest! ", paika-ika itong humakbang. Maagap namang umalalay ang katulong, " Ihatid na kita sa kuwarto mo! ". " Salamat! ", umakbay ito sa balikat ng ginang, " Please,Manang Teresa,huwag mo na lang po itong sabihin kay Kuy---Ervien! ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Puwede mo siyang tawaging kuya kapag wala siya dito! ". Nginitian lang ni Jamuel ang katulong. Hindi man nagtatanong ang mga kasamahan nila sa bahay sa malamig na turingan nilang magkapatid,alam niyang nakikisimpatiya ang mga ito sa kanya. ------------------" When i was young,madalas akong dalhin nina Mommy at Daddy sa tabing-dagat! ". Sinulyapan ni Sheiica ang katabi, " Nakakainggit ka naman! ". " Huh! ", napayuko at napailing si Jamuel. " Bakit? ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

Kasalukuyan silang nasa burol hindi kalayuan sa tirahan ng dalaga. Dito ay tanaw nila ang nakalatag na tanawin kung saan makikita ang tila mapang kabuuan ng Pampanga. " Ang sabi nila,maganda daw sa kalusugan ang hangin sa tabing-dagat! ". " Talaga? ". " It's not true! ". " Ha? ", napakunot ang noo ni Sheiica. Napatitig si Jamuel sa dalaga, " Ano ba ang kinatatakutan mo sa buhay? ", pag-iiba nito sa usapan. " Uhm.....", sandali muna itong nag-isip, "....si Lola! ", Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana napangiti ito, " Kapag lumakas na ang boses niya,kailangan ko nang mag-ingat! Baka isang linggo akong walang baon! Ikaw? ". Tumingin ito Kamatayan! ".

sa

malayo.

Sandaling

natahimik,

"

" Bata ka pa at mukha ka pa namang malusog kaya sa tingin ko hindi ka pa mamamatay! ", paniniguro nito sa binata, " Enjoy mo lang ang buhay,napakaganda ng mundo para sayangin mo ito sa pag-iisip ng ganyan! ", tumayo ito, " Halika! ", hinablot nito ang kamay ng katabi, " Tuturuan kita kung paano manghuli ng tutubi! ". Aktong tatayo si Jamuel ng magkamali ito sa panimbang kaya naman kasabay nitong nabuwal sa damuhan ang dalaga na nakahawak sa kanyang kamay. " Ayyy! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Pumaibabaw si Sheiica sa binata. Naglapat ang katawan ng dalawa. Biglang bumilis ang paghinga maging ang tibok ng kanilang puso habang walang kurap na nakatitig sa isa't isa. " Does someone ever told you that you're very pretty? ". Namula ang magkabilang pisngi ng dalaga. Gusto man niyang tumayo o magsalita,tila ba biglang naparalisa ang kanyang buong katawan o maging ang kanyang katinuan. " Your eyes.....your face....", he was stroking her full of admiration and gentleness, "......your nose.....your lips....", napatitig ito sa manipis at mapupulang labi ng dalaga. Tila tumigil ang paghinga ni Sheiica habang unti-unting nilalapit ng binata ang labi nito sa labi niya. Ang sabi ng kanyang puso, " Huwag! Bawal 'yan! " ,ngunit agad itong sinalungat ng kanyang isip, " Sige lang! Masarap ang bawal! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

Mabilis na tumayo ang dalaga. Tila naman napahiya si Jamuel, " Sorry! Sorry! I didn't mean it! I'm so sorry! ", agad nitong sinundan ang dalaga, " Please,hindi ko talaga sinasadya! ". " Ano ka ba? Wala 'yon! ", nakangiti nitong sinulyapan ang binata, " Uhm....gusto ko kasi 'yong first kiss ko 'yong soulmate ko na! ". " How will you know if it's the right person? ". " Puso mo daw ang magsasabi sa'yo! ". " Really? ", napangiti ito, " I think mine finally came in! ". Napatigil sa paghakbang ang dalaga. May bigla itong naramdamang kasiyahan. But it was totally strange. Iba pa rin 'yong naramdaman niya noon sa lalakeng Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana nakabanggaan na hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang masungit,ngunit maamo nitong mukha. Napapikit ito.....crossing her two fingers. Kapag nakita uli sila,susundin niya anuman ang ibulong ng kanyang puso! ------------------Kasabay ng pagpapadyak ni Sheiica sa pedal ng bisikleta ang paghahabol nito ng hininga. Pagkagaling kasi sa bayan kung saan bumili siya ng iniutos ng kanyang lola para sa paggawa nito ng kakanin ay dumiretso na siya agad patungo kina Jamuel. Nagmamadali siya hindi dahil sa imbitasyon ng binata na dumalaw sa bahay nila kundi dahil sa kasabikan na muling makatapak sa kanyang palasyo. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

Noong malaman niya na nakatira ang kaibigan sa naging palasyo niya ng ilang taon ay halos hindi siya makapaniwala. Babalik na ba sa kanya ang palasyo? Napangiti ang dalaga. Mukhang may bonus.....kasama na ang prinsepe! Si Jamuel na nga ba? Pero,bakit wala siyang maramdaman na " ignition " o " magic " ? Marahil walang katotohanan ang tungkol sa sinasabi nilang " first love effect ". Dahil sa malalim na pag-iisip ni Sheiica,nagulantang na lamang ito sa biglaang pagtawid ng isang kalabaw na sa mga hakbang nito,tila ba rumarampa ito sa isang fashion Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana show. " Tabi! Tabi! Tabi! Shoooooo! Shoooooo! ". Sa tantiya ng dalaga ay lalo pang binagalan ng kalabaw ang paglalakad nito. Pababa ang kalsadang tinatahak niya kaya ayaw na naman kumagat ng kanyang preno. " TABIIIIIIIIII! ". Napahinto sa pagjo-jogging ang isang lalake at napalingon ito dahil sa malakas na sigaw na tila ba pamilyar sa kanya ang timbre ng tinig nito. " Ta-----! ", muli ay naramdaman na naman ni Sheiica ang bilis ng tibok ng puso,at hindi lang mundo ang tumigil sa pag-ikot,maging ang pagpadyak nito sa pedal ng bisikleta at pagtapak sa preno. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Hindi malaman ni Ervien ang gagawin na namang pagiwas tulad noong una niya itong nakabanggaan. At sa pagatras nito,hindi nito naiwasan ang isang hukay na nasa gilid ng daan. Biglang natauhan ang dalaga sa pagkatulala dahil sa pagkakasilay sa lalakeng halos araw-araw laman ng kanyang isipan. Madiin nitong tinapakan ang preno,pero sa pagkakataong iyon ay kumagat ito. Kaya naman patilapon siyang inihagis nito kasabay ng pagbagsak ng binata. Payakap na umibabaw si Sheiica sa napapikit na binata. And that was it! The MAGIC. As she was looking at him,parang nag-iba ang kulay ng Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana paligid. Tumigil man ang pag-ikot ng mundo,she felt the " gravity " pulling her down,making her weak. Parehong nabalot ng putik ang dalawa na sa masangsang na amoy ay halos mahilo si Ervien. Idinilat nito ang mga mata,and right at the very inch of him was the girl who made him smile everytime na maaalala niya ang naging una nilang pagkikita. Isa lang ang nasa isip ni Sheiica ng mga oras na 'yon......to take her first kiss out of the man who made him woman the moment she laid her eyes to him. Hinawi nito ang putik malapit sa labi ng binata at untiunting inilapit ang mukha dito. Muling napapikit si Ervien sa pagdaiti ng malambot na labi sa kanya. He felt that it was her first kiss dahil idinikit lang nito ito sa labi niya. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana A different sensation aroused from his manhood. Kinabig nito sa batok ang dalaga at siniil ito ng halik. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa ginawi ng kayakap. Marahas itong kumalas at mabilis na tumayo, " Bastos! ". " Hey! Hey! Hey! ", sumunod ang binata,pinagpag nito ang mga kamay na puno ng putik, " You provoked me! ". " Sinamantala mo naman? ". " Lalake lang ako! ". Malakas na itinulak ni Sheiica ang binata dahilan upang muli itong mabuwal. At akto itong tatalikod ng mabilis itong hilahin sa kamay ni Ervien. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Ahhhhhh! ". Nagpagulong-gulong ang dalawa sa putikan. Nagtutulakan. Naghihilahan. Nagtatawanan. Nagbubulyawan. Kaya naman hindi na napansin ng dalawa ang kalabaw na nakatingin sa kanilang direksyon kung saan dapat ito ang nakalubog dito.

CHAPTER VI " Dito ka nakatira? ". " Limang beses mo na yatang itinanong 'yan! ". " Sigurado ka? ", paniniguro nito.

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Puwede ba tumigil ka nga sa kakulitan mo! ". " Sir Ervien? ", salubong ng nagtatakang si Mang Castor na nalipat ang tingin sa kasama nito, " Sheiica?! ". " Magkakilala po kayo? ", tanong ng binata sa katiwala na kinuha nito bilang isa sa mga tauhan sa bagong bahay na nabili. " Ah,e.....', nag-alinlangan ang matanda, ".....noon pong hindi pa ninyo nabibili itong bahay,madalas siyang pumupunta dito! Siya sana 'yong may balak na bumili nito! ". Makahulugang tinitigan ni Ervien ang dalaga mula ulo hanggang paa, " Mayaman ka? ". " Pangarap kong yumaman,bakit? May angal? ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Napatawa ang binata, " Alam mo ba kung magkano ang halaga nitong bahay? ". " Huwag kang magyabang,Mr. Matapobre! I'm sure na sasabihin mo na naman na isang pirasong tiles lang ang halaga ng barung-barong namin! ". -------------------------Napatigil sa paghakbang si Jamuel palabas sa entrada ng bahay ng matanawan nito ang dalawang pigura na kung hindi siya nagkakamali ay balot ng putik ang kabuuan. Napatakip ito sa ilong habang palapit upang makilala ang mga bagong dating na sa layo niyang ilang dipa ay samyo na ang masangsang na amoy . " Shut up! ", pasinghal na saway ni Ervien sa panunukso ng dalaga. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Ervien? Sheiica? ". Sabay na natigil ang dalawa at napatingin sa binata. " Kilala mo 'to? ". " Uhm.....she's my classmate and a close friend! Anong nangyari sainyo? ". " Minalas! ", nagkasabay ang dalawa nang inisip at naisagot,nagkatinginan ang mga ito. " Kung hindi ka ba naman paharang-harang sa daan? ", asik ng dalaga. " Nasa tabi ako ng kalsada! ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " 'Yon nga,e! Nasa tabi ka ng kalsada kaya 'yong kalabaw ang gumitna! ". " Hindi ka ba talaga nauubusan ng rason? ". " Sa katulad mo lang na maraming palusot! ". Nagpalipa-lipat ang tingin ni Jamuel sa dalawa, " Magkakilala ba kayo? ". " HINDI! ", muling magkasabay na tugon ng mga ito. Umirap ang dalaga habang tinapunan naman ito ng matalim na tingin ng binata. " Will you clean-up your self first? Sheii,come here! I will ask,Manang Edna to assist you! ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Kapatid mo ba 'to? ". " Yeah! ". " Half-brother! ", maagap na pahabol ni Jim. " Kaya pala! Kung naging pure-blood kayo,malamang nakuha mo ang kabaitan ni Jamuel! ". Sandaling natahimik ang paligid. Napansin ng dalaga ang pagtitigan ng magkapatid at ang unang pagbaba ng tingin ng kaibigan. Nararamdaman ni Sheiica na may hindi magandang namamagitan sa relasyon ng dalawa. -------------------------

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Lakasan pa ninyo! ". Alumpihit pa rin sa kakatawa sina Jamuel at Ervien habang nakatingin sa bagong paligong dalaga na halos lumubog na sa suot nitong malaking daster na sa laki ay hindi na nila kailangang hulaan kung sino ang nagmamayari nito. " Alam mo,puwede ka nang isabit sa gitna ng bukid panakot sa mga uwak! ". " Please,don't be offended,Sheii! You're really so cute! ". " And funny! You looked like a ragged-doll! Kilala mo ba si Chucky? ". Naningkit ang mga mata ng dalaga. " Halina kayo! Nakahanda na ang merienda! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Manang Edna,wala ka na bang mas malaki pa dito? ", pabirong tanong ni Ervien. " Ano ba kayo? Huwag na nga ninyong tuksuhin si Sheii dahil baka umuwing nakahubad 'yan! ". Lalong lumakas ang tawanan ng magkaptid.

-------------------------------

" Bakit nahuli yata ako sa balita? Kaya pala ilang linggo ka nang hindi nadadalaw sa bahay! ", himig pagtatampo ni Anne. " Sis,bago lang dito si Jamuel! Kaya natural na pakisamahan ko siya at siyempre maipamasyal na rin sa Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana buong lugar! At isa pa, 'di ba ikaw naman ang naglapit sa aming dalawa? ". " Oo,pero hindi ko sinabing kalimutan mo ako! ". " Ito naman! ", naupo ito sa tabi ng kaibigan at inakbayan ito. Kasalukuyan silang nasa kantina ng eskuwelahan para sa kanilang recess. " Bakit naman kita kakalimutan,e ikaw yata ang bestfriend ever ko? ". " Hmp! O,hayan na ang dreamboy mo! ". Napatingin si Sheiica sa pagpasok ni Jamuel sa kantina. Nakangiting kumaway ito sa kanilang direksyon,ngunit bago pa man ito nakahakbang patungo sa kanila ay Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana pinaligiran na ito ng mga kababaihan. " Iba na talaga ang heartthrob! ". " Bakit,heartthrob din naman si Herbert,ah? ". Napangiti si Anne sa pagbanggit ng kaibigan sa kanyang nobyo. " Kumusta na nga pala kayo? ", alam ni Sheiica ang kahinaan ng kaibigan at ito ang lagi niyang panlaban sa tuwing nagtatampo o naiinis ito sa kanya. " Well.....we are still in-love with each other! ". " Ang suwerte mo naman! ", himig pagkaiinggit ng dalaga. " Kaya nga hindi tayo tumitigil sa paghahanap kay Mr. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Right, 'di ba? Para pareho tayong happy! ". " Do you think is it Jamuel? ". " Bakit ako ang tinatanong mo? Dapat ikaw ang nakakaalam no'n! ". Sandaling itinuon ni Sheiica ang atensyon sa pagkaing nasa harap, " There's missing about him! ", napabuntonghininga ito. " The IGNITION ? ". " And the MAGIC! ". " Masyado ka kasing nagpapaniwala sa mga kasabihan o haka-haka kaya napag-iiwanan ka! ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Pero,naramdaman ko 'yon kay Ervien! ". " Sa kapatid niya? ", bulalas tanong ni Anne. Marahang tumango si Sheiica, " Naramdaman ko 'yon noong una at muli naming pagkikita! ", hindi niya sinabi sa kaibigan ang halikan nila ng binata dahil baka pagtawanan lang siya nito for she make the first move. " Are you sure? Kasi minsan daw ang puso mapaglinlang! ". " Paano ko ba malalaman kung tama ang nararamdaman ko? ". " Kailangang magtapat ka sa kanya! ". " WHAT?! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Sis,wala na tayo sa old age! Sa henerasyon ngayon,babae na ang nagtatapat sa mga torpeng boys! Kapag pinairal mo ang hiya sa katawan,mabubulok ang matris mo! Sayang din naman! ". " Siguro kailangan ko muna siyang kilalanin! ". " Idaan mo kaya sa pa-tweetums! ". " Ano 'yon? ". " Ligawan mo! ". " NO WAY! ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

CHAPTER VII Nagmulat si Ervien mula sa pagkakatulog dahil malakas ang pakiramdam niya na may mga matang nakatingin sa kanya, " Whoaaaaa! ", mabilis itong napabalikwas at agad na hinagilap ang kumot para itakip sa kahubaran ng pangitaas na katawan. " Magandang umaga! ", magiliw na bati ni Sheiica. " Anong ginagawa mo dito? ". " Sabi kasi ni Mang Castor,naghahanap ka ng katulong na pansamantalang papalit kay Manang Edna habang nasa bakasyon ito,kaya nagboluntaryo na ako total isang linggo naman kaming walang pasok dahil sa kapyestahan! ". " And you are fired! ", singhal ng binata. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Bakit na naman,Mr. Hambog? ". " Dahil walang katulong na basta-basta na lamang pumapasok sa silid ng amo lalo na at natutulog! ". " Mr. Suplado,masyadong maganda ang sikat ng araw para masira lang! Magbihis ka! Fiesta sa bayan ngayon,masaya doon! ". " At walang katulong na nag-uutos sa amo kung ano ang dapat gawin! ". " Bilisan mo dahil iiwan ka namin ni Jamuel kapag babagal-bagal ka! ", tumalikod na ito,ngunit napatigil din at nilingon ang nakatulalang binata, " Siya nga pala,dinalhan kita dito ng mga sariwang bulaklak! ". Napatingin si Ervien sa mga bulaklak na nakalagay sa Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana vase at nakapatong sa kanyang sidetable. " Pinitas ko 'yan espicially for you! ", sabay kindat sa binata na nagpakulay-kamatis sa buong mukha nito. -----------------------------Hindi maiwasan ni Ervien na sulyap-sulyapan sina Sheiica at Jamuel na panay ang tawanan at harutan habang nanonood ng magical show. He felt jealous! Sa edad niyang dalawangpu't lima ay hindi pa niya naranasang mag-ukol ng damdamin sa isang espesyal na babae. Yes,he was dating but not having a serious relationship. He was busy at a very young age since mamatay ang Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana kanyang ama sa isang plane crash nang tangka nitong sundan ang asawa. From that day,lalo niyang kinamuhian ang ina. He worked hard at pinalago ang mga negosyong naiwan ng ama. He want to proved her na kahit wala ito ay makakaya niyang tumayo sa sariling mga paa. And he made it! Yet,there's still no compliments from her about his success. As if he was nothing! " Ervien,halika! Look at that fat man......". Napatingin si Ervien sa kapatid. "......he'll turn into a monkey! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana He envied him. Noon kinuha nito ang pagmamahal ng kanyang ina,ngayon naman ay inaagaw nito ang babaing nagiging espesyal na sa kanya. " Hoy! Ano ka ba? ", hinampas ni Sheiica sa braso ang binata, " Sa lahat ng tao na narito,mukhang ikaw lang ang hindi nag-e-enjoy? ". " Don't mind me! ". Pasimpleng ginagap ng dalaga ang kamay ni Ervien at hinila ito sa puwesto nila ng kaibigan, " Alam mo ba kung bakit may space sa pagitan ng mga daliri natin? ", pabulong tanong ni Sheiica. " Ano naman ang kinalaman noon sa pinapanood natin? ", pabulong tanong din ng binata na napatingin pa sa kapatid Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana na wiling-wili sa pinapanood nito. " Wala naman! Pero,alam mo ba ang sagot? ". " Hindi! ". Itinaas ni Sheiica ang hawak-hawak na kamay ng binata, " Para daw may mga daliring makapasok dito to fit the touch it needs! ", sinabayan ito ng demonstrasyon, " Naramdaman mo ba? ". Hindi umimik si Ervien. Nakatitig lang ito sa magkahawak kamay nilang dalawa. He cannot voice out the truth,but he felt that his hands finally meet its perfect match! Napaabante si Jamuel sa kinatatayuan at kunwaring abalang-abala sa pinapanood. Dahil ang totoo, gusto lang niyang iiwas ang sarili sa nararamdamang sakit habang nakita niya ang magkahawak-kamay na dalawa. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

The girl who meant special to him ay alam niyang nakakaramdam ng pagtatangi sa kanyang kapatid. He knows it. And he felt hurt and jelous! ------------------Isinandal ni Sheiica ang bisikleta sa punongkahoy sa loob ng kanilang bakuran at pasipol-sipol pang pumasok sa bahay habang bitbit ang mga pinamili na hinabilin sa kanya ng lola. " Sheiica,bilisan mo at may bisita ka! ". " Ho? ", lumundag ang puso ng dalaga sa pag-aakalang naalala siyang dalawin ni Ervien. Mabilis nitong pinadaanan ng kamay ang buhok at sinuklay ng mga daliri. Pinahid ang pinagpapawisang mukha at maging ang mga mata na baka may nabuo nang Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana muta. Pinaarko nito sa labi ang matamis na ngiti. " Hello,Sheii! ". Agad na napalis ang ngiti ng dalaga ng bumungad sa kanya si Jamuel. " Apo,siya ba 'yong laging ikinukuwento mo sa akin? Ang guwapo pala niya sa personal! At mukhang mabait pa! Tingnan mo,dinalhan pa ako ng mga bulaklak! ". " Uhm......", hindi malaman ng dalaga ang isasagot. " Pasensiya ka na kung nakaabala ako! ", napansin ni Jamuel ang mabilis na pag-iiba ng aura ng kaibigan na kanina lamang ay nakita niyang nakangiti. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Iba ba ang inaasahan nitong bisita? " Naku,hindi! Nagulat lang ako kasi hindi mo naman sinabi na pupunta ka dito! ". " Boring kasi sa bahay! Halos dalawang linggo na ring hindi bumabalik si Ervien! Marami sigurong ginagawa sa opisina! ". Nakaramdam ng matinding kalungkutan si Sheiica. Sa buong linggong naging magkasama sila ni Ervien noong nakaraang fiesta sa bayan ay batid niya sa kanyang puso na pareho lamang sila nito ng itinitibok. Nagkamali lang ba talaga siya? Sino nga ba naman siya kung ikukumpara sa mga babaing nakakasalamuha nito? She's not elegant and feminine. She doesn't have any wealth and not even elite.

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Napabuga ito ng hangin at bumagsak ang balikat. " Para nga pala sa'yo! ". " Salamat! ", hindi nito maiwasan ang katamlayan ng tinig habang tinanggap ang mga bulaklak na inabot ng binata. " Kayo na ba? ", maintrigang tanong ni Lola Beba. " Hindi po! ", maagap na sagot ni Sheiica na naging taliwas naman sa naging tugon ng binata, " Sana! ". Sandaling nagkatitigan ang dalawa. " Lola Beba,papayag po ba kayo kung liligawan ko ang apo n'yo? ", deretsahang paghingi ng permiso ng binata sa matanda.

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Ha? Hindi kaya masyado pa kayong bata? ". " Oo nga naman! ", segunda ng dalaga na nataranta sa sinabi ng kaibigan. " Pero,siguro alam na rin naman ninyo ang mga limitasyon kaya okay na sa akin! ". " Lola?! ". " Yes! ", napasuntok pa sa hangin si Jamuel sa sobrang kasiyahan. -------------------------Tinungo ni Mark ang kinaroroonang sulok ni Ervien sa loob ng isang bar. Ilang araw na rin niyang napapansin na laging nilulunod nito ang sarili sa alak. Kontrolado man ang pag-inom nito,hindi pa rin ito ang kaibigan na nakilala niya noon na walang kahilig-hilig sa anumang uri ng Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana alkohol. " Sinasabi ko na nga ba at nandito ka na naman! ". Napaangat ng mukha ang nagmumuni-muning si Ervien. " I'm calling you a hundred times,why your not answering it? ". " Naka-silent mode! ", at sinundan ito ng pagsaid ng inumin. " What's the problem this time? ". " Please,have a drink!", itinaas nito ang kamay at sumenyas sa waitress na agad namang lumapit, " Can i have an extra one.....", itinaas nito ang kopita, ".....and another bottle of this! ", tukoy nito sa bote ng alak. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Right away,Sir! ". Hinintay munang makaalis ni Mark ang waitress, " Si Jamuel na naman ba? ". Muling nagsalin ng alkohol si Ervien,inisang tungga ito,at pabagsak na ibinaba ang kopita, " Sa tingin ko,nagmamahal kami sa iisang babae! ". " What?! ". " You heard me crystal and clear,we are both fell in-love with the same girl! And that girl was young and she's opposite to the one i'm dreaming of! Get it? ". " Copy,bro! But the question.....is that love or you just hate to see your little cuddly brother being happy? ". Sandaling natigilan si Ervien. Napatitig sa kaibigan. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Dinama nito sa puso ang totoong kasagutan at hindi siya nabigo sa paghagilap dito, " No! I'm fallen for her! ". " Are you sure? ". " She may be the opposite,but she attracted me the way i hate it! Alam mo bang nililigawan niya ako?! ". " Salamat! ", wika nito sa pagdating ng waitress, " Really? ", nagsalin ito ng alak, " That's one of a kind! Tell me how she do it,baka makakuha ako sa kanya ng tips kung paano umakyat ng ligaw! ", himig-pambubuska nito. " You won't like it! ". " But you do,right? ". Napangiti si Ervien. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Whoa! In-love ka nga,bro! ". " She always gave me a bouquet of flowers! ". " Ten points! ". " She said sweet words na sinasabayan pa niya ng ngiti at kindat! ". " Another ten points! ". " She keeps on holding my hands! ". " Fifty points! ". " She makes me annoyed and drives me crazy,then bigla niyang hahawakan ang pisngi ko at sasabihing ang cute ko daw kapag nagagalit! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Ten points! ". " Lastly,she always stole a kiss! ". " Twenty points! A total of one hundred! Now,what's the score? Sinagot mo na ba? ". " Huh? Ano naman ang isasagot ko,e wala namang siyang itinatanong sa akin? ", lalong lumapad ang ngiti nito sa labi. He really missed Sheiica. Mabilis na tumayo si Ervien na ikinagitla ng kaibigan dahilan upang maibuga nito ang kaiinom lang na likido. " What do you thin you're doing? ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Sorry,bro! But i think kailangan kong tapusin na lahat ng trabaho ko ". " Don't tell me magbabakasyon ka na naman? ". ---------------------Napabalikwas mula sa pagkakahimbing si Jamuel sa pagsirit na naman ng kakaibang sakit sa buo nitong katawan. Napabaluktot ito. Hinablot ang unan at mariin itong kinagat upang hindi makalikha ng ingay. Napakuyom ang magkabila nitong kamao. Dumaloy ang mga luha sa mata. Pilit nitong kinapa sa drawer ng sidetable ang botelya ng gamot. Nanginginig ang mga kamay na inabot ito at kumuha ng ilang tableta. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Alumpihit itong bumaba ng kama at pagapang na tinungo ang banyo. Mahigpit itong kumapit sa lababo at pinilit na tumayo. Isinubo nito ang mga tableta. Gamit ang pinagpapawisang palad ay nagsalok ito ng tubig sa gripo at itinulak ang mga gamot na tila ayaw ng tanggapin ng kanyang nanunuyong lalamunan. Paluhod itong bumagsak sa sahig. Nanghihinang sumandal sa dingding at impit ang naging pag-iyak. ------------------------------------" Sheii! ". Tila walang narinig si Sheiica. Tuloy-tuloy lang ito sa paghakbang. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Sheii! ", pinigilan ni Jamuel sa braso ang dalaga, " Iniiwasan mo ba ako? ". " Binigyan mo ako ng rason para gawin ko deretsahang sagot nito.

'yon! ",

" I'm so sorry! Sinunod ko lang ang nararamdaman ko! ". " Sinunod mo nang hindi mo man lang inisip kung ano ang magiging impact sa akin lalong-lalo na sa pagkakaibigan natin! ". " I love you,Sheii! Please,give me a chance to proved it to you! ". " Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo,Jam! Kung hindi mo 'yan kayang tanggapin,then let separate our ways! ", walang paalam na itong tumalikod. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Muling sinundan ni Jamuel ang dalaga, " Si Ervien ba? ". Napatigil sa paghakbang si Sheiica. Halos isang buwan na rin itong hindi nagpapakita. Umaasa pa ba siya?, " HINDI! ".

---------------------" Hindi mo ba napapansin? ". " Ang alin? ". " Parang bumabagsak ang katawan ni Jamuel! ". Napatingin si Sheiica sa binata na nasa 'di kalayuan sa kanilang kinauupuang concrete bench sa loob ng eskuwelahan. At tulad ng dati ay napapaligiran na naman ito ng malalanding estudyante. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

Tama nga ang puna ng kaibigan. Malaki ang ipinayat nito at naging humpak din ang mga pisngi. " Bakit masyadong dinidibdib ang pambabasted mo? ". " Puwede ba,huwag mo akong konsensiyahin! ", iniiwas nito ang mga mata nang tumingin ang binata sa kanilang direksyon. " Ano ba ang ayaw mo sa kanya? ". " Hindi naman sa ayaw ko! Wala lang sa kanya ang......". " Ignition! ", maagap na putol ni Anne sa iba pang sasabihin ng kaibigan, " Baka naman dumating ang panahon na kalawangin ka na dahil sa mga maling paniniwala mo! Ikaw din,baka magsisi ka sa huli? ", dagdag nito na may himig pang pagbabanta. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Si Ervien ang gusto ko! ". Natigalgal si Anne, " As in si Ervien Almores Barrieda? 'Yong napakaguwapo at napakatikas na kapatid ni Jamuel? 'Yong mukhang artistahin at parang modelo ng Bench? 'Yong tingin at ngiti pa lang puwede nang makaubos ng dalawang kalderong kanin kahit walang ulam? 'Yong lalakeng kung ikukumpara mo sa lotto parang jackpot ang katumbas? As in si ERVIEN AMORES BARRIEDA talaga ang tinutukoy mo,sis? ". " Siya nga! ". " Mangarap ka! Haller! Gumising ka nga! Pating siya,dilis ka lang! Hindi kayo bagay! ". " Tama ka nga siguro! Hindi ako ang tipo niya! ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Si Jamuel ang nasa tabi mo at lagi mong nakakasama.....", ginagap nito ang kamay ng kaibigan, "......bigyan mo siya ng pagkakataon,baka matutunan mo rin siyang mahalin! ".

CHAPTER VIII " Dumating na siya! ", salubong ni Manang Teresa kay Jamuel. " Sino? ". " Si Ervien! ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Nakaramdam ng kalungkutan ang binata. Kung noon ay kinasasabikan niya ang pagbisita nito,ngayon ay tila nagdadala na ito sa kanya ng kakaibang panlulumo. At kahit hindi sa kanya aminin ni Sheiica,alam niya na mahal nito ang kapatid. " Pumunta ka daw sa study room niya! ". " Bakit? ". " Hindi sinabi! Pero,mukhang masama na naman ang timpla! ". Kinakabahan si Jamuel. Mabibigat ang mga hakbang na tinungo nito ang hagdanan paakyat ng pangalawang palapag. Nasa kalagitnaan na ito ng mapasapo ito sa kaliwang Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana braso. Mahigpit itong napakapit sa barandelya ng hagdanan. Pinilit nitong ihakbang ang mga nanginginig na paa. Halos araw-araw na siyang inaatake ng kanyang sakit. At kahit paglabanan man niya,iisa pa rin ang kahahantungan nito.......hindi na niya ito mapipigilan pa. ---------------------------------------" Anong ibig sabihin nito? ". Ito ang naging bungad-tanong ni Ervien hindi pa man naisasara ng kapatid ang pinto ng silid. Lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ni Jamuel habang napatitig sa red folder na hawak ng kapatid. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " I found this in your room! Explain it! ", madiin nitong utos. " Who gave you the rights to search my things? ", hindi na napigilan ni Jamuel ang kinikimkim na emosyon. " I HAVE ALL THE RIGHTS TO DO WHAT I WANT INSIDE MY HOUSE! ", malakas na bulyaw nito. " EVEN BREAKING OTHER'S PRIVACY?! ", ganting bulyaw nito. Mablis na tumayo si Ervien mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair at sinabayan ito ng malakas na paghampas sa mesa, " Is this the reason why you're here? ", gigil na gigil ang pagkakahawak nito sa folder habang nakataas ito sa harap ng kapatid, " Ang ipapasan sa akin ang responsabilidad sa kamatayan mo? You want me to waste my money para ipalibing sa'yo? ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong silid. Nagkatitigan ang magkapatid. Pilit binabasa sa kanilang mga mata ang bawat emosyon. " I have my own savings! Mama saved it for about ten years,enough to sustain my needs and medication! 'Yan ang dahilan kung bakit hindi ka niya nabalikan noon kahit gustong-gusto ka na niyang makasama! ". Hindi na namalayan ni Ervien ang pagngilid ng mga luha. " Daddy left us for he doesn't want responsibilities! Mama never gave up me! Tama na daw na minsan may isa siyang anak na iniwan! She died for over fatigue and stress! But she never failed telling me about you! ". Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Ervien. " I told her that before i die,i want to be with you! Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Pero,nauna na siya sa akin! Huwag kang mag-alala,you won't waste even a single penny for my death! ", tumalikod at lumabas na ito ng silid. Nanghihinang napaupo si Ervien nang maisara ang pinto. Hilam sa luha ang mga mata nito. Dinampot nito ang folder at muling binuklat. The truth was clearly written in several papers enclosed on it......his brother was suffering from bone cancer and has six months to lived. How can he be so cruel? --------------------------------Napatigil sa pagpedal si Sheiica ng matanaw nito ang naglalakad na lalake patungo sa direksyon ng kanilang bahay. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

At kahit nakatalikod ito,kilalang-kilala niya ang bawat anggulo nito mula sa medyo kulot nitong buhok hanggang sa mabalbon nitong mapuputing binti na lumabas sa suot nitong short. Naramdaman na naman ng dalaga ang " first-love effect ". Sana alam ng lalakeng ito kung gaano na siya kasabik na muli itong makita? " Hoy,Mr. Manhid! ". Napalingon si Ervien. Agad na bumilis ang pintig ng puso nito sa muling pagkakasilay sa espesyal na babae sa kanyang buhay. Pero,kailangan niyang sikilin ang kanyang nararamdaman. Bumaba si Sheiica sa bisikleta at iniabay ito sa paglalakad patungo sa binata, " Para kang kabute,ah? Bigla na lang sumusulpot! Saan ka pupunta? ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Sainyo! ". " Dadalawin mo ako? ". " Uhm.....parang gan'un na nga! ". " Na-miss mo ako, 'no? ", lahat ng inis at tampo na naramdaman ng dalaga nang mga nakaraang linggo na wala ang binata ay parang ice-cream na ipinasok sa microwave at agad na nalusaw. " We need to talk! ". Ibinaba ni Sheiica ang bisikleta pahiga sa kalsada. Humakbang ito palapit sa binata na agad namang napaatras. Mabilis itong hinawakan ng dalaga sa kuwelyo at Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana bahagyang inilapit ang mukha dito. Dinig niya ang pagbilis ng hininga nito, " Mahal mo na ba ako,Ervien Almores Barrieda? Dahil ako,mahal na mahal na kita! Oo at hindi lang ang isasagot mo! Pero,ipapaalala ko lang sa'yo,kapag binasted mo ako,babaliin ko kahit kaliit-liitan mong buto? ". " Puwede ba......",aktong hahawiin ni Ervien ang kamay ng dalaga sa kanyang kuwelyo ng kabigin siya nito at siilin ng halik. Gumanti ang binata. Ilang araw at linggo ba niyang pinangarap na muling matikman ang malalambot nitong mga labi. Hingal ang dalawa ng maghiwalay ang mga ito. Napangiti ang dalaga, " Does it mean YES? ".

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Pumunta ka sa burol bukas bago lumubog ang araw! ". ---------------------------Gumuhit sa mukha ni Sheiica ang kakaibang kasiyahan ng marating nito ang burol. Tama lang ang kanyang pagdating sa papalubog na araw kung saan tanaw niya ang mala-ginto nitong mga silahis. Napangiti ang dalaga ng makita nito ang nakalatag na tela sa damuhan kung saan naroon ang isang 'di kalakihang picnic basket. Mukhang matutuldukan na ang SEARCHING FOR MR. RIGHT nila ng kaibigang si Anne. Magkakaroon na kaya ng tugon ang panunuyo niya kay Ervien? Magtatapat kaya ito sa kanya? Sana may dala na itong singsing! Napansin ni Sheiica ang paglantad ng isang paa mula sa Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana likuran ng malapad na katawan ng punongkahoy na madalas nilang tambayan ni Jamuel. Sa tingin niya ay nakasandal ito habang nakatanaw sa papalubog na araw at kanina pa naghihintay sa kanya. Hindi na pinatagal pa ng dalaga ang pag-usad ng minuto na sinasayang niya sa pagtayo lang. Tinungo nito ang kinaroroonan ng binata. Ang nais ng dalaga ay gulatin niya ito. Ngunit,siya ang nagulat sa nabungaran. " Jamuel? ". " Hi,Sheii! How are you? ". " Anong ginagawa mo dito? ", nakaramdam ng pagtaas ng dugo ang dalaga. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Pinapunta ako dito ni Kuya! Sinabi mo raw sa kanya na magkikita tayo! I'm so happy to be with again,Sheii! I really missed you! ". " Nasaan siya? ". " Sa bahay! Bakit? ". Mabilis nang tumalikod ang dalaga. " Wait! Sheii,where are you going? Sheii? ". " Huwag kang susunod! Uupakan kita! ". Natigilan si Jamuel. Hatid-tanaw na lamang nito ang pagangkas ng dalaga sa bisikleta at paglayo nito.

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Nagsinungaling sa kanya ang kapatid. Batid niyang hindi siya ang inaasahan ni Sheiica na makikita sa burol kundi si Ervien. -------------------Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Ervien ng tunguhin nito ang sala kung saan ayon sa katulong ay naghihintay sa kanya si Sheiica na ipinagtaka niya dahil dapat kasama nito ang kapatid sa burol. " Ano ang gusto mong palabasin? Gusto mong magmukha akong tanga? Pinapunta mo ako sa burol na iba ang dadatnan kong naghihintay sa akin! ". " You misunderstood it! Sinabi ko sa'yo na pumunta ka sa burol,pero hindi ko sinabing ako ang magiging kasama mo! ". Lumagapak uli ang malakas na sampal sa pisngi ng Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana binata. " Porke't alam mo na maha kita kaya okay lang sa'yo na saktan mo ako ng ganito? ",pigil nito ang pagbagsak ng mga nagbabantang luha. " I'm so sorry! I don't want to,believe me! ". Malakas na itinulak ni Sheiica ang binata at mabilis na tumalikod. " Mahal din kita! ". Napatigil sa paghakbang ang dalaga. " Mahal kita,pero mahal ka rin ni Jamuel! ". Nilingon ni Sheiica ang binata at sinalubong ang mga Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana mata nito, " Bakit kailangan mo akong ipagtulakan sa taong hindi ko mahal? ". " Dahil kailangan ka niya! ". " At ikaw? Hindi mo ako kailangan? Gan'un ba 'yon,Ervien? ". " Mas kailangan ka niya! May sakit siya! Bone Cancer! ". Napipilan ang dalaga. " The Bone Marrow Transplant could no longer saved him! It was acute already when they found the right Marrow Donor! Dalawang buwan na lang ang natitira sa anim na buwang ibinigay na taning sa kanya! ". " At ano ang gusto mong gawin ko,Ervien? ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Mahal ka niya! Pasayahin mo sana ang ang mga huling araw niya dito! ". " Gusto mong magkunwari ako? ". " I'll pro-----i'll proposed to you if you will make him happy and......". Halos takbuhin ni Sheiica ang kinatatayuan ng binata at pinutol ang iba pa nitong sasabihin sa paglipad ng kamao niya sa mukha nito.

CHAPTER IX " Itaas mo pa! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Ganito ba? ". " Layo ka pa ng kunti......o,tama na 'yan! At the count of three! ". Binaluktot ni Jamuel magkabilang tuhod.

ang

likod

at

ibinaliko

ang

" One....two......three!". Binitiwan ng binata ang pagkakahawak sa malaking saranggolang paru-paro na agad hinila ng malakas ng hangin sa burol pataas sa kalawakan. " Bilis! Tulungan mo ako dito! Baka liparin din ako! ", natatawang sigaw ng dalaga. Tinakbo ni Jamuel ang kinaroroonan ng nobya. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Pumuwesto ito sa likuran nito at magkahawak-kamay na kinokontrol ang tali. " Masaya ka ba,Jamuel? ". " I'm so happy! I was blessed that you came into my life the moment i needed you! Ikaw,masaya ka ba? ". Sandaling hindi nakaimik si Sheiica, " Masaya ako kung alam kong napasaya o napapasaya ko ang taong mahal ko! ". " Thank you,Sheii! ", sabay halik nito sa pisngi ng dalaga.

------------------

Napabangon si Ervien ng makarinig ito ng kalampag sa Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana kabilang silid. Mabilis itong tumayo at patakbong tinungo ang silid ng kapatid. " Jamuel?! ". Bumagsak ang lampshade sa sidetable nito maging ang orasan habang pilit hinahagilap ng kamay ang gamot nito. Agad na dinaluhan ni Ervien ang kapatid. Tinulungan ito na makainom at muling pinahiga. Hindi na ito nakakapasok ng eskuwelahan dahil maya't maya na ang atake ng sakit nito. Mabilis na rin ang naging pagbagsak ng katawan nito. Nakahanda na sa tabi ng higaan ang oxygen at dextrose sakaling hindi na nito kayanin ang nararamdaman. Kumuha na rin siya ng private nurse at doctor para may mag-alaga dito. Hindi na siya umalis ng bahay. Pansamantala muna Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana niyang inihabilin ang mga negosyo sa mga taong pinagkakatiwalaan. Mas mahalaga na sa kanya ngayon ang makasama ang kapatid sa huli nitong mga araw. Nasasaktan man siya na makita itong dumadaing at naghihirap,wala na siyang magagawa. Kung hindi lang sana niya pinairal ang katigasan ng puso at galit,sana matagal niya itong nakasama maging ang kanyang ina. Huli na para magsisi. -----------------------" Alam mo ba ang simbolo ng papalubog na araw? ". Nakasandal sa katawan ng punongkahoy si Sheiica habang mahigpit niyang nayayakap sa likuran ang nobyo. Nasa tabi ng dalawa ang wheelchair ng binata kung saan sa tagiliran nito ay nakatayo si Ervien na pigil ang Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana pagpatak ng mga luha. " Pag-asa! ", hindi na namalayan ng dalaga ang pagdaloy ng mga luha sa magkabilang pisngi, " Ipinapakita nito na sa bawat paglubog niya,may bukas pa para sa kanyang pagsikat! ". Wala nang lakas pa para maibuka ni Jamuel ang bibig. Dinaan na lamang niya ang tugon sa mahigpit na paghawak sa kamay ng nobya na nakapulupot sa harapan ng kanyang dibdib. " Kung dumating man ang araw na hindi mo na makita ang kanyang pagsikat,umasa ka na mananatili lang siya sa mundong ito kasama ng mga taong nagmamahal sa'yo! ". Tahimik lang ang pagluha ni Jamuel. "

Salamat

dahil

naging

mabuti

kang

kaibigan

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.

at


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana kasintahan! Salamat dahil binigyan ako ng pagkakataong makilala at mahalin ka! ". Ipinikit ni Jamuel ang mga mata. Gumuhit sa labi nito ang isang ngiti. Itinukod ni Sheiica ang baba nito sa balikat ng kayakap. At halos pabulong na nagwika, " Hinding-hindi kita makakalimutan,Jam! ".

EPILOGUE Itinaas ni Sheiica sa ulo ang suot nitong sunglass habang patungo sa Arrival Area ng Clark International Airport. At malayo pa siya ay dinig na niya ang sigaw ng kaibigang Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana si Anne habang karga nito ang bunsong anak at nakakapit naman sa laylayan ng damit nito ang isa pa. Katabi nito ang asawang si Herbert na hindi tulad ng dati ay wala na ang kakisigan nito. Marahil ay nalipasan na ito ng panahon dahil sa mga responsabilidad sa pamilya. " Sis! ". Nagbeso-beso ang magkaibigan. " Ang sosyal mo na,ha? ". " Ikaw losyang na! ", pabulong ni Sheiica upang hindi marinig ng asawa nito. " Gan'un talaga ang pagiging isang ina! Hands-on! ", kinurot nito sa tagiliran ang kaibigan, " Kumusta si Lola Beba? Enjoy na enjoy ba sa snow? ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Kasabay noon ng pagtatapos niya sa sekondarya ay ang pagdating ng kanyang ama. Matagal na pala siya nitong pinapahanap. Dinala siya nito sa New York at doon ay nag-aral ng pitong taon sa kolehiyo. At nang makahanap siya ng permanenteng trabaho,kinuha niya ang kanyang Lola Beba na hindi naman tinanggihan ng matanda. Matagal na daw kasi nitong pangarap ang makakita ng niyebe. " Wala ka pa rin bang lovelife? ". " Nope! ". " Want to try again our extra-curricular activity? ". " SEARCHING FOR MR. RIGHT! ", magkasabay na wika ng magkaibigan na sinundan ng malakas na tawanan. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

------------------------------

Pumasok ang sasakyang minamaneho ni Sheiica sa pagbukas ng malapad na gate ng St. Peter Memorial Garden. Sa pagtahak niya sa direksyon ng naging hantungan ng kanyang una at huling nobyo,muli na namang bumalik ang sakit ng naging alaala nito. It was already ten years ago,but she can still remember the moment he died on her arms. Pumarada ang kotse nito. Bumaba at mabibigat ang mga paang tinungo ang libingan ni Jamuel. Pinigil nito ang pagpatak ng mga luha. Lumuhod ito sa Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana harapan at inilapag sa ibabaw ng puntod ang dalang mga bulaklak. Inilabas nito sa bitbit na kahon ang isang cake na siya mismo ang gumawa. Tinirikan ito ng kandila at sinindihan. " Happy birthday to you! Happy birthday,happy birthday! Happy Birthday to you! ", hinaplos nito ang mga titik na nakaguhit sa puting lapida, " Pasensiya ka na kung ngayon lang ako nakadalaw sa'yo! Huwag kang magalala,kahit nasa malayo ako,hinding-hindi kita nakalimutan! Taon-taon kitang binibilhan ng cake at kinakantahan! ". Hindi napansin ni Sheiica ang mga papalapit na yabag patungo sa direksyon nito. Tumigil ito sa paghakbang ng ilang dipa. Halos walang kurap na nakatitig sa dalagang nakaupo sa harap ng puntod. " Nagtapos na ako ng Dentistry! Kinuha ko na rin si Lola Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Beba at alam mo bang kahit napakalamig sa labas tuwing winter,hindi siya nagpapaawat! Wala daw kasing snow dito sa Pilipinas! Pinapakumusta ka niya! Nakapagpatayo na rin ako ng klinika! Masaya ka ba sa narating ko,Jam? Mas masaya sana ako kung nandito ka! ". Aktong tatalikod sana si Ervien ng mahagip ng tingin nito ang biglang paglingon ng dalaga. Sandaling nagkatitigan ang dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ni Sheiica. Katulad nang una niya itong makita. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo. And she was surprised that the " IGNITION " and " MAGIC " was still in her na para bang matagal lang na nagkubli sa kanyang puso. Napanganga naman si Ervien sa pagkakatitig sa pagtayo Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana ng dalaga. She changed a lot......from the flowery headdress on her head upto the five-inches of her white shoes. A very feminine woman that looks elegant from her simplicity. " It's been a long time! ", pagbabasag ng dalaga sa katahimikang namamagitan sa kanila. " It seems a decade to me! ", iniiwas ni Ervien ang tingin sa dalaga at humakbang ito palapit sa puntod ng kapatid. Araw-araw niya itong pinupuntahan sa pag-asang muli niyang makita ang dalaga. " How are you? ", pasimpleng tanong ng dalaga kahit pa nga gustong-gusto na naman siyang ipagkanulo ng kanyang puso. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Still waiting for the girl who CAME IN the first time we met! ". Naramdaman ni Sheiica ang biglang paglukso ng kanyang puso. Siya ba ang tinutukoy nito? Ibig bang sabihin ay binata pa rin ito? " I'd better go! ", hindi niya hahayaang muli siya nitong isakripisyo para sa kaligayahan uli ng iba. Kahit pa hindi niya pinagsisisihan na pinasaya at minahal niya si Jamuel,kinimkim pa rin niya ang sama ng loob niya dito dahil sa pagtataboy at pagtutulak sa kanya noon. " I'm so sorry! ". Napatigil sa paghakbang ang dalaga, " Forgiven! ", at tumalikod na ito. Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

" Jamuel wants us to be happy! ". Muling napahinto si Sheiica. " That was his death wish the night before he died! ". Mabilis na napalingon ang dalaga. " Alam niya na pareho tayong nagsakripisyo sa kaligayahan niya! Yes,he was happy being with two person important to him until his last breath....that's why he wanted us to be together again! ". " Liar! ". " Naghintay ako,Sheii! Hindi ako sumuko sa paghihintay sa'yo! ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Puwes,naghintay ka lang sa wala! ", muli nitong tinalikuran ang binata. " Is the Search for Mr. Right still on going? ". Napatigil na naman si Sheiica. Bakit ba kasi hindi na lang tumigil sa kadaldalan ang lalakeng 'to?! Habang patuloy nitong ibinubuka ang bibig,lalo lang siyang hinihila ng kanyang puso palapit. " Do you think i'm qualified to passed your standard? ", humakbang ito sa nakatalikod na dalaga. Nataranta ang dalaga. Parang gusto niyang isigaw sa binata na pasadong-pasado ito dahil mahal na mahal pa rin niya ito. " Am I ? ". Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana Napapitlag si Sheiica dahil hindi nito namalayan o naulinigan man lang ang binata na nakatayo na sa kanyang likuran. Mabilis itong napalingon na halos magdikit sa mukha nito sa kaharap. Agad ni hinapit sa beywang ni Ervien ang dalaga bago pa ma ito makaiwas. Ikinulong niya ito sa mga bisig. Mabilis ang paghinga ng dalawa kasabay ng pintig ng kanilang puso habang nangungusap ang mga matang nakatitig sa isa't isa. " Walang kahit isang segundo ng aking buhay na nawala ka sa puso't isip ko! From the moment you came inside my car until the time i saw you board the plane! ". Naumid ang dila ni Sheiica. Palihim pala siyang inihatid ng binata noong tumungo siya sa New York kasama ng ama.

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana " Did you have any idea how much i missed you? ". Napatitig ang dalaga sa mapupulang labi ng kayakap. Ano kaya ang lasa ng second kiss mula sa taong ninakawan niya noon ng unang halik? " Try it! ". Napaangat ng tingin si Sheiica. Nabasa ba nito ang nasa isip niya? At bilang sagot,mabilis na siniil ng halik ni Ervien ang dalaga na agad namang gumanti. Hindi na napansin nina Ervin at Sheiica ang pagduyan ningas mula sa kandila na nakatirik sa ibabaw ng cake tila ba sa bawat galaw nito ay nakikisabay ito kasiyahan ng dalawang pusong muling pinagtagpo tadhana.

ng na sa ng

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Searching for Mr. Right by Lorna Tulisana

WAKAS Searching for Mr. Right Copyright 2013 Soeursbelle.Com-Tagalog Romance Etc. All Rights Reserved. No Part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without written permission from the Author. Printed in the USA by Soeursbelle. sbadikhelp@gmail.com

Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.