GRAFFITI By Head Screenwriters: Jemmah Amor Larrosa Lorraine Luna Danipog Screenwriters: Karren Gail Alvarez Princess Ontengco Erika Gonzales
Title based on: "GRAFFITI AS A MEMORIAL" People often leave their traces in wet cement or concrete. This type of graffiti often commemorates the mutual commitment of a couple, or simply records a person’s presence at a particular moment. Often this type of graffiti is dated and is left untouched for decades, offering a look into local historical minutiae. - Wikipedia.org
AUGUST 2011
FAR EASTERN UNIVERSITY
SEQ 1 INT. - EXT. CAR (DAY) Makikita ang plates at sketchpad sa upuan ng kotse. Nag-eenjoy si CARLIE sa pakikinig ng rock music sa iPhone habang nakaupo sa backseat ng sasakyan. Sinasabayan ng pag-tap ng kanyang daliri sa kanyang lap ang beat ng napapakinggang music, blangko lang ang mukha niya. Makikita ang makapal na black eyeliner sa kanyang mga mata. Maputla ang lipstick. Titingin-tingin ang DRIVER sa rear mirror, pinagmamasdan si Carlie. Gigilid at hihinto ang sasakyan. DRIVER Same time pa rin Ma’am Carlie? Hindi sasagot si Carlie. Bubuksan niya ang pinto ng sasakayan at bababa. SEQ 2 EXT. WALL (DAY - CONTINUED) Pipindutin ang next button sa iPhone, tutugtog nang mas malakas ang music. Titingnan ang malaking pader na maraming nakapintang black, gray at red paint- ito ang freedom wall ni Carlie. SEQ 3 EXT. WALL (DAY - CONTINUED) Nagpipinta si Carlie sa pader gamit ang black spraypaint. Makikita ang iba pa niyang mga drawings sa puting pader na ito. SEQ 4 EXT. WALL (DAY - CONTINUED) May maaninag siya sa kanyang peripheral vision na isang batang mabilis na tumakbo. Tatanggalin sandali ni Carlie ang headset at hahabulin ng tingin ang bata. Titingin-tingin siya sa paligid at wala ng makikitang bata. Isusuot muli ang headset at babalik sa pagpipinta. SEQ 5 EXT. WALL (DAY - CONTINUED) Magpipinta siya nang magpipinta hanggang sa matapos niya ito. Lalayo saglit sa pader upang tingnan ang gawa sa malayuan. Dadating ang sasakyan at paparada. Mapapansin muli ito ni Carlie sa kanyang peripheral vision. Mapapalingon si Carlie, kukuhanan ng picture ang drawing niya sa araw na yun. Mabilis na kukunin ang bag na half-opened, hindi niya mapapansin na nahulog ang yellow spraypaint.
2.
SEQ 6 INT. BEDROOM (NIGHT) Bubuksan ni Carlie ang ilaw. Ibabato ang bag sa kama at hihiga. Tulala lang siya sa kisame. Ibabaling ang tingin sa bulletin board na nasa gilid ng kanyang kama at makikita ang calendar na nakabukas sa month ng October. Makikita nakamarka na ng eks ang dates mula 1-5 at nakabilog ang date na 12. Kukunin ang malaking pen na nakatali sa calendar at mamarkahan ng eks ang 6. Kukunin niya ang Macbook mula sa mesa, bubuksan ito at magse-search ng sample designs ng "de stijl art". SEQ 7 INT. CAR - EXT. WALL (DAY) Nasa loob ng kotse si Carlie, naka-headset. Makikita ni Carlie ang isang batang papaalis galing sa wall niya. Gigilid at hihinto ang sasakyan sa tapat ng wall. Makikita niya ang pagbabago sa wall niya na may yellow paint na ang ginawa niya kahapon at may naka-paint na “BOK”. Dito niya marerealize na may ginawa ang bata sa painting niya. Sisimangot at makikita sa kanyang mukha ang matinding pagkainis sa bata. SEQ 8 EXT. WALL (DAY - CONTINUED) Gamit ang black paint, papatungan ni Carlie ang “BOK” na nilagay ng bata sa kanyang wall. Mapapansin pa rin ang inis sa mga galaw ni Carlie. SEQ 9 INT. BEDROOM (NIGHT) Mamarkahan ng eks ni Carlie ang 7 sa calendar. Kukunin ang mga materials para sa gagawing plate, uupo sa sahig at sisimulang i-outline ang design. SEQ 10 INT. BEDROOM (MORNING) Makikita ang liwanag sa labas ng balcony ng kwarto. Makikita ang oras na 7.00AM sa orasan na nasa table. Nakaupo si Carlie sa sahig at nakasandal sa gilid ng kama, nakatulugan niya ang ginagawang plate. Maririnig ang reminder alarm ng cellphone niya. Kukunin niya ito at mababasa ang “submit de stijl art plate”.
3.
SEQ 11 INT. CAR (DAY) Nakikinig ng rock music si Carlie sa iPhone habang tinitingnan ang plate na may grade na 75%. Blangko lang ang mukha niya. SEQ 12 EXT. WALL (DAY) Nagpe-paint si Carlie sa wall gamit ang red paint. Dadating ang isang batang lalake, si BOK. Gamit ang yellow spraypaint, magsisimula siyang magpinta at gagayahin ang mga gawa ni Carlie. Matitigilan sa pagpinta si Carlie. Titingnan ng nakakunot ang noo at naka-irap ang mga mata sa bata. Titingin din sa kanya si Bok at didila. Susubukang hablutin ni Carlie ang yellow spray paint kay Bok. Hihigpitan ni Bok ang hawak dito at iispray-an ang drawing ni Carlie. Mandidilat ang mga mata ni Carlie. Kukunin ang black and red spray paint at iispray-an ang gawa ni Bok. Iisprayan ulit ni Bok ang gawa ni Carlie. Kakapitan ni Carlie ang kamay ni Bok kaya maiisprayan din siya ng yellow spray paint sa damit. Mabilis na tatakbo si Bok hawak-hawak ang yellow spray paint at lilingon-lingon kay Carlie habang nakadila at nang-aasar. Bakas na bakas sa mukha ni Carlie ang galit sa bata. Nakakunot ang noo at nanggigigil ang mukha. SEQ 13 INT. CAR (DAY) Magkasalubong ang mga kilay ni Carlie at inis na inis habang iniisketch ang mukha ni Bok habang nasa backseat ng sasakyan. Nagfa-flashback sa kanya ang mukha ni Bok na nang-aasar. Lalagyan niya ang sketch ng sungay. Biglang pepreno si manong driver. Titilapon ang sketchpad sa may front seat. DRIVER Sorry Ma’am. Kukunin ni Carlie sa front seat ang sketchpad. Yung bata po kasi. Mapapatingin si Carlie sa side mirror at makikitang binubugbog si Bok ng TATAY niya. Lilingon siya at masasaksihan ang pagmamalupit kay Bok. Makikita sa mga mata niya ang pagka-awa at pagkagulat.
4. SEQ 14 EXT. WALL (DAY) Lalakad si Carlie papunta sa wall. Makikita niyang nagpe-paint si Bok doon. Inoobserbahan niyang umiiyak si Bok at nagpupunas ng luha gamit ang kamay. Ilalabas ni Carlie mula sa bag ang black spray paint. Mapapansin ni Carlie ang pasa ni Bok sa gilid ng labi. Magsisimulang magpaint si Carlie. Mapapansin ni Carlie na pilit na ginagaya ni Bok ang isa sa mga drawings niya. Makikita niya ang pagkadismaya ni Bok dahil nakailang ulit na siya pero di niya pa rin magaya. Hahawakan ni Carlie ang kamay ni Bok, susubukang kunin mula sa kanyang kamay ang yellow paint. Iiling si Bok at hihigpitan ang hawak sa yellow paint. Kita sa mukha ni Bok na gustong-gusto niya ang yellow paint kaya ayaw niya itong ibigay kay Carlie, na ang tanging gusto lang ay ang dark colors. Iga-guide ni Carlie si Bok para magaya ang kanyang drawing. SEQ 15 INT. BEDROOM (NIGHT) Nagba-browse ng sketchpad si Carlie. Makikita niya ang sketch ni Bok na binaboy niya noong nainis siya sa kanya. Pipilasin niya ito, ika-crumple at itatapon. Mag-iisketch siya ng panibagong mukha ni Bok na nakangiti. Hihikab siya, isasara na ang sketchpad. Hihiga siya sa kama, mapapansin ang calendar na hindi pa naka-eks ang 9. Kukunin niya ang marker at ie-eks bago matulog. SEQ 16 EXT. WALL (DAY) Uupo si Carlie na nakasandal sa pader, maglalabas ng burger sa bag. Bubuksan niya ang wrap ng burger, mapapansin niyang dumating si Bok na malungkot. Uupo ring nakasandal sa pader si Bok, malayo kay Carlie at magtatalumbaba. Tatayo si Carlie, lalapit kay Bok at uupo sa niya. Uusog konti si Bok, hahawakan siya ni at aalukin ng burger na hawak niya. Kukunin nahihiya-hiya pa. Kukuha pa ng isang burger sabay silang kakain. Tahimik silang kakain, ang isa’t isa.
tabi Carlie sa braso ito ni Bok na si Carlie at inoobserbahan
a) Hirap sa pag-nguya si Bok dahil sa pasa sa gilid ng kanyang labi. b) Nangingilid ang luha sa mga mata ni Bok. Tutulo ang luha ni Bok at agad niya itong pupunasin. Mapapansin ito ni Carlie. (CONTINUED)
CONTINUED:
5.
CARLIE Sinasaktan ka pa rin ba ng tatay mo? Matitigilan si Bok sa pagkain. Titingnan ng kanyang naluluhang mga mata ang mga mata ni Carlie. Biglang niyang yayakapin si Carlie. Mapapayakap rin si Carlie. Tutulo rin ang luha ngunit pupunasin niya ito agad. Bibitaw sa pagkakayakap si Carlie at ilalabas sa kanyang bag ang mga colored spray paints. Ipapakita niya ang mga ito kay Bok. Titigil sa pag-iyak si Bok at mapapangiti. Mula sa pagkakatalikod nila sa pader, ihaharap ni Carlie si Bok sa outline na ipininta niya sa pader. Masayang sisimulan magkulay ni Bok habang kinukunan siya ng picture ni Carlie. SEQ 17 EXT. WALL (DAY) Nagpipinta sila Bok at Carlie. Habang nagpipinta mag-uusap ang dalawa. BOK Ate... CARLIE (surprised) A--ate? BOK (ngingiti) Ate na lang kita ha? CARLIE (ngingiti lang) BOK (magpapayabang) Tingnan mo oh, ang galing galing ko! CARLIE Wow, okay ah. Ang ganda. BOK Siyempre naman, mana ako sa’yo ate eh! CARLIE (ngingiti)
(CONTINUED)
CONTINUED:
6. BOK Dito ka lang lagi ah. Para masaya ako. CARLIE Oo ba, gusto mo sama ka sa bahay? BOK (sisimangot) Ayoko magagalit si Tatay. Papaluin na naman ako nun. CARLIE Sige sige dito na lang tayo lagi magkita. Lagi tayo magkukulay! BOK (ngingiti) Paglaki ko gusto ko kagaya mo. CARLIE Paglaki mo, mas magaling ka pa sakin. BOK (ngingiti) Masaya ba mag-aral ate? CARLIE Hmmm...Oo. BOK Hindi ba namamalo mga teacher? Hindi ba sila nakakatakot tulad ng tatay ko? CARLIE Hindi naman. Pero minsan pag hindi ka nakikinig sa tinuturo, naiinis sila. Pero nakakatawa yung iba pag nagagalit. Ganito kasi hitsura nila (magme-make face) BOK (tatawa) Ate ang pangit! (tatawa ulit) Hindi bagay sa’yo! CARLIE Ah ganun ah!
Kikilitiin ni Carlie si Bok. Magtatawanan silang dalawa. Kukunin ni Carlie ang camera at magpipicture.
7.
SEQ 18 INT. BEDROOM (DAY) Susulatan ni Carlie ng pangalan at date na 10/12/11 ang likod ng plate na ipapasa niya. Ilalagay niya ito sa loob ng bag. Isasabit sa leeg ang DSLR. Tatayo, mapapansin ang calendar at ie-eks ang 12, isusuot ang headset. SEQ 19 INT. CAR (DAY) Maganda ang araw ni Carlie. Nakangiti siya sa kinauupuan. Mapapansin ito ni Manong Driver at babati sa kanya. DRIVER Ay, Mam Carlie! Happy Birthday nga pala! CARLIE Thank you! Isusuot ni Carlie ang headset at eenjoyin ang rock music. Excited siyang pumunta ulit sa wall. May dala ulit siyang burgers. Sa tabi niya ay makikita ang isang cake para pagsaluhan nila ni bok Masaya siyang nakatingin sa labas ng kotse nagmamasid masid sa daan. Sumasabay ang galaw ng kanyang ulo sa beat ng napapakinggang music. SEQ 20 INT. CAR (DAY) Pagdaan ng kotse sa may squatter’s area malapit sa wall ni Carlie, makikita niya ang isang ambulance. Isang katawan sa stretcher at nakabalot sa puting tela ang ipinapasok sa ambulance. CARLIE (sa driver) Kuya, sandali. Hihinto ang kotse. Tatanggalin ni Carlie ang headset. Bubuksan niya ang bintana ng kotse. Nakatitig sa katawang ipinapasok sa amulansya. Makikita ang mga mata niyang nagsisimula na sa pagluha. Maya-maya pa ay makikita at maririnig ang iyak ng isang Ale na pinapalo-palo ang isang mamang naka-posas. Ito ang tatay ni Bok. Isasakay ito ng mga pulis sa police car at aalis. Maiiyak si Carlie sa kinauupuan. CARLIE (humihikbi) Kuya, uwi na tayo.
(CONTINUED)
CONTINUED:
8.
DRIVER Sige po. SEQ
21 INT. BEDROOM (NIGHT)
Malungkot at puno ng pighati ang gabi ni Carlie. Kahit kaarawan niya, makikita ang pagtulo ng mga luha niya habang nakadapa sa kama. Pinagmamasdan niya ang mga pictures nila ni Bok. Isa-isang babalikan ni Carlie ang mga ala-ala ni Bok sa mga photos sa kanyang camera. Hanggang sa makita niya ang photo nilang dalawa, magkaakbay, nakangiti at hawak ang spraypaint. Matitigilan siya sa pag-iyak. SEQ 22
INT.-EXT. CAR (DAY)
Hawak ni Carlie ang isang pilas ng sketchpad. Ihihinto ni manong driver ang sasakyan sa may wall. Titingin siya sa rear mirror, oobserbahan si Carlie na nakatulala sa wall at hihintayin si Carlie na bumaba. Titingnan ni Carlie ang pilas ng papel na hawak niya, makikita niya ang sketch ng mukha ni Bok na nakangiti. Bubuntong hininga. Mapapangiti at bababa. Lalapit siya sa wall. Makikita ang tsinelas ni Bok na kapares ng suot nito noong namatay siya. Katabi ng tsinelas ang yellow spray paint na paboritong gamitin ni Bok. Kukunin ang yellow spray paint at tatapusin ang painting nila ni Bok. Susulatan sa baba ng “to: Bok 10/13/11�. Lalayo si Carlie, titingnan ang buong pader, kukunin ang DSLR at kukunan ng picture. BLACKOUT. END.