BOBOto Ka Ba? Transcript
[Marching Music] TEXT: "The elections are run by the same guys who sell toothpaste." -Noam Chomsky
[Fade in] Montage of politicians campaigning for 2013 national election
Title Text: BOBOto Ka Ba?
[Music fade out]
EXT. SCHOOL FIELD, DAY
Teacher: Simula noong nagparehistro ako hindi na ako bumoto. Pumapasok lang ako tapos puro ekis. Duon sa picos kasi kapag hndi ka bumoto counted na walang boto yun.
INT. GROCERY STORE
Merchandiser: (while arranging products) Wala akong magandang dahilan para masabi kong boboto pa ako kasi wala namang nangyayari,walang katuturan.
EXT. ORGANIC GARDEN, DAY
Volunteer: Ayokong pagkatiwala ang sarili ko sa kanila, kaya ko naman mabuhay ng wala sila.
EXT. SCHOOL FIELD, DAY
Interviewer: Bakit hindi ka boboto diba democratic right mo yun?
Teacher: Ayun na nga eh democratic right din yun di bumoto rin eh.
INT. GROCERY STORE
Merchandiser: Wala kasi negosyo nila yan eh, dahil namuhunan sila diyan eh para manalo, kumbaga sa ano binili nila yan ganyang posisyon.
EXT. SCHOOL FIELD, DAY
Teacher: Nadiyan lang naman yan dahil sa pera. Sa totoo lang aminin man nila o hindi ay magkakaroon sila ng pera at pineperahan nila ang mamamayan.
EXT. ORGANIC GARDEN, DAY
Interviewer: Ano ang pagkakaiba ng mga politiko at mga partidong aktibista at mga trapo? Volunteer: Wala silang pinagkaiba kasi iisa lang yun hangarin nila na apakapakan yun mga taong walang power katulad sa atin. iisa lang yun interes nila.
INT. GROCERY STORE Merchandiser: Ganun din sila eh, may kumokontrol pa din at nagpapahirap.
EXT. SHOOL FIELD, DAY Teacher: Kasi ang politika para sa akin parang anu yan yung maruming ilog. Na kahit gaano ka kalinis kapag lumusong ka diyan magiging marumi ka na. madudumihan at madudumihan ka.
INT. GROCERY STORE
Interviewer: May direkta bang pakinabang ang mga politiko sa pang-araw-araw na buhay mo? Merchandiser: Siguro ano... yun mga pribelihiyong binibigay nilang benipisyo. Hindi naman direktang nanggaling sa gobyerno yun dahil share mo yun na kinuha at kinakaltas sa sahod mo, share mo yun. Ikaw ang nagbibigay ng pakinabang para sa kanila para pagsamantalahan ka.
EXT. SCHOOL FIELD, DAY Teacher: Kung direkta sana ang pagtulong nila. Idadaan pa sa lehislatura, idadaan pa sa botohan ang pagtulong. Saka common sense ang pagtulong sa tao hindi na kailangan daanin pa sa posisyon at sa batas.
EXT. ORGANIC GARDEN, DAY Volunteer: Tigilan niyo na yang kalokohan na yan. Magvolunteer na lang kayo dito sa garden saka yun mga ninakaw ninyo na mga pera pamigay ninyo sa mga mahihirap.
EXT. SCHOOL FIELD, DAY Teacher: Kasi alam naman natin ang mga politiko puro kriminal na yan sa atin puro mamamatay tao na yan mga magnanakaw na yan, kapag binoto natin yan naging kasangkapan tayo sa krimen nila, naging kasangkapan nila tayo sa nais nilang kabulastugan at kalokohan sa bayan natin. Mas magandang wag na tayong maging kasangkapan nila sa gagawin nila mali.
INT. Grocery Store
Merchandiser: Hindi naman kailangan na magkaposisyon ka sa gobyerno at hindi mo kailangan magpakayaman para makatulong ka sa sangkatauhan. I-BOYCOTT NA NATIN ANG ELEKSYON.
[Fade out]
[fade in Music: Rip-off by Defiance] [Fade in] TEXT: "Win or lose we go shopping after the election")-Imelda Marcos
Title Text: BOBOto Ka Ba?
[Music fade out]