Galing kay mam rita

Page 1

Sample discussions/questions 1.

Bakasin ang debelopment ng language –use policies sa bago ang pananakop ng kastila, panahon ng Kastila, iba pang mananakop sa bansa at hanggang sa kasalukuyan.

Iilan lamang ang tumututok sa pag-unlad ng paggamit ng wika sa Pilipinas, ayon sa antolohiya nina tiamson-rubin at Antonio, mayroong artikulo si zafra tungkol sa pagbabago ng alpabetong Filipino at implikasyon nito sa ibang wika tulad ng espanyol at ingles. Kung ito ang susundin, mukhang kontemporaryo lamang ang kasaysayan ng wikang pambansa. Hindi nangangahulugang walang batas o panukala sa paggamit ng wika noong panahon bago ang pananakop o maging sa unang bugso at mga sumunod na kolonisasyon sa Pilipinas. Simula lamang ng ika20 siglo nagsimula ang pambansang wika, kapansinpansin nagsimula lamang ang pagtatala pagkataos ng pagkakatatag ng Surian ng WIkang Pambansa noong 1936. Panahon na ng asimilasyong Amerikano ang pagsasabatas ng wikang pambansa isang taon bago ang pagkakaroon ng Surian. Naging opisyal lamang na wika pagkatapos ng digmaang pandaigdig, maging ang pagdedeklara sa tagalog bilang midyum sa pagtuturo. Matapos digmaan, binago muli ang konstitusyon at napagyaman ang wikang pambansan nang maging Pilipino noong 1973. Gayundin ang modernisasyon at tradisyon ng Filipino matapos ang diktaduryang Marcos at nagkaroon ng bagong pamahalaan sa pagbabalik ng mga demokratikong institusyon noong 1986. 2.

Maglahad ng ilang teorya na nagpapaigiting ng relasyon ng wika at nasyunalismo ng Pilipinas

Ayon sa koleksyon ng mag artikulo nina Atienza at Constantino, ang ugnayan ng wika at lipunan ay diskursibo. Kung dinamiko ang wika, gayundin ang mga relasyong panlipunan kaagapay ang nasyonalismo at pagiging makabayan sa Pilipinas. Sa unang bahagi ng kanilang aklat, inilihad sa mga artikulo ang ugnayan ng wika, ideolohiya at mag institusyong panlipunan. Partikular na nakapaloob ang sinulat ni Romeo V. Cruz, Ang Nasyonalismo at Wika tungkol sa iba’t ibang yugto ng pagbabago ng nasyonalismo sa kasaysayan tungkol sa usaping pangwika. Tinalakay niya ang pormasyon ng nasyonalismo sa bansa, inugat niya ito noong


ika 19 na siglo. Iba ang konteksto nito sa Europa, bilang kolonya ng Espanya nasa anyong liberal at imperial ang nasyonalismo na dumating sa bansa. Itinakda ang wika ng mananakop bilang opisyal na wika ngunit kumalat lamang ito sa mga nakakataas sa lipunan kagaya ng mga kriyoles, aral na indio, cacique, mestizong mga kastila at iba pa. Batay ito sa Konstitusyon ng Cadiz sa pormang dekreto na pinawalang bisa rin naman tatlong taon pagkatapos. Kung kaya ang mga adhikain, gawing probinsya ang Pilipinas, gawing Kastila ang mga Pilipino at bigyan karapatan ang mga Pilipino ay hindi rin naisakatuparan. Pagkaraan nito, bago sumapit ang himagsikan, nagkaroon ng dalawang sanga ang nasyonalismo: ang konserbatibo at ang radikal. Kung ang nasyonalismong konserbatibo ay may parehong adhikain sa una, pinangunahan ito ng mga propagandista mula sa mga aral na indio at kinilala ang lumang kabihasnan at sariling wika bago ang pananakop. Sa kabilang banda, nagkaroon ng nasyonalismong radikal sa pangunguna ng katipunan. Imbis na wikang Kastila, wikang tagalog ang kanilang sinulong, sa katunayan Tagalog ang opisyal na wika sa konstitusyon pinagtibay sa Biak na Bato noong 1897. Bago pa man maipanalo an rebolusyon, nagkaroon ng pagsasalubong ng nasyonalismong konserbatibo at radikal, nabigyan ng puwang ang nasyonalismong integral noong 1898. Lumakas ang nasyonalismo nang matalo ang KAstila at nagsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano. Napalitan ang Kastila ng Ingles, ipinalaganap ito sa pamamagitan ng sistema pampublikong paaralan. Nabiyak ang integrasyon ng mga radikal at konserbatibo, nanaig pansamantala ang mga konserbatibong nasyonalista at naging reaksyonaryo. Bagamat may mga nanatiling lumaban sa Amerikano at ipinagpatuloy ang nasyonalismong radikal. Nagbalik ang integrasyon sa bisa ng gubyenrong Commonwealth, ngunit nadamay sa ikalawang digmaang pandaigdig ang Pilipinas kaya inokupa ng mga Hapon. Bagamat naitakda na wikang pambansa nakabatay sa tagalog, nakapaglabas na ng diksyunaryo at naitatag na ang Surian, pagpasok ng mga Hapon, ipinagutos na Niponggo at Tagalog ang opisyal na wika. Pagkatapos ng digmaan, namayani ang ansyonalismo. Malakas na ang Partido Komunista at matibay na ang impluwensyang sosyalista sa Pilipinas, kasama sa kanilang ipinaglalaban ang usaping pangwika at pambansang demokrasya. Nagdeklara ng batas military at binago ang konstitusyon, binigyan ng pangalan


ang wikang pambansa, naging Pilipino. Pinagyaman ang alpabetong Pilipino at dumaan ang wikang pambansa sa modernisasyon. 3.

Maglahad at magpaliwanag ng ilang suliraning pangwika sa bansa at bumuo ng mga diskursong magbibigay solusyon dito.

4.

Nag-uugat sa wika ang kultura at kabihasnan ng isang bayan. Ipaliwanag ang ito at magpakita ng mga senaryong magpapatunay dito.

5.

Maglatag ng isang abstrak ng pananaliksik na nakapokus sa pagpapalawig ng hangarin ng mga pamantasan na manatili ang wika at asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Maghain ng mga babasahing makatutulong sa pananaliksik na ito.

6.

Malaki ang pangangailangan ng pananaliksik sa bawat pamantasan. Kasama dito ang paglalathala nito sa mga publikasyonng nasyunal at internasyunal. Ipaliwanag nang komprehensibo ang kalagayan ng wikang Filipino bilang midyum sa pagsulat sa usaping ito.

Kagaya ng inilahad na senaryo ni Bomen Guillermo sa translokal na kumperensya ng Danum x Depto ng Filipino ng DLSU, ang rehimen ng ISI at scopus na mga publikasyon at pamamayagpag ng mga pamantasang nakapokus riserts. Hindi insidental kung bakit ang apat sa pinaka-abanteng unibersidad ay mga pribadong institusyon ng mataas na edukasyon kagaya ng Ateneo, De La Salle at Sto. Tomas. Ang puna ni Tullao, sa kanyang fellows talks sa tanunang research congress ng DLSU, napupunta ang malaking bahagdan ng pondo sa pampublikong eskwelahan kagaya ng Unibersidad ng Pilipinas para sa pananaliksik. Imbis na magsimula sa pambansa at sa labas ng bansa o rehiyonal, maaaring magsimula sa lokal na eskwelahan. Sentral na usapin dito ang wikang Filipino, lalo na sa yugto ng ganap na implementasyon ng k12, pagsunod sa dikta ng kalakarang neo-liberal at globalisasyon. Walang paraan kundi banggain at bakahin ito, hindi naman impusible sa mga malalaking unibersidad ngunit mas mahirap ito kaysa mga nasa laylayan at nasa labas ng mga sentrong urban. Bagamat maganda ang intensyon at hindi maaaring kwestyunin ang panukalang reporma sa edukasyon, naiipit at naha-hijack ang


wikang Filipino sa gitna. Sa ngalan ng kaunlaran, para sa gubyerno upang pumasok ang tulong pinansyal at mga tugon sa kondisyunaliti ng utang panglabas. Kapalit ng pagpapautang ng World Bank at patakarang neo-liberal ng World Trade Organization, ang pagpapalaganap ng export-oriented at import dependent na pulisiya sa ekonomiya na tumatagos ngayon sa k12 at repormang pang-edukasyon. Ang pagpapabilis ng pagiging migrante ng mga estudyanteng Pilipino, ang pagkadisplaced ng mga gurong Filipino, kawalan ng kasiguruhan ng hinaharap ng wikang pambansa.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.