Galing kay sir jorge

Page 1

1.)

Ang Wikang Filipino bilang utilitaryong motibo (silbi, gamit, gampanin) sa buong kapuluan ng Pilipinas.

-Ano ang wikang dapat na gamitin sa pambansang pagkakaunawaan? -Wikang dapat gamitin sa pagtuturo? -Wikang dapat gamitin sa mga opisyal, ahensya, at tanggapan ng gobyerno maging sa mga instrumentaliti nito?

2.) Marami ang isyu o usapin sa wika ayon sa makabagong panahon. - Ingles ba o katutubo ang wikang dapat gamitin sa lahat ng transaksyon? - Dapat bang ibatay sa Tagalog o Cebuano? - Dapat bang ibatay sa isang wika o sa maraming wika? -Dapat bang purista o di-purista?

3.) Intelektwalisado na ba ang Wikang Filipino o hindi? -Dapat bang gamitin ito para maintelektwalisa o intelektwalisahin muna bago gamitin? -Ang intelektwalisasyon ba ay dapat magsimula sa tersyari lebel o pababa o mula sa elementari pataas? Nangangahulugang intelektwalisado na ang isang wika kung mayroon itong kapasidad upang makapaglahad at makapag-ambag sa pag-iimbento ng bagong kaalaman. Inabot na ng mga tao ang matugunan ang iba niyang pundamental na pangangailangan, kinakailangan niyang magamit ang mga bagay sa paligid niya upang makamit ang higit sa kanyang pangangailangan. Sa puntong ito, ang wikang Filipino ay nasa proseso pa rin ng pagiging intelektwalisado. May mga pag-usad at paghimpil ang wikang pambansa dahil na rin hila-tulak ng mga sitwasyong panlipunan. Kaugnay nito, ang midyum ng pagtuturo at pulisiya sa mga eskwelahan. Sanga-sanga ang mga dahilan at mga salik na nakaka-apekto sa


intelektwalisasyon sa wika, partikular ang pagsusulat, paggamit mismo at pagsasalin. Sa madaling sabi, hindi pa intelektwalisado ang wikang Filipino hanggang hindi malaya ang mga mamamayan sa pilipinas na gamitin ito sa anumang porma na nararapat, nakasulat, pasalita, online at iba pa. hindi magiging intelekwalisa ito kahit pa may mga batas at pulisiya nakatakda ang gubyerno. Mas ekonomiko marahil ang dahilan bakid hindi umuusad ang wikang Pilipino. Kagaya ng mga imperikal na pag-aaral nina ateroza at morales tungkol sa pagkawala ng wikang lokal sa mukhang rehiyonal at pambansa, maging global na wika. Ito rin ang sagot ni Tinio kung ano ang hadlang upang magamit ang Pilipino para sa mga intelektwal. Una, dahil sa mababang pagtingin sa wika natin at pangalawa, dahil sa pangambang maiwanan ng ibang wika kagaya ng ingles. Gayundin ang mga artikulo nina VIllacorta at Gonzales sa tyansa ng Filipino upang maintelektwalisa, may mga limitasyon at matagalang proseso upang makamit ito. 4.)

Ang istandard na Filipino ba ay dapat ibatay sa karaniwan o sa sinasalitang varayti o dapat idekta ng akademya?

5.)

Kailangan ba ang Wikang Filipino sa Globalisasyon ng Pilipinas o hindi, kung kaya’t kailangang ibalik ang paggamit ng wikang Ingles?

Kailangan ng wikang Filipino sa globalisasyon sa Pilipinas. Bagamat kinakailangan ilinaw ang usapin ng globalisasyon at ang implikasyon nito sa sitwasyong pangwika. Gayundin, kailangan rin linawin ang pangangailangan sa paggamit ng wikang ingles. Palagay ko, imperatib ng mga mamamayan sa Pilipinas gamitin ang kanilang wika. Tungkol sa globalisasyon, kung neo-liberal na proyekto ito ng pagpapakalat ng kapital upang panatilihin ang status quo at bagong porma ng kolonisasyon. Kaugnay nito, sa ilalim ng neo-kolonyal na relasyon ng Pilipinas at Amerika, importante ang usaping wika at paggamit ng ingles. Iipinasok nila ito sa pampublikong sistema ng edukasyon, kaya kahit sa kontemporaryong panahon ay tuloytuloy lang ang pag-aasimilisa ng pagpapahalagang neo-liberal at kapitalismo, sa pinakamataas na yugto nito sa bisa ng globalisasyon. Ngunit kung babaguhin ang praktika ng globalisasyon, kung babaliktarin ang proseso ng panghihimasok at pagiging pala-asa sa mga mananakop, pusibleng maging kapakipakinabang ito sa mga Pilipino kaysa sa mga Amerikano sampu ng ibang mananakop. Kailangan ng mga Pilipino ang sariling wika upang mapa-unlad ang sariling kabuhayan sa pamamagitan ng pagsasarili at


matutong hindi maging pala-asa sa kolonisador kagaya ng Amerika. Medyo dahop sa materyal na batayan ang paggamit ng wika sa ekonomikong pagunlad maliban sa mga mauunlad na bansa na gumagamit ng kanilang sariling lenggwahe kagaya ng mga “development� state sa Asya tulad ng Singapore, Timog Korea o Tsina at maging mga kolonyal na estado kagaya ng Amerika, Hapon at Espanya. Jorge P. Cuibillas 12 Hunyo 2015


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.