Colegio de San Juan de Letran Calamba City of Calamba, Laguna, Philippines • www.letran-calamba.edu.ph
I-Report serye 2017 Akademikong Talastasan sa Lupong Araling Filipino Dr. Diana P. Nobleza Tagapangulo, Lupong Araling Filipino
ď Ź
Nilalaman ng konseptong papel ang gawaing I-Report bilang Panahunang Pagsusulit na dinisenyong mga Panukat na Gawain sa mga asignaturang nakapaloob sa lupong Araling Filipino tulad ng Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao at Filipino.
ď Ź
Mas pinalawak ang talastasang ito at mga papel pananaliksik sapagkat ang lahat ng antas sa Junior High School ay makikipagtalastasan sa pamamagitan ng malikhain at kritikal na pamamaraan.
Ano ang I-Report?
Nangangahulugang ulat ang salitang Report sa I-Report na kinapapalooban ng mga kasanayan sa pangangalap at pagsusuri ng mga impormasyon at datos. Samantala ang “I” sa I-Report ay may dalawang kahulugan. Una, kung bibigkasin sa Ingles ay mangangahulugan sa Filipino bilang “ako”. Samakatuwid, isinasangkot nito ang indibidwal sa anumang impormasyong inilalahad.
Samantala, ang ikalawang kahulugan ng “I” sa I-Report ay tumatayo bilang panlapi at bubuo sa salita bilang pandiwa na isang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos. Kung gayon, inaatasan din nito ang indibidwal na kumilos at tumugon kapara ng pagbibigay nito sa indibidwal ng responsibilidad na maging mapanuri at responsable sa mga pagsusuring ihaharap sa madla.
Maikling Kasaysayan ng I-Report
Nagsimula ang I-Report noong AY 2014-2015 bilang isa sa mga Panukat na Gawain ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Antas ng hayskul.
Layunin nitong linangin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa larang ng pananaliksik at komunikasyon kaugnay ng prinsipyong pang-edukasyon ng Colegio de San Juan de Letran na “konsensiya, disiplina, at kahusayan.”
Maikling Kasaysayan ng I-Report
Sa ikalawang taon nito (AY 2015-2016), isinagawa ang I-Report kaugnay ng Quality Objective 3 ng Colegio: “to promote solildarity with the larger community that are responsive to its needs.”
Sa pagtutulungan ng Lupong Sosyo-kultural na binubuo ng mga asignaturang Filipino, Edukasyon sa Pagpapakatao, Araling Panlipunan, Christian Living Education, at Introduction to Communication Arts, dinisenyo ang I-Report bilang isang buong programang susuri sa mga saloobin at kaisipan ng mga Letranistang nasa Baitang 10 sa iba’t ibang isyung hinaharap ng bansa.
Ilan sa mga ito ang usapin ukol sa eleksiyon, pangangamkam ng lupa, depresyon, K to 12, OFW at migrasyon, korupsiyon, at terorismo.
Maikling Kasaysayan ng I-Report
Ngayong taon, sa ikatlong serye ng I-Report, tutugon ang gawain sa bahagi ng Institutional Quality Policy ng Letran na magsagawa ng de-kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng “sustained research” mula sa Baitang 7 hanggang Baitang 10.
Tulad ng disenyo ng kurikulum ng K-12 na spiral progression, palalawigin ang kompleksidad ng mga pangangalap ng datos at pananaliksik mula sa pagsasalikop ng mga impormasyong may kaugnayan sa mga obra, kasaysayan, at pagpapahalagang Filipino.
Nilalaman ng mga Papel Pananaliksik Mga bahagi ng papel Kaligirang pangkasaysayan Mga tala mula sa obra Pag-uugnay sa Araling Panlipunan Pagsusuri: Proposisyon at Adbokasiya Konklusyon
Baitang 7
Baitang 8
Baitang 9
Baitang 10
Daloy ng Programa
Panimulang Panalangin
Pambansang Awit
Pambungad na Pananalita
Pagpapakilala ng mga Panauhin
Pagpapaliwanag ng napiling pagkain
Pagpapakilala sa mga Panelista
Pagpapakilala sa mga Ispiker
Paglalahad ng Papel Pananaliksik
Daloy ng Programa
Pagpapalabas ng Infommercial, Infotainment, Jingle at MTV: Anak
Mga Komento at Puna
Tugon ng mga Ispiker
Pangwakas na Pananalita
Pangwakas na Panalangin
Himno ng Letran
Mga Kalahok at Iskedyul ng mga Gawain Paksa Pebrero 13
Oras 8:00-10:00nu
Pebrero 13
Lugar Bulwagang Humbert
Seksiyon G10-Heisenberg
Paksa Oplan Tokhang
10:00nu-12:00nt
G10-Ampere
Pebrero 13 Pebrero 13 Pebrero 14
12:00nt-2:00nh 2:00-4:00nh 8:00-10:00nu
G10-Harvey G10-Pascal G10-Marconi
Pebrero 14
1:00-3:00nh
G10-Becquerel
Edukasyon at Kahirapan Ugnayang Pilipinas at Tsina Tatlong Uri ng Pagibig Babae, Juli at Puri
Pebrero 14
3:00-5:00nh
G10-Fermat
Ang bapor tabo at Daloy Trapiko
Iba Pang Kaugnay na Gawain