Para sa riserts sa araling filipinas

Page 1

Para sa riserts sa araling Filipinas HINAHARAP NG MGA INFO SHOPS X STUDIES CENTER SA PILIPINAS: BLUEPRINT X PAG-IMBENTO NG COMMONS

Proyekto ng sarbey, operasyon at pagpapatakbo ng mga nagsasariling espasyo o autonomous spaces sa bansa ay nasimulan na ng Cavite Studies Center at Green Papaya noong 2008. Napipinto ang post 2015 development goals at ASEAN integration. Pinaigting pa ito ng krisis na kinakaharap ng Filipino sa tersaryang lebel sa implementasyong ganap ng k12. Binigyang diin ni Bomen Guillemro ang saysay, kritika at alternatiba sa umiiral na gahum ng sentralisadong pananaliksik sa mga unibersisdad ng daigdig kasama ang pilipinas. Sa kabila nito, matumal ang produksyon ng kaalaman mula sa pondo at tulad ng mga nangangailangan ng datos mula sa ibang bansang kinakailangang salain ng pamantayang ISI at scopus citation. Ang pangangailangang para sa nagsasariling sukatan ng pagsipi ng mga batis mula, galing sa mga laylayan, malayo sa sentro at ibang pook ay lubhang kailangan. Minumungkahi ng pag-aaral na ito ang mga pusibleng hinaharap ng Araling Filipinas sa umiiral na autonomous, peripheral studies center. Nais idokumenta ang mga info shop sa NCR, Bikol, Cavite at Davao. Gayundin ang Cordillera, Cebuano, Kapampangan, Bikol at iba pang kabilang sa translocal at xenophilia sa area studies at Pilipinolohiya.

Problematisasyon Paano tumutugon ang mga info shop at studies center sa pangangailangan ng pilipinolohiya? Ano ang mga siste ng produksyon ng kaalaman sa mga peripheral centers? Paano nakakaapekto o naapektuhan ng mga nakukuhang panustos at


budget sa pananaliksik ang kanilang direksyon at autonomiya? Ano ang etikal na mga konsiderasyon ng info shop at studies center sa mga komunidad?

Layunin Upang mailarawan ang pagpapatakbo, pananatili at pagpapayabong sa mga autonomous na espasyo sa mga eskwelahan at komunidad. -

maitala ang koleksyon, archives at holdings ng mga peripheral centers

-

maipakita ang siklo ng kanilang partikular na produksyon ng kaalaman

-

makwenta ang pagpopondo sa pang-araw-araw na operasyon

-

mailatag ang etika ng pamamahagi, bukas at malayang teknolohiya

kahalagahan para sa disiplina ng pilipinolohiya, araling Pilipino at araling Filipinas. Sa mga nasasariling espasyo at intensyonal na komunidad matatagpuan sa pilipinas at sa labas nito

saklaw x limitasyon pili lamang ang mga info shop at studies center. Simula noong mayo 2014 ay nagsimula nang komunekta sa mga studies center ngunit walang tugon mula sa kanila ni isa, mas lubog ang mananaliksik sa mga info shop at may direktang akses sa alinman sa mga itong matatagpuan sa Japan, Indonesia, Singapore at Australia.

Pamamaraan Para sa mga umiiral na studies center sa cordillera, cavite, Cebuano, kapampangan at bikol, archival na pananaliksik ang kailangan sa pangungolekta ng datos.


Magsasagawa rin ng interbyu sa mga direktor ng pananaliksik at nagpoprodyus ng profile sa pamamagitan ng maiksing dokumentaryo. Pero hindi kagaya ng kumbensyonal na relasyon ng object ng pag-aaral, kolaboratib at mayroong paglubog sa larangan tungkol sa wika, kultura at midya nakabase sa UP baguio, DLSU Dasmarinas, Unibersidad ng San Carlos, at Holy Angel maging sa Ateneo de Naga.

Medyo maiiba ang lapit sa mga nagpapatakbo ng mga indo shop, pero partisipatib pa rin ang tunguhin. Parehong tnaong at balangkas ang gagamitin na maaaring patingkarin ng pakikipamuhay, direktang obserbasyon, paggawa ng mga programa sa radyo at pang-araw-araw na etnograpi ang isagagawa sa muntinlupa (onsite), pasig (etniko bandido), taguig (balay tuklasan likhaan), cavite (bahay anarkulay), bulacan (mutual aid not charity), naga (greenhouse project) at davao (organic minds at maharlika integral emergence).

Gayundin, mainam rin maipakita ang buong potensyal ng netnograpi at paghahagilap sa online archives ng Asian Anarchist Network at Autonomous Rhizomes Asia, ngunit sa isyu ng seguridad at pagtitiwala, kinakailangan gumamit ng pagrarandomisa at pag-aanomisa ng mga tao, lugar at pangyayari. Partikular sa ibang lugar sa Asya tulad ng Japan, Indonesia, Singapore at Australia. May direktang kontak rin sa Taiwan at sa ibang bahagi ng AAN at ARA para mabuo ang multi-platform na journal nila. Teoretikal/ konseptwal na balangkas Mga studies center sa pilipinas


wika

Cordillera kultura

Araling Filipino

Cavite

Pilipinolohiya

Kapampangan midya Bikol

Mga info shop sa kapuluan Non hierarchical Onsite

Wika

EB Antiauthoritarian

BTL

Consensus-based

MANC Bahay Anarkulay

Greenhouse

Kultura

Mutual-aid OM x MIE

ARA multi-platform journal

Japan (shiroto no ran)

ARA Singapore(engagemedia) translocal AAN Australia (imc oceania)


xenophilia

GANTT Chart Special term 2014-15, Written Comprehensive Exam May to July 2015 May – basa, suri, sulat June 13 – wika x kultura June 20 – midya x riserts June – July – archival research 1st term 2015-16, Internship September – ncr studies centers October – bikol, cebu info shop November – davao etal December – data interpretation, proposal writing 2nd term 2015-16 dissertation jan 2016 – revision x rewriting Feb 2016 – synthesis, final draft Mar 2016 – presentation, defense Apr 2016 – revision, submission Budgetary requirements MOOE, supplies Travel, local Personnel, RA x consultant Contingency Grand total

20k 20k 5k 5k 50k


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.