naratibong ulat

Page 1

Ulat sa Tertulyang Pampanitikan bilang pambungad ng MSC Sentro ng Wika at Kulturang (SWK) Marindukanon sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas Ayon sa Ebalwasyon at Pagtatasa ng Tanggapan ng Pananaliksik, Ekstensiyon at Pag-unlad (Office of the Vice President for Research, Extension and Development), sa pangkalahatan ay kasiya-siya (very satisfactory) ang isinagawang aktibidad ng SWK Marindukanon noong ika-6 ng Abril sa MSC Research Park. Ang Ebalwasyon at Pagtatasa ay halaw sa pananaw ng mga lumahok tungkol sa mga tagapagsalita (Speaker/ Resource Person), nilalaman (content), kagamitang pagkatuto (presentation methods), kaugnayan/ napapanahon (relevance/ timeliness), pinagdausan (physical facilities/ venue) at pagkain (foods and services). Nakakuha ng 4.61 o kasiya-siya (very satisfactory) sa kaalaman ng mga tagapagsalita at 4.34 na may parehong paglalarawan tungkol pagsagot nang angkop sa mga katanungan. Konsistent ang resulta sa 4.22 o kasiya-siya ang nilalaman komporme sa kaangkopan sa mga kalahok at akma sa mga layunin ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas ang isinagawang Palihan. Samantala, bahagyang bumaba sa 3.61 (satisfactory) ang kagamitang pagkatuto (presentation methods) marahil imbis na sa loob ng bulwagan ay sa labas idinaos ang palihan. Sapagkat sabay-sabay na mayroong mga aktibidad, kahit may paunang abiso ay nailipat sa MSC research park ang palihan imbis na sa MSC audiovisual na silid. Pinakamataas naman sa lahat kasunod ng kaalaman ng mga tagapagsalita ang kaugnayan/ napapanahon (relevance/ timeliness) sa 4.56 o kasiya-siya. Kahit sa MSC research park at mayroon namang LCD projector ay hindi ito nagamit, nakakuha pa rin ng kasiya-siyang pagtatasa ang pinagdausan (physical facilities/ venue) sa 4.17 para sa angkop, sapat at maayos; 4.22 para sa sapat na upuan at maaliwalas na paligid; at 4.12 sa liwanag, sapat at akmang kagamitan audio-visual.


Sa huli, kagaya ng ibang bahagi ng ebalwasyon. Kasiya-siya ang nakuha para sa pagkain (foods and services). Binigyan ng mga kalahok ng 4.24 para sa kalidad ng pagkainl4.34 para sa tamang oras ng paghahain; at 4.37 sa ugali ng mga naghain. Batay naman sa mga komento ng mga lumahok, naghahanap sila ng mas akmang pagdarausan. Marahil hindi pa sanay ang mga kalahok sa palihan na hindi lamang sa mga bulwagan o silid maaaring isagawa ang programa. Mayroon naman nagsabi na taon-taon dapat isagawa ang programa, kagaya ng isinagawang Pagdiriwang sa Buwan ng Pambansang Sining. Hango naman sa isang komento, lahat naman ay maayos, angkop ang tema sa lugar na pinagdausan at marami silang natutuhan. Bukod sa nilalaman, ang punto ng ilang kalahok ay ang pagdarausan. Ang orihinal na intensiyon ng Tertulyang Pampanitikan ng SWK Marindukanon ay magsagawa ng serye ng mga palihan para sa mga mag-aaral ng Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) at Sanaysay (Creative Non-Fiction). Ngunit dahil sa iskedyul ng mga nasa senior high school na kumuha ng CNF ay nataong kasabay ng kanilang immersion ay tumuon na lamang ang atensiyon sa mga nasa antas ng kolehiyo. Gayunpaman, hindi na binago ang programa, sa umaga ay dalawang kontemporaryong Marindukanon na manunulat ang inanyayahan para magbahagi ng kani-kanilang karanasan sa pagsulat at paglilimbag. Nagbahagi si Dindo Asuncion na siyang sumulat ng coffee table book tungkol sa lalawigan, Marinduque: Heart of the Philippines at si John Mark Valencia na isa sa mga batang manunulat na bumuo sa samahang pampanitikan sa kolehiyo, ang SLA Litera Club. Maliban sa input ng dalawa, inimbatahan maging bahagi ng palihan ang mga Marindukanong makata sina Rex Nepomuceno at Joseph Saguid; ang Marindukanong mandudula sina Bryan Viray at Marindukanong direktor na si Joseph Laban.


Nang hapon, nagpa-unlak ng panayam sina Isabel Palomares-Ball at Adrian Rosales. Mga Marindukanong mamahayag naman ang sumunod na tagapaglahad tungkol sa kani-kanilang adbokasiya sa lalawigan. Tagapagtatag at aktibong kalahok si Isabel Palomares-Ball sa Healthy Environment Legacy for Marinduque (HELM) samantala opisyal naman ng grupong Philippine Science Journalists Association (PSciJourn) si Adrian Rosales. Bukod sa pambungad na aktibidad noong ika-6 ng Abril sa MSC Research Park ay nagkaroon din ng mga kaugnay na gawain ang SWK Marindukanon kagaya ng pagbubukas ng A Pied x Contraste eksibit ni Aizel Lacdao sa Darckylocks Café sa Gasan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan. Gayundin, nagsagawa ng pagtatanghal ang MSC Theater Guild ng dula ni Severino Reyes na “Walang Sugat” sa MSC avr. Natapos ang pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan sa paglulunsad ng mga bidyo etnograpi ng mga mag-aaral ng Cross-Cultural Communication tungkol sa anim na bayan ng Marinduque. Nakapaglabas rin ng antolohiya ng malikhaing pagsulat, sanaysay, abstrak at pananaliksik ang mga mag-aaral na pinalaganap sa pamamagitan ng ng serye ng Kapihan sa PIA sa pakikipag-ugnayan sa Marinduque News Network at Philippine Information Agency – Marinduque.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.