ganda ng Sibol ng pagbabago
Nilalaman
3 4 8 10 12 15
Mensahe ni Congresswoman Estrellita B. Suansing
Aksyon Para sa Edukasyon, Tulong Dunong Para sa Kabataan Punla ng Edukasyon Para sa Susunod na Henerasyon Ganda ng Sibol ng Pagbabago
Novo Ecijanos Sagana sa Serbisyong Medikal
Umaarangkada ang Agrikultura sa Unang Distrito ng Nueva Ecija
18
Irigasyon sa Barangay Pantoc Muling Dumaloy Dahil kay Suansing
• Paano Sumibol ang Pagababago sa Iyong Buhay?
Sa unang mga buwan ni Cong. Ging Suansing, naitanim ang punla ng pagbabago at ngayon, makalipas ang unang kalahati ng kanyang termino, nagiging maganda ang pagsibol ng pagbabago para sa Unang Distrito ng Nueva Ecija.
ganda ng Sibol ng pagbabago
Mahalaga sa amin ang inyong mga kwento ng pagbabago. Sumulat kayo sa amin kung paano naging kaagapay sa pagbabago ang mga proyekto at programa ng opisina ni Cong. Ging Suansing. Ang Sibol ay lathalain ng tanggapan ni Congresswoman Estrellita “Ging” Suansing, G/F Plaza Carlota Building, Afan Salvador St., Barangay Sto. Cristo, Guimba, Nueva Ecija. Congress Office Address: 417 Southwing Building, House of Representatives, Constitution Hills, Quezon City. Email: staff.of.cong.suansing@gmail.com. Telepono: 931 5001 loc 7258, 931 5262 (Direct Line) Para sa inyong komento, sulat at suhestiyon, maaari kayong makipag-ugnayan sa ____ or email ___. Bumubuo ng patnugutan:
“Kayo ang aking naging kaagapay sa bawat hakbang na ating ginawa.�
Mahal kong ka Distrito at kapwa Novo Ecijanos, Atin na pong nasimulan ang ating hinangad na pagbabago. Sa aking unang taon ng panunungkulan bilang inyong lingkod sa Kongreso, atin pong binalangkas ang mga proyekto na tutugon sa dalawang bagay: Una ay ang mga agaran at pansamantalang solusyon sa mga madaliang pangangailangan ng ating mga kadistrito; At pangalawa, ang pangmatagalang mga tugon sa mas malawig na pangangailangan ng ating mga kabayan. Hindi po naging madali ang trabahong ating inilatag. Subalit dahil kayo ang aking naging kaagapay sa bawat hakbang na ating ginawa, naibsan ang hirap at napagaan ang trabaho. Ako po ay nagpapasalamat sa tiwala na inyong pinagkaloob sa akin. At akin pong hinihiling na higit sa suportang inyong ipinaparamdam sa akin, sana po ay inyong ipagdasal ang aking kalusugan, lakas ng pangangatawan at isipan upang aking mapagpatuloy ang ating nasimulan. Maraming Salamat.
Estrellita Ging Suansing Representative First Congressional District of Nueva Ecija
ganda ng Sibol ng pagbabago
Aksyon para sa edukasyon, tulong-dunong para sa kabataan
Pagkukumpuni at pagpapainam ng mga paaralan Tayo po ay nakipag-ugnayan sa DepEd upang maipagawa at maipaayos ang mga gusali at pasilidad sa ating mga paaralan, lalo na ang mga silid-aralan, at upang magkaroon ng malinis na tubig para sa mga palikuran. Sa ating tala, mula Hulyo ng nakaraang taon hanggang Hunyo nitong taon ay ating nadagdagan ang bilang ng mga silid-aralan. Ngayon ay mas maaliwalas nang gamitin ng ating mga mag-aaral ang mga nasabing silid-aralan dahil sa pagkakakumpuni sa mga ito sa mga ito.
ganda ng Sibol ng pagbabago
Sa bayan ng Zarragoza‌ 1. Pinalitan ang buong dalawang palapag ng Zarragoza National High School at ipinaayos ang labimpitong mga silid-aralan. 2. Ipinakumpuni ang mga gusali ng Batitang Elementary School, Carmen Elementary School at Carmen High School, San Isidro Elementary School at Sto. Rosario Old Elementary School. 3. Tinugunan rin pagpapagawa at pagpapaayos ng water and sanitation facilities sa mga sumusunod na paaralan ng Zarragoza: Sto. Rosario new Elementary School; Sta. Lucia Old Elementary School; Zarragoza Central School at Zarragoza National High School; Don Cirilo Acosta Elementary School at Zarragoza National High School Annex sa Macarse; at sa Mababang Paaralan ng Concepcion East at Concepcion West.
Sa bayan ng Guimba‌ 1. Maraming naidagdag na mga silid-aralan sa mga paaralan, partikular sa mga Mababang Paaralan ng Bacayao, Bagong Barrio, Bunol, Culong , Faigal, Naglabrahan, Sta. Veronica, Napandayan, Batug, Partida 1 at Manacsac, gayundin sa Galvan High School at Guimba West CS at kasama na rin ang papapaayos ng Maybubon Elementary School. 2. Ang water and sanitation facilities naman ng mga sumusunod na paaralan ng Guimba ay naisaayos na rin: Mababang Paaralan ng Caballero, Batug, Calem, Caming, Catimon, Cavite, Culong, Macamias, Manggang Marikit, San Miguel at San Bernardo, gayundin sa Pacac High School, Guimba National High School at Guimba East CS. ganda ng Sibol ng pagbabago
Sa Cuyapo naman… 1. Mayroon nang apat na bagong silid-aralan ang Simimbaan, Bibiclat at Curva Elementary Schools. 2. May mga bagong upuan naman ang mga mag-aaral ng Baloy, San Antonio at Latap Elementary Schools. 3. Naipaayos na din ang Ramon de Santos National High School at Bonifacio Elementary School.
Dumako tayo sa bayan ng Talavera, kung saan… 1. Nakapagpagawa tayo ng mga bagong silid-aralan: dalawa sa Sibul High School at apat naman sa Talavera National High School. 2. Ating ipinakumpuni ang mga gusali ng mga Mababang Paaralan ng Homestead I, La Torre, Talavera Central School, at San Miguel Sa Munti, gayundin ang gusali ng Talavera National High School. 3. Ipinaayos rin natin ang mga water and sanitation facilities sa mga Mababang Paaralan ng Bulac, Burnay, Lomboy at Sibul.
ganda ng Sibol ng pagbabago
Sa mga bayan ng Licab, Nampicuan at Quezon… 1. Nagpadagdag tayo ng tatlong panibagong silid-aralan sa San Alejandro Elementary School. 2. Sumailalim naman sa pag-aayos ang mga gusali ng Sta. Maria National High School, Ezekiel R. Lina High School, Nampicuan CS, at Pulong Bahay Elementary School. 3. Mayroon na ring positibong pagbabago sa water and sanitation facilities sa mga Elementary Schools ng San Miguel, San Andres II, Tomas Jones, Santa Maria, at Licab CS.
Hindi rin pahuhuli ang bayan ng Aliaga sa mga pagpapagawa ng mga imprastrukturang pang-edukasyon… 1. Nakapagpatayo tayo ng siyam na bagong classrooms para sa elementarya: apat sa San Emiliano, tatlo sa Santiago at dalawa sa Sto. Rosario. 2. Maraming mga paaralan ang ipinaayos, kabilang na ang mga Mababang Paaralan ng Bibiclat, Donya Elena Soriano, Bucot, La Purisima, Magsaysay, San Pablo, San Carlos, Sta. Monica, Sto. Tomas at Umangan. 3. Sa mga Mataas na Paaralan naman, kabilang sa mga naipaayos ang mga High Schools ng Umangan, Aliaga National, San Carlos, Donya Elena Soriano at Restituto Peria. 4. Naipagawa na rin ang mga water and sanitation facilities ng mga sumusunod na paaralan sa Aliaga: Doña Elena Soriano; Aliaga Central; Mababang Paaralan ng Pantoc; San Felipe; San Juan; Santiago; at Santo Tomas, gayundin ang VP Bunlag National High School at Aliaga National High School.
Sa Sto. Domingo naman… 1. May anim na mga bagong silid-aralan, tigalawa ang General Luna, Pulong Buli at Sta. Rita Elementary Schools. 2. Ang mga gusali ng Mababa at Mataas na Paaralan ng Sto. Rosario ay sumailalim sa pagsasaayos.. 3. Mayroon na ngayong maayos na water at sanitation facilities ang mga Mababang Paaralan ng Casulucan, Comitang, General Luna, Violago Gatdula at Villa Juan.
Water and sanitation facilities mahalaga sa mga paaralan
K
apansin-pansin na maliban sa pagpapagawa at pagpapaayos ng mga silid-aralan, gusali at mga upuan malawakan din ang ating paghahandog ng water and sanitation facilities sa mga paaralan. Ito po ay upang matiyak na may malinis na tubig na
magagamit ang ating mga estudyante at mga guro sa paaralan upang mapanatiling malinis ang mga palikuran at kapaligiran at nang gayon ay maiiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang mga sakit na nakakaperhuwisyo sa pag-aaral ng ating kabataan. ganda ng Sibol ng pagbabago
Punla ng edukasyon para sa susunod na henerasyon
P
ara sa ating mga kabataan, ang edukasyon at ang paghahanda sa atin paghahanap-buhay ang pinakamahalagang maibabahagi ni Cong. Ging Suansing. Sa ilalim ng ating Programang Tulong-Dunong, mayroon tayong 1,318 Commission on Higher Education (CHED) scholars mula sa iba’t ibang munisipalidad ng distrito, maliban pa sa 60 CHED Congressional scholars na ngayon ay kumukuha ng iba’t ibang kurso sa kolehiyo. Sa mga estudyanteng patapos na ng kolehiyo, atin silang tinulungan sa pamamagitang ng pagtanggap ng 104 Department of Labor and Employment (DOLE) government interns kung saan naranasan ng mga estudyanteng ito ang pagtatrabaho sa mga opisina ng pamahalaan. Aking dasal na ang karanasang ito ay maging magandang simula para makita nila ang potensyal ng kanilang mga kurso sa serbisyo publiko at sa mga ahensya ng gobyerno. Para naman iangat ang antas ng “specialized skills,” mayroong 125 Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) - Private Education Student Fund Assistance (PESFA) scholars at 242 TODA skills training beneficiaries. Masaya rin po ako na mayroong 22 mga guro mula sa ating distrito na nabigyan ng Department of Education (DepEd) ng “item positions” para magturo sa elementary at high school.
ganda ng Sibol ng pagbabago
Iskolar ng bayan ating tinulungan
A
ko po si Mari, 18 years old, kumukuha po ng Bachelor of Secondary Education sa Central Luzon State University. Sa tulong ng opisina ni Cong. Ging Suansing, isa po ako sa mga nakatanggap ng educational scholarship ng gubyerno. Ang aking ama ay isang magsasaka. Meron po kaming kalahating ektaryang bukid na kanyang sinasaka at tanging pinakukuhanan namin ng kabuhayan. High school graduate lang po ang tatay ko kung kayat wala naman ibang trabaho na puede nyang mapasukan. Ang aking ina naman ay nakikitanim upang may pandagdag kita at pantustos sa pamilya. Elementarya lamang po ang kanyang tinapos.
Apat po kaming magkakapatid. Ang dalawang mas nakatatanda sa akin ay parehong high school lamang ang natapos sa kakulangan ng pantustos sa pag aaral. Ako po ang pangatlo at pinalad na makatuntong sa kolehiyo. Napakalaking tulong po sa aking pag aaral ang scholarship na ito. Dati po tuwing enrollment, kung saan saan kami naghahanap ng mauutangan na patubuan. Ngayon po, di na kami kailangang mangutang, at yung tubo na dati ibinabayad namin, ngayon ay magagamit ko ng pambili ng mga ibang kailangan sa pag aaral. Dahil po sa scholarship, matutupad na ang pangarap kong makatapos ng kolehiyo. Kung sakali man, ako po ang pinakaunang magkakaroon ng college degree sa aming pamilya. ganda ng Sibol ng pagbabago
10 ganda ng Sibol ng pagbabago
ganda ng Sibol ng pagbabago 11
Novo Ecijanos sagana sa serbisyong medikal S
a pangkalahatan, sa ating mga isinagawang medical assistance at lingguhang People’s Day sa mga barangay, tayo ay nakapagbigay ayuda sa napakaraming mga kadistrito na nangangailangan ng tulong-medikal. Mula sa paghagilap ng mga donors para sa maintenance medicines, vitamins, at mga gamot sa mga pangkaraniwang karamdaman, sa pagbuo ng grupo ng mga volunteer na mga doktor, dentista at nars para sa ating medical mission, hanggang sa araw-araw na pagpapadala ng mga referral letters para maalalayan kayo sa pagdulog sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Charity Sweepstakes Offfice at mga ospital dito sa Nueva Ecija at mga espesyalistang pagamutan sa Maynila, kami sa ating opisina ay patuloy na nagsisikap upang sa kahit paanong paraan aymapagaan ang inyong pagpapagamot at ang ating mga pasyente ay mas mabilis na gumaling para sa kanilang sarili at pamilya. Ang medical at dental missions sa Guimba District Hospital ay nakapagbigay serbisyo sa 625 kataong nangangailangan ng atensyong medikal. Maliban pa dito ang ating mga bata at nakatatandang nabigyan ng tutok na atensyon sa dalawang araw na “Medical Mission for Senior Citizens and Children.� Ito po ay naisagawa bunga ng ating pakikipag-ugnayan sa DSWD nuong Oktubre ng nakaraang taon, isang buwan matapos manalasa ang Bagyong Santi sa ating probinsya. 12 ganda ng Sibol ng pagbabago
Handog Regalo para sa mga bata at nakatatanda
U
pang makapagbigay ng kaunting kaligayahan, tayo po ay naghandog ng munting mga regalo para sa mas masayang Pasko ng ating mga senior citizens sa Cuyapo at Nampicuan na talaga naman pong malapit sa aking puso. Sa ating mga nakatatanda, ang pag-alaga sa kanilang kalusugan at pagbibigay kasiyahan ang pinakamahalagang serbisyong ating maihahandog. ganda ng Sibol ng pagbabago 13
A
ko po si Lyn, 52 taong gulang, may-asawa, at may tatlong anak na nasa hustong gulang. Isa akong guro sa pampublikong paaralanng pang-elementarya sa Aliaga. Mayroon akong chronic kidney disease secondary to leukemia na nadiskubre noong 2008. Mula noon, sumasailalim ako dalawang beses sa isang linggo, buwanang iniksyon para sa, buwanang pagsasalin ng dugo at gumugol ng P60,000 kada buwan para sa mga gamot sa aking sakit sa puso. Bilang isang master teacher, kumikita ako ng P31,000 bawat buwan. Gayunpaman, kaliwa’t kanan ang aking utang na binabayaran mula sa king sweldo kaya’t ang naiuuwi ko na lamang ay P 6,000 sa isang buwan. Ang aking asawa ay nagtatrabaho sa bukid at halos ay hindi sumasapat kanyang kita para pangtustos
14 ganda ng Sibol ng pagbabago
sa aming pamilya. Dati kaming may kapirasong lupang kanyang pinagyayaman ngunit naibenta na ito pati an gang ilan pa naming ari-arian upang may magamit para sa aking pangangailangang medikal. Halos naibenta na naming lahat n gaming ari-arian ngunit baon pa din kami sa pagkakautang. Nang bisitahin ni Cong. Ging an gaming paaralan, lumapit ako sa kanya at inilahad ang aling suliranin. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata nang malaman ang aking kalagayan at tinulungan akong makakuha ng P 50,000 tulong medical mula sa pamahalaan. Maraming salamat CongW. Ging sa pagtulong sa akin. Tunay na malaking bagay ang hindi na problemahin pa kung saan kukuha ng gagastusin para sa aking lingguhang dialysis. Labis kaming nagigipit at maraming binabayaran at hindi na namin alam kung saan hihingi ng tulong dahil lahat at nalapitan na naming: mga kamag-anak, kaibigan at halos lahat ng aming mga kakilala.
Umaarangkada ang agrikultura sa Unang Distrito ng Nueva Ecija M
as maginhawa at mabilis na ang daloy ng ating mga produktong agrikultura mula sa bukid patungong palengke dahil sa mga farm-to-market roads (FMR) at mga kalye sa mga barangay ng Unang Distrito. Sa bayan ng Aliaga, nariyan ang FMR na nag-uugnay sa Macabucod, Bibiclat at Sto. Rosario. Naipapagawa din ang bahagi ng farmto-market road ng Umangan at ang pagpapatayo ng mga kinakailan-
gang imprastruktura mula Cabasta hanggang Macabucod. Bukod dito Naipaayos na rin ang bahagi ng embankment sa Sunson. Mahalaga rin po na sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay naipagawa na ang flood control facillty sa San Carlos. Bilang direktang tulong sa ating magbubukid ay naghandog tayo ng: tatlong units ng collapsible dryer cases sa Balikatan Irrigators’ Asso-
ciation; isang palay shed sa Aliaga Buklod Bisig Irrigators’ Association; at isang thresher para sa Irrigators Service Association. Sa bayan ng Cuyapo, tayo ay dumulog at tinugunan ng BUB ng Department of Agriculture (DA) sa pagpapaayos ng FMR mula San Antonio hanggang Rizal at nagawang kongkreto ang barangay road ng Ungab. Maliban dito, naisaayos na rin ang SWIP sa Baloy at bilang ayuda sa
ganda ng Sibol ng pagbabago 15
mga magsasaka, 85 farmers irrigators association ang nakatanggap ng isang mini four-wheel tractor at isang thresher. Sa Guimba naman, nagawa na rin mga FMR mula Bunol hanggang Sinulatan at San Andres. Kongkreto na din ang mga kalsada ng Narvacan 2 at San Bernardino. Sa Bunol at San Roque ay nagawa na ang irrigation canal samantalang Lenec ay nagsagawa ang DPWH ng road improvement. Biniyayaan din natin ng isang thresher ang mga farmer-members ng Guimba-Licab Irrigators’’ Association. Hind natin nakaligtaan mga daan sa Licab kung saan naipagawa na ang San Juan-Aquino FMR at nagawa nang kongkreto ang barangay road ng Poblacion Norte.
A
Sa Nampicuan at Quezon naman ay atin na ring naipaayos at naipasemento ang mga barangay roads ng Edy at San Alejandro. Nakapagpamahagi rin tayo ng mga binhi ng mais sa mga magsasaka ng Estacion. Sa Sto. Domingo at Talavera, nabuo na Sto. Rosario- General Luna FMR at sementado na rin ang Bulac-Tagaytay FMR, bukod sa pagpapayos ng barangay road ng Casulucan Este. Maraming pag-aayos rin ang isinagawa ng DA para sa mga NIS/CIS laterals sa Sto Rosario, San Fabian, Buasao, Bagong Sikat at Bakal 1. Malaking tulong din para sa mga magsasaka ang tatlong collapsible dryer case na ipinamahagi sa Macaliga Irrigators’ Association; ang pagpapagawa ng isang
ko po si Magno P. Ladia, 63 years old at Chairman ng Pinagbuklod Na Adhika Credit Cooperative. Ang amin pong kooperatiba ay may 30 miyembro sa kasalukuyan. Nakatanggap po kami ng isang thresher mula sa Department of Agriculture sa tulong ng opisina ni Cong. Ging. Wala pong kakayahang makabili ng thresher ang aming kooperatiba kung kayat tuwing anihan ang bawat isa sa amin ay nagre-renta ng thresher. Nagbabayad po kami ng pitong kaban ng palay sa bawat
16 ganda ng Sibol ng pagbabago
multi-purpose drying pavement para sa Mambarao Irrigators’ Association; at ang pamamahagi ng apat na knapsack sprayer sa Samahang Matatag Multipurpose Coop. Pagdako sa Zarragoza, naipagawa na ang Sto. Rosario Old FMR Del Pilar FMR, at naipakongkreto na din Batitang-Sta Barbara FMR. Naayos na rin ang nasirang embankment sa San Rafael, naipagawa ng ARISP sa Sto. Rosario Old at maging ang flood control system ay naisaayos na din. Namahagi rin ng isang multipurpose drying pavement sa Sta. Lucia Old Irrigators’ Service Association, isang thresher sa Pinagbuklod na Adhika Credit Cooperative at apat na collapsible dryers sa Lanay Sta. Cruz Irrigators’ Association.
100 kaban ng palay. Malaki -laki din po ang nawawala sa aming kikitain. Hindi lamang ang renta ang nagiging problema namin kundi pati scheduling ng paggigiik. Mayroong tinatawag na “taling-giik” na ang ibig sabihin, kung kanino ka nag renta ng thresher, di mo puedeng ipagiik sa iba. Kung kaya’t kadalasan matagal ang scheduling. Ngayong mayroon na kaming sariling thresher, wala nang “taling-giik”, mas mabilis na ang scheduling at ang renta ay mas mababa, liman kaban ng palay kada 100 kaban ng palay. Ito ay ayun sa aming napagkasunduan. Ang kikitaing renta ay gagamitin pambili ng lupa na tatayuan ng opisina ng aming kooperatiba.
ganda ng Sibol ng pagbabago 17
Mga larawan: Kym Muega
Irigasyon sa Barangay Pantoc, muling dumaloy dahil kay Suansing A
ng Pantoc Communal Irrigation Project na matatagpuan sa Brgy. Pantoc, Aliaga, Nueva Ecija ay itinayo noong 1989 bunsod ng kahilingan ng mga magsasakang bumubuo sa Pantoc Irrigators Association, Inc., na nabuo noong Marso 27, 1980. Nang maging ganap nang korporasyon ang pangkat, 598 kasaping magsasaka ang inaasahang makikinabang sa nasabing proyektong irigasyon. Layon ng Pantoc irrigation project na paglingkuran ang lupang may kabuuang 1,102.75 hektarya mula sa mga barangay ng Sto. Rosario, San Eustacio, La Purisima, Pantoc, Santa Monica, Magsaysay, Pob West IV, Pob Centro at Pob East 1. May kagaspangan ngunit napapakinabangan ang orihinal na itinatag noong 1989 kung saan ang pumapasok na tubig ay dumadaan sa niremedyuhang tubo. Masasabing marami itong depekto, dala na din ng kakulangan ng pondo. Bagama’t kulang at hindi perpekto, natugunan nito ang pangangailangan sa 18 ganda ng Sibol ng pagbabago
irigasyon ng mga magsasaka noong panahong iyon. Sa pagdaan ng panahon dahil sa mga depekto nito, hindi na napakinabangn ang nasabing proyektong irigasyon dala ng pagbabara ng mga kanal nito dahil sa buhanging naagnas sa mismong dingding na pumapaligid sa mga ito. Noong 1991-1992, isinagawa ang kauna-unahang proyektong rehabilitasyon para sa Pantoc Communal Irrigation. Muli, ang rehabilistasyong ito ay bunga ng pagsusumikap ng asosasyon na humiling kay dating Provincial Irrigation Engineer Vicente Flores; at si Engr. Bert Ramos naman ang naging Project Engineer noong mga panahong iyon. Nagsagawa ng diversion works at canalization upang muling mabuhay ang baradong irigasyon. Isang bagong kongkretong daanan ng tubig ang itinatag. Gayunpaman, ang pagbabara ay hindi ganap na narsesolba at sa tuwing umuulan, ay muling bumabalik ang nakababarang buhangin.
Upang malutas ang suliranin, nagpasa si Project Engr. Bert Ramos na magdagdag ng daanan ng tubig. Ang mga dagdag na daanan ng tubig ay mas mataaas ng 50 sentimetor sa dating daanan ng tubig na niremedyuhang tubo. Pinayuhan ni Ramos ang mga magsasaka na gamitin mga karagdagang daluyan ng tubig kapag tag-ulan. Kapag tag-araw, sinabi ni Ramos na gamitin pa din ang dating daan, ang niremedyuhang tubo. Malimit na hindi makaligtas sa pagngingitngit ng Inang Kalikakasan at madalas itong mapinsala kapag bumabagyo. Taun-taong dinadalaw ng bagyo ang bayan ng Aliaga at nasira ang kaliwang bahagi ng dam. Dala ng marubdob na pagnanais na maisalba at mapanatiling gumagan ang ang dam kahit salat sa pondo, nagkabit sina Engr Ramos at ang kanyang mga tauhan ng gabion wires sa paligid ng mga tipak upang hindi gumuho ang mga dingding ng dam. Mula 1992 to 2011, ilang pagtatangka na ang isinagawa ng Pantoc
Irrigators’ Association at Provincial Irrigation Engineer’s office upang makahingi ng pondo para ayusin ang dam. Lahat ng mga kahilingan ay nauwi sa kabiguan hanggang noong 2013, nang sa pamamagitan ng pagpupunyagi ni Kinatawan Ging Suansing sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Provincial Irrigation Engineer na ngayo’y pinamumunuan ni OIC Engr. Bert Ramos, P10 milyon ang ipinagkaloob para ayusing ang pangharang ng dam sa naaagnas na lupa o ang tinatawag na apron. Sa kasalukuyan may mga bahagi na ng dam na napapakinabangan ngunit hindi pa ito lubos na tapos kay’at kailangan pa din na mag-sand bagging ang mga magsasaka upang hindi mabarahan ang daluyan ng tubig. Muli ngayong 2014, para maipagpatuloy ang pagsasaayos ng irigasyon, P 12 million muli ang hiniling sa ng pagpupunyagi ni Suansing. Sa pagkakataong ito ay para ganap na maisara ang nalalabing hindi tapos na bahagi ng apron maging ang panggilid na dalisdis ng dike upang maiwasan ang pagkasira nito. Layon ng rehabilitasyon na gawing matatag ang mga dingding ng dam upang manatili itong matibay at napapakinabangan sa loob ng mahabang panahon upang maiwasan na ang nakapapagod na pagsasako at pagsasalansan ng buhangin. Itutuloy ang pagkongkreto sa Nobyembre o disyember ng taong kasalukuyan ayon kay Engr. Bert Ramos. (Paalala: Noong Setyember 19-20, 2014, pininsala ni bagyong Mario ang gilid na dingding ng dam na nagreuslta sa ilang pagkabitak na kinailangang maayos sa lalong madaling panahon. Ipinaalam sa Provincial Irrigation Engineer Office at kay Kinatawan Ging Suansing ang nasabing pinsala at kasalukuayan nilang pinaplano kung paano kukumpunihin ang pagkasira.) Inihanda ni Elsa Gines sa ilalim ng paggabay mula sa Office of the Provincial Irrigation Engineer OIC Engr. Bert Ramos.
ganda ng Sibol ng pagbabago 19
follow @RepGingSuansing on twitter
20 ganda ng Sibol ng pagbabago