Cruiser8

Page 1

8

The CRUISER

Filipino Corner

June 2011 - May 2012

FILIPINO KA BA? ni Kimberlite Divine Poyatos

Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika? Ginagamit mo ba ito at ipinagmamalaki? Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos at desisyon nito. Sa paaralan, natutunan natin ang kahalagahan sa paggamit ng wika. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang bawat tao. Iba’t ibang wika sa bawat lugar, komunidad at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa. Sumisimbolo ang wikang Filipino sa kulltura ng isang bansa, sa kung sino, ano at meron sila. Kung mahalaga ang ating wikang pambansa,bakit karamihan sa mga Pilipino ay hindi nagsasalita ng Wikang Filipino? Bakit ikinahihiya nila ang paggamit nito. Sabi ng marami na wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa wikang Filipino, dahil ang pangunahing lenggwahe na ginagamit ng mas nakararami ng wikang Ingles kahit saan man sila magpunta sa mundo. Dapat ding isipin na kung wala ang sarili nating wika ay wala tayong maitatawag na “identity”. Kailangan ba talagang ikumpara ang bilang ng gumagamit ng wika natin sa dami ng mga Filipinong gumagamit nito? Paano na kaya ang abilidad ng bawat tao na matuto ng maigi sa kahit anong wika. Ngunit kung tutuusin, ang mundo ngayon ng kabataang Filipino ay tila higit na nadadala na sa mga uso na hindi galing sa ating bansa. Mayroon tayong mga tinatawag na Koreanovela o kaya yung mga drama galing sa mga aktor o aktres na ang tanging lenggwahe lamang na ginagamit ay Ingles. Sumasaludo rin dapat tayo sa mga taong isinasalin sa wikang Filipino ang mga pambayagang mga palabas sa telebisyon at sinehan. Alam kong mahirap rin magsalin ng isang lenggwahe sa kahit anong wika, lalo na kapag dapat iisipin nyo rin kung sino ang kausap or pinapalabasan ng mga ito. Alam ko na mahirap rin minsan, dahil kitang - kita sa mundo ngayon na maraming kabataan ang “dumudugo ang ilong” (nosebleed) kung masyadong napatagalan ang pag-aaral ng Filipino. Pero huwag na man sana nating kalimutan na ginagawa natin ito upang hindi tuluyang mamatay na lamang ang pinaghirapan ng mga ninuno natin. Oo, matagal nang panahon iyon nang ipinagtanggol nila ang ating bansa mula sa mga mananakop, pero mayroon din silang naihatid na aral para sa hinaharap ng bansa natin. Kasali na sa mga aral na ito ang pagmamalaki sa sarili nating wika. Tulad ng ibang mga bansa, isinisigurado rin nilang mayroon pang matitirang aral para sa kanilang mga kabataan tungkol sa paggamit ng sarili nilang wika. Ipinapakita dapat ng lahat na hindi ito kailangang ikahiya dahil ito ang nagbibigay direksyon sa pagkilala natin sa ating bansa. Sa tingin mo ba kilala mo na talaga ang Pilipinas mula lamang sa mga ipinapakita nitong mga ads sa telebisyon ng Department of Tourism? Nasa mga tao rin yan na mula sa Pilipinas. Nasa ating mga gawi. Ipagpatuloy natin ang pag-aaral at pagtuturo ng wikang Filipino. Kung wala ito, talagang Filipino ka ba?

First Place Winner Division Schools Press Conference 2012 Pagsulat ng Lathalain - Elementary Surigao City Division

Surigao City = Nickel city ni Roem Mizah Elizaga

Masaya, maganda, malaki ang siyudad ng Surigao City. Ang mga taong naninirahan dito ay masayahin, masisipagat mapagmahal. Subalit ano nga ba ang matatagpuan natin sa Surigao City? Yan ang isang malaking katanungan. Kaya mo bang sagutin? Bukod sa mga magagandang tanawin na makikita natin sa syudad na ito, maraming pwedeng pasyalan dito at maayos na hotel. Lahat na ata ng gusto mong makita ay nandito na. Pero ang sigurado akong magugustuhan mo dito ay ang matatagpuang yamang mineral. Ang higit mong ikatutuwa ay ang matutuklasan mong nickel. Maraming pwedeng paggamitan ang nickel. Ang mga makikita mong bagay sa mundong ito ay halos gawa sa nickel. Kaya importante ang nickel sa mundong ito.

Isa sa mga magagandang tanawin na makikita sa siyudad ng Surigao na matatagpuan sa Brgy. Mabua.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.