MANDARAGIT
BOSES NG KABATAAN, SUMISIYASAT NG KATOTOHANAN
TOMO 1, BLG. 1
HULYO 2024 - SETYEMBRE 2024
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG-KAMPUS NG STEM 12 - NEBRES
Grade 12 Lagronians, sumabak sa entrance exam ng UPCAT
Nakiisa sa pagbubukas ng pagsusulit sa kabila nang malakas na buhos ng ulan ang mga estudyante sa ika-12 na baitang ng Lagro High School (LHS) na naghahangad na makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) nitong Agosto 10 at 11, na ginanap sa iba’t ibang testing center ng UP.
Mga Estudyante ng LHS kinilala sa International Film Scene; Kampeon sa Lokal na Patimpalak ng HASIKAN Club
Ang bidyo ni Nicole Borromeo, isang estudyante mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) 11 - Aguinaldo ng Lagro High School (LHS), ay napiling finalist sa New Jersey Film Awards sa Estados Unidos. Ang bidyo ay lumahok sa isang minutong bidyo contest na inorganisa ng Haligi ng Sining Kanlungan (HASIKAN) Club na may temang ‘Kalikasan, Pangalagaan’.
Bistro Lagro: Tapang ng Kape’t Linamnam ng Tinapay, Lagronians Sumabaybay!
3
sa Bayan o Para sa Pangalan
LHS: 46 TAON NANG TAGUMPAY, MAUNLAD, AT NAGKAKAISA
uling umarangkada ang kasiglahan sa Lagro High School (LHS) sa pagdiriwang ng ika-46 na anibersaryo nito sa temang “Celebrating 46 Years of Excellence: Reminiscing the Past, Embracing the Future,” noong Agosto 30. Ang makulay na selebrasyon, na isinagawa mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa covered court ng eskwelahan, na pinuno ng kasiyahan at makabuluhang aktibidad.
Sinimulan ang selebrasyon sa isang masiglang parada, kung saan ang Drum and Lyre Corps at mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang at strand ay naglakbay sa paligid ng eskwelahan na may kani-kanilang yell, kasunod na binati ni G. Alith F. Masubay, Head Teacher IV ng MAPEH, ang lahat sa kanyang pambungad na pananalita, habang ibinigay naman ni Gng. Zaida M. Padullo, Principal IV, ang pampasiglang mensahe para sa lahat ng dumalo.
Mula sa mga mag-aaral ng Baitang 7 hanggang 10 ng Special Program in the Arts at LHS Taekwondo Club, naghatid sila ng isang pagtatanghal na puno ng talento, na tila ginagaya ang estilo ng BINI at SB19 sa kanilang pagsayaw at pagkanta, matapos
ko Lamang sa Buhay ay...
ni REINA MAE NAVARRETE
ay ang torch lighting at pagbigkas ng Oath of Sportsmanship ay pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa Baitang 12 na sina Kaye Laurice L. Mustaza at John Cedrick Batac.
Nagkaroon din ng palaro sa basketball kung saan ang koponan ng LHS Teachers ay nagtagumpay laban sa Non-Teaching at LHS Varsity Alumni, kung saan sa volleyball naman, nagharap ang LHS Faculty Team A at Team B sa isang mainit na laban, at ang Bench Cheering Competition, ibinandera ng mga Lagronian mula sa Junior High School at Senior High School ang kanilang makukulay na kasuotan at mga galaw.
Ipinarinig ni Jamaica Suganob ang kanyang tuwa at pagmamalaki
sa kaklaseng tumindig sa Mr. at Ms. Intramurals 2024, at nanalo bilang first runner-up, “Grabi nga yun, sobrang nakaka proud tas kasama pa namin sa room araw-araw”, sambit ng mag-aaral ng malaman ito sa pagtitipon.
Huwag palampasin ang kadugtungang pagdaraos ng Sportsfest mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, kung saan magkakaroon ng Food Expo mula sa mga estudyante ng Senior High School, pati na rin mga larong pampalakasan na magdadala ng higit pang saya sa LHS, ang pagdiriwang ng ika-46 na anibersaryo ng LHS ay tiyak na nagsisilbing alaala ng pagkakaisa, kasiyahan, at tagumpay para sa buong pamayanang Lagronian.
M Ligtas at Malinis: Bagong Hakbang sa Lagro High
aayos na idinaos ang pagpupulong ng mga magulang kasama ang mga guro na ginanap sa Lagro High School, Setyembre 9, 2024, kung saan tinalakay ang mga bagong programa at proyekto na magtataguyod ng kalinisan at kaligtasan sa paaralan, nagsimula ang pagpupulong ng mga pang-umaga ng gawing 10 ng umaga at ika-1 naman ng hapon para sa mga pang-hapon ang klase.
Kabilang sa mga pangunahing plano ang paglalagay ng net sa mga bintana ng bawat silid-aralan, na naglalayong maiwasan ang pagpasok ng mga lamok na kilalang nagdadala ng mga sakit tulad ng dengue at iba pang nakakahawang karamdaman.
Bukod sa mga hakbang na ito para sa kalusugan, itinaas din sa pagpupulong ang pangangailangan
para sa mas mahigpit na regulasyon sa pagtatapon ng basura, upang matiyak ang kalinisan at kaayusan sa paligid ng mga silid-aralan at sa buong kampus. Ang halalan para sa mga presidente ng bawat seksyon ay nagbigay daan sa mabilis na pagtanggap ng kanilang mga tungkulin, at agad silang nagtungo sa Audio Visual Room (AVR) upang
pag-usapan at planuhin ang mga detalye ng pagpapatupad ng mga nasabing proyekto. Ang mga hakbang na inilatag ay nagbigay ng bagong pag-asa para sa isang mas maayos at ligtas na kapaligiran sa Lagro High School, na inaasahang magiging pundasyon para sa isang matagumpay at masiglang taon para sa lahat ng miyembro ng paaralan.
balita
Estudyante ng LHS kinilala sa International Film Scene; Kampeon sa Lokal na Patimpalak ng HASIKAN Club
ni ALTHEA LOUISE ANTOGOP
Ang bidyo ni Nicole Borromeo, isang estudyante mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) 11 - Aguinaldo ng Lagro High School (LHS), ay napiling finalist sa New Jersey Film Awards sa Estados Unidos. Ang bidyo ay lumahok sa isang minutong bidyo contest na inorganisa ng Haligi ng Sining Kanlungan (HASIKAN) Club na may temang ‘Kalikasan, Pangalagaan’.
Ang likhang ito ni Borromeo, na pinamagatang "Global Warming: Impact to the Earth," ay itinanghal na kampeon sa nasabing paligsahan. Pumangalawa naman ang bidyo ni Ivan Agaloos na pinamagatang "Minutiae," kung saan tampok si Xinitchi De Luna Matias mula sa Information and Communications Technology (ICT) 12Babbage.
Noong Agosto 29, sa
kinilala at ginawaran ng sertipiko at medalya ang mga nagwaging student filmmakers ng LHS. Layunin ng naturang patimpalak na pukawin ang kamalayan ng mga tao tungkol sa mga isyung pangkalikasan, hikayatin ang mga manonood na gumawa ng aksyon upang makatulong sa kalikasan, at magbigay ng mahalagang mensahe sa loob lamang ng isang minuto.
Jumawan, nagtatag at tagapayo ng HASIKAN Club, hinangaan niya ang talento at kakayahan ng mga filmmaker mula sa LHS sa kanilang mahusay na pagpapahayag ng mensahe sa pamamagitan ng bidyo. "Talagang kahanga-hanga ang kanilang kakayahan sa paggawa ng mga naratibong bidyo. Malikhain sila sa kanilang mga obra, at may malaking potensyal sila na maging matagumpay na
Talino at Husay ng Mga Ika-11 Baitang, Bumida sa Tagis-Talino
Nagningning ang talino at husay ng mga mag-aaral mula sa ika-11 baitang ng Lagro High School (LHS) sa ginanap na patimpalak na "Kislap-Dagitab: Tagis-Talino" bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ang patimpalak ay isinagawa noong Agosto 22, 2024 sa silid-aklatan ng paaralan. Dinaluhan ito ng mga estudyante mula sa iba't ibang strands ng paaralan. ni REINA MAE NAVARRETE
Itinanghal na kampeon si Aerof Ali C. Amante mula sa 11 STEM - Fermi matapos magtala ng 31 puntos. Pumangalawa si Paul Isaac Gabriel Mananquil ng 11 ABM - Araullo na may 28 puntos. Sumunod naman si Jheremie Andojar ng 11 STEMLamarck na nakakuha ng 26 puntos.
Ang Tagis-Talino ay nilahukan ng 20 mag-aaral mula sa iba't ibang strands. Sakop ng mga tanong ang mga aralin mula Filipino 10 hanggang 11, kabilang ang mga klasikong pampanitikan at Baybayin. Ang bawat antas ng tanungan ay may iba't ibang lebel ng kahirapan at puntos.
Ayon kay Amante, mas lalo siyang naging interesado sa Filipino dahil sa karanasang ito. Marami raw siyang nalaman na bago para sa kanya. Sa pamamagitan ng Tagis-Talino, natutunan niya ang mga bagay na hindi pa niya alam noon.
Nagtapos ang programa sa paggawad ng sertipiko at pagkilala sa mga nagwagi. Pinangunahan ito ni G. Geraldo Jumawan, Dalubguro II, kasama ang mga guro na nag-organisa ng patimpalak. Ang Tagis-Talino ay isang patunay na buhay na buhay ang wika at kultura sa Lagro High School.
Panibagong Yugto sa Sipnayan: LHS Mathematics Club, at DAMATH Club ay muling Naghirang ng mga Panibagong Pinuno ni EFRAIM JOHN CIALBO
Grade 12 Lagronians, sumabak
sa entrance exam ng UPCAT
ni RYAN JAKE MATIONG
Nakiisa sa pagbubukas ng pagsusulit sa kabila nang malakas na buhos ng ulan ang mga estudyante sa ika-12 na baitang ng Lagro High School (LHS) na naghahangad na makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) nitong Agosto 10 at 11, na ginanap sa iba’t ibang testing center ng UP.
Nakilala ang UP bilang unibersidad na mayroong mataas na kalidad ng edukasyon na matatamasa nang libre kung kaya marami ang nangangarap na makapasok dito.
Isinasagawa ang University of the Philippines College Admission Test o UPCAT
upang masubok ang kakayahan ng mga mag-aaral sa mga aralin tulad ng Language Proficiency (Filipino at Ingles), Agham, Matematika, at Reading Comprehension (Filipino at Ingles), na umaabot ng limang oras. Nagsimula ang unang pangkat ng mga magsusulit ng ika-anim ng umaga, habang alasdose naman ng hapon ang mga pangalawang pangkat na mayroong mahigit 115 na test centers sa buong bansa.
Samantala, ilalabas ang resulta ng nasabing UPCAT sa susunod na taon dahil dumadaan pa sa ngayon sa mga proseso ang bawat aplikanteng nag-aplay rito.
Ang pulong ay sinimulan sa panimulang pananalita ni Gng. Rochelle Shouman at dinaluhan ng tagapayo ng Mathematics Club na si G. Ralph Refani, tagapayo ng DAMATH Club, G. Jorge Antonio at Gng. Nelly Estember, at katuwang ng Mathematics Department, ang naturang eleksyon ay naging susi upang maghalal ng mga panibagong mamumuno sa nasabing mga club.
“Marami tayong gagawing activities this year, kaya naman kailangan natin ng manpower! Hindi lang ‘yung mga ma-eelect na officers ngayon ang kikilos kundi pati rin kayong lahat na mga math officers ng bawat grade level. Magtutulungan tayo lalo na sa darating na intrams this month at mathematics month sa January,” Ayon kay Gng. Shouman.
Matapos mailahad ang naturang pambungad na pananalita, sinimulan ang nominasyon para sa posisyon ng pagka presidente at unang nanomina rito si Christine Garganta na sinundan ni Mark Gregorio, at nagresulta ng pagkapanalo ni Garganta sa posisyon, naging katuwang ni Garganta si Gng. Shouman sa paghalal ng iba pang mga sumunod na mamumuno.
Samantala, ang DAMATH Club ay nagkaroon rin ng eleksyon sa pagkakaroon ng pinuno sa pamamagitan ng gabay ni G. Refani, naihalal bilang pagka presidente si John Saimon Novenario kasama ng gabinete nito, sa kabilang banda nagpahayag ng pasasalamat si Gng. Shouman sa masigasig na pakikilahok ng iba’t ibang antas at baitang ng JHS para sa matagumpay na eleksyon.
Dagdag pa rito, umaasa ang iba’t ibang departamento at club ng sipnayan na magagampanan ang reponsibilidad ng mga naihalal na pinuno sa magkabilang club at matiyak ang pagkakaroon ng aktibo at masaganang taon na puno ng iba’t ibang aktibidad na magbibigay saya sa mga mag-aaral ng JHS.
Bistro Lagro: Tapang ng Kape’t Linamnam ng Tinapay, Lagronians Sumabaybay!
ni SHAWN KARL MAGLAYA
Magandang balita para sa lahat ng estudyante at guro ng Lagro High School—binuksan na ngayong Setyembre ang Lagro Bistro, isang bagong bistro na pag-aari ng buong paaralan na papangunahan ng mga estudyante, na magbibigay ng masasarap na mga tinapay, pastelerya, at kape sa lahat ng miyembro ng paaralan.
Magandang balita para sa lahat ng estudyante at guro ng Lagro High School— binuksan na ngayong Setyembre ang Lagro Bistro, isang bagong bistro na pag-aari ng buong paaralan na papangunahan ng mga estudyante, na magbibigay ng masasarap na mga tinapay, pastelerya, at kape sa lahat ng miyembro ng paaralan.
Ang bistro ay matatagpuan sa Castelo Building, kung saan makakahanap ang mga estudyante at guro ng lugar na pwedeng pahingahan at kainan, mayroon ring al fresco seats para sa mga gustong
HASIKAN:
mag-nilay o tumambay sa labas habang kumakain ng mga produkto dito.
Ang Lagro Bistro ay mag-aalok ng mas abot-kayang presyo na mga tinda kumpara sa mga karaniwang kapehan sa malls na sinisiguro na magiging angkop para sa lahat ng estudyante, kaya’t hindi mo na kailangang mag-alala sa mataas na gastos.
Ang proyekto ay tatakbo sa pangmatagalan, at ang pangunahing layunin nito ay mapanatili ang pagiging abot-kaya at na alinsunod upang mas maging kapaki-pakinabang sa lahat
Pinangunahan ang programang Online Filmmaking
Workshop ni RYAN JAKE MATIONG
Matagumpay na isinagawa ang programang Online Filmmaking Workshop na inihanda nang Haligi ng Sining Kanlungan (HASIKAN) Club na pinamagatang “Pagsipat sa Likod ng Lente: Isang Birtuwal na Palihan sa Paggawa ng Pelikula”, na ginanap nitong ikalawa ng Setyembre sa Google Meet.
Ang programa ay sinimulan sa pambungad na pananalita ni Charlene Joyce Manalo, Pangulo ng Hasikan, sinundan ito ng mensahe mula sa Assistant Principal II na si Gng. Jennifer Tan.
Sinimulan ni G. Jumawan ang pagtalakay sa iba’t ibang elemento ng isang pelikula at pagpapanuod ng mga pelikula na ginawa ng mga estudyante sa ilalim ng
kanyang patnubay, ang programa ay nagtapos sa pananalita ni Gng. Mary Grace Dela Cruz, Puno ng Kagawaran sa Filipino.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng mahigit kumulang 60 na mag-aaral at ilang guro, kasama rin ang ibang mga kasapi ng theater club mula sa iba’t ibang paaralan.
Nagagalak si G. Jumawan at nagpapasalamat sa mga gurong kaniyang naging kasama at sa magulang ng mga mag-aaral na nagbigay pahintulot upang matuto ang mga ito.
ng Lagronians, na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng bawat isa.
Ang mga estudyante mula sa TVL - ICT ang magpapalakad ng digital na aspeto ng bistro, habang ang TVL - Home Economics at TVL - Bread and Pastries ang magiging responsable sa pagluluto, at ang ABM strand naman ang hahawak sa accounting, kaya’t makakaasa tayong magiging maayos ang operasyon ng bistro.
Ang Bagyong Enteng ay nagdala ng matinding pag-ulan sa maraming bahagi ng Pilipinas. Ang lakas ng bagyo ay nagdulot ng pagbaha sa ibang lugar sa Quezon city.
Isa sa mga apektadong institusyon ay ang Lagro High School, na napilitang ipagpaliban ang kanilang taunang intrams dahil sa sunod-sunod na suspensyon ng klase.
Ang pagkakansela ng intrams ay nagdulot ng pagkabigo sa mga estudyante, lalo na sa mga nagsasanay ng husto para sa mga paligsahan sa
intrams.
Gayunpaman, hindi nawalan ng pag-asa ang mga mag-aaral at ang administrasyon ng paaralan. Sa halip na tuluyang kanselahin, inilipat ang intrams sa September, 25, 2024, pagkatapos ng unang pagsusulit ng mga mag-aaral.
Sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Enteng, isa sa mga naapektuhan ay si Jericho Miguel Gaco, estudyante ng rade 11 HUMSS ng Lagro High School. Dahil sa malakas na ulan, binaha ang kanilang tahanan, na nagtulak sa kanila na lumikas ng pansamantala.
Borromeo, wagi sa New Jersey Film Awards para sa “Global Warming“ ni ALTHEA LOUISE ANTOGOP
Itinanghal si Nicole Borromeo, isang filmmaker mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) 11 - Aguinaldo ng Lagro High School (LHS), bilang “Best High School Short” sa kanyang bidyong “Global Warming: Impact to the Earth” na ipinarangal ng New Jersey Film Awards monthly short competition, ginanap noong Setyembre 3, alas-8 ng gabi, sa YouTube
Itinanghal si Nicole Borromeo, isang filmmaker mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) 11 - Aguinaldo ng Lagro High School (LHS), bilang “Best High School Short” sa kanyang bidyong “Global Warming: Impact to the Earth” na ipinarangal ng New Jersey Film Awards monthly short competition, ginanap noong Setyembre 3, alas-8 ng gabi, sa YouTube Ang bidyo, na tumatagal ng isang minuto, ay naglalayong itaas ang kamalayan sa papel ng kabataan sa pagtulong sa kalikasan at pagbabago para sa mas magandang kinabukasan.
Si Borromeo ay miyembro ng Sining Bahandi Youth Filmmakers, isang grupo sa ilalim ng Haligi ng Sining Kanlungan (HASIKAN) Club na pinamumunuan ni G. Geraldo Jumawan.
"Parang exam na hindi mo alam kung kelan matatapos," pagbabahagi ni Jericho tungkol sa karanasan nila sa bagyo. "Pero at least walang pasok, pero hassle din kasi baha." Sa kabila ng mga pagsubok, nanatili pa rin ang pagiging positibo niya. "Kahit gaano kalakas ang bagyo, palaging may liwanag pagkatapos," dagdag niya.
Ang karanasan na ito ni Jericho ay isang paalala na kahit sa gitna ng mga pagsubok, mahalaga na manatili tayong matatag at positibo.
opinyon
Para sa Bayan o Para sa Pangalan?
Ang mensahe ng aklat ng “Isang Kaibigan” na pumapatungkol sa pagkakaibigan at suporta sa oras ng pangangailangan ay isang mahalagang aral para sa mga bata. Layunin nitong itaguyod ang empatiya at katatagan—mga katangiang mahalaga sa lipunan ngayon. Ang inisyatibong ipamahagi ang mga aklat kasama ng mga school supplies sa mga mag-aaral sa malalayong lugar ay kapuri-puri at umaayon sa mas malawak na layunin ng edukasyon.
Gayunpaman, ang pagsasama ng pangalan ni Duterte at kanyang mga kredensyal sa aklat ay nagdudulot ng mga tanong tungkol sa pagiging angkop ng paggamit ng pondo ng bayan para sa maaaring ituring na sariling promosyon. Ang pagtatanong ni Hontiveros tungkol sa nilalaman ng aklat ay wasto, dahil ito ay naglalayong magbigay ng aninaw kung paano ginagamit ang pera ng bayan. Ang tugon ni Duterte, na nag-pupunto sa tanong bilang politisasyon, ay tila umiwas mula sa pagtalakay sa mga alalahanin tungkol sa posibleng salungatan ng interes.
Kasunod nito, habang mahalaga ang pagsusulong ng literasiya at pagbibigay ng mga mapagkukunan
sa mga bata, mahalagang manatiling malaya ang mga inisyatibong ito mula sa mga motibo ng pampulitika. Dapat nakatuon ang pansin sa edukasyonal na halaga ng aklat kaysa sa personal na branding ng may-akda nito. Sa halip na ilaan ang P10 milyon para sa isang aklat na nakatuon sa pagkakaibigan, mas makabuluhang gamitin ang pondo sa mga proyektong makikinabang ang mas marami pang kababayan. Maraming mga komunidad ang nangangailangan ng suporta sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, kalusugan, at edukasyon. Kung ang sampung milyon na ito ay ilalaan sa mga institusyon ng pag-aaral, maaari itong makalutas ng mga problemang kinakaharap ng maraming pampublikong paaralan sa bansa. Halimbawa, ang pondo ay maaaring gamitin upang mapunan ang kakulangan ng mga pasilidad tulad ng mga silid-aralan, upuan, at mga aklat na kinakailangan ng mga mag-aaral sa kanilang pang-araw-araw na pagkatuto. Bukod dito, marami ring mga paaralan ang nagkukulang sa mga pangunahing kagamitan tulad ng mga computer at iba
pang teknolohiyang pangedukasyon na mahalaga sa modernong paraan ng pagtuturo, pati na rin ang pagbibigay ng angkop na sweldo sa mga guro at iba pang tauhan sa paaralan.
Mahalaga ring isaalangalang ang pagrasyon ng pondo para sa pagpapabuti ng teknolohikal na kagamitan sa mga paaralan. Sa panahon ng digital age, ang kakulangan ng mga kagamitan sa teknolohikal tulad ng computer, internet, at mga digital learning tools ay nagiging hadlang sa mas epektibong pagkatuto ng mga estudyante. Ang pagbili ng mga elektronika, pag-aayos ng internet connectivity, at paglikha ng mga digital na modyul ay magbibigay-daan sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa mga makabagong paraan ng edukasyon. Sa ganitong paraan, ang mga mag-aaral ay magiging mas handa sa mga hamon ng makabagong mundo.
Nakakatakbo rin sa isip ang planong paggastos ng P10 milyon ni Vice President Sara Duterte para sa mga libro, pagkat sayang lamang ito sa pondo ng bayan. Habang totoo na ang mga libro ay makatutulong sa pag-aaral ng mga bata, sa panahon ngayon, mas
madalas na gumagamit ng mga gadgets ang mga bata para sa pagbabasa. May mga bata na mas marunong mag-Ingles kaysa magTagalog, kaya ang mga libro ay maaaring hindi gaanong kapaki-pakinabang para sa kanila.
Sa halip na gastusin ang P10 milyon sa mga libro, mas makabubuti kung gagamitin ito para sa pagpapaunlad ng imprastraktura. Ang mga kalsada, at tulay ay mahalaga sa pang-arawaraw na pamumuhay ng mga tao. Ang pagpapabuti ng mga ito ay makakatulong sa pagpapabilis ng transportasyon, pagbawas ng trapiko, at pagpapabuti ng kaligtasan ng mga Pilipino.
Ang pagtuon sa mga ganitong uri ng materyal ay mas makabubuti sa mga estudyante at magbibigay ng higit na halaga sa kanilang edukasyon. Sa halip na isang aklat na maaaring ituring na may limitadong kontribusyon, mas mainam na ang pondo ay mapunta sa mga proyekto na talagang makikinabang sa mas maraming tao at magsusulong ng mas malawak na kaalaman at kasanayan. Sa ganitong paraan, mas magiging makabuluhan ang paggamit ng pondo ng bayan at mas mapapalakas ang kakayahan
“Ang libro ay para sa masa, ang karangalan ay para sa mamamayan at hindi para sa taong hangad lang ay kayamanan”
H
indi maipagkakaila
ang sapat na pangangailangan nila, ngunit bakit nga ba tila nakikisiksik pa sila? Bakit pa sila nakikiagaw sa libreng edukasyon na mas kinakailangan ng tulad ko na nasa laylayan? Sa pamantasang mataas ko ng tinatamasa. Tinitingala mula pagkabata.
Ang “Universal Access to Quality Tertiary Education Act” o Batas Republika No. 10931 ay nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ikatatlo ng Agosto, 2017, sa simpleng salita, ito ay ang pagbibigay ng libreng edukasyon sa mataas na edukasyon sa mga state at lokal na university at kolehiyo
Isa itong malaking tulong, lalo na sa mga tulad ko na kapos at walang malaking pinansyal sa pag-aaral. Lahat ng kabataan ay may karapatan na magkaroon ng maayos na edukasyon ng libre, ngunit kung ikaw naman ay nasa maayos na estado ng buhay at may pribilehiyong
Marangyang nakikibaka o nakiki-baka?
mag aral sa pribadong paaralan na nagbibigay din naman ng dekalidad na edukasyon. Bakit kailangan mo pang makipag agawan sa puwang ng mga libreng unibersidad at tanggalan ng karapatan ang mga estudyanteng nasa laylayan ng buhay na gusto ring makapagtapos.
Nitong mga nakaraang buwan, umingay at nag init ang argumento ng mga tao sa social media tungkol sa mga mamamayan ng ating bansa nag-aaral sa mga libreng unibersidad. Ito ay binatikos dahil napapansin ng mga tao sa panahon ngayon, ang mga mayayaman pa ang nakakapag-aral sa mga libreng unibersidad. Tinatawag silang mga “burgis”, mga taong may kakayahang mag aral sa mga pribadong paaralan na nagbibigay din naman ng maayos at dekalidad na edukasyon, ngunit mas pinipili
kampus
ni SHAWN KARL MAGLAYA
Sa mga argumentong pabor sa uniporme, madalas na binabanggit ang pagkakapantaypantay. Sinasabi ng ilan na sa pamamagitan ng uniporme, naiiwasan ang diskriminasyon batay sa pananamit ng mga estudyante. Ang simpleng kasuotan ay nagtatakda ng pagkakapantay-pantay at nagpapababa ng posibilidad ng pang-aapi ng mga estudyante sa isa’t-isa. Ngunit, sapat bang dahilan ito para balewalain ang sariling desisyon ng mga mag-aaral at kanilang pamilya?
Ayon sa DepEd Order No. 065, hindi dapat maging hadlang ang uniporme sa pagpasok ng mga estudyante, lalo na kung nagdudulot ito ng dagdag na gastos sa mga magulang. Ang panahong ito ay puno ng hamon, lalo na’t ang ekonomiya ay hindi pa lubos na nakakabangon mula sa pandemya.
May mga guro at paaralan na naniniwala na disiplina ang dulot ng pagsusuot ng uniporme. Ayon sa kanila, ang pagkakaroon ng isang standardized na kasuotan ay nagtuturo sa mga bata ng respeto sa mga patakaran. Gayunpaman,
pang mag aral ng libre. Samantalang, ang mga estudyanteng limitado lamang ang pinansyal ang siya pang napipilitang mag-aral sa pribadong unibersidad. Sa kadahilanang, naagawan sila ng pwesto o pagkakataong
ang makikita mo na sa loob ng unibersidad ay mga mag aaral na mayroong magandang sasakyan.
“Bakit kailangan makipag agawan ng hindi salat sa mga libreng unibersidad at agawan ang mga estudyanteng nasa laylayan.”
mag aral ng libre. Marami ang nadismaya dito dahil hindi na raw katulad ng dati na kung saan ang mga pampublikong unibersidad, halimbawa na lamang ang Unibersidad ng Pilipinas, ay makakakita ka pa ng isang estudyante na anak pa ng magsasaka. Ngayon daw,
Maganda siguro kung magkakaroon ng bagong patakaran ang mga unibersidad na nagbibigay ng libreng edukasyon para sa lahat. Maari siguro nilang tignan ang taunang kita ng pamilya ng isang estudyante at lagyan ito ng cutoff. Kapag lumampas sa itinakdang cutoff, awtomatiko dapat na hindi na tatanggapin ang estudyante.
Kung susumahin ang lahat ng ito, mas mainam na bigyan natin ng atensyon at patas na laban ang puwang ng mga estudyante pagdating sa libreng edukasyon. Hindi porke libre ito ay makikisali na rin ang mga taong nasa mataas na estado ng buhay. Wag dapat laging ipagsiksikan ang sarili, dahil hindi lang naman ikaw ang tao sa mundo at may mas nangangailangan pa nito.
Tulad na lamang ng datos na ipinakita ng Assortedge sa kanilang Facebook page, sinasabi dito na halos 44% ang mga nakapasa sa UPCAT 2024 na galing ng private school, 29% lamang sa public school, at 27% naman sa mga galing ng science high school. Nakakalungkot isipin na ang unibersidad na kilala bilang paaralan ng mga nasa laylayan ay dahan-dahan ng nagiging paaralan ng mga may kaya. Ang pangit pa rito ay mayroon pa silang lakas loob sumagot na meron din naman silang karapatan sa libreng edukasyon dahil para naman daw ito sa lahat. May saysay man ang kanilang sinasabi ngunit, ito’y nawawalan din naman agad ng saysay lalo na sa lipunan natin ngayon. Sapagkat, ang mahihirap ang mas nangangailangan nito at hindi ang mayayaman.
bosesngkabataaan
nga, ipagwawalangbahala mo pa? Obligasyon sa Uniporme, Kelan pa Nagsimula?
hindi ba’t ang disiplina ay maaaring ituro sa ibang paraan? Ang respeto ay hindi nasusukat sa damit kundi sa ugali at asal. Mas mahalaga bang ituro sa mga estudyante ang tamang pag-uugali kaysa ipilit ang pagsunod sa isang patakarang hindi naman ipinag-uutos ng batas?
Sa totoo lang, may mga pagkakataon kung saan mas mabuting sundin ang kautusan ng DepEd. Malinaw na nakasaad sa nasabing order na hindi dapat pilitin ang mga mag-aaral na bumili ng uniporme, lalo na kung ang pamilya nila ay nahihirapang maglaan ng pera para rito. Isa itong simpleng hakbang na maaaring makapagbigayginhawa sa maraming pamilya, lalo na't ang edukasyon ay isang karapatan na hindi dapat ipagkait sa sinuman dahil lamang sa kakulangan ng pera.
Kung tutuusin, ang pagsusuot ng uniporme ay hindi nag-iisa sa mga paraan upang masigurong maayos at disiplinado ang isang paaralan. Ang tamang disiplina ay maaaring ipatupad sa pamamagitan ng maayos na classroom management at paghubog ng mga tamang asal sa mga estudyante. Mas makabubuti kung ang pokus ay nasa kalidad ng pagtuturo at pagkatuto, sa halip na sa kasuotan.
Bakit nga ba patuloy na inoobliga ang pagsuot ng uniporme sa mga pampublikong paaralan? Ayon sa DepEd Order No. 065, s. 2010, hindi obligasyon ng mga estudyante na magsuot ng uniporme upang makapasok sa eskwelahan. Sa kabila nito, tila hindi nawawala ang presyur mula sa ilang paaralan at guro na pilitin ang pagsunod sa patakarang ito. Ang tanong: kailangan ba talagang sapilitan ang uniporme, lalo pa't may mga pormal na kautusang nagpapahintulot sa kalayaan mula rito? Ipinapabatas
Ang isyu ng uniporme ay maaaring tingnan bilang simpleng patakaran, ngunit malalim ang epekto nito sa mga estudyante, lalo na sa mga nasa mahirap na kalagayan. Ang kalayaan sa pananamit ay hindi lamang usapin ng estilo; ito rin ay usapin ng pagkilala sa iba't ibang kalagayan ng bawat pamilya at estudyante. Hindi tamang ipilit ang isang bagay na maaaring magdulot ng dagdag na pasanin, lalo na’t malinaw ang mga kautusan mula sa ahensya ng gobyerno. Sa halip na magpumilit, bakit hindi natin hayaan ang mga estudyante na matuto at magtagumpay nang hindi binibigyan ng dagdag na alalahanin?
Kalayaan sa Malayang Pamamahayag
ni ALTHEA LOUISE ANTOGOP
Para sa akin, ang kalayaan sa pamamahayag ay hindi eksklusibo para sa mga mainstream media na naguulat ng mga pangyayari sa lipunan, kundi pati na rin sa mga kabataang kilala bilang "campus journalists." Sa pamamagitan ng bagong batas na nagtatakda ng Hulyo 25 bilang National Campus Press Freedom Day, itinatampok ang mahalagang papel ng campus press sa pagpapanatili ng kalayaan sa pamamahayag.
Ang mga pahayagang pangkampus ay itinuturing na pundasyon ng malayang pamamahayag sa mga paaralan. Dito, natututo ang mga estudyante hindi lang tungkol sa balita, kundi sa responsibilidad ng tamang pagpapahayag ng impormasyon at mga isyung may kinalaman sa kanilang paligid. Mahalaga ang campus press dahil ito ang unang hakbang ng kabataan sa mundo ng pamamahayag— ang pagsasanay para sa mas malalim na pang-unawa at pagtalakay sa mga isyung panlipunan.
Sa panahon ngayon, kung saan mabilis ang pagpapakalat ng maling impormasyon, mahalagang protektahan ang kalayaan sa pamamahayag, lalo na sa loob ng mga paaralan. Ang mga campus journalists ay madalas na nakakatanggap ng pressure mula sa administrasyon, lalo na kung ang mga isyung tinatalakay nila ay may kaugnayan sa mga suliranin ng pamunuan. Gayunpaman, ang kalayaan sa pamamahayag ay dapat patuloy na palakasin, upang hindi matakot ang kabataan na magsalita para sa katotohanan.
Sa bagong batas na ito, mas lalong mabibigyan ng suporta at proteksyon ang mga kabataang tagapagbalita. Tungkulin nating tiyakin na hindi lang sila malayang nakapagsusulat, kundi pinakikinggan din ng kanilang mga kapwa mag-aaral, guro, at ng lipunan.
Libro’t Aralin: Pag-akyat sa Bundok
ng Suliranin ni REINA MAE NAVARRETE
Ang buhayeskwela ay hindi lamang dapat nakatuon sa mga marka, kundi sa kabuuang pagunlad ng bawat kabataan.
Bilang isang estudyante sa Lagro High School, hindi maikakaila ang tindi ng stress na nararanasan sa araw-araw na buhay eskwela. Mula sa mga walang katapusang takdangaralin hanggang sa malalaking proyekto, tila ba lahat ng ito ay nagiging isang tambak ng alalahanin na dahan-dahang pumipigil sa saya ng pag-aaral. Ang stress ay hindi na bago sa mga estudyante, ngunit bakit nga ba tila lumalalim ang epekto nito sa kasalukuyan?
Ang stress sa eskwela ay maaaring magdulot ng seryosong epekto sa kalusugan, kaligayahan, relasyon, at akademikong pagganap. Madalas na nakakaranas ng mataas na antas ng stress ang mga estudyante mula sa mga academic deadlines, grades, at pressure mula sa magulang at guro, na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan at kasiyahan. Ang patuloy na pressure na makamit ang mataas na marka ay tila isang paligsahan, naglalagay ng matinding timbang sa balikat ng kabataan, at nagdudulot ng stress na nakakaapekto sa kanilang pisikal at mental na kalusugan.
Ang mga magulang, guro, at kapwa estudyante ay may kaniya-kaniyang inaasahan, at minsan ay nadarama ng kabataan na hindi sapat ang kanilang ginagawa. Nakakadagdag ito sa mabigat na presyon na nararamdaman ng mga estudyante. Marami ang nagkakaroon ng pagkabahala dahil sa takot na hindi matugunan ang mga inaasahan ng lipunan.
Para sa ilan, ang bawat araw ay tila isang laban upang manatiling "maayos" at hindi mahulog sa ilalim ng pamantayan ng iba.
Ang Banyo: Isang Hamon sa Lagro High School
ni RICH BALAGOT
Ang Lagro High School, isang institusyon na dapat magbigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral, ay nagdurusa sa isang nakakabahala na problema: ang kalagayan ng mga banyo. Ang mga banyo, na dapat na mga lugar ng kalinisan, ay naging mga pugad ng dumi at masamang amoy. Ang amoy ng ihi at dumi ay sumasalubong sa tuwing ako ay papasok sa banyo, na nagdudulot ng hindi komportable at nakakadiri na karanasan para sa mga estudyanteng gaya ko.
Ang kawalan ng maayos na paglilinis at pag-aayos sa mga banyo ay nagpapalala sa sitwasyon na kailangan mag linis. Ang mga tiles ay madalas na madumi, ang mga toilet bowl ay hindi naayos na nagdudulot ng pagbara ng tubig. Ang mga basurahan ay puno ng mga papel at iba pang basura, na nagpapalaganap ng mga insekto at sakit.
Ang mga opisyal ng paaralan ay dapat magbigay ng pansin sa problema at agad na gumawa ng hakbang upang maayos ang mga banyo at mapanatili ang kalinisan. Ang paglilinis ng mga banyo ay dapat na gawin nang regular at mahusay, at ang mga sirang pasilidad ay dapat na agad na ayusin. Ang mga estudyante ay dapat ding turuan sa wastong paggamit at pagpapanatili ng mga banyo.
Ang kawalan ng disiplina sa kalinisan ay nagpapalala sa sitwasyon na madumi. Ang mga estudyante ay madalas na hindi nagbubuhos ng inidoro pagkatapos nilang mag-CR, na nagdudulot ng pagbaho.
Ang mga opisyal ng paaralan ay dapat magpatupad ng mga patakaran at programa na nagtataguyod ng kalinisan at disiplina sa mga banyo. Ang mga estudyante ay dapat ding hikayatin na lumahok sa mga programa ng paglilinis at pagpapanatili ng mga banyo.
Ang paglutas ng problema sa kalagayan ng mga banyo sa Lagro High School ay nangangailangan ng pakikipagtulungan ng mga opisyal ng paaralan, mga guro, at mga estudyante. Ang pagbabago ng ugali at pagpapatupad ng mga patakaran ay mahalaga upang mapanatili ang kalinisan at kaginhawahan ng mga banyo.
Ang mga banyo sa Lagro High School ay dapat na mga lugar ng kalinisan para sa lahat. Ang paglutas ng problema ay hindi lamang isang responsibilidad ng mga opisyal ng paaralan, kundi isang responsibilidad din ng bawat estudyante. Ang pagbabago ay magsisimula sa atin, at ang pagpapanatili ng kalinisan ay dapat na isang pagsisikap.
Ang pagbabago ay magsisimula sa atin, at ang pagpapanatili ng kalinisan ay dapat na isang pagsisikap.
Hindi lingid sa ating kaalaman na malaki ang papel ng social media sa pagdaragdag ng stress. Sa bawat scroll sa social media, makikita ang mga achievements ng ibang kabataan, na nagiging sanhi ng pagkukumpara sa sarili. Ang ganitong patuloy na pagkukumpara ay nagdudulot ng pagkabalisa at kakulangan sa tiwala sa sarili. Sa ganitong mga pagkakataon, parang napakahirap magpahinga at tanggapin na sapat na ang sarili.
Bukod sa pressure ng mga akademikong gawain, may mga estudyanteng kinakaharap din ang personal na mga hamon sa kanilang tahanan. Ang problema sa pamilya, kakulangan ng suporta, o di kaya’y mga pinansyal na suliranin ay nagiging bahagi ng kanilang pinagdaraanan.
Ang stress sa mga estudyante ay hindi lamang limitado sa mga gawain at inaasahan. Maging ang mga maliliit na bagay, tulad ng mahigpit na oras ng klase at pangangailangan sa extracurricular activities, ay nagiging dagdag sa pasanin. Ang kakulangan ng oras para sa pahinga at personal na oras ay nagiging hadlang upang maramdaman nila ang saya sa buhay.
Tayo ay lumikha ng isang kapaligiran na nagbibigaydiin sa tunay na pag-aaral at pagpapahalaga sa integridad
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mahalaga ring banggitin na hindi lamang mga negatibong aspeto ang maaaring dulot ng stress. Ang tamang pamamahala dito ay maaaring magbigay ng motibasyon at magpatalas ng kakayahan ng isang estudyante. Ngunit paano nga ba natin masisiguro na hindi nagiging sobra ang stress na nararanasan?
Isa sa mga pinakamabisang paraan upang labanan ang stress ay ang pagkakaroon ng tamang sistema ng suporta—mga kaibigan, pamilya, o guro na handang makinig at umalalay. Ang pagiging bukas tungkol sa mga pinagdadaanan ay maaaring magpakawala ng bigat sa kalooban. Mahalagang malaman ng bawat estudyante na hindi sila nag-iisa sa laban na ito.
Bilang isang estudyante, mahalaga rin ang pag-prioritize ng sarili. Ang pahinga, tamang tulog, at pagbibigay oras sa mga bagay na nagbibigay-kasiyahan ay hindi dapat kalimutan. Sa gitna ng lahat ng deadlines at pressure, mahalaga ang pagaalaga sa mental at pisikal na kalusugan. Sa ganitong paraan, hindi lamang mapapabuti ang pagganap sa eskwela, kundi pati na rin ang kalidad ng buhay. Sa pagtatapos, ang stress ng estudyante ay bahagi ng isang mas malaking sistema ng edukasyon na kailangan ding bigyang pansin. Dapat magkaroon ng mas malalim na pagunawa sa kalagayan ng mga estudyante, at dapat matutunan ng lipunan kung paano ito masusolusyunan. Ang buhayeskwela ay hindi lamang dapat nakatuon sa mga marka, kundi sa kabuuang pagunlad ng bawat kabataan.
Pangongopya
para makalamang ng kapwa
ni EFRAIM JOHN CIALBO
Hinggil sa alam ng lahat na masama ang pangongopya, pero dahil sa pag-asam ng maraming mag-aaral sa mataas na marka, ang mga mag-aaral ay pilit na ginagawa ito dahil gusto nila makalamang sa kapwa. Nasaan ang konsensya?
Sa bawat pag-ikot ng akademikong taon, muling bumabalik ang usaping malapit sa puso ng maraming estudyante: ang pangongopya. Sa kabila ng mga pagsasanay at paalala mula sa mga guro, tila hindi matitinag ang pangkaraniwang kaugalian na ito sa loob ng mga silid-aralan. Hindi maikakaila na ang pangongopya ay may direktang epekto sa kalidad ng edukasyon, kapag ang mga estudyante ay mas pinipili ang pangongopya kaysa sa tunay na pag-aaral, nawawalan sila ng pagkakataon na tunay na matutunan ang mga aralin, ang mga kaalaman na dapat nilang i-develop sa kanilang sarili ay nananatiling hindi natutunan, na nagreresulta sa kawalan ng tunay na kasanayan sa hinaharap. Ayon sa Department of Education (DepEd) Memorandum 2021-395, nilagdaan ng Undersecretary for Curriculum and Instruction na si Diosdado M. San Antonio ang tungkol sa “Academic dishonesty” ang mga pasok sa ipinagbabawal ng memorandum na ito ang mga sumusunod: Cheating,
na kung saan ang mga paggamit ng ipinagbabawal na impormasyon upang masagot ang mga talatanungan, Plagiarism, kung saan ginagaya ng isang mag-aaral ang likha nung may-ari ng walang pahintulot, Sabotage, ang pag sadya na paninira ng likha ng iba upang iyong likha lang ang mamarkahan, at marami pang iba.
Sa gabay ng guro, ang nangongopya ay marapat na patawan ng parusa sa kadahilanang mali ang kanilang ginagawa, sa palagay ko, ginagawa rin ito ng karamihan dahil sa katamaran, ang mga dapat na gagawin sa takdang oras ay kadalasang hindi nagagawa, kung kaya’t ang tanging paraan na lamang nila ay ang pangongopya.
Minsan na rin akong nangopya, nahuli rin ako ng aking guro, ngunit alam ko sa sarili ko na ang aking ginawa ay mali, at alam ko rin na ako’y nandaya.
Walang perpektong tao sa mundo, ngunit ang pagiging pursigido, masipag, at may tiyaga ang tanging “alas” ko upang makapasa ako sa aking mga takdang aralin.
Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok, ang integridad ay nananatiling mahalagang bahagi ng isang matagumpay na edukasyon. Ang pagiging tapat sa sarili at sa ibang tao ay hindi lamang makakatulong sa pagbuo ng tunay na kasanayan, kundi nagiging pundasyon din ng tiwala at respeto sa loob ng komunidad ng paaralan.
Sa pagtatapos, ang pangongopya ay isang isyu na dapat nating seryosohin. Ito ay hindi lamang isang simpleng paglabag sa mga patakaran, kundi isang malalim na problema na nangangailangan ng pagtutulungan ng lahat ng mga estudyante, guro, at magulang.
Tayo ay lumikha ng isang kapaligiran na nagbibigaydiin sa tunay na pag-aaral at pagpapahalaga sa integridad sa ganitong paraan, makakamit natin ang tunay na tagumpay na nagmumula sa pagsisikap at tapat na dedikasyon, nang sa gayon ang pangongopya ay para lamang sa gustong makalamang ng kapwa.
GustoKoLamangSa
Sabawat estudyanteng nakapila para sa pagtatapos ng senior high, hindi lamang pagtanggap ng diploma ang kanilang inaasam—kundi pati na rin ang susunod na hakbang na maghuhubog sa kanilang kinabukasan. Para sa marami, ang kolehiyo ay hindi lamang karugtong ng kanilang akademikong paglalakbay; ito ay isang simbolo ng tagumpay, pangarap, at kinabukasang matagal nang pinagsusumikapan. Isa ako sa mga estudyanteng ito—nangangarap na makapasok at makapag-aral sa unibersidad na minsan ko lamang pinapangarap, ngunit ngayo'y pilit kong nilalapitan.
Ang pangarap na makapasok sa isang prestihiyosong unibersidad ay hindi simpleng mithiin lamang. Ito ay nag-ugat mula pa sa aking kabataan, kung saan nakikita ko ang ilan sa mga malalaking unibersidad gaya ng UP, Ateneo, La Salle, at UST bilang mga haligi ng edukasyon at tagumpay. Sa bawat pagkakataon na ako’y tinatanong kung saan ko nais mag-aral, palagi kong naisasambit ang mga pangalan ng mga institusyong ito sa aking sagot—mga paaralang tila nagsisilbing susi sa pagtupad ng mga gusto ko sa buhay.
Ngunit, hindi madali ang daan patungo sa pangarap na ito. Kasabay ng pangarap ay ang mga pagsubok—ang walang katapusang pagsusunog ng kilay, ang mga aplikasyon na parang wala ng katapusan, at ang mga pagsusulit na nagiging sukatan ng aming kakayahan. Nakakapagod man ngunit patuloy akong lumalaban. Bawat gabi ng pagsagot sa mga mock exams at review materials ay may kalakip na pag-asa, na sa bawat tanong na aking masagutan ay mas lumalapit ako sa aking pangarap.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi nawawala ang takot. Sa kabila
ng matinding paghahanda, hindi ko maiwasang magtanong sa aking sarili...
“Sapat na ba ang lahat ng aking ginawa?”
Bawat pagsusulit ay tila isang pagkakataon na pwedeng magtakda ng aking kinabukasan. Ano ang gagawin ko kung hindi ako matanggap sa unibersidad na matagal ko nang pinapangarap?
Paano kung hindi ko makamit ang inaasahang resulta?
Ang takot ng pagkabigo ay palaging nakaamba—ang posibilidad na hindi makapasok sa mga unibersidad na aking minimithi ay isang bagay na hindi ko kayang tanggapin. Ngunit sa kabila ng mga pangambang ito, natutunan ko na ang kabiguan, gaano man ito kasakit, ay bahagi ng ating buhay. Maaaring hindi ako tanggapin sa unibersidad na aking inaasam, ngunit maaaring ito naman ang magiging daan patungo sa mas malalim na pagtuklas ng aking sarili at ng mga bagong oportunidad na maaaring magbukas ng mas magandang kinabukasan.
Sabi nga nila, ang tadhana ay may sariling paraan ng pag-aayos
KOMPETISYON
Sang ating mga hakbang. Maaari tayong umikot, matisod, o maligaw sa daan, ngunit sa huli, ang lahat ng ito ay magdadala sa atin sa lugar kung saan tayo nararapat.
Sa bawat hakbang ko ngayon, bitbit ko ang aking pangarap at ang pag-asang balang araw ay makakapasok ako sa unibersidad na aking pinapangarap. Ngunit kung sakali mang hindi ito mangyari, handa akong yakapin ang bagong direksyon na aking tatahakin. Dahil sa huli, ang tagumpay ay hindi nasusukat sa kung saan ka nag-aral, kundi kung paano mo hinubog ang iyong sarili at tinahak ang landas patungo sa iyong mga pangarap.
Dahil gusto ko lang naman sa buhay ay makapasok sa unibersidad na aking minimithi at ninanais mahalin ng sobrang tagal.
Sa
Bahay ng Kaibigan
Sa bahay ng kaibigan, doon kami nagtitipon. Sa halakhak at diskusyon, sama-samang nag-uusbungan.
Hindi lamang para magpahinga, magkwentuhan ng buhay, Kundi upang mag-aral, mangarap, at magsama ng tunay.
Sa mesa’y mga libro, lapis, at papel a naghihintay, mga ideyang sabik lumipad sa bawat aralin at patunay. Kasama sa bawat kwento, hindi lang kasiyahan, kundi ang layuning magtagumpay, sa gitna ng anumang hamon.
May mga tanong na sabay hinahanapan ng sagot, Mga oras ng pag-iisip, sa problema’y abot abot.
Pero sa tulong ng isa’t isa, problema, hindi namin alintana, Dahil ang kaalamang sama-sama, higit na mahalaga
Sa bawat sulok ng silid, may kwento ng talino at saya, Tunay na kayamanan ang kaibigang nagbibigay ng inspirasyon sa isa’t isa Hindi lang barkada sa mga laro’t kwentuhan, Kundi kasangga sa pag-abot ng pangarap.
Sama-sama kaming humahakbang, sa aral at buhay, Bawat tagumpay, bawat pagkabigo, ay kasama ang gabay.
Sa bahay ng kaibigan, doon kami nagiging buo, Isang barkadang puno ng talino, puso, at pagsuyo.
makulay na kalakaran ng edukasyon, ang mga estudyante ay tila nakatayo sa gitna ng isang balong sumasabog ng mga pag-asam at pangarap. Sa patuloy na pag-akyat sa hagdang-abak ng karunungan, ang masiglang kumpetisyon sa pagitan ng mga kabataan ay bumubuo ng isang umuusbong na tensiyon. Ang bawat numero, bawat grado, ay nagsisilbing tagapagsalaysay ng kanilang mga pagsusumikap, at ang banta ng pagkakahiwalay mula sa pangarap na tagumpay ay nagiging sanhi ng pag-aalab ng mga puso at isipan.
Sa ilalim ng sinag ng pag-asa, ang bawat hakbang ay sinasamahan ng bigat ng pangamba. Ang pangarap na makamit ang mataas na antas ng tagumpay ay nagiging sanhi ng malalim na pagkabahala at pagdududa sa sariling kakayahan. Ang mga estudyanteng naglalakbay sa landas ng edukasyon ay humaharap sa isang mahigpit na hamon, ito ay ang makibaka sa mapaghigpit na kompetisyon na tila ba isang panibagong anyo ng
pasakit at pangungulila sa kapayapaan ng isipan.
Sa huli, ang di-matatak na pangarap ay maaring maging sanhi ng pagkakahiwalay mula sa tunay na layunin ng edukasyon ito ang pagbuo ng kaalaman at hindi lamang ang pagkamit ng mataas na grado. Ang hamon ng kompetisyon ay dapat maging insentibo para sa mas malalim na pagsisisi at pang-unawa, upang ang tunay na diwa ng pagkatuto ay hindi malunod sa dagat ng kawalang-kasiguraduhan at pagkabahala.
WALANG PASOK
Naranasan mo na rin ba ang magpuyat para lang sa mga tambak na gawain sa paaralan?
Ngunit kinalaunan ay malalaman mo na wala namang pasok.
REINA MAE NAVARRETE
ANG CRAMMER NA BATA
Si Juan ay isang batang matalino ngunit may ugali ng pag-cram ng mga gawain sa paaralan. Madalas niyang ginagawa ang mga ito sa huling araw, at bagama't nagagawa niya ito ng maayos, hindi siya nakakakuha ng mataas na marka dahil sa kakulangan ng oras. Hindi naman siya nag-aalala tungkol dito, at madalas niyang sinasabi sa sarili, "Hindi ko kailangan ng mataas na marka, magiging pera ba 'yan?". Isang araw, nakita niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Joel
ni RICH BALAGOT
na gumagawa ng mga takdang aralin. "Huwag mo na muna gawin iyan, ibukas mo nalang iyan," sabi ni Juan. "Alam mo Juan, kung ipagpapabukas lang natin ang mga bagay-bagay, masasanay tayo sa ganoong gawi," sagot ni Joel. "Bahala ka Joel, basta ako chill lang, malayo ba deadline," sabi ni Juan.
Kinabukasan, nagising si Juan at binuksan ang kanyang cellphone. Nakita niya ang sampung pending na assignments niya na tapos na
KARANGALAN O KALUSUGAN ?
ni SHAWN KARL MAGLAYA
Sa bawat tunog ng depertador bago pa ang takipsilim, nagigising ang isang estudyanteng nagsusugal ng oras ng pahinga para sa mga numero na tila sukatan ng kanilang tagumpay. Sa bawat baso ng kape at gabing walang tulog, unti-unting nawawala ang sigla sa kanilang mga mata, ngunit ang pangarap nilang makakuha ng mataas na marka ay tila palaging abot-kamay pa.
Marami sa mga estudyante ngayon ang hinahabol ng latigo ng ekspektasyon—mula sa pamilya, guro, at maging sa sarili nila. Ang mataas na marka ay hindi na lamang simbolo ng pagsusumikap, kundi parang atas para maging maunlad sa hinaharap. Pero, sa likod ng bawat perpektong grado, naroon ang mga napabayaan: oras ng pahinga, kalusugan ng isip, at mismong katawan.
"Pagod na ako," mga bulong sa hangin ng karamihan, pero tutok parin sa mga papel na puno ng sulat hanggang sa huling patak ng oras, hanggang sa pumikit ang mata sa harap ng mga kwaderno, at hanggang sa wala nang sapat na lakas na magpatuloy. Kasabay ng kanilang pagsisikap ay ang unti-unting pagkahulog ng kanilang kalusugan— stress, pagkabalisa, at minsan pa'y depresyon.
Sa bawat pagsusulit, hindi lamang kaalaman ang sinusukat, kundi pati na rin ang tibay ng loob sa labanan ng pagod at puyat. Pero kailan kaya magigising ang sistema na higit pa sa marka ang dapat isaalang-alang? Hindi lahat ng tagumpay ay nasusukat ng numero.
ang deadline. Siya lamang ang minention ng mga guro niya sa GC na walang gawa. Nalaman ito ni Joel at pinuntahan siya sa kanyang bahay. Sinabi ni Joel, "Alam mo Juan, wala naman masama kung ipagpapabukas mo ang mga gawain, pero alam mo rin na responsibilidad mo bilang mag-aaral na gawin ito." Mula noon, natuto na si Juan at palagi na siyang sumasama kay Joel at humihingi ng mga payo at nagpapatulong sa mga gawain.
Ang mga estudyanteng ito ay mga mandirigma sa akademya, ngunit ang kanilang mga sugat ay hindi laging nakikita. Hindi mga peklat o pasa ang bakas ng kanilang laban, kundi ang mga sakit sa ulo, ang pagkawala ng sigla sa katawan, at ang mabigat na damdaming dala ng hindi sapat na pahinga.
Ang tanong na dapat itanong ng lipunan ay hindi lamang "Paano ka nag-aral?" kundi "Paano ka nagalaga ng iyong sarili?" Sapagkat sa dulo ng bawat semester, hindi dapat kalimutan na ang kalusugan ay mas mahalaga kaysa sa anumang numero sa papel ng karangalan.
Sa paglipas ng panahon, marahil ang pinakamataas na markang makukuha ng isang estudyante ay ang pagkilala na ang kanilang katawan at isipan ay hindi dapat isakripisyo para sa karangalan. Ang tagumpay ay hindi lamang matatagpuan sa diploma, kundi pati na rin sa pagalaga sa sariling kalusugan at kapayapaan ng isip.
MAKIKITA
SA PAARALAN
2 Lumulutas ng uhaw
3 Panulat na nabubura
5 Taga sanay
6 Sumisipsip ng pawis at luha
8 Transportasyon na halos sa guro
9 Tumitindig sa harap nito
10 Bahayan ng libro
11 Kasuotang pang araw-araw sa eskwela
1 Tapunan ng nakaraan
2 Paminsang ginagamit kahit hindi dapat
4 Lumalagas at sumisibol
7 Naparirito ang mga mag-aaral
8 Paminsan-minsan ay seryoso, paminsan-minsan ay masaya.
9 Takbuhan kapag kailangan ng oras para magpaginhawa
lhs science month at wins club, Matagumpay na sinimulan
ni ALTHEA LOUISE ANTOGOP
Noong Agosto 22, opisyal na binuksan ng Lagro High School (LHS) ang Buwan ng Agham sa Audio-Visual Room (AVR) na may temang “Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan.” Ang seremonya ay pinangunahan ni Gng. Grace Marie Alcantara, tagapayo ng Wash-inSchools (WinS) Club at guro sa Science Department. Sinundan ito ng pambungad na pananalita ni Gng. Irene Gallardo, Puno ng Kagawaran ng Agham, at mensahe mula kay Punongguro IV Gng. Zaida M. Padullo.
Ayon kay Gng. Padullo, magsisimula ang proyekto ng vertical garden na gumagamit ng hydroponic at aeroponic system sa loob ng tatlong buwan. Ito ay magsisilbing proyekto ng mga mag-aaral ng Science, Technology, and Engineering (STE) at STEM para sa kanilang asignaturang Research.
Ilulunsad naman ng Science at Youth for Environment in Schools
Organization (YES-O) Club ang Zero Waste Management bilang hakbang sa pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan. Hinihikayat ang mga mag-aaral na gumamit ng reusable tumblers, utensils, at lunchboxes upang mabawasan ang basura.
Ilan sa mga tampok na patimpalak na nasimulan na ay ang Slogan Making para sa Grade 7, at Science elimination Quiz Bee ng Grade 7. Ang
Kalusugan at Inobasyon: Ang pagdating ng aeroponic tower sa Lagro High
School
Ang pangunahing suliranin ng bawat paaralan sa urban area ay ang kakulangan sa espasyo bagama’t ito’y suliranin lamang.
Sa pangunguna ni Gng. Zaida M. Padullo, Punong Guro IV ng Lagro High School (LHS) ay nakaisip ng ideya upang maging mas inobatib ang bagong LHS sa pamumuno ni Gng. Padullo, itoy sa tulong na rin ng ating Gurong tagapayo ng YES-O Club na si Gng. Marliza Cauntao, ang LHS ay naglunsad ng proyektong aeroponic tower.
Ang proyektong aeroponic ay magsisimula sa
ni EFRAIM JOHN CIALBO
taong dalawang libo, dalawampu’t apat (2024), ang proyektong ito ay magbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral ng lagro sa kadahilanang ang aeroponics ay hindi ginagamitan ng lupa, at bilang kapalit nito ay ang hangin lamang at nutrient solution ang tanging nagpapalaki sa mga halaman na nakapaloob dito.
Ayon kay Gng. Cauntao, agrikultura ang natapos ng ating mahal na punong guro, maliban rito, naging matagumpay ang aeroponics ng ating punong guro sa kanyang dating pinamumunuan na paaralan kung kaya’t
mga sumusunod na patimpalak pa ay ang Poster Making sa Grade 8, SciTalk Experiment sa Grade 9, Mr. and Ms. Modelo para sa Grades 10-12, at Science Quiz Bee mula Grades 8-12.
Pagkatapos ng seremonya, isinagawa ang eleksyon ng WinS Club officers. Nahalal bilang presidente si Claire Olofernes, bise presidente si France Muncal, kalihim si Sidney Palacio, tagapag-ingat-yaman si Jared
nais rin niyang gawin rin sa LHS, ibinanggit rin ni Gng Cauntao ang mga benepisyo na maaring makuha sa proyekto na ito.
“Madami benefits and aeroponics, this include hands-on learning, sustainable agricultural education lalo at sila mismo ang magtatanim, water and resource conservation, matututo sila pano ito gumagana at pano makakapagconserve ng water as we plant it, Encourage environmental responsibility, dahil sa pagtatanim mas makikita ng students ang importance ng environment”. Ika niya.
Mythan Rojo, at opisyal ng relasyon sa publiko sina Cassandra Yenice Boholano at Jessalyn Gapayao. Sa pagtatapos, nagpasalamat ang mga guro sa lahat ng dumalo at inaasahan ang aktibong pagtulong ng mga bagong opisyales sa mga susunod na proyekto ng paaralan.
Muling nananalasa ang Taal Volcano, nagbubuga ng hindi lamang usok kundi isang mas nakababahalang panganib—ang vog, o volcanic smog. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang bulkan ay naglabas ng 1,379 metrikong tonelada ng sulfur dioxide sa loob ng 24 oras, na nagresulta sa makapal na vog na bumabalot sa Taal Volcano Island.
Ang vog ay hindi bastabastang usok. Ito ay isang lason sa hangin—binubuo ng mga maliliit na patak ng asidong gas tulad ng sulfur dioxide. Kapag nalanghap, maaaring magdulot ito ng iritasyon sa mga mata, lalamunan, at baga. Para sa mga may dati nang kondisyon sa paghinga tulad ng hika, at lalo na sa mga buntis, matatanda, at mga bata, ang epekto ng vog ay mas matindi at delikado.
Noong Agosto, ang biglaang pag-usbong ng vog mula sa Taal ay naging sanhi ng suspensyon ng klase sa ilang bayan
Tuwing tag-ulan sa Pilipinas partikular sa Setyembre, tayo ay nakakaranas ng mga seasonal weather patterns. Sa patuloy na pag-ulan mahalagang maunawaan ang dalawang pangunahing uri ng ulan na nakakaapekto sa bansa: ang Amihan at Habagat.
Ang amihan ay isang malamig na hangin na nagmumula sa hilaga o hilagang-silangan, at karaniwang nararanasan mula Nobyembre hanggang Marso. Ito ay nagdadala ng malamig na temperatura at kaunting pag-ulan, partikular sa Luzon. Kasama ng amihan ang mga pag-ulan sa mga bundok at mataas na lugar, na nagdudulot sa mga residente sa Luzon ng malamig na hangin at paminsan-minsan na pag-ulan sa mga bundok.
Ang habagat ay ang mainit na hangin na nagmumula sa timog-kanluran, at karaniwang nararanasan mula Hunyo hanggang Oktubre. Ito ay nagdadala ng malalakas na pag-ulan at mataas na posibilidad ng pagbaha sa iba't ibang bahagi ng bansa, lalo na sa mga lungsod at baybayin.
Sa panahon ng habagat, ang mga lugar tulad ng Metro Manila at Northern Luzon ay madalas na nakakaranas ng pagbaha dulot ng matinding ulan.
Ngayong Setyembre, ang bansa ay patuloy na naapektuhan ng malakas na ulan dahil sa hanging habagat. Ang mga epekto nito ay makikita sa pagtaas ng lebel ng tubig at pagbaha sa ilang bahagi ng bansa.
Para makaiwas sa mga problema dulot ng malalakas na pag-ulan, tiyakin ang pagkakaroon ng maayos na drainage system sa mga tahanan at regular na pag-monitor sa mga ulat panahon. Maghanda ng mga emergency kit at maging alerto sa mga advisories ng PAGASA.
sa Calabarzon upang maiwasan ang malubhang epekto nito sa kalusugan. Bukod sa iritasyon, ang matagal na pagkakalantad sa vog ay maaaring humantong sa mas malalang kondisyon, tulad ng hika o mga sakit sa puso at baga. Ayon sa Phivolcs, ang volcanic smog na ito ay umabot ng 1,500 metro mula sa Taal bago kumalat patungo sa hilaga-silangan.
Bagama’t ang bulkan ay nasa alert level 1 pa rin, hindi ito dapat balewalain. Sa ilalim ng tila kalmadong anyo ng Taal, patuloy ang pag-akyat ng mga mainit na likido sa crater lake
ng bulkan, indikasyon ng aktibong paggalaw sa ilalim ng lupa. Pinayuhan ng mga eksperto ang mga residente na magsuot ng face mask, uminom ng maraming tubig, at umiwas sa direktang pagkakalantad sa vog. Ang banta ng vog ay tahimik ngunit matindi—isang paalala na sa likod ng magagandang tanawin ng Taal, naroon ang panganib na maaaring magdala ng pinsala sa kalusugan.
agtek
KINATATAKUTANG SAKIT NA MPOX, NAKAPASOK NA SA PILIPINAS
Inanunsyo ng Department of Health (DOH) makamailan ang unang kaso ng MPOX sa bansa nitong ika-18 ng Agosto, ang sakit daw ay nagsimula sa 33 anyos na lalaki sa Metro Manila.
Ang MPOX o Monkeypox ay isang sakit na nagdudulot ng lagnat, pantal, pananakit ng iba’t ibang parte ng katawan, pati na rin lalamunan.
Ang sintomas ng MPOX ay lumalabas isa hanggang 21 na araw matapos mahawa ng sakit na ito. Ito naman ay magtatagal sa katawan ng dalawa hanggang apat na linggo.
Ang sakit na ito ay maaaring makahawa, pwede itong makuha mula sa isang tao o hayop na mayroon nito.
Sa pagiwas sa sakit na MPOX, ang pinaka magandang paraan dito ay ang pag-iwas muna sa pakikipagsalamuha sa mga tao at hayop na may sakit nito. “Ang sabon at tubig ay nakakapatay ng virus. Kapag naghuhugas ng mga kontaminadong materiales, gumamit ng guwantes” ani DOH.
Kailangang ugaliin ang paghuhugas ng ating kamay, pati na rin ang paggamit ng alcohol o disinfectant.
Ang mga pasyenteng pinaghihinalaang may MPOX ay mabilis na isinasalang sa Polymerase Chain Reaction (PCR) test. Ito ay ginagamit upang makita ang maliliit na dami ng DNA. Sa pamamagitan nito, nagagawang suriin ng mga eksperto ang isang pasyente kung ito ba ay
nahawaan ng sakit.
Matapos matala ang halos 450 na taong namatay dahil sa MPOX, idineklara ng World Health Organization (WHO) bilang global health emergency ang MPOX.
Samantala, hindi parin nahahanapan ng mga eksperto ng lunas ang MPOX.
denumero
BILANG NG MPOX CASES SA PILIPINAS AT BUONG BANSA
15
na kaso sa Pilipinas
100,000+
na kaso sa Pilipinas
Pagsabak ng mga Studyante sa Tagisin ng Isip, ano na nga ba ang naging Daloy?
Ang Science Club ng Lagro High School ay nagdaos ng isang kapana-panabik na "AGHAMAZING: Tagisan ng Talino sa Siyensya" Quiz Bee elimination round noong Setyembre 13, 2024, at idinaos naman ang final round ng labanan na ito noong Septyembre 17, 2024.
Mula alas 10:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon, ang elimination round ay ginanap sa silid-aklatan ng paaralan. Ang mga kalahok ay kinailanganang magdala ng whiteboard, dalawang (2) whiteboard markers, at eraser upang makasagot ng mga tanong sa tatlong rounds.
Sumunod ay ang final round na isinagawa matapos ang ilang araw mula nito, kung saan limang studyante sa bawat baitang mula ika-7 baitang, hanggang ika-12. Ipinaghalo-halo ang mga studyante sa limang grupo. Ang mga naging
finalist ay ang mga mag-aaral na nakakuha ng pinakamataas na puntos mula sa bawat grado. Isa sa mga kalahok, si Yuan Kingking, na nagsabi na hindi siya nakapaghandang maigi para sa quiz bee dahil sa biglaang pagsali. "Wala akong paghahanda para sa darating na quiz bee kaya't ako'y kinakabahan," ani Kingking, habang siya ay nasa silid-aklata at sumasagot ng mga tanong. Tinanong si Kingking kung sa tingin niya ba ay may kakayahan ang STEM strand na manalo sa kompetisyon. "Sa tingin ko, ang STEM strand ay may kakayahang manalo dahil sa aming mga specialized subjects na tinalakay ang apat na balangkas ng agham," dagdag niya. Matapos ang mga pangyayaring ito, sa kabila ng mga aral at kaalaman ng mga studyanteng sumabak sa tagisan ng utak, iisa ang umangat at nanalong kampyon sa labanan na ito.
Sulong sa Laban:
lamok, isang patuloy na banta sa kalusugan
Kahit sa mga malamig na rehiyon, ang mga sakit mula sa lamok ay nagiging pangunahing sanhi ng pagkamatay, na nagdudulot ng pangamba sa mga pamilya at nagpapalakas ng pangangailangan para sa sama-samang aksyon.
Nitong ika-20 ng Agosto, ipinagdiwang ang World’s Mosquito Day sa temang
“Accelerating the fight against malaria for a more equitable world.” ito ay naglalayong alalahanin ang pagtuklas ni Dr. Ronald Ross noong 1897 sa papel ng Anopheles mosquito sa pagkalat ng malaria, at palawakin ang kamalayan sa dengue.
Ang dengue, dulot ng Aedes aegypti na lamok, ay isang malubhang banta sa mga lugar na hindi maayos ang kalinisan, tulad ng karanasan ni Mikhail, isang mag-aaral mula sa Lagro High School na tatlong beses nang
tinamaan ng dengue. Sabi ni Mikhail, “Tatlong beses akong nagkaroon ng dengue sa nakaraang mga taon at naapektohan nito ang aking pag-aaral.”
Ayon sa World Health Organization (WHO), umabot sa 249 milyong kaso ng malaria at 608,000 namatay sa 85 bansa noong 2022, habang ang mga kaso ng dengue ay tumaas mula 505,430 noong 2000 hanggang higit 5.2 milyong kaso noong 2019.
Mahalaga ang simpleng hakbang para mapigilan ang paglaganap ng mga sakit na ito: panatilihing malinis ang kapaligiran, gumamit ng mosquito repellent na may hindi bababa sa 10% DEET (iwasan sa mga bata), at magsuot ng mga long-sleeve na damit at mahahabang pantalon na may 0.5% Permethrin.
Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, ang artificial intelligence (AI) ay patuloy na nagiging bahagi ng ating pangaraw-araw na buhay. Ang AI ay nagbibigay ng mga solusyon sa iba't ibang problema at nagpapadali ng mga gawain.
Sa kabila ng mga pakinabang nito, mayroon ding mga panganib ang pag gamit ng AI. Noong Enero, 18, 2023 Ang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD) na naimbestigahan dahil sa paggamit ng artificial intelligence (AI) upang tapusin ang kanilang mga academic requirements. Ang mga propesor ay nag-aalala dahil ang mga estudyante ay gumagamit ng AI upang magsulat ng mga sanaysay at iba pang academic requirements. Sinasabi nila na ito ay isang uri ng pandaraya dahil hindi ito ang sariling trabaho ng mga estudyante.
Ang mga estudyante, sa kabilang banda, ay nagsasabi na ang AI ay isang kapaki-pakinabang na tool para sa pag-aaral at pananaliksik, ngunit dapat itong gamitin nang may limitasyon.
Ang AI ay isang pambihirang na teknolohiya na may potensyal na magbago ng ating mundo. Para sa mga estudyante ng Lagro High School, mahalaga na maunawaan ang mga potensyal na epekto ng AI at magkaroon ng mga patakaran upang matiyak ang ligtas na paggamit nito. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga pakinabang nito, maaari nating gamitin ang AI upang mapabuti ang ating buhay.
Saya at Tuwa sa Volleyball
ni RICH BALAGOT
Sa nag-iinit na laban sa Lagro High School Intramurals sa darating na ika-27 ng setyembre,taon ng 2024, isa sa mga pinaka-inaabangang laro ay ang volleyball.
Isa sa mga estudyanteng sumali sa paligsahan ay si Raphael Rogelio ng STEM - 12 Lantican, siya ay nagbahagi ng kanyang kasiyahan sa paglalaro ng volleyball kasama ang kanyang mga kaibigan. Kami ay nag panayam sa kaniya at ito ang kanyang mga sinabi.
“Sa paglalaro ng volleyball, nakararanas ako ng saya at tuwa lalo na sa
tuwing kasama ko ang aking mga kaibigan na nag-uwi sa akin upang sumali sa intramurals nang kasama sila,” ani ni Rogelio.
Para kay Rogelio, ang volleyball ay hindi lamang isang laro, kundi isang paraan upang makasama ang kanyang mga kaibigan at magsaya nang sama-sama. “Naglalaro ako ng volleyball upang sumaya at makasama ang aking mga kaibigan, lalo na’t isa ito sa mga paraan naming magkakaibigan upang makapag-saya nang samasama,” dagdag niya.
Inuwi ng mga kinatawan ng Grade 12 Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), ang kampeonato sa isinagawang Mr. and Ms. Intramurals, ginanap nitong ika-30 ng Agosto, para sa selebrasyon ng 46th Founding Anniversary ng Lagro High School.
Itinanghal na mga kampeon ang mga estudyante ng ika-12 na baitang ng STEM na sina Zoey Kirsten Bamba at Nick
Daniel Ramos ng Lantican. Ang patimpalak ay binubuo ng mga temang: casual wear, uniform, at sports costum, ang patimpalak ay nagtapos sa isang Q&A.
“I was unprepared, physically, mentally, and emotionally, because hindi ko naman talaga ine-expect na mapipili kami,” sambit ni Zoey. Ito ang ilan sa mga karanasan
ni Zoey noong siya ay sumabak sa patimpalak, dinagdag niya pa na ito ay mahirap dahil isang araw lamang ang naging preparasyon nila para sa kanilang performance.
Sa pakikipagpanayam naman kay Nick, sinabi niya na wala siyang masyadong preparasyon na ginawa at binigay na lamang ang lahat ng kanyang galing ng humarap sa entablado.
Todo naman ang ibinigay
na suporta ng mga kamagaral ng mga kalahok at hindi nagpatinag sa kabila ng isang malakas na ulan at madilim na atmospera.
Ilan sa mga kaibigan nila Nick at Zoey ang nagbigay ng buong suporta sa kanilang pagsali sa patimpalak.
“Sobrang nakaka proud bilang kaibigan nila, dahil hindi ko ineexpect na sila ang mananalo bilang champion sa contest na ito” ani Sachico Bauca ng 12 STEM Topacio.
Kinoronohan si Zoey Kirsten Bamba at Nick Daniel Ramos bilang Ms. & Mr. Intramurals ngayong taon, samantalang nakamit naman ng kanilang kamag-aral na sina Areana Denice Rala at Alexis James De Guzman sa STEM ang unang pwesto ng nasabing patimpalak.
Nagpasalamat naman ang mga kalahok ng STEM sa walang tigil na suporta ng kanilang mga guro, kamagaral, kaibigan, at pamilya.
Grade 12 STEM, nagwagi sa Mr. and Ms. Intramurals
MANDARAGIT
BOSES NG KABATAAN, SUMISIYASAT NG KATOTOHANAN
TOMO 1, BLG. 1
HULYO 2024 - SETYEMBRE 2024
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG-KAMPUS NG STEM 12 - NEBRES
lathalain
Lakas ng BaLsa
ni ALTHEA LOUISE ANTOGOP
Sa bawat buhat, hindi lang katawan ang kanyang iniaangat kundi pati na rin ang kanyang pangarap. Sa bawat kumpetisyon, hindi lang katawan ang iniaangat, kundi ang pangalan ng paaralan, bitbit ang karangalan. Siya'y hindi basta sumasali, hindi lang para maranasan, ang bawat laban, tila pagsubok na gusto niyang gustong lagpasan.
Hindi lang ang husay sa laro ang nagpapatingkad sa kanya, kundi ang dedikasyong hindi matinag. Isa sa kanyang mga idolo si Carlos Yulo, na bagamat mula sa ibang sport, nagsisilbing inspirasyon sa kanya. Para sakaniya, ang pagtingala sa isang tunay na kampeon ay nagbibigay ng dagdag na pwersa sa bawat laban. "Iba pa rin tumingala sa totoong champion," wika niya, na tila nagpapaalala na kahit anong sport ang iyong sinasalihan, dala niya ang determinasyon, lakas ng loob, at pananalig sa poong maykapal ay binansagan si Ernest Marshalle Melindo bilang lakas ng balsa
13 13
TAGUMPAY NG MGA MAG -AARAL SA BENCH CHEERING
ni REINA MAE NAVARRETE
Muling pinatunayan ng mga mag-aaral ng Lagro High School (LHS) ang kanilang kasiglahan at kakayahan sa ginanap na Bench Cheering Competition bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-46 na Founding Anniversary ng paaralan noong Agosto 30, 2024.
Ang mga mag-aaral mula sa Senior High School (SHS) at Junior High School (JHS) ay nagpakitang gilas sa kani-kanilang mga makukulay na kasuotan, malikhaing props, at mga sariling gawa na yell. Ang bawat pangkat ay naglaban-laban upang masungkit ang titulo bilang pinakamahusay sa nasabing patimpalak.
Sa kategorya ng Senior High School, nagwagi ang Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) 12 matapos magpakita ng mahusay na pagganap. Ang kanilang mahusay na koreograpiya at pagkakaisa ang naging susi sa kanilang tagumpay sa isang kapana-panabik at organisadong pagtatanghal na tumatak sa mga hurado. Nasungkit ng ABM 12 ang unang pwesto, habang HUMSS 12 at HUMSS 11 naman
ang pumangalawa at pumangatlo.
Sa kategorya ng Junior High School (JHS), itinanghal na kampeon ang Baitang 10 matapos magpakita ng mahusay na pagganap at pagkakaisa. Sinundan ito ng Baitang 8 para sa unang pwesto, Baitang 9 sa ikalawang pwesto, at Baitang 7 sa ikatlong pwesto.
Ang Bench Cheering Competition ay nagbigay buhay at kulay sa selebrasyon ng founding anniversary, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang dedikasyon at kasanayan sa kabila ng limitadong oras ng paghahanda.
Bullseye! Pagbabalik ng Archery Club, Muling Buhay sa Target
ni SHAWN KARL MAGLAYA
Pagkatapos ng tatlong taong intermisyon dulot ng pandemya, muling binuhay ang archery sa Lagro High School sa pamamagitan ng bagong club na pinangungunahan ni Coach Marianne Araña. Ang club na ito, na dating isang team na may limitadong miyembro, ay ngayon ay bukas sa lahat ng nais sumali, wala nang limitasyon sa bilang ng miyembro.
Noong Setyembre 12, 2024, nagkaroon ng pre-orientation kung saan ipinaliwanag ang mga inaasahan, gastusin, at page ensayo para sa mga interesadong estudyante at kanilang mga magulang. Ang huling pagkakataon para lumahok sa club ay sa Setyembre 17, 2024, at ang oryentasyon para sa mga magulang ay sa Setyembre 20, 2024, upang talakayin sa mga magulang ang mga detalye ng paglahok ng kanilang mga anak sa club.
Ang archery club ay hindi kayang maging bahagi ng intramurals at ang mga miyembro ay hindi makakasali sa mga kompetisyon hanggang sa susunod na taon ng paaralan. Ang
pagsasanay sa paggamit ng pana ay marapat bago ang mga mag-aaral ay makalahok sa mga laban, at dahil sa halaga ng mga pana, kailangan ng solidong pagpapalakas bago ito ipagamit.
Ang mga guro ng paaralan, tulad ni Sir Vincent Limpiada, ay magbibigay ng suporta sa pagbuo ng club ngunit ang pangunahing ensayo ay isasagawa ng mga dating miyembro ng archery team. Ang pagkakaroon ng kanilang serbisyo ay magdaragdag din sa gastusin ng mga estudyante.
Ang bagong sistemang ito ay naglalayong makamit ang mataas na antas ng pagiging mapagkumpitensya sa mga darating na taon, kasama
na ang mga planong pagsali sa mga national competitions tulad ng Palarong Pambansa. Kinakailangan ang matinding suporta at dedikasyon mula sa mga estudyante at kanilang mga magulang upang magtagumpay sa sport na ito.
Sa pagbabalik ng archery sa Lagro High School, umaasa ang mga tagasanayat guro na ang club ay magiging matagumpay at makikilala sa mga susunod na taon. Ang pagsisikap ni Coach Rianne Arana at ang suporta ng mga magulang at guro ay magbibigay daan para sa bagong henerasyon ng mga arkero sa paaralan.