

PANULAT NI JUAN
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Placido Del Mundo Elementary School Lungsod Quezon, NCR Tomo VII Bilang I Una


SA ELEKSYON 2025, ANG SIGAW NG KABATAAN,
Kami Naman


Kakulangan sa klasrum at aklat, sira-sirang kagamitan at imprastraktura, pagtaas ng presyo ng bilihin at pasahe, pagkawala ng mga puno, at isang dekadang traffic sa Quirino Highway.
Sa pagkamulat ni Juan sa problemang ito, ano ang papel ng mga Placidonian at milyong kabataang Pinoy sa bansa sa Eleksyon 2025?



Placidonian ang alam ang isasagawang eleksyon sa darating na Mayo 2025
Pahina 3

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Placido Del Mundo Elementary School Lungsod Quezon, NCR
BALITA 02/03
IMPRASTRAKTURA
Espayong lumiliit; Lumalaking bulilit
oong Enero 26, 2024, inilabas ng Department of Education (DepEd) ang DepEd Order No. 002, s. 2024, na nag-aatas sa agarang pag-alis ng mga gawaing administratibo sa mga guro sa pampublikong paaralan. Layunin nito na bigyan ng pagkakataon ang mga guro na magpokus sa pagtuturo at pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon.
Ayon kay Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon Sara Duterte, ang hakbang na ito ay bahagi ng pangako ng DepEd na suportahan ang mga guro. Sinabi pa niya, “Ibalik natin ang ating mga guro sa mga silid-aralan.”
Bilang bahagi ng mga probisyong panlipat, inaatasan ang mga Schools Division Offices (SDO) na agad na magpatupad ng mga estratehiya tulad ng:
Pagsasama-sama ng mga paaralan (clustering)
Pag-aatas ng mga tauhang pang-administratibo sa mga pinagsama-samang paaralan
Paglipat ng mga gawaing administratibo mula sa mga guro tungo sa mga punong-guro at mga di-nagtuturo na tauhan
Inaasahan din ang pagkuha ng karagdagang mga tauhan para sa suporta sa administrasyon sa loob ng 60 araw.
Nilalayon ng kautusang ito na protektahan at itaguyod ang kapakanan ng mga guro upang maging mas epektibo sila sa pagtuturo, na magreresulta sa mas mataas na kalidad ng pagkatuto para sa mga magaaral


Naantalang konstruksyon, sanhi ng pakonting bilang ng klasrum
ni JEANEL CORPUZ
aagang bumungad sa taong 2025 ang sunod-sunod na konstruksyon sa loob ng paaralang
Placido Del Mundo Elementary School matapos simulan ang paggiba sa SB Building at pagtayo ng makabagong gusaling multi-purpose na siyang tahanan ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang, kabilang na rito ang nakabinbin na paggiba sa nabubulok nang H.E. Building at ang nakatakdang pagsasaayos ng Gabaldon Building.
Ang SB Building ay may 16 klasrum at isang faculty center para sa mga guro sa ikaanim na baitang. Tinatayang nasa mahigit kumulang 600 mag-aaral ang gumagamit ng imprastrakturang ito.

ang nadadagdag sa mga guro upang mas makapagturo nang maayos sa kanilang silid ORAS
“Talagang maraming kailangan ipasaayos sa silid ng SB Building, parang kung gaano katagal na ako sa paaralan ay ganon din itong building na toh,” saad ni G. Efren Galera, isang guro sa ikaanim na baitang.
Batay sa pakikipanayam sa mga magaaral, kita na ang kalumaan ng building at ang walang kasiguraduhang katibayan nito sakaling tumama ang malakas na lindol
RELOKASYON
Sa kasalukuyan, ang mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ay nanunuluyan sa Rizal Building na dating klasrum para sa mga mag-aaral sa Kinder.
Nagkakaroon ng shifting ang mga mag-aaral sa mababang antas upang magbigay daan sa kakulangan na espasyong pagkatuto.
MGA GUSALING GIGIBAIN
Matagal nang natengga ang H.E. Building na dating gusaling nakalaan para sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan o E.P.P.
Isa ang H.E. Building sa mga gusaling matagal na sa paaralan na naitayo pa noong unang dekada ng Placido Del Mundo Elementary School, sa kasalukuyan, mahigit isang daang taon na ang paaralan.
Wala pa ring malinaw na plano kung kailan gigibain ang nasabing building at kasalukuyang ginagawang tambakan na maaaring makapagdulot ng disgrasya sa mga mag-aaral.
REHABILITASYON NG GABALDON
Kasabay ng pagdiriwang ng isang daang taon ng Gabaldon na isang heritage building ay nakatakda ring ipasaayos ang haligi nito batay sa itinakda ng Saligang Batas ukol sa mga Gabaldon Heritage Building.
Kamakailan lamang nitong Nobyembre 2024 ay bumisitang muli ang mga miyembro ng Engineering Department ng Lungsod Quezon upang siyasatin ang gusaling Gabaldon.
Sa lumiliit na espasyo sa paaralan, naniniwala pa rin si Sean Reyes, isang mag-aaral sa ikaanim na baitang na may magandang dulot ito para sa susunod na henerasyon.
“Minsan po talagang mahirap, pero in the future naman po ay ung mga younger batch sa amin, magaganda na yung classroom nila,” saad ni Sean.
Inaasahang matatapos ang rehabitation at pagtatayo ng bagong Multi-Storey Building kapalit ng SB Building ngayong taon.
Datos ng mga bahagi ng paaralan:
ni SOPHIE VILLAR
KAGURUAN
Mga silid na maari pang magamit tulad ng mga klasrum, covered court at quadrangle



NALALAPIT NA DISGRASYA.
Kita ang sira sirang kisame ng HE Building na kadalasan ay nadadaanan ng mga estudyante sa paaralan papasok sa kanilang mga silid.
Larawang kuha ni JHASMINE
KYLIE D. LONGAKIT

PANGHI.
Isang hindi magamit na urinal sa banyo ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang dahil sa baradong tubo.
Larawang kuha ni SEAN REYES
IMPRASTRAKTURA
Kubetang nanggigitata
Maduduming banyo, patuloy na daing ng mga Placidonian
ni GABRIELLE DE GUZMAN
ang araw-araw na balakid para sa mga mag-aaral sa ikalimang baitang ang dugyot at mabahong mga banyo sa loob ng Placido Del Mundo Elementary School. Higit sa kanila, hindi rin ligtas ang ibang baitang sa kasong dulot ng maduduming kubeta sa paaralan.
Batay sa ulat ng Panulat ni Juan, 18 sa 26 na palikuran ng paaralan ang walang suplay ng tubig at nangangailangan pang igiban. Halos walang toilet bowl ang may kapasidad upang ma-flush pagkatapos gamitin at mga urinal na hindi magamit.
Sa pagsusuri, karamihan din sa mga lababo ng paaralan ay hindi gumagana. Bagaman may mga hiwalay na hugasan ng kamay kaakibat ng Wash In Schools Program, ang mga lababo sa palikuran ay hindi magamit.
“Ang dumi ng mga CR. Wala pong tubig parati kaya pag napupu sa school eh kawawa po


KAGURUAN
ang estudyante,” saad ni Chesca, isang magaaral sa ikalimang baitang.
May mga ate sa paaralan na siyang namamahala sa mga banyo, ngunit maging sila ay hirap na rin sa pagsiguro na malinis ang palikuran.
Katwiran ng karamihan sakanila ay parte na rin ang kawalan ng disiplina ng mga estudyante at ang hindi pagbubuhos ng mga inidoro matapos gamitin.
“Parte na rin siguro ung mga estudyante ng problema kasi kahit may balde naman ng tubig, kinatatamaran nila yung pagbubuhos ng pinagihian,” saad ni Ate Loida, ang nakatokang utility para sa ikaanim na baitang.
Sa lumalalang sitwasyon ng mga banyo sa PDMES, malaki ang hamon nito sa pamunuan na unti-unting isaayos ang imprastraktura sa loob ng paaralan kasabay ang napakarami pang konstruksyon.
BILANG NG CR NA WALANG TUBIG AT FLUSH








9/10
Kami Naman
Placidonians, siniyasat ang mga lokal na kandidato para sa Eleksyon 2025; Araling Panlipunan curriculum, umikot sa halaga ng halalan
ni SOPHIA BANTING
nim sa sampung mag-aaral ang nagulat na nakararanas pa rin ng bullying sa paaralang Placido Del Mundo Elementary School at pagsasawalang bahala ang nakikita nilang pinakamabilis na solusyon.
Ayon sa ulat ng EDCOM II, 65% ng mga mag-aaral sa buong bansa ang nakararanas ng bullying sa mga paaralan, apat sa sampung estudyante ang madalas mabiktima ng bullying nang higit sa dalawang beses linggo linggo.
Para kay Gng. Lanuza, nakababahala na isipin ng mga kabataan na walang magagawa para sa bullying.
“Mahirap at delikadong mindset na hayaan na lang ang bullying. Maaaring makasira
sa mental health ng isang estudyante sa mahabang panahon ang kaso ng bullying at mahalagang maaga pa ay magawan na ng intervention ito,” ani niya.
Binuo ng Department of Education ang Child Protection Committee upang proteksyunan ang mga estudyante sa iba’t ibang kaso katulad ng bullying. Tinitingnan din ang mga adviser bilang pangunahing tutugon sa mga kasong mauulat sa silid aralan.
Isa sa patuloy na nagpapalala ng sitwasyon ay ang kawalan ng mga guidance counselor sa mga paaralan. Sa halip na lumapit sa tulong ang mga mag-aaral ay natututo na lamang silang sarilinin ang kanilang problema.
FRANCHESCA LEE
sa sa kasalukuyang paksa sa klase ni Gng. Elenita Dancel, guro sa Araling Panlipunan sa ikaanim na baitang ang tungkol sa Halalan. Kasabay ng kanilang talakayan ay nasaksihan ng Panulat ni Juan ang pulso ng mga mag-aaral tungkol sa kasalukuyang estado ng politika sa distrito, lungsod at bansa.
8 sa 10
Placidonian ang nakaramdam ng proyekto sa mga kasalukuyang pinuno ng bayan
78%
ng mga mag-aaral ang naniniwalang may kaya pang gawin ang mga susunod na pinuno para sa mga kabataan ni
Ayon sa mga kabataan, palaisipan pa rin sakanila ang plano ng mga nais na tumakbong kandidato sa susunod na halalan, marami ang tila walang ideya sa kug ano ang proyekto ng mga politiko sa kanilang lugar. Para kay Gng. Dancel, mahalaga na sa murang edad pa lamang ay makita na nila ang kahalagahan ng pagboto.
“Wala sa edad ang karapatan at tungkulin sa bayan. Maganda na hinuhubog na natin ang susunod na henerasyon para maging matalinong botante.
PAMAMAHAYAG
Tikas ng panulat, tibay ng paninindigan
PDMES, wagi sa Nationals; pahinang agham, kinilala
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Placido Del Mundo Elementary School | Lungsod Quezon, NCR | Tomo VII Bilang I


uling nagningning ang Placido
Del Mundo Elementary School (PDMES) matapos nitong mag-uwi ng mga prestihiyosong parangal mula sa National Schools Press Conference (NSPC) na ginanap sa Carcar City, Cebu noong Hulyo 8–12, 2024. Ang mga publikasyong pangkampus ng paaralan, The Paradigm at Panulat ni Juan, ay kinilala bilang pinakamahusay sa kani-kanilang mga kategorya.
Ang The Paradigm, sa pamumuno ng Editor-in-Chief na si Amber Yphan Tambaba, ay itinanghal na 1st Place sa pangkalahatang kategoryang Ingles at nakamit ang 3rd Place
NGITING TAGUMPAY.
Lubos ang galak ni Gng.
Rubelyn Soto nang magwagi ang dalawang pahayagan ng Placido del Mundo Elementary School sa National Schools Press Conference sa Carcar City, Cebu.
Larawang kuha ni JHASMINE KYLIE D. LONGAKIT
sa feature at editorial pages. Ang Panulat ni Juan, sa pamumuno ni Charlie Somera, ay pumangalawa sa kategoryang Agham.
Sina Tambaba at Somera, na kasalukuyang mga mag-aaral ng Philippine Science High School, ay nagsilbing inspirasyon sa kanilang kapwa mag-aaral.
Samantala, sina Enzo Acerden at Elle Olores, kapwa feature editors na ngayon ay nasa Quezon City Science High School, ay binigyan din ng espesyal na pagkilala para sa kanilang natatanging kontribusyon.
Malaki rin ang naging papel ng mga guro at administrador ng paaralan sa tagumpay na ito, kabilang sina Rubelyn
nagpakitang-gilas sa folk dance competition

ni FRANCHESCA LEE
inahanga ng mga batang mananayaw mula sa Placido Del Mundo Elementary School (PDMES) ang lahat sa kanilang husay sa pagsayaw ng tradisyunal na Folk Dance sa ginanap na “Festival of Talents” sa Ismael Mathay Senior High School, Oktubre 17, 2024 Nagwagi sila ng ikalawang pwesto sa kompetisyon. Ang grupo ay binubuo ng mga piling mag-aaral mula sa ika-anim na baitang, seksyon Jose P. Rizal. Kasama sa mga kalahok sina Shan Jycko Yam, Jan Ashley Rivera, Genesis Breindel Odal, Jhierra Zia Dimapilis, Juris Angela Cortez, David Azzereih Aguilar, Rey Aldreyon Mendoza, Martin Nathan Mallari, Jasmine
INDAKAN. Ipinamalas ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang ang kanilang galing sa folk dance sa naganap na Festival of Talents noong ika-17 ng Oktubre, 2024. Larawang kuha ni SHALOM DAVID L. DE GUZMAN
Del Monte, Jeanel Corpuz, Maria Kelly Huang, Joshua Halikhik, at Alain Taru Alverio. Sa pangunguna ni Gng. Rubelyn Soto, sila ay nagbigaybuhay sa tradisyunal na sayaw ng mga Pilipino at umani ng papuri mula sa mga hurado at manonood. Ang tagumpay ng mga mananayaw ay naging posible dahil sa dedikasyon ng kanilang mga guro na sina G. Cesar Vidania at Gng. Ma. April Acol, na tumulong sa kanilang paghahanda. Ayon kay Gng. Acol, “Tayo ang second place, pero sa mata namin, kayo ang first.” Isang patunay ito ng pagmamalaki at pagkilala sa kakayahan ng mga mag-aaral.
Soto, ang tagapayo ng pahayagan; dating Punungguro, Dr. Ma. Debbie M. Resma; kasalukuyang Punungguro, Dr. Rosalito R. De Roda; at Tagapangasiwa ng Pahayagan, Dr. Nimfa Gabertan. Hindi rin nalimutan ng paaralan ang suporta ng Punong Barangay Eric Juan, mga magulang, at komunidad ng Talipapa, na naging susi sa matagumpay na paglalakbay ng kanilang mga mag-aaral. Ang tagumpay ng The Paradigm at Panulat ni Juan sa NSPC ay patunay ng dedikasyon at talento ng Placido Del Mundo Elementary School, na patuloy na nagbibigay karangalan sa Quezon City.
PATIMPALAK
Agas, panalo sa kauna-unahang AP Quiz Bee
ni SHAN JYCKO YAM
ilahukan ng maraming mag-aaral ang kauna-unahang AP Quiz Bee na ginanap sa makasaysayang Gabaldon Building noong ika-18 ng Nobyembre 2024.
Mahigit 50 hanggang 60 mag-aaral ang lumahok sa patimpalak, na nagkaroon ng tatlong yugto ng tanong: Madali para sa unang round, Medium sa ikalawa, at Difficult sa ikatlong round na tumutok sa mas komplikadong paksa. Matapos ang mga round, apat na mag-aaral ang umusad sa final round. Sa huli, nagwagi si Martin Noah Agas bilang kampeon, habang kasama sa mga finalist sina Yam Shan Jycko T. Yam at Zuriel Baylon. Ang tagumpay ni Martin Noah Agas ay nagbigay-daan upang siya’y magpatuloy sa Division-level AP Quiz Bee, kung saan muli siyang nagpakita ng husay at dedikasyon. Ang patimpalak na ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na ipakita ang kanilang kaalaman sa Araling Panlipunan, pati na rin ang kahandaan nilang humarap sa mas malalaking kompetisyon.

Women’s Museum, bukas
Sa kaarawan ni Tandang Sora, ni JHIEARRA ZIA
pinagdiwang ng pamahalaan ng Quezon City ang ika-213 taong kaarawan ni Tandang Sora o Melchora Aquino kasabay ng pagbubukas ng Tandang Sora Women’s Museum sa Tandang Sora Shrine sa Quezon City.
Naglalayon ang museo na magpakita ng kabayanihan ng mga kababaihan at ang mga mabubuting nagawa ni Tandang Sora. Bilang pag-alaala sa kadakilaan at kabayanihang ipinakita Melchora Aquino o kilala rin bilang Tandang Sora, ipinagdiwang mga mag aaral ng ikaanim na baitang at mga guro mula
sa Placido del Mundo Elementary School ang kanyang kaarawan. Ang mga miyembro Knight of Columbus (KOC) ay nagbigay-pugay kayTandang Sora sa pamamagitan ng pagprosesyon ng busto niya. Dinasalan din siya at ibinahagi ang kaniyang mga naitulong sa ating bansa.
Si Tandang Sora ay nakilala sa kanyang katapangan at pagiging mapagbigay sa mga rebelde. Siya ay ipinanganak sa Caloocan Rizal na ngayon ay bahagi na ng Kalakhang Maynila.
BIDA ANG KABABAIHAN. Pinasinayaan ni Mayor Joy Belmonte at iba pang tagapamahala ng Tandang Sora Shrine ang bagong museo para sa kababaihan. Larawang kuha mula sa QUEZON CITY GOVERNMENT
ni JEANEL CORPUZ

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng
Placido Del Mundo Elementary School | Lungsod Quezon, NCR | Tomo VII Bilang I

HANDS-ON. Kita ang pagiging matulungin ng isang miyembro ng SPTA sa mga mag-aaral sa ikalawang baitang habang ginagawa ang kanilang proyekto para sa ikalawang markahan. Larawang kuha ni SHALOM DAVID L. DE GUZMAN


KOMUNIDAD
SPTA, nagbahagi ng tulong at gabay
anguna ang School Parent-Teacher Association (SPTA) sa pagsasakatuparan ng iba’t ibang proyekto para sa kapakanan ng mga mag-aaral, guro, at buong paaralan ng Placido Del Mundo Elementary School (PDMES).
Ilan sa kanilang mga nagawang proyekto ay ang pamamahagi ng mga aklat na sinimulan nina Kon. Eric Medina para sa Unang Baitang at Kon. Kristine Matias para Ikatlo at Ikaanim na Baitang; Pagbibigay ng bigas para sa mga guro ng PDMES na isinagawa sa tulong ng mga kinatawan ni Cong Marivic Co-Pilar; Pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Guro kasama ang PDMES
Sports Fest; Clean-Up Drive. Layunin nitong mabawasan at mag-recycle ng basura. Nagsagawa rin sila ng Feeding Program sa pakikipagtulungan ni Brgy. Talipapa Kap. Atty. Eric Juan.
Isinagawa ang Koleksyon ng mga plastic na bote ng bawat baitang bilang bahagi ng kanilang environmental advocacy.
Naniniwala ang SPTA na ang bawat hakbang ay mahalaga upang maisulong ang pag-unlad at kalinangan ng paaralan. Patuloy silang magiging inspirasyon at huwaran para sa mas maayos at mas maliwanag na kinabukasan ng PDMES.

PAG-AARAL
ang natipid ng mga magulang sapagkat hindi na sila bibili ng panibagong uniporme
Bagong uniporme, hatid sa mga batang Placidonians
ni AUDRE ISLA

HANDOG.
amahagi si Cong. Marivic Co-Pilar ng PE uniporme sa mga mag-aaral ng PDMES na ginanap sa covered court noong Agosto 15, 2024.
Bilang taunan niyang pangako sa lahat ng mga estudyante ng ika-6 na distrito, taontaon walang bata ang hindi makapagsusuot ng uniporme na magagamit nila tuwing sila ay

maglalaro at may programa sa paaralan. Ang programa ay dinaluhan ng mga opisyal ng paaralan, mga guro, at mga estudyante. Nagtapos ang kaganapan sa paaralan ng nagpapasalamat ang mga opisyal ng paaralan, mga guro, at mga mag-aaral para sa patuloy na pagsusuporta ni Hon. Marivic Co-Pilar sa komunidad ng Placido.
KAMSAHAMNIDA. Bumisita ang mga delegado ng Rotary Club sa library ng PDMES kung saan isinasagawa ang pag-eensayo ng mga campus journalist ng paaralan. Larawang kuha ni JHASMINE KYLIE D. LONGAKIT
agbahagi ng tulong ang Rotary International Districts 3680 at 3780 kasama ang 63 delegadong Koreano sa isang outreach program sa Placido Del Mundo Elementary School noong Disyembre 5, 2024.
Pinamunuan ni Atty. Kap Eric Juan ang Barangay Talipapa Council ng nasabing asosasyon.
Samantala, ang 63 delegadong Koreano ay nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad tulad ng feeding program, pamamahagi ng mga kagamitang pampaaralan, turnover ng LED TV para sa silid-aklatan, at paglalagay ng sisterhood marker. Naglibot rin sila sa Gusali ng Gabaldon, ang makasaysayang gusali ng paaralan.Sinuri rin nila ang programang urban farming ng Barangay Talipapa Eco Park at ang Klaypel na gawain sa silidaklatan.
Isinalubong ni Dr. Rosalito R. De Roda, punungguro ang mainit na pagtanggap sa mga panauhin.
Kabilang din sa mga dumalo sa programa sina Magical President Laurence “Tata” Nogaliza, District 3780 Governor Milo Lucenario, Mr. Emmanuel Hugh Velasco ng QC Food Security Task Force, at Atty. Anthony Aldave ng District 6 Action Office ng Quezon City.
“Lubos kaming nagpapasalamat sa Rotary International, sa mga delegadong Koreano, at sa lahat ng aming katuwang. Malaki ang magiging epekto ng programang ito sa aming mga mag-aaral at sa buong komunidad ng Talipapa. Bukod sa tulong na naihatid, mas pinatatag pa nito ang ugnayan sa pagitan ng ating mga bansa,” ani Dr. De Roda. Naging matagumpay ang programa at nagbigay ito ng kasiyahan sa lahat ng mga dumalo.
Ginawad ni Congresswoman Marivic Co Pilar ang mga bagong PE Uniforms sa mga mag-aaral ng PDMES. Larawang kuha ni SHALOM DAVID L. DE GUZMAN

(DepEd). Ang mga programang tulad ng Alternative Learning System (ALS), Free Higher Education, at TechnicalVocational Education and Training (TVET) ay nagbigay ng mas madaling akses sa edukasyon, habang ang mga programang tulad ng National Feeding Program ay tumutulong sa mga kabataang kulang sa nutrisyon. Gayunpaman, hindi pa rin natatapos ang laban—mayroon pa ring mga kabataang nalululong sa bisyo, nawawalan ng interes sa pag-aaral, o hinahadlangan ng kahirapan at kakulangan ng mga pasilidad. Ngunit nararapat bang isisi sa tadhana ang pagiging OSY?
Sa kabila ng mga hamon, may mga solusyon at oportunidad na nag-aabang.
ngayon, mas marami nang oportunidad ang bukas para sa libreng edukasyon.

PAG-AARAL
Populasyon ng
Patnugutan
kabataan sa Lungsod Quezon ay kabilang sa Out-of-School Youth
at desisyon, kaya’t ang pagwawalangbahala sa edukasyon ay hindi simpleng “tadhana,” kundi isang maling pagpili. Piliin mag-aral. Hindi natin kontrolado ang ating kapanganakan o ang sitwasyon ng ating pamilya, ngunit kontrolado natin kung paano natin makakamit ang ating mga pangarap. Huwag umasa sa tadhana. Sa halip, gumawa ng aksyon. Sabi nga, “Kapag may pinag-aralan, madali nang abutin ang tagumpay.” Ang kinabukasan ay hindi lamang iniintay; ito ay nililikha.
Sa bawat hakbang ng pagsisikap at pagtitiyaga, binibigyan natin ang ating sarili ng pagkakataong makaahon at maging tagumpay sa buhay. Piliin ang tamang landas—piliin ang edukasyon.

Pinirmahan ni Leonor Briones ang na maisama sa curriculum ng Department of Education ang Comprehensive Sexual Education ay naglalayon na: PASADA!
Pahalagahan ang Sexual Health at Relationships
Mas malalim na pag-unawa sa reproductive health
Tuturuan daw tayong mag masturbate?
Wala sa panukalang batas at nabuong curriculum ang pagtuturo ng iba’t ibang sekswal na aktibidad sa mga kabataan.
Anong nais nito?
Pababain ang kaso ng teenage pregnancy
Maiwasan ang kaso ng karahasan sa mga kababaihan
Mapababa ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) kasama na rin ang iba pang Sexually Transmitted Infections (STI)
Nais simulan ang pagtuturo ng Comprehensive Sexuality Education sa mga mag-aaral sa ika-apat na baitang pataas.
Daffodil A. Nagasangan Keishann P. Domingo Shan Jycko
Sakhara Marie B. Bellen Jeanel
Corpuz Shenna Faith R. Britos Federico R. Abaigar III Carl Joseff E. Capangpangan Akierha Chelsea A. Huerto Ivory John B. Magro Charles Liam Z. Sanchez
Maselang usapan?
Walang Kaba!

Fed Abaigar III
VI- Jose Rizal
sa Philippine Statistics Authority
Tumataas nang
35% ang bilang ng mga batang babaeng nabuntis na nasa edad 15 pababa noong 2022
Johnpio Gonzales
V-Jose Rizal


Pabor ako sa pagkakaroon ng Comprehensive Sexuality Education sapagkat tumataas na ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa.
Ano pang ikinakatakot ng mga simbahan tungkol sa maseselang usapan kung ginagawa na mismo ng mga bata ang mga bagay na nauuwi sa maagang pagkabuntis dahil sa mapusok na isip?
Teenage Pregnancy
Mainit na balitaktakan tungkol sa panukalang Comprehensive Sexuality Education ng mga miyembro ng Placido Del Mundo Elementary School.
Gender-Based Violence
1 SA 5
kababaihan sa Pilipinas ang nakakaranas ng karahasan sa kanilang pamilya, kinakasama o asawa
Ayon sa Philippine Statistics Authority
Franchesca Lee VI- Lapu Lapu


Sa mahabang panahon, tumataas ang kaso ng violence sa mga kababaihan, partikular na sa mga batang babae tulad ko. Nais namin na maituro sa lahat ng mga batang babae ang karapatan nila sa kanilang katawan upang hindi mapagsamantalahan ng kung sino.
Walang lugar ang gender-based violence sa ating lipunan at dapat magsimula ito sa ating paaralan.


Mahalagang maingat sa pagtuturo ng sexual education lalo na sa mga kabataan sapagkat baka ito pa ang mas magbukas sa kanilang isipan lalo na kung wala silang maayos na gabay.
Basahin ang inihandang briefer ng Department of Education tungkol sa Comprehensive Sexuality Education kasama na ang mga dapat ituro at malaman ng mga mag-aaral.
Tugon ni Fed
Paano na lang ang mga walang magulang?

Iba pa rin na sa magulang nagmumula ang pagtuturo ng sexual education. Mas mahalaga na nandyan sila upang gabayan ang mga mag-aaral sa kung anong dapat gawin at hindi.

Ayon
Lalia Tanzo IV-Gregorio Del Pilar
08 OPINYON
Munting Tinig

ni FED ABAIGAR

Ang inklusibong edukasyon ay hindi lamang isang layunin kundi isang karapatang dapat maipagkaloob sa bawat bata.
BULLYING
INKLUSIBONG EDUKASYON
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng
Placido Del Mundo Elementary School | Lungsod Quezon, NCR | Tomo VII Bilang I

PAG-AARAL
Ayon sa United Nations Children’s Fund
Karapatan ng Bawat Bata
ng edukasyon ay isang pundasyon ng isang maunlad na lipunan, at walang batang dapat maiwan sa layunin ng pagkakapantay-pantay sa pag-aaral.
Ayon sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), mayroong 240 milyong batang may kapansanan sa buong mundo na patuloy na humaharap sa diskriminasyon at kawalan ng pagkakataong makapasok sa de-kalidad na edukasyon. Marami sa mga batang ito ang may pangarap maging doktor, inhenyero, guro, o nars ngunit dahil sa kakulangan ng suporta sa paggawa ng patakaran at inklusibong programa, limitado ang kanilang pag-access sa edukasyon. Madalas silang nawawalan ng pagkakataong makibahagi sa kanilang komunidad, maging sa aspetong panlipunan o pang-ekonomiya. Malinaw na paglabag ito sa kanilang karapatan bilang tao. Ang inklusibong edukasyon ang sagot sa hamong ito. Isa itong sistema na naglalayong bigyan ang lahat ng mag-aaral, anuman ang
Sugpuin ang Sakit ng
Karahasan
yon sa ulat ng Programme for International Student Assessment (PISA ) 2019, 60% ng mga Pilipinong mag-aaral ay biktima ng iba’t ibang uri ng pang-aapi, kabilang ang cyber-bullying, pisikal, sikolohikal at berbal na pang-aapi.
Isa naman sa bawat tatlong Pilipinong mag-aaral ay madalas na nakararanas ng pang-aapi sa kanilang paaralan.
Anu-ano nga ba ang dapat gawin kung ang iyong kaibigan ay binu-bully?
Unang-una siguraduhin na alam mo ang kanyang nararamdaman. Alamin kung siya

FRANCHESCA
kanilang kakayahan na makapag-aral. Sa pamamagitan nito, natutulungan ang mga batang may kapansanan na makipag-ugnayan sa kanilang kapwa mag-aaral, natututo silang makipamuhay, at nagkakaroon sila ng karanasan sa mas pantay na kapaligiran. Hindi lamang para sa mga batang may kapansanan ang inklusibong edukasyon. Namumulat rin ang mga mag-aaral na walang kapansanan sa kahalagahan ng respeto, pagkakapantay-pantay, at empatiya. Isa itong paraan upang turuan ang kabataan na walang dapat na naiiba o naiisantabi sa lipunan. Sa pagtatapos, ang inklusibong edukasyon ay hindi lamang isang layunin kundi isang karapatang dapat maipagkaloob sa bawat bata. Sa pamamagitan nito, hindi lamang tayo nagtatayo ng mga paaralang bukas para sa lahat kundi nagtataguyod din tayo ng isang lipunang mas pantay, mas makatarungan, at mas makatao. Ang pagsuporta sa inklusibong edukasyon ay isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.
ang bilang mga mga kabataang may kapansanan sa buong mundo
1.6 milyon ay matatagpuan sa mga kabataan sa Pilipinas
INFLATION
ay nalulungkot nawawala ng pag-asa, o may suicidal na pag-iisip. Ikalawa, huwag magatubiling ipagbigay-alam sa mga magulang ng iyong kaibigan ang mga nangyayari upang malaman nila agad ang nararanasan ng anak. Ikatlo, sabihin sa iyong guro ang kalagayan ng iyong kaibigan. Panghuli, obserbahan maigi ang kaniyang ikinikilos at ginagawa. Huwag nating hayaan mamayani ang takot sa mga binu-bully. Bigyan natin sila ng lakas ng loob at pag-asa upang mapagtanto nila na hindi sila nag-iisa sa laban ng buhay. Sugpuin ang pambu-bully!
ng biglaang pagtaas ng presyo ng pagkain sa mga canteen at tray ng iba’t ibang paaralan ay nagdudulot ng kahirapan sa mga mag-aaral. Marami ang nagsasabing kulang na ang kanilang baon upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa paaralan.
Sinabi ng ilang mag-aaral na nakakaapekto ito sa kanilang badyet. Halimbawa, sinabi ni Juan Junio ng PDMES, “Nakakainis dahil dati, walong piso lang ang ice candy, ngayon ay sampung piso na. Nanghihinayang akong bumili dahil wala na akong matitirang pera para sa iba ko pang gastusin.”

Bumalikwas ni SEAN REYES
1 sa 7
batang Pilipino ang kabilang sa disabled and with additional needs
Ayon sa EDCOM II Report
Isang mag-aaral sa ika-anim na baitang ang nagsabi na mabilis na nauubos ang kanilang pera kapag bumibili sila ng pagkain sa canteen. Isang mag-aaral naman sa ika-limang baitang ang nagsabi, “Grabe, ang mahal na nga ng bilihin sa kanto, ang mahal pa sa school. Talagang mataas ang inflation ngayon.”
Ayon kay Charles Sanchez, kailangang matugunan ang isyung ito upang hindi mahirapan ang mga mag-aaral. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ay nagdudulot ng dagdag na problema, lalo na sa mga mahihirap. Sinabi ng isang mag-aaral, “Dapat babaan ang presyo imbes na taasan. Nakakadagdag ito sa problema ng mga kapuspalad.”
6 SA 10
Batang Pilipino na nakararanas ng bullying sa buong bansa

PAG-AARAL
ang karagdagang baon na madalas ipadala sa mga mag-aaral na Placidonian.
Sa isang buwan, humigit kumulang P900 ang idadagdag ng mga magulang.

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng
Placido Del Mundo Elementary School | Lungsod Quezon, NCR | Tomo VII Bilang I
TEENAGE PREGNANCY
Tanikala ng Responsibilidad
Sa nakalipas na dalawang taon, naitala ng ating komunidad ang sumusunod na datos hinggil sa teenage pregnancy: 2023: 12 kaso (Lahat ay nasa edad 1519) at 2024: 10 kaso (9 sa edad 15-19) Bagamat bumaba ang bilang ng mga kaso mula 12 noong 2023 tungo sa 10 noong 2024, nananatiling mataas ang insidente ng teenage pregnancy sa mga kabataang may edad 15-19. Walang naitalang kaso sa mga may edad 10-14 sa parehong taon. Ito ay isang positibong indikasyon, ngunit hindi pa rin tayo dapat magpakampante. Mahalaga ang papel ng edukasyon at suporta mula sa
IMPRASTRAKTURA
pamilya at komunidad upang mapigilan ang teenage pregnancy.
Dapat nating bigyang-diin ang mga programang pangkalusugan at pang-edukasyon na magbibigaykaalaman sa ating mga kabataan tungkol sa responsableng pakikipagrelasyon at tamang pagpaplano ng pamilya.
Sa huli, ang pagkakaisa ng ating komunidad ang susi sa pagsiguro ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga kabataan. Ang patuloy na pagbibigay ng tamang impormasyon at suporta ay mahalaga upang lalong mapababa ang bilang ng teenage pregnancy sa mga susunod na taon.
Tinalikurang


Nanawagan ang SPTA na tumulong ang mga magulang sa pagbibigay ng mga gamit panglinis tulad ng toilet brush at air freshener upang mapabuti ang amoy at kalinisan ng mga palikuran. Nagpahayag din sila ng kahandaan na tumulong sa paglilinis.
Panawagan ng School Parent Teachers Association

Naniniwala si Angela na mahalagang mapanatili ang kalinisan ng mga palikuran sa pamamagitan ng paglilinis ng mga kawani at responsibilidad ng mga mag-aaral.

Panawagan ni Angela Denise Ygrubay VI-Jose Rizal
Bagabag ng Bukas

ni JEANEL CORPUZ
Naitalang kaso ng Teenage Pregnancy sa Brgy. Talipapa










Isa sa mga pangunahing suliranin sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas ang kalinisan ng mga palikuran. Maraming mag-aaral ang hindi nagbubuhos ng inodoro, dinudumihan ang paliguan, at sinusulatan ang mga dingding at pinto.
Ito ay bunga ng kawalan ng disiplina at responsibilidad ng ilang mag-aaral, na nagpapahirap sa mga tagalinis at kawani ng paaralan. Dahil dito, maraming paaralan ang napipilitang isara ang kanilang mga palikuran dahil sa sobrang karumihan at bara sa mga inodoro. Ang sitwasyon ay nakaaapekto sa kalusugan ng mga mag-aaral. Marami ang napipilitang pigilin ang pag-ihi, na nagdudulot ng mga sakit tulad ng UTI (Urinary Tract Infection). Ang mga maruruming palikuran ay nagiging pugad din ng mga lamok, na nagpapataas ng panganib ng dengue fever, isang sakit na maaaring magdulot ng kamatayan lalo na sa mga bata. Malaking hamon ito sa

Ipinunto ni Jan Ashley ang panganib ng UTI dahil sa pagpipigil ng ihi bunga ng maruruming palikuran. Nanawagan siya para sa agarang pagtugon sa isyu. Panawagan ni Jan Ashley Rivera V-Gregorio Del Pilar

Sa tumataas na kaso ng teenage pregnancy, anong solusyon ang maihahain ng mga tumututol sa Comprehensive Sexuality Education?
Oras na para pag-aralan ng mga mag-aaral ang usaping sekswalidad
ni JEANEL CORPUZ
mga mag-aaral, lalo na sa mga madaling makaramdam ng pangangailangang umihi. Ngunit hindi lamang sila ang naapektuhan; lahat ng gumagamit ng palikuran sa paaralan ay nakararanas ng kahirapan.
Bagamat tila maliit na problema lamang, ang maruruming palikuran ay maaaring magdulot ng malubhang sakit at iba pang komplikasyon. Kung hindi agad ito maagapan, lalo itong lalala.
Ang solusyon ay nangangailangan ng pakikiisa ng lahat: lokal na pamahalaan (sa pamamagitan ng pagtiyak ng sapat na suplay ng tubig), mga punong-guro, mga guro, at mga mag-aaral. Kailangang magkaroon ng disiplina at responsibilidad ang bawat isa sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga palikuran. Ang pagpapanatili ng malinis na palikuran ay hindi lamang responsibilidad ng mga tagalinis; ito ay responsibilidad ng lahat. Ang agarang pagtugon sa isyung ito ay mahalaga para sa kalusugan at kagalingan ng buong komunidad ng paaralan.

Ipinagdiinan ni Alain ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo. Nanawagan siya para sa paglilinis ng kamay bago at pagkatapos gumamit ng palikuran.
Panawagan ni Alain Taru Alverio IV-Diamond
Ayon kay Jasmine, ang karumihan at masamang amoy ng palikuran ay nagiging dahilan ng pagpipigil ng ihi ng mga magaaral, na nagdudulot ng panganib sa kalusugan.
Panawagan ni Alain Taru Alverio VI-Lapu Lapu
arahil ay nakita mo na siya, pero malamang hindi mo siya kilala. Si John Clark Emata, isa sa mga kaklase natin na marahil ay hindi mo pa nakakausap. Tulad ng karamihan sa atin, si John ay nag-aaral na puno ng mga pangarap at ambisyon. Ngunit nagtatapos na ang pagkakatulad doon dahil maaga pa lang ay hirap na hirap na ang buhay niya.
Ang dahilan kung bakit hindi mo pa siya nakakaibigan ay dahil hindi siya nakakapasok sa paaralan araw-araw. Ipinanganak sa kahirapan, napipilitan siyang magtrabaho kahit bata pa siya para matulungan ang pamilya niyang mabuhay.
Ang salitang “mabuhay” ang tamang gamit, dahil hindi pa siya nakaranas ng karangyaan ng
Bayani ng Kalinisan
ni THEA REYES

Biktima ng Child Labor
Talaarawan sa Buhay ni John Emata
isang normal na bata. Sa murang edad, nagtitinda siya ng pandesal sa umaga. Kapag maswerte siya at nakabenta ng sapat bago mag-umaga, nakakapasok siya sa klase. Kung hindi, hindi siya nakakapasok.
“Hindi po ako pwedeng sumuko, kasi parang sinuko ko na rin ang kinabukasan ng pamilya ko,” pagbabahagi niya.
Sa kabila ng mga pagsubok na kanyang kinakaharap, ginagawa pa rin niya ang kanyang makakaya para makapasok sa klase kahit nagugutom na siya. Umaasa pa rin siya na ang edukasyon ang susi sa isang mas magandang kinabukasan, hindi lamang para sa kanya, kundi para sa kanyang pamilya rin.
Sa bawat sulok ng Placido Del Mundo Elementary School (PDMES), tahimik ngunit masigasig na naglilingkod ang mga tagapaglinis mula sa Erin Miles. Sila ang nagsisiguro sa kalinisan at kaayusan ng paaralan—mula sa mga palikuran hanggang sa bakuran—upang matiyak ang isang ligtas at maaliwalas na kapaligiran para sa pag-aaral. Madalas na hindi napapansin ang kanilang dedikasyon, ngunit araw-araw silang bumabangon nang maaga upang linisin ang paaralan. Higit pa sa paglilinis, nag-aambag sila sa kalusugan at kagalingan ng buong komunidad ng PDMES. Isang mag-aaral ang nagpahayag ng kanyang pasasalamat: “Mabait at magaling maglinis ang mga taga-Erin Miles sa
Placido. Malaking tulong sila sa amin.” Ang simpleng pahayag na ito ay nagpapakita ng positibong epekto ng kanilang pagsisikap.
Sa panahon na mas pinahahalagahan ang kalinisan at kalusugan, lalong mahalaga ang kanilang kontribusyon. Ang kanilang dedikasyon ay isang paalala na ang bawat miyembro ng komunidad ay may mahalagang papel sa paglikha ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa pag-aaral.
ni SAHKARA BELLEN
Erin Miles at Utility Workers
Sa gitna ng isang komunidad ng hirap at pasakit, sa papaanong paraan namukadkad ang mga miyembro ng Placido Del Mundo Elementary School?

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Placido
Del Mundo Elementary School Lungsod Quezon, NCR
Tomo VII Bilang I
LATHALAIN 10/11
Buhay Migrante
Lipat Bahay, Lipat Buhay
ni MK HUANG
ng aking karanasan bilang isang Taiwanese na mag-aaral sa Placido
Del Mundo Elementary School (PDMES) ay nagpapatunay sa dedikasyon ng paaralan sa pagiging inclusive. Hindi ko kailanman naramdaman na naiiba o naisasantabi.
Sa loob ng halos tatlong taon, tinrato ako ng aking mga guro at kaklase nang may paggalang at kabaitan. Ang malugod na kapaligiran ng paaralan ay nagbigay sa akin ng pagkakataong umunlad sa pag-aaral at pakikisalamuha. Ipinagdiriwang pa nga namin
ang Lunar New Year na may mga tradisyunal na pagkain tulad ng tikoy, na nagpapakita ng masiglang pagkakaiba-iba ng kultura sa komunidad ng paaralan. Ang PDMES ay isang tunay na halimbawa ng isang magkakaiba at inclusive na kapaligiran sa pag-aaral.
Si G. Rainier Manuel ay isang librarian na sa loob ng limang taon na ngayon, at sa lahat ng mga taong iyon, hindi siya napapagod at minahal ang lahat tungkol sa aklatan. Nagtapos siya sa Luna College sa Tayug, Pangasinan. Aniya, hindi niya pinili ang maging librarian, ngunit minahal din niya ito habang lumilipas ang panahon.
Marami siyang hamon araw-araw bilang
Bantay ng Kwento
ni JEANEL CORPUZ
librarian, lalo na ang mga estudyanteng pumapasok sa aklatan ngunit hindi sumusunod sa alituntunin ng katahimikan. Gayundin ang mga mag-aaral na hindi naglalagay ng mga libro sa tamang lugar; ang tanging magagawa niya ay ituro ang mga palatandaan at ayusin ang mga libro. Sinabi rin niya na kung mapapabuti pa ang silid-aklatan, nais niyang mas maayos ang bentilasyon nito at nais niyang ma-update ang mga sanggunian. Sampung taon (10) mula ngayon, nakikita niya ang sarili na nagtatrabaho pa rin sa aklatan, pinapagalitan ang mga estudyante, at inaayos ang mga libro. At ang kanyang mensahe sa mga magaaral: “Ipagpatuloy ang pagbabasa upang mapatalas ang inyong isipan.”
School Librarian
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Placido Del Mundo Elementary School | Lungsod Quezon, NCR | Tomo VII Bilang I

sa Quirino Highway

Larawang kuha ni LIEZEL
sa sa mga patuloy na problema na kinakaharap ng mga tao ngayon ay ang matinding trapiko, lalo na sa Quirino Highway. Hindi lamang ito abala, kundi isang malaking suliranin din na nakakaapekto sa ating ekonomiya.
Ano nga ba ang mga sanhi ng matinding trapiko sa Quirino Highway?
• Kakulangan ng Espasyo: Masyadong makipot ang daan, at ang kawalan ng disiplina ng ilang mga driver ay nagpapalala sa sitwasyon. Maraming nagdo-double lane at nagsisiksikan, na nagreresulta sa mas matinding trapiko.
• Pagdami ng Sasakyan: Ang lumalaking bilang ng mga sasakyan sa kalsada ay nag-aambag din sa problema.

Narito ang ilang posibleng solusyon:
Pagpapalawak ng Daan: Kailangan ng mas malawak na espasyo upang mapaunlakan ang lumalaking bilang ng mga sasakyan.
Pagpapatupad ng Mahigpit na Batas Trapiko: Mahalaga ang pagpapatupad ng mga batas trapiko upang matiyak ang disiplina sa kalsada.
Disiplina sa Sarili: Ang bawat tao ay may pananagutan na maging responsableng mamamayan at sundin ang mga batas trapiko.
• Malalaking Trak: Ang pagdaan ng mga malalaking trak sa makitid na daan ay nagdudulot ng karagdagang panganib ng aksidente, na nagreresulta sa pagkaantala ng trapiko.
Hindi lamang ang mga driver ang nakakaranas ng mga epekto ng trapiko; ang mga komyuter ay nakakaranas din ng matinding paghihirap, pagpapawis, at pagkaantala sa kanilang paglalakbay.
Ang paglutas sa problema ng trapiko sa Quirino Highway ay nangangailangan ng pagtutulungan ng gobyerno, mga driver, at mga komyuter. Ang pagbibigay-pansin sa isyung ito ay mahalaga para sa ikabubuti ng ating lahat.
Peace
Ang Libreng Burial at Funeral Assistance ay napakalaking tulong para sa komunidad, Ito ay naglalayon na maibsan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilya sa pagsasaayos ng libing at pagtiyak ng wastong libing para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Sa Quezon City, ang SP – 2865, S – 2019, isang ordinansa angnilikha upang magbigay ng libreng serbisyo sa mortuary para sa mga kwalipikadong Indigent QC CITIZENS, na naglalaan ng mga
pondo at sa iba pang layunin. Hanggang ngayon, ang pagkamatay ay naging kasing halaga ng pamumuhay mismo. Ito ay dahil ang halaga ng serbisyo ng libing ay talagang tumaas mula noon. Ang average na funeral service package ay nagkakahalaga ng Php8,000 hanggang Php10,000, habang ang Mid - Range Funeral Service ay nagkakahalaga ng Php 15,000 hanggang Php 250,000 at ang High – Range Funeral Service na nagkakahalaga ng Php 300,000 hanggang Php
500,000. Ang pagkamatay ng isang pamilyang lubhang mahirap ay tunay na kalunos-lunos. Ito ay dahil ang ilang pamilya ay talagang hindi kayang bayaran kahit ang karaniwang serbisyo ng libing.
Bukod sa Quezon City ay mayroon din programa sa Pambansang Pamahalaan sa pangunguna ng DSWD na LIBRENG BURIAL AND FUNERAL ASSISTANCE at maaaring makakuha ng mga benepisyong nagkakahalaga ng Php10,000.
KALBARYO. Kuha ang tila walang galawang daloy ng trapiko sa Quirino Highway sa pagpasok ng gurong si Liezel Reyes isang Biyernes noong taong 2024.
REYES

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng
Placido Del Mundo Elementary School | Lungsod Quezon, NCR | Tomo VII Bilang I
Isang Muslim na Mag-aaral sa Pampublikong Paaralan
ni PRINCESS
arang nag-iisa lang akong bangka sa dagat ng iba’t ibang kultura at relihiyon sa paaralan. Bilang isang Muslim na estudyante sa isang paaralang majority ay mga Katoliko, lagi kong nararamdaman ang pagiging kakaiba ko.
Tinuruan ako ng mga magulang ko na mahalin ang kultura at pananampalataya namin. Pero mahirap din pala ang mag-aral sa isang paaralan kung ikaw lang ang Muslim Isa sa mga kapansin-pansing pagkakaiba ay, hindi katulad ng aking mga kaklase, hindi ako maaaring umupo sa tabi ng mga lalaki. Hindi na ito tinatanong ng aking mga kaklase; tinatanggap na lang nila ito bilang bahagi ng kung sino ako. Maaaring hindi nila alam na ako ay isang Muslim, ngunit sanay na sila sa aking naiibang hanay ng mga patakaran at kaugalian mula pa noong ako ay nasa mas mababang baitang.
Hindi madaling makahanap ng kaibigan. Ang hirap humanap ng pareho naming interes dahil sa iba’t ibang relihiyon ng mga kaklase ko. Pero natutunan ko na hindi naman kailangan ng maraming kaibigan para maging masaya. Sapat na ang isa o dalawang malalapit na kaibigan na nakakaintindi at tanggap ako. Sobrang importante sa akin ang suporta nila; nagbibigay ‘yun ng
lakas sa akin.
Natutunan ko sa pagiging minorya ang kahalagahan ng tiyaga at pagtitiwala sa sarili. Kahit iba ako, naniniwala akong kaya kong magtagumpay at maging masaya sa buhay. Ginagabayan ako araw-araw ng pananampalataya ko, at proud ako sa kung sino ako.
Minsan feeling ko outsider ako sa paaralan, pero natutunan ko nang mahalin ang pagkatao ko at maging masaya sa mga simpleng bagay. Kahit sa pagaaral, extra-curricular activities, o pakikipagkaibigan lang, alam kong mahalaga rin ang journey ko.
Ang mga taong may mataas ang tingin sa sarili, hindi lang sa dami ng kaibigan o kung gaano tayo kadaling makisama sinusukat ang isang tao. Ang tibay ng loob, pagiging totoo sa sarili, at pagiging confident ang mahalaga. Natututo pa lang ako bilang isang Muslim na estudyante sa paaralang pampubliko, pero gagawin ko ang lahat para maging masaya at matagumpay.

Ang Tahimik na Paghihirap ng mga Apektado ng Mental Health Issues Sa Likod ng Ngiti
ni FRANCHESCA LEE AT CHARLES LIAM SANCHEZ
sang lumalalang problema sa ating bansa ang mental health issues, na nakakaapekto sa mga kabataan at matatanda. Bagamat may lumalaking kamalayan, marami pa rin ang nagbubulagbulagan sa kalubhaan nito.
Madalas isipin na simpleng payo o panalangin lamang ang lunas sa mga problemang ito, ngunit ang katotohanan ay mas komplikado ito. Ang mental health ay kasinghalaga ng pisikal na kalusugan, at ang mga sintomas tulad ng depresyon, anxiety, at stress ay hindi basta nawawala. Maaari itong humantong sa mas malulubhang problema, kabilang na
ang mga suicidal thoughts. Maraming salik ang nagdudulot ng mental health issues: mga problema sa pamilya, pang-aapi, at kakulangan ng suporta mula sa mga mahal sa buhay. Ang kakulangan ng edukasyon at kamalayan ay nagpapalala pa sa sitwasyon, dahilan upang itago ng marami ang kanilang pinagdadaanan dahil sa takot na husgahan o matawag na “baliw” o “mahina.” Ang kahihiyan at stigma ay nagiging hadlang sa paghahanap ng propesyunal na tulong.
Isa pang malaking hamon ang kakulangan ng mga mental health professionals at abot-kayang serbisyo, lalo na sa mga malalayong lugar.
Kailangan nating baguhin ang ating pananaw sa mental health. Hindi ito kahinaan, kundi bahagi ng ating kabuuang kalusugan. Responsibilidad nating lahat na buksan ang usapan at magtaguyod ng edukasyon upang maalis ang stigma. Ang mental health ay isang normal na bahagi ng buhay, at hindi dapat ikakahiya o iwasan.
Kung patuloy nating ipagwawalang-bahala ang isyung ito, lalo pang dadami ang mga kabataang nalulugmok sa kanilang mga problema, mga magulang na hindi alam kung paano tutulungan ang kanilang mga anak, at mga kaibigang nawawala sa dilim ng kanilang isipan.
Ang mental health ay hindi isang isyu na dapat balewalain. Kailangan natin ng malawakang kampanya para sa kamalayan at edukasyon upang matulungan ang mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng tamang edukasyon at suporta, mababawasan ang stigma at mas maraming tao ang makakakuha ng tulong. Ang pag-aalaga sa ating kalusugan—pisikal man o mental—ay isang pamumuhunan sa isang mas magandang kinabukasan para sa ating lahat.
PAGBABAGO NG KLIMA
Kabataan, oras na!
ni DEXIE NICOLE M. MAGBIRO


DEPRESYON
ng pagbabago ng klima, na kinabibilangan ng global warming, ay isang krisis na hindi na dapat balewalain. Ang mga epekto nito ay nararamdaman na sa kasalukuyan at patuloy na lumalala.
A 23%
Isa ito sa pinakamalaking hamon
Green Spaces?
ng espasyo sa lungsod ay tinuturing na ‘green spaces’ puno ng puno at halaman

Sakit ng kalingkingan, sakit ng buong katawan
ni ANGELA DENISE YGRUBAY
ga katagang di masabi kailan kaya maibubunyi? Sa paaralan, madalas makita ang mga kabataang mag-aaral tila nakayuko at nalulungkot sa sulok.
Ilan sa mga kondisyon na ito ay masasabing maysakit sa pag-iisip o may nararamdamang kapighatiaan. Ang mga ganito ay kasanasang nararamdaman ng mga kabataan sa panahon na ito.
Ngunit ang mga nakaranas ng mga pangaabuso, nawalan ng mahal sa buhay o iba pang nakakai-stress na pangyayari ay malamang na dapuan ng karamdamang ito.
Hindi biro ang sakit na ito dahil ang isang tao na may karamdaman na mental illness ay nagmumumok sa kanilang mga silid, Wala nang ganang kumain. Ni hindi na sila makasalamuha ng kanilang mahal sa buhay.
Hindi guni-guni ang kanilang nararamdaman at gayunman ay wag natin silang sabihan na sila ay nag-iinarte lamang. Kadalasan ang nagiging resulta pa nito ay pagkitil sa kanilang buhay.
Marapat lamang nating maipadama sa kanila na hindi sila nag-iisa, na narito tayo para sa kanila. Na may handang umunawa sa kanila.
Upang maiwasan ang ganito maaaring mag-ehersisyo, kumain ng masusustansyang pagkain, at higit sa lahat manalangin tayo sa ating Panginoong Diyos na tulungan tayo sa ganitong karamdaman.
ng ating siglo, na may malaking epekto sa ating pulitika, lipunan, at kapaligiran.
Ayon sa mga ulat, patuloy na tataas ang temperatura ng mundo ng 1-2 degrees Celsius bago matapos ang siglo, na hahantong sa pagtaas ng lebel ng dagat. Sa nakalipas na mga taon,
Koleksyon ng mga Philippine Native Trees sa loob ng Placido del Mundo Elementary School.

naranasan na natin ang lakas ng pagbabago ng klima. Halimbawa, ang bagyong Yolanda na sumalanta sa Eastern Visayas ay nagdulot ng malawakang pagkawasak at pagkawala ng buhay.

Narra
(Pterocarpus indicus)
Itinuturing na pambansang puno ng Pilipinas, ang Narra ay kilala sa matibay na kahoy nito na siyang pangunahing pinagkukunan ng mga tabla. Ang mga dahon nito ay pabilog na pahaba at may bulaklak na kulay kayumanggi.
Dahil sa tibay ng mga kahoy nito, itinuturing na critically endangered sa Pilipinas. Sa Placido Del Mundo E/S, mayroong tatlong puno ng Narra na makikita sa may likod na bahagi ng lumang Home Economics Building.

Molave
(Vitex parviflora)
Tulad ng narra, ang molave ay isang puno na may matibay na kahoy. Ang mga kahoy nito ay ginagawang mga muwebles, bangka, at tabla na ginagamit sa konstruksyon. Ang mga dahon ng molave ay pahaba. May ilang uri na namumulaklak. Noong 2017, itinalaga bilang critically endangered ang molave ngunit noong 2019 ay pinaigting ang pagtatanim ng mga puno.
Bagaman vulnerable na lang ngayon, makikita ang apat na puno ng Molave sa paaralang PDMES. Ilan sa mga ito ay makikita sa quadrangle ng paaralan.
Kapiranggot na lang

Maaaring mawala
Least concern
Maraming bilang
(Instia bijuga)
Isang mataas na puno na umaabot sa 40 metro, ang ipil ay kilala rin sa tawag na ‘taal’. Ang ipil ay likas sa isla sa Timog Silangang Asya at ang kahoy nito ay matibay laban sa mga anay.
Mayroon na lamang isang puno ng Ipil sa PDMES na makikita sa likod na bahagi ng paaralan malapit sa Castelo Building.
ni ANGELA DENISE YGRUBAY
Epekto ng Climate Change at Global Warming
Paglawak ng mga disyerto
Paglakas ng mga bagyo
Pagtaas ng mga karagatan
Paglubog ng mababang pulo
Pagkamatay ng mga hayop
Pag-onti ng biodiversity

(Syzygium cumini)
Duhat
Ang duhat ay isang puno na umaabot sa 8-15 metro na may bunga na mala-ubas. Ang kulay nito ay malapit sa maitim na lila . Ang mga kahoy nito ay mayroong kaunting kulay pula.
Dahil sa mas madaling tumubo at palakihin ang punong ito dahil sa buto ng mga bunga ng duhat, madali itong matatagpuan sa buong bansa. Sa ating paaralan, mayroong dalawang puno ng duhat sa likod na bahagi ng Gabaldon at harap ng covered court.
Dillenia philippinensis
Katmon
Isang maliit na puno na karaniwang nasa 6-15 metro lamang ang taas. Kilala dahil sa angking bulaklak na kulay puti at pulang stamen. Ito ay halamang matatagpuan lamang sa Pilipinas. Ang malapunong halaman na ito ay patok sa mga naghahalaman. Ang mga dahon ng katmon ay pahaba at malalaki.
Bagaman patok ito sa mga naghahalaman, tinuturing na vulnerable ang punong ito. Sa paaralan, may isang puno ng katmon na matatagpuan sa harap na bahagi ng Gabaldon.
(Antidesma bunius)
Bignay
Maliit na puno na nasa 4-10 metro lamang ang taas. Kilala ito sa mga pulang bunga na maaaring makain. Kadalasang ginagawang jelly o jam. May ilan ding gumagawa ng wine.
Mayroong pitong puno ng bignay sa Placido, tatlo dito ay nasa quadrangle malapit sa ginagawang SB Building.
BAGONG ALAM NI JUAN...
Walang ‘natural disaster’
Ayon sa United Nations Disaster Risk Reduction, walang katagang natural disaster sapagkat nagiging disaster lamang ang isang kalamidad kapag may namatay na mga mamamayan.
Mga larawan ay ipininta ni Johnpio Gonzales
halaw mula sa aktwal na itsura ng mga puno sa PDMES

Tomo VII Bilang I
Opisyal na Pahayagang
Pampaaralan at Pampamayanan ng
Placido Del Mundo
Elementary School
Lungsod Quezon, NCR
PAG-AARAL
1,641





Ang deskripsyon ng mga puno ay halaw sa Field Guidebook on Native Trees within the Quirino Forest Landscape ni Elizabeth Tomas-Carig
Sa tulong ng disaster risk management, nais ibaba sa zero ang biktima ng mga natural hazard at hindi mauwi sa disaster.
15-24 Kadalasang Edad
Bagong kaso sa National Capital Region
Kaso ng HIV sa Quezon City, tumataas


ni GABRIELLE SARAH I. DE GUZMAN
Tumaas ang bilang ng mga kaso ng HIV sa Quezon City, na may pinakamataas na porsyento ng mga na-diagnose na kaso ng HIV sa National Capital Region. Ngayong 2025, umabot na sa 1,641 ang mga bagong kaso ng HIV sa lungsod.
Ang bilang ng mga bagong kaso ng HIV na iniulat bawat buwan ay patuloy na tumataas mula noong 2021. Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), tumaas ng 47% ang kaso ng HIV infection, na may mas mataas na bilang sa mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24. Halos doble ang pagtaas ng naitalang bagong kaso ng HIV infections sa Pilipinas noong nakaraang taon. Bagaman nagsasagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng HIV sa pamamagitan ng mga programa sa edukasyon at pag-iwas, tumaas ang bilang ng mga kaso noong 2022 hanggang 2023, matapos bumagsak ang bilang nito noong pandemya ng COVID-19. Ayon sa DOH, maaaring umabot sa hindi bababa sa 500,000 ang bilang ng mga kaso sa Pilipinas hanggang 2030.
Ipinaliwanag ng mga opisyal ng kalusugan na ang pansamantalang pagkaantala ng mga regular na pagsusuri ng HIV dahil sa pandemya ang nagdulot ng mga hindi na-diagnose na kaso. Nang bumalik sa normal ang sistema ng pangangalaga sa kalusugan, mas maraming kaso ang natukoy, na nag-ambag sa pagtaas ng mga naitalang bilang. Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang regular na pagsusuri ay susi sa mabilis na pagtukoy ng mga kaso.
Nakipagtulungan ang mga lokal na tanggapan ng kalusugan ng Quezon City sa mga ahensya ng gobyerno upang palawakin ang kaalaman tungkol sa HIV, kabilang na ang pagbibigay ng libreng pagsusuri sa HIV, mga kampanya sa edukasyon, at pagtataguyod ng mga ligtas na gawain sa pakikipagtalik.
Sa kabila ng mga pagsisikap na ito, patuloy na nahihirapan ang bansa na mapababa ang bilang ng mga bagong kaso ng HIV, lalo na’t marami pa rin sa mga kabataan ang nag-aatubiling magpatest dahil sa stigma o kakulangan sa kaalaman.
Upang maiwasan ang pagkalat ng HIV, nakatutok ang mga awtoridad sa kalusugan sa mga ligtas na gawain sa pakikipagtalik, pagbibigay ng mga condom, pre-exposure prophylaxis (PrEP), at mga estratehiya ng harm-reduction para sa mga taong gumagamit ng droga. Patuloy din ang implementasyon ng mga kampanya ng gobyerno upang mabawasan ang stigma kaugnay ng HIV at mapataas ang access sa paggamot at pangangalaga para sa mga taong may HIV.
16 AGTEK
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Placido Del Mundo Elementary School | Lungsod Quezon, NCR | Tomo VII Bilang I



INOBASYON


Ang problema po with our current landscape, it can only be detected during its advanced stage and ang mahirap pa po actually to mitigate it.
IMBENSYON
PDMES Alumnus, nakadiskubre ng teknolohiya upang
maagapan ang sakit sa puso
ni THEA ELIZ R. REYES
pinakita ng mga estudyante mula sa Quezon City Science High School (QCSHS) ang kanilang award-winning na imbensyon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte. Isa sa mga bahagi ng kanilang tagumpay sa 2024 Regional Science and Technology Fair (RSTF) ay si Timothy Manalastas, isang Grade 11 student at alumnus ng Placido Del Mundo Elementary School.
Ang mga Grade 11 students na sina Kenzo Miguel Tayko, Mary Amanda Sante, Ayanna Michaella Girao, Timothy Manalastas, at Christan Kylde Encinares ay bumuo
ng PINTIG
(Preemptive Identification of Neointimal Tissue In Imaging for Gleaning Atherosclerotic Plaques through Convolutional Neural Network). Ito ay isang AI-powered software na kayang matukoy ang maagang pagbuo ng plaque sa mga ugat, na isa sa mga pangunahing sanhi ng sakit sa puso. Nanalo ang kanilang proyekto sa Robotics Intelligent Machines Individual Category sa RSTF 2024.
“Ang problema po with our current landscape, it can only be detected during its advanced stage and ang mahirap pa po actually to mitigate it, you have to go through a
series of invasive surgeries that may not just actually damage the structure of the patient and pose expensive cost,” ayon kay Kenzo Miguel Tayko.
Ang PINTIG ay idinisenyo bilang isang assistive tool para sa mga doktor upang matukoy, mai-highlight, at ma-classify ang atherosclerosis plaques o bara sa puso ng mga pasyente.
“Pintig translates or examines each of the pixels of the images as small as 50 micrometers—something that is not visible to the naked eye,” aniya.
Urban planning na sagot sa traffic, kumusta sa QC?
ni ANGELA DENISE YGRUBAY
binabalik ng Lungsod
Quezon sa tao ang kalsada sa pamamagitan ng pagsasara ng ilang daan sa Tomas Morato tuwing linggo parte ng ‘Car-free Sundays’ na panukala sa lungsod.
Sa pamamagitan nito, nababawasan ang paggamit ng mga tao ng sasakyan at humihikayat ng paglalakad at paggamit ng bisikleta na siyang makabubuti rin para sa kalikasan.
Ilan sa mga inisyatibo ng pamahalaan ay ang pagpapalawak ng green spaces sa lungsod. Ang isang kalye sa Maginhawa Street ay ginawang walking park na may mga halaman at punong maaaring tambayan ng mga QCitizens.
Ang espasyo naman sa Elliptical Road palibot ng Quezon City Circle ay nilalagyan ng ‘green pedestrians’ kung saan higit sa mas ligtas na pedestrian lane ay mayroong mga puno at halamang nakatanim rito.
Parte ng makabagong urban planning sa lungsod ang paglalagay ng mga protected bike lanes na siyang maghihikayat sa mga mamamayan sa lungsod na magbisikleta dahil sa ligtas na mga imprastraktura.
Ang problema sa housing ay tinutugunan ng lungsod sa pamamagitan ng socialized housing projects kasama ng DECA homes kung saan namigay ang lungsod ng mga pabahay sa bagong tayong condo sa may Cubao, Quezon City.
Sa lumalalang trapiko, pinauunlad ng lungsod ang pangmasang transportasyon sa pagpapaigting ng libreng sakay na mga bus na may walong ruta sa buong lungsod mula ika-4 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi. Bagaman problema pa rin ang traffic sa pang araw-araw na buhay ng mga taga Quezon City, hinihikayat ang bawat isa na gumamit ng pampublikong transportasyon upang makaiwas sa bilang ng mga pribadong sasakyang nasa lansangan.
Batay sa Comprehensive Land Use Plan ng Lungsod Quezon
Transport network ng lungsod


Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng
Placido Del Mundo Elementary School | Lungsod Quezon, NCR | Tomo VII Bilang I
VOLLEYBALL
Volleyball girls, pumangatlo sa Division Meet
ni CHARLES SANCHEZ
agkamit ng ikatlong pwesto ang grupo ng mga kababaehan ng PDMES paligsahan sa larong volleyball na ginanap sa Manuel L. Quezon Elementary School noong Disyembre 8, 14, at 15, 2024.
Bagamat hindi sila nagkampeon, ipinamalas nila ang pambihirang pagtutulungan at determinasyon sa buong kompetisyon.
Kabilang sa mga manlalaro sina Xaiky P. Batadista, Francheska Kylee P. Bondoc, Dirk Jouie D. Bugayong, Althea Sairyn L. Carolina, Althena Laureen L. Carolino, Herbee Alex
C. Cruz, Rinoa Garnet P. Herrera, Czharreah Mae D. Junio, Mycca Angelique D. Martin at Princess Jasmine G. Relado
Ginabayan at binigyang-inspirasyon nina Coach Jessabel T. Calderon at Assistant Coach Ma. April L. Acol ang mga manlalaro sa buong torneo.
Ang kanilang dedikasyon at pagsusumikap ang nagbunga ng isang mahusay na pagganap.
Patuloy na magsasanay at maghahangad ang koponan ng mas malaking tagumpay sa mga susunod na kompetisyon.
SEPAKTAKRAW
Sepaktakraw team, kampeon sa district meet
ni JURIS ANGELA CORTEZ
agkampeon ang sepak takraw team ng Placido Del Mundo Elementary School (PDMES) sa District Meet. Pinangunahan ni Coach Eusebio “Sonny” Totto, masigasig na nagsanay sina Kristopher Tabianosa (Tekong), Joshua Malsi (Setter), Ivan Uy (Spiker), at Dionne Serilla (Reserve) upang maging kinatawan ng Division.
Ayon kay Coach Totto, ang araw-araw na pagsasanay ay naglalayong palakasin ang kanilang kakayahan, lalo na ang kanilang mga binti, upang maging handa sa kompetisyon. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng sipag at disiplina para sa tagumpay.
Naganap ang Division Athletic Meet noong Nobyembre 16-24. Bagama’t hindi nakamit ng Placido Spikers ang gintong medalya, ibinigay nila ang kanilang lahat.

pinapakita ng nagdaang District Athletic Meet ang pambihirang husay, determinasyon, at pagkamapaglaro ng mga kalahok. Ang mga mag-aaral ng Placido Del Mundo Elementary School (PDMES) ay nagpamalas ng kahanga-hangang kasanayan at sipag, na nagkamit ng mga kapansin-pansing resulta.
Si Cindy V. Aceveda ay nagkaroon ng natatanging pagganap, na nagkamit ng gintong medalya sa 400m dash at
Karipas sa Kampeonato
Placidonians, nagpamalas
mga medalya ng pilak sa 100m at 200m dashes. Ipinapakita ng kanyang mga tagumpay ang kanyang kagalingan at dedikasyon sa track and field.
Nakamit naman ni Mark Janlie E. Gumiran ang gintong medalya sa 800m relay, na nagpapakita ng kanyang bilis at tibay.
Gayundin, tinularan ni Carl Vincent Marquez ang tagumpay ni Aceveda, na nagkamit din ng gintong medalya sa 400m dash at mga medalya ng pilak sa
100m at 200m dashes.
Si Jinzua D. Factolerin naman ay nagpamalas ng husay sa field events, na nagkamit ng gintong medalya sa javelin throw, pilak sa discus throw at tanso sa shot put. Ipinakita ng kanyang pagganap ang kanyang lakas, katumpakan, at kagalingan.
Ang tagumpay ng koponan ay bunga ng mahabang buwan ng pagsasanay, disiplina, at ang walang sawang suporta ng kanilang mga coach,
sina Resty B. Presentacion at Stephanie Q. Villalobos. Binabati natin ang lahat ng mga nagkamit ng medalya at ang kanilang mga coach! Ang kanilang dedikasyon at pagtutulungan ay nagsisilbing inspirasyon sa kanilang mga kapwa mag-aaral at nagpapakita ng kapangyarihan ng pagtitiyaga sa pagkamit ng tagumpay sa palakasan.
TAKBONG MAY PUSO. Nag-ensayo ang mga atleta para sa athletics bilang paghahanda sa Division Meet matapos manalo sa District Meet. Larawang kuha ni SHALOM DAVID L. DE GUZMAN
Bagong Binhi
Pagpapatala sa Drums and Lyre Corps 2024-2025, binuksan


Sinimulan na ang pagpaparehistro para sa Drums and Lyre Corps (DLC) na kilala bilang “The Ambassadors” para sa School Year 20242025.
Ang mga mag-aaral mula Ikatlong hanggang Ikaanim na Baitang ay iniimbitahan na magparehistro at maging bahagi ng pambihirang grupo na layuning ipamalas ang kanilang husay sa musika.
Ang highlight ng taon para sa “The Ambassadors” ay ang nalalapit nilang pagsabak
sa isang pambansang kumpetisyon na gaganapin sa Bacoor Elementary School, Bacoor, Cavite, sa ika-29 hanggang ika-30 ng Hunyo 2025. Ang mga mag-aaral na magwawagi sa nasabing paligsahan ay makakatanggap ng ₱5,000 cash prize, isang bagong snare drum, at isang harness bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at talento. Ang PDMES coordinator ay nagpasalamat sa suporta ng punungguro na si Dr. Rosalito R. De Roda, ang head teacher na si Gng. Adela B. Lacaba, at ang
mga opisyal ng DLC.
Ayon kay Gng. Marjorie E. Casingcasing, ang coordinator para sa programa, “Ang tagumpay ng ‘The Ambassadors’ ay simbolo ng pagsisikap at talento ng ating mga mag-aaral. Sila ang mukha ng ating paaralan at District 6 ng Quezon City, at ipinagmamalaki natin sila.”
Ang mga interesado sa programa ay maaaring magtungo kay Marjorie E. Casingcasing sa ika-3 palapag ng SB2 Building para sa pagpaparehistro. Para sa

karagdagang impormasyon ukol sa kaganapan at pagsasanay, maaari ding kumonsulta sa mga coordinator ng PDMES.
Sa suporta ng mga opisyal, guro, magulang, at komunidad, nagpakita ang PDMES ng pagbubuklod at pagkakaisa sa layunin nitong maitaguyod ang husay ng mga mag-aaral sa musika.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng pag-unlad ng paaralan mula sa simpleng pagsasanay tungo sa pambansang entablado.
akuha nina Mhayvie Faye Elpeloa at Isiah Rogin Tan ang Medalyang Pilak sa Congressional District VI ATHLETIC MEET 2024 sa larong Chess na ginanap sa Culiat High School noong Oktubre 12, 2024.
Ang kanilang kumpiyansa, katalinuhan determinasyon, estratihiya at pananalig
sa Diyos ang nagdala sa kanilla upang makuha ang pagkapanalo laban sa 10 kalahok na paaralan. Sa kabuuan, ang pagsisikap nila ang nagbigay sa kanila ng pagkapanalo.
Kahit na natalo sila sa Apolonio Samson Elementary School, ang ginawa nilang pagpapakitang-gilas sa kanilang mga taktika at kakayahan, ay kahanga hanga. Huwag nating kalimutan na batiin sila at ang kanilang mga coaches na nagdala ng karangalan sa ating paaralan.
“Let us unite and show our unwavering support for their remarkable efforts,” ani pa ng isa sa mga coordinator ng PDMES. “Together, we can help them reach new heights and achieve their dreams.” Ang PDMES ay nananatiling bukas-palad sa lahat ng mga mag-aaral na sabik na magpakita ng kanilang interes sa larangan ng musika. Ang tagumpay ng “The Ambassadors” ay hindi lamang para sa kanila, kundi para sa buong komunidad ng Placido Del Mundo Elementary School.
“I am proud because I bring honor to my school and to the people who supported me
I’m very thankful to all of you especially to God even though I lost, I’m still very proud that I used my signature move, the queen gambit to achieve my circumstance right now. If there is another competition, I’ll promise to win,”ani ni Elpeloa.
Saad ng kaniyang coach na si Ma’am Angelika M. Pestano, “Kailangan mo maging confident pero huwag masobrahan, huwag pakampante. magaling siya nakitaan ko sya ng potensyal kaya niyang ipanalo ang next competition.”
“Magaling ka Isiah, nakaka- proud ang ginawa ninyo ni Elpeloa dahil out of 10 participating schools nag-second kayo. Your both talented ipagpatuloy niyo yan,’’ saad naman ng coach ni Tanna si Maam Arianne Ibarra.
MATINIS. Nagpakitang gilas ang Drum and Lyre Corps ng paaralan sa isang invitational na pagtugtog noong Nobyembre 2024. Larawang kuha ni SHALOM DAVID L. DE GUZMAN
HAMPAS NG KALIGTASAN. Sumabak si Jillian (Kaliwa) mula sa ikalimang baitang at Fiona (Kanan) mula sa ikaanim na baitang sa unang batch ng arnis training program noon sa Barangay Talipapa. Larawang kuha ni JHASMINE KYLIE D. LONGAKIT

BADMINTON
PDMES, wagi sa Badminton District Meet
DAVID AZZEREIH AGUILAR
SOCCER
Anu-ano ang nilalarong isport ng mga Placidonian? 25 18 8 4 BASKETBALL VOLLEYBALL BADMINTON
SELYADONG SIPA. Matagumpay na nakapaguwi ng pilak na medalya si Carmille Rendon kasama ang kanyang Coach na si G. Michael Diokno. Larawang kuha ni JHASMINE KYLIE D. LONGAKIT

Libreng arnis training program, inilunsad para sa PDMES
ni JEANEL CORPUZ
Inaanyayahan ng Brgy. Talipapa, sa pamumuno ni Punong
Barangay Eric Juan ang mga estudyante ng Placido Del Mundo Elementary School (PDMES) na sumali sa kanilang libreng pagsasanay sa Arnis, ang pambansang isport ng Pilipinas.
Magaganap ito tuwing Sabado sa quadrangle ng PDMES simula ika-8 ng Pebrero, 2025.
Magbibigay ang barangay ng libreng arnis stick at meryenda sa mga kalahok na nais matuto ng pambansang isport.
Maraming benepisyo ang makukuha pagkatapos ng pagsasanay, kabilang na ang mga sertipiko, t-shirt, at ang kaalaman sa basic self-defense.
Matagal nang isinasagawa sa Barangay Talipapa ang programang arnis kali training kung saan tinuturuan ang mga mamamayan ng barangay ng basic self defense training
“Nais natin na lahat ng mamamayan sa ating barangay ay may sapat na knowledge upang protektahan ang kanilang sarili,” ani Punong Barangay Eric Juan.
TAEKWONDO
na medalya sa division taekwondo meet
ni JIELYN CLARA S. QUIJANO
akamit ni Jhen Carmille Rendon, 6-Melchora Aquino ang prestihiyosong pilak na medalya sa katatapos na Taekwondo Division Meet.
Lumaban si Rendon sa Group 1 Girls Division. Maraming oras ang iginugol ni Rendon sa kanyang pagsasanay, disiplina, at pagsusumikap upang mas higit siyang maging mahusay.
Inaasahan ni Juan na pati ang mga batang Placidonian ay makikinabang sa adhikaing ito.
“Sana ung mga bata rin sa ating eskwelahan ay matuto lalong lalo na sila ung pinaka vulnerable sa kasamaan,” dagdag niya.
Matatandaan na noong 2023 pa nagsimula ang programang ito na dinaluhan na nang mahigit 100 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng barangay.
Sa kasalukuyan, may 48 nang mag-aaral ang nagpatala at nagpahayag ng kanilang interes ayon sa arnis coordinator.
Rendon, sumipa ng pilak
Isang mainit na pagbati kina Jhen Carmille Rendon at sa kanyang coach, G. Michael A. Diokno, para sa kanilang tagumpay. Ipinagmamalaki kayo ng Placido Del Mundo Elementary School! N PAG-AARAL
Si G. Michael A. Diokno, ang naging tagapagsanay niya para sa kompetisyong ito. Ang kanyang mga payo at suporta ang naging susi sa kanyang tagumpay. Ang Taekwondo Division Meet ay
isang kompetisyon kung saan nagsasamasama ang mga batang atleta mula sa iba’t ibang paaralan upang ipakita ang kanilang galing sa paglalaro.
Ang pagkakapanalo ni Rendon ng pilak na medalya ay hindi lamang sumasalamin sa kanyang galing kundi pati na rin sa dedikasyon ng paaralan na paunlarin ang galing nila sa isports at ganon din sa akademiko.

agpahayag ng pagbati ang Placido Del Mundo Elementary School sa kanilang mga mahuhusay na atleta ng Badminton sa District Unit Meet. Nakuha ni Ellyz Macabeo ang ikalawang pwesto sa Singles Girls B, habang si Angel Zean De Jesus naman ang nakakuha ng ikatlong pwesto sa Singles Boys B. Samantala, sina James Christian Guray at John Mark Solaybar ay nag-uwi ng ikatlong pwesto sa Doubles Boys.
Pinuri ng paaralan ang tibay ng loob, sportsmanship, at pagmamahal sa laro ng mga atleta. Napatunayang muli ng kanilang tagumpay ang kanilang sipag at determinasyon.
Malaki rin ang pasasalamat ng paaralan sa mga dedikadong tagapagsanay na sina Ma’am Shermain Bulante at Ma’am Divina Lanuza sa kanilang walang sawang gabay at suporta. Sa kanilang pamumuno, nahubog ang mga atleta bilang mga tunay na kampeon, hindi lamang sa laro kundi sa buhay.
Hinimok ng paaralan ang lahat na itaguyod ang diwa ng pagiging isports at magsikap upang makamit ang tagumpay.
ARNIS
SMASH. Bumanat si James Guray ng Badminton Boys sa District Unit meet upang makapaguwi ng ikatlong pwesto Larawang kuha ni SEAN REYES
25-23 25-22 26-24
NAGKAKAISANG
TAGUMPAY. Tumawag ng timeout si Coach Christopher Abaigar matapos dumikit ang iskor ng kalaban sa huling tapatan ng PDMES Spikers sa QC Palaro.
Larawang kuha ni SHALOM DAVID L. DE GUZMAN



Opisyal na Pahayagang Pampaaralan at Pampamayanan ng Placido Del Mundo Elementary School Lungsod Quezon, NCR
Tomo VII Bilang I
ISPORTS
PDMES Spikers, aariba sa NCR Palaro
Magiging kinatawan ng Quezon City sa NCR Palaro 2025 ang koponan ng volleyball boys ng Placido Del Mundo Elementary School matapos
magwagi sa 2025 Quezon City Division
Palaro na ginanap sa Manuel L. Quezon Elementary School noong Disyembre 8, 14, at 15, 2024.
Binubuo ang kanilang mahuhusay na mga
nina Nigel
Adrian
Santos,
Inaasahan na gaganapin ang Pambansang Palaro sa darating na Mayo sa Laoag, ilocos Norte. ni SEAN TIMOTHY
Pinamumunuan sila nina Coach Christopher Abaigar at Assistant Coach Marilyn Pastores, na nagbibigay ng mahalagang suporta sa koponan.
Ipinapakita ng kanilang matinding tagumpay sa Quezon City ang galing, dedikasyon, at sipag ng koponan. Lubos ang pagmamalaki at suporta ng
komunidad at mga opisyal ng paaralan sa koponan habang naghahanda sila para sa mas malaking paligsahan.
manlalaro
Baula, Khel
Neo, Karl Andrei Neo, Jhayro
Nico Andrei Rances, James Rivera, Dennis Buendia, Renz Louie Para, Mark Lorenz San Pedro, John Cedric Forbes, John Laurenz Forbes, at Ivan Pascual.