Edukasyon at Ekonomiya | Panulat ni Juan 2024

Page 1

OPINYON

Humihigpit na Tanikala

Bente pesos na bigas, maalwang buhay, kabataang nakapagtapos ng pag-aaral

PAHINA 7

LATHALAIN

Reyna ng

Kantina

Samahang harapin ang hamon ng tumataas na implasyon kasama ng mga reyna ng kantina

PAHINA 10

AGHAM

May Pera sa Basura

Kinilala ang barangay bilang kampeon ng Circular Economy para sa kalikasan

PAHINA 16

PAGSISIYASAT

BATA! BATA! NASAAN KA NA?

PDMES, nananawagan para sa karagdagdagang mag-aaral

Kung ang karamihan ng mga paaralan sa Lungsod Quezon ay namomroblema sa kakulangan ng mga silid aralan, iba ang sitwasyon ng Paaralang Elementaryang Placido Del Mundo (PDMES) na halos sobra sobra ang bilang ng mga klasrum para sa kasalukuyang estudyante.

Ituloy sa Pahina 2

KURIKULUM

Tunay na Katatagan: Placidonians sa gitna ng hamon ng DepEd Matatag

Charlotte Tabaque

Sa kinakaharap na hamon mula sa pagbabalik sa pandemya at pagtugon sa learning gaps, sapat ba ang Department of Education (DepEd) MATATAG upang solusyunan ang daantaong problema ng edukasyon sa bansa?

Aalpas at aalpas. Sa paglulunsad ng MATATAG Kurikulum, maraming gawain pa para sa kasalukuyang sistema ng edukasyon sa bansa. Para sa mga Placidonian, ang magandang hakbanging ito ay kailangang dumaan sa maliit na butas ng karayom. Kasalukuyan ay nakikita ang training sa mga kaguruan bilang

MATATAG O MATAGTAG. Nakiisa ang ika-6 na baitang sa pagbabasa sa Drop Everything and Read na programa ng DepEd.

LARAWAN | Jillian Montecalvo

isang mahalagang susi sa implementasyon ng MATATAG Kurikulum.

“Napakaraming mga trainings na ang halos

buwanang pinapagawa sa mga guro, dagdag pa rito ang patong patong na administrative tasks,” ani isang guro sa ika-5 baitang.

Nitong nakaraang buwan lamang ay sinimulan na rin ang Drop Everything And Read at Catch Up Fridays kasama ang mga Placidonian.

“With all the programs the students have, siyempre kami ay maninibago sa onset ng DepEd MATATAG. Mukhang mahirap, pero baka ito na ang makapagbago sa education system natin,” ani Francis, mag-aaral sa ika-6 na baitang.

Sa napakaraming problemang umusbong sa kasaysayan ng edukasyon sa bansa, mananatiling pangarap pa rin ang pag-alpas sa atrasadong sistema ng edukasyon.

TINGNAN ONLINE!

Maari ninyo nang maaccess ang pahayagan online! Magpunta lamang sa official Issuu Account ng Panulat Ni Juan: bit.ly/PanulatNiJuan2024

BALITA

OPINYON

LATHALAIN

AGHAM

ISPORTS

Opisyal na Pahayagang Filipino ng Placido Del Mundo Elementary School Quezon City, NCR

Agosto 2023

Pebrero 2024

Tomo VI | Bilang I

PANULAT NI JUAN

Lente

Pagdrop-out, inungkat

Ayon sa pananaliksik na ginawa ni Samuel John Parreño, ang Pilipinas ay nagtala ng 26% dropout rate para sa mga elementarya at hindi nakakapagtapos hanggang ika-6 na baitang.

Ayon kay Golez, 3.8 milyong Pilipinong nasa edad 6 hanggang 24 ang hindi pumasok sa paaralan noong 2016.

BALITA 02

Sa pag-aaral ni Parreño, inungkat niya ang kadalasang dahilan ng pagdrop-out ng mga mag-aaral.

MGA

Hindi tunay na libre ang edukasyon!

Ayon sa pag-aaral, ang mataas na gastusin sa edukasyon ang siyang nangungunang dahilan sa bansa kaya maraming mag-aaral sa Pilipinas ang nag-drdrop-out.

KAPALIGIRAN

Pamanang 263,000

Brian Jasper Callos

IBA PANG SANHI NG PAGDROP-OUT

Trabaho at pagkakakitaan

Kawalan ng interes

Maagang pagpapakasal

Mababang sahod pamilyang

Gawaing bahay

Kapansanan at Karamdaman

Edad, Layo ng Paaralan, Maraming Takda at iba pa

Ipagpatuloy ang artikulo

sa PAHINA 3

Opisyal na Pahayagang Filipino ng Placido Del Mundo Elementary School Quezon City, NCR

Tomo VI | Bilang I Agosto 2023 - Pebrero 2024

PULSO

Sang-ayon ka ba sa pagbabalik sa dating school calendar?

Pag-aaral

Leoncio Casabuena

4 sa 5 ang pabor sa pagbalik sa dating kalendaryo

Ayon sa

Department of Education, ibabalik unti-unti ang kalendaryo ng klase kung saan Hunyo ang simula ng pasukan at Abril ang pagtatapos.

Inihaing suhestyon sa bagong taong panuruan:

MAY

JUNE

Isa ang PDMES sa 47,678 na pampublikong paaralan sa Pilipinas na nagtanim ng 236,000 na puno.

PDMES, nananawagan para sa

karagdagdagang mag-aaral

Charlotte Tabaque

Pinaigting ang panawagan ng Placido del Mundo E/S (PDMES) na dagdagan ang bilang ng mga estudyante matapos ang naitatalang pagbaba ng populasyon sa paaralan ayon sa kanilang punungguro, Gng. Debbie M. Resma, nang kumustahin ang sitwasyon ng paaralan hinggil sa bilang ng mga mag-aaral at mga silid-aralan sa eskwelahan.

“Sobra sobra pa ang mga classrooms. Placido has 15 buildings all in all that can house students but the problem is every year pababa nang pababa ang bilang ng mga estudyante,” ani Debbie Resma, punungguro ng PDMES.

Naitala diumano ang ‘downward trend’ na ito matapos ang pagkakasara ng Rubberworld Philippines Inc. na nakasitwasyon sa Quirino Highway na kilala bilang pinagmumulan ng estudyante mula sa mga anak ng mga trabahador ng kumpanya at isa sa kinokonsidera bilang ‘population dense area’ sa Barangay Talipapa.

“We are still thankful that somehow our population for this year ay sumasampa pa rin above 4000. Pero noong naipasara yung Rubberworld, doon talagang naramdaman na bumaba ang bilang ng mga estudyante because most of our students are children of workers from there,” saad ni Gng. Resma matapos ugatin ang sanhi

ng pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral taon-taon.

Isa ang PDMES sa mga paaralan sa National Capital Region na nasa ilalim ng Mega School Category at lubhang nakakaalarma ang pagbaba ng bilang ng mga estudyante sa paaralan dulot na rin marahil ng pandemya.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, pangalawa sa nangungunang rason ng pagdrop-out ng mga estudyante sa paaralan ay ang hindi sapat na perang kinikita ng kanilang pamilya upang tustusan ang kanilang pagaaral. Bagaman libreng ibinibigay ang edukasyon sa lungsod, lubhang nakaapekto ang pagsasara ng mga

industriya na nagbibigay trabaho sa Barangay Talipapa.

Naipasara ang Rubberworld noong pandemya upang palitan at tayuan ng luxury condo at panibagong mall.

“Every year, the effort is there, kung may mga kakilala kayo, sabihin nyo naman na mag-enroll sila sa Placio,” panawagan ni Gng. Resma.

Sa kabilang banda, guminhawa naman ang kalagayan ng mga kasalukuyang mag-aaral ng paaralan sapagkat hindi na kailangan pang magsiksikan ng mga estudyante sa kakapiranggot na espasyo upang makapag-aral.

“Ngayon, wala na tayong double shifting, some grade levels, lahat

sila pang umaga na lang sapagkat sapat talaga ang mga classrooms natin. Teachers are not usually overloaded with sections na hawak which I think is a silverlining,” saad ni Gng. Resma.

Maigting din ang mga programa at suportang bitbit ng pamahalaang lokal ng Barangay Talipapa upang suportahan ang mga gawain at aktibidad ng pamahalaan.

Sa susunod na taong panuruan, inaasahan pa ng PDMES na aakyat ang bilang ng mga estudyante at ang mga tumigil sa pagaaral noong pandemya ay makabalik na muli sa pagaaral upang hindi masayang ang kanilang mga silid at imprastraktura.

KATULOY PAGSISIYASAT LARAWAN | Jillian Montecalvo
PAGTATAPOS 2024
31, 2024 2024-2025
29, 2024
MAY
JULY
16, 2025 2026-2027
22, 2026 APRIL 2, 2027
ni Juan ISPESYAL NA ULAT
GASTUSIN
PARA MAKAPAG-ARAL
School supplies School uniform Fare Pagkain at inumin

PAMANA

PDMES, nakiisa sa pagtatanim ng

236,000 na mga puno

HINDI BIRO. Hindi biro ang pagtatanim para sa isang mag-aaral sa ika-anim na baitang ngunit ito ay ituturing niyang pamana

LARAWAN | Jillian Montecalvo

Isa ang PDMES sa 47,678 na pampublikong paaralan sa Pilipinas na nagtanim ng 236,000 na puno bilang bahagi sa Christmas project ng Department of Education (DepEd).

Nangyari ang programa noong Miyerkules, Dec. 6, 2023 na nagtatakda sa lahat ng pampublikong paaralan na dumalo sa programa para sa aktibidad ng pagtatanim ng puno.

Ayon kay VicePresident Sara Duterte, dapat magtanim ng mga puno sa loob ng school grounds ngunit kung kakaunti ang espasyo, maaaring maghanap ang mga paaralan ng mga alternatibong lugar sa mga parke, marine protected areas o

anumang open space malapit sa mga paaralan.

Sa isang memorandum noong Nobyembre 17, sinabi ni Duterte na ang isang paaralan ay dapat magtanim ng hindi bababa sa limang puno.

“Ang proyekto na ito ay nagbibigay ng isang natatanging pagkakataong para sa mga mag-aaral na aktibong lumahok sa mga aktibidad sa pagtatanim ng puno, pagpapaunlad ng mas malalim na pag-unawa sa mga isyu sa kapaligiran at pagtataguyod ng mga pagsisikap sa pangangalaga,” saad ni Duterte.

Nakipag-ugnayan sa Department of Environment and

Una ka sa Serbisyo Caravan, lumarga na!

Yuan Mcray Estilo

Isa ang paaralang Placido

Del Mundo Elementary School na sakop ng Barangay Talipapa na napagkalooban ng Serbisyo Caravan. Naghandog ang Caravan ng mga ilang serbisyo katulad ng seminar at pagbigay ng medical supplies at school supplies.

Ang serbisyo

caravan ay paglapit sa mga tao upang maibigay ang tulong medical, trabaho, pang kabuhayan at pangkalusugan. Ito ang isa sa mga paraan ng lokal na gobyerno para maipaabot ang tulong

Natural Resources (DENR) ang kagawaran para makakuha ng mga seedlings para sa bawat paaralan sa kanilang rehiyon. Maaaring gumamit ang mga paaralan ng mga seedlings mula sa kanilang nursery o kahilingan mula sa lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Duterte na ang mga kalahok ay dapat na hindi hihigit sa 10 guro at hindi hihigit sa 20 mag-aaral.

Idinagdag din niya na ang mga seedlings ay dapat na Fruit-bearing, mga native na puno sa Pilipinas o mga mangrove para sa mga paaralan na nasa coastal areas.

“Regular na inspeksyon ng mga opisyal ng paaralan

ay dapat gawin upang masuri ang kalagayan ng mga puno, matukoy ang anumang posibleng panganib o sakit, at agarang matugunan ang mga ito at ang paglaki ng mga punla ay dapat ding subaybayan upang matiyak ang kalusugan, paglago, at pagpapanatili ng mga punong nasa ilalim ng pangangalaga ng paaralan,” dagdag ng memorandum.

Nauna nang nangako si Duterte na tutulungan ang administrasyong Marcos na maabot ang mga layunin nito sa ilalim ng National Greening Program (NGP), isang pagpupunyagi na naglalayong pasiglahin ang ecosystem ng mga komunidad sa bansa.

Ginintuang ani sa Division Press Con

Crystal R. Oandasan

NMayroon din mga Serbisyong Caravan na nag aalok ng programa base sa interes ng mga tao. Ito ay binubuo ng mga experto na may lubos na kaalaman para maitaguyod ang tamang impormasyon at tulong sa mga tao. Naglalaan ng budget ng pamahalaan para dito para maisagawa ang isang serbisyong caravan. Ginawa nila ang kanilang serbisyo upang maipaabot sa mga malalayong lugar o kabihasnan.

Sa pangunguna ng Office of the City Mayor – Quezon City at sa pamamagitan ng mga District Action Offices, maaari ninyong isangguni ang inyong mga katanungan at concerns para mabigyan ng agarang serbisyo.

na kailangan ng isang lugar o komunidad. Ito ay isa sa mga paraan para mapanatili ang maayos at organisadong serbisyo para sa mga mamamayan ng QC.

agwagi ng unang pwesto ang Placido Del Mundo Elementary School Collaborative and Desktop Publishing Team (Collab) English at Filipino mula sa idinaos na kompetisyon na 43rd Division Young Writers Contest noong ika-3 ng Pebrero, 2024 sa Paaralang Placido Del Mundo.

Nakapasok sa Regional ang Collab English at Collab Filipino pati na rin ang dalawang indibidwal na sina Amber Yphan S. Tambaba na 2nd place sa Feature Writing at si Paul B. Decena na 2nd place sa Pagkuha ng larawan,gaganapin ang Regional sa Pasay City ng Abril.

“Kailangan nilang magsikap nang higit pa upang maabot ang aming layunin at iyon ang National Schools Press Conference o NSPC”,payo ni Gng. Rubelyn Soto.

Nakapag-uwi ng mabibigat na medalya

at tropeyo ang mga manunulat ng Placido Del Mundo mula sa naganap na awarding sa San Diego Elementary School noong ika-8 ng Pebrero.

Nanalo naman ang Radio Broadcasting Filipino ng 2nd place Overall, 2nd place Best in Informercial, 3rd place Best in Script, 3rd place Best in Technical App -Kate Natalie G. Navoa at 3rd place Best in Anchor -Pearl Daphne L. Yanga.

Panalo rin ang limang indibidwal na sina Art Clarence G. Bermudo na 6th place sa Mobile English,Ma.Cassandra Joy A. Urcia na 7th place sa Mobile Filipino,Jillian Khaye D. Longakit na 7th place sa Editorial Cartooning,Crystal R. Oandasan na 8th place sa Pagsulat ng Balita at si Julia Sayegh na 9th place sa Pangulong Tudling.

Pinarangalan ang Placido Del Mundo Elementary School ng 3rd place Overall Champion sa Division Schools Presscon.

BALITA Opisyal na Pahayagang Filipino ng Quezon City, NCR Tomo VI Bilang I Pahina 3
KOMUNIDAD Isang manggagawa sa Barangay ang nagsasagawa ng Serbisyo Caravan LARAWAN | Atty Eric Juan FB Page KARANGALAN Placidonian scribes matapos ang QC Division Press Conference LARAWAN | Rubelyn Soto

Pahina 4

Adavan, gintong medalya sa Philippine International Mathematics Olympiad

Pearl Yanga

Nagwagi ng gintong medalya ang magaaral sa ikalawang baitang na si Xydriel Elijah Adavan sa Philippine International Mathematics Olympiad (PhIMO) Finals sa Davao City noong ika-24 ng Setyembre, 2023.

Sinanay si Adavan sa ilalim ni Gng. Margie O. Rizalde, guro sa Ika-apat na baitang at ni Gng. Consuelo R. Galano, guro sa ikalawang baitang.

Isa rin ang Pilipinas sa may pinaka maraming medalya.

LARAWAN

Jillian Montecalvo

PDMES GOES DIGITAL

Bagong internet connection sa PDMES

Elle Janine Olores

Sa tulong ng Local Government Unit ng Lungsod Quezon at ni Mayor Joy Belmonte, matagumpay na nagkaroon ng internet connection sa kabuuan ng paaralang Placido Del Mundo Elementary School noong ika-9 ng Enero 2024.

Buong pusong nagpapasalamat ang kawanihan ng PDMES, magmula sa mga mag-aaral hanggang kaguruan, sa LGU at kay Mayor Belmonte sa regalong ito ng koneksyon sa internet. Ang pagkakaroon ng internet sa paaralan ay itinuturing na isang malaking biyaya.

Ayon sa mga guro, dahil sa internet, mas magiging madali para sa mga estudyante ang paggamit ng kanilang mga gadgets para sa kanilang mga asignatura. Ito ay isang pundasyon para sa mas malawakang edukasyon at pag-unlad.

PDMES, sa pangunguna ni Mayor Belmonte, ay patuloy na nagbibigay ng makabuluhang pagbabago sa edukasyon ng mga kabataan, na naglalayong mapabuti ang kalidad ng kanilang pag-aaral.

KABUHAYAN

Livelihood Program ng QC, idinaos sa PDMES

Charlotte Tabaque

Nagturo ng tamang paraan ng paggawa ng Power Gel Liquid Detergent sa mga mamamayan ng Quezon City sa ilalim ng Livelihood Program ni Vice Mayor Gian Sotto noong ika-15 ng Pebrero, 2024 sa Placido Del Mundo Elementary School.

KARANGALAN

“Biniyayaan tayo na magturo sa mga tulad ninyo ng tamang paraan ng paggawa ng sabon,” ani Sir Toni Talamayan, ang Program Host. Dumalo sa pagtitipon ang mga guro, mga magulang, at mga opisyal ng SELG.

Ayon sa koponan ni Bise Mayor Sotto, layunin ng pagtitipong ito na itaguyod ang kabuhayan, at naglalayong mapanatili ang kalusugan ng mga bata.

Ilan lamang ito sa mga proyekto ng local na pamahalaang Lungsod Quezon upang mabigyang kabuhay ang mga kalungsod nating walang kabuhayan.

“Thank you to Mayor Gian Sotto for this initiative for our teachers and parents,” ani Charlie Somera, taga-pangulo ng Supreme Elementary Learner Government.

Maraming salamat sa mga dumalo.

Naghahalo ng liquid detergent ang gurong si Gng. Tejada.

LARAWAN | Jillian Montecalvo

PDMES Ambassadors nanalo ng ginto sa Marching Band 2023

Charlotte Tabaque

SOLO FLIGHT. Isang mag-aaral sa ika-anim na baitang ang mag-isang nagsusulat sa silid aralan.

LARAWAN | Jillian Montecalvo

Nakamit ng Placido’s Drum and Lyre The Ambassadors ang kahanga hangang tagumpay sa pagsungkit ng ginto sa Marching Band competition na ginanap sa Metro Manila College noong Disyembre 8, 2023.

SCIENCE HIGH SCHOOL

Nagmarka ang tagumpay na ito para sa mga Placidonians na nagpapakita ng kanilang kahusayan sa musika sa ilalim ng patnubay ng mga tapat na coach.

Bukod sa gintong medalya, nakakuha ng

Ningning ng

Pisay: Placidonians, pasado sa Pisay

Sa isang maingay na tagumpay, apat na mag-aaral mula sa Placido Del Mundo

Elementary School (PDMES) ang nagwagi sa masusing National Competitive Examination

iba pang parangal ang ensemble sa MCC Choice Awards.

Kabilang dito ang 1st

Place Best Band Parade, 2nd Place Best Mallet (Lyrist) Award, 2nd Place

Best Drummer, 1st Place

Best Colorguard, 3rd Place

(NCE) ng Philippine Science High School (PSHS) noong ika-18 ng Nobyembre, 2023. Ngayong taon ay nagtala ng 1700 mga magaaral na siyang sumubok sa NCE upang makapasa sa PSHS.

Nagpahayag ng kanilang kasiyahan at pagmamalaki ang PDMES, “Binabati namin ang mga mag-aaral na siyang iskolar ng Agham sa hinaharap. Proud kaming pamilyang PDMES sa inyo!”

Kabilang sa mga mahuhusay na magaaral ay sina Art Rence G. Bermudo, Leoncio B. Casabuena III, Amber

Best Conductor, 2nd Place

Best Music, 1st Place

Best Visual, and 3rd Place

General Effect.

Sumasalamin ang mga tagumpay na ito ay sa komprehensibong kahusayan na ipinakita ng Drum and Lyre ng Placido. Nagsilbing coordinator ng Placido’s Drum and Lyre si Ms. Jessabel T. Calderon, isang guro sa Grade 5, na nag ambag sa tagumpay ng ensemble at nagtaguyod ng kultura ng kahusayan sa musika sa loob ng komunidad ng paaralan.

Yphan S. Tambaba at Charlie Sean R. Somera. Matatandaan na ang PSHS ang isa sa nangungunang mataas na paaralan sa bansa na taontaon ay may libo-libong mag-aaral ang sumusubok na makapasok sa buong bansa.

Sa pahayag ni Bermudo, ang pagsusulit sa PISAY ay pangarap niya, at labis siyang natutuwa sa pagka-proud ng kanyang mga magulang sa kanyang tagumpay.

Habang nag-ensayo ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan para sa pagsusulit na ito, ang anunsyo ng mga

pumasa ay nagdulot ng kasiyahan at ginhawa. Para sa mga hindi pinalad, nananatili ang pag-asa habang iniisip ang iba’t ibang landas, kasama na ang posibilidad ng pagaaral sa iba pang kilalang Science High Schools. Hindi lamang naglalakip ng kanilang indibidwal na tagumpay ang tagumpay nina Art Rence G. Bermudo, Leoncio B. Casabuena III, Amber Yphan S. Tambaba at Charlie Sean R. Somera, bagkus ito ay nagbibigaydaan rin para kilalanin ang dedikasyon at dekalidad na edukasyon na ibinibigay ng PDMES.

Opisyal na Pahayagang Filipino ng Placido Del Mundo Elementary School Quezon City, NCR Tomo VI Bilang I Charlotte Tabaque PROYEKTO

Nagtipon ang Supreme Elementary Learner Government LARAWAN | Jillian Montecalvo

GALING KABATAAN

SELG, naglunsad ng proyektong Reading Buddies, GO SOLAR! at iba pa

Tinalakay sa isang pagpupulong

ng Supreme Elementary Learners Government (SELG) ang kanilang proyektong naglalayong mapanatili ang malusog na kapaligiran, tutugon sa mga napipintong problema ng kabataan at pupuntirya sa interes ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan noong ika-21 ng Nobyembre, 2023.

Ilan sa mga proyektong kanilang inumpisahan ay ang pagsuporta sa clean and green program, pagkolekta ng mga papel at bote para sa kanilang solar

KAPALIGIRAN

project, Reading (buddies) Tutorials para sa mga estudyanteng hindi pa marunong magbasa, at Lost and Found Cabinet.

Pinagulong na ng SELG ang proyektong Reading Tutorials nitong nakaraang Enero kung saan naglalayong suportahan at bigyan ng karagdagang importansiya ang pagbalik ng ‘learning quality sa mga mag-aaral.

Isa rin ang GO SOLAR project ng SELG na naglalayong bawasan ang paggamit ng ‘nonrenewable energy’ at bumuo ng mas

makakalikasang pagmumulan ng kuryente sa paaralan.

Ayon kay SELG Vice President Amber Yphan S. Tambaba, “Naayos na namin ang aming mga programa at nagsimula na kami sa ilang proyekto dahil bilang mga mag-aaral, kailangan din naming mag-focus sa aming academics.”

Sa kasalukuyan, patuloy na gumugulong ang mga proyekto ng SELG at inaasahan na maraming inisyatibo ang magagawa pa para sa mga Placidonians, guro, ate at kuya, at iba pang kawanihan.

Paraisong Paaralan: QC, pinakaunang lungsod Sa Asya na magkakaroon ng Oasis Schoolyard Program

Pearl Daphne Yanga

PAGIISA. Isinagawa ang Signing of Memorandum of Understanding sa pagitan ng pamahalaang QC at Temasek Foundation.

LARAWAN | Quezon City Government

Magiging pinakaunang lungsod sa Asya ang Lungsod Quezon na pagdarausan ng OASIS (Openness, Adaptation, Sensitisation, Innovation, and Social Ties) Schoolyard Program ng Paris, France sa pakikipagtulungan ng pamahalaang Quezon City

at Temasek Foundation. Layon ng OASIS ang makapaglagay ng mga espasyo para sa mga puno at mga ‘open spaces’ para sa mga mag-aaral. Ipapatupad ang programa sa tatlong paaralan sa Quezon City, kabilang dito ang Placido Del Mundo Elementary School.

Kasama ng PDMES ang Diosdado P. Macapagal Elementary School, Manuel L. Quezon Elementary School na nakakaranas ng mga sakuna gaya ng heat waves at pagbaha dulot ng klima.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte ang Quezon City ay nakakaranas ng

matinding climate change kaya ang OASIS schoolyard program ay makatutulong nang lubos upang maiwasan ang climate change at masiguradong ligtas ang mga mag-aaral. Inaasahan na makapagdudulot ang programang ito ng mas mahusay na pagtugon sa climate change.

Inilunsad ng Supreme Elementary Learner Government ang proyektong Reading Buddies sa VI-Jose Rizal

PALIGSAHAN

Talentadong Placidonian: PDMES, wagi sa Festival of Talents

Pearl Daphne Yanga

Hindi pinalagpas ng mga mag-aaral na Placidonian mula sa ika-anim na baitang ang “Festival of Talents” contest noong Ika-23 ng Pebrero 2024.

Nanalo ang mga mag-aaral na sina Amaya Serrano, Billy Pantino, at Avril Perez sa “Recycling Contest” at “Food Preservation”.

Iniuwi ng mag-aaral na si Amaya Serrano ang gintong medalya para sa unang parangal at magsisilbing kinatawan ng District 6 sa darating na division-level ng Recycling Contest.

Magkatambal ang mga mag-aaral na sina Billy Pantino at Avril Perez sa paggawa ng atchara sa Food Preservation Contest.

Nanalo sila ng pangatlong karangalan

naman ng unang parangal ang Tandang Sora Elementary School. Ayon kay Amaya Serrano, nagkulang man siya ng oras ngunit na kaya niya pa rin gumawa ng plorera na may kasamang mga bulaklak.

Inamin din nina Billy Pantino at Avril Perez na sila ay nahirapan din sa paggawa ng kanilang atchara dahil sa metikulosong paghiwa ng mga sangkap.

Pero sa kabila ng kanilang mga paghihirap sa paggawa ng kanilang mga proyekto, kinaya parin nilang maiuwi ang ika-una at ika-tatlong karangalan para sa Placido Del Mundo Elementary School.

Naipakita ng mga mag-aaral na Placidonian ang kanilang husay hindi lamang sa pag-aaral kundi sa ibang mga gawain din.

PAGKILOS

Kabataan, Kasama Ka!

I-access ang Quezon City Climate Action 2050 at makiisa sa hakbang sa kalikasan!

INISYATIBO
LARAWAN Jillian Montecalvo Elle Janine Olores
bit.ly/QCClimate2050

GINTONG TANIKALA “

Ang usapin ng implasyon ay usapin ng buhay at kakayahang makibagay. Para sa mga mag-aaral, ito ay usapin ng edukasyon at kinabukasan

Lente ni Juan

4 sa 10

Bente pesos na bigas, maalwang buhay, kabataang nakapagtapos ng pag-aaral. Iyan ang pangako ng kampanyang MarcosDuterte, ang tinuturing na Golden Age. Sa kasalukuyan, mistulang ang tanging ginto lamang na natanggap ng mga Pilipino ay ang ginintuang tanikala ng kahirapan. Para sa mga mag-aaral, ito ay parusa sa kanilang pag-aaral.

Magmula pa noong simula ng taong 2000 nang maipatayo ang pagawaan ng sapatos at iba pang kasuotang pampaa sa tinatawag na Rubberworld na matatagpuan sa Barangay Talipapa, nakapagbigay na ito ng libo-libong trabaho sa mga mamamayan ng Barangay Talipapa at karatig barangay.

Hatid ng mababang performance ng ating ekonomiya ay maraming mga kumpanya, negosyo at industriya ang napilitang magsara, isa na rito ang Rubberworld Industries Inc.

Sa pagbubukas ng 2024, pumalo ang inflation rate sa 3.4% nitong Pebrero. Sa mataas na inflation rate, bumababa ang kakayahan ng mga mamamayan para bumili ng pangangailangan sa araw-araw. Ayon sa Department of Trade and Industry, higit bente pesos ang iniangat ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Para sa mahigit P500 minimum wage ng mga Pilipino sa Metro Manila, hindi ito sasapat.

Malaki rin ang iniambag ng pandemya sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

Pumalo na sa 18.6 trillion pesos ang utang ng bansa, 1.82 trillion pesos mula sa administrasyong Marcos Jr. Kung susumahin, bawat isang Pilipino ay may utang na

P156,000.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, tumaas ang Gross Domestic Product ng bansa ng 5.2%. Ang pagtaas na ito ay isang hangin para sa mga normal na mamamayan sapagkat napakataas pa rin ng bilihin. Sa mataas na bilang ng implasyon, bumababa ang kakayahan o ‘purchasing power’ ng isang mamamayang Pilipino. Sa ganang ito, bumababa ang kita at ang iba ay tuluyang nalulugi ang mga maliliit na industriya, partikular na ang mga lokal na pamilihan at small-scale industries. Ang pagsasara ng mga industriyang maliit at malaki ay nakapagdudulot ng masalimuot na kinabukasan para sa mga manggagawang Pilipino. Malaki ang bilang ng mga nawalan ng trabaho sa mga nagsarang kumpanya dulot ng pagkalugi. Sa kaso ng Rubberworld Industries, daan daang factory workers ang napilitang maghanap ng ibang trabaho na kalimitang nauwi sa paglipat ng lugar tirahan.

Isa ang kalagayang pinansiyal sa mga suliraning edukasyon partikular na sa pagdrop-out ng mga estudyante.

Bagaman libre ang edukasyon sa bansa, narito pa rin ang pang araw-araw na gastos sa baon, pagkain, school supplies, uniporme, at iba pang pagkakagastusan sa paaralan maliban sa tuition fees. Ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Developmental Studies, papalo sa P5000 ang pinakamababang kailangan ng isang pamilya upang makabili ng uniporme at tustusan ang pangangailangan sa school supplies ng isang mag-aaral sa ilalim ng mababang paaralan.

Ang problemang pangekonomiyang nakatali sa edukasyon ay dekada nang problemang kinakaharap ng bansa. Ang mga itinuturing na tagapamahala ng ating ekonomiya ay paulit-ulit at pare-pareho lamang. Lahat ay alipin

ng kapitalismo at kolonyalismong nagbubunsod upang tumalima sa mga negosyo at malalaking industriyang kanluranin.

Para sa isang mag-aaral na nagnanais makatapos ng pag-aaral, ito ay paraan upang makagulapay sa hirap ng buhay. Ngunit paano kung sa kasalukuyan ay tinatanggalan ang isang batang Pilipino ng karapatan upang makapag-aral?

Nararapat na magpanukala ang pamahalaan ng probisyon na mas mataas na buwis sa malalaking industriya at kumpanya. Mas paigtingin at gawing mas progresibo ang patakaran ng pagpataw ng ibabayad na buwis sa pamahalaan. Paigtingin ng mga departamento ang alokasyon ng badyet sa mga programa upang tugunan ang kahirapan sa bansa. Para sa isang Pilipinong walang wala sa buhay, malaki ang papel na dapat na pinupunan ng pamahalaan. Ang lupaypay na kalagayan ng bansa ay magpapatuloy sa kamay ng mga ganid at korap. Para sa tulad ni Juan na isang magaaral na may mga magulang na minimum wage earner sa bansa, mas mauunang magagapos ang kanyang kamay sa gintong tanikala ng kahirapan bago mahawakan ang inaasam na diploma.

na mga mag-aaral sa Placido Del Mundo Elementary School ang may isa sa dalawang magulang na minimum wage earner ayon sa Student Mapping na isinagawa ngayong taong 2024.

EDITORYAL

ISPESYAL NA ULAT
06
Punto Por Punto Matatag o Matagtag PAHINA 7
Nasaan Ang Hustisya PAHINA 8 Mata sa Mata Pilit na Isinusubo PAHINA 9
Campanilla DIBUHO Jillian Longakit

PATNUGUTAN

Punong Patnugot

Charlie Sean R.

Somera

Kapatnugot

Leoncio B.

Casabuena III

Billy T. Pantino

Rhianne D. Mendoza

Tagapamahalang

Patnugot

Sophia T. Sta.

Barbara

Charlotte C.

Tabaque

Kandyz Joyz T.

Santiago

Julia H. Sayegh

Balita

Elle Janine J. Olores

Crystal R. Oandasan

Pearl Daphne L.

Yanga

Lathalain

Inilunsad ni Vice President at Department of Education (DepEd)

Tanong ng Bayan

MATATAG O MATAGTAG

Abigail B. Nicolas

Francis Enzo P.

Acerden

Isports

Lizette Andi A.

Fernandez Vince A.

Abria

Larawan

Jillian Rein S.

Montecalvo Paul

Dibuho

Terrence B. Decena

Jillian Khaye D.

Longakit Brielle

Alexi T. Claravall

Mamamahayag

Khastiel Ckhazddy

M. Cabrera

Prince Eric E.

De Guzman Art

Clarence G.

Bermudo

Maria Cassandra

Joy A. Urcia

Kate Nathalie G.

Navoa Khastiel

Ckhazelyn M.

Cabrera

School Paper Adviser

RUBELYN R. SOTO

Punungguro

MA. DEBBIE M.

RESMA EdD/JD

Public Schools

District Supervisor

DR. MARCELINO B

GALMAN JR.

DIVISION MEDIA SUPERVISORS

MA NIMFA R.

GABERTAN

QC DIVISION

SCHOOLS SUPERINTENDENT

CARLEEN S.

SEDILLA, CESO V

Secretary Sara Duterte ang DepEd MATATAG Curriculum noong Agosto 10, 2023 sa Pasay City. Ang programang ito ay naglalayong gumawa ng mga “job ready active and responsible citizens” at ginagawa na lamang na K-10. Bagaman palyado ang K-12, ang matutugunan ba ng MATATAG Curriculum ang matagtag na hamon na kinakaharap ng lahat ng estudyanteng Pilipino? Isa sa mga naging kadahilanan sa sa paglulunsad nito ay dahil ayon sa isang pag-aaral ng World Bank noong 2021 na 90% na mga batang 10 taong gulang ay nahihirapan sa pagbasa at ang resulta ng National Achievement Test (NAT) sa Caraga noong 2021. Tinatayang nasa 36.9% at 43.61% na mga magaaral sa elementarya at sekundarya lamang ang nakakuha ng 66-85% Mean Percentage Score o MPS.

Maaaring ugatin ang mababang resulta ng NAT sa palyadong implementasyon ng K-12. Ayon sa isinagawang pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM II, nahaharap ang bansa sa kaso ng ‘miseducation’ kung saan mali ang uri ng edukasyon na natatanggap ng mga Pilipinong estudyante magmula sa konteksto ng kanilang inaaral hanggang sa problemang nais tugunan ng pamahalaan.

Pumapalo ang usapin ng badyet kung saan sa pagpapatupad ng MATATAG Curriculum, nangangailangan na naman ng karagdagang badyet upang lumikha at mag-imprenta ng panibagong modyul. Ito ay nananatiling kwestyonable sapagkat magmula noong 2012, 27 pa lang na textbooks ang matagumpay na nadedeliver ng DepEd sa mga paaralan. Tumutuon din ang usapin ng bagong kurikulum sa panibagong training na kahaharapin ng mga guro. Sa

kasalukuyan ay hindi na nangangailangan pa ng karagdagang gawain ang mga kawanihan ng paaralan, bagkus, ang kanilang panawagan ay alisin na ang mga ‘administrative tasks’ upang makapagpokus sa pagtuturo.

Ipinatupad din ng DepEd Matatag Curriculum na magbawas at gawin na lamang K-10 ang “Basic Education” upang lumikha ng mga “job ready active and responsible citizens.” Ngunit mananatiling pangakong maglalahong parang bula ito kung hindi handang tumanggap ang mga industriya ng mga nakapagtapos lamang ng Senior High School na naging reyalidad ng mga K-12 graduates. Sa pabago-bagong sistema ng edukasyong naka-angkla sa dekadang problema ng mga Pilipinong magaaral, ang matagtag na landas sa kaalaman ay mistulang mananatiling matagtag sa gitna ng panibagong DepEd MATATAG.

Ang kanilang panawagan ay alisin na ang mga ‘administrative tasks’ upang makapagpokus sa pagtuturo.

PANTAWID PAMILYA

HINDI SAGOT

SA KAHIRAPAN

Ang 4Ps o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay isang programang inimplementa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Ngunit sapat nga ba ito para sa mga magulang na “minimum wage earners”?

Bagamat maraming naitutulong ang mga

ayuda at benepisyaryong pinansyal ngunit hindi lahat ay nakatanggap ng mga benepisyaryo ng 4Ps at ito ay hindi sapat para sa mga sumasahod ng minimum wage.

Hindi lahat ng mga nag-apply para sa 4Ps ay nakatanggap ng ayuda at ang mga hindi nangangailangan ng tulong pinansyal ang nakakuha ng ayuda, kaya’t paano kaya naitatawid ang mga pang araw-araw na gastusin ng pamilya ang isang minimum wage worker. Maraming mga minimum wage worker ang hindi kayang bumili

ng kanilang mga ng mga bagay na kanilang ninanais sapagkat kailangan nilang unahin ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, mga bayarin at renta. Marami sa mga minimum wage workers ang naghahanap ng iba pang pwedeng mapagkakitaan o mapagkukuhanan ng pera upang mayroong pandagdag sa kanilang pang araw-araw na gastusin. Maraming mga kabataang tumitigil sa kanilang pag-aaral para maghanap-buhay upang

tulungan ang kanilang mga magulang sa mga bayarin. Ito’y hindi nakabubuti para sa kanilang kinabukasan. Maganda nga ang layunin ng 4Ps ngunit ito ay hindi sapat sapagkat maling mga tao ang nakikinabang at nabibigyan ng mga ayuda dito. Hindi solusyon ang 4Ps upang maibsan ang suliranin sa kahirapan. Ang pamumudmod ng pera ay panandaliang solusyon at hindi pangmatagalan. Sa halip na magbigay ng pera ay dapat magbigay na lang ang gobyerno ng mga magagandang trabaho.

Pahina 7
Filipino ng Placido Del Mundo Elementary School Quezon City, NCR Tomo VI Bilang I KURIKULUM PUNTO POR PUNTO
Opisyal
na Pahayagang
Charlie Somera
KAMI AY ONLINE NA! I-ACCESS ANG PAHAYAGAN ONLINE
BIDA KA SA KWENTO NI JUAN

NASAAN ANG HUSTISYA

CAMPA NILLA

Charlotte Tabaque

Ang kanilang panawagan ay alisin na ang mga ‘administrative tasks’ upang makapagpokus sa pagtuturo.

Wala nang makakapigil sa International Criminal Court na magsagawa ng imbestigasyon sa mga krimen na naganap sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Maraming naging krimen simula nang mayor pa si Duterte hanggang sa maging presidente noong 2016.

“ “

Dapat lamang na isagawa ng ICC ang imbestigasyon tungkol rito upang managot ang mga salarin sa krimeng ito. “

Dapat nang lumabas ang katotohanan tungkol rito upang magka-hustisya na ang mga nadamay at pinatay dahil sa Drug War.

Pati si Pangulong Ferdinand Marcos ay ayaw rin na magimbestiga ang ICC. Hindi raw kasi kailangan ng bansa dahil may justice system naman ito. Ayon sa Pangulo hindi pa alam kung babalik at makiki-miyembro ulit ang Pilipinas sa ICC.

Ayon kay Marcos noong nakaraang linggo ay hindi na kinakailangang magpamiyembro muli ang Pilipinas sa ICC dahil gumagalaw naman daw ang criminal justice.

ni dating Pangulong Duterte at Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hindi sila makikipagcooperate sa ICC. Ayon kay Dela Rosa, walang karapatan ang ICC para pakialaman ang problema sa droga ng bansa.

Posibleng magbago pa ang isip ng Pangulo at maging miyembro ulit ng ICC ang Pilipinas. Noong Mayo 2023 ay sinabi niya sa interbyu na nagkaroon ng pang-aabuso ang administrasyong Duterte sa pagpapatupad ng

Masaklap ang nangyari sa mga napatay at napatunayang inosente sa drug charges. Kabilang dito si Kian delos Santos. Si Kian ay sapilitang inaresto ng mga mga pulis sa Caloocan City at saka walang awing binaril habang nakaluhod at nagmamakaawa na huwag siyang patayin.

Masosolusyonan ito agad kung maipapangako ng pamahalaan na bibilisan ang pag-iimbestiga. Maraming napatay at nadamay sa Oplan

DIBUHO

KORAPSYON

ALITAN NG MGA IMPERYALISTA

Charlotte Tabaque

Paminsan-minsan ay may dumadating na ideya na napaka-hare-brained maging ang kanyang mga tagasuporta ay agad itong binabaril. Sa ngayon, isa na itong dating pangulong Rodrigo Duterte, at ang ideyang iyon ay humiwalay ang Mindanao sa ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa pagsasalita sa isang rally sa Davao laban sa inisyatiba na ngayon ng mga tao para sa mga pagbabago sa konstitusyon, hindi rin ito mapapayagan dahil hindi kakayanin ng mga tao sa

Mindanao dahil na rin sa dami ng mga terorista rito.

Ayon kay Duterte, Nasa kanila na daw ang lahat at nasa kanila na rin naman na daw lahat ng kailangan nila dahil mayaman daw ang Mindanao. Kaya nga ginugusto ng dating pangulo na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Nakakalungkot na kahit hanggang ngayon ay nananatiling regionalistic ang kanyang mentality. Inaasahan namin na ang kanyang pagiging presidente ay magbibigay sa kanya ng mas malawak na

pananaw. Gayunpaman, mukhang hindi ito ang kaso at gusto pa rin niyang gumuhit ng mga linya sa pagitan ng mga tao mula sa iba’t ibang mga heograpikal na rehiyon.

Kung iniisip niya ang kapakanan ng mga tao sa Mindanao ay dapat na huwag niya nang ipagpatuloy ito. Hindi nila sigurado kung kaya ng mga tagaMindanao ang mga terorista. Kaya dapat lang na huwag silang humiwalay dahil baka marami ang mamatay kung sakaling salakayin sila ng ng mga terorista.

GUTOM NA ANG MGA BUWAYA

Charlotte Tabaque

Sangkot ang maraming opisyal at empleyado ng NFA sa bentahan ng rice buffer stock sa mga piling traders na nagkakahalaga ng P93.7 milyon.

Nabulgar ang korapsiyon makaraang ibunyag mismo ng NFA na 75,000 sakong bigas ang binenta sa mga piling millers at traders sa halagang P25 bawat kilo na hindi dumaan sa public bidding. Mas hamak na mas mura ito kasya sa mga bigas na binebenta sa mga palengke na nagkakahalagang P40 hanggang P50 kada kilo.

Makaraang mabulgar ang korapsiyon sa NFA, agad na inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga sangkot na opisyal na magboluntaryong maghain ng leave of absence. Ayon kay Laurel, daraan sa

tamang proseso ang pagiimbestiga at mananagot ang mga ang mga may sala.

Noon pa mang panahon ni President Duterte ay umalingasaw na ang korapsiyon sa NFA, pero hindi nagawang malipol ang mga “matatakaw na buwaya”. Pinaghain ng early retirement ang mga opisyal at empliyado roon pero kalahati lamang ang kumagat sa alok ng administrasyong Duterte. Ngayon ay mismong mga opisyal at empleyado na ng NFA ang sangkot sa korapsiyon. Ang mabilis na imbestigasyon at pagpaparusa sa mga mapapatunayang nagkasala ay hinihintay ng sambayanan. Kailangang maparusahan ang mga “gutom na buwaya” para wala nang nahihirapan

22,016

ang walang awang pinagpapaslang

7,000 biktima ng pagpaslang nang walang “due process”

Karamihan ay biktima ng “palit ulo” o ‘mistaken identity’.

SCAN ME

Para sa repositoryo ng mga pangalan ng mga biktima ng Oplan Tukhang, bisitahin ang paalam.org

OPINYON
Pahina 8
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Placido Del Mundo Elementary School Quezon City, NCR Tomo VI Bilang I
EJK
Patrick Reyes Santos Jillian Longakit MINDANAO

ISINUSUBO

Ginagamitan na daw ng pera ang paglalagda para mapalaganap ito at maipatupad ang People’s Initiative. Sinisilaw na nila ang mga mamayan para makapalaganap ang lagda na ito sa mga mamamayan sa bansa.

Ayon kay Senator Imee Marcos, dalawangpung milyon ang inoffer sa kanila ng bawat dristrito. Dagdag pa ni Marcos, dalawangpung libo ang inaalok sa kanila ng malalaking siyudad sa bansa upang malikom at mapalagap ang lagda.

pa rin sa kabila ng sinasabing transparency sa patalakay sa Konstitusyon. Sabi ni retired Supreme Court Justice Hilario Davide Jr., ang mga problema ng bansa ay hind dahil sa 1987, kundi dahil sa pagpapatupad nito.

Kulang na lamang sabihin ng mga dating mahistrado at umakda ng Konstitusyon na huwag itong galawin dahil wala namn ditong mali. Tama na hindi na iprayoridad sapagkat maraming problema ang bansa.

Lente ni Juan

PULSO SAYAW SA APOY Ano ba ang ChaCha?

Kandyz Joyz

T. Santiago

IBALIK ANG NAKARAAN

Unti-unti ng inuurong ng Department of Education o DepEd ang pang-akademikong kalendaryo. Para daw ito sa kabutihan ng mga estudyante upang hindi na maulit pa ang nangyaring matinding pagkahilo ng mga magaaral noong nakaraang taon.

Dapat lamang na inuurong na ito dahil nga natatapat ang mga buwan ng pasukan sa mainit na panahon.

Maraming mga magaaral at mga guro ang hindi makapagpokus dahil sa init na nararanasan sa loob ng silid-aralan.

Nauna nang kinumpirma ng DepEd noong Enero 2024 na sisimulan na nito ang proseso ng untiunting pagbabalik ng old school calendar.

Naghain din ang mga mambabatas ng mga

panukalang batas na naglalayong ibalik ang taon ng pag-aaral sa Hunyo hanggang Marso.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, magiging gradual daw ang shift ng school calendar babalik daw sa karaniwang pahinga ng Abril hanggang Mayo. Kaya ang ginawa nila ay magtatapos daw ang school year sa ika-31 ng Mayo 2024, ngunit magsisimula ang panibagong taon sa Hulyo 29, 2024.

Tama lamang na ibinalik na ito sa dati dahil maraming estudyante ang nagkakasakit at nahihilo sa mainit na panahon, marami ding nahihirapan sa maulan na panahon. Magandang hakbang ng DepEd ito upang mas makapag-pokus na ang mga magaaral at mga guro sa aralin nila

at pagtulong sa mga nasa lansangan. Matindi ang ginagawang pagluluto ng Senado upang hindi mapalitan ang saligang batas na ito.

Ayon naman kay Villanueva, patuloy na maninindigan ang Senado sa pangako nito na papanalitihin ang transparency. Ang pagdinig at pagsisisyasat nagng sabay ay mahalagang gawain ng Senado.

Ngunit may mga nangangamba

Hindi na dapat pang palitan ang saligang batas ng Pilipinas. Dapat na unahin muna ng gobyerno ang mas mahahalagang mga karapat-dapat nila inuuna. Huwag pilitin ang mamamayan na isubo ang Cha-cha, hayaan sila mabusog sa sariling desisyon.

Ayon sa Philippine Institute for Development Studies, ang Charter Change ay isang paraan upang baguhin o i-amyenda ang konstitusyon.

1987 Constitution

Itinuturing ang konstitusyon o Saligang Batas ng 1987 bilang pinakamataas na batas sa loob ng bansa. Ang batas na ito ay hindi maaaring salingin, tutulan o salungatin ay tanging sa paraan lamang ng Constitutional reform maaaring baguhin.

ECONOMIC PROVISIONS, ANO YUN?

100% Basahin ang kabuuang paliwanag

Pahina 9
DIBUHO Jillian Longakit

MAGSIMULA DITO!

Lente ni Juan

Kalabog ng kutsara’t mga tinidor.

Nakahilerang mga tray na pinupunuan ng iba’t ibang panlaman sa tiyan. Mistulang rush hour sa loob ng kantina sapagkat sumapit na ang alas nuebe ng umaga, ang oras ng kainan sa mga Placidonian.

Lingid sa kaalaman ng mga mag-aaral ng Placido Del Mundo

Elementary School ang mahiwagang kamay na naghahanda sa tray na kanilang natatanggap sa arawang break time. Ang mga kamay na hinubog ng mahigit kumulang dekadang paninilbihan upang makapaghatid ng pambusog sa tiyan. Hindi man sila nakokoronahan ng ginto at napapalamutian ng mga diyamante, sila lang naman ay ang itinuturing na mga reyna ng kantina.

Isa dito si Ginang Roselyn Garcia na isang canteen teacher at isang guro din sa ikaanim na baitang. Siya ay 55 taong gulang na at labing limang taon na siyang naglilingkod sa mababang paaralan ng Placido del Mundo, pinagsasabay ang pagtuturo at pag-aasikaso sa school canteen.

Itinuturing si Gng. Garcia bilang punong tagapamahala sa loob ng kantina. Magmula sa pagmamapa ng mga pagkaing lululan sa mga pula at berdeng tray na ipapadala sa bawat silid aralan, hanggang sa pagbibilang at pagsisiguro na ang pera ay akma at tama sa dapat na kinikita.

“Mahirap magtrabaho bilang guro at maging taga-agapay sa canteen. Ang pagtatabraho bilang isang canteen teacher ay kailangan subaybayan ang mga pagkain na inihahain at ibinibigay sa mga estudyante tuwing umaga.”

Laman araw-araw ng mga tray ay ang mga fruit jellies, tinapay, siomai at marami pang iba. Alinsunod sa batas, bawal maghain ng mga prosesong pagkain sa mga pampublikong paaralan kaya mahigpit at maingat ang kawanihan ng kantina ukol dito.

“Minsan sobra at hindi nauubos ang mga pagkain na ipinapadala sa estudyante sa Grade 6 dahil nagbabaon yung iba sa kanila. May mga tira ring pagkain mula sa Grade 1, 2, at 6 na ibinibigay naman sa mga panghapon na Grade 3 at 5,” paliwanag ni Gng. Garcia.

Ayon din sa kanya, ang lahat ng pagkain na ibinigay sa mga estudyante ay dapat iulat sa punong guro para ito

ay kumpirmahin katulad Monthly Report, Sanitary Permit, at iba pa.

“May mga pagkakataon na babalik na lang ako dito, sapagkat nagtuturo din ako, tapos ang mga ate, sila na talaga ang fully na nagtrtrabaho dito. Ako [ay] mag-mamake sure na lang na tama ang bilang ng pera,” dagdag ni Gng Garcia.

Isa ring maituturing na nangunguna sa school canteen si Ate INSERT NAME patuloy ring naninilbihan sa loob ng kantina.

“Ang pinakamahirap na trabaho dito siyempre yung pang arawaraw na tutugon ka sa pangangailangan ng mga estudyante pag may pumupunta dito sa canteen. Magbibilang ng pera sa mga naibalik na tray,” ani niya.

Bagaman mahirap, hindi na bago ang ganitong serye ng gawain sapagkat nalilibang na rin siya sa halos dekadang pagtrtrabaho sa loob ng paaralan.

Sa labas ng buhay sa kaharian ng mga pagkain, tila hindi lahat ng buhay ay kasing tamis ng tinapay at kasinglinamnam ng siomai.

“Naging mahirap yung situation ko last year because members of my family passed away. Alam mo yung everyday maaalala mo na lang sila pero nalilibang naman ang sarili sa mga ginagawa dito. Napakarami pa sana naming pangarap pero wala, kailangan tanggapin. Ang mahalaga ay natapos na ang paghihirap nila,” maluha-luhang kwento ni Gng. Garcia tungkol sa hamon na kinakaharap niya sa labas ng pagtuturo at pamamahala sa school canteen.

“Mga bata, ayusin ninyo ang inyong pag aaral dahil dadating ang araw na kayo rin ang makikinabang niyan at napakaswerte niyo na nariyan ang inyong mga magulang na bigay todo ang suporta,” dagdag pa niya.

Sa labas ng kantina ay ang mga ateng walang sawang tumutugon sa mga mag-aaral at kawanihan ng mga paaralan.

Ang mga tagalinis o tinatawag na mga “ate” ay mga empleyado ng paaralan na tumutulong at kaagapay sa mga iba pang gawain ng mga guro.

Isa sa masipag at magiting na tagalinis ng paaralang elementarya ng Placido Del Mundo si Ginang Armida Abolete. Siya ay walong taon nang nagtatrabaho bilang

Arawang Kita ng mga Ate sa PDMES

DISENYO

Leoncio Casabuena

Ate Armeda

Ate Analynn
PHP

Maam Roselyn Garcia

10/11

LATHALAIN

Opisyal na Pahayagang Filipino ng Placido Del Mundo Elementary School Quezon City, NCR Tomo VI | Bilang I Agosto 2023 - Pebrero 2024

tagalinis ng Placido sa ikalimang baitang. Ang trabaho niya ay maghugas ng mga pinaggamitang pinggan at baso ng mga estudyante. Siya din ang naglilinis ng mga silid-aralan, palikuran at katulong ng mga guro sa iba pang gawain. Aniya, “Masaya ako sa aking trabaho lalo na kapag nakikita kong masaya ang mga bata.”

Pahayag pa niya, “30 pesos lamang ang sahod ko sa isang araw bale

600 pesos kada buwan at ito ay kahit paano na sapat sa pang-arawaraw na gastusin namin”. Pagod at kulang man ang kanyang kinikita ngunit masaya naman siya dahil magkakasama silang nagtatawanan ng kanyang mga kaibigan sa trabaho.

Aniya, “Kuntento na ako sa trabaho ko sapagkat mababait ang aking mga amo dito.”

Malaking tulong na hindi na siya namamasahe pagpasok

at nasusubaybayan nya din ang kanyang anak na nag aaral din sa paaralan. Nakakalibre din siya sa mga pangangailangan ng mga anak niya halimbawa na dito ang pagpi-print ng mga takdang aralin nila.

Kung susumahin, kulang pa ang 30 piso pambili ng isang kilong kanin. Maaaring sasapat lamang sa dalawang minimum na pamasahe sa jeep, hindi pa kasama ang pambili ng tinapay na nagkakahalagang sampung piso bawat isa. Sa kinakaharap na krisis sa implasyon at ang napipintong pangako ni Marcos, ang mga Pilipino ay nananatiling isang kahig, isang tuka.

Katulad nila Maam Garcia at ng mga ate sa Placido ang milyonmilyong Pilipinong banat ang buto sa pagtrtrabaho. Hindi man nakakagayak nang presentable sa trabahong sobrang hirap ngunit hindi ka yumayaman, sila naman ay siksik sa pasasalamat at pagmamahal na sapat upang ituring silang mga reyna ng kantina.

ANG HAMON NG MINIMUM WAGE PARA SA MGA

“ Kung susumahin, kulang pa ang 30 piso pambili ng isang kilong kanin.
AteCrisinda
Pag-ibig Childhood Crushes Pahina 13 Repleksyon Buhay Placidonian Pahina 12 Kalusugan Mahalaga ang Mental Health Pahina 12

Sadyang makabuluhan ang aking pagiging estudyante dito sa Placido Del Mundo Elementary School, dahil dito umiikot ang aking buhay at nagsilbing pangalawang tahanan. Ang buhay estudyante sa PDMES ay may halong saya at lungkot. Iba’t iba ang klase ng estudyante, mayroong mabait at mayron din na mang matigas ang ulo. May estudyante na pagkagaling sa eskwelahan ay diretso agad sa bahay, may estudyante naman kung saan-saan ang punta, at

BUHAY PLACIDONIAN

may estudyante naman puro aral ang gawa. Tulad ko, libro pa rin sa bahay, gumagawa ng aralin at ng proyekto, nag-aaral rin para sa exam, ay tunay na napakasaya maging isang Placidonian. Dahil dito, hinuhubog palang tayo para madagdagan ang ating kaalaman at para malaman kung hanggang saan ang ating kakayahan. Bukod pa dito ay makakakilala pa tayo ng mga panibagong kaibigan na makakasama natin sa araw-araw at mga guro na nag ti-tiyagang magturo sa araw-araw. At dahil sabi nga

na tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan, nararapat lamang na magkaroon tayo ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng ating mga karanasan at pormal na programa na nakukuha sa ating paaralan. Ito ang ating magiging armas upang maharap natin ang mga bagay na kaakibat sa ating magiging kinabukasan. Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi

KALUSUGAN

AngProgramang 5P’s o ang Placidonian Pagsasanay sa Pagiging magulang tungo sa Pinagpalang Pamilya ay isang programa na para sa mga magulang na gustong matuto kung paano mapipigilan ang kanilang anak na wakasan ang kanilang buhay kaagad.

ng Placido Del Mundo Elementary School. Noong araw ng ika - 20 ng Enero taong 2024, ang mga Young Journalist ng Placido Del Mundo Elementary School ay lumaban sa Division Young Writers Contest at ang kanilang tahanang paaralan ang nagsilbing lugar ng patimpalak.

magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pagunlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Salamat, sintang paaralan Placido Del Mundo Elementary School. Dunong, aral at kabutihang asal ang iyong dulot na dadalhin pa sa pagtungtong sa susunod na baitang. Masaya ako na ako’y isang Placidonian.

Naging mainit ang kanilang labanan dahil halos lahat sila ay angking galing at may pangarap na makaabot sa Regionals.

Noong ika - 3 ng Pebrero taong 2024, ang mga grupo ng Young Journalist ng Radio Broadcast Filipino & English at Collab Group Filipino & English ay lumaban din sa Division Young Writers Contest.

Naging mainit ang labanan ng mga grupo, sa kabilang palad ay nakaya nila ito dahil sa kanilang pagkakaisang matapos ang gawain.

Mahalaga ang Mental Health

Amber Tambaba

Isinagawa ito sa Placido Del Mundo Elementary School at pinasinayaan nito ay sila Ginoong Efren Galera, Ginang Maya Sabiniano at Ginang Rubelyn Soto. Ang programang ito ay maraming naitulong para sa mga magulang na may anak na balak magpakamatay sa mura nilang edad. Isa dito na dumalo ay si Bong na napahamak ang kaniyang anak sa sarling pagkamatay. Ang anak nya ay nakaranas ng depresyon at pagkabalisa na nakaresulta sa pagbawi ng sariling buhay. Ani niya “Ang anak ko ay lagi nasa

kwarto at nagmumukmok dahil sa kanyang nararamdaman na depresyon at pagkabalisa.”

Maraming natutunan ang mga magulang sa pamamagitan ng 5p’s program. Natutunan nila kung paano suyuin ang kanilang mga anak.

“Ang 5P’s para sa akin ay napakahalagang programa, ang pagisip sa programang ito ay lubhang napakahusay.”

Maraming bata ang nagkaroon ng tamang

PAGBUBUKAS. Isang mag-aaral ang ineensayo ang pagjojournal bilang paraan ng paglalabas ng emosyon.

LARAWAN

Jillian Montecalvo

isipan at mga magulang na natututong makipag usap sa kanilang mga anak ng matiwasay.

“Salamat sa 5P’s ay nagkaroon ang aking anak ng buhay na libre sa depresyon.”

Ako’y lubos na nagpapasalamat sa programang 5P’s dahil sa mga nagawang tulong na ito, hindi lamang sa akin pero sa lahat ng mga magulang at sa mga batang nagpapakamatay.

Noong ika - 8 naman ng Pebrero taong 2024 ay ang araw ng pagbibigay ng mga karangalan sa mga Young Journalist na lumaban sa Division. Ang mga nanalo ay nakakuha ng mga medalya, sertipiko at tropeo. Lahat ay umuwing may ngiti sa kanilang mga labi.

Ang champion ay ang Collab Group ng English at Filipino na makapagsasabing naabot

Feature Writing, hudyat na siya’y makakalaban muli sa Regionals. Naipanalo rin ni Paul Decena ang ikalawang pwesto sa Photo Journalism kaya’t pasok din siya sa Regionals.

Hindi man lahat ng Young Writers ay nanalo, masasabi pa rin natin na sila ay mga Batang may Talino sa Pagbasa at Pagsulat dahil nakaabot at nakalaban pa rin sila sa Division, masasabi nga natin na ang mga batang taga Talipapa ay BAtang may TAlino sa PAgsusulat at PAgbabasa, isang karangalang higit sa kahit ano mang medalya.

MENTAL HEALTH NARIRINIG KA NAMIN!

HOTLINE

Kung kailangan mo ng tulong, makakausap o mapagsasabihan ng problema, maaaring tumawag sa numerong ito nang libre.

Pahina 12
1553

Angkop bA sA Ating edAd Ang mAgmAhAl

Precious Etcobanez

Halos lahat tayo ay may kanya kanyang childhood crushes, pero nakakatulong ba ito sa ating pag-aaral, o distraksyon lamang?

Sa ganitong edad, maraming bata ay nagkakaroon Ng mga crushes o paghanga sa mga kaibigan, kaklase at kahit sa mga taong isang beses lamang nilang nakita, hindi nirerekomenda na magkaroon tayo ng mga crush sa ganitong edad, lalo na sa mga taong isang beses mo lang makita.

Ika nga ni Camille Suansing mula sa Lapu Lapu, “Liking someone takes time, kung gusto mo talaga sya, kilalanin mo, wag mong sabihin na gusto mo lang sya dahil sa mukha nya, dapat alam mo rin yung little things, favourite color nya, his personality, anong favourite food nya and iba pa. Dapat hindi ni ru-rush ang feelings, kasi kung nakita mo lang sya, tas nagustuhan mo na, that’d be putting him in a

pedestal, dapat malaman mo yung flaws nya, para if ever, wala kayo magiging shortcomings about his or her flaws.”

Dahil dito, may mga pagkakataon na naiisip natin, totoo ba tong pag-ibig, o puppy love lang?

O baka naman nagustuhan mo lang sya dahil sa kanyang mukha?

Maraming mga tanong tungkol sa pag-ibig ang hindi natin kayang sagutin, ngunit nasa iyo ang desisyon kung gusto mong seryosohin ang pag-ibig sa murang edad na ito, o isipin lamang ito bilang puppy love.

Ngunit angkop na ba ang ating edad sa pag-ibig? O dapat bang unahin natin ang ating pag-aaral, para sa magandang kinabukasan na hinahangad ng lahat?

Maraming mga estudyante sa Placido na iniisip na distraksyon lamang ang mga crush, at ilan na lamang roon ay sila Jillian, Rhianne, at Billy, mula sa pangkat Jose Rizal,

Erika mula sa Lapu Lapu, Marita, Angelika, Shin Izaac, Ashley, Paul, at Brix mula sa iba’t ibang mga seksyon.

Mayroon din namang mga estudyante na iniisip na nakakatulong rin ang mga crush sa atin, bilang pagiging inspiration natin upang pumasok araw-araw, kabilang doon sila; Princess mula Jose Rizal, Althea galing sa Lapu Lapu, si Jairen mula sa Gregoria De Jesus, at si Yngwie ng Artemio Ricarte.

Opinyon mo ito kung gusto mong magkaroon ng relasyon sa murang edad, o mag aral ng mabuti para sa sariling kapakanan.

Ika nga ni Marita De Vera, isang estudyante sa baitang 6 pangkat Andres Bonifacio, “Depende sya sa situation, depende din yun kung gaano mo kagusto crush mo, syempre may limitasyon din yun, at dapat alam mo rin yun. Dapat focused parin sa academics, and

mind over matter.”

Ngunit kahit saan man ang piliin mo, palagi mong tandaang ingatan Ang iyong damdamin.

Maaari nga na may relasyon ka na sa taong iniibig mo, ngunit di ka naman masaya dahil Hindi mo nakamit Ang tangi mong pangarap, o kaya naman, nakamit mo nga ang iyong pangarap ngunit Wala ka naman masasandalan sa oras Ng pangangailangan.

Kaya ito ang dahilan kung bakit, dapat hindi lamang sa mga crush natin ilaan ang ating pag-ibig. Magtira din tayo sa ating sarili at para sa mga taong laging nariyan para sa iyo, tulad ng mga guro sa ating paaralan, mga kaibigan, at iba pa.

Bago tayo magmahal ng taong hindi naman tayo kayang mahalin, dapat matuto muna tayo na mahalin ang ating sarili at mga taong nagmamahal sa atin.

Pahina 13
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Placido Del Mundo Elementary School Quezon City, NCR Tomo VI Bilang I

Gabaldon sa habang panahon

Pagpasok mo sa Paaralang Placido Del Mundo Elementary School ay bubungad sayo ang isang mahabang gusaling may matataas na kisameng gawa sa kahoy, isang hagdang nagsasalubong paakyat at mga ga-higanteng pintuang kaybigat. Ito ang kauna-unahang gusaling itinayo sa paaralan: ang Gusaling Gabaldon. Si Don Placido

Del Mundo, isang taong mayroong simpleng hangad sa kanyang buhay na magtayo ng munting paaralan upang makatulong sa mga bata sa lokalidad ng Talipapa. Kaya Itinatag nya ang paaralang

PDMES at isa ang Gusaling

Gabaldon sa mga unang naitayo rito.

Ang Gusaling

Gabaldon ay ang unanguna at pinakamatagal na gusali sa buong paaralan. Itinatag ang Gabaldon

Building noong Abril

1924 sa tulong ni Eulogio Rodriguez Sr. Sa Lungsod

Quezon, dalawang paaralan na lamang ang may natitirang Gabaldon

Building, isa ang Placido del Mundo Elementary

School dito. Ayon sa datos mula sa Vera Files, mayroon na lamang na ‘di bababa sa 3000 ang natitirang gusali ngayon. Ang ‘Gabaldon Building’, mula sa ngalan nitong ‘Gabaldon’, ay isang pamana o ‘heritage building’ na itinatag sa panahon ng American Colonial Era. Si Isauro Gabaldon, isang gobernador sa Nueva Ecija ang naging akda sa Gabaldon Act of 1907 na siyang nag-aatang na magtayo ng ‘modernong’ silid aralan na may matitibay na kasangkapan sa mga barrio na may 60 bilang ng mga mag-aaral. Inspirasyon ang mga bahay kubo, dinisenyo ang Gusaling Gabaldon ng isang Amerikanong arkitekto na si William E. Parsons. Gumagamit ng ‘reinforced concrete’ at yero ang gusaling ito bilang parte ng modernong ‘technique’ sa pagbuo ng istruktura. Higit dito, gumagamit ang Gabaldon Building ng mga ‘hardwood’ o mga kahoy na hindi madaling pamahayan ng anay at mabulok dulot ng pabago-bagong klima.

BASAHIN DITO

Lakas ng Pagbasa sa World Read Aloud Day

KUMPASAN. Isang guro sa ika-anim na baitang ang inaalalayan ang mga mag-aaral para sa pagsasagawa ng

World Read Aloud Day.

LARAWAN

Jillian Montecalvo

Sa loob ng mahigit isang dekada, tinawag ng World Read Aloud Day ang kahalagahan ng pagbabahagi

Ang World Read Aloud Day ay ginanap sa unang Miyerkules noong Pebrero at nagaganap sa Pebrero 7 sa taong ito, kung saan ang kapangyarihan ng pagbasa nang malakas ay ipinagdiriwang. Ito ay isang araw na

paraan ng pagpapanatili ng kaalaman sa tao, pananaw, at pagkamalikhain. Tinutulungan tayo ng araw na ito na ibalik ang tradisyon na ito sa pagbasa habang nagtataguyod ng literacy. Ang isang non-

kapangyarihan ng mga kuwento. Ang pagbabasa ng malakas ay napatunayan na may pakinabang sa mga bata maging ang kanilang mga tagapagalaga sa pamamagitan ng pagpapabuti ng spelling, habang ang

taon ang Gabaldon Building sa Placido Del Mundo Elementary School ngayong Abril 2024.

Pahina 14
100

HILING SA MGA TALA

Sanchez, kabilang sa paglulunsad ng librong pambata sa ilalim ng PhilSA

Ipinagmamalaki ng Placido Del Mundo Elementary School ang isang Batang Placidonian na si Kyrie Navinne V. Sanchez ng ikatlong baitang sa ilalim ni Gng. Maricel B. Santos sa pagiging bahagi ng paglulunsad ng librong pambata na “Si Tala at ang

kanyang Lakbay Kalawakan” ng Philippine Space Agency (PhilSA). Nilalayon ng Aklat na Pambata na mas maipalaganap ang kamalayan ng mga bata na magkaroon ng interes sa kalawakan at patuloy na magbasa ng mga Aklat na Pambata ang mga bata at para mas maipalaganap ang pagbabasa habang bata pa.

Si Kyrie at ang batang lalaki ay sinamahan ng kinatawan ng PhilSA na magbasa ng librong “Si Tala at ang kanyang Lakbay Kalawakan” sa publiko.

Endurance Training para sa mga Bumbero

Ang paglaban sa sunog ay isang mapanganib na trabaho na may mataas na bilang ng mga pinsala at pagkamatay, na may karamihan sa mga namamatay sa linya ng tungkulin dahil sa mga kaganapan sa cardiovascular. Bukod pa rito, nahihirapan ang mga bumbero sa mahinang kalusugan/mababang antas ng fitness, kabilang ang mataas (> 80%) rate ng sobrang timbang at labis na katabaan. May limitadong mga mapagkukunan para sa mga departamento ng bumbero

na iniayon sa kultura at mga kinakailangan sa trabaho ng mga “taktikal na atleta” na ito. Ang layunin ng pilot investigation na ito ay upang masuri ang mga resulta ng performance, katanggaptanggap, at pagiging posible ng isang makabagong firefighter fitness and wellness program (TF20) sa kalusugan, fitness, at performance ng mga firefighter recruit. Ipinagpalagay namin na ang mga kalahok sa TF20 ay magpapakita ng higit na mga pagpapabuti sa pagganap ng sunog sa lupa, komposisyon ng

katawan, at lakas kaysa sa mga kalahok sa CG. Sinuri ng pilot study na ito ang performance at acceptability ng program sa “real world conditions” para matukoy kung may kaugnayan ang TF20 training program para sa mga recruit ng bumbero habang sumusulong sila sa isang fire academy. Ang pag-aaral na ito ang unang sistematikong nagdokumento ng mga epekto ng TF20 at isa sa iilan na partikular na nagsusuri ng mga rekrut ng bumbero. Ang pagsisiyasat

Mas maipagmamalaki ng Philippine Space Agency at ng Placido Del Mundo Elementary School ang mga batang magiging interesado sa pagbasa ng Librong “Si Tala at ang kanyang Lakbay Kalawakan”.

PAG-EENSAYO

na ito ay nagbibigay ng mga magagandang resulta para sa pagiging posible, katanggaptanggap, at potensyal na bisa ng mga high-intensity na programa sa pagsasanay na idinisenyo para sa serbisyo ng sunog. Nagbibigay din ito ng kapakipakinabang na impormasyon na tutulong sa disenyo at pagpapatupad ng mas malaking randomized na kinokontrol na pagsubok at nagbibigay ng alternatibong gabay para sa reseta ng ehersisyo partikular para sa mga bumbero.

Microplastics, naka-aalarma

Billy Pantino

POLUSYON Isang mapanlikhaing pag-aaral na isinagawa ng mga mag-aaral mula sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, sa ilalim ng patnubay ni Dr. Hernando Bacosa, ay nagpakita ng nakababahalang katotohanan: ang mga mikroplastik ay mabibilang sa hangin ng Metro Manila.

Ang pagsasaliksik na ito, ang unang sa kanyang uri, ay maingat na nag-sample ng ambient na hangin sa 17 LGUs sa Metro Manila mula Disyembre 16 hanggang 31, 2021.

Ang kakaibang nakababahala ay ang paglantad sa panganib na ito sa pang-araw-araw na mga indibidwal. Ang mga tagalinis ng kalsada, mga tauhan ng MMDA, at mga commuter ay maaaring lahat na ma-expose sa mga mikroplastik na ito, ayon kay pangunahing mananaliksik na si Rodolfo Romarate II.

Ang pananaliksik na ito ay hindi lamang nagbibigay liwanag sa mga pangkapaligiran na implikasyon ng polusyon sa mikroplastik kundi pati na rin ay nagpapalakas ng kagyat na pangangailangan para sa kumprehensibong aksyon.

Mula sa mas mahigpit na regulasyon sa paggamit ng plastik hanggang sa mas mataas na kamalayan ng publiko, ang pagaddress sa isyung ito ay nangangailangan ng agarang pansin. Habang hinaharap ng Metro Manila ang hindi kitaing panganib na ito, mahalaga ang mga kolektibong pagsisikap upang pangalagaan ang kalusugan ng publiko at ang kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.

Pahina 15 Opisyal na Pahayagang Filipino ng Placido Del Mundo Elementary School Quezon City, NCR Tomo VI Bilang I AGTEK
James Enzo Beros ISANG HILING. Sa pangunguna ng punong kinatawan ng Philippine Space Agency, bumida si Adavan sa pagpapasinaya ng librong pambata. LARAWAN Philippine Space Agency
AT TEKNOLOHIYA 16/17
AGHAM
Tomo VI | Bilang I
2023
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Placido Del Mundo Elementary School
Quezon City, NCR
Agosto
- Pebrero 2024
PARANGAL
BASURA BARANGAY
ang kabuuang
ng Barangay Talipapa
sa Circular Economy DIGITAL ATTY. ERIC JUAN FACEBOOK PAGE Kalawakan Hiling ng Kabataan sa Tala Pahina 15 Pag-eensayo Endurance Training sa Bumbero Pahina 15
Talipapa sa Green Awards
MAY BUHAY
Panoorin
video
para
Isang residente
Talipapa ang mga bote bilang parte To Cash Program
Larawan | Talipapa Tinanghal bilang Champion ang Barangay Talipapa sa Green Awards ng Lungsod Quezon.

SA BASURA NG BARANGAY “

Barangay Talipapa, kinilala sa buong bansa para sa

Circular Economy

Nangunguna ang Barangay Talippaa sa pagbitbit at pagkampeon sa isyu ng kalikasan at ang pangarap na mapangalagaan ang kalagayang pangkalikasan para sa mga pamayanang urban.

Tinanghal biang Department of Interior and Local Government Awardee ang Barangay Talipapa sa pangunguna ni Barangay Captain Atty. Eric Juan para sa proyektong Circular Economy: May Buhay sa Basura ng Barangay at Quezon City Green Awards Champion para sa Barangay Category.

Sa ilalim ng CIrcular Economy, mistulang pinapaikot ang mga basura at itinuturing na mga bagay na patapon sa loob ng barangay.

Nagsisimula ito sa mga pagkolekta ng bagay tulad ng mga bote, PET bottles, coco pit at coconut husks, karton, papel, at iba pang recyclables sa ilalim ng Trash-to-Cash program ng Barangay.

Ang mga nabubulok na basura ng barangay ay inilalagay sa vermicast na mayroong mga bulate upang makatulong sa pagpapabilis ng pagkabulok ng mga food scraps at gagamiting pataba para sa gulayan ng barangay.

Nagmumula ang mga produkto ng KADIWA stores sa gulayan ng barangay at ibinebenta sa mas mababang halaga kumpara sa mga nakikita

sa palengke at pamilihan.

Sa ilalim din ng KADIWA stores, namimigay din ang barangay ng mga libreng gulay na lubos na nakatutulong sa mga kabarangay na walang walang makain sa araw araw,

Naglalagak din ng budget ang barangay para sa mga kagamitan upang mapalakas ang recycling ng Barangay.

Isa ang makinang shredder sa binili ng pamahalaang barangay upang iproseso ang mga basura mula sa mga buko vendors at lumilikha ng mga coco peat na ginagamit sa aquaphonics, hydrophonics at aerophonics na pinagaaralan ding paigtingin upang magamit sa mga punla.

“Pinagiisa na rin natin na yung solid waste management, naeencourage na rin sila na magtanim.” paliwanag ni Atty. Eric Juan. Sa ilalim ng KADIWA store, tumatanggap din sila ng mga kalakal bilang bayad sa mga nais bumili ng gulay. Ang nakolektang pera mula dito ay ginagamit ng barangay para i-sustain ang mga eco parks at eco farms.

“Sa ECA, we have to submit yung kinikita natin, sabi ko mahirap yan, kaya kami, kinikilo namin yung mga nakukuha namin sa palengke. Yung yard waste and trimming namin, kinikilo din namin. Para we could have an

Kaya dumami yung urban farmers natin kasi we use the budget to fund and support aspiring urban farmers in the Barangay.
ATTY. ERIC JUAN Barangay Talipapa

actual report ano,” dagdag ni Atty. Juan.

“Lahat ng basura po, nagreresource recovery kami, divert na lang nang divert. Even textile wastes.”

Ilan sa mga

ginagawang trading ng barangay ang mga basahan mula sa nakolektang textile waste at ang pagbuo ng mga eco bricks bilang parte ng kanilang compact farming.

Nagsasagawa din ng trash to cash program ang barangay sa bawat huling Lunes ng buwan para sa mga natitirang recyclable sa mga kabahayan.

Naglunsad din ang barangay ng Environmental Points program na ginagamit para sa Community Feeding Program.

Nagsimula ang programang circular economy nang magsimula ang termino ng Barangay Captain na si Atty. Eric Juan.

Bukas din ang Barangay para sa mga nais magtour at magbenchmark ng kanilang mga ecoparks at programa.

Sa ilalim ng Barangay Talipapa, ang bawat subdivision ay may tig-iisang eco park.

Inaasahan na sa susunod pang mga taon ay mas dadami pang mga taga Barangay Talipapa ang magkakaroon ng interes at suporta sa urban farming upang makatulong sa ating kalikasan at kabuhayang pang-ekonomiya.

KARANGALAN
BUHAY
Charlotte Tabaque
MAY
“ “
Polusyon Plastik! Alarmed na dapat tayo Pahina 15 residente ng Barangay nagpaabot ng parte ng Trash Program ng Barangay Talipapa Peoples Civic Center
Isa si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga nagsagawa ng pagbisita sa Barangay Talipapa at matuto sa kanilang isinasagawang Circular Economy Program Larawan | Talipapa Peoples Civic Center

SIPA SA TAGUMPAY

PDMES Taekwondo Team, sumipa ng tansong medalya

Nagmarka si Jehn Carnille Rendon ng karangalan para sa Placido Del Mundo Elementary School (PDMES) matapos masungkit ang ikatlong gantimpalang tansong medalya sa ginanap na Kyurogi Division sa Division Meet para sa Taekwondo noong ika-9 ng Pebrero 2024 sa Esteban Abada Elementary School sa Lungsod Quezon.

Makamandag na lakas at matinding ensayo ang ginamit

upang maiuwi ang gantimpala na ginanap sa Kyurogi Division na nilahukan ng higit isang daang manlalaro mula sa Lungsod Quezon at Distrito sa QC. “Mahirap yung naging training, talagang pukpukan kami para maitawid ang lahat. Pero masaya na lahat ito nagbunga. Talagang disiplina lang talaga sa sarili, mula sa kinakain, sa routine, sa mga nakasanayan at gawi upang maging mabuting manlalaro at

atleta,” saad ni Rendon tungkol sa paghahandang kanyang ginawa.

Limang beses sa isang linggo ang kanilang laban tuwing Sabado, Linggo, Lunes, Miyerkules, at Biyernes.

Patunay si Jehn Carnille Rendon, isang babaeng kalahok na mula sa PDMES, sa ikalimang baitang na nagbubunga ang pagpupursiging mag-ensayo, sa kadahilanang siya ay magtagumpay.

Sinanay si Rendon sa ilalim ni Coach Michael Diokno, isang Grade 3 teacher na pursigidong sinanay ang kanyang mga trainee na nagresulta upang makamit ni Rendon ang ikatlong puwesto.

“Bilang trainer, nandun yung pressure na gawing in-shape ang mga manlalaro mo lalo na sa ispesipikong oras lamang ng pag-eensayo. Pasalamat pa rin kasi kahit papaano ay nagbunga ang

taekwondo program ng paaralan sa suporta ng lahat mula sa pamunuan, magulang hanggang sa mga kapwa guro at magaaral,” saad ni Diokno.

Patuloy pa rin ang PDMES sa paghubog ng mga atletang Pilipino at mas pinapaigting pa ang taekwondo program sa paaralan bilang paghahanda sa Palarong Pambansa na ginaganap taon taon.

PDMES Drum and Lyre Corp, sumiklab ang kagalingan

Ang PDMES “THE AMBASSADORS”

drum and lyre corp. ay nagwagi ng iba’t ibang karangalan dahil sa kanilang tunay na kagalingan. Sila ay nagwagi ng 2nd place sa Maginhawa food and arts festival noong ikalawa ng Disyembre, 2023. Sila ay muling nag-uwi ng tropeyo nang sila’y nagwagi sa MMC

drum and lyre competition noong ikawalo ng Disyembre, 2023. Ang mga sumusunod na kanilang napanalunan ay: 1st place Best in Color Guard, 1st place in Best Band Parade, 1st place Best Visual, 2nd place in Best in Drumline, 2nd place Best in Music, 3rd place Best in Mallet, 3rd place in Best Conductor, 3rd place General Effect,

at MMC CHOICE AWARD.

Ngayon, sila ay ginawaran bilang District VI Champion sa Drum and Lyre Competition na ginanap noong ikadalawang pu’t -pito ng Enero, 2024 sa GSIS Elementary School, ang mga karangalan na kanilang natanggap ay ang mga sumusunod: 1st place Marching Band, 1st place Best in Drumline, 1st place

Best in Mallet, 2nd runner up JUNIOR DIVISION, 2nd place Most Discipline, 2nd best in Choreography, 3rd place best in Color Guard, 3rd place Best in Uniform, at GSIS VES CHOICE AWARD.

Lahat ng ito ay nakamit nila dahil sa kanilang pagsasakripisyo at kasipagan sa pageensayo, tayo ay nag papasalamat rin sa

kanilang mga magulang na hindi nagsawang suportahan ang mga bata. Gayundin ay malaking pagpapasalamat sa trainor na si Bb. Jessabel T. Calderon, isang guro ng grade 5, at ang nagsilbing coordinators na si G. Cesar Vidania at ang kanyang assistant coordinator ng PDMES drum and lyre. At ang ating mga trainors na si

Mr. John Rasty Tupaz, ang kanilang conductor; Ms. Mikaela Ferrer, color guard instructor; Mr. Timothy James Samson, drumline instructor; at Ms. Jillain Mae Fababeir, mallet instructror. Lubos kaming nag papasalamat sa inyong sakripisyo, mga Placidonians!

TAEKWONDO
MUSIKA
Kate Natalie Navoa Handa na ang koponan ng Placido Del Mundo Elementary School Taekwondo matapos ang matagumpay na pag-eensayo sa PDMES Covered Court LARAWAN Jillian Montecalvo

DUTDOT CHRONICLES: ISANG SALIKSIK SA

E-SPORTS

An enemy has been slain! Yan ang ilan sa mga maririnig mong tunog sa loob ng paaralan sa Placido del Mundo Elementary School.

Sa-pagaaral na ito, nais nating tingnan kung gaano na nga ba kasikat ang e-sports sa loob ng paaralan at ano ang epekto nito sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa ilalim ng tinatawag na gaming culture.

8 sa 10

na mga mag-aaral sa PDMES ang naglalaro ng mobile games. Mula sa mga datos na nakalap karamihan ng mga mag-aaral na nabibigyan ng cellphone ay naglalaro ng mobile games.

Ayon sa datos, nasa ika-anim na baitang ang may pinakamataas na bilang ng mga mobile gamers sa paaralan.

OOPS! NO PHONES ALLOWED

Mariing pinagbabawal ng mga guro ang paggamit ng gadget at mobile devices sa loob ng paaralan lalong lalo na sa oras ng klase sapagkat ito ay maituturing na distraction sa pag-aaral.

KONTRA GAPI. Matagumpay na nasungkit ng PDMES Sepak Spikers ang ginto matapos ang naganap na Division Meet sa Manuel L. Quezon Elementary School.

LARAWAN

Cristopher Abaigar

LABAN SA WALO PDMES, Sepak Spikers pinabagsak ang walong paaralan

Vince Abria

Hindi pinalagpas ng Sepak Takraw

Spikers at pinabagsak ang walong paaralan at pinanalo ang Division competition sa General Roxas Elementary School nitong ika-16, ika17 at ika-18 ng Pebrero.

Si Anthony Sotelo ang nagbuhat at nagwagi ng best player sa nanalong grupo,15-11 at 15-13, noong nakalaban nila ang Manuel L. Quezon Elementary School (MLQES) dahilan upang sila ay manaig.

Masayang masaya ang kanyang kagrupo dahil sa pagkakapanalo kontra walong paaralang kasapi ng Division Meet ng Lungsod Quezon.

Sabi ni Sotelo, “Masayang na naiiyak ako dahil nanalo kami at nakaabot sa championship at nag stay humble kami at hindi nagmayabang sa iba

pang paaralan.”

“Talagang ang training namin, everyday. Mahirap pero kinakaya. Salamat sa lahat ng sumuporta sa aming koponan. Kung hindi dahil sa kanila, lalo na sa aming coach, ay wala kami ngayon dito,” dagdag niya.

Si Eugebio G. Totto ang coach nila Sotelo nagpaimprove sa kanila upang mas gumaling sila sa kanilang laban, Ang coach nila ay natuwa dahil nanalo parin kahit wala ang kanyang pinakatinututukan na si Jusleigh Payumo ang nagpaimprove sa kanila upang mas gumaling sila sa kanilang laban

“Rule No.1 ko sa kanila ang discipline at minomotivate ko sila habag nag tra-train ko sila araw – araw at pagbabato ko ng bola para tamaan nila at practice nila ang leg movement at Matulis na

mata , At pagtrain ko sa kanila na may paghihirap, pwersige at determinasyon upang ihanda sila para sa laban” sabi ni Sir Eugebio G. Totto.

Inaasahan na mas iigting pa ang gagawing pag-eensayo ng Sepak Spikers sa kanilang pagharap sa Regional Palaro kontra sa ibang siyudad sa Pambansang Punong Rehiyon.

“Sana magtuloy tuloy yung aming pagkakapanalo. Yung suporta din sana lalong lalo na sa mga bata ay sana magtuloy-tuloy lalo na ngayon na nakikita natin na nagpeperform sila talaga,” saad ni G. Totto.

Patuloy din ang PDMES sa paghubog ng mga susunod pang mga star players ng sepaktakraw sa paaralan at pagtingin ang pagmamahal sa laro.

HAMPAS PARA SA PANGARAP

Vince Abria

Maraming tao ang nagsasabi na ang larong Volleyball ay simple lamang.

Ang aking kaibigan na si Jack Florence Dalton ay isang Volleyball player ng aming eskwelahan. Siya ay sobrang galing at lagi ko syang nakikita na nakakatalo ng mga schools ngunit paano ng aba siya nakarating kung saan na siya ngayon?

SI Jack ay isang matalinong estudyante sa ika-6 na baitang at pinagsasabay niya ang training sa paglalaro ng volleyball sa pang-araw araw na gawain sa paaralan.

Ang paglalaro ng Volleyball ay hindi basta basta dahil kailangan mo ng matinding na power upang manalo.

Just like any sport, volleyball is a labor of love

Wika niya ilang buwan daw siyang nagtraining upang maimprove angt kanyang power sa bawat ispike. Siya ay natatawa na lamang sa mga taong nagsasabi na Madali lang maglaro ng Volleyball. Nainlove siya sa larong ito dahil nahahasa ang kanyang resistensya at power dagdag pa niya iba ang sayang kanyang nararamdaman pag naglalaro ng Volleyball. Ngayon,Siya ay isang honor student at nanalo ng sari’t saring awards bilang isang volleyball player.

ISPORTS Pahina 19
E-SPORTS
SUPORTA

SMASH. Isang manlalaro sa PDMES Shuttler ang ag-eensayo bilang paghahanda sa nalalapit na District Meet noong Enero 2024

LARAWAN

Jillian Montecalvo

Quezon

Tomo

BALIKAN TAEKWONDO PDMES

Taekwondo, nasungkit ang ikatlong pwesto

Makamandag na lakas at matinding ensayo ang ginamit upang maiuwi ang gantimpala na ginanap sa Kyurogi Division noong ika-9 ng Pebrero 2024.

PAHINA 18

E-SPORTS Dutdot Chronicles: Pag-aaral

Higit sa mga nakasanayang laro tulad ng basketball, sana ay makita niyo rin ang aming isport.

PAHINA 19

TINGNAN ONLINE!

Maari ninyo nang ma-access ang pahayagan online! Magpunta lamang sa official Issuu Account ng Panulat Ni Juan: bit.ly/PanulatNiJuan2024

Higit sa pagkakapanalo, yung maipakita na ang mga Placidonians ay hindi lamang magaling sa pag-aaral, kundi pati sa sports ay isa nang malaking karangalan para sa akin.

PAGHAWI’Y TANSO

Shuttlers, sumagitsit sa podium finish, 3rd place sa Division Meet

Bumandera ang magkapares na sina Jehn Arianne Peralta at Kim Angela Suyom sa Doubles Match-up sa Quezon City Division Meet upang maibulsa ang tansong medalya na ginanap Lungsod Quezon nitong Pebrero 2024.

Wagi sina Peralta at Suyom kontra sa ikaapat na distrito sa round one ngunit pinaluhod ng Masambong Elementary School dahilan upang ma-unsiyame ang gold run ng paaralan.

Nirepresenta ni Princess Nicole Garay ang Girls Singles sa Division at matagumpay na nakaabot sa 1st Round ng laban,

ngunit sa kasamaang palad ay pinadapa ng Masambong Elementary School.

“This run has been a great test of strength and determination for us as a team. Malayo na ang narating namin kumpara nitong mga nakaraang taon. For a pretty young set of players, proud na proud na ako sakanila,” saad ni Bb. Bulante, ang opisyal na tagapagsanay ng Badminton program sa paaralan.

Matatandaan na dinomina ng Shuttlers ang District Meet na ginanap sa buong ika-6 na distrito ng Lungsod.

Tinanghal sina

Princess Nicole Garay

para sa Singles B Girls at ang pares na sina Dizon at Siriban para sa Double Boys bilang kampeon sa buong distrito sais. Matagumpay ding nakaabot sa District Finals sina Chloe Regondola para sa Singles A Girls, Paul Terrence Decena para sa Singles A Boys, at Keanne Khyle Oliver para sa Singles B Boys. Sa kasalukuyan, wala nang inaasahang laban ang Shuttlers dahilan upang mas maagang masimulan ang pag-eensayo at paghahanda para sa susunod na tapatan bitbit ang pangarap patungo sa taunang Palarong Pambansa.

ISPORTS
na Pahayagang Filipino ng Placido Del Mundo Elementary School
Opisyal
City, NCR
VI | Bilang I

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.