Ang Sampung Utos Buhay San Miguel

Page 1


ANG SAMPUNG UTOS Buhay San Migu e l

Isinulat nina Br. Jesus N. Matias, OFS Christian Francis T. Matias

PHILIPPINES


ANG SAMPUNG UTOS Buhay San Miguel

Text Š 2016 by Br. Jesus N. Matias, OFS and Christian Francis T. Matias Published and distributed by Paulines Publishing House Daughters of St. Paul 2650 F.B. Harrison Street 1300 Pasay City, Philippines E-mail: edpph@paulines.ph Website: www.paulines.ph Cover design and Inside Illustrations: Christian Francis T. Matias All rights reserved. No part of this book may be reproduced, stored in a retrieval system or transmitted without the written permission from the publisher. First Printing 2016 ISBN 978-971-590-820-7

at the service of the Gospel and culture


M ga N ilalaman Panimula

Mga Tauhan ng “Buhay San Miguel�

Unang Utos:

Ang Diyos Lamang ang Tanging Diyos

Pangalawang Utos: Ang Pangalan ng Diyos ay Banal

Pangatlong Utos: Alalahanin at Ipangilin ang Banal na Araw ng Panginoon

Ikaapat na Utos: Igalang Natin ang Ating Ama at Ina Ikalimang Utos:

Pangalagaan Natin ang Ating Buhay at ang Buhay ng Iba

Ikapitong Utos:

Huwag Kayong Magnakaw

Ikaanim na Utos: Huwag Kayong Mangalunya Ikawalong Utos: Huwag Kayong Sasaksi nang Walang Katotohanan Laban sa Inyong Kapwa

Ikasiyam na Utos: Huwag Kayong Magnasa sa Asawa ng Inyong Kapwa

Ikasampung Utos: Huwag Kayong Magnasa sa Ari-Arian ng Inyong Kapwa

5

7

13 25 33 41 47 51 57 63 69 75


PA N I M U LA Anong larawan ng Diyos ang pinupukaw sa isipan ng Sampung Utos? Kadalasan iniuugnay ito sa larawan ng Diyos na nagbabantay at handang hulihin ang sinumang hindi sumusunod. Nahihirapan ang karamihan na iugnay ang Sampung Utos sa larawan ng Diyos na nagmamahal at umaakay sa tamang daan.

Ito marahil ang dahilan kung bakit mas nakatuon ang ating pansin sa mga “ipinagbabawal gawin” kaysa sa “nararapat gawin.” Ang buhay natin sa mundong ito ay binubuo ng mga ugnayan o relasyon—sa Diyos, sa kapwa, sa sarili at sa kalikasan. Sabi nga ni Apostol San Pablo, “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.” Nagsisilbing gabay ang Sampung Utos o Dekalogo upang maisabuhay natin ang ating mga relasyon nang naaayon sa kalooban at plano ng Diyos. Ipinapaalala ng Sampung Utos na nilikha tayo ng Diyos na Pag-ibig upang umibig at ibigin. Natutupad ang layuning ito kapag isinasabuhay natin ang Sampung Utos. Naipapahayag natin ang pagmamahal sa Diyos Ama nang higit sa lahat, at ang pagmamamahal sa kapwa gaya ng pagmamahal natin sa sarili. Ang kawalan ng pagmamahal sa ating puso ang nagdudulot ng sugat sa sangkatauhan. Ito ang nais lunasan ng Sampung Utos.

Nawa’y magsilbing gabay ang Sampung Utos, at hindi hadlang sa pagsasabuhay ng pag-ibig na ito.

Noong sinimulan namin ang komiks ng Buhay San Miguel sa CBCP Monitor noong 2013, naging layunin namin ang makapaghatid ng kaalaman tungkol sa ating pananampalatayang Katoliko sa pamamagitan ng mga nakatutuwang karanasan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng Pilipino.


Dito sa aming unang aklat, nawa’y mapalalim namin ang pag-unawa at tamang pagsasabuhay sa Sampung Utos.

Nagpapasalamat kami kay Msgr. Pepe Quitorio sa pagkakataong ibinigay niya sa amin na ipakilala ang Buhay San Miguel sa Simbahan. Inaasahan at idinadalangin din naming maipagpatuloy ang misyong ito sa pakikipagtulungan ng Paulines Publishing House. Purihin ang Panginoon!

Br. Jesus N. Matias, OFS at Christian Francis T. Matias


MG A T A U H A N N G “ B U H A Y SAN MIGUEL”

Fr. Jose Domingo Mapagmahal at mapagsilbing kura-paroko ng Parokya ng San Miguel.

7


Francisco

Sr. Maria Agustin

Masunurin at masiyahing sacristan ng Parokya ng San Miguel.

Madreng kontemplatiba na magaling sa pagbubulay-bulay. 8


Aling Petra

Julianna

Ina ni Francisco, mabait at madasalin ngunit maraming pamahiin.

Kapatid na babae ni Francisco, mahilig sa pag-aari para maging sikat 9


Benedicto Mas batang sacristan at kaibigan ni Francisco, masayahin ngunit may kakulangan sa talino.

Don Pedro Negosyanteng tapat sa pamilya nguni’t mahilig sa kayamanan. 10


Aling Rosa

Don Simon

Biyudang maysakit na may malakas at praktikal na pananampalataya.

Nakatutuwang alkalde ng San Miguel nguni’t mahilig sa kapangyarihan. 11


Kapitan Ruben

Mang Rudy

Retiradong pulis na palaaway nguni’t masigasig sa pananampalataya

Pulubing mapangutya sa ibang tao at sa mundo. 12


Pangalawang Utos

A N G PA N G A LAN N G D I Y O S AY BANAL


Sabi ng PANGALAWANG UTOS: BANAL ANG PANGALAN NG DIYOS!

Huwag gagamitin ang pangalan ng Diyos nang walang kabuluhan!

DIYOS KO PO NAMAN! Ang kulit ninyo! Time for me to relax, you know!

SUSMARYOSEP NAMAN JULIANNA! Naglakwatsa ka na naman sa mall!

26


Sabi ng PANGALAWANG UTOS: BANAL ANG PANGALAN NG DIYOS!

Ang pinakasimpleng dasal ay ang pagbigkas ng Pangalan ni Hesus nang buong pagmamahal!

Si Sister Maria Agustin, ugali na niyang sabihin ang Pangalan ni Hesus paulit-ulit, buong araw!

Kaya’t lagi siyang PEACEFUL!

Hesus... Hesus... Hesus...

27


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.