Anak ng Pitong Sala

Page 1


Mga Nilalaman PAMBUNGAD

ix

I. ANG KASALANAN AT MGA EPEKTO NITO SA BUHAY NG TAO

1

II. ANG PITONG SALA AT MGA ANAK NITO

4

1. Kapalaluan

4

2. Kasakiman

11

3. Inggit

15

4. Galit

19

5. Kahalayan

25

6. Katakawan

34

7. Katamaran

37

III. MGA HAKBANG TUNGO SA PAGBABAGO

43

Pagsisikap Magpakumbaba Pagtuklas sa Sariling Kahinaan at Pagsasaayos Nito Pagpapaumanhin sa Kapwa Pagiging Mapagbantay sa Isip at Pandama Debosyon sa Mahal na Puso ni Hesus Debosyon sa Mahal na Birhen Pagtanggap sa mga Sakramento Mortipikasyon Matibay na Pagpapasya at Araw-araw na Paggawa ng Kabutihan

44 45 45 46 47 47 48 49 50

v


Panalangin ng Pananampalataya, Pag-asa, at Pag-ibig Pagninilay sa Apat na mga Huling Bagay Pag-iwas sa mga Okasyon ng Kasalanan Regular na Pagdarasal Katapatan sa Biyaya Pagbabasa ng Bibliya at ng Talambuhay ng mga Santo Pananahimik

51 53 56 57 57 58 59

IV. TALAAN NG MGA PAGLABAG SA MGA UTOS NG DIYOS AT MGA UTOS NG SIMBAHAN 60 V. PAGSUSURI NG BUDHI

75

VI. PAGSISISI SA KASALANAN

85

VII. PAGKUKUMPISAL

88

VIII. RESOLUSYON

91

vi


PAMBUNGAD

“A

ng kasalanan ay nagtutulak sa kasamaan; nagbubunga ito ng bisyo sa pamamagitan ng paulit-ulit na paggawa nito. Lumilikha ito ng mga baluktot na hilig na nagpapalabo sa konsensiya at sumisira sa pagpapasyang piliin ang mabuti at ang masama ay iwaksi. Samakatuwid ang kasalanan ay dumadami at tumitindi… Ang mga bisyo ay maaaring turingan batay sa mga kabutihan na kanilang kasalungat, o maaari rin na iugnay sa mga kapital na kasalanan na natukoy ayon sa karanasan ng mga Kristiyano, at ayon din sa mga itinuturo ni San Juan Cassian at San Gregorio ang Dakila. Tinatawag silang “kapital” sapagkat nagbubunga sila ng iba pang mga kasalanan, at iba pang mga bisyo. Ang mga kapital na kasalanan ay ang kapalaluan, kasakiman, inggit, galit, kahalayan, katakawan, at katamaran” (CCC, 1865-1866). Laganap sa mundo ang krisis sa pananampalataya. Ang “loss of sense of the sacred” at ang kakambal nitong “loss of the sense of sin” ay parang kanser na kumalat na sa bawat himaymay ng lipunan. Dulot ng modernismo ang kaisipang kanya-kanya. Ang indibidwal ang nagiging saligan ng batas. Ang prinsipyong “kung saan ka masaya” ay nagiging batayan ng moralidad. Nababale-wala na ang tinig ng awtoridad. Nalimutan na ang utos ng Diyos. Hindi na itinatanong kung tama ba o mali ang isang desisyon. Ang itinatanong ay kung saan magiging masaya o kung saan magkakapera sa anumang pamamaraan. “Sin is not merely breaking the law; sin also breaks relationship.” Winawasak ng kasalanan ang ugnayan ng tao sa Diyos, ugnayan sa kapwa, maging ang sarili niyang pagkatao at kahulugan ng kanyang pag-iral. Sin therefore also breaks

ix


the heart. Kasawian, kalungkutan, pagkakahiwa-hiwalay, at sukdulang kamatayan ang idinudulot ng kasalanan sa indibidwal o sa lipunan. Kaya kinasusuklaman ng Diyos ang kasalanan, sapagkat hadlang ito sa kanyang magandang pangarap para sa tao: ang lasapin ang kaligayahan na matatagpuan lamang sa piling Niya. Hangad ng munting aklat na ito na magsilbing simpleng gabay sa masalimuot na pagtahak sa landas ng buhay-espiritwal. Kung ang pag-uukulan lamang ng pansin ay mga pagkakasala at mga bunga nito, hindi ito magiging gaanong kapaki-pakinabang, kaya minabuti kong pag-ukulan rin ng kagyat at maigsing pagninilay ang mga lunas sa mga kasamaang tatalakayin. Lubhang kinakailangan na pagsikapan natin ang pagtupad sa paanyaya ng Diyos sa atin na “Dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit” (Mateo 5:48). Ang landas tungo sa kaganapan ay puno ng hamon at balakid. “Makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay” (Mateo 7:14). Ang mga kahinaan na dala ng kasalanang minana natin sa ating unang magulang ay patuloy nating babatahin. Sa espiritwal na paglalakbay, ang simple subalit praktikal na tagubilin ni Santo Padre Pio ng Pietrelcina ay “Sempre avanti” (always forward). Laging pasulong! Hindi dapat paurong; hindi rin maaaring nakahinto lamang. Naalala ko na sinabi ng isang paring tagapaghubog ko noong ako ay seminarista, “There is no standstill in spiritual life; you either progress or regress.” Hindi rin maaring nakahinto lamang; kailangan ay laging pasulong sa landas ng pagsunod kay Kristo. Kung ikaw ay umaatras, ikaw ay mapapahamak. Kung ikaw naman ay nakahinto, umaatras ka na rin sapagkat sinasayang mo ang iisa at maigsing buhay at binabale-wala mo ang maraming pagkakataon na ibinibigay ng Diyos upang mapalapit ka sa Kanya. Tanging sa Kanya lamang nagmumula ang lakas at kakayanang palitan ng kabutihan ang anumang bisyo at mga bunga nito.

x


II. Ang Pitong Sala at mga Anak Nito

A

ng pitong kapital na kasalanan ay tinukoy nina St. John Cassian at Pope Gregory the Great: kapalaluan, kasakiman, inggit, galit, kahalayan, katakawan, at katamaran. Ang mga paksang ito ay hinimay, pinalawig at ipinaliwanag ni Santo Tomas de Aquino sa kanyang imortal na Summa Theologica. Tinawag niyang “daughters” ang mga bunga ng pitong sala. Sisikapin kong ipaliwanag ang mga paksang ito gamit ang aking payak na pagkaunawa. Ang layunin sa paglalahad na ito ay unawain at pagnilayan ang mga anak ng pitong sala upang maiwasan ang mga ito at nang sa gayon mamuhay tayong kaisa ng Panginoon sa diwa ng pag-ibig.

1. KAPALALUAN (PRIDE) Ang kapalaluan ay ang labis na paghahangad ng karangalan. Nag-uudyok ito sa tao na ituring ang sarili na higit sa iba. Sa kabila ng katotohanan na maaaring may nakahihigit sa kanya, itinatanggi niya ang katotohanang ito. Samakatuwid, ang kapalaluan ay pagsalungat sa katotohanan. Ang totoo ay hindi ka nakahihigit palagi sa iba sa lahat ng larangan at sa lahat ng sandali. Mayroong mga tao na hihigit sa iyo sa ibang larangan ng buhay. Ang lalong pinakamalaking katotohanan ay kung ihahambing ng tao ang sarili sa walang-hanggang kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos. Mababatid ng tao na siya ay walang-

4


wala at dukhang-dukha. Ito ang katotohanan. Subalit ito ang sinasalungat ng kapalaluan. Bawat pagkakasala ay nagmumula sa kapalaluan. Dahil sa kapalaluan iniisip ng tao na hindi siya sakop ng batas ng Diyos. Samakatuwid, lahat ng bisyo ay anak ng kapalaluan. Ang mga palatandaan na meron kang kapalaluan ay ang mga sumusunod: •

Paghahangad sa mga bagay na hindi nararapat sa iyo

Pagmamayabang ng mga bagay na hindi naman sa iyo

Pagmamalaki ng mga bagay o katangian na bigay o pahiram lamang sa iyo

Labis na pagpapahalaga sa mga bagay o katangian na nasa iyo

Pangmamaliit sa kapwa

Ang bisyo ay anumang tinataglay na maling ugali, gayon din ang mga maling gawa na nakasanayang gawin. Hindi lamang paglalasing, paggamit ng droga, o pagsusugal ang maituturing na bisyo. Ang mga maling saloobin ay bisyo. Ang mga maling gawain na paulit-ulit nating ginagawa ay nagiging bisyo. Ang mga bunga ng kapalaluan ay ang mga sumusunod na bisyo: •

Pagsuway (disobedience)

Pagmamayabang (boastfulness)

Pagiging ipokrito (hypocrisy)

Pakikipagtalo (contention)

Pagiging matigas ang ulo (obstinacy)

Pagkikipag-alitan (discord)

Pagiging mahilig sa mga bago (love of novelties)

5


Kababaang-Loob: Ang Birtud na Lunas sa Kapalaluan Ang lunas sa kapalaluan ay kababaang-loob (humility). Madalas inaakala natin na ang kahulugan ng kababaangloob ay pagpapaka-aba, pangmamaliit, o pangungutya sa sarili. Hindi ito ang tamang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng kababaang-loob. Ang pagpapakumbaba ay nangangahulugan ng pagtanggap sa katotohanan. Halimbawa: ang katotohanan na hindi ikaw ang paborito o hindi ikaw ang pinakamaganda o pinakagwapo sa magkakapatid, o hindi ikaw ang pinakamatalino sa klase, o hindi ikaw ang pinakasikat sa barkada, o hindi ikaw ang pinakamayaman sa magkakasosyo sa negosyo, at iba pa. Maaaring mahirap o masakit harapin ang mga katotohanang ito bagaman ito ang totoo. Nahihirapan tayong tanggapin ito sanhi ng ating “fallen nature.” Nagbunga kasi ng ilang kahinaan sa ating kalikasan ang minana nating kasalanan. Nagdulot ito ng tatlong masasamang epekto sa ating pagkatao: panlalabo ng isipan, panghihina ng kalooban, at pagkagusto sa masama. Ito ang dahilan kung bakit hindi natin maharap o matanggap ang katotohanan kapag ito ay hindi ayon sa ating inaasahan. Malaki ang maitutulong ng pananalangin. Dito tayo nakatatanggap ng tulong at lakas mula sa Maykapal. Ang pagdulog sa Diyos ay isang pagkakataon upang ipahayag ang pagpapakababa yayamang kaharap mo ang Makapangyarihang Diyos. Narito ang “Panalangin ng Pagpapakababa”: O Hesus, maamo at mababang-loob, dinggin mo ako, Sa pagnanais na hangaan, ilayo mo ako,

9



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.