Ang katuparan: Gabay sa Pag-aaral ng Bagong Tipan

Page 1


B ro. R ene B arlis

ANG KATUPARAN (Kamangha-manghang Malasakit ni Jesucristo)

PHILIPPINES


ANG KATUPARAN: Kamangha-manghang Malasakit ni Jesucristo Bro. Rene Barlis Nihil Obstat: Reverend Father Noel Nuguid Director, Diocese of Balanga Youth Ministry October 28, 2015 Imprimatur: Most Reverend Ruperto Cruz Santos, DD Bishop of Balanga October 28, 2015 Inilathala at pinalalaganap ng Paulines Publishing House Daughters of St. Paul 2650 F. B. Harrison Street 1300 Pasay City, Philippines E-mail: edpph@paulines.ph Website: www.paulines.ph Disenyo ng Pabalat: Ann Marie Nemenzo, FSP Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang makapaglilimbag ng aklat na ito kung walang nakasulat na pahintulot ng naglathala.

Unang Paglilimbag 2016 ISBN 978-971-590-796-5

at the service of the Gospel and culture


MENSAHE Ayon sa isang lumang kasabihang inuugnay sa Talmud ng mga Hudyo, mayroon daw tatlong bagay na nararapat gawin ng isang lalaki upang manatili ang kanyang alaala sa mundo. Ang mga iyon ay: “magtanim ng puno, magpalaki ng mga anak at magsulat ng aklat.” Sa palagay ko ay naisakatuparan na ni Bro. Rene Barlis ang mga iyon, lalo na ang pagsulat niya ng “munting aklat” na Ang Katuparan na batay sa kanyang mga pagninilay at karanasan sa kanyang matagal na paglilingkod sa pagbubuo, paghuhubog at pagpapalaganap ng Basic Ecclesial Community (BEC) sa parokya ng San Jose Manggagawa sa Cabcaben, Mariveles Bataan sa loob ng maraming taon buhat pa sa panahon ng yumaong Fr. Peron, CICM. Noong seminarista pa lamang ako ay nabasa ko na ang matagumpay na programa ng BEC sa Cabcaben bilang nanguna (pioneer) sa pagbubuo ng mga munting sambayanan na ito sa ating diyosesis. May mga nagtatanong sa akin at madalas ay mga aktibong naglilingkod sa ating simbahan, kung bakit nahati nang nahati ang ating parokya, at sa kasalukuyan ay nanganak pa ng tatlong parokya tulad ng Parokya ng Immaculada Concepcion sa Alion, Parokya ng Sto. Niño sa Alas-asin at Parokya ng Sta. Gemma sa Mt. View. Bakit lumiit na ang parokya ng San Jose Manggagawa sa Cabcaben? Sa aking palagay, ang mga parokyang nabanggit ay natatag dahil na rin sa pagbubuo ng mga munting sambayanan sa ibang bahagi ng ating sambayanan. Dahil doon, naging aktibo ang mga mananampalataya sa pakikilahok sa simbahan at mga kapilya at nagkaroon ng mga lider layko na buong pusong naglilingkod sa simbahan. Hindi ba’t may kaugnayan din ang pagbubuo ng mga Sambayanang Kristiyano sa pagbubuo


ng mga parokya? Ang mga Munting Sambayanang Kristiyanong ito ay tinatawag ngayon sa ating diyosesis na Kristiyanong Magkakapitbahay (Krisma). Patuloy pa rin ang pakikisangkot at pakikibahagi ni Bro. Rene sa programang ito ng ating diyosesis. Ang munting aklat na ito ay malaki ang maitutulong bilang gabay ng mga Krisma communities sa kanilang paghuhubog sa pananampalataya. Ang taong 2014 ay itinalaga ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) bilang taon ng mga Layko (Year of the Laity) upang bigyang diin ang mahalagang ginagampanan ng mga layko sa ating simbahan sa pagpapabanal at pagpapanibago ng mundo. Kailangan natin ang mga laykong katulad ni Bro. Rene upang maisakatuparan ang Bagong Ebanghelisasyon (New Evangelization) ng simbahan sa ating makabagong panahon. Ang munting aklat na ito ay kanyang sinulat bilang tugon sa misyong ito ng pagpapalaganap ng ating pananampalataya bilang layko sa konteksto ng Kristiyanong Magkakapitbahay (Krisma). Nawa ay patuloy siyang pagpalain ng Panginoon kasama ng kanyang buong pamilya sa kanyang pagsaksi bilang aktibong layko at mananampalataya. At nawa, marami pang tumugon at maglingkod tulad niya sa ating simbahan. Makatulong nawa ang kanyang munting aklat sa mga nagnanais na patuloy na lumago sa pananampalataya at maging gabay ng mga lupon ng Krisma sa ating parokya at sa ating Diyosesis. Fr. Rosauro V. Guila Kura-Paroko ng Parokya ng San Jose Manggagawa


Diocese ng Baguio Bishop’s Residence #72 Fr. Carlu Street P.O. Box 55, Baguio City 2600 Philippines

Tel. No.: (074) 442-3756 (074 442-6443 Fax (074) 442-5748 Email: diocesebaguio@gmail.com

Mensahe Napakagaling ng maliit na aklat na ito, Ang Katuparan Kamangha-manghang Malasakit ni Jesucristo, na akda ni Bro. Rene Barlis. Ang layunin ng aklat ay upang makatulong sa pagunawa sa Magandang Balita—Ebanghelyo. At palibhasa’y hango ito sa karanasan ni Bro. Rene at ng kanyang mga kasamahan sa paglilingkod sa parokya ni San Jose sa Cabcaben, Mariveles, Bataan, alam nila kung anu-ano ang mga tanong patungkol sa Bibliya ng mga laykong katulad nila. Makakatulong ang aklat na ito upang maunawaan nang mas maigi pa ang pagmamalasakit na ipinakita ng Diyos, lalung-lalo na ang pagsasagawa ng misyon ng anak niyang si Jesucristo. Minamahal tayo ni Jesus, at hinahanap niya sa atin ang pananampalataya. Ang aklat ni Bro. Rene ay makakatulong sa ating pagtugon sa pagmamahal ni Jesus sa atin.

Bishop +Carlito J. Cenzon, CICM, DD Diocese ng Baguio


DIOCESE OF BALANGA

MeSSAGE “Listen! The sower went out to sow…” (Mark 4:3) Pope Pius X mentioned the rewards from reading the Bible such as spiritual delight, love of Christ, and zeal for His cause. Saint Jerome affirmed that to be ignorant of the Bible is to be ignorant of Christ. In the Bible we meet and know Jesus. From a text message that I received, Bible is described as “Basic Instructions Before Leaving Earth.” True enough through reading the Bible and reflecting on His words, Jesus tells us what is to know, what is to believe, and what to do in order to be with Him and reach heaven. And this is what Brother Rene Barlis wants to impart with his very interesting and inspiring book, ANG KATUPARAN. Here we will learn many things. We will be enlightened and encouraged to read more about the Bible, especially the New Testament. And we will be challenged to be faithful to His Words and translate everything into good deeds. I congratulate Brother Rene Barlis for his beautiful book, ANG KATUPARAN, a great help to know our Lord Jesus more closely. It is also a valuable tool to nourish our Basic Ecclesial Communities.


Let us then set aside a certain time to read the Bible and put the message of Jesus into practice. And this book, ANG KATUPARAN, will assist us to be more informed, later on be transformed as sowers of His Words. With paternal blessings and prayers, I remain, Sincerely yours in Christ, +Ruperto Cruz Santos, DD

Bishop of Balanga and the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Chairman for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People


MGA NILALAMAN Pag-aalay

Pambungad Paunang Paglalahad Kabanata: 1. Ipinakikilala

X XII

1

2. Katuparan

15

4. Ang Ebanghelyo ayon kay Mateo

34

3. Ang Ebanghelyo ayon kay Marcos 5. Ang Ebanghelyo ayon kay Lucas 6. Gawa ng mga Apostol

7. Ang Ebanghelyo ayon kay San Juan

8. Ang mga Sulat ni Juan at Ang Pahayag 9. Si Pablo at ang kanyang mga Sinulat

10. Iba pang mga Sulat sa Bagong Tipan 11. Ang Katuparan at ang Krisma

12. Mapa ng Palestina ng kapanahunan ni Jesus

30 41 47 51 56 65 72

74

77

Tala-Aklatan (Bibliography)

80

Pasasalamat

81

IX


PAG-AALAY Mga Mahal kong Ka-ugnayan kay Jesucristo, Ang tinaguriang “Alagad sa mga hentil” na si San Pablo, sa kanyang masigasig na pagsusumikap upang ipalaganap ang pananampalataya sa Kristong muling nabuhay ay nagwika, “kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig; at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Cristo (Rom. 11:17). Maliwanag ang tatlong punto kay Pablo, pananampalataya, pakikinig at pangangaral, pero ang lahat ay nakatuon kay Cristo. Marahil makakatulong kung atin ring pakinggan si San Geronimo, ang nagsalin ng Bibliya mula sa wikang Griyego at naging wikang Latin. Ang wika niya “Ang kawalang kaalaman sa Bibliya ay kawalang kaalaman kay Cristo. Sa isang pag-aaral ng Bibliya ay may nagsabi ang kawalang kaalaman sa isang bagay ay hindi masabing may nagawang mabigat na kasalanan; maaring tamang argumento. Subalit ang sadyang pananatili sa kawalang kaalaman ay tuwirang pag-iwas sa pananagutan na magdudulot ng kapahamakan sa sarili at sa kapwa, isang malaking kasalanan.

Isang mapait na katotohanan sa mananampalatayang katoliko ang kawalan/ kulang ng kaalaman sa Banal na Kasulatan. Bilang paalaala at panghihikayat, si Papa Benedicto XVI ay naglabas ng encyclical na may pamagat na Porta Fidei. Itinakda ang Oct. 11, 2012 hanggang Nov. 24, 2013, bilang taon ng pananampalataya. X


Kanyang hinimok ang mga mananampalataya na ang pananampalatayang kaloob (biyaya) ay isaloob (isabuhay) at ipagkaloob (ibahagi). Ang maliit na aklat na ito ay isang pagtatangka na bigyan ng kasagutan ang mga karaniwang tanong na madalas mabanggit sa mga Biblia-rasal na dinadaluhan.

Ito rin ay buong galak na inialay sa mga masisipag na Katekista, Guro ng Relihiyon at sa lahat na nagnanais na ang kamangha-manghang malasakit ni Cristo ay mapalaganap, lalo na ang mga nagtataguyod ng KRISMA.

XI


Pambungad Ang aklat na ito ay bunga ng ilang taong karanasan ng mga layko rito sa itaas na bahagi ng Mariveles, Bataan, dating nasasakupan ng parokya ni San Jose, ang Manggagawa. Kusang-loob silang nagkabuklod upang pagbalik-aralan ang Mabuting Balita, pagnilayan ito, isabuhay at ibahagi sa kapwa. Sa pagbuo ng aklat na ito, mithiin nilang tulungan ang iba na basahin at unawain ang Ebanghelyo ayon sa nais ipaabot ng mga Ebanghelista, at iangkop ang mensahe sa kasalukuyang panahon. Ang pagbabahaginan upang mabuo ang aklat na ito ay ginawa nang ayon sa kakayanan at hanap-buhay ng bawat isa, halimbawa, empleyado, guro, mangingisda, magsasaka at mga medyo-retirado. Ito ang kanilang munting katugunan sa paanyaya ng Ikalawang Konsilyo Vaticano. Isinasaad sa Ad Gentes blg. 21: “Hindi pa tunay na naitatatag at buháy na buháy ang simbahan/sambayanan at hindi pa rin ito isang ganap na tanda ni Cristo sa mga tao hangga’t walang laykong karapatdapat sa taguring ito na kumikilos na kaisa ng kaparian; sapagkat hindi magkakaroon ng matibay na pundasyon ang Mabuting Balita sa mga talino, buhay at gawain ng mga tao kung walang laykong masiglang kumikilos. Kaya mula pa sa pagtatatag ng simbahan, kailangan ng maingat na paghubog at pagbuo ng ganap na Kristiyanong layko.” 1 1. “The church has not been really founded, and is not fully alive, nor is it a perfect sign of Christ among (people), unless there is a laity worthy of the name working along with the hierarchy. For the Gospel cannot be deeply grounded in the abilities, life and work of any people without the active presence of lay (people). Therefore, even at the very founding of a church, great attention is to be paid to establishing a mature, Christian laity”. (Ad Gentes 21, The Documents of Vatican II, Walter M. Abott, S.J. General Editor).

XII


KABANATA 1 Ipinapakilala sa Kabanatang ito ang mga tauhang malapit kay Jesus; gayundin ang mga taong gusto siyang patahimikin. Inilalahad din dito ang mga pananalita, lugar, at ilang mga bagay na may kaugnayan sa pagkabuo ng aklat2 ng Mabuting Balita at pantulong sa pagbasa at pagunawa nito. I.

Labindalawang Alagad ni Jesus (Mt 10:1-4; Mc 3:13-19; Lc 6:12-16)

Humirang si Jesus ng labindalawang (12) alagad na tinawag niyang Apostol. Naging kasamasama niya sila, sinugo silang mangaral, at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo (Mt 10:5-15; Mc 6:7-13; Lc 9:1-6).

1. Simon Pedro: Isang mangingisda, taga-Galilea (Mt 4:18-20; Mc 1:16-18; Lc 5:1-11); mabilis, subalit padalus-dalos magpasya; naging tagapagsalita ng Labindalawa; tinawag din siyang “Cephas� o Bato, ( Jn 1:42). Pabagu-bago ang kalagayan ng kanyang pananampalataya, tulad din ng silakbo ng kanyang damdamin. May pagkakataong malakas ito (Mt 16:17), pero madali rin naman itong manghina (Mt 16:23). Dalawang mahalagang bagay ang dapat makita kay Pedro: 2. Simon Jenkins, The Bible From Scratch (Quezon City: Claretian Publication, 1989), pp. 96, 112-113.

1


a) Nang ipahayag niya na si Jesus ang Mesiyas, Ang Anak ng Diyos (Mt 16:13-20), itinalaga siya bilang Pinuno ng Sambayanan3 (Mt 16:18). Nasaksihan din niya ang pagbabagonganyo ni Jesus (Mt 17:1-13; Mc 9:2-8; Lc 9:28-36). b) Pagkadakip kay Jesus, palihim na sumunod si Pedro sa pinagdalhan sa Panginoon, pero dahil sa tindi ng pagkatakot, tatlong beses na itinatwa ni Pedro si Jesus (Mc 14:6672). Gayunman, pinatawad ng Panginoon ang kahinaan ni Pedro at binigyan siya ng pagkakataong bawiin ang tatlong ulit niyang pagtatatwa sa pamamagitan ng tatlong ulit ding pagpapahayag ng kanyang pag-ibig sa Panginoon ( Jn 21:15-19).

2. Juan: Ayon sa tradisyon, siya ang “alagad na minamahal ni Jesus� ( Jn 21:20-24). Anak ni Zebedeo at mangingisda rin tulad ng kapatid niyang si Santiago. Tinatanggap ng marami na siya ang sumulat ng ikaapat na ebanghelyo. Siya ang tanging alagad na namatay sa kanyang katandaan.

3. Santiago: Mangingisda rin at kapatid ni Juan. Kasama nina Pedro at Juan na nakasaksi ng “pagbabagong-anyo ni Jesus. Kauna-unahang

3. Dito ay bigyang pansin natin ang kagandahan ng ating wika. Pinag-isang salita ang SAMBA at BAYAN, idinagdag ang hulaping AN, naging Sambayanan. Sambayanang buhay, gumagalaw.

2


4.

5. 6.

7.

8.

9.

martir sa mga apostoles at ang tanging nabanggit na pinatay sa pamamagitan ng tabak (Gwa 12:2). Andres: Kapatid ni Simon Pedro at isa ring mangingisda. Sa Ebanghelyo ni Juan, sinasabing disipulo ni Juan Bautista si Andres bago siya naging apostol ni Jesus ( Jn 1:40). Felipe: Mula sa lalawigan ng Galilea at kababayan nina Pedro at Andres. Marami siyang tanong kay Jesus tungkol sa Ama ( Jn 14:8-10). Bartolome: Alagad na palaging kasama ni Felipe. Siya marahil si Natanael, ang Israelitang walang pagkukunwari ( Jn 1:45-47), na siyang nagsabing, “walang mabuting maaaring manggaling sa Nazaret” ( Jn 1:46). Mateo: Tinatawag din siyang Levi (taga-singil ng buwis) sa Ebanghelyo ni Marcos (2:14) at Lucas (5:27). Dito sa bahay niya nagsalita si Jesus: “Ang mga maysakit ang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang walang sakit” (Mt 9:12). Tomas: Kilala sa tawag na “Didimo” o “Kambal” ( Jn 11:16), subalit nabansagan ding “Mapagalinlangan” dahil di agad siya sumampalataya pagkarinig na muling nabuhay ang Panginoon. Siya rin ang mapusok na nagsabi, “Sumama tayo sa kanya, kahit sa kamatayan” ( Jn 11:16). Simon, ang Makabayan: Maliban sa kanyang pangalan, walang gaanong sinasabi ang Biblia tungkol sa kanya. Maaaring may kaugnayan siya 3


sa mga naghihimagsik sa umiiral na sistemang Romano, bago nakilala si Jesus.

10. Santiago: Nakikilala sa taguring “anak ni Alfeo.” May tradisyong nag-uugnay sa kanya kay Mateo, na ayon sa Ebanghelyo, ay anak rin ng isang nagngangalang Alfeo. Walang ibang dokumentong nagpapakilala sa kanya.

11. Judas Tadeo: Mas kilala sa tawag na Tadeo. May nabuong debosyon sa apostol na ito bilang patron ng mga “walang pag-asa at mga kahilingang imposible.” 12. Judas Iscariote: Nagkanulo kay Jesus (Mt 10:4; Mc 3:19; Lc 6:16). Ang madalas o malaking katanungan tungkol sa kanya ay kung “Bakit niya ginawa iyon?”

Pansinin ang mga sumusunod:

a) Siya ang nag-iingat ng salapi ng grupo. b) Kinukupit ang kanilang salapi ( Jn 12:6). c) Maaaring natakot sa mga gagawin ng mga Romano kay Jesus at mga alagad, kaya nilinis ang pangalan sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan. d) Walang maliwanag na dahilan sa pakikipagkasundo ni Judas sa mga saserdote at pagkakanulo kay Jesus, subalit may binabanggit na pera (Mt 26:14-16; Mc 14:10-11; Lc 22:3-6) — tatlumpung pirasong pilak ayon sa Ebanghelyo ni Mateo; ngunit ibinalik ito ni Judas bago nagpakamatay (Mt 27:5).

4


Mga huling eksena sa buhay ni Judas bago namatay si Jesus:

1. Nanghinayang sa binuhos na pabango sa mga paa ni Jesus ( Jn 12:1-8). 2. Nakipagkasundo sa halaga upang ipagkanulo si Jesus (Mt 26:14-16). 3. Tinukoy ni Jesus ang magkakanulo sa kanya ( Jn 13:21-30). 4. Ipinagkanulo si Jesus sa pamamagitan ng halik. (Mt 26:47-50). 5. Salaysay ng pagpakamatay ni Judas (Mt 27:310).

II.

Juan Bautista • Pinsan ni Jesus, dahil magpinsan sina Elizabeth na ina ni Juan at si Maria na ina ni Jesus. • Pagkaraan ng apat na raang taong walang narinig na propeta, dumating si Juan. • Ang aklat ni Malakias ang nagsabi, “Isusugo ko sa inyo si Propeta Elias” (3:23). Sinabi ni Jesus sa Ebanghelyo ni Mateo, “Kung maniwala kayo, siya ang Elias na darating (Mt 11:14). • Nagbinyag sa mga tao at kay Jesus (Mt 3:1-17; Mc 1:4-8; Lc 3:3-16). • Nangaral tungkol sa pagsisisi at sa kaharian ng Diyos at inihanda ang daraanan ng Panginoon (Mt 3:1-12; Mc1:1-8; Lc 3:1-18; Jn 1:19-28). • Matalas ang pananalita (Mt 3:7b) “kayong lahi ng mga ulupong....” • Pinapugutan ni Herodes (Mt 14:1-12; Mc 6:1429; Lc 9:7-9). 5


KABANATA 4 Ang Ebanghelyo Ayon kay MATEO

a. Ang May-Akda: Walang tuwirang sinasabi sa Mabuting Balita na si Mateo, ang alagad na maniningil ng buwis ang may-akda nitong Ebanghelyong nakapangalan sa kanya. Subalit sang-ayon kay San Ireneo, Obispo ng Lugdonom ng Gaul (ngayon ay Lyons, France), sa bandang huli ng ikalawang siglo (2nd Century), tunay daw na si Mateong alagad ni Jesus ang sumulat. Sang-ayon sa ilang dalubhasa, ang Ebanghelyo ni Mateo ay sinulat sa Aramaico (cf. Papias ng Hierapolis) ngunit higit na kumalat at ginamit ang kopyang nakasulat sa wikang Griego. Hindi maliwanag kung saan napunta ang tekstong Aramaico, ngunit maliwanag na ang Ebanghelyo ni Mateo na ginagamit natin ay sinulat sa Griego at hindi mula sa pagkakasalin ng Aramaico. b. Petsa: 85-90 AD ang pinapanigan ng karamihan. c. Lugar: Antioch, Syria; Palestina. d. Para Kanino: Mga Kristiyanong Hudyo na ang salita ay Griego. Binibigyang pansin ni Mateo ang mga bagay na mahalaga sa mga Hudyo. Halimbawa, ang mga salita (cf. 5:22; 10:25) at mga kaugaliang Hudyo, paghuhugas ng kamay bago kumain, pagsusuot ng philacterio. Madalas din gamitin ang pahayag ng katuparan: “Naganap ito ayon sa ipinahayag sa mga propeta.�

34


Sinisimulan ang tala-angkanan ni Jesus kay Abraham, ang ninuno ng lahing pinili.

e. Pangunahing ideya: 1. Isinasaad sa Mt 28:16-20 na si Jesus ang katuparan ng Lumang Tipan. Siya ang Cristo (v.18) na nagtataglay ng lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa. Ipinahahayag din nito ang misyon ng mga alagad/simbahan (vv.1920). Lahat ng nilalaman ng Ebanghelyo ay binibigyang-liwanag ng tekstong ito.12 May nagsasabing ito rin ang batayan kung bakit nauna ang Ebanghelyo ni Mateo sa “canonical order” o pagkakaayos ng mga aklat ng Bagong Tipan. Maliwanag na nagpapakita na ang katuparan ng Lumang Tipan ay si Jesus (v. 18) Madalas gamitin ng unang pamayanang Kristiyano dahil sa paglalahad ng pananaw at misyon (vv. 18-20). Isa sa mga pangunahing ideya: Si Jesus, ang Cristo (Christological affirmation v. 18), ay palaging kasama ng sambayanan. 1:23 Emmanuel – kasama natin ang Diyos

18:20 Kung may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon ako kasama din nila.

28:20 “Ako’y laging kasama ninyo... katapusan ng sanlibutan.”

12. Herman Hendrickx, From One Jesus to Four Gospels. (Quezon City: Maryhill School of Theology & Claretian Publication, 1991), pp. 19-22.

35


“Ibinigay na sa akin ang lahat ng Kapangyarihan sa Langit at lupa.” Nabale-wala ang tatlong tukso ng diablo (Mt 4:8-10) sa pangungusap na ito.

• Mt 11:27 – “Lahat ay ipinagkaloob ng Ama” (cf. Dn 7:14) • Mt 6:10 – “langit at lupa” • Mt 28:18 – (cf. Dn 7:13-14). Patungkol sa pangitain ni propeta Daniel, “…Ang pamamahala niya’y di matatapos, at hindi mawawasak ang kanyang kaharian.”

Simbahan / Sambayanan (Mt 28:19-20) Simbahan / Sambayanan ay kalipunan ng mga alagad na naghuhubog ng iba pang mga alagad. “Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa, Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo” (v. 19). Ito ang misyon na ibinigay ni Jesus sa kanyang mga alagad bago siya umakyat sa langit. Mayroong simbahan/ sambayanan dahil may misyon. Gaya ng mga sumusunod:

• Nagpapahayag ng kapatirang pantay-pantay (Mt 18) • Mga lingkod na naglilingkod sa isa’t isa (Mt 24:45-51) • Pagbibigay pansin sa papel ni Pedro, ngunit kaalinsabay ang babala sapagkat di pa gaanong nauunawaan ang mensahe ni Jesus at di pa gaanong matatag ang pananampalataya. Ang tukso rin ng kapangyarihan, kayamanan at katanyagan ay nakaumang at nag-aantay lamang ng pagkakataon (Mt 16:19-20). • Ang mga katayuan o titulo, bagama’t may halaga, ay di dapat maging pangunahing layunin/batayan.

36


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.